Florenz T. Gravino 12E 2/2/2022 Tagaytay: Ang pagkukrus ng landas ng aral at puso Bilang pag simula, kami ng pamilya ko ay naglakbay sa tagaytay upang pumunta sa isang kasal na naganap noong Enero 16, 2022. Ang pangunahing adyenda man namin ay ang kasal ngunit ang hinahangad naming lahat ang pag lakbay sa Tagaytay. Habang naghahanda, paalis ng bahay dama na namin ang saya at pananabik sa paglalakbay. Sa paglalakbay na ito ay hindi lang ang iba’t ibang emosyon ang aking naranasan subalit marami rin akong mga napulot na aral sa bawat pangyayaring naganap. Unang impresyon ko sa pagkita na habang ang mga gusali ay nagiging puno at nagiging rural ay napaka ganda talaga ng pilipinas. Ang Sining ay isa sa mga bagay na maipagmamalaki ng Tagaytay, mula sa mga gusaling napaka ganda hanggang sa mga tindahan na gawa lamang ng kahoy ngunit napaka-ganda. Isa sa aking mga komento ng maka-abot kami sa lugar ng kasal ay totoo nga talagang napaka-taas ng Tagaytay. Sa haba ng pag maneho naming dalawa ng kuya ko, sa taas ng pag-akyat ng aming sasakyan kitang-kita mo ang ganda at Makapigil hiningang tanawin ng Tagaytay. Sa dinami ng puno at gusali dun at ang pinaka magandang tanawin na ang Bulkang Taal. Habang nag-aantay sa kasal, habang nag lilitrato ang mga tito at tita, kitang kita ko ang ganda ng mga ikakasal, lahat ng paghahanda nila at pagmamahal makikita mo sa lugar kung saan ginanap ang naturang kasalan. Naganap ang kasal at ang reception, hindi lang ang kultura at ekonomiya ng Tagaytay ang natutunan ko ngunit ang pagmamahal din ng dalawang tao. Natuto rin ako dito ng mga bagay na kailangan ko ayusin upang maging matyur para sa mapapangasawa ko sa hinaharap. Namamangha, natututo, at sinasalamin iba ang pagmamahal ng dalawang tao at ito rin ang rason kung bat ako ay buhay ngayon. Sa pagmamahal ng aking magulang ay ang sanhi kung bat kaming tatlo ay nandito. Sa kasal na ito hindi lang iyakan at tawanan ang nanyare ngunit nagturo rin ito sakin na magmamahal sa sarili, sa magulang, at sa iba. Masaya man ang ganapan subalit matatapos din ito sa isang punto. Habang pauwi ang lahat karamihan ng tao mas lalo ang mga kinasal ay ang ngiti ay abot tenga, iba naman ay umiyak. Bago kami umuwi ng pamilya ko ay umikot muna kami ng tagaytay dun din kami natuto na Relihiyoso pala talaga ang mga tao roon. Sinulit namin ang oras namin dun at sinubukan ang iba’t ibang kilalang pagkain sa tagaytay tulad ng buko pie at bulalo, ayon sa pananaliksik bagay daw ang mga gantong pagkain sa Tagaytay dahil malamig ang itong klima. “Fun fact” nga pala, ang pinya ay ang pinakamasaganang prutas na tumutubo sa Tagaytay dahil sa malamig netong klima. Sa sobrang kilala ng pinya sa Tagaytay meron itong kapistahan na tinatawag na Pilipinyahan Summer Festival. Lahat ng ito ay aming nasubukan bago umuwi sa aming tahanan. Bukod sa saya ang naidulot ng paglakbay namin tungo sa tagaytay marmi rin kaming natutunan sa huli. Nagsimula ang aming paglalakbay ng nakangiti at ito’y natapos ding nakangiti. Sa aking paglalakbay hindi lang kasayahan ang aking naranasan ngunit marami rin akong natutunan. Natutunan ko ang ekonomiya at kultura ng Tagaytay at ang pinaka-mahalaga sa lahat ay ang pagmamahal. Malayo man o malapit, tayo ay laging naglalakbay at anumang hirap o saya ang ating mararanasan, sa huli tayo ay matututo rin. Hanggang sa muli at paalam.