Republic of the Philippines Department of Education Region V (Bicol) City Schools Division of Ligao LIGAO COMMUNITY COLLEGE Ligao City BANGHAY ARALIN 2 Ni Mar John Geromo BSED 3 FILIPINO I. LAYUNIN A. Kasanayan sa Pagkatuto A. Natutukoy ang paraan sa pagsulat ng tula at naipaliliwanag angmagkakasingkahulugang pahayag sa ilang taludturanl; B. Naiuugnay ang sariling damdamin sa damdaming inihayag sa tula; at C. Nagagamit ang kasanayan at kakayahan sa malinaw at mabisang pagbigkas ng tula. Code: .F9PT-Ie-41 II. PAKSA Panitikan: Sa Aking mga Kabata ni Dr. Jose Rizal-Uri ng teksto: Tula III. MGA KAGAMITANG PANTURO A. Sangunian Pamana; Aralin 18, pahina 64-65 B. Mga Kagamitan 1. Pantulong na biswal, Projector, Laptop, PPT IV. PAMAMARAAN A. Pagganyak Pagsusuri sa Larawan: Pagtukoy sa larawan at pagbibigay ng mga nagawa sa bayan. Maaring mag usap-usap muna ang klase upang maipamalas ang kanilang COMMUNICATION/SOCIAL SKILLS. Gabay na tanong: 1. Sino-sino ang mga bayaning makikita sa larawan? 2. Ano kaya ang mga nai-ambag nila para sa bayan? 3. Nakatulong ba ang kanilang mga akda sa sambayanang Pilipino? B. Paglalahad Basahin natin ngayon ay isang akdang pampanitikan na sinulat ni JoseRizal noong siya ay bata pa. Sundan lamang ang bawat taludtod sa slides sa PowerPoint presentation.Sa Aking mga Kabata, unang tula ni Rizal. Sa edad 8, isunulat ni Rizal ang una niyang tula ng isinulat sa katutubong wika at pinamagatang... "SA AKING MGA KABATA". Kapagka ang baya’y sadyang umiibig Sa langit salitang kaloob ng langit Sanlang kalayaan nasa ring masapi Katulad ng ibong nasa himpapawid Pagka’t ang salita’y isang kahatulan Sa bayan, sa nayo't mga kaharian At ang isang tao’y katulad, kabagay Ng alin mang likha noong kalayaan. Ang hindi magmahal sa kanyang salita Mahigit sa hayop at malansang isda Republic of the Philippines Department of Education Region V (Bicol) City Schools Division of Ligao LIGAO COMMUNITY COLLEGE Ligao City Kaya ang marapat pagyamaning kusa Na tulad sa inang tunay na nagpala Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin, Sa Ingles, Kastila, at salitang anghel, Sapagkat ang Poong maalam tumingin Ang siyang naggagawad, nagbibigay sa atin. Ang salita nati’y tulad din sa iba Na may alfabeto at sariling letra, Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa Ang lunday sa lawa noong dakong una. Note: Maaring tumawag ng piling mag-aaral upang bigkasin ang tula sa unahan at ma-debelop ang kanilang CREATIVE SKILLS. Prosesong Tanong: 1.Tungkol saan ang akdang sinulat ni Dr. Jose Rizal?2. Alin sa mga linya sa akda ang tumatak sa iyong puso? Bakit? 3. Ano sa tingin mo ang uri ng akdang pampanitikan na ito? Paanomo nasabi? C. Pagtalakay ng Aralin (Gawain) Isahang Gawain Panuto: Itatala naman natin kung alin sa mga salitang nakapaloob sa akda ang kongkreto at di-kongkreto. Bago iyan, ano muna ang pagkakaiba ng dalawang ito? D. Paglalahat I-TULA MO! Panuto: Hahatiin ang klase sa tatlong grupo. Ang bawat pangkatgagawa ng isang tula na may tatlong saknong. Nakadepende sa inyongpangkat kung ito ay tradisyunal o malaya. Nakapokus lamang ang paksang tula sa alinman sa apat: A. Maka-diyos B. Makakalikasan C. Makatao D. Makabansa Bukod pa rito, lahat sa pangkat ay ipapakita ang kanilang gawa dependesa kanilang istilo. Maaari rin na tradisyunal na pagbasa, sabayangpagbigkas o spoken poetry. Pamantayan: Pagkamalikhain/Orihinalidad..…50% Presentasyon.......………………………40% Teknikalidad...........…………………...10% Kabuuan………………............………...100% Note: Sa pamamagitan ng gawaing ito ay maipamamalas ng Republic of the Philippines Department of Education Region V (Bicol) City Schools Division of Ligao LIGAO COMMUNITY COLLEGE Ligao City E. Paglalapat mga nag-aaral ang 4C's- Creativity, Communication, Collaboration, Critical Thinking Kahalagahan ko, I-aplay mo! Pagbibigay ng kahalagan ng paksang tinalakay at paglalapat nito sa buhay sa pamamagitan ng pag-post sa Facebook gamit ang pahayag na ito: Matapos kong mabasa ang tulang Sa Aking mga Kabata ay natutuhan ko na____________________________________________, kaya _____________________________________________ __________________________________________________. G. Pagtataya Gabay na tanong: 1. Ano ang iyong napulot na aral matapos mong mabasa ang tulang Sa Aking mga Kabata ni Rizal? 2. Paano mo ito maia-aaplay sa reyalidad ng buhay? Tanong ko, I-sulat mo Sagutan ang mga sumusunod na katanungan at isulat sa kwaderno. 1. Isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango saguniguni, pinararating sa ating damdamin at ipinahahahayag sapananalita. 2.Ilang taon isinulat ni Dr. Jose Rizal ang akda niyang “Sa Aking mgaKabata?” 3.Ilang saknong ang “Sa Aking mga Kabata?” 4. Tumutukoy ito sa bilang ng pantig ng bawat taludtod. 5. Isang grupo sa loob V. TAKDANG-ARALIN Gumawa ng isang tula na may apat na saknong tungkol sa iyongmagulang. Iparinig ang tula sa mga magulang sa pamamagitan ng isang video na ipapasa aking Gmail account.