TEKSTONG ARGUMENTATIB O LEYLANI HERICO-SAMSON LAYUNIN 1. Matalakay ang kaibahan ng tekstong argumentatibo sa iba pang anyo ng mga sulatin gayundin ang halimbawa ng mga maling pangangatwiran na madalas ginagamit sa pagbibigay ng argumentatibong mga pahayag; 2. Makasuri ng mga halimbawang sulatin na nasa tekstong argumentatibo; at 3. Maipamalas sa pamamagitan ng pasulat at pasalita ang pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip sa paglikha ng mga katwiran na magpapaliwanag sa inyong posisyon ukol sa mga napapanahong isyung panlipunan • https://www.youtube.com/watch?v=h-9-uzxDLf0 abortion • https://www.youtube.com/watch?v=jRD4iGG5cOE same sex marriage Kahulugan ng Tekstong Argumentatibo • Ang tekstong argumentatibo ay naglalayong patunayan ang isang argumento sa pamamagitan ng matibay na pangangatwiran batay sa katotohanan o lohika. Upang maipagtanggol ang argumento, ang tagapagtanggol o manunulat ay kailangang mailahad ng maayos at malinaw ang ebidensiyang batay sa katotohanan upang mahikayat ang tagapakinig o mambabasa. TEKSTONG ARGUMENTATIBO • Maaari itong tungkol sa pagtatanggol ng manunulat sa kaniyang paksa o panig o pagbibigay ng kasalungat o ibang panig laban sa nauna, gamit ng mga ebidensiya mula sa kaniyang sariling karanasan, kaugnay na mga literatura at pag-aaral, ebidensiyang kasaysayan, at resulta ng empirikal na pananaliksik. • Ang empirikal na pananaliksik ay tumutukoy sa pangongolekta ng datos sa pamamagitan ng pakikipagpanayam, sarbey at eksperimentasyon TEKSTONG ARGUMENTATIBO • Nangangailangan ang pagsulat ng Tekstong Argumentatibo ng masusing ibestigasyon kabilang na ang pangongolekta at ebalwasyon ng mga ebidensiya. Mula rito ay paninindigan ang isang posisyon na isusulat sa maikli ngunit malaman na paraan. • Sa pamamagitan ng detalyadong pag-aaral sa paksa o isyu, mas nauunawaan ang iba’t-ibang pananaw o punto de bista at nakapipili ang mananaliksik ng posisyong may matibay na ebidensiya. TEKSTONG ARGUMENTATIBO • Kailangang may malinaw na tesis at ginagabayan ng lohikal na pangangatwiran ang tekstong argumenatibo, kahit pa ang pangunahing layunin nito ay ipahayag ang opinion ng manunulat sa isang tiyak na isyu. • Ilan sa mga halimbawa ng mga sulatin o akdang gumagamit ng tekstong argumentatibo ay ang tesis, posisyong papel papel na pananaliksik, editoryal at petisyon. • Katangian at Nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo (Ayon sa akda ni Sicat-De Laza, 2016) 1. Mahalaga at Napapanahong Paksa Upang makapili ng angkop na paksa, pag-isipan ang iba’t-ibang napapanahon at mahahalagang isyu na may bigat at kabuluhan. Makatutulong din kung may interes ka sa paksa, ngunit hindi ito sapat. Kailangan mo ring pag-isipan kung ano ang makatuwirang posisyon na masusuportahan ng argumentasyon at ebidensiya. Katangian at Nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo (Ayon sa akda ni Sicat-De Laza, 2016) 2. Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto. Sa unang talata, ipinaliliwanag ng manunulat ang konteksto ng paksa sa pamamagitan ng pagtalakay nito sa pangkalahatan. Tinatalakay rin sa bahaging ito kung bakit mahalaga ang paksa at kung bakit kailangang makialam sa isyu ang mga mambabasa. Maaaring gumamit ng introduksiyon na makakakuha ng atensiyon ng mambabasa gaya ng impormasyon, estadistika, makabuluhang sipi mula sa prominenteng indibidwal, o kaya ay anekdota na may kinalaman sa paksa ng teksto. Katangian at Nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo (Ayon sa akda ni Sicat-De Laza, 2016) 3. Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto. Transisyon ang magpapatatag ng pundasyon ng teksto. Kung walang lohikal na pagkakaayos ng kaisipan, hindi makasusunod ang mambabasa sa argumento ng manunulat at hindi magiging epektibo ang kabuuang teksto sa layunin nito. Nakatutulong ang transisyon upang ibuod ang ideya sa nakaraang bahagi ng teksto at magbigay ng introduksyon sa susunod na bahagi Katangian at Nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo (Ayon sa akda ni Sicat-De Laza, 2016) 4. Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga ebidensiya ng argumento Ang bawat talata ay kailangang tumalakay sa iisang pangkalahatang ideya lamang. Ito ang magbibigaylinaw at direksiyon sa buong teksto. Tiyakin ding maikli ngunit malaman ang bawat talata upang maging mas madaling maunawaan ng mambabasa. Kailangan ding isaalang-alang ang lohikal na koneksiyon ng bawat talata sa kabuuang tesis ng teksto at maipaliwanag kung paano at bakit nito sinusuportahan ang tesis. Gayunpaman, kailangang banggitin at ipaliwanang din ang iba’t-ibang opinyon sa paksa at ang kaukulang argumento para dito, lalo na’t ito ay taliwas sa sariling paninindigan. Katangian at Nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo (Ayon sa akda ni Sicat-De Laza, 2016) 5. Matibay na ebidensiya para sa argumento. Ang tekstong argumentatibo ay nangangailangan ng detalyado, tumpak at napapanahong mga impormasyon mula sa pananaliksik na suporta sa kabuuang tesis Katangian ng Mahusay ng Tekstong Argumentatibo • https://www.youtube. com/watch?v=ZP4pwn Gm5VE Mga halimbawa ng pagpipiliang Palasiya para sa mga aktibidad Mga halimbawa ng pagpipiliang Palasiya para sa mga aktibidad Gabay sa gawain • • • • Basahin ang artikulo Sagutin ang mga katanungan Maghanda ng power point at ipakita sa klase Bawat grupo ay may 5-10 minute na ipakita ang Gawain ng grupo Gawain • Basahin ang artikulo at sagutin ang mga sumusunod