Uploaded by tin guitering

Posisyong Papel Filipino

advertisement
Posisyong papel
Ano ang posisyong papel?
By Group
Posisyong Papel
• Ang posisyong papel ay naglalahad
ng paninindigan hinggil sa isang
problema o isyu.
• Ang posisyong papel ay hindi
neutral. May pinapanigan itong
tindig na maaaring makatulong sa
pagkakaroon ng higit na linaw sa
mahalagang isyu o problema.
halaga ng Posisyong Papel
• Mahalaga ang posisyong papel
sapagkat sa ating lipunan, may
mga problema o isyung dapat na
tugunan ng marami.
• Nabibigyang halaga rin nito ang
pagtindig o pagpapasya.
haba ng Posisyong Papel
• Karaniwang may limang daan
(5000) hanggang pitong daang
(7000) salita ang isang posisyong
papel.
• Makabubuti kung maikli at malinaw
ang akda .
• May mga pagkakataon ding
mahirap paikliin ang posisyong
papel.
Estruktura ng
posisyong papel
• Sa umpisa pa lamang ay dapat
nang malinaw ang tesis ng papel.
• Ipakita ang punto kung bakit
kailangang pumanig ang
mambabasa sa posisyong papel.
• Unahin ang pinaka simpleng
dahilan hanggang sa pinaka
mabigat na dahilan o vice-versa.
Estruktura ng
posisyong papel
• Ipakita ang kahinaan ng kabilang
panig at kung bakit hindi dapat
paniwalaan ang sinasabi nito.
• Sa huli, kailangan nito ng
paglalagom.
Ibasura ang mining act of 1995
“A man does what he must - in spite of personal
consequences, in spite of obstacles and dangers and this is the basis of all human morality.”
- John F. Kennedy - (1917-1963)
35th US President
(1) Ibasura ang batas na naninira ng ating lupain at
uubusin ang ating likas na yaman nang wala tayong
pakinabang. Iyan ang panawagan ng kilusang “Scrap
Mining Act.” Narito ang mga dahilan
• 100% pag-aari ng dayong mandarambong ang
puhunan at ang tubo sa pagmimina.
• Hindi kukumpiskahin ng gobyerno ang puhunan
at gamit ng mga mandarambong.
Ibasura ang mining act of 1995
• Walang buwis sa unang 10 taon ng
pandarambong.
• May karapatan ang mga mandarambong na
gamitin ang ating tubigan sa minahan at putulin
ang mga puno at wasakin ang kagubatan.
• 10 taon na walang buwis gamit na imported ng
mga dayong minero para sa exploration at gamit
sa ating mga port sa loob ng 10 taon.
(2) Wala tayong pakinabang sa mining ng dayuhan.
Kung mayroon man ay katiting lang, hindi sulit sa
salot at winasak na bundok at gubat ng mga
katutubong may-ari ng yaman at kabundukan.
Ibasura ang mining act of 1995
Ang kontribusyon ng mining industry sa GDP or
gross domestic product ay katiting na 0.72% o P110
billion lang ng P1.15 trillion gross production value ng
mining buhat 1997 to 2012. Wala pang 10% sa
kabuuang buwis sa gobyerno. Ang nabanggit na
katiting na halagang pakinabang ng gobyerno ay
galing sa konting buwis, fees, at royalties na binayad
ng mga minero. 200,000 manggagawa lamang bawat
taon o 0.43% lamang ng total employment natin.
Hindi totoo ang sabi ng gobyerno na maraming
manggagawa [ang nasa] mining.
Ibasura ang mining act of 1995
3) Ayon sa ulat ng kilusan, 712 ang mga permit na
inaprubahan ng gobyerno para minahin ang
967,530.86 ektarya. Sa bilang na ito, 251 ay
miminahin ang 532,368. 35 ektarya (55% ng total
land area for mining na okupado ng mga katutubo).
Natural, pinalalayas ang mga katutubo sa kanilang
lupang ninuno, wasak ang kanilang mga komunidad,
tubigan, at kabuhayan ng walang pamalit. Hindi sulit
ang bayad ng minero sa gobyerno sa salot na dulot
sa mga katutubo. Idagdag pa natin dito ang paglabag
sa kanilang mga karapatang pantao, tulad ng
pagpatay sa kanilang mga lider.
Ibasura ang mining act of 1995
(4) Sa ibang bansa, tulad ng sa Aprika at Timog
Amerika, abot sa 30% hanggang 40% ng kita ng mga
minero ang bahagi ng kanilang gobyerno. Dito sa atin
ay wala, maliban sa nabanggit na katiting na buwis.
At ha-harass-in pa ng national government ang mga
lokal na gobyerno na nagbabawal ng pagmimina sa
kanilang lalawigan. National government nga naman
ang kausap ng mga mandarambong, ayon sa dimakatarungang Mining Act of 1995.
Ibasura ang mining act of 1995
(5) Kaya nanawagan ang ating mga katutubo at mga
tagalalawigan na ibasura at palitan ng makatao,
makakalikasan, at matinong batas ang pagmimina
para sa mga Pilipino lamang at bawal sa dayuhang
mandarambong. Ibatay sa ating programa ng
national industrialization o dito tutunawan at lilikhaing
produkto tulad ng mga makina ang iron, copper,
nickel at iba pang mga ore at hindi lalabas ng hilaw.
Ang mga traktorang gamit ng ating mga magbubukid
ay dito lilikhain ng ating mga manggagawa at lahat
ng tiwangwang na lupa ay gawing productive at hindi
imported. Itanong ninyo ang mga ito sa mga
kandidato kung alam nila ang mga bagay na ito.
Mga dapat tandaan
01
02
03
Kapag nagsusulat ng
posisyong papel, sa umpisa
pa lamang ay inilalahad na
ang malinaw na posisyon sa
pagtutol.
Madamdamin man ang
pagsulat nito, na hindi dapat
iwasan, nasusuhayan pa rin
ang posisyon ng mga
malinaw na batayan.
Dapat isa-isahin ang
malilinaw na batayan sa
simpleng paraan at
maintindihan ng karaniwang
tao.
Mga dapat tandaan
04
Karaniwang tao ang babasa at makaririnig ng posisyong papel
kaya't dapat na isaalang- alang ang kultura ng bayang sinilangan
sa pagsusulat ng posisyon. Ibig sabihin, kung kinakailangang
maging marubdob at nakakabagbag-damdamin ang posisyong
papel, gawin ito upang marami ang mahikayat sa iyong posisyon.
Maraming salamat sa
pakikinig!
Download