BUNDOK Orihinal na likha ni: Edwin Bryan M. Javier Nakikita mo ba ang tuktok ng bundok? Nais mo bang ika’y makarating sa rurok? Halika at huwag umupo Tumayo ka at tayo’y humayo Ihanda ang iyong mga paa Dahil tayo’y maglalakbay na Binti ay pinupulikat, tuhod ay nangangatog na Hindi titigil at aking ihahakbang ang mga paa Mararanasan mong dumaan sa kadiliman Wala kang mahahawakan At walang makikitang katiyakan Kailangan mong tumuloy nang marating ang paanan Kailangan mong huminto at magpahinga, Magnilay ka pansamantala Tiyak na ang daan ay masusundan mo na Kailangan mo lang maging masaya Sa paglalakbay na napakahaba, Susuko ka pa ba? Tandaan mo na malapit ka na Sa rurok na naismong matamasa Ang buhay ay parang bundok, Narating mo na ang tuktok Huwag ka lang susuko sa ano mang pagsubok Upang marating ang rurok Siguradong makakarating ka Ihakbang mo lang ang iyong mga paa Sa Diyos ay dapat magtiwala ka ‘Di ka nag-iisa, sa paglalakbay ay kasama mo siya.