Uploaded by Ma. Liza Monreal

Grade 4 DLP 1st Quarter HEKASI

advertisement
1st
HEKASI IV
Date: _____________
I.
Layunin:
 Nakikilala ang globo bilang modelo ng mundo
 Nakikilala ang mga bahagi ng mundo
II. Paksang-aralin:
Mga Bahagi ng Mundo
Sanggunian:
BEC-PELC 1. A l
Batayang Aklat sa HEKASI 4
Kagamitan:
globo, mapang pandaigdig, larawan ng sistemang solar, kagamitang pansining, dalandan o
ponkan
Pagpapahalaga: Masiglang pakikilahok sa pangkatang gawain
III.Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Pagbabalitaan tungkol sa mga mahahalagang pangyayari na naganap sa mga bata noong nakalipas na
bakasyon.
2. Pagsasanay
Laro: Saluhan ng Bola
Ihahagis ng guro ang bola sa klase. Ang makasasalo ay magbibigay ng pangalan ng prutas, bagay o
gamit sa bahay na bilog tulad ng bola, plato at iba pa.
3. Balik-aral
a. Ilahad ang larawan ng sistemang solar. Pag-usapan ang kaayusan at laki ng mga planeta. Pangalanan
ang mga ito.
b. Itanong: Anu-ano ang mga planeta sa sistemang solar?
Paano naglalakbay ang mga planeta sa kalawakan?
Pang-ilang planeta ang mundo?
B.
Panlinang na Gawain
1. Paghahanda
a. Ipakita sa klase ang globo. Ipasuri ang hugis iba't ibang kulay na nakikita sa globe na siyang
kumakatawan sa mga bahagi ng mundo.
b. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang alam nila tungkol sa mundo at kung ano pa ang nais nilang
malaman tungkol dito.
2. Pagbubuo ng Suliranin
Ano ang modela ng mundo? Anu-ano ang mga bahagi ng mundo?
3. Pananaliksik
Ipabasa ang batayang aklat at ipalikom ang datos at mahalagang impormasyon tungkol sa paksa.
4. Pangkatang Gawain
Magpapalabunutan ang bawat pangkat kung anong paksa ang tatalakayin. Patnubayan ito sa
pangangalap ng impormasyon.
Pag-uusapan din ng bawat pangkat kung paano nila ililimbag ang nakalap na datos.
Pangkat I
a. Sa unang kahon gumuhit ng dalandan. Kulayan ito Sa kabilang kahon iguhit ang globo.
Paghambingin ang dalawa.
Pangkat II
a. Suriin ang globo.
b. Iguhit ang balangkas nito. Kulayan ng dilaw ang malalaking masa ng lupain.
c. Anong bahagi ng mundo ang kinakatawan ng iba't ibang mga hugis at kulay sa globo?
Pangkat III
a. Suriin ang globo.
b. Balangkasin ito.
c. Kulayan ng pula ang mga masa ng lupain.
d. Kulayan ng asul ang mga karagatan. Pangalanan ito.
Pangkat IV
a. Alin ang higit na malaki, bahaging tubig o bahaging lupa?
b. Ipakita sa pamamagitan ng circle graph.
5.
Pag-uulat/Pagtalakay sa Paksa
Paalaala: Maaaring magtanong ang guro bago o pagkatapos ng paguulat.
Itanong: Ano ang hugis ng mundo?
Bakit inihahalintulad ito sa isang dalandan?
Ano ang napapansin ninyo sa prutas na ito?
Sabihin na ang mundo ay katulad ng dalandan patag sa mga polo at maumbok sa bandang gitna
(ekwador). Ito ang naglalarawan sa hugis ng mundo bilang isang oblate spheroid.
Linangin ang kaisipang kontinente. Ipaturo sa globo ang Asia, Africa, Australia, Europe, South
at North America at Antartic.
Sabihin na ito ay mga kontinente na binubuo ng malalaking masa ng lupain sa mundo.
6. Paglalagom
Itanong: Ano ang hugis ng mundo? Ano ang nagbibigay modelo rito?
Anu-ano ang mga bahagi ng mundo? Ano ang bumubuo ng mga bahaging lupa? bahaging tubig?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Gabayan ang mga bata sa pagbubuo ng pahayag at mga batayang kaahman o natutuhan sa pag -aaral
ngpaksa.
Halimbawa:
Ang hugis ng mundo ay oblate spheroid.
Ang globo ay modelo ng mundo.
Ang mundo ay binubuo ng dalawang bahagi: bahaging lupa at bahaging tubig. Pinakamalaking anyong
tubig ang karagatan. Ang Pacific Ocean ang pinakamalawak sa buong mundo.
Pinakamalaking masa ng lupain ay tinatawag na kontinente. Ang Asia ang pinakamalaki at Australia
ang pinakamaliit.
2. Paglalapat
Ipagawa sa mga bata.
Gumuhit ng globo. Pangalanan ang mga kontinente. Kulayan ito nang matingkad na kulay.
Pangalanan ang mga karagatan. Kulayan ito nang mapusyaw na kulay.
IV. Pagtataya
Isulat ang wastong sagot.
1. Ang __________ ay modelo ng mundo.
2. Ang pinakamalaking kontinente ay __________.
3. Ang bahaging tubig ay bumubuo ng __________ bahagdan ng mundo.
4. Ang pinakamalaking anyong tubig ay mga __________.
5. Ang hugis ng mundo ay __________.
V. Kasunduan
Gumupit ng mga larawan ng anyong tubig at anyong lupa sa dyaryo. Pangalanan ang mga ito at ibigay ang
katangian.
HEKASI IV
Date: _____________
I.
Layunin:
 Nakikilala ang ekwador, prime meridian at International Date Line bilang mga guhit na nasa isip (imaginary
lines) na humahati sa mundo sa mga hatingglobo
II. Paksang-aralin:
Mga Imahinaryong Guhit na Humahati sa Mundo
Sanggunian:
BEC-PELC 1. A 2
Batayang Aklat sa HEKASI 4
Kagamitan:
globe, flashcards, manila paper, krayola
Pagpapahalaga: Naipagmamalaki ang katangi-tanging kinalalagyan ng Pilipinas.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan
Pagpapalitan ng balitang narinig sa radyo o napanood sa telebisyon.
2. Pagsasanay
Ilagay sa wastong hanay ang mga salita.
karagatan
sapa
golpo
kontinente
lawa
kipot
tangway
lambak
pulo
3. Balik-aral
Itanong: Anu-ano ang mga bahagi ng mundo? Ano ang bumubuo ng bahaging lupa? bahaging tubig?
(Ipaturo sa globo.) Ano ang pinakamalaking kontinente? pinakamaliit? (Ipaturo sa globo.) Ilan ang
karagatan sa mundo? Ano ang pinakamalawak na karagatan?
B.
Panlinang na Gawain:
1. Paghahanda
a. Ipasuri ang globo.
Itanong: Bukod sa kalupaan at karagatan, ano pa ang napapansin ninyo sa globo?
Sabihin na sa pamamagitan ng mga guhit na ito ay maipakikita ang lokasyon o kinalalagyan
ng isang lugar sa mundo. Linawin na ang mga guhit ay likhang-isip lamang.
2. Pagbubuo ng Suliranin
Anu-ano ang mga guhit na humahati sa mundo?
3. Pananaliksik
4. Pagtalakay sa Paksa
Gawain I
a. Gumuhit ng bilog sa pisara na may pahalang na guhit sa pinakagitnang bahagi nito. Sabihin na ito
ang ekwador.
b. Ipahanap ang ekwador sa globo. Ipalarawan ito.
c. Itanong: Saan matatagpuan ang ekwador? Asa anong digri ang kinalalagyan nito? Sa ilang bahagi hinati
ng ekwador ang mundo? Ano ang tawag sa bawat bahagi? Ano ang tawag sa pinakamalayong pook sa
dakong hilaga? dakong timog?
Gawain II
a. Gumuhit sa pisara ng malaking bilog na may patayong guhit sa pinakagitnang bahagi nito. Sabihin
na ito ay prime meridian.
b. Ipahanap sa globo ang prime meridian. Ipatalunton ito sa daliri. Ilarawan.
Itanong: Saan matatagpuan ang prime meridian? Saan ito dumaraan? Nasa anong digri ang
kinalalagyan nito? Sa ilang bahagi nahahati ng prime meridian ang mundo? Saang banda
matatagpuan ang silangang hatingglobo? kanlurang hatingglobo? Saan matatagpuan ang
Pilipinas?
Gawain III
a. Sabihing ito ang International Date Line.
b. Itanong: Saan matatagpuan ang International Date Line? Nasa anong digri ang kinalalagyan nito?
Sa ilang bahagi hinahati ng International Date Line ang mundo?
5.
6.
Pag-uulat/Pagtalakay sa Paksa
Itanong: Anu-ano ang mga imahinasyong guhit na humahati sa mundo?
Paglalagom
Mga Guhit sa Globo
Pahalang
o
Parallel
Lokasyon
Ekwador
 pinakagitna
o sentro
pahalang
 nasa 0°.
Patayo
o
Meridian
Prime
Meridian
 pinakagitna
 sentro
patayo
 nasa 0°
International
Date Line
Kahalagahan
 Hinahati ang mundo
sa hilagang
hatingglobo at timog
hatingglobo
 Hinahati ang mundo
sa silangang
hatingglobo at
kanlurang
hatingglobo.
 Katapat ng
pnme
meridian
 180°
Bakit mahalaga ang mga ito sa pag-aaral ng mundo?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Gabayan ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahat o batayang kaalaman tungkol sa paksang
tinalakay.
2. Paglalapat
Laro: Sampung manlalaro
Gumuhit ng malaking bilog sa silid-aralan. Pag-ihip ng pito, tatakbo sa tamang lugar ayon sa senyas
ng guro.
IV. Pagtataya:
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Guhit na pahalang sa gitna ng globo na humahati sa mundo sa hilaga at timog hatingglobo.
a. ekwador
c. International Date Line
b. parallel
d. prime meridian.
2. Ito’y guhit na patayo sa gitna ng globo.
a. ekwador
c. prime meridian.
b. parallel
d. International Date Line
V. Kasunduan:
Pangalanan ang nasa larawan.
1.
________
2.
________
3.
________
4.
________
5.
________
HEKASI IV
Date: _____________
I.
Layunin
 Nasasabi ang mga katangian ng mga guhit latitud .(parallels) na kaagapay ng ekwador
 Nakikilala ang mga espesyal na guhit latitud na kaagapay ng ekwador tulad ng Tropiko ng Kanser at Tropiko
ng Kaprikornyo, Kabilugang Arktiko, at Kabilugang Antartiko
 Nasasabi ang kahalagahan ng mga espesyal na guhit latitud (parallels)
II. Paksang-aralin
Mga Espesyal na Guhit Latitud
Sanggunian:
BEC-PELC 1. A 3,1. A 3.11, 1. A 3.2
Batayang Aklat sa HEKASI 4
Kagamitan:
globo, mapa ng daigdig, krokis ng mundo at lente
Pagpapahalaga: Pagiging maingat sa pagsusuri
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Pagbabalitaan tungkol sa mga pangunahing isyu sa ating bansa
2. Pagsasanay
Ano ang globo? mapa? Ano ang naiisip mo kapag nakikita ang salitang globo?
3. Balik-aral
Tukuyin ang ipinakikita ng larawan at sabihin ang mga nalalaman tungkol dito.
a. Ito ang ekwador.
b. Ang ekwador ay guhit na pahalang na matatagpuan sa pinakagitnang bahagi ng globo.
c. Hinahati nito ang mundo sa hilagang hatingglobo at timog hatingglobo.
B. Panlinang na Gawain
1. Paghahanda
Ipasuri ang globol/krokis ng mundo. Ipatuon ang pansin sa mga pahalang na guhit. Sabihing ang
mga pahalang na guhit sa globo ay tinatawag na mga guhit latitud o parallell. Inilagay ang mga ito sa
globo at mapa upang matukoy ang lokasyon ng isang lugar.
Itanong: Ano ang napapansin ninyo sa mga guhit latitude o parallels? (Pabilog na guhit sa globo mula
kanluran patungong silangan, ekwador ang pinakamalaking bilog sa mga parallel, pabilog na
guhit na lumiliit habang papalayo sa ekwador at papalapit sa mga polo.)
Sabihing may mga espesyal na parallel na gumaganap ng mahalagang papel sa paglibot ng
mundo sa araw.
2. Pagbubuo ng Suliranin
a. Anu-ano ang mga espesyal na guhit latitud o parallels?
b. Saan-saan ito matatagpuan?
c. Anu-ano ang mga kahalagahan ng mga guhit latitud?
3. Pananaliksik
4. Pangkatang Gawain
Pangkat I
a. Suriin ang globo.
b. Linyahanng sinulid ang hangganan ng bawat espesyal na parallel
c. Lagyan ng tanda ang Pilipinas.
Pangkat II
a. Pasinagan ng lente ang globo.
b. Anu-anog mga espesyal na guhit ang naabot ng diretsong sinag ng araw.
c. Anu-anong espesyal na guhit ang naaabot ng philis na sinag ng araw?
5. Pag-uulat/Pagtalakay sa Paksa
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Gabayan ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahat o batayang kaalaman tungkol sa paksa.
Halimbawa: Ang ekwador ang guhit na humahati ng mundo sa hilaga at timog hatingglobo.
2. Paglalapat
Gumuhit ng bilog. Ipakita ang mga espesyal na parallel. Lagyan ng disenyo ang bawat isa, kulayan
at ileybel ito.
IV. Pagtataya
Bilugan ang titik ng wastong sagot.
1. Saang hatingglobo makikita ang kabilugang arktiko?
a. Hilaga
b. timog
c. silangan
d. kanluran
2. Anong espesyal na parallel ang nasa 23 ½ o timog latitud?
a. Tropiko ng Kanser
c. Kabilugang Antartiko
b. Tropiko ng Kaprikornyo
d. Kabilugang Arktiko
3. Nasa zero digri latitud ang ____________ _
a. ekwador
c. International Date Line
b. prime meridian
d. guhit latitud
V. Kasunduan
Gumuhit ng bilog. Ipakita ang mga espesyal naparallel. Itala ang mga bansang matatagpuan dito.
HEKASI IV
Date: _____________
I.
Layunin
 Nasasabi ang katangian ng mga guhit longhitud
 Nasasabi ang kahalagahan ng mga espesyal na guhit longhitud. Prime meridian, International Date Line
II. Paksang-aralin
Mga Espesyal na Guhit Longhitud
Sanggunian:
BEC-PELC 1. A 4, 1. A 4. 1
Batayang Aklat sa HEKASI 4
Kagamitan:
globo, mapa at flashcards
Pagpapahalaga: Maingat na pagsusuri
III. Pamamaraan
A.
Pammulang Gawain
1. Balitaan
Pagbabalitaan tungkol sa mga nangyayari sa pamayanan
2. Pagsasanay
Ipatukoy kung parallel o meridian ang nasa flashcards.
a. linyang pahalang o horizontal
b. tumatakbo mula hilaga patungong timog
c. mga imahinaryong linya
d. iisa ang malaking bilog
e. tumatakbo sa Silangang-kanlurang direksyon
3. Balik-aral
Pangalanan ang mga espesyal na parallel sa larawan. Sabihin Ang kahalagahan nito
Itanong: Ano ang pagkakaiba ng latitude sa parallel? longhitud sa meridian?
Ipasulat ang konsepto sa loob ng mga kahon. Bakit mahalaga ang mga guhit
na ito?
B. Panlinang na Gawain
1. Paghahanda
a. Ipasuri ang globo. Ipatuon ang pansin sa mga patayong guhit.
Sabihing ang patayong guhit sa globe ay mga guhit longhitud o meridians. Tulad ng mga parallels,
inilagay ito sa mapa upang matukoy ang lokasyon ng isang lugar.
b. Itanong: Ano ang napapansin ninyo sa mga guliit longhitud o meridian?
Sabihin na tulad ng guhit latitud o paralle'ls, mayroon ding espesyal
na guhit longhitud.
2. Pagbubuo ng Suliranin
Anu-ano ang mga espesyal na meridian? Saan-saan matatagpuan? Ano ang kahalagahan nito?
3. Pananaliksik
4. Pangkatang Gawain
5. Pag-uulat/Pagtalakay sa Paksa
a. Itanong: Ano ang pinakagitnang guhit na longhitudinal? Saan ito matatagpuan? (Ipaturo sa mapa.)
Saan dumaraan ang prime meridian? Ipatalunton ita sa mga daliri. Bakit mahalaga ang prime
meridian?
Ipahanap ang International Date Line,
Ipaliwanag ang kabuuan ng -bilog ay 360°.
b. Itanong: Ano ang katapat ng 0°. Bakit hindi tuwid o diretso ang International Date Line?
6. Paglalagom
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Gabayan ang mga bata sa pagbuo ng paglalahat a batayang kaalaman tungkal sa paksa.
Halimbawa:
May natatanging gawain ang bawat espesyal na guhit sa globa.
2. Paglalapat
Paghambingin ang ekwadar at prime meridian.
IV. Pagtataya
Isulat ang wastang sagat.
1. Ang katapat ng prime meridian ay _____________ "
2.-3 Anu-ano ang mga espesyal na meridian?_______at______"
4. Ekwador: hilaga at timog; Prime Meridian: _______at _________.
5. Saang meridian nagpapalit ng petsa at araw tuwing binabagtas ito?
V. Kasunduan
Gumuhit ng bilog. Ipakita ang prime meridian at Internattonal Date Line.
HEKASI IV
Date: _____________
1.
Layunin
 Nasasabi na ang layo ng mga lugar sa mundo ay nasusukat sa digri Nakikilala ang digri latitud (0° latitud)
bilang panukat ng layo ng lugar pahilaga at patimog mula sa ekwador
II. Paksang-aralin
Digri Latitud Bilang Panukat sa Layo ng Lugar Mula Ekwador
Sanggunian:
BEC-PELC 1. A 7,7.1
Batayang Aklat sa HEKASI 4
Kagamitan:
globe, mapang pandaigdig, mapa ng Pilipinas, krokis ng mundo at flashcards
Pagpapahalaga: Ipagmalaki ang katangian ng Pilipinas
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Pagbabalitaan tungkol sa mga balitang pandaigdig
2. Pagsasanay
Tingnan ang krokis ng globo. Pangalanan ang bahaging may bilang.
3. Balik-aral
Paghambingin ang parallel o guhit latitud at meridian o guhit longhitud.Gamitin ang Venn
diagram.
B.
Panlinang na Gawain
1. Paghahanda
a. Pagpapakita ng larawan ng barko at eroplanong naglalakbay
b.
Hikayating magtahong ang mga bata tungkol sa larawan.
Itanong:
Bakit kaya sa paglalakbay ng barko sa karagatan at eroplano sa himpapawid ay
nakararating sila sa paroroonan?
Sabihin:
Aalamin natin kung paano sila nakararating sa tiyak na lugar sa tulong ng latitud at
longhitud na gabay nila.
2. Pagbubuo ng Suliranin
Paano nasusukat ang layo ng isang lugar sa tulong ng latitud?
3. Pananaliksik
4. Pagtalakay sa Paksa
Gawain I
a. Ipasuri ang krokis
b. Itanong: Ano ang napapansin ninyo sa krokis? Ano ang tawag sa mga pahalang na guhit? Ano
ang nakikita sa gilid ng bilog?
Gawain II
a. Balikan ang krokis.
b. Itanong: Nasa anong digri ang ekwador? Gaano ang layo ng mga parallel sa isa't-isa? Ilan ang
kabuuang bilang ng digri mula sa ekwador hanggang polong hilaga? polong timog?
Gawain III
a. Ipalagay ang letrang A sa 30° hilagang latitud at B sa 150 Timog latitud.
b. Itanong: Saang hatingglobo makikita ang A? B?
Gawain IV
a. Isusulat ng guro ang sagot sa pisara. A-30° H Latitud.
Sabihin na sa pagbasa ng latitud sa globo, kinakailangang dugtungan ng hilaga (H) o timog (T)
upang masabi kung nasa hilaga o timog sila ng ekwador.
b.
c.
5.
Ipabasa ang sagot. Magpakita uli ng krokis at ipagawa sa mga mag-aaral.
Itanong: Sa anong latitud ang x? Ano ang makikita sa 60 0 hilagang latitud? Gaano ang layo
ng  sa ekwadar? Alin ang pinakamalayo sa timog? Saan matatagpuan ang O?
Pag-uulat/Pagtalakay sa Paksa
Itanong: Ano ang digri latitud? Bakit ito mahalaga? (para malaman ang layo ng isang lugar ) Saan
nagmumula ang pagsukat ng isang lugar para malaman ang layo nito maging sa hilaga o sa
timog? Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang digri latitud ng globo?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Gabayan ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahat o batayang kaalaman tungkal sa paksa.
2. Paglalapat
a. Gumuhit ng bilaog. Guhitan ito ng mga parallel at bilangin sa digri na nagmumula sa ekwadar.
b. Iguhit ang mga sumusunad sa wastong digri latitud, hilaga o timog ng ekwador.
IV. Pagtataya
1. Paglalapat
b. Gumuhit ng bilog. Guhitan ito ng mga parallel at bilungin sa digri na nagmumula sa ekwadar.
b Iguhit ang mga sumusunad sa wastong digri latitud, hilaga o timog ng ekwador.
IV. Pagtataya
Suriin ang krokis ng globo. Isulat ang tamang sagot.
1. Gaano ang layo ng  sa ekwador?
a. 75° H
c. 45° T
b. 600 H
d. 60° T
2. Saang guhit makikita ang ( ) ?
a. 60° H latitud
c. 45° T latitud
b. 60° T latitud
d. 45° H latitud
3. Saan matatagpuan ang (
)?
a. 45° T latitud
c. 30° T latitud
b. 450 H latitud
d. 30° H latitud
V.
Kasunduan
Gamitin ang mapa. Ibigay ang latitud na kinaroroonan ng sumusunod na bansa.
Pilipinas
Taiwan
Hapon
Malaysia
Indonesisa
Vietnam
HEKASI IV
Date: _____________
I.
Layunin
 Nakikilala ang digri longhitud (0° long) bilang panukat ng layo ng lugar pasilangan at pakanluran mula sa prime
meridian
 Naipaliliwanag ang kahulugan ng grid.
 Nagagamit ang grid bilang pantulong sa paghanap ng isang lugar sa globo at mapa
II. Paksang-aralin
Paggamit ng Grid sa Pagsukat ng Layo ng Lugar
Sanggunian:
BEC-PELC I A. 5, 6, 7.2
Batayang Aklat sa HEKASI 4
Kagamitan:
globo, mapa ng Pilipinas, krokis ng globo at marker/ruler
Pagpapahalaga: Ipagmalaki ang sariling bansa
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Pagbabalitaan tungkol sa mga balitang pang-agham
2. Pagsasanay
Ipatukoy ang mga espesyal na guhit sa globo.
3. Balik-aral
Pag-aralan ang krokis at ilagay ang mga cutouts sa wastong lugar
B. Panlinang na Gawain
1. Paghahanda
a. Ipahanap sa globo ang prime meridian at International Date Line.
Itanong: Aling bahagi ng mundo ang silangan? kanluran? Anu-anong mga kontinente/bansa ang nasa
silangan? kanluran?
2. Pagbubua ng Suliranin
Paano nasusukat ang layo ng lugar sa silangan o kanluran ng prime meridian?
3. Pananaliksik
4. Pagtalakay sa Paksa
Gawain I
a. Ipasuri ang krokis/globo.
b. Itanong: Ano ang pinakagitnang guhit na langhitudinal?
Nasa anong digri langhitud ang prime meridian? Gaano ang layo ng meridian sa isa't-isa?
Ilang digri longhitud ang layo ng International Date Line mula prime meridian
pakanluran? pasilangan? Ano ang ginagamit na panukat sa layo ng lugar pakanluran a
pasilangan mula saprime meridian?
Gawain II
a. Tingnang muli ang globo. Ilagay ang letrang A at C tulad ng nasa larawan.
Itanong: Saang direksyon makikita ang A? Saang digri longhitud ito makikita?
Gawain III
a. Ipasuri ang globo at mapa
Itanong: Ano ang napapansin ninyo tungkol sa guhit latitud at guhit longhitud?
Sabihin na ang pinagtagpong guhit latitud at longhitud ay tinatawag na grid. Sa
paggamit ng grid natutukoy ang tiyak na kinalalagyan ng isang lugar.
b. Ipakita ang mapa ng Pilipinas. Ipahanap ang pulo ng Basilan. Ipalagay ang ruler sa 6°H latitud
at 1220 sa longhitud
Itanong: Nasaan ang Basilan?
c. Magbigay ng ilang pagsasanay.
5. Pang-uulat/Pagtalakay sa Paksa
Itanong: Ano ang grid? Bakit mahalaga ang grid? Ano ang prime meridian? Saan matatagpuan ang
International Date Line?
6. Paglalagom
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Gabayan ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahat o mga batayang kaalaman tungkol sa paksa.
Halimbawa:
Ang digri longhitud ang ginagamit bilang panukat ng layo ng lugar pasilangan o pakanluran mula
sa prime meridian.
Ang grid ang pinagtagpong guhit longhitud at latitud. Sa pamamagitan ng grid ay matutukoy ang
tiyak na kinalalagyan ng isang lugar.
2. Paglalapat
Gamitin ang mapa. Ibigay ang latitud at longhitud na kinaroroonan ng bawat bansa.
a.
b.
c.
d.
e.
Bansa
Pilipinas
Singapore
Hongkong
Malaysia
Japan
Latitud
Longhitud
IV. Pagtataya
Gamitin ang mapa ng Pilipinas sa pagsagot ng mga tanong.
1. Anong pulo ang nasa 12° H latitud at 120° S longhitud?
a, Busuanga
b. Romblon
c. Semirara
d. Sulu
2 Anong pulo ang matatagpuan sa 6° H latitud at 121° S longhitud?
a. Sulu
b. Basilan
c. Tawi-tawi
d. Sibutu
3. Anong pulo ang matatagpuan pagitan ng 12° at 13° H latitud at sa pagitan ng 122° at 123° S longhitud?
a. Romblon
b. Sorsogon
c. Panay
d. Negros
V.
Kasunduan
Sagutin ang sumusunod. Gamitin ang mapa.
1. Saan ka pinanganak?
________HL
2. Taga saan ang nanay mo?
________
3. Nasaan ang Maynila?
________
________RL
________
________
HEKASI IV
Date: _____________
I.
Layunin
 Nagagamit ang north arrow/compass rose sa pagsasabi ng direksyon
 Nasasabi ang pangunahin at pangalawang direksyon
II. Paksang-aralin
Paggamit ng Pangunahin at Pangalawang Direksyon
Sanggunian:
BEC·PELC 1. A 8
Batayang Aklat sa REKASI 4
Kagamitan:
mapa ng Pilipinas, mapa ng pamayanan, compass, kagamitang pansining, cassette tape
Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa pagkakaroon ng kaalaman
II.
Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Pagbabalitaan tungkol sa mga balitang pangkalusugan
2. Pagsasanay
a. Ehersisyo sa saliw ng musika
b. Sa pamamagitan ng dyads mag-uusap ang mga bata tungkol sa isang bagay na nawawala o lugar na
hinahanap.
3. Balik-aral
Ipasusulat sa pisara sa tulong ng cluster map ang mga salitang ginagamit nila sa pagbibigay ng direksyon.
B. Panlinang na Gawain
1. Pahahanda
A
N
NA
Direksyon
Ano ang –
 Silangan
 Pangunahing
direksyon?
 Kanluran
 Pangalawang
 Hilaga
direksyon?
 Timog

Mga instrument sa
 Etc.
pagsasabi ng
direksyon?
2. Pabbubuo ng Suliranin
Anu-ano ang mga pangunahing direksyan? Anu-ano ang pangalawa o sekundaryang direksyan?
Ano ang instrumentang ginagamit sa pagsasabi ng direksyan?
3. Pananaliksik
4. Pangkatang Gawain
Pangkat I
Ipakita sa pamamagitan ng guhit ang pangunahin at pangalawang direksyon.
Pangkat II
a. Iguhit o kumuha ng larawan ng compass/compass rose at north arrow. Ilarawan ito.
b. Ipakita sa mapa ang gamit nito.
Pangkat III
a. Paano ang pagsasabi ng direksyan kung walang compass? Ipakita sa klase.
5. Pag-uulat/Pagtalakay sa Paksa
Itanong:
a. Anu-ano ang mga pangunahing direksyan? pangalawang direksyan? Ano ang pagkakaiba ng
pangunahin (kardinal) at pangalawang direksyon (kalahatang direksyan)?
b. Ano ang ginagamit na gabay sa paghahanap ng isang lugar? Ana ang campass? compass rose? north
arrow? Ilarawan ito. Paano ito ginagamit? Ano ang gamit ng north arrow? Kung walang compass,
paano ang pinakamadaling paraan sa pagsasabi ng direksyan?
C.
Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Gabayan ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahat o mga batayang kaalaman tungkol sa paksa.
Halimbawa:
Ang compass ay isang. mahalagang instrumentong ginagamit sa paghahanap ng direksyon.
2.
Ang panandang North Arrow ay ginagamit sa mapa bilang batayan sa pagsasabi ng mga direksyon. Ito
ay isang palaso na nakaturo sa hilaga.
Ang apat na pangunahing direksyon ay hilaga, timog, silangan,at kanluran.
Tinatawag na pangalawang direksyon ang nasa pagitan ng pangunahing direksyon.
Paglalapat
a. Basahin ang mga sumusunod at sagutin:
Noong unang panahon, ang mga pirata ay gumamit na ng mapa. Tinawag nila itong mapa ng
kayamanan. Ginawa nila ito upang madali nilang matukoy ang pinagbaunan ng ginto, alahas at salapi
na kanilang nakuha sa mga pasahero ng mga sasakyang-dagat.
Ikaw man ay maaaring gumamit ng mapang katulad ng mapang ginamit ng mga pirata.
Nasa ibaba ang isang halimbawa ng mapa na maaari mong magamit upang matukoy ang
kinalalagyan ng kayamanang ibinaon ng mga pirata.
Pag-aralan ito.
b. Hanapin ang kayamanang nakabaon. Sundin ang mga sumusunod:
1. Mula sa daungan, taluntunin ang liku-likong daan.
2. Mula sa puno, lumakad. patungong silangan hanggang makarating sa liku-likong daan.
3. Mula sa puno, lumakad patungong silangan hanggang makarating sa krus na daang malapit sa
kamalig. Lumiko patungong hilaga.
4. Pagdating sa kanto, lumiko patungong kanluran hanggang sa marating ang Burol ng Diwata.
Mula rito, matatanaw ang magkasangang daan.
5. Taluntunin ang daan patungong kanluran at tumawid sa tulay na bakal. Huminto sa ibaba ng
tulay.
6. Mula sa ibaba ng tulay lumakad ng sampung hakbang patungo sa punungkahoy. Lagyan ng ekis
ang hinintuan. Dito matatagpuan ang kayamanan. Natagpuan mo ba?
IV. Pagtataya
Pag-aralan ang larawan at sagutin ang mga tanong.
1. Saang direksyon ang gusaling Bonifacio?
2. Saang direksyon ang pintuan ng paaralan?
3. Saang direksyon ang kantin?
4. Saang direksyon ang gusaling pantahanan?
5. Saang direksyon ang palikuran?
V. Kasunduan
1. Iguhit ang lugar na kinaroroonan ng inyong bahay Sa bandang itaas na sulok, lagyan ng panandang palaso na
nakaturo sa hilaga .
2. Tukuyin ang mga kalyeng nakapalibot sa kinaroroonan ng inyong bahay.
a. sa silangan
______________
b. sa kanluran
______________
c. sa hilaga
______________
d. sa timog
______________
HEKASI IV
Date: _____________
1.
Layunin
 Nagagamit ang pangunahin at pangalawang direksyon sa pagsasabi ng kinalalagyan ng isang lugar batay sa
lokasyon ng ibang lugar (relative location)
II. Paksang-aralin
Kaugnay na Lokasyon ng Isang Lugar
Sanggunian:
BEC-PELC 1. A 9
Batayang Aklat sa HEKASI 4
Kagamitan:
mapa ng Pilipinas, mapa ng'Asya, mapa ng NCR, larawan ng gubat
Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa kaalaman sa direksyon
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Pagbabalitaan tungkol sa mga balitang pampalakasan
2. Pagsasanay
a. Laro - Treasure Hunt (Pilngkatang Gawain)
b. Bigyan ng activity card at pinalaking larawan ng gubat Sitwasyon: May batang naligaw sa gubat.
Nakasalubong siya ng matanda na nagturo sa kanya ng landas pauwi. Masundan mo kaya?
c. Sundin ang mga sumusunod na panuto. Lagyan ng x kapag narating ang lugar na may salungguhit.
1.
Mula sa X lumakad patimog hanggang sa punong nakabuwal.
2.
Pagdating sa punong nakabuwal lumiko at sundan ang landas patungong silangan.
3.
Mula sa lawa, lumakad nang pahililga at huminto sa maraming punungkahoy.
4.
Mula rito, tuntunin ang liku-likong daan patungong silanganhang gang umabot ka sa krus na
daan. Lumiko at lumakad patimog.Sa dulo ng daan makikita ang isang kubo sa tabi ng malaking
puno. May dalawang land as dito. Sundan ang landas patungong silangan.
Itanong:
O, ano nakalabas ka ba sa gubat? Saang landas kayo lumabas? Ano ang
nakatulong sa inyo? Anu-ano ang mga direksyong iyon? Ano ang iyong
pinagbatayan sa pagtukoy ng direksyon.
3. Balik-aral
a. Ipakita ang mapa ng Pilipinas.
b. Itanong: Anog pananda ang nakikita sa bandang itaas ng mapa? Saan ito. nakatura? Batay sa north
arrow nasaan ang Batanes? Saranggani? Catanduanes? Palawan?
B.
Panlinang na Gawain
1. Paghahanda
Ipakita ang isang mapa ng pamayanan. Pag-aralan ito.
2. Pagbubua ng Suliranin
Ano ang mga pangunahing direksyan? mga pangalawang direksyan?
3. Pagsasaliksik
4. Pangkatang Gawain
Hatiin sa apat na pangkat ang mga bata. Bawat pangkat ay guguhit ng pamayanan. Sasabihin
kung anu-ano ang matatagpuan sa iba't-ibang direksyan, pangunahin o pangalawang direksyan.
5. Pag-uulatlPagtalakay sa Paksa
a. Itanong:
Nasaan ang plasa?
Kung ang plasa ang gagawing batayan. Anong gusali ang nasa kanluran nito?
Anong gusali ang nasa silangan?
b. Itanong:
Saang direksyan naroron ang munisipya?
Anong gusali ang ginamit na batayan?
c. Itanong:
Kung ang pamilihan ang magiging batayan, nasaan ang plasa?
Nasaan ang restauran?
Ano ang gusaling nasa Timog-kanluran ng pamilihan?
Ano ang gusaling ginawang batayan?
6. Paglalagom
Paaalala: Ang tsart ay ginagawa ng guro sa pisara habang nagtatalakayan.
a. Tingnan ang pagsasaayos ng mga lugar sa tsart.
b. Itanong: Ano ang napansin ninyo sa mga lugar? Nagbago ba?
Sa direksyon ng mga lugar, may pagbabago ba? Bakit nagbago ang direksyon ng mga lugar?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Gabayan ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahat at batayang kaalaman tungkol sa paksa.
Halimbawa:
Ang direksyon ng isang lugar ay naaayon sa pinagbabatayang lugar. Ang direksyon ng isang lugar ay
batay sa kinalalagyan o lokasyon ng ibang lugar.
Ginagamit ang pangunahin at pangala ang direksyon sa pagsasabi ng lokasyon ng isang lugar.
2. Paglalapat
Kumuha ng mapa ng Pilipinas at Asya. Pansinin ang north arrow. Saan ito nakaturo?
Pangkat I
Pag-aralan ang mapa ng NCR. Hanapin ang Maynila. Anu-ano ang mga lungsod at lalawigan ang
nakapaligid dito?
Pangkat II
Narito ang mapa ng Luzon. Hanapin ang Bulacan. Anu-anong mga lalawigan ang nasa bandang timog
nito? hilaga? kanluran? silangan?
Pangkat III
Suriin ang mapa ng Asia. Hanapin ang Pilipinas. Anu-anong mga bansang kalapit nito? Gamitin ang
iba't ibang-direksyon H,S, T, at K.
Pangkat IV
Suriin ang mapa ng Pilipinas. Itala ang mga karagatang nakapaligid dito.
IV. Pagtataya
Hanapin sa mapa ng Pilipinas ang sagot sa mga sumusunod na tanong:
1. Si Mr. Santos ay nasa Maynila. Ibig niyang magbakasyon sa Baguio. Saang direksyon siya patutungo?
a. Hilaga
c. Kanluran
b. Timog
d. Silangan
2. Anong lalawigan ang nasa dakong silangan ng Tarlac?
a. Zambales
c. Nueva Ecija
b. Pangasinan
d. Pampanga
3. Nasa Bataan si Mrs. Ramos. Mamamakyaw siya ng bigas sa Bulacan. Saang direksyon siya patutungo?
a. Hilagang-silangan
c. Timog-silangan
b .. Hilagang-kanluran
d. Timog-kanluran
V. Kasunduan
Magdisenyo ng isang pamayanan. Gawing puntong reperensya ang inyong tahanan.
Sa bandang silangan
may simbahan at paaralan
Sa bandang kanluran
may pamilihan at estasyn ng pulis
Sa bandang timog
may palaruan o parke
Sa bandang hilaga
may ospital
HEKASI IV
Date: _____________
I.
Layunin
 Nagagamit ang globo/mapa sa pagtukoy ng tiyak na kinalalagyan ng Pilipinas
II. Paksang-aralin
Tiyak na Kinalalagyan ng Pilipinas
Sanggunian:
BEC-PELCI. A 10
Batayang Aklat ng HEKASI.4
Kagamitan:
globo, mapang pandaigdig, mapa ng Pilipinas at cutouts
Pagpapahalaga: Nabibigyang halaga ang kaalaman sa paggamit ng globo o mapa
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Pagbabalitaan tungkol sa mga bagong proyekto ng pamahalaan sa inyong mga pamayanan
2. Pagsasanay
Magpakita ng mapa ng isang pamayanan. Ipasagot ang mga tanong tungkol dito.
a. Anong gusali ang nasa timog?
b. Anong gusali ang nasa Hilagang-kanluran?
c. Saang direksyon ang pamilihan?
d. Saang direksyon makikita ang sinehan?
e. Pagkatapos ng klase, pupunta sa plasa ang mga magaaral. Saang direksyon sila patutungo?
3. Balik-aral
Suriin ang mapa ng Pilipinas.
Itanong: Kung ang pagbabasihan ay Panay, nasaan ang Romblon?
Kung ang pagbabasihan ay Masbate, nasa anong direksyon, ang Romblon? Kung ang gagamitin
ay pulo ng Tablas, nasaan ang Romblon? Ano ang tiyak na kinalalagyan ng Panay? Romblon?
Masbate? Tablas?
B. Panlinang na Gawain
1. Paghahanda
Ipahanap ang Pilipinas sa globo at mapang pandaigdig, nasaan ang Pilipinas?
2. Pagbubuo ng Suliranin
Ano ang tiyak na kinalalagyan ng Pilipinas?
3.
Pananaliksik
4.
Pangkatang Gawain
Nasaan ang Pilipinas?
PangkatI
a. Suriin ang globo.
b. Tukuyin ang lokasyon o kinalalagyan ng Pilipinas batay sa

lupalop o kontinenteng kinaroroonan

kinalalagyan nito sa Asia

hating-globong kinaroroonan
c. Ilarawan sa pamamagitan ng pagguhit
Anu-anong mga anyong tubig ang nakapaligid dito?
Pangkat II
a. Tukuyin ang lokasyon o kinalalagyan ng Pilipinas batay sa malalaking anyong tubig na nakapaligid
dito.
b. Balangkasin ang mapa at isulat ang karagatang nakapaligid dito. Anu-anong mga bansa ang
nakapaligid dito?
Pangkat III
a. Tukuyin ang lokasyon ng Pilipinas.
b. Isa-isahin ang mga karatig bansa sa iba't-ibang direksyon.
Ano ang tiyak na kinalalagyan ng ating bansa?
Pangkat IV
a. Tukuyin ang lokasyon ng Pilipinas.
b. Ipakita sa pamamagitan ng grid ang hangganan ng Pilipinas sa digri latitud at digri longhitud .
c. Lagyan ng tanda sa globo at mapa.
5.
Pag-uulat/Pagtalakay sa Paksa
Itanong: Nasaan ang Pilipinas? Anu-anong mga anyong tubig ang nakapaligid dito? mga bansa? Ano
ang tiyak na kinalalagyan ng ating bansa?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Gabayan ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahat at mga batayang kaalaman tungkol sa paksa.
Halimbawa:
Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog-silangang Asya. Nasa hilagang hatingglobo ito, napaliligiran
ito ng mga bansa at anyong tubig.
Ang tiyak na lokasyon nito ay sa pagitan ng 4° - 21°H latitud at 116° - 127° S longhitud.
2. Paglalapat
Gumuhit ng malaking bilog. Gawin itong globo. Ipakita sa globo ang kinaroroonan ng Pilipinas.
Kulayan ito.
IV. Pagtataya
A. Gumuhit ng malaking bilog. Ipakita ang kinaroroonan ng Pilipinas. Kulayan ito.
B. Isulat ang titik ng wastong sagot.
1. Saang bahagi ng Asya matatagpuan ang Pilipinas?
a. Timog-kanluran
c. Gitnang-silangan
b. Timog-silangan
d. Pinakatimog ng mundo
2. Alin sa mga sumusunod na anyong tubig ang nasa silangan ng Pilipinas?
a. Pacific Ocean
c. Karagatang Atlantiko
b. Karagatang Indian
d. Karagatang Arktiko
3. Ano ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas?
a. 4°- 20° H latitud at 116° - 127° S longhitud
b. 4° - 21° H latitud at 116° - 126° S longhitud
c. 4° - 20° H latitud at 116° - 127° S longhitud
d. 4° - 21° H latitud at 116° - 127° S longhitud
V.
Kasunduan
Iguhit ang mapa ng Pilipinas sa grid.
HEKASI IV
Date: _____________
I.
Layunin
 Nagagamit ang iskala ng mapa sa pagsasabi ng sukat at layo ng isang lugar sa ibang lugar
 Nakikilala na ang malaking bagay ay maaaring katawanin ng maliit na bagay
II. Paksang-aralin
Ang Iskala
Sanggunian:
BEC-PELC 1 A 11, A 11.1
Batayang Aklat sa Hekasi 4
Kagamitan:
ruler, kartolina, meter stick at cutouts
Pagpapahalaga: Nagbibigay halaga ang kaalaman sa paggamit ng iskala ng mapa
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Pababalitaan ng mga balitang naririnig sa radyoo napanood sa telebisyon
2. Pagsasanay
a. Ipatukoy ang nasa larawan at ibigay an gamit nito
b. Ipatukoy ang sistema ng direksyong ipinakikita sa krokis.
3. Balik-aral
Ano ang nagpapakita ng pangunahin at pangalawang direksyon? Paano isinusulat ang mga direksyon?
B. Panlinang na Gawain
1. Paghahanda
Pagbuo ng Puzzel
Guguhit ng isang parihaba ang guro sa pisara. Ipakukuha niya ang cutouts sa mesa na may direksyon
sa likod. Babasahin ito ng bata at susundin ang sinasabing direksyon.
2. Pagbuo ng Suliranin
Ano ang iskala? Saan ginagamit ang iskala? Paano ginagamit ang iskala?
3. Pananaliksik
4. Pangkatang Gawain
Gamitin ang inyong iskala. Kunin ang laki ng sumusunod ast iguhit ito
Pangkat
Bagay na Susukatin
Akwal na Sukat
Pinaliit na Sukat
I
Blackboard
II
Table top
III
Cabinet
IV
pintuan
V
5. Pag-uulat/Pagtalakay sa Paksa
Ipasuri sa mga bata ang larawan o nabuong puzzle at ang aktwal na silid-aralan:
a. Itanong:
Pareho ba ang hugis, kagamitan at laki ng nasa larawan at sa aktwal n.a silid-aralan? Paano
nagkakapareho? nagkakaiba?
Sabihin na maaaring ibigay ang aktwal na sukat sa pinaliit na modelo sa pamamagitan ng paggamit
ng iskala at pagpapakita ng mapa. Ipakita ang iskala at ipaliwanag ang katumbas na yunit na panukat.
Gawain I Paggawa ng Iskala
a. Tiklupin ang kartolina upang tumigas tulad ng ruler.
b. Kopyahin ang is kala sa tabi ng tiniklop na papel.
Gawain II Pagsukat ng classroom
a. Sukatin ang kwarto sa pamamagitan ng meter stick.
b. Bilangin ang puwang sa iskala at kwentahin kung gaano ito kalaki.
6. Paglalagom
Ano ang iskala? Saan ito ginagamit? Bakit mahalaga ito?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Gabayan ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahat o batayang kaalaman tungkol sa paksang
tinalakay.
Halimbawa:
Maaaring ibigay ang aktwal na sukat sa pinaliit na modelo sa pamamagitan ng paggamit ng iskala.
2.
Paglalapat
Paggawa ng mapa. Gumamit ng iskala.
Pangkat
Bagay na Susukatin
I
Pisara
II
Table top
III
Cabinet
IV
pintuan
Aktwal na Sukat
Pinaliit na Sukat
IV. Pagtataya
Basahin ang bawat aytem at isulat ang tamang sagot.
1. Kung ang bawat sentimetro sa iskala ay katumbas ng 50 kilometro, ang 3 sentimetro ay magiging katumbas
ng ______.
a. 200 km
c. 100 km
b. 150 km
d. 300 km
2. Kung ang bawat sentimetro sa iskala ay katumbas ng 100 kilometro,
ang 1,000 kilometro ay
katumbas ng _____.
a. 20 sm
c. 10 sm
b. 5 sm
d. 1 sm
3. Ilang metro ang 1 sentimetro sa iskala?
a. 5 m
c. 20 m
b. 10 m
d. 30 m
V.
Kasunduan
Gumawa ng mapa ng inyong pamayanan. Gumamit ng iskala.
HEKASI IV
Date: _____________
I.
Layunin
 Nagagamit ang is kala ng mapa sa pagsasabi ng sukat at layo ng isang lugar sa ibang lugar.
 Nasusukat ang layo ng isang lugar sa ibang lugar sa tulong ng iskala ng mapa.
II. Paksang-aralin
Paggamit ng Iskala
Sanggunian:
BEC-PELC 1. A 11, I. A 12
Batayang Aklat sa HEKASI 4
Kagamitan:
mga larawan, road map, mapa ng pamayanan, mapa ng Pilipinas, show cards, ruler at cartolina
Pagpapahalaga: Naipagmamalaki ang kaalaman sa pagsukat ng layo ng isang lugar.
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Talakayin ang mga balita tungkol sa ekonomiya ng bansa.
2. Pagsasanay
.
Everybody Show
Isulat ang iskala at sabihin kung ano ang ipinahihiwatig nito. 1 sentimetro ang katumbas ng 1 metro
(1 sm : 1 m).
Ang ibig sabihin nito ay ang 1 sentimetro sa mapa ay katumbas ng 1 metro sa lupa at 1 sentimetro ay
katumbas ng 50 kilometro (1 sm : 50 km) Ang ibig sabihin nito ay ang isang sentimetro sa mapa ay katumbas
ng 50 kilometro sa lupa .
Kung ang iskala ay 1 sm : 10 m, ano ang sukat ng lupa kung ito ay may 4 na sentimetro sa mapa?
3. Balik-aral
Pangkatang Gawain
a. Ilabas ang gawaing-bahay. Pag-usapan ito. Pumili ng isa at iulat sa klase.
b. Gupitin ang pinaliit na aala at idikit sa pisara.
Iskala - 1 sm : 3 ft.
B.
5.
Panlinang na Gawain
1. Paghahanda
Paglalahad ng mapa.
Itanong: Gaano ang layo ng simbahan mula sa paaralan?
a. Ipagawa ang panukat bago magsukat. Magtiklop ng papel upang tumigas ito. Lagyan ng mga guhit na
kasukat ng iskala sa mapa.
b. Ipasukat ang layo ng mga lugar na ginagamit ang panukat na ginawa.
Sabihin: Sa pamamagitan ng inyong ginawang panukat, sukatin ang layo ng paaralan sa simbahan.
Itanong: Kung ang isang hati o isang sentimetro ay katumbas ng 10 kilometro, ilang kilome tro ang
layo ng paaralan sa simbahan? Gaano naman ang layo ng palengke mula simbahan?
Munisipyo sa palengke? Parke o ospital? atbp.
2. Pagbubuo ng Suliranin
Ano ang gamit ng iskala sa mapa? Paano ginagamit ang iskala sa mapa?
3. Pagsasaliksik
4. Pangkatang Gawain
Pangkat I at III
Pag-aralan ang mapa sa ibaba. Gamitin ang iskala at ruler sa pagsagot sa tanong.
a. Gaano kalayo ang simbahan sa palengke?
b. Gaano kalayo ang palengke sa ilog?
c. Gaano kalayo ang toll gate sa clover leaf?
d. Ilang metro ang layo ng simbahan mula sa clover leaf?
Pangkat II at IV
Pag-aralan ang road map sa ibaba. Gamitin ang iskala upang masagot ang mga tanong sa ibaba.
a. Gaano kalayo ang Recto sa Laguna?
b. Ano ang distansya ng Mabini sa Rizal?
c. Gaano kalayo ang Mabini sa Recto?
d. Paano mo nasagutan ang bilang 3?
e. Ano ang nakatulong upang masagutan ang layo ng mga lugar.
Pag-uulat/Pagtalakay sa Paksa
Itanong:
Ano ang unang tinitingnan sa mapa para mapadali ang pagsukat ng layo o distansya ng isang lugar
sa ibang lugar sa mapa? Ano ang sinasabi ng iskala? Paano maaaring masukat ang layo ng isang
lugar sa ibang lugar sa mapa?
C. Pangwakas ng Gawain
1. Paglalahat
Gabayan ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahat o batayang kaalaman tungkol sa paksa.
Halimbawa:
Ang layo ng isang lugar sa ibang lugar ay nasusukat sa pamamagitan ng iskala
2.
Paglalapat
Sa pamamagitan ng iskala, alamin ang layo ng lugar sa ibang lugar. Sagutin ang mga tanong pagkatapos.
IV. Pagtataya
Pag-aralan ang mapa ng Luzon. Gumawa ng panukat at gamitin ang iskala sa pagsagot ng mga tamng
tanong.
1. Nasa Pampanga si Lito. Pupunta siya sa Benguet. Gaano kalayo ang Benguet sa Pampanga?
2. Gaano kahaba ang lalawigan ng Quezon?
3. Gaano kalayo ang Tarlac sa Bataan?
4. Luluwas ng Maynila si Mang Tonyo, magmula Ilocos Sur, ilang kilometro ang tatakbuhin ng bus
patungo ng Maynila?
5. Ang 2nd lap ng karera ng bisikleta ay magmumula sa Pangasinan patungong Bataan. Pagkatapos ay
babalik sa Pangasinan. Ilang kilometro lahat ang tatakbuhin ng mga karerista?
V. Kasunduan
Pag-aralan ang mapa ng Pilipinas. Gumawa ng panukat na naaayon sa iskala. Hanapin ang Maynila.
Alamin ang distansya/layo nito sa iba pang lalawigan.
HEKASI IV
Date: _____________
I.
Layunin
 Naipaliliwanag kung paano ang pag-ikot ng mundo sa kanyang aksis ay nagiging dahilan ng araw at gabi
 Nasasabi na ang mundo ay umiikot sa kanyang sariling aksis minsan sa loob ng 24 na oras
 Nasasabi ang dahilan ng pagkakaiba ng temperatura sa araw at sa gabi
II. Paksang-Aralin
Pag-ikot ng Mundo sa Kanyang Aksis
Sanggunian: BEC-PELC 1. B 1, B 1.1, B 1.2
Batayang Aklat sa HEKASI 4
Kagamitan: globe, flashlight, beyblade, trumpo at kagamitang pansining
Pagpapahalaga: Pahalagahan ang pagkakaroon natin ng magandang kapaligiran
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Talakayin ang mga balita tungkol sa pagpapalaganap ng turismo sa bansa.
2. Pagsasanay
Laro: Beyblade Contest
Ipalarawan ang beyblade - hugis, tulis o parang pako na iniikutan nito. Ipalaro ang patagalang
pag-ikot ng beyblade.
3. Balik-aral
Ipahanap ang kanilang mga lalawigan. Alamin ang laki nito. Ipagamit ang natutunan sa paggamit
ng iskala.
B.
Panlinang na Gawain
1.
Paghahanda
a. Itanong: Nakakita kanaba ng trumpo? Sabihing katulad ng beyblade, ito ay umiikot din. (paikutin).
Ipapansin ang hugis at ang nagpapaikot nito.
b. Itanong: Alam mo bang ang mundo ay gumagalaw rin katulad ng isang trumpo?
2. Pagbubuo ng Suliranin
Paano umiikot ang mundo? Ano ang nangyayari kapag umiikot ang mundo?
3. Pagsasaliksik
4. Patalakay sa Paksa
Gawain I
a. Hawakan ang globo ng dalawang kamay at paikutin ito mula kanluran pasilangan.
b. Itanong: Ano ang kinakatawan ng globo?Ano ang nangyayari sa mundo? Saan ito umiikot? Sa
anong direksyon umiikot ang mundo? Anong mosyon ang ipinakikita nito? Dahil sa
pasalungat na pag-ikot ng mundo, saan tila sumisikat at lumulubog ang araw?
Gawain II
a. Pailawin ang flashlight at itutok sa globo. Dahan-dahan paikutin ang globo habang pinasisinagan
ng flashlight. Isulat ang inyong obserbasyon.
b. Itanong: Ano ang kinatawan ng flashlight? Ano ang napansin nyo sa bahaging naiilawan ng
flashlight? Bakit? Ano naman ang mapapansin nyo sa bahaging di naabot ng sinag ng
flashlight? Bakit? Ano ngayon ang nararanasan ng bahagi ng mundong naaabot ng sinag
ng araw? Ano naman ang nararanasan sa bahaging di-naaabot ng sinag ng araw o
nakatalikod sa araw? Bakit tayo nakararanas ng gabi at araw? Ilang oras tumatagal ang
gabi? araw? Anong nangyayari sa temperatura kapag gabi? araw? Bakit
Gawain III
a. Hanapin ang Pilipinas sa globo. Lagyan ito ng tape. Pasinagan o pailawan ng flashlight ang Pilipinas.
Isulat ang inyong obserbasyon.
b. Ano ang nararanasan'ng bansang Pilipinas? Anu-ano pang mga bansa ang nakararanas nito? Anuanong mga bansa naman ang nakararanas ng gabi?
c. Itanong: Saan umiikot ang mundo?
C.
Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Gabayan ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahat o batayang kaalaman tungkol sa paksa.
Halimbawa:
Ang mundo ay umiikot sa sariling aksis mula kanluran na rotasyon. Ito ang dahilan ng pagkakaroon
2.
ng araw at gabi. Ang isang kumpletong rotasyon ng mundo ay umaabot sa 24 na oras. Mataas ang
temperatura kung araw at mababa kung gabi.
Paglalapat
Ipakita ang tanawin kung araw at kung gabi. Gamiting background ang asul sa araw at itim sa
gabi.
IV. Pagtataya
Basahing mabuti ang bawat aytem. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang pag-ikot ng mundo sa sariling aksis ay tinatawag na _______________
a. rebolusyon
c. direksyon
b. rotasyon
d. imahinasyon
2. Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng gabi at araw?
a. Ang pagligid ng mundo sa araw
b. Ang pag-ikot ng mundo sa kanyang aksis
c. Ang pagtaas ng temperatura sa araw
d. Ang paggalaw ng mundo
3. Umiikot ang mundo sa direksyong patungong _______ .
a. hilaga - timog
c. kanluran - silangan
b. timog - silangan
d. silangan - kanluran
V. Kasunduan
Sa pamamagitan ng Venn diagram, paghambingin ang nagaganap sa gabi at sa araw.
HEKASI IV
Date: _____________
I.
Layunin
 Naipaliliwanag kung paanong ang pagligid ng mundo sa araw ay nagiging dahilan ng pagkakaiba ng panahon
at klima sa iba't ibang bahagi ng mundo
 Natutukoy na ang mundo ay lumiligid sa araw sa loob ng 365 ¼ araw
 Nasasabi na ang mundo ay nakahilig sa kanyang aksis ng 23 ½ habang lumiligid sa araw
II. Paksang-aralin
Pagligid ng Mundo sa Araw
Sanggunian:
BEC-PELC 1. B 2; B 2.2
Batayang Aklat sa HEKASI 4
Kagamitan:
larawan, kalendaryo, kagamitang pansining
Pagpapahalaga: napapahalagahan ang kaalaman ukol sa mundo
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Pagtalakay sa mga pangunahing isyu
2. Pagsasanay
Laro:
Gagawa ng malaking bilog. Pagpito ng guro, tatakbo ang mga bata sa direksyong isinigaw
ng taya. Ang isisigaw niya ay maaaring "gabi o araw".
3. Balik-aral
Itanong sa mga mag-aaral kung ana ang nalalaman nila tungkol sa rotasyon. Gamitin ang concept
map sa pagtatala ng mga sagot.
B.
Panlinang na Gawain
1. Paghahanda
a. Magpakita ng larawan. Pag-uusap-usap tungkol dito
b. Itanong : Ano ang inyong napapansin sa galaw ng mundo?
2. Pagbubuo ng Suliranin
Ano ang tawag sa mosyong pagligid ng mundo sa araw?
Anong pagkakaiba nito sa rotasyon?
3. Pananaliksik
4. Pangkatang Gawain
PangkatI
a. Itanong: Ano ang rebolusyon?
Ipakita ito sa pamamagitan ng pagguhit/drowing.
b. Itanong: Ano ang tawag sa dinaraanan ng mundo habang lumiligid sa araw?
Kailan pinakamalapit ang mundo sa araw? pinakamalayo? Pareho ba ang rotasyon at
rebolusyon? Ilang araw umaabot ang isang buong ligid ng mundo sa araw?
Pangkat II
a. Isakilos ang pag-ikot ng mundo sa sariling aksis.
b. Pumili ng dalawang kamag-aral na gaganap ng mundo (A) at araw (B).
Si A ay tatayo lamangng tuwid sa gitna ng bilog. Si B ay tatayo sa harap ni A ng may dalawa
o tatlong talampakan. Pagkatapos liligid si B kay A habang umiikot din sa sarili nang pasilangan.
Pangkat III
Sa pamamagitan ng Venn diagram, paghambingin ang rotasyon at rebolusyon.
5.
6.
C.
Pangkat IV
Magpakita ng kalendaryo at isulat ang bilang ng bawat buwan.
a. Itanong: Paano nagkakaroon ng leap year?
Ipaliliwanag ito ng guro na dalawa ang galaw o mosyon ng mundo.
b. Itanong: Pareho ba ang galaw ng dalawa? Paano ba nagkakaiba?
Pag-uulat/Pagtalakay sa Paksa
Itanong: Bukod sa rotasyon, ano pa ang isang galaw ng mundo?
Paglalagom .
Anu-ano ang dalawang galaw ng mundo?
Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Gabayan ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahat at batayang kaalaman tungkol sa paksang tinalakay.
Halimbawa:
Habang umiikot ang mundo sa kanyang aksis, lumiligid din ito sa isang eliptikal orbit. Ang mosyong ito
ay tinatawag na rebolusyon. Lumiligid ang mundo sa arawsa pasilangang direksyon. Arig isang kumpletong
rebolusyon ay tumatagal ng 365 ¼ . na araw o katumbas ng isang taon.
2.
Paglalapat
Alamin ang kasagutan.
Ipinanganak si Helen noong ika-19 ng Enero, 1995. Kung pagbabatayan ang taon ng kanyang
kapanganakan.
a. ilang pagligid ng mundo sa araw ang naganap mula noon?
b. ilang taon na siya ngayon?
IV. Pagtataya
Lagyan ng tsek () ang bawat patlang na nagsasabi tungkol sa rebolusyon
ng mundo.
1. Lumiligid sa araw
2. Nagiging dahilan ng araw at gabi
3. Umiikot sa sariling aksis ng pasilangang direksyon
4. Umiikot ng 365 ¼ na araw
5. Sinusundan ang eliptikal na orbit sa pagligid sa araw
V. Kasunduan
Iguhit at kulayim ang dalawang mosyon ng mundo.
HEKASI IV
Date: _____________
I.
Layunin
 Naipaliliwanag kung paanong ang pagligid ng mundo sa araw ay nagiging dahilan ng pagkakaiba ng panahon
at klima sa iba't-ibang bahagi ng mundo
 Nasasabi na ang mundo ay nakahilig sa kanyang aksis ng 23 ½ habang lumiligid sa araw
II. Paksang-aralin
Pagkakaiba-iba ng Panahon sa Iba't Ibang Bahagi ng Mundo
Sanggunian:
BEC-PELC I. B 2, I. B 2.2
Batayang Aklat sa HEKASI 4
Kagamitan:
globe, larawan ng mundo, lente
Pagpapahalaga: Napapahalagahan ang kaalaman tungkol sa pagkakaroon ng gabi at araw
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Pagtglakay sa mga pangunahing balita sa bansa
2. Pagsasanay
Pag-aralan ang larawan ng mundo. Pangalanan ang iba't-ibang bahagi nito.
3. Balik-aral
Anu-ano ang dalawang mosyon ng mundo? Ano ang rebolusyon? (Gamitin ang concept kluster.)
B. Panlinang na Gawain
1. Pahahanda
a. Magpakita ng mga larawang nagpapahiwatig ng iba't-ibang panahon at klima sa iba't-ibang bahagi
ng mundo. Pag-usapan ito.
b. Linangin ang konsepto ng panahon batay sa larawan sa itaas.
2. Pagbubuo ng Suliranin
Bakit nagkakaiba-iba ang panahon sa mundo?
3. Pananaliksik
4. Pangkatang Gawain
Gawain I
a. Lagyan ng tanda ang hilagang hatingglobo.
b. Paikutin ang globo at pasinagan ng lente. Pag-usapan ang obserbasyon.
Itanong: Anong napapansin ninyo sa hilagang hatingglobo?
Paano ito naaabot ng sinag ng araw? Anong panahon ang nararanasan dito? Ano ang
nararamdaman sa ganitang panahon? Anu-anong mga buwan nararanasan ang tag-init sa
hila gang hatingglobo? Kailan nangyayari ang pinakamahabang araw at pinakamaikling
gabi? Ipakita ang larawan.
Gawain II
Paikutin muli ang globo hanggang makarating sa sangkapat ¼ na bahagi ng paglalakbay at pasinagan
ng lente.
Itanong: Anong napapansin ninyo sa mga polo? Anong nangyayari sa mundo? Ano naman ang panahon sa
hilagang hatingglobo? Anu-anong buwan nararanasan ito? Ipakita ito sa larawan.
Gawain III
a. Paikutin muli ang globo hanggang makarating sa kalahatian ¾ Pasinagan ng lente.
b. Itanong: Sa kalahatian ng paglalakbay, anong nangyayari sa mundo? Anong panahon mayroon ito?
Ano ang nararanasan sa hilagang hatingglobo? Anu-anong mga buwan nararanasan ang taglamig? Ipakita sa larawan.
Gawain IV
a. Paikutin muli ang globo hanggang makarating sa ikatlong kapat ¾ ng kanyang rebolusyon. Pasinagan
ng lente.
b. Itanong: Ano ang nangyayari sa mundo? Anong panahon ang nararanasan ng mga taga hila gang
hatingglobo? Bakit tinatawag ang panahon na tagsibol?
5. Pagtalakay sa Paksa
a. Ipakita ang larawan at mag-usap-usap tungkol dito.
b.
Taluntunin ang paglalakbay ng mundo sa paligid ng araw. Bigyang pokus ang posisyon ng mundo.
Pansinin ang posisyon ng mundo habang umiikot sa araw. Habang ang mundo ay umiikot at
lumiligid sa araw ang kanyang aksis ay nakahilig ng 23 ½ Ang pagkahilig nito ang nagiging dahilan
ng pagkakaiba-iba ng mga panahon sa iba't-ibang panig ng mundo.
Itanong: Tingnang mabuti ang larawan. Ano ang masasabi ninyo?
Sabihin: nakakiling nang paharap sa araw at may mga panahon na nakakiling nang palayo sa araw
6. Paglalagom
Bakit nag-iiba-iba ang panahon sa iba't-ibang panig ng mundo?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Gabayan ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahat o batayang kaalaman tungkol sa paksang tinalakay.
Halimbawa:
Ang pag-iiba-iba ng posisyon ng mundo habang lumiligid sa araw ang nagiging dahilan ng pag-iibaiba ng panahon.
2. Paglalapat
Gumuhit ng mga larawan ha nagpapahiwatig ng iba't-ibang panahon sa mundo. Sabihin kung saang
bansa nangyayari ang mga ito.
IV. Pagtataya
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Ano ang nagiging bunga ng pag-ikot ng mundo at pagligid sa araw na nakakiling nang 23.5°?
2-3.
ng hilagang hatingglobo ay nakaharap sa araw at nakararanas ng diretsong sikat ng araw. Anong panahon
mayroon ito? Ano naman ang panahon sa timog hatingglobo?
4. Anong panahon nagsisimulang tumubo 0 sumibol ang mga dahon sa puno?
5. Ano ang nangyayari kapag walang polong nakahapay sa araw?
V. Kasunduan
Gumupit ng larawang nagpapahiwatig ng iba't-ibang gawain sa iba't-ibang panahon.
HEKASI IV
Date: _____________
I.
Layunin
Natatalakay kung bakit ang iba't-ibang bahagi ng mundo ay tumatanggap ng iba't-ibang tindi ng sikat ng araw
habang lumiligid sa araw
Napaghahambing ang panahon ng iba't-ibang latitud ayon sa posisyon ng mundo habang lumiligid sa araw
II. Paksang-aralin
Iba't-ibang Tindi ng Sikat ng Araw sa Iba't-ibang Bahagi ng Mundo
Sanggunian:
BEC-PELC 1. B 2. 3, 1. B 2.4
Batayang Aklat sa HEKASI 4
Kagamitan:
globo, krokis ng mundo, lente
Pagpapahalaga: Naipagmamalaki ang kaalaman tungkol sa mundo
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Pagbabalita ukol sa mga pangunahing isyu sa mga pahayagan
2. Pagsasanay
Pansinin ang posisyon ng mundo habang lumiligid sa araw. Sabihin kung anong panahon ang
nararanasan ng mga lugar na ito.
B.
Panlinang na Gawain
1. Paghahanda
Pagpapakita ng mga larawan ng iba't-ibang bahagi ng mundo. Alamin kung bakit nagkakaiba tayo ng
tinatanggap na tindi ng araw.
2. Pagbubuo ng Suliranin
Bakit nagkakaiba-iba ang tindi ng sinag ng araw sa iba't-ibang bahagi ng mundo?
3. Pananaliksik
4. Pagtalakay sa Paksa
Gawain I
a. Paikutin ang globo. Itutok ang lente habang pinapaikot ito
b. Itanong: Ano ang kinakatawan ng globo? ng lente? Ano ang napapansin ninyo sa sinag ng araw na
natatanggap ng iba't ibang bahagi ng mundo? Pare-pareho ba ang natatanggap na matinding
sikat ng araw sa iba't-ibang bahagi ng mundo? Bakit? Aling latitud ang tumatanggap ng tindi
ng sikat ng araw? Balikan ang krokis sa Balik-aral. Kulayan ito. Ano ang ibig sabihin nito?
Ano ang klima rito? Anu-anong mga bansa ang may ganitong klima?
Gawain II
a. Paikutin ang globo habang nakatutok ang lente.
b. Itanong: Aling bahagi ng mundo ang hindi tumatanggap ng ditetsong sinag ng araw? Bakit? Paano
ito tumatanggap ng sinag ng araw? Bakit? Nasa anong latitud ang tumatanggap ng pahilis
na sinag ng araw? Balikan ang krokis sa Balik-aral at kulayan ang inaabot ng pahilis na sinag
ng araw.
Gawain III
a. Pasinagan ang globo
b. Itanong: Anong bahagi ng globo ang hindi tumatanggap ng sinag ng araw? (Balikan ang krokis sa
Balik-aral at kulayan ito.)
 Itanong: Paano lumiligid ang mundo sa araw? Ano ang nangyayari sa-pagligid ng mundo sa araw?
Bakit nagkakaiba-iba ang panahon sa bansa habang ang mundo'y lumiligid sa araw?
6. Paglalagom
Latitud
Lokasyon
Sinag ng
Araw na
Natatanggap
Klima/
Panahon
23.5° HTropiko ng
Mababang
Kanser
Latitude
23.5° TKaprikornyo
Gitnang
Latitude
Pagitan ng
mataas at
mababa 23.5°
at 66.5° T
Diretso
Tag-ulan
Tag-araw
Pahilis
tag-init
taglagas
taglamig
tagsibol
Lagging malamig
Mataas na 66.5° H / 90° H Pahilis/Hindi
6 buwang gabi
Latitud 66.5° T / 90° T tumatanggap
6 buwang araw
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Gabayan ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahat at batayang kaalaman tungkol sa paksang tinalakay.
Halimbawa:
Ang iba't-ibang bahagi ng mundo ay tumatanggap ng iba't-ibang tindi ng sikat ng araw habang
lumiligid ito sa araw.
2. Paglalapat
Gumuhit ng mundo. Hatiin sa iba't-ibang latitud at guhitan ng iba't-ibang uri ng linya. Kulayan ayon
sa tindi ng tinatanggap na slnag ng araw.
IV. Pagtataya
Bilugan ang titik ng wastong sagot.
1. Alin ang naaabot ng diretsong sikat ng araw sa buong taon?
a. mababang latitud
c. mataas na latitud
b. gitnang latitud
d. lahat ng lugar sa mundo
2. Bakit nagkakaiba-iba ang tindi ng sikat ng araw sa iba't-ibang bahagi ng mundo? Dahil sa______
a. pag-ikot ng mundo sa sariling aksis
c. pagligid ng mundo sa araw
b. pagkiling ng mundo
d. pag-ilwt ng mundo ng 24 na or as
V. Kasunduan
Magtala ng limang bansang matatagpuan sa iba't-ibang latitud. Sa ikatlong kahon, ilagay ang kaukulang
panahon/klimang nararanasan ng mga tao roon.
Bansa
Lokasyon
Panahon/Klima
HEKASI IV
Date: _____________
I.
Layunin
Nailalarawan ang klima ng Pilipinas ayon lokasyon nito sa mundo.
Nakikilala na ang Pilipinas ay isang bansang tropikal
II. Paksang-aralin
Ang Klima ng Pilipinas
Sanggunian:
BEC-PELC 1. B 3, 1. B 3.1, 1. B 3 2
Batayang Aklat sa HEKASI 4
Kagamitan:
globo, mapa ng Pilipinas, mapa ng mundo, weather report sa dyary
Pagpapahalaga: Naipagmamalaki ang klima ng bansa
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Pagbabalitaan ukol sa mga pangyayarig nabasa o napakinggan
2. Pagsasanay
* Pilipinas
a. tiyak na kinalalagyan ng Pilipinas
b. kinaroroonang hatingglobo
c. nilalatagan sa Asia
d. mga karatig bansa
e. malaking tubig na nakapaligid
3. Balik-aral
Pangalanan ang iba't ibang bahagi ng mundo
B. Panlinang na Gawain
1. Paghahanda
Magpaskil ng mga larawan na nagpapakita ng iba't-ibang klima sa mundo.
2. Pagbubuo ng Suliranin
Anong klima mayroon ang Pilipinas? Bakit ganito ang klimang nararanasan ng bansa?
3. Pananaliksik
4. Pangkatang Gawain
Bumuo ng tatlong pangkat na tatalakay sa mga salik na may kaugnayan sa klima ng bansa.
a. lokasyon at klima
b. temperatura at pagkakaiba ng klima
c. pag-ulan at pagkakaiba ng klima
5. Pag-uulat/Pagtalakay sa Paksa
a. Ipahanap ang Pilipinas sa globo o mapa.
Itanong: Nasaan ang Pilipinas? Anong klima mayroon ang Pilipinas?
b. Balikan ang krokis sa Balik-aral. Palagyan ng ekis X ang Pilipinas.
Itanong:Saang latitud ang kinalalatagan ng Pilipinas? Saan matatagpuan ang mababang latitud? Ano
ang taguri sa mga bansang nakalatag dito? Bakit? Ano ang taguri sa bansang Pilipinas?
Anong klima mayroon ang Pilipinas bilang isang bansang tropikal?
Sabihin: Ang mga bansang tropiko ay laging tuyo, mainit at maulan sapagkat nasa mababang latitud.
Tumatanggap ito ng direktang sikat ng araw kaya dalawa lamang ang uri ng pana hon sa
buong taon: tag-init at tag-ulan. Ang mga bansang ito ay may klimang tropikal.
Itanong: Anong mga buwan nagsisimula/nagtatapos ang tagulan? Anu-anong mga buwan ang hindi
maulan subalit malamig ang panahon? Anu-ano namang mga buwanang mainit?
6. Paglalagom
Ipabuo ang organizer.
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Gabayan ang mga bata sa pagbubo ng paglalahat o mga batayang kaalaman tungkol sa paksang
tinalakay.
Halimbawa:
Ang Pilipinas ay isang bansang tropical.
2 Paglalapat
Gumuhit ng larawang nagpapahiwatig ng mga Gawain ng tag-init
IV. Pagtataya
A. Bilugan ang titik ng wastong sagot.
1. Alin ang naglalarawan ng klima ng bansa?
______ 1. mainit
______ 2. malamig
______ 3. maulari
______ 4. kataintaman
a. 1 at 2
b. 2 at 3 c. 3 at 4 d. 1 at 3
2. Saan matatagpuan ang Pilipinas?
a. sa pagitan ng ekwador at Tropiko ng Kanser
b. sa pagitan ng ekwador at Tropiko ng Kaprikornyo
c. sa pagitan ng Tropiko ng Kanser at Tropiko ng Kaprikornyo
d. sa pagitan ng mababang latitud at mataas na latitude
3. Ilarawan ang Pilipinas.
1) Malapit ito sa ekwador.
2) Nasa mababang latitud ito.
3) Nasa pagitan ito ng ekwador at Tropiko ng Kanser.
4) Pahilis ang natatanggap na sikaf ng araw nito:
a. 1, 2, 3
c. 1 at 2
b. 2, 3, 4
d. 3 at 4
V. Kasunduan
Magtala ng mga gawain sa panahon ng tag-init at panahon ng tag-ulan.
Pilipinas, Bansang Tropiko
Klimang Tropikal
Tag-init
Tag-ulan
Mga Gawain
HEKASI IV
Date: _____________
I.
Layunin
Nagagamit ang mapang pangklima sa paglalarawan ng klima sa iba't-ibang bahagi ng bansa
II. Paksang-aralin
Paggamit ng Mapang Pangklima
Sanggunian:
BEC-PELC 1. B 4.1
Batayang Aklat sa HEKASI 4
Kagamitan:
mapang pangklima, mga larawan, krokis ng mundo
Pagpapahalaga: Naipagmamalaki ang klima ng bansa
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Pakikipagbalitaan ukol sa mga pangyayari sa pamayanan.
2. Pagsasanay
Ipatukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas sa globo/mapa o krokis.
Itanong: Nasaan ang Pilipinas? Ilarawan ito.
3. Balik-aral
a. Bakit nabibilang ito sa mga bansang tropical? Ano ang klima rito?
b. Pag-aralan ang talahanayan.
4. Pangalananan ang iba’t-ibang latitud.
Tukuyin ang klimang nararanasan sa bawat latitude. Isulat ang mga bansang nakakasakop dito.
B.
Panlinang na Gawain
1. Paghahanda
Itanong: Pareho ba ang nararamdaman ng mga taga-Baguio at taga-Maynila kapag tag-init? Bakit?
Bakit tinaguriang summer capital ng bansa ang Baguio? Anong konsepto ang napapaloob
dito? Paano nagkakaiba-iba ang klima sa iba't-ibang bahagi ng bansa?
2. Pananaliksik
3. Pangkatang Gawain
a. Suriin ang mga lalawigang saklaw ng:
Pangkat I - Unang uri ng klima
Pangkat II - Ikalawang uri ng klima
Pangkat III - Ikatlong uri ng klima
Pangkat IV - Ika-apat na uri ng klima
b. Kulayan ito sa mapa.
Unang uri
– pula
Pangatlong uri - Dilaw
Pangalawang uri - Asul
Pang-apat na uri - Berde
5. Pag-uulat/Pagtalakay sa Paksa .
Itanong: Anu-anong mga lalawigan sa Pilipinas ang may dalawang magkaibang panahon - tag-init buhat
Nobyembre hanggang Abril, tag-ulan sa ibang buwan? Anong uri ng panahon ito? Anu-anong
mga lalawigan ang halos walang tag-init at ang pinakamaulaning buwan ay mula Nobyembre
hanggang Enero? Anong uri ng panahon ito? Anu-anong mga lalawigan ang halos walang
pagbabago sa panahon? Anong uri ng panahon ito? Ano namang mga lugar ang may ulan sa
buong taon? Anong uri ng panahon ito?
6. Paglalagom
Suriin natin ang mapa.
Itanong:
Ano ang tawag sa mapang ito? Anu-ano ang mga pananda na ginamit dito? Batay sa mapang
ito, ilang magkakaibang klima mayroon ang ating bansa? Anu-ano ang mga ito?
Uri ng Klima
Unang Uri
Ikalawang Uri
Ikatlong Uri
Ika-apat na Uri
Deskripsyon
Mga lalawigan
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Gabayan ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahat o batayang kaalaman tungkol sa paksa.
Halimbawa:
Ang paggamit ng mapang pangklima ay mabisang paraan para matukoy ang klima sa iba't-bang
bahagi ng bansa.
2. Paglalapat
Kumuha ng outline map. Kulayan ito ayon sa uri ng klima.
IV. Pagtataya
Isulat ang tamang sagot.
1. Ano ang dalawang pangkalahatang uri ng klima sa Pilipinas?
2. Anong uri ng klima sa karamihang lalawigan sa Mindanao?
3. Ikaw ay taga-Lambak ng Cagayan anong uri ng klima mayroon kayo?
4. Sa anong direksyon ng bansa ang maulan?
5. Anong uri ng klima ang nasa bandang kanluran ng bansa?
V. Kasunduan
Gumupit ng balita sa dyaryo tungkol sa panahon. Iulat ito sa klase.
HEKASI IV
Date: _____________
I.
Layunin
Naiisa-isa ang uri ng pananim at hayop sa bansa
Naiuugnay ang uri ng pananim at hayop sa klima ng bansa.
Naipaliliwanag ang kinalaman ng klima sa uri ng pananim sa bansa.
II. Paksang-aralin
Kinalaman ng Klima sa Uri ng Pananim at Hayop
Sanggunian:
BEC-PELC 1. C 1,1. C 2, 1. C 3
Batay.ang Aklat sa HEKASI 4
Kagamitan:
mapa, mga larawan ng klima. '
Pagpapahalaga: Napahahalagahan ang ating mga pananim at mga hayop
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Pagbabalitaan ukol sa mga pagbabagong napapansin sa pamayanan pamayanan
2. Pagsasanay
Magpakita ng mga larawang nagpapahiwatig ng ibat-ibang klima o panahon
3. Balik-aral
a. Tingnan ang mapang pangklima ng Pilipinas.
b. Itanong: Batay sa sanggunian, ilang uri ng klima mayroon ang bansa? Anu-ano ang mga iyon?
Anu-apong mga lugar ang may i:llan halos buong taon? Kulungin/ituro ito sa mapa at
lagyan ng tanda.
B.
Panlinang na Gawain
1. Paghahanda
a. Pagpapakita ng cutouts at pag-uusap-usap tungkol dito
a. Itanong: Saan-saang panig nabubuhay ang mga ito? Bakit?
2. Pagbubuo ng Suliranin
Anu-ano ang mga uri ng pananim at hayop sa bansa? Ano ang kaugnayan ng klima sa mga
pananim at hayop na nabubuhay sa bansa?
3. Pananaliksik
4. Pangkatang Gawain
Pangkat I
a. Iguhit ang mga gulay, bulaklak at prutas na nanggagaling sa Baguio. Kulayan ito.
b. Itanong: Saan nanggagaling ang maraming gulay tulad ng repolyo, brokoli at petsay? mga
bulaklak tulad ng chrysanthemum at rosas? prutas katulad ng strawberry? Bakit
doon lamang nabubuhay ang mga parianim na iyon?
Pangkat II
a. Iguhit ang madawag nakagubatan ng Palawan/Quezon.
Kulayan ito.
b. Itanong: Saan-saan matatagpuan ang matitigas na punungkahoy tulad ng narra, apitong at
mulawin? Bakit doon lamang nabubuhay ang mga punungkahoy na iyon?
Pangkat III
a. Iguhit ang mga likas na hayop na nabubuhay sa bansa.
Kulayan ito.
b. Itanong: Anu-ano ang mga likas na hayop ang matatagpuan sa bansa? Saan-saang bahagi ng
bansa ito makikita? Bakit doon lamang nabubuhay ang mga hayop na iyon?
Pangkat IV
a. Gumuhit ng ilang punungkahoy na namumunga. Kulayan ito.
b. Itanong: Anu-anong mga punong namumunga at dipangkaraniwang halamang nabubuhay sa
bansa?
5. Pag-uulat/Pagtalakay sa Paksa
Itanong: Anu-anong mga uri ng pananim ang dapat alagaan kung panahon ng tag-ulan? Tag-araw?
6. Paglalagom
Ipasuri ang nabuong tsart upang makabuo ng paglalahat.
C.
Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Gabayan ang mga bata sa pagbubuo ng mga kaalaman tungkol sa paksa.
Halimbawa:
May kinalaman ang klima at katangian sa uri ng halamang tumutubo rito. May mga halaman sa
isang lugar na hindi makikita sa iba, atbp.
2. Paglalapat
Pestibal ng mga bulaklak at hayop Gumawa ng maskara ng hayop ang mga naman ay gagawa
ng bulaklak-na headgear
IV. Pagtataya
Piliin ang titik ng wastong sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang matatagpuan saan mang dako ng bansa dahil matibay sa init at lamig?
a. agila
c. kalabaw
b. tamaraw
d. kabayo
2. Anong mga pananim ang tumutubo sa lugar na maikli ang tag-araw.
a. akasya, kawayan, kugon, talahib
b. apitong, lawaan, tangile, yakal
c. aguho, bakawan, pawid, talisay
d. kamagong, mais, molave, palay
3. Malamig ang klima sa Baguio kaya roan ay maraming _____
a. mansanas
b. bayabas
c. strawberries
d. lansones
V. Kasunduan
Gumuhit ng paboritong pananim a hayop. Sumulat ng talata tungkol dito.
Download