Uploaded by CUBERO, MARIGOLD YVETTE

PAGBASA LECTURE NOTES

advertisement
PAGBASA NG MGA DALUMAT SA FILIPINO TUNGO SA PANANALIKSIK
Dalumat ng Sikolohiyang Pilipino kulang
Lesson 1: Wika
Paglingon sa Ugat ng Komisyon sa Wikang Filipino ni Dir. Hen. Roberto T. Añonuevo
 20.00 na papel ng Bangko Sentral ng Pilipinas ay nagsasabi na ang “Filipino as the National Language 1935”
Hindi totoong noong 1935 nilagdaan ang batas at umiral ang Filipino bilang wikang pambansa. Sa bisa ng Saligang
Batas ng 1935, ang Kongreso “ay inaatasang magpaunlad at magpatibay ng pangkalahatang Pambansang Wika na
batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika” (akin ang diin). Ibig sabihin, wala pa noong ahensiya ng pamahalaan
na mangangasiwa o magpapalaganap ng mga patakaran hinggil sa pambansang wika. At wala pa ring napipili noong
1935 kung aling katutubong wika ang magiging batayan ng pambansang wika.
 Ang Pilipinas ay binubuo ng maraming isla at ng iba’t ibang etnolinggwistikong grupo. Bawat isa sa mga grupong ito
ay may kani-kaniyang sariling wika. Ayon kay Dr. Ernesto Constantino (Magracia at Santos, 1988:1) mahigit sa
limandaang (500) mga wika at wikain ang ginagamit ng mga Pilipino. Sa ganitong uri ng kaligiran, isang
imperatibong pangangailangan para sa Pilipinas ang pagkakaroon ng isang wikang pambansang magagamit bilang
instrumento ng bumibigkis at simbolo ng ating kabansaan o nasyonalidad.
 Sa panahon ng Kastila, lalong nagkawatak-watak ang mga Pilipino. Matagumpay na nahati at nasakop ng mga
dayuhan ang mga katutubo. Napanatili nila sa ilalim ng kanilang kapangyarihan ang mga Pilipino nang humigitkumulang sa tatlongdaang taon. Hindi nila itinamin sa isipan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng isang wikang
magbibigkis ng kanilang mga damdamin. Sa halip, ang mga prayleng Kastila ang mga nag-aral ng katutubong wika
ng iba’t ibang etnikong grupo. Ang wika ng mga katutubo ang naging midyum ng komunikasyon sa panahong yaon;
ang naturang wika ang siyang ginamit ng mga prayleng Kastila sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan sa mga
katutubong Pilipino. Hindi rin itinuro ng mga Espanyol ang kanilang wika, ang wikang Kastila, sa mga katutubo na
takot na magkabuklud-buklod ang mga damdamin ng mga mamamayan at mamulat sa tunay na mga pangyayaring
nagaganap sa kanilang lipunan at tuloy matutong maghimagsik laban sa kanilang pamamahala.
Kasaysayan ng Wika
 1935 Saligang Batas Artikulo XIV Seksyon 3
Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang Pambansa na
batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.
Mga katutubong Wika (8) (PPBSHIWT)
1. Tagalog
2. Sebwano
3. Hiligaynon
4. Pampango
5. Waray
6. Pangasinan
7. Bikolano
8. Ilokano
 Oktubre 27, 1936
Itinagubilin ng Pangulong Manuel L. Quezon sa kanyang mensahe sa Asemblea Nasyonal ang paglikha ng isang
Surian ng Wikang Pambansa (SWP) na gagawa ng isang pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas, sa
layuning makapag paunlad at makapag tibay ng isang wikang panlahat na batay sa isang wikang umiiral.
 Manuel L. Quezon- Ama ng Wikang Pambansa dahil sya ang unang nakaisip ng iisang wika.
 Nobyembre 13, 1936
Inaprobahan ng kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa na
naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili ng isa na magiging batayan ng wikang Pambansa.
 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 ng 1987
Mula sa Surian ng Wikang Pambansa (SWP) ang kagawaran na ito ay tatawagin nang Linangan ng mga Wika sa
Pilipinas (LWP)
1
 Batas Republika Blg. 7104 ng 1991
Mula sa Linangan ng mga Wika sa Pilipinas ang kagawaran na ito ay tatawagin nang Komisyon ng Wikang Filipino
(KWF) hanggang sa kasalukuyan.
 Enero 12, 1937
Hinirang ng Pangulong Quezon ang mga sumusunod na Lupon ng Surian ng Wikang Pambansa:
1. Pangulo: Jaime C. De Veyra
2. Kagawad: Santiago Fonacier
3. Punong Tagapaganap: Cecilio Lopez
 Disyember 30, 1937
Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa ay
ibabatay sa Tagalog.
2 batayan bakit Tagalog ang Wikang Pambansa:
1. Ito ang wika ng Maynila
2. Dahil Maynila ang kabiserang kalakhan, pampolitika at pang-ekonomiya ng Pilipinas.
 Abril 1, 1940
Ipinalabas ang kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa
Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo ang wikang Pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas na
nagsimula noong Hulyo 19, 1940.
 Hunyo 7, 1940
Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo 4, 1946, ang Wikang Pambansa ay isa
sa mga opisyal na wika ng bansa.
 Mga Wikang Opisyal: Espanyol, Ingles at Tagalog
 Sinakop tayo ng Espanyol for 333 years, nakilaban ang mga Pilipino gamit ang panunulat (propagandista). Ang
Wika ay Chavacano- Spanish language na nagmula sa Zamboanga/Cavite.
 48 taon naman ang Amerikano at 3 taon ang Hapon.
 Agosto 13, 1959
Tinawag na Pilipino ang wikang Pambansa nang lagdaan ni Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng
Edukasyon ang kautusang Blg. 7. Pilipino ang gagamitin dahil ito ay universal at marami silang iba’t ibang
dayalekto.
 Oktubre 24, 1967
Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan
ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino.
 Agosto 7, 1973
Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang reolusyong nagsasaad na gagamiting midyum ng pagtuturo mula
sa antas elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang pambayan o pribado at pagsisimula sa taong 19741975.
 Hulyo 19, 1974
Nilagdaan ni Kalihim Juan L. Manuel ng kagawaran ng edukasyon at kultura na nagtatakda sa mga panuntunan sa
pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilinggwal sa mga paaralan simula 1974.
 Bilinggwal- 2 lengguwahe
 Multilinggwal- higit sa 2 lengguawahe
 Polyglot- may kakayahang mgasalita ng iba’t ibang lengguwahe ng walang pag-aaral at nakabase lamang sa
experience.
 Unang wika- mother tongue (pagkapanganak)
 Pangalawang Wika- natutunan habang lumalaki
 Pebrero 2, 1987
Saligang Batas Artikulo XIV Sekyon 6-9 Mula sa Pilipino, ang Pambansang wika ay tatawaging Filipino, ang
wikang Ingles ay ang siyang dalawang Opisyal na wika ng bansa.
2
Kasaysayan ng Buwan ng Wika
 Marso 26, 1946 Proklamasyon Blg. 35
Ipinalabas ni dating Pangulong Sergio Osmena ang proklamasyon ito na magsasabing ang petsang Marso 27
hanggang Abril 2 ay ang Linggo ng Wika. (1946-1954) Pinili ang Abril 2 sapagkat ito ang kaarawan ng isang
bantog na manunulat sa Tagalog na si Francisco Balagtas.
 Narcio Baleria- nagpanukala ng konkretong mga pangalan.
 Jose- nagmula sa pagiging devoted ng ina ni Jose Rizal kay St. Joseph
 Rizal- greenfield ng Laguna- Reshalin (Spanish)
 Mercado- galing sa trabaho ng ama ni Rizal (merchant)
 Marso 26, 1954 Proklamasyon Blg. 12
Ipinalabas ni dating Pangulong Ramon Magsaysay na baguhin ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula Agosto
13 hanggang 19. Pinili ang Agosto 19 sapagkat kasabay na ginugunita dito ang kaarawan ng Ama ng wikang
Pambansa na si Manuel L. Quezon.
 1988
Pinagtibay ni dating Pangulong Corazon Aquino ang pagdiriwang ng Linggo ng wika mula Agosto 13-19
alinsunod sa Proklamasyon Blg. 19.
 1997
Sa bisa ng Proklamasyon 1041 idineklara ni dating Pangulong Fidel Ramos na ang pagdiriwang ng wikang
Filipino ay magaganap sa buong buwan ng Agosto, kaya ito naging Buwan ng Wika.
Tungkulin ng Wika
 Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang
sistema ng mga simbolo ang komunikasyon. Ang araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya kung
saan pinag-aaralan ang pakikipagtalastasan. Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng pangungusap. Madaling
maunawaan ang pangungusap kahit gaano pa kahaba o ano man ang anyo nito. Malinaw ito kaya madaling
naiintindihan ng bumabasa o nakikinig ang kahulugan nito. Pagpapaliwanag o pagpapaunawa ang tawag sa gawaing
pangkaisipan upang matugunan ang pakikipagugnayang ginagamitan ng mga pananalita o mga hudyat o senyas ng
kamay, maaaring kasabayan ng taong nakikipagugnanayan, o matapos ang bawat bahagi ng paglalahad ng taong
nakikipagugnayan. Nagaganap ang pagpapaunawa sa pagitan ng dalawa, tatlo, o higit pang bilang ng mga
tagapagsalita o tagapaglahad na hindi nakapagsasalita o nakasesenyas mula sa pinagmumulang wika. Pagsasalitaan
ang tawag sa isang paraan ng pakatuto. Nagpapalinaw ang usapan tungkol sa isang paksa sa pagsasaulo ng mga
bagay. Sa pamamagitan ng salitaan ,nakapagpapalitan tayo ng mga kuro-kuro. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog,
at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa
pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong
pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang
lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan,
nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.
 Namamatay ang wika sa pamamagitan ng pagtigil sa pag-uusap ng tao. Ang mga salita noon at hindi na
mababago at hindi na rin uusbong. Mananatili lang iyon sa past. Hal. Latin
Kalagayan ng WIkang Filipino
 Sa kasalukuyan ay malawak ang paggamit ng mga kabataan sa wikang Filipino. Sa panahon ngayon ay uso sa
kabataan ang paggamit ng social media. Karamihan sa mga kabataan ngayon ay gumagamit ng teknolohiya. Dito ay
mabilis silang naiimpluwensyahan. Ang paggamit nito ay sa pamamagitan ng pagpapalit-palit sa wikang Ingles at
Filipino. Makikitang naiipahayag ng mga kabataan ang kanilang sarili gamit ang social media at wikang Filipino.
Nagagamit din ang wikang Filipino nang di-berbal. Sa papamigatan ng mga text message ay nagagamit ng
napakaraming kabataang Pilipino ang wikang Filipino. Marami din ang mas komportable sa ganitong pamamaraan ng
pakikipagtalastasan sapagkat hindi nila kaharap ang kanilang kausap. Pinag-aaralan din ng mga kabataan ang wikang
Filipino sa kanilang mga paaralan. Isa ito sa mga akda na kasama sa kurikulum ng paaralan. Patuloy nilang hinahasa
ang kanilang kaalaman upang lalong maging dalubhasa sa paggamit ng wikang Filipino. Sa pamamagitan nito ay
3
natatalakay natin ang pinagmulan at mga malalalim na konsepto na maiuugnay natin sa wikang Filipino. Marami sa
mga kabataan ngayon ang gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan ng pag sasalita kagaya ng “jeje” at “beki
languange” dahil dito ay maaring makalimutan nila ang mga tamang paggamit sa wikang Filipino. Maraming kultura
ngayon ang namamayagpag sa Pilipinas. Makikita ang mga Koreanong grupo kagaya ng “Blackpink” at “Twice” na
talaga namang kinakabaliwan ng madaming Pilipino. Nauuso din ngayon ang panonood ng animated na palabas ng
mga Hapones. Madami din sa mga kabataan ang mas tumatangkilik sa mga american movies o mga palabas na gawa
sa bansang Amerika. Sa kanilang pagtangkilik dito ay nalalaman o nagagamit nila ang wikang ginagamit dito.
Naiipakita nito ang lawak ng impluwensya sa atin ng mga nakikikita o napapanood na bagay. Naniniwala akong hindi
masama ang tayo ay matuto at gumamit ng ibang wika. Naiipakita lamang nito ang angking talino at pag-iisip nating
mga Pilipino. Ngunit huwag nating kakalimutan kung ano ang ating pinagmulan. Na sa pamamagitan ng wikang
Filipino ay nagkaroon ng kulay ang ating munting buhay. Pahalagahan natin ang ating wikang pambansa, maari
tayong maging mga bayani sa sarili nating pamamaraan.
Lesson 2: Wikang Filipino sa Iba’t Ibang Lunan
 Makrokasanayang pagbasa at pagsulat, gamit ang mga makabuluhang pananaliksik sa wikang Filipino, bilang
lunsaran ng pagsasagawa ng pananaliksik (mula sa pangangalap ng datos at pagsulat ng borador ng pananaliksik
hanggang sa publikasyon at/o presentasyon nito) na nakaugat sa mga suliranin at realidad ng mga komunidad ng mga
mamamayan sa bansa at maging sa komunidad ng mga Pilipino sa iba pang bansa.
1. Wika ng Bayan- Walang ibang wika ang epektibong makapaglalahad ng isang lahi kundi ang sarili nitong wika.
Nabanggit ni Oralde-Quintayo (2016) na nakaugnay ang wika sa mga katutubong pamayanan, ito ang nagbubuklod at
nagbubukod sa kanila sa mga ibang pangkat etnolinggwistiko. Ang paggamit ng isang wikang malapit sa puso ngunit
bukas naman sa pagtanggap ng pagbago mula sa lahat ng wika ay magdadala sa lipunang matagal nang inaasam, isang
lipunang kumikilala sa yaman at pagkakaiba-iba ng kanyang mga kultura ngunit nagkakaisa sa kanyang kasarinlan at
bukas at nakikiugnay sa sandaigdigan, isang bayang ang mamamayan ay tunay na may kapangyarihan dahil kalahok
sa proseso ng pagpapasya, isang sambayanang may dignidad dahil may pagpahalaga sa sariling wika. Sa konteksto ng
pahayag, tunay na ang Filipino ay wika ng bayan.
Kaisipang Kolonyal- Lubos na nahumaling ang mga Pilipinong kabilang sa mataas na uri ang mga tinatawag na
elitista sa wikang dayuhan.
Kaisipang Rehiyonal- Nagsimula ito nang maitadhana ang Tagalog bilang batayan ng wikang Pambansa hanggang
sa ito ay maging nukleyus ng wikang Pambansa ng mga Pilipino. Sentro ng wikang pagkakaunawaan.
Kolokyal- pagpapaikli ng salita
Balarila- jejemon
Ekolek- mga wika sa bahay
Sosyolek- mga wika sa labas
2. Wika ng Edukasyon- Malaki ang pangangailangan na mailugar ang Filipino bilang wika ng bayan upang magamit
bilang wika ng edukasyon. Tunguhin nito ang mamamayang kilala ang sarili, may tiwala sa sariling identidad at
nalilinang ang kaalaman sa sariling kultura at kasaysayan, kalakasan at kahinaan ng kapuwa. Dagdag pa mula sa
Kartilya ng Wikang Filipino bilang Wika ng Edukasyon (2004), ang paggamit ng Filipino bilang wikang panturo åy
nagbibigay daan na matuto ang mga mag-aaral ng kanilang kultura ang kaluluwa ng pagkabansa.
3. Wika ng Pananaliksik- Sa pagsasakatuparan ng piling programang pang-edukasyon na nakatuon sa Filipino bilang
medyum ng komunikasyon at pagtuturo, mahalagang patatagin ito ng gawaing pananaliksik. Katotohanan na sa
maraming Institusyon, nagagamit lamang ang Filipino bilang wika ng pananaliksik sa limitadong kurso tulad ng sa
Filipino. Walang malinaw na agenda tungo sa paggarnit ng Wikang Pambansa (sakop nito ang mga katutubong wika)
sa saliksik sa sa iba-ibang larang.
Arteeregladelalenggwaha- wika ng mga Kastila
Polo Y Servicio- pagbayad para sa Edukasyon (16-60 yrs.old man for 40 days period)
RRL- 21 rrls/5-6 paragraph
Pagpapayabong sa pananaliksik:
1.Pagbuo ng mga diksyonaryong Filipino upang maging kasangkapan sa pananaliksik.
2. Pag-aaral at pagbuo ng mga sulatin ng mga katutubong wika.
4
3. Pagtitipon at pagpapayaman ng mga materyales at sanggunian sa saliksik pangwika.
4. Pagsasalin ng mga batayang aklat sa iba't ibang larang akademiko.
5. Pagtataguyod sa mga saliksik pangwika at pangkultura sa Filipino.
Filipino sa Pananaliksik:
1.Ang pananaliksik sa Filipino ang magpapahayag at bubuhay sa damdaming makabayan ng mga Pilipino.
2. Sa pamamagitan ng pagsasaliksik gamit ang wikang Filipino, maibabahagi ang kaalaman ng mga Pilipino at
magkakaroon ng pagkilala sa sarili at maipagmamalaki kung kaya nabubuhay ang damdaming makabayan.
Jose Rizal- sandata
Andres Bonifacio- himagsikan
Filipino sa Iba’t Ibang Larang (propesyon)
 Sa patuloy na pagpapaunlad ng Filipino, kailangang tumawid din ito sa iba't ibang larangan upang matiyak na may
malawak itong naaabot na iba't bang lawas ng talino. Pinaniniwalaan pa rin na hindi napapanahon ang pagpasok ng
Filipino sa mga larang na nabanggit. Maitataguyod pa ang Filipino sa larang ng batas, politika, negosyo, industriya,
kasaysayan, lokal na media, pilosopiya, agham panlipunan, inhenyeriya at iba pa
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA:
Disiplinaryo- Ibig sabihin makakatayo mag-isa ang disiplina bunsod sa mahabang kasaysayan, tradisyon, at diskurso nito.
Hindi naman ibig sabihin hindi makakatayo mag-isa ang larangan, subalit dahil bukas ito kailangan itong tindigan ng iba't
ibang iskolar at iba't ibang aralin at paksain upang higit na yumayabong ang produksyon ng kaalaman.
Interdisiplinaryo- ito ay pagsasama ng dalawang magkaibang akademikong disiplina sa isang aktibidad. Ito ay paggawa
ng bagong ideolohiya sa pamamagitan ng crossing boundaries.
Multidisiplinaryo- -ito ay pag-aaral mula sa 2, iba't ibang disiplina. Ito ay pagsilip sa ibang pananaw panlabas upang
higit na maunawaan ang kompleks ng isang sitwasyon.
Transdisiplinaryo- -ito ay ang paggawa ng istratehiyang pananaliksik na pumapasok sa iba't ibang larang o disiplina para
sa holistikong pananaw; (Halimbawa ay ethnograpiya na orihinal sa antropolohiya na nagagamit na rin sa ibang larang.)
Nakaangkla na rin ito sa research para maging mas malawak na ideya o maraming sanggunian.
Lesson 3: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina
Filipino bilang Disiplina
 Ayon sa UP, kasaysayan ng bansa, identidad ng mga Pilipino at susi ng kaalamang bayan
 Ayon sa Ateneo de Manila, ito ay larang ng karunungan, bahagi ng edukasyong pampropesyunal, at nagtatanghal at
lumilingap ng wika at kultura ng bayan.
Filipino sa matematika
 Ayon sa UST, Atty. James Domingo- Kolehiyo ng Akawntansi, Mas mataas na porsyento ng mga mag-aaral na
nakakapasa sa mga pagsusulit gamit ang Filipino bilang midyum ng pagtuturo.
 Ayon sa DLSU, Dr. Maxima Acelajado-Guro ng Matematika, May kakayahan ang wikang Filipino bilang wika ng
Matematika na hindi naisasantabi ang kalidad ng resulta.
 Ayon sa PNU, Myra SD Broadway, Mas naipapaliwanag ang mga konsepto at naiiwasan ang mga hadlang sa
pagsasalita sa talakayan.
Filipino sa Inhenyera
 Ayon sa DLSU, Carlito M. Salazar, Kolehiyo ng Inhenyera, ang Filipino ay mas nakikiisa ang mga mag-aaral sa
klase. Nawawala ang tensyon sa klase at napapatibay ang damdaming Nasyonalismo.
Filipino sa Agham
 Ayon sa FEU, Dr. Luis Gatmaitan-Doktor sa Medisina. Filipino ang instrumento ng panggagamot sa mamamayang
Pilipino na nasa marhinalisadong sitwasyon hanggang gitnang uri.
5
Filipino sa Agham Panlipunan
 Ayon sa Mindanao State University, Prop. B. R Rodil, Hindi kapos sa bokabularyo ang ating wika sa larangan ng
diskursong intelektwal. Mas madaling ituro ang kasaysayan sa sariling wika, mas nadarama, tumatalab, interaktibo at
buhay. Higit na matalino ang estudyante kung sariling wika ang gamit. Pagtaas ng tiwala sa sarili ng mga mag-aaral.
Sa pamamagitan ng sariling wika sa paaralan at transaksyon sa labas tulad ng pamahalaan at komersyo ay
maipagpapatuloy natin ang pinasimulang pakikibaka ng ating mga ninuno laban sa pwersa ng kolonyalismo.
Ang Limang (5) bagong asignaturang Filipino at Panitikan sa Filipino
1. KOMFIL (Kontektstwalisadong Komunikasyon sa Filipino);
2. FILDIS (Filipino sa Iba't Ibang Disiplina);
3. DALUMATFIL (Dalumat ng/sa Filipino)- malalim na pag-aanalisa
4. SOSLIT (Sosyedad at Literatura/ Panitikang Panlipunan) at;
5. SINESOS (SineSosyedad/Pelikulang Panlipunan)- MMFF
Lesson 4: Uri ng Pananaliksik
Kahalagahan ng Pananaliksik
1. Nagbibigay ng impormasyon at kaalaman
2. Nagpapalawak ng kaalaman at pagpapalitaw ng mga bagong ideya.
3. Nagbibigay ng solusyon sa mga suliranin at problema.
4. Nagpapalakas ng desisyon at patakaran.
5. Nagpapabuti ng kalidad ng buhay
Uri ng Saliksik (ICTP)
1. IMRAD
Introduksyon- ang seksyong ito ay naglalaman ng panimula ng papel. Nagpapakilala sa paksa at nagpapakita ng
kahalagahan ng pag-aaral. Naglalaman din ito ng isang pahayag ng suliranin at layunin ng pananaliksik. (layunin, SOP,
kahalgahan)
Metodolohiya(quanti/qualitative)- ipinaliliwanag ang mga hakbang na ginawa sa pananaliksik. Kabilang ang mga
detalye tungkol sa disenyo ng pananaliksik, mga kalahok, instrumentong ginamit at mga hakbang na ginawa upang
maiproseso at ma-analisa ang data.
Resulta- resulta ng pananaliksik. Naglalaman ng grapiko, tsart, at mga estadistika upang maipakita ang mga natuklasan
ng pag-aaral.
Diskusyon- nagbibigay ng interpretasyon at paliwanag tungkol sa mga natuklasan ng pananaliksik. Naglalaman ng isang
pag-uusap tungkol sa mga resulta ng pananaliksik, ang kanilang kahalagahan at kung paano ito nagbabagong muli sa
nakaraang mga pag-aaral. Kabilang ang konklusyon at rekomendasyon.
2. Critical paper- malalim na pag-aanalisa
Pagpili ng paksa- paksa na kawili-wili (napapanahon) para sa manunulat at mayroong sapat na impormasyon na
magagamit upang maibigay ang isang malawak at malalim na pagsusuri.
Pagbuo ng Pagsasaliksik- malawak at masusing pagsaliksik upang magkaoon ng sapat na impormasyon at datos na
magagamit sa pagbuo ng pagsusuri. Maaaring gamitin ang mga aklat, journal, website, at iba pang sanggunian.
Pagbuo ng argumento- malinaw na argumento o posisyon tungkol sa paksa. Ito ay maaaring magsimula sa pagtukoy sa
isang problema o isyu na dapat malutas at pagbibigay ng mga detalye at ebidensya upang suportahan ang posisyon ng
manunulat.
Pagsasaliksik- karaniwang sinunsundan ng critical paper ang isang organisadong istraktura tuland ng IMRAD.
Pagsusuri at Pag-edit- suriin at i-edit ang critical paper upang masiguro na malinaw at organisado ang mga argumento at
mensahe ng manunulat. Maaaring magpa-review (2-3) sa mga kaibigan o guro upang magkaroon ng feedback at payo sa
pagpapabuti ng papel.
6
3. Term paper- malawak na papel kaysa sa isang research paper at maaaring sumaklaw sa iba’t ibang paksa o isyu na
may kaugnayan sa isang tiyak na asignatura o disiplina. Hal. Thesis
4. Policy paper- isan uri ng akademikong papel na naglalayong magbigay ng mga rekomendasyon o panukala tungkol
sa isang particular na isyu sa patakaran o polisiya. Ito ay ginagamit sa mga pamahalaan, organisasyon o grupo upang
magbigay ng mga solusyon o rekomendasyon sa mga suliranin o problema sa patakaran.
Introduksyon sa Dalumat (Batayang kaalaman sa mga teorya sa pananaliksik na akma o buhat sa lipunang
Pilipino)
Dalumat- Ayon kay Panganiban (1973), kasingkahulugan nito ang paglilirip at panghihiraya. Sa Ingles ay very deep
thought, abstract conception.
Metacognition- thinking above thinking
Paglingon sa Naglagak ng Mohon (Landmark)
 Associacion Internationale des Philippinistes (AIP)- pinangunahan ni Dr. Jose Rizal para magkaroon ng kamalayang
Pilipinista ang mga Pilipino. Ito ay tumatalakay sa pagiging Pilipino noong 1889 sa bansang Europa (Paris, France).
 Gumawa si Rizal ng komentaryo base sa libro ni Antonio De Morga na Sucesos De Las Islas Filipinas na naglalaman
ng:
1. Ang Pilipinas ay mahilig kumain ng panis.
2. Ang mga Pilipino ay tamad.
Layuning ng AIP:
 Artikulasyon ng pag-aaral at pagkilala ng/sa sarili bilang integral at pundamental a bahagi ng kabansaan.
 Tunguhin: pag-aaral nating mga Pilipino tungkol sa atin at para sa atin.
Kamalayang Pilipinista (awareness)- study of Filipinas by her sons in view of her unity and identity.
Kahibla ng pagsasabansa hindi lamang sa opresyo kundi lalo’t higit sa…
Pambansang Kamalayan:
1. Paga-unawa sa sarili (self-understanding)
 Paano nakakaapekto sa akin ang kultura at pagkakakilanlang Pilipino?
 Bakit inaasahan sa akin ang gantong kultural gawi/pagkakakilanlan?
2. Sariling Pagtatakda(self-definition)
 Sino ako bilang Pilipino?
 Ano ang kultura ko at ano ang pinagkaiba nito sa iba pang kultura?
Mga Mohon ng Talinong P/Filipino
Katutubong kawikaan: Sa atin manggagaling ang ating ikagagaling; sa atin din magmumula ang ating ikasasama.
1. Sikolohiyang Pilipino
 Pinamumunuan ni Virgilio Enriquez (Ama ng Sikolohiyang Pilipino)
 Sikolohiyang bunga ng karanasan, kaisipan at oryentasyong Pilipino at sikolohiyang Malaya/mapagpalaya (liberation
psychology)
 Pinabulaang ang sikolohiya ay umiral lamang sa pagsapit ng mga dayuhang iskolar at imperyor ang mga sikolohistang
Pilipino. Bago dumating ang mga kastila, ay meron na tayong sikolohiya tulad ng mga paniniwala.
 Tinanaw rin ang tunggalian ng pagkapartikular o pagkaunibersal ang pag-unland ng SP. Kinilala ang pagkapartikular
nito, gaya ng mga nasa larang ng sikolohiyang panlipunan, sikolohiyang kognitibo, kultura at pagkatao.
Indihenisasyon mula sa loob- paggamit ng sariling kultura bilang bukal ng kaalaman at mga konseptong katutuboo na
matapat na naglalarawan ng pananaw sa daigdig ng mga Pilipino.
Indihenisasyon mula sa labas- pag-angkin ng mga konseptong mula sa banyaga sa pamamagitan ng pagsasalin, pagaandukha at kultural na asimilasyon ng mga ito sa karanasan ng mga Pilipino.
7
2. Pantayong Pananaw
 Pinamunuan ni Zeus Salazar.
 Nasa panloob na pakakaugnay-ugnay at pag-uugnay-ugnay ng mga katangian, halagahan, karunungan ng isang
kabuuang pangkalinangan sa loob ng isang nagsasariling talastasan.
 Sa agos ng kasaysayan at kalinangang Pilipino, ipinakita nia ang pagkakaugat at pagsulong ng PtP vis-à-vis mga
diskursong mula sa labas o nakatuon sa labas, i.e. pansila at pangkayong pananaw ng mga kolonyalistang banyaga,
gayundin ang pangkaming pananaw ng mga akulturadong Pilipinong napasabanyagang kaisipan (Hispanisado at
Amerikanisado)
 Pantayong pananaw: Pangkayo, pansila, pangkami, pangtayo
3. Pilipinolohiya- Prospero R. Covar, Ama ng Pilipinolohiya
 Zeus Salazar- batayang historical, perspektiba at tunguhin ng Pilipinolohiya.
 Covar- nagtakda ng kahulugan at saklaw nito. Nagpanukala sya na palitan ang Araling Pilipino patungong
Pilipinolohiya. Pilipino + Lohiya = sistematikong pag-aaral sa tatlong larangan ng Kapilipinuhan. Naitawid ni
Covar ang kaalaman ng Structural Functionalism ng Sosyolohiya at Antropolohiya patungo sa mayaman,
malawak at malapit na pag-uugnayan ng mga tao sa pagsisiyasat ng estrukturang panlipunan sa kontekstong
Pilipino.
Pagkataong Pilipino: Pakikipagkapuwa


Nagsanga ang pagdadalumat sa iba pa, e.g, sambahayan bilang pundamental na pundasyon ng ating lipunan.
Kapatiran at paniniwala (mula sa konseptong messianic social movement) na para sa sosyologong si Clemen
Aquino ay magagamit sa panlipunang pagbabanghay sa mga araling sosyolohiko at antropolohiko sa kontekstong
Pilipino.
8
4. Pantawang Pananaw
 Ang pananaw ay tunutukoy sa pag-iisip ng tao (79). Higit sa opinion ang pananaw (80).
 Ang tawa ay reaksyong pandamdam habang ang pananaw ay patungkol sa kaisipan. Kung ang interpretasyon o
pag-unawa ay pananaw, isasakonteksto ito bilang Kritika (80).
 Samakatuwid, ang Kritika ay pagbasa sa: karanasan, teksto at kultura.
 Inarok ng isipan ang kahalagahan (sic) o kabalintunaan ng isang pangyayari o kaalamang naging malaki ang
epekto o kahihinatnan sa sariling buhay, pakikipag-ugnayan at sandaigdigan (80).
 Isang pagbasang kritikal, subjektib na pagbasag sa imahe at katawan, may kasaysayan, interubjecktib,
intertekstuwal at reflecksibo.
 Gawa ito nila Dr. Rhoderick Nuncio at Elizabeth Morales Nuncio (2004)
5. Panunuring Malay sa Kasarian
 Ayon kay Lilia Quindoza Santiago
 Basagin ang lumalaganap na istiryotipo at arketipo sa homosekswalidad
 Makapaghawaan ng landas tungo sa mapagpalayang kaisipan at kamulatan na tumutuligsa sa heteropatriyarka at
seksistang pananaw.
 Magkaroon ng kamalayan ang mga bakla sa tunguhin ng pagpapalaya na hindi nasasakdal sa kalalakihan at
kababaihan at suriin ang marhinalisasyon sa loob mismo ng itinuturing na marhinalisadong grupo.
 Makaigpaw ang usapin ng pagpapalayang pangkasarian sa usapin lamang ng laman, sex at sekswalidad.
 Maging mapanuri sa kulturang inihahayag ng mga bakla mismo bilang bahagi ng pagsulong ng politikang bakla.
 Makilala ang bakla na bahagi at kaagapay sa pagpapaunlad sa iba’t ibang kilusang panlipunan.
6. Dating
7. Pilosopiyang Filipino
 Gawa ni Emerita S. Quito.
 Ang isang Pilosopiya ay Pilipino kung ito ay humuhubog ng ideolohiyang Pilipino, humuhubog ng etikang
Pilipino, kung ang mga kategoryang ginagamit sa pamimilosopiya ay katutubong Pilipino, pinapahayag sa wikang
Filipino, kung ang pagkamamamayan ng namimilosopiya ay Pilipino, kung ang kamalayang taglay ng
namimilosopiya ay Pilipino.
Katutubong Metapora ng Gulong- Ang buhay ng tao’y gulong ang kahambing, ang bahaging nasa itaas ngayon,
bukas ay nasa ilalim.
 Pilosopiya ng Kasandalian, Pagbabago, Pag-asa, Pagbabalanse ng Kalikasan, Batas ng Panunumbalik.
8. Iba pang mga Dalumat
 Filipiniana- tawag ng mga Amerikano sa aklatan ng Pilipinas.
9


Mga tao na nag-aral sa mga Pilipino: Virgilio Enriquez, Zeus Salazar, Prospero R. Covar
Ayon kay Prospero Covar, Ang mga Pilipino ay maihahalintulad sa Manunggul Jar. Makikita rito ang tatlong
konsentrikong bilog. Sa pinakanakapaloob na bilog ay may hugis ng "yin at yang" na humihiwalay sa dalawang
salitang "kaluluwa" at "budhi” (ugali-ilalim). Sa susunod na dalawang bilog na konsentriko ay makakakita ng mga
katawagan ng bahagi ng katawan na nakahanay na magkakatambal. Binansagan sa diagram ang pinakanakapaloob
na bilog bilang "lalim," ang sumusunod bilang "loob(parte ng katawan)" at ang huli bilang "labas (pisikal na
anyo)." Payak ang diagram pero tila may nais ipaliwanag na malalim hinggil sa hugis at anyo ng tinatawag na
"pagkataong Pilipino."
Lesson 5: Pantayong Pananaw
 Ang pagsasalita ng sariling wika ay senyales hindi lamang ng paniniwala sa sariling kultura at kalinangan kundi ng
kasarinlan.
 Ito ay isang panloob na pagkakaugnay-ugnay at pag-uugnay ng mga katangian, halagahin, kaalaman, karunungan,
hangarin, kaugalian, pag-aasal, at karanasan ng kabuoang pangkalinangan-- kabuoang nababalot sa, at ipinahayag sa
pamamagitan ng wika; ibig sabihin, sa loob ng isang nagsasariling talastasan/diskursong pangkalinangan o
pangkabihasnan.
 Zeus A. Salazar- Ama ng Pantayong pananaw. “Ama ng Bagong Histograpiyang Pilipino”. Isinilang sa Tiwi, Albay
noong ika-29 ng Abril 1934. Namayagpag bilang estudyante ng Bikol at Maynila bago tumuntong ng kolehiyo noong
1951. Summa Cum Laude sa Unibersidad ng Pilipinas sa ilalim ng Batsilyer Sining sa Kasaysayan.
 Ang Pantayong Pananaw bilang diskursong Pangkabihasnan.
Pantayo vs Pang-kami
 Pang-kami ang pananaw na gamit ng mga nagpapasya sa direksyon ng esiklopedya na Filipino heritage. Ito ang punto
debista ng mga elite.
 Pantayong pananaw ay nanggaling mismo sa karanasang pangkalingan ng Bayang Pilipino.
 Ang kultura ay mayroong Pantayong pananaw pagka-lahat ng kasapi ay gumagamit ng pareparehas na konsepto’t
ugali. At saka, lahat ay nakakaintindi kung anong mga ibig sabihin nito.
 Pinayuhan ni Salazar ang mangbabasa na nag mayroong malaking pangagangailangan na ipayaman ang pantayong
pananaw sa ating sosyo-pulitika na may layunin na mabuo ang bansang Pilipinas na may kasarinlan at kakanyahan.
Pansilang at Pangkaming Pananaw
 Pansilang pananaw ay patukoy sa iba at hindi sa kapuwa.
 Pangkaming pananaw ay patungo naman sa labas o sa banyaga ang pagpapaliwanang.
Pantayong Pananaw sa Kasaysayan
Panahon Bago ang Kolonyalismo- Ayon kay Salazar, wala pang pantayong pananaw na nabubuo dito sa Pilipinas.
10
Pansilang Pananaw
 Landino, mga akulturadong Pilipino naging mga tagasalin ng mga kolonisador.
 Ang mga Filipino Secular priest ang naging pangunahing grupong na humalili sa mga Landino na malapit sa mga
kastila.
Pangkaming Pananaw
 Ang kalinangan na pinapakita ng mga ilustrado na Pilipino raw ay isang imahe ng pamumuhay ng mga mestizo noong
panahon ng kastila. Kung ano man mga kakaunting katangian na nanggaling sa mga Pilipino ay naiwang ala-ala ng
nakaraan nila.
 Ang ating kultura ng panahon na iyon ay naging pagpapatunay na kaya natin makipagsabayan sa ibang mga bansa.
Paniniwala nung panahon na yun ay dapat tayong husgahan ng iba’t ibang bansa nahahabol na approval nila.
 Ang namayani sa panahong kolonyal ay ang pananaw na pansila at pangkami.
 Nanatili pa ang pantayong pananaw sa loob ng mga grupong etniko at sa lebel ng bayan.
Pantayong Pananaw sa Kasalukuyan: Kulturang Nasyonal at Kalinangang Bayan
Kulturang Nasyonal- Mayroon pa ring pangkami na pananaw na pinamumunuan ng mga elite.
 Sa wikang Ingles ang pagkakahulma ng estado na pinamumunuan ng mga elite.
 Nagmula sa mga propagandista at rebolusyonista at pagkatapos ay isinulong ng mga naging presidente sa
pakikipagtulungan sa mga Amerikano.
Kalinangang Bayan- Ang pananaw ay nakaugat sa karanasang pangkasaysayan; pantayong pananaw.
 Wikang Filipino ang nagiging tagasaklaw ng mga layuning bayan.
 Nakaugat sa mga kalinangan ng mga grupong etnolinggwistiko na ang batayang prehistoriko ay ang pangkabihasnang
continuum o pagkakaugnay-ugnay na Austonesyano.
11
Pantayong Pananaw
 Pook, wika, sistemang legal, Filipino/tagalog, respeto at pagkakaintindihan.
 Natuklasan natin ang ating sariling lakas at sa pagkakaintindihan ay nabubuo ang respeto sa isa’t isa na nagbubunsod
ng pagkakaisa- Boy Abunda
Ang “Tayo” bilang kabuuan sa harap ng iba. Isang Ilustrasyon ng Pantayong Pananaw
Lesson 6: Sikolohiyang Pilipino
 Enriquez, 1975- Kaisipan at karanasang Pilipinong mauunawaan mula sa Perspektibong Pilipino.
 Ang Sikolohiyang Pilipino ay sikolohiyang bunga ng karanasan, kaisipan, at oryentasyong Pilipino. ito ay para mas
higit na mauunawaan ng isang Pilipino ang kanyang sarili upang sa gayon ay mapaunlad niya ang kanyang buhay.
Isang alternatibong perspektibo kung paano ipapaliwanag ang pag-iisip, pagkilos at damdaming Pilipino, na
malakiang kaibahan sa mga pananaw ng iba pang anyo ng sikolohiya sa Pilipinas.
Dr. Virgilio G. Enriquez
 Filipino Psychologist
 Ama ng Sikolohiyang Filipino
 Magulang: Arsenio Enriquez at Rosario Gaspar
 Ipinanganak sa Bulacan noong Nov. 24, 1942
 Northwestern University (M.A. sa sikolohiya noong 1970 at 1971 para sa kanyang Ph.D)
 Umuwi sya sa Pilipinas upang patunayan sa mga Taga-Kanluranin na meron na tayong sikolohiya bago pa dumating
ang mga mananakop, meron tayong orihinal na konsepto tulad ng mga paniniwala.
 Ayon kay Enriquez (1994), ang SP bilang isang katutubong sikolohiya ay ang siyentipikong pag-aaral ng etnisidad,
lipunan at kultura ng isang lipi, at ang paglalapat ng katutubong kaalamang nakaugat sa etnikong kamalayan sa praktis
ng sikolohiya.
12




Noong 1960s pa lamang ay tinuturo na ang sikolohiya sa mga paaralan na may bahid ng mga Kanluranin. Sinabi ni Dr.
Rogelia Pe-Pua na kahit na ang mga illustrados na pinagpalang mag-aral ng sikolohiya noong nasa ilalim pa ng mga
Kastila, gaya ng ating mga pambansang bayaning sina Dr. José Rizal at Apolinario Mabini, ay nagpahayag ng
pagkadismaya sa paraan ng pagkakaturo nito. Nakita noon ng tagapangulo noon ng Departamento ng Sikolohiya na si Dr.
Virgilio Enriquez na may kailangang baguhin para mas madaling maunawaan ito ng mga Pilipino. Sa panahong 1975
naitaguyod ang Sikolohiyang Pilipino.
Kanluranin- Persona Psychology (panlabas na ugali)- mask, fake self (outside)
Sikolohiyang Pilipino- mas masaklaw, may loob, labas, pakikitungo sa iba, shared identity (kapwa-kapantay), core values
Filipino traits- utang na loob, lambing, tampo, kagandahang-loob, bahala na (bathala na)- detemination in the face of
uncertainty.
Tatlong Uri ng Sikolohiya na umiiral sa Pilipinas
1. Sikolohiya sa Pilipinas- Ito ay dulot ng sunod-sunod na kaisipang sikolohikal na may kaugnay sa Pilipinas. Kasabay
rin nito ang yugto ng panahong labis na kinakatigan at tinitingala ang sikolohiyang Kanluranin. Ang Sikolohiya sa
Pilipinas ay tumutukoy sa lahat ng mga pag-aaral, libro, at sikolohiyang makikita sa Pilipinas, banyaga man o makapilipino.
Nalimbag na, lipon ng mga pag-aaral ng sikolohiya sa Pilipinas bago tayo sakupin hanggang sa kasalukuyan. Mañana habit,
ningas kugon, Filipino time (hindi natural sa mga Pilipino)
2. Sikolohiya ng mga Pilipino- kadalasang inaaral nito ang psyche ng mga Pilipino. Ito ay pinakagamit at palasak na uri
ng sikolohiya at nagpapakita ng manipestasyon ng pagtugon sa pangangailangan ng dayuhan at Pilipinong pananaw
ng sikolohiya. Ang Sikolohiya ng Pilipino naman ay tumutukoy sa lahat ng mga pag-aaral ng mga Pilipino/banyaga sa mga
kasalukuyan/umiiral na pananaliksik at mga konsepto sa sikolohiya na may kinalaman sa mga Pilipino/pangkat.
Ayon kay Fay, wala tayong sariling Filipino Food concept. Ngunit meron tayong halimbawa: Adobong Puti (mula sa
suka at asin for preservation, orihinal na uri ng Adobo, ngayun suka at toyo na nagmula sa China. Linalagyan natin ng
mga Filipino twist ang mga hiram na foreign food.
3. Sikolohiyang Pilipino- danas, kasipan, at oryentasyong Pilipinong nagiging dulog sa sikolohiya. Ipinapakita nito ang
mga pag-aaral ng sikolohiya sa katutubong dulog. Samakatuwid, mga Pilipino lamang ang makakasulat tungkol dito.
13
Mga Konsepto ng Sikolohiyang Pilipino
Kinikilala ng maraming sikolohista sa akademiya na mayroong pangangailangang isalin ang ibang mga salita sa Filipino
upang mas maigi silang talakayin. Ang anim na konsepto ng Sikolohiyang Pilipino ay ang mga sumusunod:
 Mga katutubong konsepto- Ang Katutubong konsepto ng Sikolohiyang Pilipino ay tumutukoy sa mga salitang galing at
ginagamit sa Pilipinas. Ang kahulugan din nito ay kinuha mula sa mga Pilipino. (pure Filipino origin- salimpusa,
pagkapikon, balik-bayan (balik-yabang))
 Mga konseptong bunga ng pagtatakda ng kahulugan- Dito naman, ang salitang ginagamit ay galing sa Pilipinas,
habang ang kahulugan nito ay banyaga. Ang halimbawa nito ay ang lahat ng mga Pilipinong salita na binigyan ng
kahulugan sa Ingles upang hindi maguluhan ang mga tao sa saliksik. (magkaiba ang kahulugan sa ibang bansa or marami
tayong ibang pakahulugan- gunita, rice)
 Pag-aandukha o paglalapat ng katutubong kahulugan sa mga salitang hiram- ay ang pagkukuha ng salitang
dayuhan at baguhin ang kanyang anyo hangga’t magkaroon siya ng Pilipinong kahulugan. (tsansing (mula sa salitang
tyan)
 Pagbibinyag o paggamit ng katutubong salita para sa pandaigdigan o banyagang konsepto- ay madali lang
intindihan sapagkat ang ibig sabihin nito ay ang paglalagay ng mga dayuhan ng kanilang mga sariling kahulugan sa mga
salitang Pilipino, parehong salita ngunit magkaibang kahulugan.
 Paimbabaw na asimilasyon ng taguri at konseptong hiram- pinag-uusapan ang mga salitang banyaga na ginagamit sa
Pilipinas ngunit mahirap isalin sapagkat iiba ang kahulugan nito, hiram na salita.
 Banyagang konsepto- Tumutukoy ito sa mga salita o konsepto na hindi ginagamit sa Pilipinas, kaya’t walang Pilipinong
katapat ito.
Ginamit na metapora ang tao at bahay para katawanin ang sikolohiya at bansa
1. Tao-sa-bahay ang Sikolohiya sa Pilipinas
2. Taumbahay ang Sikolohiyang Pilipino.
Metodo ng Sikolohiyang Pilipino
14
Anim na Batayan ng Sikolohiyang Pilipino:
1. Mga Batayan sa kinagisnang sikolohiya:
 Kinagisnang sikolohiyang Pilipino
 Sikolohiya sa literaturang Pilipino
 Kaugaliang minana ng mga Pilipino
2.



Ang Batayan sa tao at sa kanyang diwa:
Pagpapahalaga sa tao at sa kanyang diwa
Bahagi at kabahagi ng sikolohiya sa daigdig
Bigyang pagpapahalaga ang pagtuturo ng Sikolohiyang Pilipino
3. Ang batayan sa panahon ng pagbaba-gong-isip (renaissance):
 Emilio Aguinaldo sa kanyang kauna-unahang talumpati nang siya'y pasinayaan sa pagkapresidente ng Unang
Republika ng Pilipinas.
 Psicologos del verbo Tagalog - Ito'y isang patibay na hindi dala ng mga Amerikano at Kastila ang sikolohiya sa
bansa natin.
4.



Batayan sa panahon ng pagpapaha-laga sa kilos at kakayahan ng tao:
Agustin Alonzo - Sikolohiya ng Damdamin
Dayuhang Sikolohista na si Thorndike (Behaviorist)
Si Hartendorp ang kauna-unahang Amerikanong nagpakita ng interes sikolohiya ng mga Negrito.
5. Batayan sa panahon ng pagpapaha-laga sa suliranin ng lipunan:
 Aldaba-Lim- nagbigay pagpapahalaga sa suliranin ng lipunan. Madalas hinihikayat ang mga sikolohistang Pilipino na
makinig sa mga suliranin ng lipunan.
6. Ang batayan sa wika, kultura at pananaw ng Pilipino:
 Pinakapundamental na saligan ng mga batayang ito ay ang pagpapahalaga sa wika, kultura, at pananaw ng Pilipino
000START PRINT HERE
Lesson 7: Pilipinolohiya
 Ang layunin niyo ay palabasin ang pagka-Pilipino ng bawat larangan na meron ang kultura ng Pilipinas.
 Kultura-lipunan-wika, tinatalakay sa pilipinolohiya.
 Pilipinolohiya, Pilosopiyang Filipino, Lipunang Pilipino, Baybayin (unang writing system ng Pilipinas, alibata-alisbata- panulat o salita ng mga Arabs)-Doctrina Christiana (first book published in Philippines, contains traditions,
beliefs, study about Christians), Kastila (relihiyon-Kristiyanismo), Amerikano (nagpasimula ng konsepto ng
edukasyon, education for all)
Prospero R. Covar
 Ama ng Pilipinolohiya
 Isinilang sa Majayjay, Laguna, Philippines
 Petsa ng Kapanganakan: September 7, 1934
 Nagtamo ng kaalaman sa: University of Arizona Ph.D. (Anthropology) 1975
 University of the Philippines M.A. (Sociology) 1961
 University of the Philippines A.B. (Sociology) 1957
15
Pilipinolohiya





Sistematikong pag-aaral tungkol sa mga Pilipino lamang, citizen of Philippines (lumaki dito sa Pilipinas)
Ayon nga kay Prospero Covar (1981), ang Pilipinolohiya ay ang pag-aaral sa mundo ng mga Pilipino, sa
Pagkapilipino, at sa iba’t ibang paraan ng pagiging Pilipino. Ang pagsasakatuparan ng bisyong ito ay nakaangkla sa
paggamit ng wikang naghuhulma at bumubuhay sa kulturang Pilipino.
Inihahalintulad sa Manunggul Jar ang mga Pilipino. Makikita ito sa likod ng 1,000 bill.
Ilalim ang pinakamaganda (budhi/kaluluwa)
Budhi (id, ego, superego)
Pantawang Pananaw
 Saysay at Salaysay ng Pantawang Pananaw
 Sinimulan ni Rhoderick V. Nuncio
 Pagbibigay ng kritikal na pananaw o komentaryo sa anyong pagpapatawa o nakakaaliw. Hal. Parody, editorial (isyu sa
lipunan), memes
 Laughter is the best medicine.
 Ang tawa ay isang mekanismo ng damdamin na nagbibigay laman sa puwang o guwang sa damdamin ng isang
malungkuting tao o di kaya’y yaong naghahanap lamang ng kasiyahan sa buhay. Kung kaya’t, mahihinuha sa
sikolohiya ng tao ang pag-imbento niya ng mga kaparaanang magpapaaliw sa kanya.
 Sa paggamit ng salitang ‘pananaw’ tumutukoy ito sa pag-iisip ng tao. Kung ang tawa ay reaksyong pandamdam,
patungkol naman ang pananaw sa kaisipan. Pinagninilayan o pinag-iisipan ng isang tao ang pagkakaroon ng
pananaw.
 Ang pantawang pananaw ay nangagahulugang tawa bilang kritika sa mga isyu at tauhan sa lipunan.
 'pan + tawa' = pag-aangkin at pangtukoy sa kakanyahan at kakayahan ng tawa bilang kritika.
 Ang pantawang pananaw bilang dalumat ng pagbasa ay nagsisilbing diwa sa pag-uunawa sa kaganapang
sosyo-politika sa pamamagitan ng tawa. Mahalaga ito sapagkat bilang dalumat gustong ipahatid ng pag-aaral na ito
na namumutawi na ang pantawang pananaw sa talastasan o kwentuhan at pagtatanghal bago pa man dumating ang
mga Kastila.
Rhoderick V. Nuncio
 Bantog na manunulat
 Isinilang sa noong December 9, 1975 sa Marikina, Philippines.
 Loreto Batosalem and Herminia Villamora Nuncio
 Postgraduate, Ph.D. University of the Philippines, Diliman, 2006
16
Limang Elemento ng Pantawang Pananaw
1. Midyum (mode of transmission- ftf, online, tv)
2. Kontexto
3. kontent o anyo
4. Actor
5. manonood
17
Download