Junior High School Baitang 7 Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) GABAY SA EsP Unang Kwarter - Unang Linggo Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan sa Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata Baitang 7-Edukasyon sa Pagpapakatao Kompetensi: 1.Natutukoy ang mga pagbabago sa kanyang sarili mula sa gulang na walo o siyam hanggang sa kasalukuyan sa aspetong: (a.) pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa kasing-edad,( b.) Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan,( c.) pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala sa mga ito, (d.) pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa pakikipag-kapwa/lipunan (e.) pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya, (f.) pagkilala ng tungkuin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga/nagbibinata (EsP7PS-la-1.1) 2. Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata (EsP7PS-la-1.2) Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 7 Gabay sa EsP Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata Unang Edisyon, 2020 Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang Gabay sa EsP o anumang bahagi nito ay inilathala upang gamitin ng mga paaralan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na ipinagbabawal. Development Team of GABAY sa EsP Writer: Janet C. Agreda Illustrators: Armand Glenn S. Lapor, Janet C. Agreda, John Mhar T. Titular Layout Artists: Lilibeth E. Larupay, Armand Glenn S. Lapor, Caryl G. Palomo, Gleceria T. Ojanola Division Quality Assurance Team: Lilibeth E. Larupay, Atty. Fevi S. Fanco, EdD. Percy M. Borro, Dr. Ruth Isabel B. Quiñon Armand Glenn S. Lapor, Dr. Luda G. Ahumada Ralph F. Perez, Caryl G. Palomo Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Nordy D. Siason, Jr. Dr. Lilibeth T. Estoque, Dr. Azucena T. Falales Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay Percy M. Borro, Dr. Ruth Isabel B. Quiňon Baitang 7-Edukasyon sa Pagpapakatao Kompetensi: 1.Natutukoy ang mga pagbabago sa kanyang sarili mula sa gulang na walo o siyam hanggang sa kasalukuyan sa aspetong: (a.) pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa kasing-edad,( b.) Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan, (c.) pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala sa mga ito, (d.) pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa pakikipag-kapwa/lipunan (e.) pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya, (f.) pagkilala ng tungkuin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga/nagbibinata (EsP7PS-la-1.1) 2. Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata (EsP7PS-la-1.2) Paunang Salita Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 7. Ang Gabay sa EsP ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ginawa ito upang gabayan ang mga mag-aaral, at ang mga gurong tagapagdaloy na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12. Layunin ng Gabay sa EsP na mapatnubayan ang mag-aaral sa malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang malinang at makamit ang panghabambuhay na mga kasanayan habang isinasaalang-alang din ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Para sa gurong tagapagdaloy: Ang Gabay sa EsP ay ginawa upang matugunan ang kasalukuyang pangangailangan ng mga mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro, tiyaking maging malinaw sa mga bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan o sasagutan ang mga gawain sa materyal na ito. Para sa mag-aaral: Ang Gabay sa EsP ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Pangunahing layunin nito na ikaw ay matulungan sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Sa paraang ito magkakaroon kayo ng kalayaan na pag-aralan ang nakakaaliw na mga gawaing napapaloob sa material na ito. Basahin at unawain upang masundan ang mga panuto. Hinihiling na ang mga sagot sa gawain ay isulat sa hiwalay na papel (activity sheet or worksheet). Baitang 7-Edukasyon sa Pagpapakatao Kompetensi: 1.Natutukoy ang mga pagbabago sa kanyang sarili mula sa gulang na walo o siyam hanggang sa kasalukuyan sa aspetong: (a.) pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa kasing-edad,( b.) Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan, (c.) pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala sa mga ito, (d.) pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa pakikipag-kapwa/lipunan (e.) pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya, (f.) pagkilala ng tungkuin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga/nagbibinata (EsP7PS-la-1.1) 2. Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata (EsP7PS-la-1.2) Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata Magandang Araw! Handa ka na ba? Ang Gabay sa ESP na ito ay magsisilbing gabay sa pag-aaral upang patuloy mong mapaunlad iyong kaalaman bilang mag-aaral sa EsP sa Ikapitong Baitang. Pagkatapos ng leksiyong ito, inaasahang ikaw ay: Natutukoy ang mga pagbabago sa kanyang sarili mula sa gulang na walo o siyam hanggang sa kasalukuyan sa iba’t ibang aspeto. Koda: EsP7PS-la-1.1 Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata. Koda: EsP7PS-la-1.2 SIMULAN MO Panuto: Sagutin ang mga tanong. 1. Ano ba ang nakikita mo sa larawan? 2. Nasa anong yugto ng buhay ng tao ito madalas ginagawa? 3. Bakit kaya napapadalas ang pagtingin mo sa iyong sarili sa ganitong yugto? Marahil napapansin mo na ang malaki mong pagbabago mula noong ikaw ay nasa mga unang taon mo sa elementarya. Marami kang ginagawa noon na ayaw mo nang gawin ngayon. Okay lang yan! Hindi lang naman ikaw ang nakakaranas ng ganitong pagbabago. Maging mapang-unawa at lilipas din ang yugto kung saan nakakalito para sa iyo at sa iyong mga kasing-edad. Ang lahat ng tao ay nakaranas ng pagbabagong nakikita mo sa iyong sarili kung kaya dapat mong malaman at maintindihan ang mga pagbabagong ito. Baitang 7-Edukasyon sa Pagpapakatao Kompetensi: 1.Natutukoy ang mga pagbabago sa kanyang sarili mula sa gulang na walo o siyam hanggang sa kasalukuyan sa aspetong: (a.) pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa kasing-edad,( b.) Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan, (c.) pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala sa mga ito, (d.) pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa pakikipag-kapwa/lipunan (e.) pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya, (f.) pagkilala ng tungkuin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga/nagbibinata (EsP7PS-la-1.1) 2. Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata (EsP7PS-la-1.2) 1 SURIIN MO Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang mga salita na may kaugnayan sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata. Kulayan ang iyong sagot o lagyan ng linya. Maaaring ito ay pahalang, patayo o pahilis. A X F Z Q A W A S A M A W M E G W E T S E D A S O A D G E A T D T R L A D H O I A P T T U T I W T I W A L A U R B U N A I Y A D R G Y E N I I D G A Y D T T Y S M O S I Y I R U U A O P I P S T A N U I I N A O Z W A O W V O O S G N N C A K I A H S P I K N S S B A K T I A B U A U A A H T W K N I S X D I B Y X A A L G J A G D A L A W W D P O J A B O S E S U A A O P E K A I B I G A N T B O K G K O I A U K L I Mga Pagbabago sa Kakayahan at Kilos sa Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata 1. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations) 3. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki. 2. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasiya. 5. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala nito. 4. Pagtamo at pagtanggap ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa. Baitang 7-Edukasyon sa Pagpapakatao Kompetensi: 1.Natutukoy ang mga pagbabago sa kanyang sarili mula sa gulang na walo o siyam hanggang sa kasalukuyan sa aspetong: (a.) pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa kasing-edad,( b.) Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan, (c.) pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala sa mga ito, (d.) pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa pakikipag-kapwa/lipunan (e.) pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya, (f.) pagkilala ng tungkuin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga/nagbibinata (EsP7PS-la-1.1) 2. Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata (EsP7PS-la-1.2) 2 PAG-ISIPAN MO Gawain A Panuto: Punan ang tsart ng PROFAYL KO, NOON at NGAYON sa ibaba. Sa hanay ng “AKO NGAYON,” isulat ang mga pagbabagong iyong napapansin sa sarili. Sa hanay na “AKO NOON”, itala naman ang iyong mga katangian noong ikaw ay nasa gulang na 8 hanggang 11 taon. PROFAYL KO, NOON at NGAYON Panuto: Gamit ang binuong “Profayl Ko,Noon at Ngayon,” isa-isahin at ipaliwanag. Ako Noon (Gulang na 8-11) Ako Ngayon Halimbawa: Halimbawa: Pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad Kalaro ko ang aking mga kaibigan. Karamay ko ang aking mga kaibigan sa problemang kinakaharap. Ikaw naman: __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ Halimbawa: Halimbawa: Papel sa lipunan bilang babae o lalaki Tungkulin ko ang maging isang mabuting mag-aaral. Nagtatrabaho at nag-aaral ako nang mabuti upang makahanap ng magandang trabaho. Ikaw naman: __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ Halimbawa: Halimbawa: Masunurin ako sa utos ng aking mga magulang dahil alam nila ang mabuti para sa akin. Sumusunod ako sa batas bilang isang mabuting mamamayan ng bansa. Pamantayan sa asal sa pakikipagkapwa Baitang 7-Edukasyon sa Pagpapakatao Kompetensi: 1.Natutukoy ang mga pagbabago sa kanyang sarili mula sa gulang na walo o siyam hanggang sa kasalukuyan sa aspetong: (a.) pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa kasing-edad,( b.) Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan, (c.) pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala sa mga ito, (d.) pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa pakikipag-kapwa/lipunan (e.) pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya, (f.) pagkilala ng tungkuin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga/nagbibinata (EsP7PS-la-1.1) 2. Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata (EsP7PS-la-1.2) 3 Gawain B Panuto: Gamit ang binuong “Profayl Ko,Noon at Ngayon,” isa -isahin at ipaliwanag ang mga pagbabago sa iyong sarili mula noong walong taong gulang ka hanggang ngayon. SANAYIN MO Panuto: Punan ang mga hanay batay sa iyong pagsusuri o obserbasyon sa mga nagaganap sa iyong sarili sa panahon ng pagdadalaga/ pabibinata. Lagyan mo ng hugis bituin sa angkop na hanay at kung paano mo hinaharap ang mga pagbabagong ito. Mga Pagbabago Halimbawa: madalas nagiging mapag-isa sa tahanan Negatibo Positibo Paano haharapin Subukan kong lumabas ng bahay at makipagugnayan sa aking mga kasing edad. Panuto: Sagutin ang mga tanong. 1. Paano mo ihahambing ang iyong sarili noon at ngayon? 2. Naibigan mo ba ang mga pagbabago sa iyong sarili bilang nagdadalaga/nagbibinata? Ipaliwanag. 3. Ano ang ibig sabihin ng mga pagbabagong ito sa iyo bilang isang nagdadalaga/nagbibinata? 4. Makatutulong ba ang mga pagbabagong ito sa iyo? Sa paanong paraan? 5. May masama bang maidudulot sa iyo ang mga pagbabagong ito? Sa paanong paraan? 6. Paano nakatulong ang mga positibong pagbabago sa iyong buhay? Baitang 7-Edukasyon sa Pagpapakatao Kompetensi: 1.Natutukoy ang mga pagbabago sa kanyang sarili mula sa gulang na walo o siyam hanggang sa kasalukuyan sa aspetong: (a.) pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa kasing-edad,( b.) Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan, (c.) pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala sa mga ito, (d.) pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa pakikipag-kapwa/lipunan (e.) pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya, (f.) pagkilala ng tungkuin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga/nagbibinata (EsP7PS-la-1.1) 2. Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata (EsP7PS-la-1.2) 4 ISAPUSO MO Gaano man kalaki ang mga pagbabago ang iyong nararanasan sa ngayon, kailangan mong harapin at tanggapin dahil ang mga ito ay magiging gabay mo sa hinaharap. Maaring ito ay magsilbing motibasyon at malaman mo kung paano mo ilalagay ang iyong sarili sa mga bagong sitwasyon. Sa huli, ang lahat ng mga pagbabagong ito ay makatutulong sa iyo upang magampanan mo nang maayos o maging epektibo ka sa pakikipag-ugnayan sa kapwa mo lalong lalo na sa kasing edad mo. Ano nga ba ang inaasahan sa iyo? Ayon kay Havighurst (Hurlock,1982, p.11) may walong inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata.: 1. pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan(more mature relations) sa mga kasing-edad, 2. pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki, 3. pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala sa mga ito, 4. pagtamo at pagtanggap ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa, 5. pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasiya, 6. paghahanda para sa paghahapbuhay, 7. paghahanda para sap ag-aasawa at pagpapamilya; at 8. pagkakaroon ng mga pagpapahalaga (values) na gabay sa mabuting asal. Ang pagtataglay ng mga kakayahan at kilos na ito ay mahalaga upang mapaunlad ang sariling pagkatao. Kritikal ang panahon ng pagdadalaga/pagbibinata. Ito ay maaaring bumuo o sumira ng iyong kinabukasan. Kailangang maging maingat at di padalos dalos sa mga gagawing pagpapasya at kailangang maging bukas sa pagtanggap ng mga tulong o payo mula sa mga taong nagmamalasakit at nagpapakita ng mabuting buhay. Tanong: Ano ang natutunan mo sa kabuuang aralin? ________________________. Gawain Panuto: Sumulat ng isang komitment bilang palatandaan ng iyong pagtanggap sa mga pagbabago sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata. Ako si ___________________________,isang grade7__________ ay nangangakong mula sa araw na ito ay ________________________________________, __________________________. ________________________________________ at ________________________ upang magampanan ko ang mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng aking pagdadalaga/pagbibinata. Baitang 7-Edukasyon sa Pagpapakatao Kompetensi: 1.Natutukoy ang mga pagbabago sa kanyang sarili mula sa gulang na walo o siyam hanggang sa kasalukuyan sa aspetong: (a.) pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa kasing-edad,( b.) Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan, (c.) pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala sa mga ito, (d.) pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa pakikipag-kapwa/lipunan (e.) pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya, (f.) pagkilala ng tungkuin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga/nagbibinata (EsP7PS-la-1.1) 2. Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata (EsP7PS-la-1.2) 5 ISAGAWA MO Panuto: Tukuyin ang isang aspekto sa mga pagbabago sa panahon ng pagdadalaga/ pagbibinata kung saan itinuturing mong mababa ang tingin mo sa iyong sarili. (Halimbawa: Pakikipag-ugnayan sa kasing edad: Nagiging mahiyain ka sa pakikiharap sa maraming tao lalo na sa katapat na kasarian.) Mag-isip ka nang positibong pakikipag-usap sa sarili (Self talk) o mga bagay na sasabihin mo sa iyong sarili upang malampasan o unti-unting mawala ang naramdaman mo tungkol sa mga pagbabagong ito. Pagkatapos, isulat ang mga positibong pakikipag-usap sa sarili, sa mga makulay na papel o post- it- notes at ipaskil ang mga ito sa salamin o dingding na madali mong makita. Maari ring gawin itong screen saver ng iyong cellphone o computer. Halimbawa ng Self talk: “Kaya ko ‘yan! Kung kaya nila,kaya ko rin”. Bilang patunay, kunan ng larawan ang ginawang post-it notes, at idikit sa Journal. Kasunod nito, sumulat ng isang pagninilay o reflection tungkol sa pagbabagong naramdaman sa paggawa ng gawain. SUBUKIN MO Panuto: Basahin ang mga katangian ng mga tinedyer sa ibaba. Ano ang mahuhubog kung ipagpapatuloy ng bawat isa ang kanyang gawi? Para sa tanong na 1 - 4, pumili ng tamang sagot sa kahon at isulat ang titik lamang. A. tapang B. kakayahan C. tiwala sa sarili D. positibong pagtingin sa sarili 1. Palaging sinasabi ni Rosemarie sa kanyang sarili na hindi siya perpekto, alam niyang sa bawat pagkakamali ay mayroon siyang matutuhan. 2. Hinahasa ni Stephanie ang kanyang kakayahang suriin at tayahin ang kanyang sariling mga pagtatanghal bilang mang-aawit. 3. Hindi hinahayaan ni Anthony na talunin ng takot at pag-aalinlangan ang kanyang kakayahan. 4. Hindi natatakot si Renato na harapin ang anumang hamon upang ipakita niya ang kanyang talento. Baitang 7-Edukasyon sa Pagpapakatao Kompetensi: 1.Natutukoy ang mga pagbabago sa kanyang sarili mula sa gulang na walo o siyam hanggang sa kasalukuyan sa aspetong: (a.) pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa kasing-edad,( b.) Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan, (c.) pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala sa mga ito, (d.) pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa pakikipag-kapwa/lipunan (e.) pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya, (f.) pagkilala ng tungkuin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga/nagbibinata (EsP7PS-la-1.1) 2. Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata (EsP7PS-la-1.2) 6 5. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata maliban sa _______. A. pagsisikap na makakilos nang angkop sa kaniyang edad B. pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki C. pagtatamo at pagtanggap ng maayos na ugali sa mga kasing edad D. pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad 6. Ang mga sumusunod ay mga palatandaan ng mga pagbabago sa damdamin sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata maliban sa: A. alam kung ano ang tama at mali B. nagiging mapag-isa sa tahanan C. madalas nag-aalala sa kaniyang pisikal na anyo at pangangatawan D. madalas malalim ang iniisip 7. Habang ikaw ang nagdadalaga o nagbibinata, dumadami ang iyong _______. A. gawain B. responsibilidad C. kaibigan D. problema 8. Ito ay nakatutulong upang magkaroon ng lakas ng loob ang isang tao upang gawin ang isang bagay. A. tiwala sa sarili B. pagtanggap sa sarili C. disiplinang pansarili D. lakas ng loob 9. Si Ana ay hindi mapalagay sa mga nakikita niyang pisikal na pagbabago sa kanyang katawan. Sa pagkakataong ito, sino ang dapat niyang hingan ng payo tungkol dito? A. nanay B. kapitbahay C. kaibigan D. kapitan ng barangay 10. Ang mga sumusunod ay mga palatandaan ng pagbabago sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata maliban sa: A. pagkakaroon ng maraming kaibigan B. pag-aasawa ng maaga C. pagbibigay ng halaga sa pag-aaral D. pagiging responsible sa gawaing bahay Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao, Grade 7, Learner’s Material Baitang 7-Edukasyon sa Pagpapakatao Kompetensi: 1.Natutukoy ang mga pagbabago sa kanyang sarili mula sa gulang na walo o siyam hanggang sa kasalukuyan sa aspetong: (a.) pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa kasing-edad,( b.) Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan, (c.) pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala sa mga ito, (d.) pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa pakikipag-kapwa/lipunan (e.) pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya, (f.) pagkilala ng tungkuin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga/nagbibinata (EsP7PS-la-1.1) 2. Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata (EsP7PS-la-1.2) 7