Uploaded by Rodel Tacuyan

Mga Gabay ng Magulang para sa MDL(Brochure)

advertisement
Mensahe
Bilang tugon sa kautusan ng
pangulo
na
ipagpaliban
ang
pagsasagawa ng face-to-face classes
hanggang sa magkaroon ng bakuna para
sa CoViD-19, ang Kagawaran ng
Edukasyon o DepEd ay magpapatupad
ng
Distance
Learning
Delivery
Modalities (DLDM) o malayuang paraan
ng pagbibigay kaalaman o pagkatuto sa
mga mag-aaral ngayong Taong
Panuruang 2020-2021. Ang hindi
inaasahang pagbabagong ito na marahil SDS NENE R. MERIOLES, CESO V
ang pinamalaking hamon para sa aming
mga taga-DepEd dahil sa ikli ng panahon ng paghahanda at limitadong
kagamitan. Subalit, sa kabila nito ay kailangang magpatuloy ang
pagkatuto ng ating mga mag-aaral kahit sa ganitong paraan.
Ang edukasyon ng kabataan ay nagsisimula sa tahanan
subalit hindi nangangahulugang kapag sila ay pumasok na sa paaralan
ay tapos na rin ang tungkulin ng mga magulang para sa pagkatuto nila.
Bagkus, dito magsisimula ang malawak na sagutin o tungkulin nila para
sa kanilang mga anak.
Bilang mga magulang, tungkulin nilang ipagpatuloy at
gampanan ang kanilang papel bilang katuwang ng paaralan at
kagawaran para sa kanilang mga anak. Kailangan nilang gabayan at
tulungan ang kanilang mga anak sa pag-aaral lalo na ngayong panahon
ng krisis. Ito ay upang maisakatuparan ang ninanais nilang magandang
kinabukasan at uri ng lipunan para sa kanilang mga anak.
Ang pagtutulungan ng tahanan at paaralan ay napakahalaga
para sa pagbibigay edukasyon sa ating mga kabataan. Napapagaan nito
ang kanilang pagkatuto. Magkakaroon ng bukas na komunikasyon sa
pagitan ng mga guro at mga magulang na magpapatibay sa tiwala,
respeto sa isa’t isa at sa proseso ng edukasyon.
Ang pamphlet na ito ay inihanda para sa mga
magulang/tagapag-alaga na magsisilbing guro o learning facilitator sa
tahanan. Ito ay maiging pinag-isipan mula sa pinagsama-samang ideya
upang makamit ng mga magulang ang pinakanais nilang edukasyon
para sa kanilang mga anak.
“It takes a village to raise a child,” ika nga sa isang kasabihan.
Patunay ito na sinomang kumakalinga sa mga bata ay may tungkuling
dapat gampanan para sa kanilang paglaki at pag-unlad sa buhay.
Magtulungan tayong lahat para hindi mahinto ang pagkatuto ng ating
mga kabataan sa kabila ng krisis na ating kinakaharap.
Republic of the Philippines
Habang wala pang katiyakan kung hanggang
kailan magtatagal ang pangmalayuang pagkatuto
o distance learning, isa lang ang sigurado, na ito’y
hindi panghabang buhay. Huwaran ng kabataan
ang nakatatanda kaya mahalagang matutunan nila
kung paano maging mahinahon at positibo nang sa
gayo’y
magkasamang
malalagpasan
ang
kinakaharap na krisis. Ang pagkontrol sa sariling
emosyon ay makatutulong upang ang kabataan ay
magbigay tuon sa kanilang pag-aaral sa darating na
taong panuruan.
Department of Education
Mga Gabay ng Magulang
at Tagapag-alaga Para sa
Modular Distance Learning
Ano ang Modular Distance Learning o MDL?
Ito ay ang learning delivery modality na pinili ng halos lahat na
magulang sa ating sangay batay sa Learner Enrollment and
Survey Tagging Facility (LESF) na kung saan ang mga bata ay magaaral gamit ang mga modules/self-learning modules.
Ano ang Module/Self-Learning Module?
 Kagamitan ng mag-aaral na naglalaman ng isang aralin na
isinulat sa paraang madaling mauunawaan at magagawa ng
mag-aaral kahit wala ang guro sa kaniyang tabi.
 Inihanda para sa remote o distance learning at sa independent
learning o sariling sikap sa pag-aaral.
 Ang MELCs o Most Essential Learning Competencies ng K to
12 BEP ang naging batayan sa pagsulat ng mga ito.
 Mas pinasimple at pinaikling aklat.
 Maraming mga gawain para sa bata upang malinang at
masukat ang kaniyang pag-unawa sa bawat aralin.
 May answer key sa dulo ng bawat module.
Mga Gabay ng Magulang Para sa Modular Distance Learning
Narito ang mga paraan upang maging epektibo ang pagaaral ng inyong mga anak sa New Normal.
1. Alamin ang iskedyul na ibinigay ng paaralan para sa
pagkuha at pagbalik ng mga modyul.
Sundin ang iskedyul na nakalaan upang magkaroon ng
sapat na social distancing sa paaralan.
Mga magulang o tagapag-alaga lamang ang pupunta sa
paaralan. Huwag isama o magsama ng mga bata.
Ang pagkuha at pagbalik ng modyul at portfolios ay
isasagawa ayon sa safety measures na inilabas ng IATF.
Magsuot ng face mask, magpa-check ng temperature sa
guard at gumamit ng alcohol.
Huwag kalimutang lagdaan ang attendance sheet.
Para sa mga magulang o tagapag-alaga na nasa
malalayong lugar, maglalaan ang paaralan ng mga lugar
sa ilang barangay na may nakatalagang taong
mangangasiwa para sa pagkuha at pagbalik ng mga
modules, sa pakikipagtulungan ng mga opisyal,
boluntaryong indibidwal at/o 4Ps municipal links.
Kasama sa mga ibabalik ay ang mga awtput at portfolio
ng mga bata.
Mga Gabay ng Magulang Para sa Modular Distance Learning
2. Ipaliwanag ang kasalukuyang sitwasyon sa mga bata.
Ipaliwanag kung bakit sa bahay sila nag-aaral
at hindi sa paaralan.
Huwag kalimutang banggitin at ipaliwanag ang
mga sumusunod na salita: virus, covid, stay at
home, physical distancing, quarantine,
pandemic, new normal, at iba pa.
3. Maglaan sa tahanan ng isang maayos at malinis na lugar para
sa pag-aaral ng inyong mga anak.
Mahalaga na magkaroon ng tiyak na oras at
lugar kung kailan at saan mag-aaral ang mga
bata sa inyong tahanan.
Mas makokondisyon ang kanilang isip na
maging handa sa pag-aaral kung sila ay may
lugar na ukol lamang para dito.
Alisin lahat na maaaring maging dahilan para mahati ang
atensyon nila (laruan, gadgets, mga alagang hayop,
kalaro, at iba pa).
4. Suportahan ang inyong mga anak sa kanilang mga gawaing
pampaaralan.
Ihanda ang lahat na kagamitan sa pag-aaral.
Subaybayan ang paggawa nila ng mga gawain.
Maaaring gumamit ng tseklist upang
masigurado na natapos nila ang mga gawain sa
takdang oras.
Bigyan ng kaukulang gantimpala o papuri ang mga bata
kapag natapos ang mga gawaing pampaaralan. Isa itong
paraan para sila’y mahikayat na lalo pang pagbutihin ang
mga gawain.
5. Tulungan ang inyong mga anak na matuto nang mag-isa o
maging independent learner.
Suportahan at hikayatin ang mga bata na
gawin ang kanilang makakaya para sa kanilang
pagkatuto. Kung kaya nilang matuto na sila
lang, hayaan natin sila.
Huwag
mabahala
kung
may
mga
pagkakataong nahihirapan sila sa aralin. Hindi
kinakailangang tulungan sila sa lahat-lahat
bagkus hikayatin silang masanay gumawa
nang mag-isa.
6. Pamahalaan nang maayos ang oras ng mga gawaing
pampagkatuto ng mga anak o magkaroon ng time
management.
Alamin sa guro ang nakalaang oras sa bawat
asignatura.
Maaaring ipaskil sa dingding ang mga iskedyul
ng bawat asignatura.
Ituring ang iskedyul na parang siya ay
pumapasok pa rin sa paaralan. Gawin ito sa
araw-araw upang masanay ang bata.
Mga Gabay ng Magulang Para sa Modular Distance Learning
Dapat maging mahigpit sa oras. Tingnan ang ginawa ng
mga anak para masigurong natapos ang mga gawaing
pagkatuto na inaasahan sa mga pinag-aralang mga
modules.
Maglaan ng ilang minutong pahinga.
7.
Subukang pag-aralan o basahin ang mga asignatura ng mga
anak.
Maging pamilyar sa pagkakasunod-sunod ng
mga aralin.
May ibibigay na Parents’ Guide para sa mga
modules upang masuri kung ano ang
inaasahang awtput sa bawat aralin sa lahat
na asignatura.
Tutukan ang pagbabasa at pagsusulat ng
bata lalo na sa K-3.
8.
Maging matapat sa lahat ng oras.
Huwag hayaan ang bata na kopyahin ang
susing sagot na nasa module.
Maging matapat sa pagwawasto ng mga
kasagutan.
Iwasang ikaw na mismo ang gagawa/sasagot
ng mga gawain.
Kung madalas nagkakamali ng sagot ang
bata, ipaliwanag mo kung bakit siya
nagkamali.
Iwasang maging grade conscious sa panahong ito. Ang
mahalaga ay may natutuhan ang mga bata.
9.
Mainam na magkaroon ng pisikal na aktibidad at ehersisyo.
Mag-isip ng mga bagay na makahihikayat sa mga
bata na tumulong sa mga gawaing bahay. Ito ang
tamang panahon para turuan sila upang maging
masipag at responsableng tao.
Magplano ng mga adhikaing pampamilya upang
ang bawat isa ay may gagawing makatutulong sa
pagpapaunlad ng pisikal at mental na aspekto ng
pagkatao.
10. Makipag-ugnayan sa guro.
Alamin kung sino ang magiging guro ng iyong
anak. Kunin ang kanilang contact number,
Facebook/Messenger account at email.
Ang bukas na komunikasyon sa pagitan ng
guro at magulang ay ang unang solusyon
kapag may katanungan ang bawat isa.
Huwag mahiyang sabihin sa guro ang lahat na
problemang mararanasan sa modyular na pagkatuto.
Ibigay din ang mga positibong dulot ng modyular na
pagkatuto sa iyong anak kung mayroon man.
Bigyan din ng pagkakataon na magkaroon ng
komunikasyon ang bata at guro (messenger, text, call) o
maaring magpadala ng liham sa kanila.
Parating tatandaan na ang kooperasyon ng magulang at
guro ang natatanging susi sa tagumpay ng bawat magaaral sa “new normal”.
Download