Uploaded by Fahad Silongan

mgaakdanglumaganapbagodumatingangmgaespanyol-161102095558

advertisement
PAMANTAYAN SA
PAGKAKATUTO:
Naiuugnay ang mga mahahalagang
kaisipang nakapaloob sa mga
karunungan-bayan sa mga
pangyayari sa tunay na buhay sa
kasalukuyan
Sinaunang Panitikang
Pilipino…
Yamang pamana ng
ating ninuno
Pahalagahan at ingatan
sa ating ma puso.
MGA AKDANG LUMAGANAP BAGO
DUMATING ANG MGA ESPANYOL
• Sinasabing ang mga sinaunang Pilipino ay
may sarili nang panitikang nagtataglay ng
kasaysayan ng lahi bago pa man dumating
ang mga Espanyol at iba pang mga dayuhan
sa bansa.
MGA AKDANG LUMAGANAP BAGO
DUMATING ANG MGA ESPANYOL
• Karamihan sa mga panitikan ay pasalin-dila
• Mababakas dito ang kultura, tradisyon,
paniniwala at maging ang mga panlipunan at
panlahing kaugalian ng ating mga ninuno
MGA AKDANG LUMAGANAP BAGO
DUMATING ANG MGA ESPANYOL
• Karunungan-Bayan (Salawikain, Sawikain o
Idyoma, Kasabihan at Bugtong)
• Kuwentong-Bayan
KARUNUNGAN-BAYAN
• Tinatawag ding kaalamang-bayan
• Ginagamit ito bilang pampatalas ng mga
isipan at panlibang
• Karaniwan ito ay hango sa mga mahahabang
tula
SALAWIKAIN
• Ito ay ang mga nakaugalian nang sabihin at
sundin bilang tuntunin ng kagandahang-asal
ng ating mga ninuno na naglalayong
mangaral at akayin ang kabataan tungo sa
kabutihang-asal
SALAWIKAIN
• Ito ay ang karaniwang batay sa katutubong
kalinangan, karunungan at pilosopiya mula sa
buhay sa Pilipinas
SALAWIKAIN
“Ang hindi lumingon sa pinanggalingan
Di makakarating sa paroroonan”
“Kung ano ang itinanim, ay siya ring aanihin”
“Pag maikli ang kumot, marunong
mamaluktot”
SAWIKAIN O IDYOMA
• Ito ay ang mga salitang o pahayag na
nagtataglay ng talinghaga. Karaniwang hindi
tiyak ang kahulugang ibinibigay nito sapagkat
may tagong kahulugan ito patungkol sa iba’tibang bagay
SAWIKAIN O IDYOMA
Butas ang Bulsa – walang pera
Ilaw ng Tahanan – Nanay o Ina
Nagbibilang ng Poste – walang trabaho
Ibaon sa hukay – kalimutan
Taingang-kawali – Nagbibingi-bingihan
Ginintuang Puso – Mabuting kalooban
KASABIHAN
• Ito ay mga tugmang sinasambit ng mga bata at
matatanda
• Karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna
sa kilos ng isang tao
• Katumbas ito ng Mother Goose Rhymes sa
wikang Ingles
KASABIHAN
KASABIHAN
KASABIHAN
BUGTONG
• Ito ay mga palaisipan o tanong na may doble o
nakatagong kahulugan
• Ginagamit ito upang mahasa ang mga isip ng tao
• Sinasalamin dito ang pag-uugali, pang-araw-araw
na pamumuhay at katutubong kapaligiran ng mga
Pilipino
BUGTONG
“Yumuko man ang reyna, di
nalalaglag ang Korona”
Sagot: Bayabas
BUGTONG
“Palda ni Santa Maria, ang
kulay ay iba-iba”
Sagot: Bahaghari
BUGTONG
“Bibingka ng Hari, hindi mo
mahati”
Sagot: Tubig
BUGTONG
“Sa araw ay bungbong, sa gabi
ay dahon”
Sagot: Banig
BUGTONG
“Sa maling kalabit, may buhay
na kapalit”
Sagot: Baril
KUWENTONG-BAYAN
• Ito ay isang tuluyang kuwentong nagsasalaysay
ng mga tradisyong Pilipino
• Karaniwang ito ay hindi totoo o piksyon
• Ito ay karaniwang pumapaksa sa kanilang mga
diyos at mga espiritu na siyang nagtatakda ng
kapalaran ng tao
KUWENTONG-BAYAN
• Naglalarawan ito ng mga kaugalian,
pananampalataya, at mga suliraning
panlipunan ng panahong iyon
• Halimbawa:
Kuwento ni Maria Makiling at si Malakas at
si Maganda
Sa iyong palagay, bakit mahalagang
pag-aralan ang iba’t-ibang
panitikan ng ating lahi?
Paano mo mapapanatili at
mapaunlad ang mga panitikang
minana pa sa ating ninuno sa
kasalukuyang panahon?
Download