Uploaded by Norlainie Pascan

Aralin 1 - Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas

advertisement
Ang Wikang Pambansa
ng Pilipinas
Aralin 1
Kasaysayan ng Wikang
Pambansa
Mahaba-haba na rin ang tinahak at
tinatahak pa ng wikang Pambansa sa
ating kasaysayan. Mabuting balikan ang
nakaraan upang mabigyang kahulugan
ang mga mahahalagang pangyayari sa
pag-unlad at pagbabago ng wikang
Pambansa na siyang tagapagbigkis ng
ating lahi – ang wikang Filipino.
Mahigit sa 7, 000 mga isla ang bumubuo
sa Pilipinas na may iba’t ibang wika na
ayon kay MacFarland (1996) ay may
bilang na 109.
Samantala, ayon naman kay Constantino (1992),
may higit na 500 mga wika at dayalekto ang
bansa batay na rin sa pagkakaroon ng iba’t
ibang etnikong grupong nakatira sa bawat
rehiyon na may kani-kanilang wikang sinasalita.
Dahil dito, masasabi na ang Pilipinas
ay isang bansang may
kumplikadong sitwasyong
linggwistikal .
Ito ang dahilan kung bakit
tayo ay itinuturing na
multilinggwal na bansa o
maraming wikang umiiral.
Nagiging sanhi ito upang
maging mahirap ang
pakikipag-ugnayan natin sa
isa’t isa at makabuo ng
iisang bansa o nasyon. Sa
layuning maging isa at
magbuklod, sinikap ng ating
mga ninuno na magkaroon
ng isang wikang gagamitin
natin tungo sa pambansang
kaisahan.
Ang pangunahing katangian ng
isang pambansang wika ay ang
pagiging daan nito tungo sa
pagkakaisa at pag-unlad ng
bansang gumagamit nito. Ito ang
siyang dapat tinatanggap bilang
pangkalahatang midyum ng
komunikasyon ng mga tao.
Lubhang mahalaga na ito ang
wikang ginagamit sa pang-arawaraw na pamumuhay ng halos
lahat ng mamamayan (Ruben et
al., 2006)
 Unang nagkaroon ng banggit o hugis
sa pagkakaroon ng wikang
magbubuklod sa ating lahi noong
mapagkasunduan ng mga katipunero
batay sa Saligang Batas ng Biak na
Bato ng 1897 na gawing opisyal na
wika ng rebolusyon ang wikang
Tagalog. Ito ay sa kadahilanang
kailangan ng isang wikang
magbibigkis sa himagsikan at
nagkataong karamihan sa mga
nanguna sa rebolusyon ay mga
Tagalog. Makalipas ang ilang taon,
nakamtan nga natin ang Kalayaan
subalit sa sandaling panahon
lamang.
Panahon ng
Pananakop
 Nakaragdag sa
kumplikadong
sitwasyong pangwika ng
Pilipinas ang pagiging
kolonya nito ng mga
bansang Espanya at
Amerika. Naging
popular ang mga
wikang Kastila at Ingles
lalong-lalo na sa
ekonomik at intelektwal
na mga elit.
Pananakop ng mga KASTILA
 Sa panahon ng pananakop ng mga Kastila,
laong nagkawatak-watak ang mga Pilipino.
 Matagumpay na nahati at nasakop ng mga
dayuhan ang mga katutubo.
 Napanatili nila sa ilalim ng kanilang
kapangyarihan ang mga Pilipino nang higit sa
300 taon.
 Hindi nila itinanim sa isipang ng mga Pilipino
ang kahalagahan ng isang wikang
magbibigkis sa kanilang mga damdamin.
 Sa halip, ang mga prayleng kastila ang nagaral ng katutubong wika ng iba’t ibang
etnikong grupo.
 Ang wika ng mga katutubo ang naging
midyum ng komunikasyon sa panahong iyon;
ang naturang wika ang ginamit ng mga
prayleng Kastila sa pakikipag-ugnayan at
pakikipagtalastasan sa mga katutubong
Pilipino (Magracia at kasamahan, 2009:3940)
 Hindi itinuro ng mga Kastila ang
wikang Espanyol sa mga katutuo sa
takot na magkabuklod-buklod ang
damdamin ng mga mamamayan at
mamulat sa tunay na mga
pangyayaring naganap sa kanilang
lipunan.
 Natatakot sila na kung
magkaunawaan ang mga katutubong
Pilipino ay matututo ang mga ito na
maghimagsik laban sa kanilang
pamamahala.
 Sa panahon ng pananakop ng mga
Kastila, napalitan ng alpabetong
Romano ang katutubong alibata
silabaryo.
 Nagkaroon ng pagbabago sa ispeling
ng mga salita. (na matatalakay natin
sa ortograpiya ng wikang Fiipino)
 Sa itinagal pa ng panahong
ipinamalagi ng mga Kastila sa bansa,
lubhang naging elitista ang
EDUKASYON. Ayon kay Bernabe na
nasa Magracia at kasamahan
(2009:39)
 “Education in its true sense was open
only to the children of the Spaniards,
mestizos, and affluent natives among
whom the Spanish language was used
as a medium of instruction. The few
institutions of higher learning received
the greatest attention since they were
established to meet the demand for
the proper schooling of the children of
the Spaniards.
Download