Department of Education Region III – Central Luzon Schools Division of Tarlac Province District of Mayantoc LABNEY INTEGRATED SCHOOL School ID: 501937 Mayantoc, Tarlac GRADE 7 SCIENCE FIRST PERIODICAL TEST S.Y. 2022-2023 NAME: ____________________________ SCORE:________ I. Panuto: Piliin ang tamang sagot sa mga pagpipilian sa bawat katanungan. Itiman ang katumbas na bilog ng tamang sagot sa itinalagang hanay ng sagutan. 1. Ano ang pinakamalaking kontinente sa mundo kung saan naroon din ang pinakamalaking populasyon sa daigdig? A. Africa C. Amerika B. Asya D. Europe 2. Ano ang mga bumubuo sa heograpiya ng daigdig? A. Kalupaan C. Katubigan B. Klima at Panahon D. Lahat ng nabanggit 3. Ang daigdig ay may apat na hating globo o hemisphere. Anong imahinasyong guhit ang humahati sa eastern at western hemisphere? A. equator C. prime meridian B. longitude D. latitude 4. Alin sa sumusunod ang nakaapekto nang malaki sa pagkakaroon ng iba’t-ibang uri ng kabuhayan sa daigdig? A. Klima C. Anyong lupa at tubig B. Likas na yaman D. Lahat ng nabanggit 5. Anong parirala ang lumalarawan sa heograpiya at kasaysayan? A. Hindi magkatulad C. may ugnayan sa isa’t-isa B. Magkatulad D. walang kaugnayan sa isa’t-isa 6. Anong relihiyon ang may pinakamaraming tagasunod sa buong mundo? A. Kristiyanismo C. Hinduismo B. Islam D. Budismo 7. Alin sa sumusunod ang mahalagang papel na ginampanan ng wika sa tao? A. Ito ay susi ng pagkakaintindihan. B. Dapat pag-aralan ng lahat ng tao ang lahat ng wika. C. Sisikat ang tao kung marami ang wika. D. Yayaman ang tao pag may maraming alam na wika. 8. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng pagpapahalaga ng iyong wika, relihiyon at lahi? A. Dapat ipagmalaki ang ating wika at lahi B. Dapat tangkilikin ang sariling wika C. Dapat respetohin ang relihiyon ng bawat isa D. Dapat tangkilikin ang dayuhang produkto 9. Alin sa sumusunod na konsepto ang tumutukoy sa pangkat ng tao na may iisang kultura o pinagmulan? A. Etniko B. Paniniwala C. lahi D. relihiyon 10. Anong relihiyon ang pinaniniwalaan ng mga Arabo? A. Budismo B. Hinduismo C. Islam D. Judaismo 11. Sa anong panahon na nadiskubre ang pagtatanim o agrikultura? A. Ice Age B. Mesolitiko C. Neolitiko D. Paleolitiko Department of Education Region III – Central Luzon Schools Division of Tarlac Province District of Mayantoc LABNEY INTEGRATED SCHOOL School ID: 501937 Mayantoc, Tarlac 12. Ano ang pinakamahalagang tuklas sa Panahon ng Paleolitiko? A. Agrikultura B. Apoy C. Irigasyon D. Metal 13. Alin sa sumusunod na panahon ang hindi pa laganap ang paglikha ng mga kasangkapan? A. Mesolitiko B. Metal C. Neolitiko D. Paleolitiko 14. Alin sa sumusunod na pahayag ang tamang paglalarawan sa panahong Paleolitiko? A. Natuto ng magtanim ang tao. C. Naninirahan malapit sa mga lambak. B. Natuklasan ang paggamit ng bakal. D. Nakapaglikha ng mga palamuti na yari sa bronse 15. Nahahati sa tatlong kapanahunan ang Panahon ng Bato: Paleolitiko, Mesolitiko, at Neolitiko. Ano ang kahulugan ng Paleolitiko? A. Gitnang panahon ng bato C. Panahon ng bagong bato B. Panahon ng lumang bato D. Gitnang panahon ng bronse 16. Alin sa sumusunod ang kinikilalang pinakamatandang kabihasnan sa buong daigdig? A. Ehipto B. Indus C. Mesopotamia D. Tsino 17. Saang rehiyon sa Asya matatagpuan ang sinaunang kabihasnan ng Indus? A. Hilaga B. Kanluran C. Silangan D. Timog 18. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga pangkat na sumakop sa lupain ng Mesopotamia? A. Akkadian B. Aryan C. Assyrian D. Chaldean 19. Ano ang kahalagahan ng mga likas na yaman sa pag-unlad ng Kabihasnang Indus? A. Nagsilbi itong proteksyon sa kanilang lupain. B. Madali silang makatago tuwing mayroong mga kalaban. C. Naging pundasyon ng pag-unlad ng kanilang ekonomiya. D. Pinalakas nito ang kapangyarihan ng kanilang pamahalaan. 20. Paano binago ng Huang Ho ang buhay ng mga Tsino? A. Napalago ng ilog ang Sistema ng pagsasaka ng mga Tsino. B. Naging mahusay na mandaragat ang mga tao dahil sa pagbaha. C. Hinubog ng ilog ang kanilang kahusayan sa paggawa ng mga barko. D. Mas pinili ng mga tao na mamuhay sa kagubatan dahil sa madalas na pagbaha 21. Alin sa sumusunod ang sinaunang sistema ng pagsusulat ng mga taga-Ehipto? A. Calligraphy B. Cuneiform C. Hieroglyphics D. Pictogram 22. Anong bansa kasalukuyan ang pinagmulan ng kabihasnang naganap sa lambakilog ng Nile? A. Ehipto B. India C. Iraq D. Tsina 23. Ito ay ang tawag sa sagradong aklat na tinipong himnong pandigma, sagradong ritwal, sawikain at mga salaysay ng mga Hindu? A. Bibliya B. Koran C. Ritwal D. Vedas 24. Sino sa mga sumusunod na pinuno ang nagtatag ng bagong imperyo ng Babylonia matapos pangunahan ang isang pag-aalsa laban sa Assyria? A. Cyrus the Great B. Nabopolassar C. Nebuchadnezzar II D. Sargon I Department of Education Region III – Central Luzon Schools Division of Tarlac Province District of Mayantoc LABNEY INTEGRATED SCHOOL School ID: 501937 Mayantoc, Tarlac 25. Ano ang tumutukoy sa maunlad na pamayanan at mataas na antas ng kulturang kinakitaan ng organisadong pamahalaan, kabuhayan, relihiyon, mataas na antas ng teknolohiya, at may sistema ng pagsusulat? A. Imperyo B. Kabihasnan C. Kalinangan D. Lungsod 26. Bakit mahalaga ang lambak-ilog sa pag-usbong ng sinaunang sibilisasyon? A. Ang lambak-ilog ang tulay ng transportasyon at kalakalan. B. Ang lambak-ilog ay mainam sa pagtatanim dahil sa matabang lupa. C. Ang lambak-ilog ang naging pinagkukunan ng suplay ng tubig sa komunidad. D. Lahat ng nabanggit. 27. Alin sa sumusunod ang tawag sa pinuno ng sinaunang Ehipto na itinuturing na diyos at taglay ang mga lihim ng langit at lupa? A. Hari B. Pangulo C. Paraon D. Pari 28. Alin sa sumusunod ang kaisipang umusbong sa China na ang tao ay likas na masama at makasarili at mapasunod lamang ito sa pamamagitan ng mahigpit na batas at marahas na kaparusahan? a. Taoismo B. Legalismo C. Confucianismo D. Daoismo 29. Ito ang tawag sa sinaunang sistema ng pagsulat ng mga Sumerian. A. Cunieform B. Pictogram C. Heiroglyphics D. Calligraphy 30. Alin sa sumusunod ang kaisipang umusbong sa Tsinan a nagbigay halaga sa pagkakaroon ng isang organisadong lipunan? A. Budhismo B. Confucianismo C. Legalismo D. Taoismo 35. Ang tanyag na Taj Mahal ay naging pamana ng alin sa mga nabanggit na kabihasnan? A. Indus B. Egypt C. Mesopotamia D. Tsino 37. Bakit itinayo ang Great Wall of China? A. Depensa sa bagyo B. Pananggalang sa baha C. Harang sa anumang kalamidad D. Depensa sa mga kalaban 38. Bakit mahalaga ang Kodigo ni Hammurabi? A. Dapat sundin ang namumuno sa lipunan. B. Dapat sundin ang relihiyon at paniniwala. C. Dahil mahalaga ang makapag-aral at matuto. D. Sapagkat naging gabay ito sa aspekto ng buhay ng tao. 39. Paano nakatulong ang kalakalan sa pamumuhay ng mga tao sa sinaunang panahon? A. Nakasalalay ditto ang pag-unlad ng agrikultura. B. Dito lamang nakadepende ang yaman ng bansa. C. Natutugunan nito ang iba pang pangangailangan ng tao. D. Nagkakaloob ito ng kaayusan at katahimikan ng lipunan. 40. Sa kasalukuyang panahon, paano natin pinapahalagahan ang mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan? A. Sa pamamagitan ng pagsasaulo sa kanilang mga nagawa. B. Sa pamamagitan ng paggaw ng mga kahanga-hangang bagay. C. Sa pamamagitan ng paghahalintulad sa kanilang ambag sa kasalukuyan. D. Sa pamamagitan ng paghanga at pagpapanatili sa kanilang mga pamana.