Republic of the Philippines Department of Education Region V (Bicol) City Schools Division of Ligao LIGAO COMMUNITY COLLEGE Ligao City BANGHAY ARALIN 1 Ni Mar John Geromo BSED 4 FILIPINO I. LAYUNIN A. Kasanayan sa Pagkatuto Nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad na ginagamit sa pagsulat ng awiting bayan (balbal, kolokyal, lalawiganin, pormal) II. PAKSA Antas ng Wika sa mga Awiting Bayan ng Bisaya III. MGA KAGAMITANG PANTURO A. Sangunian Libro Pinagyamang Pluma 7 B. Mga Kagamitan IV. PAMAMARAAN A. Pagganyak 1. Pantulong na biswal, Pagsusuri sa Larawan: Gagamit ang guro ng teknolohiya upang maipamalas ang kahusayan sa paggamit ng nito. Gagamit ng mga sikat na pangedukasyon na website upang gawing puzzle ang larawan na makatutulong sa pagganyak na gawain. Gabay na tanong: 1. Ano ang inyong nakikita sa larawan? 2. Para sa inyo, nakakatakot o maamo ba isang butiki? 3. Nais nyo bang malaman kung saan nagmula ang mga butiki batay sa isang kuwentong alamat? B. Paglalahad Pagbabasa ng maikling kuwento sa harap ng klase gamit ang kagamitang panturo na malaking libro ng Alamat ng Butiki. Magbibigay din ang guro ng link ng website ng kopya ng alamat bilang kasanayan sa paggamit ng teknolohiya. Ang alamat ay isang uri ng kuwentong bayan at panitikan na nagsasalaysay ng pinamulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Paggamit ng speaker at projector upang ipakita ang maikling video patungkol sa alamat ng butiki matapos basahin ng guro ang alamat. C. Pagtalakay ng Aralin (Gawain) Gawain Blg. 1 (Isahan) – Tanong ko Hugot mo! Pagbibigay katanungan sa mga mag-aaral na sasagutin sa pamamagitan ng hugot o pick-up lines. Gabay na tanong: 1.Napakinggan mo ba ng malinaw ang kuwento? Republic of the Philippines Department of Education Region V (Bicol) City Schools Division of Ligao LIGAO COMMUNITY COLLEGE Ligao City 2.Patungkol sa ano ang kuwentong ating binasa? 3.Kung ikaw si Kiko pag lalaruan mo rin ba ang mga itlog ng bayawak? D. Paglalahat I-Arte Mo! Pagbibigay ng pangkatang gawain. Ang mga mag-aarla ay hahatiin sa tatlong grupo upang isadula ang napakinggang alamat. Bibigyan lamang ng 15 minutong paghahanda at 5 minuto sa pagtatanghal. Note: Sa pamamagitan nito ay mahahasa ang SOCIAL SKILLS ng mga mag-aaral sa pakikipagsalamuha aat pakikipag talastasan sa kapwa mag-aaral. E. Paglalapat Pamantayan: Kaangkupan sa paksa………….40% Pagkamalikhain…………………30% Kahusayan………………………20% Kolaborasyon…………………...10% Kabuuan………………………...100% Kahalagahan ko, I-aplay mo! Pagbibigay ng kahalagan ng paksang tinalakay at paglalapat nito sa buhay sa pamamagitan ng pag-post sa Facebook gamit ang pahayag na ito: Matapos kong mabasa ang Alamat ng Butiki ay natutuhan ko na____________________________________________, kaya _____________________________________________ __________________________________________________. G. Pagtataya Gabay na tanong: 1. Ano ang iyong napulot na aral matapos mong mapakinggan ang kuwentong alamat. 2. Paano mo ito maia-aaplay sa reyalidad ng buhay? Tanong ko, I-print mo! Pagsagot sa katanungan na ibibigay ng guro sa pamamagitan ng paghahanap ng mga larawan sa internet na sumasagot o naglalarawan sa katanungan ng guro. Matapos makasaliksik ng mga larawan ay maaaring bigyan ng kaunting caption o pag-papaliwanag. 1. Ano ang hayop na tinalakay sa kuwento. 2. Anong katangian ang meron si Kiko? 3. Sino ang nag bigay ng kaparusahan kay Kiko? 4. Naging anong hayop si Kiko matapos parusahan ng mga duwende dahil sa pag sira nito sa mga itlog ng bayawak? 5. Ano ang bagay na pinaglaruan ni Kiko. Pagsulat ng Repleksyon 1. Bakit Hindi dapat tularan si Kiko? 2.Tama ba ang naging pasta ng duwende na parusahan si Kiko? 3. Ano kaya ang naramdaman ng Ina ni Kiko matapos makita na ito ay nag babalat-kayo? V. TAKDANG-ARALIN 1. Gumawa ng isang sariling alamat, napatungkol sa pinag mulan ng mga bagay-bagay na maaari ninyong makita sa loob ng inyong tahanan. Ang alamat na gagawin ay dapat na kapupulutan ng aral. Republic of the Philippines Department of Education Region V (Bicol) City Schools Division of Ligao LIGAO COMMUNITY COLLEGE Ligao City