PAGSUSURI NG PELIKULA I. Tungkol sa pelikula A. Pamagat ng Pelikula: “Casa” B. Direktor: Jeffrey Jeturian C. Prodyuser: ABS-CBN Brodcasting Cooperation 1991 D. Pangunahing tauhan: 1. Hazel (Maris Racal & Iza Calzado) – ang pangunahing tauhan sa pelikulang pinamagatang Casa. Isang babaeng puno ng pag-asa at pangarap. Ngunit nang dahil sa kahirapan ay napilitan siyang magtrabaho bilang isang bayarang babae upang maiangat ang pamilya sa kahirapan. E. Tema ng Pelikula Ang paksang tinalakay sa pelikulang pinamagatang “Casa” ay patungkol sa pagsasakripisyo ng pangunahing tauhan sa maling paraan upang maingat lamang ang sarili at pamilya mula sa kahirapan. Sa pamamasukan niya sa Casa bilang bayarang babae ay naging malaking tulong ito para maibigay ang pangangailangan ng kanyang pamilya ngunit sa kabila nito ay kapahamakan naman niya ang kapalit. F. Buod ng Pelikula Ang pelikulang Casa ay nagsimula sa pangarap ni Hazel na makapagtapos ng pag-aaral kaya pumayag siyang sumama sa pinsan ng kanyang papa na ipinangakong siya'y pag-aaralin. Pinag-aral siya nito na nagbigay sa kanya ng pag-asa ngunit sa hindi inaasahan ginahasa siya ng tito niya at pinaalis ng kanyang tita sa inaakalang inakit ni Hazel ang asawa. Kaya siya'y umuwi sa pamilya sa tulong ng isang lalake na nagngangalang Bensyo ngunit siya'y itinaboy rin ng ina dahil sa akala nitong pinili ni Hazel na umalis upang makipaglandian lamang sa lalakeng si Bensyo. Magmula noon ay napilitang magtrabaho si Hazel sa isang bar at ibenta ang katawan kapalit ng pera. Nang makapag-ipon siya ng sapat na pera upang pag-aralin ang sarili at matulungan ang pamilya ay nagdesisyon siyang bitawan na ang trabaho. Ngunit kung kailan ipagpapatuloy na ang pag-aaral at iiwan na ang bar ay saka naman nabuntis ni Bensyo si Hazel. Nang isinilang ni Hazel ang kanyang anak na nagngangalang Jayson ay muli siyang nagtrabaho bilang bayarang babae sa Casa. Ngunit ang inaasahang sweldo na makakatulong sa gastusin ng anak at pamilya ay kinuha ni Bensyo na ipangbili lamang ng droga. Kaya ipinakulong ni Hazel si Bensyo sa pambubugbog sa kanya at ipinagpatuloy ang trabaho. Isang araw ay mayroon siyang nakilalang lalake na nagngangalang Berting kung saan ay ipinangako nitong aalisin siya nito sa Casa kaya pumayag si Hazel na magpakasal sa kanya. Ang akala niya'y nakahanap na siya ng paraan upang iwan ang Casa at magkaroon ng buhay na hindi ikahihiya ng anak ngunit nakakatakot pa palang mundo ang napasukan niya. Napag-alaman niyang isang magnanakaw at mamamatay tao si Berting. Hindi na kinaya ng konsensya ni Hazel na may madamay pang mga inosente sa kasamaan ng asawa kaya ipinagkanulo niya ito at nagdala ng ebidensya sa NBI upang siya'y huliin. Gustuhin man ni Hazel ang huminto sa masama nitong trabaho ay hindi nagiging sapat ang mga perang nasa kanya upang mapunan ang pangangailangan ng pamilya kaya bumalik pa rin siya sa Casa. Sunod niyang nakilala ang isang lalakeng bagong laya sa kulungan na nagngangalang Ernie. Sa wakas, nakahanap si Hazel ng isang kaibigan na tumulong sa kanyang makapagbagong buhay at iwan ang Casa. Gumawa ng paraan si Ernie upang makasama ni Hazel ang kanyang anak ngunit ang kagustuhan nitong miayos ang relasyon nilang mag-ina ay hindi nagtagumpay. Sa pag-alis ng anak ni Hazel sa tahanan nila ni Ernie ay naging tahimik ang pamumuhay nila ngunit nasubok muli sila ng pagsubok nang ma-diagnosed si Ernie ng prostate at colon cancer. Bago namaalam si Ernie hiniling nito kay Hazel na ayusin ang lahat mula sa pagpapaliwanag sa madilim na kanyang sinapit nang gahasahin siya. Tinupad ni Hazel ang huling kahilingan ni Ernie at siya'y hindi na muli bumalik pa sa Casa. Kahit na hindi pa pinapatawad si Hazel ng kanyang anak ay nangangako pa rin itong gagawin ang lahat. Tratrabuhin niya ang pagtanggap sa sarili upang sa ganoon ay tanggapin siya ng anak. II. Mga Aspektong Teknikal A. Musika Sa pelikulang “Casa”, ang musika at mga tunog na ginamit sa bawat eksena at bahagi ng pelikula ay angkop at mas nakatutulong upang maipakita sa mga tauhan ang kanilang damdamin at emosyon na nagbibigay ng magandang daloy ng kuwento. Nakikita natin na habang umaarte, nagagawa ng mga karakter na magbigay ng emosyon sa kanilang mga manonood. Sa pamamagitan ng pagdaragdag ng musika sa mga eksena, nagbibigay ito ng higit na pagsinta at sinseridad, at detalye sa anumang nangyayari. Ang musikang ginamit sa pelikulang ito ay nagbigay ng maraming dahilan para maramdaman ng bawat manonood ang mga emosyong inilalarawan ng mga tauhan ng kuwento. B. Sinematograpiya Ang sinematograpiya ng pelikula ay maganda at makulay. Maayos din ang pagkuha ng mga senaryo, hindi malabo ang mga nakukunan. Maganda ang mga visual effects, hindi nasobrahan sa effect, sakto lang. Sakto at maayos ang lahat ng sinematografi sa pelikula. Sa pangkahalatan, ang pelikulang “Casa” ay maganda at marami ring mga baong leksyon. C. Pagkasunud-sunod ng mga Pangyayari Maayos ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa pelikula at hindi nakakalito. Nang dahil dito lubos na naintindihan ang nais iparating na aral sa pelikula. D. Pagganap ng mga Artista Walang alinlangang tunay at matagumpay ang pagganap nina Mariz Racal at Iza Calzado as Hazel, Gerald as Bensyo, Maria Isabel Lopez as Nanay, soliman Cruz as Tatay, Tom Olivar as tiyohin, Eagle Rigger as Bakla sa casa, Jairus as jayson, Jordan as Berting, Nonie as Ernie Mga artista sa pelikulang Casa. Napaka-realistic ng pagpapakita ng damdamin ng bawat karakter kaya mas naapektuhan nito ang emosyon ng mga manonood. Ang kalidad ng kanilang pagganap ay mahalaga sa isang pangkalahatang kaalaman sa nilalaman ng pelikula dahil ito ay nagbibigay-daan upang malaman ang indibidwalidad ng bawat karakter at kung paano sila hinulma ng mga pangyayari. E. Tagpuan Malaking bahagi ang tagpuan sa kwento dahil ito’y nagbibigay ng matinding epekto sa mga manonood. Sa bar at sa Casa ang tagpuan kung saan ginanap ang mga eksena sa pelikula. III. KAHALAGAHANG PANTAO A. Paglalapat ng Teoryang Realismo Ang " Casa " ng maalaala mo kaya na kung saan ang pinapakita sa pelikula ay makatotohanan dahil sa hirap ng buhay ngayong dumating ang pandemic sa ating lugar maraming mga tao ang walang mahanap na trabaho, kaya't ang bagsak nila ay sa mga bar at kung saan na binebenta ang kanilang mga sarili o katawan sa kahit sinong tao basta may maibigay lang na pang kain ng kanilang pamilya. Ang isyu na itinalakay sa pelikula na aming maihahalintulad sa isyung nagaganap sa lipunan ay ang isyung diskriminasyon na kung saan ang babae ay ginahasa ng kanyang tiyuhin at kanyang ipinagtanggol ang kanyang sarili sa mga maling sinasabi sakanya ng kanyang mga tita at ina na malandi kahit na siya ay inosente pa lamang. Meron ding isyung edukasyon sa pelikula na kung saan simula ng nabuntis ng maaga ang babae ng kanyang tiyuhin ay tumigil siya sa pag aaral, ang kanyang natapos ay 1st year college at nagtrabaho sa casa ng matagal na taon. B. Paglalapat ng ibang Teoryang Pampanitikan Sa pelikulang " CASA " ng maalaala mo kaya ay may mga eksenang gumagamit ng iba pang teorya katulad na lamang ng teoryang romanismo na kung saan ang babaeng ginahasa ay nabigo sa pag - ibig dahil siya ay walang naging asawa sa kabila ng mga nangyayari sa kanyang buhay kahit na ang ama ng kaniyang anak ay hindi niya naging asawa dahil sila ay naging mag live - in partner lamang at ginamit lang si Hazel para sa pera. Ang pangalawang teorya ay ang teoryang moralismo na kung saan ang ugali sa pelikula ay maaaring maging ugali panghabambuhay ng mga manonood. At ang panghuling teorya ay ang teoryang imahismo na kung saan ang mga manonood ay mas maiintindihan ang pelikula dahil sa mga imahe o bidyo ng pelikula na magbibigay daan sa wastong mensahe ng pelikula katulad na lamang ng sa pinakita ni Hazel na pagiging isang mabuting ina sa kanyang anak na kung saan ay hindi siya tumigil sa paghingi ng tawad sa kanyang butihing anak upang sila ay magkaayos, sa pamamagitan ng bidyong iyon sa pelikula ay mas maiintindihan ng mga manonood ang mensaheng ibinibigay ng pelikula lalong lalo na sa mga kabataan na huwag makikipagrelasyon o magpapamilya ng maaga dahil sa hirap na ngayon ng buhay lalo na kung hindi pa nakapagtapos ng pag - aaral. C. Mga Aral Kristo Hazel - Si Hazel ay nagtrabaho sa kanyang tiyahin na kung saan ay may kapalit para sa kanyang pag - aaral. - Si Hazel ay isang anak na itinakwil ng kanyang mga magulang. - Si Hazel ay nagtrabaho sa Casa ng matagal na panahon dahil hindi siya nakapagtapos ng pag - aaral. - Si Hazel ay nabuntis ng maaga ng kanyang kinakasama na nagpasok sakanya na magtrabaho sa Casa. - Si Hazel ay nagtatrabaho para sa anak at pamilya ngunit ito ay kinukupit ng kanyang kinakasama. Pagkakatulad - Si Hazel at Kristo ay parehong may butihing puso sa mga mahal sa buhay. - Si Hazel at Kristo ay parehong nagsakripisyo para sa kapakanan ng kanilang mga mahal sa buhay kahit na ang kapalit ay kanilang mga kaligtasan. - Si Kristo ay ibinibigay ang nakabubuti para sa lahat ng walang hinihinging kapalit. - Si Kristo ay ang Panginoon nating lahat. - Si Kristo ay ang tagapagligtas ng mga inaapi. - Si Kristo ay mahal na mahal ng kanyang mga magulang. D. Kabuuang Pananaw Ang pelikulang " Casa " ay naiiba sa mga pelikulang aming pinapanood sapagkat ang mga pelikula ay magkakaiba ng mensahe ngunit itong pelikulang " Casa " ay kakaiba sapagkat madami tayong mapupulot na aral sa pelikula dahil ang pelikulang " Casa " ay naangkop sa atin ngunit dapat ang mga bata ay may gabay ng mga magulang sa panonood. Para sa amin ang pelikulang " Casa " ay karapat dapat panoorin na pelikula sapagkat sa panahon natin ngayon ay madami nang nabubuntis o nagkaka pamilya ng maaga pa lamang, upang sa gayon ang mga kabataan ay mamulat sa kanilang mga gagawin na desisyon na kung ang gagawin ba nilang paraan ay naaayon sa kanilang edad na magka asawa o hindi. Dahil sa panahon ngayon ang hirap mamuhay ng walang napag - aralan, kaya dapat ang mga kabataan ay mag - isip ng mabuti para sa ikakabuti ng inyong bubuuing pamilya upang sa gayon ay hindi lalaking mahirap ang inyong anak. Kaya dapat magtapos muna ng pag - aaral ang mga kabataan upang hindi tayo kung saan - saan naghahanap ng pagkakakitaan at upang hindi natin ipalit ang ating mga katawan para sa pera dahil ang pagtatapos ng pag - aaral at ang pag gawa ng tamang desisyon ang makabubuti para sa ating magiging pamilya. PAMAGAT NG PELIKULA: Casa Naaayon ang pamagat ng pelikula dahil ang sentro ng kwento ay sa Casa kung saan ay nagtratrabaho ang pangunahing tauhan na si Hazel bilang bayarang babae. Dito nakilala ni Hazel ang mga lalakeng nagdulot sa kanyan ng pagpapahirap at ang isa naman ay nagbigay sa kanya ng pag-asa upang magbagong buhay. PRODUKSYON: ABS-CBN Brodcasting Cooperation 1991 DIREKTOR: Jeffrey Jeturian Ang bawat eksena sa pelikula ay naiayos at organisado ang pagkakalapat nito. Sa pamamagitan nito ay naintindihan ang daloy ng kwento at ang nais nitong iparating sa mga tagapanood. Ibigay ang Buod ng Pelikula 1. Sinu-sino ang mga nagsipagganap sa pelikula? Suriin ang kaniing ginampanang karakter sa pelikula? Isa-isahin • Hazel (Iza calzado)- ang babaeng bayaran (a call girl). • Hazel (Maris raeal) - 14 taong gulang pagka dalaga ni Hazel. • Ernie (Nonie Buencamino) – isang kaibigan na nagbigay ng pag-asa at tumulong kay Hazel na makapag bagong buhay at umalis sa Casa. • Jayson (Jairus Aquino) - ang lalaking anak ni Hazel. • Berting (Jordan Herrera) - isang lalakeng nagpanggap bilang pulis at nagpakasal kay Hazel ngunit ang totoo nitong trabaho ay isang magnanakaw at mamamatay tao. • Bensyo (Gerald Madrid) - ang lalaking nag-alok kay Hazel na magtrabaho sa bar. Ama ni Jayson. • Maria Isabel Lopez artistang ginampanan ang karater bilang ina ni Hazel. • Soliman Cruz , artistang ginampanan ang karakter bilang ama ni hazel. • Eagle Riggs, artistang ginampanan ang karayer bilang isang bakla na nang bubugaw sa Casa. • Tom Oliver, artistang ginampanan ang karater bilang tito ni Hazel na gumahasa sa kanya sa murang edad. • Nor Domingo, artistang ginampanan ang karakter bilang ang lalakeng nangakong bibigyan siya ng pera para sa pag-aaral ni Hazel kapalit ng aliw. 2. Maayos ba ang pagkakalapat ng musika at tunog sa mga bahagi ng pelikula? Bakit? Ipaliwanag. Pagdating sa paglalapat ng musika, maayos nila nailapat ang mga ito sa bawat eksena at sa kani kaniyang eksena. Kapag malungkot ang eksena ay malungkot din ang tugtog. Sa ganitong pamamaraan, mas lalong napapaigting ang emosyon ng manonod habang pinapanuod ang Casa. 3. Maayos ba ang sinematograpiya ng pelikula? Maganda ba ang paghahalo ng mga kulay sa mga eksena ng pelikula? Masyado bang madilim o maliwanag, kulang o labis ang mga kulay na ginamit sa mga eksena ng pelikula. Sadyang kamangha mangha ang bawat eksena sa pelikulang ito dahil maayos at maganda ang mga kuha dito tulad na lamang ng kuha sa mga karakter na may magandang timing. Bawat anggulo o point of view ng isang karakter ay nabigyang hustisya ng kamera at hindi rin ito magulo o nakakahilo tulad ng iba. 4. Ang editing ng pelikula ay nagpapakita ba ng kahusayan ng pagkakatagni-tagni ng mahusay ng pelikula? Ipaliwanag. Oo, mahusay ang pagka tagni-tagni ng mga pangyayari sa pelikula. Walang nangyari na di magkaugnay sa pelikula at ito'y malinaw na naintindihan ng mga manonood. 5. Makatotohanan ba ang set design ng pelikula? May kakulangan ba o labis ang pagkakaayos ng set ng pelikula ayon sa hinihingi nitong mga eksena? Oo, wala itong naging kakulangan na kung tawagin ay walang labis walang kulang . Ito'y makatotohanan dahil naipakita o naibahagi nila ang totoong kwento ng buhay ng ibang tao . 6. Ang dereksyon ba ng pelikula ay nagpapakita ng kahusayan at kaayusan na pinakita sa kabuoan ng pelikula? Ipinakita ba ang ekspertis ng direktor sa kanyang pelikula? Ipaliwanag. Napaka husay ng direktor dahil nailapat nya ng maayos ang kwento na tungkol sa Casa at talagang mapapahanga ang mga tagapanood dahil ibinigay ang buong kahusayan sa pagiging direktor ng pelikula . 7. Ano ang kaisipan, mensahe at mga aral na makukuha mo sa pelikula? Bigyan mo ito ng sariling pananaw o pagtalakay. Ang aral na maaring makuha mo ay ang mga natutunan ng mga karakter sa teleserye/pelikula kagaya ng pagsisisi at ang pagiging matatag sa buhay na pwede mong isalamin sa iyong sarili para magamit mo ito sa pang araw-araw na buhay tama man ito o mali. Lahat ng tao ay nagkakaroon ng problema. Ito ay maaaring problema sa kalusugan, edukasyon, pagmamahal, pamilya, pera, at iba pa. Hindi natin masasabi kung kailan ito darating. Minsan ay paggising pa lang, may problema na agad na hinaharap. Tila ba, ang mga problema at pagsubok ay isang malakas na hampas ng alon sa isang kastilyong buhangin na kung saan ay ang sumisira sa buhay. Bagaman, huwag tayongg sumuko agad at sa halip ay alalahanin palagi ang salitang MATATAG. Gaano man kasakit ang nararanasang dagok, maging positibo pa rin sa pagharap nito. Malaki ang nagagawa at naitutulong ng isang positibong pananaw sa buhay upang kayanin ang hampas ng pagsubok dahil dito tayo makahuhugot ng lakas at tiwala sa sarili na makakaraos tayo mula sa pagdurusa. Sa bawat pagsubok na ating nalalampasan at napagtatagumpayan ay nakatutulong ito upang mas mahubog pa ang ating pagkatao. Ang mga napagdaanang problema ay tumutulong sa atin upang tayo ay mas lumakas at tumapang pa sa pagharap sa buhay. Mallig Plains Colleges, Inc. Casili, Mallig, Isabela S.Y. 2022-2023 ______________________________________________________________ PAGSUSURI SA PELIKULANG “CASA” Bilang Bahagi sa Pangangailanagan ng Asignaturang Panitkang Panlipunan Ipinasa nina: Marichris C. Doctor Maricar H. Ramos Jewel Agip Melody Alberto Lovely Joy Sacle Inilahad kay: Fern De Guzman