Ang Kuwento ng Isang Buto Ang tagal ko nang nakakulong sa madilim na lugar na ito. Kailan ba ako makalalabas dito. Naririnig ko ang iba't ibang ingay sa labas pero hindi ko naman makita kung saan nanggagaling ang mga ito. "Twit! Twit! Twit!" Ang ganda ng tunog pero hindi ko naman nakikita. "Joey, saluhin mo ang bola!" "Nasalo ko, 'Tay! Yeheyy!" Ang saya-saya ng mga boses na iyon. Sino kaya sila? Gusto kong makita ang lahat ng mga nangyayari. Ayoko rito... Ayoko sa madilim na lugar na ito. "Tay, mukhang hinog na ang abokadong iyon." Naririnig ko na naman ang mga boses. Parang papalapit sa akin. "Hinog na nga ito. Pipitasin ko na para sa iyo," sabi naman ng malaki at mababang boses. Ayy!! Gumagalaw ako! Ano ang nangyayari? "Heto na ang abokado. Gusto mo na bang kainin. anak? Bibiyakin ko na," sabi ng tinig na malaki at mababa. "Opo, opo. Gusto ko na pong kainin iyan," sabi naman ng maliit at matinis na boses. Nakasisilaw ang liwanag! Nakita ko agad ang mukha ng naririnig kong mga boses. Ang mallit at matinis na boses palá ay sa batang si Joey. Ang malaki at mababang boses naman ay sa kanyang tatay. "Ang sarap ng abokado, 'Tay!" tuwang-tuwa si Joey habang kinakain ang hinog na prutas. "Joey, tingnan mo ang buto ng abokado. Ang laki! Ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaking buto!" gulat na sabi ng tatay. Pero hindi mahalaga sa akin ang tungkol sa laki ko. Ang mahalaga'y nakalabas na ako sa madilim kong kulungan. Ang ganda palá sa labas. Maliwanag, maganda, makulay! Hay salamat! Dalá-dalá pa rin ako ng tatay. Tuwang-tuwa siya habang ipinakikita ako sa kanyang mga kaibigan. "Kakaibang buto nga iyan, Pare. Tiyak na magiging magandang puno iyan." Hindi ko maintindihan ang sinasabi ng mga tao. Anong kakaiba? Anong punò? A, ewan. Ang mahalaga lang ngayon wala na ako sa madilim na lugar na 'yon. Pero ano ang ginagawa ng tatay? Naghuhukay siya sa lupa. At inilalagay niya ako sa hukay na iyon! "Ayoko rito! Ayoko na sa madilim! Ayoko! Hu-hu-hu! Pakawalan ninyo ako!" Pero walang nakaririnig sa akin. Wala na rin akong naririnig. Madilim, malamig, at tahimik ang lugar na ito. Mabuti pa noong nasa loob ako ng bunga dahil naririnig ko ang mga nasa paligid. Ngayon, wala na akong naririnig. Bakit pinaparusahan ako ng ganito? Ayoko rito... Hu-hu-hu! Paglipas ng ilang araw ay may napansin akong pagbabago sa akin. May kulay berdeng bagay na lumalabas mula sa aking katawan. May mga pino at tila sinulid ding bagay na lumalabas sa akin. At humahaba pa ito. At ano ito? ""Tay may dahon na ang itinanim nating abokado!" ang sabi uli ng boses ni Joey. Nakaririnig na uli ako! At nakikita ko na uli ang mundo! Si Joey at ang tatay niya, nilalagyan ako ng tubig. Dinidilig ang tawag dito. Nakikita ko na silal Nakikita ko na uli ang liwanag! Yeheyll Yehey! "Isa ka nang munting puno," ang sabi ng katabi kong puno ng suha. "Masuwerte ka, Mabait at maalaga sa mga pananim ang mag-amang iyan," dugtong pa nito. Sa bawat araw ay napakaraming magagandang bagay na nangyayari sa akin. Dumami ang aking mga dahon at tumataas ako! May mga pugad na rin ng ibon sa mga sanga ko. Lagi kong napapanood ang paglalaro nina Joey at tatay ng bola. Hanggang sa hindi na naglalaro ng bola si Joey dahil tulad ko'y lumaki at tumangkad na rin siya. Binata na si Joey. At nagsimula akong mamulaklak. Lalo pa akong inalagaan ni Joey. Hanggang sa ang mga bulaklak ko ay naging mumunting bunga na unti-unting lumalaki araw-araw. "Joey, hinog na yata ang mga bunga ng abokado." narinig ko uli ang boses ng tatay ni Joey. "Oo nga Tay. Aakyatin ko po," ang sabi ni Joey. Pero iba na ngayon. Mas matangkad na si Joey kaysa sa tatay niya. "Heto na po, gusto n'yo na bang kainin dito? Bibiyakin ko na ito." ang sabi pa ni Joey. "Sige." ang sabi ng matandang lalaki. "Wow! Ang sarap ng abokado. At ang laki ng butol" at ito na naman ang simula ng Isang bagong buhay puno.