Uploaded by Jnt Mangubat

Araling Panlipunan 1 LP

advertisement
Demonstration Lesson Plan in Araling Panlipunan 1
I. Layunin
Sa loob ng animnapung (60) minuto na aralin, ang mga mag-aaral ayinaasahang:
a) Natutukoy ang impormasyon tungkol sa sariling paaralan: pangalan, lokasyon, atmga bahagi
b) Nasasabi ang kahalagahan ng paaralan sa buhay ng bata
c) Nakukulayan ng tama ang pisikal na kapaligiran ng paaralan
II. Paksang Aralin
Paksa:
Sanggunian:
Kagamitan:
Pagpapahalaga:
“Ang Aking Paaralan”
Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 1 Alma M. Dayag (pahina 161-166)
Mga iba’t ibang larawan na kadalasan nakikita sa paaralan (Flashcards)
Mga larawan ng mga bahagi ng paaralan (Slide Presentation)
Laptop, DLP, Pisara, Yeso, Tsart, Talang Gawain at Sagutang Papel
Kahalagahan ng paaralan sa buhay ng bata.
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
- Magsitayo ang lahat para sapanalangin.
(Susundan ng bataang pagbigkas ng guro
ngpanalangin)
Gawain ng Bata
Panginoon, maraming salamat posa dakilang araw na
ito! Kami po ay nagpupuri at niluluwalhati ang inyong
mga kaloob na biyaya sa amin.
Gabayan po ninyo kami sa aming pag-aaral at
pagtuklas ng bagong kaalaman na magtataguyod sa
amin upang maging mahusay mong tagapaglingkod.
Ipadala po ninyo ang inyong banal na Espiritu upang
magningas sa puso ng bawat isa sa amin ang maalab
na pagnanais na maging mahusay na mamamayan na
may malasakit sa pamilya, kapwa, kalikasan at sa
mahal na bansang Pilipinas. Ang lahat ng ito ay
hinihiling naming sa matamis at dakilang pangalan ni
Hesus na aming tagapagligtas. Amen.
2. Pagbati
- Magandang umaga mga bata!
- Maaari nang umupo ang lahat.
Magandang umaga din po, Sir John!
3. Balitaan
-Ang araw ngayon ay Martes, anoang araw
ngayon? Exodus?
Ang araw po ngayon ay Martes.
-Ang araw kahapon ay Lunes, ano ulit ang araw
kahapon? Sam?
Ang araw po kahapon ay Lunes.
- Ang petsa ngayon ay ika-isa ng Oktubre, taon
dalawang libo at dalawangput-tatlo, ano ang
petsa ngayon? Zaldy?
Ang petsa po ngayon ay ika-isa ng Oktubre, taon
dalawang libo at dalawangput-tatlo.
- Ang panahon ngayon ay Maaraw,ano ulit ang
panahon ngayon? Vincent?
Ang panahon po ngayon ay Maaraw.
- Maaari bang tumayo ang mgabatang lalaki?
Ilang batang lalakiang pumasok ngayon?
Patrick?
Pitong batang lalaki po ang pumasok ngayon.
-Maaari bang tumayo ang mga batang babae?
Ilang batang babae naman ang pumasok
ngayon? Jilliane?
Dalawang batang babae po ang pumasok ngayon.
-Maari mo bang iulat kung ilan lahat ang mga
batang pumasok na nasa baitang isa? Gab?
Siyam po lahat ang mga batangpumasok na nasa
baitang isa.
4. Balik-Aral
- Kahapon ay pinag-aralan natin ang aralin
tungkol sa “Ang AkingPamilya” na kung saan ay
pinag-aralan natin ang mga kasapi ng isang
pamilya.
-Sinu-sino ang mga kasapi ng isang karaniwang
pamilya? Magbigay kang isa, Jasmine?
-Magaling!
Tatay po!
-Sino pa ang kasapi ng isang karaniwang
pamilya? Mark?
-Tama!
Nanay po!
-Bukod sa tatay at nanay, sino osinu-sinu pa ang
mga kasapi ngisang karaniwang pamilya?
Exodus?
-Magaling!
Anak o mga anak po!
-Napag-aralan din natin ang mga tungkulin ng
mga kasapi ng pamilya.
-Anu-ano ang mga tungkulin ng tatay at nanay?
Sam?
-Tama!
Ang tatay at nanay po ang nagtu-tulungan sa paghahanap buhay, pag gawa sa bahay at pag-aalaga sa mga
anak.
-Ano naman ang tungkulin ng mga anak? Zaldy?
-Magaling mga bata, natutuwa ako dahil
natandaan niyo pa ang pinag-aralan natin
kahapon.
B. Pagganyak
- Mga bata, may ipapakita ako sa inyo na iba’t
ibang larawan. Ang mga larawan na ito ay may
kinalalaman sa ating aralin.
Ang anak naman po ang tumutulong sa gawaingbahay
- Anu-anong mga larawan ng bagay ang inyong
nakita? Magbigay ng isa, Vincent?
-Tama!
Upuan po.
-Anu pang bagay ang iyong nakita? Patrick?
-Magaling!
Libro po.
-Magbigay ka pa ng isang bagay na nasa larawan,
Jilliane?
-Tama!
Kompyuter po.
-Anong bagay pa ang nasa larawan, Gab?
-Magaling!
Pagkain po.
-Magbigay ka pa nga ng isang bagay na nasa
larawan, Jasmine?
-Tama!
Mga Bola po.
-Bukod sa upuan, libro, kompyuter, pagkain at
mga bola, ano pang bagay ang nasa larawan,
Mark?
-Magaling!
Lagayan ng Gamot po.
-Sa tingin ninyo saan kaya madalas makita ang
mga bagay na inyong nakita?
Sa paaralan po!
-Tama ang lahat ng inyong mga sinabi, ang mga
bagay tulad ngupuan, libro, kompyuter, pagkain,
mga bola at lagayan ng gamot ay kadalasang
nakikita natin sa loob ng paaralan.
-Ngayon ay tutungo na tayo sa ating bagong
aralin, handa na ba kayo?
C. Paglalahad/Talakayan
(Magpapakita ang guro ng “slide presentation”
para sa bagongaralin)
-Ang pag-aaralan natin ngayon ay
tungkol sa “Ang Aking Paaralan”
-Ang paaralan ay mahalaga
Sapagkat dito natututo ng maraming bagay ang
mga batang tulad ninyo.
-Opo!
-Ang paaralan ay tulad ngpangalawang tahanan
at ang mgaguro naman ang ating pangalawang
magulang.
-Ang pangalan ng ating paaralan ay Tomas
Claudio Memorial College. Ang lokasyon ng ating
paaralan ay nasa Taghangin, Morong, Rizal.
-Ano ang pangalan ng atingpaaralan? Gab?
-Magaling!
-Ang pangalan po ng ating paaralan ayTomas Claudio
Memorial College.
-May iba’t ibang bahagi angpaaralan tulad ng
silid-aralan, silid-aklatan, kompyuter rum,
kantina, gymnasium at klinika.
- Anu-ano ang mga bahagi ng isang paaralan?
Magbigay ng isa, Jasmine?
-Tama!
Silid-aralan po.
-Ano pa ang bahagi ng paaralan? Mark?
-Magaling!
Silid-aklatan po.
-Magbigay ka pa ng isang bahaging paaralan,
Exodus?
-Tama!
Kompyuter Rum po.
-Ano pa ang bahagi ng paaralan, Sam?
-Magaling!
Kantina po.
-Magbigay ka pa nga ng isang bahagi ng paaralan,
Zaldy?
-Tama!
Gymnasium po.
-Bukod sa silid-aralan, silid-aklatan, kompyuter
rum, kantina at gymnasium, ano pa ang bahagi
ng paaralan, Vincent?
-Magaling!
Klinika po.
-Makatutulong ang mga bahaging ito para lalo
pang matuto ang mgamag-aaral.
-Ito ang silid-aralan. Dito nagtuturo ang mga guro
at natututo ang mga mag-aaral.
-Anong bahagi ng paaralan nagtuturo ang guro at
natututo ang bata? Patrick?
-Tama!
Sa silid-aralan po.
-Ito naman ang silid-aklatan.
Dito natin madalas makikita ang mga aklat at
magasing nagagamit ng mga mag-aaral sa
kanilang pag-aaral.
-Saan madalas nakikita ang mga iba’t ibang aklat?
Jilliane?
-Magaling!
-Ang ibang paaralan ay may mga espesyal na
siliid tulad ng kompyuter rum. Dito natututo ang
mga bata na gumamit ng kompyuter.
Sa silid-aklatan po.
-Anong bahagi ng paaralan natututong mag
kompyuter angmga batang katulad niyo? Gab?
-Tama!
Sa kompyuter rum po.
-Ito
ang
kantina.
Dito
bumibili
ng
masusutansiyang pagkain at kumakain ang mga
mag-aaral.
-Saan madalas bumibili ang mgabata
masustansiyang pagkain? Jasmine?
ng
- Magaling!
-Ang paaralan ay karaniwang mayroon ding
gym o gymnasium kung saan ginagawa ang
malalaking okasyon tulad ng pagtatapos o
Graduation.
Sa kantina po.
- Anong bahagi ng paaralan madalas ginaganap
ang graduation? Mark?
-Tama!
Sa gymnasium po.
-Ito ang klinika. Dito binibigyan ng pangunang
lunas o gamut ang mga simpleng sakit ng mga
mag-aaral.
-Saan naman binibigyan ngpaunang lunas kapag
nagkasakitang
mga
bata?
Exodus?
-Magaling!
Sa klinika po.
-Ang ating paaralan ay mahalagadahil ito ang
ating pangalawang tahanan kaya’t ating mahalin
at ipagmalaki dahil dito tayo natututong
maraming mabubuting bagay.
D. Paglalahat
-Mga bata, may ipapakita ako sa inyong larawan
at sasabihin ninyo sa akin kung ano ang inyong
nakikita, Sam?
-Ano ang pangalan ng atingpaaralan?
Tomas Claudio Memorial College
-Anu-ano pa ang mga larawan na inyong nakikita?
Silid-aralan po.
Silid-aklatan po.
Kompyuter rum po.
Kantina po.
Gymnasium po.
Klinika po.
-Ano ang tawag natin sa mga lugar na nabanggit?
Mga bahagi po ng paaralan.
-Maari mo bang basahin ang nakasulat sa pisara,
Zaldy?
1. Ang pangalan ng ating paaralan ay Tomas Claudio
Memorial College.
2. May iba’t ibang bahagi ang paaralan
tulad ng silid-aralan, silid-aklatan, kompyuter rum,
kantina, gymnasium at klinika.
-Maari mo bang bashing muli angnakasulat sa
pisara, Exodus?
-Sabay sabay nating basahin ang nakasulat sa
pisara.
E. Paglalapat
-Bakit mahalaga ang paaralan sa buhay ng isang
batang tulad mo? Zaldy?
Ang paaralan po ay mahalaga dahil ditopo natututo ng
maraming bagay ang mga bata.
-Paano mo maipapakitang mahalaga sa iyo ang
paaralan mo? Vincent?
Sa pamamagitan po ng pagpapanatili ng kalinisan po
ng paaralan.
F. Talang Gawain
-Ngayon naman ay bibigyan ko kayong lahat ng
isang Talang Gawain. Maaari niyo bang ilabas ang
inyong mga pangkulay?
-Babasahin ko ang panuto na inyong susundan.
Panuto:
Kulayan ang larawan ng paaralan tulad ng
larawan na nasa ibaba.
-Bibigyan ko kayo ng sampung (10) minuto para
sa pagkukulay.
-Maaari niyo nang ipasa ang inyong mga talang
gawain.
IV. Pagtataya
-Ngayon naman ay bibigyan ko kayong lahat ng
Sagutang Papel para naman sa isang maikling
pagtataya. Ito ay inyong sasagutan sa loob ng
limang (5) minuto.
-Babasahin ko ang panuto na inyongsusundan.
Panuto:
Pagduktungin ang mga larawan ng bagay na nasa
Hanay A sa mga larawan ng bahagi ng paaralan
na nasa Hanay B.
V. Takdang Aralin
Gumupit ng iba’t ibang larawan ng bagay na makikita sa loob ng paaralan.Lagyan ng pangalan kung saang
bahagi ng paaralan ito makikita. Idikit ito sa inyong kwaderno.
TalangGawain
Pangalan: ____________________________________________________________________________________
Petsa:______________________________
Panuto:
Kulayan ang larawan ng paaralan tulad ng larawan na nasa ibaba.
Pagtataya
Pangalan: ____________________________________________________________________________________
Petsa:______________________________
Puntos:____________________________
Panuto:
Pagduktungin ang mga larawan ng bagay na nasa Hanay A samga larawan ng bahagi ng paaralan na nasa
Hanay B.
HANAY A
1.
2.
3.
4.
5.
HANAY B
Download