Princess Kyle E. Mañoza Talumpati Hindi natin laging buuin ang kinabukasan para sa kabataan ngunit kaya nating buuin ang ating kabataan para sa kinabukasan. Magandang araw sa lahat at Maligayang pagdating, aking kasiyahan na narito ngayon upang makipag-usap sa inyong lahat. Umaasa ako na ang aking mga salita ay magbibigay ng inspirasyon, magbibigay kaalaman at sama-sama tayong matuto at umunlad mula sa karanasang ito. Salamat sa iyong pagpunta dito at gamitin natin ang ating oras na magkasama. Bilang isang lider gagamitin ko ang aking boses para sa kapakinabangan sa pangkalahatang publiko gaya ng pagbibigay inspirasyon, pakikinig, maging bukas sa opinyon ng iba, pagiging determinado sa bawat pagsubok, at higit sa lahat responsibilidad at may respeto. Napansin ko ang pangangailangan na bigyang-pansin ang kalusugang pangkaisipan ng ating kabataan. Ang 'mental health' ay hindi dapat isawalang bahala, kundi dapat nating pagtuunan ng seryosong atensyon. Bilang Sk Chairman itataguyod ko ang mga pagsasanay at programa para sa 'Mental Health Awareness'. Gusto kong maging mas bukas tayo sa paksa, upang ang bawat isa sa atin ay maging mas maunawaan at handang magbigay - suporta sa isa't-isa. Alam nating lahat na nakaranas tayo ng 'stress' at 'depression'. Sa atin, Hindi ito madaling problema dahil kapag tayo ay makadanas nito mas nas maraming maapektuhan sa atin, ating pangarap, pag-aaral at ating sarili kaya gagamitin ko ang aking plataporma na "MENTAL HEALTH AWARENESS" at gagawa ako ng programa tungkol dito para lahat ng kabataan na makarinig nitong programa ay malaman nila kung paano nila malampasan ang ganitong problema ang sakit sa pag-iisip ay maaaring maging miserable sa iyo at maaaring magdulot ng mga problema sa iyong pang-araw-araw na buhay, tulad ng sa trabaho, paaralan kaya dapat bigyan natin ito ng pansin. At pangalawang plataporma ko ay bilang tagapagtataguyod ng aking kabataan. Ang aking pangunahing layunin ay ang nagbibigay ng prayoridad sa pagpapahalaga sa edukasyon ukol sa prevensyon ng maagang pagbubuntis. Narito ang aking plataporma: itataguyod ko ang masusing edukasyon tungkol sa kalusugan sa reproduksyon, responsableng pag-aaral at pagsusuri sa mga konsepto ng maagang pagbubuntis. Ang pinalawak na kaalaman ay magiging sandigan para sa mga kabataan sa paggawa ng matalinong desisyon, maglalagay ako ng mga kampanya sa komunidad upang magkaroon ng open at masusing diskusyon tungkol sa isyu ng maagang pagbubuntis. Ang pagtutulungan ng pamilya, paaralan, at lokal na pamahalaan ay mahalaga sa pagtatagumpay ng kampanyang ito, itaguyod ang mga programa na magbigay ng kasanayan sa pagsusuri sa perronal na pangangailangan at pangarap ng bawat kabataan. Ang pagbibigay ng oportunidad at kumpiyansa sa sarili ay magiging pundasyon ng maayos na pagpaplano ng buhay. Hinihikayat ko ang inyong suporta at boto sapagkat naniniwala ako na ang pangangalaga sa muntal health at prevention at early pregnancy ay nagbibigay daan sa mas malusong at mas maunlad na komunidad. Ako si Princess Kyle E. Mañoza, ang inyong tagapagtaguyod para sa isang mas mahusay na pangangalaga sa ating bayan.