Ako si Ginoong Titan C. Cabile,ang inyong guro sa Filipino sa Piling Larang. MGA URI NG AKADEMIKONG SULATIN Simulan natin ang pagtalakay! Pagkaing Pangkaisipan MGA URI NG AKADEMIKONG SULATIN Simulan natin ang pagtalakay! ANO ANG AKADEMIKONG SULATIN Ito ay ang paraan ng pagsulat na umiikot sa batayang diskurso na maaaring magsalaysay, maglarawan, maglahad at mangatuwiran. • HALIMBAWA NG AKADEMIKONG SULATIN • • • • • • ABSTRAK SINTESIS PANUKALANG PROYEKTO KATITIKAN NG PULONG AGENDA TALUMPATI EDITORYAL • HALIMBAWA NG AKADEMIKONG SULATIN • • • • • • KOLUM KARIKATURA REPLEKSYON TALAMBUHAY DYORNAL TALAARAWAN PAMANAHONG PAPEL ABSTRAK Ito ay isang uri ng lagom na ginagamit upang ipakilala ang nilalaman at ipatangkilik ang isang saliksik/ pag-aaral/tesis sa mga mambabasa. • • • • • • • Ang mga bahagi ng Abstrak Introduksyon Mga kaugnay na literatura Metodolohiya Resulta Konklusyon Rekomendasyon Susing salita Binubuo ng 200- 250 na salita SINTESIS Kalimitang ginagamit sa mga tekstong naratibo para mabigyan ng buod, tulad ng maikling kuwento SINTESIS Ang layunin nito ay makakuha ng mahalaga ngunit maikling sulatin na kumakatawan sa kabuuan ng tekstong ibinuod. Taglay nito ang sagot sa mahahalagang tanong katulad ng sino, ano, paano, saan, at kailan naganap ang mga pangyayari BIONOTE Ito ay isang maikling talang ginagamit upang gawing pagpapakilala sa isang tao sa mga propesyonal na paggagamitan gaya ng publikasyon, at introduksiyon bilang tagapagsalita BIONOTE Ginagamit para sa personal profile ng isang tao, tulad ng kanyang academic career at iba pang impormasyon ukol sa kanya. PANUKALANG PROYEKTO Ito ay isang sulating nagtataglay ng detalyadong plano para sa pagbuo at pagsasagawa ng isang pryekto. PANUKALANG PROYEKTO Layuning makapaglatag ng proposal sa proyektong nais ipatupad. Naglalayong mabigyan ng resolba ang mga problema o suliranin ● ● ● ● ● ● ● ● BAHAGI NG PANUKALANG PROYEKTO PAMAGAT PROPONENT KATEGORYA PETSA RASYONAL DESKRIPSYON BADYET PAKINABANG KATITIKAN NG PULONG Organisadong idinudokumento ng papel na ito ang mga napagusapan at napagkasunduan ng mga naging bahagi ng isang pulong. AGENDA Ito ay mahalagang bahagi ng pagpapatakbo at pagpaplano ng pulong. Ito ay tala ng mga paksang pag-uusapan sa isang plano. TALUMPATI Ang akademikong sulatin na ito ay may layuning manghikayat, magbahagi ng katotohanan, kaalaman o impormasyon. TALUMPATI Ito ay ang sining ng pagsasalitang maaaring nanghihikayat,magb ahagi ng katotohanan,nangan gatwiran o tumatalakay ng isang paksa para sa mga tagapakinig. Isang uri ng diskurso na itinatanghal at binibigkas sa mga tagapakinig o publiko. Isang uri ng sanaysay na binibigkas at pinapakinggan. EDITORYAL Ito ay samasamang paninindigan ng patnugutan hinggil sa isang napapanahong paksa o isyu. KOLUM Ito ay regular na lathalain at mga serye ng mga artikulo sa pahayagan. KARIKATURA Ito ay paglalarawan sa tao na gumagamit ng pagpapayak o pagpapalabis na paraan. Dibuhong satiriko na may pagta-tanghal ng eksaheradong katangian ng isang tao o bagay. REPLEKTIBONG SANAYSAY Nakaangkla ang nilalaman ng sanaysay na ito sa karanasan ng manunulat na nakabatay sa isang partikular na paksa. REPLEKTIBONG SANAYSAY Uri ng sanaysay kung saan nagbabaliktanaw ang manunulat at nagrereplek. Isang replektib na karanasang personal sa buhay o sa mga binasa at napanood POSISYONG PAPEL Ito ay isang uri ng sanaysay na nagpapakilala ng isang tinig na nakabatay sa pansariling pananaw ng manunulat na maaaring umangkla sa mg paksang pampolitika,panlipunan,pan g-akademya, at iba pang kaugnay na larang na maaaring kuhanan ng paksa. POSISYONG PAPEL Ito ay kagaya ng debate na naglalayong maipakita ang katotohanan at katibayan ng isang tiyak na isyung kadalasan ay napapanahon at nagdudulot ng magkakaibang pananaw sa marami depende sa persepsiyon ng mga tao. LAKBAY SANAYSAY Uri ng sanaysay na makapagbalik-tanaw sa paglalakbay na ginawa ng manunulat. Mas marami ang teksto kaysa sa mga larawan PICTORIAL ESSAY Kakikitaan ng mas maraming larawan o litrato kaysa sa mga saita. Organisado at makabuluhang pagpapahayag sa litrato na may 3-5 na pangungusap TALAMBUHAY Nagsasaad ito ng kasaysayan ng buhay ng isang tao batay sa mga tunay na tala, pangyayari, o impormasyon. DYORNAL Para sa mag- aaral, dito naipapaliwanag ang obserbasyon at natalang impormasyon; tagumpay at kabiguan niya kaugnay ng kanyang pag- aaral. TALAARAWAN Kalipunan ng mga bugto-bugtong o baha-bahaging sulatin na nakasulat at nakaayos sa sunod-sunod na petsa o araw, na sumusunod sa porma ng kalendaryo. PAMANAHONG PAPEL Ito ay nagsisilbing kulminasyon ng mga pasulat na gawain kaugnay ng pagaaral ng isang paksa sa isang kurso o asignatura sa loob ng isang panahon o term. Naging malinaw ba sa inyo ang ating naging talakayan sa araw na ito? Kung may mga katanungan kayo, huwag mahihiyang magtanong sa inyong guro. Dito natatapos ang atin aralin sa araw na ito SA INYONG PAKIKIISA!