PASALITANG PAG UULAT SA MALIIT AT MALAKING PANGKAT Ang ulat ay isang pagpapahayag na maaaring pasalita o pasulat ng ibat ibang kaalaman. Ito ay bunga ngmaingat na pagsasaliksik sa mga aklat o pakikipag usap sa mga taong may tagging kaalaman o pagmamsid sa mga bagay-bagay. Ang mga paraan ng pag uulat ay pasalita at pasulat. DALAWANG KATEGORYA NG SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON 1. Maliit na Pangkat – binubuo ng tagapag-ulat/tagapagsalita at iilang tagapagpakinig 2. Malaking Pangkat - binubuo ng tagapag-ulat/tagapagsalita at madaming tagapagpakinig LAYUNIN NG KOMUNIKASYON - Makapagbigay ng Maganda at maayos na pakikipag-usap ng dalawa o higit pang taong nagbibigay ng tamang impormasyon. PADARAININ/DALUYAN NG IMPORMASYON - Sa pagbibigay ng impormasyon, kailangan ng isang tagapag-ulat ng paraan kung paano niya sasabihin sa kaniyang tagapagpakinig ang kaniyang sasabihin na impormasyon sapagkat baka ang kaniyang mensaheng sasabihin ay sensitibo sa ilang mga tao kahit ang sinabi mo ay Mabuti, masama pa rin sa kaniya. MGA KALAHOK/TAGAPAGPAKINIG - Bilang isang tagapag-ulat ay dapat alam mo kung sino at ilan ang mga pagsasabihan mo ng impormasyon, at dapat mamili ka ng mga kalahok na magbibigay sayo ng malinaw na impormasyon. KATAGALAN NG PAG-UUSAP - Kailangan mong tukuyin kung gaano kaikli o kahaba ang pag-uusap. Ito’y depende sa iyong kalahok. Halimbawa: Guro at estudyante, kung saan ang estudyante ay may mas maikling attention span. PANGANGAILANGAN SA MATERYALES/KAGAMITAN - Minsan hindi kailangan ang mga materyales kung ang iyong sasabihin ay kayang intindihin o maikli lamang, pero para sa mga mahahaba o madiinan na pagbibigay ng impormasyon ay kailangan ito ng mga kalahok tulad ng overhead projector, bidyo, flipcharts, o manila paper sapagkat mas lalo pa nila itong maiintindihan. KATANGIAN NG TAGAPAGSALITA - Kailangang alam na alam at dapat aralin ng isang tagapag-ulat ang kaniyang mensaheng sasabihin upang makapagbigay ng magaganda at nakakamanghang impormasyon. Katangian din nito ay ang eye contact, gamit ng kamat at kilos nito, epekto ng pagitnang hinto, intonasyon, atbp. URI NG PAGUULAT 1. Magbigay kabatiran o impormasyon A. Pag uulat ng mag aaral sa paksang ibinibigay ng guro B. Ginagawa ng pangulo o ingat yaman ng isang Samahan C. Pagkatapos dumalo sa kumperensa D. Kawanihan ng panahon 2. Maglahad ng pag aaral o pagsusuri ng ginawa A. Pagpapabatid sa mga nangyari sa eksperimento o pagmamasid na ginawa ng mga tao naeksperto sa ibat ibang larangan. B. Ginagawa sa pag aaral sa aralin sa agham PAGHAHANDA NG PAG UULAT 1. Ang pangangalap ng impormasyon at paglikom ng datos. A. Pagbabasa sa mga tiyak na aklat sanggunian B. Pagbabasa sa iba pang sanggunian 2. Pakikipanayam sa mga taong kasangguni at mga taong awtoridad sa paksang iuulat 3. Maayos na pagtatala ng mga datos A. Gumamit ng indeks kard B. Itala sa bawat indeks kard ang impormasyon mula sa isa lamang pinanggalingan ngdatos. Isulat sa indeks kard ang: • Pamagat ng aklat • Awtor ng aklat • Sino at kalian nalimbag • Pahina ng aklat na kinunan sa aklat • Ang mahalagang kaisipang nakuha sa aklat C. Isaayos ang mga indeks kard batay sa pangalan ng awtor upang madling hanapin angtala kapag kinakilangan.Tandaan :Upang maging matagumpay sa pagbibigay ng ulat kailangan ang: • Ganap na paghahanda • Maayos na paglikom ng datos at impormasyon • Magandang pagtatala ng mga datos at impormasyon • Magandang pagbubuo at pagsulat ng ulat • Maayos na delivery o pagbibigay ulat kabilang ang: a) Wastong tindig b) Katamtamang lakas ng tinig c) Wastong pagbigkas ng mga salita d) Masaya at maaliwalas ang bakas ng mukha na nag aanyaya ng pagtitiwala MGA DAPAT TANDAAN SA PAGHAHANDA SA ISANG PAG UULAT • Pumili ng isang kawiliwiling paksa para sa akikinig o mambabasa • Balangkasin munang mabuti ang nakuhang kaisipan https://www.scribd.com/document/439501251/PASALITANG-PAG-UULATKomFil https://www.scribd.com/embeds/423719727/content?start_page=1&view _mode=sgulung&access_key=key-fFexxf7MbzEfWu3HKwf PROGRAMA SA RADYO AT TELEBISYON Ang komunikasyon sa radyo at telebisyon ayon kay Noorhof (2017) ay nagsiismula kapag may mahalaga at kawili-wiling impormasyon, paksa at pangyayari nan ais maunawaan o ipaunawa sa mga tao o mga mamamayan ng bansa. Ang mga impormasyon ay inilalahan sa iba’t ibang paraan sa mga programa ng radyo at telebisyon. KOMUNIKASYON SA TELEBISYON Ang komunikasyon sa telebisyon ay isang paraan ng pagpapahatid impormasyon sa pamamagitan ng mga tunog at visual sounds na ibinabato sa mga tv screen. Ito ang proseso na panlibang (entertainment), pang-impormasyon (information) at pang-edukasyon (educational). Ito rin ang pangunahing midyum sa larangan ng negosyo at kalakalan dahil sa pangangailangang pag-aanunsyo (advertisement). Sa kasalukuyan, ang telebisyon ang nangungunang midyum ng komunikasyon sa lahat ng uri ng mass media dahil bahagi ito ng arawaraw na libangan ng mga tao sa Lipunan. MGA URI NG PALABAS O PROGRAMA SA TELEBISYON 1. Balita - Tumutukoy sa kasalukuyang nagaganap sa loob o labas man ng bansa. Sa pamamagitanng paghahatid ngimpormasyon sa mga kasalukuyang pangyayari ng mundo gamit ang telebisyon Halimbawa: 24 Oras, Balitanghali, TV Patrol, Bandila, atbp. 2. Dokumentaryo - Mga palabas na naghahatid ng gawaing pantulong na sumasalamin sareyalidad ng buhay at tumatalakay sa kultura ng isang lipunan. Halimbawa: I witness, Reeltime, Failon Ngayon, Reporters Notebook atbp. 3. Sports – dito makikita o mapapanood ang mga larong pampalakasan, mga pagsasanay, mga ehersisyo, at iba pang Gawain na may kinalaman sa lakas at tibay ng katawan. Halimbawa: UAAP, NCAA 4. Pang-edukasyon – mapapanood dito ang iba’t ibang palabas na naglalaman sa paghahasa ng katawan, bagong kaalaman mula sa Agham, Sipnayan, Panitikan maging ang paghahasa sa kakayahan sa sining at iba pa. Halimbawa: Art Angel, Sineskwela, Math-tinik, atbp. 5. Drama at Komedya - Binubuo ng iba’t ibang tauhan na nagsasadula ng isang kwento. Halimbawa: Kambal Karibal, Ang Probinsyano, Wild Flowers, La Luna Sanggre, Banana Split,Bubble Gang atbp. 6. Musika at Sayaw – ang mga karaniwang pinapalabas dito ay mga Music Videos, pagtatanghal ng isang tao o grupo at iba pang may kinalaman sa musika at pagsayaw. Halimbawa: MTV Top 20 Pilipinas, MYX, Pinoy Rock Myx, atbp. 7. Variety Show - Binubuo ng magkakaibang pagtatanghal sa musika, komedya, talk show at iba pana pinangungunahanng mga host ng programa Halimbawa: Eat Bulaga, Showtime, ASAP, Sunday Piinasaya, atbp. 8. Realidad na Telebisyon – isang uri ng palabas sa telebisyon kung saan ang sinusubaybayan ay ang totoong buhay ng mga tao at hindi mga kathang isip na tauhan. Halimbawa: Tunay na Buhay KOMUNIKASYON SA RADYO Ang komunikasyon sa radyo ay isang paraan naman ng tansmisyon, emisyon at resepsyon ng mga radio waves ng mga estasyong panradyo (frequency at band). Hindi nalalayo ang layunin ng mga programang pantadyo sa telebisyon. MGA URI NG PROGRAMA SA RADYO 1. AM (Amplitude Modulation) - Mga istasyong naghahatid ng balita at tumatalakay sa masseryosong paksa sa lipunan. Halimbawa: Super Radyo DZBB 594, Veritas 846 Radyo Totoo, DZMM Radyo Patrol 630. 2. FM (Frequency Modulation) - Mga istasyong naghahatid na kinaaaliwan ng mga kabataan dahilsa mga musikangpinatutugtog at ilang programang nakaantig ng damdamin. Halimbawa: Love RADYO 90.7, Win Radi 91.5., Barangay LS 91. 7 atbp • Pakikinig ang kasanayang naliling sa radyo, samantalang • Panood at pakikinig naman ang nalilinang sa telebisyon KOMUNIKASYON SA RADYO AT TELEBISYON [ONLINE] Ayon kay Ahmud (2012), malaganap na rin ngayon ang onlinen na programang pantelebisyon at panradyo. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga mobile device, laptop at personal computer ay maaari nang mapanood ang mga programa sa telebisyon o kaya mapakinggan ang mga programa sa radyo. SA kabutihan pa, ng mga programa at telebisyon ay maaari na ring makuha sa pamamagitan ng pag-downlaod sa mga ito sa world wide web. https://www.scribd.com/presentation/443257986/KOMUNIKASYON-SARADYO-AT-TELEBISYON-Copy VIDEO CONFERENCING Ito ay tumutukoy sa dalawa o higit pang tao gamit ang internet upang makapaghatid ng Bidyo at tunog para makipag-usap sa ibang tao sa parehong oras. Mayroong dalawang uri ang video conferencing, ang point-to-point at multipoint. Nagagamit ito ng mga indibidwal o grupo sa iba’t ibang lugar na nagpapadala ng mga dokumento at gumagamit ng multimedia, tunog, video, at mga dokumento na nangangailangan ng mabilis na kasagutan o tugon. Nagagawa rin nitong makita mo ang iyong kausap, makita ang ekspresyon at mga paggalaw ng mga tao sa loob ng silid. Binubuo ang sistema ng video conferencing ng tinatawag na endpoints, gaya ng kamera,mikropono, at iba pangkagamitan, MCU (multipoint control Unit) at koneksiyon sa internet. · Point-to-Point Video Conferencing – direktang pag-uusap ng dalawang tao tulad ng pakikipag-usap gamit ang kamera at mikropono ng telepono (video call) ·Multipoint – pag-uusap ng higit sa dalawang tao gamit ang kamera at mikropono (zoom) A. Pinagyayabong ng Video Conferencing ang komunikasyon ng tao. - Ayon sa pag-aaral, dahil sa Video Conferencing, 90% ng impormasyon ang naihahatid sa utak ng tao sa biswal na pamamaraan. Dahilan sa galaw ng mata, mukha at katawan ng tao kaya mas madaling maunawaan ng iba ang ibig ipakahulugan ng nagsasalita. B. Isinusulong ng video conferencing ang pagiging pokus sa gawain ng mga kalahok. - Kailangang maging pokus ang mga kalahok sa kanilang gawain sa loob ng video conference. Kapag nasa harapan ng webcam, siguraduhing ang inyong lugar ay malinis at maaliwalas dahil maaaaring maagaw nito ang atensyon ng kausap. Dahil dito, iminumungkahi ng video conferencing ang pagkakaroon ng kahandaan at kompromiso sa makatotohanang proseso ng Komunikasyon. Mga Industriyang Gumagamit ng Video Conferencing: • • • • • Pampinansyal Pang-enerhiya Pangkomunikasyon Industriya sa pangangalaga ng kalusugan Edukasyon; atbp. VIDEO CALL ETIQUETTE Mabilis sa paraang komunikasyon dulot ng teknolohiya ang pagkakaroon ng video conferencing na binubuo ng dalawa o higit pang mga tao mula sa magkaibang lugar na kasali sa isang pag-uusap o tawag. Sa pamamagitan nito ay malayang nakikipagpalitan ng mga impormasyon tulad ng larawan, datos at audio. Ang mga kagamitang kinakailangan para sa videoconference ay ang webcam o video camera para makita ang kausap, monitor at kompyuter, projector o kahit anong elektronikong kagamitan upang makita ang kausap, mikropono para marinig ng kausap, kung konektado na, maaari nang makita at marinig ang isa’t isa. Mga Dapat Isaalang-alang sa pagpupulong habang Nakabidyo • Ayusin ang IP (Internet Protocol) Address sa site ng taong gusto mong matawagan o nakalista sa iyong kompyuter o gadget. • Ayusin ang kamera bago tumawag upang hindi magkaroon ng suliranin at magamit ito ng maayos. • I-mute ang mikropono kapag nagsasalita ang kausap. Iwasang pagsabayin ang pag-uusap, maaari itong mag-echo at magkaroonng audio feedback na manggagaling sa Audio Bridge. Kung nais magsalita ay alisin ang mute ng mikropono. • Tingnan ang kondisyon ng mga kagamitan, ayusin na ito bago tumawag upang masubukan ito ng walang problema. Mga Dapat Isaalang-alang sa Paggawa ng Bidyo • Huwag magsuot ng matitingkad na kulay, sobrang itim o maraming disenyo sa pananamit. • Kung may bintana sa kwarto, isara o takpan ito ng mga kurtina. • Tumingin sa mata ng kausap sa pamamagitan ng pagtingin sa monitor o sa kamera. • Gumamit lang ng natural na kilos kapag nakikipag-usap. Mga Dapat Isaalang-alang sa Paggawa ng Audio • Huwag sumigaw, gamitin lamang ang natural na boses. • Itanong sa kausap kung malinaw na naririnig ang boses. • Magpakilala sa kausap upang malaman kung malinaw na naririnig ang boses • Dahil sa madalas na nahuhuli ang audio kaysa sa bidyo, hintaying matapos ang sinasabi ng kausap bago magtanong o magbigayng komento. • Iwasan ang pag-ubo o ano pang kilos na maaaring magkabaling sa atensyon ng kausap. • Iwasang magsalita nang walang kaugnayan sa pinag-uusapan. Mga Dapat Isaalang-alang sa Paggawa ng Multipoint Conference • Alamin muna ang pagkakakilanlan bago magsalita sa kausap. • Bigyan ng gabay ang mga katanungan ng kausap sa pamamagitan ng malinaw na impormasyon upang maiwasan ang pagkalito. • Siguraduhing malinaw ang bidyo kung mayroong banner o kahit anong kagamitan na nagpapakita ng pagkakakilanlan sa lugar. Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagpapakita ng Nilalaman • Tingnan kung mayroon bang kagamitang teknikal na nakalagay sa kompyuter gaya ng Microsoft Word at Powerpoint na maaaring kailanganin upang ipakita ang mga dokumento, • Subukan at ihanda ang presentasyong gagamitin o mga nilalaman na kailangang ipakita bago tumawag. https://www.studocu.com/ph/document/holy-cross-of-davaocollege/psychology/programa-sa-radyo-attelebisyon/47646396?origin=home-recent-1 KOMUNIKASYON SA SOCIAL MEDIA SOCIAL MEDIA – tumutukoy sa isang paraan ng interaksyon na nagaganap sa mga indibidwal kung saan ang mga impormasyon ay nililikha, naibabahagi, at natatalakay sa pamamagitan ng maparaang virtual at sa sistemang networking o network. • Ayon kay Wills (2017), may 2.8 bilyong indibidwal ang gumagamit ng social media sa buong mundo. • Ayon naman kay oung (1996) may dalawang klase ng tao ang gumagamit ng social network: A. Dependent - na gumugugol ng 39 oras sa internet para sa sosyal na pakikipag-usap at pakikihalubilo. B. Independent – kumukunsumo ng limang oras lamang sa “net surfing” o “email”. • Ayon kay Pertierra (2002), ang pagbabagong dulot ng teknolohiya ay nagbunga ng pagpapakahulugan sa kultura. Kung may dagdag sa teknolohiya ay may kaakibat ding dagdag sa kultura. Kaya naman may dalawang mukha ang komunikasyon sa social media, ang pagkakaroon ng kalakasan at kahinaan nito. KALAKASAN: o Mas napadali ang daluyan ng komunikasyon kumpara sa dating proseso ng pagpapadala ng liham. o Nagsisilbi itong midyum upang makapagkalat ng balita o kamalayan sa isang sitwasyon (halimbawa kung nananawagan para sa isang nawawalang bagay o tao) o Dito rin nakikipag-ugnayan ang bawat mag-aaral tungkol sa kanilang aralin (group chat) KAHINAAN: o Paggamit ng salitang balbal o impormal na wika tulad ng pagpapaikli sa mga komento o pahayag na nakakasira sa wika. (halimbwa: dito na me, wer na u?, Jgh from school, ang init) o Pagkalantad ng malalaswang imahe ng tao. Ayon sa ulat ng CSI/FBI Computer Crime Security (2000), sinasabi na 79% ng mga kabataan ang umaabuso sa social networking sites at isa sa mga pag-abusong ito as ang pagdownload ng pornograpiya. o Pagkalat ng fake news sapagkat madaling maniwala ang tao batay sa nakikita at nababasa sa internet. Proseso ng Komunikasyon sa Social Media (Kuhlmann, 2007) 1. Nabuong mensahe ng encoder na nais ihatid. 2. Paghahatid ng nabuong mensahe sa pamamagitan ng iba’t ibang aplikasyong pangmedia. 3. Signal o ugnayang wireless. 4. Mensaheng naproseso gamit ang napiling aplikasyong pangmedia (gamit ang decoder sa kaniyang gadget) 5. Natanggap na mensahe 6. Mensaheng naintindihan ng decoder 7. Tugon ng decoder SOCIAL MEDIA PLATFORMS Social Networking – Gumagamit ito ng mga websites upang magkaroon ng impormal na komunikasyon sa mga tao na may parehong interes sa loob ng isang pangkat o networks. 1. Facebook – Nilikha ng grupo ni Mark Zuckerberg noong 2004 bilang isang eksklusibong site para sa mga mag-aaral sa Harvard. Ito ang pinakasikat at pinakagamit sa lahat ng social media sites dahil sa simpleng pamamaraan ay nahahanap at nakakausap ang mga taong nasa malalayong lugar. 2. Google+ - Itinatag ni Larry Page at Sergey Brin noong 1996 bilang hanguan ng pangkalahatang kaalaman. Ginagamit ito upang humanap ng mga impormasyon at datos sa pamamagitan ng search engine ng google. 3. LinkedIn – Inilunsad ni Jeff Weiner noong 2009 upang gamitin sa paghahanap ng impormasyon sa isang kumpanya at nais na trabaho. Microblogging – Inilalagay dito ang mga maiikling impormasyon at bagong datos sa isang social media site. Maaari ding mag-subscribe, magbigay ng pribado at pampublikong mensahe ang mga gumagamit sa ibang tao. Dito rin nauso ang paggamit ng mga hashtags na naglalaman ng iba’t ibang paksa. 1. Twitter – Itinatag ni Jack Dorsey, Noah Glass, Biz Stone, at Evan Williams noong 2006. Isa itong instrument ng komunikasyon sa mga tao sa pamamagitan ng pag-follow sa kanilang account at paggamit ng hashtags na mag kasamang opinyon o kuro-kuro na makikita ng ibang tao kapag hinanap nila ito sa search engine ng naturang social media site. 2. Tumblr – Itinatag ni David Karp noon 2007 na pagmamay-ari na ng Oath Inc. Ginagamit upang maglagay ng mga larawan, mensahe, bidyo, mga sip isa libro at audio na inilalagay sa kanilang blog na tumatalakay ng kanilang nais na paksa. Blogging – Inilalagay dito ang mga sariling opinion, artikulo at kwento tungkol sa nais na paksa ng mga blogger. 1. WordPress – Binuo ng WordPress Foundation noong 2013. Ito’y ginagamit upang lumikha ng bagong blog, website, o aplikasyon na magagamit sa pagsulat ng sariling paksa. Pagbabahagi ng Larawan – Nakapagbabahagi dito ang sinuman sa pampubliko o pampribadong account ng kahit anong larawan. 1. Instagram – Binuo nina Kevin Systrom, Mike Krieger, at ng Facebook na ginagamit ngayon sa pagbabahagi ng mga larawan o bidyo na makikita ng sinuman kung nakapampubliko ang kanilang account. Maaari na ring makipag-usap sa ibang tao sa pamamagitan ng direktang mensahe (DM) 2. Flickr – Binuo nina Stewart Butterfield at Caterina Fake noong 2004 at tulad ng Instagram, maaari ding magbahagi ng mga larawan at bidyo. 3. Snapchat – Binuo nina Evan Spiegel, Bobby Murphy, at Reggie Brown noong 2011, dating mga mag-aaral ng Stanford University. Ginagamit ito sa pagbabahagi ng larawan ng tao na nilalagyan ng filter na mababago ang panlabas na anyo ng sinuman na haharap sa kamera. Maaaring magyaya ang anyo ng alinmang hayop, tao at iba pa. 4. Pinterest – Initinatag ni Ben Silbermaan at ginagamit ngayon upang magbahagi ng mga larawan na may paksa upang tumulong sa mga taong magbabasa nito. Halimbawa ng nilalaman nito ay mga recipe, mga tips sa buhay, inspirasyon ng tao, at iba pang ideya. Pagbabahagi ng Bidyo – Pampubliko o pampribadong account ng kahit anong bidyo na ibinabahagi ng mga tao online. 1. Youtube – Itinatag nina Jawed Karim, Chad Hurley at Steve Chen noong 2005. Ginagamit ito upang magbahagi ng mga bidyo na makikita ng publiko, mas account man o wala. Kadalasang mapapanood dito ang trailer ng mga palabas na pelikula at kanta. 2. Vimeo – Itinatag nina Jake Lodwick at Zach Klein noong 2004 at ginagamit ngayon upang magbahagi ng mga bidyo particular na ng mga maikling pelikulang ipinagbili rin ng Vimeo.