BATUHAN, Mark Aljo F. SANTOS, Kyle Jharry D. GUINTO, Jonas Victor OAMIL, Jannah Erika A. ROSIMO, Alexander Sean G. RAMOS, Zoei Ysobel Z. 12- Matiyaga Halimbawa ng Bionote Si Jose V. Abueva ay isang kilalang retiradong guro ng Political Science and Public Administration at nagsilbi bilang residente ng sistema ng Unibersidad ng Pilipinas at kanselor ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman mula 1990 hanggang 1991. Naging kalihim siya ng Philippine Constitutional Convention noong taong 1971 at nagsilbi rin bilang tagapangulo ng Legislative-Executive Military Bases Council mula 1989 hanggang 1990. Nanungkulan din siya bilang tagapangulo ng Consultative Constitutional Commission sa ilalim ng termino ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2005. Si Jose V. Abueva ay naging bumibisitang propesor sa mga kolehiyo sa ibang bansa tulad ng Yale University at Brooklyn College of the City University of New York. Isa rin siyang pangunahing lektor sa mga ilang unibersidad tulad ng University of Michigan, the University of Hawaii, the University of Oregon at marami pang iba. Nagturo rin siya sa United Nations University sa Tokyo at nagtrabaho sa Ford Foundation. Naging isa rin siyang katulong na dean ng Institute of Public Administration, na ngayon ay mas kilala bilang National College of Public Administration and Governance. Sa ilalim ng kanyang termino, itinatatag niya ang Leadership, Citizenship, and Democracy Program noong 1992 na nang kalaunan ay naging Center for Leadership, Citizenship, and Democracy. Nakapagsulat rin si Dr. Abueva ng ilang libro tulad ng “Focus in the Barrio: The Foundation of the Philippine Community Development Program”, “Towards a Federal Republic of the Philippines with a Parliamentary Government by 2010: A Draft Constitution”, “Ramon Magsaysay: A Political Biography”, at “Ang Filipino sa Siglo 21.” Si Dr. Abueva rin ang namatnugot sa 20 na bahagi ng “PAMANA: The UP Anthology of Filipino Socio-Political Thought since 1872” Siya ang nagtatag at dating Presidente ng Kalayaan College. Isa rin siyang kolumnista para sa pahayagan ng The Bohol Times.