Uploaded by Roland montalban

204024093-Detailed-Lesson-Plan-in-Araling-Panlipunan-for-Final-Demonstration

advertisement
TOMAS CLAUDIO MEMORIAL COLLEGE
Morong, Rizal
Elementary Department
Special Education
Demonstration Lesson Plan in Araling Panlipunan 1
I. Layunin
Sa loob ng animnapung (60) minuto na aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
a. Natutukoy ang impormasyon tungkol sa sariling paaralan: pangalan, lokasyon, at
mga bahagi
b. Nasasabi ang kahalagahan ng paaralan sa buhay ng bata
c. Nakukulayan ng tama ang pisikal na kapaligiran ng paaralan
II. Paksang Aralin
Paksa:
Sanggunian:
Kagamitan:
Pagpapahalaga:
“Ang Aking Paaralan”
Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 1
Alma M. Dayag (pahina 161-166)
Mga iba’t ibang larawan na kadalasan nakikita sa paaralan
(Flashcards), Mga larawan ng mga bahagi ng paaralan (Slide
Presentation), Laptop, DLP, Pisara, Yeso, Tsart, Talang Gawain
at Sagutang Papel
Kahalagahan ng paaralan sa buhay ng bata.
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Gawain ng Guro
1. Panalangin
-Magsitayo ang lahat para sa
panalangin. (Susundan ng bata
ang pagbigkas ng guro ng
panalangin)
Gawain ng Bata
TCMC Ecumenical Prayer
Panginoon, maraming salamat po
sa dakilang araw na ito! Kami po ay
nagpupuri at niluluwalhati ang inyong
mga kaloob na biyaya sa amin.
Gabayan po ninyo kami sa aming
pag-aaral at pagtuklas ng bagong
kaalaman na magtataguyod sa amin
upang
maging
mahusay
mong
tagapaglingkod.
Ipadala po ninyo ang inyong
banal na Espiritu upang magningas sa
puso ng bawat isa sa amin ang maalab
na pagnanais na maging mahusay na
mamamayan na may malasakit sa
pamilya, kapwa, kalikasan at sa mahal
na bansang Pilipinas.
Ang lahat ng ito ay hinihiling
naming sa matamis at dakilang
pangalan
ni
Hesus
na
aming
tagapagligtas. Amen.
2. Pagbati
-Magandang umaga mga bata!
-Maaari nang umupo ang lahat.
Magandang umaga din po, Sir John!
3. Balitaan
-Ang araw ngayon ay Martes, ano
ang araw ngayon? Exodus?
Ang araw po ngayon ay Martes.
-Ang araw kahapon ay Lunes, ano
ulit ang araw kahapon? Sam?
Ang araw po kahapon ay Lunes.
-Ang petsa ngayon ay ika-isa ng
Oktubre, taon dalawanglibo at
labingtatlo, ano ang petsa ngayon?
Zaldy?
Ang petsa po ngayon ay ika-isa ng
Oktubre,
taon
dalawanglibo
at
labingtatlo.
-Ang panahon ngayon ay Maaraw,
ano ulit ang panahon ngayon?
Vincent?
Ang panahon po ngayon ay Maaraw.
-Maaari bang tumayo ang mga
batang lalaki? Ilang batang lalaki
ang pumasok ngayon? Patrick?
Pitong batang lalaki po ang pumasok
ngayon.
-Maaari bang tumayo ang mga
batang babae? Ilang batang babae
naman ang pumasok ngayon?
Jilliane?
Dalawang batang
pumasok ngayon.
-Maari mo bang iulat kung ilan lahat
ang mga batang pumasok na nasa
baitang isa? Gab?
Siyam po lahat ang mga
pumasok na nasa baitang isa.
4. Balik-Aral
-Kahapon ay pinag-aralan natin ang
aralin tungkol sa “Ang Aking
Pamilya” na kung saan ay pinagaralan natin ang mga kasapi ng
isang pamilya.
-Sinu-sino ang mga kasapi ng isang
karaniwang pamilya? Magbigay ka
ng isa, Jasmine?
Tatay po!
-Magaling!
-Sino pa ang kasapi ng isang
karaniwang pamilya? Mark?
Nanay po!
-Tama!
-Bukod sa tatay at nanay, sino o
sinu-sinu pa ang mga kasapi ng
isang
karaniwang
pamilya?
Exodus?
Anak o mga anak po!
babae
po
ang
batang
-Magaling!
-Napag-aralan din natin ang mga
tungkulin ng mga kasapi ng
pamilya.
-Anu-ano ang mga tungkulin ng
tatay at nanay? Sam?
Ang tatay at nanay po ang nagtutulungan
sa
pagha-hanapbuhay,
paggawa sa bahay at pag-aalaga sa
mga anak.
-Tama!
-Ano naman ang tungkulin ng mga
anak? Zaldy?
Ang anak naman po ang tumutulong sa
gawaing-bahay.
-Magaling mga bata, natutuwa ako
dahil natandaan niyo pa ang pinagaralan natin kahapon.
B. Pagganyak
-Mga bata, may ipapakita ako sa
inyo na iba’t ibang larawan. Ang
mga larawan na ito ay may
kinalalaman sa ating aralin.
(Upuan)
(Kompyuter)
(Mga Bola)
-Anu-anong mga larawan ng bagay
ang inyong nakita? Magbigay ng
isa, Vincent?
Upuan po.
-Tama!
-Anu pang bagay ang iyong nakita?
Patrick?
-Magaling!
Libro po.
(Libro)
(Pagkain)
(Lagayang Gamot)
-Magbigay ka pa ng isang bagay na
nasa larawan, Jilliane?
Kompyuter po.
-Tama!
-Anong bagay
larawan, Gab?
pa
ang
nasa
Pagkain po.
-Magaling!
-Magbigay ka pa nga ng isang
bagay na nasa larawan, Jasmine?
Mga Bola po.
-Tama!
-Bukod sa upuan, libro, kompyuter,
pagkain at mga bola, ano pang
bagay ang nasa larawan, Mark?
Lagayan ng Gamot po.
-Magaling!
-Sa tingin ninyo saan kaya madalas
makita ang mga bagay na inyong
nakita?
Sa paaralan po!
-Tama ang lahat ng inyong mga
sinabi, ang mga bagay tulad ng
upuan, libro, kompyuter, pagkain,
mga bola at lagayan ng gamot ay
kadalasang nakikita natin sa loob
ng paaralan.
-Ngayon ay tutungo na tayo sa
ating bagong aralin, handa na ba
kayo?
C. Paglalahad/Talakayan
(Magpapakita ang guro ng “slide
presentation” para sa bagong
aralin)
-Ang pag-aaralan natin ngayon ay
tungkol sa “Ang Aking Paaralan”
Ang Aking Paaralan
-Ang
paaralan
ay
mahalaga
-Opo!
sapagkat dito natututo ng maraming
bagay ang mga batang tulad ninyo.
-Ang paaralan ay tulad ng
pangalawang tahanan at ang mga
guro
naman
ang
ating
pangalawang magulang.
Tomas Claudio Memorial
College
-Ang pangalan ng ating paaralan ay
Tomas Claudio Memorial College.
Ang lokasyon ng ating paaralan ay
nasa Taghangin, Morong, Rizal.
-Ano ang pangalan
paaralan? Gab?
ng
ating
-Ang pangalan po ng ating paaralan ay
Tomas Claudio Memorial College.
-Magaling!
Mga Iba’t Ibang Bahagi ng Paaralan
-May iba’t ibang bahagi ang
paaralan tulad ng silid-aralan, silidaklatan, kompyuter rum, kantina,
gymnasium at klinika.
- Anu-ano ang mga bahagi ng isang
paaralan? Magbigay ng isa,
Jasmine?
Silid-aralan po.
-Tama!
-Ano pa ang bahagi ng paaralan?
Mark?
Silid-aklatan po.
-Magaling!
-Magbigay ka pa ng isang bahagi
ng paaralan, Exodus?
Kompyuter Rum po.
-Tama!
-Ano pa ang bahagi ng paaralan,
Sam?
Kantina po.
-Magaling!
-Magbigay ka pa nga ng isang
bahagi ng paaralan, Zaldy?
Gymnasium po.
-Tama!
-Bukod sa silid-aralan, silid-aklatan,
kompyuter
rum,
kantina
at
gymnasium, ano pa ang bahagi ng
paaralan, Vincent?
Klinika po.
-Magaling!
-Makatutulong ang mga bahaging
ito para lalo pang matuto ang mga
mag-aaral.
-Ito ang silid-aralan. Dito nagtuturo
ang mga guro at natututo ang mga
mag-aaral.
Silid-Aralan
-Anong
bahagi
ng
paaralan
nagtuturo ang guro at natututo ang
bata? Patrick?
-Tama!
-Ito naman ang silid-aklatan. Dito
natin madalas makikita ang mga
aklat at magasing nagagamit ng
mga mag-aaral sa kanilang pagaaral.
Sa silid-aralan po.
Silid-Aklatan
-Saan madalas nakikita ang mga
iba’t ibang aklat? Jilliane?
Sa silid-aklatan po.
-Magaling!
-Ang ibang paaralan ay may mga
espesyal na siliid tulad ng
kompyuter rum. Dito natututo ang
mga bata na gumamit ng
kompyuter.
Kompyuter Room
-Anong
bahagi
ng
paaralan
natututong magkompyuter ang
mga batang katulad niyo? Gab?
-Tama!
-Ito ang kantina. Dito bumibili ng
masusutansiyang
pagkain
at
kumakain ang mga mag-aaral.
Kantina
Sa kompyuter rum po.
-Saan madalas bumibili ang mga
bata ng masustansiyang pagkain?
Jasmine?
Sa kantina po.
-Magaling!
-Ang paaralan ay karaniwang
mayroon ding gym o gymnasium
kung
saan
ginagawa
ang
malalaking okasyon tulad ng
pagtatapos o graduation.
Gym
-Anong bahagi ng paaralan
madalas
ginaganap
ang
graduation? Mark?
Sa gymnasium po.
-Tama!
-Ito ang klinika. Dito binibigyan ng
pangunang lunas o gamut ang
mga simpleng sakit ng mga magaaral.
Klinika
-Saan naman binibigyan ng
paunang lunas kapag nagkasakit
ang mga bata? Exodus?
-Magaling!
-Ang ating paaralan ay mahalaga
dahil ito ang ating pangalawang
Sa klinika po.
tahanan kaya’t ating mahalin at
ipagmalaki dahil dito tayo natututo
ng maraming mabubuting bagay.
D. Paglalahat
-Mga bata, may ipapakita ako sa
inyong larawan at sasabihin ninyo
sa akin kung ano ang inyong
nakikita, Sam?
Tomas Claudio Memorial College
-Ano ang
paaralan?
pangalan
ng
ating
Tomas Claudio Memorial College
-Anu-ano pa ang mga larawan na
inyong nakikita?
Silid-aralan po.
Silid-aklatan po.
Kompyuter rum po.
Kantina po.
Gymnasium po.
Klinika po.
-Ano ang tawag natin sa mga lugar
na nabanggit?
Mga bahagi po ng paaralan.
-Maari mo bang basahin
nakasulat sa pisara, Zaldy?
1. Ang pangalan ng ating paaralan ay
Tomas Claudio Memorial College.
2. May iba’t ibang bahagi ang paaralan
tulad ng silid-aralan, silid-aklatan,
kompyuter rum, kantina, gymnasium
at klinika.
ang
-Maari mo bang bashing muli ang
nakasulat sa pisara, Exodus?
-Sabay sabay nating basahin ang
nakasulat sa pisara.
E. Paglalapat
-Bakit mahalaga ang paaralan sa
buhay ng isang batang tulad mo?
Zaldy?
-Paano
mo
maipapakitang
mahalaga sa iyo ang paaralan mo?
Vincent?
F. Talang Gawain
-Ngayon naman ay bibigyan ko
kayong lahat ng isang Talang
Gawain. Maaari niyo bang ilabas
Ang paaralan po ay mahalaga dahil dito
po natututo ng maraming bagay ang
mga bata.
Sa pamamagitan po ng pagpapanatili ng
kalinisan po ng paaralan.
ang inyong mga pangkulay?
-Babasahin ko ang
inyong susundan.
panuto
na
Panuto: Kulayan ang larawan ng
paaralan tulad ng larawan
na nasa ibaba.
-Bibigyan ko kayo ng sampung (10)
minuto para sa pagkukulay.
-Maaari niyo nang ipasa ang inyong
mga talang gawain.
IV. Pagtataya
-Ngayon naman ay bibigyan ko kayong
lahat ng Sagutang Papel para naman
sa isang maikling pagtataya. Ito ay
inyong sasagutan sa loob ng limang
(5) minuto.
-Babasahin ko ang panuto na inyong
susundan.
Panuto: Pagduktungin
ang
mga
larawan ng bagay na nasa
Hanay A sa mga larawan ng
bahagi ng paaralan na nasa
Hanay B.
V. Takdang Aralin
Gumupit ng iba’t ibang larawan ng bagay na makikita sa loob ng paaralan.
Lagyan ng pangalan kung saang bahagi ng paaralan ito makikita. Idikit ito sa
inyong kwaderno.
Talang Gawain
Pangalan:
____________________________________________________________________________________
Petsa:
______________________________
Panuto: Kulayan ang larawan ng paaralan tulad ng larawan na nasa ibaba.
Sagutang Papel
Pangalan: _________________________________________________________________
Petsa:
____________________
Nakuha:
__________
Panuto:
Pagduktungin ang mga larawan ng bagay na nasa Hanay A sa
mga larawan ng bahagi ng paaralan na nasa Hanay B.
HANAY A
1.
2.
3.
4.
5.
HANAY B
Inihanda ni:
JOHN EMMANUEL H. VILLARIÑA
Gurong Nagsasanay
Iwinasto ni:
MS. BERNADETH B. RIVERA
Gurong Tagapagsanay
Sinuri ni:
G. RUEL G. MANALO
Head Teacher, Elementary Department
Pinagtibay ni:
G. DINDO C. PUNZALAN
Principal
Download