KING’S COLLEGE OF MARBEL INC. Brgy. Morales, City of Koronadal South Cotabato, Philippines BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8 Kwarter: 3 Linggo: 3 Bilang ng Oras: 1 Oras Kwarter Topic: Kasaysayan ng Daigdig Guro: Charlene S. Balisalisa Lesson Topic: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Pamantayang Nilalaman Ang mga mag-aaral ay nakapagpapamamalas ng pagunawa sa kaugnayan ng heograpiya sa pagbuo at pagunlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay mayroong malawak na kaalaman at malalim na pag-aanalisa sa mga mahahalagang pangyayaring naganap sa iba’tibang kabihasnang umusbong sa daigdig. Pamantayan sa Pagkatuto Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig (AP8HSK-If-6) II. Layunin: Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. Nasusuri ang pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig: pinagmulan,batayan at katangian; b. Nasusuri ang impluwensiya ng heograpiya sap ag unlad ng mga sinaunang kabihasnan c. Makabuo ng konsepto at terminolohiya batay sa heograpiya ng isang kabihasnan gamit ang Triple Matching Time Diagram Nilalaman III. Paksa: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Sanggunian: Salenga, B., Santingyaman, J., & Espino, Z. (2018). Yugto: Worktext sa Araling Panlipunan (Unang Edisyon) [Book]. Dreambooks Publication. Pages: 88-97Blando, Rosemarie,et.al.Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba ( Modyul ng Mag-aaral ), Project EASE pahina 105-115 Mga Kagamitan: Powerpoint presentation, cellphone, aklat at telebisyon. Pamaraan 4As I. Teaching Episodes Gawain ng Guro Gawain Mag-aaral A. PANIMULANG GAWAIN 1. Pagbati 2. Panalangin 3. Pagsisiyasat ng atendinsya Magandang Umaga mga bata Bago natin simulan ang lahat ay nais ko munang tumayo ang lahat para sa isang panalangin. (pagtugtog ng instrumental na makalangit na awitin) “Maraming salamat! Maaari ng maupo ang lahat.” “Magandang umaga maam” “Mayroon bang lumiban ngayong araw?” “Wala po, maam” KING’S COLLEGE OF MARBEL INC. Brgy. Morales, City of Koronadal South Cotabato, Philippines 4. Pagbabalik aral Ngayon, bago natin simulan ang ating panibagong aralin sa araw na ito ay nais ko munang magbalik tanaw tayo sa nakaraan. Balikan muna natin ang ating tinalakay kahapon. “Ano ba ang ating leksyon kahapon?” “Tama. Maraming salamat.” “Ang huli po nating tinalakay ay tungkol sa Heograpiya ng Daigdig.” ”Ano-ano ba ang natutunan niyo sa ating leksyon kahapon?” “Sige, mag-aaral 1” “Ang natutunan ko po ay tungkol sa mga uri ng Heograpiyang Pisikal na binubuo ng Limang Tema ng Heograpiya, Lokasyon, Topograpiya, at mga katangian ng pisikal na daigdig.” “Mahusay! Maraming salamat.” 5. Pagpresenta ng Layunin at Paksa Ngayong araw ay may bago naman tayong tatalakayin. Maari ba ninyong basahin ng sabay-sabay ang Layunin na nasa TV Monitor? “Opo, maam.” (nagsibasa ang lahat) B. PAGGANYAK “Maraming Salamat.” Ngayon ay may ipapakita akong mga larawan at tukoyin ninyo ang kaugnayan sa kasaysayan nito sa ating sinaunang daigdig. (nagsitinginan sa TV Monitor) KING’S COLLEGE OF MARBEL INC. Brgy. Morales, City of Koronadal South Cotabato, Philippines “Sa unang larawan, anong ugnayang nagpapakita rito, bigyan ng interpretasyon.” (ang mga magaaral ay nagsitaasan ng mga kamay.) “Sige, mag-aaral 1” “Ang unang larawan ay nagpapahiwatig ng isang bato na inukit at kadalasang nakikita sa mga sinaunang panahon” “Magaling!” “Ano naman ang pangalawang larawan?” (ang mga magaaral ay nagsitaasan ng mga kamay.) “Sige,mag-aaral 2” “Ang ikalawang larawan naman ay nagpapakita ng isang lugar na kadalasang nakikita sa lugar ng India” “Magaling!” C. PAGTALAKAY 1. GAWAIN Pagpangkat-pangkatin ng guro ang mga mag-aaral sa limang grupo. Magbibigay ang guro ng mga letra ng salita at ang mga mag-aaral ay buuin nila ito basi sa kahulugang ibinigay. PANUTO: Kumpletuhin ang mga tinutukoy sa bawat pahayag. Isulat ang mga letra sa patlang. 1. __ U __ E __ F __ __ M - paraan ng pagsulat ng mga Sumerian KING’S COLLEGE OF MARBEL INC. Brgy. Morales, City of Koronadal South Cotabato, Philippines 2. P __ __ S __ A –Kahariang pinagmulan ni Cyrus the Great. 3. __ R __ Q - Kasalukuyang tawag sa malaking bahagi ng Mesopotamia. 4. M __ S O __ O __ A M __ __ itinuturing na lunduyan ng kabihasnan. 5. __ A __ Y L __ __ – sentro ng Babylonia. “Unang pangkat, base sa iyong sagot ano ang unang salita?” “Ang unang salita ay Cuneiform kung saan ito ang tawag sa paraan ng pagsulat ng mga Sumerian” “Magaling!” Maraming Salamat group1, OK Pangalawang pangkat naman. Base sa inyong kasagutan, ano ang ikalawang salita na inyong nabuo?” “Mahusay!” “Ikatlong pangkat, base sa iyong sagot ano ang ikatlong salita?” “Magaling!” “Ika-apat na pangkat naman. Base sa inyong kasagutan, ano ang ika-apat na salita na inyong nabuo?” “Mahusay!” “Ang ikalawang salita na aming nabuo ay salitang Persia, kung saan ito ay isang kaharian na pinagmulan ni Cyrus the Great” “Ang ikatlong salita ay Iraq, kung saan ito ay tinawag sa kasalukuyang malaking bahagi ng Mesopotamia. “ “Ang ika-apat na salita ay Mesopotamia na kung saan ito ay itinuturing na lunduyan ng kabihasnan.” “At ang panghuling salita ano ang inyong kasagutan , ikalimang pangkat?” “Ang panghuling salita ay Babylon, na kung saan ito ang tinaguriang KING’S COLLEGE OF MARBEL INC. Brgy. Morales, City of Koronadal South Cotabato, Philippines “Magaling!” sentro ng Babylonia.” “ Maraming palakpak para sa lahat” 2. Pagsusuri “Ano ang inyong naunawan sa mga salitang inyong nabuo?” (nagpalakpakan ang lahat) “Ang mga salitang nabuo ay may koneksyon sa kasaysayan” “Mahusay!”’ “Ano naman ang koneksyon ng mga salitang ito sa ating kasaysayan?” “Bakit kinakailangan nating pag-aralan ang kasaysayan ng sinaunang kabihasnan ng daigdig” 3. Paghahalaw MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA DAIGDIG Kabihasnang Mesopotamia (3700 BCE) Mesopotamia “Meso”- na ang ibig sabihin ay pagitan “Potamos”-na ang ibig sabihin ay ilog Mespotamia -kabihasnang nasa pagitan ng dalawang ilog -nagsimula sa malawak na lupain na dinadaluyan ng mga ilog ng Tigris at Euphrates ang kauna-unahang mga “Ang koneksyon ng mga salitang nabuo ay kaugnay sa sinaunang kabihasnan ng ating daigdig” “kinakailangan nating pag-aralan ang sinaunang kabihasnan upang ating malaman kung ano ang kinagisnan at pagkakakilanlan ng ating kultura.” KING’S COLLEGE OF MARBEL INC. Brgy. Morales, City of Koronadal South Cotabato, Philippines lungsod sa daigdig, tinawag itong Mesopotamia -“fertile crescent” paarkong matabang lupaing nagsisimula sa Persian Gulf hanggang sa baybayin ng Mediterranean Sea - Sinakop at pinanahanan ito ng iba’t ibang sinaunang pangkat ng tao, kabilang ang mga Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean, at Elamite Kabihasnang Indus sa Timog Asya(2900 BCE) -nagsimula ang kabihasnang ito sa India sa paligid ng Indus River -matarik ang mga kabundukan ng Hindu Kush,Himalayas, at Karakuran ang nasa hilaga nito samantalang pinalilibutan ito ng Arabian Sea sa kanluran, Indian Ocean sa katimugan, at Bay of Bengal sa silangan - Nakapapasok ang mga tao sa mga daanang tulad ng Khyber Pass sa hilagang-kanluran, dala ang kanilang sariling wika at tradisyon, na nagpayaman sa kulturang Indian - Ang mga lungsod ng Harappa at Mohenjo-Daro sa lambak ng Indus ang pinakabagong tuklas na mga sinaunang sentrong kabihasnan sa kasalukuyang panahon. KING’S COLLEGE OF MARBEL INC. Brgy. Morales, City of Koronadal South Cotabato, Philippines Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya( 1850 BCE) -umusbong sa tabing ilog malapit sa Yellow River o Huang Ho -ang ilog na ito ay nagmumula sa kabundukan ng kanlurang China at may habang halos 3000 milya -isang malawak na kapatagan, North China Plain -ang kabihasnang umusbong sa China ay itinuring na pinakamatandang kabishanan nananatili sa buong daigdig hanggang sa kasalukuyan Ang Sinaunang Kabihasnan sa Africa -isang sinaunang kabihasnan na nagmula sa lambak ng Nile River sa Egypt na nasa hilagang-silangang bahagi ng Africa -ang Nile River ay dumadaloy mula sa Lower Egypt sa hilagang bahagi ng Egypt patungong Upper Egypt sa katimugang bahagi nito -EGYPT –“Gift of Nile” - dahil kung wala ang ilog na ito, ang buong lupain ay magiging disyerto -napapalibutan ng disyerto ang Egypt KING’S COLLEGE OF MARBEL INC. Brgy. Morales, City of Koronadal South Cotabato, Philippines Ang Kabihasnan sa Mesoamerica (1500) - Hango ang pangalang Mesoamerica sa katagang meso na nangangahulugang “gitna.” Ito ang lunduyan ng mga unang kabihasnan sa America -Mesoamerica o Central America ang rehiyon sa pagitan ng Sinaloa River Valley sa gitnang Mexico at Gulf of Fonseca sa katimugan ng El Salvador -malaki ang pagkakaiba ng elebasyon ng lupa, (may dalawang rehiyon:highlands at lowlands) “Ano ang koneksyon ng kabihasnang Mesopotamia,Indus,Mesoamerica, Africa at China sa bawat isa?” (Ang mga magaaral ay nagsisitaasan ng mga kamay) “Sige, mag-aaral 1” “Ang koneksyon po ng kabihasnang Mesopotamia,Indus ,Mesoameria,Africa at China sa bawat isa ay pare-pareho silang napabilang sa sinaunang kabihasnan ng ating daigdig” 4. Paglalapat “Mahusya,mag-aara; 1!” “Ano ang kahalagahan ng mga kabihasnang ito sa ating kasalukuyan?” “Sige, mag-aaral 2” “Ang kahalagan ng mga kabihasnang ito sa ating kasalukuyan ay, kanilang binibigyan ng kulay at kahalagahan ng KING’S COLLEGE OF MARBEL INC. Brgy. Morales, City of Koronadal South Cotabato, Philippines mga pagkakakilanlan ng ating kasaysayan” “Tumpak!” “Mainam at inyong naunawaan ang ating aralin ngayong araw.” IV. PAGTATAYA PANUTO: Kumpletuhin ang mga tinutukoy sa bawat pahayag. Isulat ang sagot patlang. (lahat ng mag-aaral ay kumuha ng papel) ________ ang salitang Griyego na nangangahulugang Ilog. 2. ________ bukod sa ilog ng Tigris, ito ang ilog na nasa gilid ng lupain ng Mesopotamia. 3. _______ na nangangahulugang “gitna.” Ito ang lunduyan ng mga unang kabihasnan sa America 4. Umusbong sa tabing ilog malapit sa ________ 5. Ang _______ ay dumadaloy mula sa Lower Egypt sa hilagang bahagi ng Egypt _____ Ngayong araw ay tinalakay natin ang Sinaunang Kabihasnan ng ating daigdig. Ang Mesopotamia nagsimula sa malawak na lupain na dinadaluyan ng mga ilog ng Tigris at Euphrates ang kauna-unahang mga lungsod sa daigdig. Ang Indus River na nagsimula ang kabihasnang ito sa India sa paligid ng Indus River. Ang kabihasnang umusbong sa China ay itinuring na pinakamatandang kabishanan nananatili sa buong daigdig hanggang sa kasalukuyan Ang Africa isang sinaunang kabihasnan na nagmula sa lambak ng Nile River sa Egypt na nasa hilagang-silangang bahagi ng Africa Mesoamerica o Central America ang rehiyon sa pagitan ng Sinaloa River Valley sa gitnang Mexico at Gulf of Fonseca sa katimugan ng El Salvador 1. V. CLOSURE “May katanungan ba?” “Kung naintindihan na at wala ng katanungan, dito na nagtatapos ang “Wala po, maam.” KING’S COLLEGE OF MARBEL INC. Brgy. Morales, City of Koronadal South Cotabato, Philippines VI. TAKDANG ARALIN ating pagtatalakay sa araw na ito. Maraming salamat sa inyo.” Basahin at unawaina ang pahina 73-79 sa inyong aklat (Araling Panlipunan 9) at alamin ang mga antigong bagay na nadiskubre mula sa panahon ng sinaunang kabihasnan.