Pananaliksik - isang "sistematikong” pagsusuri o pagsisiyasat ng isang paksa, pangyayari, at iba pa Ito ang proseso ng pangangalap sa mga totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman. Isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay na layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik. Ayon kina Constantino at Zafra (2010), ang pananaliksik ay isang masusing pagsisiyasat at pagsusurisa mga ideya, konsepto, bagay, tao, isyu, at iba pang ibig bigyang linaw, patunayan o pasubalian. Sistematikong proseso ng pangangalap, pag-aanalisa at pagbibigay-kahulugan sa mga datos mula sa pinagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon upang masagot ang isang tanong, upang makadagdag sa umiiral na kaalaman o pareho Resulta – naghahatid ng isang bagong teorya o konsepto, tumaliwas o sumuporta sa teorya o konsepto, rekomendasyon o isa pang tanong na nangangailangan nang mas malalim na pananaliksik KATANGIAN NG MANANALIKSIK (Constantino at Zafra (2010)) - Matiyaga sa paghahanap ng mga datos Maparaan sa pagkuha ng mga datos Maingat sa pagpili ng mga datos Analitikal sa mga datos at interpretasyon ng iba Kritikal sa pagbibigay ng interpretasyon, kongklusyon at rekomendasyon Matapat sa pagsasabing may nagawa nang pag-aaral ukol sa paksang pinag-aaralan Responsable sa paggamit ng mga nakuhang datos Mapagmasid o magpagobserba Curious Sensitibo sa mga isyung panlipunan Maingat sa terminong ginagamit sa pananaliksik Mga Hakbang sa Pagbuo ng Sulating Pananaliksik I. Pagpili ng Paksa Sa pagpili ng paksa, mahalagang maunawaan muna ang paksa. Dito maiiwasang masayang ang oras at panahon ng isang mag-aaral kung malinaw sa kanya ang nais ipagawa ng guro at ang layunin para sa gawain. Unang hakbang sa pananaliksik. Mahalaga na magkaroon ng maayos na paksa upang maging maganda ang takbo ng pananaliksik. Maraming paraan ng pagpili ng paksa at maraming paksang pagpipilian. Ang isang pananaliksik na nauukol sa isang paksang walang kabuluhan ay humahantong sa isang pananaliksik na wala ring kabuluhan. PAKSA - Ito ay ang pangunahing ideya na gagawin sa pag-aaral. Dito iikot ang nilalaman ng isang pananaliksik at magiging batayan sa pagkuha ng mga ilalagay na datos. PAKSA NG PANANALIKSIK o o o Pangkalahatan at sentral na ideyang tinatalakay sa isang sulating pananaliksik Malaking bahagi ang isang mahusay o lubos na pinag-isipang paksa Maaari ang pagrerebisang paksa kung nasa proseso na ng pangangalap ng datos MGA HAKBANG SA PAGPILI NG PAKSA 1. Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng susulatin 2. Pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sa sulating pananaliksik 3. Pagsusuri ng mga itinalang ideya - Alin-alin ang magiging kawili-wiling gawin o saliksikin para sa iyo? - Bakit ka interesado dito? - Alin ang posibleng makatulong sa iba kapag naihanap ito ng kasagutan? - Alin ang alam na alam mo na? Alin ang gusto mo pang lalong makilala o mapalawak ang iyong kaalaman? - Alin ang maaaring mahirap ihanap ng kagamitang pagkukunan ng impormasyon? - Alin ang masyadong malawak at mahirap gawan ng pananaliksik? - Alin ang masyadong limitado o maliit ang sakop? - Alin ang angkop sa iyong antas at kakayanin mong tapusin sa itinakdang panahon 4. Pagbuo ng Tentatibong Paksa - Alin kaya sa mga ito ang pinakagusto ko o pinakamalapit sa aking puso, pinakamadali kong maihanap ng ksagutan, pinakamadaling maiugnay sa layunin, at tiyak na matatapos ko sa limitadonng oras na ibinigay sa akin para tapusin ang gawain? 5. Paglilimita sa paksa TANDAAN: Hindi dapat maging masyadong malawak o masaklaw ang paksa LAYUNIN NG GAGAWING PANANALIKSIK: Makabuo ng sulating pananaliksik patungkol sa paksang napapanahong magagamit ng mga estudyante, guro at administrator ng paaralan sa pagpaplano at pagpapabuti ng mga programa at serbisyo ng paralan para sa mga mag-aaral habang nasa Online Distance Learning (ODL). II. III. IV. Pagbuo ng Pahayag na Tesis(Thesis Statement) - Kapag napagpasyahan na ang paksa , maaari ka ng bumuo ng pahayag na tesis. Ito ay nagsasaad ng posisyong sasagutin o patutunayan ng iyong bubuoing pananaliksik. - Ano ang layunin ko sa pananaliksik na ito? - Sino ang aking mambabasa? - Ano- anong kagamitan o sanggunian ang kakailangan ko.? II.Paghahanda ng mga Pansamantalang Bibliyograpiya - Ito ay ang pangangalap ng mga impormasyon - Sa pangangalap ng mga impormasyon, kinakailangan na maging maingat at suriing mabuti ang mga talang makukuha - Mula sa iyong nakuhang sanggunian ay bumuo ka ng pansamantalang bibliyograpiya. Bibliyograpiya - Talaan ng iba’t ibang sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo, peryodiko, magasin, web site, at iba pang nalalathalang materyal na ginamit. - Makatutulong ang paghahanda ng card ng bibliyograpiya para sa bawat sanggunian. Ito ay maaaring 3”x”5 na index card na kakikitaan ng mga sumusunod na impormasyon: (Ilang mahahalagang tala ukol sa nilalaman) Pangalan ng awtor Pamagat ng kanyang isinulat Impormasyon ukol sa pagkakalathala Mga naglimbag Lugar at taon ng pagkakalimbag Pamagat ng aklatIlang mahahalagang tala ukol sa nilalama