Uploaded by Khailorinne Mallari

scribd.vdownloaders.com maria-carcat-gols1-my-unwanted-existence

advertisement
My Unwanted Existence (Game of Love Series #1)
by Maria_CarCat
Mr. ow-so-handsome Lucas Eion Jimenez Hates this cute chubby Girl
named Cara Isabelle Mendez.
🌟THIS IS A FREE SOFTCOPY. DO NOT SELL❗
Prologue
He freaking hate's me...
From head to toe...
Sa kabila ng napakagwapo niyang mukha ay ang kakaibang tabas ng
kanyang dila.
Ang perpektong hubog ng kanyang katawan ay sinisigawan akong di
nababagay para sa kanya.
Ang mapula at manipis na labi niya ay walang alam sambitin kundi
ang "lumayo ka!"
Ang napakalalim na mata nito na sumisimbolo sa kanyang pagiging
strikto ay nakikita ang lahat ng kapintasan at pagkakamali ko.
Naturingan nga siyang napakatalino, pero para sa akin isa siyang
napakagwapong tanga! Kasi ayaw niya sa akin, pinapalayo niya ako,
nilalait niya ako, iniiwasan at minsan ay sinisigawan.
Tingin niya sa akin ay isang taong may nakakahawang sakit. Ang
pagtira ko sa kanilang masayang tahanan ay parang isang napakalaki
at kapinsapinsalang pagGuho ng kanyang mundo.
He is Lucas Eion Jimenez and I am Cara Isabelle Mendez, this is my
Story and my Unwanted Existence.
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 1
"Cara anak kakain na tayo..." tawag ni tita samantha mula sa
labas.
Kaagad kong sinara ang kurtina sa aking bintana at tsaka kaagad na
tumakbo patungong pinto. Pagkabukas ko ay kaagad sumalubong sa
akin si tita samantha na naghihintay na duon.
"Sige po tita susunod po ako" nakangiting paniniguro ko dito.
"Sumunod kaagad anak ha...habang maiinit pa ang pagkain" paalala
pa niya na kaagad ko din namang tinanguan.
Kaagad kong isinara ang pintuan pagkaalis nito. Muli akong bumalik
sa bintana at tinanaw ang malaki nilang swimming pool. Wala na
pala si Lucas, marahil ay nakapasok na sa bahay.
Simula pa nuon palagi ko na siyang pinapanuod magswimming, ang
swerte ko nga dahil sisilip lang ako sa bintana ng kwarto ko ay
mapapanuod ko na siya. Di naman pwedeng duon ako mismo sa baba
manuod dahil paniguradong mapapaso nanaman ang tenga ko sa mga
maaanghang na salita na sinasabi niya sa akin.
Pagkatapos magayos ay kaagad din naman akong bumaba sa may
dinning. Anduon na din sina tito Luke at Suzy.
"Can i go out daddy?" Malambing na paalam ni Suzy sa ama.
"Hija kain na" baling sa akin ni tita samantha. Kaagad akong umupo
sa tabi ni Suzy na hanggang ngayon ay hinihintay pa din ang sagot
ni tito Luke.
"At saan ka naman pupunta?" Tanong ni tito luke dito.
"Sa mall lang po daddy...kasama si..." sandaling napahinto si suzy
at parang nagdadalawang isip pa kung itutuloy niya ang kanyang
sasabihin.
"Kasama sino?" Nakataas ang isang kilay ni tito luke dito.
Napakagat labi si Suzy. "Sina...Zena po" sagot niya tukoy sa
pangatlong anak nila Tito Matteo at tita Zyrene.
"Sino pa?" Muli pang tanong ni tito luke, maging si tita samantha
ay naghihintay na din nang sagot. Napalingon naman ako sa Entrance
ng dinning, di pa din kasi bumababa si Lucas.
"Ba...Baka po sumama din sina Zafara at Tammarie, nagpapatulong po
kasi sila para sa Prom" sagot ni suzy dito. Si Safara ay ang
bunsong Anak ni Tito Zach samantalang si Tammarie naman ay anak
nina tito timothy at tita Tine.
Halos ang mga kabarkada namin ay anak din nang mga kabarka ni tito
luke, kaya naman halos magkakapatid na din ang turingan ng mga
ito.
"Si Zafara at Tammie lang? How aboutt Kendall?" Si tita samantha
naman ngayon ang nagtanong. Si Kendall naman ay ang nagiisang anak
na babae nina tito Kervy at tita Grace.
"Ma...maybe?" Alanganing sagot ni suzy.
"If kasama si Kendall siguradong kasama din si Ken...it's a no
suzy" biglang singit ng kararating lang na si lucas.
Napanganga nanaman ako dahil sa kanyang pagdating. Basa pa kasi
ang buhok nito na lalong mas nagpapagwapo sa kanya. Actually kahit
di naman eh, basta ang gwapo gwapo talaga niya.
"Daddy..." tawag ni Suzy kay tito luke na humihingi ng tulong
dahil sa pagbabawal sa kanya ng kanyang kuya lucas.
"Suzy wag ng makulit" maawtoridad na sabi ni Lucas habang
nagsasandok
ng kanin.
Natahimik si Suzy at di na nakaimik. Napayuko na lamang at tsaka
itinuon ang kanyang buong atensyon sa pagkain.
Ang akin namang buong atensyon ay nakay lucas. Grabe talaga siya
pagdating kay Suzy, kahit nga ata lamok ay di niya hahayaang
malapitan ang kapatid. Nagrereklamo si suzy minsan sa akin dahil
sa sobrang higpit ng kanyang kuya lucas sa kanya pero imbes na
sumangayon minsan ay naiingit ako.
Nanlaki ang mata ko ng makitang matalim ang tingin sa akin ni
lucas, nakabusangot nanaman ang kanyang mukha at para bang ako
nanaman ang may kagagawan kung bakit nasira ang araw niya.
"Stop Staring at me" matigas na utos niya. "Damn it." Mahinang
dugtong pa niya.
Maging ako ay napayuko na lang din. Sanay naman na ako sa kanya.
"Lucas may lakad ka ba ngayon?" Tanong ni tita samantha dito.
Di ko na sinubukan pa muling tumingin sa kanya, yung tenga ko na
lamang ang inihanda ko.
"Yes mom...sasama ako kina Tito Axus at Eroz" magalang na sagot
niya dito.
"Magkakarera ka nanaman" may bahid ng pagaalalang pahayag ni
samantha.
"Baby sina Axus naman ang kasama, nothing to worry about"
nakangising sabi ni tito luke.
Si Tito Axus naman ay ang asawa ni Tita Elaine na kapatid ni tito
luke. Sikat na Racer ito, kaya naman gustong gusto ni Lucas na
sumama pagkatinuturuan din nito ang anak na si Eroz tungkol sa
pagkakarera at sa mga sasakyan.
"Just dont drive fast ok..." pagpapaalala ni tita samantha dito.
"Aryt" tipid niyang sagot.
Pagkatapos kumain ay bumalik na ako sa kwarto, kailangan ko pa
kasing kabisaduhin
ang Periodic table. Ewan ko ba naman, nung highschool ko pa dapat
ito kabisado pero di ko pa din matandaan.
Nasa kalagitnaan ako ng pagmememorize ng nagdadabog na pumasok si
Suzy sa aking kwarto.
"Nakakainis talaga si Lucas!" Pagmamaktol niya.
Napangisi ako. "Asaan na yung kuya?" Natatawang pangaasar ko sa
kanya.
Inirapan lamang ako nito at tsaka humalukipkip. Ganyan siya palagi
pag naiinis sa kuya Lucas niya, idadahilang kambal naman sila at
magkasing tanda, pero in the end of the day di niya matitiis ito.
"Hayaan mo na lang...sundin mo" payo ko sa kanya.
"Naku Cara! Di ko alam kung sino ba talaga ang bestfriend mo sa
amin ni Kuya eh, palagi mo na lang kasi siyang
kinakampihan...palibahasa Crush mo siya" pagtatampo pa nito.
"Eh wala naman kasi tayong magagawa, alam mo naman iyon kung ano
ang sinabi niya Yun na yon..." pagpapaalala ko sa kanya.
Di na siya sumagot pa sa akin, bagkus ay humilata na lamang sa
aking kama. "Pinayagan din naman niya akong umalis ang kaso ay sa
kanya lang ako sasama" pagkwekwento nito habang nakatitig sa
kisame.
Mula sa hawak kong periodic table ay dahan dahang nalipat ang
tingin ko patungo sa nakahigang si Suzy. Mukha namang napansin
niya iyon kaya naman kaagad siyang bumangon.
"Ikaw ha! Gusto mo siyang mapanuod noh!" Pangaasar niya na walang
hiya hiya ko namang tinanguan.
"Pero nagrereview ka" mapangasar na turo niya sa hawak kong
periodic table.
Kaagad ko iyong binitawan. "Actually kanina pa ako tapos"
paninigurado ko sa kanya.
"Hay naku
ewan ko sayo...bihis ka na" sabi niya at kaagad na lumabas ng
kwarto ko.
Wala na akong sinayang na oras at tsaka ako kaagad na nagtungo sa
aking walk in closet para makapagbihis. Simpleng Baby pink na Polo
lang at faded jeans ang sinuot ko, inaamin ko naman kasing di ako
katulad ni Suzy na pang model at artistahin ang katawan na kahit
anong hilahin sa kanyang cloaet ay babagay sa kanya. Samantalang
ang katulad ko ay magmumukhang basura kung itatabi sa kanya.
"Saan ka pupunta?" Malamig na tanong sa akin ni Lucas pagkababa ko
pa lamang ng hagdanan.
Dahan dahan kong inangat ang tingin ko sa kanya. Kaagad nanamang
sumalubong sa akin ang malamig at nanlilisik niyang mga mata, sa
akin lang naman siya ganyan.
"Sa...sasama kay Suzy" nauutal at nanlalamig na sagot ko sa kanya.
"Di ka pwedeng sumama" malamig na sabi niya at sinangga pa ako sa
pagdaan niya.
"Pero lucas..." pagpigil ko sa kanya.
"Si Suzy lang naman ang niyaya kong manuod, wala akong natatandaan
na sinabi kong isama ka" sagot niya sa akin.
Hinarap ko siya. "Manunuod lang naman ako eh...di naman ako
manggugulo" paninigurado ko.
Nilingon niya ako, lapat na lapat na ang kanyang labi na para bang
inis na inis na siya at nagtitimpi lang. "Pagsinabi kong ayoko,
ayoko...naiintindihan mo ba yon!?" Sabi niya na medyo tumaas na
ang boses.
Napalunok ako dahil nagbabadya nanaman kasi ang paginit ng sulok
ng aking mga mata. "Sabi kasi ni suzy pwede daw..." sabat ko.
Kinain nito ang distansiya namin. "Konting konti na lang
talaga cara...wag mo akong sagarin naiintindihan mo!? Akyat!"
Sigaw niya sa pagmumukha ko.
Di ko na napigilan ang hikbi ko dahilan para tumakbo ako paakyat
pabalik sa aking kwarto. Ilang beses akong kinatok ni Suzy nun,
pero sinabi ko na lamang na sumama ang pakiramdam ko kaya di na
ako makakasama, ayaw pa ngang maniwala nito nung una pero kaagad
ding nagpaalam ng tawagin na siya ni Lucas.
"Girls na kay Lucas na ang mga Allowance niyo kunin niyo na lang"
sabi sa amin ni tito Luke kinabukasan bago sumakay ng sasakyan
papuntang Office.
Wala na si Lucas sa bahay, nauna na kasi iyon sa University. 3rd
year college na siya, kami naman ni Suzy ay 2nd year palang.
Naaccelerate kasi kaya mas nauna na siya sa amin. Sobrang talino
kasi kaya kahit higher years eh nasasabayan din niya, natatawa nga
si tita samantha minsan, di niya daw alam kung normal pa ba si
Lucas.
"Cara kay kuya ka na lang sabay mamaya paguwi ha" bulong ni suzy
sa akin.
Kumunot ang mata ko. "At saan ka nanaman pupunta?" Tanong ko sa
kanya. Nasa may Cafeteria kami.
"Susunduin ako ni Ken" bulong pa din niya na para bang kinikilig
kilig pa.
"Pag yan nanaman nalaman ng kuya mo lagot ka nanaman" suway ko sa
kanya.
"Whoo...kunwari ka pa masosolo mo nanaman si kuya
mamaya...Ayyieee!" Asar niya sa akin habang tinutusok tusok pa ako
sa tagiliran.
Naiiling na lamang ako at tsaka itinuon ang atensyon ko sa librong
hawak hawak ko. Maka ilang beses na kasing ginawa ni Suzy na
iwanan kaming dalawa ni lucas. Buong akala niya ay sinasabay
talaga ako
nito sa paguwi pero ni minsan di nangyari iyon.
"Basta hintayin mo na lang siya dito sa quad ha, alam mo naman
yon" sabi pa nito tungkol sa kuya niya.
Pareho naman silang matalino eh, ito nga lang si suzy ay madalas
atakihin ng katamaran, minsan nga sa mga quiz namin eh mas mataas
pa siya sa akin gayong di naman siya nagreview. Samantalang ako
itong kulang na lang ingodngod yung nguso ko sa libro ay di pa
makapasa pasa. Malas ko talaga kainis!
Gusto ni Lucas maging doctor, sa bagay walang problema, matalino
at mayaman siya walang hahadlang para maging ganap siyang doctor.
Gusto ko din sanang kumuha ng Course related sa medical pero
maging si Lucas ay sinabihan akong wag ng magtangka pa dahil
sigurado daw na babagsak ako at sasayangin ko lang ang pera ng mga
magulang niya.
Nakaramdam ako ng gutom ilang minuto pagkaalis ni suzy. Di ko
tuloy natanong kung nakuha na niya yung allowance niya kay Lucas.
Kinuha ko ang wallet ko at nakitang kulang kulang isang daan na
lang ang laman nuon. Last last week pa kasi ito na allowance.
Minsan kasi ay di ko nakukuha yung allowance ko kay lucas. Ang
sungit kasi nuon, iaabot na lang sayo kung ano ano pa ang
sasabihin.
"Anong pwede kong mabili dito?" Pamomorblema ko. Dito pa naman sa
Cafeteria namin ay kulang na lang ginto ang kainin mo para masabi
mong worth it yung binayaran mo.
Binibilang ko ang mga barya ko ng may biglang tumabig sa akin.
Nagsilaglagan tuloy ang mga barya ko. "Ang laking harang kasi"
inis pang sabi ni lucas.
Di na lang ako kumibo at lumuhod para pulutin ang mga barya
ko. "Nagtext si Suzy sa akin na isabay daw kita...ilang beses ko
bang sasabihin sayong wag mong utusan yung kapatid ko" reklamo
niya.
Napatingala ako habang nakaluhod. "Wala akong inuutos" depensa ko.
Di ito nagpakita ng kahit anong reaksyon. Kaya naman yumuko na
lang ulit ako para pulutin ang natitirang barya. "Excuse..." sabi
ko ng makitang may limang piso na naaapakan niya.
"Lucas..." tawag ko sa kanya ng di man lamang ito gumalaw.
"Hanggang kailan ka ba kailangan supportahan ng pamilya ko? Eh ang
sarap ng buhay mo ah! Wala kang iniintindi...libre lahat sayo kaya
ka lumalapad eh!" Pangiinsulto pa niya sa akin. Nasaktan ako pero
sanay na ako. Araw araw naman yan eh.
Di ko siya pinansin, pinilit kong dukutin yung limang piso sa
ilalim ng sapatos niya kahit mahirap. "Alis nga diyan" bahagya
niyang pagtulak sa akin tsaka niya inangat ang paa niya bago
sipain yung pera ko kung saan.
Naawa ako para sa aking sarili, pero wala naman akong magagawa,
totoo naman lahat ng sinabi niya.
Hindi binigay ni Lucas ang Allowance ko para sa buwan na to. Wala
na talaga akong pera, buti na nga lang may alkansya ako, nabasag
ko na iyon nung nakaraang araw, yun ang sumuporta sa pangaraw araw
ko, matagal pa ang susunod na buwan para sa allowance nanaman, di
pwede tumunganga lang ako.
Ayoko naman humingi ng extra kina tita samantha, sabi kasi nito ay
kung kukulangin kami, wag na wag mahihiyang magsabi dahil
dadagdagan nila.
"Saan ka?" Tanong ni suzy sa akin pagkatapos ng uwian.
"Gagawa kami project ng mga classmates ko, ako na lang uuwi
magisa" paalam ko dito.
Balak kong magaaply kahit sa fastfood, kahit nga Casier sa mga
grocery. Nahihiya na din naman kasi ako kina tito luke at tita
samantha, kahit wala akong narinig na kahit na anong reklamo mula
sa kanila ay alam ko naman at naiintindihan ko ang sinasabi sa
akin ni Lucas.
Nilakad ko ang halos tatlong kanto bago makarating sa helera ng
mga fastfood at maliliit na tindahan. Punuan karamihan dahil
maraming nagworking student.
Napagpasyahan kong ituloy na lang ang paghahanap ko bukas
pagkatapos ng klase, ayokong gumastos kaya naman sinubukan kong
maglakad. Sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay may humintong kulay
itim na mustang sa gilid ng kalsada at kaagad itong bumusina, kaya
naman nalaman ko na kaagad kung sino.
"Lucas..." tawag ko sa kanya.
"Ang alam ni mommy kasama kita pauwi. Pagtinanong ka mamaya,
sabihin mo sinabay kita" utos niya sa akin na kaagad kong
tinanguan.
Nadismaya nanaman tuloy ako, akala ko naman ay isasabay na din
niya ako sa kanyang sasakyan. Bago pa man ako umalis ay tinawag
niya uli ako. At nagulat ako ng may ibinato siya sa may bintana,
kaagad na bumagsak iyon sa lupa.
"Oh ayan pamasahe" mayabang na sabi niya at kaagad na pinaharurot
ang kanyang mustang. Napatingin ako sa kanyang ibinato.
Pikit mata ko na lamang na pupulutin ang perang inihagis niya sa
akin.
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 2
Nagkakatuwaan silang lahat sa may Student lounge ng school. Para
kasi itong open cottage kaya naman libreng libre ang magingay. At
wala din naman susubok na sumita sa kanila dahil isa sina Tito
Zach sa may ari ng university na ito. At syempre walang palag ang
lahat kung ano man ang gawin nina Zeus at Zafara, mga anak ni tito
Zach.
"Iba nanaman brad!?" Kantyaw nina Mikhael sa kuya niya.
Mayabang na ngumisi si matthew sa kapatid at nagkibit balikat.
"Ilugar mo nga yang pambabae mo Matthew, andito ang mga kapatid
nating babae" pangaral sa kanya ni Ken na manang mana naman talaga
kay tito kervy.
Mula sa aking tagiliran ay para nabudburan ng asin ang aking
katabi na si Suzy. "Ang galing talaga ni ken noh?" Kinikilig na
tanong niya sa akin.
Kaagad akong tumango. "Oo magaling...wala kasing sakit" pangaasar
ko sa kanya na kaagad din naman niyang ikinasimangot tsaka ako
hinampas sa braso.
Napatawa ako pero kaagad ko ding binalingan ang assignment ko,
buti pa ang mga kasama ko ngayon mga walang problema palibhasa ay
matatalino.
"Ate Zena, samahan mo kami sa Saturday ha" sabi ni Kendall, kasama
sina Tammarie at Zafara na kapwa graduating na sa highschool. May
graduation ball kasi sila na parang prom din naman at
nagpapatulong sila kina Zena at Suzy na may mas edad sa kanila.
"Sure sweetie" nakangiting sabi nito kay kendall.
Muli kong sinuyod ang buong cottage. Nagkaroon tuloy ako ng
kakaibang pakiramdam. Pakiramdam na di dapat ako nandito sa lugar
na ito,
pakiramdam na di ako nababagay sa kanila. Kung titingnan mo silang
lahat, alam mong mga may sinabi sa buhay at di basta basta lang.
Sina Matthew, mikhael at Zena na anak nina tito matteo ay halata
mo ang pagiging maawtoridad, sila yung tipo na di pinanganak para
utusan o pumangalawa sa kahit na sino. Sina Kenneth, Kendall at
Keanu na anak ni tito kervy ay ganuon din, ngunit lamang lang sa
kanila lalong lalo na kay ken yung tino nh paguutak na para bang
siya ang tumatayong kuya ng lahat dito. Iniisip niya ang
makakabuti para sa lahat, walang maiiwan at wala ni isa sa kanila
ang maaagrabyado.
Sina Thomas, Tammarie at Theo na anak ni tito timothy ay lamang
naman pag dating sa pagiging reliyoso, nagmana daw kasi kay tita
tine. Sina Zeuz at Zafara naman ay masyadong ispoiled ni tito Zach
pero takot sila sa salita nito. Ang magkapatid na lucas at suzy
lang ang may pagkakaiba, naturingan pa namang kambal. Si suzy
mukhang mahaba haba pa ang buhay, ewan ko na lang kay lucas na
lahat na ata ng problema ng mundo ay makikita mo sa busangot
niyang pagmumukha na hindi ko naman malaman kung saan niya
hinuhugot.
"Ito na ang Pizza guys" anunsyo ni Ken na may dalang tatlong box
ng oversized pizza.
"Eat up, girls" asar niya sa tatlong namomorblema para sa kanilang
grad ball.
"Di pwede kuya, bawal kaming tumaba" pagtanggi ng kanyang kapatid
na si kendall.
"No baby, Eat" maawtoridad pero nasa lugar na sabi niya sa
kapatid.
Napasimangot si Kendall pero tinawanan lamang siya ng kanyang
kuya.
"Kuya Zeus kailangan ko din bang kumain?"
Tanong ni tammarie kay Zeus na matagal na niyang Crush.
"Pati ba naman pagkain mo proproblemahin ko pa?" Masungit na
tanong ni Zeus dito.
"Si kuya ang sungit!" Suway sa kanya ng kapatid na si Zafara.
"Wag mo ngang tanungin yang mga taong dala ang problema ng buong
mundo, Kumain ka na diyan Tammarie di ka tataba sa isang slice
lang" pangaral sa kanya ng kanyang kuya thomas.
"Suzy here" baling naman ni ken kay suzy sabay lahad ng box ng
pizza.
Natural na kinilig nanaman itong katabi ko, itataas pa lang sana
niya ang kanyang kamay para kumuha ay kaagad ng may umepal.
"Dont dare to eat Pizza Suzy laine...gusto mo bang lumapad?"
Makahulugang tanong ni lucas sa kapatid sabay tingin sa akin.
Napayuko na lamang ako. Lalo ko tuloy di naintindihan yung
pinagaaralan ko.
Naiinggit tuloy ako sa kanila. They are all a princess, mga
nagiisang anak na babae na may mga protective at mapagmahal na mga
kuya. I was once a princess...pero nawala lahat ng iyon ng mawala
din sina mommy at daddy.
Halos lahat ng estudyante at napapatingin sa aming kinalalagyan,
sino ba naman kasing di makakapansin, eh parang pinagsama sama mo
sa lugar namin ang mga pinakagwapo at magandansa school, mga sikat
pa ang mga ito dahil sila lahat ay may kanya kanyang pangalan
mapaSports man o Academics.
Maya maya ay nakatanggap ako ng text mula sa aming class president
na di makakapasok ang aming susunod na professor. Kaagad kong
sinara ang librong kanina ko pa di maintindihan. Kaagad akong
tumayo
dahil may kailangan pa akong lakarin.
"Saan ang punta mo?" Tanong ni Suzy sa akin.
"Gagawa lang ako ng project" palusot ko.
"Ikaw lang magisa?" Tanong niya sa akin.
Agad akong napahinto. "Ah...hindi madami kami" pagsisinugaling ko
pa sa kanya.
"Paano ka uuwi mamaya?" Siguradong madami pang susunod siyang mga
tanong kaya naman kaagad na akong naghanda para umalis.
"Ako na lang magisa uuwi mamaya, wag mo na akong hintayin" sabi ko
pa sa kanya.
Di ko na siya hinintay pang sumagot. Mabilis akong naglakad paalis
duon sa cottage, di na din ako nagpaalam pa sa ibang nanduon, busy
kasi ang mga ito at ayoko namang maging paimportante pa at tsaka
magpaalam sa kanila na akala mo ay kung sino akong importante.
Tsaka napansin kong wala na din duon si Lucas na masungit.
"Cara!" Tawag sa akin ng isa sa mga kaklase ko.
Napapikit ako ng mariin. Isa din kasi siya sa mga iniiwasan kong
makita sa school, kaya nga nakahinga ako ng maluwag kanina nung
nagtext yung class president namin na wala ng klase pero ito at
magtatagpo pa din pala ang aming landas.
"Oi! Hi!" Pagbati ko din sa kanya.
Tinakbo niya ang distansya naming dalawa. "Kailangan ko na nga
palang icollect yung mga contribution niyo para sa pagpapa book
bind natin. Dalawa na lang kasi kayong di pa nagbabayad" kwento
niya sa akin.
Napakagat ako sa aking labi, pigil pigil ko ang aking hininga
habang dinudukot ko ang aking wallet. Wala na akong pera...si
lucas na masungit ay wala ata talagang balak ibigay ang allowance
ko ngayong
buwan.
"Mag...magkano nga uli yon?" Nangingiting tanong ko sa kanya kahit
kanina ko pa gustong maiyak sa harapan niya.
"200" nakangiting sagot pa niya sa akin na para bang akala mo piso
lang ang hinihingi niya.
Saktong tatlong daan ang natira sa wallet ko huling pera mula sa
alkansya ko. "Ito...sorry kung ngayon lang" paghingi ko pa ng
paumanhin sa kanya.
"Ok lang...sige salamat ha" paalam niya sa akin.
Halos lumupaypay ang balikat ko habang tinitingnan ko siya palayo
sa akin. Sayang yung 200 ko, kasya pa yon kahit tatlong araw ko.
Mangiyak ngiyak ako habang tinatahak ang gate palabas ng
university. Duon ko nakita si lucas na may kausap sa kanyang
cellphone mukhang importange pa nga dahil nakakunot nanaman anb
kanyang noo.
Napahinto ako ng may lumapit sa kanyang batang nanglilimos. Kaagad
akong nagulat ng walang pakundangan lang itong humila ng pera sa
kanyang bulsa at inabot sa bata. Isang daan iyon, sandali niyang
inilayo ang cellphone sa kanya at may sinabi sa bata, di ko naman
eksaktong narinig pero marahil ay pinangaralan pa niya ito.
Kaagad na naglakad ang mga paa ko papalapit sa kanya, saktong nung
malapit na ako ay kaagad na natapos ang kanyang tawag.
"Lucas..." tawag ko sa kanya.
Yung normal na nakasimangot at matalim na titig nanaman niya ang
ibinigay niya sa akin. "Ano!?" Pabulyaw at galit pa niyang tanong
sa akin.
"Pwe...pwede ko na bang makuha yung allowance ko? Namumulubi na
kasi ako eh, ang daming bayarin kasi madaming project" kwento ko.
Gusto ko kasi sanang makipagusap sa kanya ng parang normal lang,
para yung makikipagusap ko kay suzy at sa iba pa nilang barkada.
Nginisian ako nito na para bang may mali ako nasabi sa kanya at di
niya nagustuhan. "Matagal ka naman na talaga pulubi...thanks to my
mom and dad may bahay, nakakain at nakakapagaral ka ngayon" sumbat
nanaman niya sa akin na wala na ata talagang katapusan.
"Sisikapin ko namang bayaran lahat ng tinulong sa akin ng mga
magulang mo pag nakagraduate at nagkatrabaho na ako" sabi ko sa
kanya.
Lalo itong napangisi, " sa bobo mong yan?" Pangmamaliit niya sa
akin sabay ngisi.
"Kaya nga nagaaral eh...bakit matalino ka na ba nung pinanganak
ka? Di naman di ba?" Laban ko sa kanya.
"Still, di ako katulad mong bobo naiintindihan mo ba yon?" Matalim
na sabi niya pa sa akin.
Nanahimik ako. "Sige kung di mo naman ibibigay sa akin yung pera
wag na la..." tatalikod na sana ako pero nagulat ako ng kaagad
niya akong hinigit sa braso at may itinapon sa bandang may baga
ko.
"Oh ayan...dahil lang sa pera dradramahan mo ko, nakakainis ka"
akusa pa niya sabay talikod sa akin tsaka ako iniwan duon.
Napatingin ako sa paligid, maraming nakatingin pero wala naman
akong magagawa kundi ang pulutin ang nakakumpol ng pera na ibinato
nanaman sa akin ni lucas.
Ang pakikitungo sa akin ng maayos ay parang isang malaking
kasalanan sa kanya na kahit minsan ay mukhang hinding hindi niya
gagawin.
Limang libo ang nakuha ko mula sa kanya, malaki na iyon para
sa akin pero di pa din ako titigil na makahanap ng part time na
trabaho. Muli akong nagbakasali sa nakahelerang mga fast food di
naman gaanong kalayuan sa aming university. Di rin kasi pwedeng
duon ako malapit sa skwelahan dahil baka mamaya niyan ay makita
ako ni suzy at mabanggit kina tita samantha at tito luke.
"Kung ganuon saan mas applicable ang schedule mo?" Tanong ng
branch manager ng pinasukan kong fastfood.
"Pwede po tuwing hapon, alastres naman po ang pinakamatagal kong
klase at tuwing martes at biyernes lang yon, sa ibang araw ay
alauna tapos na po ang klase ko" paliwanag ko dito.
Napatango tango ito, muli niyang tiningnan ang form na sinagutan
ko kanina, di naman daw ako magiging regular na empleyado. Bali
pang seasonal lang ako.
"Sige pwede ka ng magsimula sa lunes" anunsyo niya na kaagad ko
namang ikinatuwa. Thursday pa lang naman ngayon, may ilang araw pa
ako para makapaghanda.
Nang pauwi na ako ay nakatanggap ako ng tawag mula kay tita
samantha, tinatanong kasi ako nito kung nasaan na ako. Di kasi
sila sanay na nagsisimula magdinner pag hindi kumpleto sa
hapagkainan.
Sinabi ko na lamang na di na ako makakaabot dahil marami pang
kaming ginagawa ng mga kaklase ko, kaagad naman siyang sumangayon
pero di ko na napigilan pa ang sumunod niyang gustong mangyari.
"Sabihin mo kung uuwi ka na, itext mo sa akin ang
address...ipapasundo kita kay lucas"
Di pa man ay halos manlamig na ako. Ilang beses ko ding sinabing
wag na lang at kaya ko naman pero ayaw niya dahil delikado na daw
at gabi na.
Nagpalipas ako ng ilang oras sa may convenient store,
duon na din ako kumain. Cup noodles at tinapay na lang ang aking
inorder. Kailangan kong magtipid, may kailangan kasi akong bilhin.
Pasado 8:30 ay nagtext na ako kay tita samantha kung nasaan ako,
sinabi ko na lamang na nadaan ako sa convenient store at duon na
lamang ako sunduin ni lucas.
Umiinom ako ng Zesto ng makita ko ang pagdating ng itim na mustang
ni Lucas. Kaagad niya iyong ipinarada sa harapn ng kinalalagyan ko
at padabog na binuksan at isinara ang pintuan.
Matalim niya akong tiningnan pero kaagad din namang nilagpasan,
nagulat ako ng pumasok pa ito sa convenient store at may binili.
Naghintay na lamang ako sa labas, at tsaka tiningnan ang ulap.
Walang stars...sabi ni daddy nuon pag ganuon daw ay malaki ang
chance na umulan
Napatingin ako sa loob ng convenient store. Naroon pa din si lucas
at nakapila. Napabaling din naman ako sa kanyang itim na sasakyan.
Ang gara nuon palibhasa at may sarili ng pinagkukuhanan ng pera.
Nagtratrabaho na din kasi siya sa companya ng daddy niya, kaya nga
kahit sino ay napapabilib pagnalamang nagtratrabaho na siya sa
companya kahit nagaaral pa siya at medicine pa ang course.
Maya maya ay lumabas ito habang may daladalang ice cream sa cone.
May hawak din siyang plastick at nagulat ako na makita kong napkin
iyon.
"Meron ka ngayon?" Tanong ko sa kanya.
Ayan nanaman ang pamatay na tingin niya sa akin. "Stupid! Kay suzy
ito" bulyaw niya.
Sandali niyang nilagay ang dalang plastick sa loob ng sasakyan
tsaka umupo duon sa nguso ng kanyang sasakyan at parang batang
kumain ng ice cream. Di ko tuloy alam kung saan ako lulugar.
"Asaan na yung pera ko? Ubos na?" Tanong niya habang di man lang
tumitingin sa akin.
Napanguso ako. "Akin na yon...kasi binigay mo na di ba, ay oo nga
pala binato mo na di ba?" Sagot ko.
Kita ko ang pagigting ng kanyang panga,"wag na wag mo akong
masagot ng ganyan cara" seryosong sabi niya sa akin na ikinayuko
ko na lamang.
Ang tagal niya namang kumain ng ice cream. Kaya naman sinubukan
kong kausapin uli siya kahit na sobrang talim talaga ng tabas ng
kanyang dila.
"Death anniversary nila mommy at daddy bukas, pupunta ka ba? Pwede
bang sabay na tayo?" Tanong ko sa kanya.
"At sino ka naman para isabay ko?" Masungit na tanong niya sa
akin.
"Di ba pwedeng kahit minsan ituring mo din akong parang kapatid
mo? Tutal magkasama naman na tayong lumaki, o kung ayaw mo naman
kahit kaibigan na lang" sabi ko sa kanya.
Agad itong tumayo at naglakad papalapit sa akin. "At sino ka naman
para utusan ako?" Panghahamon niya sa akin na para bang akala mo
naghahamon ng suntukan sa kapwa niya lalaki.
"Si Suzy lang ang nagiisang kapatid ko walang ng iba...at kung
hinihingin mo naman na ituring kitang kaibigan, Asa ka
pa...magisip ka nga Cara ni hindi ko nga gustong nandito ka."
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 3
Nasa may cottage ako katabi ng swimming pool ng bigla akong
nilabas ni tita samantha.
"Cara anak anong gusto mong mirienda?" Tanong niya.
Nagrereview kasi ako dahil midterms na namin this coming week.
Kailangan kong magsunog ng kilay. Di kasi ako katulad ng ibang
anak mayaman na kahit di seryosohin ang pagaaral ay maganda ang
future...Ako? Kagaya nga ng sabi ni lucas, matagal na akong
pulubi.
Nakangiti akong umiling. "Di na po tita, ayos lang po ako"
pagtanggi ko.
"May dala ang tito luke mo na blueberry cheesecake, gusto mo bang
dalhan kita dito?" Tanong niya.
Muli akong umiling, "ayos lang po talaga ako tita" pagtanggi ko
ulit.
Tumango na lamang siya bilang pagsangayon, aalis na sana siya ng
bumalik siya muli sa aking harapan na para bang may nakalimutan
sabihin.
"Oo nga pala Cara, inilagay ko yung mga bagong labang damit sa
cabinet mo, nakita ko yung atm card mo sa itaas, oh ito baka
mawala..." sabi niya sabay labas ng isang atm card.
Nanlaki ang aking mata, sigurado ding nakakunot ang aking noo.
"P...po?" Yun na lamang ang tanging lumabas sa aking bibig.
"Kinuha na namin kayong dalawa ni suzy ng atm card para naman di
niyo na kailangang humingi pa kay lucas tungkol sa allowance niyo,
and mas safe iyon, Tell me if kulang ha...wag kang mahihiyang
magsabi" bilin pa niya tsaka niya nilapag ang Atm card sa mesa at
iniwan ako.
Di pa din ako makapaniwala sa sinabi ni tita samantha, Itong card?
Sa ibabaw ng cabinet ko? How come...at ni hindi ko nga din alam na
may ganito pala ako.
Isinantabi ko muna ang pagiisip tungkol
sa card, kung ganuon pala ay wala kay lucas ang allowance ko...
Ibinalik ko ang buong atensyon ko sa aking binabasang libro,
Biochemistry ito at sa totoo lang ag nagkabuhol buhol na sa utak
ko ang ibat ibang chemical structure.
"Later mom..." malakas na boses ng kadadating lamang na si lucas
na mukhang kausap si tita samantha mula sa loob ng kanilang bahay.
Nakatrunks lamang ito, at mukhang lalangoy nanaman. Ang kaninang
poker face niyang mukha ay agad na nalukot ng makita ako. Kaya
naman napayuko na lamang ako.
"Pumasok ka nga dun, i don't want you here..." seryoso at walang
kabuhay buhay na sabi niya sa akin habang di man lamang magawang
tumingin habang nagstretching.
Napanguso ako. "Pero nauna ako dito lucas" mahinahong laban ko.
Binalingan ako nito at tsaka nanaman matalim na tiningnan. "Bobo
ka ba talaga o talagang bobo ka lang?" Huh? Ano daw? Pareho lang
naman yun ah!
Asik niya sa akin na may kasama pang panduduro. Kaagad kong
malumanay na tinabig ang kanyang kamay na nakaduro sa akin. "Wag
ka nga...baka mamaya ay manuno ka niyan" concern na sabi ko sa
kanya.
Nagigting ang panga nito, na para bang ano mangoras ay gusto niya
ng paliparin ang kanyang kamao sa kahit anong mangparte ng aking
mukha.
"Wala akong pakialam kung nauna ka dito, basta ang gusto ko umalis
ka dito..." matigas na utos niya sa akin.
"Eh dito lang naman ako ah? Para namang masyado akong nakakaabala
sa paglalangoy mo..." sabi ko pa.
Nanginig ang labi nito sa sobrang panggigigil. "Matuto ka ngang
lumugar Cara...sampid
ka lang dito, wala kang karapatan sa kahit na anong sulok ng bahay
na to, mahiya ka nga!" Sumbat nanaman niya sa akin.
Gusto nanamang pumatak ng mga luha ko, pero narealize kong
nakakasawa na kaya naman napayuko at natahimik na lamang ako.
"Alis na!" Sigaw pa niya sa pagkainip.
"Anong aalis?" Biglang singit ng kararating lang na si tita
samantha at may dalang tray.
"Ano nanaman ba iyan lucas?" Tanong niya sa anak.
"Mom...ayoko siya dito! Kaya please naman..." parang batang
pagsusumbong nito sa ina.
"Nauna si Cara dito, tsaka nagaaral siya...di ka naman niya
maaabala sa paglalangoy mo lucas" pagpapaliwanag ni tita samantha
dito.
Kumunot ang noo ni lucas na para bang may maling sinabi ang
kanyang ina. "Why are you always like that ma? Ako ang anak niyo
at di yang sampid na yan" himutok niya sa ina.
Kita ko ang galit sa ekspresyon ni tita samantha. "Lucas di ko na
nagugustuhan yang lumalabas sa bibig mo ha" suway niya dito pero
mahinahon.
"It's true mom...palagi na lang kayong nakapabor sa ibang tao na
hindi niyo naman kaano ano" laban pa ni lucas.
"Look anak...ikaw ang lalaki dito, ikaw dapat ang mas higit na
nakakaintindi, you should also treat cara as a sister like
suzy..." sabi ni tita samantha dito.
Si lucas ay galit na napabaling sa kung saan. Ganyan kagaspang ang
ugali niyan pero ni minsan di niya binastos si tita samantha,
ganyan niya kamahal yung mommy niya pati na din syempre si tito
luke...at
mas higit ang kakambal na si suzy.
How i wish...sana ako din.
"Isa lang ang kapatid ko ma...si suzy lang" sabi niya sabay walk
out. Kaagad siyang lumapit sa gilid ng pool at naghanda para
lumusong.
Nakangiting bumaling si tita samantha sa akin. "Pagpasencyahan mo
na anak...baka meron" natatawang sabi nito sa akin sabay lapag ng
mirienda sa table ko.
Napangiti na lang din ako tsaka tinanggap ang ibinibigay niya sa
akin. "Sabi ng tito luke mo kumain ka daw" natatawang sabi niya.
"Ayy...thank you po" medyo nahihiya pang sabi ko dito.
"Si suzy ay tulog na tulog sa taas" kwento niya sa kanina pang
tulog na si Suzy.
Tumango na lamang ako. Kung matalino lang siguro ako kagaya nila
ay di ko na kailangan pang magsunog ng kilay dito ngayon.
Tanging tunog ng tubig na nangggaling sa paglangoy nu lucas ang
aking naririnig. Kain lang ako ng kain nung cheesecake habang
nakatanaw sa kanya.
Gustong gusto ko kasi siyang panuorin magswimming dahil naaalala
ko sa mga galaw niya sina mommy at daddy. Maya maya ay umahon ito,
at kaagad na napako ang mga mata ko sa maganda niyang katawan.
Sabayan mo pa ng pagtulo ng tubig na nagmumula sa kanyang buhok.
"Stop staring! Damn it!" Matigas na suway niya sa akin kaya naman
napayuko ako pabalik sa aking mga handouts.
Kita ko pa rin sa peripheral vision ko ang kanyang ginagawa.
Tinutuyo nito ngayon ang kanyang buhok gamit ang tuwalya, umupo
din siya sa isang beach bench malapit sa pool at tsaka isang lagok
na ininom ang juice na mukhang binigay din ni tita samantha sa
kanya.
"Kids
nagmirienda na ba kayo?" Malakas na tanong ni tito luke na
kalalabas lang.
Kaagad na napasimangot si lucas sa pagdating ng kanyang daddy. "Im
not a f*cking kid dad!" Iritadong suway niya sa daddy niya.
"Your mouth lucas! I'll cut your tongue..." suway ni tito luke
dito na akala mo batang pinapagalitan at tinatakot.
Lalong sumimangot si lucas at inalis ang paningin sa ama. Ngiti
ngiti namang bumaling si tito luke sa kinalalagyan ko.
"Nagmirienda ka na ba Cara?" Tanong niya sa akin tsaka umupo sa
loob din ng cottage habanv nakatanaw.
"Opo tito" magalang na sagot ko dito.
Tumango tango ito. "Lucas baby come here!" Malambing na utos at
mapangasar na sabi pa nito.
"DAMN IT DAD!" Suway niya sa ama na kaagad namang kinahalakhak ni
tito luke. Gustong gusto kasi nitong inaasar si lucas.
Napatawa na lang din tuloy ako dahil sa pagmamaktol ni lucas di
kalayuan sa amin.
"Where's your mom?" Tanong niya dito habang preskong nakaupo sa
kaharap kong upuan.
"Ikaw ang asawa bakit sa akin mo hinahanap?" Nakabusangot na sagot
nito sa ama.
Di na nakasagot si tito luke dahil kaagad na lumabas si tita
samantha na may dalang papel.
"Luke mag grocery na tayo" tawag ni tita samantha dito.
"Come here baby..." yaya niya dito tsaka tinapik ang katabing
upuan.
Kaagad namang dumiretso sa kinalalagyan namin si tita samantha
pero di pa din maalis ang tingin sa anak na si lucas na hanggang
ngayon ay kagalit ang pool dahil sa sama ng tingin.
"Ano nanaman ang ginawa mo sa anak mo?" Tanong ni tita
samantha dito.
Kaagad na napangiti si tito luke at tsaka hinila si tita samantha
patabi sa kanya. Kaagad niya itong inakbayan. "I just call him
baby...ayaw niya" natatawang kwento ni tito luke.
Hinalikan nito ang tuktok ng ulo ni tita samantha. "Ikaw naman
kasi...alam mo namang binata na yang anak mo eh" suway ni tita
samantha dito.
Their position is intimate kaya naman nahihiya tuloy akong
tumingin sa kanila. Ang sweet nila...
"Ang bilis nga eh" may halong lungot pang sabi ni tito luke.
Napatawa naman si tita samantha. "Namiss mo na bang makipagaway sa
ibang nanay para lang sa gustong laruan ni lucas?" Natatawang
kwento nito.
Napangiti si tito luke. "Alam mo kung anong namiss ko?" Pangaasar
ni tito luke dito.
"Ano?" Tanong nito.
Agad na napangisi si tito luke at tsaka may ibinulong kay tita
samantha. "LUKE!" Hiyaw nito sabay hampas sa braso ni tito luke.
Si tito luke naman ay tuwang tuwa habang si tita samantha ay
namumula. "Mag grogrocery pa tayo!" Suway nito.
Napailing si tito luke. "Si lucas na lang at si Cara" baling niya
sa akin sabay kindat.
"Nagrereview si cara oh..." turo niya sa akin.
Kaagad kong isinara ang librong hawak ko. "Actually kanina pa po
ako tapos" nakangiting sabi ko sa mga ito.
"See?" Sambit ni tito luke.
Sandaling napaisip si tita samantha. "Pero baka mamaya ay awayin
nanaman ng sumpungin mong anak itong si cara" nagaalalang sabi
nito.
"Alam mo baby, mas maganda nga na palagi silang
magkasama nitong si cara para naman maging close sila..."
suwestyon ni tito luke.
"Sa tingin mo?" Paniniguradong tanong ni tita samantha dito.
Nakangiting tumango naman si tito luke. Maya maya ay sumangayon
din si tita samantha, kaya naman tinawag na ni tito luke si lucas
palapit sa aming kinalalagyan.
"Lucas" tawag nito.
Kaagad na lumapit sa aming pwesto si lucas. "What now?" Tanong
niya sa kanyang ama.
"Pagod na ang mommy mo...magGrocery muna kayo ni Cara" kaswal
lamang na sabi ni tito luke na tila mo'y di niya ito pinlano.
As usual nanlaki nanaman ang mata ni lucas. "No way!" Hiyaw nito.
Napaayos ng upo si tito luke habang nakaalalay naman sa kanya si
tita samantha.
"Anong problema duon lucas? MagGrogrocery lang naman kayo ah!"
Asar nito sa anak.
Napabaling ito sa akin na para bang iniisip niya na ako ang may
kasalanan ng nangyayari ngayon.
Nanlaki ang mata ko at bahagyang napailing para sana ipagtanggol
ang sarili pero pinili ko na lamang na yumuko muli.
"Sige na lucas, konti lang naman ito" malambing na sabi ni tita
samantha sabay lahad ng listahan ng bibilhin.
Napairap si lucas. "Give me a minute" tamad na sambit nito at
kaagad na pumasok ng kanilang bahay.
Napatawa si tito luke at kita kong mas lalo nitong hinigpitan ang
kapit sa bewang ni tita samantha. "Konting lambing mo lang talaga
sa mga anak mo..." nakangiting sambit nito.
Kinurot
at inabot ni tita samantha ang ilong ni tito luke. "Palagi mo
kasing niloloko ang anak mo kaya tuloy inis sayo...pareho pa naman
kayong topakin" balik na asar ni tita samantha sa asawa.
Batid kong maglalambingan nanaman sila kaya naman para di
makaistorbo ay nagpaalam na akong papasok muna sa bahay para
makapagayos na din.
Pangitaas ko lang ang pinalitan ko. Naka maong akong tokong tsaka
kulay gray na polo shirt. Konting suklay ng buhok at pulbo sa
mukha ay kaagad na akong bumaba sa may sala.
"Here's my card lucas" sabi ni tito luke sabay abot sa card niya
sa naka kulay maroon na v neck at brown na short na si lucas.
Napatango ito sabay kuha sa card ng daddy niya. Napabaling siya sa
akin. "Kailangan pa bang kasama to?" May bahid ng pagkainis na
tanong sa ama sabay turo sa akin.
"Pasalamat ka pa nga at sasamahan ka ni Cara" sabi ni tito luke sa
kanya.
"Tsk...nahiya naman ako noh!" Laban nito sabay labas ng bahay.
"Alis po muna kami tito luke" paalam ko dito.
"Ingat kayo...lalo ka na, but dont worry di ka naman kakainin
niyan ni lucas..." biro pa niya sa akin.
Nabuksan na ng guard ang gate, umaandar na din ang makina ng
kanyang itim na mustang. Pinagmasdan ko ito, di ko kasi alam kung
kailangan ko na bang pumasok.
Napabalikwas ako ng bumusina ito kasabay ng pagbaba ng salamin sa
binta ng passenger seat.
"What the hell are you waiting for!?" Sigaw nito sa akin.
Kaya naman dali
dali akong pumasok dito. "Pa importante" rinig kong bulong nito na
mukhang sinadya naman talaga niyang iparinig sa akin.
Tahimik kami hanggang sa makalabas sa subdivision. "Uhmmm..."
bubwelo pa lang sana ako ng salita ng kaagad na itong kumontra.
"Just f*ckin shut up" matigas na ingles na sabi nito na damang
dama mo talaga ang feelings.
Pero makulit talaga ako pasencya na. "Gusto ko lang naman sanang
itanong kung ikaw ba yung naglagay nung atm card sa ibabaw ng
cabinet ko" malumanay na tanong ko.
"So what..." preskong preskong tanong niya habang di man lang
tumingin sa akin.
"Kung ganuon, pera mo pala talaga yung ibinigay mo sa akin" dagdag
ko pa.
Napangisi siya, "dont mind it, barya lamang naman yon...di
mahalaga, parang ikaw." Mapanuyang sabi niya at bahagya akong
sinulyapan.
"Kung ganuon salamat pala...babayaran na lang k..." di ko na
natuloy ang sasabihin ko ng kaagad niya akong pinigil.
"Whoa...anong ibabayad mo sa akin? Pera na nangGaling din sa mga
magulang ko? Kapal talaga ng mukha mo eh ano?" Pangiinsulto pa
niya.
Agad akong napailing, gusto ko kasi sanang sabihing magpapart time
work ako pero di ko alam kung tama bang malaman pa niya, baka kasi
mamaya ay akalain nitong nagpapaawa lamang ako sa kanya.
Di ko na muli pang sinubukang magsalita hanggang sa makarating
kami sa mall na pagmamayari din nila tito luke, which means...kina
lucas.
Ang nga guards at employee ay kaagad na nagbibigay daan sa kanya
at tsaka bumabati. Naglalakad ito habang nakapasok ang magkabilang
kamay sa bulsa at naglakad sa supermarket na nakataas noo na akala
mo ay may fashion show duon, halos lahat tuloy ay napapatunganga
sa kanya.
"Good afternoon po, sir jimenez...ipapaAssist ko na lamang po kayo
sa isa sa mga sta..." di na natuloy ng isang employee ang kanyang
sasabihin ng pinahinto siya ni lucas.
"No need...may kasama akong katulong" sabi niya sabay baling sa
akin.
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 4
"Ok po sir..." paalam nung staff kay lucas sabay alis.
Napabaling siya sa akin. "Ito ang listahan" labas niya sa kanang
bulsa. Inilahad niya ito sa akin kaya naman aabutin ko na sana ng
kaagad niya binitawan iyon at tsaka bumagsak sa lupa.
"Make it fast" utos niya sabay alis.
"Yes sir" bulong ko sabay irap.
Agad kong itinulak ang push cart na dinala ng isa sa mga staff
kanina. Tiningnan ko ang listahan na kakapulot ko lang dahil sa
pagbitaw ni lucas.
Nakita kong mga normal lamang naman iyong mga ingredients sa loob
ng kusina at ang iba ay pang personal hygiene.
"Gatas, kape, creamer, asukal..." basa ko sa listahan habang
ibinabato ang mga iyon sa aking hawak na push cart.
"Bagal!" Biglang sabi ng kadadating lamang na si lucas. Natural ay
nagulat ako. Nagcoconcentrate kaya ako sa pamimili.
Nakatingin ito sa kung saan habang kinakain ang kanyang hotdog on
stick. Tsk...di man lang ng libre.
"Eh sana naman kasi tumutulong ka..." bulong ko sabay tulak ulit
sa push cart.
"May sinasabi ka?" Masungit na tanong niya sa akin.
"Wala po senyorito" pilit na ngiting sabi ko, pero mukhang lalong
nainis.
"Ako na nga...umalis ka na nga diyan" sabi niya sabay tulak sa
akin palayo sa may pushcart.
Hinayaan ko na lamang siya. "Hay naku lucas...wag sanang mamatay
ka ng maaga dahil sa stress, papakasalan pa kita ha!" Kinikilig na
sabi ko habang nakatanaw na ako sa paglayo niya sa akin habang
tulak tulak ang pushcart.
Alam ko namang di papayag iyon na makasama ako ng matagal kaya
naman naglibot na lang ako sa iba, malaki din naman ang grocery na
to, at napangiti ako ng makita ko na ang hinahanap ko.
"Free taste..." tagumpay na sabi ko sa mga nakahilerang stall.
Dinadala kasi kami dati ni tita samantha dito tuwing naggrogrocery
siya. Agad akong lumapit duon at tinikman ang mga inooffer nila.
Marami rin naman ang tumitikim. Nakatusok lamang iyon sa
toothpick.
"Hoy babae!" Sigaw nu lucas sa aking tenga.
"Aray naman" daing ko.
"Aalis na ako, ano papaiwan ka na dito? Mabuti nga siguro kung
ganon" galit na sabi nito sa akin habang nakatingin sa toothpick
kong may hotdog.
Sinubo ko muna iyon bago siya nilagpasan. "Edi aalis na" sabi ko
sabay punta duon sa limang plastick bag ng pinamili niya, mabilis
din talaga kumilos ang isang ito. Pero feeling ko tinamad at
nagpatulong na din iyan sa mga staff.
"Luc..." tatawagin ko na sana siya pero nakita kong nakatayo siya
duon at kumakain.
Halos mangisay yung mga babae sa harapan ni lucas pero mukha
namang wala lang sa kanya.
"Lucas..." tawag na ko dito tsaka ko siyang nilapitan.
"What!?" Pagalit na singhal niya sa akin habang ngumunguya.
"Akala ko ba uuwi na?" Tanong ko.
"Pakialam
sabi nito
tuloy ako
nangaasar
mo
at
sa
ba
ba? Edi mauna ka na...layas nga diyan" pagalit na
bahagya pa akong tinulak palayo sa kanya. Napatingin
mga babaeng kanina pa nangingisay. Di ko alam kung
sika o ewan. Bahala sila diyan.
Wala na ang limang plastick ng
grocery duon malamang ay nailagay na nila sa sasakyan ni lucas.
Iba na talaga pag mayaman ka. Tsk.
"Salamat po" sabi ko sa isang staff sa pagpapasok niya sa
compartment sa huling grocery bag.
Wala pa din si lucas, di ko alam kung ano na ang nangyari duon,
baka mamaya ay inubos na yung pang free taste sa loob.
Kuya Matthew Calling...
Nagulat ako sa pag tunog ng aking cellphone, di ko kasi inaasahang
tatawag sa akin ang panganay na anak ni tito matteo.
"Hello..." bungad ko sa kanya.
Tahimik ang kabilang linga di ko alam kung bakit. "Hello, Kuya
matthew?" Sabi ko ulit.
Narinig ko ang kanyang medyo may pagkamalalim na buntong hininga
sa kabilang linya.
"Uhmm...Cara" tipid na sambit niya.
Napangiti ako. "Ako nga po, may maitutulong po ba ako sa inyo?"
Tanong ko dito.
"Are you busy?" Tanong niya pa na ikinanuot ng noo ko.
"Di...di naman po masyado" sagot ko kahit ngayon ay sobra sobra na
ang pagkagulat ko.
Matagal na nawala ang nasa kabilang linya. "Kuya matthew?" Tawag
ko sa kanya.
Tumingin ako sa aking cellphone, umaandar pa din naman ang tawag.
"Hel..." di na natuloy ang susunod kong sanang sasabihin ng kaagad
siyang nagsalita na lubos kong ikinagulat.
"Can i ask you out for dinner?"
Di pa ako lubos na nakakapagisip ng kaagad akong magulat ng
biglang bumusina ng matagal at malakas ang mustang ni lucas.
"BULLSHIT!"
sigaw ko sa gulat.
Napatingin ako sa driver side nanduon si lucas nakatayo habang
nakangisi, bukas ang bintana at duon nakapasok ang kanyang kamay
patungong manibela.
"Pasok!" Utos niya sa akin kaya naman tuloy dali dali akong
pumasok sa passenger seat at pumasok na din siya.
Kukuhanin ko na sana ang seat belt para isuot ng maalala kong
kausap ko nga pala si kuya matthew kanina, but nakita kong call
ended na kaya naman itinago ko na ang cellphone ko. Pwede ko naman
siya tanungin bukas pag nagkita kami sa university.
Nakauwi kami ng bahay ni lucas na walang imikan. Dumiretso na din
ako sa loob kasi tinulungan naman na siya ng mga guard at ibang
maids.
"Cara!" Pagtawag sa akin ni suzy na kumakain ng ice cream sa
kanilang garden.
Imbes na dumiretso pataas ay pinuntahan ko muna siya.
"Oi...nagdate sila ni kuya!" Asar niya sa akin.
"Hindi ah..." pagtanggi ko.
"Ang sakit ng puson ko, tinatamad tuloy akong pumasok bukas"
kwento niya.
Nanlaki ang mata ko. "Tapos kumain ka pa ng ice cream, lagot ka sa
kuya mo niyan..." pangaral ko sa kanya na nginuusan niya lang.
"Uhmm, suzy anong ibig sabihin pag sinabi ng lalaking mag dinner
kayo?" Tanong ko sa kanya tungkol sa sinabi ni kuya matthew sa
akin.
Nanlaki ang mata nito, "niyaya ka ni kuya?" Excited na tanong
niya.
Agad akong umiling. "Hindi ah!" Pagtanggi ko.
"Eh ano...may nanliligaw sayo?" Asar pa niya, pero
kita kong inis siya, lagi kasi niyang sinasabi sa akin na gusto
niya daw kami ng kuya niya, di ko nga alam kung nakikita ba ni
suzy na ayaw na ayaw ng kuya niya sa akin.
"Wala ah..." tanggi ko muli.
Napabuntong hininga ito. "If someone ask you for dinner, he maybe
interested to you" sagot niya sa akin.
Di ako pinatulog ng mga sinabing iyon sa akin ni suzy. Imoossible
naman kasing iyon ang intensyon ni kuya matthew sa sinabi niya sa
akin.
"Papasok ako mamayang hapon kuya" pagmamaktol ni suzy habang nasa
hapagkainan kami kinaumagahan.
"Wag na...pareho lang yon suzy, you better rest for now" payo nito
sa kapatid habang hinihiwa ang kanyang pancake.
"Your kuya is right princess, rest for this day..." sabi pa ni
tito luke. Wala pa si tita samantha at nasa kitchen pa.
"Kung ganun, isabay mo na si Cara kuya" masiglang sabi nito sa
kanyang kuya.
Ibinaba ni tito luke ang hawak na dyaryo. "Your sister is right
lucas...isabay mo na itong si cara" muling pagsangayon ni tito
luke dito.
"No way..." sabi ni lucas at tsaka kaagad na tumayo sa
hapagkainan.
"Im going" sabi niya sabay sukbit ng kanyang back pack.
"Come on cara, sundan mo na" natatawang sabi ni tito luke.
Di ko alam ang gagawin ko kaya naman sinunod ko na lamang siya.
Pagkalabas ko ng pinto ay nakita kong palabas na ng gate ang
mustang ni lucas.
"Lucas!" Habol na tawag ko sa kanya.
Pero mas lalo lamang niyang pinaharurot ang kanyang sasakyan.
Napairap ako sa kawalan.
"Maglalakad na lang ako" sabi ko tsaka tinahak
ang daan palabas ng kanilang malaki at exclusive na subdivision.
Pagkalabas ay kaagad akong pumara ng jeep. Punuan pero kaikangan
ko ng sumakay, baka mamaya niyan ay malate pa ako.
"Hello ate cara!" Bati nina Kendall, Tammarie at Zafara sa akin.
"Hello" balik na bati ko sa mga ito.
Nasa cafeteria ako para bumili ng mineral water, nakakadehydrate
kaya ang init. "Ito po ang bayad" abot ko sa tindera.
"Cara wala si suzy?" Tanong ng kadadating lang na si Zena.
"Pina Absent ng kuya at ng daddy niya, masama kasi ang pakiramdam"
sagot ko sa kanya na kaagad din naman noyang tinanguan.
"Anong oras klase mo?" Tanong niya sa akin.
Tumungin ako sa aking wrist watch, maaga pa pala ako ng halos
isang oras. Di ko alam kung anong pumasok sa utak ko kanina at
maaga akong umalis ng bahay.
"Mamayang 11:30 pa" sagot ko sa kanya.
"Can i ask favor?" Tanong niya.
"Sige ano yon?" Tanong ko.
Sinama ako ni Zena sa open cottage student lounge. Nanduon halos
lahat ng mga kabarkada nila. "Kuya mikhael...mirienda please"
paglalambing niya sa kanyang pangalawang kuya.
Napairap si mikhael sabay hagis ng cellphone sa lamesa. "Anong
gusto mo?" Iritadong Tanong sa kapatid.
"Wag na nga lang...parang galit ka naman eh" pagpapaawa niya.
Umirap sandali si mikhael sa ere.
"Baby Zena anong gusto mong kainin?" Pekeng ngiting tanong ni
mikhael sa kapatid.
"Donut kuya...tsaka frappe, for two ha...may gagawin kasi kami ni
Cara, Thanks!" Masiglang utos
nito sa kapatid.
Padabog na tumayo si mikhael sa kinauupuan pero sinunod pa din
niya ang gusto ng kanyang kapatid.
Isa Si Zena sa mga organizer ng gaganapin na prom para sa mga
senior highschool student kagaya nila kendall, tammarie at zafara.
Nagpatulong siya sa pagaayos ng mga invitations para dito.
"Here's your order sis"
"Where's kuya mikhael?" Takang tanong ni Zena ng ang kuya matthew
niya ang naghatid ng ipinabili niyang mirienda sa kuya mikhael
niya kanina.
"May klase na...kaya ako na ang naghatid sa inyo niyan" sagot ni
matthew sa kapatid pero nakatingin sa akin.
Di ko kaya ang tingin niya kaya naman napayuko na lamang ako.
Napasulyap ako bahagya pero kaagad ko din namang binawi ng makita
kong nakatingin pa din ito sa akin. Did i do something wrong?
Bigla tuloy akong nailang sa kanya, di ko na tuloy alam kung dapat
ko pang tanungin yung about duon sa dinner na sinasabi niya.
"Come on Ken...isang game lang!" Kantyaw nina Zeus at Thomas dito.
"Next time guys, i need to fetch Keanu in his piano class" paalam
nito tukoy sa bunsong kapatid.
Agad na dumaing sina Zeus at thomas dahil sa pagtanggi ni Kuya
ken. They love playing football. Malaki naman ang soccer field ng
school kaya walang problema.
"Excited ka na ba sa retreat next week?" Natatawang tanong ni Zena
sa akin.
Nagkibit balikat ako. "Sort of?" Sagot kong medyo natatawa din.
Tito luke, tito kervy, tito matteo,
tito timothy and tito Zach. Silang lima ang nakaisip na once a
year ay magkaroon kami ng retreat. Ewan, di ko alam kung trip lang
ba nila o seryoso talaga sila. They said that we kids today should
atleast reconcile.
"Tito kervy said na sa batanggas tayo ngayon, tinatakot nga kami
eh, liblib na lugar daw iyon at walang signal kaya useless magdala
ng phones and gadgets" kwento niya.
They'll be dead. Ito pa naman ang mga taong di mabubuhay ng walang
connections. Excited na tuloy akong makita ang mga busangot nilang
mukha pagdating ng retreat.
"Di naman ganuon kaganda" sabi ni Kendall pagkadating nila.
Bestfriend talaga ang tatlong ito. "Pwede na din!" Giit ni
Tammarie.
"I think she will stay here for good though" suwestyon naman ni
Zafara.
"Hey girls sino ba yang pinaguusapan niyo?" Singit ni Zena sa
kanila.
"Amiella Cassandra Viazo" sagot ni kendall.
Napataas ang isang kilay ni Zena dahil dito. "The Vogue featured
model?" Naninigurong tanong pa niya sa tatlo na para bang di pa
siya makapaniwala.
Di ko masabayan ang pinaguusapan ng mga ito dahil di ko naman
kilala ang sinasabi nilang babae. Sila lang kasi ang kaclose ko
dito sa school.
"Everyond is fond by her presence..." pahayag ni Zafara.
Maya maya ay nanlaki ang mata ni kendall. "Please ate Zena...dont
tell me she's invited sa prom!" Himutok ni kendall.
"We'll see baby...di natin alam kung anong plano ng ibang
organizers"
sagot sa kanila nito.
Sabay bumagsak ang balikat ng tatlo. "Ito na pala si Doctor Lucas"
asar ni Zena pagkadating ni lucas.
With his usual look. Matalim nanaman ang tingin nito sa akin. "I
want water..." sabi niya sa kawalan.
Ako lang naman ata ang pumansin sa kanya dahil busy ang iba. "Buy
me..." sabi niya sa akin.
"May ginagawa ako" laban ko.
Tumaas ang isang sulok ng labi nito, "uutusan ka lang ganyan ka?
Wala pa nga iyan sa mga naitulo..." di ko na siya pinatapos at
kaagad akong nagpaalam kay zena na may bibilhin lang.
Susumbatan nanaman kasi ako nuon. Bakit kaya di na lang niya ako
diretsuhin at sabihing magkatulong na lang ako sa kanila para
mabayaran yung lahat ng nagastos ng mga magulang niya sa akin. Yun
naman ata ang plano niya ngayon. Ang gawin akong katulong.
Pagkapasok ko ng Cafeteria ay maingay ng bulungan ng mga
estudyante ang aking naabutan. They were all looking at the table
of...
"That's Amiella right? Ang ganda niya talaga" sabi ng isang
lalaking nadaan sa gilid ko.
Kahit ako ay napatulala sa kanyang ganda. She has a short hair, na
hanggang balikat lang but mas lalo lang nuon pinapakita ang
napakagandang hugis ng kanyang mukha, she's petite in a sexier
way, maputi at makinis. Matangos din ang ilong.
Binili ko ng tubig si Lucas na masungit, hanggang ngayon ay di pa
din maalis ang mukha ng Amiella na iyon sa aking isip.
Nakakainggit lang.
"Someone is Happy!" Malakas na sambit ni Matthew na sinabayan pa
nina Zeus at thomas.
"Shut up" tamad na sabi ni lucas.
Di ako tuluyang pumasok sa Student cottage. "Amiella Cassandra
Viazo is back..." muli pang pahayag ni thomas habang nakatingin
kay Lucas.
Humakbang ako ng kaunti, napatingin tuloy sa akin si Kuya Matthew.
Di ko alam pero mas lalong lumaki ang ngisi niya habang nakatingin
sa akin.
"Lucas Eion Jimenez...First love" sabi niya habang diretsong
nakatingin sa akin.
Mabilis na naghiyawan sina Zeus at Thomas nabitawan ko tuloy ang
hawak kong mineral water...wala akong alam na ganito.
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 5
Gusto kong umiyak habang naglalakad ako pauwi sa bahay, kanina pa
nagiinit ang gilid ng aking mata dahil sa aking nalaman. Bata pa
lang ay crush ko na si lucas pero ni minsan di ko narinig ang
babaeng nagngangalang amiella na yon.
Tahimik sa loob ng bahay mukhang walang katao tao, dumiretso na
lamang ako kaagad sa aking kwarto at nagkulong. Kinuha ko yung
family picture namin at pinagmasdan sina mommy at daddy. Mas lalo
tuloy akong naiyak.
Sana kasi di na lang ako naiwan...
(Flashback)
"Cara baby dont go near the pool ok?" Paalala sa akin ni mommy.
Agad akong tumango at kinain na lamang ang mirienda ko. May bago
kasing dumating na visitors at kaagad na inentertain iyon nila
mommy at daddy.
"Hi Lucas" masayang pagwelcome nila mommy sa bagong estudyante.
Apat sila. Gwapo at maganda ang parents niya pati na din ang
batang babaeng kamukha niya ay maganda din. Kita ko ang paglibot
ng patingin niya sa buong lugar at parang may kung anong lumipad
sa tiyan ko ng napatingin siya sa akin.
"Hi" mahinang sabi ko sabay taas ng kamay ko at iwinagayway sa
kanya.
Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa. Tsaka inirapan. Ang
sungit naman ni pogi!
Maya maya ay umalis na ang parents at kapatid niya, sinamahan
naman siya ni daddy sa locker room.
"Mommy new student?" Tanong ko kahit alam ko naman na, kumwari
ay wala akong pakialam kanina at di ko tinitingnan yung poging
masungit.
"Yes baby, his name is lucas" kwento ni mommy sa akin.
Napangusi ako, ganda ng name niya malakas ang dating at tunig pogi
talaga. "Anong apleyido niya mommy?" Tanong ko kay mommy na busy
sa pagaayos ng mga gamit.
"Jimenez" tipid na sagot niya sa akin.
"Cara jimenez...wow bagay!" Kinikilig na sabi ko sabay subo muli
ng sandwich na kinakain ko.
Maya maya ay lumabas na ito na nakakulay blue lang na trunks. "Wow
ang laki!" Natatawanbg sabi ko
Napalaki tuloy lalo ang kagat ko sa sandwich na hawak ko dahil sa
malaki nitong pwet, parang ang sarap tuloy hawakan!.
"Hey princess ano nanaman yang ginagawa mo?" Biglang singit ni
daddy.
Napailing ako. "Wala po" sagot ko.
"Come, papakilala kita kay lucas" yaya niya sa akin.
Agad kong nilunok ang sandwich sa aking bibig. Napaayos ako sa
suot kong pink floral swimsuit. Kaagad akong inakay ni daddy
papalapit kay lucas na kinakausap ni mommy.
"Hi lucas, this is cara...anak namin siya" pagpapakilala ni daddy
sa akin. Todo ang ngiti ko.
"Hi lucas!" Sabi ko sabay lahad ng kamay.
Naningkit ang mata nito sa akin. Tsaka ko lang naalalang
kakatanggal lang pala ng isang ngipin ko sa gitna. "May
test ba diyan sa bibig mo?" Masungit na tanong niya.
Oh my gosh! Pumipick up line si pogi!
"Ha eh bakit?" Pagpapacute na sabi ko pa.
"Eh kasi naka one seat apart yang mga ngipin mo eh" sabi niya
habang nakapoker face pa.
Gusto kong mangiti pero mukha namang insulto yon eh, "iniinsulto
mo ba ako?" Malumanay at maayos na tanong ko sa kanya.
"Ano sa tingin mo?" Masungit na sabi pa niya.
Nagkibit balikat ako. "Di ko alam eh" nakangiting sagot ko na mas
lalong nagpagalit sa kanya.
"Stupid" akusa niya sa akin sabay alis.
Naglakad siya palibot sa pool kaya naman sinundan ko siya.
Nakasunod ako sa kanya habang naglalakad siya pero di pa din
maalis ang tingin ko sa kanyang pwet. Ang laki kasi nuon at
mukhang fluffy.
"Alam mo bang favorite ko yung mamon" kwento ko.
"No one cares" serysong sagot niya pa.
"Matanda ka na ba? Para kasing di ka bata eh" curious na sabi ko.
"Ikaw tanga ka ba? Para kasing wala kang alam eh" laban niya sa
akin sabay fake ng ngiti.
Napangiti naman ako dahil duon. "Friends na tayo pwede?"
Tanong ko sabay lahad ng kamay.
Pero tiningnan lamang nito ang kamay ko tsaka ako kaagad na
tinalikuran. Dahil sa pagkabigla ay nahawakan ko ang pwet niya.
"Wow fluffy!" Sabi ko pero ganuon na lamang ang gulat ko ng
sumigaw ito.
"Leave me alone!" Sigaw niya tsaka ako tinulak sa pool.
"MOMMY!" sigaw ko kaagad.
"DADDY HELP! MOMMY!" paghingi ko ng tulong. I cant swim...
Maya maya ay kaagad kong naramdaman ang yakap sa akin ni daddy.
"Shhh baby...daddy is here" pagaalo niya sa akin dahil sa
panginginig ko.
Maya maya ay dumating si mommy na may dalang tuwalya. Napatingala
naman ako sa walang kaekpresyong si lucas.
"She touch my butt..." pahayag niya sa mga magulang ko.
Kinulong ng malalaking palad ni daddy ang magkabilang pisngi ko.
"Everything's fine now" paninigurado ni daddy sa akin.
Agad akong napatango. "My mom told me not to hurt a girl, but this
one is kind a weird" sabi ni lucas with accent pa.
Napatawa naman si daddy dahil duon. "Im sorry dahil sa ginawa ni
cara sayo..." paghingi ni daddy ng paumanhin.
"It's fine..." sagot ni
lucas at tsaka napamewang at itinuon mili ang paningin sa buong
pool.
Hinatid ako nina daddy at mommynsa locker room para makapagbihis.
"Daddy pwede bang si lucas na lang ang maging boyfriend ko?"
Tanong ko na ikinatawa nilang dalawa.
"You're too young for that cara" suway ni mommy sa akin.
"Uhmmm...paglaki ko po?" Tanong ko pa.
Kaagad na ginulo ni daddy ang buhok ko. "Alright, ipapakasal kita
kay lucas paglaki mo" sabi ni daddy kaya kaagad akong napangiti.
"Pero kung payag din si lucas na makasal sayo" bawi niya na
ikinasimangot ko.
"Syempre papayag siya" paninigurado ko.
Hinalikan ako ni daddy sa aking noo. "Sana nga...kung duon masaya
ang baby ko" pagsupporta niya sa akin.
(End of flashback)
Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng malakas na hampas ng tubig.
Napamulat ako at nakitang palubog na din ang araw at mahangin.
Bukas din pala ang pintuan sa aking veranda. Tumayo ako para sana
isara iyon pero napahinto ako ng makita ko si lucas.
Mukhang galit na galit siya sa tubig. Mabilis ang kanyang
paglangoy na akala mo ay hinahabol siyang oras. Nakita ko din ang
iilang can ng beer sa gilid ng pool.
"Hala..." nagaalalang sabi ko at kaagad na bumaba.
May nakasakubong akong isang katulong at sinabing wala pa rin sina
tita samantha at tito luke, kasama si suzy at may pinuntahan.
Kaagad akong bumaba
patungo sa pool, di pa nga pala ako nakakapagpalit ng uniform ko.
Saktong paglabas ko ay ang pagahon ni lucas.
"Lucas uminom ka?" Nagaalalang tanong ko sa kanya.
"Pumasok ka nga duon, ayaw kitang makita dito" masungit na sabi
niya sa akin.
Di ako nagpatinag at mas lalong lumapit sa kanya. "Pero bawal yan,
delikadong maglangoy kay diyan na nakainom ka, baka mamaya ay kung
anong mangyari sayo" pangaral ko sa kanya.
Nanlilisik ang mga mata nitong bumaling sa akin. "Ano bang
pakialam mo!? Di ba sabi kong umalis ka!" Sigaw niya sa pagmumukha
ko.
"Nagaalala lang naman ako sayo" sabi ko habang nakayuko.
"Di ko kailangan yang pagaalala mo, pwede ba!" Muli niyang
pagtataboy sa akin.
Lumayo ito sa akin para dumampot nanaman ng isa pang can ng beer.
"Lucas di kita pwedeng iwan dito ng ganyan ka" pagmamatigas ko.
"P*TANGINA CARA LUBAYAN MO NGA AKO!" Galit na galit na sigaw niya
sa akin na para bang galit siya sa ibang bagay at naibunton niya
ng lahat sa akin.
Habol habol ko ang aking hininga dahil sa nararamdaman na takot.
Naikuyom ko ang kamao ko ng kaagad nanaman itong tumungga mula sa
beer na hawak niya.
"Akin na nga yan lucas!" Sabi ko sabay agaw sa hawak ng beer. Ang
uniform ko ay bahagya ng nababasa dahil sa pakikipagagawan ko sa
kanya.
"Leave me alone!" Sigaw niya sa akin.
/>
"Hindi!" Pagmamatigas ko sabay abot ulit sa hawak niyang can ng
beer.
"Don't act as if you are someone! Wag kang feeling girlfriend
diyan! Asa ka pa!" Hiyaw pa niya na nagpatigil sa akin.
Nagsukatan kami ng tingin na dalawa. Pero kaagad akong umamba muli
na lalapitan siya ng kaagad niya akong tinulak sa pool.
"TU...TULONG!" sigaw ko.
Di magawang dumilat, di ko rin makapa ang flooring ng pool,
malalim kasi ito. "TULONG!" sigaw kong muli ng makainom na ako ng
tubig mula sa pool.
Pilit kong inaangat ang ulo ko pero sumakit lamang ang ulo ko ng
pasukin na ng tubig ang ilong ko.
"DADDY! MOMMY! TULONG PO!" sigaw ko na dahil sa dami ng tubig na
aking nainom.
"DA..." di ko na natuloy ang sumunod kong sigaw ng kaagad kong
naramdaman ang pagpulupot ng isang matigas na braso sa aking
bewang.
Wala akong nagawa kundi ang maubo at maghabol ng hininga. "DAMN
IT!" galit na hiyaw ni lucas sabay hampas sa tubig.
Mabilis siyang umahon sa pool at padabog na pumasok sa loob ng
bahay. Tahimik na lamang akong umiyak sa gilid ng pool at
tinulungan ang aking sarili.
"Cara anak..." malambing na gising sa akin ni tita samantha.
"Tita" gulat na tawag ko sa kanya at susubukan ko sanang bumangon
ng sumakit bigla ang ulo ko. Mabigat din ang pakiramdam ko.
"Ginigising kita kagabi para maghapunan pero
ang himbing ng tulog mo" kwento niya pa.
Pagkaakyat ko kagabi sa kwarto ay nagbalot lamang aki ng tuwalya
sa katawan at nakatulog ng ganuon. Natuyo na din pala ang basa
kong damit sa aking katawan.
"Mukhang nilalagnat ka ah!" Pagpapanic nito ng madapo ang kamay
niya sa noo at leeg ko.
Napailing ako, "di po...ayos lang po ako" pagtanggi ko.
"Naku wag ka na lang kayang pumasok" suwestyon pa niya.
"Di po pwede tita, may reporting po kasi kami ngayon" sabi ko pa
at pinilit kong bumangon kahit napakasakit ng katawan ko.
"Pero cara..." di mapakaling sabi niya.
Nginitian ko siya kahit mahirap, nanghihina kasi ako. "Ayos lang
po ako tita, wag po kayong magalala uuwi ako pag di ko na kaya"
paninigurado ko sa kanya.
Sandali itong natahimik at tsaka sumangayon kahit halatang labag
sa kanyang loob. "Sige at papatingnan tingnan kita kina Suzy at
lucas"
Di ako nakaligo, naghalf bath lang ako dahil sa ginaw na
nararamdaman ko. Nagsuot na din ako ng kulay gray na cardigan para
maibsan kahit papaano ang lamig.
"Kain na, ito ang gatas kailangan mo yan, inumin mo rin itong
gamot" pagaasikaso ni tita samantha sa akin pagupo komsa dinning.
"Namumula at sobrang dry ng lips mo, mukhang mataas talaga ang
lagnat mo ah" pagaalala din sa akin ni suzy.
Tiningnan ko lamang siya at muling nagbaba ng tingin sa aking
plato,
wala din akong ganang kumain. Napabalikwas aki ng hinampas ni
lucas ang mesa.
"Mommy pwede ba, dont stress yourself para sa kanya" suway nito sa
ina dahil sa pabalikbalik sa kusina at sa pagaasikaso sa akin.
Buti na lamang at wala si tito luke kung nagkataon kasi ay
mapapagalitan pa nuon si lucas.
"Lucas kung ikaw o si suzy man ang magkaganito, aasikasuhin ko din
kayo, just eat your breakfast" sagot ni tita samantha sa kanya.
Di ko na kailangang tingnan pa si lucas para malamang matalim at
galit nanaman ito sa akin. Siguradong iniisip niyang paimportante
nanaman ako.
"Kuya naman..." suway sa kanya ni suzy.
Naunang umalis si lucas, kaya naman sabay kami ni suzy na pumasok
sakay ng kanilang itim na ford everest.
"Sabihan mo ako kaagad pag gusto mo ng umuwi ha" pagaalala niya sa
akin. Kaagad ko siyang tinanguan.
Dumukdok ako sa arm rest habang di pa nagsisimula ang first class
namin. Kailangan kong magreport dahil naghahabol na din ako ng
grades.
Nanginginig ang tuhod ko habang nilalakad ko ang distansya ng
isang open cottage sa likod ng building namin. Class hours pa kaya
naman wala ng masyadong estudyante sa labas. Nagpaalam ako sa prof
namin pagkatapos kong magreport na pupunta lamang ako sa clinic.
Pero pagbukas ko pa lamang ng pinto duon ay kaagad na akong
gininaw.
"Cara?" Tawag sa akin ng kararating lang.
Di ko siya magawang tingalain
dahil sa bigat ng ulo ko. "Cara what happen?" Nagaalalang tanong
nito.
Di ko siya mabosesan dahil sa sakit na nararamdaman ko. "Sino ka?"
Tanong ko na lang.
Dinig ko ang mahinang pagtawa nito. "Si matthew" sagot niya.
"Ah...kuya matthew" pagsangayon ko.
"May sakit ka?" Nagaalalang tanong niya.
"Opo" tipid na sagot ko.
Nailang ako ng ilusot nito ang kamay niya para salitin ang leeg
ko, "damn mainit ka nga" frustrated na sabi niya.
"A...ayos lang po a...ako" nahihirapang sagot ko pa.
"Wait, ibibili kita ng makakain" paalam niya at sandali siyang
nawala.
Nakaidlip marahil ako sandali dahil naramdaman ko na lang ang
pagtapik nito sa akin. "Cara wake up...kumain ka muna para
makainom ka ng gamot" pagaalala niya.
Dahan dahan kong inangat ang ulo ko dahil sa sobrang sakit nuon.
Ang hapdi na din ng labi ko dahil sa sobrang magkatuyo nito.
Muli niyang sinalat ang leeg ko at napangiwi siya marahil dahil sa
init nuon. "Thank you po" maluha luhang sabi ko.
Batid kong gusto niya akong ngitian pero di maalis ang pagaalala
sa kanyang mukha. "Here susubuan kita" sabi niya at kukuhanin na
sana niya ang kutsara ng sopas ng pinigilan ko siya.
"Kaya ko po" sabi ko at pinilit na ngumiti sa kanya.
Napaiwas ito ng tingin. Uminom muna ako ng tubig para mabasa ang
labi kong tuyong tuyo.
"Thank you po uli dito" sabi ko dahil sa pagbili niya sa akin ng
maiinit na sopas na may sandwich pa.
"Wala iyon" nakangiting sabi niya sa akin at napalunok ako ng
hinawi niya ang iilang tikas ng buhok na humaharang sa mukha ko.
"Magpagaling ka na, ayokong ganyan ka" sabi niya habang diretsong
nakatingin sa aking mga mata.
Muli ko siyang nginitian at tsaka tumango. Muli ko na lamang
tinuon ang buong atensyon ko sa pagkain kahit nakakailang dahil
nakatutok talaga siya sa bawat pagsubo ko.
"After that, i'll take you home" sabi niya.
"No need...ako na" biglang singit ng nakasimangot na si lucas.
"Wag na lucas ako na" pagpigil ni kuya matthew sa kanya.
Di ito pinansin ni lucas, diretso lamang siyang nakatingin sa
akin. "Tumayo ka na diyan, tara na" malamig na utos nito sa akin.
"She cant walk, nakikita mo namang nanghihina pa siya" suway ni
kuya matthew sa kanya.
Muli ay di nanaman ito pinansin ni lucas. Di pa siya nakuntento at
nilapitan pa ako. Marahas niyang hinatak ang kamay ko para
makatayo.
"Aray..." mahinang daing ko dahil sa panghihina.
Wala siyang pakialam, itinuloy niya ang marahas na paghila sa
akin, "lucas masakit" daing ko sa kanya.
"Wag kang maginarte!" Suway niya sa akin sabay hila.
Di ko nakitang may dalawang hakbang pala duon kaya tuloy
napasubsob ako sa lupa ng wala sa oras.
"T*angina Lucas!" Rinig kong galit na sigaw ni kuya matthew na
mukhang papalapit na.
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 6
"Aray..." mahinang daing ko ng konting konti na lang eh makakalips
to lips ko na yung lupa.
"Damn lucas ano bang problema mo?" Madiin sabi ni kuya matthew.
Mayamaya lamang ay naramdaman kong may dahan dahang humila sa akin
patayo at kaagad akong sumubsob sa napakabango at matigas na
dibdib ni kuya matthew.
"I'll take her home" matigas na sabi nito kay lucas at kaagad
akong hinarap sa kanya.
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "Are you fine...may
masakit ba?" Nagaalalang tanong niya pa sa akin.
Marahan lamang akong umiling sa kanya. Dahan dahan naman akong
napabaling kay lucas pero kagaya palagi ay blankong ekspresyon
nanaman ang ibinigay niya sa akin pero di lang iyon, may halong
parang pandidiri pa sa hindi ko malamang dahilan.
"Di mo dapat ginawa yon lucas, may sakit si Cara" pangaral sa
kanya ni kuya matthew.
Bago sumagot ay inirapan muna ako nito. "What? Nakarating nga siya
dito magisa, for sure she can also go home alone" preskong sagot
niya kay kuya matthew na wala man lang takot o ano.
"Yun ang tingin mo, but for me...she need help" sagot naman sa
kanya ni kuya matthew na may kasama pang pagbaling sa akin.
Muli akong tumingin kay lucas, tiim bagang itong nakatingin sa
akin at halatang inis na inis. Para ngang gusto niya akong tirisin
dito mismo sa kinatatayuan ko. Maya maya ay nakita ko ang pagbaba
ng tingin niya sa kamay kong nakakapit sa matipunong braso ni kuya
matthew
para makasuporta. Dahil sa hiya ay kaagad akong bumitaw dito na
siya namang kinagulat ni kuya matthew.
"Let's go" yaya nito sa akin.
Marahan naman aking tumangonat hahakbang na sana kami paalis ng
muling magsalita si lucas.
"Why do you want to waste your time for her, eh wala namang kwenta
yan eh" pangiinsulto niya at bahagya pang napatawa sa kanyang
huling sinabi.
Ramdam ko ang pagusbong ng galit ni kuya matthew ng makita kong
naikuyom nito ang kanyang kamao.
"Wala palang kwenta eh, so why do you care?" Bato ni kuya matthew
dito na para bang nanghahamon pa.
Imbes na matakot ay mas napangisi pa si lucas. "I just dont want
to see that girl taking advantage to someone...as you can see
ginagawa na kasi niya iyon sa parents ko, ngayon ay mukhang di pa
siya kuntento..." pangiinsulto niya sa akin.
Bahagya tuloy akong napalayo ng hakbang kay kuya matthew,
parangbabg sama naman pala ng tingin niya sa pagtanggap ko ng
tulong dito. Gusto ko ng maiyak sa halo haling emosyong
nararamdaman ko, ito naman kasing si lucas walang pinipiling
panahon sa panglalait sa akin.
"What now bitch!? Do you want a big catch huh!?" Nakangising hasik
niya sa akin.
Nanlaki ang aking mata sa kanyang tinawag sa akin, tuluyan na
tuloy na tumulo ang luha ko.
"You jerk!" Galit na tawag sa kanya ni kuya matthew at kaagad sana
siyang susugurin nito ng mabilis akong tumakbo paalis duon.
"CARA!" tawag ni kuya matthew sa akin pero di ko ba pinansin.
Tumakbo ako kahit sobrang sama ng pakiramdam ko. Pinagtitinginan
na nga din ako ng mga estudyanteng nakakasalubong ko. Kaagad
akong dumiretso sa lumang building. Tumakbo ako patungo sa cr at
duon nagkulong.
"What now bitch!? Do you want a big catch huh!?"
He call me a bitch, akala siguro niya lumalapit ako kay kuya
matthew dahil sa mayaman din ito.
Maya maya lamang ay tinigilan ko na din ang pagiyak, mas lalo lang
kasing sumasama ang pakiramdam ko. Lalabas na sana ako mula sa
cubicle ng mapahinto ako ng marinig ko kung sino ang kakapasok
lang sa banyo at narinig ko pa ang paglock nila ng pinto nito.
"What the hell lucas!?" Rinig kong sigaw nung babae sa labas.
Napaatras ako at napatakip ng bibig, ayoko kasing marinig o
malaman man lang nilang nandito ako sa loob.
"Watch your words amiella" maawtoridad na suway ni lucas dito.
Mariin akong napapikit. Napakalupit talaga ng tadhana sa akin,
kailangan ba talagang masaktan ako ng ganito araw araw?
"I said i need space..." sambit ni amiella matapos ang malalim na
buntong hininga.
"I already give you your space...damn it amiella i waited for how
many years!" Sumbat ni lucas dito.
"But Lu..."
Di na natuloy ni amiella ang sasabihin niya ng kaagad akong
makarinig ng daing nito na para bang napasandal siya sa may pader.
Parang unti unting napupunit ang puso ko ng makumpirma kong
naghahalikan ang mga ito. I heard them panting, gusto kong
humagulgol dun sa loob pero pinilit kong takpan ang bibig ko para
lamang di makalabas ang kahit konting paghikbi.
"Lucas..." dinig kong hinihingal na daing ni amiella.
Gusto kong tumakbo palabas, ayoko na kasi duon para akong
mamamatay sa loob. Pero wala na din akong
lakas...
"Ihahatid na kita sa susunod mong klase" rinig kong sabi ni lucas
at tsaka ko nadinig ang mga hakbang nila palabas at ang pagbukas
ng pintuan.
Bigong bigo ako habang palabas ng cubicle. Kaagad na tumambad sa
akin ang malaking salamin dahilan para makita ko ang pagmumukha
ko. Ano nga naman ba ang laban ko? Napakapangit ko, di ako maganda
kagaya ni amiella, di maganda ang katawan ko katulad ng sa kanya,
di din ako matalino...walang wala talaga ako sa kalingkingan niya.
"Bakit kasi ganyan ka Cara?" May pandidiri at pagsisising sabi ko
sa aking sarili sa harap ng salamin.
Dumiretso ako sa library, halos lahat sila ay nakatingin sa akin
alam ko kasing halatang kagagaling ko lang sa pagiyak. Di maayos
ang pagkakasuklay ng buhaghag kong buhok. Dagdag mo pa ang uniform
kong puti na nadumihan ng madapa ako kanina at ang ankle ko na
medyo masakit dahil nga sa pagkakadapa.
"Ano ba yan..." pandidiri nung isang babae habang nakatingin sa
akin.
Napabaling ako sa kanila pero nagtawanan lamang sila nung mga
kaibigan niya. Di ko na sila pinansin at nagtuloy tuloy ako sa may
library. Matutulog muna ako kahit na isang oras lang. Gusto kong
magpahinga kahit sandali lang.
"Walang magsasalba sa sarili mo kundi ikaw lang cara, ikaw lang
magisa..." paulit ulit kong pagkausap sa sarili ko habang
nakadukdok sa pinakadulong lamesa sa library.
Ngayon ang start ng part time job ko sa isang fast food. Mga 3:30
pa naman yon siguro naman ay bumaba na ang lagnat ko ng mga oras
na yon.
"Dito ka na muna sa paghuhugas ng mga plato, madami kasing
customer sa
labas...pag medyo humupa na simulan mo ng linisin yung mga banyo"
paalala sa akin nung supervisor namin.
Wala akong nagawa kundi ang tumango at sumunod sa kanyang utos.
Kaagad na tumundig ang balahibo ko ng mababad ang mga kamay ko sa
tubig dahil sa paghuhugas.
"Make it Faster everyone!" Sigaw nung manager pagkapasok sa
kusina.
Nabigla ako dahil awtomatikong dumoble ang paggalaw ng mga
empleyado. Kaya naman sinubukan kong bilisan din ang paggalaw ko
pero bigla kong nabitawan ang isang baso.
"Ano ba yan!?" Hiyaw ng isa.
"Pasencya na po" paghingi ko ng paumanhin. Buti na lamang kasi at
hindi iyon nabasag.
Nagtutuyo pa lang ako ng kamay ng kaagad na pumasok ang supervisor
namin. "Madumi na yung cr" turo niya palabas.
Napanganga ako. "Go now!" Utos pa niya na kaagad na nagpagalaw sa
akin.
Kinuha ko ang balde na may panglinis ng banyo. Di ko alam kung
kaya ko bang tumuloy duon sa loob. "Konting tiis lang..."
pagpupursige ko sa aking sarili.
Para akong inilagay sa oven pagkalabas ko sa huling cubicle.
Maiinit pa din kasi ang pakiramdam ko kaya naman ngayon ay para na
akong naliligo sa sarili kong pawis.
"You can now take your break" salubong sa akin nung supervisor,
mukha namang mabait siya.
"Ah thank you po" pagpapasalamat ko.
May pakaing isang burger tsaka softdrinks. Nakaramdam na din ako
ng gutom kaya naman kinain ko na iyon. Pagkatapos ng ikang minuto
ay nagpaalam na
din naman ako, di naman kasi ako regular na employee na kailangang
magtrabaho ng straight na eight hours.
Sumakay ako ng jeep pauwi. 7:30 na din ng gabi siguradong nag
dinner na sila sa bahay dahil maaga palagi ang dinner duon. Dumaan
na lang ako sa may seven eleven bago pumasok sa subdivision ay may
convenient store at tsaka drug store.
"Lalagyan na po ng maiinit na tubig?" Tanong sa akin nung nasa may
cashier.
"Ah opo" sagot ko tungkol duon sa cup noodles na binili ko.
Matapos ibigay sa akin ang order ko ay umupo na ako sa may lamesa.
Bumili na din kasi ako ng gamot bago pumasok dito kanina. Gusto
kong mainitan ang sikmura ko kaya naman dahan dahan kong hinigop
ang sabaw nuon.
Nakaharap ako sa may salamin at kita ko ang labas masok na
magagarang sasakyan sa subdivision nila lucas. Iba na talaga pag
mayaman, isip isip ko tsaka napailing. Dahan dahan nanaman akong
humigop ng mainit na sabaw sa cup noodles ko ng mapadaing ako ng
mapaso ang dila ko dahil sa lalaking nakasakay sa kanyang itim na
big bike na huminto duon mismo sa aking harapan.
Napaiwas ako ng tingin sa kanya, pero ramdam ko talim ng tingin
nito sa akin. Pumasok siya sa convenient store at dumiretso sa may
mga ref. Nakatalikod siya sa akin kaya naman binalingan ko siya at
duon ko nakita ang pagflex ng muscle niya ng abutin niya ang can
ng beer.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa akin pagkalapit niya.
Di ko alam kung babaling ba ako o ano. Kaya naman tinitigan ko na
lamang ang cup noodles ko. "Kumakain" mahinang sagot
ko.
Narealize kong di ko pala kaya na tingnan siya lalo na yung lips
niya, lalo pagnaalala kong naghalikan sila ni amiella sa may cr
habang ako ay umiiyak duon.
"Ang kapal talaga ng mukha mo, alam mo bang nagaalala si mommy sa
bahay dahil sayo!? Nagawa mo pang tumambay dito at kumain!?"
Singhal niya sa akin.
Napatingin ako sa paligid iilan lang ang mga taong bumibili.
Nakikita ko namang napapasulyap sila sa gawi namin.
Napatingala ako sa nanlilisik na mata ni lucas. "Ta...tapusin ko
lang tong pagka..." di ko na natuloy ang sasabihin ko ng kaagad
niyang tinabig ang kamay kong may hawak ng cup noodles kaya naman
kaagad na natapon iyon.
"Umuwi ka na!" Singhal niya sa akin.
Naikuyom ko ang kamay ko sa galit. "Uuwi naman ako eh..."
pagdadahilan ko.
"Sana nga hindi eh! Kailan ka ba kasi aalis sa bahay namin!?"
Galit na tanong niya sa akin.
"Malapit na!" Sigaw ko sa pagmumukha niya tsaka ako kaagad na
tumayo at nagmamadaling lumabas duon sa convenient store.
Tuloy tuloy ang pagtulo ng luha ko habang malalaking hakbang ang
ginagawa ko. Maya maya ay narinig ko na ang paparating na motor ni
lucas mula sa aking likuran kita ko na rin kasi ang ilaw nito sa
daan.
"At sino ka naman para sigawan ako ha!?"sigaw niya habang
sinasabayan ng motor niya ang paglakad ko.
Di ko siya sinagot. Nagtuloy tuloy lang ako sa paglakad habang
punupunasan ang luha ko.
"Di ka na nahiya! Ni hindi nga namin pinagaalala si mommy tapos
ikaw tong sampid lang akala mo kung sino! Masyado kang
paimportante!" Pangaral pa niya.
Mas lalong bumaha ang luha sa pisngi
ko. "Tama na muna lucas..." pakiusap ko sa kanya dahil gustong
gusto ko na talaga munang magpahinga gustong gusto ko ng matumba.
"Aba't ang kapal naman pala talaga ng mukha mo para utos utusan
ako ah!" Muli pa niyang laban.
"Tama na!" Sigaw ko sabay upo sa lupa.
Kaagad kong isinubsob ang mukha ko sa mga palad ko. Narinig ko
naman ang pagpatay niya ng motor niya malapit lang din sa akin.
"Anong drama mo ngayon ha!?" Singhal pa din niya pagkalapit sa
akin.
Di ko na napigilan ang paghikbi ko. "Di mo naman kailangang
ipamukha sa akin na sampid lang ako sa bahay niyo" sumbong ko sa
kanya.
Rinig ko ang pagngisi niya. "Eh sa iyon ang gusto ko eh" sagot pa
niya.
"Aalis din naman ako eh..." mahinang sabi ko pa.
Di siya sumagot. "Nagiipon lang ako, balak ko naman na talagang
umalis sa inyo..." dugtong ko pa.
"Nagiipon ng ano? Pera ng mga magulang ko?" Tanong niya kaya naman
napatingala ako.
"Di ko magagawa yon sa inyo...para ko na din kayong pamilya lucas"
pagpapaintindi ko sa kanya.
Napailing ito at napangisi, "so naguilty ka pala, kaya kay matthew
ka dumidikit ngayon" pangiinsulto pa niya na ikinakunot ng noo ko.
"Tumutulong lang si kuya matthew sa akin" laban ko.
"Remember this cara...di ka niya magugustuhan, malayong malayo ka
sa mga babaeng dinadate niya" nakangising sabi niya pa.
Napatayo ako "alam ko...paano ko naman makakalimutan kung araw
araw mong ipinapamukha sa akin yan" matapang na sabi ko pa.
"Good to hear" mapanuyang sambit niya.
Tinalikuran na ako nito at pabalik na sana siya sa motor niya ng
magsalita ako. "I wanted to be part of your family lucas...yun
yung wish ko matagal na" kwento ko sa kanya.
Napatigil siya sa paglalakad pero di niya ako nilingon. "You hate
me so much...why ano bang nagawa ko sayo? Mahal lang naman kita
ah" sumbat ko pa sa kanya.
"No you dont...di mo ako mahal cara, you only want everything i
have that's it" mariing pagpaintindi niya sa akin.
Napailing ako. "Nasa Cr ako kanina, alam ko kung anong ginawa niyo
ni amiella..." may hinanakit na sumbong ko sa kanya.
Dahan dahan siyang lumapit sa akin. "So what? Do you want to
blackmail me?" Panghahamon niya.
"Iniwan ka ni amiella, ako hindi...palagi lang akong nasa tabi mo
lucas kahit palagi mo na lang akong pinapalyo, bakit ako di mo
kayang mahalin?" Tanong ko.
Napairap ito at napatingin kung saan. "Do you hear what you're
saying? That's amiella...the kind of girl that is worth the wait"
pagpapaintindi niya sa akin.
Nilunok ko lahat ng pride ko tutal nandito naman na ako. "Ako ba
hindi worth it para makuha ang pagmamahal mo?"matapang na tanong
ko sa kanya.
Pero mukhang di ata nagsasawa ang puso ko na masaktan, dahil kahit
paulit ulit na sinasabi ni lucas na ayaw niya sa akin ay paulit
ulit din akong parang pinapatay.
"There's nothing special about you Cara"
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 7
Madilim pa sa labas, malamig pa din ang simoy ng hangin dahil
halos magaalasingko pa lang ng umaga. Dahan dahan akong bumaba sa
mataas na hagdanan ng bahay. Naririnig ko ang kalampag ng mga
kaldero sa kusina.
"Sige paki prito na lang yan yaya, aasikasuhin ko lang ang sir
luke niyo." Sabi ni tita samantha.
Napahinto ako ng tuluyan ng lumabas si tita samantha sa may
kusina. Maging ito ay nagulat din ng akoy makita kaya naman kaagad
siyang tumingin sa malaking wall clock sa may sala.
"Aalis ka na kaagad? Maaga pa ah..." pagtataka nito.
Kaagad siyang lumapit sa akin at tsaka niya sinalat ang leeg ko.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo, uminom ka na ba ng gamot?"
Magkasunod na tanong niya sa akin na kaagad ko namang tinanguan.
"Ayos na po ako tita samantha, salamat po" sabi ko.
Hinawakan nito ang braso ko. "Bakit ata ang aga ng alis mo
ngayon?" Tanong niya.
Napakamot ako ng ulo. "Uhm...may gagawin po kasi kami sa school
kailangan maaga" palusot ko na tinanguan na lang niya.
"Si...sige po aalis na po ako" pahabol na paalam ko na sana pero
kaagad siyang umiling.
"Kumain ka muna anak, di maganda kung aalis ka ng di pa kumakain"
sabi niya sabay bahagyang hila sa akin.
"Naku di na po tita samantha, sa school na lang po" pagtanggi ko
dahil may iniiwasan ako.
"Kahit konti lang, sige na anak..." nakangiting paglalambing nito
sa akin.
Napangiti
tuloy ako at dahil duon ay kaagad niya na akong hinila patungo sa
kusina. Busy ang mga katulong sa pagluluto ng almusal, kaagad
akong pinaupo ni tita samantha sa kitchen counter.
"Pero kailangan niyo pa pong asikasuhin si tito luke di ba?"
Tanong ko dito habang busy siya sa paglalagay ng pagkain sa
harapan ko.
"Malaki na ang tito luke mo, kaya na nun ang sarili niya"
natatawang sabi nito.
Napatahimik ako dahil sa dami ng pagkain ng inilagayn niya sa
plato ko. "Naku tita ang dami naman po nito" natatawa kong sabi.
Umiling siya. "Kailangan mo iyan anak, sige na kain na" utos niya
sa akin kaya naman kaagad akong tumango at sumubo.
Ang swerte ko pa din kahit magkasabay na nawala sina mommy at
daddy ay napunta naman ako sa napakabuting sina tita samantha at
tito luke. Tinanggap nila ako na parang isang talagabg miyembro ng
kanilang pamilya. Sobrang saya ko at syempre secured na secured
ako dahil alam kong di ako nagiisa at may nagmamahal sa akin.
Hanggang ngayon kasi ay umaasa pa din akong isang araw ay may
magpapakilalang kamag anak ko at kukupkupin ako, at duon walang
magsasabing isa lamang akong sampid. Pero sa araw araw na kasama
ko ang pamilya nila tita samantha, nawala ang pagiisip kong makita
pa ang possibleng kamag anak ko dahil nararamdaman kong parte ako
ng pamilya nila, para bang isa talaga ako sa kanila at wala ng
iba.
Parang may bumara tuloy sa lalamunan ko habang iniisip na darating
ang araw na aalis na ako sa poder nila. Para nanaman tuloy akong
nawalan ng mga magulang na tunay na nagmamahal sa akin
pagnagkataon.
"Umiiyak ka ba anak?" Nagaalalang tanong ni tita samantha sa akin.
Kaagad akong napabalik sa realidad, duon ko lang naramdaman ang
pagtulo ng luha sa aking pisngi. "Naku hindi po tita" pagtanggi ko
pero di ko pa din mapigilan ang mga luha ko.
Di siya nagpatinag at mas lumapit pa sa akin. "May problema ba
cara? Andito lang ako...pwede kang magshare sa akin, promise di ko
ipagsasabi" nakangiting sabi niya na para bang kasing age ko lang
siya.
Napakagat labi ako dahil duon at di ko na napigilan ang mapayakap
sa kanya. Natawa ito dahil sa pagkagulat sa aking ginawa pero
kaagad din niyang marahang hinagod ang likuran ko. "Tita
samantha...maraming salamat po" umiiyak na sabi ko.
"Ha...para saan?" Tanong niya.
"Para po sa lahat tita samantha, sa pagkupkop sa akin...kundi po
dahil sa inyo wala ako sa kinatatayuan ko ngayon" paliwanag ko.
Hiniwalay niya ako sa kanya tsaka niya kinulong ng malambot niyang
mga palad ang magkabilang pisngi ko. "Cara, para ka na din naming
anak...naiintindihan mo ba yon, pamilya ka namin kaya deserve mo
lahat ng meron ka ngayon" pagpapaintindi niya pa.
Napailing ako, "di po tita...i dont deserve all of this" pagtanggi
ko.
Pinunasan niya ang mga luha ko. "You are part of this family cara,
you deserve all of this" madiing pagpapaintindi niya.
Nakahinga ako ng maluwag ng makaalis ako sa bahay ng di naaabutan
ni lucas. Nilakad ko palabas ng subdivision dahil maaga pa naman.
Niyakap kong mabuti ang jacket na suot ko sa katawan ko dahil sa
lamig.
Napabalikwas ako ng tumunog ang cellphone ko. Nakita kong si Suzy
iyon.
"Hello..."
"Where are you? Don't tell me naglakad ka nanaman" panimula niya
na mukhang kagigising lamang.
"Kailangan ko kasing pumasok ng maaga eh" palusot ko saktong
nakalabas na ako ng gate ng subdivision.
"Hmp! Palagi ka na lang nagiiwan..." pagmamaktol nito.
"Sus! Para namang siya hindi, sige na maligo ka na at baka nandyan
na si kuya ken mamaya sa labas ng bahay niyo" pangaasar ko sa
kanya.
Di ko na hinintay ang sagot nito at kaagad na ibinaba ang tawag
dahil nakakita na ako ng jeep. Maaga pa naman kaya nakaupo ako sa
jeep. At masyado oa ata talagang maaga dahil konti oa lang ang mga
estudyante. Pumunta ako sa isang open cottage at duon ay inilugmok
ko ang ulo ko sa may lamesa. Inaantok pa din ako...
"Pumasok ka ba dito para magaral o para matulog?"
Agad akong napabangon dahil duon.
"Kuya matthew!" Masayang bati ko sa kanya.
Agad siyang ngumiti sa akin. Tinanggal ko ang backpack sa tabi ko
at tsaka niyakap iyon. Kaagad namang tumabi sa akin si kuya
matthew.
"May masakit pa ba sayo?" Tanong niya.
Kaagad akong umiling. "Salamat nga po pala sa pagtulong niyo sa
akin kahapon" nakangiting sabi ko.
Kaagad nitong ginulo ang buhok ko. "Wala yon, ikaw pa...malakas ka
sa akin eh" sabi niya pero medyo may kahinaan na yung mga huling
salita.
"Paano po kaya kita mababayaran?" Nagtatakang tanong ko.
"It's fine
Cara...i want to take care of you" seryosong sabi niya sa akin.
Napaturo ako sa aking sarili. "Ako po?" Nagtatakang tanong ko.
Napatawa ito. "Sino pa ba...may iba pa ba akong kasama dito?"
Natatawang tanong niya sa akin na ikinanguso ko.
"Ayoko lang naman na umasa ulit sa wala..." malungkot at mahinang
sabi ko tsaka ako yumuko.
Kita ko sa peripheral vision ko na natahimik si kuya matthew.
"Bakit...sino bang nagpaasa sayo?" Seryosong tanong niya.
Tiningnan ko siya, tinitigan ng mabuti. Mukha namang
mapagkakatiwalaan siya...
Kaagad kong inilagay ang hintuturo ko sa aking labi. "Shhh...wag
kang maingay ha, napagdesisyunan ko na kasing iwasan si lucas"
malungkot na kwento ko sa kanya.
Siya ay seryosong nakikinig sa akin. "Si lucas, yung first cousin
ata ni hitler?" Natatawang tanong niya.
Napakagat ako sa labi ko dahil sa pagpipigil ng tawa."di naman
gwapo si hitler kuya matthew!" Daing ko sa kanya.
Nagkibit balikat na lamang siya. "Tama yan cara, umiwas ka na lang
kay lucas..." seryosong sabi niya sa akin habang nakatanaw sa
malayo.
Napabuntong hininga ako. "Masyado kasing paFall si lucas eh, di
naman pala marunong sumalo..." hugot ko.
Nageemote ako ng magulat ako ng hinawakan ni kuya matthew ang
aking kamay. Mainit ang kamay niya tamang tama para sa malamig na
panahon.
"Ako marunong akong sumalo" sabi niya diretso mismo sa aking mga
mata.
"K...kuya matthew" kinakabahang tawag ko sa kanya.
"Dinner tayo mamaya? Pwede?" Nagaalalang tanong niya sa akin.
Dahil sa pagkabigla sa mga pangyayari
ay napatango na lamang ako. "Walang ng bawian yan ha!"
Paninigurado niya na muli ko na lamang tinanguan.
Nakikinig akong mabuti sa professor namin na naglelecture sa
harapan. Nakikinig ako pero wala akong naiintindihan, pwede pala
yon?
"Sus! Lalabas din ang baho niyan..." bulong bulungan ng mga
nagkukumpulang mga babae. Kaagad kong tiningnan kung saan sila
nakatingin at duon ko nakitang kay amiella lang pala.
Maging ako ay napayuko sa aking paglalakad. Di lang pala pangit
ang may mga haters, pati din pala silang sikat at maganda.
Tuloy tuloy ang lakad ko habang nakayuko ng magulat ako ng kaagad
na may sumigaw ng pangalan ko.
"CARA!" Malakas na sigaw ni suzy.
Napatingin ako sa palagid, nahihiya kasi akong baka makaagaw ako
ng atensyon ng ibang tao mabuti na lamang at may kanya kanyang
mundo ang lahat, wala din silang pakialam sa mga ingay.
"Tara!" Yaya niya sa akin.
Nasa cafeteria sila, isang mahabang lamesa ang napuno nikang
lahat. Di ko alam kung didiretso ba ako o hindi. Lalo na't
nakabantay nanaman sa akin ang blankong ekspresyon ni lucas.
Kumpleto sila pero wala si kuya matthew.
Napabuntong hininga ako at hahakbang na sana ng biglang may
humawak sa braso ko.
"Come tinatawag na nila tayo" nakangiting yaya nito sa akin.
"Kuya matthew..." gulat na tawag ko dahil sa biglaang pagsulpot
nito.
Dahil sa presencya niya ay di ko na namalayang papalapit na pala
kami sa kanilang inuupuan.
Ginaya niya ako paupo, wala naman iyon sa kanila dahil ganyan
naman talaga ang turing nila sa
mga babaeng kapatid akala mo ay girlfriend na.
"Bakit ang aga mong umalis ng bahay?" Tanong muli sa akin ni suzy.
Ang kulit talaga ng isang to, wala ka talagang takas. "Ma...may
kailangab nga kaming gawing project" muli ko nanamang palusot.
Matalim ako nitong tiningnan at tsaka bahagyang tumaas ang gilid
ng kanyang labi. Napahinto kami sa pagtayo ni lucas. "Di ka pa
tapos kumain kuya ah..." suway sa kanya ng kapatid.
"May bibilhin lang" sagot nito sa kapatid.
"Sus takaw..." bulong niya tapos napadako ang tingin niya sa akin
at tsaka nanlaki ang mata.
"Sumabay ka na kay kuya Cara! Dali dali!" Pagpupumilit niya.
"Ha...eh..." di mapakaling sabi ko. Hawak ko na ngayon ang wallet
ko. Di ko alam kung tatayo ba ako o hindi.
"What?" Tanong ni lucas tsaka ako tinaasan ng kilay. Di ito umalis
sa kinatatayuan niya na para bang hinihintay niya talaga ako.
"Let's go Cara" yaya sa akin ni kuya matthew at tsaka tumayo na.
Napatingala ako sa kanya, tapos sa kay lucas. Nakita kong mas
lalong tumalim ang tingin nito sa kay kuya matthew.
"You know what? Your wasting my time" galit na akusa niya sa akin
tsaka mabilis na nagmartsa paalis.
Naputol ang pagtingin ko sa paglayo ni lucas ng may kamay na
humarang sa aking paningin. "Tara na, baka malipasan ka ng gutom"
pagaalala ni kuya matthew.
Sumama na lamang ako sa
kanya, pero nalungkot ang mukha niya ng di ko tanggapin ang
kanyang kamay.
"I understand..." mapait ang ngiting naibigay niya sa akin sa di
ko malamang dahilan.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang likod ni lucas habang
nakapila sa stall na bibilhan namin. "Sa iba na lang kaya?"
Pagpigil ko kay kuya matthew.
"Ha bakit?" Tanong niya.
"Eh mahal diyan eh" palusot ko.
"Don't worry libre ko naman eh" natatawang sabi niya pa.
"Hala wag! May pambayad pa naman ako eh" pagpigil ko sa kanya.
Sasagot pa sana ito sa akin ng biglang nagring ang kanyang
cellphone. "Si dad, i'll just take this call" paalam niya na
kaagad kong tinanguan.
Pumila na lang ako sa likod ni lucas. Di naman din ako papansinin
niyan, tsaka di ko din naman siya papansin. Tiningnan ko ang
nakasabit na menu sa may tapsilogan. Bente ang pinakamura.
"Longganisa na lang kaya?" Pagkausap ko sa sarili ko.
Mabilis kong binuklat ang wallet ko at tsaka binilang ang pera
duon. Puro barya ang pera ko, kanina kasi ay nagpaxerox ng
handouts yung prof namin at ako yung inutusan. Ako pa ang nagabono
tapos nung siningil ko naman yung mga classmate ko puro tig
tatatlong piso ang binayad sa akin.
Di pa ako tapos magbilang ng magulat ako ng nanunuod pala sa akin
si lucas. Agad kong inilayo at tinago sa kanya ang wallet ko.
"What's with the hello kitty wallet huh?" Tanong niya
sa akin.
"Wala" tipid na sagot ko sa kanya tsaka ko muling binuksan ito
pero di na niya makikita.
"Laki laki na, naka hello kitty pa...may sayad talaga"
pagpaparinig na bulong niya.
Napatingala ako sa kanya. Nakatalikod na muli ito sa akin habang
nakahalukipkip.
"Bigay to sa akin ng mommy ko nung bata pa ako" pagtatanggol ko sa
wallet ko.
"Nung bata ka pa, but your old now cara...can't you just move on?"
Sabi niya na ikinanuot ng noo ko.
"Look who's talking. Move on huh? Moving on? Di mo nga rin yan
magawa eh" laban ko sa kanya, di man lang naapektuhan ang mukha
niya.
Siya rin naman eh, di maka move on kay amiella. Kung makapagsalita
to!
Binalik ko ang pera ko sa wallet ko at tsaka sinara iyon,
napatingin naman sa akin si lucas.
"Aalis na ako, nakakahiya naman kausapin ng isang walang kwentang
katulad ko ang napakagaling na tulad mo" matapang na sabi ko at
tsaka nagtangkang aalis na ng may pinahabol pa siya.
"Good...buti naman at alam mo na kung saan ka dapat lumugar,
layuan mo si matthew di ka nababagay sa kanya, kung gusto mong
maging mapera, mag GRO ka na lang...yun eh kung may tatanggap
sayo" mapangasar na ngisi niya sabay tingin sa akin mula ulo
hanggang paa.
Sa may fast food na ako kumain. Ilang araw pa lang pero parang
ayaw ko na.
"Kailangan Cara..." pagkausap ko sa sarili ko. Ng magtime ay
kaagad na akong kumilos. Bayad ang bawat oras
ko dito kaya naman dapat ipakita kong deserving ako sa ibinabayad
nila sa akin.
Inuna ko ang cr ng mga babae. Di naman gaanong mahirap linisin
dahil konting mop lang ay ayos na din. Paglabas ko ng Cr ay
nagkakagulo ang ibang crew.
"Patulong namang linisan yung natapon sa table na yon" sabi sa
akin ng isang babaeng waiter sabay turo sa dulong table.
Kaagad akong tumango at tsaka kumuha ng panlinis. Tuloy tuloy ang
lakad ko kaya naman wala na akong chance na makabalik ng makitang
si lucas iyon.
Diretso ang tingin niya sa akin. Pagkatapos ay bumaba iyon sa
hawak kong mga panlinis. Di ko na lamang iyon pinansin at tsaka
mabilis na nilinis yung kalat sa ilalim ng table niya.
Nagtake out daw pala ito at natapon ng isang baguhang crew ang
inorder ni lucas. Nakaluhod ako sa harapan niya habang nililinis
ang kalat. Di ko magawang tumingala dahil alam kong nakatingin
siya sa akin.
Pagkatapos nuon ay mabilis akong umalis duon para ibalik ang mga
gamit na panglinis ng may humaklit sa braso ko.
"What the hell are you doing here?" Matigas na tanong niya sa
akin.
Kaagad kong binawi ang braso ko sa kanya. "Nagiipon ako. Kasi nga
di ba pinapalayas mo na ako sa bahay niyo" diretsahan kong sagot
sa kanya.
"Quit this job" utos niya.
"Marangal ang trabaho ko, wag mo na nga lang akong pakialaman"
sagot ko sabay aalis na sana akong uli ng mabilis niyang hinaklit
ang braso ko at isinandal ako sa pader.
"I said you quit this F*cking job! Di ka ipinanganak ni tita
Claire para maging utusan, bigyan mo nanaman ng kahihiyan ang
mommy mo!" Akusa niya sa akin.
"Anong bang pakialam mo?" Laban ko sa kanya.
Pero nagulat ako ng sinuntok nito ang pader sa tabi ko. "Ikaw ang
may kasalanan kung bakit sila namatay. Kasalanan mong lahat to"
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 8
Iyak ako ng iyak habang nakakulong sa may locker room. Masakit sa
akin ang sinabi ni Lucas na ako ang dahilan kung bakit nawala sa
akin sina mommy at daddy. Di ko alam kung ano ba talaga ang gusto
niyang iparating duon, di ko siya maintindihan at sobrang hirap
nuon intindihin.
Nanlulumo akong lumabas sa fastfood chain, halos magaalas otso
trenta na, mga isang oras pala ang itinagal ko duon kakaiyak sa
loob. Marami pa naman ding tao, naglakad ako papuntang paradahan
ng jeep. Suot suot ko ang jacket ko dahil malamig ang simoy ng
hangin. Gutom na gutom na din ako.
Sa kalagitnaan ng aking paglalakad ay nagulat ako ng huminto ang
pamilyar na kulay itim na mustang ni lucas.
"Sakay" maawtoridad na sabi nito.
Masama siyang nakatingin sa akin pero nagawa kong labanan iyon.
"Di na..." pagtanggi ko at muli akong naglakad patungo sa terminal
ng jeep.
Di naman na ulit ito nagpumilit pa, di na rin nakasunod sa akin
ang kanyang sasakyan.
"Aray!" Gulat na daing ko ng mahigpit ako nitong haklitin sa
braso.
"Pag sinabi kong sumakay ka! Sumakay ka na! Wag mo na akong
paandaran niyang kaartehan mo!" Sigaw nito sa pagmumukha ko.
Sa sobrang gulat ay di na ako nakasagot pa kaya naman malaya niya
akong nakaladkad patungo sa kanyang sasakyan. Pabalya niya akong
tinulak para makapasok at tsaka malakas na isinara ang pintuan sa
gawi ko bago umikot patungo sa driver seat.
Mas pinili kong humarap duon sa may bintana. Di na lamang ako
magsasalita at hihintayin na makauwi kami sa bahay. "Damn it"
rinig kong mahinang sabi ni lucas ng makita niyang traffic dahil
sa
may nagkagitgitang isang taxi at isang pangpasaherong jeep.
Di ko siya pinansin sa mga mura niya dahil sa inis. Kaharap ko
kasi ngayon sa bintana ang nakahilerang tindahan ng mga ihaw ihaw.
Ang alam ko tuwing gabi lamang ito bukas. Gutom na gutom na talaga
ako at gusto ko sanang kumain nun.
"Dito na ako baba...sasakay na lang ako sa jeep pauwi" paalam ko
kay lucas habang di siya tinitingnan.
Kaagad akong bumaba ng di man lang hinintay ang kanyang sagot.
Wala akong pakialam sa sasabihin niya dahil alam kong wala din
naman iyong pakialam sa akin.
Kaagad kong sinukbit ang backpack ko habang naglalakad patungo
duon sa tindahan. Batid kong nakamasid pa din sa akin si lucas
dahil hanggang ngayon ay di pa din gumagalaw ang traffic. Para na
tuloy nagkaroon ng parking lot sa may kalsada.
"Magkano po dito?" Tanong ko sa isaw na mahaba.
"Lima lang" sagot nung ale.
Tumango ako at kumuha ng dalawa nuon para ipaihaw na. "Eh dito
po?" Turo ko ulit sa isa pa.
"Kinse" kaiiksing sagot niya na para bang naiinis na.
Di ako kumaha nuon. Mahal kasi at di kasya sa 30 pesos na budget
ko.
"Eh sa D..." di pa ako tapos magsalita ay nagsalita na yung
tindera.
"Alam mo kanina ka pa, di mo naman bibilhin" sita niya sa akin.
Napanguso tuloy ako.
"Sungit nito, siya na nga ang bibilhan..." bulong ko.
"May sinasabi ka!?" Mataray na tanong niya.
"Wala po...pakidagdagan na lang po ng dalawa pang isaw, with rice
po yan" sabi ko na lang at tsaka umupo duon sa may lamesa para
makakain.
Kaagad kong nilabas ang wallet ko para pagdating
ni ate na masungit ay mabayaran ko na kaagad yung order ko. "Apat
na lima...Bente, plus rice na sampu..." pagbibilang ko.
"Trenta" kaagad na singit nung masungit na tindera.
"Ito po ang bayad ko" abot ko sa kanya nung di maubos na tagpipiso
sa wallet ko.
Mas lalo tuloy itong nagalit sa akin. Nagdadabod itong
di ko na lamang siya pinansin at kumain na lamang ako.
sana ako ng maalala kong narito nga rin pala si lucas.
ko sa kalsada ay wala na ang kaninang traffic, wala na
kanyang sasakyan.
umalis pero
Susubo na
Pag tingin
din ang
"Ano ba yang kadiring kinakain mo?"
Nagulat ako ng magsalita at umupo ito sa aking harapan. "Anong
ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya pero blanko lamang ang
ekspresyon nito sa akin.
"Kakain ako pakielam mo?" Masungit na sabi niya sa akin.
Kaharap ko siya ngayon sa mesa habang sumisimsim ito sa kanyang
softdrinks. "Pogi! Ito na ang order mo..." lalo akong nagulat ng
si ateng masungit kanina ay biglang nagbago.
"How much?" Tanong ni lucas dito.
"120 lang pogi" pagpapacute ni ale. Sus! Tanda tanda na eh!
Kaagad na naglabas ng pera si lucas para magbayad. Malaking hita
iyon ng manok at tsaka may tatlo din siyang barbeque na tig
kikinse kanina tsaka dalawang kanin at softdrinks. Hiyang hiya
naman yung apat na isaw ko...
"Anong tawag diyan?" Tanong niya sa pagkain ko.
Wala itong ginawa kundi ang ngumuya at sumubo na akala mo di siya
kumain ng ilang buwan. "Isaw to...masarap na mura pa" pagtatanggol
ko duon sa ulam ko.
Nginisian ako nito. "Pagkaing mahirap? Ah Oo bagay sayo yan"
natatawang sabi niya sa akin.
Di ako umimik at tsaka mabilis na kumain. Pagkatapos ko ay pumunta
ako sa tubigan nila para uminom ng tubig. Di kasi ako katulad ni
lucas na pasoft drink soft drinks pa!.
Di na rin ako kinausap nito, kaya naman tahimik na lamang kami
umuwi sa bahay. Kinaumagahan...
"Cara anak, bakit ata palaging napapagabi ang uwi mo?" Tanong ni
tita samantha habang nasa hapagkainan kami.
Mabilis kong nginuya at nilunok ang pancake bago siya sagutin.
"Marami po kasi kaming project tita..." sagot ko.
Sumangayon ito maging si tito luke. Pero kaagad na sumalubong sa
akin ang galit at matalim na tingin ni lucas.
"Ay teka Cara, mauna ka na sa sasakyan may nakalimutan lang ako sa
kwarto" paalam ni suzy at mabilis na pumasok sa kanilang bahay.
Papasok na sana ako sa kanilang itim na ford everest ng mag
mahigpit na humaklit sa aking braso pababa.
"Ba...bakit? Ano nanaman ang ginawa ko sayo?" Tanong ko sa kay
lucas.
"Ang ayoko sa lahat, niloloko ang mommy ko sa mismong harapan ko,
anong akala mo sa mommy ko? Kaibigan mo lang na kinakaya kaya mo?"
Sita niya sa akin.
"Di ganuon...ayoko lang na magalala siya" laban ko pa.
"Alam mo? Wala ka talagang kwenta! Sarili mo lang ang iniisip mo!"
Akusa niya sa akin at mabilis na sumakay sa kanyang itim na
mustang.
Tahimik ako sa byahe papunta sa school. Di ko alam kung bipolar ba
yang si lucas o malaki lang talaga ang galit sa mundo lalo na sa
akin.
Maayos at naging tahimik ang dalawang
unang klase ko.
na kami magkita
sa cafeteria ng
sa papuntang Cr
Nagtext si suzy na nasa cafeteria na siya at duon
para sabay na kaming maglunch. Papasok na sana ako
kaagad akong tinawag ng kalikasan. Lumiko muna ako
at nagulat ako ng may nagkakagulo duon.
"Stop it!" Hiyaw ng babaeng niluloblob ng tatlong babae sa drum.
"Hoy ano yan!" Agaw ko sa atensyon nila.
"Hoy taba! Wag kang mangialam dito, Labas!" Pagtataboy nila sa
akin.
Aatras na sana ako ng magulat ako sa aking nakita. "Amiella!"
Tawag ko sa babaeng basang basa ngayon dahil sa pagkakalublob sa
drum.
Walang pagdadalawang isip akong lumapit sa kanya para matulungan
siya ng magulat ako sa sampal na ibinigay niya sa akin.
"Walang hiya ka!" Sigaw niya sa akin at kaagad akong nilapitan at
mabilis na iwinagayway ang aking buhok.
Kaagad na naghiyawan ang tatlong babae na akala mo ay nanunuod
sila ng sabong.
"Amiella...wala akong ginagawa! Tutulungan lang kita!" Sigaw ko sa
kanya dahil di ito nakikinig sa akin.
Tinulak niya ako pasubsob sa sahig. Mas lalong lumakas ang hiyawan
ng mga babae. "Saan ka?" Rinig kong tanong nung isa.
"Kay amiella tayo!" Deklara nung isang matangkad na babae at
kaagad akong tinayo ng tatlong iyon.
"Ano ba! Wala naman akong ginagawa sa inyo!" Hiyaw ko sa kanila ng
magkabila nilang hawak ang magkabilang kamay ko. Ang isa naman ay
nasa gitna habang nakahawak sa aking balikat.
"Amiella...tutulungan lang ki..." di ko na natuloy ang sasabihin
ko ng kaagad ako nitong
sinampal.
"Ikaw yung nagpakalat ng Video!" Sigaw niya sa akin.
"Ikaw yun?" Namamanghang tanong nung tatlong may hawak sa akin.
Agad kumunot ang noo ko. "Ang alin?" Tanong ko sa kanila.
Sabay sabay na nag tawanan ang tatlo na para bang naaamaze pa sila
sa akin. "Ano amiella? Gantihan mo na to!" Sabi nung tatlo na para
bang ngayon ay kampi na sila kay amiella.
Di kumilos si amiella at galit lamang na nakatingin sa akin.
"What? Gantihan mo na to! o iluloblob namin yang pagmumukha mo sa
inidoro!" Pananakot sa kanya nung isa.
Para namang nagising si Amiella dahil duon. "SAMPALIN MO NA!"
sigaw ng isa pa kaya naman walang pagaalinlangan nitong sinampal
ang mukha ko ng magkasunod.
"Tama na!" Hiyaw ko sa kanila dahil masakit iyon.
Narinig kong nagkakagulo na sa labas. "TULONG!" malakas na sigaw
ko.
"Ano amiella! Yan lang na ang kaya mo!?" Tukso nila dito.
"Sige i...ilublob yan! Duon!" Nauutal na sabi niya.
Kaagad na nagapir yung mga babae. Akmang hihilahin na nila ako
patungo duon sa drum ng tubig ng kaagad ako ng pumiglas. "Ayoko!"
Sigaw ko pero tawa lang ng tawa yung tatlo.
Si amiella naman ay nakatingin lamang na para bang di siya
mapakali. "Tama na!" Sigaw ko sabay pagpupumiglas.
Natigila ang mga ito ng kaagad na may gustong sumira ng pintuan.
"AMIELLA!" sigaw ng nasa labas.
"Luc..." di ko na natapos sabihin ang pangalan nito ng kaagad na
sumigaw si
Amiella.
"LUCAS! HELP PLEASE..." sigas nito at akmang tutungo sa pinto ng
kaagad akong tinulak ng tatlong babae patungo sa kanya.
Napahiyaw kaming pareho ng magkasabay kaming natumba at tumama sa
pader. Kasabay nuon ang pagbukas ng pintuan at ang pagpasok ni
lucas.
"WHAT THE HELL ARE YOU DOING!?" sigaw niya sa tatlong babae.
Kaagad na kumaripas ng takbo ang mga ito.
Napatingin ako sa katabi ko, umiiyak ito habang sapo sapo ang
mukha niya. Napatingin ako kay lucas pero parang di ako nito
nakikita at yung si amiella lamang ang nanduon.
"Shhh...Amie, damn baby" pagaalo niya dito at kaagad itong
niyakap.
Agad nanamang kumirot ang puso ko dahil sa nakikita. Kung kanina
ay ni hindi ako maiyak dahil sa ginawa nung mga babae eh ngayon ay
para akong pinagbagsakan ng langit at lupa.
"Lucas...tinakot lang nila ako..." pagsusumbong nito.
Napasandal ako sa kabilang pader. Gusto ko ng makaalis duon pero
ng sinubukan kong tumayo ay napangiwi ako dahil sa sakit ng aking
likuran.
"Oh my gahd amie!" Pagsinghap nung isang babae na kung di ako
nagkakamali ay mga kaibigan ni amiella.
"Frances, dalhin niyo muna siya sa clinic" nagaalalang sabi ni
lucas dito.
Kaagad na inalalayan ni lucas na makatayo ito. Kung ano anong
ibinulong niya dito para lamang tumahan bago siya kinuha ng mga
kaibigan niya. Napayuko na lamang ako ng makita kong lalabas na
din si lucas.
/>
Pero biglang napaangat ang tingin ko ng may malakas na nagsara ng
pintuan sa Cr.
"Lucas..." tawag ko sa kanya.
Nakakatakot ang tingin nito sa akin. "What the F*ck did you do
this time Cara?" Nakakatakot na tanong niya sa akin.
Nakatingala pa din ako sa kanya dahil sa aking pagkakaupo.
"Naabutan ko na lang na inaaway siya nung tatlong babae, kaya
naman tutulungan ko sana siy..." di ko na natuloy ang sasabihin ko
ng kaagad na lumipad ang kamay niya sa aking pisngi.
Sobrang gulat na gulat ako dahil duon. Dahil simula bata pa lang
ay masakit na talaga magsalita si lucas sa akin pero kahit ganuon
ay di niya ako sinaktan physically, Ito lamang ang unang beses.
Kaagad na nagtubig ang aking mata. Masakit yung sampal pero mas
masakit ang aking nararamdaman ngayon.
"Enough with your lies! Gusto mong gumanti sa akin kaya pinakalat
mo yung video namin!" Akusa niya sa akin.
Agad akong napailing kahit lumuluha. "Hindi...wala akong
gin...Aray!" Daing ko ng marahas ako nitong itinayo.
"Aray..." umiiyak na daing ko sabay hawak sa bandang likuran ko.
"Inamin mo sa akin na nanduon ka sa Cr, nung naghalikan kami ni
amiella, and you F*cking took a video on it!" Sigaw niya sa
pagmumukha ko.
"Hindi! Wala akong ginawang ganun!" Balik na sigaw ko sa kanya.
Di siya nakinig sa akin. Pinatay niya lamang ako gamit ang
nakakatakot niyang tingin.
"Wala akong pakialam kung gaano kalaki yang hinanakit mo sa akin.
I dont give a damn, pero wag na
wag mong sasaktan si Amiella dahil kahit babae ka pa...at kahit
sabay tayong lumaki ako ang makakalaban mo Cara, at di mo
magugustuhang makalaban ako" madiing pagbabanta niys sa akin.
"Magkano ba ang kailangan mong ipunin para makaalis ka na sa bahay
namin? Sabihin mo kung magkano, dodoblehin ko pa ang presyo"
pagkasabi niya nuon ay kaagad niya akong iniwan duon sa loob ng Cr
magisa.
Isa isa kong pinulot ang nahulog kong mga gamit. Ayoko ng umiyak,
ayoko na ding maging kawawa. Ayoko ng magsayang ng luha para kay
lucas.
"Oh my gahd! Nabalitaan niyo ba yung nangyari kay Amiella?" Tanong
ni Tammarie.
"May video sila ni Kuya Lucas! Sino naman kaya ang nagpakalat
nuon?" Sabi naman ni Zafara.
Si suzy ay tahimik lamang para walang pakialam sa kanyang kuya.
Kung ganuon pala ay kaagad lang akong pinagbintangan ni lucas na
ako ang may gawa nuon. Dahil kahit ang iba ay di rin alam kung
saan iyon galing.
"Sabi ko naman sa inyo eh! May tinatagong baho yang amiella na
yan, kunwari mabait kuno!" Si kendall naman iyon na parang ayaw na
ayaw talaga niya kay amiella.
Umuwi kami ng sabay ni Suzy ngayon dahil
Nagbihis lamang ako at kaagad na kinusap
na nga siguro talaga para harapin ko ang
nakatira ako sa mga kamag anak at kadugo
wala naman akong trabaho.
si tita samantha. Panahon
katotohanan na dapat
ko.
"Come in Anak..." anyaya ni tita samantha ng kumatok ako sa kwarto
nila ni tito luke.
Inaayos nito ang mga damit pang opisina ni tito luke sa may kama.
"Anong kailangan mo?" Nakangiting tanong niya sa akin.
"Uhm...tita samantha tungkol po sana duon sa address" sabi ko na
nagpatigil sa kanya.
"2 years ago?" May pagaalinlangang tanong niya pa.
Dahan dahan akong napatango. Kita ko ang panlulumo ni tita
samantha.
2 years ago ay may nakuhang information ang mga private
investigator nila sa possible pang mga kamag anak ko. Nahirapan
silang mahanap ito dahil palipat lipat daw ng bahay at hindi
ganuon na kilala kung bakit mahirap silang ipagtanong sa ibang
tao.
Masaya na ako sa pamilya nila tita samantha kaya naman di ko na
hiniling na makilala pa ang mga nasabing kamag anak ko daw. Pero
iba na kasi ang sitwasyon ngayon.
"Anong gusto mong mangyari anak?' Malaungkot na tanong niya sa
akin pero kaagad din naman niya akong niyakap.
"Gusto ko po silang makilala tita, gusto ko pong makilala yung mga
kamag anak ko...at kung may pagkakataon ay gusto ko din silang
makasama."
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 9
Walang pasok ngayon dahil linggo, tanghali na ako nagising.
Pinapayagan kami ni tita samantha na tanghali na gumising tuwing
araw ng linggo para naman daw makabawi kami sa tulog namin tuwing
weekdays. Nagayos lang ako sandali at bumaba na din, nakaramdam na
kasi ako ng gutom.
"Ate Des sina tita po?" Tanong ko sa isang kasambahay.
"Umalis sina Ma'm samantha at sir Luke, nasa taas pa yung kambal
di pa bumababa. Nakahain na ang breakfast sa dinning kumain ka na"
nakangiting sabi niya sa akin na kaagad ko namang tinanguan.
Agad akong napadila sa aking labi dahil sa sarap ng mga pagakaing
nakahain duon. Pero uupo pa lang sana ako ng marinig kong bumaba
na din si Lucas. "Good Morning Sir Lucas" bati ni ate des dito.
"Good Morning" seryosong sagot naman nito.
Mabilis akong kumilos at tsaka kumuha ng tray. Duon na lang ako
kakain sa may kitchen. Kumukuha pa lang ako ng pagkain ay ramdam
ko na ang presencya ni Lucas sa may pintuan kaya naman mabilis
akong kumilos at hindi ko siya nilingon man lang.
"Better" maiksing sabi niya sabay lapit sa mesa ng makitang niyang
binuhat ko na ang tray na dala ko at paalis na duon.
Ayaw niya talagang kasabay ako sa hapagkainan, alam ko namang
napipilitan lamang iyon dahil yun ang gusto ni tita samantha ang
sabay sabay kaming kumain tuwing umaga.
Tahimik akong kumakain ng maginit nanaman ang gilid ng aking mga
mata ng mapahawak ako sa aking kanang pisngi. Wala na dito yung
sakit ng pagkakasampal niya pero masakit pa din sa aking dibdib na
kaya
niya pala talaga akong saktan, lalo na para sa mga taong mahal
niya at nakakalungkot isiping di ako kabilang sa mga iyon.
Wala na si Lucas pagdaan ko sa Dinning kaya naman mabilis akong
umakyat sa aking kwarto at nagulat ako ng makita ko siya duon
hawak ang Cellphone ko.
"Anong Ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.
Di man lang ito nagulat o natinag, patuloy pa din siya sa
pagkalikot sa Cellphone ko. "Hinahanap ko yung Video, asaan na?"
Galit na tanong niya sa akin.
"Anong Video ba? Akin na nga yang Cellphone ko" sabi ko sabay agaw
duon.
Pinilit niya akong inilayo sa kanya pero desidido akong makuha ang
cellphone ko. "Akin na yan Lucas!" Pagpupumilit ko.
Napuna niya marahil na masyado na kaming malapit sa isat isa kaya
naman kaagad niya akong tinulak. Di ko iyon anaasahan kaya naman
kaagad akong napaupo sa may sahig.
"Di ko inaasahang aabot ka sa ganito, Stop it will you?" Madiin at
galit na galit na sabi niya sa akin.
"Wala nga ak..." di niya na ako pinatapos.
Nanlaki ang mata ko ng binato niya ang Cellphone ko sa sahig. "You
Desperate Bitch" pagkasabi niya nuon ay kaagad siyang umalis sa
aking kwarto at tsaka binalibag ang pinto.
Nanginginig kong dinampot ang aking Cellphone sa sahig. At halos
dumugo ang labi ko sa pagkakakagat ng makita kong may Crack na
iyon.
"Ang sama mo talaga Lucas! Bakit ba ikaw pa ang nagustuhan ko!?"
Inis na inis na pagkausap ko sa sarili ko.
Nagaayos ako ng mga bagong tuping damit sa aking Cabinet ng
biglang pumasok si Suzy. Naka Pajama pa din ito hanggang ngayon
samantalang kanina
pa ako nakatapos sa paliligo.
"YEHEY! LAST WEEK NA!!!" hiyaw niya sabay taas ng magkabilang
kamay at tsaka tumalon sa aking kama.
"Anong masaya sa last week aber!?" Tanong ko sa kanya.
"Duh! Edi bakasyon na!" Ngiting ngiting sagot naman niya sa akin.
"May Finals pa kaya!" Pagmamaktol ko.
Oo nga pala nakalimutan kong wala namang problema sa mga Exams
tong mga kasama ko dahil parehong matatalino.
"Sus! Madali na lang naman yung Finals, pinaghalong Prelim at
Midterm lang yon tsaka konting topic ngayong finals" sagot niya sa
akin na para talagang sisiw lang sa kanya iyon.
Inirapan ko naman siya. "Matalino ka kasi..." sabi ko.
Agad itong umiling. "Nagpapaturo nga lang ako kay Kuya eh!" Sagot
niya.
Di pa man ako nakakapagreactnay kaagad na siyang lumapit sa akin
tsaka tumalon talon."alam ko na! Magpaturo ka na lang din kay Kuya
Lucas! Ayieee! Gusto niya yon..." pangaasar niya sa akin.
"Naku! Di na noh!" Pagtanggi ko at tsaka siya kaagad na
tinalikuran.
"Weh!" Habol pa din niyang pangaasar sa akin pero napahinto ito ng
kaagad na tumunog ang kanyang cellphone.
Napairap na lamang ako, sigurado kasing si Kuya Ken lamang iyon.
"Bakit tumatawag si Kuya Matthew?" Nagtatakang tanong niya bago
sinagot ng tuluyan ang tawag.
"Hello po?"
Nakikinig lamang ito pero kaagad na nagbago ang kanyang ekspresyon
at tsaka ako tinaasan ng kilay.
"Nandito po sa tabi ko" sagot niya dito habang mapangasar na
nakatingin sa akin.
Maya maya
ay kaagad niyang inabot sa akin ang Cellphone. Kaagad ko namang
sinagot iyon.
"Umamin ka nga sa akin Cara Isabelle Mendez!" Pangungulit ni Suzy
sa akin.
"Wala nga...ano ka ba" patuloy na pagtanggi ko naman sa kanya.
"Nanliligaw si kuya Matthew sayo noh? Umamin ka" pagpupumilit niya
pa din.
Mariin akong pumikit at umiling sa kanya. "Mabait lang talaga si
Kuya Matthew sa akin, tsaka pwede ba! Tingnan mo nga yung mga
naging girlfriend nun..." pagpapaintindi ko sa kanya.
"Pss...Inaaya kang lumabas di pa ba sapat na dahilan yun para
magconclude ako na nanliligaw siya sayo?" Laban naman niya sa
akin.
"Hay naku! Masyado talagang advance yang utak mo, labas na nga
diyan, magbibihis na ako" natatawang pagtataboy ko sa kanya.
"Oyy...magdadate sila ni Kuya Matthew!" Pangaasar pa din niya sa
akin habang tinutulak ko na siya palabas.
"Tse! Tumigil ka nga" suway ko sa kanya pero tinawanan niya lamang
ako.
Wala naman sana sa akin ito pero lalo tuloy akong nagkaroon ng
problema sa pagpili ko ng damit na susuotin. Niyaya niya lang
naman ako na kumain sa labas, di man siguro kailangan na magtodo
effort sa pagdadamit at tsaka di naman ako sanay na mag dress.
"Saan ang punta mo Anak?" Tanong ni tita samantha na kararating
lamang.
Kaagad akong napakagat labi. "Uhmmm..." naghahanap ako ng pwede
kong maisagot sa kanya pero nahihiya kasi ako eh.
"May date sila ni kuya Matthew!" Kaagad na singit ni suzy na
ikinagulat at mas lalo kong ikinahiya.
Napatakip ako sa aking mukha. "Kaya pala bihis na bihis ang isa pa
naming dalaga!"
Sulpot naman ni tito luke at tsaka kaagad na umakbay kay tita
samantha.
"Mommy ang Cute ni Cara ngayon noh!" Pagbibida ni suzy. Siya kasi
ang may kasalanan nito. Kanina sa gitna ng pagpili ko ng susuotin
ay pinasok nanaman niya ako sa kwarto.
"Dalagang dalaga na talaga ang mga anak natin Luke" nakangiting
sabi ni tita samantha dito.
"Kaya nga sundan na natin eh" asar ni tito luke dito na kaagad
namang siniko ni tita samantha.
Pinasuot ako ni suzy hg itim na off shoulder, lagpas siko ang
mangas nuon, Fit siya sa katawan, kaya naman pinagtuck in niya ako
ng High waist na maong pants para daw magkaroon ako ng curve na
kahit papaano ay meron naman talaga.
Sa sobrang tuwa nila ay hinatid pa talaga nila ako sa may pinto ng
may marinig kaming bumusina sa labas at kinumpirma ng kasambahay
na si kuya Matthew nga iyon.
Pagkabukas ng pinto ay nagulat ako ng si Lucas ang bumungad sa
amin. Naka puting tshirt ito at khaki short. Ang dalawang kamay
niya ay nakapasok sa magkabilang bulsa at tamad na tamad siyang
nakatingin sa akin.
"Anong meron?" Tamad na tanong niya at tsaka kaagad na ibinaba ang
tingin niya, galing sa mukha ay tiningnan niya ang suot ko.
"Lalabas sila ni kuya Matthew!" Pagbibida ni suzy dito.
"So what?" Masungit na sabi niya tsaka niya kami nilagpasan.
Sa Mall kami dumiretso ni Kuya Matthew. Di ko naman siya tinanong
kung anong gagawin namin buong araw na ito, hinayaan ko na
lamang siya.
"Wait ako na" nakangiting pagpigil niya sa pagbubukas ko sana ng
pintuan.
Halos mamawis ang tip ng ilong ko sa sobrang kaba di ko nga alam
kung bakit eh, para tuloy di rin ako kumportable sa suot ko
ngayon. Mas gusto ko kaya ang loose na damit mas komportableng
gumalaw.
Binuksan niya ang pintuan ko. Nahihiya naman akong bumaba dahil sa
tinging ibinigay niya sa akin kaya naman napayuko na lamang ako.
Pero nagulat ako ng inangot nito ang baba ko gamit ang index
finger niya. "Dont be shy...you're beautiful" nakangiting
paninigurado niya sa akin kaya naman di ko mapigilang mapakagat sa
aking labi para maitago ang dapat sana'y pagngiti ko. First time
kasing may nagsabi na lalaki sa aking maganda ako bukod kay daddy
at syempre kay tito luke.
"Let's eat first, tapos nuod tayo ng Sine?" Tanong niya na kaagad
ko namang sinangayunan.
Kumain kami sa may Pastry Chef. Eat all you can duon, puro Pasta,
fries, at cakes ang nanduon, magsasawa ka din sa iba't ibang klase
ng salad.
"After finals Retreat na natin ah..." pagsisimula niya habang
nagsisimula na din kaming kumain.
Kaagad akong tumango. "Oo nga po eh, pero di ko pa iniisip
yon...namomorblema kasi ako sa finals eh" kwento ko sabay subo ng
chocolate cake.
"Kaya mo yan ikaw pa!" Pagchecheer niya sa akin.
Kaagad akong napanguso at napailing. "Di ko kaya, mahina ako at
walang kayang gawin...palpak nga ako sa lahat ng bagay eh"
pagamin ko.
Nagulat ako ng hawakan ni kuya matthew ang kamay kong nasa ibabaw
ng mesa.
"Wag kang magisip ng ganyan Cara, You are more than that..."
pagpuri naman niya.
Natahimik na lamang ako at tsaka pinagpatuloy ang pagkain ko.
"Tuturuan na lang kita para sa Finals niyo" basag niya sa
katahimikan na ikinalaki ng mata ko.
"Totoo po!?" Gulat at di makapaniwalang tanong ko sa kanya pero
nginitian lamang ako nito at tsaka tinanguan.
"Pe...pero baka makaIstorbo lang po ako sa inyo kuya matthew" sabi
ko naman, kasi ang alam ko naguumpisa na din siyang hawakan ang
bussiness nila ngayon.
"Di ka makakaistorbo Cara...Always remeber that you are my
priority" sabi pa niya dahilan para di ko na napigilan ang sarili
ko at kaagad akong napatayo para yakapin siya.
"Naku! Promise po makikinig ako ng mabuti!" Paninigurado ko sa
kanya pero tinawanan niya lamang ako at tsaka ginantihan ng yakap.
Pagkatapos kumain ay pumunta na kami sa may sinehan, bumili na
kami ng ticket pero isang oras pa bago magsimula ang susunod na
palabas.
"Hala, ang tagal pa ng hihintayin natin" panghihinayang na sabi ko
dahil di pa namin naabutan yung kakaumpisa lang.
"How about, samahan mo na lang muna akong bumili ng mga damit na
kailangan ko sa Office?" Suwestyon niya.
"Ok Sige po!" Pagsangayon ko pa.
"Can you please drop the Po?" Natatawang tanong niya.
/>
"Pero po..." di niya na ako pinatapos at tsaka niya na lang ako
hinila habang tumatawa.
Pumunta kami sa isang botique kung saan puro mga pang office
attire yung mga nanduon, nanduon din yung mga mamahaling brand ng
mga long sleeves.
"Itong gray bagay sayo kuya matthew" turo ko.
Kaagad niya iyong kinuha at ibinigay sa sales lady kasama nung iba
pang tinuro ko sa kanya. "Hala...di mo man lang ba iyon
susukatin?" Tanong ko.
"No need, pagsinabi mong ok...ok na din sa akin, ikaw pa alam mo
namang malakas ka sa akin" nakangiting sabi pa din niya.
Buti pa itong si kuya Matthew palaging nakangiti sa akin,
nakakagaan tuloy ng pakiramdam. Di katulad ni lucas na mahahawa ka
sa sama ng loob pag nakita mo ang pagmumukha.
"Di ko kaya alam..." nakangiting pangaasar ko din sa kanya.
Napapalagay na din kasi ang loob ko sa kanya.
Sinimangutan ako nito pero kaagad ding nginitian. "Ngayon alam mo
na"
Madami siyang nabili, at sigurado akong mahal ang mga iyon. Pero
wala lang sa kanya swipe lang ng swipe ng card. Habang hinihintay
ko siya ay napatingin ako sa kabilang botique at di ko na
naControl ang paa ko patungo duon, may nakita akong figurine na
may tubig sa loob, isang mermaid ang nanduon, umiilaw siya at
tumutunog. Nagkalat naman ang maliliit na star fish pag inalog mo
ito.
"Let's go?" Biglang sulpot ni kuya matthew kaya kaagad king
nabitawan ang aking hawak. Kaagad akong tumango sa kanya at
nagsimula na ding maglakad.
Halos sampung minuto na lang bago magstart ang movie ng magpaalam
ito sa akin sa di ko alam na dahilan. "Hintayin mo lang ako
sandali dito, may nakalimutan lang ako" paala, niya at kaagad na
tumakbo sa kung saan.
Nakatingin ako sa mga bumibili
magkarelasyon ata ang nanunuod
sa loob ng aking bag. Pinindot
bumungad sa akin ang wallpaper
pagkakabasag ng screen. Family
ng ticket sa sinehan. Halos piro
ngayon. Kinuha ko ang Cellphone ko
ko ang On button at kaagad na
kong di na malinaw dahil sa
picture pa naman namin iyon...
"Multuhin niyo nga po si Lucas, Mommy at Daddy...ang sama kasi ng
Ugali eh" pagsusumbong ko sa mga ito habang kinakausap ko sila sa
litrato nila.
Binalik ko na ang cellphone sa bag ko at nagulat ako ng may
magsalita sa likod ko. "What are you doing here?" Matigas na sabi
ni Lucas?
Kaagad akong lumingon. "Lucas? Anong ginagawa mo dito?" Gulat na
tanong ko sa kanya.
With his usual look at nakasimangot nanaman sa akin ay sinahot
niya ako. "Bakit sayo tong mall?" Masungit na tanong niya na
kaagad kong inilingan.
"Di naman pala eh, so wala kang pake" sagot niya pa din sa akin
pero nagulat ako ng may maliliit na braso ang pumulupot sa kanyang
matipunong braso.
"Pumasok na tayo Lucas" yaya sa kanya ni Amiella.
Kaagad namang nanlaki ang mata nito ng makita alo at tsaka siya
biglang natahimik. "Cara!" Tawag naman sa akin ng kararating lang
na si Kuya matthew na may bitbit na paper bag.
"Wow lucas, nandito din kayo..." namamangha at parang di
makapaniwalang puna ni kuya matthew dito.
"We just want to watch a movie" tamad na sagot nito dito at kaagad
na silang naglakad ni amiella papasok.
Damn it! Kung minamalas ka nga naman hanggang dito ba naman di pa
din ako makakatakas sa kasungitan ni lucas?
"So magdodouble date pala tayo" nakangiting sabi ni kuya matthew
habang naglalakad kami sa likod ng mga ito.
Napahinto si lucas at kaagad kaming nilingon. "Date?" Nakangising
tanong niya sabay pabalik balik ang tingin sa aming dalawa ni kuya
matthew.
"Bakit kayo ba?" Mapanuyang sabi niya tsaka niya kami iniwang
nakanganga duong dalawa.
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 10
Di pa patay ang ilaw sa loob ng sinehan kaya naman madali kaming
nakahanap ng mauupuan. Si kuya matthew ang pumesto sa may gilid.
Ayoko kasi duon nakakatakot pagpatay na ang ilaw. Di ko naman
inaasahang tatabi sa akin si lucas. Marahil ay ayaw ni amiella na
ako ang katabi.
Di ko nilingon ang katabi ko, ayos lang sumakit ang leeg pero
pabalik balik lang ang ulo ko sa gawi ni kuya matthew at sa big
screen, di pa din kasi nagsisimula.
"Gusto mo ba ng popcorn?" Tanong sa akin ni kuya matthew.
Tumango na lamang ako sa kanya. "Ok sige bibili ako" sabi niya at
akmang tatayo na ng kaagad ko siyang pinigilan.
"Ako naman ang manlilibre, nakakahiya naman sayo kanina ka pa
gastos ng gastos" sabi ko sa kanya sabay abot ng pera.
"Ayos lang yon...i dont let girls pay for foods" nakangiting sabi
nito tsaka niya ako kinindatan.
Napanguso ako. "Kung ganun wag na lang pala" pagtanggi ko at tsaka
ako umayos ng upo.
"Ok...you win" pagsuko niya na ikinatuwa ko.
Agad akong kumuha ng pera sa wallet at tsaka iyon inabot sa kanya.
Bumaling siya sa mga katabi namin na tahimik lamang na
naghihintay. "Kayo lucas?" Tanong ni kuya matthew sa kanya.
"Do you want popcorn amie?" Tanong niya sa kasama.
"No thanks, water would do" sagot nito.
Gumalaw si lucas para sana kuhanin ang wallet niya ng kaagad
siyang pinigilan ni amiella. "Ako na, pupunta din ako sa comfort
room" sabi ni at tsaka kaagad na sinukbit ang sling bag niya.
Napalunok ako ng laway, ibig sabihin kami lang ni lucas ang
maiiwan, at nakakainis
dahil magkatabi pa kami. Bumaling ako kay kuya matthew at kaagad
ko siyang hinawakan sa may siko.
"Sandali ka lang po?" Tanong ko sa kanya.
Kaagad nanaman ako nitong nginitian. "Opo sandali lang po..."
sagot niya sa akin kaya naman kaagad akong napabitiw.
Umalis na sila. Kaagad kong ikinundisyon ang sarili kong wag
babaling kay lucas. Itinuon ko na lamang ang pansin ko sa kabilang
gawi. Pinaglalaruan ko pa ang labi ko at halos makagat ko iyon ng
may nakita akong nagkakainan ng labi sa may dulo.
Kinilabutan ako sa aking nakita. This is a public place for
goodness sake! Di ko na mamalayang napapatras na pala ako
papalapit kay lucas at ang masama pa ay nahawakan ko pa ang kamay
niyang nakalagay sa may arm rest.
"Ano ba!" Tabig niya sa akin.
Agad ko siyang sinimangutan. "Kung makatulak ka naman"
"Wag ka kasing lalapit sa akin" masungit na sabi niya pa.
Kaagad akong napayuko, siya kaya tong tumabi sa akin. Sobrang
awkward sa pagitan naming dalawa kaya naman naghanap na lamang ako
ng pagkakaabalahan ko. Kukuhanin ko na sana ang cellphone ko sa
bag ng mapaiktad ako ng nakakatakot at malakas na tunog ang
lumabas sa screen.
Trailer iyon ng isang horror movie. "Shit yung cellphone ko" daing
ko ng nabitawan ko iyon.
Kaagad akong yumuko para hanapin iyon. "Hala asaan na..." sabi ko
habang kumakapa sa floor.
"Ano ba! Paa ko na yan eh!" Inis na sabi nito ng di sinasadyang
mahawakan ko yung paa niya.
"Sorry..."paghingi ko ng paumanhin.
Sa inis nito ay tinulak niya ako palayo. "Alis
nga diyan" tabig niya sa akin tsaka ito yumuko.
"Ang tanga tanga kasi eh"inis na sabi niya habang kumakapa sa
floor para hanapin yung cellphone ko.
"Nakakagulat kasi yung tunog eh" pagdadahilan ko pero pinatay
lamang ako nito ng nakakatakot niyang tingin.
Maya maya ay nakita ko ng hawak niya ito. "Ayan na! Naku salamat"
tuwang tuwang sabi ko dahil kaagad kong nakita ang wallpaper ng
cellphone ko.
Kumunot naman ang noo ko ng parang natigilan si lucas habang
nakatingin duon. Nakita naman na niya iyon kaninang umaga ng
pumasok siya sa kwarto ko at nangialam. Iba na nga lang ngayon
dahil di na malinaw ang family picture namin dahil sa crack sa
screen.
"Yu...yung cellphone ko" singit ko sabay turo duon.
Mukha namang natauhan ito at padabog na ibinalik sa akin.
"Istorbo" inis na pagpaparinig niya.
"Sorry ulit" mahinahong sabi ko naman.
Napabaling ako sa kanya ng bumaling din siya sa akin. "Di na
mababalik ng sorry mo ang lahat Cara" seryosong sabi niya sa akin
na kaagad kong ipinagtaka.
"Ano bang pinagsasa..." di ko na natuloy ang dapat sana'y tanong
ko sa kanya ng kaagad na dumating sina kuya matthew at Amiella.
"Sorry madaming nakapila eh" kwento niya pa.
"Ah ganun ba..." pagsangayon ko na lang pero di ko napigilang
lingunin si lucas.
Pero di na lang pala sana dahil ngiting ngiti ito habang
kinakausap si amiella at tsaka pa siya umakbay. Ni minsan di siya
ngumiti sa akin niyan, o kahit sa harapan ko man lang. Feeling ko
kasi sa tuwing nakikita niya ako ay nasisira ang araw niya.
Ganun ba ako kapanget?
"Magiistart na" masayang anunsyo ni kuya matthew.
Ipinagsawalang bahala ko na lamang ang kaninang sinabi ni lucas.
Matalino kasi iyon at bobo ako kaya di ko talaga alam kung saan
niya kinukuha yung mga pinagsasabi niya.
Ang movie ay nagsimula sa dalawang taong naghahalikan. Napaayos
tuloy ako ng upo ko. Naalala ko kasi muli yung dalawang
naghahalikan sa may kabilang dulo.
"Uhhggg...adam!" Ungol nung babae duon sa screen.
Ang mga katabi ko ay seryosong nanunuod.
"Oh my gahd...papunta na sila sa kama" bulong ko sabay takip sa
mukha ko.
Maya maya ay narinig ko na ang mga ungol mula sa big screen kaya
naman kaagad akong napatakip sa tenga ko. "Hey...hey it's ok tapos
na" natatawang sabi ni kuya matthew sa akin sabay dahan dahang
tinaggal ang kamay ko sa aking tenga.
Napakagat ako sa aking labi, nahiya tuloy ako kay kuya matthew.
"Yah...i forgot, your too young for that" natatawang sabi ni kuya
matthew.
Napasulyap ako sa big screen at nakitang wholesome na ang scene sa
movie. Actually Nakakatawa naman kasi talaga ito. "Here eat
some..." sambit nito kaya naman napabaling ako at nagulat ako ng
subuan niya ako ng popcorn.
Nginitian ko na lamang siya kahit ang totoo ay nabigla ako duon.
Tumingin muli ako sa screen at nanuod pero nagulat ako ng humilig
ng bahagya sa akin si kuya matthew.
"Wag kang titingin sa kanan, bawal yun sa bata" bulong niya sa
akin.
Kaagad namang kumunot ang noo ko. "Po? Bakit?" Tanong ko sabay
tingin duon sa kanan.
Di ko pa man tuluyang naaaninag ay kaagad ng
may tumakip sa aking mata.
"Kulit, sabing wag titingin eh" tuwang tuwang sabi niya habang
nakatakip pa din sa akin ang kamay niya.
"Can you both Shut up?" Madiin at inis na sabi ni lucas.
Napaayos ako ng upo at napatingin sa kanya. Galit na galit itong
tumingin sa akin. Tumahimik na lamang ako at tsaka nanuod pero di
pa din maiwasang magingay kami ni kuya matthew dahil nakakatawa
talaga ang movie.
Pagkatapos ay sabay sabay din kaming lumabas. "May lakad pa ba
kayo bukod dito?" Tanong ni kuya matthew kina lucas.
Napatingin ito kay amiella. Nakakapit ito sa braso ni lucas na
para bang may kikidnap sa kanya. "Do you want to go somewhere?"
Tanong ni lucas dito.
Napangiwi naman si amiella. "I want to rest, iuwi mo na ako
please..." pagkausap nito kay lucas.
Agad siyang tinanguan ni lucas. Bumaling sa gawi namin si amiella
pero batid kong kay kuya matthew lamang iyon. "Sorry guys...wala
kasi talaga ako sa mood today, pinilit lang talaga ako ni lucas na
manuod ng movie ngayon" sabi niya na ikinabigla ko.
Napatingin ako kay lucas pero nakapoker face lamang ito na para
bang wala siyang pakialam sa mga nangyayari.
"Ok sige, ingat kayo pauwi" sabi ni kuya matthew at kaagad na
hinawakan ang kamay ko.
Kita ko ang pagbaba ni lucas sa kamay naming magkahawak ni kuya
matthew. "Di pa kayo uuwi?" Tanong niya.
Umiling si kuya matthew. "Isasabay ko na si cara...tara na" utos
niya sa
akin.
"Ha...eh" di ako makasagot.
"Sa seaside kami, may fireworks display dun" si kuya matthew na
ang sumagot.
Kaagad akong naexcite dahil sa narinig. "Talaga?" Paninigurado ko
na kaagad niyang tinanguan.
"Sige una na kami" paalam ni kuya matthew sa mga ito. Kaagad niya
ako hinila palayo duon.
Sa labas ay nagpaalam siya sa akin saglit para ilagay ang mga
pinamili niya sa sasakyan. Nakaupo ako sa bench, medyo padami na
din ang tao, mukhang pare pareho lang kami ng hinihintay.
"Let's go home" nabigla ako ng may humila sa akin patayo.
"Lucas? Bakit ka nandito?" Nagtatakang tanong ko, pinilit kong
binawi ang braso ko sa pagkakahawak niya.
"Umuwi ka na!" Sigaw niya sa akin.
"Ba...bakit ba? Wag kang magalala uuwi naman ako ng maaga" sabi ko
sa kanya.
Nginisian ako nito. "Di ako nagaalala, why would i care...sayo? No
way" pagtanggi pa niya.
"Oh eh anong pakialam mo kung di pa ako uuwi?" Laban na tanong ko
naman.
Dahil sa narinig ay naningkit ang mata nito. "Alam mo ikaw, ang
kapal din talaga ng mukha mo...nakuha mo pang makipagdate
pagkatapos ng ginawa mo sa amin ni amiella!" Akusa niya sa akin.
"Wala nga sabi akong alam duon lucas" pagtanggol ko sa aking
sarili.
Nakatitig lamang siya sa akin, ni hindi man lang nagbago ang
tingin niya. "Alam mo kung ano dapat ang ginagawa mo ngayon?"
Mapanuyang tanong niya sabay duro sa akin.
"Dapat nagaayos ka na ng mga gamit mo at simulan mo ng maghanap ng
malilipatan mo! Isa ka talagang problema sa pamilya namin eh!"
Sabi
pa niya.
Bumagsak ang balikat ko at tsaka ako napayuko. "Kailan ba ako
naging problema sa inyo? Ginawa ko naman ang lahat ah..." sabi ko
sa kanya.
Umiling ito. "Yes you are! At alam kong alam mo kung paano
matatahimik ang pamilya namin" sumbat niya sa akin.
"Ang umalis ako?" Tanong ko kahit alam ko namang yun ang sagot.
"Exactly!" Sagot niya.
"Pag ba umalis na ako, matatahimik na yung pamilya niyo o ikaw
mismo lucas?" Tanong ko sa kanya.
Nainis ito. "You know what's the point? Umalis ka na sa bahay
namin, that's it" pinal na sabi niya sabay alis.
Kahit kailan napaka panira talaga ni lucas. Dahil pagkatapos ng
pangyayaring iyon ay nawala na din ako sa mood. Sobrang nahiya
talaga ako kay kuya matthew dahil pati siya ay nadamay pa.
"Pupuntahan kita tomorrow afternoon para maturuan kita sa finals
niyo" sabi niya sa akin ng nasa tapat na kaming ng bahay nila tita
samantha.
"Salamat po talaga" pinilit kong ngumuti ng totoo sa harap niya
dahil deserve niya iyon.
"You just maybe tired...Sige magpahinga ka na" sabi niya sa akin
na kaagad kong tinanguan.
Bababa na sana ako ng kaagad niya akong pinigilan. "I have
something for you" sabi niya sabay abot ng isang paper bag.
"Naku nagabala ka pa kuya matthew" sabi ko. Kaagad kong tiningnan
yon at sobrang saya ko ng makitang yung figurine na mermaid ang
laman nuon.
"Nakita ko kasing gusto mo siya kanina"
kwento niya sa akin.
"Thank you po talaga kuya matthew...thank you po sa lahat, sobra
po talaga akong nagenjoy ngayong araw" pasasalamat ko sa kanya.
"Yun naman ang balak ko cara, ang araw araw kang pasiyahin" sabi
niya na ikinailang ko.
Nahalata niya marihil iyon kaya naman ginulo niya ang aking buhok.
"Go...rest now"
Madaling araw pa lamang ay gising na ako. Nanatili lang akong
nakatitig sa kisame hanggang sa tumunog na ang alarm clock ko.
Nilagay ko sa study table ko yung bigay sa akin ni kuya matthew.
Ang ganda nuon. Tumutunog siya at umiilaw din kasabay ng pagalog
mo.
Di ako tinigilan ni suzy at gusto niyang ikwento ko sa kanya ang
mga pangyayari. Batid kong tuwang tuwa siya para sa akin.
Nagsusuklay ako ng buhok dahil kakaligo ko pa lang ng kaagad na
nagmamadaling binuksan ni suzy ang pintuan ng aking kwarto.
"Cara! Andyan na si kuya matthew!"
Halos masubsob ako dahil sa paghila sa akin ni suzy. Nagpaalam na
kasi ako sa kanila ni tita samantha na tuturuan ako ni kuya
matthew ngayon. Nagabala pa nga si tita dahil naghanda pa talaga
siya ng mirienda.
"Saan ba kayo magaaral?" Tanong ni tita samantha sa amin.
Napatingin ako kay kuya matthew. "Sa garden na lang po siguro
tita" sagot nito.
Kaagad akong umakyat para kunin lahat ng gamit at bag ko. Nanduon
na si kuya matthew at nakatanaw siya habang naglalakad ako
papalapit sa kanya. Nagsimula na kaming magaral. Mabilis ko namang
naintindihan ng mabuti iyon dahil step by step niya sa aking
tinuturo iyon.
"Ang sarap talagang mag bake ni tita samantha" puri niya habang
nagmimirienda kami, kaagad ko namang sinangayunan iyon.
"Kuya matthew!" Tawag ni suzy na may hawak na gitara.
Ng makalapit sa amin ay kaagad siyang umupo sa katabi kong upuan.
"Kuya matthew di ba marunong kang mag gitara...katahan mo naman
kami oh, kahit isa lang sige na" pagpupumilit ni suzy dito.
Kaagad na natawa si kuya matthew pero tinanggap din naman niya ang
gitara.
"Ano bang gusto mong kanta?" Tanong ni kuya matthew dito.
"Yung kanta mo para kay cara" ngiting ngiting sagot ni suzy.
Agad ko siyang hinampas sa braso. "Anong kanta ka diyan!" Suway ko
sa kanya.
Di ako pinansin ni suzy. Nahihiya naman akong tumingin kay kuya
matthew pero nakangiti nanaman ito sa akin na para bang naaaliw
siyang nahihiya ako sa kanya.
Umayos na siya ng pwesto. "Ok sige kakantahan ko si Cara" anunsyo
niya at kakalabitin na sana niya ang gitara ng kaagad na may
umepal.
"Hindi pwede" kaagad na singit ni lucas.
"Bakit naman kuya!?"inis at nagmamaktol pang tanong ni suzy dito.
Nakapaymewang itong humarap sa amin. At tsaka niya ako tinusok ng
mga tingin niya.
"Pamamahay ko to, ayoko ng maingay sa pamamahay ko"
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 11
Kaagad na tumayonat nagpameywang pa si Suzy. "Edi pumasok ka sa
loob kuya!" Galit na sabi nito kay lucas.
Mariing naglapat ang mga labi nito halatang inis na inis siya.
"What bro? Tara come and join us" yaya sa kanya ni kuya matthew.
Umirap si lucas dito. "No thanks" may pandidiri pang kasama iyon
na para bang nakakadiring makasama kami. Sama talaga ng isang to
kahit kailan.
Naglakad siya patungo sa may poolside at tsaka duon umupo. Kaagad
naman niyang kinalikot ang cellphone niya kaya naman nagpatuloy na
lang kami.
"Go kuya matthew!" Pagchecheer ni suzy sa kanya.
"Uhmm...let's think a song for cara" nakangiting sabi nitonat
kunwari ay nagiisip.
Ngumuso naman si suzy. "Wala ka bang kanta sa kanya kuya matthew?
Yung kanta mo talaga ..." pagpupumilit pa ni suzy dito.
Muli ko siyang siniko. "Hoy ano ka ba" suway ko sa kanya dahil sa
kahihiyan.
Tinaasan lamang ako nito ng kilay. Pero napahinto kami ng bigla ng
nag strum ng gitara si kuya matthew kaya naman napunta na sa kanya
ang atensyon namin ni suzy.
"Minamasdan kita, nang hindi mo alam, pinapangarap kong ikaw ay
akin...Mapupulang labi, at matinkad mong ngiti, umaabot hanggang
sa langit..." halos maestatwa ako habang pinapanuod ko siyang
kumanta. Maganda kasi ang boses nito, pero di kasi iyon. Nakangiti
siya at nakatitig sa akin habang kumakanta.
Huwag ka lang titingin sa akin
At baka matunaw ang puso kong sabik
Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin
"Ayiee..." asar sa akin ni suzy habang sinisiko siko ako.
Sinamaan ko lamang siya ng tingin. Sandali akong napalunok ng
pumikit si kuya matthew habang kumakanta. Nagkaroon tuloy ako ng
chance na dahan dahang lingunin ang kinalalagyan ni lucas.
Minamahal kita ng di mo alam
Huwag ka sanang magagalit
Tinamaan yata talaga ang aking puso
Na dati akala ko'y manhid
Hindi pa rin makalapit
Inuunahan ng kaba sa aking dibdib
Kagaya kanina ay nakaupo pa din siya sa may pool side. Nakahilig
ito at tsaka nakasuporta ang magkabilang kamay niya sa kanyang
likuran.
"Lucas..." mahinang sambit ko
Napakislot ako ng kurutin ako ni suzy sa tagiliran. "Hoy Andito si
kuya matthew sa harapan mo oh" bulong niya sa akin.
Kaagad akong napaayos ng upo, nakita kong nakatanaw din si kuya
matthew sa tinatanaw ko. Nakatingin din siya kay lucas...
Binalik niya ang tingin sa akin, ngumiti siya pero di katulad ng
mga ngiti niyang umaabot hanggang sa kanyang mga mata.
Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay lalapit
Ang mundo ko'y tumitigil
Ang pangalan mo sinisigaw ng puso
Sana'y madama mo rin
Ang lihim kong pagtingin
Sa
iyong ngiti ako'y nahuhumaling
(Sa iyong ngiti)
Sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sa'yo...
(Para lang sa'yo ang awit ng aking puso)
Sana ay mapansin mo rin...
Ang lihim kong pagtingin
Sa iyong ngiti...
"Whoa! Ang galing mo talagang kumanta kuya matthew! Kakanta ka sa
Js prom di ba?" Tanong sa kanya ni Suzy.
Nagkibit balikat lamang si kuya matthew." Zena wants me to..."
sagot niya pagkatapos ay bumaling naman siya sa akin.
"Ikaw Cara, do you want me to go?" Tanong niya sa akin na parang
bang humihingi siya ng permiso sa akin.
"Uhmm...syempre naman po" sagot ko kaagat.
"Then will you be my date?" Tanong niya na ikinagulat ko.
Dahil sa pagkagulat ko ay si Suzy na ang nagcelebrate para sa
akin. "Yes! Yehey!" Tuwang tuwa ito para sa akin.
Malungkot na ngumiti si Kuya matthew sa akin. "Ok lang may 4 days
pa naman bago ka sumagot" pagaalo niya sa akin.
Bigla akong napaisip. After ng last day ng Final exam ay gaganapin
ang Js prom para sa mag Junior and senior ng highschool. Wala
naman na dapat kaming pakielam dun dahil college na kami ang kaso
ay isa sa organizer si Zena at nanduon din sina Kendall, Zafara,
at Tammarie. Seniors na kasi ang mga ito kaya napagdesisyunan nila
na bigyan ng memorable na prom yung tatlo.
"Pag iispan ko po" sagot ko sa kanya na kaagad naman niyang
tinanguan.
Bumalik kami
sa pagaaral, umalis na din naman si Suzy dala ang kanyang gitara.
"Galingan mo sa Exam bukas ha" nakangiting sabi nito sa akin
habang tinutulungan niya akong magayos ng mga gamit ko.
"Opo...tatandaan ko po lahat ng itinuro niyo sa akin" paninigurado
ko sa kanya.
Sabay kaming pumasok sa bahay, naabutan naming naghahanda na para
sa dinner. "Dito ka na magdinner Matthew" anyaya kanya nina tita
samantha at tito luke.
"I love to...but dumating po kasi si Tito Yohan galing france, may
dinner po sa bahay nila lolo" pagdadahilan nito.
Napatango naman si Tito luke. "Thanks for the cupcakes tita
samantha...sobrang sarap" puri niya kay tita samantha bago siya
humalik dito at tsaka nagpaalam.
Ako na ang naghatid kay kuya matthew palabas ng bahay. "Thank you
po talaga sa pagtuturo sa akin" pasasalamat ko sa kanya.
"Wala iyon Cara, i am very willing to be with you" sagot niya sa
akin na ikinalaki ng mata ko.
Kinawayan ko siya habang tinatanaw ko ang paglayo ng sasakyan
niya. Ng mawala na ito sa paningin ko ay kaagad na akong pumasok
sa gate.
"Ano umalis na yung bisita mo?" Mapanuyang sabi ni Lucas.
"Ah oo..." nakayukong sagot ko.
Lalagpasan ko na sana siya ng kaagad niya akong hinigit sa braso.
"Ang kapal naman ata ng mukha mo para magimbita pa dito sa
pamamahay namin" akusa niya sa akin.
Pinilit kong tanggalin ang kamay niya sa braso ko pero lalo lamang
niya iyong hinihigpitan. "Nag paalam naman ako kina tita samantha
ah, tsaka nagpapaturo lang naman ako kay Kuya matthew" laban
ko sa kanya.
Nginisian ako nito. "Ganuon ka ba kabobo ha!" Sigaw niya sa mukha
ko.
Di ko siya sinagot, ayoko siyang sagutin. "Gusto mo bang magpaturo
o gusto mo lang makipaglandian ha!" Akusa pa niya sa akin. Di ko
na napigilan ang sarili ko.
"Bobo ako! Ano masaya ka na! Kailangan ko ng tulong kasi bobo ako!
Tanga! Walang alam! Walang kwenta! Kaya nga gustong gusto ko ng
umalis dito!" Sigaw ko sa pagmumukha niya na mukha namang
ikinagulat niya dahilan para mabawi ko na ang braso ko mula sa
kanya.
"Bakit ba ayaw na ayaw mong maging masaya ako?" Umiiyak na tanong
ko habang tinatahak ang daan papasok sa loob ng bahay.
Tahimik sa hapagkainan. Sina tito Luke, tita samantha at suzy lang
ang naguusap. Di ko din sinubukang tumingin sa gawi ni lucas.
Pinagpatuloy ko na lamang ang pagkain ko.
"Next month na ang birthday ni Cara" anunsyo ni tita samantha.
"Saan tayo magbabakasyon daddy?" Tanong naman ni suzy dito.
"Saan mo ba gusto pumunta cara anak?" Tanong ni tito luke sa akin.
Napaangat ako ng tingin sa kanya. Batid kong nakatingin din sa
akin si lucas. Isang maling sagot ko lamang ay gagamitin nanaman
niya iyon laban sa akin.
"Ayos lang po ako dito sa bahay tito luke" sagot ko sa kanya.
"Edi maghanda na lang tayo..." suwestyon niya. Di ko siya sinagot.
Ayoko din naman kasing gumastos nanaman sila para sa akin.
"Ano bang mas maganda baby? Mag rent tayo ng Pavilion o
sa resort na lang nila kervy?" Tanong niya kina tita samantha.
Di ko na hinayaang sumagot si tita samantha at kaagad na akong
nagsalita. "Di na po kailangan tito luke" sagot ko naman.
"Then anong gusto mong regalo Cara?" Tanong niya sa akin na para
bang kahit anong hingin ko ay ibibigay niya.
Umiling na lamang ako. "Ayos na po ako tito luke, wala naman po
akong gusto" sagot ko.
Kita ko ang pagtingin nito kay tita samantha na parang humihingi
siya ng tulong. "B...but we should atleast have a family bonding"
sagot na lamang ni tita samantha na kaagad tinanguan ng lahat,
syempre bukod kay lucas.
Buti na lamang at nag change topic na. Pinaguusapan nila ngayon
ang tungkol sa magiging retreat namin. Halos every summer ay may
retreat kami, sina tito luke at ang mga kaibigan pa talaga niya
ang nakaisip nuon.
"Villa Fontana, Im not sure about the exact location, but
somewhere in batangas lang yon...sina matteo at timothy ang
nakakaalam" kwento naman ni tito luke.
"You kids behave ok?" Baling nito sa aming tatlo.
Maaga kaming pinatulog nina tita samantha dahil start ng exam
bukas. Pero bago ako pumasok sa kwarto ay tinawag niya ako.
"Tita..." salubong ko sa kanila.
"Kakausapin ko pa lang ang tito luke mo, sigurado ka na ba?"
Tanong niya sa akin.
Kaagad akong tumango. "Handa naman na po akong makilala sila tita"
paninigurado ko sa kanya.
Nasa may cafeteria kami ni Suzy kasama si Zena. Maaga pa kasi para
sa alasdiyes na oras ng
exam namin.
"Ano pupunta ba kayo ni kuya ken sa friday?" Tanong ni Zena kay
suzy.
Nagkibit balikat lamang ito. "Ewan ko, busy iyon sa companya nila
eh" inis na kwento nito.
"Sus! Di ka naman matitiis nun eh" sagot naman sa kanya ni Zena.
Umirap na lamang si Suzy at tsaka nanahimik. Muli kong nireview
yung mga tinuro sa akin ni kuya matthew kahapon. Ng bigla kaming
mapatingin sa paparating na sina Kendall, Zafara at tammarie. Di
talaga mapaghihiwalay ang tatlong ito.
"Sabi na nga ba eh!" Inis na sambit ni kendall.
"Anong balita nanaman ang nasagap niyong tatlo?" Nakangising
tanong ni Zena sa mga ito.
"Nalaman na kung sino yung nagpakalat ng Video nila kuya luke at
amiella" kwento ni tammarie.
"Si amiella ano!?" Tamad na tanong ni suzy na para bang di na bago
sa kanya ito.
"Hala paano mo naman nasabi ate suzy?" Tanong nung tatlo.
"I just know...sister instinct" pagbibida niya duon sa tatlo.
Hanggang sa nagsimula na ang exam ay iniisip ko pa din kung paano
naging si Amiella ang mismong nagpakalat ng video nila ni lucas.
Is it even possible?
Ipinagsawalang bahala ko muna iyon at kaagad ng focus sa exam ng
ibinigay na sa amin ang test paper. Naging madali para sa akin ang
sagutan iyon dahil halos lahat ng nanduon ay naituro sa akin ni
kuya matthew kahapon. Ako tuloy ang unang nagpasa, proud na proud
tuloy ako sa sarili ko.
Para namang nawala bigla ang pagkakaproud ko sa sarili ko ng
makita ko sila sa may student cottage kumpleto na silang lahat
duon.
"Cara! Tagal mo ha" tawag sa akin ni suzy.
Seriously!
Ako kaya ang unang nakatapos sa klase namin. "Kanina pa kayo
tapos?" Tanong ko.
"Oo, ang dali dali naman ng exam eh" sagot ni suzy.
"AYOKO!" nagulat kami ng humiyaw si Zafara.
"No! Ako ang date mo sa Js prom niyo" seryosong sabi sa kanya ng
kanyang kuya Zeus.
Ang tatlo ay parang mga nalugi dahil sa kanikanilang mga kuya na
kaagad na bumakod sa kanila.
"Tsk. Tsk. Tsk..." natatawang iling ni Zena.
Nakuha naman ng atensyon ko ang paguusap nila mikhael at Thomas,
"Galit na galit si Lucas" kwento nito.
Muli kong naalala ang tungkol sa video. Mabilis akong nagpaalam
kina suzy at sa di ko malamang dahilan ay tumakbo ako patungo sa
Medicine building. Marami na din ang naglalabasan sa kani kanilang
room.
"Yes! Na beat mo si Lucas pare!" Kantyawan ng mga lalaki.
Sa department nila lucas ay lumalabas kaagad ang result ng exam
one hout pagkatapos ng exam. 6 ng umaga kanina ay nagsimula na
sila kaya naman ngayon ay nakapaskil na ang result sa bulletin
board.
Hinanap ng mata ko si lucas sa mga nagkukumpulang mga medicine
students pero wala siya kaya naman mas pinili kong tinangnan na
lang din kung anong tinitingnan nila.
Pangalawa na lamang si Lucas sa standing, di kagaya ng mga
nakaraang exam ay unang araw pa lang ay nangunguna na siya. Mas
lalo tuloy na gusto kong makita siya na kahit sarili ko ay di
maintindihan kung bakit.
"DAMN IT!"
Napaakyat ako sa may rooftop ng marinig ko ang pamilyar na boses
ni lucas.
"Lucas im sorry..." umiiyak na sabi ni amiella.
"You f*ckin use me amiella! For the sake of your new upcoming
endorsement!" Galit na galit na sigaw ni lucas dito.
Mabilis akong nagtago sa takot na makita nila ako. "Im sorry...di
ko naman alam na gagawin iyon ng mga kaibigan ko eh" umiiyak na
pagdadahilan ni amiella dito.
"But you know about it!?" Asik ni lucas.
Napailing na lamang si amiella at mariing napapikit. "Im
sorry...im so sorry lucas" di magkamayaw na paghingi ni amiella ng
patawad dito.
"You've change! Simula ng bumalik ka galing US, nagbago ka na!"
Akusa ni lucas dito.
Di makapagsalita si Amiella dahil sa pagiyak. "Di lang naman ako
ang nagbago lucas ah" mahinahong sabi ni amiella na para bang
isang bombang tinaggap ni lucas.
Kitang kita ko silang dalawa sa kinalalagyan ko ngayon. "What do
you mean?" Mariing tanong ni lucas dito.
Sandaling kinundisyon ni amiella ang sarili bago matapang na
hinarap si lucas.
"Nagbago ka na rin lucas! I know! I feel it!" May hinanakit na
sabi ni amiella dito.
Naningkit ang mga mata ni lucas dahil sa sinabi nito. "Seriously
amie!" Di makapaniwalang sabi ni lucas dito.
"Ginagamit mo lang din naman ako ah! Nag gagamitan lang tayo!" Pag
burst out ni amiella. Di ko alam na may side din pala siyang
ganito di kasi halata sa mukha niya.
"Just f*ckin calm down amiella" pagbabanta ni lucas dito.
"No! May mahal ka ng iba! May gusto ka ng iba! At sa oras na
makumpirma kong totoo ang hinala ko...Humanda siya sa akin"
pagbabanta ni amiella dito.
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 12
Pag kagaling ko sa Fastfood chain ay kaagad akong umuwi.
Alaskwatro lanh ay natapos na ako kaya naman makakapagaral pa kami
ni Kuya matthew.
"Solve mo to..." nakangiting utos niya sa akin.
Kaagad kong kinuha ang bond paper na may mga problems. Hirap kasi
talaga ako pagdating sa mga problem solvings, pero dahil sa
pagtuturo sa akin ni kuya matthew ay mas naiintindihan ko na siya
ng mabuti.
"Wait...ito munang unahin mo" pigil niya sa akin at muli niya
akong tinuruan.
Walang umistorbo sa amin ngayon. Kaya naman mabilis din kaming
natapos. "Sa...sabi po ni tita samantha dito ka na mag dinner"
nauutal na yaya ko sa kanya habang nagliligpit kami ng gamit.
Kinitian niya ako. "Sure" tipid na sagot niya.
Naabutan naming nagaayos na sa may dinning, kaya naman nagpaalam
ako kay kuya matthew na ilalagay ko muna sa kwarto ang aking mga
gamit. Naglalakad ako sa hallway ng kaagad tumunog ang door knob
ni lucas. Di ko tuloy alam kung hihinto ako o bibilisan ko ang
paglalakad ko.
Kalaunan ay napagpasyahan kong hintayin na lamang ang kanyang
paglabas. Di kan lang nagbago ang itsura nito o nagulat man lang.
"Uhm...lucas" nagaalangang tawag ko sa kanya.
Tamad itong nakatingin sa akin habang nasa magkabilang bulsa ang
kanyang mga kamay. "What?" Iritadong tanong niya.
"T...tungkol dun sa video" di ko pa natatapos ang sasabihin ko ng
kaagad niya akong pigilan.
Ngumisi muna ito bago humakbang palapit sa akin. "What? Do you
want me to say sorry dahil
pinagbintangan kita? Do you want me to comfort you because of the
slap?" Mapanuyang tanong niya pa sa akin na kaagad ko din namang
inilingan.
"Di naman sa ganun lu..." muli niya akong pinigilan.
"Di porket nalaman kong wala kang kinalaman sa video eh ayos na
tayo...we're still the same cara, not friends, not enemy...just a
strangers" mariing pagpapaintindi niya sa akin.
Dahil akala niya ay wala na akong sasabihin ay tinalikuran na ako
nito. Pero napahinto siya ng muli akong magsalita.
"Mahal pa din kita lucas...kagaya ng dati wala namang nagbaho eh"
sambit ko.
Nakatalikod ito sa akin. "Ikaw pa din yung lucas na masungit na
gustong gusto ko..." madamdaming kwento ko sa kanya.
Gahd! Bakit ba ako nagkakaganito?
"Maybe something didn't change...isa na diyan ang sagot ko sa
lahat ng pinagsasabi mo" sagot niya sa sabay baling sa akin.
"It's still the same cara...Ayoko sayo" sabi niya at muli ng
naglakad.
Ayan nanaman ang di ko mabilang na pana na sabay sabay tumusok sa
aking puso. "Ano cara? Umaasa kang ikaw yon?" Galit na sabi ko sa
aking sarili.
Alam ko na kung bakit ako nagkakaganito. Because deep inside
me...umaasahang baka ako yung mahal ni lucas? Pwede kaya?
"Impossible Cara, napaka impossible" natatawang sabi ko na lamang
sa aking sarili bago ko pinunasan ang panibagong luhang tumulo
nanaman sa aking mga mata.
Para ayoko ng bumaba para kumain,
pero niyaya ko si kuya matthew. Kaya naman pinilit kong ayusin ang
aking sarili.
"Ayos ka na?" Salubong niya sa akin.
Kaagad kong ginantihan ang ngiti niya. "Opo" sagot ko naman sa
kanya.
"Sa tabi ka na ni Cara umupo matthew" sabi sa kanya ni tito luke.
Nasa kitchen pa si tita samantha at mukhang may idadagdag pa sa
mga nakahaing pagkain sa mesa.
"Di pa pala ako nakakapag thank you sayo matthew, salamat sa
pagtuturo mo dito sa isa pa naming dalagang si cara" pasasalamat
sa kanya ni tito luke.
Napangiti na lamang ako. Pero ng di sinasadyang napatingin ako sa
gawi ni lucas ay muli nanamang napawi ang ngiti sa aking labi.
Masama nanaman kasi ang tingin nito sa akin.
"Wala po iyon tito luke...and also gusto ko po sanang magpaalam"
singit nito dahilan para mapunta sa kanya ang lahat ng aming
atensyon.
"Ano iyon?" Tanong ni tito luke.
Dumating na din si tita samantha at maging ito ay naghihintay na
din sa sinasabi ni kuya matthew.
"Pwede ko po bang yayain si Cara na maging date ko sa prom this
coming friday? Invited po kasi ako para kumanta...you know
napagtripan nanaman ako ni Zena" natatawang kwemto niya.
Nahihiya akong napatingin kina tito luke, pero nakangiti lamang
ito at si tita samantha. Si suzy naman ay nagmamake face at
inaasar asar ako.
"Ofcourse matthew! Syempre naman pwedeng pwede mong isama si cara"
pagpayag ni tita samantha.
Kung ano ano ang naging topic sa hapagkainan. Di rin maalis na
mapagusapan ang tungkol duon sa negosyo.
"Si ken na ngayon ang humahawak sa ibang negosyo ni kervy, alam mo
na may mga edad na
kami...kaya nga im looking forward na someday mag kainterest din
diyan si lucas" pagpaparinig nito sa anak.
Seryoso lamang na tumingin si lucas sa ama. "Im still studying..."
tamad na sagot nito sa ama.
Napangiti naman si tito luke. "Yeah i know...di talaga namin
naisip na gusto mong maging doctor lucas" kwento ni tito luke.
Di na lamang sumagot si lucas at umirap pa.
"It's ok tito...Pwede ko naman turuan si kucas about bussiness
paminsan minsa" sabi ni kuya matthew na lalong ikinatuwa ni tito
luke.
Nagulat kami ng padabog na binitawan ni lucas ang kanyang hawak na
kubyertos. "Di ko alam na pangarap mo palang ,aging teacher!"
Mapanuyang sabi nito kay kuya matthew bago nagwalk out.
Nagalit si tito luke dahil daw sa kabastusang ipinakita ni lucas
pero kaagad ding nawala ang atensyon namin sa kanya at napunta sa
ibang issues.
"Are you fine?" Bulong ni kuya matthew sa akin. Napansin ata
nitong bigla akong nawalan ng gana.
"O...opo" sagot ko naman sa kanya.
Kagaya ng nakagawian ay muli ko siyang hinatid palabas ng bahay.
"Pinagpaalam na kita kina tito luke...yung sagot mo na lang yung
hihintayin ko ha" biro niya sa akin.
Napayuko naman ako. "Di pa po kas ako..." di niya ako pinatapos.
"It's ok" paninigurado niya sabay angat sa aking baba.
"I love to see you blushing..." kagat labing sabi niya sa akin.
Napalunok tuloy ako sa sobrang kaba. "P...po" yun na lamang ang
lumabas sa aking labi. Damn di ko talaga alam ang sasabihin ko.
Umiling na lamang ito bago ginulo ang buhok ko. "Matulog
ka ng maaga ha...galingan mo bukas sa test" payo pa niya na
sinagot ko lang ng mga tango.
Sasakay na sana siya sa driver seat ng kaagad ko siyang pinigilan.
"Kuya matthew..." tawag ko sa kanya.
"What is it?" Tanong niya.
"Uhm...gusto ko lang sanang magsorry sa ginawa ni lucas"
paguumpisa ko.
"Don't worry cara, sanay na ako" natatawang sagot niya sa akin.
"Mukha kasing may problema siya ngayon, kaya ganyan siya"dugtong
ko pang muli.
"Yah, i heard about dun sa issue nila ni amiella." Pagsangayon
niya sa akin.
Tuluyan ng nagpaalam si kuya matthew sa akin. Muli ko nanamang
tinanaw ang sasakyan niya hanggang sa mawala na ito sa aking
paningin.
"Aray..." daing ko ng may humawak sa braso ko para paharapin ako
sa kanya.
"Lucas" tawag konsa kanya.
Galit na galit nanaman ito. At halos mapadaing ako ng hinila ako
nito patungo sa likod bahay.
"Lucas bakit ba?" Tanong ko sa kanya at tsaka ko sinubukang
tanggalin ang mahigpit niyang pagkakahawak sa aking braso.
Pagkadating sa likod ng bahay ay kaagad niya akong binitawan sa
may pader dahilan para mapadaing nanaman ako dahil sa pagtama ng
aking likod duon.
"Anong akala mo sa sarili mo ha!?" Bulyaw niya sa akin.
Nanatiling nakakunot ang aking noo dahil di ko alam kung ano ang
kanyang tinutukoy. "Ano bang..."
"Damn it! Don't act na akala mo inosente ka palagi!" Sigaw pa niya
ulit.
"Sino ka para kagsorry kay matthew sa ginawa ko kanina!? I mean
it! Di ko pinagsisisihan yon! What do you think of yourself ha!"
asik
niya sa akin.
Nanatiling nakaawang ang aking bibig. Takot akong sumagot o
sabayan man lang ang pagsasalita niya. Galit kasi ito ngayon at
natatakot akong masampal nanaman.
"Akala mo kung sino ka! Wag mo akong pakialaman pwede ba!"
Pagpapatuloy niya. Halatang gigil na gigil ito.
"Gu...gusto ko lang naman humingi sa kanya ng dispensa, lalo na't
bisita ko siya Aray!" Daing ko ng mahigpit nitong hinawakan ang
magkabilang balikat ko.
"Di ako Bobo! Di ako tangang kagaya mo para magpaturo sa kanya!
Humingi ng dispensa dahil bisita mo siya? Ano naman ngayon?
Pamamahay ko to!" Laban pa din niya.
Di ko na napigilang maiyak. "Ano! Iiyakan mo nanaman ako!?" Inis
na tanong niya sa akin.
"Gusto ko lang naman tulungan ka lucas" sabi ko sa kanya.
"I dont need your Help" matigas na sabi pa niya bago niya ako
padabog na binitawan at iniwan duon.
Pinahiran kong muli ang mga luha kong di nagsasawang maglabasan
para kay lucas. Pagkapasok ko ng bahay ay duon ko naabutan sina
tito luke at tita samantha sa may sala. Mukhang seryoso ang
kanilang paguusap.
"Cara anak come here" yaya sa akin ni tita samantha.
Kaagad akong lumapit sa kanilang kinalalagyan tsaka ako nito
pinaupo sa may sofa.
"Nasabi sa akin ng tita samantha mo ang tungkol sa plano mo
Cara...di ka na ba masaya dito sa amin?" Malungkot na tanong ni
tito luke.
Kaagad nanlaki ang aking mata at tsaka napailing. "Di po sa ganun
tito...sobrang saya ko nga po dito sa inyo, pero nahihiya na din
po kasi ako sa inyo" pagdadahilan ko.
"Why? Di mo
kailangang mahiya cara, anak ka namin" pagpapaintindi sa akin ni
tita samantha.
"Alam ko naman po iyon tita, pero di pa rin po natin maaalis na di
niyo naman po talaga ako kaano ano" naiiyak na sabi ko sa kanya.
Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan namin. "Kailan mo
sila gustong makilala?" Tanong sa akin ni tito luke.
"Sa lalong madaling panahon po sana" sagot ko sa mga ito.
Naging mabilis ang araw para sa aming lahat. "Whoo! Tapos na din
sa wakas ang finals! Party party na mamaya!" Hiyaw ni mikhael.
"Ano ka! Junior and senior highschool lang ang mag paparty mamaya!
Hidhschool ka kuya!?" Mapanuyang tanong ni Zena sa kanyang kuya.
Maagang umuwi sina kendall, tammarie at zafara para sa kanilang
prom mamayang gabi. Nasagot ko na din naman si kuya matthew na
payag akong maging date niya mamaya.
"Cara! Pinabibigay nga pala ni kuya" abot niya sa akin sa tatlong
paper bag.
"Gusto niya sanang siya ang magbigay niyan sayo ang kaso ay may
meeting siya ngayon, sunduin ka na lang daw niya around 6" sabi ni
zena sabay sundot sa tagiliran ko.
Napatingin din ako kay mikhael at mapangasar lamang din ako nitong
tiningnan. "See you later sister" pangaasar niya sa akin.
Napatakip na lamang ako sa hiya kaya naman tinawanan niya ako.
"Wow ang ganda nito Cara" puri ni suzy sa cocktail dress na galing
kay kuya matthew.
Isang itim laced off shoulder ito, bagay naman dito ang kulay gold
na silk na may bahgyang slit sa
kabilang gilig.
"Sa sobrang tuwa ni mommy, tinawag niya yung make up artist niya
nung ikinasal sila ni daddy" kwento ni suzy.
Sa pagkakaalam ko ay kumpleto silang lahat mamaya sa prom. Alam mo
na mga gate crashers din kasi ang mga ito kahit papaano. Pareho
kaming inayusan ni suzy ng sinabing make up artist. Maganda din
ang suot nitong kulay beige na dress.
"Mauna ka na, hintayin ko lang si kuya ken" sabi nito sa akin ng
kaagad naming marinig ang pagbosina ni kuya matthew sa labas.
Maya maya ay pumasok na din ito. Ang gwapo niya sa kanyang suot na
tuxedo. "Your so beautiful tonight cara" puri niya sa akin.
May kasama siyang driver kaya naman pareho kaming nakaupo sa
backseat. Dumating kami sa school na pagdadausan ng prom. Madami
dami na din naman ang mga tao.
"What? Bakit di ka pa pumapasok?" Tanong ni kuya matthew kay
mikhael. Kagay niya ay nakaayos din ito.
"May hinihintay ako" sagot nito sa kanyang kuya.
Nangingiti na lang na napailing si kuya matthew dito. Di ka rin
pala basta basta makakapasok kung wala kang invitation.
Dumiretso kami sa isang malaking round table na nakalaan para sa
mga special guest. "Kuya! Maghanda ka na ha...galingan mo" sabi ni
zena dito.
Nginitian ko siya. "Ang ganda mo ngayon zena" puri ko sa kanya.
"Ikaw din!" Ngiting ngiting sabi niya din sa akin.
Naiwan kaming dalawa duon ni kuya matthew, nailang tuloy ako sa
pagtitig niya, "do you like the dress?" Tanong niya sa akin.
Kaagad akong tumango. "Sobrang ganda niya, di ko na po talaga alam
kung paano ka mababayaran" sabi ko dito.
Nagulat ako ng hinawakan nito ang aking kamay. "You dont need to
repay me cara, it's all for you" sabi niya bago niya hinalikan ang
likod ng kamay ko. Nanigas ako sa gulat pero nakabawi din naman
kaagad ng maghiyawan ang mga lalaki.
"The controversial model and her date is here" naiiling na anunsyo
ni kuya matthew.
Kaagad akong napatingin sa may entrance at ganuon na lamang ang
gulat ko ng makita si amiella na nakakapit kay lucas...akala ko
wala na sila?
Nakatingin lamang ako sa kanila hanggang sa naglakad na ito
papalapit sa aming table. "Good evening" bati ni kuya matthew dito
tsaka sila nagbeso.
Di naman na ako nito pinansin dahil nailang din ako sa presencya
ni lucas. "Are you drunk?" Tanong ni kuya matthew dito.
"Me? Ofcourse not!" Sagot nito sabay tawa.
Kaagad siyang kumuha ng wine sa dumaang waiter. "May gahd lucas
can you stop!" Naiiritang sabi ni amiella bago nagpaalam na
pumunta sa banyo.
Kaagad din namang umalis si lucas sa table namin. Halata ngang
lasing na ito. Gusto ko sana siyang sundan pero katabi ko ngayon
si kuya matthew, tsaka siya ang date ko kaya siya dapat ang kasama
ko.
Lumipas ang oras, nagtext sa akin si suzy na nakarating na din
sila. Kaya naman nagpaalam ako sandali kay kuya matthew na
pupuntahan ko lamang ito sandali. Nagtaka ako ng sa garden niya
ako pinapunta.
"Let go of me!" Dinig kong daing ni lucas kaya naman napatakbo na
ako.
Naabutan ko itong nakaupo sa lupa habang inaalalayan ni ken. "Suzy
anong nangyari?" Tanong ko.
"Ewan ko ba dito kay kuya...kanina pa iyan naglalasing eh" inis na
sagot ni suzy.
"Pahigain na lang muna natin siya sa clinic"suwestyon ni ken na
kaagad naman naming tinanguan ni suzy.
Muli niyang inakay si lucas, nakasunod lamang naman kami, sa gitna
ng aming paglalakad ay muli itong nagsalita.
"Do you know how to protect someone you love?" Nauutal na tanong
niya kay ken dahil sa kalasingan.
Di naman na kami nagsalita. Pero parang may kung ano nanaman akong
naramdaman sa kanyang sinagot.
"You need to hurt her..." sagot niya sabay tawa.
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 13
(Flashback)
"Happy birthday Lu..."
"Thank you Cara!" Nakangiting sagot sa akin ni Suzy.
Nginitian ko na lamang siya. Nagtatatalon naman itong umalis sa
harap ko, kaya naman naiwan kami ni lucas sa may sala. Nakaupo ito
sa sofa habang nilalaro ang ipad niya.
"Lucas..." tawag ko sa kanya pero kaagad niyang itinaas ang kamay
niya para pigilan ako.
Kaagad naman akong tumigil, pero
ibinaba ang ipad niya sa kanyang
orange juice. Pinapanuod ko siya
napangiti ulit ako ng binalingan
maya maya ay inis na inis nitong
tabi bago ininom ang kanyang
habang ginagawa iyon, pero
niya ako ng tingin.
"Malas ka talaga..." akusa niya sa akin, kumunot ang noo nito ng
mas lalong lumawak ang ngiti ko.
"Salamat" nahihiyang sabi ko pa bago ko inilagay sa likod ng tenga
ko ang iilang tikas ng buhok.
"You know what? Abnormal ka talaga" inis na inis na sabi pa nito.
"Uhm...Lucas happy birthday sayo" ngiting ngiting bati ko muli sa
kanya.
Tinaasan ako nito ng kilay, "Anong masaya sa birthdays?" Masungit
na tanong niya pa.
Nagiisip pa lamang ako ng sagot sa kanya ng muli na itong
magsalita "kung hindi lang para kay Suzy, di ako papayag na
maghanda sina mommy..." sabi niya na ipinagtaka ko.
"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya habang pinaglalaruan ko ang
dulo ng buhok kong nakapigtail.
Dinampot nito ang Ipad at tsaka ang baso. "None of your bussiness"
sigaw niya sa pagmumukha ko bago ako tinabig para makadaan siya.
Nakatingin lamang ako sa kanya habang naglalakad siya palayo pero
muli itong bumaling sa akin. "PANGET KA!" pahabol na sigaw pa
nito.
(End of Flashback)
Mapait akong nakatingin sa repleksyon ng mukha ko sa malaking
salamin sa Cr habang naglalagay ng lip gloss. Panget
ako...simpleng salitang wala naman sanang epekto sayo kung hindi
lang dahil taong mahal mo yung nagsabi.
Ilang beses na nga ba? Simula bata pa lamang kami ay di ako
naglihim kay lucas na gusto ko siya. Mas lalo pa ngang lumalim ang
pagkagusto ko sa kanya ng tumira na ako sa kanila.
"Cara hurry up! Kakanta na si kuya matthew" sigaw sa akin ni suzy
mula sa labas ng pintuan.
"Wala naman sa akin ang microphone!" Natatawang asar ko sa kanya.
"Baliw! Di kakanta yon pag di ka nakita, ikaw rin!"
Pangungunsensya pa nito.
Binilisan ko na lamang ang ginagawa, nakasandal ito sa may pader
sa labas ng cr habang kinakalikot ang phone niya.
"Tara na" yaya niya sa akin.
"Teka pano ang kuya mo?" Tanong ko dito.
"Hayaan mo muna siyang magisa dun sa clinic, wala namang tao dun,
tsaka nagtext na ako sa driver para masundo siya" sagot niya na
ikinabahala ko pero di na ako nakapalag pa ng hinila na niya ako
patungo sa venue.
Kumakain na ang iba. Kaagad akong hinila ni suzy patungo sa lamesa
namin kanina.
"Suzy nakita mo ba yung kuya mo?" Salubong ni amiella sa amin.
Mukhang kanina pa ito naiirita.
"Hala hindi, bakit di ba nagpaalam?" Sahot ni suzy dito na para
bang nagaalala siya.
"My gahd! Asaan na ba yung lalaking yon!" Inis na sabi ni amiella
at parang kulang na lang ay magpapadyak siya sa kinatatayuan niya.
Tawang tawa naman si Suzy ng nagdadabog itong nagmartsa paalis.
Kaagad ko siyang kinurot sa tagiliran. "Ikaw talaga..." suway ko
sa kanya.
Tinaasan lamang ako nito ng kilay, "ako yata ang bida sa play
namin nung elementary" pagayayabang pa niya na inirapan ko na
lamang.
"Oi! Saan ba kayo nanggaling?" Salubong sa amin ni Zena.
"Sa tiyan ni mommy" sagot nito suzy dito kaya naman kaagad siyang
nakatanggap ng batok mula kay zena.
"Baliw ka!" Akusa ni zena dito.
Tinawanan ko na lamang silang dalawa ng kaagad na bumaling si Zena
sa akin. "At ikaw naman babae! Saan ka nanggaling?" Tanong nito sa
akin.
"Ah eh...sa..." di na ako nito pinatapos ng kaagad na umilaw ang
spotlight sa may stage.
"Anyway. Kung di ko pa tinakot na kukurutin ko siya sa singit eh
di pa aakyat yang kuya ko..." kwento nito sa akin.
Nakarinig kami ng hiyawan ng mga babae ng makitang si kuya matthew
iyon. May hawak siyang gitara na mas lalong nagpalakas ng dating
niya.
"Kuya!" Tawag ni zena dito tsaka itinaas ang kamay dahilan para
mapatingin sa gawi namin si matthew.
"Andito na si Cara" sabi niya sabay turo sa akin. Uminit naman ang
pisngi ko ng ngumiti ito.
Natahimik ang lahat ng itinapat
ng ang bibig sa microphone. "I dedicate this song for someone who
is very special to me" paguumpisa niya dahilan para mas lalong
maghiyawan ang crowd.
"SINO? SINO? SINO?" Sabay sabay na sigaw ng mga ito.
"SINO? SINO?" sigaw ni suzy sabay kindat sa akin.
"Secret" natatawang sagot ni Kuya matthew.
Mabuti na lamang at madilim sa lugar kung hindi kitang kita nila
kung gaano kapula ngayon ang mukha ko.
"Ok magsisimula na ako" pagpigil niya sa mga ito. Makakahinga na
sana ako ng maluwag ang kaso ay humirit pa ang mga ito.
"SINO!?..." mahabang tanong nila at nagulat kaming lahat ng
magsalita siya.
"Si Cara" maiksing sabi niya tsaka siya may sinenyasan kung saan.
"Ayiee...ang sweet sweet!" Asar sa akin ni suzy sabay sundot sa
tagiliran ko. Maging si Zena ay nakisali din kaya naman umupo na
lamang ako sa lamesa.
Our little conversations are turning into little sweet
sensations
And they're only getting sweeter every time
Our friendly get-togethers are turning into visions of forever
If I just believe this foolish heart of mine
"I can't pretend that I'm just a friend, Cause I'm thinkin' maybe
we were meant to be" sabay na kanta ni suzy dito habang inaasar
ako.
I think I'm fallin', fallin' in love with you
And I don't, I don't know what to do
I'm afraid you'll turn away
But I'll say it anyway
I think I'm fallin'(fallin') for you
I'm fallin'(fallin') for you
Nakatitig ako sa kung saan, di ko kasi alam kung ano ba dapat ang
maramdaman. Napalingon ako ng kalabitin ako ni Suzy.
"Totoo ba?" Tanong niya sa akin.
"Ang alin?"
"That to protect someone you love you need to hurt them?"
Makahulugang tanong niya sa akin. May kakaiba sa kanyang ngiti.
Ngiting nagbibigay pagasa?
Whenever we're together, I'm wishin' that goodbyes would turn to
never
'Cause with you is where I always wanna be
Whenever I'm beside you, all I really wanna do is hold you
No one else but you has meant this much to me
"E...ewan ko?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.
I can't pretend (no) that I'm just a friend (I'm just a friend)
'Cause I'm thinking maybe we were meant to be
I think I'm fallin', fallin' in love with you (I)
And I don't, I don't know what to do (yeah, yeah)
I'm afraid you'll turn away (I'm afraid you'll turn away)
But I'll say it anyway (yeah)
Ngiting ngiting tumungga si suzy sa juice niya bago nagsalita.
"Baka naman kasi may dahilan?" Sabi niya.
"Pa...paano mo naman nasabi?" Tanong ko sa kanya.
Nagkibit balikat ito, "sister instinct?"
Pagkasabi niya nuon ay kaagad na akong tumayo. Di pa man tapos
kumanta si kuya
matthew ay di ko na napigilan ang sarili kong puntahan siya.
Natakot pa akong dumiretso sa clinic dahil sa dilim ng lugar pero
kaagad ko ding nilakasan ang loob ko. Para akong tangang tumakbo
habang nakatakip ang magkabilang palad ko sa aking tenga. At halos
makahinga naman ako ng maluwag ng makarating na ako sa loon ng
clinic.
"Lucas?" Tawag ko sa kanya.
Baka kasi mamaya ay multo lamang ito na nagpapanggap na si lucas
tapos paglumapit ako eh kakainin ako. Damn it! Hilig kasing
magyaya ni suzy na manuod ng horror movies eh.
"Lucas!?" Malakas na tawag ko pa din sa kanya.
Napanatag ako ng sumigaw ito. "ANO!?" galit na sigaw niya.
"Si lucas ka nga, di ka multo" nakangiting sabi ko at lalapit na
sana ako sa kanya ng magsalita siyang muli.
"Hanggang dito ba naman!" Nauutal na sabi pa niya.
"Ba...bakit?" Tanong ko sa kanya. Napasampal ako sa sarili ko,
kita mong lasing Cara! Tanga mo talaga! Pero napahinto ako sa
panlalait sa sarili ko sa muli niyang sinabi.
"Hanggang sa panaginip ba naman! Damn you! Damn!" Sigaw niya sa
akin habang dinuduro ako tsaka tumawa.
Nilapitan ko na lamang siya. Nakapikit ito at namumula, basang
basa na din siya ng pawis kahit may aircon naman dito sa clinic.
Ibinaba ko ang hawak kong purse sa lamesa tsaka ko siyang
tinulungang mahubad ang suit niya.
"Sino ka ha!?" Tanong niya sa akin. Tsk. Lasing na lasing talaga
siya.
"Si cara" sagot ko sa kanya.
"Bakit mo ako hinuhubaran ha!? Anong binabalak mo!?" Sigaw nito
sa akin tapos maya maya ay tatawa nanaman.
"Kakaiba ka namang malasing lucas...para kang abno" sita ko sa
kanya, ok lang yan lasing naman yan eh. Makakaganti na din ako sa
lahat ng masasakit na salitang sinabi niya sa akin.
"Maiinit!" Daing niya.
"Kaya nga hinuhubaran kita eh! Tanga ka ba!?" Sigaw ko sa kanya at
sobrang sarap nun sa pakiramdam.
"Sinisigawan mo ako!?" Nauutal na sigaw niya sa akin.
"Oo bakit!?" Laban ko sa kanya tsaka ako nagpameywang sa harapan
niya.
Nakita ko ang pagusbong nangGalit sa mukha nito. Itinaas niya ang
kamay niya at balak nanaman sana niyang higitin ang braso ko ng
kaagad akong umiwas dahilan para muntik na siyang mahulog sa kama.
"Tsk! Ang tanga tanga mo lucas! Wala kang kwenta! Bobo ka!" Asar
ko sa kanya sabay tawa.
Pagkakataon na to, siguradong pagmaayos na siya bukas ay tiklop
nanaman ako sa kanya. Kaya naman napagpasyahan ko ng itodo ito.
"Panget ka! Akala mo gwapo ka!? Di kaya! Mayabang! Ang sama ng
ugali mo" sabi ko pa.
"Anong sinasabi mo ha!" Baluktot na ang dila nito.
Lumapit na ako sa kanya ng makitang nanghihina na siya sa
kalasingan. Hinawakan ko siya sa balikat. Yukong yuko na ito, at
kung di siya makakasuporta ay bulagta na.
"Bully ka, I hate yo..." di ko na natapos ang sasabihin ko ng
magulat ako ng may kumabig sa batok ko.
Di ako nakagalaw kaagad, nanlaki din ang mata ko, dahil halos
maduling ako sa lapit
ni lucas sa akin, pero di lang iyon. Yung labi ko! May malambot na
bagay sa labi ko. Nanginig ang tuhod ko at halos manlambot ito
pero napaiktad ako dahil sa pagkakilabot ng maramdaman ko ang dila
niyang balak pasukin ang bibig ko.
"Bastos ka!" Hiyaw ko sabay tulak sa kanya.
"Aray!" Daing nito ng dahil sa pagkakauntog ng ulo niya sa head
board ng kama.
"First kiss ko yun..." sabi ko sa sarili ko.
Napahawak ako sa labi ko. Sa labi ko...na hanggang ngayon ay
ramdam pa din ang...dila niya. "Ahhh!" Hiyaw ko sa sobrang
pagkakilabot.
Halos sumakit ang batok ko dahil kakayuko. Hirap tuloy sumubo ng
pagkain. "Itong kape mo anak..." sabi ni tita samantha dito tsaka
siya nilapagan ng kape.
"Bakit naman kasi naglasing ka kagabi kuya?" Inis na tanong ni
suzy dito.
"Nagcelebrate yung classmate ko inimbita ako" tamad na sagot sa
kapatid.
"Bakit?" Habol na tanong pa ni suzy.
"Because he got the first spot in the standing, Second lang ako"
kwento niya na parang wala lang. Kung iba siguro yan ay nagbikti
pa. Itong isang ito nakipagcelebrate pa sa tumalo sa kanya.
"Ok lang sayo?" Manghang tanong ng kapatid kaya naman maging ako
ay napatingin din sa kanya.
"So what? Ikinagwapo ba niya yung place niya?" Mayabang pang sabi
nito.
Napakagat labi ako habang pinagmamasdan siya. Napakurap naman ako
ng bumaling siya sa akin hanggang sa bumaba iyon sa labi kong
nakalip bite pa kaya naman dahan dahan kong inalis iyon at tsaka
na siya nagfocus sa
pagkain niya.
Mukhang wala naman siyang naaalala tungkol sa kagabi. "Mag enroll
na kayo bago kayo magretreat para wala na tayong problema" sabi ni
tito luke habang nagbabasa ng diyaryo.
"Yehey! Excited na ako" masayang sabi ni suzy.
Ibinaba ni tito luke ang dyaryong binabasa niya. "Lucas bantayan
mo yang kapatid mo ha" bilin pa ni tito luke dito.
"Ofcourse dad...walang makakalapit" dagdag na pangaasar ni lucas
na ikinasimangot ni suzy.
Tumingin siya sa akin pero dinilaan ko lang siya kaya naman mas
lalo itong nagmaktol. Natatawa naman akong napabaling kay lucas at
nagulat nanaman ako ng nakatingin ito sa aking labi.
Dahil first day ng semestral break ay nagyaya nanamang manuod ng
movie si suzy sa kanilang theather room. May malaking sofa bed
duon. "Horror movie ah!" Sabi niya sa akin.
Niyakap ko na lamang ang unang hawak ko. Wala naman na akong
magagawa sa pipiliin niya eh. Maya maya ay nagulat kami ng bumukas
ang pintuan at niluwa nuon si lucas.
"Himala" sabi niya habang nakatingin kay lucas napapalapit sa
amin.
Kaahad itong sumalampak sa sofa bed at nagtakip ng mata. "Sakit ng
ulo" daing nito.
"Bakit di ka magpahinga sa kwarto mo?" Nagaalalang tanong ko.
Ibinaba nito ang kamay sa mata at masama nanaman akong tiningnan.
"Pake mo?" Asik niya sa akin.
"Kuya ang rude mo! Concern na nga si cara eh" suway ni suzy habang
pumipili pa din ng movie.
Sinamaan na lang ulit ako nito ng tingin kaya naman nanahimik na
lamang ako. Nanuod na lamang ako kung ano yung palabas. Tatakpan
ko sana ang mata ko dahil sa dalawang taong naghahalikan sa
Screen.
"Ay paInosente!" Suway ni suzy sa akin.
Kaagad kong ibinaba ang aking kamay. Muli nanaman niya akong
kinalabit. "Alam mo ba kung anong tawag diyan?" Pagmamayabang
niya.
Kumunot ang noo ko. "Saan?" Tanong ko sa kanya.
"French kiss yan" diretsahang sabi na lamang niya.
Ayoko sana pero di ko na napigilang panuorin iyon. "Ah..." sabi ko
sabay tango. Mukhang nakuha ko tuloy yung atensyon nung dalawa.
"Bakit?" Tanong ni suzy sa akin.
"French kiss pala dapat yun" naamaze na sabi ko.
Kumunot ang noo ni suzy. "Ang alin?" Tanong niya pa.
Bumaling ako kay lucas na nakakunot din ang noo habang nakatingin
sa akin.
"Yung kagabi..." nakangiting sabi ko pa at huli ko na ng marealize
ang katangahan ko nanaman.
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 14
"ANONG KAGABI!?" Malakas na tanong ni Suzy dahilan para mabalik
ako sa wisyo.
Si lucas naman ay iritang iritang inirapan ako. "Abnormal"
mahinang sabi nito.
"Hoy!" Pagagaw ni suzy sa atensyon ko.
"Aray naman" daing ko sa paghampas nito sa braso ko.
"Tigilan mo ako, ano yung sinasabi mo tungkol sa kagabi? May
humalik sayo!? Nagfrench kiss kayo? Ano? Masarap ba?" Biglaang
tanong nito.
Imbes na magulat sa kanyang sunod sunod na tanong ay mas nagulat
ako ng binato siya ni lucas ng throw pillow.
"Can you shut your mouth?" Galit na tanong ni lucas sa kapatid.
Nagsukatan lang ng tingin ang mga ito. Parehong lalaban sa isat
isa. "Wa...wala suzy, wala...uhm ano nanuod kasi ako ng teleserye
kagabi, yun yon!' Magulong sabi ko pa.
Masama ako nitong tiningnan. "Ikwento mo yan sa akin mamaya! Pag
hindi...lagot ka sa akin" pagbabanta niya sabay irap.
"Wag ng maingay! Manuod na tayo" sabi pa niya na ikinairap na
lamang ni lucas.
Sa sobrang hiya ay pati paghinga ay nahina na din ako, kaya naman
bago pa ako mamatay duon dahil sa kalagutan ng hininga ay
nagpaalam muna akong magCcr.
"Banyo lang..." paalam ko sa kanila. Di naman nila ako pinansing
pareho kaya naman tahimik na lamang akong lumabas sa theater room.
"Oh hija, saan ang punta mo?" Tanong ni tita samantha ng
makasalubong ko siya.
"Uhm...mag cCr lang po tita" sagot ko sa kanya.
Nakita kong bihis na bihis ito. "Aalis po
kayo?" Tanong ko naman.
"Ah oo...may pupuntahan lang kami sandali ng tito luke mo"
nakangiting sabi niya sa akin.
"Ingat po kayo" nakangiting paalam ko sa kanila.
Dumiretso na lamang ako sa kusina para uminom ng tubig. Halos
mabilaukan naman ako ng makita kong kakapasok lang ni lucas sa
kusina.
"An...anong ginagawa mo dito?" Biglaang tanong ko sa gulat.
Kumunot ang noo nito. "Pakialam mo? Pamamahay ko to" asik niya sa
akin sabay tungo sa ref kaya naman napaatras ako.
Mas lalong kumunot ang noo nito. "Problema mo? Kung makaiwas ka
parang diring diri ka ah! Nahiya naman ako sayo!" Himutok niya.
"Di naman sa ganon" nakayukong sagot ko sa kanya.
Batid ko ang nanlilisik na mata nito sa akin. "Umalis ka na nga!
Panira ka ng araw eh" masungit na utos pa nito sa akin.
Nakayukong umalis na lamang ako duon at tsaka sinamahan si suzy sa
panunuod. "Sino humalik sayo?" Seryosong tanong nito pagkapasok
ko. Akala ko pa naman nakaligtas na ako sa kanya hindi pa din
pala.
"Wala nga" sagot ko sa kanya.
Pinaningkitan ako nito ng mata. "Di mo ba alam na malakas ang
sister instinct ko?" Panghahamon niya.
Napasabunot ako sa sarili ko. "Oo na! Oo na!" Di malinaw na
pagamin ko pero napahiyaw lang si suzy habang pumapalakpak pa.
"Yehey! Dalaga na si Cara!" Masayang masayang sigaw nito sabay
yakap sa akin.
"Tigilan mo nga ako!" Suway ko sa kanya.
Kinahapunan ay nagayos kaming tatlo para sabay sabay
na mamili ng mga kakailanganin namin para sa retreat. "Kuya,
nagtext si mommy gagabihin daw sila ni daddy" sabi ni suzy dito
habang binabasa ang text ni tita samantha sa cellphone niya.
Tinanguan lamang siya ni lucas. "Let's go" yaya nito sa amin.
Palabas pa lamang kami ng bahay ay kaagad ng kumapit si Suzy sa
kanyang kuya. "Treat mo kami ni Cara ng dinner ha!" Pamimilit nito
sa kanya kuya.
"Ayoko nga!" Sagot ni lucas dito.
Napanguso tuloy si suzy, habang naglalakad na kami papuntang
garahe. "Si kuya naman ang damot! Yaman yaman eh!" Pagmamaktol pa
nito.
"Umayos ka nga! Ang laki laki mo na eh..." seryosong suway ni
lucas sa kapatid. Binuksan nito ang passenger seat para papasukin
si suzy.
"Pero ako ang pinakafavorite mong kapatid di ba!?" Paglalambing ni
suzy dito sabay yakap sa kuya niya.
Kita ko ang pagirap ni lucas pero naglalaro naman ang ngiti sa
kanyang labi. "Ofcourse, eh ikaw lang naman ang kapatid ko eh"
sagot sa kanyang kapatid.
Hinampas ni suzy ito sa braso. "Basta ha! Treat mo kami ng dinner"
sabi pa nito bago kusang isinara ang pintuan ng passenger seat
kaya naman naiwan na kami ni lucas sa labas ng sasakyan.
Napawi ang ngiti sa labi nito ng napatingin sa akin. "Ano?
Bubuksan ko pa ang pintuan para sayo?" Mapanuyang tanong niya sa
akin.
Malungkot na lamang ako umiling. "Ano!? Magiinarte ka pa diyan!?"
bulyaw niya sa akin.
Mabilis ko na lamang binuksan ang back door tsaka pumasok sa loob.
Mabilis namang umikot si lucas patungo sa driver seat.
"Kuya! Lipat na lang pala
ako sa tabi ni cara!" Pigil ni suzy dito ng palabas na kami sa
gate.
"Damn it suzy naman..." daing ng kuya niya sa gulat dahil bigla na
lamang itong tumili, kaya biglang preno si lucas.
"Sareh na! Sareh!' Maarteng sabi ni suzy dito at mabilis na tumayo
para tabihan ako.
Kinitian ako nito at tsaka niyakap. "Si cara talaga ang besrfriend
ko eh! Kaya nga gustong gusto ko tong maging sister in law!"
Pagpaparinig niya sa kuya niya.
"Bakit sister in law pa? Edi kayong dalawa magpakasal niyan" tamad
na sabi nito na hindi man lang magawang banggitin ang pangalan ko.
"Mukha ba akong tomboy kuya!?" Bulyaw ng kapatid sa kanya.
"Mukha ka lang may megaphone sa bunganga manahimik ka nga!" Inis
na inis na suway nito sa kapatid.
Halos mawala ang itim sa mata ni suzy kakairap. "Kung ayaw mo edi
wag!" Pahabol pa niyang sita sa kuya niya.
Bumaling ito sa akin tsaka kumapit sa braso ko. "Kay kuya matthew
ka na lang magpakasa..." di na natuloy ni suzy ang sasabihin niya
ng magulat kami sa biglaang pagpreno ni lucas.
"Damn it Suzy! Tatahiin ko talaga yang bunganga mo" nakakatakot na
banta niya sa kapatid pero walang isinukli si suzy kundi halakhak.
Sheyts! Baliw talaga ang kambal na ito.
Walang tigil ang bunganga ni suzy kakadaldal habang kumakain kami
ng ice cream na libre ni lucas. Lumilibot kami sa mall para
maghanap ng mga kailangan namin. Hawak hawak ni suzy ang kamay ko
kaya naman
sabay kaming maglakad samantalang nasa likuran naman namin si
lucas.
"Suzy, sa supermarket" serysong sabi nito kaya kami naman ang
sumunod sa kanya.
Kumuha ito ng pushcart. "Ilagay niyo na lahat ng kailangan niyo
diyan" poker face na utos niya sa amin.
Nahihiya ako na kumuha tapos ilalagay sa push cart na tulak tulak
ni lucas.
"Cara palagay naman to kay kuya" pakisuyo niya sa akin.
Lahat ng kinukuha niya ay dalawa na, para daw tig isa kami.
Naiilang akong lumakad papalapit kay lucas dahil seryoso itong
nakatingin sa paglapit ko.
Napaangat ako ng tingin ng ngumisi ito. "Bagay sayo" sabi niya na
ikinanuot ng noo ko.
"Ang alin?" Tanong ko sa kanya.
"Ang maging katulong...dalian mo nga diyan" sagot at pagtataboy
niya sa akin para makadaan ang push cart na tulak tulak niya.
Tumabi ako kaya naman kaagad ako nitong nilagpasan. Tiningnan ko
lang ang likuran niyang palayo sa akin.
"Ang sungit sungit talaga netong lalaking to" bulong ko sa sarili
ko.
"Ano!? Tanga ka na nga! Tatanga tanga ka pa diyan!" Sigaw niya sa
akin.
"Andyan na! Ikaw tong may megaphone sa bunganga eh" mahinang asar
na sabi ko pa.
Nakapila kami sa counter ng pinalabas ang bagong shampoo
commercial ni amiella sa maliit na screen kada counter.
"Haba ng hair..." natatawang asar ni suzy sabay tawa.
Pinigilan ko ang tawa ko dahil sa masamang tingin ni lucas. Si
suzy kasi eh, ginagaya yung ginagawa ni amiella sa commercial,
para
tuloy siyang tanga.
"Pizza!" Hiyaw nito pagkalabas namin ng supermarket.
"Dinner suzy..." banggit ng kuya niya tsaka siya lumakad sa kung
saan, napasunod na lamang kami sa kanya.
Sumunod kami kay lucas hanggang sa mapunta kami sa isang
restaurant. Nagusap sila nung waiter tsaka nito kami nito inihatid
sa four seater na upuan.
"Pasta lang sa akin kuya...tsaka ito, ito din, at ito pa" turo
niya sa kuya lucas niya habang pinapakita ang menu.
"Lahat yon" baling niya sa waiter tungkolsa lahat ng inorder ni
suzy.
Nakahawak lang ako sa menu. Pero nahihiya kasi akong magturo, baka
sabihin nito feeling close ako at gustong gusto ko talaga ang
panglilibre niya.
"Ikaw?" Tamad na tanong niya sa akin.
"Uhm...ito na lang" turo ko sa roasted chicken with kung ano anong
side dish pa.
"Idagdag mo na din yon" baling muli ni lucas sa waiter.
"Iyon lang po ba sir?" Tanong ng waiter dito.
"Yes, that's all" sagot ni lucas.
Naging busy si lucas sa kanyang cellphone. "Cr lang ako guys..."
paalam ni suzy sa amin. Kaagad nanaman akong nakaramdam ng kaba ng
kami na lang ni lucas ang naiwan sa lamesa.
"Uhm...lucas" nagaalangang tawag ko sa kanya.
Sandali ako nitong tiningnan tsaka niyo muling ibinalik ang
paningin sa kanyang hawak na cellphone. "Thank you" sabi ko.
"For what?" Tamad na tanong niya sa akin tsaka niya ibinaba ang
kanyang hawak na cellphone.
"Dito, sa pakai..." di ko na natuloy ang sasabihin ko ng pinutol
niya ito.
"Kung inaakala
mong ginusto ko ito nagkakamali ka, iniisip ko lang si suzy dahil
iyon ang gusto niya...pero kung ako lang" nakangising sagot niya
sa akin.
Napatahimik ako, pero siya din naman ang bumasag sa katahimikan.
"But anyway, ayos lang treat ko na din yan...malay mo last na to.
Kasi baka yung iba diyan tubuan na ng hiya at maisipan ng umalis
sa bahay namin" pagpaparinig niya sa akin.
Ngumiti ako sa kanya kahit malapit ng magtubig ng mata ko. "Ah oo
nga...baka last na ito" pagsangayon ko sa kanya.
Tinaasan naman ako nito ng kilay. Pinilit ko na lamang na maging
normal sa harapan niya. "Sagot mo na din ba ang despidida party
ko?" Biro ko.
Sinimangutan ako nito. "Bakit close tayo?" Mapanuyang tanong niya
sa akin.
Napayuko na lamang ako. "Wag mo akong kausapin na parang close
tayo dahil hindi..." sabi pa niya bago siya tumayo at iniwan akong
magisa duon.
Nagsimula nang magayos ng gamit si suzy. Samantalang ako,
nagsimula ng nagempake.
Kalalabas ko lang ng banyo ng naabutan ko si suzy na nakaupo sa
kama ko habang kunot ang noo habang nakatingin sa mga maleta ko sa
gilid ng kama.
"Excited ka ata masyado ha! Lahat ng gamit mo dadalhin mo" bito
niya sa akin na nginitian ko na lamang.
"Baba na daw, kakain na sabi ni mommy tapos sisimba" yaya niya sa
akin na kaagad ko namang tinanguan.
Di ko pa din sinasabi sa kanila, kaming tatlo lang nila tita
samantha at tito luke ang nakakaalam ng mga susunod na mangyayari.
Bukas ng umaga ay sabay sabay kaming lahat na pupunta sa
school. Silang lahat ay mageenroll na para wala ng problema habang
nasa retreat samantalang ako ay kukuha muna ng grade, di ko pa
kasi alam kung duon pa din ako papasok o baka sa iba na.
"Kain na tayo anak" nakangiting salubong ni tita samantha sa akin.
Masayang masaya si tita samantha ngayong breakfast kaya naman pati
tuloy sina suzy at lucas ay nagtataka na.
"Mommy bakit parang may iba sayo ngayon?" Tanong ni suzy dito.
"Masaya lang ako dahil magkakasama tayo ngayon, sana palagi tayong
ganito" nakangiting sabi pa nito pero ramdam ko ang lungkot duon
kaya naman di rin maiwang malungkot ako.
"Palagi naman tayong magkakasabay kumain ah" sabi pa ni suzy.
Di na lamang sumagot si tita samantha, nginitian na lamang nito
ang anak.
"Pagkatapos magsimba sa mall na tayo maglunch" anunsyo ni tito
luke pagkasakay namin sa sasakyan.
Nasa driver seat ito, si tita samantha naman sa passenger seat at
kaming tatlo na nagsisiksikan sa likod.
"Ano ba yan, ang sikip naman eh" pagmamaktol ni lucas.
"Masaya naman kuya eh!" Sabat ni suzy dito.
"Kung tayong dalawa lang kasi sana at walang nakikisawsa..."
pinigil ni tita samantha ang dapat sanang sasabihin ng anak.
"Lucas please, don't ruin our day" pakiusap sa kanya ni tita
samantha.
"And now ako pa talaga ang panira? Just wow!" Inis na inis na sabi
nito at tsaka pinasak ang earphones sa tenga.
Konting tiis na lang lucas...
Sama sama kaming
nagsimba pagkatapos ay dumiretso kami sa mall para duon maglunch.
"Parang dati, naguunahan pa itong mga to para dumiretso sa toy
kingdom" pagalala ni tita samantha tukoy sa amin.
Nginitian siya ni tito luke tsaka inakbayan. "Wag kang magalala
baka mamaya niyan eh maghabol ka na din ng mga apo mo" natatawang
sabi nito dito.
Hinampas siya ni tita samantha, "mga baby pa rin naman yang
tatlong anak natin" sabi nito kay tito luke.
Tawa lang kami ng tawa habahg nagaasar silang dalawa sa harapan
namin habang hinihintay iserved yung pagkain.
"Ang mommy niyo talaga ang nanligaw sa akin" pagbibida ni tito
luke.
"Hmp! Ang yabang yabang mo talaga!" Daing ni tita samantha dito.
Nagsimula na kaming kumain ng dumating ang mga pagkain. Kita ko
ang saya sa mga mata ni tita samantha. Halos naman sa aming lahat.
Pwera na lang siguro kay lucas.
"We should always do that...family time" baling nito sa aking
tatlong nasa backseat habang pauwi na kami.
Mabilis na nagbabaan ang mga ito pagkapark ng sasakyan sa garahe.
Papasok na din sana ako ng pinigilan ako ni tita samantha.
"Habang nasa retreat kayo, kami ng bahala ng tito luke mong
kumausap sa mga kamag anak mo...ichecheck na din namin ang buong
lugar" sabi nito.
"Don't stress yourself too much tita, ayos lang po ako"
pagpapagaan ko ng loob niya.
Hinaplos nito ang aking pisngi. "Baby kita, gusto kong masigurong
magiging maayos ka duon" malambing na sabi niya pa sa akin.
Di ko na napigilan ang luha ko at tsaka na yumakap ng mahigpit sa
kanya. "Ka...kailan mo balak umuwi sa kanila?" Batid kong
nahihirapang tanong nito.
"Baka duon na po ako dumiretso pagkatapos ng retreat tita..."
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 15
"Cara! Kokkorokok!" Sigaw ni Suzy sa labas ng aking pintuan.
Napapailing na lang ako. Kahit kailan talaga tong babaeng to may
pagkabaliw. Di ako gumalaw para di makalikha ng kahit anong ingay.
Sinadya kong di lumabas ng kwarto ng maaga, magtataka kasi
sigurado si suzy pag nalaman niyang di pa ako mageenroll.
Habang nasa retreat kami ay sina tita samantha na daw ang bahala
sa lahat. Pupuntahan nila ang mga kamag anak ko. Titingnan kung
gaano ito kalayo sa school, kung malayo man baka ilipat nila ako
ng ibang university para di daw ako mahirapang bumyahe.
"Suzy, baka natutulog pa si Cara, kumain ka na sa baba" rinig kong
suway sa kanya ni tita samantha sa labas.
"Mamayang 1 andito na ang shuttle, baka malate si cara"
pagmamaktol nito.
"Dont worry ako na ang gigising sa kanya, sige na sumabay ka na sa
kuya mo" utos pa ni tita samantha na rinig kong kaagad namang
sinunod ni suzy.
Naligo na din ako at nagbihis. Kukuhanin ko lang ang mga grades ko
ngayon, pagkatapos ay uuwi na dahil dadarating ang shuttle bus na
susunod sa amin mamayang 1 ng hapon.
"Kumain ka na, hihintayin ka daw ni suzy sa school di daw siya
uuwi pag di ka kasabay" natatawang sabi sa akin ni tita samantha.
"Tinakot po ba kayo?" Natatawang tanong ko naman na kaagad niyang
tinawanan.
"Alam mo naman ang isang iyon" nakangiting dugtong pa niya.
Pinahatid ako ni tita samantha sa driver. Di naman gaanong traffic
kaya naman mabilis akong nakarating sa university.
"Thank
you po" sabi ko sa driver pagkababa ko.
Pumunta ako kaagad sa registrar text na kasi ng text si suzy sa
akin kung nasaan na daw ba ako. Nagpapaenroll na daw sila at kung
bibilisan ko ay makakasabay ako.
"Kukuha lang po ako ng grades" sabi ko sa registrar. Kaagad naman
siyang nagprint ng kopya ng mga grades ko.
"Kukuha ka na din ba ng form?" Tanong nito tungkol sa pageenroll.
"Ah di na po muna" pagtanggi ko at tsaka nagpasalamat bago ako
lumabas.
Nagstay muna ako sa cafeteria. Pinuntahan ko lang siya nung
nagtext siyang nasa school cottage na sila.
"Saan ka ba galing?" Salubong sa akin ni suzy.
"Sa registrar...kaso mahaba pila eh, kaya after retreat na lang
ako magpapaenroll" palusot ko.
Nakatanggap nanaman ako ng hampas mula dito. "Kasi eh, late kang
gumising" paninisi niya pero kaagad din akong hinila paupo sa tabi
niya.
Nanduon silang lahat. "Aalis na kami ni Zafara" paalam ni zeus sa
amin.
"Pustahan tayo ngayon pa lang magaayos yon!" Natatawang sabi ni
thomas.
"Baka dadalhin buong bahay nila" dagdag pa ni mikhael.
Nagtawanan ang mga ito kaya naging maingay nanaman kami duon. "Ok
na yung mga gamit mo?" Tanong ni kuya ken kay suzy at tumabi pa
dito.
Kaagad namang tumango tango si suzy. "Mamaya ko na sayo ibibigay
yung binili kong couple hoodie ha..." sabi ni suzy dito na
ikinatawa ko.
Lumawak din ang ngiti ni kuya ken na nagpipigil lang ng tawa.
Sumimangot nama kaagad si suzy sa aming dalawa. "May nakakatawa
ba?" Tanong nito sa amin na para bang anong oras ay iiyak na.
Marahang hinawakan ni kuya ken ang baba nito para ipaharap sa
kanya. "Natutuwa lang ako sayo, ang cute mo kasi" paglalambing
nito kay suzy.
"Naku! Ng bobola ka lang eh" laban naman ni suzy dito.
"Alam mo namang kahit anong ipasuot mo sa akin susuotin ko di ba,
kahit nga paghubarin mo pa ako sa harapan mo" sagot ni kuya ken sa
kanya pagtapos ay kinindatan siya.
Bago ko pa masaksihan ang pangingisay ni Suzy ay tahimik na akong
umalis. Nakakahiya naman kasi sa lambingan nila.
"Matthew naman!" Rinig kong singhal ng isang boses ng babae.
Natanaw ko ang dalawang bulto ng tao sa may garden kung saan may
nagtataasang puno. Duon ko nakita si kuya matthew, nakatalikod ito
sa gawi samantalang kaharap nito ang isang babaeng matangkad,
balingkinitan ang katawan. Mahaba ang buhok at maputi.
"What? Tapos na tayo ericka, dont act like a jealous
girlfriend...cause you're not, and will never be" matigas na sagot
ni kuya matthew dito.
Kita ko ang galit sa mata ng babaeng tinawag na ericka ni kuya
matthew. "Nangiinsulto ka ba ha!? Itatapon mo na ako dahil sa
panget, bobo at matabang Cara na yon!? Tell me matthew, are you
just playing around or what!?" Galit na galit ito na para bang
gustong gusto ng malitid ng mga ugat sa kanyang leeg.
Di sumagot si kuya matthew pero kita kong nanginginig na ang
kanyang kamao.
"C'mon matthew, tell me your just playing around" pakiusap ng
babaeng iyon.
"Let's stop this non sense..."
galit at matigas na sabi ni kuya matthew. Hahakbang na sana ito
paalis ng kaagad na itinapon ng babae ang kanyang sarili kay kuya
matthew.
They we're kissing in front of me...
Nabato ako sa aking kinatatayuan kahit gustong gusto ko ng tumakbo
palayo duon. Maya maya ay halos madapa ako ng may humila sa akin
palayo duon.
"Ano ba..." suway ko dito at tsaka ko pinilit bawiin ang braso ko
sa pagkakahawak niya.
Tiningala ko ito. Ang matalim at nanlilisik niyang mata ang
sumalubong sa akin. "Ano nanaman ba ang problema mo sa akin?"
Tanong ko kay lucas.
"You're really stupid, nakakaistorbo ka sa kanila" akusa nito sa
akin na ikinagulat ko.
Nilabanan ko ang matalim na titig niya sa akin. "Salamat sa
paghila mo" sabi ko tsaka ko siya kaagad na tinalikuran.
Mabilis akong naglakad palayo kay lucas, di ko alam kung bakit
bigla bigla na lamang ito susulpot sa kung saan tapos magagalit
nanaman sa akin.
"Cara!" Tawag sa akin ng apat na babae di kalayuan.
Di ko sila kilala sa pangalan pero na mumukaan ko sila, kung di
ako nagkakamali ay mga tourism student ang mga ito.
"May kailangan kayo sa akin?" Tanong ko.
Lumapit silang apat sa akin. "Bilhan mo kami ng tubig" utos niya
sabay abot ng isang libo.
Kumunot ang noo ko sa gulat. "An...ano ulit?" Muli ko pang tanong
sa kanila dahil baka nagkakamali lang ako ng dinig.
"Wala ka talagang kwenta, bingi ka na rin pala ngayon...ang sabi
ko bilhan mo kami ng tubig" mariing ulit niya sa sinabi.
"At bakit ko naman gagawin iyon ha!?" Laban ko sa kanila, di ako
natatakot na apat sila, kaya ko naman ang sarili ko kahit papaano.
Tumaas ang kilay nito, ang mga babae sa likuran niya ay natatawang
napailing. "Mayabang ka na ngayon? akala mo kung sino ka na dahil
lang sa pagkanta ni matthew para sayo...ganuon ba iyon Cara?"
Pangaasar at may kasamang insultong sabi niya pa sa akin.
"May nga paa kayo, malapit na ang cafeteria...kayo ang bumili ng
sarili niyong tubig" sabi ko at tsaka sila tinalikuran.
Hahakbang na sana ako ng hinila nila akong apat dahilan para
matumba ako sa lupa. "Ouch...Cara is finally home! Sa putikan kung
saan siya nababagay" sabi ng isa tsaka sila sabay sabay na
nagtawanan.
Naikuyom ko ang kamao ko. Mabibigat at mabibilis na din ang
paghinga. Gustong gusto ko ng lamutakin ang mga mukha nila.
"HOY! ANONG GINAGAWA NIYO KAY CARA!?" rinig kong sigaw ni suzy.
Kaagad na nagbago ang ekspresyon ng mga babaeng iyon. "Anong
ginagawa niyo ha..." matapang na sabi nito, sa tabi niya ay si
zena.
"Tayo ka na diyan cara" tulong sa akin ni mikhael.
"Salamat" sabi ko sa kanya.
"Isusumbong ko kayo sa mga kuya namin! Humanda kayo!" Pagbabanta
naman ni zena.
Nanlisik ang mata ng babaeng nasa harapan ko at nagdadabog silang
nagmartsa palayo sa amin.
"Ayos ka lang ba?" Nagaalalang tanong nila.
Sinabi ko naman sa kanilang ayos lamang ako at wala naman iyon.
Sanay na ako, bata pa lang ay marami na talagang ganyan.
Mapagpintas na akala
mo kung sinong nga perpekto.
Nakaalalay sa akin si mikhael pabalik sa student cottage.
Sinalubong kami ng blankong ekspresyon ni lucas. Tamad lamang
siyang nakatingin sa akin.
"Anong nangyari?" Nagaalalang salubong ni kuya matthew sa amin.
"Saan ka ba galing kuya?" Mataray na tanong ni Zena dito.
"Just...somewhere" magulong sagot niya.
"Di mo tuloy natulungan si cara, binully siya ng mga mean
girls...at kung di ako nagkakamali mga tuta mo yon" akusa sa kanya
ni zena.
"Anong tuta?" Takang tanong ni suzy dito.
"Tuta, parang nga asong sunod ng sunod dito kay kuya...in short
mga manliligaw niya" inis na sagot ni zena dito.
Pero mukha di nakikinig si kuya matthew sa kapatid dahil nanatili
ang atensyon nito sa akin.
"Are ok...nasaktan ka ba?" Tanong niya sa akin. Lalapit at
hahawakan sana niya ako ng bigla akong naglakad. Kunwari'y lalapit
lamang ako kay suzy pero umiwas talaga ako.
"Ayos lang ako, wala yon..." nakangiting sagot ko.
Magsasalita pa sana ito ng bigla ng umepal si lucas. "Umuwi na
tayo...kailangan na nating magayos, darating ang shuttle bus nila
tito axus eksaktong 1 oclock" masungit na pagpapaliwanag nito.
"Wait...ako na ang maghahatid kay cara" pigil ni kuya matthew
dito.
Masama siyang tiningnan ni lucas. "Mas importante pa bang
makapaglandian kayo kesa makapagayos tayo para sa retreat?"
Seryosong tanong ni lucas dito.
Kita ko ang pagigting ng panga ni kuya matthew pero hinawakan na
lamang siya ni mikhael para kumalma. "Mabuti pa siguro magsiuwi na
tayo" sabi sa kanyang
kuya at tsaka hinila ito kasama si Zena.
Tahimik lamang ako habang nasa byahe kami pauwi. Nasa passenger
seat si lucas tapos kami ni suzy ay nasa likuran.
Isang mini shuttle bus ang gagamitin namin para sa retreat.
Pinahiram iyon nila tita Elaine at tito axus. Marami kasi itong
ibat ibang klase ng sasakyan.
Pagdating sa bahay ay nagbihis lamang kami sandali at kumain.
Ibinaba na din namin ang kanya kanyang gamit na dadalhin. "Oh...sa
dami ng inempake mo yan lang ang dadalhin mo?" Puna ni suzy sa
dala kong travelling bag at isang backpack.
Nginitian ko na lamang siya. "Abnormal ka rin minsan eh" akusa
nito sa akin bago tinabi ang maleta niya sa mga gamit ko.
Nagpaalam ako sandali kay suzy para bumalik sa aking kwarto. Dahan
dahan kong binuksan ang pintuan. Dalawang malaking maleta na
lamang ang natirang kalat duon. Wala ng laman ang mga cabinet ko.
Maging ang harapan sa salamin ko ay malinis na din.
Dahan dahan akong umupo sa kama ko ng nagdaang ilang taon. Ito ang
nakasaksi sa lahat ng pagiyak ko. Sa laht ng tuwa at sa lahat ng
hinagpis. Inilibot ko ang buong paningin ko sa buong kwarto. At
ang pinakamamimiss ko dito sa kwarto ko ay ang bintanang tanaw anv
malawak na swimming pool kung saan ko palaging pinapanuod na
lumangoy si Lucas.
"Andyan na ang sundo natin!" Sigaw ni suzy mula sa baba.
Mabilis akong kumilos. At bago buksan ang pintuan ay muli kong
pinasadahan ng tingin ang aking buong kwarto.
"Baka gusto
mong bilisan" mapanuyang sabi ni lucas ng makita niya ang dahan
dahang pagsara ko sa pintuan.
"Ah...sorry" yun na lamang ang nasabi ko at mabilis na bumaba.
Maraming bilin si tita samantha at tito luke sa akin, kahit na
taon taon naman naming ginagawa ito at di pa rin sila nawawalan ng
mga bilin.
"Susunduin ka namin sa last day mo, kami ang maghahatid sayo sa
mga kamag anak mo" mahinang sabi ni tita samantha sa akin.
Alam kong nalulungkot siya dahil aalis na ako. Ganuon din naman
ako, pero kahit di na kami sa iisang bahay nakatira siya pa din
ang second mom ko, sila pa din ang pangalawang pamilya ko.
"Wow! Ibang klase talaga sila tito axus" puri ni Suzy pagkapasok
namin sa shuttle. Kasya ang labing lima sa loob. Air condition ang
loob at malalaki ang upuan kaya di ka mahihirapan, sobrang
kumportable ng magiging upo mo.
Isa isa naming pinuntahan ang mga bahay ng mga kasama namin para
sunduin sila. "No phone...No P*rn...im dead" frustrated na sabi ni
mikhael at tamad na tamad na pumasok sa shuttle.
"Kadiri talaga si kuya!" Inis na sabi ni Zena.
Magkatabi kami ni suzy. Parang bus dalawag upuan ang magkakatabi,
magkabilaan. Si suzy ang aking katabi kahit alam kong si kuya ken
ang gustong katabi niyan.
"Kay kuya ken lang ako ha" paalam nito sa akin sabay kindat.
Inirapan ko na lamang siya, wala na tuloy akong katabi ngayon.
"Tabi!" Biglaang sabi ni lucas.
"Ha..." pagtataka ko.
"Tabi sabi!" Sabi niya at may patulaktulak pa.
Kaagad tuloy akong napaatras patabi sa
may bintana. Nagulat ako ng tumabi ito sa akin. "Tatabi ka sa
akin?" Di makapaniwalang tanong ko. Gustong gusto ko talagang
ngumiti buti na lamang at napigilan ko.
Sinamaan ako nito ng tingin. "So what? Not a big deal" tamad na
sagot nito sa akin tsaka pumikit.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko si kuya matthew. Malungkot itong
nakatingin sa akin. "Saan ka po pupunta?" Tanong ko sa kanya kahit
kinakabahan ako sa di ko malamang dahilan.
Nginitian niya ako kahit halatang di iyon umabot sa kanyang mga
mata. "Tatabihan sana kita...pero dito na lang ako sa harapan mo"
sabi niya tsaka umupo sa harapang upuan namin.
Ngayon alam ko na kung bakit bigla na lamang lumipat si lucas sa
aking tabi. Napaka kontrabida talaga nitong lalaking ito.
"Cara try mo ito" abot sa akin ni kuya matthew ng ibat ibang
pagkain. Actually kanina pa kami kain ng kain, umiikot ang ibat
ibang pagkain sa loob ng shuttle.
"Soundtrip naman diyan!" Request nina Zeus at thomas.
"Magsitahimik kayo!" Sigaw ni mikhael mula sa likuran. Kanina pa
ito tulog na tulog sa likuran.
Kinuha ko sa bag ang ginawa kong graham polvoron, nung isang araw
kasi ay sinubukan namin ni suzy magluto ng kung ano ano, tinry din
naming magbake at gumawa ng mga dessert.
"Kuya matthew ako po ang gumawa nito" sabi ko sabay abot sa kanya
ng lagayan ng polvoron.
"Talaga...mukhang masarap" tanggap niya dito.
Nakakagat labi ako habang hinihintay ang reaksyon nito. Pero
napaiktad ako ng makita ko sa peripheral vision ko ang paglapit sa
akin ni lucas.
"An...anong" kinakabahang sambit ko. Papalapit na kasi ang mukha
nito sa akin. Naalala ko tuloy yung kiss nung prom night.
Sa sobrang lapit na ng mukha nito at napapikit na lamang ako.
Hinihintay ko na ang malambot na labi nito ng bigla akong
makarinig ng ngisi. Kaagad akong napadilat at nakasimangot na
itong nakatingin sa akin.
"Sinara ko, nakakasilaw" masungit na sabi niya sabay turo sa
kurtina.
Gusto kong iuntog ang ulo ko sa salamin. Pero nanahimik na lamang
ako. "Cara masarap...magaling ka palang gumawa ng ganito" biglang
baling ni kuya matthew sa akin.
Ramdam ko ang pagpula ng pisngi ko sa puri nito sa akin.
"Oy...kinikilig siya" mapanuyang bulong ni Lucas duon mismo sa
tenga ko.
"Ano bang..." di ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa sumunod
nitong sinabi.
"Pero pustahan tayo, mas kinilig ka nung natikman mo yung labi ko"
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 16
Natahimik ang lahat sa kalagitnaan ng byahe, maging si kuya
matthew ay nagpaalam na iidlip lamang sandali. Ang ibang gising
naman ay nakatutok sa panunuod ng movie sa flatscreen tv na
nakasabit sa harapan.
Nakanaw ako samay bintana, bahagya kong tinabig ang kurtina para
naman may matanaw ako kahit konti. Kumakain ako ng cookies na si
tita samantha ang mismong gumawa. Magaling talaga siya sa mga
pastries.
Nilingon ko ang katabi kong si lucas. Tahimik itong nakapalungbaba
habang tutok sa panunuod.
"Uhm...lucas gusto mo?" Alok ko sa kanya.
Bumaling ito sa akin at nanlamig ako ng matalim nanaman ako nitong
tiningnan. "Mukha bang gusto ko?" Masungit na tanong nito.
"Eh...kaya nga tinatanong kita eh" mahinahong sagot ko sa kanya na
mukha namang lalo niya lang kinainis.
"Wag mo nga akong kausapin!" Inis na inis na sabi nito tsaka ako
tinalikuran.
"Sungit..." mahinang bulong ko.
Nanlaki naman ang mata ko ng bigla itong bumaling sa akin. "What
did you say?" Matigas at nanlilisik ang mata nitong sabi sa akin.
"Sabi ko sayang masarap pa naman" pagsisinungaling ko, sabay ngiti
sa kanya.
Nakita ko ang pagigting ng panga nito. "Ang layo naman ata niya sa
salitang sungit" mapanuyang sabi niya.
Nanlaki ang mata ko sabay ngiti. "Narinig mo naman pala eh" asar
ko sa kanya.
"You know what nakakairita ka" madiing sabi niya at nagtalukbong
ng jacket.
Pinagmasdan ko na lamang siya. Nagpagisip isip ko din kasing
mamimiss ko din ang masamang ugali ni lucas kahit
papaano. Kaya naman habang may oras pa ay sulitin ko na lang kahit
masakit talagang magsalita ito.
Nang makaramdam ako ng antok ay naidlip ako sandali. Nagising na
lamang ako ng kalabitin ako ni suzy para magdinner. Huminto ang
shuttle sa isang gasolinahan. Naghihikab at naguunat pa ako
pagkababa ko.
Malawak ang parking lot. Madami ding nakahilerang ibat ibang
restaurant. "Saan niyo gustong kumain?" Tanong ni kuya ken.
"Dun tayo! Gutom na gutom na kami" daing ni zena sabay turo duon
sa eat all you can na restaurant.
"Ito namang babaeng to para ginugutom" asar sa kanya ng kuya
mikhael niya.
Ngumuso ito at tsaka kumapit sa kuya matthew niya na kausap naman
si kuya ken. "Kuya si kuya mikhael oh!" Sumbong niya.
Kaagad inakbayan ni kuya matthew si zena at tsaka inakay paalis.
Para di na kami magkahiwahiwalay ay duon na kami kumain lahat.
Halos lahat ng tao sa loob ay nakatingin sa aming pagpasok. Madami
kasi kami at mukha pang mga artistahin ang aking mga kasama.
Nagmukha tuloy akong katulong.
"Ilan ba tayo..." sabi ni kuya matthew at kaagad kaming binilang.
"Twelve" maiksi at tamad na sagot ni lucas.
"Kami na ang bahala, humanap na kayo ng upuan" singit naman ni
kuya ken at kaagad inilabas ang kanyang wallet.
Magkakasunod kaming naglakad para makahanap na ng upuan ng kaagad
na nagsalita si kuya matthew. "Hoy lucas maiwan ka dito" pangaasar
nito, maging si kuya ken ay nakangisi sa kanya.
"Pakialam
ko diyan" masungit na laban ni lucas.
"Si kuya napakaKuripot talaga kahit kelan" pagpaparinig ni suzy
tsaka mabilis na lumayo sa kuya niya.
"Humanda ka sa akin Suzy laine" pagbabanta nito sa kapatid bago
nagtungo sa cashier para samahan sina kuya matthew at kuya ken.
Anim na lamesa ang pinagdikit dikit ng mga waiter para kumasya
kami. Centro tuloy kami ng attraction dahil sa dami namin.
Maya maya ay dumating na yung tatlo. "Sige na kumain na kayo"
anunsyo ni kuya ken.
Kaagad nagtayuan ang lahat para makapunta sa buffet ng pagkain.
"Girls muna" sabi ni kuya matthew ng sabay sabay na nagtayuan ang
lahat.
"Kuya naman eh!" Daing ni mikhael at padabog na umupo muli sa
kanyang upuan.
Wala naman iyon kina Zeus at thomas. "Tara na cara" hila sa akin
ni suzy.
Bago pa kami makalayo duon sa lamesa ay nakarinig na kami ng
tawanan at iilang mura sa lamesa na pinagiwanan namin sa mga
lalake.
"Bakla siguro tong si lucas" rinig kong natatawang sabi ni
mikhael.
Napalingon tuloy ako, duon ko lang nakitang wala siya sa lamesa.
Inilibot ko ang paningin ko at duon ko nakita si lucas, kumukuha
na ng kanyang pagkain sa buffet.
"Hoy kuya! Di ka talaga marunong sumunod sabing girls muna eh"
suway sa kanya ni suzy habang kumukuha ng pagkain.
Tamad na tumingin si suzy sa kapatid. "Ako kaya ang nagbayad
lahat, pinagkaisahan ako ng dalawang panget na yon" inis na kwento
nito.
"Sus! Minsan lang naman eh" laban ni suzy sa kanyang kuya.
Sandali lang kami duon, pero di pa halos tapos ang
lahat ng bigla ng nawala si lucas. Nagcr pa kasi yung iba kaya
hinintay pa namin sila. "Nabusog ka ba?" Biglang tanong sa akin ni
kuya matthew.
Kahit papaano naman ay nawala na ang pagkailang ko sa kanya. "Ah
opo..." nakangiting sagot ko sa kanya.
"About dun sa mga babae, di ko alam kung ano talaga yung ginawa
nila sayo, but dont worry i'll talk to them pagbalik natin ng
manila" paliwanag niya.
"Naku hindi na po, ayos lang po ako di naman ako nasaktan"
pagtanggi ko, dahil paniguradong mas lalaki lang ang galit ng mga
babaeng iyon sa akin kung gagawa nanaman si kuya matthew ng bagay
na para sa akin.
Sabay sabay kaming naglakad pabalik sa may shuttle. Kasabay ko si
kuya matthew at kahit papaano ay may kinukwento ito sa akin na
ikinakatuwa ko.
"Una ka" sabi niya.
Pagkapasok sa shuttle ay iginala ko na ang aking paningin nagiisa
lamang si lucas duon sa loob, duon mismo sa aming kinauupuan
kanina.
"What?" Masungit na sabi nito sa akin kaya naman iniwas ko na lang
ang pagtingin sa kanya.
"Ang galing magbakod ah" ngising pagpaparinig ni kuya matthew na
kakaupo lamang sa aming harapan.
Nakita ko ang pagtigas ng ekspresyon ni lucas sa di ko malamang
dahilan. Minsan naman kasi kahit walanh dapat ikagalit eh
nagagalit siya, kaya minsan naaakusahan siyang unreasonable.
"May sinasabi ka?" May tono ng panghahamon ang sabi nito kay kuya
matthew.
"Wala" maiksi at mapanuyang sagot naman ni kuya matthew dito.
Tahimik ang mga sumunod na oras sa aming byahe. Mas mabuti na rin
siguro iyon kesa may mga nagaaway at nagpaparinigan. Parang
lantang gulay ang lahat ng sa wakas ay makarating na kami sa lugar
kung saan idadaos ang aming retreat.
"Seriously!" Sigaw ng mga babae na para bang nagising sa kanilang
nakita.
Maging ako ay di makapaniwala. "What the F*ck! Ayoko babalik na
ako" frustrated na sabi ni mikhael sabay ambang papasok muli sa
shuttle ng kaagad siyang hinila ng kuya matthew niya pabalik sa
kanyang pwesto.
"Tara na, ayusin niyo na ang mga gamit niyo maaga pa tayo bukas"
suwestyon ni kuya ken.
Kanya kanyang buhat ng kanilang mga bagahe, pero di pa man kami
nangangalahati sa pagbaba sa madulas at maputik na daan ay halos
umiyak na sina kendall, tammarie at zafara.
May hawakan namang kawayan ang kaso ay sobrang matarik at medyo
madulas talaga. "Akin na yang gamit mo" sabi ni thomas sa kapatid
na si tammarie at siya na ang nag buhat ng gamit nito.
Di na nagsalita pa ang ibang mga lalaki, kanya kanya silang kuha
ng mga gamit ng kapatid para di ito mahirapan. Gumalaw na ako
dahil wala naman akong kuya na pwedeng tumulong sa akin kaya naman
nagpatuloy na ako sa paglalakad ng kinuha ni kuya matthew ang dala
kong gamit.
"Tulungan na kita" nakangiting sabi nito sa akin.
Nagulat ako at napatingin sa likuran, hawak ni mikhael ang mga
gamit ng kapatid nilang si Zena. "Salamat" tipid na ngiting sabi
ko.
Pagkababa namin lahat kami ay nakatingala sa malaking kubo. Mataas
iyon at purong kawayan na may bubong na pawid. May mataas na
hagdan. Open ang baba at halos mapamura sina zeus at thomas ng
makitang
anduon sa baba ang mahabang lamesa.
"Mamamatay tayo dito" mangiyak ngiyak na sambit ni Zafara.
"Tumigil ka nga diyan" galit na suway sa kanya ng kanyang kuya
Zeus.
Isa isa kaming umakyat, mabuti na lamang at may ilaw. Ang kaso
walang aircon o electric fan man lang. Pagbukas ng pinto ay wala
man lamang kahit isang upuan. Tanging mahabang mga banig at tag
isa isang unan ang meroon duon.
"Kuya ayoko na dito" yakap ni kendall kay kuya ken.
"Isang linggo lang...sige na at magayos na kayo" sabi sa kapatid
sabay utos nito sa amin.
Magkabilang gilid ang mahahabang banig. "Sa left side ang mga
babae, nandyan ang bintana kaya mas malamig diyan. Dito lahat ng
lalaki sa right side" pagpapaliwanag ni kuya matthew sa amin.
"Wala na ngang gadgets, ganito pa ang ginawa sa atin...di kaya
dinispatya na tayo ng mga parents natin!?" Sabi ni mikhael dahilan
para batuhin siya ni lucas ng unan sa mukha.
"Ikaw malaki ang possibilidad na itakwil, wag mo kaming idamay"
asar nito dito.
"Saan ang banyo!?" Sigaw ni zena.
Nagkatinginan ang lahat, walang may kabisado ng lugar na ito. Maya
maya ay naghiyawan ang mga babae sa gulat ng may kumatok.
"Shhh...tumahimik nga kayo!" Sigaw ni thomas.
Dahan dahang lumapit si kuya ken sa may pintuan ng nagsimulang
maghystrikal si kendall. "Kuya wag! ayas pa kitang mamatay!"
Pagmamaktol nito.
"Shut up kendall" seryoso at madiing
baling sa kanya ng kanyang kuya.
"Magandang gabi!" Bati ng isang babae at isang lalaking asa edad
30 pataas.
"Ma...magandang gabi po" balik na bati ni kuya ken sa kanya.
"Kami ang napili ng parents niyo na magbigay sa inyo ng retreat
para ngayong taon. Sabi nila si kenneth daw ang incharge para sa
lahat" sabi ng babae.
"Ako po iyon" sagot ni kuya ken dahilan para lumawak ang ngiti ng
babae. May inabot siyang nakastapler na bondpaper.
"Yan ang schedule niyo for the whole week, ang cr nasa baba
malapit sa poso, 6 am nakahain na ang breakfast sa baba. Nandyan
sa papel ang mga oras" paliwanag niya.
Walang nakapagsalita. "May gusto pa kayong malaman?" Nakangiting
tanong nito sa amin habang ginala ang buong paningin sa loob ng
malaking kubo.
"Saan po ba itong session hall?" Kunot noong tanong ni kuya
matthew.
"Malapit lang dito, may map diyan sa likod" ngiting ngiting sagot
ng babae.
"Gaano po kalapit?" Tanong ni zena.
Nginitian siya ng babae bago sinagot. "Malapit lang para lang
kayong umakyat ng isang bundok" sagot niya na halos magpanganga sa
aming lahat.
Walang gustong matulog ngayong gabi. Ang mga babae ay
nagproprotesta na umuwi na. Samantalang yung nga lalaki ay bumaba
at nagkatuwaan pa duon sa ibaba ng kubo. Rinig na rinig namin sila
dito sa taas, at nakikita din sa maliliit na siwang ng sahig.
"Cara palit na tayo ng damit" sawing sawing yaya sa akin ni suzy.
Palibhasa ay di ganito ang naging mga retreat nuong una. Dati ay
sa resort tig iisang kwarto pa kami nuon. Minsan naman
ay sa hotel.
Pagbaba namin ay naabutan namin sina kuya ken, kuya matthew,
lucas, mikhael, zeus, at thomas na nakakumpol sa mahabang lamesang
kawayan at kinakain ang mga natira naming baon kanina.
"Pag namatay ako dito, mumultuhin ko talaga si daddy" natatawang
sabi ni mikhael na kaagad nilang tinawanan.
Malaki ang banyo, hiwalay din naman ang babae sa lalaki. Tig
tatlong cubicle na gawa din sa pawid at kawayaan ang nasa loob
nito.
Natapos na ang lahat sa paglilinis ng katawan. Lahat kami ay
nakahiga at dilat ang mga mata, naninibago sa matigas na sahig na
aming hinihigaan ngayon. Pero marahil sa pagod ay nakatulog din
kaming lahat.
"Gising na girls!" Sabi ni kuya ken.
Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Ang katabi kong si
suzy ay nagtalukbong na ng kumot. Tinanaw ko ang mga katabi pa
niya at wala pa ring bumabangon. Ako kasi ang nasa may pader.
Umupo na ako at tsaka humikab, at halos tabunan ko ng kumot ang
sarili ko ng makitang nakatayo si lucas sa tabi ni kuya ken.
Halatang bagong ligo ito, naka puting tshirt lamang siya at khaki
short. Nasa kanyang bulsa din ang magkabilang kamay at matalim na
nakatingin sa akin.
"Good morning" nahihiyang sabi ko sa kanya at napasuklay ako ng
aking magulong buhok. Sinigurado ko ding wala aking muta at tuyong
laway.
"Nakaligo na kaming lahat, bumangon na kayo...sabay sabay tayong
kakain hihintayin namin kayo sa baba" sabi ni kuya ken at sabay
silang bumaba ni lucas. Malinis na ang higaan ng mga lalaki.
"Gabi pa nga eh!' Daing ni Kendall.
"Madaling
araw na baby" natatawang sagot sa kanya ni Suzy.
Sinundot ko ito sa tagiliran pero tinawanan niya lamang ako. Isa
isa na din kaming nagayos at naligo sa baba. Pahirapan pa nga sina
kendall, tammarie at zafara sa pagpili ng kanilang damit dahil di
naman daw nila alam na ganito pala ang aming pupuntahan. Pero sa
huli lahat kami ay nakasuot lamang ng simpleng tshirt.
Nakapantalon yung tatlo dahil baka daw may kumagat sa legs nila
samantalang kami nila suzy at zena ay nagtokong na lang.
"Umupo na kayo" yaya sa amin ni kuya matthew.
"Walang pancake?" Tanong ni tammarie.
"Electricfan nga wala pancake ka pa diyan!" Sita sa kanya ng kuya
thomas niya.
Umupo na lamang kami ng tahimik at kumain, di naman ako mapili sa
akin ang kaso yung mga katabi ko. Sa kalagitnaan ng aming pagkain
ay dumating ulit yung mga pumunta sa amin kagabi.
"Magandang umaga sa inyo" bati nila sa amin.
Sinagot din naman namin sila. "Bago tayo pumunta sa session hall,
kailangan niyo munang humanap ng partner niyo" anunsyo nito.
"Tayo cara ha..." sabi sa akin ni suzy.
"Im sorry guys, pero kami ang pipili ng partner niyo, di naman
namin kayo kilala so hindi siya bias ok?' Nakangiting sabi pa
nito.
"Sana tayo..." malungkot na sabi ni suzy.
Nagsimula na siyang magsalita. "So first, Suzy And Kenneth" sabi
nito.
Bigla bigla namang nagbago ang ekspresyon ng aking katabi. "Sana
tayo noh..." mapanuyang asar ko sa kanya pero mas lalo lang
lumawak ang ngiti nito sa akin.
Ang sumunod ay sina Tammarie at Zeus. Kendall at Mikhael. Zena at
kuya Matthew.
Napatigil ako sa pagsubo. "May chance na kayo ni kuya ang
partner!" Kinikilig na bulong ni suzy sa akin.
Napabaling ako kay lucas, pero busy ito sa kanyang pagkain.
Nakatitig lamang ako sa kanya. At nanigas ako ng mahuli ako nitong
nakatingin sa kanya. Pero mas lalo akong nagulat sa pagngisi nito
ng marinig ang sumunod na magpartner.
"Next we have Lucas and Cara"
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 17
"And lastly we have Thomas and Zafara" panghuling sabi nito tsaka
kami muling nginitian.
Di ako makatingin sa paligid, halos ingudnogod ko na nga yung
mukha ko sa kaharap kong pagkain.
"After a few minutes magkita kita na tayo sa itaas, kailangan na
nating pumunta sa session hall" paalam nung babae.
Aalis na sana sila ng biglang magsalita si kuya ken. "Di pa po
namin kayo kilala" pagpigil niya dito.
Ngumiti sa kanya ang babae. "Ako nga pala si Solidad, ate sol na
lamang ang itawag niyo sa akin" nakangiting pagpapakilala nung
babaeng nagngangalang sol.
Bumaling ito sa katabi niyang lalaki. "Siya naman si pastor
Gab...siya ang youth pastor ng retreat natin" pagpapakilala niya
dito.
Kaagad na kumaway sa amin si pastor gab. Kaagad naman akong
nakaramdam ng pagsiko galing sa katabi kong si Suzy. "May itsura
si pastor" ngiting ngiting bulong nito sa akin.
Sinimangutan ko siya. "Pastor yan suzy magtigil ka nga" suway ko
sa kanya.
Tumawa ito sa aking tabi dahilan kung bakit naagaw niya ang
atensyon ng aming mga kasama. "Anong nangyari sayo?" Kunot noong
tanong ni zena sa kanya.
"Wala...natutuwa lang ako kay Cara ang cute cute niya kasi" sabi
nito sabay pisil sa pisngi ko dahilan para mapaaray ako.
"Hoy suzy wag mo ngang saktan yang future sister in law namin!"
Suway sa kanya ni mikhael na ikinalaki ng mata ko.
"Ano!?" Balik na sigaw ni suzy dito.
"Di ba kuya!" Baling
nito kay kuya matthew na kaagad na napayuko.
"Whoa! Kinikilig si kuya!" Pangaasar ni mikhael sa kuya niya sabay
halakhak.
Di nagpatalo si suzy tumayo pa talaga ito. "Ako ang magiging
future sister in law ni cara!" Asik niya kay mikhael. Napahinto
ito sa pagtawa at lahat ay napabaling kay suzy.
"Di ba kuya!' Proud na proud na baling niya sa kanyang kuya lucas
na walang pakialam at patuloy lang sa pagkain.
Tamad na tumingin sa kanya si lucas, pagkatapos ay sa akin.
Napalunok ako dahil sa napakalamig na tigin nito sa akin.
"You shut up Suzy" mahinahon pero tamad na sagot nito sa kapatid.
"Nakakainis ka talaga!" Pagmamaktol nito.
Nanatili akong nakatingin kay lucas pero tinaasan lamang niya ako
ng kilay. Ngumuso na lamang ako, abnormal talaga siguro ang isang
ito.
Di na gaanong madulas ang daan pagakyat namin. Maganda at tahimik
ang buong paligid. Liblib nga talaga ang buong lugar.
Napapalibutan kami ng nagtataasang puno dahilan para maging
malamig sa pakiramdam dahil na din sa malilim ang buong paligid.
Di mo kailangan magreklamo sa maiinit na sikat ng araw.
"Tara na sa session hall" nakangiting yaya sa amin ni ate sol. Di
niya na ngayon kasama si pastor gab.
"Totoo po bang para tayong aakyat ng isang bundok sa layo nuon?"
Tanong ni Zena.
"Malalaman mo lang ang kahihinatnan ng isang bagay kung susubukan
mo" makahulugang sagot sa kanya ni ate sol.
Nakahawak sa aking braso si suzy. Di rin matigil ang paglilibot ng
kanyang
mata. Kahit liblib ay kamangha mangha naman kasi talaga ang ganda
ng buong lugar.
"Ganito yung napapanuod ko eh, yung isa isa kayong papatayin,
tapos yung bida na lang ang mamakalabas sa gubat ng buhay. Tapos
may dadaang sasakyan, akala niya tulong ayun pala yun yung
mamamatay tao" kwento ni suzy with facial expression pa.
"Ano ka ba! Tigilan mo na nga yang panunuod mo ng mga horror
movies" suway ko sa kanya kahit ang totoo ay natatakot na din
naman ako.
"Pag may nangyaring kakaiba, baliktarin mo lang ang damit mo, baka
malay mo di ba. Maligaw ka" bulong pa niya sa akin.
"Bakit ako lang! Isasama kita noh!" Balik naman na asar ko sa
kanya.
Inirapan lamang ako nito. "Masaya kayang maligaw!" Sagot niya
habang tumataas taas pa ang isang kilay.
"Edi ikaw, basta ako ayoko" pangtanggi ko.
Binilisan ko ang aking lakad dahil napahinto ito, napapailing na
lamang ako, pagmatalino talaga di mo alam minsan kung saan
nanggagaling ang mga ideya nila eh.
"Kahit si Kuya Lucas ang kasama mo?" Pangaasar nito ng hinabol
niya ako at kumapit pa sa aking braso.
Taas noo akong tumingin sa kanya. "Kahit p..."
"Wag kang magsalita ng tapos" natatawang pangaasar nito sa akin
matapos niyang putulin ang sasabihin ko sana kanina.
Malayo layo na din ang nilakad namin. Pero mukhang wala pang
nagrereklamo dahil nageenjoy na din sa mga nadadaanan namin at sa
kwentuhan. Si mikhael kasi kung ano anong ginagawa.
"May tatlong bibe akong
nakita! Mapayat, mataba mga bibe..." paguumpisa nito habang
naglalakad kami.
Nagtawanan ang lahat dahil sa pagkanta nito pero kalaunan ay
sumabay na din kami sa kanya.
"Ngunit ang may pakpak sa likod ay iisa, siya ang lider na nagsabi
ng quack quack" kanta ni mikhale na sinabayan na din namin. Tawa
pa nga kami ng tawa dahil sumasayaw sayaw pa ito.
"Ang sexy talaga ng pwet ng kuya ko!" Asar ni Zena.
Nagtawanan kami. "Yan ang habol ng girls sa akin baby. Bukod sa
nasa ha..." bago pa ito ituloy ang kanyang sasabihin ay piningot
na ni kuya matthew ang tenga nito.
"Aray ko nama kuya!" Daing na hiyaw nito ng hinila na siya ni kuya
matthew.
Nasa likuran ako at medyo may agawat na sa kanila. Pagmay nakikita
kasi akong kakaibang halaman ay di ko mapigilang tingnan kaya
medyo nahuhuli ako sa paglalakad.
Napalingon ako sa gulat ng may marinig akong bumubulong bulong.
Kahit papaano ay nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang si
lucas iyon. Nakayuko ito habang nakatago ang magkabilang kamay
niya sa kanyang bulsa. Mas nahuhuli pala ito.
"Siya ang lider na nagsabi ng quack quack" mahinang kanta nito na
wala pa sa tono.
Napangiti ako, di ko kasi maimagine na si lucas na masungit ay
kakanta ng ganuon. Gulat na napahinto ito ng makita ako. Kita kong
nahiya ito, napatingin tuloy siya sa malayo.
"Ituloy mo na yung kanta mo" nakangiting sabi ko sa kanya na may
halong pangaasar.
Inirapan ako nito. "Ayoko!" Masungit na asik niya sa akin.
Nagkibit balikat na lamang ako.
At tsaka siya tinalikuran para lumakad.
"Siya ang lider na nagsabi ng quack quack" kanta ko habang
natatawa tawa.
Napatigil naman ako sa pagtawa ko ng may humigit sa braso ko.
"Tumahimik ka nga!" Asik niya sa akin.
"Ishishare ko lang naman sa kanila eh" natatawang sabi ko.
Tinanaw ko ang di naman gaanong kalayuan na likod ng mga kasama
namin na naglalakad. "Guys!" Kaway ko sa mga ito at sinigawan
sila.
Nagulat ako ng tinakip ni lucas ang palad niya sa aking bibig.
Malambot iyon at mabango. "Pag di ka tumigil hahalikan kita!"
Pananakot niya sa akin bago padabog na naglakad palayo sa akin.
Para akong nabuhayan sa kanyang sinabi. "GU..." ambang sisigaw
sana ulit ako pero nanlilisik ang mata ni lucas na bumaling sa
akin.
"Joke!" Sabi ko sabay peace sign.
Nakaupo na sila pagdating namin. Di naman nila napansin na nahuli
kami ni lucss dahil busy ang mga ito sa pagtsitsismisan. Dumiretso
si lucas sa dulong upuan.
"Cara here" nakangiting tawag sa akin ni kuya matthew turo sa
katabi niyang bakanteng upuan.
Nginitian ko ito bago muli ako bumaling kay lucas na sa malayo
naman nakatingin at nakasimangot pa din. Kaya naman ka kuya
matthew na lamang ako tumabi.
"Bakit nahuli ka?" Tanong niya sa akin.
"Uhm...tiningnan ko pa po kasi yung mga halaman na kakaiba"
nakangiting kwento ko sa kanya.
"Sayang di tayo naging magpartner" malungkot na sabi niya.
"P...po?"
"Gusto sana kitang maging partner, pero ganun siguro talaga" sabi
niya sabag tawa.
"Ay oo nga po..." yun na lamang ang aking
nasabi.
Nagsimula ang retreat namin sa pagpapakilala ng mga magiging
speaker namin. Bali walo silang lahat. Ang apat ay yung mga main
speakers namin tungkol sa ibat ibang topics na gusto nilang ituro
sa amin.
Si Pastor Emil ang una naming speaker. Ang topic niya is about
relationship. Di ito nagfofocus sa boy and girl relationship. Its
about all kinds of relationship.
"I know na magkakakilala kayo, magkakapatid and
magkakaibigan...but still sa ating next activity matututunan niyo
kung paano nabubuo ang isang relationship" pagsisimula nito.
"Di ko sinasabing pagkatapos ng activity na to ay girlfriend o
boyfriend mo na yang partner mo..." natatawang sabi nito.
Lalo kaming natawa ng may iilan sa amin ang nag Eww. "It's about
kung paano ka magcaCare sa kasama mo, kung paano ka gagawa ng
isang bagay na alam mong may kasama ka at di mo ginagawa iyon na
magisa" pagpapaliwanag pa niya muli.
Pinatayo kaming lahat at pinalapit sa aming partner. Kaya naman
tumayo na din ako at tinanaw si lucas pero di man lamang ito
gumalaw sa kanyang kinatatayuan.
"Sus! Babae pa lalapit" bulong na maktol ko pero ako pa din naman
ang lumapit.
"Hoy partner" ngiting bati ko sa kanya pero tinalikuran lamang ako
nito.
"Ito ang handcuffs niyo guys" nakangiting lapit sa amin ni pastor
emil tsaka siya na din ang kumuha ng tig isang kamay namin ni
lucas.
"So sino ang gustong humawak ng map?" Nakangiting tanong nito sa
aming dalawa.
Tiningala ko si lucas pero sa malayo ito nakatingin at
nakasimangot pa. "Ako na lang po" nakangiting
sabi ko dahil nakakahiya naman kung paghihintayin pa namin si
pastor.
"You need to find a blue box, dahil blue team kayo...unang
makabalik dito sila ang panalo" paliwanag nito.
Magisa lang akong tumango. Lahat kami ay may kanya kanyang color
coding. Then lahat din sila ay naka handcuff.
Sandali pang may inayos sila sa may harapan. Kaya naman nagkagulo
nanaman kami. "This is so damn childish" inis na inis na bulong ni
lucas.
"Di kaya! Enjoy kaya!" Laban ko.
"Hinihingi ko ba opinyon mo!?" Asik niya sa akin.
Nakatingala ako sa kanya dahil sa tangkad niya. "Hindi, gusto ko
lang ishare" laban na sagot ko dito.
"Aray!" Daing ko ng hinila nito ang kaliwang kamay kaya nadala ng
handcuff ang kanang kamay ko.
"Magdahan dahan ka naman, sabi nga ni pastor emil di ba, exert
extra care for your partner" pagpapaintindi ko sa kanya pero di na
lamang niya ako pinansin.
"Bro, yung kapatid ko ha" bilin ni kuya ken kay mikhael tukoy sa
partner nitong si kendall.
"Zeus si tammarie ha" bilin naman ni thomas para sa kapatid.
"Iwan ko pa to sa gitna ng gubat eh" asar naman ni zeus dito.
"Baka nakakalimutan mong partner ko tong kapatid mo, umayos ka"
balik naman na asar ni thomas kay zeus.
Nawala ang panunuod ko sa mga ito ng humarang sa amin si suzy.
"May bilin ka ba kuya?" Sweet na sabi nito sa kanyang kuya na para
bang naglalambing.
"Wala, malaki ka na" sagot naman sa kanya ng kuya niya dahilan
para mapasimangot si Suzy.
"Salamat ha!
Damang dama ko yung care mo" mapanuyang sabi ni suzy bago niya
hinila si kuya ken palayo sa amin.
"Cara"
"Kuya matthew" tawag ko dito ng kalabitin ako nito.
Nakangiti itong tumingin sa akin tapos sa kay lucas na as usual eh
nakasimangot nanaman. Topakin talaga ang isang ito, delikado dahil
baka akalain ng mga maligno eh kapamilya nila ito.
"Take care..." malambing na sabi niya sa akin.
Tumango naman ako at nginitian siya pero nagulat ako ng lumapit pa
ito sa akin at tsaka ako hinalikan sa noo.
"Tara na!" Sigaw ni lucas at mabilis akong hinila palayo kay kuya
matthew. Duon ko lang napansin na nagsitakbuhan na pala ang lahat
dahil nag go sign na sila pastor emil.
"Teka! Teka lucas mali yung daan natin!" Hiyaw ko sa kanya dahil
na din sa pagod kakatakbo. Paghuminto kasi ako ay siguradong
makakaladkad ako.
Nakatingin ako sa mapa habang tumatakbo kaya naman napasubsob ako
sa dibdib ni lucas ng huminto ito.
"Aww...yung ilong ko" daing ko ng tumama ako sa matigas na dibdib
niya.
"Ano!? Saan ba...ayusin mo nga yan!" Galit na utos niya sa akin.
"Ikaw kasi nagmamadali eh, dapat nagmeeting muna tayo" daldal ko
habang nakatingin sa mapa.
"That's nonsense" seryosong pahayag niya.
"Duon, papasok tayo duon" turo ko sa loob ng gubat.
Napatingala ako ka lucas. Nakita kong nakatingin din siya duon.
"Ito tingnan mo..." di niya ako pinansin at napasigaw nanaman ako
ng hinila nanaman ako ng dahil sa kanyang pagtakbo.
"Hi cara!" Natatawang sigaw ni Suzy habang tumatakbo sila ni kuya
ken sa direksyong
pupuntahan namin.
Nagmadali kami ni lucas na makapasok din duon. Pagkapasok duon ay
nakita kong iba ang direksyon nila suzy. Kaya naman sinunod na
lamang namin ang mapa na hawak namin.
"Pagod na ako" daing ko ng mga ilang minuto na din kaming takbo ng
takbo. Nasa kalagitnaan na din naman kami.
"Ang hina mo naman!" Galit na sabi nito.
"Pagod ka din nama eh" akusa ko sa kanya.
Tinaliman nanaman ako nito ng tingin. Kaya naman napatahimik na
lamang ako. Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad ng may marinig
akong kakaibang tunog.
"Lucas!" Tawag ko sa kanya at napakapit na ako sa kanyang braso.
"Tumigil ka nga!" Suway nito sa akin.
"Natatakot ako, sabi kasi ni suzy sa mga ganitong lugar daw yung
mga patayan eh" kwento ko sa kanya.
"Pag di ka tumigil iiwan kita dito" pananakot niya, pero syempre
di ako natakot dahil naka hand cuff kami di niya ako maiiwan
magisa dito.
Maya maya ay sandali itong tumigil. "Akin na nga yan" sabi nito at
kinuha ang mapa sa kamay ko.
Hinayaan ko siyang tingnan iyon. Napatingin ako sa langit at duon
ko nakitang papadilim, mukhang uulan pa ata. Kasabay ng paghampas
ng hangin ay nakita ko ang kulay pulang bulaklak. Ngayon lang ako
nakakita ng ganuon at maganda talaga.
Aabutin ko sana siya para hawakan lang pero di ko abot. Maya maya
ay may kamay akong nakita at nagulat ako ng pinitas nito ang
bulaklak.
"Ito..." seryosong abot ni lucas sa bulaklak.
Nakaramdam ako ng parang paru paru sa loob ng aking tiyan ang
lilikot nila. "Pinitas mo ba ito para sa akin?" Nakangiting tanong
ko sa kanya.
Tamad ako nitong tiningnan. "Hindi ko sinasadyang mapitas, kaya
sayo na lang" sagot niya.
Lalo tuloy lumawak ang ngiti sa aking labi. "Salamat ha, ngayon
lang ako nakatanggap ng bulaklak" kwento ko sa kanya.
Inirapan ako nito bago nagsalita. "First time mo rin bang
mahalikan sa noo?" Nakataas ang isang kilay nito.
"Ha..."nagtatakang tanong ko.
Mas lalong nainis ito. "Wala! Tara na nga" yaya niya sa akin.
Nagsimula na itong maglakad kaya naman sumunod na lamang ako dahil
di naman pwedeng magpaiwan ako. Pero di nakaligtas sa pandinig ko
ang mga bulong niya.
"Pahalik halik pa kasi sa noo, nakakainis!"
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 18
"Ito na yung dulo ng map, wala pa ding blue na box!" Frustrated na
singhal ni lucas ng isang malaking puno lamang ang aming
natagpuan.
"Baka naman kasi mali yung dinaanan mo" nakangusong sabi ko habang
nakadungaw sa hawak niyang mapa.
Kaagad niyang inilayo iyon sa akin. "Alam ko ang ginagawa ko"
masungit na sabi niya sa akin kaya naman nagkibit balikat na
lamang ako.
Maingat kong hinawakan ang ibinigay niya sa aking bulaklak kanina.
Ang sarap pala sa feeling na makatanggap ng bulaklak galing sa
taong gusto mo, kahit di mamahalin, kahit kagaya lamang nito basta
galing kay lucas.
"Walang kwenta!" Inis na inis na sabi nito sabay punit sa hawak na
mapa. Kaagad nanlaki ang aking mata.
"Hala! Bakit mo pinunit?" Tanong ko sa kanya.
"That's nonsense! Nakakainis talaga!" Inis na inis na bulyaw niya.
Kulang na lamang ay suntukin nito ang kaharap na puno.
Napailing na lamang ako at tsaka tiningnan ang puno na iyon, kung
susuntukin iyon ni lucas siguradong bali ang daliri at kamay niya.
Napatingin ako sa mga sanga nito at ganuon na lamang ang aking
gulat sa nakita.
"Lucas yung box!" Turo ko sa kanya.
Kaagad itong tumingala at duon ako nakarinig ng mga iilang mura
galing sa kanya.
"See...dapat kasi naghanap muna tayo" natatawang sabi ko sa kanya.
Sinamaan lamang ako nito ng tingin dahilan para mapatikom ako ng
aking bibig.
"Kailangan nating akyatin ang puno" suwestyon ni lucas.
"Bakit tayo? Dapat ikas lang" sabi ko
sa kanya.
"Tanga ka talaga! Kita mong nakaposas tayo" singhal nito.
"Edi sorry na, ang tanga ko kasi" mapanuyang sabi ko dito sabay
irap. Kahit kailan talaga ang isang ito di man lang maging
consistent na mabait kahit isang araw lang.
"Kung sungkitin na lang natin?" Suwestyon ko sa kanya.
Di man sumangayon ay kaagad akong hinila nito para makahanap ng
pwedeng panungkit duon, mukha namang di matibay ang pagkakatali
duon.
"Yan pwede yan" nakangiting sabi ko ng makakita ito ng mahabang
kawayan.
"Pwede bang manahimik ka!" Inis na utos pa nito sa akin.
Pinalopalo ni lucas ang kahon na para bang naglalaro siya ng
pagpalo sa palayok. Nakatingala ako sa kanyang tabi.
"Tabi nga diyan!" Inis na sabi niya dahil sa pagiging malapit
namin.
Tinaasan ko siya ng kilay habang tinaas ang parehong kamay naming
nakaposas.
"Kainis" bulong nito.
Mas lalo nitong nilakasan ang palo. Di pa nahusto at mas lalo pa
niyang pinag igihan. Nagulat na lamang ako ng tinulak ako nito
dahil sa pagkakalaglag ng kahon.
"Aray..." daing ko ng tumama ang likod ko sa lupa.
"Damn" daing naman ni lucas.
Nanlaki ang mata ko ng makita kong ang lapit lapit na ng aming
mukha at nakadagan pa ito sa akin. Napalunok ako habang amoy na
amoy ko ang bango niya, ang ilong namin ay magkadikit na.
"Lu...lucas" nauutal na tawag ko sa kanya.
Mukha namang nagising din ito at padabog na tumayo. "Bumalik na
tayo! Bwiset!" Galit na galit na sabi nito ng makitang ibat ibang
kulay
lamang ng ginupit gupit na colored paper ang laman nung kahon.
Pinagpag ko din ang aking sarili at malungkot na tumingin kay
lucas. "Baka may iba pang kaho..."
"SHUT UP!" sigaw niya sa akin.
Mariin itong napapikit. "Damn! Paano tayo babalik niyan"
problemadong sabi nito dahil sa pagpunit niya sa mapa.
Sinubukan kong pulutin ang pira pirasong papel ng biglang kulog
kasabay ay pagkidlat.
"Lucas!" Mangiyak ngiyak na tawag ko sa kanya, kulang na lang ay
tumalon ako sa kanya.
Nakaramdam kami ng patak ng ulan kaya naman hinila na niya ako
para tumakbo. Mas binilisan pa namin ang pagtakbo pero mas mabilis
na bumuhos ang malakas na ulan.
"Dito tara dito" yaya sa akin ni lucas ng makakita siya na parang
kweba.
Di pa nga sana ako papasok pero ramdam ko nanaman ang galit at
nanlilisik na mga mata ni lucas. May liwanag pa naman sadyang
dumilim lang talaga ang kaulapan dahil sa biglaang pagulan.
Inilibot ko ang aking mga mata duon at nagukat ako ng may
nakakumpol na kahoy at iilang kahon ng posporo. Agad ko namang
itinuro iyon kay lucas kaya naman siya na ang gumawa ng paraan
para magkaapoy kami.
"Mukhang ginagamit din nila ang lugar na to" sabi niha habang
inaayos ang apoy na ginawa niya.
Tumango na lamang ako habag pinapanuod siyang ginagawa iyon. "Sa
tinginmo ligtas tayo dito?" Natatakot na tanong ko sa kanya.
Sandali ako nitong tiningnan, para akong maluluwas sa kanyang
tingin di kasi iyon katulad ng dati na nanlilisik. Malamlam ang
kanyang mga mata, dahilan para kahit giniginaw ay feeling ko
secured na
secured na ako.
"Siguro naman" malumanay na tanong niya sa akin.
Pareho kaming nakasandal at magkatabi, di naman kasi kami pwedeng
maghiwalay dahil nga sa posas. Mukhang pasasalamatan ko itong
posas na ito.
Medyo maliit din ang parang kweba na iyon parang pang pahingahan
lang talaga ng mga tagapangalaga. "Nag boy scout ka ba dati?"
Tanong ko sa kanya.
"Magkasama tayong lumaki di mo alam?" Nakangising sagot niya sa
akin.
Napasimangot ako at sandali ko siyang binalingan pero kagaya ko
nakatitig lamang ito sa apoy, kaya naman ibinalik ko na lamang ang
tingin ko duon.
"Kahit naman magkasama tayong lumaki di ko pa rin naman alam lahat
sayo, palagi mo kaya akong pinapalayo sayo..." malungkot na kwento
ko sa kanya.
Di naman na ito sumagot kaya ako na lang ulit ang nagsalita.
"Tapos, di ka naman nagkwekwento kagaya ni suzy kaya, may mga
bagay pa din akong di alam tungkol sayo" sabi ko pa.
"Hindi, sadyang commonsense lang ang mga ganitong bagay"
pagmamayabang niya.
Tumango tango na lang ako. "Bobo ka kasi kaya di mo alam"
nakangising pangaasar niya sa akin.
"Ayaw mo ba sa mga bobo?" Tanong ko sa kanya. Bigla tuloy nawala
ang kanyang ngisi.
"Ayoko, nakakairita" maiksing sagot niya at nagbalik nanaman ang
pagiging poker face niya.
"Hoy! Kung walang bobo wala kayong matatalino...tsaka wala naman
talagang taong bobo sadyang matalino lang talaga ang mga kagaya mo
at tsaka..." di ko na napigilan ang bunganga ko kakasalita. Chance
na kasi ito na makausap ko si lucas, ito na ata ang pinakamatagal
na paguusap namin sa talang
buhay ko.
"Bakit ba ang ingay mo? Di ka ba napapagod kakasalita?" Parang
naaamaze pa nitong tanong sa akin.
Nginitian ko siya. "Masaya kayang magsalita lalo pag mahal mo yung
kausap mo..."ngiting ngiting sabi ko.
Dahil sa aking sinabi ay inirapan ako nito " i hate you cara" sabi
niya.
"Alam ko..." nakangusong sabi ko sa kanya.
Sandali kaming natahimik na dalawa bago ko muling binasag ang
katahimikan.
"Lucas paano mo proprotektahan ang mahal mo?" Tanong ko sa kanya
out of nowhere.
Di siya nagsalita kaya ako nanaman ang nagsalita. "Kailangan mo ba
siyang saktan para protektahan siya?" Tanong ko pa uli sa kanya at
ngayon ay hinarap ko na siya.
"Kung yun lang ang paraan..." sagot niya at sinuklian niya ang
titig ko sa kanya.
Dahan dahang gumuhit ang ngiti sa aking labi. "Ibig bang sabihin
pinoprotektahan mo ako?" Tanong ko sa kanya.
Nagkibit balikat lamang ito habang nakangisi. "Edi mahal mo ako!?"
Tuwang tuwang sabi ko.
Muli itong nagkibit balikat, kainis! "Sayo nanggaling iyan hindi
sa akin"
Nang tumila ang ulan ay kaagad din kaming lumabas duon para
bumalik sa session hall, buti na lamang at mautak itong kasama ko
kaya di man ganuon kabilis ay nakabalik din kami kaagad.
"Kuya! Cara!" Salubong sa amin nina suzy at ng iba pa.
"Bakit ngayon lang kayo?" Tanong ng mga ito. Batid naming
nagaalala ang mga ito.
"Naabutan kami ng ulan kaya sumilong
lang kami sandali" sagot ko sa kanila, ayaw nanama kasing
magsalita nitong kasama ko.
"Akin na tanggalin ko na to" sabi ni kuya ken at tsaka niya
tinaggal ang posas namin ni lucas.
Nakaramdam ako ng kaunting lungkot dahil duon pero ayos na din
dahil masaya naman ang naging buong maghapon ko dahil kasama ko
siya.
"Ok ka lang ba cara..." biglang sulpot ni kuya matthew.
Nagulat ako ng kuhanin nito ang kanyang kamay ko. "Namumula ang
kamay mo dahil sa posas" sabi niya habang malumanay na hinahawakan
ang wrist ko.
Napatingin ako sa aking katabi. Nakita kong matalim siyang
nakatingin sa paghawak ni kuya matthew sa aking kamay. Tumaas ang
tingin niya sa aking mata at naramdaman ko nanaman duon ang
panlalamig. Inirapan muna ako nito bago tuluyang umalis sa aking
tabi para makaupo na sa loob ng session hall.
"Akala ko kung ano na ang nangyari sayo..." pagaalalang sabi ni
kuya matthew ng magkatabi kaming nakaupo.
Nginitian ko siya. "Ayos lang po ako" paninigurado ko sa kanya.
Maya maya ay napatingin kaming lahat ng magsalita si pastor emil
sa harapan.
"Ok guys...sino ang nadissapoint sa laman ng box?" Natatawang
tanong ni pastor emil.
Halos lahat ay nagtaas ng kamay. "Pero sino dito ang masaya pa din
kahit ganun lang ang laman ng hinanap niyo?" Follow up question pa
niya.
Lahat kami ay nagtaas ng kamay. Kahit ako di ko din alam kung
bakit...marahil malalim ang dahilan at iba iba kami ng pananaw.
"That's what i want you to feel guys...See? It doesn't matter
kung nagpagod kayo para lang pala sa box na walang laman. Kasi
umipisa palang natanggap niyo na yung price niyo. Yung makasama
niyo lang yung bawat partner na naAssign sa inyo, price niyo na
yun...your quality time together, that is really a big price. It'
worth it. Tama ba ako!?" Masiglang sigaw niya sa amin.
Ang lahat naman ay sumangayon at naghiyawan pa. Ngayon alam ko na,
masaya ako dahil nakasama ko si lucas.
May ilan pang mga sinabi si pastor emil bago niya kami pinabalik
sa kubo namin, nakahain na daw kasi duon ang aming hapunan. Di na
naging mahaba ang paglalakad namin pabalik, para bang wala na
lamang iyon.
"Wow! Boodle fight!" Hiyaw ni mikhael ng makita ang nakahain sa
aming mahabang lamesa.
Sa isang mahabang dahon ng saging ay may nakatumpok na kanin, may
itlog na pula, longganisa, Chicharon, kamatis at marami pang iba,
may tig isa isang fresh buko juice din na nasa bao pa.
"Ok seat with your partners muna guys" anunsyo ni ate sol sa amin.
As usual ako nanaman ang magaadjust para makatabi si lucas.
"Patabi ha..." nakangiting sabi ko dito, umusog din naman ito para
makaupo ako sa kanyang tabi.
Naghiyawan ang mga girls ng sabihing may extra large halo halo
kami ang kasi ay by partner ito.
"Umayos ka nga zafara" suway ni zeus sa kapatid ng di nito
magawang magkamay ng maayos.
"Maayos naman ang pagkain ko ah" laban ni zafara sa kanya.
Kumuha si Zeusa gamit ang kanyang kamay tsaka ito sinubo sa
kanyang kapatid. Nagdalawang isip man ay tinaggap rin naman iyon
ni zafara. "Ganyan ang tama..." pangaral nito sa kapatid.
"Ang sarap noh..." baling ko kay lucas ng tahimik lamang itong
kumakain sa aking tabi.
Tamad lang itong tumango at tsaka sumubo ulit. "Ayaw mo ng itlog
na pula?" Puna ko sa kanya dahil di niya iyon pinapansin.
"Ayoko" tamad nanamang sagot niya sa akin.
Kaya naman kumuha ako ng slice ng itlog na pula kasama ng kamatis
at itinapat iyon sa labi ni lucas. "Ito tikman mo, dali
masarap..." pagpupumilit ko sa kanya.
"Ayoko nga eh...ang kulit mo" galit na sabi nito sa akin.
"Isa lang naman eh" nakangusong sabi ko.
Napabaling ako sa aking katabi na si kuya matthew. "Kuya matthew
di ka din kumakain ng itlog na pula?" Naaamaze na tanong ko sa
kanya.
"Kumain..." nakangiting sagot niya sa akin.
Muli kong dinampot ang itlog na pulang isusubo ko sana kay lucas.
Aangat pa lang sana ang kamay ko ng pinigilan ni lucas ang kamay
ko.
"Ba...bakit?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Gusto ko ng tikman" seryosong sabi nito sa akin.
"Ang alin?" Tanong ko pa.
Di na ito nagsalita, siya na mismo ang nagdala ng kamay ko sa
kanyang labi. Tumaas ang balahibo ko ng tumama ng bahagya ang
kamay ko sa malambot na labi ni lucas.
"Masarap" tipid na sagot nito sabay fake na ngiti pa.
Hmp! Abnormal!!!
Ng matapos ay tulong tulong din kaming nag ligpit ng lamesa.
Pagkatapos ay isa isa din kaming naglinis ng
katawan. Ng tapos na ang lahat ay nagingay nanaman sila habang
nakahiga na kami sa banig.
"Tili kaya ng tili si kendall, binulabog buong gubat" natatawang
kwento ni mikhael.
"Kuya oh!" Turo ni kendall sa pangaasar ni mikhael sa kanya.
Sa gitna ng aming pagkwekwentuhan ay tumayo sa kanyang higaan si
lucas. "Saan ka lucas?" Tanong ni kuya ken sa kanya.
"Sa banyo bakit sama ka?" Nakangising pangaasar ni lucas dito.
"Assh*le" naiiling na sambit ni kuya ken dito.
"Hala ka lucas! Baka mamaya may multo diyan" pangaasar ni mikhael
dito.
Inirapan lamang siya ni lucas tsaka ito tuloy tuloy na naglakad
palabas. Paglabas ni lucas ay kung ano ano nanamang nakakatakot na
pangyayari ang kinikwento nitong si mikhael dahilan para
maghiyawan sina kendall, zafara at tammarie.
"Hoy mikhael wag mo na ngang takutin ang mga yan, baka di
makatulog yung tatlo" suway ni kuya matthew dito.
Napatingin ako sa kanya ng naglakad ito papalapit sa akin. "May
baon akong salonpas dito" parang nahihiya pang sabi nito at
napakamot pa sa batok.
"Thank you po" nakangiting pasasalamat ko sa kanya.
saktong nakatayo si kuya matthew sa aking harapan ng pumasok si
lucas. Ang mga mata niya ay diretsong nakatingin sa amin
pagkatapos at walang kaemoemosyon itong naglakad pabalik sa
kanyang higaan.
Maya maya ay bumalik na din naman si kuya matthew sa kanyang
higaan. Nilagay ko na lamang din ang ibinigay nito para sa wrist
ko.
"Kuya nagenjoy ka ba?" Biglang tanong ni suzy dahilan para lahat
kami ay mapatingin sa kanya at tsaka kay lucas.
Tamad na tumango si lucas sa kapatid. "Naku! Parang di naman eh"
asar ni suzy sa kanyang kuya.
Napatingin kaming lahat kay lucas sa kanyang isinagot.
"Oo masaya..." sagot niya at mabilis na nagtalukbong ng kumot.
Pero di pa din nagpaawat si suzy.
"Masayang kasama si cara?" Tanong pa ulit niya sa kanyang kuya.
Matagal bago sumagot si lucas kaya inakala kong di na ito
magsasalita pa pero sumagot pa din naman siya.
"Oo" sagot nito dahilan kung bakit itinaas ni suzy ang kanyang
kamay para makipagapir sa akin.
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 19
"Siesta day! Whoohoo!" Hiyaw ni mikhael at kaagad na humiga sa
malaking duyan.
"Kuya mikhael kami naman!" Pagmamaktol nina tammarie, kendall at
zafara.
"Sorry girls, nauna ako dito" preskong sabi ni mikhael sa mga ito
tsaka sinuot ang shades niya na akala mo nasa beach siya.
"Sana gapangin ka malalaking langgam!" Mataray na singhal ni
kendall dito.
Sumuko na sina tammarie at zafara, pero si kendall di pa din ata
talaga susuko na makaupo duon sa may duyan.
"Sorry kendall, mga babae ang gumagapang sa akin" nakangising
sabat ni mikhael dito at bahagyang ibinaba ang suot niyang shades.
"Nakakadiri ka!" Hiyaw ni kendall sa kanya.
Tatalikod na sana ito ng hinigit ni mikhael ang bewang ni kendall
dahilan para dalawa silang bumagsak sa may duyan.
"MIKHAEL!" sigaw ni kuya ken dito.
Pero tawa lang ng tawa si mikhael habang tumitili si kendall.
"Kuya help!" Tili nito habang humihingi ng tulong sa kuya ken niya
na kaagad naman siyang nilapitan.
Kaagad na yumakap ito sa kanyang kuya. Si kuya ken naman ay
matalim ang tingin sa nakangising si mikhael. "What? Pinapaupo ko
na nga siya para share kami eh..." pangaasarpa nito.
"Go somewhere else kendall" utos sa kanya ng kanyang kuya.
Dahil siesta day namin ngayon ay pinayagan kami nina ate sol at
pastor gab na maligo. May maliit na falls dito, nagtayo din kami
ng tent dahil plano namin na mag bonfire mamayang gabi.
"Wow
infairness, para lang tayong nagbakasyon at di nagreretreat"
nakangiting sabi ni Zena habang nagpapatayo ng buhok. Kagagaling
lang niya sa pagswiswimming.
Bumaling ito sa tatlo na busy na pagkasyahin ang mga katawan nila
sa malaking duyan. "Girls ayaw niyong magswimming? Masarap,
malamig ang tubig" yaya niya sa mga ito.
"Ayaw namin ate Zena baka may ahas diyan" sagot ni Tammarie na
ikinatawa niya.
"Ahas ahas...ang arte nito!" Pangaasar sa kanya ni Zeus.
Sinamaan ni tammarie ng tingin ito. "Pake mo!" Singhal niya dito.
"Are you alright?" Napabalik ako sa wisyo ng tanungin ako ng
katabi kong si kuya matthew.
Inaayos namin ang mga barbeque para mamayang gabi. Sa bonfire kasi
ay pupuntahan kami nila ate sol at pastor gab maging si pastor
emil siguro ay sasamahan kami.
Nginitian ko siya. "Opo ok lang" sagot ko sa kanya.
Ibinalik ko ang atensyon ko sa aking ginagawa, pero di talaga
mapakali ang aking mga mata para lang makita kung nasaan si lucas.
Pero naisip kong baka lumalangoy ito kaya di ko siya makita.
"Cara swimming tayo! Punta tayo sa likod ng falls!" Yaya sa akin
ni suzy.
Palibhasa ay busy si kuya ken sa pagoorganize sa amin kaya ako
ngayon ang niyaya niyan. "Hmp! Di mo lang mahila si kuya ken eh"
sabi ko dito.
Kaagad sumimangot ito sa akin. "Tigilan mo ako sa kaartehan mo ha!
Tara na!" Utos nito sa akin.
"Sandali lang po...susunod ako" paninigurado sa kanya dahil alam
kong di ako titigilan
nito pag di ko siya pinagbigyan.
"Siguraduhin mo lang!" Pagbabanta pa niya.
Nagtusok din kami ni kuya matthew ng hotdog at marshmallow para
habang nagbobonfire ay may kinakain kami.
"Marami pa palang magagandang lugar dito bukod duon sa kubo"
kwento ni kuya matthew.
Tinanguan ko na lamang siya bilang pagsangayon ko sa kanya. Marami
pa itong kwento sa akin, pero maya maya ay nagpaalam na akong
susunod muna kay suzy sa paglanggoy.
"Can i come with you?" Tanong ni kuya matthew sa akin.
"Opo naman po!" Sagot dito tsaka kami sabay na lumusong sa tubig.
Tama nga ang sinabi ni zena na malimig dito.
"CARA!" tawag ni suzy sa akin. Lumabas ito mula sa likod ng falls.
"Gusto mong pumunta duon?" Tanong sa akin ni kuya matthew.
Naiilang akong umiling sa kanya. I can't... "uhm...dito na lang po
muna ako" palusot ko sa kanya.
"Dito na lang din muna ako, sasamahan kita" pahayag niya sa akin
na kaagad ko namang tinanggihan.
"Ok lang po ako kung gusto niyo pong lumanggoy ok lang" pagtulak
ko sa kanya, pero di ko naman iyon ginawa dahil ayoko siyang
kasama, ang ayoko lang eh gawin nito ang isang bagay na di naman
niya gusto para lamang sa akin.
"No, im fine here with you" sincere na sabi pa niya at ayan
nanaman ang pamatay niyang ngiti.
Nakababad lamang kami sa tubig pero di gaanong nagtungo sa malalim
na parte, para lang din naming iginagala ang paningin namin sa
kabuuan ng lugar. Ang ganda, ang tahimik at sobrang nakakarelax
talaga.
"Magandang bumalik dito para magbakasyon" biglang sabi ni kuya
matthew sa gitna
ng katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Opo...maganda din siguro kung kasama yung mga parents niyo tsaka
sila tita samantha, siguradong marerelax sila dito" suwestyon ko
naman.
Sandali itong natahimik, pero ramdam kong parang may gusto itong
sabihin. Kaya naman nilingon ko siya at batid ko ang pagkabigla
niya ng mahuli kong nakatingin siya sa akin.
"May gusto ka pong sabihin?" Tanong ko sa kanya.
Binibyan ako nito ng matamis na ngiti baho kakamot kamot sa
kanyang batok. "Uhm...after ng retreat, may family dinner kami.
Gusto sana kitang imbitahan" naiilang na sabi pa niya.
"Ah sige po, sasabay na lang ako kila suzy" pagpayag ko dito. Pero
nagulat ako ng umiling ito.
"Ahm...ikaw lang cara, gusto sana kitang ipakilala kina mommy"
diretsahang sabi nito na sobra ko talagang ikinagulat.
" P...po? Eh kilala naman po ako nina tita zyrene at tito matteo"
pahayag ko pa sa kanya.
Kita ko ang pagtaas ng kanyang adam's apple bago diretsahang
tumingin sa akin. "Gusto kasi nilang makilala kung sino yung
nililigawan ko" sabi niya na mas lalong nagpabato pa sa akin.
Nanlaki lamang ang aking
napatawa ito. "Hey don't
ko lang na makilala nila
niya but still di pa din
mata habang nakaharap sa kanya kaya naman
worry di naman kita minamadali eh, gusto
kung sino yung babaeng gusto ko" sabi pa
ako makapaniwala.
"A...ako po, gusto niyo?" Paniniguradong tanong ko dahil baka
nagkakamali lamang ako ng dinig.
"Yes cara, i like you...matagal na" seryoso na ito ngayon kaya
naman nakaramdam na
ako ng pagkailang.
Napayuko ako, nahihiya kasi akong salubungin ang mga titig niya,
"i can't pretend to be your friend anymore cara...i like you more
than that, but i know na hindi magiging madali because your still
into lucas" seryoso at diretsahang sabi pa niya na mas lalo kong
ikinahiya.
Di naman ako vocal sa lahat sa pagkagusto ko kay lucas, marahik ay
masyado akong halata?
Itinaas nito ang baba ko para magkapantay ang paningin naming
dalawa. "Im willing to wait, i know na hindi maganda ang image ko
sayo dahil marami akong flings...i just can't help it. Mahirap
umamin sa taong alam mong may ibang gusto" mahabang dugtong pa
niya.
"Na...nagcoConfess ka ba kuya matthew?" Tanong ko para malinaw ang
lahat.
Mariin itong pumikit habang nakangisi, pagkatapos ay dumilat din
naman ito at kaagad na nagtagpo ang aming paningin. "Yes Cara
Isabelle Mendez, i already confess my feelings for you" sabi niya
sabay kindat pa.
Naramdaman ko nanaman ang paginit ng aking magkabilang pisngi.
"Hoy bawal kiligin!" Pangaasar niya sa akin.
Napanguso tuloy ako. "Kuya matthew naman eh!" Daing ko dito pero
pinagtawanan lamang niya ako.
Mas nauna itong umahon kesa sa akin dahil humingi ng tuloy si kuya
ken sa kanya sa pagsesetup. Naiwan akong nakababad sa tubig dahil
nagpapahintay sa akin si suzy.
Bahagya kong inilublob ang mukha ko sa tubig. Malinaw kasi ito at
kita mo ang mga nasa ilalim.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Ay kabayo!" Gulat na hiyaw ko ng kaagad na tumambad sa akin ang
kanina ko pang hinahanap na si lucas.
Di pinansin nito ang aking pagkagulat. "Di
ba hindi ka marunong lumangoy, bakit nandito ka?" Seryoso ang
mukha nito na para bang nahaharap ako ngayon sa isang nakakatakot
na interview.
"Di naman ako lumalangoy, nakatayo nga lang ako dito oh" sagot ko
sa kanya.
Totoo ang sinabi ni lucas, di talaga ako marunong lumangoy kahit
nuon pa man. Nakakatawa nga dahil coach ni lucas si mommy at si
daddy sa swimming class samantalang ako na anak nila ay ni mag
floating ay hindi kaya.
"Anong sinabi sayo ni mikhael?" Seryosong tanong niya.
Ramdam ko nanaman ang paginig ng magkabilang pisngi ko ng maalala
ang sinabi ni kuya matthew sa akin kanina. "Ano!?" Inis na singhal
ni lucas ng di ako kaagad nakasagot sa kanya.
"Wala lang..." palusot ko dito na mas lalo namang ikinalukot ng
kanyang mukha.
"Sa hinaba haba ng sinabi niya, wala lang?" Mapanuyang sabi pa
nito sa akin.
Nanlaki ang mata ko. "Nakikinig ka sa usapan namin?" Akusa ko sa
kanya.
Agad akong sinamaan ng tingin nito. "Hindi! Kinausap niya ako
kanina bago pumunta dito, bilang nakakatandang kapatid mo daw
gusto niyang magpaalam sa akin para ligawan ka" naiiritang kwento
nito.
"Nakakatandang kapatid my ass! Kung ikaw lang din ang kapatid ko
wag na lang noh!" Parang nandidiri pang sabi nito sa akin.
"P...pumayag ka?" Malungkot na tanong ko sa kanya.
Humalukipkip ito at nagiwas ng tingin. "Wala akong pakialam sa
inyong dalawa, kahit magpakasal pa kayo ngayon, bahala kayo"
masungit na sabi nito habang nakakunot ang noo, kita ko tuloy ang
matulis
nitong nguso.
Tinaas ko ang hintuturo ko para ituro ang nguso niya. "Bakit
tumutulis yang nguso mo?" Tanong ko habang pinipigilan kong
mapangiti.
Tinabig nito ang aking kamay at halos mamatay ako sa nanlilisik
nitong titig sa akin. "Wala kang pakialam kagaya ng wala akong
pakialam sayo" asik niya sa akin at aambang tatalikuran na sana ko
nito ng magsalita akong muli.
"Ok lang namang umamin na nagseselos eh" parinig ko. Kahit halos
batukan ko ang sarili ko sa kakapalan ng mukha ko.
"Pardon?" Matigas na ingles na sabi niya.
"Wala po! Di naman ganuon ka kapal ang mukha ko para isiping
nagseselos ka" diresiretsong sabi ko at late na ng marealize ko
kung bakit ba walang kontrol ang dila ko.
Napalunok ako ng narinig ko ang ngisi nito. "Ahon na Cara, kain ka
na...gutom lang yan" mapanuyang sabi nito bago tuluyang umahon.
Napahampas na lamang ako sa tubig. Kainis talaga tong si lucas, ni
hindi man lang marunong makiride.
Nag dumilim ay nag umipisa na silang magsindi ng apoy sa gitna.
Naka upo na din kami pabilog habang hinihintay sina pastor. Ang
iba ay may kanya kanyang ng stick habang itinatapat ang
marshmallow sa apoy.
Katabi ko si suzy, samantalang sa kaliwa ko naman ay si kuya
matthew na ginagawa din ang ginagawa ng iba, si lucas naman ay
nakabusangot nanaman dahil kaharap ko lang din naman siya. Ang
sama ng tingin nito sa apoy.
"Here cara, try this" lapit sa akin ni kuya matthew ng stick na
may marshmallow.
Napakagat labi pa ako ng itinapat niya iyon sa kanyang kabi para
hipan, pagkatapos ay isinubo din naman
sa akin.
"Thank you po" pasasalamat ko sa kanya.
Nakangiti ako habang ngumunguya ng di sinasadyang nadapo ang
tingin ko kay lucas. Nanlamig nanaman ako sa matalim na tingin
nito sa akin. Galit nanaman siya, daoat siguro ay magpatingin na
itong si lucas o baka naman di doctor ang kailangan nito, para
kasing may sanib eh!
Nagsiayos kami ng upo ng dumating na sina ate sol, pastor gab at
pastor emil. Simpleng kwentuhan lang naman nung una, nagaasaran pa
nga ang mga ito. Pero sa huli ay naging seryoso na ang lahat.
"So, ang bilis ng araw guys...last night na natin bukas. Inadjust
kasi ng management ang schedule niyo for some reasons, but still
may sapat pa naman tayong oras" paguumpisa ni ate sol.
"So para mas exciting ang last night niyo bukas, isulat niyo sa
papel kung bakit kayo ng partner mo ang deserving na makakuha ng
isang napakagandang price" pagsuspense ni pastor emil.
"Anong price?"excited na tanong ni Zena.
"Isang piknik under the moonlight..." natatawang pangaasar ni
pastor gab.
"Sagot na namin ang lahat, all you need to do is pumunta duon"
dagdag pa ni pastor emil.
Dahil sa narinig ay walang pagdadalawang isip kong isinulat lahat
ng dahilan kung bakit kami ni lucas ang deserving na makuha iyon.
Pang MMK na nga ata yung reason ko eh, kulang pa ang isang yellow
paper.
"Good night guys! Bukas during breakfast namin iaanounce kung sino
ang makakakuha ng price ok?" Paalam sa amin ni pastor emil.
Sabay sabay kaming naglakad pababa sa kubo. "Lucas anong
sinulat mo?" Tanong ko sa kanya.
"Not interested" sagot niya.
Gusto kong hampasin siya sa braso kagaya ng ginagawa ko kay suzy
pagbinibiro ako nito kaso baka sapakin naman ako nito. "Grabe ka!
Lahat ng drama nilagay ko na dun para manalo tayo...tapos ikaw"
sumbat ko sa kanya.
Kahit madilim ay kita kong napanhiti ito. "Abnormal" sabi niya sa
akin bago ako iniwan magisa.
Maagang nagising ang lahat, sanay na din siguro dahil sa ilang
araw na ganito. Sabay sabay din kaming kumain ng agahan, at kita
kong mga wala ng reklamo ang mga ito sa pagkain.
"Good morning!" Bati sa amin ni ate sol.
Lahat kami ay nakangiting bumati sa kanya. "Nakapili na sina
pastor emil ng partner na magpiPicknik mamaya" masayang anunsyo
nito.
"Kami yan ni kendall!" Hiyaw ni matthew.
"Ayaw ko!" Hiyaa ni kendall sa kanya kaya naman natawa na lamang
kami.
"Tawa kami ng tawa habang binabasa ito, deserve talaga nila na
makapagusap...and to have a private time together" sabi pa ni ate
sol.
Lumapit ito sa lamesa, at halos mapunit ang labi ko kakangiti ng
mahimigan kong sa akin ito papalapit.
"Congrats cara and lucas...enjoy kayo mamaya ha! Bawal magaway"
natatawang paalala pa nito.
Kaagad akong nakatanggap ng pangaasar mula sa aming mga kasama.
"Ginawa mo nanaman akong masama sa reasons mo" naiiling na sabi ni
lucas.
"Hindi naman masyado!" Laban ko sabay ngiti sa kanya.
Di ako tinigilan ni suzy sa pangaasar dahil sa nangyari.
Nagliligpit na kami ng pinagkainan para makapunta na sa session
hall ng magulat kami ng humahangos na bumaba si kuya ken sa may
kubo.
"Hoy bakit may hawak kang phone!?" Sumbat ni mikhael dito.
Di siya pinansin ni kuya ken, diretso lamang itong lumapit kay
lucas. "Magrereport lang sana ako kina daddy kaya binuksan ko ang
phone ko...ngayon ko lang nakita na kagabi pa kumokontak ang
manager ni amiella" bungad nito kay lucas.
Napabuntong hininga na lamang ako, hanggang dito ba naman!
"What happend?" Kunot noong tanong ni lucas dito.
"Nasa hospital si amiella and she's looking for you" parang isang
putok ng baril ang sinabi ni kuya ken dahila kung bakit kita kong
nataranta si lucas.
"Call the driver...tell him mauuna akong umuwi" utos niya kay kuya
ken bago mabilis na umakyat sa kubo.
Di na ako nakatiis kaya naman sumunod na ako sa kanya. Naabutan ko
itong nagmamadaling inaayos ang kanyang dalang bag.
"Uuwi ka na lucas?" Tanong ko kahit halata naman.
"Amiella need me" maiksing sagot nito ng di man lang ako
tinitingnan.
"Pero lucas..."
"Shut up cara!" Pigil niya sa akin sanang sasabihin.
"Pero paano yung picknik mamaya?" Nanlulumong tanong ko pa, wala
akong pakialam kung makulitan siya sa akin.
"Amiella badly needs me..." muli pa niyang sabi habang sinasara
ang zipper ng kanyang travelling bag.
"Pero paano naman ako?" Malungkot na tanong ko sa kanya. Excited
na excited ako para mamaya tapos ganito.
"Paano ka? I dont give a shit!"
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 20
To Pastor Emil:
Kami po ng partner kong si Lucas ang deserving na makatanggap ng
picknick na iyon. Kasi marami po talaga kaming dapat na pagusapan.
Tsaka palagi kaming nagaaway...actually siya lang po pala ang
nangaaway sa akin. Lagi po siyang galit sa akin, di ko po alam
kung bakit? Ayaw niya rin akong kausapin, ni ayaw niya akong
makatabi o makita man lang...palagi siyang nakasimangot at galit
sa paligid.
Gusto ko pong makapagusap kami bago ako umalis sa bahay nila.
Ayaw niya po kasi ako duon, palagi niyang tinatanong kung kailan
ako aalis sa kanila. Gusto ko lang naman na makapagusap kami ng
matagal...pangarap ko po kasi iyon, ang makausap ng matagal si
lucas, duon lang masaya na ako. Gusto ko lang din po sanang
sabihin na mamimiss ko siya kahit palagi na lang niya akong
inaaway.
Kaya sana po secret lang natin ito ha! Kaya dapat sa amin niyo na
po talaga ibigay ang price! Nagmamakaawa po ako sa inyo!
Love...Cara :)
Natatawa ako hababg iniisip ko kung anong pinagsusulat ko duon sa
papel para lamang makuha namin ni lucas ang price na picknik para
mamayang gabi.
"Cara..." malungkot na tawag sa akin ni Suzy tsaka ako nito
niyakap.
"Wag kang magalala, kakalbuhin natin yang si amiella pag balik ng
manila" nanggagakaiting sabi ni suzy habang humihigpit ang yakap
niya sa akin.
"Aray naman...di naman ako makahinga niyan sa ginagawa mo eh"
natatawang suway ko sa kanya.
Di naman ako nito pinansin. "Don't worry ikaw lang ang tatanggapin
kong sister in law...sisters
tayo eh di ba!?" Pagpapalakas niya ng aking loob.
Mangiyak ngiyak ko itong tinanguan. "Oo naman...sisters tayo, kaya
may regalo ako sayo" sabi ko sa kanya.
Kaagad kong nakita ang pagkunot ng noo nito. "Sa inyo na ni kuya
ken yung picknik mamaya" masiglang sabi ko dito.
Nadismaya naman ako ng di man lang ata ito nakaramdam ng kahit na
anong saya. Ganuon pa din siya at mukhang malungkot.
"Oh, bakit parang nalugi ka pa?" Natatawang pangaasar ko sa kanya.
"Ayoko! Alam ko namang malungkot ka, sa tingin mo ba magiging
masaya ako duon kahit kasama ko si kuya ken kung alam ko namang
malungkot ka?" Pagdadahilan pa nito.
Pinisil ko ang magkabilang pisngi nito. "Ayos lang ako! At
mapapasaya mo ako kung tatanggapin mo yung alok ko" pagpupurisige
ko sa kanya.
Di naman sumagot si suzy ng direkta na tanggapin ang alok kong
picknik para sa kanila ni kuya ken. Pero magiging masaya talaga
ako kung sa kanila na lamang mapupunta iyon.
Kakabalik lang namin galing sa session hall dahil magtatanghalian
na. Nakaupo ako sa may hagdan ng kubo habang kumakain ng saging,
ang iba ay nasa may lamesa pa at di pa tapos kumain.
Nabalingon ako ng makita kong papalapit sa akin si kuya matthew.
Kaya naman nginitian ko siya pero seryoso lamang ito. Tumabi siya
sa akin kaya naman umusog ako ng kaunti.
"Ang gago ni Lucas" mahinahon pero ramdam ko ang galit sa kanyang
boses.
Nanlumo ang aking mga mata habang nakatingin sa kanya. Ramdam ko
kasi ang concern niya sa akin at parang sasabog talaga ng puso ko
sa sobrang saya dahil may isang kagaya niya na nagaalala para sa
akin.
Kinuha niya ang kamay kong nagpapahinga sa aking binti at tsaka
niya iyon mahigpit na hinawakan.
"Bakit ganuon kadali sa kanya na saktan ka? Mahalaga ka sa akin
Cara, masakit para sa akin na ganuon ka lang tratuhin ng ibang
tao...di nila alam kung gaano ko kagustong alagaan ka, tapos sila
tinuturing ka lang nila ng ganito" ramdam na ramdam ko ang
hinanakit sa boses ni kuya matthew.
"Thank you po kuya matthew" pasasalamat ko sa kanya. Naglahad ito
ng kamay kaya naman yumakap na lamang din ako sa kanya.
"Im always here for you cara..." paninigurado niya sa akin.
Pagsapit ng hapon ay marami din kaming ginawang iba pang mga
activity. Buti na lamang at tinutulungan ako ni ate sol. Bali
parang siya na din ang naging partner ko.
"Whoa! Enjoy Guys!" Pangaasar nina mikhael kina Kuya ken at suzy
ng paalis na sila para pumunta duon sa pagpipicknikan.
Sina Zeus at Thomas naman ay nakangisi lamang sa tabi nito. "Ikaw
na muna ang bahala dito Matthew..." bilin ni kuya ken dito.
Kaagad naman siyang tinanguan ni kuya matthew na nasa aking tabi
lamang. "Thank you cara" baling naman sa akin ni kuya ken.
Nginitian ko siya. "Wala po iyon, enjoy kayo" sabi ko at inilipat
ang tingin sa nakabusangot na si suzy.
Napangisi kami ni kuya matthew kay kuya ken. "Para namang ayaw mo
akong makasama niyan..." pangaasar ni kuya ken dito.
Nakangusong tumingala sa kanya si suzy. "Di naman sa ganun,
nalulungkot lang ako para sa kay cara" pagpapaliwanag niya.
Hinampas ko siya sa braso. "Mukha ba akong malungkot?" Pangaasar
ko dito.
Pero bago pa man ito makakontra sa akin ay kaagad ko na silang
pinagtulakan na dalawa para makaalis na. "Maaga kayo umuwi ha!"
Pangaasar ko pa sa mga ito.
Kami namang mga naiwan ay nagkanya kanya ng ayos ng aming mga
gamit. After lunch kasi darating ang shuttle para sunduin kami.
Magkakaroon pa muna kami ng final session bukas ng umaga.
Dahil maaga pa naman at wala at silang balak na matulog na ay
nagyaya ang mga ito sa ibaba ng kubo. Kaya naman nakaupo kaming
lahat sa mahabang lamesa habang kumakain ng banana chips at iba
pa.
"May 2 weeks pa tayo bago may second sem, saan tayo magbabakasyon
guys?" Tanong ni mikhael sa amin.
"Try natin sa Balesin! Maganda das duon sabi ng mga classmates ko"
kwento ni kendall sa amin.
"Beach nanaman!?" Kontra ni mikhael dito.
Sinamaan siya ng tingin ni kendall. " hindi ko hinihingi ang
opinyo mo!" Laban niya dito.
"Hoy! Mas matanda ako sayo ha, tsaka baka nakakalimutan mong wala
ang kuya mo dito!" Pananakot ni mikhael dito.
"Wala akong pake! Andito naman si kuya matthew, alam ko namang
takot ka sa kanya" balik ma pangaasar ni kendall dito tsaka
nagpahabol pa ng dila na kinainisan ni mikhael.
Inirapan na lamang ito ni mikhael at nagpatuloy sa pagkain. "Cara
di ba coach ni lucas yung parents mo?" Tanong ni Zeus.
Kaagad ko silang tinanguan, kaya naman nasa amin na ngayon ang
buong atensyon ng lahat.
"Sayang! Gusto din kasi naming magtry ng bagong sports ni
Thomas...yung kasing galing ba ni lucas" dugtong
pa niya.
"Ano bang ikinamatay ng parents mo cara?" Si Zena iyon.
"Ang alam ko, Car accident" sagot ko sa mga ito.
"Ang alam mo? Di ka sure?" Tanong ng katabi kong si kuya matthew.
Sandali akong napatahimik. "Uhm bata pa kasi ako nun, tsaka yon
kasi ang sinabi nila tita samantha sa akin" kwento ko sa kanila.
Simula ng nawala sina mommy at daddy di na nagpahandle pa si lucas
sa ibang swimming coach. Minsan sa mga competitions na sinasalihan
niya ay may nagmamanage lang sa kanya pero sala siyang kinuhang
coach para turuan talaga siya. Lahat ng alam niya ngayon ay galing
kina mommy at sa kanyang sariling magaaral.
Nagkwentuhan lamang kami buong gabing iyon hanggang sa dumating na
sina Kuya ken at suzy kaya naman sabay sabay na kaming umakyat sa
kubo para matulog.
"Alam kong nakulangan tayo sa araw guys, pero sobra akong naging
masaya na makasama kayo sa retreat na ito,till next time...wag
niyong kakalimutan yung mga natutunan niyo." Paalam ni pastor emil
sa amin ng matapos na ang last session namin. Naghihintay na din
ang shuttle para sunduin kami.
Isa isa kami nitong nilapitan at kinamayan. Nagpicture picture din
sila gamit ang cellphone ni kuya ken.
"Yes! Uuwi na tayo!" Hiyawan nung tatlong babae.
Kanya kanya kaming bitbit ng aming mga gamit habang papalapit sa
pinagpaparadahan ng shuttle.
"Mommy, daddy anong ginagawa niyo dito?" Gulat na tanong ni suzy
ng makita ang itim na Hiace van nila sa tabi ng shuttle at sina
tita samantha at tito luke na naghihintay sa labas nito.
Naglapitan
ang lahat sa mga ito at tsaka bumati. "Susunduin lang namin si
Cara" pahayag ni tito luke sa mga ito.
Kinuha ng driver ang dala kong mga gamit at inilagay iyon sa likod
ng van, nakita kong nanduon na ang mga naiwan kong maleta sa
bahay.
"Hala bakit si Cara lang...paano naman ako?" Pagtatampong tanong
ni Suzy sa mga magulang.
"Ayaw mo bang sumabay sa kanila?" Tanong ni tita samantha dito.
Kaagad umiling si suzy. "Sa inyo na lang po ako sasabay..." sabi
nito at kaagad na inabot ang mga dalang gamit sa driver.
Tumingin sa akin si tita samantha para humingi ng permiso kaya
naman tinanguan ko na lamang siya. Nagpaalam na din muna kami sa
iba pa na sasakay sa shuttle.
"Be safe guys..." paalam ni tito luke sa mga ito na inihatid pa
niya sa loob ng shuttle. Maging ang driver ay kinausap din nito
para sa ilang mga paalala.
Hinintay muna namin na makaalis sila bago kami sumakay ng van.
"Bakit niyo ba sinusundo si Cara mommy? Tsaka bakit ang daming
maleta sa likod?" Nagtatakang tanong ni suzy sa mga ito.
Magkatabi kaming dalawa sa likod ng upuan nila tito luke. Ako na
lamang ang sumagot kay suzy dahil alam kong nahihirapan si tita
samantha. Kanina ko pa kasi napapansing emosyonal ito.
"Uhm...suzy. Uuwi na kasi ako sa mga kamaganak ko" malumanay na
sagot ko dito habang nakayuko.
Napansin ko ang bago kabato ito sa tabi ko kaya naman bumaling ako
sa kanya at duon ko nakitang
papaiyak na ito. "Anong ibig mong sabihin? Di ka na sa bahay
titira?" Lumuluhang tanong pa niya.
Kinuha ko ang magkabilang kamay nito at tsaka hinawakan. Di ko na
din mapigilan ang aking mga luha. "Magkikita pa din naman tayo sa
School..." paninigurado ko dito.
"Pero di ka na sa bahay nakatira!" Himutok niya.
Napangiti ako sa tuluyang pagiyak nito. "Palagi na lang kitang
bibisitahin, promise!" Paninigurado ko pa sa kanya.
Pero imbes na sumagot ay niyakap na lamang ako nito at duon siya
umiyak sa balikat ko. "Wala na akong kasamang manuod ng movies!
Wala na din akong kukulitin sa kabilang kwarto pag di ako
makatulog sa gabi! Wala na akong kasabay pumasok sa school!"
Umiiyak na sumbat pa nito sa akin.
"Di ka pa ba nagsasawa sa pagmumukha ko? Mga bata pa lang tayo
palagi na tayong magkasama..." natatawang paangaasar ko dito
habang pinupunasan ko din ang aking mga luha.
Naramdaman ko ang pagiling nito. "Bestfriends tayo! Ayokong umalis
ka sa bahay namin cara! Malulungkot ako!" Himutok pa nito.
"Suzy don't worry palagi nating bibisitahin si Cara" malungkot
pero nakangiting baling ni tita samantha sa amin.
"Bakit kasi pinayagan niyo siyang umalis mommy?" Umiiyak na tanong
nito sa ina.
"Hindi Suzy, ako ang may gusto nito" pagsagot ko.
Kaagad na humiwalay si suzy sa akin. "Ayaw mo na ba sa amin?" May
hinanakit na tanong niya.
May lalo tuloy nagsituluan ang
aking mga luha. "Gustong gusto ko sa inyo suzy, sobra sayang na
makasama ko kayo...pero di naman habang buhay na kailangan kong
makisali sa family niyo" sagot ko sa kanya.
"Pero family ka namin! Magkapatid tayo di ba!?" Laban nito sa
akin.
"Alam ko...alam ko yon Suzy, kaya nga mahirap para sa akin na
umalis duon" garalgal na sabi ko pa.
Nagiiyakan kaming dalawa habang nasa byahe. Buti na lamang at may
alam na shotcut ang driver palabas diretsong valenzuela. Bago kasi
magdilim ay nakarating na kami duon.
Ang lungkot tuloy na aking nararamdaman ay nahaluan ng kaba.
Maraming naglaro sa aking isipan sa oras na makita ko na ang aking
mga kamag anak. Tatanggapin kaya nila ako?
Huminto kami sa isang bunggalo type na bahay. Kulay pink ito, sa
paligig ay may mga nagtataasang bahay din naman. Ito ang
pinakabungad sa lahat katapat ang isang kulay yellow na bahay.
"Andito na tayo" anunsyo ni tito luke.
Nakakapit pa din si suzy sa aking braso pagkababa namin sa Van.
Nagdoorbell si tito luke at kaagad na nagbukas sa amin ang isang
may edad ng babae.
Duon ko kaagad nakita ang pagkakahawig nila ni mommy. "Ikaw na ba
si Cara?" Na aamaeze na tanong niya sa akin bago niya hinawakan
ang magkabilang balikat ko at pinagmamasadan ang buong ako.
"Kamukhang kamukha mo ang mommy mo" nakangitng sabi pa niya bago
ako tuluyang niyakap.
"Siguradong di mo na ako naaalala, sanggol ka pa kasi nung huli
tayong magkita...ako ang Auntie
Elena mo" pagpapakilala niya.
Maya maya ay may lumabas na babaeng kasing edaran ko lamang. "Ito
naman ang aking anak na si Chelsie, pinsan mo" pagpapakilala niya
dito.
Dito ito lumapit sa amin, nakahalukipkip lamang ito habang
nakasimangot akong tiningnan muli ulo hanggang paa, bago ako
inirapan.
Niyaya niya din sina tito luke at tita samantha na pumasok muna
dahil nag handa siya ng dinner para sa amin.
"Pag may di magandang ginawa sayo yang Chelsie na yan, sabihin mo
kaagad sa akin dahil di ako magaatubiling kalbuhin siya" bulong sa
akin ni suzy.
Nang matapos ang dinner ay nagpaalam na din sina tita samantha na
uuwi na sila kaya naman nagpresinta na akong ihahatid ko sila sa
labas.
"Ingat po kayo sa paguwi" nakangiting paalam ko sa mga ito buti na
lamang at di ako pumiyok.
"Ah...ang isang baby ko" umiiyak na sabi ni tita samantha at di na
napigilang umiyak.
Mahigpit ako nitong niyakap. "Magiingat ka dito ha, kumain ka ng
breakfast, wag kang mag skip ng meals, wala ako dito para bantayan
ka, sabihin mo lang pag gusto mong pumunta sa bahay, kahit anong
oras ipapasundo kita sa driver" umiiyak na bilin pa niya.
"Opo tita samantha..." sagot ko dito.
Matagil din ako nito bago binitawan. "Mamimiss kita sa bahay!" Si
suzy naman iyon bago ako muli niyakap ng mahigpit. Pero ng di na
niya napigalan ang umiyak muli ay mabilis itong tumakbo papasok sa
Van.
"Di na kami kumpleto sa bahay, magiingat ka dito..." paalam naman
ni titi luke sa akin tsaka ako niyakap.
"Maraming salamat po sa lahat tito luke...tita sam" muli pang
paalam ko pa.
"Pwedeng pwede kang umuwi sa bahay natin kahit anong oras Cara"
pahabol pa ni tita samantha bago ako halikan sa pisngi.
Parang tinutusok ang dibdib ko habang tinatanaw ko ang paglayo ng
kanilang sasakyan. May parte sa akin na gustong habulin iyon at
sumama na lamang sa kanila paauwi. Tinanaw ko ang kabuuan ng
bagong kong magiging tahanan.
"Mag share na lang muna kayo ni Chelsie ng kwarto" sabi ni auntie
elena habang naghahanda dahil mukhang aalis siya.
Di na nga ako nito hinintay na magsalita pa dahil kaagad na itong
lumabas ng bahay. Nagtungo na lang ako sa kwarto ni Chelsie dahil
anduon na din naman ang mga gamit ko.
Nakita ko itong naglalaptop sa taas ng kanyang kama. "Ok lang ba
sayong tabi tayo diyan sa kama?" Nakangitng pakikipagusap ko sa
kanya.
Inirapan ako nito tsaka dinampot ang isang unan. "Ofcourse not!
Diyan ka sa sahig" mataray na sabi niya sabay bato ng unan sa
akin.
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 21
LUCAS POV
"I still need you here lucas" namamaos na sabi ni amiella sa akin.
She's still in the hospital. She committed suicide dahil issues
nila ng parents niya. Amiella badly needs attention from the
people around her. If you fail her, she'll probably do everything
para mapansin mo siya.
Napabuntong hininga ako at muling napaupo sa upuan sa gilid ng
kanyang hospital bed. She is still a very important person to me.
"Thanks" she smile wickedly.
Tinanguan ko na lamang siya. Kakauwi ko lang kahapon galing sa
retreat namin, dito kaagad ako dumiretso sa hospital dahil sa
pagaalala ko sa kanya. I scanned my phone, wala pa ding reply si
ken kung nasaan na sila ngayon at kung anong ginagawa nila.
Napatingin ako sa mapayapang mukha ni amiella na mukhang malalim
nang natutulog ngayon. Hinawi ko din ang mga tikas ng buhok nito
na humaharang sa kanyang mukha. She's still beautiful. But time
really can change someone's heart. Mahalaga siya sa akin, hanggang
duon na lang iyon ngayon.
"Lucas" tawag ni tita Astrid.
Kaagad akong tumayo para salubingin siya ng halik sa pisngi. "Good
morning tita" bati ko dito.
"Sorry sa abala Hijo, ang dami kasing kailangang asikasuhin sa
office" paghingi nito ng paumanhin. Sa itsura nito ngayon ay
nahalata kong kagagaling lamang nito sa office nila at di pa
nakakapagpahinga.
"Are you sure tita? Ayaw niyo po bang magpahinga muna" tanong ko
dito, she looked so stress.
Nakangiti itong umiling sa akin. "I can handle this lucas, thanks
for the concern, masyado
ka ng naabala ni amiella" sagot nito sa akin.
Tumango na lamang ako at nagpaalam na. Nagpasundo na lang ako sa
driver dahil di ko kinayang magdrive dahil sa pagod at sa puyat.
Kaagad binuksan ng mga guards ang gate para makapasok kami sa
bahay. Di naipasok ng maayos ng driver ang gamit naming ford
everest sa garahe dahil nakaharang ang itim na hiace van namin.
"Sinong gagamit Yaya?" Tanong ko sa isa sa mga katulong namin.
Sigurado naman kasing hindi si Daddy dahil may sarili din itong
sasakyan, ginagamit lang namin ang van pag may pupuntahan kami ng
sama sama.
"Ang mommy at daddy niyo po sir lucas" sagot ng katulong sa akin
na kaagad ko namang tinanguan.
Papasok na sana ako at lalagpasan na ang van ng makita ko ang mga
maleta na inilalagay sa likuran nito.
"Lucas kumain ka na, nakahanda na ang tanghalian sa dinning"
salubong sa akin ni daddy.
"Saan kayo pupunta dad? Kanino yung mga gamit na yon?" Tanong ko
dito tsaka tukoy sa mga maleta.
Nakatutok ito sa kanyang cellphone habang kausap ko. At napairap
na lamang ako dahil duon.
"Can you atleast give half of your attention to me? im talking to
you dad" pangangatwiran ko sa kanya.
Dahil sa aking sinabi ay ibinaba din niya ang kanyang cellphone at
tsaka pinasok sa kanyang bulsa.
"Ano ulit yon?" Tanong niya sa akin na ikinainit ng ulo ko.
"Nothing dad" sabi ko sa kanya at kaagad siyang nilagpasan.
Papasok na sana ko sa front door ng makasalubong ko si mommy.
Namumula at namumugto ang mga mata nito.
"Mom what's the matter?" Nagaalalang
tanong ko sa kanya. She is my weakness.
Umiling ito sa akin habang nakangiti pero may tumulo pa ding luha
sa kanyang pisngi kaya kaagad ko siyang nilapitan. "Nagaway ba
kayo ni dad?" Tanong ko dito.
Yumakap ito sa akin at tsaka umiling. "Aalis na ang isa ko pang
baby" umiiyak na pagsusumbong niya sa akin na ikinanuot ng noo ko.
"What are you talking about mom?" Tanong ko sa kanya. Bahagya
itong humiwalay sa akin at tsaka nagpahid ng luha.
"Ihahatid namin si Cara sa mga kamag anak niya" paos na sabi nito
sa akin.
Napalunok ako ng mapansin kong di na pala ako humihinga. "That's a
good idea" i manage to smile kahit naging mahirap iyon sa akin sa
hindi ko malamang dahilan.
Mapait na ngumiti sa akin si mommy tsaka hinaplos ang kanang
pisngi ko. "You can't fool me lucas, mommy mo ako..." sabi niya pa
sa akin na para bang may alam siya na ako sa sarili ko ay di ko
alam. O baka naman ayoko lang aminin.
Nakatayo lamang ako sa front door habang sinusundan ng tingin ang
papalayo naming Van. Di ko namalayan na matagal na pala akong
nakatayo duon. Nasara na din kasi ng guard yung gate.
"Sir Lucas" tawag sa akin ng isang katulong.
"What?"
"Itatanong ko lang po sana kung gusto niyong initin ko yung
pagkain sa lamesa" magalang na tanong nito sa akin.
Kaagad akong umiling. "I won't eat" maiksing sagot ko dito at
kaagad na umakyat sa aking kwarto.
Pipihitin ko pa lang sana ang door knob sa kwarto ko ng kaagad na
maakit akong lapitan ang pintuan ng kwarto ni cara.
"It's true" pangungumbinsi
ko na lamang sa sarili ko ng makitang wala ng kahit anong gamit
duon bukod sa kama at sa iba pang nakadisplay sa kwarto. Walang
bakas ni Cara....
Nagshower ako pagkapasok ko sa kwarto at pagkatapos ay nahiga na
sa aking kama. I want to rest, i want to sleep but bakit parang
gising na gising ang buong diwa ko na kahit pagpikit ng aking mga
mata ay hindi ko magawa?
Hours passed and nakaidlip na din naman ako. Nagising ako at
nakitang madilim na sa labas, nakaramdam na din ako ng gutom kaya
mabilis akong bumaba para makakain.
"Nakahanda na ba ang dinner?" Tanong ko sa katulong na
nakasalubong ko.
"Yes po sir" sagot naman kaagad nito.
Didiretso na sana ko sa dinning ng marinig ko ang pagbukas ng gate
kaya naman lumabas ako sa pinto only to find out na nakauwi na
sila mommy.
"Hey what happend?" Nagaalalang tanong ko kay suzy ng makitang
umiiyak ito.
"Wala na si Cara" humihikbing sagot nito.
Gusto ko sana siyang lapitan pero kaagad na umiwas ito sa akin at
tsaka mabilis na tumakbo paakyat sa kanyang kwarto. Sumunod na
pumasok sina mommy at daddy.
"Your mom needs to rest" sabi ni daddy habang nakayakap ang mga
braso nito sa bewang ni mommy.
"Eat your dinner lucas" pagaalala ni mommy sa akin bago sila
tuluyang umakyat sa itaas.
Nanatili ako sa harap ng front door, nakabukas pa din ito, di ko
alam kung bakit parang may inaasahan pa akong papasok duon.
Nagulat ako ng pumasok ang isang katulong at mabilis na isinara
ang pintuan.
"May kailangan pa po kayo sir?" Tanong nito sa akin.
Umiling na lamang ako sa kanyang bilang sagot. What is this shit
happening to me?
What is this uncertain feeling inside me? F*ck!
CARA'S POV
Nanatili akong nakatitig sa kisame ng kwarto ni chelsea, naglatag
na lamang ako ng kumunot sa sahig para maging higaan ko. Sinilip
ko si chelsea sa kanyang higaan pero nakapikit lamang ito habang
may nakasuksok na earphones sa kanyang tainga. Humugot ako ng
napakalalim na hininga bago ako tuluyang umidlip.
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mga mata.
Napadaing din ako ng maramdaman ko ang pagsakit ng aking likod
dahil sa matigas na sahig. Nahiya ako ng makita kong malinis na
ang higaan ni Chelsea at wala na rin siya sa loob ng kwarto.
Sandali ko ding inaayos ang pinaghigaan ko at tsaka lumabas na din
sa kwarto.
"Good morning po Auntie Elena....Chelsea" bati ko sa mga ito.
Kapwa na sila nakaupo sa dinning at kumakain. Tinanguan lamang ako
ni Auntie Elena samantalang inirapan lang ako ni Chelsea.
"Umupo ka na at kumain" utos sa akin ni auntie Elena.
Umupo na lamang ako sa round table nila at tsaka sumandok din ng
pagkain. Di ako mapakali ng wala man lang akong nakitang juice o
gatas sa may lamesa. Di kasi ako sanay kumain ng walang kahit
anong panulak.
"May problema?" Tanong ni Auntie sa akin.
"Uhm...wala po bang gatas o kahit juice?" Nahihiyang tanong ko sa
kanya.
Nagulat naman ako ng sabay silang napatawa ni Chelsea.
"Tubig o kape? Mamili ka yun lang ang meron dito Cara"
"P...po?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.
"Di kami kasing yaman ng pamilyang pinanggalingan mo Cara, ito na
ang buhay mo simula ngayon kaya masanay ka na" pangaral sa akin ni
auntie.
Napayuko na lamang ako. "Sorry po" paumanhin ko, pagkatapos nuon
ay tahimik na lang akong kumain.
"Ma naman!" Sigaw ni Chelsea sa gitna ng hapagkainan na ikinagulat
ko.
"Manahimik ka diyan Chelsea ha!' Pagbabanta ni auntie elena dito.
"Sa mall kami pupunta ng mga kaibigan ko! Ano dalawang daan!?
Nagpapatawa ka ba ma!?" Himutok ni chelsea dito at pagpapakita ng
walang paggalang sa ina.
Nakita ko ang pagkainis ni Auntie Elena dito kaya naman kaagad na
ibinato sa gitna ng lamesa ang hawak na kubyertos. "Aba't lintek!
Wag mo akong sagarin bata ka! Tatamaan ka talaga sa akin hayop
ka!" Sigaw ni auntie dito habang dinuduro ang anak.
Di ko alam kung kaya ko pang lunukin ang pagkain na nasa aking
bibig dahil sa gulat sa mga nangyayari sa harap ng hapagkainan.
"Walang kwentang buhay to! Inuuna mo pa kasi yang sugal at
panlalalaki mo!" Sumbat ni chelsea sa ina bago padabog na umalis
na hapagkainan at tsaka malakas na isinara ang pintuan.
"Aba't p*tanginang bata yan!" Sigaw ni auntie dito kahit wala na
si Chelsea sa loob ng bahay.
Napansin ko ang pagtinggin sa akin ni auntie mula sa peripheral
vision ko. "Wag ka ng magulat
sa mga ganyan Cara, ganito talaga ako magdesiplina ng bata."
Paguumpisa niya.
"Hala sige aalis na ako, ikaw na ang bahalang magligpit nito" sabi
nito at kaagad na tumayo at isinukbit ang kanyang shoulder bag.
"Uhm auntie...saan ko po kaya pwede ilagay ang mga gamit ko?"
Tanong ko dito dahil hanggang ngayon di ko pa din mailabas ang mga
gamit ko sa maleta.
"Kung gusto ko, iyong pinto na iyon..." turo niya sa pinto katabi
ng pinto ng Cr sa may kusina. " bodega iyon, kung gusto mo ayusin
mo at gawin mong kwarto mo, ikaw ng bahala..." pagkasabi niyan
nuon ay kaagad na itong umalis ng bahay.
Di ko na tinapos ang pagkain ko at kaagad ko ng iniligpit ang
hapagkainan. Di man sanay sa mga ganitong gawain ay pamilyar naman
ako kahit papaano. Kinabahan ako ng muntik na akong makabasag ng
pinggan buti na lamang at kaagad ko iyong naagapan.
"Pwede na..." sambit ko pagkabukas ko ng pintuan na itinuro sa
akin ni Auntie Elena kanina.
Maliit lamang ang space ng kwarto may iilang mga nakatambak na
karton sa gilid, may kama na walang foam at may aparador pa. Pwede
na ito pang isang tao, pwede na para sa akin.
Nilinis ko muna iyon at tsaka iniligay sa ilalim ng kama ang mga
karton, nagwalis di ako at tsaka ng agiw. Ng malinis na ang lahat
ay kaagad kong kinuha ang mga maleta ko sa kwarto ni Chelsea para
ilagay sa magiging bago kong kwarto.
Naligo ako pagkatapos kong maayos ang magiging kwarto ko, tumawag
kasi sa akin sina tita samantha at suzy na pupunta sila sa SM
Valenzuela para makita ako. Malapit lang kasi ito sa bahay nila
Auntie.
"Oh aalis ka?" Salubong sa akin ni Auntie pagkauwi niya nung
tanghali.
"Opo...sa SM Valenzuela lang po" sagot ko dito.
Nailang ako sa kasama nitong lalaki. Nakakatakot kasi ang tingin
nito sa akin. Halata kasing nakababata ang edad nito kesa kay
auntie pero malaki ang katawan niya at mabato kaya di ganuon
kapanget kung magtatabi sila ni Auntie.
"Naku, Cara wala na akong perang maipapabaon sa iyo...talo ako sa
mahjong!" Paghihysterikal nito.
"Naku hindi po Auntie, may ipon pa naman po ako" pagtanggi ko
dito.
Kaagad na lumawak ang ngiti sa labi nito at kaagad na yumakap sa
braso ng katabi niyang lalaki. "Oh siya sige magingat ka" sabi
nito sa akin.
Sumakay ako ng jeep patungo sa SM, di naman ako nahirapan dahil
hindi naman gaanong tago ang bahay, malapit lamang din naman ito
sa kalsada.
"CARA!" malakas na sigaw ni Suzy pagkapasok ko sa Sm.
Marami ang napatingin dahil sa kanyang ginawa pero wala naman
itong pakialam dahil mabilis na lumapit ito sa akin at mabilis
akong niyakap.
"Na miss kita kaagad!" Nanggigigil na sabi nito at niyakap nanaman
niya na ako na para bang malalagutan ako ng hininga.
Malaki ang ngiti ni tita samantha habang papalapit sa amin. "Girls
kumain na muna tayo" yaya niya sa amin.
Kumain kaming tatlo sa isang restaurant. Sinabi nitong gusto din
sanang sumama ni tito luke ang kaso ang nagkaroon ng emergency sa
companya. Di naman na ako naglakas ng loob na tanungin ang kahit
anong tungkol kay lucas.
"Kung ganun, bibili tayo ng mga gamit mo sa kwarto
anak" sabi nito tita samantha. Tatanggihan ko pa sana siya kaso di
ito pumayag. Kaya naman pagkatapos kumain ay dumireto kami sa
botique.
Maraming binili sa akin si tita samantha, pero naging mainggat din
naman ito sa pagpili dahil sinabi ko sa kanyang may kaliitan lang
ang kwarto ko duon.
"Thank you po sa mga ito tita samantha..."
Kaagad ako nitong hinalikan sa pisngi. "Wala iyon, binibigay
talaga ng mga magulang ang the best para sa mga anak nila" sabi pa
nito sa akin.
Ayaw nanaman sana nila akong iwan kanina, sinabihan ko na lamang
si suzy na tatawag ako sa kanya mamayang gabi kaya pumayag na
umuwi din.
Pagkapihit ko pa lamang ng pintuan ay kaagad ng tumaas ang
balahibo ko dahil sa takot. Nagsisigawan nanaman kasi sila sa
loob.
"Punyeta ka talagang bata ka! Pinapahiya mo talaga ako!?" Sigaw ni
auntie Elena kay Chelsea. Napasinghap pa ako ng malakas niyang
sinampal ito.
Nakaupo si Chelsea sa sofa habang gulogulo ang buhok na kung di
ako nagkakamali ay sinabunutan ni auntie. Ang kasama niyang lalaki
ay preskong nakaupo sa sa katabi nitong sofa habang nakaboxer
shorts lang.
"Anong pumasok diyan sa kokote mo't naisipan mong magnakaw sa mall
ha!?" Sigaw ni auntie sa kanyang habang dinuduro ang ulo nito.
"Dahil di mo ako binibigyan ng pera! Inuubos mo kasi kakasugal at
sa panlalalaki mo!" Sigaw nito sa ina at kaagad nanaman siyang
nakatanggap ng sampal mula kay auntie.
Kaagad na tumayo ang lalaki na kasama ni auntie at tsala inawat
ito. Inakay na din nito si auntie patungo sa kwarto nito.
Lumapit ako kay Chelsea, para damayan siya. "A...ayos ka lang ba?"
Nagaalangang tanong ko sa kanya.
Masama akong tiningnan nito, pagkatapos ay bumaba ang tingin niya
sa mga paper bag na dala ko. Di ko alam pero mas lalo atang
nagalita ito.
"Mukha ba akong Ok!?" Sigaw niya sa akin at kaagad akong sinangga
para makaalis siya.
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 22
Medyo madilim na sa labas ng lumbas ako sa aking kwarto. Nag ayos
pa kasi ako ng mga bago kong gamit at tsaka inilabas ko sa mga
maleta ko ang mga gamit ko at inilagay iyon sa may aparador.
"Hi..." bati sa akin ng kasamang lalaki ni auntie, nagluluto siya
ngayon sa may kusina.
Tinanguan ko na lamang siya at tsaka tipid na nginitian. Hangga't
maaari sana ay ayoko siyang makasalamuha, naiilang kasi ako sa
kanya. Pero wala naman akong magagawa dahil pagkalabas ko sa
kwarto ay kusina agad, katabi pa nga ng pintuan ng kwarto ko ay
ang banyo.
"Ervic nga pala" pagpapakilala niya at nagpunas pa ito ng kamay sa
kanyang suot na pantalon bago niya inilahad iyon sa aking harapan.
Napatitig ako sa kamay niyang nakalahad sa aking harapan ngayon.
Di ko alam kung tatanggapin ko ba o hindi. Pero sa huli ay
tinanggap ko na lang. Ako ang bago dito, ako dapat ang magadjust.
"Cara po" sagot ko at mabilis kong tinanggal ang kamay ko sa kamay
niya.
"Ang lambot ng kamay ah...kutis mayaman pa" nakangising puna niya
sa akin at di pa nakuntento tiningnan pa nito ang aking paa
paakyat sa aking dibdib. At uminit ang ulo ko ng matagal siya
huminto duon.
Gusto na sanang lumipad ng kamay ko sa pisngi niya ng makita kong
papalapit na sa amin si auntie elena. "Di pa ba tapos iyan ervic?"
Tanong niya dito.
"Malapit na babe, gutom ka na ba? Gusto mo ako muna ang kainin mo"
malanding sagot ni ervic dito pagkatapos hapitin si auntie elena
sa bewang nito at hinalik halikan sa labi. Si auntie naman ay
tuwang tuwa na para bang kinikiliti.
"Ano ka ba! Nakikita tayo ni Cara oh!" Suway ni auntie dito at
tinulak papalayo sa kanya si ervic.
Napaiwas na lamang ako ng tingin. Palibahasa ay di halatang may
edad na si Auntie elena, kamukha niya nga yung artistang si Ina
raymundo. Di tuloy halata na malaki ang agwat ng edad nila nitong
si ervic na tansya ko ay nasa 28 o 30 na ang edad.
"Naayos mo na ba yang kwarto mo?" Tanong nito sa akin.
Kaagad akong tumango "opo" magalang na sagot ko sa kanya.
Nagbigay ako ng daanan ng lumapit ito sa pintuan at siya na din
ang nagbukas. "Saan galing ang mga gamit na iyan?" Tanong niya.
"Binili po ni tita samantha nung nagkita kami kanina sa mall"
sagot ko dito.
Napatango tango si auntie at hindi pa siya nahusto tuluyan pa
siyang pumasok sa kwarto ko para hawakan ang mga gamit ko.
"Mayaman siguro talaga ang mga iyon, ano bang bussiness nila?"
Tanong niya.
Kaagad kong nagamit ang aking konting katalinuhan. "Di naman po,
may kaya lang" sagot ko. Dahil may parte sa aking ayaw na malaman
nilang ubod ng yaman ang mga ito. Ayoko kasing mapahamak o madamay
sina tita samantha kung ano man ang pwedeng mangyari kung
nagkataon.
"Weh di nga! Ang ganda ganda nung sasakyan nila eh! Gwapo pa nung
luke!" Sabi pa nito at tsaka tinukoy si tito luke.
Nagulat ako ng lumapit ito sa akin tsaka kumapit sa aking braso.
"Ilakad mo naman ako duon sa tito luke mo" nakangiting sabi niya
na ikinagulat ko.
Gusto kong magalit sa kanya pero kaagad din naman niyang binawi.
"Biro lang!..." sabi niya tapos tumawa pa ng
malakas.
"Oh...hinga hinga din! Namumutla ka na diyan!" Pangaasar niya pa
din sa akin bago lumabas ng aking kwarto.
Kaagad akong humugot ng napakalalim na paghinga. Di ko kasi kinaya
ang mga pinagsasabi ni Auntie. Never kong hihilingin na magkasira
sima tita samantha at tito luke. At kitang kita ko naman sa kanila
na mahal na mahal nila ang isa't isa.
Maya maya lamang ay sumigaw na si tita dahil kakain na. Kaagad din
naman akong lumabas. Nakahain na sa lamesa ang kanin at piniritong
talong. "Kumakain ka ba nitong tinapang bangus?" Tanong ni ervic
sa akin.
"Opo" mabilis na sagot ko na lamang dahil ayokong pahabain pa ang
pakikipagusap ko sa kanya.
Napabalikwas nanaman ako sa gulat ng makarinig ako ng sigawan sa
may sala. "T*ngina kang bata ka! Lalabas ka diyan o pupukpokin ko
ng martilyo yang ulo ng tumino kang bwiset ka!" Sigaw ni auntie sa
labas ng pintuan ni chelsie.
Halos masira na ang pintuan kakakatok niya. "P*unyeta ka talaga
eh!" Pagbubunganga ni auntie habang nakasunod sa nakabusangot na
si Chelsie.
Kaagad na umupo ito sa lamesa para kumain na din. Kahit papaano ay
naging maayos naman ang aming pagkain.
"Di ako matutulog dito ngayon, may lalakarin ako" anunsyo ni
auntie elena sa gitna ng aming pagkain.
"Walang may pake" bulong bulong ni chelsie at may kasama pang
pagirap.
Buti na lamang at di na iyon pinansin ni auntie elena kundi ay
nagsigawan nanaman sila dito sa harap ng hapagkainan. Ayos na sana
ang lahat ngunit parang kinabahan ako sa idinugtong na sinabi ni
auntie.
"Si ervic na muna ang bahala sa inyo, mas ayos ng may kasama kayo
dito...uuwi ako bukas ng umaga" sabi pa nito.
Wala naman ng sumagot o kumontra pa sa kanyang sinabi. Naunang
umalis si Chelsie sa hapagkainan, pagkatapos ay si Ervic. Medyo
mabibilis kasi ang pagkain ng mga ito, si auntie naman ay hindi
matapos tapos ang pagkain dahil sa kanyang hawak na cellphone.
"Ikaw na ang bahala diyan cara" sabi pa niya at kaagad na umalis
patungo sa kanyang kwarto.
Pagkatapos kong kumain ay iniligpit ko na din ang hapagkainan.
Ayos lang naman ito sa akin, wala akong reklamo sa paguutos nila
sa akin, ganuon naman kasi talaga ang pamilya. May kanya kanyang
gawaing bahay na ginagampanan.
Sandali akong umupo sa may sala para manuod ng Tv. "Oh cara kayo
na muna ang bahala dito, uuwi din ako bukas ng umga" paalam sa
akin ni auntie elena.
Kasama niya si ervic na lumabas ng bahay, marahil ay ihahatid siya
nito sa may sakayan. Ang isiping babalik si ervic magisa at
lalakad sa aking harapan ay kaagad kong pinatay ang tv at
patakbong pumasok sa aking kwarto.
Sinigurado kong nakalock ang pintuan ng aking kwarto bago ako
humiga sa aking kama. Nagmadali akong kinuha ang aking cellphone
ng makitang nakailang missed calls na si suzy.
"SA WAKAS!" sigaw nito sa kabilang linya kaya tuloy bahagya kong
napalayo ang cellphone ko sa aking tenga.
"Akala ko kinain ka na ni Chelsie diyan!" Pangaasar pa nito sa
akin.
"Sorry, inayos ko pa kasi ang kwarto ko...anong ginagawa mo?"
Tanong ko sa kanya. Bigla ko tuloy namiss
si suzy, silang lahat...
"Nasa lanai ako nagpapahangin, gusto ko sanang manuod ng horror
movies pero natatakot ako kasi wala ka..." kwento niya at alam
kong nakanguso ito habang sinasabi iyon dahil sa lungkot ng
kanyang boses.
"Akala ko ba matapang ka?" Natatawang pangaasar ko sa kanya.
Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga nito sa kabilang
linya kaya naman napatawa pa ako. "Matapang lang naman ako
pagkasama kita" paglalambing pa nito.
"Wow naman! Sobra naman akong natotouch niyan! Miss na kita suzy!"
Paglalambing ko din sa kanya.
"Miss na din kitang babae ka! Pero sigurado akong babalik ka din
dito" rinig ko ang ngisi nito sa kabilang linya.
"Paano?" Nakangiting tanong ko.
"Edi pag kinasal na kayo ni Kuya!" Proud na proud na sagot niya na
akala niya parang ganuon lamang iyon kadali.
Pagkatapos nuon ay narinig ko ang tawa niya sa kabilang linya,
dahil sa pagiging tahimik ko.
"Gabi na bakit gising ka pa?" Lucas...
Di ako gumalaw sa aking pagkakahiga ng marinig ko ang kanyang
boses sa kabilang linya.
"Eh ikaw kuya gabi na, bakit gising ka pa?" Balik na tanong ni
suzy sa kapatid kaya naman di ko napigilan ang mapangiti. Mas
masaya siguro kung nakikita ko sila ngayon habang nagsasagutan.
Di ko narinig ang sagot ni lucas sa kabilang linya, siguradong
inirapan at sinamaan ng tingin lamang nito ang kanyang kapatid.
"Suzy!" Tawag ko dito, kumunot ang aking noo ng di na ako
nito sinagot.
"Miss ko na si Cara, ikaw kuya miss mo na din ba si Cara?" Tanong
ni suzy sa kabilang linya. Mukhang nakaisip nanaman ito ng
kalokohan.
Pero syempre di ko din naman binaba ang tawag, gusto ko kasi
silang marinig. Lalo na ang boses ni lucas.
"Miss mo na pala eh, bakit di mo sundan?" Pangaasar ni lucas kay
suzy.
Inaamin kong kahit papaano ay nasaktan ako ng di man lamang ito
nagpapakita ng kalungkutan gayong malayo na kami sa isat isa.
"Sus! Palagi nga kitang nakikitang nakasilip sa kwarto ni cara eh!
Miss mo na din siya noh!" Pangaasar pa ni suzy dito.
"Ofcourse not! Tinitingnan ko lang yung kwarto niya, balak ko
kasing gawing bodega ko!" Sigaw ni lucas sa kapatid.
Pero napailing ako ng malakas na tumawa si suzy sa kabilang linya.
"Eh bakit defensive ka!?" Balik ni sizy dito.
"You know what!? Kulang ka lang sa tulog, matulog ka na dun!"
Galit na sabi ni lucas dito.
"Suzy!" Tawag ko ulit sa kanya.
"Hey cara, i know you want this, makinig ka na lang diyan..."
mahinang sabi ni suzy sa kabilang linya.
Susuwayin ko pa sana siya ang kaso ay pareho kaming napahinto ng
may narinig kaming nagstrum ng gitara.
"Whoa! Kakanta ang kuya ko! Pwede na akong mamatay" natatawang
sigaw ni suzy sa kabilang linya na ikinatawa ko na din.
"Shut up" natatawang suway ni lucas sa kapatid.
Dahil sa pagtatambol ng puso ko ay kaagad akong napaupo sa may
kama. First time ko lang ding maririnig na kumanta si lucas.
Halos higitin ko ang hininga ko ng marinig ko ang sobrang manly
niyang boses.
The day I first met you
You told me you'd never fall in love
But now that I get you
I know fear is what it really was
Now here we are,
So close yet so far.
Haven't I passed the test?
When will you realize,
Baby, I'm not like the rest?
Don't wanna break your heart
Wanna give your heart a break
I know you're scared it's wrong
Like you might make a mistake
There's just one life to live
And there's no time to wait, to waste
So let me give your heart a break, your heart a break
Let me give your heart a break, your heart a break
Oh yeah, yeah
Napangiti ako lalo ng makarinig nanaman ako ng tawa ni suzy sa
kabilang linya, pumalakpak pa nga ito habang pinupuri ang kanyang
kuya, pero maya maya ay natahimik din sila sa kabilang linya.
"Seriously kuya, nakakalungkot pag wala si cara dito noh?"
Malungkot ma tanong ni suzy.
Napapailing na lamang ako sa tuwing gagawin niya iyo sa kuya niya,
na para bang gusto niya
itong hulihin. Inaasahan ko ng masasaktan ako sa isasagot ni lucas
sa kabilang linya, pero mas di ko inaasahan ang kanyang sinabi.
"Malungkot...sobrang lungkot"
Nakatulog ako ng may ngiti sa labi dahil sa kilig. Siguro nga
namimiss din ako ni lucas kahit papaano. Nagising ako dahil
nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan.
Binuksan ko ang pintuan sa kwarto ko at tsaka pumasok sa banyo,
ginawa ko ang dapat kong gawin. Papasok na sana ako sa kwarto ko
ng makarinig ako ng ingay sa may sala.
"Ughhh...Ervic!"
Kinilabutan ako dahil sa impit ng ungol na naririnig ko sa may
sala. Kahit nakaramdam ako ng takot ay dahan dahan pa din akong
nagtungo duon.
Medyo madilim pero nagulat ako sa aking nasasaksihan ngayon.
Nakaupo si Ervic sa may sofa habang nasa kadungan niya si Chelsie
at kapwa sila Hubo't hubad. Nanigas ako dahil duon, gusto kong
tumakbo at magkulong sa kwarto pero di ko alam kung papaano.
Mas lumakas pa ang mga ungol nila. "T*ngna ang lamya mo naman!
Alis nga diyan" galit na sabi ni ervic at pinaalis si Chelsie sa
kadungan niya at tsaka itinulak pahiga sa may sofa.
Kaagad na dumagan si Ervic sa kay chelsie at dahil di ko na
makayanan ay mabilis na akong tumakbo patungo sa aking kwarto
kahit hinahabol ako ng malalakas na ungol nilang dalawa.
"Sh*t" hinihingal na sambit ko ng maalala kong di ko nga pala
magawang huminga duon kanina dahil sa takot at gulat.
Kung kanina ay may ngiti sa aking mga labi habang natutulog ako ay
ngayon naman ay di ko na magawang pumikit. Di ko lubos maisip kung
paano nagagawa ni chelsie iyon kay auntie elena.
Hanggang sa nagumaga na ay di pa din ako mapakali sa loob ng aking
kwarto. Di ko alam kung anong gagawin ko sa oras na makaharap ko
silang dalawa.
"Cara, lumabas ka na diyan at kakain na" tawag sa akin ni auntie
elena, mula sa labas ng aking kwarto.
Wala na akong choice kundi ang lumabas duon. Naabutan ko si
Chelsie na tahimik na kumakain sa lamesa. Bumati ako ng good
morning si auntie lang ang sumagot pabalik sa akin, si chelsie
naman ay inirapan lang ako samatalang si Ervic ay nakangisi lamang
na nakatingin sa akin.
Tahimik akong kumain, at di ko man lang sinubukan isa man lang sa
kanila. Ang tanging naguusap lamang ay si auntie at si ervic na
akala mo ay wala siyang ginawang mali kagabi.
"Mareng Elena!" Tawag ng isang babae sa may pintuan.
Kaagad na tumayo si auntie para puntahan ang kanyang bisita.
Nahinto ako sa pagnguya ng marealize kong kaming tatlo na lamang
ang maiiwan sa hapagkainan.
Maya maya ay padabog na ibinaba ni Chelsie ang kanyang hawak na
kubyertos. "Ang sarap mo ervic..." sabi nito kaya naman
napasinghap ako. "I mean ang sarap ng luto mo, salamat" bawi ni
chelsie at kaagad na tumayo papunta sa kanyang kwarto.
Di ko maialis ang tingin ko sa pinto niyang nakasarado na. Pero
dahan dahan ko pa ding ibinaling ang tingin ko sa pagkain ko, pero
di ko na napigilang mapatingin sa walanghiyang lalaking kaharap ko
ng magsalita ito.
"Alam kong nakita mo kami kagabi Cara..."
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 23
Pagkatapos ng mga sinabing iyon ni Ervic ay kaagad na akong
pumasok sa aking kwarto. Kumukulo ang dugo ko sa kanya. Naiinis
ako. Ngunit nakalabas din naman ako ng magpaalam si Auntie na
aalis sila.
Pagkalabas ko ng kwarto ay naabutan ko si Chelsie na nanunuod ng
Tv habang naglilinis ng kanyang kuko. Nang mahalata niyang
papalapit ako ay binigyan niya lamang ako ng mataray na tingin
pagkatapos ay ibinalik niya ang kanyang atensyon sa kanyang
ginagawa.
Umupo na lamang di ako sa kaharap niyang upuan, tutok na tutok
siya sa kanyang pinapanuod kaya naman hinintay ko ma lang munang
magcommercial bago ako nagsalita.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa Chelsie...pero nakita ko kayo
ni Ervic kagabi" diretsahang sabi ko pa, kahit muntik na akong
mautal utal.
Tamad lamang akong tiningnan nito na para bang wala lang. "So
what?" Mataray na tanong niya pa sa akin.
"Uhmm...pero boyfriend siya ni auntie, di mo ba iniisip yon?"
Tanong ko sa kanya.
Umirap na lamang ito at tsaka muling ibinalik ang kanyang atensyon
sa kanyang ginagawang paglilinis ng kanyang kuko. Bumagsak ang
balikat ko dahil inakala kong di na ako nito sasagutin pa.
"Kailangan kong gawin iyon..." mahinang sabi niya kahit hindi
nakatingin sa akin.
"Bakit?" Di makapaniwalang tanong ko pa.
Humugot muna siya ng malalim na bumtong hininga bago ako muling
sinagot. "Kailangan kong kuhanin ang loob ni Ervic, di ako
makakapayag na kuhanin
niya lang basta basta ang pera ni mama..." seryosong sagot niya sa
akin.
"Pero kailangan bang mangyari pa talaga iyon?" Nagtatakang tanong
ko. Pero nginisian lamang ako nito.
"Cara ito ang tunay na buhay, gagawin mo talaga ang lahat para sa
pera" pagmamayabang niya sa akin.
Napaisip ako dahil duon at hindi kaagad nakasagot sa kanya.
"Naaawa ako kay Auntie Marie, siya lang naman kasi ang bumubuhay
sa amin tapos ganito pa ang ginagawa ni mama" kwento niya pa.
Lalo tuloy akong nasabik na makinig sa kanya, totoo kasing wala pa
akong gaanong alam sa pamilya namin. "Sino si Auntie Marie?"
Tanong ko pa sa kanya.
"Kapatid nila mama, kapatid ng mommy mo...nasa texas siya ngayon
nakapagAsawa ng americano, wala pa iyong anak kaya naman suportado
niya kami ni mama, siya ang bumubuhay sa amin" sabi pa niya habang
busy pa din sa kanyang ginagawa.
Napaisip tuloy ako, masaya siguro kung makikilala ko din si Auntie
marie, mabait siguro siya.
"Ikaw, saan ka nga pala nagaaral?" Tanong nito sa akin, napangiti
naman ako dahil mukhang gusto niyang magkakilala kaming dalawa.
Sinabi ko sa kanya kung saan ako nagaaral. "Aba't mahal duon ah!"
Puna niya.
"Sina tita sam at tito luke ang nagpapaaral sa akin" kwento ko sa
kanya.
"Mayayabang naman ang mga estudyante duon! Porket public ang
university namin ay para na nila kaming tae kung tingnan" kwento
pa ni Chelsie sa akin, napagalaman ko kasing malapit lamang din sa
pinapasukan kong university
yung pinapasukan niya.
"Hindi naman lahat,may mababait din" sabi ko pa.
Tumango tango lamang ito habang kinukulayan ang kanyang kuko sa
paa. "Pero infairness maraming gwapo duon ha! Sino nga ba yung
student government president niyo last year?" Tanong niya na para
bang kilala niya ito.
"Student government president?" Kaagad akong nagisip.
"Oo yung gwapong matangkad..." sabi pa niya.
Nalukot na ang noo ko kakaisip. "Ah si kuya ken!" Sagot ko sa
kanya.
"Oo yun nga, kenneth nga ata yon eh" dugtong pa niya sa akin.
"Paano mo siya nakilala?" Tanong ko, dahil kahit naman sikat si
kuya ken sa university ay di ko inakalang kahit sa labas ay kilala
siya.
"Andami kayang poster nung nagElection kayo, pinagkukuha na nga ng
mga kaklase ko yung iba" natatawang kwento pa niya na lalo ko
namang ikinatuwa dahil nagshashare na siya sa akin ngayon.
"Kaibigan ko si Kuya ken, boyfriend kasi siya ni Suzy...yung
pumunta dito" kwento ko sa kanya, kahit wala pa namang ganuong
relasyon sina suzy at kuya ken ay alam naman naming lahat na duon
din ang punta nilang dalawa.
Nakita ko ang paglungkot ng mukha nito. "Oo, namukaan ko nga yung
babae nung isang gabi." Sagot niya na may halong pagkadismaya pa.
Napaisip tuloy ako na may crush siya kay kuya ken. "Pero di naman
siya yung pinakagwapong nakita namin duon" kinikilig na pahabol pa
nito.
Tiningnan niya na ako this time. "May project ata yung school niyo
nun, pumunta sa amin yung mga athlete niyo. Tapos nakita namin
yung isang swimmer...jusko napakagwapo!" Kwento niya with action
pa.
Napatawa naman tuloy ako dahil duon. Pero nung marealize ko yung
sinasabi niya ay kaagad akong kinabahan. "Marami kaming swimmer,
sino duon?" Kinakabahang tanong ko, napacross finger pa nga ako
para hilingin na wag sana si lucas. Ayoko kasi na may iba pang
nagkakagusto sa kanya.
"Yung pinakamagaling" sagot niya sa akin na kaagad ko namang
nakumpirma.
"Kilala mo ba iyon?" Tanong niya sa akin na parang excited pa.
"Hindi eh..." malungkot na sabi ko na nagpabagsak ng kanyang
balikat. Ok i lied...
Dahil hindi umuwi sina Auntie elena nung tanghalian ay niyaya na
ako ni Chelsie na kumain ng binuksan niyang de lata. "Kumakain ka
ba nito?" Tanong niya sa akin.
Tumango na lamang ako at ngumiti. Kahit papaano ay magiging magaan
din ito para sa akin dahil unti unti na kaming nagkakausap. At
gusto ko din sanang maging close kami kahit papaano.
Habang nag huhugas ako ng pinggan na naging regular na trabaho ko
na din dito sa bahay ay biglang tumunog ang aking cellphone.
Kaagad akong nagulat ng makita kong si kuya matthew iyon.
Tinatanong niya kung pwede pa akong imbitahin para sa gaganaping
family dinner nila.
Mga ilang minuto siguro akong nakatitig duon sa text niya pero di
ko pa din alam kung anong isasagot ko sa kanya. Kaya imbes na
magreply ako kay kuya matthew ay kaagad kong hinanap ang number ni
suzy at tinawagan iyon.
"Suzy..." problemadong tawag ko sa kanya.
"Bakit!? May ginawa ba sayo si Chelsie!? Teka hintayin mo ako
pupuntahan kita diyan!" Natatarantang sabi nito.
Napairap na
lamng tuloy ako dahil sa kanya at napatawa. "Hindi yon!"
Nakangiting sagot ko sa kanya.
"Eh ano!?" Parang disappointed pang sabi nito.
"Si kuya matthew kasi eh, nagtext sa akin kung pwede daw ba ako
bukas ng gabi para sa family dinner nila" sagot ko sa kanya.
Inaasahan ko ng sisigaw ito kaya naman nailayo ko ang cellphone ko
sa aking tenga. "Oh my gosh!!! Good luck sayo cara!" Tuwang tuwang
sabi nito.
"Bakit parang nananakot ka pa?" Natatawang tanong ko pa dito.
"Hindi naman! Excited lang ako para sayo...kailangan nating
paghandaan yan." Suwestyon niya na kaagad ko namang sinangayunan.
"Anong dapat natin gawin?" Tanong ko sa kanya.
Medyo nagtagal ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, marahil
ay nagiisip din ito. "Kailangan mo ng masusuot, kita tayo sa north
now na!" Pagkasabi niya nun ay kaagad niyang pinatay ang tawag
kaya naman nagayos na din ako.
Naligo muna ako bago nagbihis. Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita
kong nakahiga si Chelsie sa may sofa habang nanunuod ng Tv.
"Chelsie aalis muna ako sandali" paalam ko sa kanya.
"K" tamad na sagot niya sa akin.
Bubuksan ko na sana ang pintuan ng muli ko siyang binalingan. "Mag
lock ka ng pinto ha, babalik ako kaagad" nagaalalang sabi ko sa
kanya.
Nginisian ako nito. "Kaya ko ang sarili ko cara" pagmamayabang pa
niya kaya naman kaahad na akong umalis.
Mula sa bahay ay sumakay ako ng jeep. Pagbaba sa kanto ay nagabang
ako ng bus papunta sa north. Di pa naman ganuon ka late kaya
nakaupo pa ako sa bus.
Nang malapit na ay kaagad kong kinontact si Suzy pero di naman
nito sinasagot ang aking tawag, hanggang sa nakapasok na ako sa
mall at palakad lakad na sa loob.
Fr: Suzy
Sa Sbarro...
Maiksing sagot niya sa akin kaya naman kaagad ko itong pinuntahan
duon. Mahilig kasi ito sa pizza, silang dalawa ng kuya niya.
Pagkarating ko duon ay kaagad kong hinanap si suzy pero di ko siya
makita.
To: Suzy
Wala ka naman dito...
Text ko sa kanya,
Hinihintay ko ang
ng manigas ako sa
na bulto. Kasabay
ayaw kasi talaga niyang sagutin ang aking tawag.
reply niya at muli kong iginala ang paningin ko
kinatatayuan ko ng may maaninag akong pamilyar
nuon ay ang pagtunog ng aking cellphone.
Fr: Suzy
Sorry cara, may bigla akong lakad...but dont worry pinapunta ko na
diyan si kuya. Wag mo siyang paghihintayin ha! Lagot ka! ENJOY! I
LOVE YOU!
Text niya pa, kaagad akong napasapo sa aking noo. Iba rin kung
mangtrip itong si suzy minsan, Nakakawindang. NagInhale exhale
muna ako sa kinatatayuan ko bago ako dahan dahang naglakad patungo
sa lamesang inuupuan ni lucas. Natanaw kong kumakain na ito, at
may pagkain na sa may lamesa.
"Uhmm..." magcocompose pa lang sana ako ng sasabihin ng kaagad
itong nagsalita.
"You are 20 minutes late" seryosong sabi nito sa akin habang sa
kanyang pagkain nakatingin.
Napakagat labi ako at napatingin sa wrist watch ko. Pero narealize
kong wala naman kaming pinagusapang oras ni suzy.
"Eh, wala naman kaming pinagusapang oras ni suzy ah" pagtatanggol
ko sa sarili ko
para lang ipaglaban na hindi naman ako late.
Masama ako nitong tiningnan kaya naman napayuko na lamang ako.
"Have a seat... let's eat" utos niya sa akin.
Di na ako nagdalawang isip pa at kaagad na akong umupo. May fries,
at whole pizza...may large drink na din ibig sabihin inaasahan
niya talaga ang aking pagdating.
"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya habang sumusubo na din.
"Pakialam mo?" Tamad niyang sagot sa akin.
Kaagad nalukot ang aking mukha dahil nanaman sa kanyang sagot.
"Nagtatanong kaya ako ng maayos" bulong bulong ko na sinigurado
kong maririnig niya.
Narinig ko ang pagtikhim nito. "Wala naman akong dapat ipaliwanag
sayo, pero para tumigil ka diyan. Tumawag si suzy sa akin
nagpapasama dito...nagtext siya na ikaw daw pala ang makakasama
ko. so no choice..." tamad na kwento niya sa akin. At tamad din
akong tiningnan.
"Pasencya na sa abala..." paumanhin ko sa kanya.
"Dapat lang, istorbo ka eh" sagot pa niya.
"Sige umuwi ka na lang, ayoko naman na abalahin ka pa...sorry"
sabi ko sa kanya pero deep inside syempre ayoko na umalis siya.
"Drama!dalian mo na nga diyan at nang matapos na tayo" galit na
utos nito sa akin at tsaka kami muling kumain.
Habang kumakain ay di ko mapigilan ang mapangiti, bawing bawi na
ang naudlot naming picknik dahil dito. Ang sarap sa feeling na
kaharap ko si Lucas ngayon sa iisang lamesa. Ang sarap niyang
tingnan habang kumakain siya.
"Wag mo nga akong tingnan na parang gusto mo akong
kainin" masungit na suway sa akin ni lucas.
Umiling iling na lamang ako sa di ko malamang dahilan. "Ano bang
hinahanap mo?" Tanong niya sa akin.
"Hindi sinabi sayo ni Suzy?" Tanong ko sa kanya.
Pinatay nanaman ako ng kanyang matatalim na tingin. "Itatanong ko
ba sayo kung alam ko?" Inis na tanong niya sa akin.
"Kailangan ko kasi ng maisusuot na damit para bukas sa family
dinner nila kuya matthew" nahihiyang sabi ko sa kanya kasi di ba
parang ang akward naman nun na siya pa ang hihingan ko ng tulong.
Sandali itong natigilan, kaya tuloy akala ko magagalit siya sa
akin. Pero mas ikinagulat ko ng nginitian ako nito, ngiting pilit
na iisipin mong may binabalak siyang hindi maganda.
"Tama ka ng nilapitan cara, alam na alam ko ang mga style ng mga
naging girfriend ni matthew..." pagmamayabang niya sa akin at
diniinan pa talaga ang salitang mga. Pero kahit papano ay
nagkaroon ako ng pagasa na matutulungan talaga ako ni lucas
ngayon.
Nagsimula kaming maglakad, nakasunod lamang ako kay lucas dahil
pinapaubaya ko na sa kanya lahat ito, may tiwala naman ako sa
kanya eh.
"Kamusta na nga pala si Amiella?" Tanong ko habang nakasunod lang
ako sa kanya. Naiilang kasi akong sabayan siya sa paglalakad.
"She's fine" tamad na sagot niya sa akin.
Tumango tango na lamang ako, mabuti naman kung ganun. Iginagala ko
na lang din ang paningin ko ng magulat ako ng may humawak sa wrist
ko.
/>
"Bagal mong maglakad" masungit na sabi pa niya at tsaka ako
hinila.
Pero di talaga maalis ang tingin ko sa pagkakahawak niya ng aking
palapulsuhan ngayon.
"Ikaw...kamusta ka dun?" Mahinang tanong niya sa akin.
"Ha?" Di makapaniwalang tanong ko dahil di ko inaasahang ang isang
lucas eion jimenez ay may pakialam sa akin.
Masama nanaman ako nitong binalingan. "Uulitin ko pa ba?" Masungit
na tanong niya.
Napakagat labi ako, at muling nagpahila sa kanya. "Ayos lang ako
dun" nakangiting paninigurado ko sa kanya, nakalimutan ko tuloy ng
nangyayari sa bahay dahil kasama ko si lucas at hawak niya ang
kamay ko.
"Buti naman kung ganun" emotionless na sabi nanaman niya.
"Salamat sa pagaalala" paglalambing ko pa.
Napanguso ako ng padabog nitong binitawan ang kamay ko. "Assuming
nito" asik niya at iniwan nanaman ako sa paglalakad.
Pumasok si Lucas sa Boutique ng signiture Evening gowns. May dress
din naman daw sila duon kaya kaagad akong niyaya ni lucas na
pumasok duon.
"Black or dark blue" utos ni lucas duon sa isang babae.
"Bakit ang dami mong alam dito?" Tanong ko sa kanya. Nakaka amaze
kasi dahil kalalaki niyang tao ay siya pa ang pipili ng damit na
susuotin ko.
"Iiwan kita dito o mananahimik ka na lang?" Pagbabanta niya.
Syempre mas pinili ko na lamang na manahimik. Ayoko naman na iwan
niya ako dahil wala talaga akong alam sa mga ganito.
Pinagmamasdan ko si lucas habang nakaupo ito sa may sofa at
nagbubuklat
ng mga magazine. Siya talaga yung tipo ng lalaki na di mahilig
magsalita, masyadong tipid...misteryoso. Di mo tuloy alam kung
anong iniisip niya.
"Kinakabahan ako...mabait naman sina Tito matteo at tita Zyrene"
nakangusong pagkwekwento ko sa kanya. Gusto ko kasi talaga siyang
makausap eh.
"Edi wag kang pumunta" tamad na sagot niya sa akin.
"Pero pumayag na ako kay kuya matthew, ayoko naman na paasahin
siya...nakakahiya" sabi ko pa sa kanya.
Nakayuko lang si lucas habang seryosong nakatingin sa hawak niyang
magazine. "Sorry lucas..." paghingi ko ng paumanhin.
Tiningnan lamang ako nito, nakakaintimidate tuloy dahil magkatabi
lamang kami sa sofa. At mukhang wala naman siyang balak magtanong
kaya naman nagsalita na lang ulit ako.
"Kasi palagi ko na lang sinasabi sayong gusto kita, tapos ito ako
ngayon nagpapasama sayo para makahanap ng susuotin ko dahil
ipapakilala ako ng ibang lalaki sa pamilya niya" malungkot na
pagpapaliwanag ko pa, pero hindi naman sa ayokong pumunta sa
family dinner nila kuya matthew. Feeling ko lang kasi ay
pinagtataksilan ko si lucas.
Nanlaki ang mata ko habang tinitingnan ko ang pagtaas ng kanyang
kamay. At halos lahat ng balahibo ko sa katawan ay nagsitayuan ng
inilagay niya iyon sa ibabaw ng ulo ko at ginulo ang buhok ko.
"Hindi ka ba nahihiya sa mga pinagsasabi mo?" Nakangising tanong
niya sa akin.
Uminit ang aking pisngi tsaka ako umiling. "Gusto ko lang maging
totoo sayo lucas" sabi ko pa.
Tumango tango ito. "Im sorry Cara..." sabi niya na ikinalungkot ko
nanaman dahil parang alam ko na ang ibig niyang sabihin.
Mapait na lamang akong ngumiti, kailan ba kasi ako masasanay?
"Alam ko na yan, sorry kasi di mo kayang sukli..."
Di ko na natapos ang sasabihin ko ng kaagad niya akong pinigilan
na para bang mali ay nais kong sabihin.
"Im sorry dahil duwag ako"
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 24
"Di ka naman duwag ah!" Tanggi ko sa kanya.
Nginisian lang ako nito at tsaka kami sabay na napabaling sa
babaeng may dalang iilang dress. "Sir pwede na pong magsukat si
ma'm" magalang namang sabi nito pero halata kong nagpapapansin
siya kay lucas.
"Oh, aakayin pa ba kita patayo?" Tamad na baling niya sa akin.
Ayan nanaman ang pagiging abnormal ni lucas.
Nakanguso akong bumaling sa babae. Dahil sa pagtingin ni lucas sa
akin ay napilitan na lamang akong tumayo at sumama duon sa
malaking fitting room nila na may malaking salamin sa harapan.
"Ito po ma'm try niyo na po" nakangiting sabi sa akin nung babae
at tsaka inabot sa akin yung mga dress.
Buti na lamang at nakangiti ito sa akin kung hindi ay nagbeast
mode na ako sa harapan niya.
Yung una kong sinukat na dress ay kulay dark blue, medyo nailang
ako dahil medyo expose siya or baka hindi lang talaga ako sanay sa
ganitong klaseng damit.
"Ayoko nito" umiiling na sabi ko duon sa babaeng nagaasikaso sa
akin.
"Pero sabi po kasi ni Sir, titingnan daw po niya kayo" pagpigil
nito sa akin.
Muli akong umiling at isasara na sana muli ang pintuan ng marinig
ko ang boses ni lucas. "Matagal pa ba siya miss?" Medyo iritadong
tanong nito.
Parang nagataeng nakatingin sa akin yung babae na para bang
nagmamakaawa na lumabas na ako. Humugot muna ako ng isang malalim
na hininga bago ako tumango at dahan dahang lumabas.
Naglakad ako
papalapit kay lucas, pero nasa magazines kasi ang atensyon nito.
"Uhmm..." pagkuha ko ng atensyon niya.
Mabilis na bumaling ang tingin nito sa akin. Pilit ko na lamang
siyang nginitian. "Ayos ba?" Naiilang na tanong ko sa kanya habang
pilit pa din ang aking ngiti.
Ang blankong ekspresyon nito ay napalitan ng pagkairita. "Panget!"
Asik niya sa akin.
Nakakatawa ang ekspresyon ng mukha nito kaya naman natripan kong
lalo siyang inisin. "Ayos na to, ganito siguro yung mga sinusuot
nung naging girlfriends ni kuya matthew..." nakangiting sabi ko at
umikot pa ako sa harapan niya para ipakita ang kabuuan ng damit.
Napapitlag ako ng hawakan ako nito sa braso at pinatigil. "Palitan
mo nga yan dun!" Galit na utos niya sa akin.
Di ko rin naman gusto ang dress na ito pero na miss ko kasi pag
naiinis si lucas. "Bakit ba? Eh ito yung gusto ko..." laban ko sa
kanya.
Masama ang tingin nito sa akin. "Ako ang magbabayad ng susuotin mo
kaya ako ang magsasabi kung Oo o hindi" matigas na sabi niya na
nagpabato sa akin.
Matagal bago magsink in sa akin na ililibre ako ni lucas, siya ang
magbabayad ng damit na susuotin ko.
"Ano!?" Nakakatakot na asik pa niya sa akin.
Wala sa sarili na lamang akong napatango at napabalik sa loob ng
dressing room. Nakailang palit pa ako hanggang sa mahusto ito sa
black laced sleeves, bagsak lang ito hanggang above the knee, na
simple pero elegante pa din naman ang dating.
Nasa likuran lamang ako ni lucas habang binabayara niya yu g dress
na siya din naman ang pumili.
"Oh ito..." abot niya sa akin ng isang malaking paper bag.
"Salamat talaga dito lucas, andami ko na tuloy utang sayo"
nahihiyang sabi ko pa sa kanya.
"Oo at alam ko namang di mo mababayaran yan, kaya tatanggapin ko
na lang yang thank you mo" sagot nito sa akin habang naglalakad
kami.
Kaagad humaba ang nguso ko dahil sa sinabi nito. "Grabe naman
neto! Malay mo naman mabayaran ko din to" pagdadahilan ko pa din
sa kanya.
Blanko ako nitong binalingan. "Talaga lang ha?" Mapanuyang sabi pa
niya sa akin.
"Oo kaya! Sige ilista mo lahat ng utang ko sayo at babayaran ko ng
paunti unti" hamon ko sa kanya.
Nginisian ako nito na para bang isang napakalaking biro ang mga
pinagsasabi ko. "No need, kung pera lang din naman ang ibabayad mo
sa akin wag na. Madami ako nun" pagmamayabang pa nito tsaka ako
iniwan sa aking kinatatayuan.
Napaisip ako sa kanyang sinabi. "Lucas sandali!" Pagpigil ko dito.
Di ako nito pinakinggan kaya mas binilisan ko na lang ang pagtakbo
ko para maabutan siya. "Sabing sandali lang, may pagkabingi ka din
minsan noh?" Hinihingal na asar ko dito pero di ako nakangiti.
"Bakit ba kasi? Dumistansya ka nga ng konti..." inis na sabi nito
sabay tulak pa sa akin.
Muli nanamang kumunot ang noo ko dahil dito. "Kanina lang bati
tayo ah?" Di makapaniwalang sabi ko sa kanya.
"Kanina yon, hindi na ngayon" sarcastic na sabi niya at muli akong
tinalikuran.
Nakakabaliw din palang kasama ang isang to, nakakagulo ng
feelings. Di mo alam kung saan ka lulugar sa mga
pinagsasabi niya. Dahil sa aking pagkadismaya ay huminto na lamang
ako sa paglalakad.
"Bye lucas! Thank you ulit dito sa dress" sigaw ko sa kanya. Di ko
pinansin ang mga nakatingin sa aking tao.
Nang marinig niya iyon ay kaagad siyang napahinto at kunot na
kunot ang noo nito. Itinaas ko ang hawak kong paper bag. "Thank
you ulit dito, bye bye!" Paalam ko sa kanya at kaagad ko siyang
tinalikuran.
I sighed. In the nth time, lesson learned wag masyadong assuming.
Dahil di ko naman nagastos ang pera ko na nakalaan para da dress
ko ay napagpasyahan kong bilhan si Chelsie ng kahit anong
pasalubong. Pumasok ako sa penshoppe at duon ko siya binilhan ng
damit.
Dumiretso ako sa pizza hut at nagtake out ng whole pizza. Nakaupo
ako sa may isang table habang hinihintay ang tinitake out ko.
"Sira na talaga to" malungkot na sabi ko habang nakatingin sa
basag kong cellphone.
"Ako pa pala ang may utang sayo"
"Ay butiki!" Gulat na sabi ko ng may nagsalita sa harapan ko.
Nanlaki ang mata ko ng makita kung sino iyon.
"Lucas anong ginagawa mo dito? Bakit nandito ka pa?" Magkasunod na
tanong ko sa kanya dahil akala ko ay umalis na ito kanina.
"Gumagana pa ba yan?" Balik na tanong niya at di man lang pinansin
ang tanong ko sa kanya.
"Oo naman, tsaka wala naman akong gaanong katext" paliwanag ko pa
sa kanya.
Di na ito nakasagot pa ng dumating na ang order ko. "Para to sa
pinsan ko" nakangiting kwento ko kay lucas.
Inirapan ako nito, "tinatanong ko ba?" Tamad na sabi nito sa akin.
Inismiran
ko na lamang siya at nagpatuloy sa paglalakad. "Hatid na kita"
mahinang sabi niya na muntik ko talagang di pa marinig.
"Ano?" Naamaze pero mahinahong tanong ko sa kanya.
Nakatingin ito sa malayo habang nakahawak sa batok. "Hatid na
kita" di nakatinging sabi pa nito pero this time gamit niya na ang
normal na boses.
Kaagad naantig ang puso ko. Kung kailangan kong sakyan ang roller
coaster ride na feelings na ibinibigay sa akin ni lucas ay
tatanggapin ko.
"Totoo? Gusto ko yan!" Masiglang sabi ko, nakangiti lamang akong
nakatingin sa kanya ng nagsimula na itong naglakad at tsaka ko na
lang siya sinundan.
Ng makarating kami sa parking lot ay kaagad kong natanaw ang
kanyang itim na mustang. First time kong sasakay sa mustang niya
na niyaya niya talaga ako.
"Saan ba kayo banda?" Tanong niya habang binunuksan ang driver
seat, natural ay di na ako nito pagbubuksan pa ng pinto. Masyado
na ata akong siniswerte kung ganun.
"Valenzuela lang" nakangiting sagot ko sa kanya.
Tango lamang ang isinagot nito sa akin. Bubuksan ko na sana ang
passenger seat ng muli pa itong nagsalita na nagpatigil sa akin.
"So i can meet your cousin" sabi niya at nagtuloy tuloy na
papasok.
Nabato ako dahil duon hindi tuloy ako kaagad nakapasok sa
sasakyan, batid kong nagtataka ito kaya naman naiinis na tinatawag
na ako nito mula sa loob.
"Cara!' Tawag sa akin ng ibang boses, napabaling ako sa
pinanggalingan nito.
"Kuya matthew" nakangiting ganti ko sa matamis at malaki nitong
ngiti sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa akin.
Kita
ko sa peripheral vision ko ang paglabas ni lucas sa kanyang
sasakyan. Kita ko ang pagkagulat sa mukha ni kuya matthew pero
kaagad din naman siyang nakabawi.
"Andito ka pala lucas" nakangiting bati niya dito.
Di sumagot si lucas bagkus ay narinig ko lang ang malakas na
pagsara ng kanyang pintuan. "Anong ginagawa mo dito?" Seryosong
tanong ni lucas dito.
"Lunch meeting" tipid lang na sagot ni kuya matthew sa kanya.
Mukhang wala ng may balak na masalita sa kanilang dalawa kaya
naman binalingan ako ni kuya matthew. "Uuwi ka na? Hatid na kita"
yaya pa niya sa akin.
Kaagad akong nagpanic, dahil di ko alam kung paano sila iaaproach
na dalawa.
"Im with her matthew" madiin at palaban na sabi ni lucas dito.
Di siya pinansin ni kuya matthew. " i heard di ka na kina tita sam
nakatira, i want to know kung saan ka na tumutuloy ngayon cara"
pahayag naman ni kuya matthew sa akin.
Napatingin ako kay lucas pero masama lamang ang tingin nito kay
kuya matthew. Syempre ang pipiliin ko ay si lucas, pero nababahala
talaga ako sa sinabi niya kanina na gusto niyang mamimeet ang
pinsan kong si chelsie.
"Nasa iyo siya bukas Matthew, ako ang maghahatid sa kanya ngayon"
matigas at pinal na sabi nito.
Mukha namang naunawan ni kuya matthew iyon kaya naman natahimik na
lamang siya sa gilid.
"Let's go Cara" tawag sa akin ni lucas.
Gustong gusto kong magtatakbo papasok sa sasakyan niya, pero di ko
alam kung bakit may pumipigil talaga sa akin.
"Lucas..." nanghihinayang
na tawag ko sa kanya.
Kita ko ang paghinto ni lucas. "Uhmm...gusto ko sanang sumabay
sayo lucas pero..." di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil hindi
ko naman alam kung ano ang idadahilan ko sa kanya.
"Tumabi kayo diyan" seryoso at nakakatakot na sabi nito.
"Ano?" Naguguluhang tanong ko sa kanya pero di na ako nito
pinansin, mabilis siyang sumakay sa kanyang mustang.
"Cara" tawag sa akin ni kuya matthew at hinila niya ako palapit sa
kanya. Nagulat na lang ako ng mabilis na pinaandar ni lucas ang
kanyang mustang at pinaharurot niya iyon paalis sa amin.
"Im glad you choose me cara, kahit alam kong may ibang dahilan"
nakangiting sabi nito sa akin, pero ramdam ko ang lungkot dito.
"Im sorry" yun na lamang ang nasabi ko. Naguguilty ako dahil
parang ang lumalabas ay ginagamit ko lang si kuya matthew bilang
takbuhan pag may kailangan ako.
Buti na lamang at di na namin pinagusapan ang tungkol duon sa loob
ng sasakyan. Ang pinagusapan nq lamang namin ay ang tungkol sa
family dinner nila para bukas.
"Pasencya ka na kuya matthew kung hindi kita mayayaya sa loob ha,
wala kasi ang auntie ko" paumanhin ko dito.
"Ayos lang, ang mahalaga alam ko na kung saan ka nakatira ngayon"
nakangiting sagot niya sa akin.
Napapaisip tuloy ako minsan kung di ba napapagod si kuya matthew
kakangiti o baka sanay na talaga siguro siya na nakangiti palagi.
"Wow! Ang ganda talaga ng timming mo cara" salubong sa akin ni
chelsie pagkakita niya ng dala kong pizza.
"Kanina pa ako nagugutom..." kwento niya sa akin sabay subo.
Napangiti
ako dahil magaan na ang loob niya sa akin. Tsaka ko lang naalala
yung binili kong damit sa penshoppe para sa kanya.
"Grabe! Ito yung uso ngayon ah! Naku isusuot ko to sa first day ng
school...siguradong maiinggit ang mga kaibigan ko" tuwang tuwang
sabi pa niya sa akin.
"Buti naman at nagustuhan mo, sa susunod magshopping tayong
dalawa" pahayag ko pa na mas lalo niyang ikinasaya.
Madaling araw na ng makauwi sina auntie elena at ang kasama nitong
si ervic. Kaya naman nung umaga na ako nakapagpaalam sa kanya.
Naging mabilis ang oras nung araw na iyon para sa akin.
Nakangiti akong nakatingin sa salamin habang tinatanaw ang aking
sarili. Maganda din siguro kung si lucas ang kasama ko habang suot
ko itong dress na ito.
"You look stunning tonight cara" salubong sa akin ni kuya matthew
at nailang ako ng humalik ito sa aking pisngi.
Tahimik kami sa loob ng sasakyan na para bang ang akward ng
atmosphere. Kanina ko pa din napapansin ang mailan ilang malalalim
na buntong hininga.
"Ok ka lang po ba?" Tensyonadong tanong ko din naman.
"Uhmm...yeah...ofcourse" nauutal pang sagot nito sa akin.
Dahil nahalata kong di siya kumportable na makipagusap ngayon ay
hindi na lang din ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa
kanilang malamansyong bahay kagaya ng kina tita samantha at tito
luke.
Sinalubong kami nina tito matteo at tita zyrene. Inaasar asar pa
nga ako ng mga ito na para bang kabarkada lang namin sila. Ganuon
sila kabait, kaya naman napaisip din ako kung bakit medyo natakot
pa
ako nung una.
Isa isa akong ipinakilala ni kuya matthew sa kanyang lolo kasama
nito ang kanyang tita Mariel na kapatid namam ni tito matteo.
"Good evening po" nakangiting bati ko dito.
Iba ang tingin nito sa akin, tinging alam mong ayas niya sayo.
"Anyway matthew, may ipapakilala ako sayo..." bawi ng tita mariel
niya.
Kaahad itong nagpalinga linga. "Amanda...sweetheart come here"
tawag niya sa isang chinitang babae. Cute siya parang anime na may
halong disney princess na ewan. Basta maganda siya, petite, maputi
at mahinhin.
"Matthew i want you to meet Amanda Zobel, inaanak ko siya"
pagpapakilala ni tita mariel sa dalawa.
Dahil sa likas na pagiging gentleman ay kaagad na naglahad si kuya
matthew ng kamay dito. As usual may mga naging follow up questions
na din. Pero di nawawala ang patingin tingin ni kuya matthew sa
akin na marahil ay sinisuguradong ayos lang ako.
"Cara come ako na ang magpapakilala sayo sa ibang relatives namin"
yaya sa akin ni tita mariel.
Tatanggi sana si kuya matthew pero kaagad na akong hinila ni tita
mariel palabas sa may garden.
"Didiretsahin na kita Cara...Ayoko sayo para sa pamangkin ko. Did
you see Amanda? Kagaya niya ang nararapat para kay matthew"
madiing sabi niya habang pekeng nakangiti sa aking harapan.
Pinigil lang naman niya ang paghinga ko gamit ang kanyang
nagbabagang mga mata. Kaya sinamantala na din niya ang pagkabato
ko at mabilis akong iniwan duon.
Napasinghap ako ng marealize ko na ang pagkakulang ko sa hangin.
Kasabay nun ay ang pagtulo ng aking luha, mabagal hanggang sa
maging masagana.
"Hanggang dito ba naman umiiyak ka pa din?" Napabaling ako sa
nagsalita sa aking likuran.
"I feel so unwanted" humahagulgol na sumbong ko dito.
Kahit umiiyak ay naramdaman ko pa din ang pagtaas ng balahibo ko
ng hawakan nito ang aking braso.
"Teka! Gate crasher ka na ngayon?" Humihikbing tanong ko dito.
Ngumisi ito at umiling. "No, im a Superhero" mapangasar na sagot
niya sa akin. Feeling ko hindi nanaman si lucas itong kaharap ko.
"Ba...bakit naman?" Nagtatakang tanong ko sa sagot niyang
superhero.
"Cause im here to save someone"
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 25
Nakatitig lamang ako sa nakangiting si lucas. Para kasing hindi
siya ito. Pero nagbalik nanaman ang pagiging masungit nito ng may
nagsalita sa aking likuran.
"Lucas, what are you doing here?" Nagtatakang tanong ni kuya
matthew sa kanya.
Kaagad na lumapit si kuya matthew sa akin at inikot niya ang
kanyang kamay sa aking bewang. Mas lalong naging poker face ang
mukha ni lucas ng bumaba ang tingin niya dito.
"Lucas! Bakit ngayon ka lang" sigaw ni mikhael na papalapit sa
gawi namin.
"You invite him?" Tanong ni kuya matthew sa kapatid.
Kaagad tinaasan ni mikhael ng kilay si kuya matthew. "Oo bakit?
Siya na ang magiging coach ko sa Swimming kaya invited siya
syempre" sagot nito sa kuya niya at kita ko ang pagkindat nito kah
lucas.
Napatingin naman ako kay lucas pero tamad lamang nitong tinanguan
si mikhael. "Coach sa swimming? At kailan ka pa nagkainterest sa
paglangoy mikhael?" Kunot noong tanong ni kuya matthew dito.
Nginisian siya ng kapatid. "Actually kuya, kanina lang" mapangasar
na sagot ni mikhael dito at tsaka inakbayan si lucas para akayin
papasok sa kanilang mansion.
Kapwa namin sinundan ang pagpasok nung dalawa bago ako binalingan
ni kuya matthew at kitang kita ko ang pagaalala sa mukha nito
habang pinagmamasdan ako. Nakita rin marahil nito ang iilang luha
sa aking pisngi kaya naman marahan niyang pinalakbay ang hinlalaki
niya sa aking pisngi para punasan ito.
"Im sorry if i let this happened...promise di na mauulit" pagaalo
at paninigurado pa
niya sa akin.
Tipid ko siyang nginitian. "A...ayos lang po ako"
Umiling iling ito at tsaka ikinulong ang magkabilang pisngi ko
gamit ang kanyang magkabilang palad.
"I know your not, but promise di na talaga mauulit ito...kasalanan
ko tong lahat" paninisi niya sa kanyang sarili.
Umiling ako para tanggalin sana iyon sa isip niya at wag nang
sisihin ang kanyang sarili pero tuloy tuloy lamang itong
nagsalita.
"Did tita mariel hurt you? May ginawa ba siya sayo?" Sunod sunod
at nagaalalang tanong pa din niya sa akin.
Hinawakan ko ang magkabilang palad nito na nakahawak sa aking
kamay. Kita ko ang kakaibang sayang dala nun sa kanyang mukha
dahil kita ko ang pagliwanag nuon.
"Ayos lang po ako...wala siyang ginawang masama sa akin"
nakangiting paninigurado ko na sa kanya this time.
Mabuti na lamang at tinanggap niya na iyon. Tsaka niya ako niyaya
na pumasok na sa loob dahil magkakainan na. "Hija cara, umupo na
kayo" nakangiting paganyaya sa amin ni tita zyrene.
Pinaghila ako ni kuya matthew ng upuan. At mukhang di niha
narealize nakatabi ko si lucas. Pagupo nito at pagtinggin sa gawi
ko ay kita ko ang matalim niyang tingin sa aking gawi. Di ko alam
kung masama ba siyang nakatingin kay lucas o akala ko lang dahil
sa peripheral vision ko lang naman siya tinitingnan.
Nagsimula ng kumain ang lahat. "Eat a lot..." bulong
sa akin ni kuya matthew at naglagay na din ito ng pagkain sa aking
plato. Medyo formal ang dinner na ito na para bang hindi ka
pwedeng magkamali.
Ang tangi mo lang pwedeng gamitin ay fork at knife. Nakaattend na
din naman ako ng ganitong mga occasions pag kasama ko sina tita
samantha at tito luke, pero hindi ganito ang feeling na para bang
masyado kang malayo sa kanila.
Napakagat labi na lang din ako habang si kuya matthew na ang
naghiwa ng meat sa plato. Napatingin ako sa paligid buti na lamang
at busy din ang nga ito. Di naman sinasadyang napadapo ang tingin
ko sa katabi ng tita mariel ni kuya matthew na si Amanda Zobel.
Halatang mayaman ito.
"Lucas, you know Amanda right?" Nakangiting tanong ni tita mariel
kay lucas na ikinagulat ko.
Nagpunas ng labi si lucas gamit ang kanyang yable napkin na
nakalagay sa kanyang lap.
"Ofcourse...palagi siyang nakakalaban ni Suzy sa competitions"
nakangiting sagot naman ni lucas dito.
Dahil sa kanyang sagot ay nanlaki ang aking mata. Di ko kasi
inaasahan ang kanyang sagot. Muli kong pinagmasdan si Amanda, wala
naman kasi akong natatandaan na naging kalaban siya ni Suzy sa
pagbaballet nito.
"Matthew" pagkuha ng atensyon ng kanyang tita sa kanya. Pansin ko
kasing tahimik lamang na kumakain si kuya mattew at parang walang
pakialam sa mga nagiging paguusap.
"Yes tita" tugon niya dito at bumaling sa kanyang tita.
"Amanda is also a ballerina like suzy, pero nagmigrate ang family
niya sa states kaya duon na siya nagperform" nakangiting
pagmamalaki ng tita nito sa kanya.
Dahan dahan ang aking ginagawang pagnguya dahil kito kong ganuon
ang kanilang ginagawa na para bang bawal bumuka ang bibig mo
habang ngumunguya at kahit maliit na tunog ay di mo pwedeng gawin.
Bumaling naman ako kay kuya matthew, at tipid lamang itong
ngumiti. "Nice" matipid na sagot niya sa kanyang tita at kay
amanda.
Pagkatapos ay nagulat ako ng bumaling siya sa akin at mas lumawak
ang kanyang ngiti. "Eat up cara...gusto mo bang subuan kita?"
Mahinang bulong at pangaasar niya sa akin.
Dahil sa kanyang sinabi ay kaagad akong humarap sa aking kinakain,
pero di ko matiis na di tingnan ang tita niya na sigurado akong
pinapatay na din ako sa tingin.
Kaya pala napakapetite at ganda nito. Kagaya pala siya ni Suzy na
isang ballerina. Nung bata pa kami palagi akong sumasama sa
practice at recitals ni suzy. Sobrang inggit na inggit talaga ako
sa kanya dahil para siyang yung barbie na palagi naming pinapanuod
sa movie.
"No wine for you" seryosong bulong sa akin ni lucas.
Kumunot ang aking noo. Pagkatapos ay napatingin ako sa kanya ng
sumenyas ito sa isa sa mga katulong. "Pero
lucas..." pagpigil ko sa kanya pero di niya ako pinansin.
"Can have a apple juice or iced tea" utos nito sa ismag katulong.
Napabaling ako kay kuya matthew buti na lamang at may kausap ito
sa kabilang gawi namin.
"Gusto ko uminom ng wine" mahinang pagmamaktol ko sa kanya.
"No cara, you and suzy are not allowed" matigas na sabi nito at
umiral nanaman ang pagiging strikto niya.
"Kahit isa lang?" Nakangusong pamimilit ko pa.
Hindi ako nito pinansin bagkus ay nagpatuloy lamang ito sa kanyang
pagkain.
"Lucas...please?" Pagpupumilit ko sa kanya at hinawakan ko ang
matigas nitong braso para alug alugin.
Napakagat labi pa nga ako sa katigasan nuon at ng mapahawak pa ako
sa kanyang muscles. Grabe sobrang firm, ganuon siguro talaga
pagkaswimmer ka.
Masama ako nitong tiningnan pagkatapos ay bumaba pa ang tingin
nito sa kamay kong nakakapit sa kanyang braso. Habang nakatingin
siya duon ay kita ko ang pagtaas baba ng kanyang adams apple.
"Lucas?" Tawag ko sa kanya.
Ng makabawi ay kaagad nitong tinaboy ang pagkakahawak ko sa kanya.
"Just one glass cara, damn it napakatigas talaga ng ulo mong babae
ka" pagalit pang pagpayag nito pero nginitian ko na lang din siya.
"Thank you" sabi ko with sweet smile pa. Syempre naniniwala pa din
akong ang pikon talo.
Nang matapos ang dinner ay nagkanya kanya na ang mga matatanda.
Nagyaya
naman si Mikhael na magtungo kami sa may poolside nila.
"So kailan tayo magsisimula lucas?" Mapangasar na tanong niya
dito.
Pabiro siyang sinuntok ni lucas sa may braso at tsala silang
dalawa nagtawanan. Kung titingnan mo ang mga ito ay para silang
may tinatagong sikreto na dalawa. Pero ipinagsawalang bahala ko na
lamang iyon.
Umupo kami sa cottage nila na kagaya din ng kila lucas. Kasama
namin si Zena at si Amanda na mukha di ganuon kaayos.
"Ok ka lang?" Tanong ko kay Zena dahil parang wala ito sa mood.
"Ok lang...kaso may bitch tayong kasama" bulong nito sa akin.
"Mukha naman siyang mabait" singit ko dito.
Binigyan lamang ako ng what are you talking about look nito.
Pagkatapos ay mas lumapit pa sa akin.
'"Mukha lang yang mabait, pero maldita yan" naiinis na bulong niya
pa sa akin.
Nanahimik na lamang ako pagkatapos nuon at pinapanood ko na lang
ang bawat galaw ni amanda.
"So how's suzy?" Nakangiting tanong niya kay lucas pero parang
natarayan ako.
"She's fine, wala pa siyang sinasalihang contest ngayon...pero
she's still into ballet" seryosong sagot ni lucas dito.
Di ko alam kung naapektuhan lang ako nung sinabi ni Zena na
maldita ito o talagang mataray lang ang pagkakatanong niya. Di ko
alam, ayoko naman manghusga kaagad dahil di ko naman siya
ganuon kakilala.
"Gusto ko sanang mameet yung Auntie mo, para naman maging legal
yung panliligaw ko sayo" sabi ni kuya matthew sa akin. Di naman
ganuon kalakas yung pagkakasabi niya pero napansin kong nakuha
namin ang atensyon ni amanda.
"Ow...i thought wala kang girlfriend matthew" parang dissappointed
na sabi nito.
"Kaya nga..." sagot ni kuya matthew sa kanya.
Guguhit pa lang sana ang ngiti sa labi ni amanda ng may sumunod ng
sinabi si kuya matthew dito. "Kaya nga nililigawan mo si Cara,
para magkaroon na" nakangiting sabi nito habang diretsong
nakatingin sa akin.
"Yan ang kuya ko!" Kantyaw ni Mikhael.
Napatingin ako sa gawi nila. Akala
ng matalim at galit na tingin mula
Nanatili lamang ito nakatalikod sa
dalawang kamay niya sa magkabilang
ko ay makakatanggap nanaman ako
kay lucas pero nagkamali ako.
amin habang nakapasok ang
bulsa nito.
"That' what you get bitch" rinig kong mahinang ngisi ni zena na
nasa aking tabi.
"Pero sabi ni tita mariel..." parang iiyak na sambit ni Amanda sa
aming harapan.
"Ngayon lang nalaman ni tita mariel ang tungkol kay cara" sagot ni
Kuya matthew dito.
Kita ko ang lungkot sa mukha ni amanda at napayuko na lamang ito.
Nagkakaroon tuloy ako ng matinding feelings na may gusto ito kay
kuya matthew.
"Sir matthew, pinapatawag po kayo ng daddy niyo" sabi ng
kararating lamang na katulong.
"Cara sandali lang" paalam niya sa akin na kaagad ko namang
tinanguan.
"Take your time po"nakangiting sabi ko pa sa kanya.
"Teka kuya sama ako, kukuha ako ng drinks...ikaw cara?" Tanong
niya sa akin.
"Sige, thank you na din" sagot ko dito at sabay itong lumakad
papalayo sa kanyang kuya.
Naiwan kami ng tahimik na si amanda sa may cottage. Sina lucas at
mikhael ay nanduon pa din sa may poolside. "Uhmm..." maguumpisa pa
lang sana ako magsalita ng nauna na ito.
"Bakit ikaw pa?" May bahid ng hinanakit na saad nito.
"Bakit ako ang alin?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
Tiningala ako nito at nakita kong may bahid ng luha ang kanyang
pisngi. "Di ka nababagay kay matthew. Ako ang mas nababagay sa
kanya Cara" sabi nito sa akin.
Di ako nakasagot dahil sa kanyang sinabi. Matagal siyang
nakipagtitigan sa akin bago kami napahinto ng lumapit na sa amin
sina mikhael at lucas.
"Amanda ang ganda mo na talaga ngayon. Kung hindi ko lang alam na
ikaw yung panget na nerdy na kalaro namin dati popormahan kita"
natatawang sabi ni matthew dito at may kasama pang kindat.
Para namang di mapakali si amanda dahil duon. "What are you
talking about mikhael, di ko alam ang sinasabi mo" laban ni amanda
dito.
May lalong
napangisi si Mikhael dito. "Gumanda at nagiba ka lang ng pangalan.
Pero pagkarating mo kanina, alam na naming ikaw si Paulang panget"
pakikipagaway ni mikhael dito na parang bata.
"Hindi yan totoo!" Laban naman ni amanda dito.
Mas lalong tumawa si Mikhael. "Sinasabi ko na nga ba! Patay na
patay ka pa din kay kuya" pagkasabi ni mikhael nuon ay kaagad nag
walk out si amanda.
Nakangisi at napapailing na lamang si mikhael habang tinatanaw ang
paglayo nito. Pagkatapos nuon ay umupo siya sa inalisang upuan ni
amanda.
"Siya ang target ng bullies nung mga bata pa kami" paguumpisa ni
mikhael na kaagad na pinutol ni lucas.
"At isa ka dun" akusa ni lucas dito.
Kaagad na napailing si mikhael dito. "Di ah! Tinutulungan ko lang
si kuya. Makulit kasi iyon at nakakairita...dagdag mo pang panget
siya, akala mo may alien na lalapit sayo palagi" mapanlait na
kwento pa nito sa amin.
Nalungkot tuloy ako para kay amanda. Mukha kasing pareho kami ng
kapalaran. Ang kaso nga lang, siya mas pinili niyang magbago para
magustuhan siya ng ibang tao. Ako, di pa naman iyon pumapasok sa
utak ko sa ngayon. Umaasa pa din kasi akong magugustuhan din ako
ni lucas sa kung ano talaga ako.
"Paginaway ka nun Cara sabihin mo lang. Akong bahala sayo"
pagmamayabang nito sa akin.
Bumalik si kuya matthew sa kinalalagyan namin
pero di na muli pang nagpakita si amanda sa amin. Baka naoffend
ito dahil sa mga sinabi ni mikhael. Kahit kailan kasi ang isang
iyon napakaInsensitive. Pero kahit ganuon siya hindi kumpleto at
masaya ang lahat pag wala siya at ang kakulitan niya na minana daw
niya kay tito matteo.
"It's late cara, sa bahay ka na magpalipas ng gabi" sabi ni lucas
sa akin.
Nanlaki ang aking mata. "Talaga? Edi ba ayaw mo nga ako
duon?"tanong ko naman sa kanya.
"Sige wag na lang....uuwi na ako ingat ka na lang" seryosong sabi
nito at tangkang iiwan nga ako.
Ipapahatid na lang sana kasi ako ni kuya matthew sa driver nila
dahil hindi siya makakaalis dahil kinakausap siya ng masinsinan ng
kanyang lolo at daddy tungkol sa kanilang bussiness.
"Teka lucas sabay na ako!" Pagpigil ko dito.
Hindi siya nagsalita kaya naman ako na ang kusang lumapit sa
kanyang sasakyan. Kumatok ako sa passenger seat side para maUnlock
ang pintuan, nakahinga naman ako ng maluwag ng nabuksan ko iyon.
"Ano bang nakakain mo ngayon lucas? Bakit bumabait ka yata
ngayon?" Nakangiting tanong ko sa kanya.
Sinigurado kong nasa gitna na kami ng byahe bago magsalita.
Mahirap na baka mamaya ay topakin ito at pababain pa ako.
"Mabait na ba ako para sayo sa lagay na yan?" Nakangising tanong
niya pa sa akin.
"Uhm...pwede na sa akin. Mapagtyatyagaan ko na" sagot ko naman sa
kanya.
"Swerte ka dahil malapit na ang birthday mo" seryosong sabi nito
na ikinanuot ng noo ko.
"Ano namang kinalaman ng birthday ko sa pagbait mo lucas?" Tanong
ko pa din sa kanya.
"Kinausap ako ni mommy na maging mabait sayo dahil nga malapit na
ang birthday mo..." sagot niya sa akin.
"So...nagpapanggap ka lang na mabait sa akin?" Malungkot na tanong
ko sa kanya.
"Hindi ako nagpapanggap cara...napipilitan lang ako. Pero no
worries may deadline naman ang lahat ng ito" nakangising sagot pa
niya na ikinasakit ng puso ko.
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 26
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa dahil sa aking narinig
mula kay lucas. Nilingon ko pa nga ito habang nagmamaneho.
Prenteng prente itong nakaupo duon at seryoso ang pagdridrive na
para bang wala siyang sinabing masakit sa akin ngayon ngayon lang.
Dahil sa sobrang inis ay di ko na napigilan ang aking bibig. "At
talaga namang nagawa mo pang sabihin sa akin" may pagtatampong
sabi ko pa na may halong sumbat.
Sandali ako nitong binalingan habang nakangisi. "Im not a good
liar Cara, sinasabi ko kung ano yung iniisip ko..." pagdadahilan
pa nito sa akin.
"Kahit nakakasakit!?" Inis na tanong ko pa, Ewan nagiinit ang ulo
ko eh.
"Mas ok ng may masaktan kesa magsinungaling ka" sagot niya sa
akin. This time di na ito makatingin sa akin.
"Sus! Kunwari pa to" inis na pagpaparinig ko sa kanya.
"Ano?" Tanong niya sa akin at naguumpisa nang mairita.
"Wala..." sabi ko na lamang at itinuon ang buong atensyon ko sa
dinadaanan namin.
Bata pa lang ay mariin ng pinapaalala sa aming tatlo nila tita
samantha at tito luke na wag magsinungaling. Tinutupad naman namin
iyon ni Suzy at talaga namang nageeffort kaming iwasan
magsinunggaling. Pero ito namang si lucas ay nasobrahan ata ng
pagiging allergic sa kasinungalingan.
Inilahad ko ang dalawang kamay ko at nagsimulang magbilang.
Binilang ko kung ilaw pa ang natitira bago ang aking birthday.
"What the hell are you doing?" Tanong nito sa mahinahon na tono.
Di ko siya pinansin dahil busy ako sa pagbibilang at
nagcoconcentrate ako.
"...6,7,8" Pagtatapos ko ng bilang.
"8 days na lang bago ang birthday ko" matapang na pahayag ko kay
lucas.
Nginisian ako nito a para bang wala siyang pake. "So what?" Tamad
na sabi pa niya.
Nilunok ko lahat ng laway sa labi ko para walang maging sagabal sa
aking sasabihin. Inipon ko na din ang lahat ng tapang ko.
"Gusto ko sanang samantalahin na ang pagiging mabait mo" matapang
na pahayag ko sa kanya kahit gustong gusto ko ng masuka sa
pagkaikot ng aking bituka dahil sa sobrang takot at kaba.
"Uh huh...anong gustong mong mangyari?" Seryosong tanong nito na
para bang nasa isa kaming negosasyon.
"I'll try to make you fall for me...in 8 days" sabi ko.
Pagkatapos kong sabihin yon ay halos habulin ko ang aking hininga
dahil di ko pala nagawang huminga.
Napahinto ako ng marinig ang nakakalokong tawa ni lucas.
"Impossible yon Cara, nagpapatawa ka ba?" Pangaasar nito sa akin
at napapailing pa.
"Kaya nga susubukan eh" himutok ko naman.
"Masyado kang nega star!" Pahabol na akusa ko pa dito.
Napahalukipkip ako habang nakakunot ang noo dahil sa pagkainis.
"Ano namang mapapala ko dito?" Mapanghamon na tanong niya sa akin.
Napanguso ako, wala pa nga pala akong naiisip. "Uhmmm...syempre
pag nagtagumpay ako akin ka na...tayo na" sabi ko at halos
himatayin ang mga bulate sa aking tiyan buti na lamang at
bahagyang
pangiti ngiti lang ang aking nagawa.
Napatigil ang pagbubunyi ko sa aking naiisip ng magsalita si
lucas. "At paano naman kung hindi talaga?" Pamatay na tanong pa
niyang muli sa akin.
"Edi...uhmm, di na kita gugustuhin ibabaling ko na lang sa iba
yung feelings ko at titigilan na kita. Tatanggalin na kita sa
Checklist ko ng mga crush ko" mahabang sabi ko pa.
Kita ko ang pagikot ng mata ni lucas dahil sa kanyang ginawang
pagirap. "At marami ka pa talagang Crush ha..." mapanuyang sabi
nito.
Napataas ang isang sulok ng labi ko dahil sa sinabi nito. "Masyado
ka kasing gwapong gwapo sa sarili mo, kala mo siguro ikaw lang ang
crush ko" panlalait ko pa dito.
"Sige nga sino ba yang mga crush mo?" Panghahamon pa nito sa akin.
Itaas ko ang aking kanang kamay para magbilang at ipamukha sa
hambog na si lucas na hindi kakasya ang sampung daliri ko sa
kamay. "Sean O'pry, si Edward ng Twilight, yung magkapatid sa
Supernatural na mahirap bigkasin yung apelyido, si Christian Grey
at marami pang iba" pagyayabang ko pa sa kanya.
Ngumisi nanaman ito. "Sige nga pang ilan ako sa lahat ng yan?"
Tanong pa niya sa akin.
Napaiwas ako ng tingin. "Nakalimutan ko, titingnan ko na lang sa
Diary ko paguwi ko" pagsisinungaling ko dito.
"Talaga lang ha..." mapanuyang asar pa niya sa akin.
"Start tayo bukas ha...susulitin ko yung 8 days ko" pagbabanta ko
sa kanya.
Operation make Lucas Jimenez fall for
me in 8 days...
Pagkadating sa bahay nila ay kaagad kaming sinalubong ni tita
samantha at suzy. Kita ko ang kakaibang tingin ni tita samantha sa
anak na para bang gusto niyang makitang nagiging mabait na talaga
sa akin si lucas.
"Welcome home cara, miss na miss ka na namin dito" salubong sa
amin ni tita samantha tsaka ko hinalikan sa pisngi.
"Sa room ko ikaw matutulog ha, manunuod tayo ng horror movies"
sabi ni Suzy at nakakapit na ngayon sa aking braso.
Nginitian ko na lamang siya at tinanguan. "Inaaway ka pa ba ni
Lucas?" Tanong ni Tita samantha sa akin.
Kaagad nagshift ang mood ko at mabilis na lumawak ang aking ngiti.
"Mabait po si Lucas sa akin, nagulat nga po ako eh...unti unti na
po siyang nagbabago" nakangiting sagot ko pa kay tita samantha na
mukha namang kinagat niya.
Napabaling ako kay lucas at nginitian siya. Ngiting may kahulugan.
"Magpapahinga na po ako Mommy...napagod ako sa pagiging mabait kay
Cara" sagot nito sa mommy niya at medyo mahina na ang bandang dulo
sabay baling sa akin at pinanlakihan ako ng mata.
"Oo nga po, kasi niyaya ako ni lucas na lumabas bukas."
Nakangiting kwento ko sa kanila.
Ang katabi kong si suzy ay napabitaw sa aking braso at nalipat ang
kamay siya panakip sa kanyang bibig habang nanlalaki ang kanyang
mata.
Kita ko naman ang masayang mukha ni tita samantha ngayon. "Tama
yan, kailangan niyo din magBonding paminsan minsa..." payo pa nito
na kaagad kong tinanguan.
"Opo tita, 8 days din yon"
tuwang tuwang sabi ko pa.
"Anong 8 days?" Magkasabay nilang tanong ni Suzy.
Napatingin ako kay lucas pero naka poker face lang ito sa akin.
"Idiot" parinig niya sa akin sabay pasok sa kanilang bahay.
Buti na lamang at kinagat nila ang ginawa kong pagdadahilan nung
gabing iyon. Sinamahan ko din si Suzy na manuod ng horror movies.
Pagkatapos naming kumain ng breakfast kinaumagahan ay nagpaalam na
ako sa kanila na kailangan ko ng umuwi kina auntie elena ko.
"Mamaya ha" paalala ko kay lucas.
Desidido na ako. Kailangan ko ding subukan, minsan talaga
kailangan mong tanggapin ang mga opurtunidad para malaman mo kung
may pagasa ba ang isang bagay.
"So kailangan pa kita sunduin?" Inis na tanong nito.
Umiling ako. "Hindi na, nakakahiya naman sayo" pagtanggi ko sa
kanya.
"Wow...meron ka pa pala non" sabi pa nito sa akin.
Tatalikuran na sana ako nito ng kaagad kong hinawakan ang kanyang
braso. "Bawal magdala ng sasakyan ha..." sabi ko sabay kindat sa
kanya.
Para naman itong nainis sa akin. "Wag ka ngang magpaCute diyan! Di
bagay sayo" asik siya at tsaka niya padabog na binawi ang kanyang
braso.
Hindi ko pinansin ang panlalait niya sa akin. "Ako ang nagyaya ng
date kaya ako ang susundo sayo dito" sabi ko habang sa malayo
nakatingin.
Kita ko sa peripheral vision ko na nakatitig pa din ito sa akin.
"This is just a waste of time cara, walang mabubuong feelings o
pagtingin in 8 days...kalokohan iyon" mariing pagpapaliwanag niya
sa akin.
Malungkot ko siyang tiningnan.
"Kaya nga susubukan ko" mahinang sabi ko pa sa kanya.
"Masasaktan ka lang..." sabi niya pa sabay alis sa aking harapan.
Naiwan ako sa harap ng pintuan nilang magisa ay napabuntong
hininga. "Sanay na..." may hinanakit pang bulong ko.
Tahimik ang buong bahay pahkadating ko. Pero nagtaka ako dahil
bukas ang pintuan. Malinis ang lamesa at walang bakas na
magalmusal ang mga ito.
"Auntie Elena" pagtawag ko pa dito.
Walang sumagot kaya naman dumiretso ako sa kwarto ni Chelsie, pero
nanlaki nanaman ang aking mata ng may marinig akong kakaibang
tunog. Gusto ko nanaman tuloy na tumakbo na lamang palabas.
Mga ungol iyon na gawa ng mga taong nagtatalik. Sa kwarto ni
auntie elena iyon nanggagaling.
"Hoy!" Panggugulat sa akin ni Chelsie.
Buti na lamang at di ako napasigaw sa kanyang ginawa. "Kumain ka
na ba?" Tanong niya sa akin.
May dala itong pandesal, nagtungo siya sa lamesa at tsaka
nagtimpla ng kape. Lumapit ako sa kanya kahit nakakailang na may
mga naririnig kaming mha ganuong bagay.
Nginisian ako nito ng mapansin niyang di ako kumportable. "Masanay
ka na sa ganyan cara..." sabi nito sa akin na parang kahit siya ay
napipilitan na lang din sa ganitong set up.
"So kamusta yung party?" Pahabol na tanong pa niya sa akin.
"Ayos naman" nakangiting sagot ko pa sa kanya.
Tumango tango ito habang kumain ng pandesal na sinasawsaw niya sa
kanyang kape.
"Sige maliligo muna ako" paalam ko pa dito.
Tinanguan ako nito kaya naman tatayo na sana ako para makapunta sa
aking kwarto ng pareho kaming magulat ng may nagwawala sa labas ng
aming bahay.
"Wala talagang dala yung Gagong yun" inis na sabi ni Chelsie.
"Ha...sinong gago?" Nagtatakang tanong ko pa.
Mas lalong lumakas ang sigaw ng isang lalaki sa labas, maging ang
gate nga namin ay parang gusto niyang sirain. Dahil dito ay kaagad
namin narinig ang nagmamadaling yapak mula sa kwarto ni Auntie
Elena.
"Chelsie tumawag ka nga ng baranggay at nag matuto ng leksyon yang
hayup na yan!" Galit na utos ni auntie elena kay chelsie.
Naka nighties lamang ito at may silk robe pa. Pero ang lubos kong
ikinagulat ay ang lalaking lumabas sa kanyang kwarto.
"What's happening?" Matigas na ingles ng isang americano. May edad
na din ang isang ito pero makisig pa din.
"Oh...it's nothing just crazy people" nahihirapang sagot ni Auntie
Elena dito.
"Nose bleed" natatawang kantyaw ni Chelsie sa kanyang ina.
Nakumpirma ko kung sino ang nagwawala sa labas ng bahay ng sumilip
ako sa may bintana. "Ano na Chelsie? Pahuli na nating yang
hinayupak na Ervic na yan" atat na atat na tanong ni auntie elena
dito.
Ng dahil sa hiyawan ng mga tao sa labas ay di na din nakapagtimpi
pa si Auntie Elena at tsaka lumabas na sa bahay. Sumunod na lamang
din ako sa kanila.
"Hoy! Ano bang problema mo!?" Sigaw ni Auntie dito.
"Ano yan ha! Yan ba ang ipapalit mo sa akin!" Sigaw ni ervic
habang dinuduro ang kasamang americano ni Auntie Elena.
"Paano kung sabihin kong Oo! Ano naman sayo ngayon?" Sagot ni
auntie sa kanya na mas lalong ikinainis ni Ervic.
Buti na lamang at nagsidatinggan na ang mga tanod. "Sige, kuhanin
niyo na yang baliw na yan" sigaw ni auntie sa mga ito.
"Tandaan mo to Elena! Gaganti ako!" Paulit ulit na sigaw nito na
hindi naman pinagbigyang pansin ni Auntie.
Back to normal ang lahat ng mawala ang nageeskandalong si Ervic.
Sabay sabay na din kaming pumasok sa loob ng bahay.
"What do we have for breakfast?" Tanong nung americano.
"Pandesal lang meron dito, wag kang mag English english diyan"
sabi pa ni Chelsie dito.
Buti na lamang at di siya naiintindihan nung amricano. "Cara siya
si Uncle Fred mo...madatung yan" ngiting ngiting pagpapakilala pa
ni Auntie sa akin.
Iniwan ko sila sa may dinning para makaligo na ako. Wala ako sa
tamang pagiisip habang nagsusuklay ng buhok. Kahit papaano kasi ay
inaalala ko ang banta ni Ervic kay Auntie Elena. Nagaalala ako sa
siguridad nito, namin...
"Hi date!" Pagbati ko sa nakaupong si lucas.
Nanlaki ang aking mata ng makitang nakapambahay lamang ito. "Bakit
di ka pa nagbibihis!?" Inis na tanong ko sa kanya, every hour
counts.
Tamad itong tumingin sa akin. "Magbibihis na...ang nagaaya ng date
ay naghihintay" mariing paliwanag pa nito sa akin.
Sinimangutan ko siya dahil sa inis pero nginisian lang ako nito at
talagang nangiinis pa dahil sa bagal maglakad paakyat sa kanilang
mataas na hagdan.
"Lucas naman eh!' Daing ko sa kanya, pero narinig ko lang ang
mapangasar niyang tawa.
"Reypin kita diyan eh" inis na bulong ko pa.
Kagaya ng sabi niya ay hinintay ko siya at ang nakakainis sa lahat
ay halos magiisang oras na! Goodness gustong gusto ko na siyang
akyatin sa itaas at pasukin sa kanyang kwarto.
"Andito na pala ang manliligaw" natatawang bungad sa akin ng
pababang si Suzy.
"Actually kanina pa" pagsagot ko pa sa kanya na ikinatawa niya.
Dumiretso ito sa akin at tumabi. "Ano ba talagang meron ngayon?"
Tanong niya at nakataas pa talaga ang isang kilay.
Napatitig ako sa kanya, naisip kong non sense kung
magsisinungaling ako dahil siguradong malalaman din ng isang ito.
Kaya naman sinabi ko sa kanya ang tungkol sa 8 days operation ko.
"Seriously! Buti napapayag mo siya" di makapaniwalang sabi ni suzy
sa akin.
Nagkibit balikat na lamang ako. "Eh utos daw ni tita sam na maging
mabait siya sa akin, kaya naman susulitin ko na" sahot ko pa.
"So anong gagawin niyo sa 8 days?" Tanong pa niya sa akin na para
bang mas excited pa siya.
"Di ko nga alam eh, may tama din siguro si lucas. Di ko siya
kayang mapaFall...enjoyin ko na lang siguro" malungkot pang kwento
ko sa kanya.
"Baka di mo talaga siya mapapaFall in 8 days" pagsangayon nito.
Makungkot akong tumango, pero napahinto ako sa kanyang sinabi at
pinilit ang sariling wag nanamang umasa.
"Baka matagal na kasi siyang na fall" sabi nito sa akin sabay
kindat.
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 27
"Damn it! NapakaInit" inis na inis na sambit ni lucas habang
naghihintay kami ng masasakyang jeep.
Hindi ko pinansin ang pagkainis niya dahil inis na inis din ako sa
kanya. Biruin mo ba namang preskong presko pang nakahiga sa
kanyang kama nung kumatok kaming dalawa ni Suzy.
"Ganito ka ba makipagdate ha? Papahirapan mo yung date mo?" Sumbat
pa nito sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ikaw? Ganito ka ba makipagdate
paghihintayin mo talaga yung babae?" Sumbat ko din sa kanya.
Ginantihan lamang din ako nito ng nanlilisik na tingin. At
nanahimik na lamang din. Medyo nagtagal pa kami nakasakay sa jeep
dahil punuon.
"Dalawa kasya pa!" Sigas sa amin ng driver.
Kaagad kong hinila si Lucas para makasakay na kami. "Hindi tayo
kasya diyan Cara" naiiritang sabi pa nito.
"Kasya yan! Dali na iiwan tayo ni manong oh" pagpupumilit ko pa sa
kanya. Mabilis na akong humakbang paakyat sa Jeep kaya naman wala
ng nagawa pa si Lucas kundi ang sumunod sa akin.
"Parehong kanan" anunsyo ng driver kaya naman umusog yung mga tao
para makaupo kami ni lucas.
Medyo nakaupo ako ng maayos, pero mas lalong nainis si lucas ng
kalahating pwet lang niya ang nakaupo. Napangiti ako dahil sa
itsura nito, para kasing matatae siya.
Napansin siguro niya ang aking pagngiti kaya naman binalingan ako
nito ng masamang tingin. Dahil duon ay tinaasan ko siya ng kilay.
"Maging mabait ka!" Utos ko pa sa kanya.
Inirapan
na lamang ako nito. Kumuha ako ng pamasahe para sa aming dalawa at
nagbayad sa driver. Medyo traffic kaya mas lalong nadagdagan ang
pagkainis ni Lucas.
Napagala ang tingin ko sa buong jeep at nakita kong maraming babae
ang nakatingin kay Lucas. Mayroong mas bata sa amin, kasing edad
namin at mas may edad sa amin.
Ang isang grupo naman ng mga kababaihan ay gumagawa ng paraan para
mapansin sila ni lucas. Nainis ako dahil alam ko na yung mga
galawanila. Galawang bulok na yon noh!
"Ano?" Galit na tanong nito sa akin ng hawak ko ng pinulupot ko
ang kamay ko sa braso niya.
Ngumiti ako sa kanya bago sumagot. "Baka mahulog ka, kailangan mo
ng makakapitan" sabi ko pa.
Buti na lamang at hindi na ito nagprotesta pa. Muli akong
napabaling sa mga babaeng nagpapapansin kay lucas kanina.
"Ano ba yan, ang panget naman nung kasama ni kuya pogi, di pa
sexy..." parinig nung isa. Nagbulungan sila at tsaka nagtawanan.
"Baka naman yaya" sabi pa ng isa at muli silang nagtawanan.
Nahiya ako para sa aking sarili yun kasi ang aking kahinaan.
Mababa ang self esteem ko. Kaya naman dahan dahan ko na lamang na
binawi ang kamay ko sa braso ni lucas, mukhang di naman niya iyon
napansin kaya naman natahimik na lamang ulit ako.
Nang naglaon ay lumuwag na din ang buong jeep. Nakaupo na din ng
maayos si lucas at medyo malayo na ang aming agwat. Wala na din
akong lakas ng loob na lumapit pa sa kanya dahil sa panlalait na
ginawa
sa akin nung tatlong babae.
Anduon pa din sila at pasulyap sulyap kay lucas. Ang sarap
sundutin ng mata nila pero wala naman akong laban.
"Hoy Cara di pa ba tayo bababa?" Kalabit sa akin ni lucas.
Wala sa sarili akong napatingin sa kanya. "Ha eh..." di ko
malamamg sagot ko.
Napatingin ako sa labas ng jeep at nagulag ako ng makitang
lumagpas na kami ng kaunti.
"PARA PO!" mabilis na sigaw ko at halos maghiyawan ang iba pang
sakay ng jeep ng biglang pumreno si manong driver.
Maging ako ay na Out of balance kaya muntik na sana akong sumubsob
sa sahig ng jeep ng kaagad na may brasong pumaikot sa aking
bewang.
"Damn, humawak ka nga" pagalit na suway sa akin ni lucas.
Napakamot na lamang si manong driver sa kanyang ulo. Mabilis naman
akong humingi ng paumanhin sa kanila. Yung mga babae naman ay
nakasimangot habang nakatingin sa akin. Tsaka lang nagsink in sa
akin yung ginawa ni lucas kanina.
"Tara na" yaya pa nito sa akin at tsaka hinawakan ang kamay ko
para makababa na kami sa jeep.
Parang nagmamadali ito habang naglalakad, ang lalaki kasi ng
kanyang hakbang. Pero napapangiti pa din ako dahil hawak hawak pa
din niya ang aking kamay.
"Ano bang nangyari sayo ha!?" Pagalit na tanong nito sa akin.
Para siyang isang tatay na pinapagalitan ang anak nito habang
naglalakad silang magkahawak ang kamay.
"Bigla bigla ka na lang nawawala sa sarili mo? Ano bang problema
mo ha!?" Inis at galit pang tanong nito sa akin.
Nang mapansin niyang ako sumasagot sa kanya ay mas lalo itong
nagalit at padabog na binitawan
ang aking kamay. "Anong nginingiti ngiti mo diyan?" Inis na tanong
pa niya.
Umiling ako. "Wala, excited lang" sagot ko na lamang sa kanya.
Di na lamang din ako nito sinagot at nagpatuloy kami sa paglalakad
patungo sa isang amusement park na napili ko. Nahiya aki kay lucas
dahil medyo may kalayuan na pala ang nalagpasan namin.
Kinuha ko ang maliit na note book ko sa loob ng aking body bag
para pagplanuhan kung ano ang una dapat naming gagawin. Muli akong
napatingin sa aking harapan at duon ko nakitang wala na si lucas.
Natakpan na marahil ng ibang taong naglalakad rin.
"Lucas!" Pagtawag ko dito pero mas lalo ng kumakapal ang tao kaya
naman nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad.
Halos lahat ay nagmamadali kaya naman ginawa ko na ang lahat at
nakipagsiksikan na din ako. Pero dahil sa pagmamadali ko ay
nabitawan ko ang hawak kong notebook. Sinubukan kong balikan iyon
at pulutin pero di ko namagagawa dahil natangay na din ako ng agos
ng mga tao.
"Ang tanga mo talaga!" Asik ni lucas at tsaka hinatak ang braso ko
sa gitna ng marami at nagkukumpulang tao.
Medyo masakit iyon sa aking braso pero nagpadala na lamang ako sa
kanya. Hinila niya ako hanggang sa makarating kami sa entrance ng
amusement park.
"Pasencya na lucas naipit kasi ako duon sa..." di na niya ako
pinatapos ng pagpapaliwanag ko.
"Alam mo! Di ko alam kung bakit pa ako sumama sayo dito!
Nakakairita na!" Sigaw niya pa sa akin.
Mabilis siyang tumalikod sa akin at tsaka nagmartsa papalayo sa
akin. Halos lahat tuloy ng dumadaan ay nakatingin sa akin.
Pinabayaan ko na lamang sila at tsaka sumunod na lang ako
kay lucas. Nilabas ko ang Camerang hiniram ko pa kay Suzy.
"Ok Cara kaya mo yan..."pagkausap ko sa sarili ko habang siniset
up ko yung Camera.
Mabilis kong nakita si lucas, nakatalikod ito sa akin at nakahilig
sa harang nung Carousel.
"Lucas!" Tawag ko sa kanya at mabilis siyang pinicturan
pagkabaling niya sa akin.
Ngiting ngiti ako habang tinitingnan ang picture ni lucas.
Nakasimangot nanamn ito.
"Tininganan mo oh, takpan lang yung mukha mo pwede ka ng maging
model" pangaasar ko pa sa kanya.
Tinabig nito ang aking kamay. Pero nagpatuloy lang ako sa
pagpipicture naming dalawa.
"Ano ba tumigil ka nga diyan!" Suway niya sa akin pero sumige pa
din ako.
Inismiran ko lamang siya at tiningnan yung kakakuha ko lang na
picture. "Remembrance to! Say Chiz!" Anunsyo ko pa sa kanya.
Nagulat ako sa tinanong niya sa akin. "Di ka ba nagtatampo?"
"Ha eh bakit naman?" Tanong ko pa sa kanya. Sige lang
cara...pamanhid pa more!
"Dahil sinigawan kita" sagot nito. Bulls eye lucas!
Umiling ako at ngumiti. "Ayos lang, kahit magtampo naman ako wala
kang pake di ba?" Sagot ko sa kanya but i still manage to smile
kaya naman napanganga siya.
"Tara na nga!" Masayang yaya ko sa kanya.
Loving can hurt, loving can hurt sometimes.
But it's the only thing that I know.
When it gets hard, you know it can get hard sometimes,
It is the only thing
that makes us feel alive.
"Kuya pa picture naman po, thank you!" Sabi ko sa isang guard na
naglilibot libot.
Nasa likuran naman ay parang isang napakalaking Cave. Man made
cave naman siya pero ang laki at ang ganda.
"Ang kapal talaga ng mukha neto" asar sa akin ni lucas.
Nginusuan ko siya, "nakisuyo naman ako ah..." sagot ko dito at
tsaka ininspeksyon yon yung picture.
"Ayy...si kuya talaga! Blur oh" daing ko.
We keep this love in a photograph.
We made these memories for ourselves.
Where our eyes are never closing,
Our hearts are never broken,
And time's forever frozen, still.
"CARA!" galit na sigaw ni lucas ng nagtuloy tuloy ako sa pagpasok
sa isang haunted mansion.
Pagpasok mo pa lang ay nakakakilabot na dahil sa mga sound
effects. Agad kong binuksan ang flash ng camera dahil madilim.
"T*ngina" rinig kong mahihinang mura ni lucas.
Natatawa ako dahil halatang natatakot ito.
"CARA! AHHHH!"sigaw nito at kaagad nagtatatakbo, nang may lumitaw
na whitelady mula sa itaas.
Tawa ako ng tawa habang pinipicturan ito dahil hindi niya malaman
kung saan siya pupunta.
So you can keep me
Inside the pocket of your ripped jeans.
Holding me close until our eyes meet.
You won't ever be alone, wait for me to come home.
"Lucas!" Tawag ko sa kanya.
Papakita ko sana sa kanya yung mga picture niya nung nasa loob
kami ng Haunted mansion.
Nasa ferris wheel kami ngayon. Nagtaka ako dahil nakaupo siya sa
pinakagitna at di man lang gumagalaw. Pincturan ko uli siya.
"Tigilan mo nga ako!" Suway nito sa akin.
Tumayo ako para magkaroon kami ng picture na magkasama dahil
malapit na kami sa tuktok.
"Hoy, hoy! Wag kang gagalaw!" Sigaw niya sa akin ng bahagyang
umalog ang sinasakyan naming Cabin.
Natawa ako. Sinet ko sa video yung camera, at bayolenteng gumalaw
galaw na parang sumasayaw. Wala namang ginawa si lucas kundi ang
mapapikit.
"Hoy huminga ka nga diyan! Ang duwag naman nito!" Asar ko sa
kanya. Sinubukan niya akong samaan ng tingin pero iba pa din dahil
parang matatae ang itsura ng mukha nito.
Loving can heal, loving can mend your soul,
And it's the only thing that I know, know.
I swear it will get easier, remember that with every piece of 'ya,
And it's the only thing we take with us when we die.
We keep this love in a photograph.
We made these memories for ourselves.
Where our eyes are never closing,
Our hearts were never broken,
And time's forever frozen, still.
"Sorry ma'm bawal po yan" suway sa akin ng bantay.
"Ang kulit kasi eh" pagpaparinig ni Lucas sa aking likuran.
Nakasakay kasi kami ngayon sa parang rio grande. "May camera naman
po ma'm pwede po kayong bumili ng picture pagkatapos" sabi nung
bantay kaya naman tumango na lamang ako.
Tuwang tuwa ako dahil basang basa na ang damit namin ni Lucas pero
nung nilingon
ko siya nakita kong nakasimangot lamang ito at para bang bored na
bored siya.
So you can keep me
Inside the pocket of your ripped jeans.
Holding me close until our eyes meet.
You won't ever be alone,
And if you hurt me,
That's okay baby, only words bleed.
Inside these pages you just hold me,
And I won't ever let you go.
Wait for me to come home,
Wait for me to come home,
Wait for me to come home,
Wait for me to come home.
You can fit me
Inside
"Sige po ma'm pahintay na lang po"
Pinadevelope namin yung mga pictures namin. Bumalik ako sa
nakaupong si lucas habang inaayos ang basa nitong buhok.
Napatingin siya sa akin. Pagkatapos ay nagtagal ang tingin niya sa
aking damit, kaya naman napayakap yung ako sa aking sarili.
"Ito yung bayad, babalikan na lang namin" sabi ni lucas duon sa
lalaki.
Nagulat ako ng hinila niya ako patungo sa isang botique. May mga
souviniers duon at ibang pang mga damit.
"Bibili tayo ng Pamalit" maiksi lang na sabi nito.
Napahinto ako at napatitig sa kanya. Mukha namang napansin niya
iyon kaya naman matalim ako nitong binalingan.
"Ako ang magbabayad" pahayag niya kaya naman mabilis akong kumilos
at naghanap ng Tshirt. Pero sa paghahanap ko ay nakakita ako ng
Couple hoody.
Parang rabbit iyon. "Ito ang gusto ko" sabi ko sa kanya sabay turo
duon sa nakadisplay.
"Hindi" maiksing sagot na lamang niya sa akin.
Kaagad na bumagsak ang balikat ko at
inabot ko na lamang sa kanya yung tshirt. Matamlay akong tumabi sa
kanya habang nagbabayad siya sa Cashier. Nanlaki ang mata ko ng
makita kong nasa wallet na niya yung picture namin sa parang rio
grande kanina.
"Kala ko ba ayaw mo tong bilhin?" Tanong ko sa kanya pinapabili ko
sa kanya yun kanina tapos sabi niya ayaw daw niya tapos ngayon
nasa wallet na niya.
"Shut up" masungit na suway niya sa akin.
"Pero bakit mo nga bini..."
"Tsaka kukunin na din namin yon" sabi niya sa babae sabay turo
duon sa hoody na gusto ko.
Lumawak bigla ang aking ngiti. "Sana naman matatahimik ka na" sabi
nito na tinanguan ko na lamang.
Naghanap kami ng Cr at nagbihis. Tuwang tuwa ako dahil sa suot
kong Hoody. Excited na akong makita si Lucas na nakasuot din ng
ganito.
"Lucas!" Sigaw ko sa labas ng Male Restroom. Ang tagal kasi eh
naunahan ko pa!
"Hoy! Eskandalosa ka talaga" suway nito sa akin.
Napakagat labi ako sa sobrang tuwa. "Wow! Ang cute cute talaga
natin lucas!" Sabi ko pa dahil nga nakaCouple hoody kami.
"Shet yung camera" panghihinayang ko.
Nagpadevelope nga pala kami, sayang naman maganda sana kung
magkakapagpicture kami ngayon. "Pahiram phone" nakatingalang sabi
ko kay Lucas habang nakalahad ang aking kamay.
Di naman na ito nagsalita pa at tsaka ibinigay sa akin ang kanyang
cellphone. Nagselfie kaming dalawa at sinabi kong wag niyang
buburahin.
"Hati tayo ah" sabi ko habang tinitingnan namin yung mga
pinadevelope namin.
"Ayoko! Sayo na lang lahat yan" pagtanggi niya.
"Ang sama naman neto" suway ko pa sa kanya pero sa kalaunan ay
tinanggap din niya ang mga ibinigay ko sa kanya.
Nagdinner pa muna kami pagkatapos. Pinagtitinginan nga kami dahil
sa suot namin pero nangingiti na lamang ako samantalang si lucas
ay walang pakialam.
"Uhmm...ok lang kung ayaw mo ng ituloy ito" pagsisimula ko pa.
"Nahihiya kasi ako sayo, masyado na kitang pinipilit.
Naiintindihan ko naman eh, tsaka sobrang saya ko talaga ngayon"
pagkwekwento ko pa. Di ma lang ito nagreact kaya naman nanahimik
na lamang ako.
Nung pauwi na ay naginsist itong magtaxi kami at ako ang unang
ihahatid. Ayoko pa nga sana pero di nagpatalo si lucas. Tahimik
lamang ito habang nasa byahe kami.
Nang nasa tapat na kami ng Gate ay naghanda na ako para bumaba.
"Salamat ulit ha, uhmm...bukas?" Hindi ko na naituloy ang tanong
ko dahil feeling ko ayaw na talaga niyang ituloy ito.
Di sumagot si lucas. Kaya bumaba na ako, "Ingat ka ha" paalam ko
pa.
"Cara" tawag niya sa akin kaya naman napayuko ako sa may bintana.
"After lunch na lang tayo magkita bukas" sabi niya na nagpatameme
sa akin.
Is he really giving me a Chance?
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 28
"Magsibihis kayo girls, magshoshopping tayo!" Masayang anunsyo ni
Auntie elena sa kalagitnaan ng pagkain namin ng almusal ni
Chelsie.
"At saan ka nanaman kukuha ng pera ma? Sa pinadalang pera ni
Auntie Marie? Eh pang tuition namin yon eh" pangaral sa kanya ni
Chelsie.
Bigla namang puminta ang pagkainis sa kanyang mukha. "Boba!
Ipagshoshopping tayo ni Fred, kung ayaw mo kami na lang ni Cara,
punyetang to pinangaralan pa ako" sabi ni auntie elena habang
lumalayo siya sa akin.
Tiningnan ko si chelsie pero nakangisi lamang itong nakatingin sa
dinaanan ni Auntie elena. "Nag salita ang hindi boba" nakangising
sabi niya pa kaya naman napalunok ako dahil duon.
"Chelsie mommy mo yon" malumanay na sabi ko sa kanya. Ayokong
maoffend ko siya at magalit sa akin dahil ayos na ako ngayon dahil
maayos na ang pakikitungo namin sa isat isa, ayoko ng masira pa
kaming magpinsan.
"Nakikita mo ba yon Cara? Tinatrato ba niya akong parang anak
niya? Nung unang beses akong galawin ni Ervic naniwala pa siya sa
akin nung nagsumbong ako?" Pangangatwiran nito na ikinagulat ko.
"Ibig sabihin niRape ka niya?" Gulat na gulat na tanong ko sa
kanya.
Tumango na lamang ito at tsaka umirap. Hinawakan ko ang kamay
niyang nasa ibabaw ng lamesa.
"Sorry" pakikiramay ko pa sa kanya.
Tinabig niya ang aking kamay at tsaka tumawa. "Ano ba yan ang
drama!" Parang nandidiring sabi pa nito sa akin.
Tinawanan ko na lang din siya dahil sa kanyang naging reaksyon.
Hinahangaan
ko si Chelsie dahil nakikita kong napaka Strong ng personality
niya.
Pagkatapos nuon ay mabilis kaming nagbihis dahil nagmamadali na
din naman si Auntie Elena. Susunduin daw kasi kami ni Uncle fred
na bago niyang Boyfriend ngayon.
Simpleng gray three fourts tshirt lang ang suon ko tsaka maong
pants. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang suot ni Chelsie, kulay
pulang hanging na damit at tsaka low waist na ripped jeans.
"Ang ganda mo" sabi ko sa kanya. Maganda naman kasi ang katawan
nito medyo may pagkaMorena nga lang.
"Salamat, maraming nagsasabi sa akin na pwede akong maging beauty
queen, pero mas gusto kong maging fashion designer" sabi niya pa
sa akin habang naglalagay siya ng make up sa mukha habang
nakaharap sa may salamin.
"Sina Auntie?" Tanong ko.
"Baka naggoGown pa" mapanuyang sagot niya.
Napangiti na lamang ako dahil sa kanyang sinabi. Muli kong chineck
ang dala kong sling bag para tingnan kung kumpleto at walang
kulang sa mga gamit ko.
"Kailangan ko kaya mamiMeet si Auntie Marie?" Tanong ko kay
Chelsie, parang naexcite kasi akong makita at makilala siya.
"Depende, may trabaho kasi siya duon eh. Sayang last year lang ay
umuwi siya dito." Kwento pa nito sa akin.
Nasayangan din ako, pero siguro naman ay makikita at makikilala ko
din siya. Base naman sa kwento ni Chelsie ay mukhang mabait ito.
Maya maya lamang ay dumating na ang kulay itim na Civic ni uncle
fred. Si Chelsie naman ay napapailing na lang dahil sa suot na
dress ni auntie Elana. Maong tube iyon na fit na fit sa kanyang
katawan at tsaka nakakulay itim na wedge.
Pagkarating sa mall
ay nagsimula na ang sinasabi ni Auntie na Shopping. Mukha ngang
madaming pera itong si Uncle fred dahil ayos na ayos lang sa kanya
kung saan gustuhin ni Chelsie at auntie elena pumasok na botique.
"Cara tara dito! Pipilian kita ng damit" yaya sa akin ni Chelsie
matapos niyang ifit ang pang anim na damit na napili niya sa
Forever 21.
"Pero ayoko, nahihiya ako kay Uncle fred" pagtanggi ko dito.
Sinamaan ako nito ng tingin at nagpatuloy pa akong hilahin.
"Kusang loob niya ito, kaya wag kang mahiya" suway pa niya sa
akin.
Di na ako lumaban pa sa kanya, marami din siyang pinili sa akin na
damit at talaga namang magaling siya pumili, magaganda ang mga
damit na iyon.
Binilhan din ni Uncle fred si Auntie Elena ng bag at sapatos. Nang
madaan kami sa isang jewelry shop ay pumasok pa sila duon at
bumili.
"Chelsie asaan na ang daddy mo?" Tanong ko naman in a nice way.
Kumakain kami ng ice cream habang nasa labas kami ng botique ng
mga lingeries kung nasaan sina Uncle Fred at Auntie Elena.
"Hindi ko alam. Pwedeng buhay pa at nadiyan sa tabi tabi o baka
naman patay na" sagot niya sa akin.
"Pareho pala tayo, pero mas swerte ka kasi andyan pa si Auntie
Elena sayo" sabi ko sa kanya pero napailing lamang ito sa akin.
"Mas lamang ka sa akin Cara, dahil kahit parehong nawala ang
parents mo marami pa din ang nagmamahal sayo. Pero ako? Andyan nga
si mommy pero parang wala naman" sagot nito sa akin, damang dama
ko ang lungkot sa kanyang boses pero pinipilit niyang ipakita
sa akin na ayos lang siya.
"Iba pa rin kung nandito sila, bakit kasi kailangang maaksidente
pa sila" malungkot na sabi ko pa.
"Anong aksidente? Nalunod ang parents mo kaya sila namatay"
pagtatama niya sa akin na ikinagulat ko.
"Hindi, nabangga yung sasakyan kaya sila namatay. Tsaka
impossibleng malunod sina mommy at daddy, swimming coach sila"
laban ko pa sa kanya.
Nagkibit balikat na lamang ito. "Ewan, basta ang alam ko nalunod
sila kaya sila namatay" maninindigan niya sa akin.
Lumipad tuloy ang aking isip, pilit inaalala ang lahat. Nabangga
ang sasakyan na minamaneho ni Daddy kaya sila namatay. Napaka
impossible ang sinasabi ni Chelsie na nalunod ang mga ito dahil
pareho silang magaling lumangoy.
"Lunch time girls, where do you want to eat?" Tanong sa amin ni
Uncle fred.
Nakatulala lamang ako sa kanila dahil naglalaro pa din sa aking
isipan ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng parents ko.
"Cara!" Yugyog sa akin ni auntie Elena.
"P...po?" Tanong ko sa kanya.
"Ano bang nangyayari sayo? Bigla bigla ka na lang natutulala
diyan" sabi pa niya sa akin kaya naman humingi na lamang ako ng
paumanhin.
Si uncle fred na ang pumili ng kakainan namin. At dahil gustong
gusto daw talaga niya ang pagkaing pinoy ay sa isnag filipino
restaurant niya kami dinala, di na masama. Mas ayos na iyon kesa
sa fastfood na paulit ulit na lang ang mga pagkain.
Lahat ng pagkaing pinoy ay siniserve nila, bilaong may dahon ng
saging din ang kanilang plato at maganda ang loob ng buong kainan.
"Do you want to watch a movie Guys?" Tanong ni uncle
fred sa kalagitnaan ng aming pagkain. Mabilis na sumagot sina
auntie Elena at chelsie samantalang busy naman ako kakakain ng
halo halo for dessert.
Napatingin ako sa Wrist watch ko at nakitang halos two thirty na.
Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon hanggang sa maalala ko si
lucas.
After lunch na lang tayo magkita bukas.
Halos iluwa ko ang saging na kakasubo ko lang dahil sa sobrang
gulat. Mabilis akong nagayos na ikinagulat nila. Nagpaalam din ako
kay Auntie na may importante akong kailangang puntahan. Marami man
silang tanong ay pinayagan na din naman nila akong mauna na.
"Hay patay" kinakabahang sabi ko sa sarili ko.
Nakasakay na ako ngayon sa taxi papunta sa bahay nila lucas.
Sinubukan ko ding itext at tawagan siya pero cannot be reached
siya at di naman siya sumasagot sa mga text ko.
Pagkadating sa tapat ng bahay nila ay mabilis akong nagbayad sa
taxi at nagdoorbell. Kaagad namang lumabas ang isang katulong at
tsaka ako binati.
"Andyan po si Lucas?" Tanong ko habang papasok kami sa bahay.
"Naku ma'm cara kaaalis lang po, pinatawag po kasi ng daddy niya
sa opisina" sagot nito sa akin.
Saktong pagpasok ko sa bahay ay pababa si Suzy mula sa kanilang
Second floor.
"LAGOT KA!" pangaasar na sigaw niya sa akin.
Patakbong lumapit ito sa akin tsaka ipinulupot ang kamay niya sa
aking braso.
"Si lucas?" Tanong ko sa kanya.
Nagpatuloy ito sa paghila sa akin patungo sa kusina nila. "Nasa
office, pinatawag ni Daddy" sagot nito sa akin tsaka inilabas ang
black forest cake.
"Mirienda muna tayo" sabi
niya pa sa akin.
Kaagad akong umiling. "May usapan kasi kami ni Lucas eh,
nakakainis nga at nalate ako" pagtanggi ko sa kanya.
Nakangisi naman ito sa akin habang nagslice siya tsaka inilagay sa
isang platito. "Galit na galit nga eh" nakangising sabi pa niya na
mas lalong ikinalaki ng aking mata.
"Talaga!? Asaan ba siya...pupuntahan ko na lang kaya"
natatarantang sabi ko pa.
Tumango tango na lamang si Suzy at hindi na tumanggi. "Sige
papahatid kita sa driver" sabi niya at sinamahan pa akong lumabas
ng bahay at siya pa mismo ang kusang kumausap sa driver nila.
"Enjoy! Lambingin mo lang yon" pagchecheer pa niya sa akin ng
pagbuksan niya ako ng pintuan.
"Te...teka bakit parang ang weird mo ata ngayon?" Tanong ko sa
kanya. Pero mas lalo lang lumawak ang ngiti nito sa akin.
"Wala naman, masaya lang ako dahil todo ngiti si kuya paguwi niya
dito kagabi. Pati nga si mommy at daddy nagulat eh. Kaya naman
after dinner pinasok ko ang kwarto niya at boom! Nakita ko ang mga
pictures niyo!" Pagkwekwento nito with motion and sound effect pa.
"Totoo!?" Di makapaniwalang tanong ko pa sa kanya pero hinampas
lamang nito ang braso ko.
"Oo nga! Pero secret lang to ha, baka pagalitan nanaman ako nun.
Basta Enjoy!" Pagtutulak niya sa akin pasakay sa sasakyan.
Syempre todo ngiti nanaman ako buti na lamang at medyo close ko
ang driver. Nagpadaan na din ako sa Coffee shop, bumili ako ng
coffee at tsaka doughnut. Sigurado kasing pagod din iyong si
lucas.
/>
"Salamat po!" Sabi ko sa driver ng makarating na kami sa tapat ng
companya nila lucas.
Nakapunta na din kami dito nuong bata pa kami, perp bihira lang
nitong nagkaedad na kami. Malaki naman talaga iyon dahil Jimenez
group of companies sila at minamanage ito ng mga tito nila lucas.
Pero darating din ang time na si lucas na ang papalit sa kanyang
daddy. Ngayon ay paunti unti na din siyang naeexpose dito. Pero
ang alam ko mas gusto talaga niyang maging isang doctor.
"Good afternoon po ma'm Cara, si sir lucas po ba ang sadya niyo?"
Tanong ng secretary ni tito luke sa akin.
Kilala din kasi ako nito kagaya ng pagkakakilala niya kina Lucas
at Suzy.
"Oo, andyan ba siya?' Tanong ko.
"Opo, nasa loob siya" sagot nito sa akin at tsaka itinuro ang
opisina ni Tito luke.
Kumatok muna ako para bigay galang naman sa kanya, siguradong
papagalitan lang ako nuon pagpumasok ako basta basta.
"Celine i tell you ayoko ng istorbo" seryosong sabi nito pagbukas
ko pa lang ng pintuan.
Inilawit ko ang ulo ko at nakita kong nasa laptop niya ang kanyang
buong atensyon. Sobrang gwapo niya sa itsura niyang iyon. Maya
maya ay dahan dahan siyang nagangat ng tingin sa akin kaya naman
mabilis na nagbago ang ekspresyon nito.
"What are you doing here?" Tamad na tanong niya sa akin.
Tuluyan na akong pumasok at tsaka isinara ang pintuan. Tinaas ko
din ang dala kong mirienda para ipakita sa kanya. "Dinalhan
kita ng Coffee" sabi ko at tsaka nagpatuloy sa sofa ni tito luke.
Inilapag ko sa table ang mga binili ko. "Kain muna tayo lucas"
yaya ko pa sa kanya pero tamad lamang itong tumingin sa akin.
"You're late cara" sambit niya.
Napanguso tuloy ako. "Sorry talaga lucas, di ko naman sinasadyang
malate eh" paghingi ko ng paumanhin sa kanya.
"Pero ito na nga oh, bumabawi na ako" sabi ko pa sa kanya.
Napangiti ako ng tumayo ito at lumapit sa akin. At tsaka umupo sa
kaharap kong sofa.
"Saan ka ba kasi galing?" Inis na tanong niya sa akin.
Pinagsilbihan ko siya at sobrang nakakatuwa nuon. "Kasi
pinagShopping kami nung boyfriend ng Auntie ko. Kaya nalate ako"
kwento ko sa kanya.
Tumango na lamang ito at tsaka sumimsim ng kanyang kape. "Bakit ka
nandito?" Tanong ko sa kanya.
"Mas inasikaso si dad, kaya inutusan niya akong bisitahin yung
bagong site namin" sagot nito sa akin at mukhang nagustuhan naman
niya yung binili kong doughnut dahil parang gutom na gutom ito
habang kumakain.
"Uhm...sayo na lang din itong sa akin" sabi ko sa kanya.
Mas lalo akong nagulat ng tinanggap niya iyon. "Hindi ka ba
kumain?" Tanong ko dito.
Umiling na lamang ito dahil puno na ang kanyang bibig. Napalunok
tuloy ako "Ba...bakit?" Tanong ko pa.
Tinapos muna niya ang pagnguya bago niya ako sinagot. "Kasalanan
ko bang late ka, ayan di tuloy ako kumain" paninisi pa niya sa
akin.
Napanguso ako dahil sa pagpipigil ng ngiti. Buti na lang at di
niya pinansin iyon dahil busy siya sa pagkain.
Matapos kumain ay nagpaalam ito at tsaka ako iniwan. May kailangan
lang daw siyang puntahan sa 10th floor. Kaya naman tumango na
lamang ako.
Nilinis ko na lamang ang pinagkainan namin, dahil sa walang magawa
ay napagdiskitahan ko ang kanyang laptop. Umupo ako sa swivel
chair at tsaka kinalikot iyon.
Napaawang ang bibig ko sa gulat ng makitang nakaCollage ang
picture namin kahapon at iyon ang kanyang wallpaper. Mabilis akong
napatayo sa pagaakalang dumating na si Lucas. Pero mas lalo akong
nagulat ng makita kung sino ang pumasok sa kanyang Opisina.
"What are you doing here?" Mataray na tanong nito sa akin.
Dahan dahan itong lumapit sa akin at ako naman itong nanigas sa
aking kinatatayuan.
"Amiella" tawag ko sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito ha?" Masungit na tanong pa niya at parang
ano mang oras ay mananampal na ito,
"Uhm...dinalhan ko lang si lucas ng mirienda" sagot ko sa kanya na
nagpataas ng kanyang kilay.
"At ano ka ngayon ha? Feeling girlfriend!?" Akusa niya sa akin.
Lalapit pa sana siya lalo sa akin ng madapo ang tingin niya sa
laptop at halos manlaki ang mata nito sa nakita niyang wallpaper.
"What the Hell!" Di makapaniwalang sabi niya. Pero nagulat ako ng
hilahin nito ang aking buhok.
"Mangaagaw ka!" Sigaw pa niya.
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 29
Nanlilisik ang mga mata nito habang gigil na gigil siya sa
pagkakasabunot sa aking buhok.
"Amiella ano ba?" Suway ko sa kanya.
Pilit ko sanang aabutin ang kamay niya na nasa aking buhok ng mas
lalo niyang hinila ito.
"You b*tch! Mahiya ka nga Cara! There's nothing special about you!
Hinding hindi ka magugustuhan ni Lucas!" Sigaw pa niya sa akin.
"Bitawan mo ako amiella!" Sigaw ko sa kanya dahil sa medyo
sumasakit na niyang hawak sa aking buhok.
Nang di pa din siya nakinig ay nagpumiglas na ako at nanlaban na
din. Di habang buhay ay mananahimik na lamang ako at tatanggapin
ang lahat ng pangaapi sa akin ng ibang tao.
Nang sa wakas ay mabawi ko na ang aking buhok ay ganuon naman ang
gulat ko ng mabilis na dumapo ang kanyang palad sa aking kanang
pisngi.
"ANO BANG PROBLEMA MO!?" gulat na gulat na sigaw ko na sa kanya.
Tinaasaan ako nito ng kilay na para bang natutuwa pa siya sa
nagiging reaksyon ko.
"Ikaw ang problema ko! Masyado kang pumapapel! Umalis ka na nga
dito!" Sigaw na utos pa niya sa akin.
Kinundisyon ko ang aking sarili. "Hindi ako aalis dito hangga't
hindi si lucas ang nagpapaalis sa akin" matapang na sagot ko sa
kanya.
Kitang kita ko ang sobra niyang pagkainis dahil sa aking sinabi.
"Umalis ka na ngayon Cara, hanggang kaya ko pang magtimpi sayo"
pagbabanta niya sa akin.
Napalunok ako dahil sa kanyang pananakot pero hindi ako
magpapatinag sa kanya.
"Hindi pwede, baka hanapin ako ni Lu..." hindi niya na ako
pinatapos sa aking sasabihin ng kaagad niyang
hinila ang aking buhok.
"Tama! Ano ba amiella!" Sigaw ko sa kanya.
Pinagsasampal din ako nito, kaya naman ng nakawala ako mula sa
pagkakasabunot niya ay kaagad ko siyang binigyan ng isang
napakalakas na sampal. Para sana kahit papaano ay magising siya sa
kanyang kahingan.
Nanlaki ang mata nito at napahawak sa kanyang pisngi na aking
sinampal pero bigka kaming napatinging pareho sa may pintuan ng
magsalita si lucas.
"What the hell are happening here?" Matigas na tanong niya sa
amin.
Kaagad na tumulo ang luha sa aking mata, marahil ay dahil sa
takot. Takot na hindi ko malaman kung para saan. Gayong si Amiella
ang unang nagsimula ng gulo sa pagitan naming dalawa.
Napatingin ako kay amiella pero ganuon na lamang ang gulat ko ng
basang basa na ang pisngi nito dahil sa kanyang sunod sunod na
pagiyak.
"Lucas, si Cara...sinaktan niya ako" umiiyak na sumbong nito at
kaagad na naglakad papalapit kay lucas.
Pagkalapit kay lucas ay kaagad niyang niyakap ito. Pero si lucas
naman ay nanatiling nakatayo duon at nakatingin sa akin.
"Lucas..." tawag ko sana sa kanya para sana ipagtanggol ang aking
sarili.
Pero naisip kong baka mag mukha nanaman akong kawawa pag ipinilit
ko ang aking side. Sigurado din akong si amiella ang papaniwalaan
niya at ako nanaman ang masisisi.
"Aalis na lang ako" garalgal na sambit ko at mabilis na naglakad
patungo sa sofa para kuhanin ang dala kong sling bag. Mabilis ko
ding pinapahiran ang pagtulo ng aking luha.
Nakayuko akong
lumabas ng kanyang opisina at duon na bumigay ang aking emosyon.
Sobra sobra ang aking pagiyak kaya naman halos makuha ko na ang
atensyon ng ibang nga tao duon.
Sarado pa ang elevator kaya naman nanatiling nakatakip ang
dalawang kamay ko sa aking mukha habang pigil na pigil ang aking
paghikbi.
Tumunog na ang elevator kaya naman hahakbang na sana ako para
makapasok ng magulat ako ng biglang may sumanggi sa akin. At nang
tingnan ko iyon ay nakita ko ang galit na galit na mukha ni
amiella.
Dahil duon ay napaatras na lamang ako nang may biglang humawak sa
aking braso.
"Let's go back" seryosong sabi ni lucas tsaka ako hinila pabalik
sa kanyang opisina.
"Pe...pero" pagtanggi ko sana pero di naman ako nito pinansin.
Nagtuloy tuloy kami pabalik duon sa loob ng opisina ng makita kong
yung laptop sa taas ng lamesa niya kanina ay nanduon na sa may
gilid na mukhang naibato ng malakas.
"Geneve kailangan ko ng medicine kit" rinig kong utos ni lucas sa
secretary ng kanyang daddy.
Nanatili akong naka tayo duon at nakatalikod kay lucas, takot na
baka pagalitan o awayin ako nito kaagad agad. Napalunok ako ng
maalalang minsan na din ako nitong nasampal nuon dahil na din kay
Amiella.
"Turn" utos niya sa akin.
Kinakabahan akong lumingon dahil baka saktong paglingon ko ay
sampalin ako nito, medyo sakit pa naman ang pisngi ko dahil sa
ginawa ni Amiella kanina.
"Cara" tawag na niya sa akim at tsaka ko naramdaman ang braso niya
sa aking balikat para papihitin ako paharap sa kanya.
Nagtagumpay siyang paharapin ako sa kanya, pero nanatili pa din
akong nakayuko.
Nang mapansin kong itataas na nito ang kanyang kamay papunta sa
aking pisngi ay kaagad na akong umiwas.
"Hey it's ok" pagaalo niya sa akin.
Duon ko naramdaman ang marahan niyang paghaplos sa aking pisngi.
Magsasalita na sana ako para itanong kung bakit ng biglang may
kumatok sa pintuan at duon lumawit ang ulo ni Geneve.
"Come in" sambit ni lucas kaya naman nagdirediretso ito patungo sa
aming kinalalagyan.
Ako naman ay kaagadna hinila ni lucas paupo samay sofa. "Ito na po
ang medicine kit sir lucas" lapag nito sa center table at tsaka
ako nginitian.
Nakatingin lamang ako kay lucas habang inaayos niya iyon. "Para
saan naman yan?" Tanong ko sa kanya.
"Sa mukha mo" tipid na sagot niya sa akin.
Kita kong parang wala ito sa mood at parang galit. Hindi ko alam
kung bakit. At hindi ko din alam kung bakit ako nandito,dapat ay
si amiella ang kasama niya ngayon.
Nang makita na niya ang kanyang hinahanap ay humarap na siya sa
akin. Blanko ang mukha nito, halata ngang galit siya, at sigurado
ako dahil iyon sa akin.
"May maliit na kalmot ang gilid ng pisngi mo, may sugat din ang
gilid ng labi mo. Di mo ba naramdaman yon? Magsuklay ka nga!"
Poker face na utos pa nito sa akin.
At dahil sa pagkataranta ay di ko na alam kung ano ang una kong
dapat gawin.
"Hey Calm down!" Suway nito sa akin kaya naman naestatwa ako.
May hawak itong ointment ag tsaka niya iyon inilagay sa kanyang
pinky finger.
"Galit ka" akusa ko sa kanya.
Tamad ako nitong tiningnan na para bang anong-pakialam-mo-kunggalit-ako-look .
"Ikaw ang may
kasalanan" matigas na sabi niya sa akin.
Dahil sa inis ay sumagot ako. "Si amiella ang nauna!" laban ko sa
kanya.
"Alam ko!' Sabi nito na ikinagulat ko pa.
"Eh bakit ako ang sinisisi mo?" Tanong ko dito.
Mariin itong napapikit. "Hindi sa ganon, pero kayang kaya mong
labanan si Amiella. Bakit di mo magawang ipagtanggol ang sarili mo
ha?" Galit na pangaral pa nito sa akin.
"Ni wala siyang kahit isang galos, mapulang pisngi lang ang
nakauha niya sayo pero ikaw? Tiningnan mo nga yang mukha mo"
dugtong pa nito na para bang isa akong batang paslit na
pinapagalitan ng kanyang ama.
Kumunot ang aking noo. "So gusto mong makipagaway ako kay Amiella?
Gusto mong labanan ko siya?" Gulat na tanong ko pa dito.
"No. What im trying to say is, wag mo hayaang maapi ka. That's it"
parang nainis pang sagot nito sa akin.
Hindi ako sumagot o nagtanong muli sa kanya dahilbaka magalit
nanaman ito. Kaya naman ang ointment na nasa may pinky finger niya
ay unti unti niyang idinampi sa gilid ng aking labi.
"Aray!" Daing ko ng madiin niya iyong dampian.
Napaiwas tuloy ako at dahil duon ay parang ito pa ang nainis. "Ang
arte naman nito!" Inis na sambit pa niya.
"Dahan dahan lang kasi! Sugat kaya to" nakabusangot na daing ko pa
sa kanya.
Muli niyang sinubukang dampian ang gilid ng aking labi. "Ibubuka
ko ba ang bibig ko?" Tanong ko.
"May sinabi ba ako?" Masungit na tanong niya sa akin.
Umiling
ako pero patuloy na nangatwiran. "Eh baka kasi nahihirapan kang
lagyan tong sugat ko kung di naka buka yung bibig ko." Paliwanag
ko sa kanya.
"Pwede ba! Alam ko ang ginagawa ko" inis na suway nito sa akin at
padabog pang napakamot sa kanyang ulo.
"Ay oo nga pala! Magiging si Doctor Lucas ka nga pala" sabi ko pa
pero di na ako nito pinansin.
Napalunok ako ng maglagay ito ng alcohol sa may bulak. " ano yan?"
Tanong ko kahit alam ko naman.
"Sa kalmot ng kuko sa pisngi mo, kailangan lagyan ng alcohol. Isa
ang kuko sa pinakamaduming parte ng katawan ng tao" paglelecture
nito sa akin.
Napalunok ako ng mas lalong lumapit ang mukha ni lucas sa aking
mukha. "Don't worry hihipan ko" paninigurado nito sa akin.
"Hin...hindi ako takot diyan noh!" Matapang na sabi ko sa kanya.
Nginisian ako nito. "Talaga lang ha?" Panghahamon niya sa akin.
(Flashback)
"Stop crying na Cara...gagamutin ni tita samantha yang sugat mo"
pagaalo nito sa akin.
"Ano bang nangyari sayo? Ano ba kasing ginagawa niyo ni Suzy?"
Pagaalala pa nito.
Napatingin ako sa nakangising si lucas. Pero biglang nagbago ang
ekspresyon ng mukha nito na para bang nagbabanta.
"Naghahabulan lang po" pagsisinungaling na sagot ko na lamang kay
tita sam.
Ang totoo kasi niyan ay naglalaro kami ni Suzy ng bagong bili nina
tito luke at tita sam na barbie para sa aming dalawa. Nagpaalam si
suzy na may
kukuhanin lang daw siya sa kwarto niya ng biglang lumapit si lucas
sa akin at tsaka ipinakita ang garapon niyang may laman na
dalawang ipis.
"Teka at ako na ang kukuha ng medicine kit" paalam sa amin ni tita
samantha.
Gusto ko pa sana siyang hawakan at sabihing wag akong iwan pero di
ko nagawa. Ngiting ngiti si lucas na nakatingin sa akin.
"Ako na lang ang gagamot sayo Cara" sabi niya na ikinagulat ko at
the same time ikinakaba ko din.
Lumapit ito sa akin at tsaka lumuhod sa aking harapan. May
inilabas siyang bulak at tsaka alcohol. "Masakit yan" sabi ko pa.
"Dahan dahan lang" paninigurado pa niya.
Kaya naman hinayaan ko na lamang siya sa kanyang ginagawa. Pero
nagulat ako ng imbes na ang bulak ang buhusan niya ng alcohol ay
ibinuhos at itinapat niya mismo iyon sa aking tuhod na sugatan.
"ARAY!" hiyaw ko habang humahalakhak na tumatakbo si lucas palayo.
(End of flashback)
"Wag" sabi ko ng tangka nitong kukunin ang lalagyanan ng alcohol.
Ngumiti ito na para bang nangaasar pa.
Marahan niyang idinampi ang alcohol sa aking pisngi tsaka iyon
mabilis na hinipan. Ramdam ko tuloy ang mabangong hininga ni lucas
sa aking pisngi at sobra talaga ang pagtaas ng aking balahibo.
"Mabuti at hindi ito masyadong malalim" sabi pa nito.
Muli pa niyang ginawa iyon kaya naman napakagat n pa ako sa aking
labi dahil sa kirot at hapdi. Napatingin ako kay lucas ng mapansin
kong nagtigilan ito.
"Ba...bakit? May problema?" Nagtatakang tanong ko pa sa kanya.
Napalapat ako sa aking labi ng makitang duon siya nakatingin. "May
problema ba sa ointme..."
Di ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil sa gulat ng kanyang
simunod na ginawa. Ramdam na ramdam ko ang dila ni lucas na
naglalaro mismo duon sa loob ng aking labi.
Hindi ko alam ang gagawin ko, pero mas lalo lamang dumiin ang
halik niya sa akin ng inilagay niya ang isa niyang kamay sa likod
ng aking batok. Nangamba ako dahil ang kanyang matangos na ilong
ay parang kinakalaban ang aking ilong din. Papalit palit kasi ito
ng side kaya naman.
Napapikit na lamang ako ng lalo niyang ibinuka ang aking bibig, at
gigil na gigil na inangkin iyon.
"Lu...lucas" hinihingal na tawag ko pa sa kanya.
Bumitaw ito sa halik at pinagtapat niya ang aming mga noo, habol
habol din kasi nito ang kanyang hininga.
"Ki...kinain mo yung ointment sa labi ko" nahihiyang pangaasar ko
dito.
"Wala kang pake!" Sabi nito na ikinagulat ko.
Mabilis itong tumayo at nagtungo sa kanyang swivel chair.
"Hinarasst mo ako!" Akusa ko dito.
"Shut up!" Sabi pa nito.
Napanguso na lamang ako dahil duon. Di niya ginawang big deal yon,
di ba niya alam na iba ang dating nuon sa mga babae! Basta basta
na lang siyang manghahalik nakakainis!.
"Halik ng halik nakakainis! Paasa talaga" naiinis na bulong ko pa.
"May sinasabi ka?" Masungit na tanong niya sa akin.
"Papakasalan mo ako ha!" Sabi ko sa kanya.
"At bakit!?" Di makapaniwalang tanong nito.
"Hinalikan mo ako eh!" Sigaw ko sa kanya pero nginisian lamang
niya ako.
Tumayo ito tsaka nagligpit. "Gutom ka lang, let's eat" yaya nito
at nagsimula ng maglakad palabas.
Wala talagang kwenta ang isang ito. Pagkalabas ay may sinabi pa
ito kay Geneve bago dumiretso sa Elevator. "Ikaw ang nagyaya ha!
Ikaw ang manlilibre" sabi ko dito.
Kagaya kanina
bigla biglang
Panghihimutok
kaming dalawa
ay di nanaman ako nito pinansin. "Ikaw na nga yung
nanghalik diyan! Tapos ikaw pa ang di mamamansin!"
ko, buti na lamang at walang tao sa loob kundi
lang.
Matalim ako nitong tiningnan. "Don't worry next time magpapaalam
ako...happy now?"
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 30
Kagaya ng sinabi ni Lucas ay kumain kami. Kain lang ako ng kain
dahil libre naman niya. Nahuhuli ko ito paminsan minsan na
tumitingin kaya naman naiilang din akong sumubo.
Sa kalagitnaan ng aming pagkain ay tumunog ang kanyang Cellphone,
mabilis niyang pinunasan ng table napkin ang kanyang bibig bago
kinuha ang kanyang cellphone at sinagot ito.
"Ano yon?" Tanong niya sa Caller.
Di man lang nagbigay ng galang o bumati. Kakaiba talaga ang isang
ito, tahimik lamang si lucas na nakikinig sa nasa kabilang linya.
Nakatitig din tuloy ako sa kanya na tipong nakikiusyoso din sa
kanila.
"Bukas kaagad? Ok sige sasabihin ko" sagot nito at mabilis na
pinatay ang tawag.
Nanahimik na lamang ako pagkatapos at itinuon ang aking sarili sa
pagkain.
"Si Zena iyon" sambit ni lucas kaya naman tuloy napatingin ako sa
kanya.
"Ahh..." sagot ko na lang, ayoko kasing makialam sa kanila baka
kasi sabihin ni lucas feeling close ako sa kanya.
"Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung bakit?" Medyo naiinis na
sabi niya sa akin.
"Ha...eh bakit?" Magulong tugon ko. Di ko kasi alam kung bakit
kailangan ko pa siyang tanungin.
Inis na inis na lamang itong napainom sa kanyang inumin, "Pupunta
tayo ng Zambales bukas" sabi nito.
"Ha bakit?" Tanong ko na lang din.
Matalim akong tiningnan ni Lucas. "Puro ha bakit na lang ba yang
sasabihin mo?" Kunot noong tanong pa niya.
Mabilis kong nginuya ang pagkain
sa aking bibig. At tsaka nilunok ito bago nagsalita. "Bakit ba
kasi tayo pupunta ng Zambales? Start na ng Class next week" maayos
at mahaba habang tanong ko na para di na siya mainis pa.
Napairap pa muna ito bago sumagot. "Isang gabi lang tayo don,
bitin pa daw sila sa bakasyon" kwento nito sa akin na tinanguan
ko.
Napakagat tuloy ako sa aking labi at napaisip. Kailangan kong ma
budget ang allowance ko dahil magpapasukan na. Puro gasto din kasi
ako dahil sa date namin bukas. Di na rin ako pwedeng magworking
student dahil band na nga ako dun sa pinapasukan ko dahil hindi ko
na napapasukan.
"May problema?" Tanong pa ni Lucas sa akin.
"Uhmm...baka kasi di na ako makakasama bukas, naka budget na kasi
ang allowance ko eh" sabi ko pa dito.
Napaiwas ng tingin si lucas sa akin. "Dont worry about the
expenses Cara, sagot lahat iyon nila mommy" paninigurado nito sa
akin kaya naman napatango na lamang ako.
Pagkatapos kumain ay may dinaanan pa si lucas sa may mall.
Nakasunod lamang ako sa kanya hanggang sa huminto siya at pumasok
sa isang mobile shop.
Napaisip ako na baka sira ang kanyang cellphone kaya siya nandito.
"I want to have the exact model like this" sabi niya duon sa
lalaki at ipinakita ang kanyang mamahaling cellphone.
Tumabi ako sa kanya sa may mahabang glass table kung saan nanduon
nakadisplay ang mga naggagandahang cellphones.
Tiningala ko si lucas na saktong nakatingin na din naman sa akin.
"May sira
ba yung Cellphone mo?" Tanong ko pa sa kanya, pero umiling lamang
ito.
"Ito na po sir" singit nung lalaki at tsaka niya inilapag ang
tatlong box ng magkakaparehang cellphone na iba iba lang ang
kulay. May itim, puti at tsaka gold na kagaya ng kay lucas.
"Anong gusto mong kulay?" Tanong niya sa akin.
"Ha...edi depende sayo, ikaw naman ang gagamit niyan eh" sabi ko
pa.
"Ipangreregalo ko" tipid na sagot niya.
Nanlaki naman talaga ang mata ko dahil duon. Napakasosyalin talaga
ng isang ito. Biruin mo cellphone ipangreregalo lang niya? Eh
hindi ata bababa ng 40k itong gusto niyang iregalo eh.
"Babae ba o lalaki?" Tanong ko na lang.
"Babae" sagot niya ulit. Napanguso na lamang ako. At sino nanaman
kayang babae iyon?
"Ito kasing white pang babae, yung black pang lalaki, at yung
gold..." napatingin din muna ako sa hawak ni lucas na cellphone.
"Pang ano?" Panghahamon nito.
Lolokohin ko sana siya at sasabihing pambakla ang kaso ay baka
magalit nanaman ito sa akin. "Pang Cute" sabi ko na lang at
nginitian siya ng todo.
Inirapan pa akonito bago muling tinanong. "So ano na nga?" Pahabol
niya.
"Yung white maganda" sagot ko.
"We'll take this" mabilis na sabi ni lucas duon sa lalaki at
kaagad naman iyong kumilos.
Naglibot libot muna ako sa shop habang hinihintay na matapos si
lucas. Nangako akong pagnakuha ko na yung trust fund ko ay bibili
ako ng bagong cellphone. Yung malaki yung screen para maganda
tingnan
yung family picture namin duon.
"Cara" tawag ni lucas sa akin.
"Ok na?" Nikplingon ko siya, nagulat ako ng pinahawak niya sa akin
ang isang maliit na papaer bag at inilabas niya mula sa kanyang
bulsa ang kulay puting cellphone na pinili ko kanina.
"Para yan sayo, kasi palitan mo na yung phone mo...sira na ang
screen niyan" sabi nito habang napapakamot pa sa batok.
Di ko na napigilan ang aking emosyon. Kaagad nagtubig ang aking
mga mata at mabilis na napayakap kay lucas. "Thank you
lucas...thank you talaga" sabi ko pa sa kanya.
Pagkatapos duon ay kaagad din naman akong hinatid ni lucas sa may
kanto malapit sa amin. Kailangan pa daw kasi naming magayos ng
gamit para sa pagpunta namin ng zambales bukas.
Sobrang saya ko dahil sa bago kong Cellphone, ni parang ayoko na
nga atang bitawan iyon.
"Ano ba iyan Chelsie! Tumulong ka nga!" Rinig kong sigaw ni Auntie
Elena mula sa loob.
Pagkapasok ko ay nagkalat ang mga paper bag na pinapili namin
kanina, si chelsie naman ay preskong preskong nakahilata sa sofa
habang may hawak na tablet. Mukhang bagong bili din ni uncle fred.
"Cara! Cara tara dito, papakita ko sayo ito" excited na excited na
hila niya sa akin paupo sa may sofa.
Inabot niya iyon sa akin kaya naman inilapag ko muna sa lap ko ang
bagong cellphone na bigay ni lucas sa akin.
"Bago ang cellphone mo?" Tanong niya.
"Ha...Ah Oo pinigay nung kaibigan ko" sagot ko sa kanya.
"NapakaGalante naman niyang kaibigan mo, ipakilala mo nga ako"
natatawang
pangaasar pa niya sa akin.
Matapos ang ilang kwentuhan namin ni Chelsie ay pumasok na din ako
sa aking kwarto para makapagayos ng gamit na dadalhin ko bukas, at
nagpaalam na din naman ako kay auntie elena.
"Walang problema sa akin yan Cara, basta ba di ako ang gagastos"
sagot niya pa sa akin.
Konti lang ang damit na dinala ko. Isang gabi lang naman kami
duon. Kaya puro tshirt pang swimming na din ang dinala ko.
"Ayoko pa pumasok next week" daing ni Suzy.
Maaga akong pumunta sa bahay nila dahil duon kami dadaanan nila
kuya Matthew. "Lagi mo namang ayaw pumasok eh" pangaasar ko pa sa
kanya.
Nasa kwarto niya ako at nakadapa sa kanyang kama. Maaga kasi akong
umalis sa amin kanina medyo madilim pa nga nun. Busy ako sa
pagGamit ng bago kong Cellphone. Nandito na din kasi ang lahat ng
picture namin ni lucas nung pumunta kami sa sa isang amusement
park.
"Edi mababawasan ang 8 days niyo" sabi ni suzy tsaka tumalon sa
kama patabi sa akin.
Umiling ako, "ayos lang pwede din naman duon" sagot ko sa kanya
habang ang buong atensyon ko ay nasa Bago kong cellphone.
"Teka teka...bago ata yang Cellphone mo!" Sabi niyo at kaagad na
inagaw iyon sa akin.
"Hoy ano ba" daing ko sa kanya at pilit kong kinukuha iyon pero
binabrowse niya yung mga picture.
"Binili ito ng Auntie mo?" Tanong niya sa akin.
Napailing ako. Humanap ako ng tiempo at kaagad kong naagaw sa
kamay ni Suzy iyon. "Alam ko na!" Biglaang sabi niya.
Kumunot
ang aking noo. "Alam ang alin?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Si kuya ang nagbigay niyan ano!" Pangaasar pa niya sa akin.
"Eh...kasi nasira niya yung dati kong phone kaya pinalitan niya"
sagot ko sa kanya.
"At kailangan katulad talaga ng sa kanya?" Patuloy pa na pangaasar
niya sa akin.
Para di na niya ako makulit ay lumabas na ako sa kanyang kwarto.
Mabilis akong tumakbo pababa para di na ako mahabol ni suzy.
Sa garden na ako nagstay hanggang sa tinawag na kami dahil andyan
na ang itim na Hiace nila kuya Matthew. "Ikaw ha! Tumatakas
ka...wag kang magalala titiempuhan din kita" pangaasar na banta
niya sa akin.
"Cara!" Tawag ni kuya matthew na kabababa lang sa may driver seat.
"Kuya matthew" nakangiting bati ko pa sa kanya.
Nailang ako ng halikan ako nito sa ulo. "Na miss kita..." sambit
niya.
Napalunok ako ng maramdaman ko ang presencya ni lucas sa likod
namin. Kaya naman dahan dahan ang nagawa kong maglingon dito.
Matalim nanaman ang tingin niya sa akin, kaya naman napayuko na
lamang ako.
Sumakay na ang lahat sa loob ng Hiace, pinilit nilang pagkasyahin
ang mga sarili nika duon dahil na din sa mga dala nilang gamit.
"Naman kasi eh! Yung tatlo barbie kung makapagmaleta parang di na
babalik" sabi ni Mikhael at pagpaparinig na din kina Tammarie,
Zafara at Kendall.
Inarapan lang siya nung tatlo at di na sinagot pa. "Cara ok lang
ba sayong dito ka sa Passenger seat?" Tanong ni Kuya Matthew.
Bago sumagot ay hinanap ng aking mata si lucas pero kita
ko lamang ang pagiiwas nito ng tingin.
"O...oo naman po" sabi ko na lamang.
Naging maingay nanaman ang byahe namin na para bang ilang taon
silang di nagkita kita. Kalaunan ay huminto din kami sa kainan
pagdating ng tanghali at muli nagpatuloy sa pagbyahe para marating
ang aming destinasyon.
"Swimming na!" Sigaw ni matthew pagkadating namin duon. May ilang
mga tourista din na naduon pero di naman ganuon ka dami kagaya sa
ibang beach.
NagCheckin muna kami sa hotel. Kagaya ng dati ay sina Kuya
matthew, kuya Ken at lucas ang umayos na lahat. Sa buong barkada
kasi ay sila lang ang kumikita na ng pera ngayon dahil na din sa
pagtulong nila sa mga negosyo ng daddy nila.
"Kumuha kami ng apat na kwarto good for Four persons, kayo na ang
bahalang magGroupo sa mga sarili niyo" tamad na sabi ni lucas.
Sabay sabay kaming umakyat sa itaas. Sa 3rd floor lamang naman
iyon. Pero sobrang lawak ng hotel, buti nga din at magkakatabi
lamang ang kwarto nakuha namin.
"Kita tayo sa lobby in 30 mins." Sabi ni kuya ken sabay tingin sa
kanyang wrist watch.
"Antagal naman nun bro!" Daing ni Zeus.
Siniko naman siya ng bestfriend na si Thomas. "You know girls"
sabi niya sabay baling sa amin na nakahilera.
Nagkanya kanya kaming pasok sa kwarto. Ako si Suzy at si Zena ang
magkakasama, samantalang sa kabilang kwarto naman ay ang di
mapaghiwalay na sina Kendall, Zafara at Tammarie.
Nagsuot lamang
ako ng shorts at puting tshirt. Ganuon din naman ang ginawa nina
zena at suzy. Di naman daw sila pumunta dito para bandera ang mga
sexy nilang katawan kundi para magenjoy lang talaga.
"Kung pwede lang magJacket...ayoko talagang umitim!" Si zena iyon.
Tinawanan na lang namin siya ni Suzy at bumaba na sa may Lobby.
Pagkadating namin duon ay naabutan naming nanduon na din ang mga
lalaki. Yung tatlo na lamang ang wala.
"Asaan na ba yung tatlong paBibe na yon?" Naiinip na sabi pa ni
Mikhael.
Kaagad na tumawa si Zeus at thomas dahil sa sinabi nito. Maya maya
ay dumating na din naman yung tatlo kaya sabay sabay na kaming
nagtungo sa may dagat.
"Ano nanaman ang problema mo?" Mahinang tanong ko kay lucas ng
medyo mahuli kaming dalawa sa paglalakad.
Masama nanaman kasi ang tingin nito sa lahat ng bagay na madaanan
ng kanyang mga mata. "Wala" tamad at tipid na sagot niya sa akin.
NapaMake face tuloy ako. "Pwede ba yon? Nakasimangot ng walang
dahilan? Sino ba ang umaway sayo, tara bugbugin natin" pagbibiro
ko sa kanya.
"Talaga?" Seryosong panghahamon niya pa.
Nginitian ko siya at tinanguan. "Sino ba? Dali sabihin mo na"
pamimilit ko pa sa kanya.
"Pag sinabi kong si Matthew bubogbugin mo pa din ba?" Sagot na
tanong nito na nagpahinto sa akin.
"Ba...bakit naman si Kuya matthew?" Nagtatakang tanong ko sa
kanya. Mukha naman kasing ayos silang dalawa.
Di na ito sumagot pa at tsaka na ako iniwan duon. Di mawala sa
isip ko ang sinabi
sa akin ni Lucas. Palagi na lang kasi siyang galit kay kuya
matthew...di kaya? Nagseselos siya?
Napailing ako at napasampal sa aking sarili. Nakaupo ako sa
buhangin habang pinapanuod silang lumangoy.
"Anong iniiling iling mo diyan?" Nakangiting sabi ni kuya matthew
ng lumapit at tumabi siya sa akin.
"Ah wala po" pagtangging sagot ko sa kanya.
"Sobra kitang namiss, busy kasi sa work...si dad gusto niyang
magTake over na ako sa companya" kwento niya sa akin.
Napangiti ako. "Edi ayos po, ibig sabihin lang nun malaki ang
tiwala sa inyo ni tito matteo" sabi ko pa.
Tumango siya at ngumiti sa akin. "Sa tingin mo kaya ko yon?"
Tanong nito sa akin.
"Oo naman po" pagchecheer up ko sa kanya.
Nagkwentuhan kami ni kuya matthew haggang yayain niya akong
maglakad lakad, at dahil di namin namalayan ang oras ay naabutan
kami ng paglubog ng araw.
"Sa susunod dadalaw na talaga ako sa inyo para makilsla ko na din
ang Family mo" sabi pa niya.
"Uhm...titingnan ko po, busy kasi palagi ang auntie, palagi siyang
wala sa bahay" palusot ko pa.
Tumango na lamang ito at sumangsyon. Sabay kaming natawa dahil
inihip ng napakalakas na hangin ang aking buhok. Sumabog tuloy ito
sa aking buong mukha.
Lumapit si kuya matthew sa aking harapan para tunglungan akong
ayusin ang aking buhok. Nang mapahinto ako sa pagtawa ng marealize
ko kung gaano na kami kalapit na dalawa. Ang mga mata niya nasa
labi ko, ganito yung eksena katulad sa opisina ni lucas nung
hinalikan niya ako.
Nanatiling nakadilat ang aking mga mata, habang si kuya matthew
naman ay nakapikit na at unti unti ng lumalapit ang kanyang mukha
sa akin.
"Cara!" Isang matigas na boses ang nagpatigil sa amin. Sabay namin
iyong nilingon at nakita namin ang matalim at galit na tingin ni
lucas.
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 31
Nanigas ako sa aking kinatatayuan dahil sa nakakatakot na tingin
ni lucas sa amin. Gusto kong humakbang palayo kay kuya matthew
pero di ako makagalaw.
"Bakit may problema ba?" Tanong ni kuya matthew sa kanya.
Nabigla ako ng maramdaman ko ang kamay niya na hinawakan ang aking
kamay. Napatingin tuloy ako kay lucas at duon ko nakitang bumaba
din ang kanyang tingin sa magkahawak na ngayong kamay namin ni
kuya matthew.
"Dinner na" tipid lamang na sagot niya at mabilis kaming
tinalikuran at iniwan.
Sinundan ng mga mata ko ng tingin ang paglayo ni lucas. Pero
nawala iyon ng humarang ang matipunong katawan ni kuya matthew sa
aking harapan.
"Cara" nagaalalang tawag niya sa akin at hinawakan nito ang
magkabilang balikat ko.
"Did i uhmm...nagulat ba kita?" Di mapakali at parang nahihirapan
pang tanong niya sa akin.
"Uhmm...hindi naman po" naiilang na sagot ko sa kanya.
"Oh gahd! Ayokong madaliin ka" frustrated na sabi niya at tsaka
ako niyakap.
"I dont want you to think na nagtatake advantage ako sayo...you
knoe that i can wait for you right?" Paninigurado niya na
tinanguan ko na lamang.
Habang naglalakad kami patungo sa isang open seafood restaurant ay
walang tigil itong humihingi ng patawad.
Mula sa open seafood restaurant ay natanaw na namin sila na
nakaupo na, nakaOrder na din sila ng pagkain at mukhang kami na
lamang ang hinihintay.
"Sa wakas!" Hiyaw ni matthew at kaagad na kumuha ng pagkain.
"Kain na mga love birds" natatawang pangaasar sa amin ni kuya ken.
Di ko maiwasang hindi pagpulahan ng pisngi
dahil sa kanyang sinabi. Pero napayuko ako ng sinamaan ako ng
tingin ni lucas kaya naman napahawak ako sa aking magkabilang
pisngi para di na niya makita ang pamumula nuon kung totoo man.
Maraming klase ng ibat ibang seafood ang nakahain sa aming lamesa.
"Wala pang nakakaDiskubre ng Lechong Shark noh!" Sabi ni mikhael
out of now where.
Kaagad na nagmake face ang mga babae samantalang natawa naman sina
Zeus at thomas. "Si kuya Mikhael talaga" natatawang sabi ni Zeus
at parang nahihiya na din para kay mikhael pero di niya lang
pinapahalata.
Kaagad na nagtaas ng kamay si mikhael para makipagapir kay thomas
at zeus. "Kayong dalawa lang talaga ang maaasahan ko eh, kayo lang
talaga ang tunay kong kakampi" sabi ni mikhael dito.
"Nambola ka pa kuya mikhael!" Natatawang at napapailing na lang na
sabi ni thomas.
Kumuha na din ako ng pagkain para makakain na. Kumuha aki ng sugpo
at sinubukang balatan iyon.
"Ako na" pagprepresinta ni kuya matthew.
Di naman na ako nakatanggi pa kaya naman pinabayaan ko na siya. Di
ko naman nagawang magAngat ng tingin sa gawi ni lucas dahil
natatakot ako sa matalim na tingin nito sa akin.
Nakatingin ako habang binabalatan ni kuya matthew ang sugpo ko ng
magulat ako ng may nag lagay ng plato da aking harapan.
"Ayan na" maiksing sabi ni lucas.
Napatingin tuloy ako sa kanya, pero naging busy na ito at umakto
na parang wala lang.
"Haba ng hair" bulong pa ni suzy sa akin. Tiningnan ko siya ng may
kasamang pagbabanta pero kinindatan lamang ako nito.
"Uhmm..." sambit ni kuya matthew na hindi na tuloy alam kung
ipagpapatuloy pa ba niya yung pagbabalat o hindi na.
"Kakain ko pa din yan" nakangiting sabi ko sa kanya.
Kaagad na nagliwanag ang mukha nito at tsaka ipinagpatuloy ang
pagbabalat ng sugpo. Dumami tuloy ang sugpo sa aking plato.
"Ehem" pagkuha ni Zena ng atensyon.
"Kain lang ng kain Guys...pakabusog tayo" natatawang sabi niya.
Naging tahimik kasi kami sa lamesa ng dahil sa senaryo kanina.
Bumalik na din naman ang lahat sa normal pagkatapos nuon. Kanya
kanyang topic nanaman ang nabuo kaya kagaya ng dati ay naging
magulo nanaman sa aming lamesa.
"Let's see kung kakailanganin nating magExtend" pahayag ni kuya
ken. Bitin daw kasi kung bukas ng hapon ay babyahe na kami pauwi.
"Mag Extend na iyan, ni hindi pa nga din namin naEenjoy yung dagat
tsaka yung mga girl...di ba!?" Sabi niya sabay baling duon sa
dalawang kakampi daw niya kuno.
"Sasabihan ko muna ang mga parents natin..." sagot ni kuya ken sa
kanya.
Marami din silang pinagusapan tungkol sa mga atraksyon na
matatagpuan sa resort na ito. Si lucas ay tahimik lamang kagaya
ko. Hinihintay kong magtama ang aming mga paningin pero di iyon
nangyari.
"Club! Whoohoo!" Hiyaw ni mikhael pagkalabas namin sa restau.
"Alam mo! Makakahanap ka talaga ng kaaway dahil diyan sa kaingayan
mo" suway sa kanya ni kuya matthew.
"Maaga pa para duon, hatid muna natin yung mga girls sa hotel"
pahayag ni kuya ken.
Kaagad na dumaing sina Zena at Suzy. "Sasama kami" nakangusong
sabi ni Suzy kay kuya ken.
Tinitigan
siya ni kuya ken. Actually nagtitigan sila na para bang naguusap
sila sa pamamagitan nuon.
"Patulugin muna natin yung tatlong paBibe" mahinang sabi ni
Mikhael tsaka kami kinindatan.
Gaya ng napagkasunduan ay sabay sabay kaming lahat na bumalik sa
hotel room. Masyado pa kasing bata sia Kendall, tammarie, at
zafara para mag Clubbing. Kung pumupunta man kasi sila dito ay di
nila pinaparinig sa tatlo although di naman na sanggol ang mga
iyon at siguradong may alam na sila tungkol duon.
Karaniwan daw na midnight na nagsisimula ang tinatawag nilang
tunay na party. Kaya naman nang thirty minutes before midnight ay
nagkita kita na kami sa may lobby. Sinigurado na din muna nila
kuya ken na tulog na yung tatlo.
"Yes! Dont worry guys akong bahala sa inyong dalawa ngayon" tuwang
tuwang sabi ni mikhael at inakbayan sina Zeus at thomas.
Kami naman ay sumunod lang nang lakad sa kanila. Di ko maalis ang
tingin ko kay lucas, bagong paligo kasi ito.
Di naman gaanong malayo ang nilakad namin mula sa hotel patungo sa
nagiisa nilang club dito. Malayo pa lang ay rinig na rinig na
namin ang ingay sa loob. Sa labas nga ay marami na ding taong
papasok.
Nakasunod lamang ako kina Suzy dahil pagkadating sa loob ay medyo
mausok at magulo na dahil sa mga nagsasayawan. Napatingin naman
ako sa aking bandang likod at duon ko nakita si lucas na nakatayo
lamang duon sa may entrance na parang nagdadalawang isip pa kung
papasok o hindi.
Medyo nasa kalagitnaan na din kami at medyo kumakapal na din ang
tao kaya di ko na gaanong makita si lucas.
"Party!" Sigaw ni Suzy at napaindak na din sa beat ng music.
Nang naging
busy silang lahat ay mabilis akong pumihit pabalik sa entrance
para makalabas. Batid ko namang walang makakapansin sa aking
pagalis dahil sa dami ng tao sa paligid nila.
"Excuse po" paulit ulit na sabi ko habang palabas. Madami na din
kasi akong bakabunggo na mga taong papasok at sobrang pahirapan
talaga. Di naman siya ganuon ka Crowded, pero yung iba kasi
papasok palang umiindak na kaya naman tuloy nahahawi yung ibang
tao. Di makapaghintay na makapunta sa dance floor.
Muli kong naramdaman ang buhangin sa aking paa. Nahirapan ako sa
paglalakad kaya naman hinubad ko na lamang ang aking tsinelas at
binitbit iyon. Naglakad lang ako ng naglakad, di ko alam kung saan
ako pupunta pero desidido talaga akong mahanap si lucas.
"Lucas!" Mahinang sigaw ko. Nahihiya din kasi aking sumigaw ng
malakas at makakuha ng ibang atensyon ng ibang tao.
"Asaan ka na ba lucas?" Sabi ko na lamang.
Nakakita ako ng isang stone formation. Nasisinagan pa naman ito ng
mga ilaw galing sa mga ilaw at sa buwan na din. May isang bato na
parang nagsilbing bubong kaya naman may maliit na place kang
masisilungan duon.
May nakita akong nakaupong tao, di na sana tuloy ako tutuloy duon
pero napansin kong iyon pala ang kanina ko pang hinahanap.
"Lucas!" Tawag ko sa kanya at mabilis na tumakbo patungo duon.
"Anong ginagawa mo dito? NagpapakaLoner ka dito" sabi ko sa kanya
at tsaka umupo sa kanyang tabi.
"Bakit umalis ka duon sa Club?" Tanong niya sa akin pero sa malayo
ang kanyang
tingin.
Napatingala tuloy ako at napatingin sa bituin sa langit. Dahil sa
ganda nuon at nakakangawit tumingala kaya naman humiga na lamang
ako sa may buhangin.
"Madudumihan ang buhok mo diyan" suway ni lucas sa akin.
Napanguso akong bumangon muli. Nakita ko ang mahabang binti niya
at walang sabi sabing ginawa kong unan iyon.
"Umalis ka nga diyan" pagtataboy niya sa akin.
"Thank you sa pagpapahiga" nakangiting sabi ko sa kanya.
Nagulat ako ng di na muli itong umimik para paalasin ako kaya
naman inenjoy ko na lamang na makahiga sa kanyang lap.
"Ang daming Stars noh!" Sabi ko pa sa kanya.
Di ito sumagot bagkus ay tumingala lamang din kaya tuloy kitang
kita ko ang adams apple niya.
"Uhmm...kung nasa movie tayo anong pipiliin mo? The Fault in our
Stars o My Love from the Star?" Tanong ko sa kanya.
"At ano naman ang mga iyon?" Naiiritang tanong niya sa akin,
napaghahalataan tuloy na di siya nanunuod ng mga romance movies.
"Basta, pumili ka na lang" pagpupumilit ko pa sa kanya.
Sandali itong natahimik at mukha namang nagiisip. "Yung pangalawa
na lang" sagot niya.
"Grabe naman neto! Sasabin na lang yung title tinamad pa" suway ko
sa kanya.
"Yung My Love from the Star" iritadong sabi niya na ikinatawa ko.
"Kung yung My love from the star...ibig sabihin Alien ka!" Akusa
ko sa kanya.
Napakagat labi ako "At
ako ang magandang si Stefi" ngitingiting sabi ko pa.
Muli natahimik si Lucas. "Galit ka ba?" Seryosong tanong ko.
"Saan naman?" Balik na tanong niya sa akin.
"Ewan ko, gusto ko lang itanong kung galit ka...kahit parang lagi
ka namang galit" sabi ko na lamang.
Muli nanamang naghari ang katahimikan sa aming dalawa. Di ko
inaasahan na aabot sa ganito na magiging ganito kami kalapit ni
lucas. Dati rati kasi ay ni makita ako ay kinaiinisan na niya.
"Tungkol sa kanina" sabi niya sa kawalan.
"Anong sa kanina?" Nagtatakang tanong ko kahit parang nay hint na
ako.
"Ku...kung di ba ako dumating magpapahalik ka kay Matthew?" Nautal
man ay natanong pa din niya.
Naramdaman ko ang paginit ng aking pisngi. Ito na ba iyon!?
Nagseselos nga ba talaga si lucas? Dahil sa aking naiisip ay
parang gusto kong magtatatalon. Pero kinontrol ko ang aking
sarili.
"Depende..."
"Anong depende!?" Galit na tanong niya. Di pa nga kasi ako tapos
magsalita pero kaagad naman siyang umepal.
"Depende kung papatapusin mo muna ako sa pagsasalita ko" sabat ko
sa kanya.
Bigla naman itong natahimik. "Syempre nabigla din naman ako, pero
ayun dumating ka so di natuloy" magulong sagot ko.
"Pero gusto mong matuloy?" Madiing tanong niya sa akin.
"Ano ba dapat?" Balik na tanong ko para walang sisi sa akin sa
huli.
"Syempre hindi" sabi pa niya sabay iwas ng tingin.
Medyo malakas na ang hangin sa tabi ng dagat. Sigurado
din kaming nagkakasiyahan na sila duon sa club.
"Si Suzy nasa Club" sabi ko sa kanya. Over protective kasi ito sa
kapatid.
"Nanduon si ken, di niya gugustuhing pabayaan si Suzy duon. Dahil
sisiguraduhin ko sa kanyang di niya na makikita ang kapatid ko
pagnagKataon" mahabang sabi nito.
Napapalakpak tuloy ako dahil duon. "Wow, parang isang linya lang
sa isang pelikula ah" pangaasar ko pa sa kanya tsaka siya
tinawanan.
"Tigilan mo nga ako!" Suway niya sa akin pero di ako tumigil.
"Isa! Pag di ka tumigil hahalikan kita" pagbabanta niya.
Lumaki ang aking mata at mas lalong lumawak ang aking ngiti.
"Tagal! Yehey...sige nga" panghahamon ko sa kanya at tsaka na ako
naghanda at pumikit.
Hinihintay kong maramdaman ang malambot na labi ni lucas sa aking
labi pero wala. "Idiot..." sambit niya kaya naman napadilat ako.
"Oh! Asaan na yung kiss ko?" Tanong ko sa kanya na ikinaAmaze
niya.
"Wala!" Asar niya sa akin.
Napabangon tuloy ako. "Paasa to!" Sabi ko at di ko napigilang
hampasin siya sa braso. At napalakas talaga iyon.
"Aba sinasaktan mo na ako ngayon ha!" Sabi nito at kaagad na
sinundot ang aking tagiliran.
"Hoy! Tama na Harasstment to!" Natatawang hiyaw ko dahil sa
pangingiliti niya.
Kung wala pang dumaan na mga tao at pinagisipan kami ng masama ay
di pa ako nito titigilan.
"Lucas ano ba to? Ano ba tayo?" Tanong ko na. Grabe ang kaba sa
akibg dibdib habang tinatanong ko iyon sa kanya.
Nakatitig ito ngayon sa akin. Titig na titig sa aking mga mata.
"Hindi ko din alam, pero..." napahinto ito at unti unting lumapit
ang mukha niya sa akin.
"Pe...pero ano?" Kinakabahang tanong ko.
"Pero kanina ko pa talaga gustong gawin ito" pagkasabi niya nuon
ay kaagad niyang inangkin ang aking labi. Para akong baliw dahil
parang gusto kong maiyak dahil sa sobrang saya.
Todo ngiti ako dahil sa magkahawak naming kamay habang pabalik
kami sa hotel. Napagpasyahan na kasi naming matulog dahil inaantok
na din ako.
"Wow, di ka ata pumalag ngayon ha" natatawang sabi ko sabay taas
sa magkahawak naming kamay.
Nginitian lamang ako nito at tsaka kami nagpatuloy sa paglalakad.
"Matulog ka na, wag mo na ako masyadong isipin" sabi niya na may
halong pangaasar.
"Grabe siya oh!" Natatawang suway ko sa kanya.
Paglabas ng Elevator ay nagpatuloy kami sa paglalakad patungo sa
kanya kanyang hotel room namin. Busy ako kakatingin sa kamay namin
kaya di ko tuloy napansin ang taong nasa harapan namin.
"Ku...kuya matthew" kinakabahang tawag ko sa kanya, pero nakatitig
lamang ito sa magkahawak naming kamay ni lucas.
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 32
Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ko ang
nanlalaking mata ni kuya Mikhael na nakatingin sa magkahawak
naming kamay ni Lucas.
"Kuya Matthew" paos na tawag ko sa kanya.
Labag man sa aking kalooban ay mabilis kong binawi ang aking kamay
kay lucas. Sandali akong napabaling dito at nakita ko ang galit sa
kanyang mukha.
"Cara...can we talk?" Medyo pabulong na ding sambit ni kuya
mikhael.
Kahit hindi nakatingin sa kanya ay napatango na lamang ako. Na kay
lucas pa din kasi ang aking tingin habang tinatanggap ang matalim
at nakakatakot na tingin niya sa akin. Tinging nagbabanta pa.
"Sandali lang..." pabulong na sabi ko dito.
Di ko alam kung saan ko nakuha ang boses para makapagsalita, para
kasing naputol bigla ang dila ko at nawalan ako ng salitang
sasabihin.
Imbes na sumagot ay inirapan lamang ako ni Lucas at tsaka sa iba
bumaling ng tingin ang kaninang kamay niyang hawak ko ay nakapasok
na ngayon sa kanyang bulsa.
"Ca...can we go now?" Alanganin pang tanong ni kuya matthew habang
nakahawak sa kanyang batok.
Tumingin ako sa kanya at tsaka tumango. Nauna itong naglakad
palayo, dahan dahan naman akong sumunod dito ng di nilingon si
lucas, baka kasi paglumingon pa ako sa kanya ay di ko na magawa
pang humakbang palayo dito.
Nakayuko akong sumunod kay kuya matthew, nakakailang hakbang pa
lamang kasi ako kanina ay nakarinig na ako ng padabog at malakas
na pagsara ng pintuan, na sigurado naman akong si Lucas.
"Ok
lang bang sa garden tayo?" Tanong sa akin ni kuya matthew habang
naghihintay kami ng pagbukas ng Elevator.
Tumango ako at tumingin sa kanya pero di man lamang ako nito
tinapunan ng tingin.
"Im sorry..." mahinang sambit ko.
Akala ko ay magsasalita na siya dahil sa aking sinabi pero
nanatili siyang nakatitig sa nakasarang pintuan ng elevator.
Hanggang sa tumunog ito at bumukas. Tahimik din kaming sumakay
duon hanggang ibaba kami sa ground floor.
"Bigla kang nawala" pagsisimula niya habang pareho kaming nakaUpo
na ngayon sa isang bench.
Napakagat ako sa aking labi, di ko alam kung anong isasagot ko sa
kanya ngayon. Sobra sobra talaga akong nahihiya sa kanya.
"So what's with you and lucas?" Matapang at diretsong tanong niya
sa akin.
"Uhmmm...di ko din po alam" mahinang sagot ko.
Nanatili akong nakayuko dahil sa sobrang kahihiyan, wala na ata
akong mukhang ihaharap pa sa kanya.
"Is he courting you?" Paguusisa pa niya lalo kaya naman
napatingala na ako at tsaka sinalubong ang kanyang mabibigat na
tingin sa akin pero kitang kita ko pa din ang pagiging mahinahon
nito.
Mabilis akong umiling at mabilis ding naging malikot ang aking mga
mata di malaman kung saan titingin dahil sa pagkataranta.
"Wala po siyang sinabing ganun, o kahit ano" paliwanag ko pa.
Napansin ko ang medyo pagtaas pa ng kilay nito. "Dont settle for
that Cara, we know lucas...he's heartless" medyo pasinghal ng sabi
nito.
Napatango tango ako bilang pagsangayon. "Paano
kung isa nanaman to sa mga laro niya, alam mo naman iyon...mga
bata pa lang tayo ay wala ng alam gawin kundi ang manginis"
pagpapaalala niya pa sa akin.
"Sorry" maiksing sambit kong muli.
Napakagat ako sa aking ibabang labi ng maramdaman ko ang paginit
ng gilid ng aking mata. Paano kung tama si kuya matthew at
pinagtritripan lamang ako ni lucas? Pero iba kasi talaga ang
naramdaman ko kanina...parang totoo lahat, parang may nararamdaman
talaga siya para sa akin.
"Cara look at me" pagsusumamo nito.
Marahan nitong hinawakan ang magkabilang braso ko at pinagtapat
ang tingin naming dalawa. "I just dont want you to get hurt"
mariing pagpapaintindi niya sa akin at damang dama ko din ang
concern niya sa akin.
"I know you like lucas...but Cara di kaya masyado ng matagal to?"
Pagaalala niya.
Nanlabo ang paningin ko dahil duon. "Im sorry kuya matthew" muli
kong sinabi.
Kitang kita ko ang pagbagsak ng balikat ni kuya mikhael. Mukha
kasing nakuha nito ang tama at eksatong ibig sabihin ng sinabi ko
kanina.
"You really love him...ang swerte ni lucas" sabi nito pagkatapos
ang malalim na pagbuntong hininga niya.
Nakayuko na ito ngayon habang nakatakip sa kanyang mukha ang
kanyang kamay na nakatukod sa kanyang tuhod. Gusto ko siyang
hawakan kahit sa balikat para sana aluin, pero alam kong di iyon
ganuon kadali.
"Basted na ba ako?" Natatawang tanong niya pa sa akin pero damang
dama ko duon ang lungkot niya.
"Kuya matthew..." mangiyak ngiyak na tawag ko sa kanya.
Ayokong lumayo siya
sa akin. Isa siyang napakahalagang kaibigan para sa akin, Napaka
Special din niya, di ko kaya na magalit siya sa akin at lumayo
siya.
Pero alam kong magiging selfish ako kung hihingin ko pa iyon sa
kanya matapos ang ginawa ko. Alam kong mahirap para sa kanya kung
pagkatapos nito ay magiging malapit pa rin siya sa akin.
"Wala kang kasalanan Cara, alam ko naman eh...alam kong sumugal
ako sa napakaimpossible" frustrated pang sabi niya.
Umiling ako hanggang sa tuluyan ng bumagsak ang kanina ko pang
pinipigilang luha. "Im sorry kuya matthew..." namamaos na sambit
ko sa kanya.
Mas lalo akong napaiyak at nasaktan ng maramdaman ko ang init ng
yakap niya. I feel so secured with kuya matthew, pero hanggang
dito lang talaga ang kaya kong ioffer sa kanya. Ang pagiging isang
kaibigan niya.
"Hindi ako magbabago Cara, always remember na nandito pa din ako
para sayo...di ako lalayo sayo, aaalagaan kita hanggang sa kaya
ko" madamdaming sabi niya at pagkatapos ay hinalikan ako nito sa
noo.
Pagkatapos niyang gawin iyon
kanya kanya naming mga hotel
Hinatid niya ako hanggang sa
ako nagsimulang makahinga ng
ay niyaya na niya akong bumalik na sa
rooms, masyado na daw kasing gabi.
maisara ko ang pintuan. At duon lang
maluwag kahit papaano.
Di ko expected ang gabi itong, di ko alam na magiging ganito
kabilis ang lahat. Akala ko kasi ang mga bagay na kagaya nito ay
di pwedeng maging makatotohanan.
Humiga ako sa kama na namumugto
pa din ang mga mata. Iniisip ko si kuya matthew at si lucas.
Ngayon ko lang napatunayan na totoo pala talaga yung mga sinasabi
ng mga single na babae. Masarap maging single, yung malaya ka.
Although wala pa naman akong boyfriend nararanasan ko na ito
ngayon. Mahirap pala talaga.
"Ang sakit ng ulo ko!" Mangiyak ngiyak na daing ni Zena ng
magising siya magaalasdose na ng tanghali.
Madaling araw na din kasi sila umuwi kagabi. Maging si Suzy nga ay
nakainom din pero di kasing dami ngnainom ni Zena. Sa kwarto na
din kami nagalmusal, nagpadeliver na lamang si kuya ken.
"Feeling ko dahil sa boyfriend niya yan" natatawang sabi ni suzy
pagkalabas niya ng banyo.
Napapailing na lamang itong nakatingin sa muli nakahilatang si
Zena sa kanyang higaan.
"At ikaw saan ka naman nagpunta babae ka!" Akusa niya sa akin.
Tinarayan pa nga ako nito at nakataas pa ang isang kilay ng
lumapit at umupo sa aking tabi.
"Bigla kasi akong inantok kaya bumalik na lang ako"
pagsisinungaling ko pa sa kanya.
Muntik pang di ito maniwala. Buti na lamang at may kumatok sa
aming pintuan kaya niya ako nilubayan.
Si kuya ken iyong kumatok sa amin, pinuntahan niya kami para
tawagin na dahil nagpahanda na siya ng pagkain sa may restaurant
para sa aming tanghalian. Di rin naman namin nilubayan si Zena
hanggang sa di ito nagigising.
"Kasalanan ito ni Kuya Matthew eh, nagyaya ba naman ng
inuman...kung makainom parang di babae ang kasama" natatawang
kwento ni zena habang nakaupo ito sa may Sofa ta nagsusuklay ng
basang buhok
habang nakapikit pa.
Sabay kaming bumaba na tatlo sa may restaurant at nanduon na
silang lahat. Normal na araw lamang ito para kina Kendall,
tammarie at Zafara na kumpleto at mukhang mahimbing ang tulog
kagabi. Sina thomas at zeus ay kapwa din nakahawak sa ulo at
mukhang iniinda din ang hangover.
Walang wala sila kay mikhael na maganang kumakain habang naka
ngisi pa na para bang walang nararamdamang hangover ba mukha
namang sanay na talaga siya.
"Kuya paabot" pakisuyo ni suzy sa isang potahe sa lamesa.
Mabilis na inabot ni lucas ang pagkain at pinaglagyan pa si suzy
sa plato nito. Kanina ko pa sinusubukang hulihin ang kanyang
tingin pero ni hindi man lamang ako nito binigyan ng kahit
sandaling tingin.
"Good morning" bati ni kuya matthew na tumabi sa aking upuan.
Tipid man ang ngiti na iginawad niya sa akin ay masaya pa din ako
dahil kahit papaano ay nandito pa din siya sa aking tabi.
"Hindi tayo pinayagan na magextend pa, nabago ang schedule ng
start ng Class, napaaga" sabi ni kuya ken sa kalagitnaan ng aming
pagkain.
Napadaing man ang iba ay mabilis naman nilang naunawaan na konti
na lamang ang oras ng preparations namun kung nageextend pa kami
ng bakasyon.
Pinagbigyan nila kami na makapaligo at masulit ang ganda ng beach
ng ilang oras bago kami nagligpit ng mga gamit at naghanda para
umalis.
"Lucas" pagtawag ko dito.
Naglalakad kasi ito at katulad kanina ay di pa din niya ako
pinapansin.
"Lucas teka!" Paghabol ko pa, malalaki kasi ang hakbang nito kaya
naman
di ko tuloy siya masabayan.
"Sabing teka lang eh..." nakangusong daing ko pa sa kanya.
"Iksi kasi ng legs" pagpaparinig niya, napakunot tuloy ang aking
noo at lalaban pa sana ako pero muli nanaman itong naglakad kaya
naman hinabol ko na lamang ulit siya.
"Gusto mo ba yung babaeng mahaba ang legs?" Hinihingal na tanong
ko sa kanya dahil sa kakahabol.
Nakaupo na ito ngayon kaya naman tumabi ako sa kanya. "Hindi"
maiksing sagot nito kaya naman kahit papaano ay natuwa ako.
"So gusto mo yung babaeng maiksi ang legs?" Nakangiting asong
tanong ko pa ulit.
Napairap ako sa muli niyang isinagot sa akin. "Hindi din"
"Eh ano ba kasi ang gusto mong legs?" Medyo naiinis na tanong ko
pa sa kanya.
Napatawa siya dahil sa aking sinabi. "Hindi naman kasi legs ang
gusto ko...wala akong pakialam alam duon" pagpapaliwanag niya pa.
Tumaas ang isang gilid ng aking labi. Dami pa kasing che che
bureche ni lucas.
Kahit di nagbago ang pakikitungo sa akin ni Kuya matthew ramdam ko
pa ding unti unti na siyang umiiwas sa akin. Wala akong karapatang
kwestyunin siya, dahil pakiramdam ko, ako talaga ang may
kasalanan.
"Nakakainis! Siguradong siksikan nanaman kami nito sa room"
naiinis na sabi ni chelsie sa gitna ng aming pagaalmusal.
Kaming dalawa nanaman ang naiwan sa bahay, si Auntie elena kasi ay
kasama ni Uncle fred na nagbakasyon daw somewhere in tagaytay.
"Wala bang Aircon dun?" Tanong ko pa.
Napairap siya at muling sumubo. "Meron pero di kaya ang dami
namin" sagot niya pa sa akin.
Napatango na lamang ako. Napabaling ako sa aking cellphone na
nakalapag sa gilid ng lamesa ng umilaw ito at lumabas ang pangalan
ni Lucas.
Nagtext siya na malapit na siya sa Sm Val. Duon kasi niya ako
susunduin para sabay na kaming pumasok sa school, di ko pa rin
magawang papuntahin siya dito sa bahay dahil nga natatakot din
akong malaman ni Chelsie na nagsinungaling ako sa kanya.
"Ano ba yan! Pati ba naman bus!" Naiiritang sabi pa nito at
napapapadyak pa.
Naghihintay kami ng masasakyan niyang bus,
siyang makasakay bago ako sumakay ng jeep.
nakasakay na si Chelsie sa bus ang kaso ay
ayaw niya daw malate sa first day ng klase
hihintayin ko lang muna
Di nagtagal ay
tayuan na pero dahil
ay sumakay na siya.
"What took you so long?" Tanong ni lucas pagkarating ko sa may
parking lot ng Sm val.
"Uhmm hinintay ko pa kasing makasakay ng bus yung pinsan ko,
punuan din kasi" naiilang na kwento ko sa kanya dahil baka mamaya
ay pagalitan nanaman niya ako, ang pinaka ayaw pa naman niya sa
lahat ay yung pinaghihintay siya.
Sandali itong tumitig sa akin at tsaka tumango. Nagulat pa ako ng
pagbuksan ako nito ng pinto ng passenger seat, hanggang ngayon ay
naninibago pa din ako sa mga ikinikilos ni lucas.
"What?" Taas kilay na tanong niya ng mapansin niyang napatigil
ako.
"Wala" mabilis at maiksing sagot ko.
Medyo traffic din sa byahe. Ngayon kasi ang simula ng klase ng mga
universities.
"Nagbreakfast ka na?" Tanong niya sa akin na mabilis
ko namang tinanguan.
"Si suzy nga pala?" Biglaang tanong ko pa.
"Sumabay siya kay daddy" mabilis na sagot niya sa akin dahil sa
pag Go ng stop light.
Natahimik ako pagkatapos. Sa totoo lang ay inaantok pa din ako, di
kagaya ng dati naming schedule na medyo tanghali na ang pasok ay
ngayon umaga na, Seven ang start ng bawat klase namin kaya
alastres pa lang ng madaling araw ay kailangan ko ng gumising.
"Pinapatanong ni mommy kung kailan ka bibisita sa bahay, miss na
miss ka na daw niya" sabi nito habang naghahanap kami ng parking
space.
"Baka sa weekend na lang siguro, yung ibang klase ko 7 to 7 ang
sched ko" kwento ko pa dito.
Tumango ito at tsaka maingat na pinark ang kanyang mustang.
Naghanda na din sana ako sa pagbaba.
"Cara" tawag niya sa akin sabay hawak sa aking kamay.
"Ha?" Tanong ko at napahinto tuloy ako sa pagtatanggal ng seat
belt.
Nakatitig siya sa akin at ramdam kong may gusto siyang sabihin na
hindi niya masabi. "Bakit lucas?" Tanong ko pang muli sa kanya.
Pero mariin na lamang itong napapikit at tsaka napailing.
"Wala...di na kita mahahatid sa room mo" mahinang sabi niya habang
sa kung saan nakatingin.
Napangiti ako at napahampas pa kunwari sa hangin. "Ano ka ba! Kaya
ko naman pumunta magisa sa room ko" sabi ko pa sa kanya.
Tuluyan ko ng natanggal ang seatbelt ko ng muli pang magsalita si
lucas. "Hindi din kita masasabayan kumain" seryosong sabi pa niya.
"A...ayos lang yon, di naman kasi magkatulad ang sched natin"
sagot ko pang muli sa kanya kahit ang totoo ay nakakalungkot lang.
Tumango ito pagkatapos ay humugot ng napakalalim na buntong
hininga.
"So mauna ka na, wala dapat makakita na magkasama tayo"
diretsahang sabi niya sa akin.
Nung una ay napahinto pa ako at nabato sa kinauupuan ko, pero nung
narralize ko kung gaano na ako katagal na nakaTanga duon ay
mabilis na akong lumabas ng mustang ni lucas.
Habang naglalakad ay maraming pumasok sa aking isipan. Ayaw kaya
akong kasabay ni lucas sa school dahil nahihiya siyang makita ng
iba na ako yung kasama niya? Ikinahihiya ba niya akong kasama?
"Cara!" Napalingon ako ng may tumawag sa akin.
Mabilis siyang lumapit sa akin habang nakangiti. "Good morning
kuya matthew" bati ko naman sa kanya.
Muli niya akong nginitian at binati din. "Sabay na tayo" yaya niya
sa akin na para bang gustong gusto niya na makasabay ako at wala
siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao.
Mas lalo tuloy na gumulo ang lahat para sa akin...
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 33
"Saan ang first class mo?" Nakangiting tanong sa akin ni kuya
matthew.
Nanlaki ang mata ko sa kanyang tanong hindi
sumagot duon kaya naman napakagat na lamang
habang kinukuha ang registration card ko sa
iyong tuluyang naihaharap sa akin ay kaagad
pa kasi ako handang
ako sa aking labi
bag. Di ko pa man
niya na iyong kinuha.
"Teka po" naguguluhang tanong ko sa kanya. Pinicturan niya kasi
ito gamit ang cellphone niya.
"Para alam ko Schedule mo" nakangiting sagot pa nito sa akin.
Naningkit ang kanyang mata habang binabasa ang aking registration
card. " SVB 304, hatid na kita didiretso kasi ako sa med building"
sabi nito tsaka ako hinawakan sa palapulsuhan.
Gusto ko pa sanang tumanggi sa kanya pero di na lamang din ako
nakapagsalita pa. Halos nagkalat ang mga estudyante sa quadrangle
at sa lahat ng hallway. Medyo maingay din dahil pagkatapos ng
Sembreak ay ngayon lamang ulit nagkita kita ang mga magkakaibigan.
"Si lucas bakit di mo siya kasama?" Seryosong tanong niya sa akin
habang tinatahak namin ang daan patungo sa room ko.
Gusto kong mapapikit ng mariin dahil yan ang pinakainiiwasan kong
tanong na manggaling sa kanya.
"Uhmm...maaga po kasi ang klase niya" pagsisinungaling ko pa dito.
Makakahinga na sana ako ng maluwag ng akalain kong di na sasagot
pa si kuya matthew pero nagkamali lamang ako dahil nagulat pa ako
sa pagngisi nito.
"Maaga ang klase...Oh baka may ibang ihahatid?" Panghahamon nito
sa akin.
Napakunot ang aking noo dahil sa sinabi niya. Dahil naguguluhan na
din ako ay sinundan ko na lamang ang kanyang
tingin, at halos parang nawala lahat ng mabilis na nangyari sa
Zambales ng makita kong nakatayo si lucas sa isang pintuan kung
nasaan din si Amiella.
Kusang tumigil ang paa ko sa paglakad. Nahula ko tuloy pahinto si
kuya matthew. "What now cara? Di ako papayag na igive up ka kung
ganyan lang din naman pala ang gagawin sayo ni lucas" pagalit na
pangaral pa nito sa akin.
Nanatili ang mga mata ko kina amiella at lucas. Malayang nakakapit
si Amiella sa braso nito. Bagay na di ko pwedeng gawin, bagay na
para bang ikinakahiya niyang gawin namin.
"Sinasabi ko na nga ba, niloloko ka lang ni lucas" matigas na sabi
ni kuya matthew sa akin.
Gusto ko sanang umiling at sabihin sa kanyang mali siya, baka
naman kasi may magandang dahilan si lucas para sa lahat ng ito.
"Papasok na po ako" mabilis na sabi ko kay kuya matthew at kaagad
na tinakbo ang pagitan ng room namin.
Di naman na ako nito pinigilan pa. Pagkapasok sa loob ay dumiretso
ako sa pinakahuling upuan, maingay sa klase dahil sa mga kaklase
kong lalaki na nagaasaran pa, sabay din ng mga babaeng
nagkwkwentuhan at harutan pa.
Napayuko ako sa armrest ng wala sa oras dahil nagbabadyang luha na
maaaring tumulo mula sa aking mga mata ano mang oras.
How if tama nga si kuya matthew? Na baka binibiro o pinaglalaruan
lamang ni lucas ang feelings ko. Pero bakit iba, iba kasi yung
naramdaman ko nung sinabi niya iyon. Iba yung naramdaman ko nung
magkasama kami, iba yung naramdaman ko nung hinawakan niya yung
kamay ko.
Sa lahat kasi na yon pakiramdam ko totoo.
"Pass now your one half index card" anunsyo ng professor namin.
Sanay na kami na every first meeting ay kailangan namin ng
madaming index card. Yun lang naman ang ginawa at maaga na kaming
dinismiss. Nakatanggap ako ng text mula kay Suzy na nasa Student
lounge sila sa PJP building.
Gusto ko sanang wag na lang munang pumunta sa kanila pero baka
magtaka ito at paulanan nanaman ako ng napakaraming tanong.
"Hello ate cara!" Bati sa akin ni Tammarie.
Nasa bukana ito ng Entrance ng PJP building at mukhang may
hinihintay, kasama niya si Zafara na busy sa kanyang Cellphone.
"Ku...kumpleto ba sila sa loob?" Nagaalangang tanong ko pa nung
una.
Kaagad na tumango si tammarie. Maya maya ay napansin na din ako ni
Zafara at tsaka din ako binati.
"I think so..." nakangiting sagot pa niya.
"Hindi ah! Wala kaya si kuya lucas dun" pagtanggi sa kanya ni
Zafara.
Dahil sa kanyang sinabi ay nakahinga ako ng maluwag kahit papaano.
Dumiretso ako duon at nadatnan kong halos mga nakahilata na sa
sofa ang mga lalaki.
"Ang saya talaga pag First day" natatawang salubong sa akin ni
Suzy.
Tipid lamang akong tumango sa kanya at tsaka umupo sa upuang
katabi niya. Si Zena ay nakadukdok din ang ulo sa lamesa habang
naka Earphones.
"Wala ka pa din bang sasalihang club?" Tanong nito sa akin.
Opening na din kasi ng mga clubs and organization para sa mga new
members. Freshmen pa lang ay wala na talaga akong balak na
sumali sa kahit ano mang clubs na inooffer ng university, mas ok
sana yon pero sa tingin ko ay makakagulo lamang iyon sa schedule
ko gayong ni hindi ko nga magawang makapagreview ng maayos.
"Ayoko, wala akong gusto." Sagot ko sa kanya na may kasamang
pagiling pa.
Nagkibit balikat na lamang ito. Before mag 10 oclock ay nagpaalam
na ako sa kanila para pumunta sa susunod kong klase.
"Cara"
Natigil at mapayapa at tahimik na paglalakad ko ng may di
inaasahang taong tumawag sa akin.
"Oh lucas...akala ko overloaded ka?" Pinilit kong mahing normal sa
kanyang harapan.
Gusto kong ipakita sa kanya na hindi ako naaapektuhan at ayos
lamang ang lahat ng ito sa akin.
"We need to talk" seryosong sabi niya pa sa akin.
Mabilis akong tumingin sa wrist watch ko at nakitang 10 minutes na
lang ay time na. "Gusto ko sana lucas kaso..."
Di ko pa natatapos ang sasabihin ko ng kaagad niya akong hinila
papunta sa parking lot ng school.
"Lucas teka may klase pa ako" pagpigil ko sana sa kanya.
Malapit na sana kami sa parking space ng humarang sa daraanan
namin si Amiella kasama ang ilan niyang mga kaibigang kagaya niya.
"May problema ba dito lucas?" May pagkaMaarteng tanong niya.
Tsaka lang ako nagising sa katotohanan ng walang sabi sabing
binitawan ni lucas ang aking kamay. "Walang problema...bakit ka
nga pala nandito?" Seryosong tanong ni Lucas dito.
Ang kaninang nakataas na kilay ni Amiella habang tinitingnan ako
ay kaagad na nawala at napalitan ng nakakainis na ngiti dahil sa
pagsagot niya kay lucas.
"You told me na sabay tayo kakain ng Lunch di ba?" Maarteng sabi
pa nito tsaka siya yumakap sa braso ni lucas.
Dahil sa narinig ay nakakunot noo akong napatingala kay lucas pero
ni hindi man lang ito nagabala na tingnan ako o kahit man lang
magpaliwanag sa akin.
"Cara sige na, you can go back to your bussiness..." mataray na
utos niya pa sa akin.
Dahil sa inis na kanina ko pa tinatago ay walang sabi sabi ko
silang tinalikuran at mabilis na nagmartsa pabalik sa loob ng
university.
"Di pala pwedeng sumabay ng lunch sa akin huh!?" Inis na inis na
bulong ko.
Ang ibang nakakasalubong at nakakasabay ko tuloy sa paglalakad ay
napapatingin na lamang sa akin, pero di ko sila magawang sitahin
dahil sa pinaghalohalong hinanakit na nararamdaman ko.
"And you are?" Masungit na salubong sa akin ng professor ko
pagkabukas ko ng pintuan.
"Ca...Cara Mendez ma'm" pagsagot ko dito at mabilis na nagtungo sa
kanyang table para ipakita ang registration card ko.
"Not because it's the first day of class i will allow late comers"
masungit at mataray pang sabi niya sa akin.
Napayuko na lamang tuloy ako dahil lahat ng kaklase ko ay
nakatingin sa akin.
"Im sorry ma'm" paghingi ko ng pasencya sa kanya.
Di ito natinag, nanlaki pa ang mata ko sa sumunod niyang sinabi sa
akin. "Lumabas ka na" utos niya sabay turo sa pintuan.
Di ko alam na may ganito ka istriktong professor ngayon. Mukhang
bago lamang kasi ito sa university. At dahil ayoko ng mapahiya pa
ay kusa na akong lumabas ng room. Di ko alam kung saan ako pwedeng
pumunta,
baka naman kasi magbago pa ang isip niya at tawagin uli ako kaya
naman nanatili akong nakatayo duon sa gilid ng pintuan.
"Oh ate cara, anong ginagawa mo diyan?" Nagtatakang tanong ni Zeus
sa akin ng magisa siyang dumaan sa aking harapan.
Napatawa ako sa kanya. Natatawa din sa sinapit ko. "Nalate kasi
ako, kaya pinalabas na ako ng professor namin" napakamot pa ako sa
aking ulo dahil sa kahihiyan.
Pero imbes na pagtawanan o asarin pa ako ni Zeus ay nagulat ako ng
dirediretso itong pumasok sa room na nilabasan ko kanina.
"Oy teka Zeus anong gagawin mo?" Nagaalalang tanong ko dahil
seryoso ang mukha nito.
Di siya nagpatinag tumuloy lamang siya duon sa loob. Di ko
magawang sumunod sa kanya dahil baka mas lalong magalitnyung
professor namin kung papasok pa ako sa loob gayong pinalabas niya
na ako.
Maya maya ay lumabas na si Zeus. Di pa man ako nakakapagtanong ay
siya na ang nagsalita. "Wag ka na lang munang pumasok ngayon ate
cara, baka paginitan ka pa nun, better if next meeting agahan mo
na lang" nakangiting sabi sa akin ni Zeus.
Kahit mas matanda ako sa kanya ay nakatingala pa din ako dahil sa
tangkad niya.
"Salamat" nahihiyang sabi ko pa.
"Wala yon ate cara, kung malaman din ito ni Daddy gagawin din niya
yung ginawa ko. Ayaw niya ng may mga ganyang klase ng tao sa
university namin" pahayag pa niyang muli.
Gaya ng sinabi ni Zeus ay di na lang muna ako pumasok at naghintay
duon sa labas ng pintuan. Ang nakakainis nga lang ay may halos
tatlong oras pa akong dapat patayin. Nagtungo na lamang ako sa may
Quadrangle
kung saan nakahilera lahat ng booth ng club para sa signing.
"Cara! Baka gusto mong sumali sa Glee club" paganyaya sa akin ng
dati kong kaklase.
"Naku wala akong galing sa pagkanta pasencya na" pagtanggi ko sa
kanya.
Nagmadali ako sa paglakad ang kaso ay nabangga ako sa isang
lalaki. "Naku sorry po" nagaalalang sabi ko pa.
Nanlaki ang aking mata at nataranta pa ako ng makitang natapon sa
kanyang puting uniform ang mga pinturang hawak niya.
"Ayos lang, ayos lang ano ka ba" natatawang suway pa nito sa akin.
Bigla tuloy akong napatingin sa mukha niya at parang nanigas ako
dahil sa kanyang itsura. Damn para siyang isang greek God na ibina
ba dito sa lupa.
"Ok lang miss sanay na akong matapunan ng paint sa Uniform"
natatawang sabi pa niyang muli sa akin.
Pero di ako natinag, maputi siya at medyo singkit ang mga mata.
May maliit na nunal din siya sa ilalim nito at ang haba ng kanyang
mga pilik mata. Ang ilong niya ay parang nakakatakot hawakan dahil
sa sobrang tango, ang kanyang labi maman ay parang perpektong
iginuhit sa kanyang makinis na mukha.
Nagising ako mula sa pagkatulala ng ayusin niya ang kanyang
hanggang balikat na buhok dahil sa paghangin.
"Uhm...anong pwede kong magawa para ma-makatulong?" Medyo nauutal
ko pang tanong sa kanya.
Nginitian niya ako. Ngiting mapangasar pero nakakakilig at medyo
nakakabighani talaga. "Sabi ko sayo ok lang ako, pero kung
talagang mapilit ka...sumunod ka sa akin" sabi pa niya at
nagsimula
ng maglakad.
Sumunod ako sa kanya, at habang tinitingnan ko ang likod nito at
di ko maiwasang mapahanga talaga. Para siyang pinagsamang Kuya
matthew at lucas. Di ko maexplain, pero may kakaiba sa kanya.
Di ko na namalayang nakalabas na kami ng university. "Duon ang
bahay ko, sasama ka pa ba?" Parang batang tanong niya sa akin
sabay turo duon sa mataas na condo unit sa harapan ng university
namin.
Wala sa sarili akong napatango. Kaya naman mabilis siyang tumawid
at sumunod ako. Maya maya ay nakarating na kami sa harapan ng
elevator. Masasabi kong marami itong kaibigan dahil maya't maya ay
may bumabati sa kanya at napapangiti na lamang sila pagnakikita
nila ang natapong pintura sa puting uniform nito.
"Ang tapang mo naman ata masyado?" Nakangising tanong niya sa akin
pagkapasok namin sa elevator.
"Huh?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.
Lalong lumawak ang ngiti nito. "Di ka ba natatakot na baka may
gawin ako sayo sa loob ng Condo ko?" Mapangasar pa niyang tanong
sa akin.
Bigla tuloy akong nabuhayan ng loob. "Marunong ako ng martial arts
noh!" Pananakot ko sa kanya pero kas lalo lamang siyang natawa.
"Im Leo, Leo Matzuki" pagpapakilala niya sa akin sabay lahad ng
kamay.
Kaagad ko iyong tinanggap. "Cara Mendez" sabi ko naman.
"May lahi ka ba?" Naaamaze na tanong ko kahit halata naman sa
apelyido niya.
"Japanese" maiksing sagot niya sa akin.
"Ah kaya ka pala Gwapo" wala sa sariling sabi ko.
"Pardon?" Natatawang sambit niya. Napalunok tuloy ako sabay iling.
Mabuti na lamang at tumunog na ang elevator.
"Ako na maglalaba ng Uniform mo ha, wala akong budget kung
ipapaLaundry pa yan" sabi ko pa sa kanya. Nagtitipid kasi ako
ngayon.
"It's ok" matigas na ngayong ingles na sagot niya sa akin.
Binuksan niya ang isang Condo unit at dirediretsong pumasok duon.
Sumunod ako pero di ako tuluyang pumasok sa loob. "Come in"
paganyaya niya sa akin.
Nagdalawang isip man ay pumasok na lamang ako. At halos lumuwa ang
mata ko dahil sa dami ng magagandang painting na nakasabit sa
kanyang dingding. May maliliit at malalaki.
"Wow, ikaw ba lahat ang gumawa nito?" Tanong ko sa kawalan.
"Yeah" sagot nito.
Nailang ako ng makitang nakamanipis na sando lamang ito habang
hawak hawak niya ang uniform na may pintura.
"Saan ang Sink mo? Lalabhan ko na kaagad para di tuluyang matuyo
yung pintura" sabi ko pa sa kanya.
"May laundry room ako" sabi niya sabay turo ng pinto sa tabi ng
kusina.
Habang patungo duon ay di ko talaga mapigilang mamangha sa mga
paintings niya. Ibat ibang klase kasi iyon, pumasok ako sa laundry
room para mabilis na mababad ang puti niyang uniform. Sana lang ay
mawala ang pintura dito. Buti naman at isang lublob ko lang ay
mabilis na humalo ang pintura sa tubig, ibig sabihin ay pwede pa
itong matanggal.
"Kung hindi kaya, ok lang...i still have spares" sabi nito sa
akin.
Nilingon ko siya at nakahilig na siyang ngayon sa hamba ng
pintuan. "Natatanggal na siya" pagtanggi ko pa.
Muli kong inangat ang damit niya at halos manlaki ang mata ko ng
makita kong wala na ni bakas ng pintura ang nanduon. Hinayaan ko
na lamang at pinagpatuloy ang paglalaba.
"Leo" pagtawag ko dito.
Muli kong iginala ang paningin ko sa mga paintings niya.
Nakakamangha talaga. Napahawak ako sa bag ko at tsaka ko lang
naramdaman ang pagVibrate ng Cellphone ko. Nakita kong maraming
missed call si Lucas at may iilang text message pa. Di ko na
nabuksan pa ang mga message niya ng makarinig ako ng ingay na
mukhang nanggaling sa kanyang kwarto.
"Leo?" Pagtawag kong muli sa kanya.
Nagtungo ako duon sa may pintuan ng mukhang kwarto niya ata.
Maliit lamang ang awang ng pintuan pero nakita kong marami ring
paintings duon.
Sa aking sight of view at natanaw ko ang isang painting ng babae.
Kumunot ang noo ko ng mapansing pamilyar ang mukha ng babae duon.
Malapit na sana ako sa may pintuan ng bigla iyong isinara ni Leo.
"Naghanda ako ng mirienda, come on let's eat" paganyaya niya sa
akin.
"Teka yung painting..." pagpigil ko sana pero di niya na ako
pinansin.
Yung malaking painting ng babae sa loob ng kwarto niya. Kamukha
ko...
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 34
Parang umurong yung dila ko habang kumakain kami, di ko nga din
manguya ng maayos yung sandwich na inihanda niya kaya naman halos
maubos ko na yung juice sa baso.
"Ahhmm...matagal ka ng nagpapaint?" Basag ko sa katahimikan, para
naman di maging awkward.
"Yeah...hilig ko na talaga yun" tipid na sagot niya sa akin.
"Ang galing mo naman, ang hirap kayang magdrawing..." pagsabat ko
pa dahil inaamin kong wala talaga akong kahit kaunting talent sa
arts.
"You only need an inspiration for you to make an art" payo pa niya
sa akin.
Kung ibang babae lang siguro tong kaharap ni leo ay kanina pa
nalaglag ang panty. Nasa harapan mo ba naman isang ubod ng gwapong
lalaki, matipuno ang katawan at talaga namang maganda ang features
ng mukha. Yung tipong magandang magpalahi.
Damn Cara! Isip neto!
"Mahilig din akong magpicture, i have a lot of random pictures sa
DSLR ko, kahit sino at anong magustuhan ko sinusubukan kong
ipaint" kwento pa niya kaya naman para napaiktad ako duon.
"R...really?" Ngiting asong sabi ko pa.
Why do i have this feeling na baka na stolen shot ako nito sa
school kaya may painting ako sa kwarto niya? Is that even
possible?
Para namang naAmaze ito dahil sa iginawad kong ngiting aso sa
kanya kaya naman napangisi niya at tsaka tumango. "I have some
stolen pictures ng mga studyante sa university" dagdag niya kaya
naman tuloy lalong tumindi ang nararamdaman ko.
"Hoy baka, nakuhanan mo ako ha!" Biro ko pa dito.
Todo ngiti na lang ako dahil sa kahihiyan pero napasimangot ako
dahil sa sinagot nito.
"Yung
mga magaganda lang ang kinukuhanan ko" nakangiting sabi pa nito
pero alam kong pangaasar iyon kaya naman inirapan ko siya.
"Hmp! Aalis na ako...salamat sa sandwich at sa juice at sa
panlalait na din" nakangiting sabi ko pero syempre sacrastic iyon.
Bwiset din kasi itong isang ito nakakababa ng self esteem ha!.
Napalakas ang tawa niya, at kahit iyon ay sobrang nakakaakit din.
"What did i do this time?" Painosenteng tanong niya sa akin.
Padabog akong tumayo at tsaka kinuha ang back pack ko. "Wala! Ang
gwapo mo eh!" Panlalait ko din sa kanya. At nakakainis dahil gwapo
naman talaga ang loko.
Nakabusangot ako habang pabalik ng school. Halos isang oras pa ang
natitira bago ang next class ko. Maingay pa din sa quadrangle
dahil sa mga clubs. Dumagdag pa ang mga sumasayaw para
makapagrecruit ng mga bagong members ng University dance troupe.
"Saan ka galing?" Nakakakilabot na tanong ni lucas ng humarang
siya sa aking daraanan.
Natakot man nung una ay kaagad kong pinatigas ang aking
ekspresyon. Aba! Hindi ako natatakot sa kanya.
"Sa dorm ng bago kong kaibigan" kaswal na sagot ko sa kanya na
para bang wala lang.
Kita ko ang mas lalong pagkuyom ng kamao nito. "Babae?" Halos
hindi na nga iyon tanong, parang nagbabanta pa.
"O...oo naman!" Nauutal na sagot ko sa kanya.
Pagkatapos kong masabi iyon ay napatigin ako sa kung saan para di
niya mahalatang nagsisinungaling ako. Wala naman akong ginagawang
masama
pero bakit parang natatakot akong malaman ni lucas na galing ako
sa condo ng isang lalaking di ko naman kakilala.
"Let's go" kalmadong sabi niya na ngayon.
Napataas tuloy ang kilay ko dahil sa kanyang sinabi. "Ha saan?"
Nakangusong tanong ko sa kanya.
Di pa man ako nito sinasagot ay ganuon na lamang ang gulat ko ng
hawakan nito ang kamay ko at hinila ako kung saan.
"Hoy lucas saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya pero patuloy
pa din ito sa paglalakad.
"Saan mo gustong kumain?" Tanong niya sa akin pagkatapos niyang
baliwalain din ang tanong ko sa kanya.
"Ha? Eh di ba naglunch na kayo ni Amiella" sabi ko at di ko
napaigilan ang pagkainis kaya naman di nawala ang pasumbat na tono
duon.
"Where do you want to eat?" Tanong niyang muli kaya naman mas lalo
tuloy akong napasimangot.
"Ayaw! Diet ako" sabat ko sa kanya.
Bigla tuloy itong huminto kaya naman tumama tuloy ako sa likod
niya, eh ang lapad lapad nun tapos ang tigas tigas pa puro muscles
pa nakakainis.
"Aray naman..."daing ko sabay sapo sa ilong ko.
"And why do you need too?" Pagalit na sabi niya.
Di tuloy ako nakasagot sa kanya. Masama lang ang tingin nito sa
akin bago niya ako muling hinila kung saan.
"Pre!" Bati na iilang medicine students sa kanya na mukha naman
mga kaklase din niya.
Ang iba ay tinataasan pa siya ng kilay at parang inaasar pa siya
habang nakatingin sa akin. Nahiya
naman tuloy ako.
Imbes na magalit kagaya ng ginagawa ni lucas dati ay hinila ako
nito papasok sa isang cafeteria sa labas ng university. Madami
ding kumakain dito at halos puro mga medical courses at mga senior
high na din.
"Ako na ang oorder" sabi ni lucas pagkahatid niya sa akin sa
lamesa at tsaka siya umalis papuntang counter.
Pinabayaan ko siya napatingin ako sa wrist watch ko at nakitang
sapat pa ang oras ko para sa susunod na klase, karamihan din naman
sa ibang prof. Late pumasok lalo na't di naman na kami higschool
para isa isa pang magpakilala sa harapan.
Maya maya ay dumating na si lucas na may dalang tray. Tatlong
klase ng ulam ang inorder niya.
"Kumain ka ng madami" masungit na utos niya sa akin.
"Kainis, nagdidiet nga ako eh..." bulong bulong ko.
"May sinasabi ka?" Tanong niya.
"Wala po" sagot ko at kaagad ng ding sumandok ng pagkain.
Nagsimula kaming kumain pareho pero di ko talaga ata kayang
pigilan ang bibig ko.
"Asaan na si amiella? Kala ko ba sabay kayong maglulunch lucas..."
tanong ko at ginaya pa ang maarteng sabi ni amiella kanina.
Tinaliman ako nito ng tingin. "Asaan ako ngayon Cara?"seryosong
tanong niya sa akin.
"Nandito" mabilis na sagot ko sa kanya.
"Exactly, andito ako ngayon sa harap mo, meaning to say na ikaw
ang gusto kong kasabay mag lunch" dirediretsong sagot niya sa
akin. Kaya naman tumaas tuloy yung balahibo ko.
"Pe...pero sabi mo kaso kanina..." medyo pabulong ng sambit ko at
napayuko na lamang ako sa aking pagkain.
Narinig ko ang malalim na pagbuga nito
ng hininga na para bang may mabigat siyang dinadala duon.
"Look cara..." pasisimula niya.
Pero ng di pa din ako tumitingala ay siya na mismo ang umabot sa
baba ko para pagpantayin ang mukha naming dalawa. "Im sorry...di
na muulit" pagsisimula niya pa.
"Di na mauulit ang ano?" Paglilinaw ko. Dahil baka mamaya ay umasa
nanaman ako sa kung saan.
Napakagat labi pa ito kaya naman napalunok ako. Gusto ko na ata
tuloy bawiin lahat ng pagpupuri na ginawa ko kay Leo, si lucas pa
din kasi ang pinaka gwapo para sa akin.
"Yung kanina, yung mga sinabi ko...na hindi tayo pwedeng makitang
magkasama sa campus." Sagot pa niya sa akin.
Napuno ng bulungan sa loob ng room ng makita nilang hinatid ako ni
lucas sa sumunod naming classroom. Ang ilan din kasi dito ay yung
mga nakasaksi ngpagpapahiya sa akn nung bagong prof kanina.
"6 ang last class mo? I'll wait for you sa may parking space
mamaya" bilin pa ni lucas sa akinna kaagad kong tinanguan.
Kahit papaano ay naninibago ako, isipin ko pa lang na ihahatid
niya ako sa room araw araw at magsasabay din kaming maglunch ay di
ko na alam kung makakabuti sa amin lalo na't marami ang
nagkakagusto sa kanya at siguradong patay nanaman ako sa mga fan
girls nito lalo na kay Amiella.
"Cara kuya mo?" Biglang singit ng isang classmate ko na di ko
naman kaclose. We're classmates yun lang yon.
Kaagad napakunot ang noo ko sa kanya at tsala mabilis akong
umiling. "Special
friend" mataray na sagot ko sa kanya.
Akala ko pa naman ay matatameme siya pero ako pala ang
mapapanganga.
"Lakad mo naman kami sa kuya mo cara" biro pa niya at tsaka
sinabayan pa siya ng iba niyang kaibigan.
Kuya niyo mukha niyo!
"Di man ito isa sa mga major subjects niyo, atleast this one can
be your stress reliever for the whole stressful week. Labas niyo
na lahat ng talent niyo sa arts, you'll need it here" pagoorient
ng professor namin sa humanities.
Damn. Dito pa naman ako walang katalent talent. Kakasabi ko lang
kanina na di ako magaling dito. Akala ko pa naman ay parang
psychology class lang ito na aaralin ang ibat ibang behavoir ng
tao. Pero iba rin pala ang isang ito.
"Now, i want you to draw your self, let's say after 5 to 10 years"
instructions pa nito.
Napalunok ako ng makita kong parang excited na excited ang mga
kaklase kong kumuha ng bond paper at tsaka coloring materials.
Naging maingay pa nga ang mga ito kaya naman medyo nagalit pa ang
professor namin.
"Kailangan ba ng bibig sa pagkuha ng gamit Class?" Pagalit niyang
tanong sa mga ito kaya naman natahimil sila.
At dahil kailangan at wala naman akong magagawa ay kumuha na
lamang din ako ng bond paper tsaka pencils at color pencils na
din.
"I need that exaclty 4:30..." anunsyo ng prof namin bago siya
lumabas ng room.
Nagumpisa na silang gumuhit lahat samantalang ako ay hanggang
ngayon nakatulala pa din sa bond paper na nakapatong
sa arm rest ko at kung minsan ay napapatulala pa sa kung saan
saang bagay para makaisip lang ng pwede kong idrawing.
"Ano ba yan! Kung alam ko lang na gagawin tayong taga drawing dito
ay di na sana ako kumuha ng humanities" daing ng iilang mga lalaki
na parang tamad na tamad sa ginawa nila.
5 to 10 years? Ano na nga ba ako sa mga panahong iyon? Sobra akong
napapaisip.
"Ah...kasal na kami ni lucas tapos ilang anak ba?" Bulong ko sa
sarili habang kahit papano ay nageenjoy na din ako habang
dinudrawing si lucas at ako tsaka mga babies na rin.
Di ko namamalayan na nageenjoy na ako sa ginagawa ko hanggang sa
dumating na yung prof namin at tsaka kinuha na yung mga
pinadrawing sa akin. Ayoko pa nga sanang ipasa dahil hindi pa ako
tapos magdrawing.
"Enjoy much?" Pangaasar sa akin ng isa kong kaklase na medyo may
halong panunuya pa.
Mukhang kilala niya si lucas at mukhang isa din sa mga fan girls.
Inirapan ko na lamang siya tsaka tumingin sa harapan kung saan
nakatayo ang aming professor.
"Your assignment is, i want you to atleast paint someone or some
things that is very important for you" pagkasabi niya nuon ay para
nanaman akong pinagbagsakan ng langit at lupa.
Akala ko ay naitawid ko na ang arts dahil kahit papaano ay
nakapagdrawing na ako kanina. Pero naalala kong first day pa nga
lang pala ito at may isang buong sem pa kaming magkakasama ng
artistic side ko kung meron man.
"Anong nangyari sayo?" Medyo napapangisi pa nga si lucas ng
tanungin niya ako dahil sa nakabusangot kong mukha.
"Ayaw ko ng arts, nakakaStress...wala naman akong talent sa mga
ganun"
nanghihinang kwento ko sa kanya.
"Don't worry i'll help you" pagpapagaan nito ng loob ko.
"Talaga!? Thank you!" Sobrang saya kong sabi sa kanya.
"Pero di din ako marunong magdrawing ha...but atleast tutulungan
naman kita" pagmamayabang pa niya sabay kindat sa akin.
"Si lucas eion jimenez pa! Alam ko namang magaling ka sa lahat ng
bagay eh" puri ko sa kanya.
"Hindi din...im not what you think Cara, im not perfect" parang
pagpapaalala niya pa sa akin.
Pahumble pa ang lalaking ito. Alam ko namang kasinb ubod ng
talented siya kaya ko iyon sinabi sa kanya.
"Kahit pa, ikaw pa din ang pinakamagaling para sa akin"
pagpupumilit ko kaya naman napailing na lamang siya habang
nakangiti.
Ng mga sumunod na araw ay naging maayos naman na ang lahat. Sabay
kaming maglunch ni lucas minsan pero tuwinf umaga ay hinahatid
niya talaga ako kung saang room ako dapat. Misan di kami sabay sa
lunch datinsa conflict sa schedule pero nagagawan naman na namin
ng paraan.
"Yung totoo! Anong meron sa inyo ni Kuya?" Pangungulit sa akin ni
suzy ng magkasama nanaman kaming dalawa.
"Ha...wala ah!" Pagtanggi ko sa kanya.
Wala naman kasi talaga kaming something you know. Para bang
getting to know each other pa lang kami lalo na't simula bata ay
malayo na talaga kami sa isat isa dahil nga sa inis ito sa akin
dati.
"Hatid sunod tapos sabay maglunch araw araw? Tapos wala lang? Wow!
Congrats cara...new status ganun?" Muli pa niyang pangaasar sa
akin.
"Di ka ba masaya na bati na kami ni lucas? Di
na kami nagaaway ganun lang yon" tanong ko pa sa kanya.
Sinimangutan ako nito. "Ayaw ko na bati lang kayo ni kuya, gusto
ko kayo na lang...agad agad!" Pagpupush pa nito.
"Ano ka ba! Mamaya niyan may makarinig sayo eh..." suway ko pa sa
kanya.
Nagpapasalamat nga ako dahil kahit ilang araw na ang lumipas ay di
pa din nagpaparamdam ang bagsik ni amiella.
"Mag mirienda muna kayo girls" pagsingit ni tita samantha. Nandito
kasi kami ngayon sa bahay nila dahil nga tutulungan ako ni lucas
na magpaint.
"Thank you po tita sam" pasasalamat ko sa kanya pero tinap lang
nito ang ulo ko at tsala ako nginitian.
"Mommy di ba boto ka din naman kay cara para kay kuya lucas?"
Biglaang tanong pa ni suzy.
Di naman na iyon lingid sa kaalaman nila pero kahit papaano ay
nakakahiya pa din naman kasi.
"Syempre naman" pangaasar pa ni tita sam kaya mas lalo tuloy na
uminit ang pisngi ko.
Maya maya ay dumating na si lucas dala ang kanyang mga pangpaint.
"Pumasok ka nga sa loob panget, bawal istorbo dito" natatawang
pangaasar ni lucas kay suzy.
"Naku! Gusto mo lang masolo si cara eh!" Pangaasar niya sa kanyang
kuya.
"So what...alis na" laban ni lucas sa kanya kaya naman mas lalong
lumawak ang ngiti ni suzy.
"Wow! Atlast, binata na din ang kuya ko...di na torpe" muli pamg
sambit ni suzy kaya naman namula tuloy si lucas pagkatingin ko sa
kanya.
"Can please shut up and get lost...Now?" Madiin at seryosong utos
ni lucas sa kapatid.
Imbes na matakot si suzy at natatawa tawa pang tumayo papasok sa
kanilang bahay.
"Let's start" anunsyo ni lucas kaya naman kahit gusto ko pa sanang
magreact sa mga pinagGagawa at pinagsasabi ni suzy ay mas pinili
ko na lamang ang manahimik at sundin siya.
"Damn..." medyo iritado nang saad ni lucas ng naubos na namin
halos lahat ng bond paper na meron sila.
"Maganda naman na!" Natatawang puri ko.
Sinimangutan ako nito. "Wala...parang di sinasadyang natapon lang
yung paint" problemadong sabi pa niya sa akin.
Gusto kasi naming maAchive sana yung kulay blue na dagat tapos
palubog na araw so medyo orange na siya then parang may dalawang
mukha ng tao sa bandang taas which is yung parents ko.
"Atleast nageefort tayo dito...thank you lucas" masayang bati ko
sa kanya.
Pero parang siya ang magpapasa ng assignment at di pa talaga ito
makuntento. "Wag to, ulitin natin" sabi niya at bigla na lamang
tinapon sa basurahan yung papel.
"Hala! Ok na yon eh..." pagmamaktol ko.
Ok naman na talaga sa akin na hindi ganuon kaganda yung
pagkakagawa ang true essence naman kasi nun ay nakasama ko siya sa
pagGawa.
"Subukan ulit natin" pagpupumilit pa niya.
Wala akong nagawa kundi ang sundin siya. "Sayang noh, di man lang
tayo naambunan ng pagiging artist. Naku kung makakapunta ka lang
sa condo ni leo, sobrang gaganda talaga ng mga paintings niya..."
walang preno prenong kwento ko nanaman.
"Pumunta ka saan?...And who the hell is leo!?" Galit na asik niya.
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 35
Nakabusangot na si Lucas matapos niyang marinig ang pagsabi ko ng
pangalan ni Leo. Gusto ko pa sanang magpaliwanag sa kanya at
pormal na ikwento ang pagkakakilala namin ni leo pero mas pinili
niyang patahimikin na lamang ako.
"Yan...pasencya ka na at yan lang ang kaya ko. Di ako kasing
galing nung kaibigan mong leo na yon" galit pang sabi nito matapos
niyang ilapag ang ginagawa namin kanina.
"Lucas" tawag ko sa kanya pero mabilis itong tumayo at kaagad na
pumasok sa loob ng kanilang bahay.
Wala tuloy ginawa si Suzy kundi asarin ako. At inuutusan pa ako
nitong lambingin ko lang daw ang kuya niya at magkakabati na ulit
kami.
"Ayaw ko! Nahihiya ako..." pagtanggi ko sa kanya.
"Wow at kailan ka pa nahiya pagdating kay kuya ko?" Akusa nito sa
akin.
Napanguso tuloy ako. "Grabe ka naman" suway ko sa kanya pero
inirapan niya lamang ako.
"Dalasan mo ang pagdalaw dito Cara...miss na miss ka na namin
dito" sabi ni tito luke habang nasa hapagkainan na kamj para
magdinner.
"Susubukan ko po tito luke, miss na miss ko na nga din po kayo"
nakangiting sagot ko pa sa kanya.
"Lalo pag sinagot na ni Cara si Kuya...palagi na siyang nandito"
parang kinikilig pang sabi ni suzy.
Kaagad nanlaki ang aking mata at muntikan ko ng maibuga sa kanya
ang iniinom kong juice.
"Hoy walang ganun ah" suway ko pa sa kanya. Pero nagtawanan lang
silang tatlo kasama si tita sam.
"Tita sam..." paghinga ko sana ng tulong sa kanya pero sobrang
laki din ng ngiti nito sa labi.
"Oh ayan na pala ang binata natin..." natatawang sabi ni tito luke
kaya naman tuloy napabungisngis sina tita sam at suzy.
"What?" Inis at nakabusangot na tanong ni lucas sa mga ito.
"Wala kuya, kain na tayo" pagtanggi ni suzy at tsaka na kami
nagumpisang kumain.
Naiilang tuloy akong kumain dahil pagnanapatingin si lucas sa akin
ay medyo nagtatagal ang titig niya. Tapos pag narealize pa niya
yon ay mas lalo siyang mapapasimangot sa akin.
Kay tito luke na ako sumabay pauwi. May pupuntahan kasi ito at
tsaka bad trip pa din si lucas. Nagpaalam nga ako sa kanya pero
tamad niya lang akong tinanguan.
"Ma naman! Pambili ko yon ng book eh!" Sigaw ni chelsie ang kaagad
na bumngad sa akin pagkabukas ko ng pintuan.
"Eh natalo nga ako sa Sugal eh! Anong magagawa ko?" Balik na sigaw
din ni auntie Elena dito.
"Pinadala yon ni tita marie para ipambili ko ng book! Di para
pangSugal mo!" Sumbat pa ng umiiyak na si Chelsie.
Kita kong mas lalong naginit ang ulo ni auntie kaya naman mabilis
siyang tumayo mula sa kinatatayuan at ambang sasaktan si Chelsie
kaya naman humarang na ako.
"Auntie ako na po ang kakausap sa kanya" malumanay na sabi ko pa
dito.
"Yang P*tanginang yan akala mo kung sino! Hoy Chelsie! Baka
nakakalimutan mong ako pa din ang nagpapalamon sayong P*nyeta ka!"
Panduduro pa ni Auntie.
"Auntie tama na po" pagpigil
ko pa sa kanya.
Kita ko ang panginhinig ng labi nito na para bang gigil na gigil
siya. Pero buti na lang at kaagad din siyang nagmartsa palayo sa
amin. Padabog pa nga nitong isinara ang pintuan sa kanyang kwarto.
Nagkakaganyan si Auntie dahil marahil wala na si Tito fred. Umuwi
na muna kasi ito ng america dahil nagbakasyon lang naman iyon dito
sa pilipinas.
"Walang kwentang buhay talaga" inis na inis at nanggigil na sambit
ni Chelsie. Ang mga throw pillow ay pinagbabato niya kung saan
saang parte nang bahay, walang pakialam kung anong matamaan.
"Tama na yan chelsie...tutulungan kita" paninigurado ko sa kanya
habang isa isa kong pinupulot ang mga binato niyang mga unan.
Matapos iyon ay tinabihan ko siya sa may sofa. "Magkano ba ang
kailangan mo para sa mga books mo?" Tanong ko pa dito.
Binigay na sa akin ni tita samantha ang pang tuition ko para sa
prelims. Kahit kakaumpisa pa lang ng klase ay sinabihan na ako
nitong magbayad na para daw wala na akong alalahanin pa. Gusto
kasi nitong sa pagaaral lang kami magfocus at wag problemahin ang
mga bayarin.
Kinaumagahan bago pumasok ay ibinigay ko kay Chelsie ang halagang
kailangan niya para sa pambili niya ng books. Kulang na tuloy ang
pang tuition ko. Pero ayos lang dahil medyo may kalayuan pa naman
ang due date nun, makakapagipon pa ako galing sa mga allowance ko.
"Salamat Cara" nakayukong sabi nito.
"Ano ka ba wala yon...basta bumili ka na kaagad ng books mo ha"
nakangiting paalala ko sa kanya na kaagad naman niyang tinanguan.
Nagaayos
kami ng pangalmusal ng lumabas si auntie elena galing sa kanyang
kwarto.
"Auntie kain po muna kayo" paganyaya ko dito dahil kita kong
mukhang may lakad ito.
"Hindi na" masungit na tugon niya at masamang tiningnan ang
nakayukong si Chelsie.
Pagkatapos ay muli niyang ibinalik ang tingin sa akin. "Cara may
pera ka ba diyan? Pupunta lang ako sa kabilang
baranggay...babawiin ko yung natalo ko kahapon para sa pambili ng
libro ng lintek na to" turo niya sa anak na si Chelsie.
Dahil sa sinabi ni auntie elena ay napaangat ng tingin si Chelsie
at nilabanan ang masamang tingin ng ina.
"Wag na. Binigyan na ako ni Cara ng pambili" matapang at medyo may
pagmamayabang na sabi ni chelsie.
Para namang nagliwanag ang mukha ni auntie dahil sa narinig at
biglang naging maamo ang mukha nito.
"Akin na at papalakihin natin" paglalahad nito ng kanyang kamay.
Pareho kaming napapitlag ni chelsie dahil duon. "Ayoko!" Laban ni
chelsie dito.
"Wag nang makulit chelsie! Akin na at papalakihin natin!"
Pamimilit ni auntie dito.
At dahil mukhang disedido talaga si auntie na makuha ang pera kay
chelsie ay nagsalita na ako.
"Uhmm meron pa naman po ako duong konting natira...sandali lang
po" pagpigil ko sa kanila at kaagad akong tumakbo pabalik sa aking
kwarto.
Natahimik ang bahay ng umalis si auntie elena. Nauna na ding
naligo si Chelsie kaya naman ako na ang nagpresinta na ako ang
maghuhugas ng pinagkainan namin.
Pagkatapos ay nagkanya kanya na din
naman kami ng pagaayos para pumasok na sa school.
"Pasencya ka na kay mama Cara" paghingi ni chelsie ng paumnahin.
"Wala yon. Pagkaya kong tumulong, tutulungan ko kayo" paninigurado
ko pa sa kanya.
NagCommute ako papunta sa school, mukhang may tampo pa talaga sa
akin si Lucas. Mabuti na lamang din at di gaanong punuan sa bus
kaya naman nakaupo ako.
"Oh, anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko kay lucas
pagkababa ko sa bus stop.
Diretso itong tumingin sa akin. "Hinihintay ka" mabilis at
seryosong sagot niya bago niya ako hinila papasok sa campus.
Nagpakaladkad na lamang ako sa kanya. Kahit medyo naiilang pa din
dahil sa mga tingin ng ibang mga estudyante sa amin.
"Akala ko ay galit ka pa din sa akin. Buti naman at hindi na"
nakangiting sabi ko pa.
"At sino naman ang nagsabi sayong di na ako galit?" Panghahamon na
tanong pa niya sa akin.
Kaagad na nanlaki ang aking mata. "Hala galit ka pa?" Parang
batang tanong ko pa sa kanya.
Hindi ako nito sinagot at nagpatuloy lamang ito sa paghila sa akin
papunta sa unang klase ko ngayong araw.
"Wala akong lunch break mamaya. Kay suzy ka sumabay maglunch" utos
niya sa akin.
Sasabihin ko pa sanang di naman kami pareho ni suzy ng schedule
ang kaso ay baka mas lalo kaming magtagal pag ginawa ko iyon.
"Boyfriend mo ba iyong si Lucas cara?" Tanong ng mga slightly
bitchy kong mga kaklase. Sila yung mga akala mong mababait pero
hindi naman pala.
"Ha? Hindi...hindi pa" ngiting asong
sagot ko sa kanila.
Di ko na hinintay ang mga sumunod nilang sasabihin at kaagad na
akong pumunta sa upuan ko. At ayun na sila at nagbulong bulungan
na.
"That's all for today, class dismiss" anunsyo ng aming professor.
Mabilis na nagtayuan ang aking mga classmates at nagkanya kanya na
sa paglabas. Inilabas ko kaagad ang cellphone ko para sana tingnan
kung sino ang pwede kong makasama at makasabay sa paglulunch.
Dumiretso ako sa may Student lounge para sana tingnan kung sino
ang mga nakatambay duon. Pero malayo pa lamang ay napansin ko na
ang nakatalikod na si Kendall. Tatawagin ko na sana siya para
tanungin ng magulat ako dahil patakbo itong umiiyak palayo.
"Kendall..." nagaalalang tawag ko sa kanya pero huli na dahil
nakalayo na siya sa akin.
Mabilis akong humakbang papalapit sa student lounge para sana
tingnan kung ano yung dahilan ng pagiyak ni kendall. At halos
manlaki ang mata ko ng makita kong anduon si Mikhael may kasama
siyang babae at kulang na lang ay maghubad silang dalawa duon
dahil sa intensity ng halikan nila.
Mabilis akong lumayo duon at inalis sa aking isipan ang nakita.
Mukhang may gusto talaga si kendall kay mikhael, palagi lang
silang nagaaway pero halata namang pareho sila ng nararamdaman.
"Cara"
"Oh kuya matthew!" Gulat na sambit ko ng makita ko si kuya matthew
sa university.
"Hi...na miss kita" sabi niya at mabilis siyang humalik sa ulo ko
kaya naman tinanggap ko na din
ang yakap niya.
"Ano pong ginagawa niyo dito?" Masiglang tanong ko, kahit may
issue pa din sa amin ay alam kong kahit papaano ay di pa rin
nagbabago si kuya matthew sa akin, siya pa din yung tagapagtanggol
ko.
Napakamot ito sa batok na para bang nahihiya. "Ihahatid ko sana
itong project ni Zena...naiwan niya eh" sabi niya sa akin na
kaagad ko namang tinanguan.
Gusto daw sana niya akong yayain mag lunch ang kaso ay may meeting
siya ng exact one kaya nagmamadali din siya.
Dahil sa wala talaga akong mahanap na kasama ay pumunta ako sa
medicine building para sana tingnan si lucas. Dati ay hilig ko
talaga siyang silipin duon sa kwarto nila habang nagkalat ang mga
kaklase niya sa tabi niya pero mas nangingibabaw talaga si lucas.
Tahimik ang buong hall ng medicine building. Kaya naman hinanap ko
kaagad ang room nila lucas. Nang makita ko iyon ay kaagad akong
sumilip sa may salamin sa pintuan. Nakita ko naman siya kaagad na
natihimik na nakikinig at seryosong seryoso.
Mga ilang sandali pa ako nagtagal duon nang magulat ako ng biglang
bumukas ang pintuan at bumungad sa akin ang isang matandang babae
na doctor na nakataas pa ang kilay sa akin.
"What are you doing here?" Mataray na tanong niya.
Dahil sa malaking pagkakabukas niya ng pintuan ay lahat ng
estudyante sa loob ay nakatingin na sa aming gawi. Maging si lucas
ay ganuon din at kita ko ang pagkabigla at galit na din sa mukha
nito.
"Uhmm...sorry po ma'm di ko po sinasadyang istorbohin ang klase
niyo" paghingi ko ng paumanhin.
"Sino ang kakilala mo dito sa klase ko?" Nakakatakot na tanong pa
niya sa akin.
Palihim akong napatingin kay lucas pero kita kong seryoso na ang
mukha nito at diretso ng nakatingin sa kanilang white board.
"Ah...wala po ma'm sorry po talaga" paghingi ko ng paumnhin at
sobra na talaga akong natatakot sa kanya.
Pagkatapos nuon ay kaagad niya na akong pinagsarhan ng pintuan.
Dahan dahan ang nagawa kong paglakad palayo dahil sa panghihina.
Napaiktad ako ng muling bumukas ang pintuan nila kaya naman handa
na sana akong tumakbo ang kaso ay natigilan ako ng makita kong si
lucas ang lumabas mula duon.
"Lucas Sor..." di niya na ako pinatapos.
"Ano bang ginagawa mo dito? Hindi ka ba makapaghintay na magkita
tayo mamaya after class? Oras ng klase ngayon Cara! Dapat ay
pagaaral ang inaatupag mo ngayon. Hindi yung pupuntahan mo ako
ngayon dito sa oras ng klase ko." Pagalit na pangaral ito sa akin.
"Malayo ang building mo dito ah? Bakit nakarating ka dito? Alam mo
na kung anong iniisip ng Doctora na yon...isa kang desperadang
babae...sige na umalis ka na" mabilis na sabi niya at mabilis din
akong iniwan duon.
Halos di ko magawang lunukin yung mga sinabi ni lucas. Halata din
naman kasing nagmamadali itong kausapin ako dahil may klase pa
sila. Ano mang oras ay parang gustong bumagsak ng luha mula sa
aking mga mata kaya naman nakayuko at tahimik na lang ako naglakad
para makalabas sa medicine building.
"Ano ang iyong pangalan nais kong malaman at kung may nobyo ka na
ba sana nama'y wala..." nagulat ako ng may biglang kumanta sa
aking harapan.
/>
"Di mo ko masisisi sumusulyap palagi sa'yong mga matang o kay
ganda o binibini..."
"Leo?" Natatawang tawag ko sa kanya dahil di ako makapaniwalang
kakanta.
Nginitian lamang ako nito, yung makalaglag panty pagkatapos at
lalo niyang pinagIgihan.
O ang isang katulad mo
Ay dina dapat pang pakawalan
Alam mo bang pag naging tayo
Hinding hindi na kita bibitawan
Aalagaan ka't di pababayaan
Pagkat Ikaw sakin ay Prinsesa
O magandang diwata
Sana'y may pagasa
PAGIBIG ko'y aking sinulat
At ikaw ang pamagat
Sana naman ay Mapansin
HImig nitong damdamin
Na walang iba pang hinihiling
Kundi Ikaw ay maging Akin
O ang isang katulad mo
Ay dina dapat pang pakawalan
Alam mo bang pag naging tayo
Hinding hindi na kita bibitawan
Aalagaan ka't di pababayaan
Pagkat Ikaw sakin ay Prinsesa
Pumalakpak ako pagkatapos niyang kumanta dahil sa tuwa dahil sa
unexpected niyang ginawa.
"Bakit malungkot ang magandang binibini?" Nakangiting tanong niya
di ko alam kung biro ba o ewan.
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Oh akala ko ba di ako
maganda? Anong nakain mo?" Pangaasar ko pa sa kanya.
Kumunot din ang noo nito. "May sinabi ba akong ganun?" Laban niya
sa akin.
"Oo nung nasa condo mo tayo..." paalala ko pa sa kanya.
Pinaglaruan nito ang kanyang pangibabang labi at tila mo'y
nagiisip siya.
"Nakalimutan ko na siguro, pero ang naaalala ko lang di ko pa pala
nasasabi sayo na..."
"Na ano?" Tanong ko pa.
"I like you cara"
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 36
"Hala! Bakit naman!" Natatawang hiyaw ko pa kay Leo.
Kumakain kami sa may Pizza house medyo may kalayuan sa school.
Nalaman niya kasing naghahanap ako ng kasama sa pagkain.
"Bakit?" Natatawang tanong din niya sa akin.
"I mean bakit naman ako?" Di pa rin makapaniwalang tanong ko sa
kanya.
Inubos muna niya ang nginunguyang pizza bago ako nginisian at
sinagot. "Bakit hindi ikaw?" Laban niya sa akin.
I feel the freaking what they call adreniline rush. Kaagad na
naginit ang aking pisngi.
"Palangiti ka, masayahin, mabait, mag..." pagpapasuspense niya pa.
I was waiting for the word maganda. But tinawanan lang niya ako ng
mapansin niyang yun ang gusto kong marinig.
"Magulo...magulo kaya masarap kang kasama" nakangising
pagdurogtong pa niya.
Tumaas ang isang sulok ng aking labi. "Maganda din naman ako ah!"
Laban ko sa kanya pero mas lalo siyang natawa.
"Kung maganda ka hindi kita magugustuhan" seryosong sabi pa niya
sa akin.
Kaagad na kumunot ang noo ko habang sumisimsim ng coke. "Hala,
panget ang gusto mo?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
Nakangiti itong tumango tango. "Ayoko kasi ng may kaagaw, gusto ko
akin lang" seryosong sabi na niya ngayon.
Mabilis ko tuloy nalunok ang pizza sa aking bibig. "Grabe naman
toh! NakakaOffend palang magustuhan mo" medyo nangingiting sabi ko
na lang.
"Wala ka naman sigurong boyfriend di ba?" Mayabang na tanong pa
niya sa akin.
Wala sa sarili akong napatango. Minsan kasi ay nahihiwagaan na ako
sa mga tao sa paligid ko, kagaya na lang
dati ng unexpected na pagkakagusto sa akin ni kuya matthew. Ngayon
naman ay itong si leo.
"Better" tumatango tangong sambit pa niya.
At dahil may halos isa't kalahating oras pa ang natitira sa vacant
ko ay niyaya ako nito na pumunta sa mall. Kailangan daw kasi
niyang bumili ng mga material para sa kanyang pagpapaint.
"Ang galing mo noh!" Namamanghang sabi ko.
Isa pala kasi siya sa major contributor ng artwork sa University
gallery namin. May ilang beses na ding na feature ang university
gallery namin dahil daw sa world class paintings, sculpture at
kung ano ano pang artwoks.
Ilang beses na ding napuntahan ng mga international historian ang
mga master piece duon na galing pa sa mga kilalang tao ng
industriya ng sining.
"One of my Painting ay nasa Standford University" pagbibida niya
na mas lalong ikinalaki ng aking mata.
"Grabe ang big time mo pala!" Patuloy na puri ko pa sa kanya.
Nagkibit balikat na lamang ito. "If passion mo talaga ang isang
bagay, may kapalit man o wala you still need to put everything to
it, and if someone appreciate it, that's great" payo niya pa sa
akin.
Napatango na lamang ako at tsaka tumingin sa labas. Nakasakay kami
ngayon sa kanyang Ford everest.
"Ikaw ano ba ang hilig mo?" Tanong niya sa akin. Napanguso na lang
tuloy ako. Im not good at everything, ni wala nga ata akong
talent.
Nagkibit balikat na lang din ako. "Wala eh, bukod sa mahilig akong
kumain" natatawang sagot ko pa sa kanya.
"I'll help you discover your passion, always remember that there
is something
special with you Cara, you just need to discover it" makahulugang
sabi pa niya sa akin.
Napakagat tuloy ako sa aking labi. Isa siya sa mga taong
nagtitiwalang may bagay na special sa akin. Kagaya ni Kuya matthew
na nagustuhan ako sa di ko din malamang bagay.
Kahit papaano ay kumirot ang aking dibdib dahil si lucas na
nagiisang gusto ko ay hindi naniniwalang may special sa akin. Siya
pa nga mismo ang nagpapamukha sa akin na wala namang bagay na
kakaiba sa akin para magustuhan niya ako dati.
"May problema ba?" Nagaalalang tanong ni Leo sa akin ng mapansin
niya ang biglaan kong pagtahimik.
Mabilis akong umiling at pilit na nginitian siya. Naaalala ko
nanaman kasi yung nangyari kanina. Di ko naman kasi inaasahan na
mahuhuli ako nung doctor na professor nila. Tsaka wala naman
talaga akong balak na guluhin siya.
Matagal ko na din namang ginagawa iyon pag Break ko, palagi ko
siyang tinatanaw sa may salamin sa may pintuan nila at kitang kita
ko talaga ang dedication ni lucas pagdating sa studies masyado
siyang studious kaya naman deserve niya talaga ang rank niya sa
top.
"Saan ka nga pala nagmamajor?" Tanong ko dito.
"Pediatrics" maiksing sagot pa niya.
"Wow, mahilig ka pala sa mga bata"
"Yeah, i really used to like kids...mahilig talaga ako sa mga
batang cute. I have this foundation, halos lahat ng bata duon ay
naipinta ko na" pagmamalaki pa niya.
Imbes na sumagot ay napanganga na lamang ako. "Ikaw?" Balik na
tanong niya sa akin.
"Ako? Gusto kong maging pre school teacher, tapos pag pagod na
yung mga bata maagang recess at papalaruin
ko na lang sila" seryosong sabi ko dahil yun naman talaga ang
balak ko pag nagkataon.
I heard him chuckle and damn it may kakaiba akong nararamdaman
everytime na ngumingisi o tumatawa siya. I find it sexy.
"Silly" natatawang sambit pa niya sa akin.
Pagkarating sa mall ay kaagad kaming dumiretso sa The Paint Shop,
lahat ng tungkol sa arts ay makikita mo duon. Hindi lang siya
parang store, para na din siyang isang art gallery dahil sa
kakaibang interior design ng buong shop.
"First time?" Tanong sa akin ni Leo ng makita niya ang kakaibang
pagkamangha ko sa lugar.
"Oo grabe ang ganda dito" puri ko pa at di ko mapigilan ang mata
ko sa paggala sa bawat lugar at desenyo duon.
"Mga Close friends ko from japan ang may ari nito" kwento niya sa
akin.
"Magkakaibigang Painters kayo? Wow Friendship Goals" sobra sobra
talaga ang aking pagkamangha dahil sa mga nalalaman ko tungkol sa
kanya.
Maya maya ay dumiretso kami sa kulay pulang doble door na saktong
sakto sa kulay ng buong lugar. Di pa sana ako papasok dahil
mukhang restricted pero kaagad akong hinila ni leo.
Kung makulay sa labas ay mas manlalaki ang mata mo dahil sa ibat
ibang uri ng paintings na nakasabit sa dingding ng opisina.
May dalawang malaking office table at halos mapalunok ako ng
makita kong may dalawa ding malaGreek god kagaya ni leo ang
nakaupo duon.
Ang isa ay medyo balbas sarado na mas lalong nagpatigas sa kanyang
masungit na facial feature. At ang isa naman ay naka Clean cut at
halatang medyo jolly dahil ngayon pa lang ay nakangiti na siya sa
amin.
"Yeah! Leo where the hell have you been?"
Nakangising puna sa kanyang ni clean cut boy, pansin ko kaagad na
mukhang may lahing japanese din ang mga ito kagaya ni Leo.
"Im studying you idiot" natatawang sagot ni leo dito.
"Who's with you?" Seryosong tanong nung lalaking balbas sarado
para tuloy siyang isang brazillian or mexican model.
Hinila ako ni leo papalapit sa kanya at tsaka inakbayan. "She's
cara " pagpapakilala nito sa akin.
Yung jolly na lalaki ay pumapalakpak habang naglalakad papalapit
sa aming pwesto. "Finally i met the girl" sambit nito na
ikinakunot ng aking noo.
"Hi Cara, Im Kenzo Miato" pagpapakilala nito at kaagad na naglahad
ng kamay.
Mabilis kong tinanggap ang kamay niya at tsaka nginitian. "Your so
cute" puri niya sa akin na ikinanguso ko, sabi kasi nila cute is
half maganda half panget.
Maya maya ay tumayo na din yung palbas sarado na mukhang masungit.
Pero di kagaya ni kenzo ay umupo lamang ito sa kanyang lamesa
habang nakatingin sa amin.
"And that's Akihiro Sugawa...the old ball" pagpapakilala ni Kenzo
tsaka sila sabay na nagtawanan ni Leo.
Imbes na makisali sa tawanan ay napakagat na lang ako sa aking
labi dahil nakakahiya naman kay Akihiro kung pagtatawanan ko din
siya gayong ngayon lang naman kami nagkakilala.
"You can call me Aki for short" seryosong sabi niya at seryoso
ding bumalik sa pagkakaupo niya sa kanyang swivel chair at tsaka
tinutok ang sarili sa kanyang laptop.
Tumango na lang ako
at nginitian siya kahit di na ito nag tapon pa ng tingin sa aming
gawi. Sinamahan kami ni Kenzo sa labas para sa mga bibilhing gamit
ni Leo para sa kanyang pagpipinta.
"Are you joining the upcoming Exhibit?" Tanong ni Kenzo habang
busy si leo sa pagpili ng mga gamit na gagamitin niya.
"Sa France?" Tamad na tanong ni Leo dito.
Kaagad na tumango si Kenzo habang busy siya sa kanyang Cellphone.
"No, busy ako sa re-opening ng university gallery." Sagot ni leo
sa kaibigan.
Nabalita ngang pinalaki lalo at tsaka nagexpand ang university
gallery namin sa may pampanga campus. Maging ang ibang campus nga
ay pinagplaplanuhan ding gawan ng mini gallery.
"This is the edge Leo, french exhibit to...your master piece is
worth it" pagpupumilit sa kanya ng kaibigan.
Dahang dahang umiling si leo habang namimili ng paint. "I wont go
back to France...i'll stay here" paninigurado niya pa sa kaibigan.
Nagkibit balikat na lamang si Kenzo at tsaka nagkwento ng kung ano
ano.
"Sabi ko nga dito kay Leo dapat nag Obgyne na lang siya"
natatawang pangaasar ni kenzo dito. Di ko tuloy napigilang
mapangisi.
"F*ck you ashhole" sita ni leo sa kanyang kaibigan.
Nagbabayad na ito ngayon ng mga pinamili niya. Kahit pala ang mga
papel at brush na ginagamit ay kailangan mo ding piliin ng
mabusisi. Maging ang mga paint niya ay parepareho naman ng mga
kulay pero ginagamit sa iba't ibang paraan.
"Anong oras next class mo?" Tanong ni leo sa akin ng nagpapaalam
na kami kay Kenzo.
"Uhm 3...oh shit!" Hiyaw ko ng makita halos quarter to 3
na.
Bigla akong nataranta kaya di ko malaman ang gagawin ko.
Pinagtawanan naman ako nung dalawa kaya sinimangutan ko sila.
"Sige na leo, hatid mo na yang baby mo" pangaasar sa amin ni
Kenzo.
"Hoy di niya ako baby ha!" Laban ko pa dito pero nagtaas lamang
ito ng kamay na tila ba suko siya at tinanggap na lang niya ang
aking sinabi.
Mabilis kaming umalis ni leo sa mall. Ang mga pinamili niya ay
nasa likod ng kanyang ford everest, if im not mistaken napakamahal
talaga ng mga pinamili niya. Sobra talaga akong humahanga sa
passion niya sa pagpipinta.
"Im sorry kung nalate ka dahil sa akin" paghingi niya ng
paumanhin.
Nanghinayang man ay nginitian ko na lamang siya. Traffic pabalik
sa university at halos kalahating oras na akong late kaya hindi na
din ako makakapasok. 15 minutes lang ang grace period namin at
kung pipilitin ko pang pumasok sa klase ay siguradong ipapahiya
kang ako ng professor namin kaya naman tinanggap ko ng absent ako
sa literature class namin ngayon.
"Mahirap ba ang internal medicine?" Tanong ko dito.
Tumango tango ito. "Your holding a freaking life there, people
taking internal medicine as their major should have atleast power
i guess?" Medyo natawa siya sa kanyang huling sinabi.
"Powers ka diyan" asar ko sa kanya.
Pagkarating sa university ay kaagad akong nagpaalam kay leo na
pupuntahan ko lang ang next class ko para silipin pero symepre
hindi na ako papasok.
Ayoko naman na ngayong araw ay dalawang beses akong mapapagalitan
ng professor dahil sa pagsilip silip ko sa pintuan.
At dahil alas tres pasado na ay konti na lang ang estudyante na
pagala gala sa labas. Halos lahat ay nasa rooms na. Umakyat ako ng
CAS building at dahan dahang naglakad pagkarating ko sa 3rd floor.
Tanaw ko na ang pintuan ng room namin at halos man laki ang mata
ko ng makita ko kung sino ang nakaupo sa bench sa gilid nuon.
Nakabusangot ang mukha nito at nakahalukipkip. Mas lalo tuloy
bumagal ang lakad ko dahil sa nakita.
Maya maya ay mukhang naramdaman niya na ang presencya ko at halos
mahigit ko ang aking hininga dahil sa matalim na tingin nito sa
akin. Mabilis siyang tumayo sa pagkakaupo at tsaka gumawa ng
malalaking hakbang para mablis na makalapit sa aking kinatatayuan.
"Where the hell have you been?" Matigas at nakakatakot na tanong
niya sa akin.
Napadaing ako ng hawakan ako nito sa braso at medyo madiin ang
pagkakahawak niya duon.
"Lucas masakit" daing ko sa kanya at tsaka ko pinilit bawiin ang
kamay ko mula sa kanyang pagkakahawak.
Imbes na bitawan ay niluwagan niya lamang iyon at tsaka siya
humakbang papalapit sa akin kaya naman humakbang ako patalikod.
Hanggang sa mapasandal ako sa pader.
"What's happening to you Cara? You fail most of your subject last
semester, dapat ay bumabawi ka ngayon! Pero anong ginagawa mo ha!
Pumupunta ka sa building namin para sumilip sa room ko, imbes na
pumunta ka sa library para
magreview." Pangaral niya sa akin kaya naman nagsisimula nanamang
maginit ang gilid ng aking mata.
"Saan ka galing? And you are not even worried that you miss one
meeting in your literature class..." akusa niya.
Hindi ko na napigilan at kaagad na may naunang tumulong luha mula
sa aking mata bago pa ako makasagot sa kanya.
"Late na ako, kung papasok pa ako ngayon ipapahiya lang ako ng
professor namin" humihikbing sumbong ko sa kanya
"Consequence yon dahil sa ginawa mo, alam mong 3 oclock ang pasok
mo. And again where the hell did you came from?" Pagalit na saad
niya pa.
"Consequence? Parang nung pinahiya din ako nung professor mo sa
harapan ng mga Classmates mo! Gusto mo gawin ko ulit iyon ngayon?"
Umiiyak na tanong ko sa kanya.
Mariin itong napapikit. "Grow up Cara! College student ka na! You
should know how to handle things in their proper places...magisip
ka naman!" Bulyaw niya sa akin.
Nageecho pa nga ang salita niya dahil kaming dalawa lang naman ang
nasa corridor. Mas lalong nanlabo ang paningin ko dahil sa huling
sinabi niya at mukhang narelize naman niya kaagad iyon kaya medyo
lumambot ang ekspresyon ng mukha niya.
"Im sorry kung nasasayang yung pera ng parents mo dahil sa
pagpapabaya ko, but lucas ito lang kasi ako...ito lang yung kaya
ko, im not like you, ito lang ako. Ito lang si Cara...hindi mo ba
pwedeng tanggapin kung ano lang ako?" May hinanakit na tanong ko
pa sa kanya.
"If that's so your not growing up cara..." pagkasabi niya nuon ay
aalis na sana siya para talikuran ako.
"I hate you...i really really hate you" parang batang sabi ko pa
at nagtuloy tuloy na ang pagtulo ng aking luha.
Mabilis siyang bumalik sa harapan ko at tsaka niya itinaas ang
baba ko gamit ang hintuturo niya para magkatapat ang paningin
naming dalawa.
"You dont hate me cara" banta pa niya bago niya ako siniil ng
napakalalim na halik.
Hindi pa siya nakuntento at kinagat pa niya ang pambabang labi ko
dahil para mapaawang ito kaya naman malaya niyang naangkin ang
aking buong labi.
Pagkatapos nuon ay kaagad siya bumitiw sa halik. Pero sinamaan ko
lamang siya ng tingin. At tsaka bahagyang tinulak.
"I hate you Lucas Eion Jimenez!" Hiyaw ko sa kanya bago ako
tumakbo palayo duon.
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 37
Dumiretso ako ng uwi pagkatapos ng pangyayaring iyon sa hall
kasama si lucas. Last class ko na din kasi ang literature kaya
wala naman na akong gagawin sa university kung mananatili ako
duon.
Wala pang tao sa bahay pagkadating ko, buti na lang at may susi
ako kaya ako nakapasok. Sarado ang lahat ng ilaw, kaagad kong
isinalampak ang katawan ko sa sofa dahil sa panghihina.
"Ang tanga tanga mo kasi cara" naiinis na akusa ko sa aking sarili
habang nakatulala sa may kisame.
Kahit sino naman siguro ay ganyan ang magiging reaksyon kung
malalaman nilang nagpapabaya lang yung taong pinagaaral ng mga
magulang nila. Mayaman sina lucas, sobrang yaman. Kung tutuusin
nga ay barya lang para sa kanila ang tuitions at allowances na
ibinibigay nila sa akin, pero syempre ang dating non kay lucas ay
parang inaabuso ko ang kabaitan ng mga magulang niya.
Nag magaalasingko na ay napagpasyahan ko ng magbihis para
makapagluto na ng Dinner, ano mang oras kasi ay siguradong
parating na si Auntie Elena at si Chelsie.
Pagkabukas ng ilaw sa aking kwarto ay napaawang ang aking bibig ng
makita kong bukas ang lahat ng drawer ko. Magulo din ang mga damit
sa loob nito na para bang hinalukay ito ng isang tao na may pilit
na hinahanap.
"Hala yung pera ko" nagaalalang sambit ko at kaagad akong nagtungo
sa cabinet na pinagtaguan ko nuon.
Halos lahat ng damit ay inihagis ko na palabas pero wala akong
nakita. Halos manghina ang aking tuhod pero wala pa rin talaga.
Napaiyak na lang ako dahil sa nangyari.
"Cara!?" Tawag ng mukhang kararating lang na si Chelsie mula sa
labas.
Di ako nakagalaw nanatili akong
nakaupo duon sa may sahig habang umiiyak.
"Cara...Oh my gahd!" Gulat na sambit ni Chelsie ng makita niya ang
aking kalagayan ngayon.
Mabilis siyang naglakad papunta sa akin at tsaka lumuhod sa
harapan ko para mapantayan ako.
"Anong nangyari dito?" Nagaalalang tanong niya pa sa akin.
Tinapos ko muna ang lahat ng hikbi ko bago ko siya sinagot. "Yung
allowance ko...nawawala" parang batang sumbong ko pa dito.
Medyo parang nagtagal bago nagsink in kay chelsie ang aking mga
sinabi. Matapos ang ilang saglit ay kita ko ang pagtigas ng
ekspresyon ng mukha nito.
"Teka sandali lang..." galit na sabi nito at padabog na naglakad
palabas ng aking kwarto.
Mula sa aking pagkakayuko ay napaiktad ako dahil sa sigawan na
narinig ko mula sa labas ng bahay.
"P*unyeta ka! Manahimik ka diyan! Sinabi ng wala akong alam!"
Galit na galit na sigaw ni auntie elena.
"Umamin ka na Ma! Di ka na nahiya!" Balik na sigaw ni chelsie
pagkatapos nun ay nakarinig ako ng mga gamit na nabasag dahil sa
pagkakabagsak.
Walang pagdadalawang isip ay tumayo ako at mabilis na lumabas sa
may sala kung nasaan sina auntie elena at chelsie. Naglalabanan
ito ng tingin. Ng mapansin ni Auntie elena ang presencya ko ay
kaagad siyang naglakad papalapit sa akin.
"Anong nawawala sayo?" Galit na tanong niya sa akin.
"Yung...yung allowance ko po" mahinang sagot ko dito dahil sa
takot. Ang sama kasi ng tingin nito at parang kahit ano mang oras
ay sasaktan niya ako.
"Iniisip mo bang ako ang kumuha non!?" Pagbabanta niyang tanong sa
akin.
Nanlaki ang aking mata dahil duon, kahit may kung ano sa loob ko
na naghihinala din sa kay auntie elena ay alam kong di pa din tama
na pagakusahan ko siya.
"Hindi naman po sa ganun auntie" magalang pero natatakot na sambit
ko pa din.
Kita ko ang panginginig ng gilid ng labi nito na halatang galit na
galit na siya.
"Pareho kayong dalawa! Ni hindi niyo inisip na ako ang
nagpapalamon sa inyo! Mga walang hiyang to, pagbibintangan niyo pa
ako ngayon? Mga walang kwenta!" Sigaw niya sa amin ni chelsie bago
padabog na sinarado ang pintuan sa kanyang kwarto.
Nagkatinginan kami ni Chelsie matigas pa din ang ekspresyon nito
at galit na galit. Marahan kong pinunasan angmga luha kong patuloy
na tumutulo mula sa aking magkabilang mata.
"Im sorry cara..." napapailing na sabi na lang ni Chelsie bago
siya mapayuko.
Simula ng mangyari iyon ay halos di na namin nakakasalubong si
Auntie elena sa bahay, palagi itong wala at maagang umaalis, halos
di na nga namin alam kung umuuwi pa ba siya sa bahay.
"Pano ang pangtuition mo at allowance?" Nagaalalang tanong ni
Chelsie habang nagaalmusal kami at naghahanda na din para sa
pagpasok.
"May natira pa naman ako sa Atm card ko, ang kaso ay sapat na yon
para sa allowance ko pang araw araw. Nagiisip pa din ako hanggang
ngayon kung saan ko kukunin ang pang tuition ko." Sumbong kong
hinaing sa kanya.
"Wag kang magalala, kakausapin ko din si Auntie marie tungkol
dito...siguradong pagnalaman niyang ikaw ang may kailangan ng
tulong di magdadalawang isip yon. Matagal na talaga niyang gustong
makausap ka" kwento pa niya sa akin.
Kahit namomorblema pa din dahil sa nangyari ay nagawa ko pa ding
pumasok, malapit na din kasi ang prelim exam namin kaya kailangan
ko na talagang magfocus sa aking pagaaral.
"CARA!" malakas na sigaw ni suzy.
Nakuha tuloy niya ang atensyon ng iba pang mga estudyante pero
parang wala lang iyon sa kanya at wala siyang pakialam dahil
ngiting ngiti pa itong lumapit sa akin.
"Na miss kita!" Sabi niya at kaagad akong niyakap ng mahigpit.
Dahil sa yakap ni suzy ay gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko.
"Na miss din kita" sabi ko din sa kanya tsaka ginantihan ang yakap
niya.
Sabay kaming naglakad habang papasok sa Campus. Pareho lang naman
kami ng Building magkaiba lang ng Floor.
"Sa weekend sa bahay tayo magdidinner ha! Birthday ni mommy"
pagpapaalala niya sa akin.
Agad nanlaki ang aking mata. "Oo nga pala, muntik ko ng
makalimutan, sige pupunta ako" paninigurado ko sa kanya.
Naghiwalay din kami ni Suzy ng dumating na kami sa 3rd floor dahil
duon ang first class niya samantalang sa 5th floor pa ako. "You
need have a graphing paper para sa lesson natin ngayon" anunsyo ng
professor namin sa statistics.
Nagtayuan halos lahat ng classmates ko para lumabas at bumili. At
dahil wala din naman akong graphing paper ay kumuha na din ako ng
pera at tsaka lumbas para bumili.
"Nabalitaan mo ba yung
nangyari sa may Medicine Registrar office? Grabe ang lakas nung
babae noh! Isang sipa lang duon sa glass wall...grabe pare basag
ang kalahati" kwentuhan ng mga kaklase kong lalaki habang pababa
kami sa hagdan.
"Ayos lang daw, mayaman naman yung nakabasag eh...kayang kaya niya
yon" sabi pa ng isa.
Kaagad tuloy akong napaisip kung ano ang nangyari. Di biro ang mga
glass wall sa medicine registrar office, siguradong hindi iyon
basta basta, kung totoo ngang mayaman ang gumawa nuon, wala siyang
kailangang problemahin.
Naging madali para sa akin ang lesson namin ngayong araw, ang kaso
ay tinambakan naman kami nito ng assignments at may quiz pa next
meeting.
Naglalakad ako sa quadrangle papunta sa next class ko sa CAS
building ng makasalubong ko si lucas. At hindi siya nagiisa, He's
with amiela.
"Why don't we try to go there this coming weekend?" Maarteng
tanong nito.
Diretso ang tingin ni lucas sa akin kaya naman napayuko na lang
ako at pinagpatuloy ang paglalakad.
"Hey lucas are you listening?" Pagkuha ni amiela ng atensyon nito
kaya naman muli akong napaangat ng tingin at duon ko nakita ang
diretsong tingin pa din sa akin ni lucas kaya tuloy dahil duon ay
maging si amiela ay napatingin din sa akin.
"Ow...hi cara" nagtaas ito ng kilay at halata ang pagkainis sa
kanyang mukha dahil sa aking presencya.
At dahil di naman kami ganuon ka close at tipid ko lang siyang
tinanguan at muli na sana akong magpapatuloy sa paglakad ng
magsalita si lucas.
"Di ako pwede sa weekend, birthday ni mommy" sabi nito kay amiela
pero sa akin nakatingin na para ding nagpaparinig.
"Ow
really!?" Excited na sambit pa ni amiela.
At dahil ayoko ng magtagal duon ay mabilis na akong naglakad
papalayo sa kanila. I dont even care kung magkasama sila ngayon.
Basta ay galit ako kay lucas.
"Class i can't meet you today, busy ang department para sa reopening ng University gallery. So fo now, mag seatwork na lang
muna kayo...you can go to the library para gawin ito"
nagmamadaling paliwanag sa amin ng aming professor tsaka tinuro
ang mga terminologies na nakasulat sa may white board.
I tried to use my internet connection, pero it didn't work. Nang
maalala ko kung kanino galing ang cellphone na gamit ko ay kaagad
ko iyong tinago.
Marami ang umalis ng room para pumunta nga siguro talaga sa
library ang iba naman ay nanatili sa room at nilabas ang kanya
kanya nilang mga gadgets. Ang iba ay nagkwentuhan na lang at
naghintay ng pwedeng macopyahan.
"Oh Leo!" Gulat na tawag ko dito ng makita kong paakyat din siya
sa main library namin sa 5th floor.
"Hello" parang nanghihinang bati niya sa akin.
Dahil duon ay napakunot ang aking noo, kaya naman walang sabi sabi
kong inilagay ang kamay ko sa kanyang leeg at sa noo.
"Maiinit ka ah! Uminom ka na ba ng gamot?" Nagaalalang tanong ko
sa kanya.
Nginisian lang ako nito pero anduon pa din yung panghihina sa
kanya. "Oo...matutulog na lang ako sa library ngayon" nangingiti
ngiting sabi niya pa sa akin.
Sinimangutan ko na lamang siya. "Dapat ay sa clinic ka
nagpapahinga" pangaral ko pa sa kanya.
"Ayaw ko dun, baka pag nasahan lang ako nung nurse habang
natutulog ako" mayabang na
pagdadahilan pa niya.
Napairap ako habang nakataas ang isang sulok ng aking labi.
"Yabang ah gwapong gwapo sa sarili" naiiling na puna ko pa sa
kanya pero nginisian niya na lamang ako.
Maging sa paglakad ni leo ay nakikita ko ang kanyang panghihina.
Medyo malalim din ang mata nito at namumula ang kanyang ilong.
"Sa sofa ka na lang magpahinga" swestyon ko sa kanya.
Di ko na hinintay pang sumagot siya at kaagad na akong dumiretso
sa isang table at tsaka iniwan duon ang mga gamit ko para kumuha
ng libro na pwede kong magamit sa pagsasagot ko.
"Oi! Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko kay leo ng makita
kong nakayuko na ito sa lamesa ko.
"Quite please!" Sigaw ng librarian.
Nahiya tuloy ako at kaagad na umupo. Kahit nakayuko ay kita ko ang
pagtawa ni Leo dahil na din sa paggalaw ng kanyang balikat.
"Ang ingay kasi eh" paos na pangaasar pa niya sa akin.
"Hmp. Manahimik ka nga diyan!" Mahinang suway ko pa sa kanya.
Nagsasagot ako ng seatwork habang si leo ay nanatiling nakayuko sa
may lamesa. Mukhang masama nga talaga ang kanyang pakiramdam. Kung
ako din naman ang kanyang nasa kalagayan ay hindi ako papayag na
sa clinic magpapahinga, para kasing mas lalo ka pang magkakasakit
pag nasa loob ka ng clinic.
Nang matapos ko na lahat ng dapat kong sagutan ay di ko namalayang
napatulala na pala ako. Kailangan ko kasing magisip ng paraan para
mabawi ko yung perang nawala sa akin. Ayoko namang pumasok ulit
sa fastfood para magpart time. Di kasi kaya ng schedule ko.
Parang dati nga ay di ko naayos ang trabaho ko duon feeling ko
tuloy banned na ako sa kahit anong fastfood restaurant.
"Ang lalim naman niyan" sabi ni leo.
Dahil duon ay napabalik ako sa aking katinuan. "Oh ayos na ba ang
pakiramdam mo?" Tanong ko dito.
"A little" maiksing sagot niya.
Nakahiga pa din siya sa kanyang mga braso pero nakatapat na ang
mukha niya sa aking gawi. Napakatangos talaga ng ilong nito, at
sobrang nakakabighani ang mamulamula niyang labi.
"Ang gwapo ko ba?" Nakangising tanong niya kahit nakapikit.
Agad nanlaki ang aking mata. "Ha?...naku wag mo na akong tanungin,
masasaktan ka lang sa pwede kong isagot" biro ko pa sa kanya.
Mas lalong lumaki ang ngisi nito. "Sige kunwari di ko na lang
nakitang nakatitig ka sa akin" pangaasar niya pa.
Sabay kaming bumaba ni Leo dahil lunch time na din at kailangan ko
ng ipasa yung seatwork na ginawa ko sa class president namin.
Pagkapasok ko sa room ay nagkakagulo na ang mga classmates ko para
magpasa sa class president namin.
"Hoy cara sino yan?" Tanong sa akin nung mga babae kong kaklase.
Nakatingin sila halos lahat sa may pintuan kung saan naiwan si leo
para hintayin ako.
"Ikaw cara ha! May lucas jimenez ka na nga..." asar pa ng iba
pagkatapos ay tsaka sila nagtawanan.
Sinamaan ko na lang sila ng tingin at di na pinansin. "Saan tayo
kakain?" Tanong ko sa kanya.
"Sa condo ko, i'll cook" mabilis na sagot niya at walang sabi
sabing hinila ako nito.
Nagpahila na lamang ako at di na tumanggi. Magluluto daw siya kaya
naman naexcite na din ako. Kagaya nung unang punta ay namamangha
pa din ako sa mga paintings sa condo unit niya.
"You can open the Tv while waiting"
"Kaya mo pa ba talagang magluto?" Nagaalalang tanong ko pa sa
kanya.
"Ofcourse, lalo na't ikaw ang paglulutuan ko" sabi niya sabay
kindat kaya naman natahimik na lang ako.
Muli kong inilabas ang Cellphone ko at duon ko nakita ang madaming
missed calls at text na nanggaling lahat kay lucas.
"Ano pa ba ang kailangan niya?" Tanong ko sa aking sarili.
Simula nang kumain ako sa condo ni leo ng iniluto niya ay halos
ganuon na kami araw araw. Minsan nga ay halos di na ako makagalaw
dahil sa sobrang dami ng pagkain.
"Hintayin kita sa Condo" paalam ni leo dahil break na nila
samantalang ako ay may isang klase pa.
"Ok sige" nakangiting sagot ko naman sa kanya.
Tinutulungan din ako ni Leo n maghanap ng pwede kong ipart time
job. Dahil nga kailangan ko ng magbayad ng tuition fee. Inalok nga
ako nito na siya na daw ang bahala sa akin pero syempre ay di
naman ako pumayag. Ayoko naman na isipin niyang tinitake ko siya
for granted dahil lang sa naging close na kami.
Naglalakad ako sa kahabaan ng AMS 4th floor hall ng mapahinto ako
ng makita ko duon si lucas.
"Bakit di mo sinasagot ang mga tawag ko?" Mahinahong tanong niya
sa akin.
Naninibago
ako dahil mahinahon ako nitong kinakausap. Wala yung lucas na
nakasimangot at nakabulyaw palagi sa akin.
"Uhm...sorry nakasilent kasi yung cellphone ko" mahinang sagot ko
sa kanya.
Sandaling natahimik ang pagitan namin ni lucas pero kaagad siyang
nagsalita.
"About last time, cara im sorr..."
"Ok lang, tama ka naman ako yung may kasalanan" mabilis na
pagpigil ko sa kanya.
Nakita ko ang pagkagulat ni lucas dahil sa aking ginawa pero
ginawaran ko lang siya ng tipid na ngiti.
"Uhm kung wala ka ng kailangan, papasok na ako...baka kasi malate
pa ako" paalam ko sa kanya at tangka sanang lalagpasan na siya ng
kaagad niyang hinawakan ang aking kamay.
"I want us to talk, hihintayin kita sabay tayong maglunch" sabi
niya sa akin habang diretso ang tingin sa aking mga mata.
Napaiwas ako ng tingin at dahan dahang binawi ang kamay ko mula sa
pagkakahawak niya. Kitang kita ko ang kakaibang pagkagulat ni
lucas dahil sa aking ginawa.
"Sorry may kasabay na kasi akong maglunch eh" paumanhin ko pa.
Napalunok ako dahil sa aking nga pinaggagawa, ayoko naman sanang
ganituhin si lucas pero kasi nauna na akong nakapangako kay leo.
"Sino?" Kunot noong tanong ni lucas sa akin.
"Yung kaibigan ko" mabilis na sagot ko sa kanya.
Natahimik siya pero di niya inalis ang tingin niya sa akin,
nanliliit pa nga ang mga mata nito na para bang binabasa niya ako.
"Kaibigan mo, yun ba yung nababalitaan kong medicine student na
palagi mong kasama? Yung japanese?" Seryosong tanong pa niya.
Napakagat labi ako at tsaka tumango tango kay lucas. Dahil sa
aking ginawa ay nag tiim bagang ito.
"Stay away from that man" giit niya sa akin.
Nanlaki ang aking mata dahil duon. "Pero kaibigan ko si leo" laban
ko sa kanya.
"You stay away cara, maghanap ka ng ibang kaibigan basta wag
lalaki!" Utos pa niya.
"Ano bang problema kung kaibigan ko si leo?" Inis na tanong ko
dito.
Ayaw niyang may kaibigan akong lalaki pero siya pwedeng palagi
silang magkasama ni amiela?
"Nag seselos ako" seryosong sambit pa niya.
Imbes na kiligin ay pinilit ko na lang na pigilan ang nararamdaman
ko.
"Kaibigan ko si leo di mo naman siya dapat pagselosan
tsaka...hindi naman tayo lucas"
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 38
"Basta lagi mo lang tatandaan na pag yung graph mo straight line
Zero order kinetics yon" pagtuturo sa akin ni Leo.
Nasa Student lounge kami ngayon at nagaaral. Palagi na kaming
magkasama ni Leo. Wala din naman kasi siyang kaibigan dito dahil
si Kenzo at Akihiro lang talaga ang mga close friends niya.
"Sure yan ha!" Pagbibiro ko pa.
"Sure na sure, pag yan mali ituro mo sa akin yang professor mo"
nakangising sabi niya pa.
Napanguso tuloy ako at napahampas sa braso niya. "Bakit!? Mas
magaling ka pa sa proffesor namin?" Panghahamon ko sa kanya.
Nagkibit balikat ito at tsaka napataas ang isa niyang kilay.
"Nakatapos ng ako ng Four year course, nagaaral lang ulit
ako...pero may profession na ako, pareho lang kami ng professor
mo" pagpapaliwanag niya sa akin.
Napa-O na lang ang bibig ko dahil sa pagsangayon sa kanya. "So ano
nga ba ang kinuha mong pre med course?" Tanong ko pa sa kanya.
Kahit pala medyo close na kami ni leo ay meron pa ring mga bagay
na hindi ko alam tungkol sa kanya.
"MedTech" maiksing sagot niya sa akin.
"Wow! Nakakatakot kaya yung syringe, hindi ka ba natatakot sa
dugo?' Naamaze na tanong ko pa.
Napatawa ito ng mahina. "If you really want to be a doctor, you
should not be afraid of blood cara...maliit na bagay lang iyan
para sa amin" paliwanag pa niya sa akin.
Napatango na lamang ako. Buti na lang pala at hindi ako naging
matalinonat hindi ako nakapasok sa mga pre medical courses. Andyan
yung Medtech, pharmacy, Physical theraphy, Dentistry na pwede mong
pagpilian.
"Anyway, tanggapin mo na yung offer ko na pagtulong sayo sa
tuition mo" pagpupumilit niya.
Napaiktad tuloy ako. "Ano ka ba! Kulang lang naman eh, konting
sideline lang siguro yon" pagtanggi ko sa kanya at tsaka ko muling
ibinaling sa librong hawak ko ang akibg atensyon.
"Sa akin ka na lang magtrabaho, ayaw mong tanggapin ang tulong ko
so kukunin na lang kita para magtrabaho sa akin" suwestyon pa
niya.
Napakunot naman kaagad ang aking noo. "Ano namang trabaho
yan...naku baka illegal yan ha!" Akusa ko sa kanya kaagad.
Imbes na mainis ay napatawa pa ito. "I need an assistant para sa
Exhibit, sa may university gallery...ako ang napili nilang Major
contributor ng piece sa ribbon cutting" paliwanag niya pa sa akin.
"Oh my! Ang galing mo...congratulations!" Pagbati ko sa kanya at
di ko na napigilang yakapin si Leo.
Nung isang linngo pa namin iyon hinihintay tatlo kasi silang
pinagpipilian para maifeatured sa university gallery namin. Kahit
marami nang naAchieved na rewards at opportunities si Leo ay
importante pa din daw ito para sa kanya.
"After sa University gallery, yung ibang painting isasali sa
auction...yung ibang pera makukuha duon ididiretso sa Home of the
Angels foundation" paliwanag niya sa akin.
Naamaze talaga ako sa mga ginagawa ni leo. Matagal niya ng
supportado ang foundation na yon, Sa ganyang edad ay marami na
siyang naiiwan na legacy. Nakakainggit tuloy.
"Mahirap bang maging assistant mo?" Parang
batang tanong ko sa kanya.
Napangisi siya. "Di nama masyado, tsaka iba ka eh...malakas ka sa
akin!" Pangaasar pa niya na naging dahilan nanaman nang paginit ng
aking pisngi.
After ng break ay inihatid na ako ni Leo sa susunod kong Klase.
"Next time ako naman ang maghahatid sayo Room mo ha, para naman di
ka lugi, nakakahiya naman sayo eh" natatawang sabi ko sa kanya.
Ginulo nito ang aking buhok. "Hindi mo naman kailangang gawin
yon...gusto ko yung ginagawa ko" pagtanggi pa niya sa akin. At
bago pa man muli akong mamula sa harapan niya ay pumasok na ako sa
aming classroom.
"Shocks! Ang lakas niya ha..."
"Malakas ang kapit sa taas!" Natatawang sabi pa ng isa sa mga
kaklase ko.
Naningkit na lang ang mata ko dahil sa mga pinaguusapan ng mga
kaklase kong chismosa. Muli kong binuksan ang textbook ko para
mabasa ang next chapter dahil paniguradong may surprise recitation
nanaman kami.
"Ano daw bang nangyari dun?" Tanong pang muli ng isa sa mga
classmates kong babae.
"Nainis! Nakalock daw kasi yung medicine registrar office kaya
ayun! Sinipa yung pinto" kwento nito.
"Basag na basag kaya!" Dagdag pa nung mga kaklase kong lalaki.
"Sino daw ba kasi yon?"
"Catalina Stella Dominguez, anak ng senator yon" sabat ng kaklase
naming lalaki na ipinakita pa ang cellphone niya na mukhang may
picture nung babae.
"Wow! Maganda naman pala eh...ayos na yan" hiyawan ng mga kaklase
kong lalaki na akala mo mga tambay sa kanto.
Di sila natigil sa paguusap tungkol duon sa catalina stella na
yon. Iba talaga
pag rich kid wala kang problema kung may masira ka man o ano,
mukhang suportado naman kasi siya ng mga magulang niya.
"That's all for today, Class dismiss" napaaga ang pagdismiss sa
amin ng professor namin dahil mabilis niyang tinapos ang lesson
namin.
Guidance week kasi at busy ang lahat ng psychology professors
namin. At dahil walang break sila leo ngayon kaya naman magisa
akong maglulunch.
"Si kuya naman! Kuripot!"
Napatingala ako ng marinig ko ang pamilyar na boses ni Suzy.
Susulubungin ko sana siya ang kaso ay napahinto ako ng makita kong
nakakapit ito sa kanyang kuya.
"May allowance ka naman ah" laban ni lucas sa kanya.
"Ubos na nga kuya eh! Kaya nga nagpapalibre na lang ako
sayo...kung may pera lang ako edi sana di ako sasabay sayo noh!"
Laban pa ni suzy sa kuya niya.
"Edi wag kan..." hindi na natuloy ni lucas ang sasabihin niya kay
Suzy ng di sinasadyang mapabaling si Suzy sa akin at tsaka siya
tumakbong lumapit sa akin.
"CARA! Gaga ka miss na miss na kita!" Hiyaw ni suzy sa akin tsaka
ako niyakap.
Kaagad kong ginantihan ang yakap niya sa akin. "Sorry medyo busy
kasi eh" pagdadahilan ko na lang sa kanya.
Kitang kita ko ang masamang tingin sa akin ni lucas at maya maya
ay umirap pa.
"Tamang tama! Sumama ka sa amin, manlilibre si kuya lucas" paghila
ni suzy sa akin, kita kong nagulat si lucas dahil sa pagyaya sa
akin ni Suzy.
Gusto ko pa nga sanang tumanggi pero hinila
na ako ni suzy sa kung saan at hindi na ako pinakawalan pa.
"Yes parang nagreunion ulit tayo...si mommy nga palaging
nagdradrama sa akin, miss na daw niya tayong tatlo" kwento ni
suzy.
Tahimik lang ako samantalang si Lucas ay nakasimagot nanaman.
"Teka bakit ba ang tahimik niyong dalawa?...aha! May Lq kayo
noh!?" Hiyaw ni suzy sabay tawa.
"Ano ka ba! Anong Lq ka diyan!" Suway ko sa kanya.
"Walang Lq suzy dahil di naman kami ni Cara...at hindi magiging
kami" matigas at seryosong sabi ni Lucas.
Kahit pala nakakaya kong itago kahit papaano ang nararamdaman ko
para sa kanya ang sakit pa din pag may mga masasakit na bagay
siyang sinasabi kagay na lamang nito.
"Whoa! Wag kang magsalita ng tapos Kuya...baka kainin mo pabalik
yang mga sinabi mo" pagbabanta ni suzy sa kanya.
"Tsk...manahimik ka na nga lang at kumain" suway ni lucas sa
kanyang kapatid.
Maging ang pagkain tuloy na libre ni lucas ay parang nahihiya na
akong kainin.
"May nabalitaan ako sayo ah...kaya siguro ganyan si kuya lucas
noh!" Bulong ni suzy sa akin.
"Ha? Ano?" Tanong ko sa kanya.
"The Japanese guy" sambit niya dahilan para masamid ako.
Dahil sa aking pagkasamid ay nanlaki ang mata ni suzy at tsaka aki
dinuro. "Totoo nga! Anong pangalan ng japanese guy na yon?" Medyo
napalakas na ang boses ni suzy kaya naman nakatutok na sa amin si
lucas ngayon.
"Shhh...ano ka ba kaibigan ko lang si Leo" suway ko pa sa kanya.
Pero mas lalong nabato si Suzy dahil sa aking sinabi. "Leo? Leo
matzuki?" Paniniguradong tanong niya sa akin.
"Ah...oo, bakit kilala mo siya?" Tanong ko sa kanya pero di naman
ako nito sinagot bagkus ay nakipagtitigan lang sa kuya niya. At
nang mapansin ni lucas na nakatingin ako sa kanya ay inirapan ako
nito.
After maglunch ay bumalik na din kami sa university dahil may
klase pa si Suzy ng 1:30. "Sa friday ha! Birthday ni mommy bawal
kang mawala!" Muling pagpapaalala ni suzy sa akin.
Mabilis ko siyang tinanguan. "Oo promise di ako mawawala"
paninigurado ko pa sa kanya.
"Wag mong pangakuan si Suzy kung di ka siguradong matutupad mo"
masungit na sabi ni lucas na nasa likuran ko pa pala.
"Ha...pupunta naman talaga ako" laban ko sa kanya.
Masama lamang ako nitong tiningnan. "Wag sana puro kaibigan ang
atupagin mo Cara...alalahanin mo mga magulang ko pa din ang
nagpapaaral sayo" pagpapaalala pa ulit niya sa akin.
"Hindi...hindi ko naman nakakalimutan yon lucas" malumanay na
sagot ko sa kanya.
Nagulat ako ng maglahad ito ng kamay sa aking harapan. "Asaan na
ang permit mo? Last month pa ibinigay nila mommy ang pang tuition
mo, asaan na ang permit mo?" Pagpupumilit niya sa akin.
Kaagad na kumalabog ang aking dibdib dahil duon. "Ah eh, nasa
bahay yung pangtuition ko. Nakalimutan ko kasing dalhin eh, pero
bukas magbabayad na ako" pagsisinungaling ko dito.
"Make it sure" pagkasabi niya nuon ay iniwan niya na ako.
Tinanaw ko si lucas hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Si
lucas pa din naman ang gusto ko, siya pa din. Ang kaso ay ta,a
siya kailangan kong magfocus sa pagaaral ko dahil di naman ako
mayaman
kagaya ng iba, mga magulang pa din niya ang nagpapaaral sa akin at
wala akong karapatan na abusuhin iyon.
"Leo, tatanggapin ko na yung pagiging assistant mo ha! Akin na
yung pwesto!" Sabi ko dito at siniguradong sa akin na ayung
trabahong inaalok niya.
"Ok sige, i'll inform you if may kailangan kang gawin" sagot naman
niya sa akin.
"Eh teka, paano naman yung bayaran natin?" Nakangiting tanong ko
pa para naman di magmukhang desperada.
Umalog ang balikat nito dahil sa ginawang pagtawa. "Ako na ang
magbabayad ng tuition mo. Basta ikaw na ang assistant mo"
Nagkasundo kami ni leo na babayaran niya ang tuition ko at ang
bayad ko para duon ay ang pagiging assistant niya.
Paguwi ko sa bahah ay si Chelsea lang ang naabutan kong naglilinis
ng kanyang kuko sa kamay. Pero pagkakita niya sa akin ay kaagad na
nanlaki ang kanyang mata.
"Cara! Goodness may good news ako sayo!" Hiyaw nito at tsaka
nagtatatalon sa harapan ko.
Napangiti tuloy ako dahil kita kong tuwang tuwa siya habang
sinasabi iyon.
"Ano naman? Sobrang saya mo ah" nakangiting puna ko pa sa kanya.
"Uuwi si Auntie Marie sa susunod na buwan!" Tili pa niya at muling
nagtatalon sa aking harapan.
Maging ako ay napatalon na din, base kasi sa mga kwento ni chelsie
tungkol kay auntie marie ay naexcite na din akong makilala siya.
Dahil kaming dalawa na lang ni Chelsie ang palaging magkasama sa
bahay ay mas lalo kaming naging close, kagaya ng kay suzy ay
parang magkapatid na din ang turingan naming dalawa.
"Siguradong maraming imported na damit at mga sapatos ang dala
nun! Whoo...excited
na talaga ako" tuwang tuwa pang sabi niya.
Kinabukasan ay napaaga ang pasok ko dahik sumabay ako sa pagpasok
ni Chelsie sa school. Kaya naman tumambay muna ako sa quadrangle
at tsaka naki Wifi. Puno ng countdown ang University facebook page
para sa nalalapit na pagbubukas ng kakarenovate lang na university
gallery namin.
Mas malaki pala talaga ang Event na ito sa inaakala ko. Sa gitna
ng pagsstalk ko sa university page ay kaagad na lumabas ang
pangalan ni leo sa screen ng aking cellphone.
"I need my assistant now" utos nito pero nahihimigan ko ang
pangisi niya.
"Ok sir, i'll report" natatawang sagot ko din naman sa kanya.
Kaagad akong naglakad papunta sa condo niya. Kilala na din naman
ako ng guard at tsaka palagi na din naman akong nandito pag
naglulunch kami ni Leo.
"Andito na po ako sir" nakangising bati ko dito pagkabukas ng ng
pintuan.
Naka white vneck tshirt ito at tsaka fadded ripped jeans. Medyo
messy din ang may kahabaan niyang buhok.
"Kunin mo yang notebook, kailangan mo yan ngayon. Then yung phone
ko nasa center table. Ikaw na ang bahalang magayos ng schedules
natin" sabi nito habang nasa harap siya ng isang painting na
tinatapos niya.
"Anong password?" Tanong ko pagkakuha ko ng cellphone niya.
Bumaling ito sa akin at tsaka ako nginitian. "Pangalan mo" sagot
niya na ikinabato ko.
"Ba...bakit naman pangalan ko?" Nakangusong sambit ko pa para
itago ang pagkailang ko.
Tinype ko ang pangalan ko pero hindi naman nagbukas. "Tse! Hindi
naman eh!" Akusa ko sa kanya.
"Buong pangalan mo
kasi" nakangising sabi pa niya.
Tumaas lang ang gilid ng aking labi. "Cara Men..." di ko pa tapos
itype ang buong pangalan ko ng pigilan ako nito.
"It's Cara Matzuki" seryosong sabi niya na ngayon. Parang
mabibitawan ko ang cellphone niyang hawak hawak ko dahil sa
panginginig.
Kahit ganuon ay ipinagpatuloy ko na lang ang kailangan kong gawin.
Si leo ay sobrang busy at focus na focus sa kanyang ginagawa.
Nakita ko din kasi sa mga schedules niya na next week at kailangan
polished na ang lahat at konti na lang ang gagawin.
"Anong first schedule natin?" Tanong niya sa akin.
Muli akong tumingin sa notebook kung saan ko isinulat lahat ng
pagkasunod sunod na schedule ni leo.
"Uhm...University gallery visiting sa Friday" sagot ko at medyo
napahinto ako ng malaman kong sa friday iyon.
"So sa friday pupunta tayo sa pampanga Campus" sabi ni leo sa akin
at wala na akong ibang nagawa kundi ang tumango na lamang.
Nasa pampanga campus kasi ang Main gallery ng university namin.
"Sandali lang naman siguro yon di ba? Di naman tayo aabutin ng
Dinner di ba?" Tanong ko pa sa kanya.
Birthday ni tita sam iyon at nakapangako na ako na hindi ako
mawawala.
"Di pa nga tayo nakakapunta paguwi na kaagad ang iniisip mo"
pangaasar niya sa akin.
Nang dumating ang araw ng biyernes ay nagayos na ako kaagad, di na
ako naguniform at simpleng pink checkerd polo shirt at maong ang
sinuot ko.
"Andito na karamihan sa mga paintings ko" sabi ni leo sa akin
habang
inaUnload niya yung mga gamit na dala namin.
"Ang ganda noh!" Pagkamanghang sambit ko ng makita ang bagong
renovate na university gallery.
"Mas maganda ka diyan" pambobola pa niya.
"Tse! Manahimik ka nga diyan!' Suway ko sa kanya.
Nagsimula ng kaming maglibot ni Leo para makita niya kung ano pa
ang kulang at kung saan appropriate na ilalagay ang mga paintings
na ginawa niya.
May libreng lunch at kasabay namin ang head ng university gallery
na si Sir Robbie. Nagpahanda pa talaga ang mga ito dahil nandito
si leo.
Marami pa silang pinagusapan para sa opening hanggang sa
nakaligtaan ko na din ang oras. Napatalon na kang ako ng paglabas
namin ay papadilim na.
"May lakad ka ba?" Tanong ni leo ng mapansin niyang natataranta na
ako.
"Ah eh...oo birthday kasi ng tita ko at kailangan kong pumunta sa
kanila." Sabi ko dito.
"You should have told me para maaga tayong nakaluwas pabalik" sabi
ni leo sa akin at kagaya ko ay nagmadali na din siyang gumalaw.
"Nakaligtaan ko din eh, nawala sa isip ko" pagdadahilan ko din.
Nasa kalagitnaan kami ng byahe ng tumunog ang cellphone ko at
lumabas ang pangalan at number ni lucas.
"Where are you?" Nakakatakot na tanong niya sa akin.
"Uhmm...malapit na ako, Oo malapit na" magulong sagot ko dahil sa
pagkataranta.
"Who's with you?" mas lalong naging seryoso ang boses nito. Dahil
sa aking matagal na pagsagot ay mukhang alam niya na kung sino ang
kasama ko dahilan para mas lalo siyang magalit.
"Wag ka ng pumunta dito Cara, ako na ang bahala kay mommy...you're
not that special para pagaksayahan namin ng oras at hintayin"
masakit na sabi niya sa akin.
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 39
"You sure dito ka nalang?" Tanong ni leo sa akin ng nagpababa ako
sa kanya sa isang convinient store sa labas ng exclusive
subdivision nila tita sam.
"Oo, thank you sa paghahatid ha" pasasalamat ko dito kahit
nagmamadali akong tanggalin ang pagkakaseatbelt ko.
"I should be the one to thank you cara, thanks for today"
nakangiting sabi sa akin ni leo.
Pagkatapos ay bumaba na din ito sa kanyang sasakyan at tsaka
umikot para pagbuksan ako ng pintuan. He is so gentleman. Hope
every man can be like leo.
Matapos magpaalam kay leo ay halos takbuhin
sa bahay nila tita sam. Buti na lang din at
guard na nagalok na ihatid ako pero sadyang
talaga ako ag nakangiti ko pang tinanggihan
ko na ang daan papunta
kilala pa din ako ng
may pagkatanga yata
iyon.
"Ang galing mo talaga cara, ang galing galing mo talaga"
napapailing na sabi ko habang pinapagalitan ang sarili ko.
Habol habol ko ang aking hininga habang natatanaw ko na ang
malakinb bahay nila lucas. Bukas na bukas ang mga ilaw nito.
Tumuloy pa din ako kahit may masakit na nasabi si lucas sa akin.
Di ko naman siya masisisi kung gusto niyang pasiyahin ang mommy
niya sa birthday nito.
Gusto ko din namang maging masaya si tita sam sa birthday niya. Di
ko naman sinasadya na magtagal kami sa pampanga para duon sa
university gallery visiting.
Nagulat pa ang kumakain na guard pagbungad ko sa gate.
Magdodoorbell pa sana ako buti na lang at nandito na si manong
guard. Pinapasok naman niya ako kaagad at tsaka ako sinalubong ng
isa sa mga katulong.
"Ma'm cara kanina pa po kayo
hinihintay ni ma'm samantha, nasa garden po silang lahat" sabi
nito sa akin kaya naman tinanguan ko na lamang siya at tipid na
nginitian bago ako naglakad papunta sa may guard.
Mahilig kasi talagas si tita sam sa mga halaman at bulaklak kaya
naman pag may mga importanteng okasyon ay sa may garden siya
nagpapaset up ng dinner table.
"Andito na po si Ma'm cara" anunsyo ng isang pang katulong na
nagseserve ng pagkain sa table.
"Oh my...sweetheart buti nakadating ka, akala ko ay nakalimutan mo
na ang birthday ko" sabi ni tita samantha habang niyayakap at
paminsan minsang pagsuklay niya sa aking buhok.
"Sorry po tita sam, galing pa po kasi ako sa pampanga campus para
duon sa university gallery exhibit namin" paliwanag ko dito.
"Yeah...nakatanggap ako ng invitation para diyan. May piece ka
bang pinasa hija?" Tanong ni tita sam sa akin na kaagad kong
inilingan.
"Wala po tita, yung kaibigan ko po" nakangiting sagot ko pa din
dito kahit gusto ko nang maging matamlay siya dahil sa nakakatakot
at masamang tingin ni lucas sa akinna para bang gusto niya akong
lagutan ng hininga.
"Ah ganun ba. Anyway tara na at kumain ka na...i know your hungry"
pangaasar sa akin ni tita sam.
Bago umupo ay humalik at bumati muna ako kay tito luke. Maging ito
ay tuwang tuwa dahil sa pagpunta ko.
"At saan ka naman nanggaling aber?" Masungit na tanong ni suzy sa
akin na mukhang may hinala sa kung saan ako nanggaling.
"Sa universiry gallery...uhm kailangan kasi eh" medyo nauutal
na pagsagot ko dito.
Nanatili ang nanlilisik niyang mata sa akin at para bang may
nahihimigan siyang hindi maganda.
"Sinong kasama mo?" May halo pang pagbabantang tanong niya sa
akin.
"Uhm...yung nga classmates ko" pagsisinungaling ko pa.
Ang nanlilisik niyang mga mata ay mas lalo pang lumiit. "Mga
classmates o si leo matzuki nanaman?" Tanong pa niya sa akin.
Di ko na tuloy alam ang dapat kong sumunod na isagot sa kanya kaya
naman napakamot na lamang ako sa aking ulo.
"Suzy naman eh" magmamaktol ko pa dito dahil mukhang alam naman
talaga niya ang sagot ang kaso ay gusto niyang sa akin mismo
manggaling.
"Konting konti na lang iisipin ko ng si leo na ang gusto mo at
hindi ang kuya ko" medyo may pagtatampong sabi pa nito sa akin.
Napatingin tuloy ako ng diretsonsa kanya pero maya maya ay naputol
ang paguusap namin ng sumulpot si lucas sa kanyang likuran.
"Anong ginagawa mo dito?" Nanliliit na matang tanong niya pa sa
akin.
Biglang lumapit si Suzy sa akin tsaka ako dinaluhan. "Malamang
kuya invited si cara eh, anong klaseng tanong ba yan kuya lucas?"
Masungit at medyo iritadong sabi ni suzy sa kanyang kapatid.
"Did i ask you? Bakit ikaw ang sumasagot sa akin?" Masungit namang
tanong ni lucas dito na para bang pinapangaralan niya si suzy.
"Hmp ewan ko sayo! Ikaw nga tong epal eh...kita mong naguusap kami
dito ni cara bigla ka na lang susulpot diyan" laban pa ni suzy
dito pero halata naman sa kanya na aminado din siya sa sinabi ng
kanyang kuya lucas na may mali siya.
"Tama na
nga yan, tumigil na kayong dalawa baka marinig pa ni tita sam na
nagaawag kayo" suway ko sa mga ito para kahit papaano ay gumitna
sa kanilang dalawa.
"Hay ewan ko ba..." frustrated na sabi ni suzy at tsaka nagwalk
out.
Ako naman tuloy itong kinabahan dahil sa pagiwan niya sa amin ni
lucas na magisa.
"I'll repeat my question cara, bakit ka nandito? Bakit pumunta ka
pa?" Mariin at nakakatakot na tanong nito sa akin.
"Bi...birthday ni tita sam kaya gusto ko sana na nandito ako kahit
medyo na late ako ng kaunti" muntik mang mautal ay nasagot ko pa
din naman ang tanong sa akin ni lucas.
"So are you telling me na dapat maging thankful pa ang mommy ko
dahil binigyan mo siya ng tira tirang oras mo?" Nakakatakot na
tanong nito sa akin dahil sa medyo pagtaas na ng kanyang boses.
"Wala naman akong sinasabing ganuon lucas...hindi naman tira tira
oras lang ito" pagpapaintindi ko sa kanya kahit alam kong
papaniwalaan pa din niya kung ano ang gusto niyang paniwalaan.
"Nakakita ka lang ng lalaking sinasabing may gusto sayo akala mo
kung sino ka na" pangiinsulto niya sa akin.
Parang may bumarang kung anong malaking bagay sa aking lalamunan
dahil parang di ko magawang lunukin yung mga ibinibintang sa akin
ni lucas. Di ko alam kung saan nanggagaling lahat ng galit niya sa
akin.
"Hindi naman ganuon yon lucas" medyo naiiyak ng pagtanggi ko sa
kanya.
Dahil sa pagbabantang pagiyak ko ay mukhang mas lalo pa siyang
nainis. "And there you are again, iiyak ka nanaman?
Lagi mo na lang bang idadaan sa iyak ha cara? Grow up ano ba?"
Nanggagalaiting sabi pa niya at halos iduro pa nga niya ako.
Ngayon ay nakapamayweng na siya sa aking harapan at kita ko ang
pamumula ng kanyang mukha, dahil ba iyon sa galit?
"Ba...bakit ka ba nagagalit ng
naman ang lahat para makahabol
ginagawang masama. Pumunta ako
samantha" laban na sagot ko pa
ganyan sa akin lucas? Ginawa ko
dito ah. Tsaka wala naman akong
dito para pasayahin si tita
sa kanya.
"Para pasiyahin ang mommy ko? Bakit sino ka ba sa akala mo...akala
mo ba ganuon ka kaSpecial sa pamilyang to para kailanganin pa para
maging masaya?" Pagbabantang tanong niya sa akin.
Gusto ko na talagang umiyak pero mas nanatakot ako dahil
siguradong maiinis si lucas sa akin.
"Cara tara na dito" tawag ni tita samantha sa akin duon sa may
dinning table.
"Susunod na po tita" pagsagot ko dito.
Bumaling ako sa nakasimangot pa ding si lucas. "Pupuntahan ko lang
si tita sam" paalam ko sa kanya dahil baka mamaya ay bigyan din
niya ng ibig sabihin pag hindi ako nagpaalam sa kanya.
Di na ako nito pinansin bagkus ay dirediretso itong pumasok ng
bahay nila na parang nagdadabog pa.
"How's your auntie elena and your cousin chelsie hija?" Tanong
nito sa akin habang busy siya sa paglalagay ng pagkain sa aking
plato.
"O...ok naman po sila tita sam. Baka po next month uuwi si Auntie
marie dito sa pilipinas para bumisita sa amin" kwento ko pa sa
kanya.
Napatango ito. "Buti naman at makikilala mo na
ang isa mo pang auntie" nakangiting sabi nito sa akin.
Nung gabing iyon ay sinakap kong makauwu kahit medyo late na,
hiniling pa nga sana ni tita na kung pwede ay duon na lang ako
matulog ang kaso ay sinabi kong kailangan kong umuwi dahil
siguradong wala nanamang kasama si chelsie sa bahay.
"Medyo makalat na po tayo" pangaasar ko kay leo.
Nasa condo niya ako ngayon para sana sa susunod na appointments
niya ang kaso ay pagkapasok ko ay nanlaki ang aking mata dahil sa
dami ng kalat na aking nakita.
"Im sorry di ko na magawang maglinis. Im in a hurry" medyo
hinihingal pang sagot nito sa akin dahil nasa kalagitnaan siya ng
pagwowork out.
"Ok lang ako ng bahala dito" sabi ko sa kanya. Ganun siguro talaga
pag mag hinahanbol kang deadline. Naiintindihan ko naman kung
bakit ganito kakalat ang loob ng condo ni leo.
Base naman kasi sa unang pagkakakilala ko sa kanya ay parang babae
ito pagdating sa pagoorganisa ng mga gamit.
"What's next cara?" Tanong niya sa akin kaya naman sa gitna ng
aking pagpupulot ng mga basura ay napatakbo ako papunta sa coffee
table para kuhanin yung notebook na sinulatan ko ng mga schedule
niya.
"Uhm...kailangan mo ng magpasa ng portfolio ng mga paintings mo
kay sir robbie. And by tomorrow pwede mo na ding kuhanin ang mga
tickets para sa mga taong gusto mong imbitahin" sabi ko pa sa
kanya habang binabasa ang nakahilerang schedule niya bago ang
university gallery.
"How about next week? Prelims na, anong kailangang gawin?" Tanong
pa niyang muli sa akin habang nagpupunas
na siya ngayon ng tuwalya sa kanyang katawan.
"Para sa paghahanda sa opening and sa auction magkakaroon ng mini
auction sa may auditorium ng Antipolo campus at mapupunta ang
lahat ng kikitain sa foundation na napili ng artist" pagiinform ko
pa sa kanya.
Akala ko dati pag isa kang painter, ang kailangan mo lang ay
magpaint. Di ko inakalang medyo ganito kaComplikado ang lahat na
kailangan mo pang maging hands on sa lahat.
Di din ako nagtagal sa condo ni leo dahil may klase ako ng 10:30.
Nagmamadali pa nga ako dahil ito yung professor na masungit nung
first day.
"Good morning ma'm" bati ko dito.
Nakaupo siya sa kanyang table at busy sa kanyang laptop. Konti pa
lang din naman ang mga classmates ko kaya naman nakahanap pa ako
ng magandang pwesto.
Napatingin ako sa aking katabi. Seryoso ang mukhang nito at
nakataas pa ang isang kilay na nakatulala sa may white board na
para bang wala siyang pakialam sa mundo.
"Ganyan talaga pag anak ng politiko, akala mo kung sino." Rinig
kong bulungan ng mga kaklase ko sa likod. Dahil sa kuryosidad ay
sinundan ko ang tingin nila at di nga ako nagkakamali at yung
babaeng katable ko ang kanilang pinaguusapan.
Uupo na sana ako ng magulat ako nb lingunin niya ako. "Uhmm...ah
Hi" nakangiting bati ko dito.
Akala ko ay iisnobin ako nito pero nagulat ako ng tipid siyang
ngumiti sa akin. "Hello...im catalina stella, but yoi can call me
tali for short" sabi nito sa akin at naglahad ng kamay.
Napatingin ako sa maputi at makinis nitong kamay. Kaya naman bago
tanggapin ay napapahid muna ako
sa aking uniform. "Im cara" nahihiyang sabi ko pa sa kanya dahil
parang may kaharap akong isang artisa.
"Nice to meet you Cara, ako yung anak ni senator Allan Dominguez.
Now kilala mo na ako pwede ka ng lumayo" matapang man ay ramdam ko
ang lungkot sa kanyang pananalita.
"Ba...bakit mo naman ako gustong lumayo na sayo?" Curious na
tanong ko sa kanya.
Napakunot ang kanyang mukha. "Wala ka bang tv sa bahay?" Tanong
nito sa akin.
"Ha eh...meron naman" sagot ko sa kanya.
"Tinuturo nila na ang dad ko ang head ng isang scam sa government.
Nang marami ng taong nakaalam halos lahat sila lumayo sa akin
maging yung mga friends ko sa ibang bansa" kwento niya pa sa akin
na para bang alam na niyang iiwasan siya ng mga tao dahil sa
kumakalat na balitang iyon.
"Wala namang ebidensya na daddy mo talaga ang gumawa nun"
pagpapalakas ko ng kanyang loob kaya naman mula sa pagkakayuko ay
tumingala ito sa akin at tsaka ako biglang niyakap.
"Ikaw na ang bagong bestfriend ko cara!" Parang batang sabi pa
nito sa akin.
Di nagtagal ay nakapalayagan ko na ng loob si Tali. Mabait siya at
kahit mayaman ay napakaDown to earth. Siya pa nga ang nagyaya sa
akin na magFish ball sa labas ng school. Parang lalaki pa itong
kumain at medyo jologs magsalita na akala mo isa siyang
ordinaryong tao lang at walang napakayaman na amang senator.
"So galing ka talagang ibang bansa?" Tanong ko pa.
"Yeah, nakakasawa na din naman kasi sa Savannah. And umuwi nga ako
dito dahil duon sa nangyari kay daddy. At ito pa lahat halos
ng mga kaibigan ko ay nilayuan na ako...damn it mga plastic sila"
naiinis pang kwento niya sa akin tungkol sa mga kaibigan niyang
nangiwan sa kanya sa ere.
Nagpalitan kami ng Number ni tali. Niyaya niya akong lumabas sa
susunod na araw para daw sana mas lalo pa kaming magkakilala.
Busy man ako nang mga sumunod na araw dahil sa nalalapit na
prelims at sa pagtratrabaho ko kay leo na sobrang stress na dahil
sa mga kailangan niyang habulin ay di ko pa din nakalimutan ang
death anniversary ng parents ko.
Pagkagaling sa school ay dumiretso ako sa may simbahan para
magsimba. Bumili na din ako ng bulaklak bago pumunta ng
sementeryo.
"Hi mommy, hi daddy..." bati ko sa mag ito bago ko inilapag ang
hawak kong bulaklak at tsaka ako umupo sa may bermuda grass.
Nagalay ako ng dasal bago ko isinubong lahat sa kanila yung mga
nangyayari sa buhay ko. Kung gaano ako nanghihinayang na sana
ngayon ay kasama ko pa sila.
"Lucas..." tawah ko dito pagkadating niya.
Blanko ang mukha nito, sa kaliwang kamay niya ay may hawak din
itong bulaklak.
Di niya ako pinansin, inilapag niya din ang kanyang hawak na
bulaklak bago umupo medyo malapit sa akin.
"Kanina ka pa?" Seryosong tanong niya habang nagsisindi ng
kandila.
"Oo" nahihiyang sagot ko sa kanya.
Tumango ito tsaka tumahimik. Batid kong nagaalay din siya ng dasal
para sa parents ko. Sa kalagitnaan ng aming pananahimik ay may
lumapit sa aking matanda. Kaagad itong naglahad ng kamay kaya
naman kumuha ako ng barya sa aking bag.
"Salamat hijo" sabi nito kaya naman napatingala ako at nakita kong
nagabot na si lucas.
"Ito po lola" sabi ko sa kanya sabay abot nung pera.
Di ko inaasahang imbes na kuhanin ang pera ay hinawakan nito ang
aking kamay at sobra akong natakot sa kanyang sinabi na para bang
hinuhulaan niya ako.
"Magingat ka Hija...nasa panganib ang buhay mo"
Pagkatapos sabihin iyon ng matanda ay kaagad kong naramdaman ang
paglapit ni lucas sa akin ang kamay niyang halos nakayakap na sa
akin.
"Hindi yon totoo...i'll make sure of that"
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 40
"Sana pala nagPsychology na lang ako" parang may panghihinayang
pang sabi ko.
Nagtake out kami ni lucas sa fastfood at tsaka muling bumalik sa
cementery at duon kumain sa harap ng puntod nila mommy at daddy.
May mga benches din naman kasi sa mga paligid.
Nakasimangot na tumingin sa akin si Lucas dahil sa aking sinabi.
"Anong akala mo sa akin baliw?" Galit na tanong niya sa akin.
Gusto ko sanang mapangiti pero sinikap kong itago ang pagtawa ko
at tsaka kaagad na umiling. "Hoy wala akong sinasabi ganyan ha,
ang gusto ko lang sabihin ay sana nakapagAral ako ng mabuti
tungkoo diyan sa mga ibat ibang behavior ng nga tao, para naman
naiintindihan kita" paliwanag ko sa kanya pero mas lalo lang naman
siyang sumimangot.
Hindi ito sumagot at nagfocus sa kanyang pagkain. Pinagaaralan ko
ang galaw ni lucas ag nahalata ko kaagad na gustong gustong bumuka
ng kanyang bibig para sana siguro magsalita at sagutin ako pero
pinipigilan niya lamang ang kanyang sarili.
Dahil di ko mapaigilang mapangiti dahil sa pagpipigil niya ay
napahampas ako ng mahina sa kanyang braso. "Alam mo ganito, para
maiwasan mo na din yung pagiging uncontrollable niyang bibig mo
try mong kagatin ang dila mo pag nangangati na talaga yan na
magsalita" turo at payo ko pa sa kanya.
"Seriously? That was so childish Cara" di makapaniwalang suway
nito sa akin na para bang never in his whole life niyang gagawin
ang ganuon.
"Anong childish dun? Tinutulungan ka na nga
eh" sabi ko pa sa kanya tsaka ako muling sumubo ng aking pagkain.
Sandali pang nagisip si kucas tungkol duon sa payo ko sa kanya.
Mukhang nagaalangang siyang maniwala sa akin kaya naman nagkibit
balikat na lamang ako at tsaka pinagpatuloy ang pagkain ko.
Di ko alam kung
siyang tinanong
mga tanong niya
mabago ang mood
bakit ayaw pang umalis ni Lucas duon, marami pa
sa akin na kung ano ano. Minsan nakakagulat na ang
pero sinisikap ko pa ding masagot para lang di
niya.
Para din tuloy akong nakikipagusap sa isang toodler na pag hindi
mo nasagot ng maayos ay magtatantrums o magwawala.
"Gusto mo si Leo?" Diretsahang tanong niya sa akin.
Nanlaki ang mata ko at napaawang ang bibig ko pero walang salita
ang gustong lumabas dito. Kaya ayan na at unti unti ng namumuo ang
masamang mood ni lucas.
"Ano sasagot ka ba o i'll take your silence as a Yes?" Masungit na
tanong niya sa akin kaya naman kaagad akong napailing.
"Kaibigan ko si leo...kahit"
"Kahit ano?"parang may pagbabantang tanong nito sa akin na para
bang isang maling sagot ko lang ay sasabog siya.
"Kahit...uhmm Gwapo siya, matalino din, mabait, magaling mag
painting at Uhmm yummy" natatawang sagot ko kay lucas.
Habang isa isa kong sinasabi iyan ay mas lalong lumulukot ang
kanyang mukha. Nagulat ako ng hinatak nito ang aking braso at
medyo inilapit ako sa kanya.
"Damn it Cara, why am i feeling this way! Ikaw ang may kasalanan
nito" paninisi niya sa akin sa di ko malamang dahilan.
"Ako? Ano naman ang ginawa ko sayo?" Tanong ko sa kanya.
Binitawan niya ako at tsaka nagiwas ng tingin. "Because of you i
became so insecure..." dirediretsong sabi pa niya sa akin.
Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa kanyang pagamin. "Ikaw?
Lucas Eion Jimenez insecure? Seriously...paano pa kaya ako?"
Tanong ko pa sa kanya.
Sinamaan lamang ako nito ng tingin. Nakatitig siya sa akin na para
bang may iniisip siya habang nakatingin sa akin. Imbes na mailang
ay nagmamake face ako para subukan na patawanin siya pero walang
epekto dahil mukhang seryoso talaga ang isang ito.
"Come uwi tayo sa bahay" yaya niya sa akin sabay tayo.
"Hala!" Nabiglang sambit ko at tsaka ako napayakap sa aking
sarili.
Tumaas ang isang sulok ng bibig nito na para bang matatawa siya
dahil sa naging reaksyon ko.
"I never thought na nakakainlove pala ang kabobohan" nakangising
sabi niya sabay hila sa akin.
"Wow! Papalakpak ba ako dahil sa napakagandang pangiinsulto mo?"
Mapanuyang tanong ko sa kanya pero di man lang ako nito pinansin.
Pinagbuksan ako nito ng pintuan ng passenger seat ng kanyang
mustang. "Oh my gahd! May lagnat ka ba lucas?" Di makapaniwalang
tanong ko at sasalatin ko sana ang kanyang leeg pero kaagad niyang
hinawi ang kamay ko at tsaka niya ako pinagtulakan papasok sa
loob.
Mabilis niyang kinalikot ang kanyang cellphone habang palabas kami
ng Cementery. Parang biglang naging busy ito kaya naman mas pinili
ko na lamang ang maging tahimik. Minsan kahit ilang beses na akong
iniinsulto at pinapagalitan ni lucas, gusto ko pa ding sulitin
yung mga oras na kagaya nito. Yung tipo bang wala siyang sumpong.
"Mom. Yes po diyan kami magdidinner, im with Cara" sabi ni lucas
kay tita sam na kausap niya sa Cellphone.
"Payag ka talaga na duon ako magdinner sa bahay niyo?"
Paninigurado kong tanong sa kanya dahil baka mamaya ay nabigla
lang siya. Pwede pa naman niyang mabawi iyon hanggang di pa kami
nakakarating sa kanila.
"Yeah" maiksing sagot niya sa akin habang sobrang likot nito sa
kanyang kinauupuan at patingin tingin siya sa kanyang paligid.
"May tinatakbuhan ka ba lucas?" Tanong ko sa kanya pero as usual
ay hinayaan nanaman ako nito na magsalita magisa na parang tanga.
"Hala ganito yung nga napapanuod ko sa Tv eh, yung sa mga action
movies! Naku siguro may nagawa kang kasalanan noh! Tapos may
tinatakbuhan ka! Wala naman sigurong biglang susulpot sa harapan
ng sasakyan mo at paulanan tayo ng bala...pero syempre naman may
tiwala ako sayo lucas..." tuloy tuloy at walang prenong kwento ko
sa kanya.
"May tiwala naman ako sayo na parang yung mga artista sa action
movies...yung kahit mamamatay na lang eh ligtas pa, oh my gahd!
Tapos ako yung leading lady, grabe pangarap ko talaga yung maging
leading lady ng mga action stars! Tapos sa huli makaka..."
"Can you shut your mouth, damn it cara" frustrated na sabi niya.
Napakagat tuloy ako sa aking labi at napaPeace sign na lang.
"Sorry na, alam mo naman kasing ganito talaga ang
bibig ko. Kasi nga di ba mahilig akong manuod ng action movies
kaya nga akala ko eh mayr..." muli niya akong pinatigil sa
pagsasalita.
"Yes...yes i know, i know cara" paulit ulit na sabi nito para
pahintuin ako.
At dahil nahihiya na din naman ako kay lucas dahil nga sa maingay
ako ay nagfocus na lamang ako sa aking Cellphone. NagOpen ako ng
Facebook na medyo may katagalan ko na din namang di nabubuksan.
Kaagad na lumabas ang mga notifications at ang nga friend request.
Kaagad kong nakita ang pangalan ni Leo at ang iilang mga
classmates ko sa ibang subject maging si Tali ay nagfriend request
na din. Una kong binuksan ang Facebook account ni Leo para tingnan
ang mga pictures niya.
Halos lahat ng album niya ay tungkol sa mga artworks, mga
paintings at iba't ibang sculptures. Kung hindi man related sa
arts ay ibat ibang lugar sa iba't ibang bansa. Itutuloy ko pa sana
ang pagiiscroll ng bigla akong magulat ng mawala ang cellphone ko
sa aking kamay.
"What the heck! Are you stalking him?" Akusa ni lucas sa akin kaya
naman kaagad akong tumanggi.
"Hindi ah! KakaAccept ko nga lang kay Leo eh" pagsasabi ko ng
totoo.
"Unfriend mo siya" sabi niya at tsaka may pinindot sa cellphone ko
bago niya iyon ibinalik sa akin.
Imbes na friends na kami ni Leo sa Facebook ay naging private na
ulit tuloy ang account niya.
Tumahimik kami hanggang sa makarating na kami sa kanilang
exclusive subdivision. At nakabukas na din ang gate sa bahay nila
na para bang hinihintay ang pagdating namin, kung sa bagay ay
tumawag nga
pala siya kay tita sam kaya alam na darating kami.
"Cara hija...buti naman at dumalaw ka ulit dito" sabi ni tita sam
habang niyakap ako at tsaka hinalikan sa pisngi.
Pagkabitaw nito ay lumapit din siya kay lucas para halikan at
yakapin din ito. "May sasabihin ka di ba? Umuwi ng maaga ang dad
mo para dito, excited masyado sabi ko nga para namang magaasawa na
ang baby lucas ko" natatawang kwento ni tita sam sa akin.
Normal na ata talaga na sumisimangot si lucas tuwing may
ikinikwento si tita sam tungkol sa mga pinagGagagawa ni tito luke.
Mahilig kasing asarin ni tito luke si lucas kaya naman tuloy
minsan palagi silang magkaaway.
"Suzy andito si Cara" anunsyo ni Tita sam kay suzy.
"Hi cara!"malaking ngiting bati nito sa akin, pero nakakagukat
lang dahil hindi ito parang baliw na sinalubong ako. Infairness
nakakapanibago talaga ang magkapatid nito. Ano kaya ang nakain
nilang pareho at kaagad na nagbago ang kanilang mood swings.
"Good evening po tito luke" bati ko dito at tsaka humalik sa
kanyang pisngi.
"Goodevening Hija" nakangiting sabi niya at tsaka iginaya niya na
kami na umupo na para makapagsimula na kami ng dinner.
"Wow tita sam ang dami niyo pong niluto" puna ko sa kanya.
"Oo hija, sabi kasi ni lucas ay may sasabihin daw kayo" sagot niya
sa akin na ikinagulat ko.
"Kami po? Ah hindi po, wala po akong sasabihin baka si lucss lang
po" wala sa sariling sagot ko sa kanya dahil busy ako sa pagtingin
sa pagkain. Kahit hindi gutom ay parang nagutom ulit ako.
Narinig
ko ang mahinang pagtawa ni tito luke kaya naman napatingin ako sa
kanya at nakita kong mapangasar na nakatingin ito kay lucas. At
nang sundan ko ang tingin niya ay naabutan ko nanaman ang
nakabusangot na mukha ni lucas dahil sa kanyang daddy.
"Let's start eating" anunsyo ni tito luke kaya naman nagsimula na
kaming kumain.
Sa kalagitnaan ng aming pagkain ay muling nagsalita si tito luke
but this time seryoso na talaga.
"So what is it lucas?" Tanong niya sa anak.
Tumigil si lucas sa pagkain at tsaka ibinaba nito ang kanyang
hawak na kubyertos.
"As respect to you Mom and dad...dahil kayo na din ang nagpalaki
kay Cara. I want to formally inform you that i want to court cara"
diretsahang sabi niya na para bang nagrerecitation lang siya.
Halos mailuwa ko ang nasa bibig ko dahil sa aking narinig, ang
kanina pang tahimik na si suzy sa aking tabi ay nakatakip na
ngayon sa kanyang bibig na para bang ayaw niyang gumawa ng kahit
anong ingay.
"Gahd...binata na ang anak ko" parang naging emosyonal na sabi ni
tita sam.
"Mom...Don't act like that na parang magpapakasal na ako" masungit
na suway ni lucas sa kanyang ina.
"Im just happy for Cara, i know kung gaano ka niya kaGusto simula
nung mga bata pa lang kayo. Tapos ngayon...oh my" sabi ni tita
samantha na kaagad namang dinaluhan ni tito luke.
"As you can see anak hindi na ako nagulat, noo pa man ay alam ko
nang you like cara too...your just denying it for a long time"
sabi ni tito luke. At mas lalo akong nahiya dahul seryoso talaga
ito.
/>
Para akong tanga sa aking kinauupuan dahil nanunuod lang ako sa
kanila na wala talagang kaalam alam sa mga nangyayari.
Samu't saring pangaasar ang natanggap ko kay suzy. Si tita sam ay
tuwang tuwang ikinwento kay tito luke lahat ng ginawa ko kay lucas
nung mga bata pa lang kami. Ang sweet lang dahil sobrang attentive
ni tito luke na para bang lahat ng sabihin ni tita sam ay
tatanggapin niyanat handa siyang makinig.
"Yung sinabi mo kanina sa Dinner" di siguradong sabi ko kay lucas
ng nasa sasakyan niya kami dahil ihahatid niya daw ako sa amin.
"Totoo yon cara, from now on i'll try to control my self. And if
nahihirapan ako gawin...ok sige i'll try to bite my tongue." Sabi
nito na parang suko na siya at naniniwala na siya sa sinasabi ko.
Lalo akong natuwa dahil duon. "Totoo ba lucas? Naku baka mamaya eh
sungitan mo nanaman kaagad ako bukas ha..." paninigurado ko sa
kanya.
"That's why im telling you na i'll try. Ofcourse hindi ganuon
kabilis yon. But i will surely try...for you" seryosong sabi niya
sa akin.
Gusto ko na sanang maniwala pero napaisip akong muli kaya naman
dalawang beses kong sinampal ang sarili ko at halos mapamura ako
sa sakit dahil nalakasan ko iyon.
"Damn it Cara why do you need to do that?" Medyo may inis na
tanong ni lucas sa akin.
"Eh kasi naman eh, parang joke naman lahat ng to" pagrereklamo ko
pa sa kanya.
"I know cara, our start was not good you know ayoko sayo dati. But
maybe it's time if i will
be honest to my self that eventhough your not that attractive...i
was attracted to you" pagcoconfess niya pa.
Gusto ko ng maiyak dahil pinangarap ko lamang ito nuon. Ngayon ay
nangyayari na nga talaga, dahil kahit ilang sampal pa ata ang
gawin ko sa sarili ko ay totoo na talaga ito.
"Attracted ka lang sa akin? So short term lang yan" sumbat ko pa
sa kanya.
Napairap pa ito pero kaagad din namang bumawi. "So anong gusto
mong madinig?" Panghahamon niya sa akin.
Nagkibit balikat kaagad ako. "Wala naman...nagtatanong lang naman"
palusot ko pa.
Nanahimik ako hanggang sa makarating na kami sa may kanto sa amin.
Pinigilan pa ako ni lucas na buksan magisa ang pintuan pero di na
ako nagpapigil pa.
"Hey Cara may problema ba?" Nagtatakang tanong niya pa sa akin.
Nakayuko lamang ako at hindi ko magawang tumingin sa kanya,
"ahh...wala naman lucas. Thank you nga pala sa paghatid" sabi ko
at hahakbang na sana ako para makauwi na nang hinarangan niya ang
aking dadaanan.
Dahil sa ginawa niyang iyon ay napaAtras tuloy ako hanggang sa
mapasandal ako sa kanyang sasakyan. "I know that parang
naguguluhan ka pa sa mga nangyayari Cara, but one thing is for
sure, im serious about this" seryosong pagpapaintindi niya sa
akin.
"Ahh...oo, oo naman naniniwala ako" pagsagot ko pa sa kanya pero
mukhang di siya naniniwala.
"Let me prove it" pagkasabi niya nuon ay kaagad niyang inilapit
ang katawan
niya sa akin at kinabig ang aking batok bago niya angkinin ang
aking labi.
Lucas became true to his words. Di na talaga palaging mainitin ang
kanyang ulo. Minsan napapatawa na lang ako ng palihim pag nakikita
kong kinakagat niya ang kanyang dila at mukhang nagpipigil lang
lalo na pag may pinapagawa siya sa akin na di ko naman sinusunod.
"Kailangan ba talagang duon pa sa Condo niya?" Pagalit na tanong
nito sa akin.
"Eh lucas anduon kasi yung mga paintings niya tsaka duon kasi siya
nagpapaint" paliwanag ko pa dito.
Lalong sumimangot ito. "Bakit kasi kailangang magtrabaho ka pa?"
Tanong niya sa akin na hindi naman talaga ako sanay.
"Lucas naman" pagpupumilit ko sa kanya at alam kong bibigay na yan
maya maya lalo na ng mapansin kong pakagat na siya sa kanyang
dila.
"Sandali ka lang duon, naiintindihan mo?"
"Opo! Thank you!" Sabi ko at dahil sa sobrang saya ay napahalik
ako sa kanyang pisngi.
Para di ko na maramdaman ang hiya ay tumalikod na ako at tatakbo
na sana ng mabilis ng tinawag niya ako.
"Cara sandali" pagpigil niya sa akin.
Hindi ko siya nilingon. Nanatili akong nakatalikod sa kanya. "Oh
bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Uhmm...hindi pantay, dito pa sa kabila" nahihimigan ko ang
pangaasar nito kaya naman napatakip ako sa aking magkabilang tenge
at mabilis na tumakbo palayo kay lucas.
Makakalabas na sana ako ng CAS building kung hindi sana humarang
sa harapan ko ang grupo nila Amiela.
"Tell me Cara, what is really that trash inside you huh?"
Mapanuyang tanong nito sa akin.
At dahil wala akong panahong intindihin ang pangiinsulto niya sa
akin ay lalagpasan ko na sana siya pero hinarangan pa din niya
ako.
"Saan nga ba mahina si lucas?" Tanong niya sa akin.
Hindi ko siya sinagot dahil hindi ko alam. Dahil sa hindi ko
pagsagot ay napangisi si Amiela sa akin.
"Trust issue Cara, Lucas is so Sensitive about Trust Issues" sabi
niya sa akin na parang may halong pagbabanta.
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 41
"Ang ganda ng mata niya" puna ko samata ng babaeng pinipaint ni
leo.
Napangisi ito. "Kahit may luha?" Tanong niya pa di sa akin.
Napatango na lamang ako. If im not mistaken nagpaint si leo ng
babaeng parang muslim? Yun bang nakatakip lahat ng part ng katawan
niya pero lang yung mata.
"Bakit ba kasi may luha pa? Sayang naman ang ganda pa naman ng
mata niya blue na blue" sabi ko pa din sa kanya.
Nginitian na lamang ako ni Leo. Tsaka niya pinagpatuloy ang
pagpapaint niya.
"Siguro kaya ganyan kasi marami ka ng napaiyak na babae noh?"
Pangaasar ko pa sa kanya na lalo niyang ikinangisi.
"Marami na nga sigurong babae ang umiyak dahil sa akin, pero wala
naman akong ginawang masama sa kanila, kasalanan ko bang ganito
ako kagwapo?" Pagmamayabang na sabi pa niya sa akin.
Napairap na lamang ako at pinagpatuloy ang pagaayos ng mga
painting materials niya.
"Buti di ka kinakabag noh?" Painosente ko pang sabi sa kanya.
"Bakit naman?" Natatawang tanong pa niya sa akin.
"Punong puno ka kasing ng hangin eh" mapanuyang pangaasar ko pa sa
kanya.
Tinawanan na lamang ako habang napapailing pa siya. Medyo makalat
na ang condo ni Leo, busy na kasi talaga siya masyado dahil
naghahabol na din siya dahil ilang araw na lang ay magoopen na
ulit ang university gallery.
"Anong gusto mong lunch? Lulutuan ba kita o take out na lang?"
Tanong ko pa sa kanya.
Isang oras na lang kasi ay may klase na ako kaya naman maaga pa
lang ay tinanong ko na siya.
"Lutuan
mo na lang ako please? Nakakasawa na kasi ang fastfood" parang
batang sabi pa nito.
Napangiti na lamang ako at kaagad na pumunta sa kanyang kusina.
Puno ang refrigirator niya at kumpleto naman sa mga ingredients
kahit anong maisipan kong lutuin. At dahil di naman ako ganuon ka
galing magluto ay nagprito na lang ako ng hotdog.
"Damn cara, you never failed to make my day" tawang tawang sabi ni
Leo habang nakatingin sa nakahain sa kanyang dinning table.
"Ehh...kasi naman eh nakakahiya kung magluluto ako di naman ako
sure kung masarap" nahihiyang sabi ko pa sa kanya.
Hindi ito katigil sa pagtawa pero kalaunan ay kinain din naman
niya kung ano yung hinain ko sa kanya.
"Sige na baka malate ka pa sa klase mo" sabi ni leo sa akin 30
minutes bago ang susunod kong klase.
"Teka huhugasan ko pa yung..." di na niya ako pinatapos sa
pagsasalita.
"Ako na ang magliligpit dito Cara, hindi kita katulong assistant
kita" pagpapaliwanag pa niya sa akin.
Tatanggi pa sana ako pero nagpatuloy lang siya sa pagtulak sa akin
palabas. "Bumalik ka muna dito bago ka umuwi, may pupuntahan tayo"
pahabol pa niya sa akin bago niya sinarado ang pintuan ng kanyang
condo.
"Bastos din talaga itong isang ito" napapailing na sabi ko sa
aking sarili. Ni hindi man lang sinabi kung bakit.
Naglalakad ako palabas ng Condominuim nila leo ng makasalubong ko
si amiela at ang kanyang mga alagad.
"Look who's here..." natatawa tawang puna nito sa akin. Maging ang
mga kaibigan niya ay nakitawa sa kanya.
"Sino ang pinuntahan mo dito cara?" Tanong ni amiella sa akin.
Inirapan
ko siya at lalagpasan na sana ang kaso ay hinarangan nila ako ng
mga kaibigan niya.
"Ano bang kailangan niyo sa akin?" Medyo iritadong tanong ko pa sa
kanya.
"May Lucas ka na nga may Leo matzuki ka pa! Aba cara ano bang
akala mo sa sarili mo diyosa?" Panlalait sa akin ni amiella.
Nginisian ko na lang siya ng nakakaasar. "Baka...di rin ako sure
eh" pekeng ngiting sabi ko pa sa kanya na lalo naman niyang
ikinainis.
"Damn you!" Sigaw niya at nagdadabog na hinawi ang mga kaibigan
niya para makadaan siya.
"Sayang maganda ka pa naman sana" nanghihinayang na bulong ko pa.
Nung unang dating ni amiella sa university ay para itong anghel na
galing sa langit. Halos lahat ay naaaliw sa likas niyang
kagandahan pero nagulat din naman halos lahat ng malaman ang tunay
niyang ugali.
"Magkakaroon ng week long celebration ang buong university dahil
na din sa opening ng bagong University gallery. And madami ding
nakaline up na Events para sa faculty and students. You just need
to wait for the official announcement, sa bulletin board and also
sa Official page ng university" pahayag ng class president namin.
Naghiyawan ang mga classmates ko dahil dito. Hindi man sportfest
ay masaya pa din ang mga kaklase kong lalaki dahil ilang araw na
walang pasok.
"But wait there's more! We need to build a booth para
makapagcontribute tayo sa new community project ng university"
pahabol pa ng class president namin na naging dahilan naman ng
pagdaing ng mga sosyal kong kaklaseng babae.
Every year kasi
ay may inaadopt na community ang univeristy namin at duon kami
gumagawa ng mga feeding programs or medical missions lalo na't
nagfofocus ang university namin sa mga medical courses.
Hinayaan ko silang magdecide kung anong booth ang gagawin ng aming
section. Hindi rin naman ako magfofocus duon dahil isinali na din
ni Leo ang pangalan ko para duon sa invitation sa university
gallery.
Dahil binigyan kami ng time para sa preperations ay maaga kaming
nagbreak. Bumili ako ng Grilled chicken sandwich sa may convinient
store tsaka apple juice na din. Balak ko sanang kumain sa may
Quadrangle kaso naalala kong busy nga pala ang lahat duon para sa
mga itatayong booth.
LUCASUNGIT CALLING...
"Hello..."
"Kanina pa ako tumatawag sayo ah!" Medyo inis na bungad nito sa
akin. Napanguso tuloy ako dahil ang ganda ganda ng bati ko sa
kanya tapos nagsusungit nanaman siya.
"Sorry nasa labas kasi ako eh" paghingi ko ng tawad sa kanya.
"Saang labas? Sinong kasama mo?" Seryosong tanong pa niya sa akin.
Napangiti ako dahil sa magkasunod nitong tanong. "Bumibili ako ng
pagkain! Magisa lang po ako" sagot ko naman.
"Nasa botanical garden ako sa GSB building, dalian mo" sabi niya
at kaagad na ibinaba ang tawag.
Dalawang Grilled chicken sandwich na at apple juice ang binili ko
para sa aming dalawa ni lucas.
"Ang tagal naman" masungit na pahayag nito nasa hagdan pa lang ako
ng 4th floor.
Hingal na hingal na nga ako sa pagakyat tapos kung makapagsungit
pa tong lucas na to.
"Sorry
ha! Nakakapagod kayang umakyat!" Pagrereklamo ko sa kanya.
Nakatingala ako dahil mga tatlong hakbang pa ang aakyatin ko para
mapantayan siya.
Napangiti ako ng naglahad ito ng kamay. Kaya naman kaagad kong
inabot sa kanya ang kamay ko pero nadismaya lang ako ng kuhanin
lang niya yung plastic ng sandwich na dala ko.
"Kanina pa ako nagugutom" nakangiting sabi niya at kaagad na
pumasok sa botanical garden.
"Salamat!" Pagpaparinig ko pero walang epekto kay lucas.
Tanaw ko ang buong quadrangle at ang nga tao sa baba. Kumakain ako
ng sandwich habang nakatayo at pinagmamasdan sila samantalang ang
kasama kong si lucas ay preskong preskong nakaupo sa isa sa mga
bench at halos mabilaukan na dahil sa ginagawa niyang pagsubo.
Imbes na kakagat sana ako sa sanwich ko ay natigilan ako. "Kulang
pa ba sayo yan?" Tanong ko.
Sumimangot ito at napaiwas ng tingin. Di kasi siya makasagot dahil
puno ang kanyang bibig.
"Aww kawawa naman ang baby lucas ko, gutom na gutom" out of
nowhere kong sabi at huli ko na ng marealize.
At dahil mapapahiya nanaman ako dahil sa sarili kong kagagawan ay
idinaan ko na lamang sa tawa. "Joke lang!" Sabi ko sabay tawa at
sabay subo ng sandwich para wala na akong masabing iba.
"Aba mukhang jail booth yon ah!" Painosenteng sabi ko habang
nakatingin ako pababa sa quadrangle.
Pero di ko nga ata mapipigilan si lucas dahil maya maya lamang ay
naramdaman ko na ang
presensya nito sa aking tabi.
Tumutungga ito ng juice kaya naman natingnan ko siya pero maya
maya ay ako na mismo ang napaiwas ng tingin ng tumingin siya sa
akin.
"Anong tawag mo sa akin kanina?" Natatawang tanong niya.
Pinagpatuloy ko ang sunod sunod na pagsubo ko sa aking sandwich
para hindi sana siya masagot pero alam kong di ako nito titigilan
hangga't di siya nakakakuha ng sagot mula sa akin.
"Wala...wag mo nga akong kausapin kumakain ako eh" mabilis na sabi
ko at tsaka siya tinalikuran.
Nagkapalit naman kami ngayon ng pwesto. Siya naman ang nakatayo at
ako naman ngayon ang nakaupo sa may bench.
"At ikaw pa talaga ang may lakas ng loob na tawagin aking baby,
sino kaya mas isip bata sa ating dalawa?" Pangaasar niya pa din sa
akin.
Guato ko na lang sanang magpakain na lang sa lupa kaso hindi
pwede. Nasa 5th floor kami, madami pa akong madadaanang floor bago
ako kanina ng lupa.
"Edi tandang lucas?" Sabat ko naman sa kanya na ikinasimangot
niya.
"Pilisopo ka ah!" Akusa niya sa akin.
Wala sa sarili akong napaturo sa aking sarili. "Eh babae ako ah,
edi dapat pilosopa?" Laban na asar ko sa kanya pero nakapoker face
lang.
Gusto kong matawa dahil mukha hg bulldog si lucas dahil sa lukot
na lukot niya ng mukha.
"Aba't!" Inis na sambit niya.
Natahimik ako sandali para ubusin ang natitirang sandwich sa aking
bibig. "Ang cute mo talaga kahit nagagalit ka! Dapat pala palagi
kitang ginagalit!" Natatawang sabi ko habang painom inom ako ng
apple juice.
"At natutuwa ka pa talagang naiinis
ako ganuon ba cara?" Pagbabanta niya pa sa akin.
Ngumiti ako sa kanya tsaka tumango tango kaya naman di na ako
nakagalaw pa ng inilang hakbang lang nito ang pagitan namin at
tsaka ako mabilis na hinila patayo.
"Oh bakit?" Tanong ko na natatawa tawa pa.
Sa totoo lang eh, bumilis bigla ang tibok ng aking puso. Halos
maduling ako ng unti unting lumapit ang mukha ni lucas sa aking
mukha at di nagtagal ay naramdaman ko na ang malambot niyang labi
sa akin.
Padampi dampi lang nung una hanggang sa buong buo na niyang
inangkin ang aking labi. Halos manghina ang tuhod ko dahil sa
klase ng halik na iginawad niya sa akin. Nakakakiliti kasi iyon.
"Oh edi natahimik ka" pangaasar niya sa akin pagkatapos niya akong
halikan.
"Gagawin mo ba yon tuwing nagiingay ako?" Wala sa sariling tanong
ko kay lucas dahil parang hanggang ngayon ay nakalutang pa din ako
sa ere.
"Bakit yun ba ang gusto mo?" Balik na tanong niya sa akin.
Napalunok tuloy ako. Kahit kailan talaga tong si lucas palagi na
lang akong pinahihirapan.
Lalong lumawak ang ngiti nito ng akalain niyang di ako makakasagot
sa tanong niya pero nagkakamali siya.
"Oo ba! Basta dapat kung gaano ako kaingay ganuon din katagal ang
kiss ha!" Nakangiting sagot ko pa sa kanya. And i mean it.
"Tatanggi pa ba ako?" Natatawang pagkausap ko pa sa aking sarili.
Napadaing ako ng pitikin nito ang aking noo. "Abnormal ka talaga"
akusa niya sa akin.
Tinawanan ko na lang siya pero mas lalo akong nagulat ng hilahin
ako nito tsaka ako niyakap. "Pero
mukhang mas abnormal ako dahil gusto kita" natatawang sabi niya pa
na pareho naming tinawanan na dalawa.
Hinatid ako ni lucas sa susunod na klase ko. Pero di pa man din
kami nakakalapit sa room ay kaagad ng humarang si Suzy sa aming
harapan.
"Di ko na nakakasama si Cara! Pahiram naman ako" nakabusangot na
sabi ni Suzy.
Pero bumaba ang mga mata ni suzy sa magkahawak naming kamay ni
lucas.
"Gahd! Is this really happening?" Di makapaniwalang sambit pa
niya.
"Hoy hindi pa kami ah! Ano lang to, ano..." di ko mahanap ang
tamang word.
"Landian lang to suzy...landian lang daw what if pagnaging kami
pa" natatawang sabi ni lucas na kaagad na sinangayunan ni Suzy,
nagapir pa silang dalawa.
"Papasok na nga ako" nakangusong sabi ko dahil pinagkakaisahan na
ata ako nung kambal.
"Oh teka yung kiss ko?" Pangaasar pa ni lucas sa akin.
"Kiss kiss mo sa pader" sabi ko sabay takbo sa sobrang hiya.
Pagkatapos ng huling klase ko ay dumiretso na agad ako sa condo ni
Leo. Di ko pa nga din alam kung saan ba talaga kami pupunta ngayon
pero pakiramdam ko ay para din naman ito sa mga paintings niya.
"Ito na ba yung sinasabi mong master piece mo this year?" Tanong
ko sa kanya habang nakasakay na kami sa kanyang ford everest.
"Yah" maiksing sagot niya lang sa akin dahil busy siya sa kanyang
cellphone.
Kanina pa din nagvivibrate ang cellphone ko pero di ko magawang
sagutin ang tawag ni lucas.
"Sino ang pupuntahan natin?" Panguusisa ko pa sa kanya.
"Yung mga kaibigan ko" sagot
nama kaagad niya sa akin.
Kaagad naman akong natuwa dahil sa narinig. "Sila Kenzo?"
"Nope, my other friends" sabi pa niya sa akin kaya naman medyo
nadismaya ako.
Napakunot ang noo ko ng mapahinto kami sa medyo madilim na lugar.
"Alam mo ba tong lugar na to?" Tanong ko pa sa kanya pero
nginisian lamang ako nito.
"Oo tutulungan nila ako para sa master piece ko" kalmadong sabi
naman niya sa akin at tsaka bumaba.
Batid niya marahil ang takot ko kaya naman kaagad niya akong
sinalubong at tsaka pinakapit sa kanyang braso.
"Hindi tayo magtatagal, may kukuhanin lang tayo" pagpapakalma sa
akin ni Leo.
Mula sa isang maliit na eskinita ay pumasok kami. Nakahinga naman
ako ng maluwag ng pagkalabas namin duon ay may mga bahay na kaming
nakita. May mga tao na din at mukha naman silang mga normal.
"Hoy leo! Ang tagal mong di nagpakita ah!" Puna sa kanya ng isang
babaeng may edad na.
Marami pang bumati sa kanya hanggang sa makarating kami sa isang
kulay orange na bahay. Hindi naman kami naghintay ng matagal dahil
kaagad din naman kaming pinagbuksan ng isang lalaki.
Maamo ang mukha niya at mukha namang di gagawa ng masama,
pinapasok niya kami sa loob at pinaupo sa may sofa.
"Si Yuan?" Tanong ni Leo sa lalaking kaharap namin ngayon.
"Nasa labasan lang pero pabalik na din siguro ngayon yon" sagot
nung lalaki.
Maya maya ay umalis siya sa aming harapan. At pagbalik ay may dala
na siyang juice.
"Uminom
muna kayo" sabi nito.
Napatingin ako kay leo, parang gusto ko munang matanong kung safe
na iyon o hindi pero tinanguan lamang ako nito kaya naman sumimsim
na ako.
Ayos naman ang lahat hanggang sa may lalaking chinitong pumasok sa
bahay. Tumayo si leo at sinalubong ang lalaki. Pero di ko na alam
ang mga pinagusapan nila dahil parang umiikot ang paningin ko.
Nahiging blur na din ang lahat sa aking mga mata.
"Leo..." tawag ko sana sa kanya pero nawalan na ako ng malay.
Hindi ko alam kung gaano katagal ako nakatulog, pero pagGising ko
ay nasa kama na ako ni leo. Nakabalik na kami sa may condo niya.
Tumingin ako sa side table niya at nakitang magaalaskwatro na ng
madaling araw.
"Leo" pagtawag ko sa kanya, busy siya sa pagpapaint. Sa lahat bg
mga ginawa niyang painting ay ito ang pinakamalaki.
"Gising ka na pala cara" sabi niya sa akin.
"Ah oo, ano bang nangyari?" Clueless na tanong ko sa kanya.
"Hinamatay ka ata, kaya naman inuwi na lang muna kita dito."
Maiksing sagot niya sa akin.
Hindi ko alam pero parang hindi ko makausap ng maayos si leo.
Siguro ay dahil busy siya.
Nagayos na ako pagkatapos ng paguusap namin ni leo. Nagpaalam na
din muna ako na uuwi muna ako sa bahay dahil alas otso ang pasok
ko.
Sandali lang din naman ako sa bahay, naligo at nagbihis lang. Buti
na lang at di na ako inusisa pa ni chelsie.
"Cara!" Salubong sa akin ni lucas di pa ako nakakapasok sa main
gate.
"Oh lucas" tawag ko din sa kanya dahil busy ako sa pagaayos ng mga
books na hawak ko at di ko pa suot ang id ko.
"Akin na yan" sabi ni kucas at kinuha niya lahat ng books na hawak
ko.
"Thank you" sabi ko sa kanya.
"Bakit di mo sinasagot ang mga tawag ko kagabi? Pinagalala mo ako"
sabi nito sa akin kaya naman medyo napatigil ako.
"Ah eh sorry, baka nakatulugan ko na" palusot ko na lang kahit ang
totoo ay nakatulog nga ako kagabi at wala akong alam sa mga
nangyari.
"Pero past one oclock ng madaling araw nagtext ka pa sa akin na
busy ka dahil may importante kang ginagawa" nakakunot noong sabi
pa niya sa akin na ikinagulat ako.
"Ha eh..." di ko na tuloy alam kung saan ako huhugot ng pwedeng
pang sagot sa kanya.
Pero mukhang ngayon lang naging tama ang pageksena ni Amiella.
"Good morning lucas" bati nito.
Wala sana akong pakialam sa kanya ang kaso ay tumitig ito sa akin
at halos mamuti ako dahil sa kanyang napansin.
"Wait ano yang nasa leeg mo? Is that a kiss mark?" Parang naaamaze
na tanong pa niya sa akin.
Napatingin ako kay lucas pero kumunot ang noo nito habang
tinatanaw ang sinasabing kiss mark daw ni amiella.
"Ah wala yan, baka kagat lang ng lamok" palusot ko pa sa kanila.
Pero hindi ito natinag, hinawi pa niya ang aking buhok. Hindi io
naman iyon napansin kanina, marahil ay dahil sa pagmamadali ko.
"Oh my gosh! You have plenty of it" maarteng sabi pa niya na
naging dahilan para tumigas ang mukha ni lucas.
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 42
"Bakit tahimik ka?" Natatakot na tanong ko kay lucas habang
naglalakad kami patungo sa first class ko, kahit natatakot ay
nagawa ko pa din siyang tanungin.
Umiling muna ito bago niya ako sinagot "nothing...anong oras ang
break mo? Sabay na tayong maglunch" sabi niya sa akin dahilan kung
bakit napakagat ako sa aking labi.
"Sorry lucas pero may kailangan kasi akong gawin mamayang break ko
eh, two days na lang kasi magoopen na ang bagong university
gallery...marami kaming kailangang gawin ni leo" medyo naiilang na
sagot ko pa sa kanya.
Lalo nanamang tumigas ang mukha nito. Akala ko ay susumbatan
nanaman niya ako o may sasabihin nanamang masama pero nagiwas lang
ito ng tingin sa akin.
"Sa condo nanaman niya?" Matigas na tanong niya sa akin habang sa
iba siya nakatingin.
Napalunok muna ako bago ako nakasagot aa kanya. "Oo eh, yung ibang
painting kasi niya ililipat na namin sa Gallery" sagot ko pa sa
kanya.
"Ok then, text me if hindi ka na busy" sabi pa niya bago niya ako
tinalikuran ang iniwan sa harapan ng room ko.
Malungkot kong tinanaw ang paglayo ni lucas sa akin. Hindi ko alam
kung bakit ako naguiguilty ng ganito gayong wala naman akong
ginagawang masama. Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako sa
mga sinabi ni amiella kanina.
Imbes tuloy na dumiretso ako sa loob ng room namin ay nagtungo
muna ako sa may comfort room.
"Oh my gosh totoo nga" gulat ding sambit ko pagkahawi ko ng aking
buhok.
Maliliit iyong
pula sa aking leeg. Hindi ko naman alam kung ano ba talaga ang
itsura ng kiss mark pero hindi din naman ito kaagat ng kung anong
insekto. Lalo tuloy akong natakot.
Napahawak ako sa aking buong katawan, wala naman akong
nararamdaman na kakaiba. Normal naman ang lahat sa akin. Maging
ang aking down there ay pinakiramdaman ko din. Normal ang lahat,
walang kakaiba. Saan ko ba nakuha ang mga markang ito? Hindi ko
talaga alam.
"Hey andyan na siya" sabi ng isa sa mga kaklase kong babae.
Parang nagulat silang lahat pagkabukas ko ng pintuan kaya naman
ang mga nakakumpol na grupo ay biglang nagkalasan, hindi naman
masyadong halatang ako ang pinaguusapan nila dahil sa akin sila
lahat nakatingin.
Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon at tsaka ako tahimik na
umupo sa aking upuan. Kinuha ko anb libro ko para sana mag advance
reading ang kaso ay biglang tumunog ang aking cellphone tanda na
may notification sa isa sa aking mga social media account.
At halos mabitawan ko ang cellphone ko sa aking nabasang kumakalat
na post ng isa sa mga kaibigan ni amiella na sobra naman talaga
niyang sinusuportahan at kung hindi ako nagkakamali ay sigurado
naman akong siya ang may pakana ng lahat ng ito.
CARA ISABELLE MENDEZ IS NO LONGER A VIRGIN!!! #Slut
Grabe ang panlalaki ng aking mata dahil sa aking nabasa, mabilis
na dumami ang magreact sa post na ito at sunod sunod na din ang
mga comments. Ni hindi ko nga magawang mabasa ng maayos ang mga
comment ng iilang mga classmates at schoolmates ko dahil ni hindi
ko nga ata magawang lunukin iyon.
"Oh my gosh Cara what happened?"
Humahangos na tanong sa akin ni Tali.
"Ha eh hindi ko alam" magulong sagot ko pa sa kanya.
Maya maya ay halos lahat ng mata ng aking mga kaklase ay nasa akin
na. "Grabe hindi ko inakala" bulungan ng iilang mga kaklase kong
lalaki na dati ay nakikipagbiruan pa sa akin.
Ang ibang mga kaklase kong babae naman ay halos nandidiri ang
tingin sa akin.
Buong klase ay nakayuko lamang ako at nakatutok sa aking libro.
Hindi kayang tumingin sa kanila dahil sa kahihiyan. Kahit pa
sabihin kong wala naman akong ginawang masama at hindi totoo ang
bintang nila sa akin ay nanliliit pa din ako sa mga tinginan nila
sa akin.
"Cara gusto sana kitang samahang magLunch ngayon ang kaso ay may
lakad ako ha" paalam sa akin ni tali.
"Ayos lang ano ka ba, mabuti na din yung wag ka munang lumapit sa
akin kasi baka madamay ka pa" sabi ko naman sa kanya.
Kita ko ang kakaibang lungkot sa mga mata nito. "Sorry talaga
cara, pero tandaan mo hindi ko ikakahiyang kaibigan kita"
paninigurado niya sa akin.
Tahimik akong naglakad sa hallway ng AMS building. Nanatiling
nakayuko at hindi makatingin sa mga taong pwede kong makasalubong
dahil ayoko na munang makatanggap pa ng mga mapanlait at mapanliit
na tingin ng ibang tao sa aking gayong wala naman silang alam at
hindi naman talaga nila alam kung ano ang totoo.
"Ate Cara!" Tawag sa akin nila tammarie. Kasama niya sina Kendall
at Zafara.
Niyakap ako ng tatlo na para bang gusto nila akong damayan. Hindi
man sila nagsasalita ay kita ko ang simpatya
sa kanilang mga mukha. Hinila nila ako sa may student lounge kung
saan nanduon ang lahat maliban kay lucas.
"Don't worry kuya mikhael tumutulong na din ang mga kaibigan ko"
naabutan kong sabi ni Thomas kay mikhael.
Si Zeus sa kanilang tabi ay busy din sa pagkalikot ng kanyang
cellphone.
"Cara!" Tawag ni suzy sa akin at kaagad akong niyakap.
"NapakaBitch talaga niyang si Amiella! Humanda talaga yang babaeng
yan sa akin mamaya! Sasabunutan ko talaga siya!" Nanggigigil na
sabi ni Suzy.
"Hayaan na natin siya, hindi naman yon totoo kaya hindi natin siya
kailangang pagaksayahan ng panahon" pagod na sabi ko dito pero
lahat silang nanduon ay hindi sumangayon sa akin.
"Hindi kami papayag na may ganyan ate cara, kung sabi wala kaming
pakialam. Pero wag lang isa sa atin...hindi kami papayag na
tumahimik lang" seryosong sabi ni Zeus.
Napalunok na lang ako dahil sa sinabi niya. Minsan talaga mas
matured pa silang kumilos at magisip kesa sa akin kaya naman tuloy
minsan nakakahiya na yung mga inaasal ko.
"Salamat talaga sa inyo" sabi ko pa sa kanila.
"Wala iyon! Alam mo naman na para na tayong magkakapatid dito di
ba?" Pagaalo sa akin ni Zeus.
"Anong magkakapatid ka diyan!" Suway sa kanya ni Mikhael sabay
sulyap kay kendall na halata namang umiiwas na tumingin sa kanya.
Sandali pa akong kinausap ni Suzy bago ako nagpaalam sa kanya na
kailangan ko ng pumunta kay leo dahil kailangan ko din naman
siyang tulungan para sa Gallery.
"Ok ka lang?" Tanong niya
sa akin dahil mukhang napansin niya ang aking pananahimik.
"Ha...oo naman" sabi ko habang nililigpit ko ang mga nakakalat
niyang painting materials.
Nakapantalon lamang ito at walang pangitaas. Busy siya sa pagguhit
sa isang painting na ngayon niya pa lang sinisimulan.
"Yan na ba iyon? Yung master piece mo?" Tanong ko sa kanya at
kahit papaano ay tinanong ko iyon na para bang excited ako sa bago
niyang gagawing painting.
"Yeah...kaya ko tong matapos tomorrow afternoon" pagmamayabang pa
niya sa akin.
Kahit papaano ay bigla akong namangha dahil sa kanyang sinabi.
"Totoo? Walang tulugan noh?" Pangaasar ko pa sa kanya kahit halata
namang matamlay ako dahil sa mga problema ko.
"PagGusto mo talaga yung ginagawa mo, walang hahadlang na kahit na
ano sayo" makahulugang sagot niya din sa akin.
Pagkatapos nuon ay tahimik na lang akong nagtrabaho. Nakita kong
may meeting pala siya mamayang alastres kay sir Robbie sa may
conference room sa may Graduate school library.
"May meeting ka pala kay sir robbie mamayang alastres" paalala ko
pa sa kanya.
"Ok sige" maiksing sagot niya lang sa akin.
Mayamaya ay nagulat ako ng lumapit si Leo sa akin, inabot niya sa
akin ang invitation ko para sa susunod na araw. Kailangan pala ng
formal attire dito. Bigla tuloy akong napaisip kung ano ang aking
isusuot.
"No need to worry about your attire cara, after ng meeting ko kay
sir robbie we will meet my cousin, isa siyang designer. You will
be my date so kailangan related ang suot nating dalawa"
nakangiting
sabi pa niya sa akin na tinanguan ko na lamang.
Hindi naman nagtagal sa pagkikipagkwentuhan sa akin si Leo dahil
mukhang desidido talaga siyang matapos iyon bukas ng hapon.
Pagdating ng alastres ay sabay kaminb nagtungo sa university dahil
kailangan naming imeet si si Sir robbie. Pagkapasok sa library ay
halos lahat ng studyante ay nakatingin sa aming gawi. Si leo ba
naman ang pumasok. Fresh from the bath pa naman siya kaya medyo
basa basa pa ang medyo may kahabaan niyang buhok na hangang
balikat.
Ang iilan ay nakangiti sa aming gawi dahil nga sa presencya ni leo
pero anduon pa din yung mga kakilala ko at iilan kong mba kaklase
sa ibang subject na masama ang tingin sa akin.
Gusto ko tuloy sanang magtanong na talaga kay leo kung ano ba
talaga ang nangyari nung gabing nawalan ako ng malay pero
natatakot ako, hindi ko din naman alam kung bakit.
"Good afternoon sir Robbie" bati ni leo sa bunsong kapatid ng
university president namin.
Naglahad din ito ng kamay sa akin. Kaya naman nahihiya ki iyong
tinanggap. "Good afternoon po" nakangiting bati ko sa kanya at
tsaka niya din ako binati.
Umupo kami sa may conference room. Ang ilang head ng gallery ay
wala pa kaya naman inalok kami ng mga staff ng school ng pagkain
at inumin habang naghihintay.
Maya maya ay dumating ang pamangkin ni sir Robbie na si Sir rocky.
Magkahawig silang dalawa at may hawig din kay tito zach dahil mga
kamag anak niya ito.
Dahil may bakanteng upuan sa tabi ko ay duon siya umupo. Nginitian
pa nga muna ako nito bago siya tumabi sa akin. Kahit papaano ay
nakakaOverwhelmed na yung mga head sa university namin ay katabi
ko
ngayon dahil kay leo.
Kung hindi dahil kay leo hindi ako magkakaroon ng chance na
makilala ang mga ito bukod kay Tito zach na daddy nila Zeus at
Zafara.
"Are you two together?" Pangaasar sa akin ni sir rocky habang
binubuksan niya ang kanyang laptop.
"Hindi po, assistant niya lang po ako" mabilis na sagot ko dito.
Tinawanan lang ako nito na para bang hindi siya naniniwala na
assistant lang talaga ako ni leo. Maya maya ay nakita ko ang
wallpaper ng kanyang laptop. Nakita niya atang nakatingin ako kaya
naman tinuro niya sa akin ang babaeng nanduon sa picture.
"This is my wife and our son, dati din siyang student dito sa
university" parang kinikilig pang kwento niya sa akin.
"Talaga po?" Naaamaze na tanong ko sa kanya.
Tuamango tango ito. "Yes, the most adorable student that we had
back then is now my wife" parang proud na proud na kwento pa niya
sa akin.
Dahil sa kwento niya ay para tuloy akong kikiligin. Ngayon ko lang
napatunayan na totoo palang Love conquers all.
Madaming diniscuss si sir robbie sa amin lalo na kay leo sa
magiging flow ng event sa susunod na araw. Kailangan din pa lang
mag speech ni leo tungkol sa painting niyang napili niyang gawing
master piece.
Bilang tribute kay leo ay ang university na mismo ang bibili ng
painting na iyon at gagawing attraction para sa university
gallery. Ang ilang painting din ay pinili na nila para ihelera sa
mga isasali para sa Auction.
"You dont need to worry about the dress cara, ako na ang bahala sa
lahat" sabi ni leo ng pagkatapos ng meeting with sir robbie and
sir rocky ay dumiretso kami sa sinasabi
niyang pinsan niyang designer.
Mabait naman ito ay halatang experto talaga dahil tiningnan pa
lang niya ako alam niya na kung anong design at kung anong kulay
ang bagay sa akin.
"Susunduin kita sa bahay niyo friday" sabi ni leo sa akin ng
maihatid niya na ako sa may mall malapit sa amin.
"Naku hindi na leo, ako na lang ang pupunta duon. Sigurado akong
busy ka sa araw na yon" pagtanggi ko sa kanya.
"I insist cara, you are my date. You are my responsibility" laban
pa niya sa akin.
Dahil wala naman akong magagawa ay hinayaan ko na lamang siya. May
isang araw akong mapapahinga kaya naman imbes dumiretso napauwi ay
sumakay ako papunta kina Lucas.
Pagdating ko duon ay wala sina
of town daw ang dalawa at wala
ang nasa bahay. Dahil kaibigan
hinayaan nila akong umakyat sa
dito.
tito samantha at tito luke nasa oit
pa si suzy kaya naman si lucas lang
ko naman ang mga kasambay nila ay
kwarto ni lucas ng hindi pinapaalam
Nagdadalawang isip pa sana akong kumatok pero kalaunan ay dahan
dahan ko ding itinaas ang kamay ko para katukin siya pero nagulat
ako ng may magsalita sa aking likod.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong sa akin ni lucas na ikinagulat
ako.
"Grabe naman, saan ka ba nanggaling?" Gulat na tanong ko sa kanya
pero nakapoker face lamang ito.
"Sa may veranda" sagot niya pa sa akin.
Niyaya ako nito sa dinning dahil nagugutom daw siya. Naghanda siya
ng chicken sandwich at aalukin sana niya ako ang kaso ay tumanggi
ako dahil nga kumain na kami ni leo.
"Invited kaming lahat ni tito Zach para sa opening ng
university gallery, susunduin kita sa inyo sa friday" sabi ni
lucas habang kumakagat siya sa kanyang sandwich.
"Pero ano kasi lucas eh...si leo yung kasabay ko" nahihiyang sagot
ko sa kanya.
Sandali itong natigilan sa pagnguya pagkatapos ang galit na
tumingin sa akin. Hindi na din naman siya nagsalita, at sobra
talaga nakakapanibago iyon. Nagiwas na lang siya ng tingin.
"May susuotin ka na ba?" Sunod na tanong niya sa akin.
Dahan dahan akong tumango na mukhang nakita naman niya kahit hindi
niya ako tiningnan.
"So duon na lang pala tayo magkita, umuwi ka na" seryosong sabi pa
niya sa akin na ikinagulat ko.
"Lucas naman...galit ka sa akin eh" pagmamaktol ko pa pero tumayo
na ito at naglakad paakyat.
"Umuwi ka na, masyado ka kasing busy...next time mo na lang ako
kausapin pag pwede na kitang masolo" seryosong sabi pa nito.
Masarap sanang kiligin ang kaso ay galit talaga siya sa akin.
"Lucas..." tawag ko pa sana sa kanya ang kaso ay umakyat na ito at
hindi man lang ako pinansin.
Naging busy ang lahat sa universiry kinabukasan dahil sa mga
gagawing booth. Hindi man lahat ay invited sa opening ng
university gallery ay halos lahat ay busy dahil sa kanikanilang
event na gagawin.
"You look gorgeous today cara" sabi ni leo sa akin pagkalabas ko
ng aming bahay.
"Thank you" nahihiyang sabi ko pa sa kanya.
Mabilis lang ang naging byahe namin
papunta sa may pampanga campus. Pagkadating duon ay sumalubong
kaagad sa amin ang magagarang sasakyan ng lahat ng imbitado para
sa event na ito. May mga photographer pa nga sa labas at may red
carpet pa.
Buti na lang talaga at sinama ako ni leo sa pinsan niya dahil
hindi nalalayo ang itim kong dress na gawa ng pinsan ni leo. Off
shoulder ito at maganda naman talaga.
"Are you ready?" Nakangiting tanong nito sa akin.
Tumango na lang ako sa kanya bago ngumiti sa nagkikislapang flash
ng camera. Sa dulo ng red carpet ay nanduon ang aming university
president kasama sina sir robbie, maging si sir rocky ay nanduon
din katabi niya ang kanyang asawa na karga ang kanilang
napakagwapong anak.
"Congratulations to us leo" pumapalakpak pang salubong sa amin ni
Sir robbie.
Hindi din nagtagal ay
introductions pa mula
presentations tungkol
history nito. Isa isa
ni leo na nakadisplay
nagsimula na ang event. Ilang mga
sa mga emcee, pagkatapos ay mga video
sa pagkabuo ng university namin at yung
na ding ipinakita sa screen ang mga painting
sa loob ng gallery.
"Thank you for coming ladies and gentlemen, for our main event..."
paguumpisa ni sir robbie.
Ang lahat ay nakatayo at nakabilog sa isang malaking painting na
natatabunan ng kulay pulang parang kurtina. Sa kabilang dulo ay
nakita kong kumpleto ang lahat na katabi ni tito zach maging sina
tito kervy, tito timothy, at tito matteo at ang mga anak nito.
Sina tito luke at tita sam lang ang hindi nakadalo.
Hindi naman nakaligtas sa akin ang matalim na tingin ni lucas lalo
na sa kamay kong nakapulupot sa braso ni leo. Si suzy ay nakangiti
sa akin at napapathumbs up pa.
"Let's witness Leo Matzuki's this years Master piece" pagkasabi ni
sir robbie at kaagad niyang hinila ang isang tali dahilan para
bumukas ang kulay pulang kurtina na nagtatakip sa sinabing
painting.
Halos lahat ay naeexcite maging ako dahil sa lahat ng ginawa ni
leo ay ito lamang ang hindi ko nakita. Maya maya ay napuno ng
palakpakan ang buong palagid dahil sa naisiwalat na painting ni
leo.
Pero ako ay nanigas sa aking nakita, dahan dahan ding dumulas ang
kamay kong nakakapit sa kanyang braso. Sa painting na iyon ay may
isang lalaking nakatalikod. Sa kanyang mga kamay ay mayroon siyang
pasan pasan na isang babaeng mukhang tulog na tulog na nababalutan
lamang ng puting kumot ang kanyang katawan. Kitang kita ang mukha
ng babaeng hubo na iyon na karga karga ng lalaking walang
pangitaas.
"Leo..." mangiyak ngiyak na tawag ko sa kanya.
Seryoso siyang nakatingin sa kanyang painting. At unti unti itong
lumingon sa akin, seryoso ang kanyang mukha.
"Im sorry cara. But thank you for being my model..." pagkasabi
niya nuon ay kaagad niya akong iniwan.
Nanlabo kaagad ang aking paningin dahil sa nagbabadyang luha. Pero
hindi nakaligtas sa aking paningin ang galit sa mga mata ni Lucas.
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 43
Gusto kong matumba sa aking kinatatayuan. Hindi ko din alam kung
ano ang aking dapat unahin, ang kausapin ba si Leo o ang
magpaliwanag kay lucas. Naramdaman ko na lamang ding tumutulo na
ang maiinit na luha pababa sa aking pisngi.
"Cara are you alright?" Nagaalalang tanong sa akin ni Sir Rocky ng
mapansin niyang natigilan ako sa aking kinalalagyan.
Napatingin ako sa kanya at sa kanyang katabi na ngayon ay mukhang
nagaalala din sa akin.
"Babe ok lang ba siya?" Tanong ng asawa ni sir rocky dito dahil
para bang natatakot siyang magtanong sa akin dahil marahil sa
aking sitwasyon ngayon.
"Uhmm...ok lang po." Parang nanginginig pang sagot ko sa kanila.
Parang kabastusan man, umalis na ako kaagad at nagtungo sa hindi
ko malamang direction. Pero mukhang hindi talaga ako makakatakas
sa katotohanang isang napakalaking problema ang kinakaharap ko
ngayon.
"Oh my gosh! You are the girl in the painting right?" Isang
foreigner na babae ang humarang sa aking daraanan. Hindi pa siya
nakuntento at tinawag pa niya ang iba pa niyang kasama.
Dahil sa paglapit nila sa akin ay nakuha tuloy nila ang atensyon
ng ibang mga photographers.
"Excuse me po, sorry...excuse me po" sabi ko sa mga ito at tsaka
ako nagpumilit na makalagpas sa kanila.
Hindi ko iyon makakaya ng magisa dahil na din sa dami nila kaya
naman nagpapasalamat ako at dumating sina mikhael, Zeus at thomas
para tulungan akong makaalis duon.
"Excuse us please" matigas na ingles na sabi ni mikhale sa mga
ito.
Hindi ko na inintindi pa ang ibang
tao na nakapaligid sa amin. Ang gusto ko na lamang ay umalis duon
at makausap si lucas. Lalo na si leo para humingi ng paliwanag sa
kanyang ginawa sa akin.
"Oh my gahd Cara what happend?" Si suzy iyon ay kaagad niya akong
sinalubong ng yakap kaya naman duon na ako napaiyak sa kanya
habang yakap ko siya.
"Wala akong alam duon...hindi ko alam kung paano yon" magulong
pagpapaliwanag ko sa kanya dahil hindi ko alam kung saan ako
magsisimulang ipagtanggol ang aking sarili.
"Shhh...we will fix this" pagaalo niya sa akin at tsaka ko
naramdaman ang pagdamay ng iba pa sa akin.
Dinala muna nila ako sa may Parking space kung nasaan ang Sasakyan
ni Mikhael na Ford Everest. Sa tabi naman nito ay ang Hiace Van
nila Thomas. Nakaupo kaming sa loob habang ang iba naman ay
naghanap ng kanya kanyang pwedeng mapwestuhan.
"Hindi si leo yung lalaki sa painting ate Cara, kilala mo ba
siya?" Tanong ni Zeus sa akin. Lahat sila ay naghihintay sa aking
sagot kaya naman inisip ko munang mabuti kung nakita ko na nga ba
ang lalakinb iyon na nasa may painting.
May parang Chinese symbols ito na tatoo sa kanyang braso patungo
sa kanyang likuran na mas lalo naman talagang nagpapatikas tingnan
ng kanyang katawan. Lalo na sa parte ng biyak ng kantang likuran
dahil sa mga muscles niya.
Malinaw pa naman sa akin yung mga pangyayari bago ko inumin yung
juice na naging dahilan kung bakit nawalan ako ng malay.
"Oo parang nakita ko na siya...kung hindi ako nagkakamali Yuan ang
pangalan niya" kwento ko pa sa kanila.
Seryoso silang lahat kaya naman nabahala ako dahil ang aking
problema ay pinoproblema din nila.
"Wag kang magalala, kami na ang bahala na humanap sa Yuan na
sinasabi mo ate cara..." paninigurado sa akin ni Zeus na
sinangayunan naman nina Thomas at mikhael.
"Sayang mas magiging madali sana kung andito si kuya matthew,
sayang at nasa Chicago siya ngayon" nanghihinayang na sabi ni
Zafara.
They really do care.
Gusto ko man sanang umalis na sa lugar na iyon ang kaso ay
kaikangan ko talagang makausap si Leo, kailangan ko siyang
pakiusapang tanggaling ang painting na iyon. Na tanggalin ang
mukha ko duon.
Nilibot ko ang lahat pero sadyang mailap si Leo dahil hindi ko pa
din siya makita hanggang ngayon. Nagsisimula na din ang auction.
Kaya naisip kong hindi pwedeng wala dito si Leo dahil kailangan
siya ngayon.
"Excuse. Nakita mo si Leo?" Tanong ko sa isa sa mga Classmates
niya na medicine students din.
"Si leo?" Sambit niya at sandaling napaisip.
"Ah oo kanina nakita ko siyang papunta sa may University Garden,
paglabas mo dito madadaanan mo yung auditorium, kakanan ka lang
tapos diretsuhin mo pa...Univeristy Garden na iyon" turo pa niya
sa akin with directions pa.
"Thank you...thank you so much" pasasalamat ko pa sa kanga at
tsaka ako nagmadaling nagtungo sa kanyang sinabi.
Nasa tapat pa lamang ako ng auditorium ay parang may naririnig na
akong
sigawan mula sa may Entrance ng university garden.
Halos man laki ang aking mata ng makita ko kung sino ang dalawang
lalaking nagpapalitan ng suntok sa kanikanilang mga mukha.
"Leo! Lucas!" Tawag ko sa kanila at tsaka ako tumakbo papalapit sa
kanila para sana awatin sila.
"What!? Anong ikinagagalit mo lucas?" Mapangasar ba tanong sa
kanya ni Leo.
Putok na ang labi nito, si lucas naman ay basang basa na ng pawis
ang mukha, hingal na hingal din siya, marahil dahil sa ginawa
niyang pagsuntok kay leo at sa galit na nararamdaman niya ngayon.
"That's not true! Alisin mo ang painting na yon ngayon, kung
hindi. P*tangina mo Matzuki ako mismo ang sisira nun sa mismong
kinalalagyan niya" galit na galit na pagbabanta ni Lucas dito.
Imbes na matakot ay napangisi lamang si leo at pinunasan ang putok
na niyang labi. "Why would I?. Property na ng University ang
painting ko...Then Go lucas, kalabanin mo ang admins" panghahamon
pa ni leo dito na lalo naman talagang ikinainis ni Lucas.
"Leo tama na!" Pagbabantang suway ko sa kanya.
Sinulyapan lamang ako nito at tsaka nginisian. Si lucas naman ay
ni hindi ako tinapunan ng tingin.
"Tell me the truth, gawa gawa mo lang ba yon o..." ni hindi
magawang tapusin ni lucas ang kanyang gustong tanungin kay leo na
naging dahilan para mapatawa ng malakas ito.
"I do paint real things lucas, realistic ako...gusto kong ipaint
yung mga bagay na totoong nakita ko. At isa na duon ang master
piece ko ngayong taon" pagmamayabang na sagot sa kanya ni leo na
ikinakunot ng aking noo.
Humahangos ko siyang nilapitan at tsaka sinampal. "Hindi yan
totoo! Bawiin mo yon Leo. Ano bang nangyayari sayo?" Pagsusumamo
na tanong ko sa kanya dahil hindi ko maintindihan kung bakit niya
ginagawa ito.
Sa loob ng kanyang itim na coat ay may kinuha siyang brown na
envelope sa loob na bulsa nito. "Here, you need to be
enlighthened...you are no longer a virgin Cara" mapangasar na
nanunuyang sabi niya sa akin.
Naikuyom ko ang aking kamao, pero bago pa man sana ako sumugod kay
Leo ay napaupo na ako sa sahig dahil nasagid ako ng humahangos na
si Lucas.
"Papatayin kita!" Sigaw niya at mabilis niyang nadaganan si Leo at
tsaka niya ito pinagsusuntok.
Dahil sa nasaksihan ay nanlaki ang aking mata. Mabilis akong
binalot ng takot lalo na ng nagkulay dugo na ang bibig ni Ldo
dahil sa pagsuntok sa kanya ni Lucas.
"See it your Self jimenez! Tanggapin mong hindi ikaw ang makakauna
sa kanya" nahihirapan ng sabi ni Leo dahil sa bugbog na kanyang
natamo.
Maya maya ay marami ng guards na tumatakbo patungo sa amin.
Marahil ay may iilang mga estudyante ang nakakita sa nangyayari.
"Guys tama na yan!" Galit na suway ng kararating lamang na si Sir
Rocky.
Mabilis niyang hinila si Lucas sa braso para makaalis sa
pagkakadagan kay leo.
"What's happening here? Alam niyong may event sa loob...why do you
need to come this far? Hindi ba pwedeng
pagusapan to?" Pagalit na suway niya sa mga ito ng nakapameywang.
Lucas ay pinagtulungang itayo ng dalawang guard. Kahit papani ay
nakatayo pa din naman siya.
"Cara, come up" baling sa akin ni Sir Rocky tsaka niya ako
tinulungang tumayo mula sa aking pagkakasalampak sa lupa.
"Bring leo to the clinic, ikaw jimenez you'll report to the
guidance office tomorrow morning, your attitude should not be
tolerated" sermon niya kay lucas.
Hindi ako papayag na magkaroon ng record si Lucas sa university
gayong kung makakagraduate siya ng Med at malaki ang chance niyang
grumaduate with honors.
"Sir Rocky wala pong kasalanan si Lucas, si leo po ang nagsimula
ng lahat...si leo po" pagsusumamo ko dito.
Kumunot ang noo no Sir Rocky sa akin. "I thought you are in Leo's
side cara, di ba girlfriend ka niya?" Nagtatakang tanong nito sa
akin.
Mabilis akong napailing. "Hindi po niya ako girlfriend...please po
Sir rocky, wala po talagang kasalanan si Lucas dito" pagsusumamo
ko sa kanya.
Nagpapalit palit ang tingin niya sa akin at tsaka kay lucas. Maya
maya ay nagpakawala siya ng isang malalim na paghinga. "Both of
you report to my office tomorrow morning" yun na lamang ang sinabi
niya at tsaka niya na kami tinalikuran.
Gusto ko pa sanang mag thank you dahil kahit papaano ay hindi na
niya ito dadalhin sa guidance, hindi na magkakarecord si lucas
duon.
"Teka lucas" tawag ko sa kanya ng lagpasan ako
nito para umalis na.
Hindi siya natinag, tuloy tuloy lang ang lakad niya kaya naman
hinabol ko siya. "Lucas pakinggan mo naman ako, wala akong alam
duon...hindi ko yun alam" pagmamakaaaa ko sa kanya para pakinggan
ako.
Hindi pa din siya tumigil sa paglalakad kaya naman hinawakan ko na
siya sa braso.
"Wag mo akong hawakan!" Sigaw niya sa akin tsaka niya padabog na
inalis ang kamay kong nakahawak sa kanyang braso.
Nagulat ako dahil duon. "Lucas..." mangiyak ngiyak na tawag ko sa
kanya.
"Nakakadiri ka" akusa niya sa akin habang diretso ang tingin niya
sa aking mga mata.
"You slut! Bitch! Malandi ka! Hindi mo na kami binigyan ng
kahihiyan!" Sunod sunod na masasakit na salitang sinabi niya sa
akin.
Nilunok ko lahat ng iyon kahit sobrang hirap lunukin. Galit siya
kaya naman kailangan kong intindihin iyon.
"Hindi yon totoo lucas, maniwala ka sa akin" malumanay na
pagsusumamo ko sa kanya.
Lalong tumigas ang mukha niya. Kita ko ang panginginig ng labi
nito tanda na gigil na gigil siya. "P*tangina Cara gusto mo pa
akong lokohin!?" Sigas niya sa akin dahilan para mapaiktad ako at
mapahakbang papalayo sa kanya.
Pero hinila ako nito gamit ang mahigpit na paghawak niya sa aking
braso. "Lucas nasasaktan ako" umiiyak na sabi ko sa kanya.
Pero hindi nawala ang galit sa kanyang mga mata. "Nandidiri
ako sayo...wala ka pa ring pinagbago. From now on, stay away from
me you bitch! Simula ngayon hindi na kita kilala" seryoso at galit
na sabi niya sa akin bago niya tinapon sa bandang dibdib ko ang
mga litratong nilalaman ng kulay brown na envelope na kanina ay
hawak ko lamang.
Dahil sa panghihina ay napaluhod na lamang ako sa sahig dahilan
para tumambad sa akin ang mga litratong ibinato sa akin ni Lucas.
Ang ilan sa mga litratong ito ay ako lang, nakahiga sa isang kama
at naabalutan lang ng puting kumot. Pero nanlabo ang aking
paningin sa iba pang nilalaman ng mga iyon.
May lalaking nakadagan sa akin, hinahalikan ang aking leeg. Malaki
ang kanyang likuran at kagawa ng nasa painting ay may tattoo din
ito na chinese symbols sa braso patungo sa likuran.
"Hindi...hindi ito totoo" pagpapaniwala ko sa aking sarili.
Para akong baliw na pinagpupulot ang nagkalat na mga litrato
nanginginig din ang aking mga kamay habang patuloy na tumutulo ang
aking mga luha. Pero sa kalagitnaan ng aking ginagawa ay
napasubsob na lamang ako sa aking mga palad.
"Cara!" Sigaw ng paparating na sina suzy.
Hindi ko magawang tingalain sila. Batid kong halos lahat sila ay
tumatakbo papalapit sa akin. "Oh my gosh" napasinghap si suzy ng
makarating siya malapit sa akin. Siguro ay nakita na nito ang mga
litrato.
"Totoo nga..." di makapaniwalang sambit ng isa sa kanila.
Dahil sa kahihiyang natatamo ko ngayon ay mabilis kong pinulot ang
natitira pang litrato at tsaka tumakbo papalayo sa kanila.
Hindi ko na naisip kung saan ako magpupunta ang mahalaga ay
makatakbo ako papalayo sa lugar na iyon.
Sa may bus stop ako umupo at tsaka umiyak ng umiyak. May iilan ng
bus ang dumaan pero hindi ko magawang makasakay dahil wala naman
akong dalang pera. Ni hindi ko na nga alam ang aking gagawin.
Sumasakit na din ang ulo ko kakaiyak.
Maya maya ay nakarinig ako ng tunog ng stilleto na papalapit sa
akin kaya naman mula sa pagkakayuko ay tumingala ako. Sumalubong
sa akin ang nakangiting mukha ng asawa ni sir Rocky. May dala
siyang coat na kaagad niyang ibinalot sa aking nanginginig na
katawan.
"Tara, iuuwi ka na namin" malambing na sabi niya sa akin tsaka
niya ako kaagad inakay patungo sa kanilang kulay puting Volvo. Si
sir rocky ay mabilis na binuksan ang pintuan ng back seat.
Tipid na ngiti lamang ang ginawad nito sa akin na para bang
nakikisimpatya siya sa akin.
"Mommy!" Tawag ng anak nilang lalaki na katabi ko lang sa back
seat. Nasa kalagitnaan na kami ng byahe.
"Why baby?" Malambing na tanong nito sa anak.
"Lady crying?" Cute na tanong nito sa kanyang ina. Kahit papaano
tuloy ay napangiti ako sa kanya.
"Ang ingay mo kasi Crael that's why ate cara is crying" pangaasar
sa kanya nito.
Mula sa kanyang mommy ay napabaling siya sa akin. "Sorry" maiksing
sabi niya sa akin sabay iwas ng tingin at tsaka nilaro ang laruang
hawak niya.
Naantig ako dahil kanina ko gustong
makuha ang salitang iyon. Hindi ko inakalang sa isang bata ko pa
iyon makukuha.
Nahiya ako kina sir Rocky at sa kanyang asawa. Hinatid pa kasi
nila ako mismo sa aming bahay. Todo ang pasasalamat ko sa dalawa
dahil dito.
"Cara my gahd! Buti naman at dumating ka na" humahangos na sabi ni
Chelsie pagbukas ko ng pintuan.
"Bakit anong problema?" Tanong ko sa kanya.
Napahalukipkip ito at napasimangot. "Kanina lang ay gumawa nanaman
ng eksena si Ervic diyan sa labas ng bahay! Aba't pinagbabantaan
ba naman tayo. Hay nakakakilabot talaga!" Paghyhysterical pa ni
chelsie sabay padyak pa ng paa.
"Nasaan na siya ngayon?" Tanong ko dahil kahit papaano ay
nagaalala din ako para sa kaligtasan namin dito sa bahay.
"Nasa baranggay! Buti nga sa kanya" mataray na sagot nito sa akin
kaya naman kahit papaano ay nakahinga na ako ng maluwag.
"Si auntie elena?" Tanong ko pa sa kanya.
"Wala nanaman! Umalis kasama ang mga kaibigan niya! May bago
nanaman kasing boyfriend!" Paghihimutok nito.
Nagpaalam ako sandali kay Chelsie na magbibihis muna ako. Ilang
beses din niya akong tinanong kung ok lang ba ako at ilang beses
din akong sumagot na ayos lang kahit ang totoo sobrang bigat sa
aking pakiramdam nuon.
Siya na din ang nagluto ng dinner namin kinagabihin. Kahit papaano
ay nasasanay na kami na kaming dalawa lang ang nandito sa bahay.
Si auntie elena kasi ay may mga sariling lakad na.
"Double lock natin itong pinto, mas maganda ng safe kesa naman
maging kampante tayong dalawa dito" sabi ni Chelsie pagkatapos
naming kumain habang naghuhugas ako ng mga pinagkainan.
Sinangayunan ko na lamang siya. "Kung hindi lang ako tinatakot
nuon dati...hindi naman ako makikipagSex sa kanya eh! Ang kaso ay
pinagbabantaan niya din ako" kwento nito sa akin matapos niyang
umupo sa may sofa tsaka binuksan ang Tv.
"Paanong pagbabanta? Bakit hindi ka nagsumbong kay auntie elena?"
Tanong ko sa kanya.
"Ano ka ba Cara, mamamatay tayo yang si Ervic no! Kala mo lang
disente pero may kapit lang yan kaya nakalaya sa kulungan" sabi pa
ni Chelsie dahilan para mabitawan ko ang basong hinuhugasan ko.
"Hoy Cara ayos ka lang ba?" Nagaalalang tanong pa niya sa akin.
Im definitely not ok...
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 44
Hindi ako nakatulog ng gabing iyon. Lutang ang aking pagiisip sa
kung ano ang mga tunay na nangyari. Walang akong kasama, wala
akonb pwedeng pagsabihan. Wala sina mommy at daddy. Dahil duon ay
muli na lamang ulit akong naiyak dahil na din sa awa na
nararamdaman ko para sa aking sarili.
Mabigat ang aking buong katawan nb marinig ko ang mga tilaok ng
mga manok sa labas ng aming bahay. Kailangan ko pa ding pumasok sa
school kahit ang totoo niyan ay parang ni ayoko ng lumabas ng
aming bahay dahil sa mga kahihiyan na aking naranasan nitong
nakaraan.
"Ayos ka lang ba cara?" Tanong sa akin ni Chelsie paglabas ko ng
kwarto.
Nakasukbit ang tuwalya sa aking balikat para sana magtungo na sa
banyo at maligo.
"Oo, ayos lang ako" pagsisinungaling ko pa sa kanya dahil ang
totoo ay sobrang sama ng aking pakiramdam.
"Wag ka na lang kaya munang pumasok, kung gusto mo hindi na din
ako papasok para may kasama ka dito" nagaalalang sabi ni chelsie.
I want to cry because of her concern. Pero napapagod na akong
umiyak kaya naman tipid ko na lamang siya nginitian.
"Ayos lang talaga ako chelsie, tsaka hindi na ako pwedeng umabsent
ngayong mga araw malapit na din kasi ang Exams" sabi ko pa sa
kanya.
Tumango na lang ito kahit mukhang napipilitan lang. "Ok sige,
maligo ka na. Ako na ang bahala sa almusal natin"
Pagkatapos maligo ay kumain na kami ni Chelsie. Dahil sa aking
pagligo ay parang mas lalong bumigat ang aking
pakiramdam. Pwede namang hindi ako pumasok sa unang klase ko pero
kailangan ko din kasing makipagusap kay sir rocky sa office nito.
Tuyong tuyo ang aking labi habang nakasakay ako sa bus dagdag mo
pa ang lamig dito. Buti na lamang at nakapagsuot ako ng jacket.
Ang aking mga mata ay sobrang bigat din. Napapakunot na lamang ang
noo ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Pagdating sa may bus stop ay maraming studyante ng university
namin ang pumasok. Halos lahat sila ay napapatingin sa upuan sa
aking tabi ngunit ni hindi halos gustuhing makatabi ako. Marahil
dahil sa aking itsura ngayon na parang may sakit.
"Good morning po, si Sir rocky po?" Tanong ko sa kanyang
secretary.
"Anong kailangan mo?" Medyo masungit na tanong nito sa akin.
"Pinapapunta po kasi niya ako dito, kakausapin daw po" kada
salitang binabanggit ko ay napapakunot ang noo ko dahil sa sobrang
sakit ng aking ulo.
Tiningnan ako ng kanyang secretary mula ulo hanggang paa baho ito
tumayo. "Teka at sasabihin ko muna" sabi niya pa sa akin at tsaka
siya pumasok sa isang glass wall office na may harang na puting
slides.
"Ikaw ba si cara?" Tanong sa akin ng secretary nito pagkabalik
niya.
Kaagad ko siyang tinanguan. "Opo" mabilis na sagot ko pa sa kanya
bago niya tinuro ang pintuan sa akin.
"Pumasok ka na daw" sabi pa nito.
Ilang beses kong nagawang lumunok dahil sa kaba, dapat pala ay
nagayos muna ako ng aking sarili bago pumunta dito. Andito na kaya
si lucas?
Tahimik ang opisina ni sir rocky pagdating ko sa may pintuan.
Kumatok muna ako bago ko tuluyang binuksan iyon.
"Good morning sir rocky" bati ko sa kanya.
"Good morning, come in" sabi pa niya sa akin kaya naman dahan
dahan akong pumasok sa kanyang office.
Nalungkot ako ng makitang wala naman si lucas dito. Akala ko ay
magkikita kami ngayon para makapagusap at makapagpaliwanagan.
"Hindi na kayo nag abot ni Lucas, kakaalis lang din niya" sabi
nito sa akin na lalong nagpasakit ng aking puso.
Mukhang sinadya nitong mauna para hindi kami magkita, mukhang
sobrang galit nga talaga sa akin si at mukhang totoo ding hindi na
niya ako kikilalanin pa.
"Nagpaliwanag na din si lucas sa mga nangyari kahapon cara, and he
take na responsibility. Hindi ko na sana papaabutin ito sa
guidance. I know lucas is running for something...sayang nga lang
at magkakaroon siya ng record" kwento ng panghihinayang ni sir
rocky sa akin.
Biglang naghurumentado ang aking puso dahil sa narinig. Ayokong
magkarecord si lucas sa may guidance lalabas iyon sa kanyang good
moral certificate. Paano na pagdating ng graduation niya?
Hindi din naman nagtagal ay pinaalis na ako ni sir rocky dahil
alam namam daw niyang may klase pa ako. Pinagsabihan lamang ako
nito na hindi talaga tama ang nanguaring iyon sa may event. Even
si leo ay may kaparusahan din daw but he is still in recovery
dahil sa nga natamong sugat dahil sa pambubugbog ni lucas sa
kanya.
Gusto kong pumunta sa may medicine building para sana muling
kumbinsihin si lucas na maniwala sa akin. Pero inisip kong baka
kailangan pa talaga niya ng time para makapagisip.
"Kamukha niya yung babae sa painting noh?" Namamanghang turo sa
akin ng isang lower year.
Nagpabalik balik ang tingin sa akin nung kasama niting babae at sa
hawak niyang cellphone. "Oo nga, siya pala iyong pinaguusapan sa
room" bulong pa nung isa kahit dinig na dinig ko naman.
Masama ang aking pakiramdam. Ayoko man sanang gawin ito sa kanila
pero they push my limit. Tiningnan ko sila ng masama, parang
napaiktad pa ang dalawa dahil sa gulat at mukhang takot dahil sa
aking ginawa. Hindi din naman nagtagal ay nagmamadali ang nga
itong umalis sa kanilang kinauupuan.
"And here we go again!" Mapanuyang salubong sa akin ni amiella
pagkapasok ko sa aming classroom.
Lahat ng aking mga kaklase ay nakatingin sa amin. Ang iba ay
natatawa at ang iba naman ay parang nandidiri pa. Nandidiri may
ass! Kung hindi ko lang alam eh ang iba sa kanila ay may itinatago
din naman.
"Sikat na sikat ka na sa buong university cara! I wonder kung
anong nararamdaman mo ngayon" nakangising tanong sa akin ni
amiela.
Gustong gusto kong lamutakin ang pagmumukha niya na nakangising
aso sa aking harapan.
"Tigilan mo na ako amiela" malamig na saad ko sa kanya at tsaka ko
siya kaagad na nilagpasan.
Dahil sa aking ginawa ay naghiyawan ang aking mga kaklase. Hindi
ko naman sila
pinansin pero mukhang hindi uubra kay amiela ang aking ginawa.
"At talagang ikaw pa ang matapang ngayon ha!" Sigas niya sa akin
na naging dahilan ng pagtahimik ng lahat.
"Amiela tigilan mo na si Cara" suway ng ilang mga kaklase kong
babae na mukha naman talagang mababait.
Hindi sila pinansin ni amiela bagkus ay lumapit pa ito sa aking
harapan. Sobrang sakit ng ulo ko kaya naman mas pinili ko ang
yumuko sa arm rest ng aking upuan.
"You bitch! Ano bang pinagmamalaki mo ha?" Inis na inis na tanong
niya sa akin dahil sa hindi ko pagpansin sa kanya.
Totoo nga ang mga katagang asar talo. Akala ko ay titigilan na aki
nito paghindi ko siya pinansin pero naghiyawan sa gulat ang mga
kaklase ko ng hilahin ni amiela ang aking buhok dahilan para
matumba ako pababa sa aking upuan.
"Ang yabang mo ha!" Sigas niya at tsaka niya malayang iwinasiwas
ang aking buhok.
"Tama na" nanghihinang pakiusap ko sa kanya.
Maging ang mga kaklase ko ay naghihiyawan. Anb iba ay pumipigil
ang iba naman ay nakikigatong pa. Hinayaan ko siya kahit sobrang
sakit na, nanghihina na kasi ako na kahit ni itaas lang ang aking
kamay ay hindi ko pa magawa.
"Hoy amiela tama na yan, may sakit ata si cara!"suway ng iilan.
Narinig ko pa ang mga batuhan nila ng salita. Hanggang sa
mapasinghap ang lahat ng tuluyan akong bumagsak sa
may sahig.
"What's happening here!?" Galit na sabi ng mukhang kararating lang
naming professor. Yun na lamang ang huling nadinig ko bago ako
tuluyang mawalan ng malay.
Nagising ako dahil sa lamig. "Buti at gising ka na, uminom ka muna
ng gamot" bungad sa akin ng nurse sa aming clinic.
Sinubukan kong umupo pero napapahiga akong muli dahil sa sakit ng
aking ulo. Pinagpapawisan na din ako ng malamig kahit sobrang
ginaginaw ako.
"Ang salbahe naman talaga niyang kaklase mo" inis na kwento nito
na kung hindi ako nagkakamali ay si amiela ang tinutukoy niya.
Hindi ako nakapagreact duon, basta ay nahiga na lang muna ulit ako
pagkatapos kong uminom ng gamot. Muli akong nakatulog sa
pangalawang pagkakataon. Pagkagising ko ay nakita kong
magaalastres na ng hapon. Wala ako ni isang napasukan na klase.
"Thank you po" sabi ko duon sa nurse.
"Uminom ka ng gamot at magpahinga" bilin pa niya sa akin na
tinanguan ko.
Nakaramdam ako ng gutom kaya naman pumunta ako sa cafeteria. Kaya
ko na din sigurong pumasok sa 4:30 kong klase. Bumili ako ng kanin
at isang order ng ulam, bumili din ako nung may mainit na sabaw
para mainitan ang aking sikmura.
Maingay sa cafeteria dahil sa mga nagmimirienda. Nagpatuloy lang
ako sa pagkain at hindi inaalala ang mga tao sa aking paligid.
Dahan dahan ang nagawa ko dahil pa din sa panghihina. Pero
napatigil ako
dahil sa naramdaman kong matang nakatingin sa akin.
Sa kabikang gawi ay nakakumpol ang ibang medicine student. Medyo
may kaingayan ang mga ito na parang nagtatalo pa sa mga hawak
nilang handouts.
"Lucas..." sambit ko ng makita ko ang mga mata niyang nakatingin
sa akin.
Gusto ko sanang matuwa dahil kahit papaano ay tinitingnan niya ako
sa malayo. Pero masakit din ang ibinibigay niyang tingin sa akin
na para bang pinandidirihan niya ako.
"Cara!" Tawag sa akin ni tali ng makita niya ako.
Kaagad siyang umupo sa upuan sa aking harapan dahilan para
matakpan niya ang kinalalagyan ni lucas. Kakaiba ang tingin nito
sa pagkain sa aking harapan. Di pa naman siya nagsasalita kaya
naman pinagpatuloy ko ang aking pagkain.
Tumunog ang kanyang cellphone kaya naman kaagad niyang binuksan
iyon. "Oh my gahd" pagsinghap na sambit niya tsaka siya napatingin
sa akin.
Mukhang hindi lang siya ang nakatingin sa akin ngayon. Halos lahat
sa loob ng cafeteria ay ganuon din. Nakatingin sila sa kani
kanilang cellphone habang pabalik balik ang tingin sa akin.
"Anong meron?" Naguguluhang tanong ko kay tali.
Napahinto lang ako ng tumunog din ang cellphone ko tanda na may
dumating na notification.
Cara isabelle mendez is Pregnant!
Halos mailuwa ko ang aking kinakain dahil sa nabasa. Napatingin
ako sa paligid dahil mukhang ito ata ang kanilang tinitingnan.
Natakot akong tingnan si lucas, pero sa huli ay nagawa ko.
Pinagsisihan kong tiningnan ko siya dahil nakakatakot na galit
lang niya ang naabutan ko. Mabilis itong tumayo sa kanyang
kinauupuan dahilan para tumayo din ako at habulin siya.
"Lucas teka! Teka lucas magpapaliwanag ako" pagpigil ko pa sa
kanya. Pero mas lalo lamang nitong binilisan ang lakad niya.
Dahil sa pagkahilo ay napahawak ako sa poste na malapit sa akin.
Umikot nanaman ang aking paningin dahil sa sakit ng ulo na aking
nararamdaman.
Hindi niya ako binalikan o pinansin man lang. Siguro kailangan pa
din ni lucas ng time para makapagisip. Hindi ko alam kung hanggang
kailan.
Umuwi na ako sa bahay at duon na nagpahinga. Marahil dahil sa
aking pagkawalan ng malay kanina ay kaagad nila iyong binigyan ng
kahulugan.
Walang mangyayari kung papansinin ko ang ibang tao siguradong
mapapagod at masasaktan lamang ako.
"Cara kain na tayo" pag gising sa akin ni chelsie kinagabihan.
"Busog pa ako" sagot ko sa kanya pero ang totoo mas gusto ko lang
talagang mahiga na lang.
"Cara naman eh, pangatlong yaya ko na ito sa iyo...kailangan mong
kumain" suway sa akin ni chelsie.
Kahit anong pilit ang ginawa niya ay di na talaga ako bumangon pa.
Gustong gusto ko ng ipikit ang aking mga mata dahil sa antok na
nararamdaman ko.
Mapayapa ang naging tulog ko hanggang sa magising ako ng mga alas
dos ng madaling araw. May mga ingay kasi akong nadidinig sa labas
sa may sala.
Dahil nakatulog na ay nagawa ko ng
tumayo. Dahan dahan muna ang ginawa kong paglakad dahil habang
papalapit sa may pintuan ay mas lalo kong nadidinig ang mga boses
sa may labas.
"Dalian niyo! Kuhanin niyo lahat ng pwede niyong makuha" rinig
kong sabi pa nung isa.
Dahil duon ay nakarinig ako ng bagay na mukha ginagalaw. Mabilis
akong tinubuan ng takot at kaba. Kaagad kong kinuha ang aking
cellphone. At duon ko nakita ang kanina pa palang text ni chelsie.
"Cara tulong! Anong gagawin natin?" Isa lamang iyan sa mga text
niya. Mukhang gising na din ito at nagtatago lang sa kanyang
kwarto.
Kaagad kong dinial ang number ni chelsie pero halos mapamura ako
ng mukhang hindi niya iyon sinilent.
"Ano yon? Tingnan niyo nga!" Sabi nung mga lalaki sa labas.
Mas lalo akong kinabahan ng humiyaw si chelsie sa kabilang kwarto
ng mukhang sinusubukan ng mga lalaking buksan ang kanyang pintuan.
Nataranta ako at mabilis na naghanap ng bagay na pwede kong
magamit na armas laban sa kanila hanggang sa nakita ko yung medyo
may kahabang tubo na pinagsasabitan ng aking mga damit.
Mabilis kong binuksan ang pintuan at pinalo sa likuran ng tubo ang
lalaking nakatalikod sa akin.
"Aba't p*tang ina!" Sigaw nito dahil sa sakit.
Hahatawin ko sana siyang muki pero kaagad niya iyong nasalag at
kaagad akong tinulak paupo sa may sofa. Isang suntok ang ibinigay
niya sa akin dahilan para manghina ako at hindi na magawang
tumayo.
"Palaban ka din talaga eh ano!?" Mapanuyang sabi ng lalaking may
takip ang mukha sa aking harapan.
"Ervic! Hayop ka!" Sigaw ni chelsie ng makuha na din siya ng
dalawa pang lalaking mukhang kasama ni ervic.
Napatawa ito at tsaka niya inalis ang takip sa mukha. "Mukhang
masarap ang magiging midnight snack natin ngayon ah!" Nakakadiring
sabi nito sa mga kasama.
"Paano ba yan boss, edi sa amin na ito" tukoy ng dalawa kay
chelsie na naging dahilan ng paghingi nito ng saklolo.
"Sa inyo na, ilang beses ko ng natikman yan habang wala si elena
dito. Dito na lang ako kay cara...mukhang hindi pa ata nakakatikim
ang isang ito, bibigyan ko siya ng isang malupet" sabi pa niya na
kaagad nilang ikinatawang tatlo. Mabilis na nagtayuan ang mga
balahibo ko ng simulang haplosin ni ervic ang aking paa paakyat sa
may hita.
Nanghihina pa din ako dahil sa natamong suntok mula sa kanya, pero
nagawa ko pa ding lingunin kung saan nila dinala si chelsie. Sa
may dinning, sa ibabaw ng lamesa ay ang walang kalaban labang
pinsan ko sa dalawang lalaki.
Nakakadiri anb itsura ni ervic na halata naman talagang gumagamit
ng ipinagbabawal na gamot. "Matagal ko ng gustong gawin ito sayo
cara, pero masyado kang mailap. Wag kang magalala magugustuhan mo
ito" sabi pa niya sa akin bago niyang sinumulang halik halikan ako
sa leeg.
Gusto kong magsisisigaw pero tinakpan niya ang aking bibig.
Malayang gumala ang kamay niya sa ibat ibang parte ng aking
katawan lalo na duon sa maselang bahagi. Nagpumiglas ako kaya
naman isang malakas
na sampal ang iginawad niya sa akin. Muntik na akong mawalan ng
malay dahil sa lakas nuon.
"Wala ka ng kawala sa akin ngayon" nagmamadaling sabi niya habang
nagmamadaki niyang hinuhubad ang sinturon niya. Dahil duon ay
nagkaroon ako ng pagkakataong masipa siya sa tiyan na naging
dahilan ng pagkatumba niya.
Kinuha ko ang isang flower base na nakadisplay at pikit matapang
ipinalo iyon da ulo ni ervic.
"Hoy si boss!" Sigaw ng isa dahilan para sumugod ito sa akin. Buti
na lamang at may alam akomsa self defense kaya naman kaagad ko
siyang tinuhod sa kanyang maselang bahagi na naging dahilan kung
bakit namilipit siya sa sakit.
Ang kaninang tubong hawak ko ay muli kong dinampot para sunod
sunod na paluin sa likod ang natitirang lalaki. Iyak ng iyak si
chelsie pero kaagad din naman niya akong tinulungan sa pagpalo sa
lalaking iyon. Inabot niya yung kaldero at mabilis na ipinalo sa
ulo ng huling lalaking nakatayo.
"Lumabas na tayo!" Yaya ko sa kanya.
Napapahiyaw ito dahil sa takot na nararamdaman. Mabilis naming
tinahak ang daan papunta sa pinto pero nahawakan nung lalaking
tinuhod ko kanina ang aking paa dahilan para hindi ako makalakad.
"Sige na chelsie mauna ka na! Humingi ka ng tulong!" Sigaw ko sa
kanya dahil nakalabas na siya ng pinto.
"Pero cara hindi kita iiwan!" Umiiyak na sigaw niya.
"Humingi ka na ng tulong sige na!" Sigaw ko sa kanya. Pupulot sana
muli ako ng bagay na pwedeng ipamalo sa lalaking nakahawak sa
aking paa ng kaagad nanlaki ang aking mata.
"ERVIC WAG!" umiiyak na hiyaw ni chelsie.
Parang nalagutan ako ng hininga habang dinadama ko ang kutsilyong
nakabaon sa aking tagiliran. Mabilis na tumulo ang mga luha sa
aking mga mata. Halos mapadaing ako ng mabilis niyang hinugot iyon
sa aking katawan. Napahawak ako dito at kaagad nakita ang dugo.
"CARA!" Sigaw ni chelsie ng matumba na ako sa sahig.
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 45
"Nagsasalita yan Chelsie...tahimik lang talaga"
"Parang hindi naman" rinig kong pabirong sabi ng aking pinsan.
May mga naririnig akong boses kahit nakapikit, pilit kong
kinikilala kung sino sino ang mga naguusap na iyon. Pero ang
sobrang nagpapakunot sa aking noo ay ang kamay na nakahawak ng
mahigpit sa aking kamay.
Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. At kaagad na
sumalubong sa akin ang namumugtong mga mata ni Suzy. "Cara!" Sigaw
niya at tsaka muling umiyak.
"My gahd! Akala ko di ka na gigising!" Parang batang pagmamaktol
nito.
"Baby naman" malambing na suway sa kanya ni kuya ken na ngayon ay
nakatayo na din sa gilid ng aking kama.
Mabilis na naglapitan ang lahat ng malamang gumising na ako. "Cara
mabuti na lang at gising ka na" may pagaalalang sabi ni chelsie sa
akin.
May pasa siya sa gilid ng kanyang labi. Gusto ko din sana siyang
kamustahin ang kaso ay nahihirapan pa akong ibuka ang aking bibig
dahil sa panunuyo nito.
"Gusto mo ba ng tubig? Nagugutom ka ba cara? Alam mo bang tatlong
araw ka ng tulog diyan!" Umiiyak pa ding sabi ni suzy sa akin.
Gusto ko sanang matawa dahil sa kanyang reaksyon, kahit kailan
talaga ay may pagkaOA ito, pero alam ko naman kasing nagaalala
talaga siya para sa akin. She is my bestfriend, my sister.
Pinilit kong ngumiti sa kanya tsaka inabot ang ulo niyang
nakadukdok sa gilid ng aking kama. Ang karamay kong iyakin sa
lahat ng bagay. Muli itong nagangat ng tingin sa akin tsaka na
siya yumakap sa akin dahilan
para mapadaing ako.
"Sorry sorry..." pagaalala niya.
Nginitia ko pa din siya kahit nahihirapan ako. Puro pangangamusta
naganap ng umagang iyon. Pero ang taong inaasahan kong makita ay
hindi nagpagkita sa akin hanggang sa maghapon na.
Dito silang lahat nagtangalian sa aking kwarto dahilan kung bakit
nagrereklamo si chelsie dahil sa naging kalat. "Kay yayamang tao
napakaKalat!" Pagrereklamo nito pero patuloy pa din naman siya sa
pagpupulot ng mga naiwang styro sa may mesa.
"Do you need help ate chelsie?" Tanong ni kendall sa kanya.
"Wag na baby girl, masyado kang maganda para dito" sabi pa niya.
Kahit kailan talaga itong si chelsie, kaya naman napapailing na
lamang si Zeus at thomas sa kanya. Si Zena naman ay tuwang tuwa
dito na para bang nagugustuhan niya ang ugali ng aking pinsan.
Tahimik naman si Zafara, tammarie at kendall sa gilid na para bang
takot matarayan ni chelsie.
"Kumikirot ba?" Tanong ni suzy sa akin.
She almost ask the same question almost a hundred times. "Ang
kulit...hindi nga po" pabirong sagot ko dito pero di pa din
nawawala duon ang aking panghihina.
"Busy si mommy at
niyo, nasa police
gising ka na kaya
kwento sa akin ni
daddy duon sa mga magnanakaw na pumasok sa bahay
station sila ngayon. Pero sinabi ko na ding
naman, anytime now darating na ang mga iyon"
suzy na ikinatango ko na lamang.
Tiningnan ko silang lahat, busy ang tatlong babae sa mga hawak
nilang cellphone. Si tammarie at zeus naman ay parang may sariling
mundo. Hindi man sila ganuon ka PDA ay alam naming mas something
sa
kanila. Si thomas na palagi namang tahimik ay nagbabasa ng libro
sa may sofa. Masyado siyang seryoso. Mukhang totoong gustong
maging abogado.
Bumakas ang pinto at iniluwan nuon sina tita sam at tito luke.
Tita sam immediatly walk towards me. Mabilis niya akong niyakap at
hinalikan sa pisngi.
"Thank God you are already awake cara, sobra kaming nagalala sa
iyo" maluha luhang sabi pa nito sa akin.
"Maayos na po ang lagay ko ngayon tita sam" pagpapagaan ko ng
kanyang loob.
Nginitian ko si tito luke na nasa gilid nito pero hinalikan lamang
ako nito sa noo. Just like what he do to suzy pag umiiyak ito at
may problema. Di ko talaga kailan man naramdaman ang pagkukulang
ng isang magulang dahil kung ano ang ipinapakita nila sa kambal ay
ganuon din ang sa akin.
"You should rest, duon na kayo tumira ni chelsie sa bahay. I wont
let you stay there again cara, hindi na ako papayag" paninindigan
nito na may halong pagsusumamo.
Kaagad nanlaki ang mata ni chelsie dahil sa nadinig. "Yehey! Sa
magandang bahay na ako titira" pumapalakpak na sabi nito.
Nginitian ko lang siya. Pero dahil sa ingay nito ay may isang
nagalit. "Can you shut up?" Masungit na tanong ni thomas dito
tsaka inayos ang suot na reading glass.
"Sorry lolo!" Asar ni Chelsie sa kanya na tinawanan din ng iba pa.
Inasikaso ako ni tita samantha sa buong oras na naduon siya. Ako
na nga lang minsan ang pumipigil sa kanya dahil ayoko naman na
masyado niyang pagurin ang sarili niya para sa akin. Nang dumilim
na ay
mas lalong kumirot ang aking sugat, dagdag mo pa ang lamig ng
aircon. Di tuloy ako makagalaw sa aking kinahihigaan kaya naman si
suzy na ang nagpresintang subuan ako.
"Aba magaling po talaga itong pinsan kong magkarate! Aba't isang
tuhod niya lang duon sa lalaki eh bagsak kaagad!" Maingay na
kwento ni chelsie kina tita sam.
Natutuwa naman sina tita sam sa kanya dahil kahit medyo matabil
din ang dila ay rumirespeto pa din siya.
"Ang auntie elena mo?" Tanong ni suzy sa akin.
Nagkibit balikat ako dahil hindi ko din naman alam kung ano ang
isasagot ko sa kanha gayong wala naman kaming balita kay auntie sa
kung saan ito nagpupunta.
Nakatitig ako kay suzy dahil mayroon akong gustong itanong sa
kanya.
"Alam ba niya?" Mahinang tanong ko dito sabay iwas ng tingin.
Mas lalong nasaktan ang puso ko ng makita kong malungkot na
tumango si suzy sa akin.
Kung ganuon ay alam ni lucas ang nangyari sa akin. Hindi naman sa
gusto kong kaawaan niya ako. Masakit lang isiping kahit muntik na
akong mamatay ay buo pa din ang desisyon niyang layuan ako.
"Simula nung nalaman niya di na siya umuwi sa bahay. Ang hinala
nila daddy sa condo niya ito nagstay hanggang ngayon" kwento pa sa
akin ni suzy na para bang nahihiya siya at humihingi ng paumanhin.
Tipid ko siyang nginitian "ayos lang" sabi ko pero traydor talaga
ang aking mga luha dahil kasabay ng pagsisinungaling kong ayos
lang ako ay mabilis silang lumandas pababa sa aking pisngi.
Halos araw araw nila akong dinadala. Puro kain din ang ginagawa
nila duon kaya naman wala talagang tigil ang bunganga ni chelsie
na kahit papaano ay naging close na din sa mga kaibigan ko.
Paminsan minsan ay wala ang mga ito dahil sa may klase sila. Pero
ginagawa naman nilang tambayan ang kwarto ko dito sa hospital.
"Grabe! Hindi ko na nakilala si ervic! Wasak ang mukha!" Naaamaze
na sabi ni chelsie pagkauwi niya isang araw.
"Bakit anong nangyari?" Kunot noong tanong ko dito.
"May bumugbog daw eh, tapos iniwan yung katawan sa harap ng police
station. Di pa din alam kung sino ang gumawa nuon sa kanya,
sabagay marami naman kasing kaaway iyon dapat lang din iyon sa
kanya!" Gigil na gigil na sabi ni chelsie sa mga huli niyang
sinabi.
Hinayaan ko na lamang siyang magalit. Hindi mo din naman siya
masisisi dahil sa mga nangyari.
"Si auntie? May balita na ba?" Tanong ko pa din sa kanya.
Lumipad ang mga mata nito sa kung saan, kaming dalawa lang ngayon
ang tao sa loob ng kwarto. Kasabay ng kanyang pagirap ay ang
pagtulo ng kanyang mga luha. "Ewan ko ba! Wala na ata talagang
pakialam iyon sa akin, sa atin!" Lumuluhang sagot niya sa akin.
Nakaupo ako ngayon sa may edge ng kama kaya naman naglahad ako ng
kamay para mayakap ko siya.
"Hindi yan totoo chelsie, may pakialam sayo si auntie...mahal ka
nun, anak ka niya eh" pagpapagaan ko sa kalooban niya.
Mga ilang araw lang din akong nagstay sa may hospital, pinuntahan
na din ni tita sam ang school para ipaalam ang nangyari sa akin
kung bakit ako hindi nakakapasok. Nalaman din nito ang mga
kumakalat
na maling balita sa social media kaya naman kinausap ni tito luke
si tito zach tungkol sa mga dapat managot dito.
Walang nagbanggit tungkol sa painting na ginawa ni leo, property
na kasi iyon ng university at hindi naman daw iyon hawak ni tito
zach dahil ang pinsan niyang si sir robbie ang may hawak nito.
"Wow! Super ganda naman po ng bahay niyo!" Naamaze na sabi ni
Chelsie pagkapasok namin sa bahay nila tita samantha.
Halos mabali ang leeg nito dahil sa nakikita. Halos manlaki din
ang mata niya ng makita ang malalaking portrait ng pamilya sa may
magarang hagdanan.
"Oh my gahd!" Pagsinghap niyanat tsaka napatakip pa sa bibig
habang nakaturo duon sa malaking litrato ni lucas na katabi ng kay
suzy.
"Siya yung swimmer sa school niyo Cara di ba? Ang gwapo talaga
niya!" Di matigil ang bunganga nito.
"Kuya ko siya, kambal kami" si suzy na ang sumagot dito.
Napapailing na lamang si Chelsie dahil sa pagkamangha niya, ako
naman ay napapangiti na lang din.
"Eh bakit hindi siya nagpakita duon sa hospital?"inosenteng tanong
nito sa amin.
Sina tita sam at suzy ay parehong napatingin sa akin kaya naman
nagbaba na lamang ako ng tingin. At dahil mukhang naramdaman ni
tita sam ang aking pagkailang ay hinila na niya si chelsie
paakyat.
"Tara hija, ipapakita ko sayo ang magiging kwarto mo" sabi ni tita
sam dito dahilan kung bakit mas lalong natuwa si chelsie.
"Sorry talaga cara, hindi namin siya maContact eh"
paumanhin ni Suzy.
Pinagpahinga muna nila ako sa aking dating kwarto. Maging sa
pamilya ni lucas ay hindi siya nagpapakita. Ako tuloy ang mas
nagaalala para sa kanya. Asaan na nga ba siya? Anong nangyari?
Si tita sam lang ang kasama ko sa bahay ng mga sumunod na araw,
may pasok kasi sina Chelsie at susy, maging si tito luke ay may
pasok din sa opisina nito.
"Magluluto tayo ng pochero na paborito niyo ni lu..." hindi na
natuloy ni tita sam ang gusto niya sanang sabihin.
"Asaan na nga ba ang baby ko?" Malungkot na tanong nito sa sarili.
"Sorry po tita sam" yun na lamang ang nasabi ko sa kanya dahil
pakiramdam ko ay may kasalanan ako kung bakit hindi umuuwi si
lucas sa bahay nila. Dahil ayaw niya akong makita...
Hinila ako ni tita sam para yakapin. "Wala ka namang kasalanan
dito cara anak...baka may problema lang si lucas kaya ganyan."
Pagaalo pa niya sa akin imbes na ako sana ang magaalo sa kanya.
May biglaang lakad si tita samantha kinahapunan kaya naman ako
nanaman magisa ang naiwan sa bahay. Ayoko na din namang magpahinga
dahil sawa na akong gawin iyon. Yon lang kasi ang ginagawa ko sa
mga nakaraang araw.
"Ma'm cara saan po kayo pupunta? Baka po hanapin kayo ni ma'm
samantha" sabi sa akin ng isa sa mga kasambahay pagkababa ko sa
may hagdanan.
"May pupuntahan lang po akong importante, babalik din po ako
kaagad" paalam ko dito. Kaya naman bago pa man niya ako mapigilan
ay mabilis na akong lumabas ng bahay.
Nagpahatid ako sa driver nila lucas dahil kinukulit
ako nito na mas lalo daw siyang mapapagalitan nila tita sam kung
hahayaan niya akong umalis magisa.
Marami tao sa labas ng univeristy pagkadating namin. Pero hindi
duon ang sadya ko kundi sa condo unit ni leo. Sa pagkakaalam ko ay
nasa condo na siya ng ganitong mga oras pag ganitong oras.
Hawak hawak ko pa din ang aking tagiliran dahil sariwa pa ang
sugat dito. Hinintay kong bumukas ang elevator at buti na lamang
at wala pa gaanong tao kay hindi ko kailangan matakot na baka
masiksik ako.
Parang akong lumulutang habang naglalakad papalapit sa unit ni
leo. Gusto ko siyang makausap ng maayos. I badly need his
explaination about this.
Ilang door bell lang ang nagawa ko bago tuluyang bumukas ang
pintuan ng kanyang condo unit, pero ang lubos na nagpagulat sa
akin ay ang makita duon si tali. Na nuong isang araw lamang ay
naging kaClose ko na din.
Mukhang nagulat din siya ng makita niya ako. "Tali anong ginagawa
mo dito?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.
Bago pa man ito makasagot ay sumilip na si leo sa may pintuan.
"Anong ginagawa mo dito Cara?" Malamig na tanong sa akin ni leo.
Nagpapalit palit ang tingin ko sa kanilang dalawa. "Paano...bakit
kilala mo si tali?" Naguguluhang tanong ko kay leo.
Nagpakawala ng mabigat na buntong hininga si leo dahil dito. "Tali
you should go inside" utos ni leo dito.
Dahil sa pagpapasok ni leo dito ay umuwang ng malaki ang pintuan
kaya naman nakita ko ang mga maleta sa may sala.
/>
"Aalis ka?" Gulat na tanong ko sa kanya.
"Tali is my cousin, aalis na kami tutal ay tapos naman na ang
sadya namin dito" seryosong sabi ito na ikinakunot ng aking noo.
"Anong sadya ang sinasabi mo?"
"Ang pahirapan si lucas, ang patayin siya ng paunti unti"
diretsahang sabi niya sa akin na ikinalaki ng aking mata.
"Anong ibig mong sabihin? Asaan si lucas!?" Di ko na napigilan ang
pagtaas ng aking boses.
Nginisian lamang ako ni leo. Mabibigat na din ang nagawa kong
paghinga dahil dito.
Pinilit kong pinasok ang condo unit niya na halos nakaligpit na
ang lahat ng gamit.
"LUCA..." sisigaw sana ako at nagbabakasakaling nasa loob si lucas
dahil sa halo halong konklusyon na pumapasok sa aking ulo.
Pero napahinto ako sa dapat sanang pagsigaw ng pangalan ni lucas
ng makita ko ang kabuuan ng painting ng mukhang ng isang babae una
kong nakita sa loob ng kanyang kwarto.
Kung titingnan mo ay normal lang na painting ito. Pero kung
lalapitan mo ay makikita mong puro butas na ang buong painting na
tila ba ginawang isang dart board.
"My sister died because of lucas, masyado kasing nabaliw ang
kapatid ko sa walang hiyang lucas na yan. Kagaya hg pagkabaliw mo
sa kanya cara...pero bakit ikaw ang pinansin at hindi ang kapatid
ko?" May hinanakit na tanong ni leo sa akin.
Napaawang ang bibig ko dahil sa nadinig. "Wala...wala akong alam
tungkol diyaan leo" sabi ko sa kanya.
Alam kong nuon pa man ay marami
nang may gusto kay lucas, pero parang wala naman ata akong
nabalitaang nabaliw sa kanya kagaya ng pagkabaliw ko dito.
"Wala kang alam! Yun na nga ang nakakainis! Walang kang alam cara!
B*llshit!" Frustrated na sigaw nito.
"My Sister took her
niya! I wonder kung
base sa mga nalaman
babaeng desperadang
sa pagmumukha ko na
mukha.
life dahil kay lucas, dahil ikaw ang gusto
ano nga ba talaga ang special sayo cara? Eh
at nasaksihan ko isa ka lang ding ordinaryong
mapansin ng lalaking gusto nila!" Singhal niya
naging dahilan kung bakit nasampal ko siya sa
Nginisian lamang ako nito. "Nakaganti na ako para sa kapatid ko.
Tapos na ang trabaho ko dito, nice to meet you cara" pagkasabi
niya nuon ay kaagad niya sana akong tatalikuran ng pigilan ko siya
pero halos maduwal ako ng sakalin ako nito.
"Layuan mo na ako pwede ba! Lumayo ka na!" Sigaw niya sa akin at
patulak akong binitawan dahilan kung bakit tumama ang sugat ko sa
kung saan.
Napahiyaw ako sa sakit. Napakapa ako sa aking sugat at tsaka
nakitang dumudugo ito. "Kuya leo!" Gulat na tawag ni tali ng
makita ang aking kalagayan.
Gusto kong tumayo na at lumabas na duon pero di ko magawang
tumayo. Maya maya ay nakarinig kami ng malalakas na pagkatok mula
sa kanilang pintuan. Di ko na alam kung sino ang nagbukas nuon
basta ang nakita ko na lamang ay tumilapon na pahiga si leo sa
kanyang sahig.
"Kuya andito si cara!" Rinig kong sigaw ni mikhael kung hindi ako
nagkakamali.
Magulo ang
aking paningin dahil sa mga nangyayari dagdag mo pa ang pagkirot
ng aking dumudugong sugat.
"P*tangina!" Gulat na sigaw ni kuya matthew pagkakita niya sa
akin.
"Kuya matthew!" Naiiyak na tawag ko sa kanya dahil hindi ko alam
kung bakit parang may kung anong nawalang mabigat na bagay na
nakadagan sa dibdib ko ng makita ko siyang muli.
Hindi na siya nagpaligoy ligoy pa at tsaka niya ako binuhat
palabas duon sa unit ni leo.
"Ano bang nangyayari sayo ha! Hindi kita iniwan para magkaganyan
ka Cara!" Pagalit na sigaw nito sa akin pero imbes na matakot ay
mahigpit ko siyang niyakap at tsaka umiyak na kanyang dibdib.
Mabilis niya akong isinakay sa kanyang sasakyan. At kaagad din
naman dinala sa hospital katabi ng university namin kaya kaagad
akong nalapatan ng paunang lunas.
Nakiusap ako sa kanyang wag ng ipaalam ito sa iba dahil ayoko na
magalala pa sila sa akin. Galit siya sa akin at hindi ako
pinapansin pero sa mga galaw niya ay alam kong nagaalala siya sa
akin.
"Kakauwi ko lang at ganito kaagad ang maabutan ko? Mabuti na
lamang at may nakakita sayong pumasok dito." Galit pa din siya.
Nakatingilan lang ako sa kanyang nakabusangot na mukha. Pero hindi
din naman na ako nito natiis. Gusto pa sana niyang duon na ako
magstay sa hospital pero sinabi kong malalaman nila ang nangyari
sa akin kung hindi ako uuwi ng bahay.
Ni halos ayaw ako nitong palakarin. Kahit pagdating sa bahay nila
tita sam ay buhat buhat pa niya ako paakyat din sa aking kwarto,
nahiya tuloy ako dahil baka nabigatan siya sa akin.
"Isa pang pogi ah!" Pangaasar sa akin ni Chelsie.
Siya pa lang ang tao sa bahay, pero sigurado akong maya maya
lamang ay pauwi na din ang iba.
Nanduon lamang si kuya matthew sa loob ng kwarto at nakatingin sa
akin. Tahimik lang siyang nakamasid kaya naman tuloy parang
naiilang ako.
"Nga pala cara tumawag si tita marie! Uuwi daw siya dito sa
pilipinas!" Excited at masayang masayang kwento niya sa akin.
Dahil duon ay natuwa din ako. "Talaga?"
"Oo! At mas lalo kang maExcite dahil isasama niya tayo pabalik ng
Texas!" Maligayang hiyaw pa niya.
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 46
Sobrang bilis nang paglipas ng isang linggo. Sobrang lungkot din
sa bahay dahil halos silang lahat ay nasa school. Si tita samantha
lang ang palagi kong kasama, wala kaming ginawa sa bahay kundi
magbake tsaka niya ako tinuturuang magluto.
Minsan ay wala din siya sa bahay dahil naghahatid ito ng lunch sa
office ni tito luke. Gusto man din sana niyang isama ako ang kaso
ay hindi na ako sumama dahil ayoko namang sirain ang moment nilang
dalawa.
"Miss ko na si Sungit" sambit ni Suzy isang araw ng nakaupo kami
sa may veranda nila habang nagmimirienda.
Halos magtatatlong linggo ng nawawala si lucas. Sobra nang nag
aalala si tita sam pero palagi naman siyang inaalo ni tito luke na
hinala naman ni Suzy na may alam kung nasaan si lucas.
"Ano ba talaga ang nangyari? Bigla na lang siyang nawala...pumasok
pa naman siya pagkatapos nung nangyari sa university gallery ah?
Bakit bigla na lang siyang nawala...ano late reaction?"
Naguguluhang tanong ni Susy sa kisame dahil duon siya nakatulala.
Gusto ko man sanang sagutin ang mga tanong niya ang kaso ay kahit
ako hindi alam kung bakit nga ba nawawala si lucas ngayon. Ano nga
bang dahilan kung bakit hindi siya nagpapakita sa amin. Paano na
sa school? Hindi naman siguro papayag yon na aabsent siya ng
tatlong linggo.
"Babalik din siya...hintayin na lang natin" pagaalo ko kay suzy.
Lalo tuloy humigpit ang yakap niya sa akin. "Pakasal na nga kayo
para sureball na wala ng hiwalayan" pagbibiro nito
na ikinatawa ko.
"Masyado pa kaming bata para diyan...tsaka nagaaral pa si lucas
tsaka ako. Ano ka ba!" Pangaral at suway ko pa sa kanya.
"Ikaw lang talaga ang gusto ko para kay Kuya, kaya dont worry
cara. Whatever happens ikaw lang ang sister in law ko!"
Paninigurado pa nito sa akin kaya naman napangitinna lamang ako.
Ilang araw pa akong nagpahinga bago ako muling pinayagan ng doctor
na pumasok sa school. Mukhang maasyos naman na ang lahat dito,
hindi na katulad nung huli kong punta dito na halos lahat ay
magulo. Gaya nga ng sinabi ni tito luke ay mukhang kinausap nila
si tito Zach tungkol sa mga issues.
"Tali and leo was gone..." naiiling na sambit ni cara habang
naghihintay kami sa quadrangle ng saktong oras ng klase namin.
Hindi man kami magkaklase ay pareho naman kami ng buikding na
pupuntanhan.
"They're cousins, sabi niya her sister died because of lucas.
Obsession daw?" Hindi siguradong kwento ko dito.
She has the right to know though, kuya niya ang pinaguusapan dito
at tsaka bestfriend ko siya, no secrets allowed. Hindi man malinaw
ang lahat para sa akin ay malakas tuloy ang pakiramdam kong
anytime soon magtatagpo ulit ang landas namin ni leo.
Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari sa pagitan naming
dalawa. I trusted him, sobra sobra ko siyang pinagkatiwalaan kaya
naman hanggang ngayon ay wala pa din sa aking isipan ang ginawa
niyang panloloko sa akin.
"Be careful ok? Text mo ako kaagad o tumawag ka" paalala sa akin
ni suzy ng maghihiwalay na kami para pumunta sa sari-sarili naming
room.
"Ok po" nakangising sagot ko sa kanya dahil
natutuwa talaga ako sa ipinapakita niyang concern sa akin.
Sobrang happy go lucky kasi nito kaya naman nakakapanibago talaga
tuwing nagseseryoso siya o kaya naman ay nagpapakita ng sobrang
pagaalala.
"Good morning ma'm" bati ko sa professor namin.
Tinanguan ako nito tsaka siya bumalik sa kanyang ginagawa. Tahimik
akonh umupo sa aking pwesto bago ako napatingin sa aking paligid.
Wala na yung mga mapamunang mata ng mga kaklase ko. Halos lahat
nga sila ay parang nagiiwas ng tingin sa akin, kaya naman hindi pa
din pala maayos at normal ang lahat.
Pagkatapos ng klase ay pumunta ako sa student lounge na palagi
nilang pinagtatambayan. Napanguso ako ng makitang walang tao duon,
mukhang may mga klase pa kaya naman naglakad na lang ako papunta
sa may canteen.
"Cara!" Tawag sa akin ni kuya matthew kaya naman kaagad akong
napalingon sa pinanggalingan ng kanyang boses.
Mula sa soccerfield ng university ay tumakbo ito. "Saan ka
pupunta?" Tanong niya sa akin.
Tinuro ng daliri ko ang daan patungo sa canteen. "Sa canteen po,
kakain" sagot ko sa kanya.
Tumango ito at tsaka nagpahid ng pawis mula sa kanyang noo.
Naglalaro ito ng football kasama sina thomas at zeus at ang iba
pang member ng football team.
"They invite me para magturo" kwento na lang din niya tungkol kung
bakit siya nasa university.
Napatango ako, hindi na kasi nakakagulat dahil nuong si kuya
matthew pa ang college student ay player din siya ng football team
nila. At isa siya sa mga star player.
"Kuya matthew!" Sigaw na tawag ni Zeus na nasa may gitna ng
malawak na soccer field.
Nagpaalam sa akin si
kuya matthew na kailangan na nilang magpractice, bago pa man din
ako nito pinakawalan ay sinabihan na niya ako kung ano yung mga
pwede at hindi ko pwedeng kaining pagkain.
"Damn sh*t!" Tiling sigaw ni amiella sa hindi kalayuan.
Napakunot ang noo ko nang mapansin kong may hawak itong walis at
halos magtatatalon na dahil sa pandidiri, ang mga dumadaan tuloy,
babae man o mga lalaki ay napapailing na lamang sa kanya habang
napapangiti.
Gusto ko sanang umiwas na lang sa kanila ang kaso ay duon ang daan
ko para makapunta sa may canteen. Malayo pa lang ay tinuro na ako
ng isa sa mga kasama niya dahilan para matigilan si amiella at
tsaka padabog na iniabot ang hawak na walis sa kaibigan.
"Ow the bitch is here again!" Bungad niya sa akin kahit medyo
malayo pa ang pagitan naming dalawa.
Lumihis ako ng lakad tanda na gusto ko siyang iwasan pero
nginisian lamang ako nito. "Duwag" pangaasar niya sa akin.
Di ko siya pinansin bagkus ay nagtuloy tuloy lang ako sa paglakad,
pero palaban talaga si amiella kaya naman sinundan pa niya ako.
"Ano cara? Labanan mo ako! Duwag ka naman eh!" Asar pa din niya na
gusto atang magalit ako. Pero pasencya siya dahil alam ko sa
sarili kong wala naman akong mapapala kung papatulan ko pa siya.
"Hindi ako duwag amiella, naawa lang ako sayo kasi kung papatulan
kita madadagdagan nanaman yang parusa mo" malumanay na sabi ko
sabay lakad ng mabilis papunta sa may canteen. Narinig ko pa ang
sigaw nito at ang sobra niyang pagkainis.
Wala akong natipuhang pagkain sa canteen kaya naman bumili na lang
ako ng sandwich at juice. Kinakain ko iyon habang naglalakad sa sa
medicine building ko napiling maglakadlakad.
Tahimik ang bawat hallway. Halos lahat ay nasa room gusto ko tuloy
sanang sumilip at tingnan kung nanduon sa loon si lucas. Ang kaso
ay baka mapagalitan nanaman ako ng mga doctor na professor kaya
naman naglakad lakad na lang ako.
Iniisip ko pa din si lucas hanggang ngayon, nasaan na kaya siya?
Sana umuwi na siya sa kanila. Aalis kaagad ako duon kung yun ang
kundisyon niya para bumalik sa kanila.
"Sige pare, ipapasa ko na lang sayo yung powerpoint" rinig kong
paguusap ng dalawang medicine student di kalayuan sa akin.
Ang isa sa kanila ay nakakairitang tingnan dahil naka jacket pa
kahit sobrang init ng panahon. Sobrang balot na balot din ito na
para bang ayaw niyang magpakita sa ibang tao.
May ilan pa silang pinagusapang hindi ko naman narinig hanggang sa
magpaalam yung isang lalaki sa lalaking nakaJacket.
"Sige lucas una na ako"
Mabilis akong napatayo, dahilan para mapansin ako nung lalaking
nakajacket kanina pa.
"Lucas..." gusto kong umiyak pagkakita ko sa kanya, gusto kong
umiyak sa tuwa dahil sa wakas nakita ko na ulit siya.
Hahakbang pa lang sana ako ng bigla itong tumalikod at naglakad ng
mabilis papalayo sa akin. Gusto ko sanang tumakbo para maabutan
siya ang kaso ay hindi ko pa kaya dahil sa sugat na kahit hanggang
ngayon ay iniinda ko pa din.
"LUCAS!" malakas na tawag ko pa sa kanya ng makita kong hindi ko
na siya masusundan dahil sa layo niya sa akin.
Mabilis itong nawala sa aking paningin, ang kulay itim niyang suot
na jacket ay mabilis na nawala sa aking paningin. Gusto konh
sisihin ang sarili ko dahil hindi ko nagawang habulin siya ang
kaso ay hindi ko talaga magawa.
Balisa ako pagkatapos nuon, buti na lamang at busy din ang lahat
sa kanya kanya nilang mga ginagawa kaya naman walang gaanong
nakapansin sa aking pagiging tahimik.
"Bukas na darating sila tita marie, my gahd! Sobrang excited na
talaga akong makapunta sa texas! Whoaa! Here i come!" Parang
kinikiliting kwento sa akin ni Chelsie kinagabihan pagkauwi ko.
Excited at masaya din naman ako sa pagdating nila tita marie, ang
kaso ay inaalala ko pa din si lucas. Hindi naman ako papayag na
aalis ako ng hindi pa ulit kami nagkikita.
Maagad kaming gumising ni chelsie pareho dahil gusto nitong sumama
kami sa pagsundo sa kanila sa airport. Pinahiram nila tita
samantha ang isa nilang hiace van. May condo unit sila tita marie
na tutuluyan habang nandito sila sa pilipinas.
"Dumating na yung eroplano" anunsyo ni chelsie habang nakatingala
duon sa listahan ng mga dumating at parating na mga eroplano.
Alastres pa lang nang madaling araw kaya naman medyo malamig pa at
inaantok pa din ako.
"AYAN NA SIYA!" sigaw ni chelsie sabay takbo kung saan.
Nagulat din naman ako kaya naman wala na akong nagawa kundi ang
sundan siya ng tingin. Isang hindi naman ganuong katangkarang
babae
ang niyakap hi chelsie. Maputi ito at maamo ang mukha, kamukha ni
mommy...
Sandali pa silang nagkamustahan bago ako tinuro ni chelsie dahilan
kung bakit napatingin sa akin si tita marie, kaagad na lumawak ang
ngiti nito at tsaka sila sabay ni chelsie na lumakad patungo sa
akin kaya naman sinalubong ko na lamang sila.
"Ikaw na ba si Cara?" Parang hindi pa makapaniwalang tanong niya
sa akin na kaagad ko namang tinanguan kaya naman mabilis ako
nitong niyakap.
"Kamukhang kamukha mo ang mommy mo" puri niya sa akin.
"Ayos ka na ba? May masakit pa ba sayo?" Nagaalalang tanong pa din
niya habang iniinspeksyon ako.
"Ayos na po ako" nakangiting paninigurado ko sa kanya.
Halos hindi ako binitawan ni tita marie na paminsan minsan ay
napapatitig pa din sa aking mukha. Nakasakay na kami ngayon sa
Hiace Van nila tita sam at dadalhin na kami ngayon sa isang
condominium.
Kasama niya ang kanyang american husband na si tito Ali. Si
chelsie ang kumakausap dito kaya naman napapatawa na lang din ako
pagkinakamusta siya ni tita marie tungkol sa pagdurugo ng ilong
nito.
"Mabuti at mababait ang kumupkop sa iyo cara anak, sobrang
nagalala talaga ako nung nalaman ko yung nangyari" medyo emotional
na kwento pa niya sa akin.
Naging madaldal si tita marie, habang naguunpacked siya ng maleta.
Hindi na daw niya dinala lahat ng mga pasalubong niya sa amin
dahil isasama naman niya kami pabalik sa texas.
Nakiusap din itong duon na muna
kami manatili at matulog sa condo nila ngayong unang araw nila sa
pilipinas. Kaagad nama kaming pumayag ni chelsie. Nagmall kami
nung hapon at tsaka sa isang restaurant nagdinner.
Sobrang saya ko dahil sobrang bait ni tita marie. Sobra din siyang
maalaga parang si mommy nuon. Ang sarap tuloy sa pakiramdam na
parang andito lang ulit si mommy sa tabi ko.
"Magiging busy ako this past few days girls, aayusin ko ang mga
papers and passport niyo." Paalala sa amin ni tita marie.
Nung sumunod na aras ay balik din kami kaagad kina tita samantha
dahil kailangan pa naming maghanda para pumasok sa school.
"Aalis ka na talaga..." malungkot na sabi nito habang inilalapag
niya ang gatas ko sa lamesa.
Kaming dalawa pa lang ang nasa dinning dahil nagaayos pa ang
lahat. Tipid ko siyang nginitian pero kaagad na sumabay ang
pagtulo ng luha duon. Ang malambot niyang kamay na nakahawak sa
aking pisngi ay kaagad kong hinawakan.
"Sobra ko po kayong mamimiss tita sam...kayo pong lahat" emosyonal
na sabi ko sa kanya.
"Texas is not Valenzuela cara...i can't come there anytime i want
para dalawin ka" parang nagmamaktol pang sabi nito sa akin.
Nahinto din naman ang paguusap namin ni tita sam nang nagsibabaan
na ang lahat para magbreakfast. Pagkatapos kumain ay sabay sabay
din kaming pumasok sa school. Hanggang ngayon ay wala pa din akong
pinagkwekwentuhan tungkol sa nangyari kahapon ng makita ko si
lucas.
Napagpasyahan kong wag na munang pumasok sa mga klase ko ngayong
araw na ito. Tutal ay inaayos na din naman ni tita
marie ang lahat ng papers ko sa school dahil sa pagalis namin.
Duon ako muling naghintay sa bawat hallway ng medicine building.
Nakakinip at nakakantok, lalo na sa oras na halos wala ng taong
dumadaan dahil busy ang lahat sa kaniKanilang klase. Bumabagsak na
din ang talukap ng aking mga mata hanggang sa nahagip ng aking
paningin ang kulay gray naman ngayong jacket.
Kaagad nanlaki ang aking mga mata. 4:30 na, saktong labasan ng
isang klase. Sisigaw sana ulit ako pero naisip kong baka takbuhan
nanaman ako nito kaya naman mabilis akonh naglakad para masundan
ko siya.
"Excuse me, excuse me..." nagmamadaling paumnhin ko sa mga
rumaragasang medicine student na palabas ng isang room.
Naging maingat ako sa pagsunod kay lucas. Alam kong siya iyon,
kilalang kilala ko siya. Pagdating sa helera ng mga kainan ay
huminto muna siya saglit. Ako naman ay nagtago din, maya maya ay
lumabas na siya na may dalang isang supot na may lamang styro.
Lakad lamg siya nang lakad hanggang sa mapalayo na kami sa
university. Sobrang pagod na nga ako pero sa kanya ay parang wala
lang.
Nagtago ako sa isang poste ng huminto ito sa isang helera ng mga
up and down na apartment. Bago nga buksan ang gate ay luminga
linga muna siya na para bang sinisigurong walang nakakita o
nakasunod sa kanya.
Napaayos ako ng tayo ng tuluyan na siyang nakapasok. Tinanaw ko
ang tinutuluyang bahay ni lucas ngayon, malayong malayo sa
malaMansyon nilang bahay sa isang exclusive subdivision.
Nanatili
ako duon hindi ko na din napansin ang oras hanggang sa umti unting
pumatak ang maliliit na butil ng ulan. Nataranta ako di ko alam
kung saan ako pwedeng sumilong. Ni payong ay wala akong dala.
Lalo akong nataranta ng biglaan na ang pagbuhos ng ulan. Wala na
akong nagawa kundi ang tumakbo patungo sa apartment na tinutuluyan
ni lucas kumatok ako ng kumatok. Maya maya lamang ay nakita ko
nanaman ang malamig nitong ekspresyon sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?" Pagalit na tanong niya habang binubuksan
ang gate pero kaagad sin naman niya akong hinatak papasok.
Yakap yakap ko na ang aking sarili dahil basa na ang aking damit.
Kaagad na napadaing si lucas sa hindi ko malamang dahilan, umalis
siya sa aking harapan at pagkabalik niya ay mayroon na siyang
towel na dala.
"Paano mo nalaman na nandito ako?" Malamig na tanong niya sa akin.
Hindi ko siya sinagot, nanatili ang aking mga matang nakatitig sa
kanya. Ang mukha niya ay may mga galos at pasa. Ang ibang parte ng
braso niya ay ganuon din.
"Sinong may gawa sayo niyan?" Umiiyak ng tanong ko sa kanya.
"Kahit sabihin ko sayo, wala ka namang magagawa" malamig at
seryoso pa ding sabi niya sa akin.
Patuloy pa din ang nagawa kong pagiyak sa kanyang harapan. Naghalo
halo na kasi ang emosyon na nararamdaman ko para sa kanya lalo
na't nandito na ulit siya sa harapan ko ngayon.
"Sobra mo kaming pinagalala! Hindi ka ba nagiisip ha lucas! Hindi
mo na inisip na magaalala kami sayo!" Pagalit na sigaw ko sa kanya
habang umiiyak ako.
Hindi ko siya kayang tingalain kaya naman sa kanyang dibdib lang
ako nakatingin pero kita ko pa ding nakatingin ito sa akin.
"Hindi ka man lang nagpapaalam! Alam kong galit ka sa akin...pero
wag namang ganito!" Sigaw ko pa din sa kanya.
Nagulat ako ng kaagad na pumulupot ang isang kamay niya sa aking
bewang at hilahin ako palapit sa kanya. "You talk so much cara..."
pagkasabi niya nuom ay kaagad niyang inatake ang aking labi.
Hindi ko kinaya ang paggalaw nitong muntik na tuloy akong
manghina, kaya naman kaagad siyang naglakad ng bahagya hanggang sa
maisandal niya na ako sa may pader. Hindi siya huminto sa paghalik
sa akin, halos hindi na nga ako makahinga dahil sa ginagawa niyang
paghalik. Napalunok ako ng unti unting bumaba ang labi niya sa
aking leeg.
"Ughh...lucas!" Parang paungol na pagdaing ko ng bigla ko na lang
naramdaman ang kamay niya sa aking kaliwang dibdib.
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 47
Ramdam na ramdam ko ang lamig na nanggagaling sa aircon sa
kannyang kwarto. Halos wala na nga akong saplot dahil kay lucas
pero patuloy pa din siya sa paghalik sa akin. Hindi ko na din
halos makilala ang sarili ko sa mga kakaibang ungol na nagagawa ko
tuwing humagala ang kamay nito sa ibat ibang parte ng aking
katawan at ang paminsan minsang paghalik nito sa aking leeg at ang
pagiwan niya ng marka duon.
"Shit"
"Ughh...lucas!" Daing ko sa kakaibang pagsayaw niya sa aking
ibabaw kahit may suot pa din kaming ng kakapirasong saplot.
Nang hindi na nito napigilan ay kaagad siya lumuhod sa aking
harapan at mabilis na tinanggal ang suot niyang tshirt kasama na
din ang shorts niya kaya naman tanging boxer na lamang ang suot
niya ngayon.
Halos gusto kong tumayo para lapitan siya lalo na ng makita kong
may mga papagaling pa lang siyang mga sugat sa kanyang katawan.
Itataas ko sana ang kamay ko para hawakan iyon pero kaagad akong
pinigilan ni lucas. He even pinned my band on the side of my head
then kiss me again like there's no tomorrow.
Masyado akong busy sa kanyang mga halik. This is a dream come true
parang dati lang ay nagdadaydream pa ako tungkol kay lucas. Nuon
pa man ay alam kong sa sarili ko na si lucas lang ang gusto kong
makasama sa moment na ito. Im a really willing to give my
virginity to lucas? Pero alam kong never akong magsisisi if ever.
"Oh my gahd!" Halos maubusan ako ng hininga at halos mapaliyad ako
ng maramdaman ko ang kanyang kamay duon sa aking down there.
Mabilis na naglaro ang kanyang kamay duon at paminsan minsang
pagbagal
pa nito na para bang nangaasar siya.
Pero halos mabali ang leeg ko ng unti unting lumihis ang daliri
nito patungo duon sa akin. "Lucas...ugghhh my gahd!" Daing ko sa
kanya at kaagad ko siyang nayakap ng mahigpit.
Natigil na din ito sa paghalik sa aking at tsaka duon sumubsob sa
aking leeg na para bang nagfofocus siya sa ginagawa ng kanyang
kamay.
Halos maiyak ako ng sinumulan niyang ipasok ang kanyang daliri.
"Lucas aray...medyo masakit!" Daing ko sa kanya na may kasamang
pagungol.
Hindi ako nito pinansin bagkus ay mas lalo niyang pinunterya ang
leeg ko at nagiwan duon ng mas maraming kiss mark.
"Aahhh...ughh...lucas!" Hindi magkamayaw na daing at tawag ko sa
kanya dahil sa kakaibang sensasyong ibinibigay niya sa akin.
Hindi nagtagal ay parang may namuo duon sa may bandang puson ko
sobrang init na din ng aking pakiramdam. Namumuo na ang mga butil
ng pawis sa aking noo.
Makalipas ang ilang sandali ay halos napasigaw ako ng may
kakaibang bagay ang mabilis na lumabas sa akinb down there. Halos
mawalan ako ng malay dahil duon at mamilipit dahil sa kiliting
dulot nuon pero nginisian lamang ako ni lucas.
"Ughh...nakakapagod" hinaing ko ng mailabas na niya ang kanyang
daliri duon.
Pero mukhang hindi pa ata tapos si lucas dahil muli siyang tumayo
at sa oras na ito ay nakita ko na talaga ang kanyang kabuuan.
Kahit nanghihina at parang pipikit na ang aking mga mata ay
nakikita ko pa din ang kanyang ginagawang paghawak dito pataas
baba habang diretsong nakatingin sa akin.
Halos tumaas
ang balahibo ko habang pinagmamasdan si lucas na napapatingala at
napapapikit pa habang ginagawa niya iyon sa sarili. Lalo pa ngang
naginit ang pakiramdam ko dahil sa mga sobrang manly na ungol na
lumalabas sa kanyang bahagyang nakauwang na bibig.
"I can't stop now cara...i can't f*cking stop" frustrated na sabi
nito at kaagad na pinagparte ang aking mga hita at tsaka siya
muling dumagaan sa akin.
"Natatakot ako lucas..." sumbong ko sa kanya.
Inilingan ako nito at kaagad na hinalikan sa noo pagkatapos ay sa
labi. Bago ko dahan dahang naramdaman ang pagdidikit ng kanya sa
akin.
"Uhhggg...aray...aray lucas wait lang!" Pagpigil ko sa kanya pero
ang kamay kong tumutulak sa kanyang dibdib ay kaagad niyang kinuha
at ikinulong sa aking gilid.
"Ugghhh...cara stop moving" nahihirapang daing niya sa akin dahil
sa pilit ko sanang pagiwas ng aking sa kanya dahil hindi pa man ay
nararamdaman ko na ang sakit.
He's too big for a first timer like me. Naiyak na lamang ako at
napakapit ng mahigpit sa kanya ng wala nang atrasang ipinasok niya
ang kanya sa akin.
Sobrang sakit nuon na halos mamilipit ako dahil duon pero si lucas
ay nagpatuloy lang. "Shhh...everythings going to be alright"
panunumbinsi niya sa akin at tsaka niya muling inangkin ang aking
labi.
Nangmaglaon ay nabawasan ang sakit ng paglabas masok ni lucas sa
akin kaya naman ng mukhang mapansin niya iyon ay kaagad siyang
umayos ng pwesto at duon ay mabilis siyang naglabas masok sa akin.
Sinalubong ko iyon kahit mayroon pa ding konting pagkirot dahil
nangingibabaw na ngayon ang sarap sa bawat pagiisa namin. Napuno
ng ungol naming dalawa ang buong kwarto. Samahan pa ng tunog ng
kamang hinihigaan naming dalawa dahil hindi naman ito katulad ng
kama nila sa bahay na sobrang matitibay. Ang kamang gamit namin ay
gawa lamang sa bakal.
"Ughhh...ahhh" halos hindi na namin makilala ang ungol ng isat
isa. Basta ang alam ko lang ay halos mahati ang ibaba ko dahil sa
ginagawang galaw ni lucas sa aking gitna. Halos mawala ako sa
katinuan lalo na pagdinidiinan niya iyon at parang gigil na gigil
pa.
"Ohhh...F*ck!" Hiyaw na daing nito ng mukhang narating niya na ang
sukdulan.
Kaagad siyang bumagsak sa aking ibabaw. At di rin nagtagal ay
tumabi siya sa akin, gusto ko sanang umusog para hindi siya
mahulog pero hindi ko magawang gumalaw dahil sa sakit na aking
nararamdaman sa aking gitna.
"Ow damn, i made you sore..." parang proud na proud pang sabi nito
ng dahan dahan niyang inayos ang pagkakaparte ng aking hita.
Hindi ko magawang magsalita dahil sa pagkahingal at pagod. Sobrang
bago ng lahat ng ito para sa akin kaya naman hindi ko na
namanlayang dinalaw na ako ng antok.
(Flashback)
"Lucas" tawag ko sa kanya ng makita ko siyang nakatayo at
nakatanaw sa malawak na dagat.
Hawak hawak ko ang dalawang hotdog on stick ko na may kasama pang
marshmallows. Birthday ko kasi ngayon at nasa isang beach resort
kami.
"Ano nanaman ang kailangan mo sa akin cara?" Iritadong tanong nito
sa akin.
Mas lalo akong lumapit sa kanya pero humakbang lamang siya palayo
sa akin. "Gusto lang naman kitang samahan, kawawa ka naman kasi"
pagdadhilan ko pa sa kanya.
Ang sobrang sungit na si lucas ay sinamaan ako ng tingin na may
kasama panb pandidiri. "Umalis ka nga dito! Mas gusto kong tahimik
kesa may kasama, lalo na kung ikaw" pagtataboy pa din niya sa
akin.
Nginusuan ko lamang siya bago ako kumagat sa hotdog na hawak ko.
Wala akong balak na layuan siya, sasamahan ko siya kahit anong
sabihin niya sa akin.
"Paano mo ba ako magugustuhan lucas?" Tanong ko sa kanya.
"Shut up piggy! Ni hindi pa nga kumpleto yang ngipin mo, and i
will never gonna like you!" Sigaw niya sa akin na may kasama pang
pagtulak.
"Grabe ka naman! Wag kang magsalita ng tapos!" Pangaasar ko pa din
sa kanya ng mas lalo niyang kinainis pero mas lalo naman akong
natuwa dahil ang cute niya talagang magalit.
"You know what? Pag nakalangoy ka diyan. Let's see..." panghahamon
niya sa akin sabay turo sa may dagat.
Kaagad namang nanlaki ang aking mga mata. "Hala! Hindi ako
marunong magswim" pamomorblema ko sa kanya.
"What are you huh? Your parents are both swimmer...tapos ikaw
hindi marunong lumangoy?" Pangiinsulto pa niya sa akin.
At dahil gustong gusto ko talaga si lucas
ay unti unti ko ng hinubad ang aking suot na dollshoes.
"Ok ok, pag ako nakabalik boyfriend na kita ha!" Pagbabanta ko sa
kanya.
Hahakbang na sana ako ng biglang sumigaw si mommy. "Cara dont go
near the water ok!?" Paalala niya sa akin. Tinanguan ko si mommy
pero ang totoo dahan dahan na akong naglalakad patungo sa tubig.
(End of flashback)
"Shhh..." pagaalo ni lucas sa akin ng gumalaw ako ng magising ako
bigla.
Nakayakap si lucas sa akin, kaya naman pinulupot ko din ang kamay
ko sa kanya at mas lalong yumakap sa kanya. Mas lalo ko din tuloy
nakita ang mga sugat sa kanyang katawan.
Dinalaw muli ako ng antok matapos kong magising nung gabing iyon.
Nagising na ako nung umaga dahil sa sikat ng araw. Naririnig ko
din sa labas ang mga tunog na gamit pang kusina na mukhang
ginagamit ng naglulutong si lucas.
Mabilis akong nakaramdam ng gutom. Gusto ko na din sanang tumayo
pero hindi ko magawa dahil sa nararamdamang sakit sa gitna ng
aking mga hita. Pinilit ko na lamang na makaupo at makasandal sa
head board ng kama. Binalot ko ang katawan ko ng kumot. Hindi ko
inasahan na ganito kabilis ang mga nangyari sa amin ni lucas, para
pa din tuloy akong nakalutang.
Maya maya ay bumukas ang pintuan at pumasok duon ang bagong ligo
na si lucas na maayos na ang itsura samantalang ako eto at hindi
pa din makagalaw sa kina uupuan ko, kaya naman mas lalo akong
nahiya.
"Breakfast is ready" nakangising sabi niya sa akin.
"Ok sige, lumabas ka na magbibihis lang ako" nahihiyang sabi ko pa
na hindi ma lang tumitingin sa kanya.
"What? Nakita ko na yan..." pangaasar pa niyang muli sa akin
dahilan para maramdaman ko ang paginit ng aking magkabilang
pisngi.
"Sige na kasi! Alis na muna!" Pagtataboy ko sa kanya dahil sa
sobrang kahihiyan.
Lalong lumawak ang pagngisi nito bago niya itinaas ang kanyang
kamay na para bang sumusuko na siya. Pagkalabas ni lucas ay kaagad
akong tumayo kahit medyo masakit. Napahiyaw ako ng bumukas ng
bahagya ang pintuan.
"Bakit!?" Pagalit na tanong ko pero inunahan lang ako nito ng
pagtawa niya.
"You can use the black hoodie...you dont have under garments
right?" Mapangaasar pang sabi nito.
"Oo na, sige na labas na" pagpupumilit ko pa sa kanya.
Sinuot ko ang sinabing hoodie na itim ni lucas. Medyo may
kalakihan iyon kaya naman medyo naging parang dress siya sa akin.
Nakakailang dahil wala man lang akong suot na panty tanging boxer
shorts lang ni lucas.
"Uuwi ka na ba sa inyo?" Kaagad na tanong ko pagkalabas ko ng
kwarto. Nakaupo na ito sa may dinning at may mga pagkain na sa
lamesa.
"No, hindi pa pwede" seryosong sagot niya sa akin.
Kaagad na nalaki ang aking mata at mabilis akong lumakad patungo
sa kanya kahit medyo iika ika ako. "Pero miss na miss ka na ni
Tita Sam, nagaalala na siya sayo..." pangungunsensya ko sa kanya.
Nagulat ako ng hilahin ako nito at mabilis na pinaupo sa katabi
niyang upuan. "Then tell her you are with me last night" seryosong
sabi niya na may himig ng pangaasar.
"Ayoko nga..." sagot ko kaagad sa kanya at nagsimula na akong
kumuha ng pagkain dahil nagugutom na talaga ako. Kagabi pa ako
walang kain.
Nakangisi itong nakatingin sa akin kaya naman inirapan ko na
lamang siya. "Sige na, umuwi ka na kasi...bakit ba ayaw mong
umuwi? Dahil duon ako nakatira?" Tanong ko pa din dito.
Umiling ito at nagiwas ng tingin. "Ayoko na makita ako ni mommy na
ganito, i just need time to heal my wounds" seryosong sagot niya
sa akin na kaagad ko namang tinanguan. Hindi ko na din muna
tinanong si tungkol sa mga sugat niya dahil alam kong hindi pa
siya handang magkwento sa ngayon.
Nakiligo ako at nagbihis na din, nilabhan pala kasi nito ang suot
kong damit kahapon. Ayoko pa sanang umalis ang kaso ay pareho
kaming may pasok ni lucas.
"Pwede ba kitang dalaw dalawin dito?" Tanong ko sa kanya ng
palabas na kami sa kanyang apartment.
"Pumunta ka nga dito kagabi ng walang pasabi" sabi niya na parang
nangaasar pa.
Inirapan ko na lamang siya at tsaka kinuha ang aking bag. Pero
napahiyaw ako ng hilahin iyon ni lucas mula sa akin.
"Saan mo dadalhin ang kumot ko?" Naaamaze na tanong niya sa akin.
"Akin na yan, lalabhan ko..." nahihiyang sabi ko sabay agaw sa
kanya.
"No ako na" sabi
niya at kaagad siyang pumunta sa may laumdry room niya.
Ni hindi ko magawang tumingin sa kanya pagkabalik niya. May dugo
ko kasi ang kumot na iyon, nakakahiya naman na si lucas pa ang
maglalaba. Gusto kong magtititili sa kahihiyan pero mas pinili ko
na lamang na manahimik.
"Akala ko ipapaFrame mo pa" sabi niya sabay halakhak.
"Grabe ka naman sa akin!" Hiyaw ko sa kanya pero tinawanan lang
ako nito.
Hindi tugma ang schedule naman sa araw na iyon kaya naman nagiwan
na lang ako ng message kay lucas na uuwi na ako. Sumagot naman
siya kaagad.
Sa bahay ay hindi ako mapakali. Ni hindi ko magawang tingnan si
tita sam sa mata dahil sa tinatago kong sikreto. Gustong gusto
kong sabihin sa kanya na alam ko na kung nasaan si lucas pero
hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.
"Parang may nagiba sayo Cara..." sabi ni Chelsie sa gitna ng aming
hapunan.
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Ha, ano?" Wala sa sariling sagot ko
sa kanya. Sayang at paborito pa naman ni lucas itong mga ulam
namin ngayon.
Matagal siyang sumagot kaya naman tiningala ko siya, pero kausap
niya na ngayon si suzy at pareho silang nakatingin sa akin.
"Blooming ka ngayon ah! Anong ginagamit mo?" Tanong nung dalawa.
Naningkit ang aking mata, pero nakuha ni tito luke ang aking
pansin ng mahina itong napatawa.
"What si funny dad?" Tanong ni suzy sa ama.
"You are too young for that
suzy...wag ka munang gumamit ng ginamit ni Cara" sabi nito na
ikinahiya ko.
Halata ba? Is it obvious?
"Bakit? Masama ba yun sa skin?" Pamimilit ni suzy sa ama.
Buti na lamang at dumating na si tita sam na may dalang dessert
namim kaya natigil na si suzy. No hindi ko magawang tingnan si
tito luke.
Nang sumunod na araw ay marami akong kinuhang pagkain. Halos
tatlong tupperware ng mga ulam na si tita sam ang nagluto ang
dinala ko para kay lucas. Sigurado kasi akong miss na miss niya na
ang luto ni tita sam.
Hapon pa naman ang klase ko kaya naman duon na muna ako dumiretso
sa apartment ni lucas. Hindi naman sarado ang gate at ang kanyang
pinto kaya naman nagdirediretso ako sa pagpasok.
"Paanong magiging sa akin yan!?" Nagulat ako sa pagsigaw ni lucas.
Nasa dinning ang boses nito kaya naman hindi niya malamang
nahalata na nakapasok na ako.
"Hindi ko alam ang gagawin ko lucas..." umiiyak na sabi ng isang
babae.
"Wag mo akong lokohin Amiella! I know your tricks" pagbabanta ni
lucas dito.
At dahil narinig ko anb
paglakad patungo sa may
na si amiela na nakaupo
nakatingin sa kanya ang
pangalang amiella ay nagpatuloy ako sa
dinning area. Duon ko nakita ang umiiyak
sa may upuan habang galit na galit na
nakatayong si lucas.
"What should i do?" Pagmamakaawang tanong ni amiella dito.
"That's not mine...hindi kita nabuntis amiela" seryosong sabi ni
lucas na nagpagulat sa akin dahilan para maibagsak ko ang hawak
kong paper bag.
Kita ko ang pagkagulat sa mukha ni lucas ng makita niya ako. Kaya
naman bago pa tuluyang manlabo ang aking paningin ay tumakbo na
ako palayo.
"CARA! LET ME EXPLAIN!" sigaw na tawag niya sa akin.
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 48
Umiiyak ako habang naglalakad papasok sa university. Buti na
lamang at hindi kagaya dati ay nakatutok sayo ang mga mata ng
ibang estudyante. Ngayon ay parang may sarisariling mundo na ang
mga ito.
Tinahak ko ang daan patungo sa graduate school building para
makaakyat sa satellite garden. Masyado pang maaga para sa klase
ko. Akala ko kasi ay mauubos ang oras ko kasama si lucas, pero
hindi pala.
"Totoo?" Isang babaeng estudyante iyon na mukhang gulat na gulat.
"Oo! Buntis si Amiella, grabe sayang siya..." singit pa nung isang
lalaking kasama nila.
"Sino nakabuntis?" Sabat pa ng isa kaya naman bago ko pa marinig
ang pwede nilang isagot at umalis na kaagad ako duon at tumakbo
paakyat sa satellite garden ng building.
Iniyak ko lahat kahit sobrang gulo pa nito para sa akin. Di ko
alam ang gagawin ko. Sobrang sakit sa dibdib lalo na pagiisipin
kong si lucas...magkakaanak sila ni amiella. Kung ganuon kailangan
nilang magpakasal...paano na ako?
Tunog ng tunog ang aking cellphone pero wala akong balak sagutin
iyon. Gusto ko lang munang umiyak. Manahimik at makapagisip.
Akala ko ilanb oras na iyak lang ay makakabalik na ako sa aking
sarili. Nagkamali ako dahil ni hindi ko nagawang pumasok sa mga
klase ko. Napatigin ako sa palagid ng unti unti akong mabasa ng
ulan, duon ko lang din napansing madilim na kaya naman
napagdesisyunan ko ng umuwi.
"CARA!" galit na sigaw ni Kuya matthew ng makita niya ako.
Nilingon ko lang siya at tsaka tiningnan habang humahangos ito
para makalapit sa akin. Kitang kita ko kung gaano ito kagalit,
hindi ko naman alam kung bakit.
"Saan ka ba nanggaling!?" Pagalit na tanong nito sa akin.
Ang nga luhang sinubukan kong itago ay muling lumabas. Dahan dahan
nanamang dumaloy ang maiinit na luha sa aking pisngi. Ni hindi ko
na din makita ng malinaw si kuya matthew dahil sa nanlalabo kong
paningin.
"Nagpahinga lang ako..." sumisibing sagot ko sa kanya.
"Cara..." malumanay at malambing na tawag nito sa akin.
Dahan dahan itong lumapit sa akin hanggang hilahin ako nito
papalapit sa kanya tsaka niya ako tuluyang niyakap. "Akala ko ok
na" umiiyak na sumbong ko sa kanya.
"Akala ko pwede na, pero bakit ganuon?" Pagsusumbong ko, ang damit
nito sa likuran ay halos malukot dahil sa mahigpit kong
pagkakakapit.
"Shh...everythings gonna be alright Cara, magiging ayos din ang
lahat" paninigurado nito sa akin pero marahas lamang akong
umiling.
"Hindi na, hindi na pwede eh..." parang batang pagsusumbong ko pa
dito.
Hindi na ito nagsalita pa at mas lalo lang niyang hinigpitan ang
pagkakayakap niya sa akin. Maging ang kanyang damit ay nabasa na
din dahil sa pagkabasa ko sa ulan.
"Come with me" sabi niya at kaagad niya akong hinila kung saan.
Tumakbo kami papunta sa parking lot dahil sa lumalakas ng buhos ng
ulan. Kaagad niyang pinatunog ang kanyang kulay itim na volvo.
Kahit basa na ay nagawa pa niyang buksan ang passenger seat para
paunahin akong pasakayin.
"Ayoko pang umuwi, baka makita nila ako" pagsusumamo ko dito.
"Don't worry wala naman talaga akong balak na iuwi ka ngayon, I'll
just text tita sam" seryosong sabi pa niya habang
nagsisimula ng umandar ang kanyang sasakyan.
"Basang basa ka, damn it cara naman! Alagaan mo nga muna yang
sarili mo" pagalit na pangaral pa din nito.
His concern is so warm. Dahil sa presensya ni kuya matthew i feel
so secured.
"Here wear this" sabi niya sabay abot sa akin ng isang gray
jacket.
Sumandal na lamang ako at tsaka ikinumot ko sa aking sarili ang
pinahiram niyang jacket sa akin. Pinikit ko na lamang din ang mata
ko kahit parang nakakatakot dahil mas lalo ko lang naaalala ang
lahat, mas lalo ko lang nararamdaman yung sakit.
Huminto ang sasakyan sa isang magarang bahay na halos aakalain
mong nasa ibang bansa kana. Nakakalula ang pagkaengrande nito na
halos glass wall na nga ata ang lahat. Bukas ang lahat ng ilaw at
sobrang mapapanganga ka talaga aa ganda.
Mataas ang bahay na pinagdalhan sa akin ni kuya matthew kaya naman
gumamit pa kami ng hagdan na sa gilid ay napapalibutan ng ibat
ibahg klase ng bunsai at ibat ibang halaman din.
"Kanino ito?" Paos na tanong ko sa kanya.
Hinawakan nito ang kamah ko at tsaka ako tinulungang makaakyat.
"Welcome to my humble home" nakangising sagot niya sa akin na
ikinanguso ko.
"Sobrang laki" yun na lamang ang aking nasambit.
"Cause i want a big family someday..." nakangiting sagot niya sa
akin hanggang sa pumasok na kami sa kanyang napakagarang bahay.
"Did you work for this?" Panguusisa ko dahil sobra talaga akong
humahanga sa mga ginagawa nila, at sa mga achivements na din.
Tumango tango ito habang iginagaya ako paupo sa kanyang kulay
khaki na sofa. "Mikhael is building his own house too...2
blocks from here" kwento pa niya kaya naman napapanganga na lamang
ako.
Sandali ako nitong iniwan at umakyat sa kanyang second floor.
Pagkabalik nito ay may dala na siyang damit at tsaka kumot. "You
can use the bathroom in there" sabi niya sabay turo sa isang gawi.
Tinanguan ko na lamang siya at tsaka ako tumayo. "I'll just
change, then i'll cook a dinner for us" sabi pa nito bago ulit ako
iwan para umakyat.
Habang naglalakad ako papunta sa kanyang bathroom ay nahalata kong
parang ni wala siyang kasambahay dito, maliban na lamang duon sa
dalawang guard sa baba kanina.
Nagpalit ako ng damit na ibinigay sa akin ni kuya matthew, buti na
lamang at malaki ang katawan niya kaya naman kahit papaano ay
naging malaki sa akin ang kanyang damit.
"Give me your clothes, i'll dry wash it" salubong niya sa akin
pagkalabas ko ng banyo.
Di ko alam kung iaabot ko ba talaga sa kanya dahil sa pagkabigla
na siya ang gumagawa ng lahat ng bagay dito sa loob ng bahay niya.
Umupo akong muli sa may sofa pagkaalis ni kuya matthew at tsaka
ibinalot ang kulay brown na kumot sa akin dahil nakaaircon ata ang
kanyang buong bahay dahil lamig dito.
"Do want to watch some movies while i cook?" Tanong nito sa akin
tsaka kinuha ang remote sa kung saan at may pinindot. Nagtaka ako
ng itinapat niya ang remote sa malawak na brick wall. Pedo halos
mapanganga ako ng maya maya lamang ay may dahan dahan ng
bumababang malaking flatscreen na Tv.
"Grabe" yun na lamang ang aking nasabi dahil sa pagkamangha.
"Magic eh?" Nakataas
kilay na tanong niya na nginitian at tinanguan ko na lamang.
Lumapit ito sa akin at tsaka niya inabot sa akin ang remote.
Pagkatapos ay hinila nito ang isang malaking throw pillow at tsaka
niya iyon inikagay sa aking likuran. "Humiga ka muna, so you can
rest" sabi niya sa akin kaya naman yun na lamang ang aking ginawa.
Akala ko ay maaalis ng panunuod ko ng mga Cartoons at comedy
movies ang mga iniisip ko, pero ni isa wala. Dahil sumisikip
nanaman ang dibdib ko dahil sa pagiisip ay pinatay ko nalamamg ang
tv at tsaka ako pumunta sa may kusina.
"F*ck you asshole! Ano
be like you...aalagaan
pilit na hinihinaan ni
kausap siya sa kanyang
naman ngayon? Yes kasama ko siya, i won't
ko si Cara" galit na galit pero pilit na
kuya matthew ang kanyang boses hbang may
cellphone.
Dahil feeling ko ay medyo importante iyon ay tumalikod na lamang
ako at tsaka nagpasya sanang bumalik na lang sa may sala.
"Cara" tawag nito sa akin kaya naman napahinto ang sa paglalakad.
"What are ypu doing here? Nagugutom ka na?" Malambing na tanong
niya sa akin.
Nilingon ko siyang at tsaka nakayukong inilingan. "Hindi pa naman,
pero ayoko kasi duon magisa lang ako...malungkot" sabi ko dito.
Lumapit siya sa akin tsaka niya hinila ang kamay ko. Pinaupo niya
ako sa isang high chair sa kanyang kitchen counter.
"Malapit ng maluto ito, pero gusto mong unahin yung dessert?"
Natatawang tanong niya sa akin habang binubuksan niya ang kanyang
double door na ref.
May inilabas siyang chocolate icecream cake. "Favorite mo talaga
ang cake noh, kahit hindi ka na makakain ng rice basta
may cake lang..." pangaasar ko sa kanya dahil sobrang hilig talaga
nito sa mga cake at pastries.
After dinner ay si kuya matthew na din ang naghugas ng aming
pinagkainan. Twice a week lang may pumupuntang kasambahay dito
para maglinis. Pero yung mga gawing bahay na pangaraw araw ay si
kuya matthew ang gumagawa para sa sarili niya kaya naman sobra
talaga akong humahanga sa kanya.
Dinala niya ako sa isang kwarto, "This is one of my guest room,
ito na na ang pinakamalapit sa kwarto ko kaya you can use this"
sabi nito sa akin.
Kahit maging ang guest room ay sobrang bongga. "Tama na cara, tama
na" pagkausap ko sa sarili ko ng tumalon ako pahiga sa malambot na
kama.
Napapagod na din akong umiyak kaya naman kahit sobrang bigat ng
dibdib ko ay dinadama ko na lamang ang sakit nuon. Hanggang sa
dalawin ako ng antok ay si lucas pa din ang nasa isip ko kaya
naman mas lalo lang sumasakit ang lahat para sa akin.
"You are always welcome here cara..." sabi ni kuya matthew
kinaumagahan ng naghahanda na kami para umuwi.
"Thank you kuya matthew, super thank you talaga" pasasalamat ko sa
kanya tsaka ko siya niyakap.
Kaagad naman niyang ginantihan ang pagyakap ko sa kanya. "Im
always here for you cara..." paninigurado niya pa sa akin.
Hindi muna ako dumiretso kila tita sam, nakitxt na din ako kay
kuya matthew na kina tita marie ako didiretso bago pumasok sa
school, hindi ko alam kung bakit ayaw ko munang magpakita sa
kanila. Hindi ako galit sa kanila, natatakot lang akong baka
pagtinanong nila ako tungkol
kay lucas ay masabi ko ang lahat ng nalalaman ko.
Ayoko namang pangunahan si lucas tungkol sa mga desisyon niya.
Ibinaba ako ni kuya matthew sa harap ng condo na tinutuluyan nila
tita marie. Makikibalita kasi ako tungkol sa mga documents na
inaayos niya sa university para kung may kulang man ay maaga namin
iyong maayos at mahabol.
"Cara anak, im glad you pay me a visit...miss na miss ko na kayo
ni Chelsie" sabi ni tita marie tsaka ako nito niyakap at tsaka
dinala papunta sa kusina.
"Marami akong niluto, you should eat" sabi niya sa akin sabay hila
papunta sa may kusina.
Gusto ko sana siyang tanggihan ang kaso ay ni wala pa nga akong
nagagawang mabuti para kay tita marie, and i know we should catch
up.
"Maybe a week from now cara, start to fixed unfinished bussiness
hija, para hindi ka na mahirapan" payo nito sa akin na kaagad ko
namang tinanguan.
Pumasok ako sa school kahit dapat ay hindi na. Dapat kasi ngayon
ay nagaayos na ako ng mga papers ko dahil sa pagmimigrate namin sa
US.
"Bakit hindi ka umuwi?" Tanong ni suzy ng harangin ako nito habang
naglalakad ako sa hallway ng CAS building.
Sinubukan ko siyang ngitian. "Uhmm...kay kuya matthew ako nagstay
kagabi, ganda pala ng bahay niya" kwento ko dito pero seryoso
lamang itong nakatingin sa akin.
"Hindi anak ni kuya ang dinadala ni amiella" seryosong sabi nito
sa akin.
Unti unting nawala ang ngiti sa aking labi. Bigla kaagad akong
naging seryoso. "Sinabi niya sayo?" Pagsusumamong tanong ko na
baka totoo nga itong sinasabi sa akin ni suzy.
"Hindi,
pero alam kong hindi iyon kay kuya lucas...i know him, kapatid ko
siya eh. Trust me Cara...trust me" pagsusumamo nito sa akin.
"Kay lucas yon, sabi ni amiella kay lucas yon" pagpupumilit ko
kahit sobrang sakit nuon sa akin.
"Cara wake up! Alam mo kung gaano ka bitch si Amiella...it's just
her plan or baka gusto niya lang iset up si kuya" mariing
pagpapaintindi sa akin ni Suzy.
Gusto kong maniwala sa kanya, gustong gusto kong paniwalaan iyon,
pero sobrang hirap nuon para sa akin. Hindi ko alam kung bakit.
Magsasalita pa sana ulit si Suzy ng kaagad na may bultong tumabi
sa aming gilid.
"Suzy i need to talk to cara" seryosong sabi ni lucas sa kapatid.
Matalim ko siyang tiningnan. "Ayoko" pagalit na sabi ko sa kanya
pero traydor ang aking mga luha dahil unti unti nanaman silang
dumaloy sa aking pisngi.
Hindi ito natinag dahil kaagad kinuha nito ang kamay ko at tsaka
ako hinila kung saan. Nakarating kami sa isang student lounge na
walang tao. Kaagad kaming pumasok duon at mabilis na nilock ni
lucas ang pintuan.
"Ano pa bang kailangan mo!?" Sigaw ko sa kanya.
"I'll explain everything cara...just let me" pagsusumamo niya sa
akin.
Marahas akong umiling. "Wag na! Hindi na kailangan, aalis na din
naman ako...wag mo na akong intindihin, wag mo nang ipagkailangang
anak mo nga ang dinadala ni amiella. Naiintindihan ko naman lucas!
Naiintindihan ko lahat!" Sigaw na sumbat ko sa kanya.
"No cara! Hindi mo naiintindihan kaya nga gusto kong ipaintindi
sayo!" Medyo tumaas na din ang boses nito.
"Siguro gustong gusto mo na akong pagtawanan ngayon noh! Gustong
gusto mo na akong sumbatan dahil ganuon lang ako kabilis bumigay
sayo!" Sumbat ko sa kanya.
Ang kaninang malambot na ekspresyon ng mukha nito ay biglang
tumigas. "I will never do that! Im willing to take responsibility
for you cara" pagmamalaki niya sa akin.
"Now you can't. Ito yung matagal mo nang gusto lucas di ba? Ang
mawala ako sa landas mo, the congrats anytime soon hindi mo na ako
makikita. That's better para hindi mo na ako masaktan"
pagpaparinig at sumbat ko pa din dito. I cant control my anger.
Nanghina bigla ang tuhod ko ng makita ko ang pagpatak ng luha mula
sa mga mata ni lucas kaya naman bago pa ako tuluyang bumagsak sa
harapan niya ay naglakad na ako palabas ng student lounge.
"Cara sandali" paos na sabi nito.
"Wag mo nang subukang pigilan ang pagalis ko lucas, i need a break
from you" may hinanakit na sabi.
"I think so...maybe you really need a break from me" umiiyak na
sabi ni lucas sa akin na ni minsan hindi ko inakalang mangyayari
sa talambuhay ko.
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 49
Lucas Pov
"Kinakabahan talaga ako lucas..." umiiyak na sabi ni amiella.
Nakaupo siya sa sofa sa may apartment ko. Ni hindi ko nga alam
kung paano niya nalaman kung nasaan ako.
"You should tell them...deserve nilang malaman yung kalagayan mo"
seryosong payo ko sa kanya.
Nagulat na lamang ako ng kumatok si amiella sa pintuan ng aking
apartment isang araw, sobra talaga akong nagulat pero mas nagulat
ako ng makita kong umiiyak ito. Kaya naman pinatuloy ko siya at
duon na nagsimula ang lahat.
Nung una nagulat ako ng sabihin nito aa aking buntis siya at ako
ang ama, pero hindi ako nagpatinag sa kanya. Oo we have sex
several times nung kararating pa lang niya, nung time na im still
drooled over her. Pero after the break up wala na, when i court
cara wala na akong ibang babaeng tiningnan pa.
Alam ko at sigurado naman akong hindi iyon sa akin, gusto ko lang
na aminin sa akin ni amiella kung sino ang totoong nakabuntis sa
kanya. Malas nga lang at narinig ni Cara, sobrang malas dahil
nasaktan ko nanaman siya dahil sa maling akala.
"Siguradong magagalit sina mommy at daddy...hindi ko na alam ang
gagawi ko" humahagulgol na sumbong niya sa akin.
"Dont stress yourself too much amiella, think about the baby"
seryosong suway ko sa kanya. She is still my friend, nawala man
yung pagmamahal ko kay amiella she is still part of me...she is my
past anyway at wala naman akong problema duon dahil i am loyal to
cara.
Iyak
lang ito ng iyak. "Amiella hindi ko pwedeng gawin yung gusto mo,
hindi pwedeng akuin ko ang batang iyan sa harap ng parents mo...i
want to help you but im thinking about Cara, mahihirapan siyang
intindihin" paliwanag ko sa kanya.
The real score here is, she want me to tell her parents that i am
the father of the baby. I want to help her ofcourse but damn hell
that was a different story. Masyadong mabigat iyon lalo na't
maraming masasaktan.
"Nahihiya ako...pagtatawanan nila ako"
"You dont have to, andito pa rin naman kaming mga kaibigan mo"
pagaalo ko pa sa kanya.
Nagstay siya duon hanggang magtanghalian. Pinapayagan ko siyang
magstay sa apartment ko para naman kahit papaano ay makatulong din
ako sa kanya.
"Hindi na pumasok si Ate cara, kuya lucas" sagot sa akin ni Thomas
ng tanungin ko siya.
I cant ask suzy dahil siguradong galit din ito sa akin. Hindi ko
rin naman pwedeng sabihin sa kanyang ang ginawa ni amiella dahil
siguradong malaking gulo iyon.
"Thank you thomas...if ever may balita ka na, please text me"
pakiusap ko dito.
"No problema kuya lucas, i'll text you right away" paninigurado pa
nito sa akin.
Pagkatapos ng araw na iyon ay nakipagkita ako kay Ken. Ayoko man
ay wala na akong ibang choice siya lang kasi ang nakakalam ng
lahat ng nangyari sa akin nung mga panahong nawala ako. Siya lang
ang tumulong sa akin, pero kahit ganuon ay ayoko pa din na masyado
siyang malapit kay Suzy dahil inis pa din talaga ako sa kanya.
"Why dont you tell cara everything now? As in now na lucas, alam
mo namang pupunta
silang texas di ba, i bet ayaw mong mangyari yon" pagkausap sa
akin ni ken.
Tinanguan ko siya bago ako uminom ng alak na iniinom namin. "Yun
naman talaga ang balak ko, ang kaso ay hindi pa siya ready na
pakinggan ako...damn it ken! Inangkin ko siya nung gabi
kinaumagahan malalaman niyang nakabuntis ako ng ibanb babae?"
Kwento ko dito na talaga namang sarili ko ang aking sinisisi.
"Hindi nga maganda pakinggan. I bet cara cried alot because of
you...again" parang may pahiwatig pang sagot niya sa akin.
Hindi ko na nagawang sagutin ang sinabi niya sa akin. Totoo naman
kasi, palagi na lamang umiiyak si cara dahil sa akin.
"You said may nangyari sa inyo? Di ka ba naka three points?"
Pangaasar pang sabi nito sa akin kaya naman kaagad ko siyang
sinamaan ng tingin.
"Damn you Kenneth! She's too young to bear a child. It's like you
forgot that i am a medicine student...i know to prevent pregnancy
naturally" pagalit na sabi ko at pagbibida na din.
Nagtaas ito ng kamay na para bang sumusuko na siya. "Edi ikaw
na...You know how to prevent pregnancy, but you dont know how to
prevent heartaches" makahulugang banat niya sa akin dahilan para
mapatameme na lamang ako sa aking kinauupuan.
"Kamusta na nga pala yang mga sugat mo?" Tanong nito sa akin sa
gitna ng aking pananahimik.
"Ayos lang, malapit na din itong gumaling" sagot ko sa kanya.
"Masyado mo nang pinagaalala si tita sam, kailan ka ba kasi
magpapakita sa kanya?" Pangungunsensya niya sa akin.
"Soon, not now. Mas lalo siyang magaalala sa akin pag nakita niya
itong mga sugat ko. Siguradong
uungkatin niya lang kung saan ko to nakuha, alam mo namang ayokong
may makaalam sa nangyari sa akin" pagpapaalala ko pa sa kanya
dahil wala ng iba pang nakakalam nun kundi kami lang dalawa.
"Anong masamang malaman ng iba na pinakidnap ka ni Leo at tsaka
halos patayin na? Honestly dapat hindi natin ito pinalagpas
lucas..." seryoso ng sabi ni ken sa akin. Dahil naungkat nanaman
niya ang nangyari nuon ay bumalik nanaman sa akin ang matagal ko
ng pinoproblema.
"Pag nagsumbong ako, sasabihin nila kay Cara ang totoo" mahinang
sambit ko habang pinaglalaruan ko ang alak sa loob ng aking baso.
Napapalo si Ken sa armrest ng kanyang sofa. "Hanggang ngayon ba
naman lucas? Your too old for that, dapat na ding malaman ni Cara
yung totoo..." himutok nito sa akin.
Napailing na lamang ako bago inisang lagok yung natitirang alak sa
aking baso. "Not unless she's finally married to me" pagdadahilan
ko na inilingan ni Ken.
"Where's your balls lucas? Ayaw mong aminin kay cara na siya ang
dahilan kung bakit namatay ang parents niya unless hindi siya
kasal sayo?" Naguguluhang tanong niya sa akin na para bang hindi
niya maintindihan yung point ko.
Napabuntong hininga ako. "I dont know...hindi ko alam ken, maybe
takot akong aminin kay cara na im not fit for her...im too
dangerous for her" frustrated na sabi ko at pagkukumbinsi na din
sa aking sarili.
Hindi na din naman ako nagtagal kasama si ken, kailangan ko pa
kasing kausapin si Suzy tungkol kay cara. Ken is right i need to
talk to cara now, ayokong may pagsisihan pa ako kung sakaling
hindi pa
ako kikilos ngayon.
"Wala nga akong alam kuya! Galit nga siguro sa akin yon kasi sayo
ako naniwala, sana pala hindi na lang kita pinagtanggol edi sana
nakikita ko pa siya ngayon." Galit na paninisi sa akin nito.
"Kaya nga i need to talk to her, please help me suzy..." pakiusap
ko pa dito.
Inirapan ako nito. "Wala nga sabi!" Madiing sambit niya bago niya
ipinasak sa kanyang magkabilang tenga ang kanyang earphones.
I dont have any better choice kundi ang humingi ng tulong kay
matthew kahit siguradong kung ano ano ang makukuha ko sa kanya.
"F*ck!" Singhal ko ng makakuha kaagad ako nb suntok mula sa kanya.
Ni hindi pa nga nakakapasok sa pintuan ng kanyang opisina ang
kalahati ng katawan ko. Nakita tuloy ng nga empleyado niya kung
paano ako sumumsob sa sahig dahil sa pagsuntok niya sa akin.
"Damn kung wala lang akong kailangan sayo gagantihan kita"
mahinahong pagbabanta ko sa kanya dahil sa sakit na nararamdam ko
sa gilid ng aking labi dahil sa biglaan nitong pagsuntok sa akin.
"Wala kang makukuhang impormasyon sa akin lucas" seryosong sabi
nito sa akin habang seryosong nakatingin sa mga documento sa
kanyang lamesa.
"I just need to talk to cara..." pamimilit ko dito.
"For what!?" Hindi na nito napigilang tumaas ang kanyang boses.
"Magpapaliwanag lang ako sa kanya. Mali yung alam niyang ako yung
ama ng batang dinadala ni amiella" sabi ko dito at konting konti
na lamang ay manggigigil na ako.
"I know" maiksing sambit nito.
Naningkit ang aking mata dahil sa aking narinig. "Alam mo? Sinabi
mo ba sa kanya?" Frustrated
na tanong ko pa.
Pero halos maikuyom ko ang aking kamao ng dahan dahan at parang
nagaasar pa itong umiling. " Why would I?...para masaktan mo
nanaman siya lucas?" Paninisi nito sa akin na sobrang nagpakulo ng
aking dugo.
"F*CK YOU MATTHEW!" Singhal ko dahil parang alam ko na ang gusto
nitong mangyari.
Nginisian lamang ako nito gayong gigil na gigil na akong suntukin
ang pagmumukha niya.
"I won't let you hurt Cara again" madiin at seryosong pagbabanta
niya sa akin.
"I wont hurt her!" Madiing saad ko din at napahampas pa ako sa
kanyang lamesa.
Sandaling naglaban ang tingin naming dalawa bago kapwa kami parang
nahimasmasan at kumalma.
"Let her go Lucas" kalmadong saad ni matthew sa akin habang
pinaglalaruan nito ang kanyang ballpen.
"Ayoko, ipapaliwanag ko sa kanya yung maling narinig niya"
desididong saad ko sa kanya.
Tumagilid ang ulo nito habang naniningkit ang kanyang mga matang
nakatingin sa akin. "She only want to be the best for you
lucas..." pangungunsensya nito sa akin.
"I know, but i dont need her to be perfect...i accepted her the
way she truly is" madiing paninigurado ko pa kay matthew.
"You dont need, lucas ofcourse...but cara need it, let her love
her self first, give her the chance to grow. Para din naman sa
kanya iyon lucas, kung talagang mahal mo si Cara...let her go"
seryosong saad ni matthew na sobrang nagpatahimik sa akin.
Sa
totool lang ay nasasaktan ako sa mga
kasing inilagay niya na sa aking mga
para bang kung ano man ang piliin ko
duon. I dont want her to go ofcourse
matthew.
sinabi niya sa akin. Para ba
kamay ang future ni cara, na
ay ako ang responsable para
pero may point din si
All her life she just want me to notice her. Wala na siyang ginawa
kundi ang unahin ako. Is it really necessary to make her go for
her own benefit? Kung sigurado naman akong pareho lang kaming
masasaktan?
"Give her a break, let her find things that can fulfill her life
goals...dont be selfish this time lucas" sabi pa ni matthew bago
niya inilagay sa kanyang tenga ang kanyang cellphone.
Diretso itong nakatingin sa akin habang hinihintay na sagutin ang
tawag ng kabilang linya.
"Hello cara, can we meet?" bungad niya dito.
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Sobra akong
kinakabahan. Maaga ako ng halos isang oras kesa sa napagusapan.
Hindi alam ni Cara na ako ang kikitain niya ngayon. Halos manuyo
na nga din ang aking lalamunan.
Loving can hurt, loving can hurt sometimes.
But it's the only thing that I know.
When it gets hard, you know it can get hard sometimes,
It is the only thing that makes us feel alive.
Sa sobrang kabado ko ay ni pag pili ng aking susuotin ay nahirapan
din ako. Hindi ko alam kung bakit nangyayari ito sa akin.
We keep this love in a photograp
We made these
memories for ourselves.
Where our eyes are never closing,
Our hearts are never broken,
And time's forever frozen, still.
"Lu...lucas? Anong ginagawa mo dito?" Di makapaniwalang tanong ni
Cara pagkadating niya sa nagpagusapan nilang lugar ni matthew.
"Gusto kitang makausap..." paos na sabi ko sa kanya.
Why do i have this feeling na para bang nakikita ko sa mukha
nitong kagagaling lamang niya sa pagiyak. Na parang bang walang
itong kabuhay buhay.
Magdadalawang isip pa sana siya ngunit kahit papaano ay napangiti
ako ng umupo siya sa kabilang bench sa tabi ko.
"Sandali lang, marami pa kasi akong kailangang asikasuhin." Saad
niya ng hindi man lang tumitingin sa akin.
So you can keep me
Inside the pocket of your ripped jeans.
Holding me close until our eyes meet.
You won't ever be alone, wait for me to come home.
"Im sorry Cara...hindi ko gustong saktan ka, maniwala ka sa akin,
i really can take responsibility for you" pagsusumamo ko dito,
pero masakit lang dahil ni hindi nito magawang tingnan ako sa
mata. Nanatili lamang siyang nakayuko at nakatitig sa sahig.
"Alam ko lucas...paulit ulit mo nang sinabi yan sa akin" parang
maiiyak nanamang sambit niya.
Gusto ko siyang lapitan at yakapin. Gusto ko siyang yakapin ng
mahigpit. Damn, gusto ko na ding sumigaw dahil sa frustration.
Gustong gusto ko siyang aluin.
Loving can heal, loving can mend your soul,
And it's the only thing that I know, know.
I swear it will get easier, remember that with every piece of 'ya,
And it's the only thing we take with us when we die.
"Isa lang naman ang gusto kong marinig eh, kahit napaka
imposible..." garalgal ng sambit nito.
So you can keep me
Inside the pocket of your ripped jeans.
Holding me close until our eyes meet.
You won't ever be alone, wait for me to come home.
"Sabihin mo sa akin lucas...di ba hindi naman ikaw yung nakabuntis
kay amiella? Di ba hindi naman ikaw? Kaya pwede pa tayo..."
umiiyak na pagsusumamo nito sa akin.
Gustong gusto kong sabihing Oo, pwedeng pwede kami. Pero narinig
ko na ang pinakakinakatakutan ko.
"Sabihin mo lang na hindi lucas, promise hindi ako
aalis...promise!" Pagmamakaawa niya pa sa akin.
May bumarang kung ano sa lalamunan ko ng unti unti kong maramdaman
ang pagdaloy ng maiinit kong luha sa aking pisngi.
"Lucas sige na sabihin mo na..."
"She only want to be the best for you..."
"Let her love her self first"
"Let her go Lucas"
"Im sorry cara...im sorry kasi hindi na tayo pwede, magkakaanak na
kami ni Amiella"
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 50
"Then what happend to princess cara, Doctor Lucas?" Sweet na
tanong sa akin ni Anastasia.
Nginitian ko na lamang siya bago ko ginulo ang kanyang buhok. "Did
she missed prince Eion?" Pahabol na tanong pa nito sa akin.
"I hope so..." nakangiti man ay nanduon pa din ang pait sa aking
mga binitawang salita.
Sweet ako nitong nginitian. "I dont want that..." naiiyak na
sumbong niya sa akin ng makita niya ang injection na hawak ko.
Ikinulong ko sa maiinit kong mga palad ang kanyang malambot na
pisngi at tsaka ko siya kinausap. "You need this anastasia, this
will make you well" mahinahong pagpapaintindi ko sa kanya bago ko
kinuha ang syringe na kailangan kong iturok sa may braso niya.
Pumikit ito ng mariin habang nakakagat pa sa kanyang labi ng
tusukin ko na siya. "Good job, you can rest know" malambing pang
sabi ko dito bago niya ako niyakap.
"Thank you Doc Lucas, bukas po ulit ha...yubg story ni princess
Cara at prince Eion" paalala niya sa akin bago siya unti unting
pumikit.
Anastasia is my patient. May leukemia siya, in her early age
nakikipaglaban na siya sa sakit na hindi naman dapat niya
nararanasan ngayon.
It's been three years simula ng maging bago ang lahat para sa
akin. I became a Doctor pero hindi ko napractice ang specialties
ko. NagFocus ako sa mga bata lalo na ng mamatay ang anak ni
amiella. As her friend ako lang ang naging takbuhan niya lalo na't
itinakwil siya ng parents niya.
The baby didn't make it. Amiella is so depressed that time that's
why nagfocus siya sa pagtulong sa mga batang may cancer at duon ko
din nakilala si Anastasia. After the experience
ay mas nagustuhan ko na ang ginagawa ko.
"How's the bussiness?" Pangangamusta ko kay Suzy nang makasabay ko
siyang pumasok sa aming bahay.
"The bussiness ia fine kuya" tamad na sagot nito sa akin.
Dahil nakita kong depressed siya ay inakbayan ko ito, "Why dont
you go for a Vacation? Akong bahala...i'll take the charge"
pangungumbinsi ko pa sa kanya.
Nginusuan lang ako nito at tsaka inirapan. "Busy ako kuya maybe
next time" pagod na sagot niya sa akin kaya naman napatango na
lamang ako.
Everything has change. We've all grown up, naging busy na din ang
lahat sa kanikanilang mga trabaho at bussiness.
"Kakauwi mo lang galing Hospital?"
Napaiktad ako mula sa pagkakasandal ko sa may sofa ng magsalita
ang kararating lang na si Daddy.
"Opo dad" sagot ko sa kanya.
He has now white hairs, di pa man ganuon kadami ay halata na
talaga ang pagtanda ni Dad that's why nagiisip na din akong
magtakeover sa companya para naman makapagpahinga na siya at mas
dumami na ang time nila ni Mommy.
"How your patients? How's anastasia?" Tanong nito habang
tinatanggal ang kanyang neck tie.
"She's fine...ginagawa ko pa din ang lahat" sagot ko pa dito dahil
ikinikwento ko sa kanila ang mga nangyayari sa hospital sa araw
araw ko duon.
"That's good to hear, ipagpatuloy mo lang yang passion mo anak.
We're all here to support you along the way" paninugurado sa akin
ni dad kaya naman mas lalong lumaki ang aking ngiti sa kanya.
"Thank you dad"
Aakyat na sana ito ng nakangisi itong bumalik sa aking pwesto at
tsaka may inabot sa aking magazine.
"I want you to meet the gorgeous cover girl of this month Vogue
magazine" mapangaasar na sabi nito at tsaka naiiling habang
nangingiting iniwan ako duon.
Kaagad na tumigas ang aking mukha dahil sa aking nakita. Naikuyom
ko na din ang aking kamao dahil dito. The heck! Why did she f*ckin
need to posed in this magazine with her bare back.
Damn Cara Isabelle Mendez, I swear i'll make her pregnant with my
child if i see her.
Cara's Pov
"May photoshoot ka mamaya para sa Meil Clothing line" paalala sa
akin ni Chelsie.
"Aryt!" Hiyaw ko sa kanya dahil sa pagod at hingal dahil sa
pagtakbo ko sa threadmill.
"Girls! Breakfast is ready!" Tawag sa amin ni auntie marie.
"We're coming auntie" maarteng sagot nito Chelsie at nakangisi pa.
Pagkatapos ng ilang sandali ay pinindot ko na din ang stop button
tsaka ko kinuha ang towel ko at nagpunas ng pawis.
"Manager anong balita?" Pangaasar ko kay Chelsie.
"May photoshoot ka mamaya, magayos ka na diyan" pagsusungit nito
sa akin kaya naman napanguso na lamang ako.
It's been three years simula ng mag migrate kami dito sa Texas.
First days and months was a bit hard. Masyado kaming na culture
shock ni chelsie to the point na buong araw lang kaming nakakulong
sa bahay.
"Busy
ako angelina ha! Next month na ang runway for Michael Kors"
mataray na singhal ni Chelsie kay ate angelina na angelo naman
talaga.
"Keribels yan Girl! Ito ngang si Cara fully sched." Maarteng
salita nito habang nakadekwatro pa.
Isang fashion designer na si Chelsie ngayon. Bukod sa manager ko
ay isa na din siya sa mga designer ng Michael Kors & Co.
"Angelina wag mo ngang kulitin yang si Chelsie, naku kukurutin ka
niyan sa singit" natatawang suway ko kay Angelina habang
naglalagay ako ng jam sa toasted bread ko.
"Drini milk hija...mga baby ko pa din kayo" sabi ni aunti marie at
isa isa niya kaming nilapagan ng isang basong gatas.
"Masisira ang figure ko sa inyo auntie marie..." maareteng sabi ni
angelina dito.
"Ubusin mo yan. Hindi ka makakalabas dito hangga't di mo nauubos
yan" pananakot ni auntie dito kaya naman tinawanan ko na lamang
siya.
After magbreakfast ay nagayos na din ako ng aking sarili. Halos
magiisang taon ko palang ginagawa ang mga bagay na ito, hindi ko
din kasi inasahang magiging model ako. Si Chelsie ang naghikayat
sa akin na magjogging, magdiet at alagaan ang aking sarili.
Hanggang sa nakilala na din kaming dalawang.
"Dressing room number 5" turo ng isang staff sa amin.
"Thank you" sagot naman ni chelsie dito.
Sabay sabay kaming nagpunta sa dressing room na itinuro sa amin
nung isang staff kanina, as usual puno nanaman ito ng iba't ibang
klase ng damit na nakahang sa isang mahabang dress stand.
"Parating na din ang mga make up artist" anusnyo ni angelina
habang nakatutok
sa kanyang cellphone.
"Ang taas ng sales ng Vogue magazine sa pilipinas..." anunsyo ni
Angelina sa amin.
"Good" seryosong sambit ni chelsie habang nakaharap siya sa kayang
ipad at may pinipindot, sobrang busy...
"Yehey!" Parang batang sambit ko na lang kaya naman pinanlakihan
na lamang ako ng mata ni Angelina.
"Umayos ka nga diyan, bruha ka..." suway nito sa akin kaya naman
inirapan ko na lamang siya.
Maya maya ay nagdatingan na ang mga makeup artist at ang mga
gagawa sa aking buhok. Isa isa na ding pumasok ang mga lingerie na
susuotin ko para sa photoshoot. Kahit busy ay kaagad namang tumayo
si Chelsie at sinuri isa isa ang mga iyon.
"This one" sabi ni chelsie sabay turo ng kulay itim na laced
lingerie para sa isang sikat na lingerie company, this one is like
a Victory secret bussiness, but more on ito sa mens garments. This
year lang sila nagopen for Womens section kaya naman im lucky
kasali ako sa first batch nila.
"I want it more darker" turo niya sa mata ko. "the hair, big
curls" utos ni chelsie sa mga gumagawa ng make up at buhok ko.
Nagbabasa basa ako ng magazine habang busy silang lahat ng maya
maya lamang ay napatili si Angelina.
"Another bouquet of flowers from sir Thaddeus!" Anunsyo nito sabay
lapag ng red rose sa harapan ng aking salamin.
Napakagat labi na lamang ako dahil sa aking nakita. Inabot ko ang
card na kasama ng bulaklak.
Goodluck in your photoshoot. Ms. Beautiful...
-Thaddeus
Dahan dahan ko na lamang ibinalik ang card at tsaka tiningnan ang
mukha ko sa salamin.
"Cara alam ba niyang si Thaddeus na may boyfriend ka?"? Tanong ni
chelsie sa akin.
Tinanaw ko siya mula sa salamin pero busy lamang ito sa kanyang
Ipad.
"Ewan ko, sinasabi ko naman sa kanya eh..." mahinang sagot ko dito
at duon na siya tumingin sa akin mula sa salamin.
"Magagalit yang boyfriend mo pag nalamang pinapadalhan ka pa din
ni Thaddeus ng bulaklak" seryosong sabi nito sa akin kaya naman
napanguso na lamang ako.
Bago pa lang ako dito sa modeling company nila sir Thaddeus ay
nagpaparamdam na siya sa akin. Gwapo siya mabait, at sobrang hot.
Ang kaso ay kahit anong gawin ko ay hindi ko naman siya magawang
maguatuhan, hindi ko alam kung bakit pero unfair naman para sa
kanya kung pipilitin ko lang ang sarili ko.
"So damn Sexy!" Hiyaw ni Angelina
ay naiilang pa akong lumabas nang
parang wala na lamang ito sa akin
nagawang pictorials na konti lang
pagkasuot ko nung lingerie. Nuon
ganito ang suot, pero ngayon ay
dahil madami na din naman akong
ang sapin sa katawan.
"Cara your next" tawag sa akin ng head photographer namin.
After ng photoshoot ay nagstay muna kami sa may dressing room
dahil maraming kausap si Chelsie. Paminsan minsan nga ay
tinatanong ako nito kung gusto kong tanggapin ang offer. Dahil
baguhan pa lang ako ay sinusubukan kong tanggapin ang kahit anong
ioffer sa aking trabaho lalo na't di pa naman ako ganuon kagaling
sa pagmomodel para mamili ng gagawin.
"Next month kasali ka sa Runway para sa bloomingdale's" sabi sa
akin ni Chelsie na tinanguan ko na lamang.
Hindi na ito sumagot pagkatapos dahil naging busy siya sa
pagtatype sa
kanyang Ipad.
"Ms. Mendez...you can now check your account" nakangiting sabi sa
akin ng Assistang photographer.
"Thank you" sagot ko pa dito pagkatapos ay bumalik na kami sa
dressing room para makapagayos na din nang magulat kami ng mayroon
ng ibang tao duon.
"Good afternoon sir Thaddeus" bati ni angelina dito.
Binati din niya pabalik si Angelina pero diretso ang mga mata nito
habang nakatingin sa akin. "Hi Cara, how's the photoshoot?" Tanong
niya sa akin.
"Ayos naman" nahihiyang sagot ko sa kanya.
Half pilipino ito kaya naman kahit magusap kami ng tagalog ah ayos
lang dahil naiintindihan din naman niya.
"Are you free for dinner?" Diretsahang tanong pa nito.
Kaagad akong bumaling kay Chelsie para humingi ng permiso, pero
blankong ekspresyon lamang ang ibinigay nito sa akin na para bang
sinasabi niyang ako ang magdesisyon. Napakagat labi naman akong
napabaling kay thaddeus pero nangungusap ang mga mata nito habang
hinihintay ang aking sagot.
"Uhm...oo...oo naman pwede" nagaalangang sagot ko sa kanya pero
kaagad lamang lumawak ang ngiti sa labi nito.
Umuwi muna kami sa bahay para makapagayos ako. Samo't saring
sermon naman ang natanggap ko mula kay Chelsie dahil sa aking
pagsama kay thaddeus.
"Nagaalala lang naman ako sayo Cara, lalo na't yang boyfriend mo
eh pasulpot sulpot dito" pangaral niya sa akin.
"Sorry...dont worry kakausapin ko na si Thaddeus" sabi ko pa dito.
Kaagad itong tumango. "Late akong uuwi, may pupuntahan akong Open
gallery, baka nanduon din sa event si angelina, i'll text you na
lang" paalam pa nito sa akin na tinanguan ko na lamang.
Simula ng marehab si Auntie elena sa pilipinas ay naging seryoso
na si Chelsie sa buhay. Lalo nga akong humahanga sa kanyang
dedikasyon.
"Sinong kasama mong magdinner hija?" Tanong ni auntie marie ng
bumaba ako sa aming sala.
"Si thaddeus po" sagot ko sa kanya at tsaka ako tamad na umupo sa
may sofa. Nakasuot lamang ako ng simpleng dress at heels na din.
Nakaponytail lang ang buhok ko at tsaka ako naglagay ng light lang
na make up.
Napatayo ako ng may bumusina sa labas ng aming bahay. "I think
it's thaddeus, take care hija ok? " paalala sa akin ni Auntie
marie bago ako lumabas ng aming bahay.
Hindi kami nakaalis kaagad dahil kinausap pa nito si Auntie marie.
Gusto daw kasi niyang ipagpaalam ako dito ng maayos.
"Thank you for accepting my invitation" nakangiting sabi nito sa
akin dahilan para lumabas ang kanyang magkabilang dimples.
"It's ok, you are my friend" sambit ko kahit parang naguguilty
ako.
"Yeah...we're friends that's, that's it" parang pangungumbinsi
nito sa kanyang sarili.
"Im sorry thaddeus" paumanhin ko sa kanya.
Kahit kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata ay nagawa pa din
nitong ngumiti sa akin. "It's ok Cara, it's my fault...alam ko
naman may boyfriend ka"
Kahit may nangyaring ganuong usapan sa pagitan naming dalawa ay
naging maayos
pa din naman ang naging dinner namin ni Thaddeus. Naging kaibigan
na din naman namin siya ang kaso medyo masungit nga lang talaga si
Chelsie kahit pa ito ang may ari ng companyang pinagtratrabahuhan
ko.
"Just tell me if you need anything...even if it's about work, im
always here to help you" paninigurado nito sa akin.
"Thank you talaga Thaddeus..."
Umiling iling ito. "No problem Cara, you are really special for
me" sambit pa niya sa akin.
May ilan pa kaming pinagusapan ni Thaddeus sa loob ng kanyang
sasakyan bago kami nagpaalam sa isat isa. "Thank you, bye! Ingat"
kaway ko dito habang palayo ang kanyang sasakyan.
Nagpapasalamat pa din ako dahil sobrang bait ni thaddeus sa akin
kahit parang ang naging kinalabasan ay nabasted ko siya.
"My hard headed girlfriend did it again"
"OH MY GAHD!" hiyaw ko ng makita ko ang aking long lost boyfriend.
Kaagad akong tumalon papunta sa kanya at tsaka yumakap.
"Damn it cara, kumakain ka pa ba?" Pagalit na tanong nito sa akin.
Mahigpit ko siyang niyakap, tumango tango ako habang nakasubsob
ako sa kanyang dibdib. "Bakit nandito ka? Tapos na ang trabaho mo
sa pilipinas?" Malambing na tanong ko sa kanya.
"Oo, pagkatapos ay malalaman kong nakipagdate ka nanaman diyan sa
thaddeus na yan?" Seryosong sabi nito na kaagad kong inilingan.
"Ano ka ba! Friends lang kami ni thaddeus, tsaka dinner lang
yon...hindi date!" Pagpapaintindi ko pa sa kanya.
Sinimangutan ako nito at tsaka inirapan. Napatawa na lamang tuloy
ako sa kanya. Lumapit ako sa kanya at tsaka ko kinabig ang kanyang
batok.
"Ito lang ang gusto mo eh!" Pangaasar ko sa kanya tsaka ko kaagad
inangkin ang kanyang labi. Hindi din naman nagtagal ay hinapit ako
lalo nito papalapit sa kanya tsaka siya gumanti sa aking mga halik
dahilan para mapakapit ako ng mahigpit sa kanyang suot na jacket.
"Stop it, may kasalanan ka pa din" masungit na sabi nito tsaka
magwawalk out sana.
"Sorry na baby!" Sigaw ko sa kanya habang tumatawa pero di man
lang ako nito nilingon.
"Matthew sorry na!"
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 51
"Matthew Hijo tell me if may kailangan ka pa" sabi ni auntie marie
dito habang nagkakatuwaan kami sa may sala.
"Naku auntie wag niyo na po siyang masyadong intindihin malaki na
po ito" natatawang sabi ko pa.
Sinimangutan ako ni kuya matthew pero kaagad namang ngumiti kay
auntie marie. "Thank you po tita" magalang na sabi niya dito.
Halos buwan buwan ay dumadalaw si kuya matthew dito sa amin,
minsan ay nagtagagal siya ng mga 2 weeks tsaka ulit babalik sa
pilipinas. Sa kanya ko nalalaman lahat ng nangyayari sa pilipinas.
Siya yung naging sandalan ko nung mga panahong nalamang ko ang
katotohanang ang pagiging tanga ko kay lucas ang naging dahilan
kung bakit maagang nawala sa akin sina mommy at daddy.
Sinubukan kong sumuko na din at magpakamatay na lang. Pero hindi
ako iniwan ni kuya matthew, hindi siya kailan man nawala sa tabi
ko hanggang sa maglaon ay nagkapalagayan na kami ng loob hanggang
sa sinagot ko na siya.
"Pag kay auntie ang bait bait mo sa akin ang sungit mo...nung
hindi pa naman kita sinasagot mabait ka sa akin ah!" Pagmamaktol
ko dito.
Nakaupo ito sa sofa habang ako naman ay nakatayo sa kanyang
harapan.
"Ito nanaman po sila..." sambit ni chelsie at napapailing pa
habang nagbabasa ito ng magazine sa kabilang sofa kaharap namin.
"Im just protecting you Cara" seryosong sabi niya sa akin bago ako
nito hilahin papunta sa kanya dahilan para mapakandong ako dito.
Kaagad kong inikot ang mga braso ko sa kanyang leeg, ganuon din
naman ang ginawa niya dahil kaagad na pumulupot ang
mga braso niya sa aking bewang.
"Magiging busy ka ba this coming days?" Tanong niya sa akin.
Tumango tango ako. Humikab ako ng makaramdam ako ng antok, kaya
naman ng nakita niya iyon ay hinila niya ako dahilan para
makasandal ako sa kanyang balikat. Ang aking mukha ay nasa kanyang
leeg na at sobrang bango talaga duon.
"Makaalis na nga dito, Inis!" Nagdadabog na sabi ni Chelsie at
nagmamartsang umalis.
Kahit nakapikit na ay sabay kaming natawa ni kuya matthew dahil
dito. Masyado kasing bitter, palibahasa ay alam naming tinamaan
siya kay thomas kaya naman kahit marami siyang manliligaw dito ay
ni isa walang nakakapasa sa kanya.
"Sabihin mo nga diyan sa pinsan mong magboyfriend na" natatawang
sabi ni kuya matthew sa akin bago ko naramdaman ang halik niya sa
aking ulo.
"Si thomas ang gusto niyan" antok na sagot ko dito.
"Sobrang sungit ni thomas lalo na ngayong siya ang nagmamanage ng
bars nila, damn ni hindi kami makadiskarte dun, siguradong
palaging may away pagmagkasama silang dalawa" kwento sa akin ni
Kuya matthew.
Kahit antok ay parang bigla ko tuloy namiss marinig kung ano na
yung mga nangyayari sa kanila sa pilipinas. Ilang beses ko ding
sinubukang bumalik ang kaso ay wala akong pera nuon para bayaran
ang sarili kong pamasahe pauwi, ayoko naman na humingi pa kay
auntie marie.
Hindi ko alam per kahit ngayong may sarili na akong pera at kahit
anong oras ay pwede na akong pumunta duon ay parang nawalan na ako
ng ganang umuwi.
"Kamusta na sila?" Tanong ko sa kanya.
"Ayos naman silang lahat, may kanya kanyang pinagkakaabalahan na"
sagot nito sa akin habang marahan niyang sinusuklay ang aking
buhok.
Napakagat ako ng aking labi ng pigilan kong bumuka muli ang aking
bibig dahil sa susunod ko sanang tanong.
Ang sabi sa akin ni kuya matthew ikinasal na sina lucas at
amiella. Ang cute cute na nga daw ng baby nito. Si lucas ay doctor
na din. Nung ikwento niya ang mga ito sa akin nuon ay nakikinig
ako habang nakangiti, kahit ang totoo gustong gusto ko nang
magiiyak nung mga panahong iyon.
Kahit boyfriend ko na si kuya matthew ay may isang parte pa din sa
akin na hanggang ngayon ay nagmoMove on pa din, hanggang ngayon
pinipilit pa ding makalimot.
"I'll take you to your bed" sabi nito at tsaka ko naramdaman na
lumutang na ako sa ere tanda na binuhat na ako nito papaunta sa
aking kwarto.
"Sleep well baby" sambit nito tsaka ko muling naramdaman ang
paghalik nito sa aking noo tsaka sa aking labi.
Nang marinig ko ang pagsara ng pintuan ay muli akong napatihaya at
tsaka tumitig sa kisame hanggang sa unti unti nanamang naglaglagan
ang luha sa aking mga mata.
Hindi ko alam kung bakit, pero sa totoo lang gabi gabi pa din
akong umiiyak sa di ko malamang dahilan. Gabi gabi pa din akong
unti unting namamatay sa lungkot dahil sa mga bagay na hindi ko
naman alam.
"Good morning Auntie" bati ko dito pagkababa ko sa may dinning.
Siya lang at ang mga kasambahay ang naabutan ko duon na nagaayos
ng aming breakfast. Umupo kaagad ako at tsaka sumimsim
ng juice.
"Si matthew maaga pa lang ah lumabas na para mag jogging" sabi sa
akin ni auntie na kaagad kong tinanguan.
Kahit magsalita ay parang tinatamad ako na din ako. Kumuha ako ng
pancake tsaka iyon binuhusan ng honey.
"Cara, cancel ang photoshoot mo mamayang hapon, naMove bukas ng
umaga" sabi ng kararating lang na si Chelsie. Ayos na ayos na ito
unlike me na ni pagsusuklay ng buhok ay hindi ko nagawa.
"May meeting kami ngayon para sa runway next month, baka magkaroon
ng Fashion week ifefeature lahat ng naging Vogue cover girl"
kwento nito sa akin na tinanguan ko na lamang habang ngumunguya
ako.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng dumating si Kuya matthew
kaagad niya akong hinalikan at tsaka siya tumabi sa akin. "Free si
Cara today, sulitin niyo na" payo sa amin ni chelsie.
Malawak ang ngiti ni kuya matthew ng bumaling sa akin. "We will
surely do that" paninigurado nito kay chelsie.
After breakfast ay nagayos na din ako. Maging si kuya matthew ay
nagbihis na din para sa sinabing susulitin namin ang araw na ito.
Malamig dahil parating na ang winter kaya naman medyo makapal na
ang suot naming mga damit. Hindi na din kami nagdala sasakyan
dahil nasa mismong city na kami kaya kahit lakarin mo lang ay may
acess ka na sa lahat.
"Saan muna tayo bago mag lunch?" Tanong nito sa akin ng
magpareserve ito sa isang mamahaling restaurant. At dahil maaga pa
kami para sa oras ng reservation namin ay naghanap muna kami ng
pwedeng
puntahan.
"Ayoko na sa mall, nakakasawa na dun" sabi ko sa kanya.
Kaagad na umikot ang mga mata nito sa paligid, nakatayo siya sa
aking harapan habang ako naman ay nakaupo sa isang swing sa park
sa gitna ng city.
"I know na...let's go" sabi niya sabay hila sa akin.
Napunta kami sa Coffee and table. Isa itong coffee shop na parang
may library sa loob. Book lovers will surely love this place.
Kahit buong araw ka siguro dito ay ikaw na mismo ang susuko sa
sobrang daming libro na pwede mong basahin.
Umorder si kuya matthew ng dalawang iced coffee tsaka dalawang
slice ng raspberry cake. Habang nasa counter siya ay pumunta na
ako sa nakahelerang book stands at naghanap na ng librong pwede
kong mabasa.
Marami akong nakitang mga novels na ngayon ay sikat nang mga
movies. Naghanap ako hanggang sa mapukaw ang atensyon ko ng isang
librong medyo luma na. Hindi katulad ng ibang libro dito ay
halatang matagal na ang librong ito.
How to Unlove by Maria CarCat
Kaagad ko iyong kinuha at tsaka bumalik sa napili naming pwesto ni
kuya matthew. Pagdating ko ay nanduon na ang inorder namin at
nakaupo na din siya at may sarili ng hawak na libro.
Halos lasapin ko ang bookcover, hindi ko alam kung bakit pero
parang kinakabahan ako sa mga pwede kong mabasa sa loob nito.
Ewan, hindi ko alam feeling ko napaParanoid nanaman ako.
Isang quotes ang kaagad na sumalubong sa akin pagkabukas ko ng
librong iyon.
Someday, someone might come into your life and love you the way
you always wanted...
The book was
consist of different short stories, pero ang mga ito ay connected
sa isat isa. Namamangha ako habang binabasa ko ang mga ito. Some
makes me want to cry pero in the end of the story mapapa- ah! Buti
na lang pala nangyari yon.
It was hard to acccept at first na yung loveteam na binabasa mo sa
unang part ng story ay hindi ang magkakatuluyan pagdating sa dulo.
But the moral lesson in each story was, Someone might be not the
right person...wrong time? wrong reason? Or wrong person.
"It's almost time Cara, let's go" yaya sa akin ni kuya matthew.
Napabagsak ang aking balikat dahil halos makakalahati ko pa lang
ang librong iyon. Pero dahil naunang naplano ang mga lakad namin
for this day ay pinangako ko na lamang sa sarili kong babalik ako
dito para magbasa ulit.
"Tutok na tutok ka sa binabasa mo kanina ah" puna niya sa akin
habang magkahawak kami ng kamay habang naglalakad papaunta duon sa
restaurant.
"Ha...ah oo maganda kasi" sagot ko sa kanya.
"Anong title?" Tanong nito pero di ko alam kung bakit parang hindi
ako komportableng sabihin sa kanya.
"Ha eh...ano" halos manuyo ang lalamunan ko dahil duon, buti na
lamang at kaagad na tumunog ang cellphone ni kuya matthew. Damn!
Nakahinga din ako ng maluwag sa wakas.
Huminto kami sa paglalakad para masagot niya ang tawag. Kaya naman
ginala ko na lamang muna ang aking paningin.
"WHAT!? Anong nangyari?" Mataas ang boses nito at kitang kita ko
talaga
sa kanyang mga mata ang pagaalala.
Gusto ko sanang magtanong pero mas pinili kong maghintay na lang
muna na matapos siyang makipagusap.
"Dont worry, uuwi ako kaagad" frustrated na sabi nito sa kausap
niya sa kabilang linya.
"What happend?" Nagaalalang tanong ko sa kanya lalo na't kitang
kita ang panghihina sa mukha nito.
"Sinugod si mommy sa hospital" parang naiiyak na kwento niya sa
akin.
Dahil dito ay kaagad ko siyang niyakap. "Shhh...magiging ok din
ang lahat" pagaalo ko sa kanya bago niya ginantihan ang aking
yakap.
Tita Zyrene is a cancer survivor, medyo nagkakasakit na ito this
past few months kaya naman kahit ako ay nagaalala na din. Sobrang
bait nito kahit nung mga bata pa lang kami. Sigurdo din akong
kahit si tito matteo ay frustrated na ngayon.
"They need me there" sabi niya sa akin na kaagad kong tinanguan.
"Yes i know, dont worry after this upcoming events, susunod ako
sayo sa pilipinas" paninigurado ko pa dito.
"Thank you..." nanghihinang sabi niya sa akin.
Kahit papano ay nagawa pa din naming maglunch, pero after nuon ay
kaagad din kaming nagayos para makauwi kaagad si kuya matthew sa
pilipinas. Awang awa ako sa kanya dahil sa sobra nitong pagaalala.
Kung wala lang akong napirmahang mga contract ngayon ay sasama ako
sa kanya pauwi.
"Please give me a message sa mga stop over niyo,i just want to
monitor you" paalala ko dito habang handa na ang sasakyan at siya
na lang ang hinihintay.
Gusto ko nga din sana siyang
ihatid sa airport ang kaso ay ayaw naman ako nitong payagan. Mas
gusto daw niyang dito na lang ako sa bahay para hindi na siya
magalala sa akin.
"Susunod ako kaagad pag na Clear na ang schedule ko" paninigurado
ko sa kanya.
We kissed goodbye bago siya tuluyang umalis. "Sayang halos
magdadalawang araw pa lang si matthew dito" sabi ni angelina.
"Kailangan niyang umuwi, mommy niya yon eh" si chelsie na ang
sumagot dito dahil di ko rin naman magawang magkwento dahil
iniisip ko ang magiging byahe niya.
"Iba na talaga pag mayaman ka ano? Nakitulog lang dito ah!
Ginawang probinsya ang texas" namamanghang sabi pa nito.
"Manahimik ka nga diyan! Kita mong halos maihi na si cara kakaisip
oh" suway ni chelsie sa kanya dahilan para tumahik na ito.
Puno ang schedule ko ng mga sumunod na araw, pero kahit ganuon ay
nagagawa ko pa ding kamustahin si kuya matthew. Ok na din si tita
zyrene ang kaso ay nakaConfine pa din ito.
"So mawawala ka sa Fashion week?" Tanong ni Sir thaddeus ng
makapagusap kami.
Nasabi ko na din naman kay Chelsie ang plano kong paguwi sa
pilipinas, sinuportahan naman niya ako duon ang kaso ay hindi siya
makakasabay sa akin pauwi kung pwede man dahil isa siya sa mga
designers.
Kaagad akong napatango. "Opo...sir alam ko pong wrong timming
pe..." hindi na ako nito hinayaang matapos pa sa aking sasabihin.
NapaCrossfinger tuloy ako habang hinihintay ko ang magiging sagot
nito sa akin.
"No problem...tutal ay kailangan din naman ng company natin ng
representative sa pilipinas" sagot niya sa akin dahilan para halos
mapatalon na ako sa aking kinauupuan.
"Oh my gahd sir! Thank you po talaga!" Pasasalamat ko sa kanya.
Umiling iling ito na para bang walang problema at hindi iyon
gaanong big deal. "Pinaguusapan pa lang namin kung sino ang
pwedeng ipadala para magrepresent ng company natin, im happy you
approach me first" sabi pa nito sa akin pero hindi na nawala ang
ngiti sa aking labi.
Kaagad kong ibinalita kay Chelsie ang naging desisyon ni sir
thaddeus. Sumangayon naman siya dahil magandang oppurtunity rin
daw iyon kung magiging representative ka ng isang clothing line sa
ibang bansa.
"Pero baka next month na ako makasunod sayo" sabi nito sa akin
habang tinutulungan niya akong magempake ng gamit. Makakasama ko
si angelina pauwi sa pilipinas dahil bussiness at trabaho pa din
naman ang dahilan ng paguwi ko duon.
"Ready na ba ang lahat?" Tanong ni chelsie sa akin.
"Ah oo, yung mga gagamitin ko na lang ngayon yung kulang sa maleta
ko..." sagot ko sa kanya.
Pero nanatili lamang itong nakatingin sa akin. "I mean, ready na
ba ang lahat Cara? pati puso mo?"
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 52
"Yes sir, nasa airport na po kami" si angelina iyon. If im not
mistaken si sir thaddeus ang kanyang kausap.
Nasa arrival area na kami at hinihintay na ang aming sundo. For
now ay sa shelcosta muna ako magrereport. Sister company ng Miel
clothing line na pagmamayari nila sir thaddeus.
Hinubad ko ang aking coat kaya naman naiwan sa aking katawan ang
kulay puting sleeveless na mas lalong nagpadepina sa aking
kaputian. Ang kulay brown kong buhok ay ngayon ay nakahawi sa
isang banda dahil sa sobrang init na aking nararamdaman.
"Here is it" anunsyo ni angelina ng makita ang paparating na kulay
itim na starex.
"Good morning ma'm welcome to the philippines" bati sa amin ng
driver at kaagad niyang kinuha ang aming mga dalang maleta.
"You have two free days, bago ang fashion week cara...you can do
whatever you want. Just take good care of your skin ok! Wag lang
beach!" Paalala pa nito habang nasa kalagitnaan kami ng byahe.
Busy siya sa kanyang cellphone samantalang di naman naalis ang
aking mga mata sa labas ng bintana dahil sobra kong namiss ang
lahat ng ito.
Royalé Meirina Hotel and Condominium
Pumasok ang aming sinasakyang starex van sa isang malaking
compound sa gitna ng city. It was a two tall building, one was a
condominium and the other one is the hotel.
"Go rest for today Cara, dadalaw dalaw ako dito. Kailangan ko lang
magreport ngayon sa Shelcosta" sabi sa akin ni angelina habang
nasa elevator kami papunta sa aking condo unit.
"Saan
ang una nating trabaho dito?" Tanong ko pa sa kanya.
"May photoshoot ka the day after tomorrow, di pa settled ang
location but ill text you asap" sagot niya sa akin na tinanguan ko
na lamang.
The condo was a bit large for me, lalo at magisa lang naman ako
may konting bilin pa sa akin si angelina bago niya ako tuluyang
iniwan duon. Dahil sa paninibago dahil magisa lamang ako ngayon ay
kaagad kong hinawi ang kuritina dahilan para bumulaga sa akin ang
malaking glass wall dahilan kung bakit kita ko ang buong city kung
dudungaw ako pababa.
The heck! Im in the 26 floor for goodness sake! Kaya naman bago pa
ulit ako malula ay isinara ko na lamang muli iyon. Ni hindi ko
nagawang galawin ang aking mga maleta, humilata kaagad ako sa sofa
at tsaka pumikit.
Nakakakaba pagrumarampa ako sa mga fashion events. Pero parang mas
hihimatayin ako ngayon dahil nandito na ako sa pilipinas. Lugar na
iniwan ko three years ago.
Kinuha ko ang cellphone ko at susubukan ko sanang tawagan si
matthew ang kaso ay napagisipan kong surpresahin na lamang siya
hindi kasi niya alam na ngayon ang uwi ko. Sa tutuosin nga ay
parang ayaw pa nga nitong umuwi ako dito sa pilipinas.
"Later...later..." inaantok na sambit ko bago nabitawan ang
cellphone ko tsaka unti unting bumigat ang talukap ng aking mga
mata.
Halos sandali lang ako nakaidlip. Marahil ay naninibago pa din
ako. Naligo ako at tsaka nagbihis kahit ang totoo ay hindi ko alam
kung saang hospital ako pupunta. Nagsuot ako simpleng maong pants
at tsaka kulay cream laced offshoulder tsaka ko ako nagpartner
ng kulay brown na one strap cigarrette heels.
"Manong sa Jimenez group of companies po" sabi ko sa driver na
pinaiwan ni angelina para sa akin para daw hindi ako mahirapan
kung saan ko gustong pumunta.
Hindi ko alam pero halos hindi kumabog ang dibdib ko sa kaba o
takot na papunta ako ngayon sa kanilang companya. Marahil ay
nakaSet na sa mind kong doctor siya kaya malamang nasa hospital
siya at wala sa opisina.
Bumaba ako sa mismong harap ng kanilang companya. Kaagad akong
napatingala dahil sa tagal na hindi ako nakapunta dito. Kahit
papaano ay naaalala ko pa din naman kung saan matatagpuan si tito
luke.
"Sino po sila?" Tanong ng secretary nito sa akin.
Ang kaninang malawak kong ngiti ay unti unting nawala hanggang sa
mapakamot na lamang ako sa aking batok. Hindi ako nagisip bago ako
nagpunta dito.
"Uhm...andyan po ba si tito luke?" Parang nahihiya pang tanong ko
dito.
"Nasa meeting po si Mr. Jimenez" sagot pa nito sa akin.
Napabuka na lamang anb aking bibig. "Ah!" Yun na lamang ang nasabi
ko at tsaka natawa para sa aking sarili.
"Is it ok, if i'll wait here?" Tanong ko sa kanya.
Kaagad itong tumango, "Sure ma'm, may gusto po ba kayong inumin?"
Tanong niya sa akin.
"Water will do" nakangiting sabi ko dito at tsaka siya kaagad
tumungo kung saan.
Umupo ako sa may sofa sa labas ng opisina ni tito luke na
nagsisilbing visitors area na din. Tama lang ang punta ko dahil
medyo hapon na, siguro naman ay hindi na siya busy ng ganitong
oras.
"Thank
you" sabi ko duon sa babae ng inilapag na niya ang tubig na
hinihingi ko.
Kaagad ko iyong inabot at tsaka sumimsim ng muntik na aking
mabilaukan ng makita ko si tito luke na naglalakad na papalapit sa
aking gawi.
Tumingin ito sandali sa akin kaya naman napatayo ako tsaka todo
ngiti, pero nanlaki ang aking mata ng kaagad itong umiwas ng
tingin at tsaka nagdirediretso papunta sa kanyang opisina.
"Uhmm...mr. jimenez, may bisita po kayo" pagpigil sa kanya ng
kanyang secretary.
"Sino?" Tanong niya dito.
Napatingin sa akin ang kanyang secretary kaya naman napabaling din
ng tingin sa akin si tito luke. Dahil sa pagtingin niya sa akin ay
muli akong ngumiti sa kanya pero naningkit lamang ang mga mata
nito sa akin.
"Tito luke" tawag ko sa kanya dahilan para manlaki ang mata nito.
"Damn it. Hindi kita nakilala kaagad anak! your so different in
magazines..." di makapaniwalang sabi nito at tsaka lumapit sa akin
at niyakap ako ng mahigpit.
"Your so gorgeous hija" proud na proud na sabi nito sa akin.
"Thank you po" sabi ko sa kanya bago ako humalik sa kanyang
pisngi.
"Are you really looking for me?" May halong pangasar na tanong
nito sa akin habang naglalakad kami papasok sa kanyang office.
"Syempre po kayo...and suzy" mabilis na sagot ko na ikinatawa
niya.
"I knew it!" Sabi nito tsaka tumawa ng malakas.
"Please visit your tita sam too if you have a free
time, she miss you so much" pakiusap nito.
"Ofcourse tito, i will make a time for her" paninigurado ko pa
dito.
Sinamahan ako ni tito luke sa office ni suzy. Nagyaya din siyang
magmirienda kami pero may aayusin lang daw siya sandali at
babalikan na lamang kami.
"Siguradong matutuwa siya" paninigurado nito sa akin ng ihatid
niya ako sa harapan ng opisina nito. Ni hindi na nga din kami
sinita ng secretary nito dahil nakitang kasama ko si tito luke.
Kumatok ng tatlong beses bago ko pinihit ang pinto. "Mae, i tell
you ayoko ng storbo" pagalit na sabi nito.
Napatawa tuloy ako ng mahina bago ko tuluyang nilawit ang ulo ko
sa pinto.
"Good afternoon ma'm" nakangiting sabi ko sa kanya.
Sa pagkakatitig nito sa kanyang laptop ay lalo siyang sumimangot.
Bumaling siya sa akin at magsasalita sana ang kaso ay mukhang
nakilala niya kaagad ako.
"Hi po ma'm!" Pangaasar ko sa kanya at tsaka tuluyan na akong
pumasok sa loob ng kanyang opisina.
Nanatili ang titig nito sa akin habang naglalakad ako papalapit sa
kanyang lamesa.
"Wala man lang hug?" Tanong ko sa kanya pero lalo lamang itong
sumimangot sa akin.
Maya maya ay tumayo na din ito. "Labas! busy ako, ayoko ng storbo"
pagalit na sabi nito sa akin kaya naman napahinto ako sa aking
paglalakad.
"Totoo?" Paninigurado kong tanong sa kanya sabay kamot sa aking
batok. Pagkatapos nuon ay nagsimula ng magtubig ang mga mata nito.
"Gaga ka talaga!" Hiyaw niya sa akin tsaka humangos
na kinain ang pagitan naming dalawa at tsaka ako mahigpit na
niyakap.
"Nakakainis ka! Naiinis talaga ako sayo!" Nanggigigil pang sabi
nito at halos hindi na ako makahinga dahil sa higpit ng
pagkakayakap niya sa akin.
"Sor..." hindi ko pa man natatapos ang sorry ko ay pinigilan na
ako nito.
"Wag ka ng magsorry! Hindi ko taganggapin yan!" Suway niya sa aki
kaya naman natawa na lamang ako.
Pagkatapos niya akong yakapim ay tinulak niya ako palayo sa kamya
tsaka niya ako tiningnan mula ulo hanggang paa. Hindi pa siya
nakuntento at inikutan pa niya ako.
"Walang hiya ka! Mas sexy ka pa sa akin ngayon!" Pangaasar nito sa
akin.
Gusto ko sana ulit siyang yakapin dahil sobrang miss na miss ko na
talaga siya ang kaso ay masama pa din ang tingin nito sa akin.
"Bakit ka umuwi?" Mataray na tanong niya sa akin.
"May trabaho kasi ako dito...para sa fashion week" sagot ko sa
kanya at todo ngiti talaga ako kahit nakasimangot siya sa akin.
"See, kung wala kang trabaho dito hindi ka uuwi" sumbat pa niya na
ikinanguso ko.
Naging masungit si suzy sa akin kahit kasama na nami si tito luke
at kumain kami sa isanb restaurant. Sinusungitan niya ako pero
todo yakap naman sa akin pag nakakahanap siya ng tiempo.
"Damn, di ka na mareach" mapanuyang sabi pa nito ng may ilang
teenager na lumapit sa akin para magpapirma ng kanilang Vogue
magazine na ako ang nasa cover.
"May boyfriend ka na ba hija?" Tanong
ni tito luke sa akin.
Parang nahihiya pa akong tumango. "Op..."
"Syempre wala yan" putol sa akin ni suzy.
"Meron" mabilis na sagot ko sa kanya na ikinagulat niya.
Naningkit tuloy ang aking mga mata. "Hindi mo alam?" Gulat na
tanong ko sa kanya.
Pero mas gulat ito kaysa sa akin. "Paano ko naman malalaman?" Inis
pang tanong nito sa akin na para bang wala talaga siyang kaalam
alam tungkol sa amin ni kuya matthew.
Dahil bigla akong naguluhan sa kanila ay nanahimik na lamang ako.
"Kung yang boyfriend na sinasabi mo ay hindi si kuya lucas, naku!
Wag na wag kang magpapakita dun!" Pananakot pa nito sa akin
samantalang si tito luke ay napapangisi na lamang.
"Bakit naman?" Tanong ko dito sabay higop sa juice.
"Kasi sa oras daw na makita ka niya bubuntisin ka niya"
diretsahang sabi ni suzy sa akin dahilan kung bakit muntik ko nang
maibuga sa kanya yung ininom kong juice.
"Tito luke oh" pagsusumbong ko din sana dito pero hindi rin pala
siya kakampi sa akin.
"We're growing anyway...me and your tita sam is very much ready
for a grandchild" nakangising sabi pa ni tito luke sa akin.
Nagpaturo ako kay suzy kung saang hospital nakaConfine si tita
zyrene. Hindi naman sila nagtanong tungkol sa pagpunta ko duon
kaya naman mas lalo akong naguluhan sa kanila. Ayoko namang
magtanong.
"Sa friday birthday ng tita sam mo, Your presence can be the best
gift" paalala sa akin ni tito luke.
"Yea po tito, di ako mawawala" paninigurado ko pa sa kanya.
"Or a
grandchild instead" pahabol ni suzy kaya naman halos habulin ko
siya ng palo mabuti na lamang at nakasakay na ako sa van.
"Sa makati med po tayo" sabi ko sa driver.
Habang nasa byahe ay napapaisip pa din ako kung bakit hindi alam
ni suzy na kami na ni kuya matthew. Hindi ba niya sinabi?
Ikinahihiya ba niya ako? At sobra din akong nagulat sa sinabi niya
tungkol kay lucas. Ako bubuntisin gayong may asawa at anak na ito?
Sobrang gulo talaga.
"Cara?"
Napabaling kaagad ako sa babaeng tumawag sa akin. Nanglingonin ko
ito ay kaagad kong nakita si zena. Nang masigurado namin kaming
dalawa ay kaagad ko siyang niyakap.
"How'a tita zyrene?" Tanong ko sa kanya.
Kaagad ako nitong nginitian. "She's fine, pwede na siya lumabas
after some test" masayang kwento pa nito sa akin.
"That's good to hear" sabi ko.
Sabay kaming naglakad patungo sa room na kinalalagyan ni tita
zyrene, habang naglalakad nga kami ay puro puri ang natanggap ko
mula rito kaya naman ramdam na ramdam ko ang paginit at marahil
pamumula na ng aking pisngi.
"Daddy" tawag ni Zena kay tito matteo.
Kita ko ang pagkabigla ni tito matteo ng makita niya ako pero
kaagad din naman siyang tumayo mula sa kanyang pagkakaupo tsaka
niya ako sinalubong ng yakap.
"Kamusta ka na? You've change a lot hija" matamlay man ay nagawa
pa din ako nitong purihin.
"Ok lang po ako tito, kayo po? Si tita zyrene?" Pangangamusta ko.
"Pwede na siyang lumabas, baka bukas o sa isang araw" sagot nito
sa akin. Mahimbing ang tulog ni tita zyrene kaya naman si tito
matteo at zena lamang ang aking nakakausap.
"Uhmm si kuya matthew?" Tanong ko kay zena ng hindi na ako
nakatiis pa.
"Si kuya? Nasa bahay kumuha ng gamit" sagot nito sa akin kaya
naman napatango na lang muna ako.
Maya maya ay nagpaalam akong lalabas ng tumunog ang aking
cellphone dahil sa pagtawag sa akin ni angelina. Kinausap ako nito
tungkol sa mga main events na tratrabahuhin namin dito.
"Cara?"
"Kuya matthew!" Tawag ko dito tsaka ako tumalon ng pagyakap sa
kanya.
"What are you doing here?" Tanong nito sa akin at halatang halata
ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata.
"Surprise?" Parang di rin tuloy siguradong sagot ko pa sa kanya.
Sandali ko siyang hinalikan sa labi para sana kahit papaano ay
makabalik ito sa kanyang sarili. Pero napahiwalay ako dito ng may
marinig akong boses ng isang batang babae.
"Hala doc lucas, she looks like princess cara in your story" sabi
ng isang cute na batang nakasakay sa wheel chair.
Pero duon ako nanigas ng makita ko ang doctor na nagtutulak ng
kanyang wheel chair.
"Lucas..." gulat na sambit ko ng makita ko ang talim at galit na
galit na tingin nito sa akin.
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 53
Para akong nanigas sa mismong kinatatayuan ko. Maging ang aking
paghinga ay matagal kong nahigit dahil sa di ko malamang tensyon
na namumuo sa aming pagitan. Si lucas ay ni hindi natinag sa
pagtitig sa akin, ni hindi ko din naman magawang lingonin si kuya
matthew pero ramdam ko pa din naman ang kanyang presensya sa aking
likuran.
"When i grow up i want to be a model like you po..." sweet na sabi
nung batang babae na cute na cute na nakaupo sa kanyang wheel
chair, kahit medyo pale ang kanyang balat at maitim ang ilalim ng
kanyang mga mata ay kita pa din ang kagandahan nito.
Nagpapasalamat ako dahil nagsalita ang batang iyon kaya naman
nagkaroon tuloy ako ng dahilan para makagalaw sa aking
kinatatayuan. Huminga muna ako ng malalim bago ako tuluyang
ngumiti sa kanya bago ako lumapit at lumuhod sa kanyang harapan.
"What's your name baby?" Malumanay na tanong ko dito.
Natuwa ako at nakaramdam ng init sa aking mga pisngi ng ilagay
nito ang dalawang maliliit at malambot na palad niya sa aking
mukha.
"Your so pretty princess cara" naka smile na sabi pa nito sa akin.
Kumunot ang aking noo dahil sa aking narinig. Perl dahil ayoko
naman na mastress pa ang batang iyon ay nginitian ko na lamang
siyang muli. "Thank you, by the way what's your name?" Tanong ko
pa din sa kanya kahit ang totoo ay naiilang pa din ako sa
presensya ni lucas sa likod nito.
"My name is Anastasia Janna Marquez" buong pagpapakilala nito sa
kanyang sarili.
Mas lalong lumawak ang aking ngiti, pero napatingala ako ag kaagad
na napatayo ng magsalita si Lucas.
"We need to go back now Anastasia" paalala ni lucas dito.
"Ok po Doc" magalang na sagot niya kay lucas. Nadisappoint ako
dahil ni hindi man lang nabago ang nakapoker face na si lucas
gayong napaka cute at bibbo ng kanyang inaalaagang pasyente.
"Princess cara...I wish, i can meet you again" nakangiti man ay
ramdam na ramdam ko ang lungkot nito ngayon.
Hinawakan ko siya sa ulo at hinimashimas ang kanyang malambot na
buhok. "Of course...magkikita pa tayo" paninigurado ko pa dito.
Pagkatapos ng pagsagot konb iyon ay kaagad na itinulak ni lucas
ang wheel chair palayo sa aming kinalalagyan. Ni hindi na din ito
nagbigay man lang ng kahit sandaling tingin sa akin o sa aming
gawi.
"Cara..." tawag ni Kuya matthew sa akin.
Matagal ko nagawang lingonin siya dahil sa takot na baka ibang
ekspresyon ang maipakita ko sa kanya kaya naman kinalma ko muna
ang aking sarili. Half of me ay nadisappoint, i dont know why?
Maybe because hindi ito ang ineexpect kong pagkikita namin ni
lucas after years.
"Cara are you Ok?" Parang kinakabahang tanong pa sa akin ni kuya
matthew kaya naman pinilit kong ngumiti sa kanya.
"Yah, ofcourse" sagot ko pa dito at dahil dun ay parang umaliwalas
ang mukha nito kahit papaano.
Ilang oras din akong nagtagal sa Hospital dahil sa
pagkikipagkwentuhan ko kay tita zyrene. Mabuti na lamang talaga at
maayos na ang kanyang kalagayan. Nagpabili pa nga sila tito matteo
ng pagkain kaya
naman nagkaroon kami duon ng konting kainan.
"Hindi ba nila alam?" Mahina at tunog dismayadong tanong ko kay
kuya matthew. Napansin ko kasing parang wala ni isa sa loob ng
kwartong ito ang nakakaalam na may relasyon kami.
Pansin ko ang pagkagulat nito, maging ang pagkataranta niya na
pilit niyang itinatago ay nagiging malinaw na sa aking paningin sa
ngayon.
"Kuya matthew, may itinatago ka ba sa akin?" May hinanakit na
tanong ko sa kanya. Ngayon pa lang ay parang maiiyak na ako sa
naiisip kong dahilan.
Kitang kita ko ang pagtaas baba ng kanyag adams apple, para bang
may nakabara duong kung ano kaya hindi niya magawang magsalita.
"Cara let's talk, pero hindi ngayon" seryosong sabi niya sa akin
dahil para halos kalahati ng katawan ko ay nakasense na ng mga
totoong nangyayari sa aking paligid.
Kunot noo ko siyang tiningnan. Kahit papaano ay hindi ramdam nila
Tito matteo at tita zyrene ang tensyon sa pagitan naming dalawa
dahil busy din silang dalawa sa paguusap.
"Bakit hindi pa ngayon?" Buong tapang kong tanong sa kanya kahit
ang totoo ay natatakot din ako.
Mariin itong napapikit at napahilamos sa kanyang mukha.
"Kararating mo lang, for goodness sake..." medyo frustrated na
sambit nito.
Gusto kong maluha sa inis. Naikuyom ko na ang kamao ko dahil sa
sobrang inis sa mga nangyahari, feeling ko kasi ay clueless ako at
ako lang ang hindi nakakaalam ng mga bagay na dapat kong malaman.
Diretso akong nakatingin sa kanya ng tumayo ako at
magpaalam na kina tito matteo at tita zyrene. Ginawa ko iyon ng
hindi man lang nakatayo si kuya matthew sa kanyang kinauupuan.
"Matthew ihatid mo na si Cara" utos sa kanya ni tito matteo na
kaagad kong tinanggihan.
"Hindi na po tito, may sundo po ako" nakangiting sabi ko dito at
pagkatapos nuon ay mabilis din naman akong lumabas.
Hindi ko alam kung bakit nagkakaganuon siya, hindi ko alam kung
anong tunay na problema sa pagitan naming dalawa.
Sobrang dami kong iniisip habang naglalakad ako sa may hallway ng
hospital, hanggang sa mapasigaw ako ng may humila sa aking
palapulsuhan.
"Lucas?" Gulat na tawag ko dito.
Gulat na gulat pa din ako habang hila hila ako nito papunta sa
kung saan. Ni hindi ko na kayang magsalita, hinintay ko na lamang
na matapos siyang maglakad at hindi na din naman ako pumalag pa.
Hingal na hingal ako pagkarating namin sa may rooftop ng Hospital.
Nakakamangha nga ang tanawin lalo at papalubog na ang araw.
"What the hell is that!?" Biglang singhal nito na ikinagulat ko
kaya naman napahawak tuloy ako sa aking dibdib.
"What's with the kiss? Damn it cara! What is it?" Frustrated na
tanong nito sa akin. Nanatiling nanlalaki ang aking mata habang
pinagmamasdan siya sa aking harapan na halos galit na galit.
Dahil duon ay nagkaroon ako ng chance na mapagmasdan si lucas.
After 3 years, he grown up...siya pa din iyon pero ang buong
pagkatao niya ngayon ay sumisigaw na ng authority na para bang he
is now a
real man now. Marami ng nagbago sa kanya, pero ang kamay kong nasa
aking dibdib ngayon ay pamilyar pa din ang ginagawang pagtatambol.
"Answer me!" Singhal na utos niya sa akin dahilan para bumalik ako
sa aking wisyo.
"Ano banb ikinagagalit mo?" Pilit kong naging matapang na sagot sa
kanya.
Mas lalong kumunot ang noo nito at naikuyom ang kanyang kamao.
"Yan ba ang natutunan mo sa America? Ang halikan sa labi ang kung
sinong lalaking gusto mong halikan?" Akusa nito sa akin na halos
ikakulo na ng aking dugo.
"Excuse me, boyfriend ko yung hinalikan ko...hindi siya kung
sinong lalaki lang" seryosong pagpapaintindi ko sa kanya na halos
ikaluwa naman ng kanyang mata.
"Boyfriend?" Paniniguradong tanong pa nito sa akin.
Duon ko nakumpirmang wala nga ni isa sa kanila ang nakakaalam
tungkol sa relasyon namin ni Kuya matthew. Kaagad akong nagtanim
ng hinanakit sa kanya pero hindi muna iyon ang aking inisip ngayon
dahil si lucas ang aking kaharap.
Tumango tango ako sa kanya bago ko siya sinagot. "Oo...boyfriend
ko siya" sa hindi ko din malamang dahilan ay parang takot na takot
akong isagot iyon kay Lucas.
"P*tangina!" Sobrang lutong na mura ang pinakawalan nito na
ikinakunot ng aking noo.
"Bakit?" Yun na lamang ang tangi kong natanong sa kanya.
Kitang kita ko ang paghahabol nito ng kanyang hininga marahil sa
dahil sa sobrang galit? Hindi ko alam kung bakit siya nagagalit...
"Bakit!? T*ngina! Hindi ako nagsakripisyo 3 years ago para maging
boyfriend mo siya!" Sigaw nito sa akin na lalo kong ikinagulat sa
kanya.
Halos hindi na ito mapakali sa kanyang kinatatayuan na para bang
kung may dumaan mang ibang tao sa kanyang harapan ngayon ay
masasaktan niya.
"Pero may...may asawa at anak ka na" sabi ko sa kanya na naging
dahilan para mapahinto siya sa kanyang pagpapabalik balik na
paglakad.
"And where the hell did you get that!?" Galit na tanong nito sa
akin.
Unti unti na din siyang lumalapit na para bang gustong gusto na
talaga niyang malaman kung saan ko nakuha ang impormasyong iyon.
Hindi ko siya masagot na para bang natatakot din akong sabihin sa
kanyang kung saan ko nga nakuha iyon.
"Kay matthew? Kay matthew ba?" Pamimilit niya sa akin.
Gusto kong umiling pero nanatili lamang akong nakatingin sa kanya.
Kaya naman ng hindi pa din niya ako makausap ng maayos ay
tatalikuran na sana niya ako at hindi ko naman gusto ang aking
naiisip na baka sugurin nga niya si kuya matthew.
"Teka lucas..." pagpigil ko sa kanya at tsaka ko siya hinawakan sa
braso pero laking gulat ko dahil sa naging mabilis na pangyayari.
Tinabig nito ang kamay kong nakahawak sa kanyang braso at tsaka
niya ako kaagad na hinapit sa bewang at duon niya mabilis at buong
buong inangkin ang aking labi. Ni hindi ko magawang pumalag dahil
ang isang kamay niya ay nakahawak sa likuran ng aking ulo dahilan
para malaya niya akong mahalikan.
"LUCAS!" Kaagad na humiwalay si lucas sa akin ng makita namin ang
galit na galit na si kuya matthew.
"Good, you've f'ckin come" nakangising sambit ni lucas bago siya
humahangos na lumapit kay kuya matthew.
"Stop!" Sigaw ko ng pareho silang galit na galit na naglakad
papalapit sa isat isa.
Halos mapatakip ako ng aking bibig ng mabilis na dumapo ang kamao
ni lucas kay kuya matthew, marahil dahil hindi pa ito handa ay
muntik na itong ma-out of balance.
"Tama na ano ba!" Sigaw ko sa dalawang ito ng tuluyan na silang
magpalitan ng mga suntok.
"P*tangina ka matthew! Pinagkatiwalaan kita!" Sigaw ni lucas sa
kanya.
Ni hindi magawang sumagot ni kuya matthew sa kanya hanggang sa
napatumba ni lucas si kuya matthew at tsaka niya ito mabilis na
dinaganan at tsaka pinagsususuntok.
"Tama na yan lucas ano ba!?" Sigaw ko dito at tsaka ko siya kaagad
na pinigilan para suntukin ang nakahiga ng si kuya matthew sa may
sahig.
"Sinungaling ka" gigil na gigil na sambit ni lucas na ngayon ay
nakatayo na sa aming harapan.
Awang awa ako kay kuya matthew dahil sa naging kalagayan nito.
Kaagad naman din nitong sinabi na ayos lang siya at kaya niya kaya
naman tinulungan ko siyang makaupo.
"Pwede ba lucas tama na" pakiusap ko dito pero mariin lamang itong
napapikit.
"Damn it Cara, wala akong anak...wala akong asawa. Hinihintay
kita" nanginginig pang sambit nito sa akin.
Ang kamay kong nakahawak kay kuya matthew ay halos manginig na din
dahil sa aking
narinig. Maging ang aking lalamunan ay halos mawalan ng kakayahang
magsalita habang kunot noo akong napabaling kay kuya matthew.
"Totoo ba?" Di makapaniwalang tanong ko sa kanya.
Mas lalong naging malambot ang mukha nito at halos mamuti siya.
Hinagilap nito ang aking kamay at mahigpit niyang hinawakan.
"Im sorry cara...ayoko lang na mawala ka sa akin" pagmamakaawa
nito.
Habang nagsasalita si kuya matthew ay naririnig ko pa din ang
mahihinang mura ni lucas. "Bakit? Bakit mo ginawa to?" Malumanay
pero punong puno ng hinanakit na tanong ko sa kanya.
Hindi na siya sumagot ang tangi na lamang niyang nagawa ay yakapin
ako. "Mahal kita Cara, mahal na mahal kita..." parang pagmamakaawa
pa nito sa akin.
Parang biglang nanlamig ang aking katawan. Ni ang pagcontrol dito
ay parang nawala na din sa akin. "Im sorry...im i lied" paulit
ulit na sambit nito.
"Bitawan mo ako"malumanay pero blankong ekspresyon na sabi ko sa
kanya.
"Ayoko Cara, damn im so sorry..." di ba mapakaling sambit nito sa
akin na mas lalong humihigpit ang yakap niya sa akin.
"Bitawan mo ako" pagulit na sabi ko na ngayon ay may halos
pagbabanta na.
Mukhang naramdaman naman niyang gusto ko ng umalis duon kaya naman
dahan dahan ako nitong binitawan. At pagkabitaw na pagkabitaw niya
sa akin ay kaagad akong umalis sa lugar na iyon.
Halos matapilok na ako sa sobrang kagustuhan kong makababa mula sa
rooftop. This is too much for one day, hindi ko kinaya ang nalaman
ko sa unang araw ko dito sa pilipinas. Half of me ay nagsisisi na
sana ay nagpahinga na lang muna ako sa condo ko, pero ang kalahati
ay nagpapasalamat na maagad pa lang ay nalaman ko na kaagad ito.
Hindi ko alam kung sino ang sisisihin, basta ang alam ko ay may
kasalanan din ako dito.
"Asar ka naman Cara! Ni hindi ka pa nga nagiisang araw diyan!"
Galit na sabi sa akin ni Chelsie ng magkausap kami sa isang video
call.
Kaagad akong tumawag at kaagad din naman siyang iniyakan, siya
lang kasi ang takbuhan ko. ang isat isa lang ang meron kami.
"Hindi ko alam na kaya niya akong lokohin ng ganun" pagsusumbong
ko dito.
Mula sa screen ay nakita ko ang pagkamot nito sa kanyang ulo.
"Nakakainis ka naman eh, nakakawala ka ng professionalism"
iritadong sabi nito sa akin dahil alam niyang magiging love expert
nanaman siya ngayon.
Nginusuan ko na lamang siya kahit umiiyak na ako. "Umalis ka diyan
umiiyak, pati ba naman ngayong bumalik ka umiiyak ka pa din!?"
Pagalit na sabi nito sa akin.
Hindi ko siya masagot dahil yon naman ang totoo. "Bumalik ka na
nga dito!" Utos niya sa akin na ikinatawa ko. Alam kasi naming
hindi ganuon kadali ang gusto niya dahil may trabaho akong
kailangang gawin dito.
"Edi bayaran mo yung contratang pinirmahan ko kay sir theddeus"
panghahamong pangaasar ko sa kanya.
Pinakita nito sa camera ang kanyang kamao. "Sapak gusto mo?" Sabi
nito sa akin na kahit papaano ay ikinatawa ko.
Maya maya ay tumahimik ito sa kabilang linya. "Siguro naman ngayon
may Idea ka na..." seryosong sabi nito na ikinakunot ng aking noo.
"Idea saan?" Tanong ko pa sa kanya.
"Hindi ka magiging ganyan kung sigurado ko na Cara, ano naman
ngayon kung wala pala talagang anak at asawa si lucas? May
boyfriend ka na eh..." pagpapaliwanag pa nito sa akin.
"Anobg ibig mong sabihin?" Kunot noong tanong ko.
"Halata naman kung sino pa din ang gusto mo...na aminin mo man o
hindi, walang nagbago dahil si lucas pa din."
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 54
"Angelina, may sched ba later?" Tanong ko dito habang nagtatanggal
ako ng make up dahil kakatapos lang ng photoshoot namin para sa
isang clothing line.
"None, pero invited ka for the victory party i'll send you the
details" sabi pa nito sa akin na ikinatango ko na lamang.
Wala naman akong ibang lakad ngayon kaya naman bibista muna ako sa
puntod nila mommy at daddy bago ako makipagkita kay Suzy.
"I'll go now angelina" paalam ko pa dito.
Dahil sa aking pag papaalam ay natigil siya sa kanyang pagkalikot
sa kanyang cellphone. "Mamaya yon ha...wait for my message"
paalala pa niya sa akin na ikinatango ko na lamang.
Paglabas ko sa studio ay kaagad akong nailang sa mga tingin ng mga
tao sa akin lalo na sa mga nakakumpol na photographer kanina na
kumuha sa mga litrato ko.
Napabagal ang aking lakad dahil sinalubong ako nito. "You did a
great job Cara, the camere loves you so much" puri pa nito sa akin
na ikinangiti ko na lamang.
"Thank you" sabi ko at akmang lalagpasan ko sana siya ng muli
siyang humarang sa aking harapan.
I admit na may itsura itong lalaking nasa aking harapan. If im not
mistaken siya ang may ari nitong malaking studio na ito at maging
ang agency na din.
"Im Levi...it's so nice to meet you" nakangiting sabi nito at
tsaka naglahad ng kanyang kamay.
Mga ilang sandali ko ding tinitigan ang kanyang kamay sa bago ko
iyon tuluyang tinanggap.
"Nice to meet you too, sorry but i need to go" mabilis na sabi ko
at mabilis ko ding tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
Hindi ko gustong mapalapit sa kanya lalo na at halata namang puro
kayabangan ang taglaya niya. Though magaling talaga siyang kumuha
ng mga litrato.
"Kuya matthew" sambit ko ng makita ko siyang nakasandal sa kanyang
sasakyan sa may parking lot. Ang pasa sa mukhang nito ay unti unti
na ding gumagaling.
"Hi" medyo naiilang at parang nahihiya pang bati niya sa akin.
"Hi" nailang na bati ko din sa kanya. Pero dumiretso muna ako sa
comparment ng sasakyan ko at inilagay yung mga gamit ko duon.
Isang kulay puting subaru ang ginagamit ko. Ayoko na din naman
kasing magpahatid sundo sa driver dahil hindi ako makakagalaw ng
maayos.
"Do you still have work?" Tanong niya sa akin.
"Wala naman, but may party mamaya" sagot ko dito na ikinatango
naman niya.
"Do...do you need a companion?" Nagaalangan pang tanong niya sa
akin.
"Uhmm...no need,kasama ko naman si angelina tsaka puro naman kami
babae" sabi ko sa kanya.
Nakaupo siya sa nguso sa ng kanyang Sasakyan, kaya naman umupo din
ako sa harapan ng aking subaru. Sandaling natahimik ang pagitan
naming dalawa. Tanging mga mabibigat na paghinga lang namin ang
naririnig ko.
"Im sorry" mahinang sambit niya muli sa akin.
Nanatili ang aking mga mata sa aking suot na doll shoes, Nakakulay
beige akong shorts at tsaka kulay pink na polo shirt na naka tuck
in.
"I think we need space...im sorry kuya matthew" mabilis na sambit
ko pero medyo may kahinaan dahil kahit ako ay hindi ko din alam
kung saan ko nakuha ang tapang na masabi ang mga katagang iyon.
Napatingin ako sa kanya nang marinig ko ang malalim na pagbuntong
hininga nito. Mariin din itong napapikit at napahilamos ng kanyang
mukha dahil sa narinig. I know, i may sound heartless pero sa
tingin ko ito ang makakabuti para sa aming dalawa.
Nagsimula kami sa kasuningalingan, kung kami talaga para sa isat
isa, even if we give each other a space. Kami pa din hanggang sa
huli.
"I understand...naiintindihan ko Cara" paninigurado nito sa akin
pero ramdam na ramdan ko pa din ang lungkot sa boses nito.
Dahil hindi ko naman gusto na saktan siya kagaya ng ginawa niya sa
akin ay napatayo na din ako. "Sorry, i just...i just need time,
nabigla kasi ako kaya nga hanggang ngayon hindi pa din nagsiSink
in sa akin yung nalaman ko" pagpapaintindi ko sa kanya.
Tumayo na din ito at tsaka hinarap ako. Hinawakan niya ang
magkabilang kamay ko bago ako nito hinalikan sa noo. "I'll give
you space, but after that...i'll court you again cara" parang
pagpapaalam nito sa akin. Na tinanguan ko na lang.
Hindi na din naman kami nagtagal sa paguusap. Gusto nga din sana
ako nitong yayaing maglunch ang kaso ay kausap ko na si Suzy at
tsaka paano magwowork ang space na hinihingi ko kung palagi pa din
kaming magkasama.
Umuwi ako sa condo para maligo at makapagpalit ng damit. I wear
jeans this time dahil mas comfortable pa din ako pag nakaCasual
kesa naman makikisabay ako sa mga usong damit ngayon.
I just wear
pumos para naman kahit papaano ay maging formal akong tingnan lalo
na't may lunch date ako with suzy sa isang restaurant.
"Oh im sorry kanina ka pa? Dumaan pa kasi ako sa puntod nila mommy
at daddy" paliwanag ko dito pagkatapos ay nakipagbeso na ako sa
kanya.
"Don't worry kakarating ko lang din, don't be too formal cara,
bruha ka ako pa din ito...ikaw nga itong nag bago" may halong
panunumbat at tampong sabi nito sa akin na ikinangiti ko na lamang
din.
"Hindi naman ako nagbago" nakangusong laban ko sa kanya tsaka ako
tumawag ng waiter para makaorder na kami.
Paguusapan din kasi namin ngayong ang tungkol sa birthday ni tita
samantha na next week na din. Buti nga at hanggang ngayon ay hindi
pa muling nagtatagpo ang landas namin ni Lucas. Hindi ko pa din
kasi alam ang gagawin ko sa oras na magkaharap kaming dalawa, at
hindi pa ako handa. Hindi pa sa ngayon.
"Sabihin mo kay Chelsie siya ang kukuhanin kong designer
pagikakasal na ako ha!" Sabi ni Suzy ng ikwento ko sa kanya ang
pagiging isang magaling na designer ni Chelsie ngayon.
"Oo naman, sasabihin ko kaagad...kailan niyo ba balak magpakasal
ni kuya ken?" Pangaasar na tanong ko sa kanya.
Inirapan ako nito bago sumubo ng pagkain. "Hindi pa ako pwedeng
ikasal hangga't hindi pa kinakasal si kuya, ikaw ba? Kailan niyo
balak magpakasal?" Dirediretsong sabi nito at medyo may kabilisan
din kaya naman halos mabilaukan ako.
"Bakit ako?" Gulat na tanong ko sa kanya. Malay ko ba kung kailan
gustong magpakasal ni lucas.
Lalong umikot ang mga mata nito na para bang nainis pa siya. "Ewan
ko sayong gaga ka!
Gumanda ka nga slow ka pa din!" Panglalait nito sa akin kaya naman
napasimangot ako, pero imbes na aluin ako nito ay pinagalitan pa
niya ako.
"Invited din ako mamaya, may kasama ka bang pupunta?" Tanong sa
akin ni Suzy tungkol duon sa party mamaya para sa isang sikat na
clothing line na eneendorse ko.
"Wala nga eh, pero sigurado naman akong kasama mo si Kuya ken,
ayoko namang maging third wheel" sabat ko sa pa sa kanya.
Tinaasan lamang ako nito ng kilay at tsaka sinimangutan. "Wag mo
akong dramahan Cara Isabelle Mendez" suway nito.
Mas pinili kong wag na ding sabihin at ikwento ang mganangyari sa
pagitan namin ni kuya matthew, alam kong nagkasala siya sa akin
pero hindi rason iyon para gawin ko siyang masama sa isip ng ibang
tao. Maiintindihan ko din kung bakit niya nagawa iyon. Kailangan
ko lang maging considerate.
Napagusapan naming baka gawin sa isang private pavillion ang
magiging surprise party para kay tita sam. Hindi naman ganuon
kalaki dahil mga relatives lang at puro mga close friends ang
invited dahil kung tatanungin daw si tita sam ay ganuon panigurado
ang kanyang gusto dahil masyado itong family oriented.
After naming maglunch ay naglibot libot muna kami sa mall, ang
sinabing window shopping ay nauwi sa todo gastos na pamimili.
Minsan nga ay natatawa na lamang kami pareho pag nakikita namin
ang mukha ko sa iba't ibang signiture brand na nakadisplay sa mga
botique.
"Your so gorgeous there" turo ni suzy sa isang kong kuhabg litrato
sa isang botique habang suot ko ang isa sa mga bagong labas na
style ng damit nito.
"Thanks" nakangising sambit
ko sa kanya.
Minsan ay lalo kaming napapatagal pag may nakakakilala o
nakakapansin sa akin. Natatawa na nga lamang ako dahil hindi naman
ito normal sa US dahil kahit maglalakad ako duon ay hindi naman
ganito na parang naka kita sila ng artista.
"Sobrang ganda niyo po" puri sa aking mga sales lady na
nagpapicture sa akin sa tabi ng isa sa mga posters ko.
"Thank you" pasasalamat ko pa sa kanila.
I never expect this coming. Hindi ko alam na darating sa point na
maraming makakaAppreciate sa akin. Samantalang dati kasi ay ako
yung palaging binubully, iniitsapwera at halos tinginan na parang
basahan.
Experience is really a best teacher.
Sandali kaming naghiwalay ni Suzy for that day para makapaghanda
na kami sa party mamayang gabi. Nagsend na din kasi ng message sa
akin si Angelina na kailangan ako duon ng mas maaga bago ang
nasabing time ng party.
At dahil parang tinatamad pa akong kumilos ay nagopen muna ako ng
laptop at nagstalk sa mga social media sites. Duon ko naisipang
tingnan ang account ni Lucas. Medyo nagulat pa nga ako ng makitang
hindi ito nakaprivate, knowing what kind of person he is.
Masyadong mysterious.
Duon ko lang nakita na hindi naman pala puro sa personal na buhay
niya ang laman ng account na iyon kundi sa program na sinusulong
niya tungkol sa mga batang may cancer.
"So proud of you lucas" di ko na lamang namalayang nasabi ko iyon
dahil sa sobrang pagkahanga ko sa mga ginagawa niya.
Pero parang nawala ang excitement ko ng sa ibang mga picture ay
nakita ko ang babaeng natatakot
akong makita. Still in this time, he's still with amiella.
Halos sa lahat ng mga sumunod na picture ng mga foundations and
program nila para sa mga bata ay palagi silang magkasama. At dahil
ay hindi ko na kinaya na makitang for all this time ay magkasama
sila ay kaagad ko ng isinara ang laptop ko.
Nagmessage sa akin si Angelina na kailangan ako sa isang salon
dahil halos lahat ng model na nagpresent sa companyang iyon ay
duon magpapaayos. In angelina's nature ayaw niya na nalalamangan
ang mga alaga niya kaya naman hinanapan niya ako ng mag magandang
salon para duon ako ayusan.
"Sobrang diyosa naman nitong alaga mo Ange!" Sita sa kanya ng isa
sa mga stylist ng salong pinagdalhan niya sa akin.
"Syempre kanino pa ba magmamana edi sa akin"pagmamalaki ni
angelina na ikinatawa ko na lamang.
Habang inaayusan ako ako ay hindi pa din mawala sa aking isipan
ang nakita ko duon sa mga picture. Kung hindi asawa ni lucas si
amiella at wala silang anak. Bakit magkasama pa din sila? Asan ang
totoong ama ng anak ni amiella? Asaan ang baby niya?
Sobrang daming tanong ang tumatakbo sa aking isipan kaya naman
paminsan minsan ay sinisita ako ng stylist na nagaayos sa akin
dahil sa pagkunot daw ng aking noo.
Isang gold and black backless dress ang pinasuot nila sa akin
dahil itinaas nila ang aking buhok na parang nakamessy bun. Mataas
na black cigarrette heels din ang pinasuot nila sa akin.
"So gorgeous as ever" puri sa akin ni angelina hanggang sa
nagpatawag na ito ng Van para ihatid kami sa Venue.
Sinabihan ko na din si Suzy na duon na lamang kami magkita dahil
hindi ko
naman expected na may pared carpet pa itong gagawin.
Kaagad na nagpasilaw sa akin ang mga flash ng camera pagkababa ko
ng Van. Malaki kasing companya ito kaya naman ganito na lang
kagarbo ang pagpasok mo sa venue nila.
"Cara, cara here..." tawag sa akin ng ilan sa mga photgrapher para
tumingin ako sa kanila. Pinagbigyan ko naman sila pero sinabihan
na ako ni angelina na kailangan na naming pumasok sa loob.
Marami na ding tao duon at halos ang lahat ay nakaformal. A great
victory huh? Puna ko sa theme ng buong party.
"There you are!" Tawag sa akin ni suzy at mabilis akong niyakap.
Napapailing na lamang ito pagnapapatingin sa akin. "Iba ka na
talaga Cara, hindi ka na mareach" puna nito sa akin dahilan para
pabiro ko siyang hampasin sa braso niya.
"Let's go, im with kuya ken at kuya" hila niya sa akin na
ikinabigla ko.
With lucas?
Hindi ko na nabawi ang kamay ko kay suzy hanggang sa makalapit na
kami sa table na kinauupuan nila kuya ken at lucas
"Suzy is right, you've change a lot" salubong na bati sa akin ni
kuya ken bago niya ako niyakap.
Ni paglunok ay hindi ko magawa lalo na ng parang sinadya talaga ni
suzy na mag katabi ang upuan namin ni lucas ngayon. Mukhang hindi
pa magsisimula ang party ng maagad dahil tuliy tuloy pa din ang
pasok ng mga kilalang tao.
"Pupuntahan lang namin yung ibang friends namin duon ha" paalam ni
Suzy at kuya ken na ikinabahala ko.
"Ha, eh teka..." pipigilan ko pa sana siya ang kaso ay nagmamadali
na ang dalawa na makaalis.
Dahil sa kaba ah kaagad kong hinawakan ang dala kong purse habang
nagiisip ng pwede kong maging excuse kay lucas para makaalis sa
tabi niya.
Ibubuka ko palang sana ang labi ko para sabihin pupunta lang ako
ng Comfort room ng magsitayuan lahat ng balahibo sa katawan ko ng
hawakan nito ang kamay kong nakahawak sa purse ko.
"And where do you think you're going?" Parang maypagbabanta pang
tanong nito sa akin.
"Ah...uhmmm sa Comfort room" magulong sagot ko sa kanya.
Umiling ito habang diretsong nakatingin sa akin. "Your not going
anywhere cara, from now on dito ka lang sa tabi ko." Sabi nito na
ikinalaki ng aking mata kaya naman pinilit kong bawiin mula sa
pagkakahawak niya ang aking kamay.
"Pwede ba" suway ko sa kanya.
Tatayo na sana ako pero nagsimula ng magsalita ito.
"I'll do anything just to make you stay with me Cara, this time i
won't let you go...this time i'll mark you as mine".
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 55
Ni hindi ako makagalaw sa aking kinauupuan. Samantalang si Suzy ay
todo ang pangaasar sa akin kapag lumalabas ang ilan sa mga litrato
ko na naka slide show sa isang malaking screen. Halos lahat ng
nagmomodel para sa clothing line ay makikita mo duon.
Bahagyang napahiyaw si Suzy ng lumabas ang isang litrato ko suot
ang isang kulay itim na lingerie. I feel better for myself, pero
hindi nawala sa akin ang takot at ang panlalamig dahil katabi ko
lamang si Lucas. Lalo na't kahit hindi ko siya magawang tingnan ay
alam kong hindi ko magugustuhan o makakayanan ang ibibigay nitong
mapanghusgang tingin nito sa akin.
Hindi ko alam kung bakit pero hanggang ngayon kasi, pakiramdam ko
ay hindi pa din ako deserving para sa kanya, na hindi ko pa din
macoconsider ang sarili kong best para sa isang katulad ni lucas,
lalo na ngayon at isa na siyang professional na doctor.
"Kuya oh..." nakangising sabi ni Suzy kay lucas habang inaabutan
niya ito ng table napkin.
Kahit ako ay napakunot ang noo
na nakita ko para matingnan ko
manigas ang leeg ko ng saktong
ako nitong binalingan din bago
dahil duon, yun na din ang tiempo
si lucas at magawang balingan halos
pagtingin ko sa kanya ay bahagya
niya hinarap ang kapatid.
"And what the hell would i do in that table napkin" iritadong
tanong nito sa kapatid na lalong ikinangisi ni Suzy.
"Para sayo yan kuya, baka tumulo yang laway mo eh" pangaasar ni
suzy sa kanya na lalong ikinainis ni lucas kaya naman napaiwas na
lamang ako ng tingin sa kanya.
Hindi man nagsalita ay alam ko at ramdam ko ang tensyon nito at
marahil ay pagkainis na din dahil
kitang kita ko kung paano suwayin ni kuya ken si suzy na ngayon ay
pilit pinipigil ang kanyang tawa.
Duon ko lang talaga narealize na we should and we really need to
accept that things really do change, pero mayroon pa din naman na
mananatiling ganuon, yung kagaya ng dati. Parang ngayon yung
kakulitan ni Suzy, yung pagaasaran nila ng kuya niya. Sobra kong
namiss...
Nawala ang atensyon ko sa dalawa ng makita ko si angelina at tsaka
ako nito sinenyasan na pumunta sa kanya.
"Guys i need to go somewhere" paalam ko sa mga ito.
Pansin ko ang paggalaw ni lucas na may plano pa atang pigilan ako,
mabuti na lamang at medyo nakalayo na ako sa kanya. Kaagad akong
lumapit kay Angelina, kahit ramdam ko ang ilang mga matang
nakasunod sa aking paglakad.
"Yes, all eyes on you" pangangantyaw pa nito sa akin na ikinanguso
ko na lamang.
"Bakit? Anong meron?" Tanong ko sa kanya para matigil na din yung
pangaasar niya sa akin.
Inirapan ako nito dahil mukhang na sense niya ang gusto kong
mangyari. "Si sir thaddeus, pinapatawag ka" sabi nito sa akin
sabay turo sa kinaroroonan ni sir thaddeus.
Nasa isang lamesa ito kung saan halos lahat ng big boss ay nakaupo
duon. Nakikipagtawanan ito sa mga kasama niya sa may lamesa kaya
naman hindi ko din maintindihan kung bakit ako hinahanap nito.
"Busy naman eh" sabi ko kay angelina kaya naman pabiro ako nitong
hinampas sa braso.
"Maghintay ka aber" sabi niya pa sa akin. Kaya naman napabusangot
na lamang ako. Sa paghihintay
na tumingin si sir thaddeus sa akin ay sa iba pa tuloy napunta ang
aking paningin.
Mula sa pinagiwanan ko sa kanya kanina ay nanduon pa din si lucas,
nakaupo sa kanilang lamesa at diretso ang tingin sa akin habang
hawak nito ang kanyang cocktail glass na pinaglalaruan pa niya.
Napaayos tuloy ako ng tayo, dahil nalaman kong di lang nakatingin
ito sa akin kundi nakatitig din. Muli ko na lamang itinuon ang mga
mata ko sa wide screen pabalik sa pwesto nila sir thaddeus at
pabalik muli sa may screen. Kailangan kong libangin ang sarili ko
sa ibang bagay para naman hindi ko gaanong mapansin si lucas.
He's freaking presence is so intimidating.
"Cara, so nice to see you...so gorgeous"
Nabigla ako ng tumambad si sir thaddeus sa aking harapan. Di oa
ako nakakapagreact ng hinapit na ako nito sa bewang para mahalikan
sa pisngi.
"Hindi talaga ako nagsisisi na ikaw ang pinadala ko dito Cara, you
really are the best" puri pa nito sa akin, napalunok ako ng wala
sa oras, hindi dahil sa mga puri ni sir thaddeus sa akin kundi
dahil alam kong may matang nakatingin sa amin ngayon.
Marami pa itong sinabi sa akin, pinahatid na din daw niya ang mga
puri galing sa mga bigboss lalo na't isa ako sa mga latest model
nila this year para na din sa season trend.
"If you need something, itawag niyo kaagad sa akin...lalo na kung
para kay Cara" pagkausap nito kay angelina habang nagpapalitan
sila ng mga schedules ko para sa mga photoshoot.
Iniwan kami ni sir Thaddeus
dahil kailangan siya duon sa may lamesa na pinanggalingan niya
kanina.
"Basta at maaga kang pumunta, wala pa ding kaalam alam si mommy
hanggang ngayon" paalala sa akin ni suzy.
Halos magaaladdos na ng madaling araw, pagkatapos kasi ng party
proper ay nagbago ang set up ng venue dahil mas nagsangayon ito sa
mga mid age at mga magimik.
"Oo dont worry ako pa ang gigising sayo..." biro ko pa sa kanya.
Habang naglalakad kami palabas ng venue ngayon pa lang ay naexcite
na ako para sa gagawin naming surprise para kay tita samantha.
Nauna naming nakita ang mga sasakyang dala nila. Si suzy ay kaagad
na sumakay sa sasakyan ni kuya ken samantalang si lucas naman ay
nagawa pang mag stay at pagkatapos ay napaupo pa sa nguso ng
kanyang kulay puting subaru.
"Mauna na kami Cara" paalam ni kuya ken sa akin at tsaka ito
humalik sa aking pisngi.
"Ingat po" paalam ko pa sa kanila.
Si suzy ay ni hindi na nagawang magbye bye man lang sa akin,
kanina pa kasi iyon nagrereklamo na sobra na daw siyang inaantok.
"Sumakay ka na, ihahatid kita" seryosong sabi ni lucas na ngayon
ay nakatayo na at hawak na ang susi ng kanyang sasakyan.
Literal na pinanlakihan ko siya ng mata dahil sa aking narinig.
"Pero hindi pwede, may kasama ako" sabi ko pa sabay baling sa
kabilang parte ng parking space para hintayin ang pagdating nila
angelina at ng driver.
"Sino? Yung humalik sayo kanina?" Medyo may panunuyang sabi pa ni
lucas sa akin habang dahan dahan niya akong nilalapitan.
Matalim ko siyang tiningnan, kanina pa kasi ito nangungulit sa
akin. At sobrang hindi ko na siya maintindihan.
"Hindi lucas, umuwi ka na nga lang" parang naiinis na utos ko na
din sa kanya at tsaka ko kinuha ang cellphone ko para sana tawagan
si Angelina.
"Wag mo akong utusan! Damn it, sino yon ha!?" Tumaas na ang boses
nito ng tanungin niya ako kaya naman sobra talaga akong nagulat.
"Boss ko yun, bakit ba?" Di makapaniwalang tanong ko sa kanya. As
far as i remember hindi ko siya boyfriend and we're not even that
close para itanong niya pa sa akin ang mga bagay na ganito.
Nagtiim bagang ito na para bang nainis pa siya dahil kinwesyon ko
ang pagtatanong at pangengealam niya sa akin. "Damn it cara!
Ganyan na ba ngayon ha, kahit sinong lalaki pwede kang halikan?"
Galit na galit na sabi pa nito.
Naningkit ang aking mga mata habang pinagmamasdan ito. "Are you
drunk?" Tanong ko sa kanya dahil baka nga lasing na ito kaya kung
ano ano na ang pinagsasabi.
Napangisi ito na halata namang sobrang inis na talaga. "Bago ka pa
umalis three years ago...akin ka na cara, minarkahan na kita"
parang may pagbabanta pang sabi nito sa akin na nagpatayo sa aking
balahibo.
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya dahil ang awkward naman ata
na pagusapan namin ngayon yung nangyari sa amin nuon.
"Pasalamat ka at hindi kita binuntis kahit gustong gusto ko na"
panunumbat pa nito sa akin na may lalong dahilan para kilabutan
ako, hindi ko alam kung natatakot ba ako sa mga pinagsasabi ni
lucas o ano, basta ang alam ko ay sobra akong kinikilabutan dahil
sa mga lumalabas sa
kanyang bibig.
"Pwede ba lucas, tumigil ka nga" suway ko sa kanya kahit sa totoo
lang ay sobrang init na ng aking pagmumukha dahil sa hiya.
"Take this in mind cara, i will make you pregnant one of this
day...reason for you to marry me as soon as possible" pagbabanta
pa niya sa akin bago ito sumakay sa kanyang sasakyan.
Akala ko ay papaharurutin niya na ito paalis pero nagtaka pa ako
ng nantili lamang siya duon. Nun ko lang narealize na wala
masyadong tao sa parking dahil halos lahat ay nasa loob pa at wala
pa atang balak na umuwi.
Isang busina ang narinig ko at sa malayo ay nakita ko na ang
paparating na Van na sinakyan namin kanina. Malayo pa lang ang van
ay napabaling na ako kay lucas. Hindi ko alam kung dapat pa ba
akong magpaalam sa kanya.
"Let's go na Cara, im so sleepy na" inaantok nang sabi ni angelina
pagkabukas niya ng pituan ng Van.
Mabilis akong sumakay duon na hindi na muli pang nilingon si
lucas. Gusto ko na din sanang pumikit dahil sa pagkaantok, peeo
hindi pa din ako pinapatigil ng pagiisip ko sa mga nangyayari
ngayon.
Sa tingin ko ay hindi ito tama. Niloko ako ni kuya matthew pero
siya pa din ang boyfriend ko. Space lang naman ang hiningi ko so
ibig sabihin ay may responsibility pa din ako sa kanya as his
girlfriend.
"Makipagbreak ka na kay matthew" walang kagatol gatol na utos sa
akin ni Chelsie ng makapagusap kami via skype. Nakatayo ito sa
harap ng laptop habang inaayos ang kanyang maleta.
"Madaling sabihin Chels...pero hindi ko alam kung paano ko
gagawin, o kung gusto ko nga ba talagang gawin?" Namomorblema kong
sabi pa sa kanya dahilan para samaan ako nito ng tingin sa video.
"Sa pagkakaalam ko hindi na pinagiisipan yan cara, niloko ka niya
isang napakaling rason para hiwalayan mo na yan" pagpapaintindi pa
nito sa akin.
"Pero..." hindi ko pa nga nauumpisan ang gusto kong sabihin ng
kaagad ng itong sumabat sa akin, hindi pa nakuntento ang bruha at
nakafocus pa ang camera sa kanyang mukha.
"Hindi porket siya ang naging kasama mo nung times na down ka ay
wala ka ng karapatang kumawala sa kanya. If he is really sincere
that time, hindi niya isusumbat iyon sayo ngayon...tandaan mo cara
mas masakit kung papaasahin mo si matthew sa wala"
"Aminin mo man o hindi, hind mo naman talaga minahal si matthew,
akala mo lang minahal mo siya kasi pinaniwala ka niyang mahal mo
siya?" Ang huling sinabi nito ay parang naguluhan din siya kaya
naman imbes na makapagusap nanaman kami ng seryoso ay natawa na
lamang kaming dalawa dahil sa nangyari.
"Just wait for me when i get there...ako na ang makikipagbreak kay
matthew para sayo" sabi muli nito na muli nanaman naming
ikinatawang dalawa.
"Kailan ba kita makakausap ng seryoso ha?" Nakangising tanong ko
din sa kanya.
Inirapan ako nito. "Maayos naman akong kausap, hindi ka lang
talaga marunong makinig bruha ka!" Pagalit pang sabi nito.
Naging busy nanaman kami ni Angelina nang sumunod na araw,
pareho kaming walang maayos na tulog nag bumyahe kami papaunta sa
isang resort sa bulacan para sa photoshoot for swim wear ng isang
kilalang brand dito sa pilipinas.
"Angelina! so nice to meet you again...balita ko ay US base ka
daw?" Salubong sa amin ng isang mukhang manager din ng isa sa mga
models.
Ang angelina ay napahawi pa ng buhok sa kanyang tenga na akala mo
naman ay may mahabang buhok talaga siya. "Yeah, US base ako ang
kaso ay pinadala ako ni Sir thaddeus para dito sa alaga kong si
Cara" pahumble pang sagot ni angelina sabay turo sa akin.
Napangiti na lamang tuloy ako duon sa kausap niya ng bumaling ito
sa akin. "Oh my gahd, ang ganda mo sa mga pictures pero mas
maganda ka nga talaga sa personal" puri nitonsa akin na ikinangiti
ko na lamang.
Sandali pang nagusap ang dalawa dahil nga daw matagal na itong
hindi nagkita. Ako naman ay dumiretso muna cottage na nakalaan
para sa mga models para sana makaidlip muna. Pero mukhang hindi ko
pa ata magagawa dahil may nauna na sa akin duon.
"Hi..." bati ng isang matangkad na lalaki sa akin.
Nginitian ko lang siya dahil wala ako sa mood na makipagusap sa
ngayon dahil nga inaantok pa din talaga ako.
"Tanner, you should change now...your next" sabi ng isang babaeng
nakadungaw lang sa may tent.
Nasa kabilang tent lang kasi ata ang mga makeup artist na magaayos
sa amin. Nakakita ako ng mahabang upuan na pwede kong masandalan
at kahit papaano ay maidlipan na din ng magulat ako ng maghubad
ang
lalaking tinawag na tanner kanina sa aking harapan.
"Wait! Oh gahd!" Pagpigil ko sa kanya ng huhubadin na niya ang
suot niyang pantalon.
Halos hindi ako mapakali, parang gusto ko tuloy lumabas ng tent
pero hindi ko naman magawang gumalaw.
"What?" Parang naamaze na tanong nung tanner sa akin habang sa
tuluyan niya ng hinubad ang pantalon niya at boxer shorts na
lamang ang natira.
Bago pa niya mahubad ang boxer shorts niya ay mariin na akong
pumikit at tsaka tumalikod sa kanya.
"Cara..." paggising sa akin ni angelina mula sa maikling
pagkakaidlip ko duon sa may upuan.
"Aayusan ka na" sabi niya pa sa akin kaya naman mabilis akong
bumangon at nagbihis na din. Naka robe pa ako habang nilalagyan
ako ng make up.
"Ang alam ko matagal na talagang hinihiritan yan ng
Companya...nagulat nga sila at pumayag ngayon" kwento nung babaeng
nagaaply ng make up sa aking mukha.
"Infairness sobrang gwapo naman talaga...at yung katawan! Pang
model, hands up" parang naamaze pang sabi ni angelina. Napakibit
balikat na lamang ako sa kanilang pinaguusapan.
Paglabas ng tent ay muli ko nanamang nakita yung tanner kanina.
Nang makita niya ako ay nginisian na lamang ako nito. Kaya naman
lumayo ako sa kanya at nagiwas na lamang ng tingin. May iilang
model din sa di kalayuan sa amin, halos mabali na nga ang mga leeg
ng iba sa mga ito kakatingin sa kung saan.
"Cara your next" anunsyo ni angelina sa akin.
Tumango ako sa kanya at tsaka binuksan ang aking robe, hindi naman
na ako gaanong naiilang pagnagsusuot ako ng swimsuits or kahit two
piece. Kaagad na nilibot ng mata ni tanner ang aking katawan.
Nakakailang man ay hindi ko na lamang siya pinansin cause he can
drool himself looking at my body, as long as hindi naman niya ito
mahahawakan.
"Isang sikat na swimmer ang makakasama mo ngayon, umayos ka
ha...sobrang gwapo at yummy nito" pagpapaalala sa akin ni angelina
habang inaayos niya ang malilit na detalye sa akin.
"Yun ba yung kanina?" Tanong ko sa kanya dahil sa hindi ko
malamang dahilan ay bigla akonh kinabahan.
"Oo, parangpamilyar nga ang mukha niya eh kaso hindi ako
makapagconcentrate nung naghubad na" malanding sabi pa nito na
ikinairap ko.
"Andito na si lucas, ready ka na ba cara?" Tanong nung
nagoorganize sa amin.
Akala ko ay kapangalan lamang pero halos malaglag ang panga ko ng
makita ko ang nagmumurang abs ni lucas na papalapit na sa akin.
Halos lahat ng mata ay nasa kanya kaya naman hindi ko alam ang
gagawin ko ngayon gayong papalapit na ito sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?" Mahinang tanong ko sa kanya. Pero halos
magulat ako ng kaagad nitong inangkin ang aking labi ng walang
sabi sabi. Dahilan para mapasinghap ang ilan sa mga nanduon.
"That's better, para alam nilang akin ka"
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 56
"Bakit ikaw?" Hindi pa din matigil na tanong ko sa kanya.
Kada tanong ko ay ngisi lang ang sinasagot nito sa akin.
Pagkatapos ay kung makaAsta pa ito ay akala mo ay kumakandidato
dahil tuwang tuwa siya sa mga matang halos nakatitig na sa kanya.
"Cara kayo na" tawag sa amin ng isa sa mga assistant photographer.
Lalakad na sana ako papalapit sa kanya ng mapahinto ako dahil
natakpan ito ng isa sa mga model na kumakausap na ngayon sa kanya.
"Bakit naman naka kunot ang noo mo?" Suway sa akin ni angelina at
bahagyang inayos muli ang aking buhok.
"Ayoko kay lucas" nakabusangot na sabi ko sa kanya na kaagad
namang ikina kunot ng kanyang noo.
Magsasalita pa lang sana ito para magprotesta ng mapahinto kami ng
magsalita ang isa sa mga assistant photographer namin.
"Lucas and maggie na lang muna, Cara stand by" anunsyo nito sa
amin na kahit ginusto ko din naman ay parang kahit papaano ay may
kung ano pa din ang nagalit sa parte ko.
"Oh wish granted...nakakaloka ka talaga" parang nadismaya pang
sabi ni angelina sa akin na parang mas gusto niya talagang si
lucas ang maging kapartner ko.
Ang kaninang nakangising si lucas ay nakabusangot na ngayon. Imbes
na makisabay sa kanila na para bang pinagbagsakan ng langit at
lupa ay tinaasan ko na lamang ito ng isang kilay na para bang
hinahamon ko siya.
"Did you planned this?" Pambibintang nito sa akin kaya naman
napahalukipkip ako at napataas ako ng noo.
"Hey mr. Jimenez...anong pinagsasabi mo diyan ha? Dont you dare!
Make bintang
to me ha!" Pagtatanggol ko sa aking sarili na may kasama pang
pangaasar sa kanya.
"Damn it" malutong na sabi nito at halata naman talagang inis na
inis na.
Pumunta na ito duon sa tabi ni maggie. Isa sa mga co models ko na
marami naman talagang inis sa kanya. Hindi ko naman alam,
naririnig ko lang tsaka hindi naman kami ganuon ka close at tsaka
minsna lang kami magkasama sa mga project, masyado daw kasing
mapili ito sa mga trabahong ginagawa niya kaya naman yung iba ay
may itinatagong inis sa kanya.
"Ok ka lang ba Cara? request kasi ni maggie eh, alam mo
naman...hindi natatanggihan ng mga photographer yan" paumanhin ni
Kelly isa sa mga assistant photographer.
Kaagad akong napangiti para ipakitang hindi ako apektado. "Oo
naman...wala yun" paninigurado ko dito pero parang imbes na gumaan
ang kalooban nito ay parang hindi pa siya naniniwala sa sinabi ko.
"Sure ba yan?...eh si ano ha, si tanner ang magiging partner mo"
parang naguguluhang sabi pa din nito sa akin na para bang may
bagay na nasa isip niya na hindi ko ma-meet? Like for example baka
iniisip niyang kami ni lucas? Because of that damn kiss?
Nagpaalam si kelly sa akin na kailangan niya ng bumalik sa trabaho
niya kaya naman nakahinga na ako ng maluwag pagkatapos. Pero ang
pakiramdam ko naman ang bumigat ng mapatingin ako sa gawi ni lucas
na parang tinutusok ako ng kanyang nga tingin.
"Problema nito?" Bulong ko sa sarili bago ko siya tinalikuran at
tsaka ako humanap ng pwede kong maupuan.
"Si tanner na ang magiging kapartner mo, duon kayo sa may hammock
mamaya" pagiinform
sa akin ni angelina kaya naman tinanguan ko na lamang siya.
Aalis na sana siya at tatalikuran ako ng kaagad ako nitong
hinarapa at tsaka tinuro sa akin ang box ng pizza at coffee pa ata
na nasa isang mesa malapit sa akin.
"Si sir thaddeus ang nagpadala niyan, sabihin mo lang daw kung may
gusto ka pa" sabi nito sa akin na may halong pangaasar pa.
Napakagat labi ako dahil sa nadinig. Napatingin tuloy ako sa mga
pagkaing pinadala nito. Seriously? Anong nangyayari sa mundo?
Hindi na muna ako kumain o ano pa, pinanuod ko na lamang si lucas
na magmodel kasama si maggie. He really has this model like body
na hindi naman niya pinlano or what. Inborn na ata yun...
"Closer" anunsyo ni Kio yung head photographer namin.
Si Lucas at maggie ay kapwa nakaupo sa gilid ng pool. Inaamin kong
medyo intense ang pwesto nilang dalawa.
"She got what she want" nakangisi pero napapailing na lamang na
sabi ng ilan sa mga kaibigan ni maggie na mga co model din namin.
Hindi ko alam pero parang pumintig bigla ang tenga ko sa aking
nadinig, ayoko kasi sanang maniwala sa mga kwento tungkol sa kanya
pero mukhang mapapatunayan ko ata ngayon na totoo.
Sa huli ay medyo napatayo na ako dahil sa sobrang lapit na nito
kay lucas na halos muntik na nga ata silang mahulog sa pool ng
umusog ito patalikod sa kay lucas.
Sa di ko malamang dahilan ay halos pagpawisan ako ng malamig
habang pinagmamasda ang halos hubad ng likod ni maggie na
nakasandal sa mabatong dibdib ni lucas.
"Shockkss...damn it" nanggigigil
na sambit ko at halos mapapaypay ako ng aking kamah dahil duon.
"What happend to you?" Parang naiintrigang tanong sa akin nung
tanner. Tiningnan ko lamang siya at tsaka hindi na sinagot pa.
Wala ako sa mood makipagenglishan sa kanya.
"Are you affected?" Nakangising tanong niya na ngayon.
"Ofcourse not..." matigas na sagot ko sa kanya.
Hindi na ito nagsalita pa pero napapailing na lamang siya sa akin
habang nakangisi.
"Ok, done! Good shots" anunsyo na ni kio kaya naman sa di nanamang
malamang dahilan ay gumaan na ang dibdib ko ng isiping tapos na
ang shoot nilang dalawa.
"It's our turn" yaya sa akin tanner pero inirapan ko lamamg siya.
Nauna na itong naglakad patungo sa sinasabi nilang hammock na
magiging background namin sa shoot. Maglalakad na din sana ako
papunta duon ng mapahinto ako ng pigilan ako ni lucas.
"Oh bakit?" Parang tinatamad pang tanong ko sa kanya.
"Do you really need to do this?" Parang nangungunsensya pang
tanong nito sa akin kaya naman napakunot ang aking noo, pagkatapos
ay dahan dahan ko ding inalis ang kamay niyang nakahawak sa aking
braso.
"I dont need to do this lucas...kasi ginusto ko to, walang pumilit
sa akin, ako ang pumili nito" makahulugang pagpapaintindi ko sa
kanya.
Ilang sandali pa kaming naglaban ng tingin hanggang sa ako na din
ang naunang bumitaw dahil kailangan na ako sa shoot at naghihintay
na din sa akin si Tanner. Gusto kong lumingon para tingnan si
lucas pero hindi ko magawa.
Bakit ba kailangan niyang
itanong sa akin yan? Ofcourse ginusto ko to, hindi naman ako
magtatagal sa pagmomodel kung hindi ko ginusto ito. He dont have
the right to question me about sa mga bagay na narating ko ngayon.
"Yung boyfriend mo parang susugurin ako" natatawang sabi sa akin
ni tanner na marunong naman palang magtagalog.
"Nagtatagalog ka?" Akusa ko sa kanya na para bang mali iyon.
Natawa ito habang tumatango. "Ofcourse...im here in the
philippines eh" may accent pa talagang sagot niya sa akin kahit
nagtatagalog na siya.
Pagkatapos nuon ay iniwasan ko talagang maapektuhan ako ng huling
sinabi niya sa akin. Medyo hindi man ako makapagfocus ay nagawa ko
pa ding makasabay sa gustong ipagawa sa amin ni kio.
"Tanner...make more touch" sabi ni kio na hindi naman na bago para
sa akin. Kahit sa america ay mas grabe pa nga dito.
"Ok..." sabi ni tanner tsaka nagkibit balikat.
Itinaas nito ang kanyang kanang kamay papalapit taas ng aking
dibdib na para bang nakaakap siya sa akin.
"Good, Cara touch him!" Utos niya naman sa akin.
Kung ibang araw lamang ito at kung wala sana si lucas dito at
nakatitig pa ay ayos lang sana iyon sa akin. Madali lang sanang
gawin pero ngayon sobrang hirap na.
"Hey are you alright?" Concern na tanong sa akin ni tanner dahil
ang aking kaliwang kamay ay hindi magawang hawakan siya dahil sa
panginginig nito.
"Yeah...yeah im fine" sagot at paninigurado ko dito.
Dahil mukhang may likas talagang pagkagentleman itong si tanner
kahit hindi naging maganda ang una naming meet up ay lumabas ang
natural
na pagiging concern nito sa mga babae.
"Here, let me help you" sabi niya at tsaka niya kinuha ang aking
kamay at siya na mismo ang naglagay ng kamay ko sa kanyang dibdib.
Nakangiti ko sana siyang titingalain para magpasalamat ng kaagad
kaming magulat ng may humila sa aking kamay.
"Bitawan mo siya" matigas na sabi ni lucas dito. Kaagad tuloy na
napahinto ang lahat.
"What the hell is this!?" Di makapaniwalang sabi ni kio.
Gusto ko sana siyang sagutin at humingi ng sorry ang kaso ay
nilapitan na siya ni angelina.
"Just fix your issues guys..." sabi ni tanner at naglakad ito
palayo sa amin.
Halos lahat sa paligid ay nakatingin sa amin at halos puro
namomorblema din.
"Ano to lucas?" Galit na tanong ko sa kanya.
Kung galit ako ay galit din ito. "Ayoko na Cara, tama na to
please" biglaang pagburst out niya.
"Ayaw mo na ang alin? Tigilan ang alin? Bakit ba nanggugulo ka
lucas?" Inis na tanong ko dito dahil sa mga nangyayari.
Hindi nakasagot ito kundi ay nanlumo lamang ang kanyang mukha
habang nakatingin sa akin.
"Cara pack up na, reschedule na lang..." pagod na pagod na sabi sa
akin ni angelina kaya naman tinanguan ko siya at tsaka nilagpasan
si lucas.
"Halos tatlong taon kong hinayaan kang ganyan Cara, ayoko na..."
magulong sabi pa niyang muli sa akin kaya naman lalong uminit ang
aking ulo.
"Ano ba talagang gusto mo ha?"
"I want you to settle down with me cara, that's what i want"
diretsahang sabi niya sa akin na ikinalaki ng aking mata.
"Napaka Selfish mo lucas...selfish ka" yun na lamang ang nasabi ko
sa kanya at kaya naman bago pa ako maiyak sa harapan niya ay
tumakbo na ako palayo duon.
"Infairness yang boyfriend mo ha" frustrated pero mahinahon namang
sabi ni Angelina sa akin habang nagaayos na kami ng mga gamit para
makaalis na.
"Hindi ko siya boyfriend angelina" mahinahon din namang
pagpapaintindi ko sa kanya, at dahil mukhang na sense niyang may
problema ay humingi na lamang ito ng paumanhin.
Ng mga sumunod na araw ay nagkulong lamang ako sa aking condo
unit, lalabas lang pag may mga biglaang shoot. Hanggang sa
dumating si Chelsie.
"Super namiss kita" salubong ko sa kanya at kaagad ko siyang
niyakap pagkakita ko sa kanya.
Ginantihan nito ang aking mahihpit na hayakap sa kanya. "Sobra din
kitang namiss cara..." ganti niya din sa akin kaya naman
nakakagaan sa pakiramdam.
Simula kasi ng mapunta kami ng america ni chelsie ay para na
kaming kambal na hindi mo mapaghihiwalay. Siya na yung nagsilbing
parang ate ko, kahit magkaedad naman kami. Cause i think she is
really more matured than me. That's why naiingit din ako kay
chelsie because she is something that is not me.
"Balita ko ay nanggulo si lucas sa shoot niyo ng swim wear" kwento
nito sa akin habang naguunpack siya ng luggage niya at hinihintay
ko ang mga pasalubong daw ni aunti marie para sa akin.
"Hindi naman ganuong nanggulo, pero nagalit si kio...buti na
lamang at may plano na talagang madchange location that time kaya
hindi ganuon kabigat na hindi natuloy yung photoshoot namin ni
tanner" kwento ko pa sa kanya.
"Anong bang pumasok sa utak ni lucas?" Tanong nito sa akin.
Nagkibit balikat ako at tsaka napaiwas ng tingin. "If im not
mistaken ang gusto niyang mangyari ay huminto na ako sa pagmomodel
and settle down with him...so selfish" medyo pabulong na yung mga
huling katagang sinabi ko.
Napahinto si Chelsie sa kanyang ginagawa ag napatitig sa akin.
"Sweet ha, infairness...pero masyado naman atang mabilis si lucas
talaga masyadong sigurista oh!" Natatawang pangaasar pa nito sa
akin pero hindi ko magawang ngumiti o makitawa sa kanya.
"That's not sweet chelsie...selfishness yon, dahil ba yun ang
ginusto niya ay guguluhin niya na ang lahat ngayon? At sino ba
siya? Ni hindi ko nga siya boyfriend eh..." sabi ko pa dito kaya
naman napataas ng isang kilay si chelsie.
"Maybe he really love you that much cara, that's why gustong gusto
ka na talaga niyang mapa- sa kanya" seryosong sabi ni chelsie sa
akin.
Hindi na ako nagsalita pa at tsaka nanahimik na lamang. Do i need
to feel enlighten about it? Mahal ba talaga ako ni lucas? Bakit
ngayon lang...bakit ngayon lang kung kailan nagbago na ako, kung
ako pa din ba yung cara three years ago magiging ganito pa din ba
siya kadesididong makuha ako.
"Ahhh...so glad your finally here" salubong sa akin ni Suzy ng
pumunta ako sa bahay nila ng maaga para sa gagawing surprise para
kay tita samantha.
Kasama daw ito ni tito like ngayon para magawa namin dito sa bahay
ang gagawing surprise.
Actually parang settled na nga ata pagdating ko duon. Maging si
kuya ken kasi ay nanduon din. I just wear a pink dress at beige
cigarette heels para dito.
"Buti nakapunta ka" nagkakabit ako ng mga picture sa dulo ng tali
ng mga baloons ng magsalita si lucas sa aking likuran.
"Ah yes...para kay tita sam" sagot ko sa kanya ng hindi ko man
lang siya nagawang lingonin dahil busy ako.
Akala ko ay aalis na ito sa aking likuran dahil naipakita ko naman
na ata sa kanyang ayoko muna siyang kausapin pero biglang
nagtayuan ang balahibo ko sa kamay ng naramdaman ko ang kamay niya
sa aking bewang.
"Do you want to wear my slippers for now, baka masyado ka ng
nahihirapan diyan sa suot mo" concern na sabi niya sa akin.
"I...im fine" halos mabulol na sagot ko pa dito.
Hindi pa ito nakuntento at tsaka tinabihan pa niya ako sa aking
ginagawa. "Im not sorry for what happend in your shoot cara, im
serious about what i told you, i want you to marry me cara...i
want you to be my wife as soon as possible" diretsahang sabi pa
niya sa akin.
"Are you even my boyfriend lucas?" Mariing tanong ko sa kanya at
parang insulto na din.
Pero ni hindi man lang naapektuhan ito sa akin sinabi sa kanya.
"Do i need to be your boyfriend, if i can be your husband instead"
pagsagot niya sa akin na nagpatameme sa akin.
"Lucas im not like you, hindi ako katulad mo na mukhang nakuha na
ata lahat ng gusto niyang marating sa buhay. Naguumpisa pa lang
ako sa mga pangarap ko, kung gusto mo humanap ka na lang ng
babaeng katulad mong ready nang magsettle down kasama ka"
pagpapaintindi ko sa kanya ng hindi man lang siya tinitingnan.
"Bakit ganyan kadali sayong ipamigay ako sa ibang babae cara!?
Samantalang halos gusto kong saktan ang sarili ko dahil hinahayaan
kong malapitan ka ng ibang lalaki" himutok niya pa sa akin.
"Let's stop here lucas, birthday ni tita sam ngayon...this is not
the right time to talk about nonsense things" pagpapahinto ko sa
kanya at tangka ko sanang iwanan siya duon ng higitin niya ako sa
bewang dahilan para halos mapayakap na ako sa kanya dahil sa
pagkabigla.
"Si cara three years ago at si cara ngayon...walang pinagkaiba
para sa akin" sabi niya na parang isang sampal na insulto sa akin.
Does that mean na hindi ako nagrow?
"Are you insulting me?" Panghahamon ko sa kanya.
"No cara, gusto ko lang na ipaintindi sayo na i don't care kung
sino ka ngayon o kung ano na yung narating mo...cause you know
what matter most?"
"I dont need you to be perfect cara, i need you to be with
me...cause that makes everything perfect"
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 57
"Wag ka nga dito, ano bang ginagawa mo dito?" Pabulong pero medyo
inis na suway ko kay lucas dahil kararating lang nila tita sam at
tito luke, pinagtago muna ako nila suzy pero itong si lucas ay
sumunod pa sa akin.
"Sasamahan kita dito" seryosong sabi nito sa akin.
Napairap na lamang ako sa kawalan dahil sa sobrang kakulitan ni
lucas. "Alam mo, panira ka ng plano eh..." pagalit pang sabi ko
dito pero hindi siya natinag.
Sandali itong natahimik pagkatapos ay tumingin sa akin. "Sige,
marami ka namang makakasama dito eh" sabi pa niya sa akin na
halatang nananakot lang.
Tumaas ang isang sulok ng aking labi dahil sa kanyang sinabi.
Hindi naman ako ganuon ka duwag para paniwalaan ang mga
pinagsasabi niya.
"Ewan ko sayo...alis na nga" pagtataboy ko pa sa kanya. Ang balak
ko talaga ay magkaroon kami ng distansya pero ni hindi ko man lang
magawa dahil sa siya itong sunod ng sunod sa akin ngayon.
Tumaas ang isang kilay nito, pagkatapos ay tumingin sa bandang
likuran ko kaya naman medyo naalarma ako. "Kahit sabihin ko
sayong...may tao sa liko..."
"LUCAS!" Sigaw ko sabay kapit sa kanya.
Hindi pa nga nito natatapos ang sasabihin niya ay napasigaw na
ako, ayoko kasi na tinatakot ako ng kagaya ng ganuon. Buti sana
kung kwento kwento lang, pero ang sabihing may tao sa likuran ko
ay sobrang maaalarma ka talaga.
Natatawa ito habang halos malukot ang suot niyang gray long
sleeves. "Gago ka talaga..." mangiyak ngiyak na sabi ko dito at
halos di ako makagalaw sa aking kinatatayuan ngayon.
"Sino
iyon?"
Halos manlaki ang mata ko ng marinig ko ang papalapit ng boses ni
tita samantha na mukhang narinig ang pagsigaw ko sa pangalan ni
lucas.
"Magtago tayo..." yaya na sabi ko pa dito na halos magtunog
pagmamakaawa na.
Sandali akong tinaasan ng kilay ni lucas bago niya ako ngisian.
"Sure baby" sagot nito sa akin at ni hindi ko na nagawang
makapagreklamo ng itulak ako nito sa kung saan.
"Sh*t" daing ko sa pagkagulat.
Binuksan niya ang ilaw at tsaka ko nalamang sa banyo pala ako nito
ipinasok. Sa banyo malapit sa maids rooms.
"Lucas anak?" Tawag ni tita samantha sa labas ng banyo habang
kumakatok.
"Wag kang sasagot" halos pabulong ng sabi ko sa kanya.
"Lucas..." patuloy pa ding tawag ni tita samantha sa labas.
"Suzy asaan ang kuya mo?" Rinig naming tanong nito kay suzy.
"Di ko po alam ma" parang kinakabahan na ding sagot ni suzy.
"Ok sige, patawag na lang ng maid...papakuha ko yung susi nito"
sabi ni tita sam kaya naman halos man laki ang mata ko habang
nakatingin kay lucas.
"Im here ma..." bigla sabi ni lucas sa kawalan.
"Ikaw talagang bata ka, kanina pa ako tumatawag sayo" kahit
pinagsasabihan si lucas ay malambing pa din ang boses ni tita sam,
pinakasobrang namiss ko sa kanya na kahit galit na ito pagnagaaway
yung kambal dati ay parang hindi ka matatakot dahil para ka pa
niyang hinehele sa lambing ng boses niya.
"Sumunod ka kaagad sa dinning"
"Aryt Ma" sabi pa ni lucas dito kahit sa akin siya nakatingin.
Nang maramdaman naming wala na si tita sam sa labas ng pintuan ay
kaagad akong kumilos para sana makawala na sa kanya ng bigla ako
nitong itinulak pasandal sa may pader ng banyo.
"Ano? Alis na nga diyan..." naiiritang sabi ko pa sa kanya at
tsaka ko siya bahagyang itinulak pero kinuha lamang niyang
pagkakataon iyon para hapitin ako sa bewang at tsaka niya mabilis
na inangkin ang aking labi.
Hindi ako nakagalaw, dahil marahil sa gulat pero para kasi akong
napapalutang sa bawat paghagod ng labi niya patungo sa akin. Halos
parang kendi niya kung kainin ang labi ko.
Nakadilat ako habang ginagawa ni lucas ang lahat ng iyon habang
siya sa pikit na pikit. Hindi pa nga ito nakuntento dahil mas lalo
pang humihigpit ang yakap niya sa bewang ko habang mas lalo siyang
nasasarapan sa paghalik sa akin.
"Kuya!"
"Uhmmm..." hinaing ko pagkatapos maibalik sa akin hininga ko.
Halos hindi ako makatingin sa kanya at puro paglunok na lamang
nagagawa ko.
Nginisian ako nito kaya naman napasama ang tingin ko sa kanya bago
siya umalis sa harapan ko at binuksan ang pintuan para kay suzy.
"Kanina ka pa hinahanap ni mommy..." pagalit na sabi nito sa kuya
niya bago siya bumaling sa akin.
"Anong...anong nangyari diyan kay Cara?" Parang di pa sure na
tanong niya.
Napaiwas na lamang ako ng tingin kay suzy dahil kakaiba pa naman
ang utak niya pagdating sa mga ganitong bagay.
"So what now?" Tanong ni lucas sa amin na parang pambasag na din
sa katahimikan.
"Uhmm...ano, pumunta ka na sa dinning, tapos si cara siya yung
magdadala ng cake..." pagplaplano nito na kaagad ko namang
tinanguan.
Iniwan nila akong dalawa duon kaya naman dumiretso ako sa may
kitchen kung saan anduon yung cake na dadalhin ko.
"Ma'm cara, ito na po yung cake" sabi sa akin ng isa sa mga
kasambahay.
Nginitian ko ito tsaka tinanguan. "Naku ma'm ang ganda ganda niyo
po talaga, yung anak ko nga po...may mga magazine niyo" tuwang
tuwa pang kwento nito sa akin.
"Naku, thank you po...pakisabi na din po sa anak niyo, hayaan niyo
po pagbalik ko dito may ibibigay ako para sa kanya" paninigurado
ko pa dito.
"Naku, thank you po ma'm"
Sumilip ako bahagya sa may dinning para hintayin ang senyas ni
Suzy sa akin kung kailan ako papasok sa eksena. Imbes na kay suzy
lamang ako mapatingin ay napahapyaw din ako ng tingin kay lucas na
ngayon ay masayang nakikipagusap kay Kuya Ken.
"Sige ipalabas na natin ang Cake" pagpaparinig sa akin ni suzy na
para bang go signal na din para sa aking paglabas.
"Oh ayan na ang cake" anunsyo naman ni tito luke na sobra sobra
ang pagngiti.
Wala sa sariling napalingon sa akin si tita samantha na halos man
laki na ang mga mata at tsaka napatakip sa kanyang bibig.
"Ang baby Cara ko..." lukot na ang mukha nito dahil sa pagiyal
niya. Mabilis siyang tumayo at tsaka ako niyakap. Mabuti na lamang
at kaagad ding lumapit si suzy sa amin para makuha niya yung cake.
"Miss na miss na kita Cara...ikaw pa ba yan? Hindi ka na
ba kumakain?" Umiiyak man ay nagawa pa din ako nitong asarin.
"Kumakain pa naman po tita..." mangiyak ngiyak ding sagot ko sa
kanya tsaka pareho na lamang kaming natawa.
Halos di na kami makakain kakakwento. Kitang kita ko ang saya sa
mga maga ni tita samn dahil sa aking presensya. Sobrang saya ko
dahil masaya siyang nandito ako. Iba pa din pala yung feeling na
may taong sobrang nagiging masaya pag nakikita ka.
"Ganyanan! Ang gara!" Hiyaw nina Zeus at thomas kay kuya ken
pagkarating namin sa rooftop ng kanilang bahay.
"F*ck bro dont be so gay!" Kantyaw sa kanya ni thomas.
After ng party ni tita sam ay tumawag si Zeus kay kiya ken,
naghanda daw kasi ito ng biglaang despidida party dahil hindi siya
tinigilan ni thomas hangga't di daw ito nagpapaparty.
"So magtatagal ka ba sa germany?" Tanong sa kanya ni kuya ken sa
kanya habang inumpisan na nila ang inuman nila.
Ang ibang mga babae ay kanya kanyang mundo sa pagkwekwentuhan.
Nakisali na din si suzy sa mga ito.
"Hindi pa sure kuya ken...pero baka abutin ng 1 to 2 years" sagot
nito.
Magsstay si Zeus sa frankfurt germany para magaral, gusto na din
kasi ni tito Zach na magmanage na si Zeus ng mga business nila.
"Dont f*ckin drink cara..." biglang sulpot ni lucas na ikinagulat
ko.
"Whatever" sabi ko na lamang sa kanya tsaka ko siya inirapan.
Dumiretso ako kila suzy, tammarie, zafara at kendall. Si Zena ay
bumaba para kumuha ng lady drink.
"Sure kayo?" Paninigurado ni Suzy sa mga ito tungkol marahil sa
paginom.
"Oo naman ate Suzy...nasa legal age na kaya kami"
sabi pa ni Kendall dito.
Wala sina Kuya Matthew at Mikhael dahil kasama daw ito ni tito
matteo sa Australia para sa mga bussiness nila.
"Ate Cara...pagsikat na sikat ka na wag mo kaming kakalimutan ha"
sabi sa akin ni tammarie na kaagad ko namang ikinatawa.
"Syempre naman hindi, ikaw talaga" natatawang sabi ko sa kanha
tsaka ko siya tinabihan.
Inayos nito ang malaki niyang salamin sa mata bago niya niyakap
ang hawak hawak niyang bagpack.
"Your beautiful tammie..." puri ko sa kanya.
Medyo maypagka nerd kasi ito simula nang nagcollege silang tatlo.
Nakasuot na nga ito ngayon ng malaking salamin sa mata at halos
palaging naka long sleeve at pants. Kung hindi naman ay naka
tshirt at rubber shoes.
"Thank you ate cara" parang nahihiya pang sabi nito sa akin bago
siya sumimsim ng juice.
Kita kong halos mabilaukan ito ng mapatingin siya sa gawi nila
kuya ken. At duon ko nakita ang kakaibang tingin ni Zeus sa kanya.
With love ofcourse but still anduon pa din yung lungkot, dahil
syempre magkakalayo sila.
Dumating si Zena dala ang iinumin nila. Akala ko ay makakaligtas
ako pero hindi pala. Si suzy ay hindi tumigil hangga't hindi ako
nakikisali sa kanila. Medyo sana'y naman akong uminom dahil hindi
iyon maiiwasan sa states lalo na every after fashion shows.
"Damn it suzy tumigil na kayo diyan" seryoso at maawtoridad na
sabi ni lucas ng lumapit siya sa aming lamesa. Ang ilan sa mga
kasambahay nila Zeus ay nagiihaw ng bbq sa si kalayuan sa amin,
may
lamesa din na may mga pagkain kaya naman habang umiinom ay
kumakain din kami.
"Ang Kj naman ni kuya! Umalis ka nga dito...dun ka na" pagtataboy
ni Suzy sa kanya.
Alam kong galit siya at alam ko din kung paano siya magalit kaya
naman ni hindi ko siya tiningnan bagkus ay tinanggap ko pa ang
inabot na baso ng alak na ibinigay sa akin ni Zena.
"Madaya ka Tammarie ha!" Medyo bulol ng sabi ni Suzy pero tumatawa
pa din.
Sina kendall at Zafara ay kahit medyo lasing na din ay may poise
pa din at talagang hindi naman katulad nitong si Suzy na lumabas
nanaman ang kaingayan ng kanyang bunganga.
"Wag lang si Tammie ate Suzy..." biglang sumingit si Zeus sa kung
saan dahilan para maghiyawan ang mga kasama kong babae.
"Iuuwi ko na si Suzy..."biglang dumating si Kuya ken sa aming
table at tsaka inakay si Suzy patayo.
"Sige, mag ingat kayo..." sabi ni lucas habang pinapanuod kung
paanong binuhat na ni kuya ken si suzy na parang pang bagong kasal
dahil na din sa kalasingan nito.
"Lady drink ba talaga yon ate Zena?" Natatawang tanong ni Thomas
habang tinutulungan nilang dalawa ni tammarie si Kendall. Hindi
naman gaanong mga lasing ito pero they still need a support.
"Not sure!" Natatawang sagot ni Zena sa mga ito.
Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Chelsie. Siguro ay mas
maganda kung magpapasundo na lamang ako sa kanya. Pero halos
umikot ang paningin ko dahil sa ilaw na nanggagaling sa cellphone
na hawak ko. Ni ang password nga ay hindi ko magawa ng maayos.
"Ako na ang maguuwi kay Cara" sabi ni lucas na naging dahilan ng
aking
pagtayo.
"No thanks, may susundo sa akin" pagtataray ko pa sa kanya at
tsaka ako nagtangka na maglakad ang kaso ay hindi ko na kinaya at
muntik na ako matumba bago ako nawalan ng malay.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog or what pero
naalimpungatan lamang ako dahil naramdaman kong may naghuhubad ng
aking damit.
"Wag..." yun na lamang ang nasabi ko habang hinahawakan ko anb
kamay ng lalaking gustong maghubad ng damit ko.
"I will surely make you mine cara..." sabi pa nito na kaagad ko
namang nakilala.
"Lucas! Isusumbong kita!" Sabi ko kahit medyo pilipit na din ang
dila ko
"What? Kakasuhan mo ako ng Rape?" Parang natatawa pang pangaasar
nito sa akin.
"Oo! Isusumbong kita kay kuya matthew!" Ni hindi ko na magawang
ifilter ang mga pinagsasabi ko.
Akala ko ay titigil ito, pero mas lalo lamang naging mabilis ang
nga paggalaw ni lucas hanggang sa naramdaman ko na lamang ang
buong laming sa kwarto dahil marahil sa wala na akong kahit anong
saplot.
"Your too skinny cara...damn it" mura pa nito na di ko alam kung
puri ba o kung ano.
Hanggang sa mas lalo na akong nawala sa aking sarili ng maramdaman
ko ang mga kiliti sa aking leeg sa dahan dahang paglapat ng
kanyang mga labi sa aking hubad na balat. Halos hindi ko na
macontrol ang aking sarili. Maging ang aking katawan kasi ay
parang nagugustuhan na din ang mga nangyayari.
"Ahhh..." daing na ungol ko ng maramdaman ko ang pagpisil niya sa
kaliwang dibdib ko.
Naglakbay ang mga kamay ni Lucas sa ibat ibang parte ng aking
katawan na para bang ang aking kabuuan ay unti unti niyang
pinupuri lahat.
"Ughhh...ahhhh" daing ko at halos habulin ko ang aking hininga
dahil sa ginagawa niyang paghalik sa aking magkabilang dibdib.
Hanggang sa umakyat na ang labi niya at buong buong inangkin ang
aking labi.
Di rin nagtagal ay naramdaman ko na ang paggalaw nito. He
positioned himself, dahil duon ay napadilat ako. Saktong
nasalunong ko ang titig niya sa akin. He frekin spread my legs
wider in just one move. Ang magkabilang braso niya ay nasa aking
gilid at halos malunod ako sa mga matitigas niyang muscle na halos
maduling ako sa lapit ngayon.
"Sisiguraduhin kong mabubuntis ka na ngayon Cara" sabi niya bago
niya pinagisa ang sa aming dalawa.
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 58
"BASTOS KA!" umiiyak na sigaw ko habang binato ko lahat ng
mahawakan ko kay lucas.
"I love you cara" seryosong sabi nito sa akin habang prenteng
prenteng nakaupo sa single couch na nasa may harapan ng kama.
I should
Mahigpit
hubad na
dahil sa
be damn distracted because of him being half naked.
ang kapit ko sa kumot na tanging nagtatakip sa aking
katawan. Ni hindi ko pa din magawang tumayo at maglakad
pagkagulat dahil sa bilis ng mga pangyayari.
"You took advantage on me!" Pangaakusa ko pa rin sa kanya.
Huminga ito ng malalim bago napahilamos ng kanyang kamay sa
kanyang mukha. "I'll marry you, kahit kailan mo gusto...kahit
saang simbahan damn it cara kahit ngayon na!" Frustrated na sabi
niya sa akin na para bang nagmamakaawa siyang paniwalaan ko siya.
Inilingan ko lamang siya tsaka ko padarag na inalis ang mga luha
sa aking mga mata. Mahigpit kong itinakip ang puting kumot sa
aking katawan at tsaka ko kinuha yung mga nakatupi ko ng damit sa
paanan ng kama.
"Cara please let's talk" malumanay na sabi niya sa akin at tangka
sana niyang tumayo para lapitan ako pero kaagad ko siyang sinamaan
ng tingin.
"Shut up Assh*le" malutong na sabi ko sa kanya at tsaka ako
nagmamadaling pumasok ng Cr para makapagbihis na.
Hindi din ako nagtagal sa loob. Nanduon pa din si lucas sa may
sofa nakaupo at nakayuko. Nang marinig niya ang pagsara ng pinto
ay kaagad niya akong tiningala pero iniwas ko lamang ang tingin ko
sa
kanya.
Hinanap ko ang daan palabas at di sinasadyang napadaan pa ako sa
kanyang dinning, may mga pagkain duon...mukhang nagluto pa ata
siya.
"Ihahatid na kita" nagmamadaling sabi nito habang nagsusuot ng
puting tshirt.
"No" maiksing sabi ko at tsaka kaagad na naglakad patungo sa may
pintuan.
"Please cara" pakiusap pa rin niya at hinawakan pa ako nito sa
braso kaya naman di ko na napigilan ang sarili kong masampal siya.
"Lucas tama na please, lubayan mo na ako!" Pagmamakaawa ko dito
pero mataas pa din ang boses ko dahil sa sobrang inis.
Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para makaalis. Namataan kong
nasa isa kaming condominium ng makakita ako ng mga number sa labas
ng pintuan kaya naman kaagad akong sumakay ng elevator.
"Yes please angelina...thank you" pagkausap ko dito dahil
nagpasundo ako sa driver.
Mariin akong napapikit at napasandal sa may elevator. "Kahit
kailan ka talaga cara..." dismayadong sabi ko sa aking sarili.
Naghintay ako sa may lounge ng condominium. Napahawak ako sa tyan
ko ng makaramdam ako ng gutom. Nagtext din ako kay angelina para
ipasabi sa driver na pupunta lang ako sandali sa hotel restaurant
para bumili ng coffee.
"One Grande Latte" order ko sa waiter na lumapit sa aking lamesa.
Iginala ko ang aking mata sa buong restaurant. Maging ang mga
taong pumapasok sa may condo. Hinang hina ang katawan ko na para
bang isang buong araw akong nag jogging. Gusto ko na sanang
lumupaypay sa malabot na couch na kinauupuan ko ang kaso ay hindi
naman appropriate iyon sa lugar.
"Here's your order ma'm
thank you po" sabi ng waiter sa akin at tsaka niya ibinalik ang
card ko.
Mabilis kong kinuha ang latte ko at naglakad palabas ng coffee
shop pero sa kalagitnaan ng aking paglalakad ay hindi inaasahang
makakita ako ng isang napakapamilyar na mukha.
Malaki ang ngiti nito habang tinatahak ang daan papunta sa may
elevator. She is wearing a beige ciggarette heels then a dark red
fitted spaghetti dress.
"Amiella..." banggit ko sa pangalan niya habang napahinto ako sa
aking kinatatayuan at wala nagawa kundi sundan siya ng tingin.
Nakaramdam ako ng inis habang iniisip kong si lucas ang pupuntahan
niya dito. Ang kaninang inis at napalitan ng galit. Halos lahat ng
mura ay masabi ko na kay lucas habang iniisip kong matapos ang
nangyari sa aming dalawa ay si amiella naman ngayon. Damn him!.
"At saan ka galing babae ka?" Salubong sa akin ni Chelsie habang
nakataas ang kanyang isang kilay at nakahalukipkip pa.
"Kila suzy" pagsisinungaling ko ng hinid man lang siya tinitingnan
sa mata dahil siguradong malalaman nitong nagsisinungaling ako pag
tumingin pa ako diretso sa kanyang mata.
Nagulat ako ng hindi na ito nagtanong pa at nanahimik na lamang
kaya naman ako na ang nagkusa na tingnan siya.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya ng makita kong nakasunod pa din ito ng
tingin sa akin.
Tinaasan lang ako nito ng kilay at tsaka nagkibit balikat. Itinaas
niya ang kanyang cellphone, "Nagtext si lucas...tinatanong kung
nakauwi ka na daw ba" sabi niya sa akin na halatang nagpipigil
ng tawa.
"Arrgghhh! Inis!" Pagmamaktol ko at tsaka ako padabog na umakyat
patungo sa aking kwarto. Pagdating duon ay kaagad din naman akong
tumalon sa kama hanggang sa di ko na namalayang nakaidlip na ako.
Naging busy ng mga sumunod na araw, yun naman ang mas gusto ko
kesa ang masayang nanaman ang mga araw ko para sa mga hindi naman
mahahalagang bagay kagaya na lamang sa pagkainis ko tuwing sa may
ipapadalang pagkain si lucas sa kada photoshoot at trabahong
ginagawa ko.
"Pagkain nanaman...yung totoo cara, gusto ba ni lucas na lumobo ka
ulit?" Puna ni chelsie sa akin na may kasamang mapangasar na
ngisi.
"Ipabalik mo sa kanya iyan" masungit na sabi ko dito at kaagad
siyang tinalikuran.
Nasa may Balesin Island kami ngayon para sa isang sikat na
magazine. Sa dagat ang next shoot ko kaya naman nakasuot ako ng
kulay puting two piece. It is more likely na exposed ang back ko
dahil halos gasinulid na nagdudugtong dito.
"Ayaw ko nga! Magugutom din kami mamaya noh, kung ayaw mo edi wag,
sa amin na lang" sabi niya sabay subo ng Donut.
Napairap na lamang ako kay chelsie. Ilang araw na siyang
nagpapadala ng kung ano anong pagakin. Hindi naman siya ganyan
dati. Kahit walang trabaho ay minsan siya pa ang naghahatid ng
pagkain sa condo namin pero hindi ko siya hinaharap.
Dahil sa dagat ang photoshoot ay kailangan kong lumusong. Medyo
mainit ang sikat ng araw pero nagawan naman kaagad ng mga
orginizers.
"Spread your arms a little Cara, play with the water..."
utos sa akin nung head photographer namin.
Sinunod ko lahat ng sinabi niya sa akin hanggang sa pinaahon niya
na ako para magpahinga.
"Good job, you are really great" pagpuri nito sa akin pagkaahon
ko.
Sinuotan ako ng isang assitant ng robe at towel para sa buhok ko.
"Thank you po" pasasalamat ko sa puri niya sa akin.
"Here, this is my card Cara...may audition for the models para sa
new face of Victoria, you have the potential" pagmomotivate niya
sa akin kaya naman napapayuko na lamang ako habang napapangiti.
"I'll try po" paninigurado ko sa kanya pero inilingan lamang ako
nito.
"Dont try...go for it, that can be a big break for you" sabi pa
niya na ikinatango ko na lamang.
Pagbalik ko sa pwesto nila Chelsie ay nagtatawanan sila nila
angelina kasama ang iba pang mga staff.
"Andyan na si Cara" sabi ni angelina at tsaka siya tumayo para
paupuin ako sa kaninang inuupuan niya.
"Thanks" sambit ko.
"Face of Victoria needs you Cara" sabi ni Chelsie sa akin tsaka
ako kinindatan.
"Yes! Ipu-push natin yan!" Pagmomotivate pa ni angelina.
Dahil sa sinabing iyon nila Chelsie at angelina ay naging mas
motivated ako maging sa mga workout ko. Bumalik ako sa halos araw
araw na pag g-Gym para mas lalong maging tone ang katawan ko.
"Cara" kakatapos ko lang magbibicycle ng kaagad na lumapit sa akin
si Lucas na nakapormal attire pa!
"Anong ginagawa mo dito?" Galit pang tanong ko sa kanya dahil
biglang uminit
ang dugo ko ng nakita ko ang kanyang pagmumukha.
Nagtaka ako ng parang nagaalala ang pagmumukha nito habang
tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. "Anong bang problema mo
ha?" Inis na tanong ko sa kanya dahil para siyang matatae dahil sa
itsura niya.
"Cara can you stop this?" Seryosong sabi niya sa akin na
ikinakunot ng noo ko.
Napangisi na lamang ako sa kanya at tsaka napailing dahil sa
pagkaamaze sa gusto niyang mangyari. "No, i wont" matigas at
mataray na sagot ko sa kanya at tsaka siya tinalikuran.
Napaatras ako ng humarang ito sa aking harapan, seryoso pa din ang
kanyang mukha na halatang walang halong biro.
"You need to stop this, hindi makakabuti ito sayo cara" sabi pa
niya ulit sa akin.
"Seriously lucas, anong problema mo?" Mariing tanong ko sa kanya.
Hindi pa ito kaagad nagsalita bagkus ay tinitigan pa ako nito at
tsaka pinagmasdang mabuti. "You should be pregnant this time,
dapat may symptoms na" sabi niya sa akin na halos ikaluwa ng aking
mata.
"Lucas damn it, it's just a one night stand" nakangising sabi ko
sa kanya na akala mo ay parang wala lang para da akin.
Kitang kita ko anb pagtigas ng ekspresyon ng mukha nito dahil sa
narinig. "Watch your words cara" pagbabanta pa nito sa akin na
ikinairap ko na lamang.
"Lucas hindi ako buntis, sorry to say this pero hindi mangyayari
ang gusto mo. I wont let you..." malumanay na paninigurado ko sa
kanya.
"T*ngina" malutong na mura nito pagkatapos
ay halos mamula ang kanyang mukha sa di ko malamang dahilan.
I left him hanging there, wala na akong time makinig sa mga walang
kwentang bagay na sinasabi niya sa akin.
"Tomorrow is the day!" Masaya at excited na sabi ni Angelina.
Naglulunch kami sa isang restaurant, mas excited pa silang dalawa
sa akin. Bukas na kasi lalabas ang result nung naganap na audition
para duon sa New Face Of Victoria. Marami ang advantages na
makukuha.
"May fries, yung may Cheese dip?" Tanong ko sa waiter dahil bigla
akong nag crave sa fries.
"Uhmm...ma'm pwede po kaming gumawa para sa inyo" alanganing sagot
sa akin nung waiter na ikinalaki ng aking ngiti.
"Thank you" sagot ko sa kanya.
"Calories..." pagpaparinig ni Angelina sa akin.
"Ngayon lang, nagcra-Crave talaga ako eh..." nakanguso pang sabi
ko dito.
"Hayaan mo na siya Angelina minsan lang naman" nakangising kantyaw
ni chelsie sa kanya.
Kaagad ko siyang nginitian dahil sa pagtulong niya sa akin. "Si
lucas tawag ng tawag sa akin, puro text din, di mo daw sinasagot
phone mo" sabi mi chelsie sa akin habang nakatingin siya sa phone
niya.
"Manigas siya noh!" Nanggigigil na sabi ko, maisip ko pa lang ang
mukha ni lucas ay inis na inis na ako.
"Hoy! Pag yan tinigasan talaga!" Sita sa akin ni Angelina na
ikinahalakhak ni chelsie.
"Hoy bastos ka!" Sabi ko dito tsaka siya pinalo sa braso.
Inirapan niya ako. "Bakit ba, eh napakaHot kaya ni Lucas!" Sagot
niya sa akin na ikinataas ng isang sulok ng aking
labi.
"Oh my gahd!" Excited na sabi ko habang tinitingan ang isang plato
ng fries na inilapag ng waiter sa aking harapan.
"Anyare sayo? Para kang naglilihi diyan!" Sita sa akin ni angelina
na ikinatigil ko, buti na lamang at hindi big deal sa kanilang
dalawa iyon kaya naman imbes na magpaapketo ay itinuloy ko na
lamang ang aking pagkain.
Hindi ko papansinin ang lucas na yon! Ang kapal naman ng mukha
niyang kulitin ako gayong nakita ko si amiella sa condo niya. At
ano? Nagsex din ba sila duon? F*ck wala akong pakialam!.
Kinaumagahan ay halos hindi na mapakali ang lahat. Maging si sir
thaddeus din ay naghihintay ng news para sa akin. Ngayon ilalabas
ang naging desisyon para sa bagong new face of victoria. Ang lahat
ng social media account nila chelsie at angelina ay nakabukas para
makibalita.
"Hoy antukin, hindi ka na naeexcite o kinakabahan man lang?" Sita
sa akin ni angelina, pero binuksan ko lamang ang isang mata ko.
"Nagpapahinga lang" sabi ko sa kanya sabay pikit ulit, at tsala
dinama ang malambot naming sofa. Lately mas gusto ko ng mahiga
dito kesa sa aking kama.
"Antuking bata! Palagi pang gutom" pangaasar niya sa akin pero
ngiti lang ang naisukli ko sa kanila.
"Chelsie...gusto ko ng Hotdog mamaya sa lunch ha" paglalambing ko
dito, bigla kasing hinanap ng panlasa ko yung hotdog tapos
isasawsaw sa mang thomas.
Hindi pa man nakakasagot si chelsie ay kaagad na akong napatayo
dahil sa biglang pagasim ng aking sikmura.
"Ayan kasi! Kung ano anong kinakain eh, daig mo pang buntis" hiyaw
ni angelina
sa pagkagulat.
Halos maiyak ako sa loob ng banyo dahil sa pagkaduwal.
"Cara...papasok ako" katok ni chelsie sa may labas.
Sandali akong naghilamos, bago ko binuksan ang pintuan para kay
chelsie. "Ano bang nangyayari sayo ha?" Nagaalalang tanong niya sa
akin at tsaka ako inalalayan palabas ng banyo.
"Hindi ko nga alam eh, lately parang biglang bumigat yung
pakiramdam ko" pagsusumbong ko sa kanya.
"Ok i'll call a doctor para mapatingnan ka" sabi pa ni chelsie at
kaagad na dinukot ang kanyang cellphone sa bulsa.
Pagkatapos nuon ay muli akong nakaidlip. Hindi ko alam kung gaano
katagal basta nagising na lamang ako dahil sa mga boses na
naririnig ko.
"Naku, paniguradong magagalita yan" rinig kong nag aalalang sabi
ni chelsie.
Gusto kong mapasigaw ng makita ko ang mukha ni lucas sa aking
mismong harapan. "Ok na ba yung pakiramdam mo?" Malumanay na
tanong niya sa akin, kakaiba yung itsura niya maging yung
pagtatanong niya sa akin na para bang may itinatagong ngiti.
"Ayoko sayo, umalis ka sa harapan ko" sabi ko tsaka kaagad akong
tumalikod ng higa sa kanya.
"CARA!!!" Sigaw na tawag sa akin ni angelina kaya naman napatayo
ako.
"Ikaw na! Ikaw na talaga!" Tuwang tuwang sabi niya at nagtatalon
pa.
Maging si Chelsie ay nanlaki din ang mata. "Si Cara na ang new
Face of Victoria!" Walang mapaglagyan ang tuwa ni angelina na todo
yakap pa kay Chelsie.
Gusto ko na din sanang maglakad papunta sa kanila at makisali sa
pagsasaya nila ang kaso ay naramdaman ko ang presencya ni lucas
malapit sa akin.
"You can't cara...your pregnant" sabi ni lucas na sakto lang ang
lakas para sa aming dalawa.
Muli ko siyang binalingan at tsaka mapangasar na nginisian.
"Sinabi na nga sayong hindi eh..." matigas na sabi ko.
Tinitigan ako nito sa mata. "Doctor ako...i already check on you,
you are pregnant with our child"
[A/N] Watch out for my New story To Die with Love
For more info. You can follow me on instagram Maria_CarCat and on
Facebook Maria CarCat WP.
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 59
Matalim kong tiningnan si lucas at tsaka ko siya dinuro. Sinadya
kong hinaan ang boses ko para hindi maapektuhan ang kasiyahan nila
Chelsie at angelina.
"Wag na wag mo sasabihin yang walang kwentang bagay na yan kina
Chelsie..." pagbabanta ko sa kanya pero siya pa ang may ganang
magalit sa akin.
Lalong tumigas ang ekpresyon ng mukha nito at kitang kita ko ang
paglalapat ng kanyang mga labi na para bang galit na galit na siya
pero pinipigilan lamang niya ang kanyang sarili.
"What happen to you cara? Anak natin ang pinaguusapan dito"
seryosong sabi niya sa akin na nagpataas ng aking balahibo.
Kumunot ang aking noo kasabay ng pagriin ng aking mga mata habang
tinitingnan ko siya.
"And what happen to you lucas...ano bang pinagsasabi mo? Kung
gusto mo na ng anak, aba humanap ka ng babaeng papayag na pakasal
sayo. Wag ako, dahil marami pa akong pangarap sa buhay" sabi ko sa
kanya sabay talikod.
Mabilis akong ngumiti pagkaharap ko kina chelsie at angelina.
Tuwang tuwa ang dalawa habang sinasalubong ako ng yakap.
"Congrats Cara, you really deserve it" masayang sabi sa akin ni
angelina at tsaka niya ako niyakap.
Maging si chelsie ay niyakap din ako. "Ito na yon Cara, ito na
yung pangarap mo" hindi matago ang saya niya at ang paghigpit ng
yakap niya sa akin.
Gusto ko mang tuluyang maging masaya ay may parte pa din sa akin
na nangangamba tungkol sa mga sinasabi ni lucas. Sa mga sumunod na
minuto at oras at sunod sunod ang natatanggap na tawag ni Chelsie
at Angelina.
"Cara, dinner is
ready...mauna ka na" sabi sa akin ni chelsie habang busy ito sa
harapan ng kanyang laptop.
Tinatamad sana akong tumayo ang kaso ang gusto ko talagang kumain,
dati naman ay kahit gutom ako ay nacoControl ko pa ang sarili ko,
ngayon ay medyo hindi ko na kaya, hindi ko alam kung bakit kaya
naman mas lalo tuloy akong kinakabahan dahil sa ipinipilit sa akin
ni Lucas.
"Chelsie gusto ko ng hotdog" nakangusong sabi ko sa kanya ng
dumungaw ako mula sa dinning.
Sinamaan ako nito ng tingin bago niya inayos ang suot na salamin
sa mata. Sinusuot lamang niya iyon pag nasa harapan siya ng
kanyang laptop.
"Puro ka na hotdog, hindi pwede...just eat that freaking chicken"
pangaral niya sa akin.
Sa di malamang dahilan ay gusto kong maiyak dahil sa sinabi ni
Chelsie sa akin. Feeling ko tuloy ay pinagkaitan ako ng karapatan
ko para kumain ng hotdog. Napakagat ako sa aking labi ng muli ko
nanamang maisip ang sinasabi sa akin ni lucas kaya naman
napasampal ako ng mahina sa aking pisngi.
"Damn cara...eat the freaking chicken" pangaral ko sa sarili ko
sabay upo duon sa may dinning.
Tahimik lamang akong kumakain ng dumating si Angelina at tsaka
dumiretso duon sa may refrigirator.
"Angelina sabayan mo naman ako" yaya ko sa kanya.
"Loka diet ako" sagot niya sa akin, pero umupo pa din siya sa
aking harapan dala dala ang isang baso ng juice na kinuha niya sa
ref.
"Tumawag nga pala si Sir Thaddeus, nag pahanda siya ng party para
sayo, wala siya sa bansa ngayon pero he'll probably set a meeting
with you" sabi sa akin ni angelina na kaagad ko lamang
tinanguan.
Sanay na kami na walang rice pagkumakain kaya naman sumandok na
lamang muli ako ng chicken pineapple ng kaagad akong sinita ni
Angelina.
"Hey cara, mas maging careful na sa food...malaking project ito"
paalala niya sa akin na naikinalunok ko na lamang.
"Ah...oo naman" pagaasure ko sa kanya.
Biglang ngumiti ito mula sa pagiging seryoso ng kanyang mukha.
"Pero now, sige na...eat a lot you need to celebrate" pagtutulak
niya sa akin.
Magsasalita pa sana ulit ito ang kaso ay biglang tumunog ang
kanyang cellphone kaya naman nagpaalam muna siyang aalis at
sasagutin iyon.
Mas naging busy kami ng mga sumunod na araw dahil marami kaming
meeting na pinupuntahan para sa nalalapit na signing of contract
with the Victoria Company. Duon ko lang na feel na malaki ang
magigig apekto ng project na ito sa magiging career ko pa sa
future.
"Ahhh...shit" nanghihinang sabi ko habang pinupunasan ang aking
labi.
Ilang araw na din kasi na palaging umiikot ang sikmura ko
pagkagising ko kaya naman sa banyo palagi ang diretso ko.
"Cara...cara si lucas andito nanaman" katok ni Chelsie sa labas.
Kaagad akong napaayos ng tayo at napatingin sa salamin. Hindi
naman gaanong nadagdagan ang weight ko pero medyo nagkaroon na ng
itim ang ilalim ng aking mga mata.
Nagayos ako sandali bago ako lumabas ng banyo para pagbuksan sila
ng pintuan.
"Ano nanamn ba ang ginagawa mo dito?" Blankong ekspresyon ang
ibinigay ko kay lucas, pero hindi nawala ang
pagaalala sa kanyang mukha.
"Ayos ka lang ba?...you look pale" nagaalalang sabi niya at
itataas sana niya ang kamay niya para hawakan ang pisngi ko ng
kaagad kong tinabig iyon.
"Pwede ba! Ano bang dapat kong gawin para lubayan mo na ako!?"
Bulyaw ko sa kanya dahil sa sobrang inis.
Napahinto ako ng maalala kong nasa tabi pa niya si chelsie. "Sige
guys alis na muna ako...kalma lang" sabi niya pa bago niya kami
tuluyang iniwan ni lucas.
Nagmartsa ako papasok sa aking kwarto at kaagad na dumiretso sa
aking walk in closet. Ngayong araw gaganapin ang contract signing
with Ms. Victoria Ensberg. Siya ang may ari ng Victoria Company.
"Alam mong hindi ko magagawang lubayan ka Cara, pinagbubuntis mo
ang anak natin" madamdaming sabi pa ni lucas na lalo ko lamang
ikinainis.
"Pwede ba! Tantanan mo na ako sa kakabuntis na yan! Grabe naman
lucas!" Bulyaw ko sa pagmumukha niya. Umiinit na talaga ang dugo
ko sa kanya.
Imbes na sabayan ang galit ko ay mas lalo lamang lumambot ang
ekspresyon ng mukha nito. Hindi ako nakapalag ng hilahin ako nito
papalapit sa kanya tsaka niya ako niyakap.
"Sorry na, wag ka ng magalit...hindi makakabuti sayo iyan" magaalo
niya sa akin.
Nagtaasan lahat ng balahibo sa batok at braso ko kung paano niya
ako aluin, kung paano niya sabihin iyon ng buong lambing.
Gustong gusto ko siyang itulak pero masyado akong nalalasing sa
amoy ni lucas. Kumakalma ako sa amoy niya kaya naman hinayaan ko
lang siya duon sa aking harapan.
"Cara, i know mabilis ang lahat...i will help you, promise hindi
kita iiwan" sabi pa niya sa akin
kaya naman yun na ang oras para ilayo ko na ulit siya sa akin.
"No lucas hindi kita kailangan" masungit pang sabi ko sa kanya at
kaagad na hinarap ang aking mga damit sa closet. I should impress
ms. Victoria.
"Wag mong tanggapin yung contract cara...hindi mo na magagawa yung
project na yon" malumanay na sabi niya sa akin.
Duon na nagsimulang uminit ang magkabilang gilid ng aking mata.
Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa aking narinig.
"Cara im sorry, pero hindi na pwede iyon sayo...anytime soon
malalaman din nilang buntis ka"
"Kasalanan mo to!" Sigaw ko sa kanya tsaka ko siya binigyan ng
isang malakas na sampal sa kanang pisngi.
"Gusto ko to! Matagal kong hinintay to lucas...matagal kong
hinintay to! NapakaSelfish mo naman para ipagkait sa akin tong
pangarap ko!" Sigaw na sumbat ko sa kanya habang patuloy na
umaagos ang luha sa aking mga mata.
Mariin siyang napapikit. "Im so
selfish...sorry kasi gusto kong
masyado kitang mahal kaya gusto
akim hanggang sa tuluyan na din
sorry cara, im so sorry for being
maging akin ka na, sorry kasi
ko akin ka lang" paliwanag niya sa
siyang pumiyok.
"You dont love me lucas! You only love your self, damn it hanggang
kailan mo ba ako papahirapan!?" Galit na galit na tanong ko.
Nakatitig lamang ito sa akin hanggang sa unti unti ng tumulo ang
luha sa kanyang mga mata. Tumango tango ito bago pa siya
nagsalita.
"It's all my fault...yeah i know, starting from the day that i
told you lie, about amiella and her baby" seryosong seryoso ang
mukha nito pero hindi niya magawang tumingin sa akin.
Hanggang
sa bumuhos na ang luha ni lucas kaya naman maging ako ay nabato na
lamang. "Nuon pa lang kasi cara selfish na ako pagdating sayo
eh...kaya nga galit ako sayo, kasi masyado mong ginugulo tong isip
ko, simula bata pa lang tayo T*ngina kasi cara alam kong gago ako
eh, pero mahal kita, mahal kita kaya nga mas galit ako sa sarili
ko" paos na ang boses nito pero sobrang manly pa din, gusto kong
maiyak kasabay niya pero hindi ko mahanap ang sarili ko, para
akong lumilipas sa kung saan.
"Pero kasi lucas ayoko na eh...pagod na akong maghabol sayo, Oo
mahal pa rin kita pero hindi na kasi iyon kagaya ng dati eh, hindi
na kasing tindi ng dati, kaya ko na nga na wala ka eh...mas kaya
ko na nga kung wala ka" malumanay na pagpapaintindi ko sa kanya.
Hindi ko nakilala ang lucas na kaharap ko ngayon ng nalukot ang
mukha nito dahil sa pagiyak. "Wag namang ganyan Cara, wag namang
ganyan oh" pakiusap niya sabay yakap sa akin.
Sa klase ng yakap niya ay parang takot na takot talaga siyang
umalis o lumayo ako sa kanya. Umiling ako sa kanya tsaka ko siya
inilayo sa akin. "Thank you. Thank you kasi you push me away year
ago...kaya nakuha ko ang lahat ng ito" pasasalamat ko.
"F*ck! That was the biggest mistake i ever made" malutong na
murang sabi pa niya.
"Lucas please, let me grow...let me go" malumay pang pakiusap ko,
kahit ang totoo masakit.
"Pero magkakaAnak tayo cara" seryosong sabi niya sa akin.
Mariin akong napapikit. "Hindi pa ako ready lucas...hindi pa ako
handa para dito" nanginginig na sambit ko.
Muli
kong nakita ang galit sa mga mata ni lucas. Galit na matagal ko ng
hindi nakita. Nanlamig ako dahil sa tingin na ibinibigay niya sa
akin.
"What do you mean cara? What the hell, do you mean by that!?"
Hindi na napigilan nito ang pagtaas ng kanyang boses kaya naman
napaiktad ako.
"Lucas, wala naman kasi sa plano ko to eh..." umiiyak pang sabi ko
sa kanya, gusto ko siyang pakalmahin dahil natatakot din ako sa
galit niya.
"T*ngina cara naman! Plano mo man o hindi, anak pa din natin yan!"
Sigaw niya sa akin.
Hindi ako nakasagot, nanatili na lamang akong nakayuko. "Hoy bakit
ba kayo nagsisisgawan diyan?" Pumasok si chelsie sa aking kwarto.
"Oh cara..." nagaalalang tawag niya sa akin tsaka niya ako
nilapitan at inalo.
"Lucas ano bang nangyayari?" Tanong ni chelsie dito.
Natatakot akong magsalita siya tungkol duon kaya naman napatingala
ako sa kanya at kaagad na sumalubong sa akin ang nakakatakot na
tingin sa akin ni lucas.
"Itanong mo diyan sa pinsan mo, ewan ko lang kung may natitira pa
siyang kunsensya para sabihin sayo ang totoo" galit na sabi niya
bago niya kami tinalikuran ni chelsie. Bumalik ang dating
pakikitungo sa akin ni lucas, bumalik na ang dating lucas.
Hindi ako nagsalita, bukod sa sinabi ko kay chelsie na ayos lamang
ako. Tuloy pa din ang contract signing ngayong araw, lutang ang
pagiisip ko para gumawa pa ng mga plano. I just go with the flow.
"Cara ayos ka lang ba talaga?" Nagaalalang tanong ni Chelsie sa
akin.
Tumango ako sa kanya. "Sa restroom lang ako" paalam ko sa kanya.
Matagal ko ng gustong gawin ito pero wala akong lakas ng loob,
matagal ng naghihintay sa akin ang pregnancy test pero hindi ko
alam kung saan ako kukuha ng tapang para harapin ang magiging
resulta.
Two Red Line
Wala ng luha na gustong lumabas sa mga mata ko, ilang gabi ko na
ding iniyakan ito. I may sound heartless in front of lucas, pero
hindi niya alam kung paano naghahalo halo ang pakiramdam ko sa
tuwing iniisip kong may isang buhay pang unti unting nabubuo sa
loob ko.
Ang isipin na anak namin ito ni lucas, na galing sa aming dalawa
ito ay nagpapatalon talaga ng sobra sa puso ko. Pero anong
magagawa ko? Hindi pa talaga ako handa, hindi ko pa ata kaya.
"Cara andyan na si Ma'm Victoria" salubong sa akin ni chelsie at
tanga sana niya akong hihilahin papasok sa conference room ng
napahinto ako.
"Oh bakit, may problema ba?" Nagtatakang tanong niya sa akin.
Hindi ako nakapagsalita, ang tanging nagawa ko lamang ay itaas ang
hawak kong pregnancy test sa kanya.
"Oh my gahd!" Pagsinghap ni Chelsie habang nanlalaki ang kanyang
mga mata.
"Chelsie paano na...paano na yung pangarap natin?" Sumbong ko sa
kanya.
"Ano ka ba, pangarap mo din naman yan di ba? Una mong naging
pangarap yan" pagaalo niya sa akin habang hinahaplos haplos ang
aking likuran.
"Hindi ako papayag na hindi ka pakasalan ni lucas" pagalit na sabi
niya sa akin.
"Pero ayoko sa kanya, ayoko siyang makita" pagmamaktol ko dito.
Mariing napapikit si Chelsie at napahawak sa kanyang noo.
"Goodness! Pinaglilihian mo pa ata ang sumpunging lalaking yon"
pamomorblema niya.
(Maria_CarCat)
=================
Chapter 60
"Sorry po talaga ma'm victoria...ngayon lang po namin nalaman"
paghingi ng paumanhin ni chelsie dito.
Imbes na contract signing ay nauwi kami sa isang close door
meeting. Kung titingnan mo si ma'm victoria ay para siyang witch
sa isang disney movie.
"You should tell this thing earlier...di niyo na dapat pinaabot pa
sa araw ng contract signing" malumanay na pagpapaintindi niya sa
amin.
"Sorry po, ako po ang may kasalanan...natakot po kasi ako"
paghingi ko ng paumanhin sa kanya.
Kinabahan ako ng tinitigan ako nito. Hanggang sa nakaluwag ako ng
hawakan nito ang aking kamay na nakapatong sa lamesa.
"Matapang ka pa rin cara...pinangunahan ka man ng takot ay nagawa
mo pa ding harapin iyan ngayon" pagpapaintindi niya sa akin.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot sa kanyang boses,
maging sa kanyang mga mata ay lumalabas din iyon.
Pinisil niya ng marahan ang kamay ko bago niya iyon binitawan
pagkatapos ay sumandal siya sa kanyang swivel chair.
"Minsan ko na ding pinili ang career ko kesa sa pamilya
ko...hanggang ngayon ay pinagsisisihan ko pa din iyon, maswerte ka
Cara at napili mo ang tamang desisyon" kwento pa niya sa akin.
Napatingin ako kay chelsie ng hagudin nito ang likuran ko at tsaka
ako tipid na nginitian. "Sabi sayo eh..." mahinang sambit niya.
"But...i want to continue the contract signing" biglaang sabi nito
matapos ang matagal na katahimikan sa aming pagitan.
Hindi pa man ako nakakapagreact ay naunahan na ako ni Chelsie.
"Pero
ma'm hindi na po iyon kakayanin ng pinsan ko...hindi po makakabuti
iyon sa kanya at sa magiging pamangkin ko" problemadong sabi pa ni
chelsie.
Bahagyang napakunot ang aking noo ng makita kong napangisi si ma'm
victoria. "Sino ba may sabi sayong si Cara ang pipirma?" Nakataas
na kilay na tanong niya kay chelsie.
Nagtataka kaming nagtinginan ni chelsie dahil kapwa din kami
naguguluhan. "Kung ganuon sino po?" Ako na ang nagtanong para
maging malinaw na para sa amin ang lahat.
"Si chelsie. Siya ang magiging model para sa Brand ko" pinal na
sabi niya pa sa amin.
Kaagad akong nakaramdam ng tuwa para sa kanya. Pangarap din ni
chelsie na maging model, ang kaso ay nagfocus siya nuon sa
pagiging designer. Masaya ako dahil ngayon ay maaabot na niya yung
matagal na din niyang gusto.
"Double blessing! Magcelebrate tayo!" Hiyaw ni angelina pagkasakay
namin sa van pagkatapos ng contract signing.
"Hoy chelsie!" Pagpukaw niya da atensyon nito na kinailangan pa
niyang hampasin sa braso para makausap.
"Teka bakit ako?" Hanggang ngayon ay hindi pa din siya
makapaniwala dahil sa naging desisyon ni ma'm victoria.
"Para ko na ding naabot yung pangarap ko dahil ikaw yung nakakuha
ng project chelsie" masayang sabi ko sa kanya bago ko siya
niyakap.
"Ahh...grabe hindi pa rin nag sisink in sa akin eh" problemadong
sabi pa niya pero alam kong sa loob loob nito ah masaya din siya.
Habang hindi pa nagsisimula ang trabaho no chelsie sa
companya nila ma'm victoria ay todo ang pagaasikaso nito sa akin.
Maging sa mga kinakain ko ay stikta siya. Binibigay naman niya
lahat ng hilingin ko pero pagsobra na ay pinapagalitan na ako
nito.
"Chelsie mag groGrocery ako ha" paalam ko sa kanya pagkalabas ko
ng kwarto. Nasa sala ito habang nagdradrawing ng isang gown.
Inayos niya ang suot na salamin sa mata bago ako tingnan.
"KakaGrocery ko lang ah" sabi niya sa akin pero napanguso ako at
tsaka ako umupo sa may couch sa harapan niya.
"Pero wala naman duon ang mga gusto ko..." pangangatwiran ko.
Kumunot ang noo nito. "Eh kahapon yun ang mga gusto mo ah" di
makapaniwalang sabi pa niya.
Guato kong magmaktol sa kanyang harapan pero pinigilan ko lang.
"Eh chelsie, kahapon ko pa yun gusto...iba na ang gusto ko ngayon"
pagdadahilan ko pa sa kanya.
Napailing na lamang ito bago muling gumuhit. "Asaan na ba kasi
yang lucas na yan...eh dati halos duon na matulog sa labas ng
pintuan ah" kwento niya da akin.
Napahalukipkip ako at tsaka napairap. "Hayaan mo nga yon,
nakakainis yung lalaking yon...wag na wag lang siyang magpapakita
sa akin" nangigigil na sambit ko.
"Oh eh bakit naiiyak ka?" Natatawang tanong sa akin ni chelsie na
mas lalo kong ikinainis.
"Eh kasi naman eh! Gago talaga yon...di ko talaga siya papansinin!
Bakit akala ba niya kailangan ko siya!? Nek nek niya noh!"
Nanggagalaiting sabi ko pa na mas lalo lang nagpalaki sa ngisi ni
chelsie.
"Suyuin mo, ikaw ang may kasalanan" payo niya sa aki kaya naman
hindi na ako nakaimik
pa.
Pinayagan ako ni chelsie na umalis ng condo pero pinasamahan naman
niya ako sa driver. Kaya ko naman magdrive magisa pero masyadong
protective si Chelsie kaya naman hindi ko na nagawa pang kontrahin
ang gusto niya.
"Cara..."
Mabilis akong napalingon sa lalaking lumabas sa isang itim na land
rover katabi ng aming hiace na van.
"Kuya matthew" gulat na tawag ko sa kanya.
Kaagad na lumapit ito sa akin tsaka niya ako hinalikan sa may
bandang sintido ko. "Kamusta ka na?" Medyo paos na tanong niya sa
akin.
Napansin niya siguro ang pagtataka ko dahil sa paos niyang boses
kaya naman napatawa ito. "Kakarating ko lang galing Australia,
dumiretso kaagad ako dito" pagpapaliwanag niya pa sa akin.
Kaagad akong nakaramdam ng kaba dahil sa pagiisip kung paano ko
aaminin kay kuya matthew ang kalagayan ko ngayon.
"Pwede ba kitang imbitahin for late lunch? Hindi pa kasi ako
kumakain" pagyaya niya sa akin.
Napalunok ako ng wala sa oras, Oo nga't kinakabahan ako at
kailangan kong umamin sa kanya. Gusto ko naman siyang samahan ang
kaso ay sumasakit ang ulo ko dahil sa amoy ng kanyang pabango,
sumasama ang pakiramdam ko sa tuwing pumapasok iyon sa aking
ilong.
"Kuya matthew ano kasi...uhm naligo ka ba?" Nahihiyang tanong ko
dahil ayoko naman na maoffend siya.
Kaagad nanlaki ang mata nito at tsaka biglang napaamoy sa kanyang
sarili.
"Ha...Oo naman" parang alaganin din namang sagot niya sa akin
dahil parang nahiya siya dahil sa aking tanong.
"Ah ganun ba, pero kasi ang baho eh..." sabi ko pa sa kanya at
hindi ko na napigilang
takpan yung ilong ko.
"Ganun ba? Sige magpapalit na lang muna ako ng damit"
nagmamadaling sabi niya bago siya muling pumasok sa kanyang kulay
itim na land rover.
Matapos ang ilang minuto ay iba na ang suot nitong damit
pagkalabas niya sa kanyang sasakyan.
"Oh ayan na ha...hindi na ako nagspray ng pabango" paninigurado
niya sa akin na kaagad kong ikinangiti.
Hindi na ako nagpasama pa sa driver dahil sa sasakyan na lang ako
ni kuya matthew sumakay. Libre naman daw ang buong araw niya kaya
naman masasamahan din niya ako sa aking pag goGrocery.
"Here's the menu ma'm" sabi ng waiter at tsaka inabot sa akin yung
menu.
"Naku, tapos na akong maglu..." hindi ko ma natuloy ang sasabihin
ko ng kaagad akong maglaway duon sa mga picture ng dessert sa
kanilang menu.
Itunuro ko lahat sa waiter kung ano yung gusto ko. Hanggang sa
nakalimutan kong kasama ko si kuya matthew dahil sa paghihintay sa
aking order.
"Naglunch ka na niyan ha..." pangaasar niya sa akin.
Napalunok ako ng laway at tsaka napaayos ng upo. "Uhmm...may gusyo
akong sabihin sayo kuya matthew" kinakabahang sabi ko sa kanya.
"About the baby?" Tanong niya sa akin na ikinagulat ko.
"Alam mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
Sumimsim ito ng red wine bago siya tumango. "Ang walanghiyang si
lucas tinawagan ako at tsaka nagmalaki" kwento niya sa akin na
halos magpaluwa sa aking mga mata.
"Ginawa niya iyon?" Naaamaze na tanong ko.
"We all know that lucas is capable of anything" pagpapaalala niya
sa akin.
"Hindi
ka nagalit?" Natatakot na tanong ko sa kanya.
Bumaba ang tingin nito sa hawak niyang wine glass. "Syempre
nagalit, pero anong magagawa ko? Mahal kita kaya naman kahit
masakit para sa akin ay unti unti kong susubukang intindihin yung
mga bagay na magpapasaya sayo" seryosong sabi pa niya.
"Thank you and im so sorry talaga" pagpupumilit ko sa paghingi ng
tawad sa kanya.
"Mas malaki ang naging kasalanan ko sayo nuon Cara "
"Napatawad na kita kuya matthew..." pagaalo ko sa kanya.
Alam kong may hinanakit pa din sa akin si kuya matthew.
Naiintindihan ko naman iyon, hindi ko naman siya masisisi kung may
galit siyang nararamdaman para sa akin...sa amin ni lucas.
"Gusto lang nun na suyuin mo siya" natatawang sabi niya sa akin sa
kalagitnaan ng aming pagkain.
"Naku! Manigas siya noh...bahala siya sa buhay niya" pinal na sabi
ko habang iniinom ko yung strawberry milk shake.
"Sharp shooter ang loko ah" naiiling na lamang na sambit ni kuya
matthew.
Kaagad kong naramdaman ang paginit ng aking magkabilang pisngi.
Hindi kasi ako kumportable na pagusapan ang ganuong bagay.
Ihahatid na sana ako ni kuya matthew sa condo ang kaso ay ayoko
pang umuwi. Nangangati pa kasi ang paa ko at gusto ko pang pumunta
sa ibang lugar.
"Gusto mo bang puntahan si lucas?" Tanong sa akim ni kuya matthew.
Nagtatalo ang kalooban ko sa dapat kong isagot. "Hindi ko
alam...parang ayaw ko na gusto ko" magulong sagot ko
sa kanya.
"Malamang ay nasa ospital iyon ngayon" sabi niya sa akin.
Nanatili akong tahimik habang nakatanaw sa dinaraanan namin. "Sa
tingin mo ba may relasyon sila ni amiella?" Tanong ko sa kawalan.
Para namang nabilaukan si kuya matthew dahil sa aking sinabi.
"Seriously cara...kung may relasyon man si amiella at lucas hindi
ka sana buntis ngayon" pangangatwiran niya.
Nainis ako dahil parang halos lahat sila ay kampi kay lucas. "Pero
nakita ko si Amiella na pumasok sa condo niya..." laban ko pa.
Napataas ang isang kilay ni kuya matthew. "Nakita mo mismong
pumasok sa pintuan ng condo ni lucas?" Paniniguradong tanong niya
sa akin.
Bigla tuloy akong tumiklop. "Sa elevator...pero atleast sa condo
pa din" hindi ako magpapatalo.
Napangisi si kuya matthew. "Same condo with lucas, duon nakatira
ang boyfriend niyang football player" kwento niya na nagpahiya sa
akin.
"Teka bakit ba parang kampi ka pa kay lucas ngayon?" Nagtatakang
tanong ko sa kanya.
Mahina itong napatawa. "Madali lang sanang makipagkumpitensya kay
lucas...pero cara buntis ka, at siya ang ama kaya kahit anong
gawin ko si lucas na ang kailangan mo ngayon hindi na magiging
ako" kahit normal man iyong sinabi ni kuya matthew ay ramdam ko pa
din ang lungkot sa kanyang boses.
"Sige na, puntahan mo na yon...paramdam mo din sa kanya yung
sumpong mo" natatawang pangaasar sa akin ni kuya matthew ng ihinto
niya ang kanyang sasakyan sa harapan ng Hospital na
pinagtratrabahuhan
ni lucas. Ang tito simon niya ang may ari nito.
"Baka sungitan lang ako nun" nakangusong sabi ko.
"I swear mas masungit ka sa kanya ngayon" pagpupumilit niya sa
akin.
Pumasok ako sa hospital kahit di ko alam kung saan ako dapat
didiretso.
"Grabe ang gwapo talaga ni Doc Lucas...sana talaga mapansin niya
ako" nagdaday dream na sabi nung isang nurse ng mapalapit ako sa
nurse station.
Bigla kong naramdaman ang pagiinit ng aking ulo. "Wala pa bang
girlfriend si doc?" Tanong pa nung isa.
"Mukhang wala pa eh" sabi nito at tsaka sila naghagikhikan ng
pigil.
"Excuse me..." pag agaw ko sa atensyon nila.
"Ano po iyon ma'm?" Nakangiting tanong sa akin nung babaeng
nagnanasa sa ama ng magiging anak ko.
"Nasaang floor ba ang office ng asawa ko?" Mataray na tanong ko sa
kanya.
"Uhm...sino po ma'm?" Tanong niya sa akin.
"Doctor Lucas Eion Jimenez" sagot ko sa kanya at tsaka ko nakita
ang pamumuti niya.
"Uhmm...good afternoon po mrs. Jimenez" kinakabahan at
natatarantang sabi niya sa akin.
Marahil dahil sa sobrang pagkaguilty ay nagmagandang loob pa ito
at duon ako mismo hinatid sa harapan ng opisina ni lucas.
"Salamat" sabi ko sa kanya bago siya umalis.
Pumasok ako sa loob ng opisina nito pero wala siya. Tuluyan na
lamang akong pumasok at tsaka nagpasyang duon ko na lamang siya
hihintayin sa loob, marahil ay nagiikot ikot pa ito sa mga
pasyente niya.
Tiningnan ko ang mga picture na nakalagay sa likod ng table ni
lucas. Nakaramdam ako ng kiliti sa tiyan ko ng makita ko ang
litrato naming dalawa duon. Matagal na iyon, nagaaral pa lamang
kami.
Maya maya ay mabilis akong napaupo ng gumalaw ang door knob at
iniluwa ng pinto si lucas. Napaayos ang ng upo sa kanyang couch.
With his dangerous stare and with that white coat, duon ko lang
narealize na napakaswerte ko dahil nabuntis niya ako.
"Sabi ng nurse nandito daw yung asawa ko?" Tanong niya sa akin
with that serious face.
Napalunok ako at muling napaayos ng upo. "Uhm...joke lang yon"
mataray pang sabi ko sa kanya.
Dumiretso ito patungo sa kanyang table at tsaka inilapag duon ang
nakasabit na stethoscope na nasa kanyang leeg.
"May kailangan ka ba?" Biglang naging malumay ang boses nito
habang diretsong nakatingin sa akin.
Naiilang ako sa ginagawa niyang pagtingin dahil para bang
iniexamine na niya ang kabuuan ko gamit lamang ang kanyang
magaganda at mapangakit na mga mata. Damn it cara kailangan ka pa
nagkaroon ng mabulaklak na bibig?.
Napacross tuloy ang magkabilang braso ko sa aking bandang dibdib.
"Ano ba yan! Para namang hinuhubaran mo na ako niyan!" Hiyaw na
sita ko sa kanya.
Hindi ito natinag. "Tinitingnan lang kita cara..." depensa niya.
"Eh nababastusan ako eh!" Pangangatwiran ko pa.
Duon na siya tuluyang napangisi. "Tingin ko pa lang nababastusan
ka na? So pag nilandi pala kita...baka maging triplets na yang
magiging anak natin" pangaasar niya pa sa akin.
(Maria_CarCat)
=================
Epilogue 1
"Sigurado ka bang ito lang ang mga gusto mo?" Tanong sa akin ni
lucas habang nasa may elevator kami ng condo. Tatlong grocery bag
ang dala dala niya ngayon.
"Oo yan lang" tamad na sagot ko sa kanya. Naiinis kasi ako dahil
puro tanong ito, marami siyang tanong sa akin na paulit ulit lang
naman.
Ramdam ko ang tingin niya sa akin kahit nakatalikod ako. Kaya
naman hindi niya na ako muli pang tanungin ay kinalikot ko na
lamang ang aking cellphone. Magulo ngayon sa social media dahil
halos lahat au clueless pa kung sino ang magiging model ng
Victoria.
Natigil ako sa pag gamit ng cellphone ng tumunog na ang elevator
tanda na nasa tamang floor na kami.
"Hindi ka a nahihirapan dito? Nakakapagod tumaas baba dito"
concern na sabi pa ni lucas.
"Ano bang pake mo?" Inis pero mahinang sabi ko pa. Ayoko talagang
marinig ang boses niya, sobrang naririndi talaga ako.
"May sinasabi ka?" Inosenteng tanong niya.
"Wala..." labas sa ilong na sagot ko sa kanya at tsaka mas
binilisan ko pa ang paglakad para hindi na niya ako makulit pa.
Pagkabukas ko ng pinto ng condo ay si Chelsie kaagad ang bumungad
sa akin. Dala dala nito ang kanyang laptop na mukhang galing sa
may dinning.
"Oh bakit ngayon ka lang?" Tanong niya sa akin habang nilalapag
niya ang kanyang laptop sa may center table sa may sala.
Hindi na ako sumagot sa kanya bagkus ay nagdirediretso ako sa
paglakad papunta sa may couch.
"Usong sumag..." hindi na niya natuloy ang pagsita sa akin ng
makita niya kung sino ang aking
kasunod.
"Oh lucas...nice to see you again" sarcastic na sabi nito habang
nakangisi.
"Saan ko ito ilalagay?" Seryosong sabi ni lucas ng hindi man lang
pinansin ang pangaasar ni chelsie.
"Sa may dinning na lang" sagot ni chelsie sa kanya.
Hindi ko alam kung anong pinaggagawa nilang dalawa. Nakahiga na
kasi ako sa may couch habang nakatalikod sa kanila.
"Akala ko na mag goGrocery ka lang?" Pangaasar sa akin ni chelsie.
Hindi ko na magawang lingonin pa siya dahil bigla akong inatake ng
sobrang pagkaantok.
"Siya ang pinagbayad ko ng groceries, tutal siya naman ang may
kasalanan kung bakit ako palaging gutom" inaantok na sagot ko
dito.
"Nice..." nakangisi pang sabi ni chelsie tsaka ko nanaman narinig
ang pagtitipa nito sa kanyang keyboard.
"Kumain na ba kayo?" Gusto ko siyang sagutin pero tinatamad talaga
ako kahit lang ibuka yung bibig ko.
"Oo tapos na, diyan ba talaga siya hihiga?" Sagot at tanong ni
lucas.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni chelsie. "Hayaan mo siya...mas
comfortable siya diyan sa couch simula nung binuntis mo siya,
gigising din yan mamayang madaling araw at lilipat sa kwarto niya"
sagot ni chelsie.
Kung hindi lang talaga ako tinatamad at inaantok ng sobra ay
gustong gusto ko siyang hampasin. Hindi ko na muli pang narinig
ang boses ni lucas pero bago ako tuluyang dalawin ng antok ay
naramdaman ko ang bahagyang paglundo ng couch sa aking bandang
paanan.
Naalimpungatan ako dahil sa bigat na aking nararamdaman. Hindi ako
sigurado kung ano iyon pero hindi ako naging comportable kaya
naman
napaupo ako sa aking kinahihigaan kahit nakapikit pa.
"Cara may problema ba?"
"Anong ginagawa mo dito!?" Gulat na tanong ko ng magsalita si
lucas sa may gilid ko.
Literal na nanlaki ang aking mga mata ng makita kong wala itong
suot na pang itaas at tanging pantalon lamang ang kanyang suot.
Napaayos ito ng upo mula sa kanyang pagkakahiga bago siya sumagot
sa akin. "Binabantayan ka" sagot niya sa naunang tanong ko.
"At sino nagsabi sayong bantayan mo ako?" Masungit na tanong ko,
pero ni hindi ko magawang tingnan siya ng diretso dahil inaakit
ako ng kanyang anim na abs.
"Gusto kong bantayan ka, dapat naman talaga binabantayan kita"
seryosong sagot niya sa akin na para bang yun na iyon at hindi na
ako pwedeng kumontra pa.
"Anong palaman niyan?" Wala sa sariling sagot ko habang nakatingin
ako sa kanyang katawan.
"Ano?" Nakangising tanong niya sa akin.
"Ah eh...ano, gusto ko kumain ng sandwich ayoko ng pandesal"
dirediretsong sabi ko pa kaya naman halos mapunit ang labi ni
lucas dahil sa pagkakakagat niya sa kanyang labi para pigilan ang
kanyang pagngiti.
"Sigurado ka bang sandwich?" Tanong niya sa akin habang hinihimas
niya ang kanyang abs!.
"Oo! Bastos ka ah!" Sagot at hiyaw ko sa kanya matapos kong paluin
ang kanyang kamay.
"Bastos nanaman ako?" Di makapaniwalang tanong niya sa akin.
"Oo! Ang halay halay mo talaga...ang landi landi mo" akusa ko pa
sa kanya habang bumababa ako ng kama.
"Kung
nilandi kita ngayon...gumising ka sana ng walang suot na damit
cara" sabi niya habang tumatango tango pa na para bang nasisiguro
niya iyon.
Inirapan ko lamang siya tsaka ako nagdadabog na lumabas ng kwarto.
Bigla ko kasi gustong kumain ng sandwich na may hotdog at egg,
yung umaapaw sa ketchup tapos may halos mayonnaise pa.
"Malaking hotdog" sabi ko sa sarili ko habang chinicheck ko yung
loob ng ref.
"Ako na ang gagawa, ano bang gusto mong kainin?" Biglang sulpot ni
lucas. Napahawak tuloy ako sa aking dibdib at tsaka napapikit ng
mariin dahil sa pagkagulat, mabuti na nga lang din at napigilan
kong mapamura.
"Hotdog sandwich with egg...gusto ko maraming ketchup tsaka may
mayonaisse din, timpla mo na din ako ng gatas walang sugar
pakidalian mo" mabilis na sabi at utos ko sa kanya bago ako
kumportableng umupo sa highchair ng kitchen bar at tsaka ko siya
tamad na pinagmasdan.
"Ok sige, i'll make it fast" nakangiti pang sabi niya bago siya
gumalaw ng mabilis. Napataas na lamang ang isang kilay ko ng ni
hindi man lamang ito nagreklamo.
Sobrang sarap sa aking mga mata habang pinagmamasdan ko si lucas
na ginagawa ang pagkaing gusto kong kainin. May mga orad na galit
na galit ako sa kanya, pero may mga oras din na kagaya
nito...masaya akong nandito siya.
"Sino nga pala ang naghatid sayo sa hospital kanina?" Tanong niya
sa akin kahit sobrang busy na niya.
"Si kuya matthew" mabilis na sagot ko sa kanya dahilan para
bahagyang bumagal
ang paggalaw nito.
"Oh bakit?" Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya dahil sa
kanyang naging reaksyon.
"Wag ka masyadong lumapit sa kanya" mahinang sabi niya pa sa akin.
At dahil active ata ang taray hormones ko ay muli ko nanaman
siyang napagdiskitahan. "Ayoko nga...eh mas gusto ko pa ngang
makita si kuya matthew kesa sayo eh" dirediretsong sabi ko.
Tumigas ang mukha nito. Sandali siya galit na tumingin sa akin
bago mabilis na nagiwas ng tingin.
Hindi nagtagal ay kumpletong inilipag ni lucas sa aking harapan
ang mga hiningi ko sa kanya kanina. Hindi na din ito muli pang
nagsalita pagkatapos nung sinabi ko sa kanya kanina.
"Ubusin mo yan, sabihan mo ako pag may gusto ka pa...duon lang ako
sa may sala" malumanay na sabi niya na lalo pang nagpaguilty sa
akin.
Ang paglagutom ko ay hindi naapektuhan ng drama ni lucas kaya
naman nagawa ko pa ding kumain. "Baby kaya pa ba?" Tanong ko sa
sinapupunan ko nang makalahati ko na yung sandwich.
Hindi din nagtagal ay naubos ko iyon pati na din yung gatas na
tinimpla ni lucas. Lumabas ako ng kitchen at napanguso ako ng
maabutan ko si lucas na nakapikit habang nakasandal sa may couch.
Mukhang pagod ma pagod pa. Pero yung abs niya talaga eh! Tsaka
yung garter ng brief niya eh! NagheHello sa akin!
"Lucas" malumanay na sagot ko sa kanya.
Hindi ito gumalaw kahit sa aking pangatlong pagtawag kaya naman
lumapit na ako sa kanya at tsaka ako tumabi sa kanya.
"Oh my gahd" singhap
ko ng muli ko nanamang naamoy ang pabango niya.
Halos gusto kong idikit yung ilong ko sa balat at buhok niya dahil
sobra akong naaadik sa na aamoy ko.
"Lucas?" Naaamaze na tawag ko sa kanya ng marinig ko ang mahinang
paghilik nito. Mukhang pagod na pagod nga talaga siya.
Bigla tuloy akong nakaramdam ng awa at parang gusto kong maiyak
dahil sa pangaaway at pagsusuplada ko sa kanya kanina.
"Ah...lucas" paos na sabi ko at hindi ko na napigilan ang sarili
kong yakapin siya.
Naramdaman ko ang bahagyang pagkagulat nito, pero kaagad din
siyang nakalma ng makita ako. Mabilis ko ding naramdaman ang kamay
niya sa bewang ko na hinapit ako papalapit sa kanya.
"Busog ka na?" Tanong niya sa akin.
Imbes na sagutin ko yung tanong niya ay mas lalo ko lamang
hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya.
"Sorry na lucas...ikaw naman kasi, di ko alam kung bakit
nakakainis ka" sumbong at pagpapaliwanag ko sa kanya.
Naramdaman ko ang paghalik nito sa aking bandang sintido. "Don't
worry baby, naiintindihan ko naman...let's sleep hindi ka pwedeng
magpuyat" yaya niya sa akin.
Tumango na lamang ako at tsaka sumunod sa kanya. Akay akay pa nga
ako nito habang naglalakad kami papunta sa kwarto ko na para bang
may pilay ako.
"MagpapaCheck up tayo bukas, nagpahanda na din sila mommy ng
lunch..." sabi niya sa akin na ikinagulat ko.
"Alam na nila tita sam!?" Di makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Wala
naman tayong pwedeng itago kay mommy alam mo naman iyon, lalo na
si Suzy" sagot sa akin ni lucas.
Gumapang ako pasampa sa may kama at tsaka nagtakip ng comforter.
"Galit ba sila sa akin?" Malungkot na tanong ko.
Si lucas at gumalaw para matapatan ang aking mukha. Itinaas niya
ang aking baba gamit ang kanyang hintuturo. "Hindi, bakit naman
sila magagalit sayo? Excited na nga silang makita ka...tuwang tuwa
silang lahat" pagaalong sagot sa akin ni lucas.
Ramdam na ramdam ko ang pagaalaga ni lucas kahit sa way lang nang
pagtitig niya sa akin. "Tulog na...ayokong napupuyat ka" sabi pa
niya bago niya ako hinalikan sa noo.
Napanguso ako dahil sa pagkadismaya ng hindi man lang ako nito
hinalikan sa lips. Naghihintay ako eh!
"Oh bakit? May hinihintay ka?" Inosenteng tanong niya na may
kasamang pangaasar.
"Wala...payakap na lang, wala na ngang kiss baka pati yakap
ipagdamot mo pa ha" akusa ko sa kanya bago ko siya mabilis na
niyakap.
"Lucas hmmpp..." hindi ko pa nga nagagawang ipikit yung mga mata
ko ng mabilis na nitong inangkin ang aking labi. Mabilis, Madiin
at mapusok.
Pangaasar mula kina Chelsie at angelina ang bumungad sa amin
kinaumagahan. Kahit ganuon ay nagawa pa din naming makakain ng
tahimik ni lucas. Umuwi siya sa kanila sandali para makapagbihis
at makapagayos. Dadalhin daw kasi ako nito sa kaibigan niyang OB.
"Saan ang fashion show?" Tanong no angelina pagkalabas ko ng
kwarto.
Nakagray dress ako na long sleeve at tsaka kulay itim na one strap
ciggarette heels. Naka messy ponytail din ako dahil
medyo naiirita ako sa aking buhok ngayon.
"Check up" maiksing sagot ko sa kanila.
"Naku mukhang di ka makakalabas dito nang ganyan ang
suot...conservative pa naman ata yung boyfriend mo" pangaasar sa
akin ni angelina habang nakataas pa ang dalawang paa sa aming
center table.
"Conservative mo mukha mo!" Sarcastic na sagot ni chelsie sa kanya
na ikinangiti ko na lamang.
Hindi nagtagal ay dumating na si lucas. Natahimik yung dalawa na
para bang hinihintay nila yung magiging reaksyon ni lucas
pagnakita niya ang aking suot.
"Uhmm..." i can't find any words, honesty kinakabahan din ako pero
sandali lamang itong tumitig sa suot ko bago siya naglahad ng
kamay.
"Ready ka na, let's go?" Tanong niya sa akin. Tumango ako at tsala
tinaggap ang kanyang kamay na gustong umalalay sa akin.
"Himala! Pakisampal nga ako angelina" pagpaparinig ni che,sie
dahil sa hindi pagrereact ni lucas sa aking suot na damit at
heels. Napailing na lamang ako ng marinig ko yung tawanan nung
dalawa habang palabas kami ng pintuan.
"Mas comfortable ka ba pag ganyan?" Out of nowhere na tanong ni
lucas ng nasa elevator na kami pababa.
"Ha?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya at tsaka ako napatingin
sa suot kong damit.
"Kung mas komportble ka pag ganyan ok lang sa akin...pero pag
malaki na ang tiyan mo, hindi ka na pwedeng magheels" pangaral
niya sa akin. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay kaagad ng
tumunog
ang elevator sa sumunod na floor at halos manigas ako ng makita ko
si amiella.
"Lucas..." nakangiting bati niya dito at tsaka kaagad na yumakap
kay lucas.
Bigla tuloy lumakas yung pagiging insecure ko. Mas lalong gumanda
yung katawan ni amiella. Pati siya mismo...
"Im with cara" sabi ni lucas at hinila niya ako papalapit sa
kanya. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko ng gumapang ang
mga kamay nito sa aking bewang.
Amiella smile sweetly before she hug me tight. "Oh my...cara sorry
for everything" sincere na sabi niya sa akin.
"Tapos na iyon amiella...matagal ko ng nakalimutan lahat" sabi ko
sa kanya.
Tipid itong ngumiti bago siya tumingin sa katawan ko. "You've
change a lot...congrats for the baby, sharp shooter talaga itong
si doc" pangaasar pa niya.
Nagpaalam si amiella sa amin sa may parking lot dahil may trabaho
pa siyang kailangang gawin. Naging tahimik naman ako sa buong
byahe namin patungo sa hospital.
Maraming tanong ang gumugulo sa aking isipan. Paano pag lumobo
nanaman ako? Paano kung magbalik ang dating ako? Gugustuhin pa ba
ako ni lucas? Hahabol habulin pa kaya niya ako ulit?
"Hey ok ka lang?" Nagaalalang tanong ni lucas sa akin pagkahinto
ng sasakyan sa may parking lot ng hospital.
"Oo" maiksing sagot ko sa kanya.
May kinakausap si lucas sa kanyang cellphone habang naglalakad
kami sa hallway ng hospital.
"Yes im with my wife" sagot niya duon sa tao sa kabilang linya.
Gusto ko sanang matuwa dahil
sa mga effort ni lucas sa akin, pero hindi kasi talaga ako maiwan
ng insecurities.
"Good morning doc lucas" bati ng mga nurse sa kanya ng dumaan kami
sa nurse station.
"Good morning" medyo supladong sagot niya dito kaya naman halos
maglaro ang ngiti sa aking labi. Kahit kailan talaga napakasuplado
niya.
"May meeting pa si Doc olivia, dito muna tayo sa office ko" sabi
niya sa akin at tsaka niya ako pinagbuksan.
Naglalakad ako papuntang couch sana ng magulat ako ng hilahin ako
ni lucas papunta sa kanyang office table at tsaka isinandal ako
duon.
"Hoy bakit?" Tanong ko sa kanya pero imbes na sagutin ako nito ay
inangat pa niya ang bandang pwetan ko para makaupo ako ng maayos
duon sa kanyang mesa.
Napalunok ako ng magtaas baba ang magkabilang kamay ni lucas sa
akin bewang. "Akala mo ba hindi ko napapansin ang dahilan ng
pananahimik mo?" Sabi niya sa akin habang inaamoy amoy niya ang
buhok ko pagkatapos ay bababa pa iyon sa may tenga kaya naman
nakikiliti ako.
"Pagod ako eh" palusot ko na lang.
"Nakakapagod bang mainsecure sa ibang babae?" Panghahamon na
tanong niya sa akin na ikinasimangot ko.
"Ano?" Pagalit ding tanong ko sa kanya.
Naka kagat labi ito habang nakatitig sa akin. "Hindi mo dapat
ikinukumpara ang sarili mo sa iba..." sabi niya sa akn kaya naman
napaiwas ako ng tingin.
Ang kanyang hintuturo ay ginamit niya para muli akong makaharap sa
kanya. "Kasi kung tutuusin, mas swerte ka kesa sa kanila...kasi
sayo ako, hinding hindi nila ako makukuha sayo" pagmamayabang pa
niya bago nila muling inangkin ng buong buo ang aking labi.
~*~*~*~*~
[A/N] Watch out for a special chapter.
You can also read my new ongoing story "To Die with Love"
(Maria_CarCat)
=================
Epilogue 2
"You should have told me Cara...maraming naghihintay na project
sayo sa US" galit at problemadong sabi ni Sir Thaddeus.
Nakayuko lamang ako at tsaka maluwag na tinanggap ang pagkagalit
niya. Naiintindihan ko naman, may karapatan siyang magalit dahil
inaamin kong may kasalanan din naman ako.
"So what now? About the contract?" Tanong niya sa akin na naging
malumanay na din naman pero ramdam ko pa din ang galit niya.
"I'll pay for the damages Sir" mahinang sabi ko pa dito.
Napaiktad ako ng hampasin nito ang kanyang lamesa. "Damn it cara,
i won't let you pay...kaya kong bayaran lahat ng iyon para sayo"
pagalit na sabi niya sa akin kaya naman hindi ko na napigilang
mapaluha ng marealize kong nagaalala pa din siya sa akin kahit
galit siya.
"Im so sorry sir" paos na sabi ko sa kanya.
Mahihinang mura ang narinig ko sa kanya bago ko naramdamang hinila
ako nito patayo at tsaka niya ako niyakap.
"Hindi ka na iba sa akin cara...yes i do like you, but para na din
kitang kapatid, nabigla lang ako. Im sorry" paumanhin niya sa
akin.
"Thank you sir thaddeus" punong puno ng pasasalamat ang mga salita
ko sa kanya, im so lucky dahil napapaligiran ako ng mga ganitong
tao kagaya niya.
"Ang bilis ha...naging busy lang ako sandali. Ninong ako niyan ha"
naiiling na sabi niya.
"Oo naman..." tumatangong sagot ko pa sa kanya.
"Ok, let's go i'll treat you lunch" yaya niya sa akin at hindi na
niya ako hinayaang makatanggi pa dahil kaagad din niya akong
hinila
palabas ng kanyang office.
Naging busy sina Chelsie at angelina para sa mga pictorials ni
chelsie. Medyo nangangapa pa daw kasi ito pero mabilis din namang
nakakasunod pag nabibigyan siya ng sapat na time para magadjust.
"Luto na lahat ng pagkain, initin mo nalang sa microwave ha"
aligagang sabi sa akin ni chelsie.
Tuwing umaga bago pumunta sa kanyang trabaho ay parang palagi
itong hinahabol ng kabayo, ang sabi naman no angelina ay kabado
lamang daw talaga ito kaya ganuon.
"Thank you chelsie" nakangiting sabi ko sa kanya.
Nakangiti ako nitong inirapan. "Hay naku buntis ka! Wag mo akong
dramahan, umagang umaga ha!" Suway niya sa akin kaya naman
napatawa na lamang ako.
Madalas ay ako lamang ang naiiwan sa condo magisa. Ni sa mga
pictorials at photoshoot kasi nila chelsie ay hindi nila ako
hinahayaang sumama dahil baka daw mapagod lamang ako. Kung aalis
naman ako para magmall o mamasyal ay papagalitan ako ni lucas,
gusto kasi nito na kasama ko siya.
"Suzy!" Excited at masayang hiyaw ko ng makita ko siya sa labas ng
pintuan ng aming condo.
Kita ko rin ang excitement sa mukha niya pero hindi niya ako
magawang yakapin dahil sa mga hawak niyang plastic bags.
"Akin na tulungan na kita" sabi ko sa kanya at kukuhanin ko sana
ang ilan sa mga hawak niyang plastic bag ng kaagad niya iyong
inilayo sa akin.
"Hindi pwede,buntis ka papagalitan ako mamaya ni Kuya" nakangusong
sabi pa niya bago niya ako nilagpasan para makapasok na siya sa
loob.
"Anong ginagawa mo dito?" Hindi matago ang saya ko dahil nandito
ngayon si Suzy.
"Sabi ni kuya wala ka daw kasama dito kaya dalawin daw kita" sagot
niya sa akin habang inilalapag niya ang dala niyang cake at kumuha
na din siya ng platito at tinidor naming dalawa.
"Buti naman at nakapunta ka, hindi ba busy sa office," tanong ko
pa.
Kaagad itong umiling. "Hindi ako busy pagdating sa bestfriend ko
and soon to be sister in law" sabi niya with matching kindat pa.
Napanguso ako at gusto ko sana siyang yakapin kaso ay may
napagtuunan ko ng pansin yung chocolate cake na dala niya.
"Shhh...Wag kang maingay ha, siguradong papagalitan ako ni kuya
pag nalaman niyang pinakain kita ng chocolate cake" pasikretong
sabi nito sa akin na lalo tuloy naging dahilan para maexcite ako.
"Secret" paninigurado ko sa kanya.
Marami talagang bagay na nagkakasundo kami ni Suzy, lalo na pag
susuwayin namin ang kuya lucas niya. Sobrang strikto kasi kaya
naman hindi minsan maiiwasang suwayin namin siya.
"Nasa bangkok sila mommy...excited na nga umuwi yon para makita
ka" kwento sa akin ni Suzy.
"Miss ko na din si tita sam" sambit ko.
Hindi ako iniwan ni Suzy, nagstay siya duon para samahan ako.
Nagawa pa nga naming bumaba sa resaturant para kumain ng halo
halo. At treat niya lahat iyon.
"Naku naku, mapapatay ako ni kuya nito eh" naiiling na sabi niya
ng bago kami umakyat pabalik sa condo ay dumaan muna kami sa isang
convinient store.
"Yan lang ba?" Tanong niya
sa akin.
"Oo ito lang" tuwang tuwang sagot ko sa kanya habang hawak hawak
ko ang isang malaking Piattos na sour and cream.
Kanina pa kami daldal ng daldal ni suzy. Kaya nga kahit hindi
naman gaanong kilala ay napagkwekwentuhan na namin.
"Eh bakla nga kasi iyon..." pagpupumilit niya sa akin ng maging
topic namin ang isa sa mga dati naming naging schoolmate.
"Sayang naman, ang gwapo gwapo pa naman niya at ang yummy yummy
pa" panghihinayang ko habang hinihintay naming bumukas ang
elevator sa may parking lot ng condo dahil may kinuha si suzy sa
sasakyan niya.
"Ah talaga eh..." kumunot ang noo ko kay Suzy ng mapansin kong
parang naiilang na ito sa pagsagot.
"Bakit? Anong problema mo?" Natatawang tanong ko sa kanya habang
ngumunguya ako ng piattos na binili niya sa akin.
"Ah eh wala...ano kasi Cara" naningkit ang aking mga mata, para
hindi kasi ito mapakali. Kaya naman sinundan ko ang tinitingnan
niya sa may bandang likuran ko at halos mabilaukan ako ng makita
kong nakatayo si lucas.
"Lucas" kinakabahang sambit ko sa pangalan niya.
"Stop eating that freaking junk food cara" nakakatkot na sabi niya
sa akin bago niya mabilis na inagaw iyon sa aking kamay.
Tahimik ako habang nakasakay kami sa elevator. Nakanguso lamang
ako habang pinapagalitan ni Lucas si Suzy. Hindi ko naman
kailangang magalala dahil hindi naman nagpapatalo si suzy sa kuya
niya.
"Sinabi ko na sayong puro prutas lang, anong cake ang binili mo?"
Pagalit na pangaral niya sa kapatid.
"Chocolate bakit?" Mataray na sagot ni suzy.
"Di ba sinabi ko na
sayong carrot cake ang bilhin mo" inis na sabi ni lucas.
Parang masusuka ako sa sinabi niyang carrot cake. Damn kung yun
nga ang binili ni suzy, never kong kakainin yon noh!
"Ang sungit mo! Sana wag mag mana sayo yung baby!" Hiyaw na
pangaasar ni Suzy kay lucas nang makapasok na kami sa condo unit.
"Ako ang daddy, malamang sa akin magmamana yan" laban ni lucas sa
kapatid.
Nakasimangot akong dumiretso sa sofa at tsaka duon humilata. Ang
ingay kasi nung dalawa, kahit mga professionals na ay may nga
childish side pa din silang dalawa na sobra kong namiss ang kaso
ay badtrip ako dahil kinuha ni lucas yung piattos ko.
"Umuwi ka na!" Hiyaw ni lucas.
Nanduon silang dalawa sa may dinning at hanggang ngayon ay hindi
pa din sila matapos tapos sa pagaaway nila.
"Ayoko! Magkwekwentuhan pa kami ni Cara eh!" Parang batang
pagmamaktol ni suzy sa kuya niya.
Maya maya ay nagmamartsang lumabas si Suzy sa may dinning na may
dalang coke in can.
"Ay gusto ko din niyan" naiingit na sambit ko at hihingi sana ako
kay suzy ng kaagad na nakasimangot na lumabas si lucas galing sa
may dinning.
"No softdrinks cara...here's an apple juice" seryosong sabi niya
sa akin sabay lapag ng fresh apple juice sa aking harapan.
Kaagad na naginit ang ulo dahil sa pangongontra niya. "Bakit ba!?"
Hiyaw ko sa kanya.
"That's not good for you cara" seryoso pero malumanay na sabi niya
sa akin.
"Lahat na lang hindi pwede! Nakakainis ka! Umalis ka na nga!"
Hiyaw ko na sa kanya tsaka ako nagmartsa
papasok sa aking kwarto at sinigurado kong nakalock ang pintuan.
Hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako. Nagising na lamang ako
ng makaramdam ako ng gutom. Nakapikit pa ako ng umupo ako sa may
kama para lumabas at kumuha ng pagkain sa kitchen. Siguradong
nakauwi na din kasi si Chelsie.
"Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko kay lucas ng makita
ko siya na nakaupo sa couch malapit sa kama ko at habang hawak
hawak ang kanyang laptop.
Nakatitig lamang ito sa akin na para bang naghihintay pa siya na
baka may sasabihin pa ako. "Lalabas ako nagu..."
"Gumawa ako ng sandwich, tsaka ng gatas mo" pagputol niya sa
sasabihin ko at tsaka niya itinuro yung sandwich na nasa may plato
tsaka yung isang baso ng gatas na nakalagay sa lamp shade table sa
gilid ng kama ko.
Dahil sa sobrang pagkagutom ay hindi na ako nagsalita pa at kinain
ko na iyon kaagad. Kumain lang ako ng kumain habang hindi
pinapansin ang presensya ni lucas sa may gilid ko.
"Do you want anything else?" Tanong niya sa gitna ng pagkain ko.
Tanging pagiling na lamang ang naisagot ko sa kanya dahil
ngumunguya pa ako. Tumango ito at tsaka niya ibinalik ang atensyon
niya sa laptop na nasa harapan niya.
Habang dahan dahan kong iniinom yung gatas ay hindi ko mapigilang
hindi mapatitig kay lucas. Ang medyo magulo niyang buhok ay mas
lalong nagpapalakas ng dating niya, and yung way kung paano
magsalubong yung kilay niya everytime na tititig siya sa laptop
niya ay nakakapanulo ng laway.
"Are you done?" Tanong niya dahilan kung bakit mapaiwas ako ng
tingin sa kanya.
"Oo" sabi ko matapos kong lagukin yung gatas sa
baso.
Humiga ako at tsaka tumitig sa may kisame. Bahagya akong napadaing
ng medyo namanhid yung kanang paa ko.
"Anong problema?" Tanong ni lucas at hindi din nagtagal ay nakaupo
na din siya sa may paanan ng kama.
"Para kasing nangangalay yung paa ko" daing ko sa kanya.
Umayos ito ng upo at tsaka niya ipinatong yung paa ko sa may binti
niya at tsaka niya sinimulang imassage iyon.
"Ahh...wait lang" daing ko sa kanya dahil parang tinutusok ng
maliliit na karayom yung buong kanang paa ko lalo na duon sa may
bandang talampakan.
Umayos ako ng upo para mas lalo ko ding makita yung ginagawa niya
hanggang sa hindi sinasadyang halos magtama na ang ilong namin
dahil sa sobrang lapit na ng mukha namin.
Ni ang kumurap ay hindi ko magawa, halos maduling na ako habang
nakikipagtitigan sa kanya.
"Uhmm, siguro ok na ya..." hindi ko na natapos yung dapat sanang
sasabihin ko ng kaagad na inangkin ni lucas ang buong labi ko.
"Hmpp lucas!" Daing ko ng marahan ako nitong tinulak pahiga sa
kama.
Hindi ito nagsalita nanatili lamang siyang nakapikit ng sandaling
sumilip ako sa kanya. "Ughhh..." nakikiliting daing ko ng bumaba
ang mga halik nito sa aking leeg.
Nakadagan na ito sa akin pero hindi niya masyadong pinabigat sa
bandang itaas dahil baka madaganan niya yung tiyan ko.
"Ahh...sandali lucas, pwede ba to?" Nahihiyang tanong ko sa
kanya habang dahan dahan niya ng ibinababa ang strap ng suot kong
night dress.
"Dapat sana...para hindi ka mahirapang manganak" sabi niya at muli
niyang inangkin ng matagal at madiin ang aking kabi bago siya
tuluyang tumigil.
"Pero hindi natin gagawin yun ngayon" sabi niya pa at tsaka niya
itinaas yung strap ng damit ko.
Bigla akong nanlamig dahil sa pagkadismaya. "Ha bakit?" Hindi ko
na napigilan ang sarili kong magtanong sa kanya.
Napangisi ito. "Hindi pa pwede...hindi ko na ulit gagawin" sabi
niya na halos magpalaki sa aking dalawang mata.
Hindi ko alam kung bakit parang napakaSobrang big deal sa akin na
hindi ito matutuloy pero im very disappointed talaga.
"Pero bakit? Nabuntis mo na nga ako eh!" Halos hiyawan ko siya
dahil sa inis.
"Soon you'll know, for now...you should sleep" sabi niya pa bago
niya ako halikan sa noo at tsaka niya inayos ang aking kumot.
Nagising ako kinaumagahan ng wala na si lucas sa aking kwarto.
"Bakit nakabusangot ka diyan?" Natatawang tanong ni Chelsie ng
maabutan ko siyang nagtotoast ng bread.
"Wala..." inis na sagot ko sa kanya.
Kumunot lamang ang noo ni chelsie sa akin, maya maya ay dumating
si angelina at nakataas ang kilay sa akin, minsan ay ginagawa kasi
niya iyon sa akin pagkatapos ay pareho kaming tatawa.
"Oh chelsie anong nangyari dito sa buntis na to?" Natatawang
tanong niya kay chelsie.
"Ewan ko ba diyan...baka may nangyari kagabi" nakangising sagot ni
chelsie dito.
"Kain
ka na Girl, ngumiti ka naman diyan...para kang binitin kagabi eh"
sabi ni Angelina at tsaka sila parehong natawa ni chelsie.
Pero napahinto sila sa aking sinabi. "Ano pa nga ba! Walang hiyang
lucas yon...hindi na ba ako attractive!?" Inis na inis at mangiyak
ngiyak na sabi ko sa dalawa pero pinagtawanan lang nila ako.
Mas lalo akong nadepressed ng mga sumunod na araw dahil ni hindi
na nagpapakita si lucas. Kahit ilang beses ko siyang kinoContact
ay busy palagi ang line niya. Pag pinupuntahan ko naman siya sa
hospital ay pinapauwi lamang ako nito dahil marami daw akong sakit
na pwedeng malanghap duon kaya pinapauwi niya din ako kaagad.
Sobrang busy na niya na kahit yung gusto kong kainin ay sa iba na
niya inuutos.
"Huminahon ka nga, loka ka! Magpamiss ka kasi...hayaan mo siya"
naiiling na suway sa akin ni chelsie. Ng maghimutok ako sa kanya
tungkol sa hindi pagpapakita ni lucas.
"Talaga! Wag na talaga sana siyang magpakita sa akin!"
Naging abala na din ako ng mga sumunod pang araw, si chelsie kasi
ay sinasama na ako sa mga photoshoot niya.
"Pwede ka na Cara?" Tanong ng isa sa mga photographer na dati ko
na ding nakatrabaho.
"Hindi kasi ako sure eh..." hindi siguradong sagot ko sa kanya.
Tinaasan ako ni Chelsie ng kilay. "Bakit Cara, may magagalit ba?"
Panghahamon na tanong niya.
"Wala" mabilis na sagot ko.
"Oh so pwede na? Sige na, hindi pa naman halata ang tiyan
mo...tsaka nakagown ka naman eh, Wedding pictorial to para sa
isang magazine" panghihikayat pa sa
akin ni Niño yung head photgrapher.
"Go na Couz" pagtutulak ni chelsie sa akin kaya naman wala na
akong nagawa kundi ang mapaOo sa kanila.
"Kailan ba?" Tanong ko.
"Bukas"
"Bukas agad?" Gulat pang tanong ko.
Wala na akong nagawa kundi ang pumayag, sandali lang naman iyon.
Tsaka wala naman akong gagawin bukas.
"Do you need anything...can you make it fast? May importante kasi
akong ginagawa" bungad ni lucas sa akin ng tinawagan ko siya.
Halos gusto kong ibato yung cellphone dahil sa aking nadinig.
"Wala naman, gusto ko lang sabin sayo na may Swimsuit photoshoot
ako bukas" bwiset ka! Gusto ko siyang sigawan.
Akala ko ay kokontra siya pero mas lalo lang talagang uminit ang
ulo ko. "Ikaw ang bahala, sige bye" mabilis na sabi niya at tsaka
niya pinatay ang tawag.
"F*ck tou lucas Eion jimenez!" Nanggagalaiting sigaw ko sa
kawalan.
Maaga kaming umalis para pumunga ng Balesin Island. Beach wedding
daw kasi ang theme ng pictorial kaya kailangan naming pumunta
duon.
"Chelsie feeling ko, tumataba na talaga ulit ako" mangiyak ngiyak
na sabi ko ng maisuot ko na yung gown.
"Trust me Cara, hindi...you look perfect in your wedding gown"
pagaalo niya sa akin.
"My wedding gown?" Kunot noong tanong ko sa kanya.
"Uhmmm i mean, you look perfect with that gown" sambit niya at
tsaka siya tumulong na maiayos ako.
Medyo nainip ako ng paghintayin nila ako sa isang kwarto. Buti na
lamang at may mga fresh fruit at tsaka mga magazine kaya naman
nalibang ako kahit papaano.
"Cara let's go na" sabi ni chelsie.
At sobra akong nagulat ng makita kong kasama niya si Tita marie.
"Ano pong ginagawa niyo dito?, bakit nakaganyan kayo?" Magulong
tanong ko sabay turo sa mga suot nilang gown.
"NapakaInosente pa talaga nitong isang baby ko" malambing na sabi
ni tita marie bago niya ako halikan sa pisngi.
"Chelsie ano to?" Tanong ko sa kanya pero nginisian lamang ako
nito.
"Ayaw na daw kasi ni lucas na mabitin ka...kaya ito. Tara na,
hinihintay ka na duon Mrs. Jimenez"
(Maria_CarCat)
=================
Special Chapter
"Ano bang kailagan kong gawin?" Nakangusong tanong ko kay lucas.
Pareho kaming nakatanaw sa malawak kulay bughaw na dagat. Si lucas
ay nakakunot ang noo habang nakatanaw dito. Pareho pang nakapasok
ang magkabilang kamay niya sa kanyang bulsa.
"Can you shut up ang leave, i want peace" masungit na sabi niya sa
akin at tsaka matalim akong tiningnan.
"Gusto mo ba ng ice cream? Ang init kasi ng ulo mo eh" nakangiting
sabi ko sa kanya habang nginunguya ko yung hotdog on stick ko.
Birthday ko ngayon at naghanda sina mommy, para lang sa mga
relatives at close family friends.
"Ano ba! Sabing umalis ka na di ba?" Pabulyaw niyang sabi sa akin.
Napanguso tuloy ako. "Dapat kasi sabihin mo kung anong dapat kong
gawin" pagpupumilit ko sa kanya.
Kitang kita ko kung paano mas lalong nanggigil ito dahil sa
pangungulit ko. "Sige nga! Languyin mo nga yan...pagnalangoy mo
yan, sige magpapakasal ako sayo" pasigaw pang sabi niya.
Halos mahigit ko ang hininga ko dahil sa pagkagulat dahil sa
ginawa niyang pagsigaw sa akin.
"Sige deal!" Matapang pang sabi ko kay lucas.
Nginisian ako nito ng nakakainsulto, pero mas lalo lamang siyang
gumagwapo sa paningin ko.
"Dream on! Ni hindi ka nga marunong lumangoy sa pool" pangiinsulto
niya sa akin.
Tinaasan ko si lucas ng kilay. I'll do whatever it takes para
maikasal siya sa
akin. Mabilis kong hinubad ang suot kong doll shoes.
"Cara don't go near the water ok!" Sigaw ni mommy sa akin mula sa
isang malaking clubhouse.
"Yes mom!" Ngiting ngiting sigaw ko sa kanya pabalik.
"You're such a liar, i hate you..." pagirap na sabi sa akin ni
lucas at kaagad sana niya akong tatalikuran ng pinigilan ko siya.
"Hoy teka! Gagawin ko na yung dare" pagpigil ko sa kanya habang
patalikod akong humahakbang patungo sa dagat.
"Wag na! Kahit anong gawin mo hindi kita magigising asawa"
nakatalikod na sabi niya sa akin.
"Kakainin mo din ang sinabi mo lucas...saksi ang dagat!
Papakasalan mo din ako someday!" Masayang sigaw ko pa sa kanya
hanggang sa hindi ko na namalayang halos nasa bewang ko na ang
tubig.
"Teka...lucas!" Tawag ko sa kanya.
Dahil sa pagkabigla ay na out of balance ako at kaagad na napaupo,
hanggang sa tuluyan na akong kainin ng tubig. Malas pa dahil
sumabay ang pagalon dahilan para tuluyan na akong tangayin
papalayo sa may pampang.
Ni humingi ng tulong ay hindi ko magawa dahil tuluyan na akong
nalunod. Hanggang sa hindi ko na alam kung anong nangyari.
Nagising na lamang ako isang umaga nasa hospital na ako. At wala
na sila mommy at daddy.
Our little conversations
are turning into little sweet sensations
And they're only getting sweeter every time
Our friendly get-togethers
are turning into visions of forever
If I just believe this foolish heart of mine
"Stop Staring at me"
"Hanggang kailan ka ba kailangan supportahan ng pamilya ko? Eh ang
sarap ng buhay mo ah! Wala kang iniintindi...libre lahat sayo kaya
ka lumalapad eh!"
"What now bitch!? Do you want a big catch huh!?"
"Pahalik halik pa kasi sa noo, nakakainis!"
I can't pretend that I'm just a friend
'Cause I'm thinkin' maybe we were meant to be
Nakangiti akong umiiyak habang naglalakad ako papalapit kay lucas.
Everything was perfect, sa sobrang perfect ng mga bagay ay halos
ako na ang mahiya dahil ni wala man lamang akong naitulong na
kahit ano dito.
Si suzy at tita sam, ay parehong maluha luha habang nakatingin sa
akin. Nagsimula ng maglakad ang aking mga abay, kumpleto ang
lahat, lahat sila nandito na mukhang handang handa samantalang ako
itong bride ay walang kaalam alam, nabibigla pa din sa lahat ng
mga nangyayari.
I think I'm fallin', fallin' in love with you
And I don't, I don't know what to do
I'm afraid you'll turn away
But I'll say it anyway
I think I'm fallin'(fallin') for you
I'm fallin'(fallin') for you
"Bago ka pa umalis three years ago...akin ka na cara, minarkahan
na kita"
"I want you to settle down with me cara, that's what i want"
"I will surely make you mine cara..."
Whenever we're together
I'm wishin' that goodbyes would turn to never
'Cause with you is where I always wanna be
Whenever
I'm beside you
all I really wanna do is hold you
No one else but you has meant this much to me
I can't pretend (no) that I'm just a friend (I'm just a friend)
'Cause I'm thinking maybe we were meant to be
I think I'm fallin', fallin' in love with you (I)
And I don't, I don't know what to do (yeah, yeah)
I'm afraid you'll turn away (I'm afraid you'll turn away)
But I'll say it anyway (yeah)
"Im so sorry cara, im so sorry for being selfish...sorry kasi
gusto kong maging akin ka na, sorry kasi masyado kitang mahal kaya
gusto ko akin ka lang"
Kung iisipin mo, parang naging mabilis ang lahat pagkauwi ko
galing sa US, hindi naging maganda yung start, pero ito pa rin
kami, we still find the right way. Hindi man nangyari nuon. Pero
dahil mukhang kami talaga para sa isat isa. Ito na kami ngayon.
I think I'm fallin', fallin' in love with you (I think I'm
fallin')
And I don't, I don't know what to do (and I don't know what to do)
I'm afraid you'll turn away (I'm afraid you'll turn away)
But I'll say it anyway (anyway)
I think I'm fallin'(fallin') for you
I'm fallin'(fallin') for you
I'm fallin', I'm fallin' for you
I'm fallin', fallin' for you
And I don't know what to do, yeah yeah
Fall, I'm fallin' for you
Natatawa ako habang naiiyak ng makita kong umiiyak na din si
lucas, mga ilang hakbang na lamang ang layo ko sa kanya.
"Si lucas eion jimenez...umiiyak?" Paos
na pangaasar ko sa kanya.
Nginitian lamang ako nito habang pinupunasan niya ang luha sa
kanyang mga mata.
"Congrats hija...hindi mo alam kung gaano ako kasaya" lumuluhang
sabi ni tita sam sa akin bago ako mahigpit na niyakap. Ganuon din
ang ginawa ni suzy at tito luke.
"Ang daya mo ha..." sambit ko kay lucas.
"Sorry nagmamadali ako ha" parang kinakabahang sambit pa niya.
Naaamaze ako dahil parang ibang lucas ang kaharap ko ngayon. "Ikaw
ba talaga si lucas ha?" Pabulong na sabi ko sa kanya.
Ngumisi ito sa akin. "Oo naman" sagot niya.
Napanguso tuloy ako. Umihip ang malakas na hangin kaya naman medyo
nagulo ang viel na suot ko.
"Kinain ko yung sinabi ko dati...papakasalan na kita oh"
natutuwang kwento niya sa akin.
Tumango tango ako sa kanya habang malungkot na nakangiti. Sandali
ako napahapyaw ng tingin sa asul na dagat.
"Saksi ang dagat, pati na din sina mommy at daddy"
Naghiyawan ang lahat pagkapasok namin sa malaking pavillion dito
sa may Balesin island.
"Congrats!" Hindi sila magkamayaw sa pagbati sa amin ni lucas.
Kunpleto ang lahat. Halos hindi na nga maalis ang ngiti sa mga
mukha namin ni lucas dahil sa sunod sunod na pagbati sa amin.
"Damn it! Ni hindi pa nga ako nakakapagmove on!" Sita ni kuya
matthew sa amin.
Si lucas ay hinapit pa ako sa bewang para mas lalong mapalapit sa
kanya. "Sorry Samonte...Jimenez na siya"
pagmamayabang ni lucas na lalong ikinabusangot ni kuya matthew.
Icocomfort ko pa sana ito ang kaso ay hinila na ako ni lucas
papalayo sa kanya at tsaka na kami pumasok sa loob.
Maraming mga ginawa si suzy para sa amin, may video presentation
pa nga ito na pinaandar kaya naman ako ay natawa at the same time
ay naiiyak din habang binabalikan namin ni lucas ang mga litrato
namin simula nung mga bata pa kami hanggang sa nagcollege at
nagkahiwalay.
"I love you cara..." bulong ni lucas sa kalagitnaan ng aming
kasiyahan.
Napatitig ako sa kanya, habang nanlalabo ang aking mga paningin.
"Pakiulit nga..." pumiyok na utos ko sa kanya.
Akala ko ay magagalit ito o di kaya naman ay maiinis dahil ayaw na
ayaw pa naman niya na pinapaukit sa kanya yung mga sinabi na niya.
"I love you cara...very much" paguulit pa niya na dinugtungan pa
niya.
Napalunok ako dahil sa bumarang kung ano sa aking lalamunan.
Naging sobrang emosyonal ng naging reception namin ngayon, at
sobra talagang parang tatalbog yung puso ko sa sobrang tuwa dahil
sa sinabi ni lucas.
Wala akong nagawa kundi ang yakapin siya. "I love you too..Super
duper!" Nanggigigil pang sabi ko habang humihigpit ang yakap ko sa
kanya.
Bahagya akong hiniwalay ni lucas sa kanya tsaka niya dahan dahang
inangkin ang labi ko. "Sa kwarto na yan! Wag masyadong excited,
maraming single dito!" Hiyaw ni mikhael na sinabayan pa ng tawa ng
iba.
Napatawa na din kami ni lucas pero nagulat ako ng tumayo ito at
tsaka tinangka akong hilahin kung saan. "Teka saan tayo?" Gulat na
tanong ko sa kanya.
Ngumisi lamang ito ng nakakaloko
sa akin. "Honeymoon time" sabi niya sabay kindat pa.
"Whoo...babe time na!" Natatawang sabi ng ilan ng makita nilang
naghihilahan na kami ni lucas.
"Go lucas! Wag mo nang bitinin ha!" Sigas ni chelsie kaya naman
halos dumugo ang labi ko dahil sa pagkagat ko.
Mabilis akong hinila ni lucas palabas ng pavillion. "Teka...hindi
ka pwedeng tumakbo" sabi niya ng tumigil siya sandali.
Lumuhod ito paharap sa akin. "Sakay na" sabi niya na ikinatawa ko.
"Sure ka?" Paninigurado kong tanong sa kanya.
"Yes baby...sakay na" malambing na paguulit niya.
Natatawa na lamang akong sumampa sa likuran ni lucas. Hanggang sa
mapahiyaw ako dahil sa lakad takbo na ginawa nito. Nakarating kami
sa tahimik na lugar kung saan maraming maliit na cottage house.
Para itong mga igloo na maliliit pero bahay.
"Wow...ang ganda dito" pagkamangha ko.
"Andito na tayo" anunsyo ni lucas.
Ibinaba niya ako dahil kailangan niya buksan ang pintuan. Halos
mahulog ang susi sa kamay niya dahil sa pagmamadali.
"Bakit ka ba nagmamada..." hindi na natapos ang tanong ko sa kanya
dahil kaagad na niya akong hinila papasok sa bahay at pagkasara na
pagkasara ng pintuan ay kaagad na niya akong sinunggaban ng halik.
"Lucas...teka, may humahabol ba sayo?" Natatawang pangaasar ko sa
kanya kahit nahihirapan akong magsalita dahil nagpabalik balik
yung mga labi niya sa labi ko pababa sa aking leeg.
"Hindi
mo alam kung gaano kahirap para sa akin magpigil cara...hindi lang
ikaw ang nabitin nung gabing yon" sabi niya at halos mapahiyaw ako
ng mahina ng kaagad kong maramdaman ang malambot na kama sa aking
likuran.
"Lucas ikaw ha! Atat ka!" Hiyaw ko sa kanya dahil hindi na din ako
magkanda ugaga dahil sa sobrang excitement.
Damn it. Asawa ko na siya ngayon! Akin na siya ngayon...
"Ughhh...lucas!" Daing ko ng pisilin niya ang kaliwang dibdib ko
kasabay ng mabilis na pag labas masok niya sa akin down there.
Everything was different. This is really what you called...love
making.
Sa bawat halik, haplos and sweet whispering niya ay damang dama ko
yung pagmamahal niya. Nakakakiliti, pero mas nakakapaginit. Dahil
pati yung pagmamahal ko para sa kanya, kusang umaapaw. Hindi ko
maexplain yung feeling...pero sobrang kakaiba.
"Ahhh...lucas, slow down!" Daing na ungol ko.
"I can't baby..." nakangising sambit niya bago niya inangkin ng
buong buong yung labi ko.
Napuno ng mga ungol namin ang buong kwarto. Maging mga sweet
somethings ay nangibabaw din sa gitna ng aming mainit na gabi.
"Ahhh...dont stop!" Utos ko sa kanya.
"Damn baby, im cumming..." daing din niya bago niya ako mahigpit
na hinawakan at tsaka niya pinagbutihan ang paggalaw sa aking
ibabaw.
Buong gabi kong naramdaman si lucas. Hindi kasi iyon natapos sa
isa o dalawa, ang kaso ay siya na din ang nagpatulog sa akin ng
mapansin niyang halos madaling araw na.
"Wow...infairness may
break ha" pagod na pangaasar ko sa kanya.
Hinalikan ako nito sa noo. "Hindi pwedeng hindi ka matulog
baby...dont worry we have all day tomorrow, at sa mga susunod pang
mga araw" sabi niya pa sa akin kaya naman halos pamulahan ako ng
pisngi.
Walang perfect love story, hindi nabubuo ang isang love story na
parang isang kabute na basta basta na lang tutubo, basta basta mo
na lang makikita. Pinaghihirapan yan...hinihintay.
"Cara hija...maglakad lakad ka na ha, para hindi ka mahirapang
manganak" payo sa akin ni tita sam.
Halos dalawang buwan na lang ay manganganak na ako. Medyo matagal
na din nung ikinasal kami ni lucas pero parang sariwa pa din ang
lahat para sa amin. Nagaaway pa din kami minsan dahil sa
kasungitan niya pero kaagad din namang nagbabati. Hindi na ata
mawawala iyon sa amin, part na kasi siya ng buhay namin...ng pang
araw araw na buhay namin.
"Wag masyadong mag rice baby..." suway ni lucas sa akin.
Napanguso ako. Noche buena pero hindi ko pa din pwedeng kainin
lahat ng gusto ko.
Nasa bahay kami nila mommy sam at daddy luke. Kaming dalawa pa
lang kasi sa bahay tsaka yung mga kasambahay nami . Eh ang laki
laki pa naman ng bahay na pinatayo ni lucas kaya naman tuloy medyo
malungkot lalo na pag nasa trabaho siya.
"Yung doctor ka lang, hindi ka buntis..." nakangusong sambit ko.
"Ayoko lang na mahirapan ka, sige na wag na matigas ang ulo mo"
pangaral niya sa akin na ikinasimangot ko na lamang.
Hindi ko siya pinansin hanggang sa nakauwi na kami sa bahay namin.
"Cara" tawag niya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Dumiretso
ako sa closet para makakuha na pangtulog na susuotin ko.
"Cara suplada..." nakangsing sabi niya pagkadungaw niya sa may
pintuan ng banyo.
"Bakit lucas sungit? Alis ka nga din, baka lumabas tong anak mo ng
wala sa oras at batukan ka" nakasimangot na sabi ko sa kanya pero
tinawanan lamang ako nito.
"Bwiset na to! At talagang tinatawanan mo pa ako ngayon ha!" Inis
na sabi ko sa kanya tsaka ko siya binunggo para makadaan ako
palabas ng banyo. Dumiretso ako sa may veranda tsaka pinatay ng
tingin yung lahat ng ilaw sa poste dahil sa inis.
"Ang sungit naman ng misis ko, parang naglalambing lang eh"
biglang sabi ni lucas tsaka ako niyakap patalikod.
Hindi na ako umalma, hinayaan ko na lamang siya duon. "Sana
kamukha ko siya, para gwapo..." damang dama ko ang kasiyahan sa
boses ni lucas. We're having a baby boy.
"Yabang" sambit ko pero mas lalo lamang humigpit ang yakap nito sa
akin.
"Si chelsie nasa Europe ngayon para sa fashion show" sabi niya out
of now where.
"And?" Tanong ko.
"Ikaw dapat yung nanduon, kasi di ba pangarap mo yun?" Seryosong
sabi niya sa akin.
Dahil medyo hirap na akong gumalaw dahil sa malaki kong tiyan ay
tinaggal ko muna ang pagkakayakap ni lucas sa akin para makaikot
ako at maharap ko siya.
"Para ko na ding naabot yung pangarap ko dahil sigurado akong
masaya si chelsie ngayon" sabi ko sa kanya pero nakatitig lamang
ito sa akin.
"Tsaka, mas pangarap ko kaya ito...mas pangarap kita" malambing na
sabi ko pa sa kanya.
Tipid itong ngumiti bago sandaling tinaniman ng halik ang aking
labi.
"Pangarap mo ako? Mas pangarap kaya kiya!" Pangaasar niya sa akin.
Humaba ang nguso ko dahil sa narinig. "Hoy mas nauna kaya ako,
palagi mo kaya akong inaaway dati" laban ko sa kanya pero
inilingan niya lamang iyon.
"Kaya kita inaaway kasi epal ka...hindi ka naman maganda pero ikaw
yung crush ko" pagpapaliwanag pa niya sa akin.
Napahalukipkip ako. "Ah, kaya ka pala galit na galit sa akin dahil
panget tong crush mo ganun ba?" Panghahamon ko sa kanya.
Walang pakundangan itong tumango. "Oo, pero wag ka...love na love
naman kita ngayon ah" paglalambing na bawi niya sa akin.
"Manahimik ka! Wag kang tatabi sa akin mamaya ha" inis na sabi ko
sa kanya.
"Baby naman" daing niya sa akin.
"Baby mo mukha mo" hiyaw ko sa kanya tsaka ako nagmarta papasok sa
aming kwarto.
"Cara Isabelle Jimenez, pagaawayan nanaman ba natin ito?" Tanong
niya sa akin. Strategy niya dahil alam niyang tuwang tuwa ako pag
binabanggit niya ng buo yung pangalan ko.
"Wag mo akong paandaran Lucas Eion Jimenez, walang talab yan sa
akin ngayon" suway ko sa kanya tsaka ako pumasok sa banyo.
"Damn! Kala ko makakapag sexy time tayo ngayon?" Frustrated na
sabi nito sa labas.
The End.
*~*~*~*~*~
[A/N] Thank you for reaching this far!
You can also read my new story To Die with Love
You can follow me on:
Facebook: Maria CarCat WP
Instagram: Maria_CarCat
Date finished: 12/28/16
(Maria_CarCat)
Download
Study collections