Uploaded by Luziel Delos Santos

Ang pamilya anAng pamilya ang iyong sandigan

advertisement
Ang pamilya anAng pamilya ang iyong sandigan. Maraming tao ang dadaan sa
ating buhay ngunit walang kapantay ang iyong mga mahal sa buhay. Hindi ka nila
iiwan, lalo na’t sa oras ng iyong pangangailangan. Kayo man ay may di
pagkakaunawain ngunit hindi ito kabawasan sa pagmamahalan. Datapuwa’t ito ay
pagsubok lamang na kailangan nyong lampasan. Balibaliktaran man ang mundo,
sila ang magiging kakampi mo. Kaya pahalagahan ang iyong pamilya at wag silang
pababayan.g iyong sandigan. Maraming tao ang dadaan sa ating buhay ngunit
walang kapantay ang iyong mga mahal sa buhay. Hindi ka nila iiwan, lalo na’t sa
oras ng iyong pangangailangan. Kayo man ay may di pagkakaunawain ngunit hindi
ito kabawasan sa pagmamahalan. Datapuwa’t ito ay pagsubok lamang na kailangan
nyong lampasan. Balibaliktaran man ang mundo, sila ang magiging kakampi mo.
Kaya pahalagahan ang iyong pamilya at wag silang pababayan.
Ang wika ay may napakalaking papel na ginagampanan sa ating buhay. Ito ay ang
paraan sa pakikipagtalastasan kung saan naipapahiwatig natin ang ating mga
saloobin, ideya at opinyon sa ibang tao. Ito rin ang paraan upang maunawaan natin
ang mga taong nakapaligid saatin. Ang wika ay nagbibigay kaliwanagan at
kalinawan sa ating buhay. Nagsisilbi rin itong tulay upang maliwanagan tayo
tungkol sa mga bagay na di natin alam at higit sa lahat tulay ito ng pagkakaisa.
Dahil sa mga ugnayang ito at pagkakaintindihan ay mas iigting ang ating samahan
at relasyon sa ating lipunang ginagalawan. Sa madaling salita, ito ang pundasyon
ng komunikasyon.
Ang Pandemya ay nagdulot ng kapihagtian ngunit may dala rin itong kabutihan.
Maraming nawalan ng pagkakakitaan, mga mahal sa buhay na tuluyan ng
nagpaalam, ngunit ito ay may aral na naidulot sa ating lahat. Ang pandemya ay
nagturo sa bawat isa sa atin ng pagkakaisa, pagtutulungan at pagkakapatiran sa
oras ng pangangailangan. Ito rin ang naging daan upang mas mapalapit tayo sa
May Likha sa atin. Tayo ay sinubok ngunit nananatiling matatag sa hamon ng
buhay. Masakit, mapait, at malungkot ang nagawa ng pandemya, ngunit ito ay
may naidulot din na maganda.
Download