Uploaded by abagatmj6

AGHAM PANLIUNAN (SEKSWALIDAD)

advertisement
Abagat, Ma. Jamil
AC21
Maagang Pagbubuntis ay Iwasan
Bastos, nakakatawa, hindi maganda, nakakahiya, at kadiri ang isa sa mga
sagot ng karamihang tao kapag napapakinggan ang salitang sex. Hindi natin maikakaila
na tayong mga pilipino ay sarado ang kaisipan sa usaping sex dahil iba ang dating saatin
nito o kaya naman kulang ang kaalaman natin dito. Ngayong panahon ang kaalaman sa
sex ay nararapat na paglaanan natin ng oras at bigyan ng aksyon lalo nat palaki na ng
palaki ang ating populasyon dahil sa maagang pabubuntis ng mga kabataan.
Ang kyuryosidad sa sex at walang kaalaman sa pagpaplano ng pamilya ay
isa sa mga kadahilanan ng mga kabataang maagang nabubuntis. Mararapat lang na
buksan natin ang ating mga kaisapan sa usaping ito dahil ang pagbubuntis ng mga
kabataan ay isa sa mga problema na kinakaharap ng ating bansa. Talaga namang
masasabi natin na nasa huli ang pagsisi, ang sex ay hindi lamang patungkol sa
panandaliang kaligayan nating mga tao ngunit dapat din tayong maging handa sa
maaring kapalit na dulot nito. Kung gaano kadaling gawin ang sex ay ganoon din kahirap
pagusapan ito lalo na kung tayo mismo ay hindi sapat ang kaalaman dito. Ang pag gamit
ng proteksyon ay mahalaga sa pagtatalik hindi lamang upang makontrol ang pag
dadalang tao ngunit para din hindi makahawa ng sakit kanino man.
Mahalaga na maimulat ang kaisipan ng mga kabataan sa usaping sex dahil
sila mismo ang karaniwang biktima ng maagang pagbubuntis. Dapat malaman at
maintindihan ng mga kabataan kung bakit may pagbabago sa kanilang katawan at hindi
ito dapat ikahiya gayung normal lamang ito, ngunit dapat din nilang malaman kung ano
ang mga maaaring bunga ng kanilang pagbibinata at pagdadalaga gaya ng pagbubuntis.
Ang sekswalidad ay di kaylan man magiging katawa tawang usapin lalo na dahil malaki
ang kapalit nito, kung ang mga karamihan sa mga matatanda ay kulang pa din ang
nalalaman tungkol sa sekswalidad paano nalamang kaya ang mga kabataan na
nagsisimula pa lamang akilalanin at alamin ang salitang ito.
Hindi lamang sa kabataan na maagang nabuntis madadama ang dulot nito
ngunit pati na din saating bansa dahil ang unti unting paglobo ng ating populasyon ay
maaaring magdulot ng kahirapan sa ating mga tao. Ang pagbubuntis ay hindi kasing dali
ng pagbuo ng bata, masasabi natin na sa bawat sarap may kapalit na hirap. Imbes na pag
aaral ang pinoproblema ng bawat kabataan ngayon , napalitan ito ng problema ng
maagang pagbubuntis. Hindi masama ang pagkakaroon at pag buo ng pamilya kung
dumaan ito sa tamang proseso at maayos na pagpaplano. Ang kabataan na inaasahan ng
bayan ay siyang dapat na mag tanggol sa ating kinabukasan ngunit anong nangyayari
saatin ngayon na kabataan na ang nagiging problema nitong ating bayan?
Maraming sang ayon sa pagkakaroon ng edukasyon sa sekwalidad upang
maagang maimulat ang mga kabataan ngunit mayroon din namang ayaw sa kadahilanang
maaring mas malapit ang kabataan sa sekswalidad at mas lalong lumaki ang kyuryosidad
nila dito. Kung tutuusin wala sa bata ang problema kung hindi nasa matatanda na mas
nakaka alam sa usaping sekwalidad dahil sila dapat ang nagtuturo sa mga kabataan kung
ano nga ba ang tamang gawain at hindi magandang gawain sa sekwalidad. Ang
pagpaplano ng maayos at edukasyon sa sekswalidad ay ang maaring maging solusyon
upang maiwasan ang maagang pagbubuntis at ang paglobo ng ating populasyon.
Bilang isang kabataan ang sekswalidad ay hindi kaylan man magiging
problema kung lahat tayong mga tao ay may sapat na kaalaman at bukas ang isipan
tungkol dito dahil ang pagkakaroon ng kaalaman ay isa lamang sa mga kapangyarihan na
mayroon tayo. Hindi masama ag pagiging mulat natin sa sekwalidad dahil ito lamang ay
paghahanda sa reyalidad. Hindi natin maikakaila na dapat nating pag usapan ang usaping
sekwalidad gayong isa na ito sa ating kinakaharap na problema ng ating bansa. Maging
bukas ang kaisipan upang ang maagang pagbubuntis ay maiwasan.
Download