Accidentally Kissed With A PL... PROLOGUE [Accidentally Kissed With A PL...] Nang dahil sa isang halik may mabubuo kayang pagmamahalan sa kanilang dalawa? Paano kung sabihin ko na ang lalaking 'yon ay isang PLAYBOY. Isang Playboy na wala nang ginawa kundi ang guluhin ka, na parating angkinin ang 'yong mga labi. Handa ka rin bang pati ang puso mo ay tuluyan na rin niyang angkinin? Let the story begin... ----- <img src="https://img.wattpad.com/12cec51f1e42f0f33438b49e61d2dda1f746c830/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f546c4c664b54636f32726b416c673d3d2d3334323036363333332e313566663664343830633237623033323331383437393238343732362e6a7067" style='max-width:90%'> Gianna Kinsley Arellano <img src="https://img.wattpad.com/300969ab6de9ea5b45620f413d67e003f7c5f482/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f4849384557667975553769674a773d3d2d3334323036363333332e3135666636633262363737373437656238313437323935303037352e6a7067" style='max-width:90%'> Marcus Caden Samaniego <img src="https://img.wattpad.com/8dac4f18d996747c8854a7c3139e3d001e76b429/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f4b4946384b546d35694f33324d413d3d2d3334323036363333332e313630303465636463323434633035663133363835373032323138392e6a7067" style='max-width:90%'> Josh Andrew Spencer <img src="https://img.wattpad.com/58b9d05d12375166c26ab4e1fbe15e77b3d492af/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f76315936573879326375316773673d3d2d3334323036363333332e313439346461383038643136333636633539333930373134343436382e6a7067" style='max-width:90%'> Stella Caroline Smith <img src="https://img.wattpad.com/42adbf75c97c7462ebdddc79936a26562c57ccfc/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f43416b53663434455a52334e73773d3d2d3334323036363333332e313630616534623261303461656532663837343633343930363739392e6a7067" style='max-width:90%'> Sapphire Hernandez <img src="https://img.wattpad.com/d56dcf8c0daaf5bb40d34bea4f588af53ac37c2d/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f59625255775641793972706d6e513d3d2d3334323036363333332e313630303166333131336463346364323332353630303133373338312e6a7067" style='max-width:90%'> Gennica Tamara Arellano ---------- This story is a work of fiction. Names, characters, places, and events are either product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events, locales, or persons, living or dead, is entirely coincidental. All Rights Reserved. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written premission of the author, except where premitted by law. Plagiarism is a crime. NO SOFTCOPIES © MSKINDGIRL, 2020 Date Started: March 25, 2020 Finished: June 18, 2020 Chapter 1 [Accidentally Kissed With A PL...] (Warning: Ang istoryang 'to ay puro kalandian, mainggit po sana kayo. Char!) Chapter 1 Naramdaman kong may tumatapik sa aking pisngi kaya nagtalukbong ako ng kumot ko kasi inaantok pa talaga ako. Hindi ko magawang maimulat ang aking mga mata. "Wake up!" Hindi ko pinansin 'yung humiyaw at ipinagpatuloy ko ang aking pagtulog. Ikaw ba naman ang manood ng korean drama hanggang madaling araw. Hindi pa rin ako maka get over sa W, ang gwapo kasi ni Kang Chul I mean Lee Jong Suk. "Gigising ka o bubuhusan kita ng malamig na tubig para bumangon ka lang?!" "Bakit ba?!" Sinaamaan ko siya ng tingin dahil inabala niya talaga ang pagtulog ko. "Anong araw ngayon?" "Ewan ko! Wala bang kalendaryo r'yan at kailangan pang ako ang tanungin mo?!" Nakakaimbyernang umaga, ano nga ba ngayon? Nilibot ko ang tingin sa loob ng kwarto ko at napansin ko ang uniform ko. Wait--! "Oh my ghad!" Mabilis akong tumakbo papunta sa loob ng banyo habang ang walanghiyang kapatid ko naman ay tinawanan lang ako. Hindi ko alam na ngayon nga pala ang unang araw ng pasok namin sa nilipatang school. Kami lang ang magkasama ni Gennica sa bagong nilipatan naming bahay kasi nasa ibang bansa si Mama. Nasanay na rin naman kaming magkapatid na kami lang dalawa. "Tara na!" aniya. Mas matanda ako sa kanya ng tatlong taon pero mas mature pa siyang mag-isip sa 'kin. She is just only 15 year old. Madalas din kaming mag-away pero syempre nagkakabati rin kami nang hindi namin namamalayan. "'Yung dare natin, ha?" Sumimangot ako nang paalalahanin niya ang bagay na 'yon. Akala ko pa naman nawala na sa isipan niya. Mukhang hindi na talaga ako makakatakas pa sa kanya Nagpaunahan kasi kami gumising at siya ang nauna kaya kailangan kong sundin ang dare niya. Ano nga ba ang dare ng magaling kong kapatid? Ang manghalik lang naman ng stranger, bakit nga ba 'yun ang dare niya? Dahil sa tanda ko na raw, wala pa rin akong first kiss. Hindi niya alam na meron na akong first kiss, sa screen nga lang. Paano kasi ang babaeng 'yon ay may first kiss na kahit na ang bata pa. Bata pa lang kumakarengkeng na, joke lang! Actually may boyfriend na siya at tumagal na sila ng 2 years. Legal na rin silang dalawa. Nung nasa hacienda pa kami ni lolo ay palagi siyang binibisita ng boyfriend niya. Ang masaklap lang dahil lumipat kami ng bahay kaya sa malamang lumipat din kami ng school na papasukan kaya long distance relationship silang dalawa. "Welcome to Cross Sign University!" "Bakit ganyan ang name ng university na nilipatan natin? Mga banal ba estudyante rito?" I leat out a heavy sigh. Hindi ko napansin na umalis na ang kapatid ko. Habang pinagmamasdan ko ang pangalan ng school na 'to, napa-sign of the cross na lang ako nang wala sa oras. Baka naman pagma-madre ang course rito? Hindi maaari! Gusto ko pang mag-asawa nang mala Lee Jong Suk ang kagwapuhan! Pero sobrang ganda naman ng uniform namin kung para lang maging isa kaming madre. Maroon ang palda namin na skater skirt ang style habang ang uniform naman ay sobrang hapit. May necktie rin kami na sobrang haba na maroon din ang kulay. In short, pang korean na uniform ang style. Akmang papasok na ako ng gate nang pigilan ako nung guard. Kunot naman ang noo kong nilingon ito. "Teka lang Miss, nasaan ang I.D mo?" biglang tanong sa 'kin nung guard. Wait-- I.D? Inihuho ko ang bag ko sa mesa at bumagsak ang magkabilang balikat ko dahil wala ang I.D ko. Wala rin naman sa leeg ko. I bit my lower lip. Okay lang na makalimutan ko na magsuot ng panty kaysa makalimutan ang I.D ko. Baka matakot ang mga alaga kong daga sa bahay kapag nakita nila 'yon. Karumaldumal pa naman ang mukha ko ro'n. Ikaw ba naman mag-picture na kakagaling ko lang maglaba, tapos ang malala pa'y meron pang sabon ang buhok ko nung pinicturan ako ng magaling kong kapatid. Balak ko pa naman sanang magsuot ng gown nung time na 'yun. Masyado lang KJ ang kapatid ko. "Anong problema rito?" Tumingin ako sa nagsalita at halos lumaglag ang panga ko nang masilayan ang mukha ng lalaking nasa harapan ko. Napaka-guwapong nilalang, pansin ko na ang daming babaeng nasa kanyang likuran na pasimpleng kinikilig. My ghad! Sa kanya ko ibibigay ang virgi-- I mean first kiss ko. Magtutuos kami mamaya, kailangan ko lang talaga hanapin ang I.D ko para makapasok na ako. "Sir Samaniego, wala kasi siyang I.D kaya bawal siyang pumasok," sabi nung guard Tumingin sa 'kin 'yung gwapong lalaki habang may ngisi sa kanyang mga labi kaya natigilan ako. Bakit ang gwapong nilalang nito? Pakiramdam ko'y lumawag ang garter ng panty ko sa kagwapuhan niya. "I-Ikaw po ba ang Principal dito? S-Sorry po! Nakalimutan ko lang po ang I.D ko. Next time pati ang I.D ko nung kinder, dadalhin ko na rin para reserba. Sorry po!" nakayuko kong wika habang binabalik ang mga gamit ko sa loob ng bag. Napansin kong nagtawanan sila dahil sa sinabi ko. At napansin kong namula sa galit 'yung gwapong lalaki. "The fuck." he cursed. "Principal Samaniego!" humalakhak ang lalaking kasama niya. Kung hindi siya isang Principal malamang isa siyang Teacher. Para kasing ang taas niya na pati guard ay tinatawag siyang Sir. "S-Sorry po, Teacher Samaniego," kinakabahan ko muling saad. "You---" Hindi ko na siya pinatapos magsalita kasi kumaripas na ako ng takbo. Sana hindi ko maging Teacher ang lalaking 'yun. Ayokong bumagsak at malilintikan talaga ako kay lolo. - Kanina pa ako naglalakad at hindi ko alam kung nasaan ang room ko. Dumako ang tingin ko sa magandang babae na nagbabasa ng libro kaya tumakbo ako papalapit sa kanya. "Hi!" I greeted. "Hello! New here? Naliligaw ka ba? Saan ang room mo?" Nakahinga ako nang maluwag dahil nung una ay akala ko'y mataray siya, mabait naman pala. "Alam mo ba kung saan ang room na 'to?" Ipinakita ko sa kanya ang papel. Kinuha niya naman sa kamay ko at binasa. Napansin kong napangiti siya. "Yes gurl, we're classmates!" Nagkwentuhan lamang kami habang naglalakad. Nalaman ko na ang pangalan niya pala ay Stella Caroline Smith, kaya pala parang mataray siya kasi mayroon siyang ibang lahi. Na-ikwento niya rin na wala siyang kaibigan dahil mga plastic lang naman daw ang gustong makipag-kaibigan sa kaniya. "We're here..." Sabay kaming pumasok sa loob ng room ni Stella. Nakaramdam naman ako ng ilang kasi halos lahat sila'y nakatitig sa 'kin. Halata sa hitsura nila na galing sila sa mayamang pamilya. Hindi na nakakapagtaka kasi masyadong mahal ang tuition para lang makapasok dito. Mayaman si Lolo kaya rito niya napili na papasukin kaming dalawa. Gusto sa 'kin ipamana ni Lolo ang mga ari-arian niya pero hindi pa ako handa tungkol sa bagay na 'yon kasi gusto ko pang makatapos nang pag-aaral. "Dito ka na lang umupo sa tabi ko.." Nginitian ko siya bago umupo sa upuan na katabi niya. "Huwag kang magtitiwala sa lahat ng nandito, lahat sila'y may hidden agenda." "Ganun? Pero nagtitiwala ako sa 'yo.." May tiwala ako sa kanya, kahit na hindi pa naman kami gaanong magkakilala. "He's here! " "Sana wala siyang girlfriend ngayon." "Wait lang mga bes-- hahawakan ko lang ang garter ng panty ko at baka malaglag! " Napa yuck na lang ako sa mga sinasabi nila. Meron bang darating na artista at halos lahat sila'y inilabas ang kanilang makeup, hindi rin sila magkanda ugaga na kulayan ang kanilang mukha. "Anong meron?" nagtataka kong tanong kay Stella "Darating ang PLAYBOY ng bayan, sa kalanding taglay, pati kabilang school ay dumadayo rito para lang maging girlfriend nito. Pero kahit na ganun siya kalandi, never pa siyang nagpahalik." May playboy ba na ganun? O 'di kaya playboy na bakla ang tinutukoy niya. Na-e-excite tuloy ako na makilala kung sino 'yon. Gwapo ba? Hunk? Mala Lee min ho ba ang kagwapuhan? Gusto ko tuloy na sa kanya ko ibigay ang first kiss ko at huwag na dun sa masungit na principal--- teacher na lalaking nakasagupa ko kanina. "Good morning, girls!" Nanlaki ang aking mga mata nang makilala kung sino ang tinutukoy nila. Para akong napako mula sa kinatatayuan ko. 'Yung panty ko'y nalaglag na sa sobrang gulat, habang ang aking mga mata'y lumuwa na at ang dila ko naman ay nasa sahig na nang hindi ko namamalayan. Pero joke lang lahat nang 'yon. Ang tinutukoy nila na PLAYBOY ay.... "Si Teacher ay isang Playboy?!" malakas kong hiyaw kasabay nang pagtayo ko. Nagsilingunan silang lahat sa 'kin kaya nakagat ko ang pang-ibabang labi ko sa nararamdamang kahihiyan. Lagot! Chapter 2 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 2 Hanggang ngayon ay nakamasid pa rin sila sa 'kin habang seryoso lang ang mukha ng lalaking nasa harapan. Ano ba itong ginawa ko? Bakit ko ba isinigaw ang bagay na 'yon? Halata pa namang istrikto ang Teacher na 'yon dahil seryoso ang kanyang mukha na nakamasid sa 'kin. "S-Sorry po..." "Ms. Arellano, right?" Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa 'kin habang nakalagay ang dalawa kamay niya sa magkabilang bulsa. Naaamoy ko ang perfume niya na humahalimuyak sa ilong ko ang bango. Nakakaadik! "O-Opo, sir..." Hindi ko mapigilan na kabahan kasi baka kung ano ang gawin niya. "Get out of my class!" ma-awtoridad niyang sabi at narinig kong napasinghap silang lahat. "P-Per---" he cut me off. "Now!" Napasinghap naman ako sa paghiyaw niya, bagsak ang mga balikat ko na naglakad palabas ng impyernong 'yon. Umiiling si Stella na para bang huwag kong sundin ang utos ng lalaking 'yon. First school, first disaster. Pero ang ipinagtataka ko lang, hindi siya mukhang Teacher dahil nakasuot siya ng pang-estudyante, o baka dahil ganun lang talaga ang uniform ng mga Teacher dito? Bakit kasi sa dinami-raming school sa mundong ito'y dito pa ang napili ni Lolo? Kamalasan ang dala sa 'kin ng paaralan na nilipatan namin. Humanda talaga sa 'kin ang lalaking 'yon, sisirain ko ang kinabukasan niya. Ilalambitin ko talaga siya sa puno ng kamatis I mean puno ng mangga nang matuluyan siya. Hindi pa ako nakakalayo sa impyernong room na 'yon nang may tumawag sa 'kin. Ano kaya ang problema ng isang 'to at inabala ang pag-e-explore ko. "Ikaw si Gianna, right? Sabi ni Sir. Samaniego na bumalik ka raw sa klase niya." "Uh? Okay.." Ang gagong 'yon! Palalabasin ako tapos pababalikin din naman. Anong trip niya sa buhay at dinadamay pa ako?! Sumunod lamang ako sa kanya habang nililibot ang tingin ko sa kapaligiran. Isa lang ang masasabi ko, napakaganda at napakalinis ng paaralang ito. "Introduce yourself, Ms. Arellano," masungit na sabi ng lalaking 'yon. Bigwasan ko kaya siya kasi sobrang naiinis na talaga ako. Kung hindi ko lang siya Teacher, kanina ko pa talaga siya pinutulan ng ulo. Inilunod sa muriatic acid at hihiwain ko rin siya nang pinong-pino. "My name is Gianna Arellano, 18 years old. I have one sister and her name is Gennica Tamara Arellano. My favorite food is Caldereta and pink is my favorite color. Kpop lover and k---" napahinto ako sa pagsasalita kasi malakas niyang hinampas ang mesa. "That's enough, this is not a fucking slambook!" masungit niyang saad at narinig kong nagtawanan 'yong mga kaklase ko. "I was jus----" napahinto ako sa pagsasalita kasi hinampas na naman niya ang mesa. Kawawa naman 'yung mesa, nananahimik tapos pinagbubuntungan niya lang ng galit. "You may sit..." Pasimple ko siyang inirapan at bumalik sa upuan ko. Gwapo sana ang lalaking 'yon, masama nga lang ang ugali. Hindi ko na lang pinansin ang mga kaklase ko na patuloy na tinatawanan ako. Disaster talaga ang pagpasok ko rito. "Kainis!" "Naloko ka!" she chuckled. Gulat naman akong tumingin sa kanya. Anong ibig niyang sabihin? "What do you mean?" Iimik pa sana siya nang sumabat na naman ang lalaking 'yon. "Stop murmuring Ms. Arellano. Anyway, are you listening to me?" "Yes po," I replied. Umayos ako ng upo habang nakamasid pa rin siya sa 'kin. Hindi ko nga alam na umiimik na pala siya. Pinagloloko niya ba ako? Apple of the eye na naman nila ako dahil halos lahat sila'y nakatingin sa 'kin habang ang lalapad ng ngisi. "Kung gano'n, ano ang sinasabi ko?" masungit niyang tanong. Ito ba iyong playboy na tinutukoy nila? Hindi halata dahil sa sobrang sungit. "Stop murmuring," I answered. Iyon kasi ang huli kong narinig sa sinabi niya, e. Naghagalpakan sila ng tawa at sinamaan ako ng tingin ng lalaking 'yon. "What the hell-- you're not listening Ms. Arellano," halos mapasabunot na siya sa buhok sa inis. "I am listening, Sir!" "Then, who is the inventor of miscroscope?" Hindi ko tanda kung sino ang inventor ng microscope na 'yon. Ganito ba kapag unang araw ng klase rito? Meron na kaagad na lecture. Samantalang doon sa rati kong school, wala pa kaming klase kapag unang araw ng pasok. Kailangan kong paganahin ang utak ko ngayong araw dahil ayaw kong matusta kasi feeling ko nasusunog na ako sa paraan ng pagtingin niya sa 'kin. Brain gumana ka! Pakiusap! Aha! "Lee Jong Suk!" Mariin kong ipinikit ang aking mga mata sa isinagot ko. Bakit kasi hindi mawala sa isipan ko si Lee Jong Suk! Lalo na ang kissing scene nila ng bida sa W, my ghad! Higupan! Charap! "Get out of my class," umuusok ang ilong na sabi niya. Dalawang beses na mapapalabas ako. Malas ko naman talaga ngayon. Akmang lalabas na ako nang pigilan na naman niya ako. "Ano na naman ba?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko kasi naiinis na talaga ako sa kanya. "Don't shout at me Ms. Arellano, gusto ko lang sabihin na kailangan mong bunutin ang lahat ng ligaw na halaman sa harapan ng room natin dahil 'yun ang kaparusahan mo sa hindi pakikinig sa klase at pagsigaw mo sa 'kin. Got it?" "What?!" Unang araw ng pasukan ay magbubunot ako ng ligaw na halaman. Isang-isa na lang talaga at bibigwasan ko na siya! "Now!" Nagdadabog na lumabas ako ng impyernong room na 'yun, halos lumuwa ang aking mga mata nang mapansin na ang daming ligaw na halaman na nabubuhay. Meron kasing garden sa harapan ng room namin. Seriously?! Magbubunot talaga ako ng ligaw na halaman? Poor me! "Letche kang lalaki ka! " "Mamatay ka na ngayon din!" "Aahitin ko ang balahibo mong lalaki ka!" "Paduduguin ko ang nguso mo kapag inutusan mo pa ako!" "Go to hell, gago! " "Fuck you Mr. Samaniego!" "Finally! Tapos na rin ako!" Nakahinga ako nang maluwag at pinunasan ng panyo ang mukha ko. Ginanahan akong magbunot ng ligaw na halaman dahil iniisip ko ang lalaking 'yon ang binubunutan ko ng bulb-- I mean balahibo. "Are you done Ms. Arellano?" biglang labas nung lalaking 'yon habang nakangising nakatingin sa 'kin. Batuhin ko kaya siya ng halaman. Ako ang mga halaman na papatay sa Zombie na tulad niya. Zombie is coming... I'm ready for killing! "Yes..." Igagalang ko siya kung karapat-dapat na igalang ang isang tulad niya. May teacher ba na nagmumura? See? Hindi ginagalang ang gan'yang tao. Mga salot sa lipunan na kailangang ilibing ng buhay. "Sad to say, hindi pala ligaw na halaman ang mga 'yan," umiiling niyang saad. "Ano?!" Tumingin ako sa mga binunot kong halaman at nanlaki ang aking mga mata nang mapansing hindi nga ito mga ligaw na halaman. "Itanim mo ulit ang mga halaman na 'yan." Halos lumuwa ang mga mata ko sa sinabi niya. Seriously?! Matapos kong bunutin ang mga halamang ito, itatanim ko ulit?! Para lang akong naglandi ng putik dito dahil 'yung uniform at kamay ko'y may putik na. "Per---" he cut me again. "Now!" ma-awtoridad niyang sabi habang nakatingin sa kanyang relo. Gigil na gigil ako habang muli kong tinatanim ang mga halaman na binunot ko. Alam niyo yung nakakainis? Napapansin ko na pinahihirapan ako ng epal na Teacher na 'yun! Kakatapos ko lang bunutin ang mga halamang 'to tapos itatanim ko ulit. Tao ba talaga siya o engkanto? Naiinis na talaga ako! "Good morning, class!" Tumayo ako at sumilip sa impyernong room na 'yon at nanlaki ang mga mata ko sa aking nasaksihan. Naikuyom ko ang mga kamay ko nang dahil sa inis. Sinasabi ko na nga ba't hindi teacher ang epal na 'yon. Naloko ako ng lalaking 'yon nang wala akong kamalay-malay. "Ikaw ba si Ms, Arellano? Bakit ka nasa labas? Unang araw ng pasok mo rito'y naglalandi ka agad ng putik. Get in! " sabi ni Tandang Teacher. "HAHAHAHAHA!" "UTO-UTO! " "IDOL MARCUS! " "EPIC DUDE! " Hindi ko pinansin ang mga sinasabi nila at hinanap kung nasaan ang epal na 'yon. Ang gago! Hindi na magkanda ugaga sa pagtawa. Humanda sa 'kin ang lalaking 'yon sa oras na lumabas ang matandang nagmimisa sa harapan dahil sa sobrang hina ng boses. Kulang na lang ay humiyaw ako ng Amen! "Beware of Marcus, mapaglaro ang lalaking 'yan," bulong ni Stella habang kumukulo pa rin ang dugo ko. Damn him. Just damn him! Nakakainis dahil nauto ako ng lalaking 'yun. Bakit ko nga ba naisip na isa siyang Teacher. Umuusok ang ilong ko na nakatingin sa kanya at ang walanghiya'y kinindatan lang ako. "Fuck you." "You're welcome!" he smirked. Kinalma ko ang sarili ko at humarap sa unahan at nakinig sa sinasabi ni Tandang Teacher. Kailangan ko ng distraction at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na kagatin ang lalaking 'yon nang dahil sa inis. "Palit tayo ng upuan, babe, masyado kasing mabanas doon," rinig kong sabi niya. "Sure babe," malanding sabi nung babaeng katabi ko. Wait--- katabi ko? Sinamaan ko siya ng tingin nang mapansing nasa tabi ko na siya at ang loko humalumbaba lang habang nakatingin sa 'kin. Ginagago talaga niya ako! Kailangan ko ng mahabang pasensya at baka mapatay ko siya ng wala sa oras. "Magpahinga ka muna at mamaya'y papagurin kita," he bit his lower lip. Dahil sa inis na kanina ko pa pinipigilan ay lumanding ang paa ko sa binti niya. Yes! Sinipa ko lang naman siya nang ubod na lakas. "Fuck!" he shouted. Pasimple akong tumawa at halos lahat sila'y gulat na tumingin sa epal na lalaking 'to. The hell I care! Fight me! "What's your problem Mr, Samaniego?" tanong ni Teacher habang inaayos ang salamin niya. "Nothing, sir, ang sweet lang kasi ng girlfriend ko. Right honey?" aniya at hinila ang upuan ko sa tabi niya at mabilis akong inakbayan. Hindi ako makagalaw dahil sa gulat nang mas lalo niyang higpitan ang akbay sa 'kin na para bang kami lamang dalawa ang nandito. Namumula ang mukha ko. Namumula sa galit! "Kung gusto ninyong maglambingang dalawa, please lang huwag dito. Mabuti pang sa labas na lang kayo maglambingan dahil iniistorbo niyo ang klase ko!" Inis na sabi ni Sir. "You heard that, honey? Tara sa labas at lalambingin kita," nakangisi niyang sabi at hinila ako palabas ng room. Humihingi ako ng tulong kay Stella pero umiling lang siya na para bang sinasabi na wala na siyang magagawa. "Bitiwan mo ako!" "Honey..." He smirked. Alam kong iniinis niya lang ako! Lumapit ako sa kanya, hinila ko ang kwelyo niya at gigil na tumitig sa kanyang mga mata. Naniniwala na talaga ako na playboy ang lalaking ito dahil halos lahat ng madaanan namin ay tinatawag niyang baby. "First of all, hindi honey ang pangalan ko. GIANNA ang pangalan ko GI-AN-NA. Second, huwag mo akong lapitan dahil nadedemonyo ako nang dahil sa 'yo. Third, hindi ako makikipaglaro sa 'yo dahil isa kang playboy. Fourth, lambingin mo ang sarili mo. Fifth, stop playing with me!" Iniwan ko siyang tulala at hindi ko mapigilan ang sarili ko na matawa dahil hindi maipinta ang kanyang mukha. Why? Dahil ba first time na may hindi naakit sa kalandian niya. Hinding-hindi ako maaakit sa kalandian niya. Itaga niyo sa bato! "Ate.." Nakita ko si Gennica na hindi magkanda ugaga na lumapit sa 'kin. Malapad din ang kanyang ngisi kaya alam kong may kalokohan na pumasok sa isipan niya. "A dare is a dare," salubong agad niya. "So?" "Susundin mo ang utos ko at 'yon ay halikan 'yung gwapong lalaki na kasama mo kanina lang. Subukan mong umangal at alam mo ang kabayaran sa hindi pagsunod sa usapan natin." Napanganga ako sa kanyang sinabi. Hindi ako makakaangal dahil may pang blackmail siya sa 'kin. Ang malanding playboy na 'yun ang magiging first kiss ko? Karumaldumal. Paano? I'm gonna die! Chapter 3 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 3 Hindi ako mapakali mula sa kinauupuan ko dahil kanina pa ako sinusundan ng tingin ng kapatid ko. At ang mas malala, kanina niya pa tinuturo ng nguso niya 'yung hinayupak na malanding lalaking 'yun. Nakakainis, nakagigil. Ikaw ba naman ang pagtripan ng ganun! Pinagmukha niya akong tanga kanina at ako naman itong uto-uto. Hindi ko naman alam na isa lang pala siyang stupidyante rito. Nandito ako ngayon sa cafeteria at mag-isa lang ako. Ewan ko ba parang naiilang akong kasama si Stella. Minsan mabait, minsan naman maldita. Hindi siya palaimik at minsan lang din siya ngumiti. May topak yata ang babaeng 'yon. Sabagay, hindi ko pa nga pala siya gaanong kakilala. Natanaw ko na paalis na ang lalaking 'yon. Napansin kong sumimangot ang kapatid ko dahil sa pag-alis nito. Kasama niya ngayon ang bago niyang mga kaibigan. Edi siya na ang may kaibigan, ako na ang wala. Tumayo ang kapatid ko sa kinauupuan niya at nakangising umupo sa tabi ko. Sinamaan ko siya ng tingin dahil alam kong may balak na naman siya. "Fine! Huwag na ang lalaking 'yun. Hanapin mo 'yung nakasuot na pulang jersey. You will thank me sis. Gotta go! A dare is a dare," she kissed my cheek. Nakahinga naman ako nang maluwag. Mas okay na 'yon kaysa naman ang hinayupak na 'yun ang maging first kiss ko. Bakit ba kasi napaka big deal sa kanila kapag wala kapang first kiss. Kapag ba may first kiss ka na roon na masasabing dalaga ka na?! Matapos kong mualin ang kinakain ko'y agad akong uminom at lumabas ng canteen. Mabilis namang tumayo ang kapatid ko. Napabuga ako ng hangin dahil obvious naman na susundan niya ako. Saktong paglabas ko'y may nakita akong lalaki na nakasuot ng jersey na red at may apelyidong Samaniego. Hindi ko maisip na gagawin ko ito nang dahil lang sa isang dare. Wait-- Samaniego? Hindi lang naman siguro siya ang nag-iisang Samaniego sa paaralang ito, pati kanina naman ay naka uniform siya kaya imposible na siya 'yon. Humigpit ang hawak ko sa palda ko habang dahan dahang naglalakad papunta roon kay Mr. Jersey. Please lord, sana gwapo ang magiging first kiss ko at kung hindi'y kuhanin niyo na po siya. Gagawin ko talaga? Ang dami kayang tao rito. Pag ginawa ko 'yun, wala na akong mukha na maihaharap pa sa kanila. Fine! Para matapos na ang dare na ito. Alam kong hindi ako tatantanan ng kapatid ko kapag hindi ko ito nagawa ngayon. Masyado kasing spoiled ang babaeng 'yon kay Lolo kaya lahat ng gusto niya'y nakukuha niya. Kapag hindi ko naman siya sinunod, mas malala ang gagawin ko. Ano nga ba? Kapag hindi ko sinunod ang dare niya ay magsasayaw daw ako ng twerk at ipo-post niya sa social media. Mas nakakahiya kaya 'yon. Bumilis ang kabog ng dibdib ko nang nasa likuran na niya ako. Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa, hinawakan ko ang braso niya at hinila ko siya paharap sa 'kin kasabay nang paghalik ko sa kanya. Nakatingkayad pa ako kasi sobrang tangkad niya. Naramdaman kong nagulat siya at nang lumaon ay hinawakan niya ang batok ko at mas lalo niyang nilaliman ang halik. Narinig ko ang kanilang hiyawan sa gulat sa ginawa ko. Alam kong sa oras na ito'y marami na ang nanonood sa amin. Ipinalibot ko ang mga braso ko sa kanyang batok. He is now kissing me so hard. Hindi ko alam pero parang marunong akong humalik kasi nadadala ako sa paraan ng paghalik niya. Bumalik ako sa realidad at agad ko siyang tinulak. Halos lumuwa ang aking mga mata nang makilala kung sino 'yon. Gusto kong bumuka ang lupa at lamunin ako sa kahihiyan. "I-Ikaw?!" I was shocked. Paanong nangyari na si hinayupak pala ang nahalikan ko? Pinasadahan ko siya ng tingin, nakasuot na siya ng jersey na kanina lang ay uniform. Gusto kong mapamura at iuntog ang ulo ko sa ginawa kong kahihiyan. "Hi, honey..." He licked his lower lip. Hindi ko namalayang umatras na pala ako at mabilis na tumakbo palayo sa kanya. Anong gagawin ko? Halos kalahati ng estudyante sa school na ito'y napanood ang eksenang 'yun. Alam kong sa oras na ito'y ako na ang hot topic nila. Naalala ko ang sinabi ni Stella na hindi nagpapahalik ang lalaking 'yun. Bakit hindi niya ako tinulak at mas lalo pa niya akong hinalikan? Nagulat ako nang biglang may humawak sa braso ko. Paglingon ko'y sumalubong sa 'kin ang hinayupak na 'yon na ang lapad ng ngisi sa kanyang mga labi. "We're not yet done, honey..." Bigla niya akong hinila at dinala sa may locker room. "A-Anong gagawin natin dito?!" Sobrang lakas ng kabog ng puso ko sa kaba nang mapansin kong lumalapit na siya sa 'kin kaya mabilis naman akong umatras hanggang sa mapasandal ako sa mga locker. I'm trapped. "You broke my rule, honey..." "W-What?" "No one can dare kiss me, but you did." "Anong pakialam ko sa rule mo, ha? Let's just forget it. Nahalikan kita dahil akala ko'y ikaw ang boyfriend ko. Pareho lang pala kayo ng surname at jersey," palusot ko. Ang tanga mo talaga, Gianna, kakalipat mo lang sa paaralang ito'y may boyfriend ka na agad?! Ang landi ko naman ata nun. Sana tumalab ang palusot ko. "Don't fool me, honey, sa pagkakaalam ko'y ako lang ang Samaniego sa paaralang ito. If you like me, then I like you too," mahanging wika niya. "Wow! Ang taas na-----" Naitikom ko ang aking bibig nang mas nilapit niya pa ang mukha sa 'kin. Aaminin ko na gwapo siya pero nahahalata talaga sa kanya ang pagka playboy. "Your lips is inviting me to kiss you, honey," he smirked. Kumabog ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. No Gianna! He's a playboy, kapag nahulog ka sa kanya'y siguradong hindi ka niya sasaluhin. Umiling ako sa naiisip ko. Bakit ko iniisip na magugustuhan ko siya kung sa una palang naman ay disaster na ang dala niya? No way! "Stop calling me honey, my name is Gianna!" Bubuyog ba siya para tawagin akong honey? Kaya pala dikit siya ng dikit sa 'kin. Nakakainis kaya dahil parang nagiging musika sa pandinig ko na hindi naman dapat. "Honey," he repeated. "Punyeta! Baka nakakalimutan mo na pinagmukha mo akong tanga kanina. Pinagbunot mo ako ng halaman at muli mong ipinatanim! May saltik ka ba, ha?! Bakit sa dinami-rami ng pwede mong pagtripan ako pa ang napili mo. Putan----" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil naramdaman kong lumapat ang mga labi niya sa 'kin. Kingina naman! May part two pa pala! Pilit ko siyang tinutulak nang hawakan niya ang kamay ko para patigilin ako sa pagtulak sa kanya. He kissed me torridly and I don't know why I responded to his kisses. Napakasarap niyang humalik kaya nadadala ako. Parang nakakalimutan ko na galit ako sa kanya dahil sa halik niya. "I hate noise," aniya. Akala ko tapos na ang halik nang muling dumampi ang mga labi niya sa 'kin. "I got addicted to your kisses, honey, you can't hide from me right now on. I like your lips on my lips... Let's continue this later..." Natulala lang ako sa sinabi niya habang hindi ko namalayan na nakalayo na siya. Dumako ang daliri ko sa mga labi ko at napaupo na lang ako. Wala na akong kawala sa kanya at alam ko na hindi ko siya matataguan pa. Anong let's continue this later? May kasunod pa? Punyeta naman! Sisiguraduhin ko na hindi na niya ulit ako mahahalikan. Dahil nawawala ako sa sarili kapag magkalapat ang mga labi namin. "Baliw ka ba Gianna, ha?! Hinayaan mong halikan ka niya, e, hindi mo nga siya boyfriend. Isa pa, pa isa siyang playboy!" I said to myself. Ipinikit ko ang aking mga mata, muling bumalik ang kissing scene namin sa isipan ko. Hindi ako naniniwala na hindi siya nagpapahalik dahil sa playboy niyang 'yan. Kumulo ang dugo ko nang makita ko siyang nakikipagtawanan sa mga babae. Utot niya, para sa 'kin lang ang mga labi niya? Kulang na lang ay lumapat ang mga labi niya sa boobs nung babae dahil halata namang sinasadya nung babaeng 'yon na ilapit sa mukha ni hinayupak ang kanyang boobs. Ang nakakainis pa'y tuwang-tuwa siya at panaka-nakang hinahaplos nito ang balikat ng babae. Kinginang lalaking 'yon! Sobrang landi! Nagdadabog ako habang naglalakad. Nakakainis talaga dahil hinayaan ko siyang halikan niya ako. Paano kung maadik ako sa ha-- I mean hindi niya talaga ako tantanan. Naalala ko ang kapatid ko, that girl! Alam kong plando niya ito, alam niya siguro na magpapalit ng jersey ang hinayupak na 'yun. Wait-- anong name ng lalaking 'yun? Mr. Adik sa kiss? "Marcus baby!" Kumunot ang noo ko nang may tumakbo papalapit sa kanya na maliit na babae at sinalubong siya nito ng yakap. See, kahit batang unano pinapatulan niya. Oh well! Maliit na malaki ang boobs dahil halos magwala na sa loob ng uniform niya. Marcus? Marcus Samaniego? He's name is kinda familiar. Aha! Siya 'yung kinukwento ng kaibigan ko sa rati kong school na naging boyfriend niya. Pati sa school namin dati'y umaabot ang kalandian niya. "I hate you, Mr. Samaniego! " Chapter 4 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 4 Pagkagising ko pa lang, si Gennica agad ang hinanap ko dahil kukutusan ko talaga ang babaeng 'yun. Pagkauwi ko kahapon ay naabutan kong natutulog na siya. Hindi ko naman siya magising dahil tulog mantika ang babaeng 'yon. As usual, mag isa na naman akong kumakain dahil iniwan ako ni Genica. Why? Dahil nasa ibang bansa si Mama, habang si Papa naman ay lumipat ng kabilang bahay I mean meron na siyang bagong pamilya. Sa tuwing naaalala ko 'yung pag aaway nila ni Papa at Mama hindi ko mapigilang maluha. Hindi kami nabuo dahil sa pagmamahal. They're married but they don't love each other. Kinasal sila dahil lang sa isang arrange marriage. Saktong umiinom ako ng tubig nang maibuga ko ang ininom ko. 'Yung basong iniinuman ko'y may drawing na babae't lalaki na nagki-kiss. Speaking of kiss? "Letche kang Playboy ka!" Hindi ko talaga ma-imagine na siya ang nahalikan ko at ang mas malala, pumayag pa akong magpahalik sa kanya. Masusuntok ko talaga ang lalaking 'yun. Akala niya ba na papayag pa akong magpahalik sa kanya kahapon? Syempre mabilis akong umalis sa impyernong paaralan na 'yun para hindi niya ako maabutan. Sa nangyaring 'yun maging sa page ng Cross Sign University ay ako ang pinag uusapan na ang landi ko raw, hinalikan ko raw ang prinsipe nila, at ang malala pa ay nalapatan daw ng virus ang mga labi nito. Damn him. Just damn him! Napakahalay ng lalaking 'yun. Kumukulo pa rin talaga ang dugo ko kapag naaalala ko 'yung pagpapanggap niya na isa siyang Teacher. Planado pala ng lalaking 'yon na palabasin ako para sabihin sa mga kaklase namin na iturin siyang isang Teacher na dapat ginagalang. Nalaman ko lang ang bagay na 'yon kay Stella. Kung alam ko lang talaga na nagpapanggap siya, hindi ako magdadalwang isip na sipain ang balls niya ng mabaog siyang tuluyan. Para naman hindi na dumami ang malandi sa earth na ito. Mga salot! "Hi Stella!" I greeted. "Hey," she smiled. Nagpabagal ako ng paglalakad at pinagmasdan ko ang kanyang likuran. Isa lang ang masasabi ko, sobrang sexy niya at idagdag pa ang mahaba at maputi niyang mga binti. Hindi na nakakapagtaka kasi may lahi siya. "Good morning, honey..." I rolled my eyes. Binilisan ko naman ang paglakad ko. May impaktong sumusunod sa 'kin. Nawalan tuloy ako ng mood nang makita ko ang lalaking 'yon. Sa tuwing binibilisan ko ang paglakad ay naaabutan niya pa rin ako dahil sa laki ng bawa mga hakbang niya. "Gosh! Ang gwapo ni Prince Marcus!" "Attention seeker!" "Siya 'yung humalik kay Prince Marcus 'di ba?" "Yah! Ang kapal ng face na magpakita pa. " Itinakip ko sa mukha ko ang hawak kong libro dahil ang sasama ng tingin nila sa 'kin. Malas talaga ang playboy na 'yun sa buhay ko. Nang dahil sa paghalik ko sa kanya'y minalas na ako. Napairap ako nang maramdaman kong umakbay siya sa 'kin. Umaabuso na ata ang playboy na ito at napaka feeling close. Nilalandi lang naman ako ng gago! "Layuan mo ako malanding espiritu!" nag sign of the cross pa ako at mabilis na tumakbo palayo sa kanya. Sa tuwing malapit siya sa 'kin ay hindi ko maiwasang kabahan. Baka bigla na lang akong halikan ng lalaking 'yon. Napaka manyak talaga, siguro kung hindi siya ang nahalikan ko kahapon... malamang payapa ang buhay ko ngayon. Hindi ko napansin na may mabubunggo pala ako kaya nagpatakan ang hawak kong libro. Mabilis ko naman nilimot 'yon at hindi ako nag-abala pa na tingnan kung sino 'yon. "I'm sorry, miss, hindi kita napansin. Are you okay?" Tumunghay ako at halos lumuwa ang mga mata ko... para ring may nagsisiliparang paru paro sa paligid niya dahil sa angkin niyang kagwapuhan. "S-Shems! Nahulog na ako sa 'yo," natakpan ko ang aking bibig sa sinabi ko. Kumunot naman ang noo niya na sa tingin ko ay hindi niya narinig ang sinabi ko. "Huh?" I bit my lower lip and looked away. I think I am blushing. "I mean nahulog ang libro ko pero pinulot ko na naman," palusot ko. "Okay ka lang ba?" halata sa boses niya ang pag-aalala. Pakiramdam ko'y mas namula pa ang aking mukha. "Okay lang ako, pasensya na, hindi kasi ako tumitingin sa dinaraanan ko." "Nah! It's okay, anyway, I'm Josh Spencer from section Perfection," he smiled. Nilahad niya ang kanyang palad kaya mas lalong lumapad ang ngiti ko. Nakabingwit yata ako ng isang gwapo. Kahit ang pangalan niya ang gwapo rin at wait--?? "Perfection ka rin? Wow! Kaklase pala kita kasi hindi naman kita nakita kahapon. Ako nga pala si Gianna Arellano..." Tinanggap ko ang kamay niya na mukhang hinulma para talaga sa 'kin. "May ginawa lang ako kahapon kaya hindi ako nakapasok." Napatango na lang ako sa sinabi niya. Kung pumasok siya kahapon edi sana siya ang hinalikan ko. Baka himatayin ako kung siya nga ang naging first kiss ko hindi ang malanding 'yon! "Sabay na tayo," aniya. "Sige! Sabay na tayong tumanda," I whispered. "Huh?" "Wala, sabi ko tara na!" Nginitian niya lang ako at nagsimula na kaming maglakad. Gusto kong tumili dahil sa kilig na nararamdaman. Crush ko na siya, magiging masaya ang araw ko ngayon. "Omg! " "KYAAHH!! JOSH! " "I LOVE YOU, JOSH!" "Ghad! Bakit kasama niya ang babaeng 'yan?" "Napakalandi talaga, nung una si Prince Marcus, ngayon naman si Prince Josh. Magkaibigan pa talaga ang pinatos." Nanlaki ang aking mga mata sa narinig ko. Magkaibigan silang dalawa ni Josh? Alam niya kaya ang nangyari kahapon? Nakakahiya, turn off agad ako sa kanya. Hindi na lang ako magpapa-apekto sa sinasabi nila dahil hindi naman ako malandi. Bakit ako magagalit kung alam ko naman sa sarili ko na hindi ako ganun, 'di ba? Edi wow silang lahat! Mga bobo! "Dude!" Bigla na lang sumulpot ang malanding 'yun at inakbayan si Josh. Mas lalo silang nag hiyawan dahil magkasama raw ang dalawang campus prince, na ang gwapo raw nilang dalawa at kung ano pang churvachuchukingina nila. "Bar tayo mamaya?" anyaya sa kanya ni malandi. Mabuti na lang na hindi niya ako napapansin. Nasa likod lang nila akong dalawa habang nakatakip sa mukha ko ang libro na animo'y nagbabasa. Pero ang totoo'y pasimple kong pinapakinggan ang pinag uusapan nila. Baka sakaling malaman ko kung may girlfriend na ba si Josh para hindi na ako umasa. "I'm busy," tugon ni Josh. "Saan? Sa girlfriend mo?" Mas lalo kong tinalasan ang pandinig ko at lumapit pa ng kaunti sa pwesto nila. Ibig sabihin ay may girlfriend siya? Ang sakit naman na malaman na may girlfriend ang crush mo. Magwo-walling ako mamaya sa bahay at magda-drama kasi broken hearted ako ngayon. "She cheated on me, wala na kami," Mababakas sa boses niya ang lungkot. Wait?! "Yes!" "Honey?" Ay malandi! Bakit kasi hindi ko napigilan ang sarili ko na humiyaw nang dahil sa kasiyahan?! Ang saya ko kasi mukhang may pag asa na ako kay Josh kasi single na siya. "Honey mo ang mukha mo, malanding nilalang!" I glared at him and run away. Pagkapasok ko palang ng room, nakatingin agad sila sa 'kin na para bang gusto nila akong kainin ng buhay. Sana makalabas pa ako rito ng humihinga. Magiging kami muna ni Josh baka ako mamatay. Hindi ko na lang sila pinansin at umupo na ako sa pwesto ko. Napansin kong busy si Stella sa pagdo-drawing. "Wow! Paris!" Namamangha kong saad dahil napakaganda ng pagkaka-sketch niya ng eiffel tower. "I want to become an artist, kapag nakapagtapos ako ng pag aaral sa France agad ang destinasyon ko para matupad ang pangarap ko." "Wow! Sana all planado na ang future.." Hindi ko pa kasi alam ang gusto ko pero nang makita ko si Josh, nagkaroon na ako ng pangarap. Pinapangarap kong maging ina ng mga anak niya. My ghad! I'm so kinikilig! Pinagpatuloy niya ang pag-i-sketch niya. Masasabi ko lang na bihasa na siya dahil napakabilis ng galaw ng kamay niya. Minabuti ko na lang na huwag na siyang abalahin kasi mukhang gusto niya rin na walang kumausap sa kanya. "KYAH! " "PRINCE MARCUS AND PRINCE JOSH!" "I'M GONNA DIE!" Napairap na lang ako sa hangin dahil dumating na ang malanding 'yon. Ayos sana kung si Josh lang, ako ang mauunang sumigaw sa pangalan niya. Hindi lang 'yon, may pa banner pa ako para sa kanya. "Artista ba sila?" tanong ko kay Stella. Hindi man lang siya nagbigay ng pansin kung sino ang dumating na para bang sawa na siyang makita ang pagmumukha ng dalawa. "No. Silang lang namang dalawa ang pinakamatalino sa school na ito. Pareho silang talented at halos lahat ng mga kababaihan ay may gusto sa kanila kaya ang tawag nila ay Prince dahil mukha daw silang prinsipe." Gusto kong matawa sa sinabi niya. Mahirap mang aminin pero mas lamang ang kagwapuhan ni Malandi kaysa kay Josh. Siguro lamang ng isang paligo si Malandi. Tinitigan ko silang dalawa at gusto kong mapamura dahil para talaga silang prinsipe na ang kulang na lang ay ang magsuot ng korona. "Nagka gusto ka na ba sa isa sa kanila?" Huminto naman siya sa pag-guhit. "Ako? Magkakagusto sa isa sa kanila? No way!" she chucked. Tumango na lang ako sa sinabi niya habang nakakunot ang noo ko. Para kasing may tinatago siya. Ayoko naman tanungin kung ano 'yon kasi hindi pa naman kami gaanong ka-close. "Hi honey, " nakangiting bati ng lalaking 'yon. Kumulo naman ang dugo ko dahil sa ngiti niya. Letche! Ang gw-- ang laswa! "Isa pang tawag na honey, tatamaan ka talaga sa 'kin!" "Oh! I'm so scared, honey!" "Gago!" Nakakainis na kasi ang pagtawag niya ng Honey. Sa ganda ng pangalan ko tapos ganun lang ang itatawag niya sa 'kin. Sayang lang at nasa tabi ni malandi si Josh. Parang ganito ang pwesto namin, Stella-Ako---Malandi-Josh. Mabuti na lang at nailayo ko kaagad ang upuan ko at baka landiin na naman niya ako. Napahigpit ang hawak ko sa ballpen nang iipod niya ang kanyang upuan sa aking tabi. "Lumayo ka sa 'kin malanding espiritu!" Pinaningkitan ko siya ng tingin kasi halos siksikin na niya ako. Maging ang hangin ay nahihiya nang dumaan sa pagitan naming dalawa dahil sa sobrang lapit niya sa 'kin. "No way, honey, dito lang ako sa tabi mo," aniya habang nakahalumbabang nakatitig sa 'kin. Naiilang ako sa titig niya na para bang ako lang ang babaeng nakikita niya. Mas minabuti ko na lang na hindi siya pansinin at baka magka world war sa loob ng room na ito. Bakit kasi wala pa ang teacher namin? Napaka pa VIP naman ng gurong 'yon. "Honey, mukhang kailangan ng halik ng matamis mong mga labi..." Dahil sa inis ko, hinampas ko siya ng libro na ikinagulat ng lahat. Bahala na kung ma turn off si Josh ang mahalaga magantihan ko ang lalaking ito. "Oh sh*t!" aniya habang hawak ang ulo niya na hinampas ko. Isa lang ang nasa isip ko, kailangan kong puksain ang malanding espiritu na umaaligid sa 'kin at baka mahawa pa ako ng kalandian niya. "How dare her! " "Lagot sa 'kin mamaya ang babaeng ' yan! " "Right girl! " Blah blah balah! Putak ng putak ang mga bibig nila na ang sarap busalan ng tubo ng tubig. Iimik na nga lang sila, wala pang kwenta. Nakakasira ng pollution. "Mukha mo!" I punched him. Napangiwi naman s'ya habang tumaas naman ang sulok ng aking mga labi. Tumayo na ako at lumabas na ng impyernong classroom na 'yon. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit ng kamao ko. Bungo ata ang mga labi nung manyak na 'yun! Finally! Buo na nag araw ko kasi nakaganti na rin ako sa kanya. Chapter 5 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 5 "A-Ano ba?!" Hindi nila ako pinansin kasi patuloy pa rin sila sa paghila sa 'kin hanggang sa makarating kami sa classroom na abandunado na sobrang dilim at walang estudyante ang napapadpad dito. "Oh my ghad!" Nagulat ako nang bigla nila akong itulak ng malakas kaya halos masubsob na ako sa sahig. Mabuti na lang sa may karton ako sumubsob kasi kung hindi, makikita talaga nila ang impyerno. Ayoko ngang magkasugat. Natatandaan ko na ang mga mukha nila. Sila 'yung tatlo naming kaklase na patay na patay kay Marcus lalong lalo na 'yong nasa gitna na mukhang clown. Actually lahat sila mukhang clown sa kapal ng kanilang mga makeup. Ba't nandito ang mga ito? Dapat nasa children's party sila para nagpapasaya. "I'm Sophia, ang reyna ng tubig," pakilala nung nasa gitna. Kumunot ang noo ko dahil ano raw? Reyna ng tubig? Hindi nga? Baka reyna ng mga shokoy. Pwede namang pangalan na lamang nila ang ipakilala nila at may mga paganun-ganun pa. May sayad yata ang tatlong ito. "Ako naman si Shaira, ang reyna ng apoy," pakilala naman nung nasa kanan. Reyna naman ng apoy? Baka Reyna ng impyerno! "And me? I'm Miranda, ang reyna ng kidlat," sabi naman nung nasa kaliwa. "Hindi kidlat bes, nyebe!" sabat nung reyna raw ng apoy? Laughtrip ang tatlong ito! "Fine! Whatever!" inis na sabi nito habang ang sama ng tingin sa 'kin. "In short, Dyosa kaming tatlo!" Napahagalpak ako ng tawa dahil lahat sila nagpose na parang sasabak sa gyera. 'Yong totoo? Mga engkanto ba sila? "Huwag kang tumawa!" inis na sabi nung nasa gitna. "Pasensya na, ang gaganda niyo kasi," pinipigilan kong matawa sa sinabi ko. Napaka plastic ko naman! Akala naman nila tunay na maganda sila, e, mukha naman silang mga clown. "Hindi na kami magpapaligoy ligoy pa," mataray na sabi nung nasa kanan na dyosa raw ng impyerno I mean Apoy. Umayos ako ng upo at humalumbaba sa harapan nila. Naiinip na ako sa gagawin nila ang dami pang churvachuchukingina nila. Kung bubuhusan nila ako ng tubig edi go! 'Yon naman palagi ang ginagawa ng mga echuserang palaka 'di ba? Nang dahil sa lalaking 'yon, nandito ako ngayon sa kalagayan. "Bakit mo hinalikan si Prince Marcus namin?" mataray na tanong nung nasa gitna. Gusto kong mapairap dahil hanggang ngayon ba naman, hindi nila nakakalimutan 'yon. "Bakit mo sinuntok si Prince Marcus kanina? Alam mo bang ikaw lang ang babaeng gumawa nun sa kanya!" gigil na wika nung nasa kanan. "So, I'm lucky?!" pumalapak pa ako habang ang lapad ng ngisi ko. "Anong sinabi mo?" natigilan ako nang sumeryoso na ang mukha nila. Napansin ko na may kinukuha 'yong nasa kaliwang engkanto sa kanyang bag. "Scissor!" Nanlaki ang mga mata ko nung inilabas nila ang sobrang habang gunting. Huwag nilang sabihin na balak nilang gupitin ang mahaba kong buhok? No fucking way! "A-Anong gagawin n'yo?" Humakbang ako palayo sa kanila habang naglalakad naman sila papalapit sa 'kin. Hindi ko sila hahayaang gupitin ang buhok ko. "Gugupitin namin ang buhok mo bilang parusa sa paghalik kay Prince Marcus namin at panlalandi na rin kay Prince Josh," sabi nung engkantong nasa gitna habang patuloy na lumalapit sa 'kin. "Subukan n'yong lumapit sa 'kin!" matapang kong sabi nang bigla silang natawa. Taena! Hindi ba nila alam na nasa akin ang pitong dragon balls. "Girls!" Biglang nagsilapitan sa akin 'yong dalawa niyang alagad at hinawakan ang magkabila kong braso... in short na trap nila ako. Lumapit pa lalo sa 'kin 'yong reyna raw ng tubig? Reyna ng mga shokoy kamo! "Hindi ka naman kagandahan para magustuhan ni Prince Marcus at ni Prince Josh. Isa pa, wala sa taste ni Prince Marcus ang magkagusto sa isang pororong katulad mo!" sabi nung nasa gitna na reynan ng shokoy. Kumulo ang dugo ko dahil sa sinabi niya. Ano raw? Pororo? Putapete! "Bawiin mo ang sinabi mo!" nang-gagalaiti kong wika. Sabihan niya na ako ng lahat huwag lang maging katulad ni PORORO! "Alin? 'Yon bang mukha kang PORORO?" nakangisi nitong wika. Iwinaksi ko ang braso ko kaya nabitawan nilang dalawa ang pagkakahawak sa 'kin. "First of all, hindi ko nilalandi si Marcus at mas lalo na si Josh. Second, pumasok ako rito para mag-aral hindi para makipaglandian and third, ayaw ko ng gulo pero kayo na mismo ang nagtulak sa 'kin para gawin ang bagay na 'yon. And last, huwag niyo akong ihalintulad kay PORORO dahil ni kailanman ay hindi ako naging siya." Napatanga sila sa sinabi ko. Nauubos na talaga ang pasensya ko sa mga sinasabi nila na walang kwenta. Isaksak pa nila sa vagina nila si malandi at si Josh. "That's my girl!" Nanlaki ang mga mata naming apat nang pumasok si malanding Marcus habang pumapalakpak. Anong ginagawa ng malanding 'yon dito? At ano raw? My girl? Utot niya! "Prince Marcus!" kinikilig na sabi nung Leader na engkanto at lumapit kay malandi. "Hey babe," malanding sabi ng lalaking 'yon. Kahit sino talaga pinapatos niya kahit na mukhang paa pa. Kawawa naman siya, walang-wala na atang mapatulan kaya napatol sa mukhang paa. "Can I kiss you?" malanding tanong nung babaeng 'yon. Tumingin sa direksyon ang lalaking 'yon habang nakataas ang sulok ng kanyang mga labi. Sinamaan ko siya ng tingin at napangisi ako nang mapansin ko na may kaunting pasa ang gilid ng labi niya dahil sa pagsuntok ko sa kanya kanina. Deserves him right, dapat lang 'yan sa kanyang gago siya! "Sure babe," tugon nito. Napatili naman ang babaeng 'yon at ipinalibot ang mga braso nito sa leeg ni malanding Marcus at tumingkayad. Impit na tumitili ang dalawang engkanto habang pinapanuod nila ang dalawa na malapit nang maglampungan sa harapan namin. Akala ko ba'y hindi siya nagpapahalik? Ano pa nga ba ang aasahan sa isang playboy na tulad niya? Naiinis ako sa hindi malamang dahilan. Kaunting distansya na lang ay maglalapat na ang kanilang mga labi nang biglang itinagilid ni Marcus ang mukha niya kaya sa pisngi napahalik si Engkantong leader. "Sorry babe, I don't kiss anyone." Inalis nito ang pagkakayakap sa kanya nung engkantong 'yon. "Prince Marcus naman!" nagpapadyak na sabi nung engkantong 'yon habang inis na inis. Napairap na lang ako sa hangin dahil ganun ba sila ka desperada para mahalikan lang ang lalaking 'yon? Isa lang pala ang masasabi ko kahit na karumaldumal na pakinggan. I'm so lucky! Yuck! "Honey..." Akmang aalis na ako nang hawakan niya ang braso ko at itinulak pasandal sa dingding. Napadaing ako sa lakas ng pagkakatulak niya sa 'kin kasi feeling ko mababali ang mga buto ko sa likod. Ay? 50 shades of Grey lang ang peg? Tumigil ka, Gianna! "Ano ba?! " inis kong saad at akmang itutulak siya nang hawakan niya ang mga braso ko. Natigilan ako nang magtama ang tingin naming dalawa. Bakit niya ba ito ginagawa? Pinaglalaruan niya lang ba ako? Kasi hindi pa naman kami gaanong magkakilala. Siguro iniisip niya na easy to get lang ako. "Prince Marcus..." Hindi niya pinansin 'yong tatlong engkanto na hanggang ngayon ay nandito pa rin pala at pinapanuod kami. "...except this girl." Nanlaki ang mga mata ko nang maglapat ang mga labi namin. Pilit ko siyang tinutulak palayo nang higpitan niya ang pagkakahawak sa aking mga braso. "OMG!" "HE KISSED PORORO! " "I'M GONNA DIE!" Nang marinig ko ang salitang pororo ay biglang kumulo ang dugo ko. I grabbed his nape and deepened the kissed. Naramdaman kong nabigla siya dahil sa ginawa ko. We kissed at hindi ako tumututol dahil sa nararamdaman kong inis. Mainggit sana sila dahil ako lang ang hinahalikan ng lalaking ito. "D*mn!" mura niya nang kaunting maghiwalay ang mga labi namin. Hindi ako marunong humalik pero nadadala niya ako. He's a good kisser na kahit isa kang tuod matutunan mong humalik kapag magkalapat ang inyong mga labi. "Let's go girls, I can't take this anymore! " Nang makaalis ang mga engkanto'y kaagad ko siyang itinulak palayo. Natatandaan ko na noon ay gustong-gusto kong magkaroon ng first kiss. Ayoko nito! Nilapastangan niya ang mga labi ko. "B-Bakit mo ako hinalikan?" "You kissed me back, honey," he smirked. "Ulol!" Hindi lang simpleng halik ang pinagsaluhan namin kanina. Kundi Torrid kiss? Letche ka talaga, Marcus! Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas ng silid na 'yon. Gusto kong sampalin ang sarili ko. I hate my temper, madali akong mainis kaya hindi ko na alam ang ginagawa ko. "Let's go!" Nabigla ako nang akbayan niya ako. Sinamaan ko siya ng tingin pero ang loko nginisian lang ako. "Ginutom mo ako," aniya "So?" "..and you punched me right? I'll punish you, honey." "Punish mo ang mukha mo! " Sasapukin ko sana siya nang mapigilan niya ako. "I will cook for you, honey," Napaawang naman ang bibig ko sa kanyag sinabi. Ano raw? Ipagluluto n'ya ako? At bakit n'ya naman gagawin 'yon? "A-Ano?" "I will cook for you," he repeated. Ayaw ko sa ngiti niya dahil may nararamdaman akong kakaiba. "No way! Baka malason pa ako sa niluto mo!" Akala ko maiinis siya pero mas lalong tumaas ang sulok ng kanyang mga labi. Ginagalit talaga ako nito! "Did you know that boys are the best chef cause with just two eggs, one hotdog and a little bit of milk, they can make a girl's stomach full for nine months.." Pinasadahan niya ako ng tingin habang may ngisi pa rin sa kanyang mga labi. Hindi ko ma-gets ang sinabi niya kaya nakakunot ang noo kong nakatitig sa kanya. Wait-- two eggs? One hotdog? Little bit of milk? Stomach full for nine months? W-What? the hell! "Mahalay!" gigil kong saad at tinuhod ko siya sa hotdog niyang may dalawang itlog. "Oh fuck." Daing niya habang sapo sapo ang bagay na 'yon. Umalis ako nang may ngisi sa aking mga labi. Sisigiraduhin ko na talaga na hindi na makakalapit sa 'kin ang manyak na 'yun. Ayokong mahawa sa kalandiang taglay niya! Chapter 6 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 6 Malapad ang ngiti ko habang naglalakad papuntang school. Syempre kailangan kong magdiwang kasi nagantihan ko na si Gennica sa pamamagitan nang pagtago ko ng mga sapatos niya. Alam ko sa oras na ito'y umuusok na ang ilong niya sa inis. Dapat lang na gantihan ko siya dahil siya ang may dahilan kung bakit ayaw akong tantanan ni malanding adik sa kiss. Simula ngayon 'yan na ang tawag ko sa malanding 'yon. In short, MASK na ang itatawag ko sa kanya. Nang-gi-gigil talaga ako kapag lumalapit siya sa 'kin para lang landiin ako. Sinayang ko lang ang first kiss ko sa isang tulad niya. Sino ba naman ang gustong maging first kiss ang napaka playboy na tulad niya? Kung siya ang magiging first kiss mo, papayag ka ba? Pwes! Ibahin niyo ako. Nandidiri ako! Ilang beses na niyang nilapastangan ang kawawa kong mga labi. Pwe! "Ang kapal talaga ng babaeng 'yan para landiin si Prince Marcus!" "Oo nga girl, tapos parang wala lang kay Prince Marcus na hinalikan siya ng witch na 'yan! " Kinalma ko ang sarili ko kasi baka hindi ko mapigilang hilahin ang mga buhok nila at gabutan. Ayaw ko talaga sa lahat na pinag-uusapan ako. Saka sino ba sila para husgahan ako kung gayong hindi pa naman nila ako kilala? Hindi pa ako artista pero sikat na agad ako. Wow lang ha! As in WOW! Ang ganda ko naman yata para pag-usapan. "Good morning, Gianna.." Nabigla ako nang biglang sumulpot sa harapan ko si Josh. Pinipigilan ko naman ang sarili ko na huwag pamulahan ng mukha. Bakit kasi napaka-gwapo ng nilalang na ito? Lalo na ngayon na nakangiti siya na halos makalaglag panty. Kung ganito lang palagi ang sasalubong sa 'kin, sisipagin talaga ako na pumasok araw-araw. Pakasalan mo lang ako Josh, ako na ang bahala sa magandang lahi natin. Shut up Gianna, huwag kang magpapahalata na kinikilig ka sa kanya. "G-Good morning, Josh..." ng buhay ko. Hindi ko mapigilan na mautal kasi kinikilig talaga ako. Naamoy ko rin ang pabango niya na humahalimuyak sa ilong ko. "Follow me..." Naglakad na siya paalis kaya sumunod ako sa kanya kahit wala naman akong ideya kung saan kami pupunta. Baka pupunta kami patungong Forever! Kinikilig ako! Gusto kong irapan lahat ang mga babaeng halos gabutan na ako sa paningin nila. Inggit lang sila dahil kinakausap ako ni Josh. Nalaman ko rin sa kapatid kong chismosa na mabait si Josh pero masungit. Hindi siya madaldal at magsasalita lang siya kapag may tinatanong ka sa kanya. "Where are we going?" tanong ko nang mapansin na hindi kami sa classroom namin pupunta. "Pinapatawag ka ng principal," I was shocked. "What?!" Napahiyaw na lang ako sa gulat sa sinabi niya. Bakit naman ako ipapatawag ng principal? May ginawa ba ako na ipinagbabawal sa paaralang ito? Ipinagbabawal na ba ang pagiging maganda? "Pumasok ka na sa loob dahil kanina kapa hinihintay ng Principal. Don't worry, sinabi niya sa 'kin na kakausapin ka lang niya." "Close kayo?" "I am the Vice Pesident here in school." Pinakita niya sa akin ang ID niya at namula ang pisngi ko nang makita ang picture niya. Wow! So handsome naman this boy. Full package rin ang crush kong ito, gwapo na matalino pa. Mas lalo tuloy akong humahanga sa kanya. "Good luck!" Gusto ko pa sanang magpantasya sa kanya pero binuksan na niya ang pintuan ng Principal office. Wala na akong nagawa kundi ang pumasok sa loob. Nakaramdam ako ng kaba habang nililibot ko ang tingin ko sa loob ng Principal Office. Ano ba kasi ang kasalanan ko at pinatawag ako rito? Hindi kaya dahil sa pagsira ko sa halaman na kagagawan ng lalaking 'yon? Kung 'yun nga talagang malalagot siya sa 'kin. "G-Good morning po!" kinakabahan kong pagbati sa Principal na ngayon ay seryoso ang tingin sa 'kin. "You may sit," tipid na wika niya at inayos ang papeles na nakalatag sa mesa niya. Umupo na ako habang nakapatong ang dalawa kong palad sa tuhod ko. Para akong nasa impyerno dahil sa sobrang kaba na baka sunugin ako sa nagbabagang apoy. "B-Bakit niyo po ako pinatawag?" Relax Gianna, mukha lang siyang leon pero tao siya. Hindi ka niya lalapain ng buhay. Relax! "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Pinatawag kita dahil may ginawa kang malaking kasalanan Ms. Arellano," seryoso niyang wika habang naka cross arm na nakatingin sa 'kin. "S-Sorry po!" Paumanhin ko kahit wala akong ideya kung ano ang nagawa ko at ang malala pa ay malaking kasalanan as in big mistake. "Sorry? The damage has been done Ms. Arellano. Walang magagawa ang sorry mo," gigil niyang saad kaya mas lalo akong nanginig sa takot. Ang sungit naman ng Principal na ito! Mukha na ngang Leon may gana pang mag-sungit. Kapag ako hindi nakapagtimpi kakalimutan ko talaga na isa siyang Principal. Gagawin ko siyang alaga ko, e, at igagala ko sa park. "A-Ano po ba ang ginawa kong kasalanan?" "First, kissing is not allowed here in school." Tumaas ang isang kilay niya. Namula ang pisngi ko dahil sa sinabi ni Principal Leon. Ano ba ang tinutukoy niya? Nung nasa hallway kami, sa locker o roon sa may bakanteng silid? Nanlaki ang aking mata sa naisip ko. Ibig sabihin tatlong beses na kaming naghalikan ni Mask?! "Second, nabalitaan ko na sinuntok mo si SSG P. Samaniego sa mukha." Nanlaki ang mga mata ko dahil pati 'yon alam niya. Sino ang walanghiyang nagsumbong sa Principal na ito? Magalang naman ako, e, hindi nga lang sa Principal na mukha Leon na ito. Wait-- SSG? "SSG PRESIDENT?!" Napahawak ako sa dibdib sa gulat. "Yes, Ms. Arellano, SSG President ng Cross Sign ang binangga mo. I know that Mr. Samaniego is a playboy pero wala sa bukabularyo niya ang makipaghalikan sa loob ng Cross Sign University. Pero bigla ka na lang gumawa ng eksena at dinamay mo pa si Mr. Samaniego." What the hell?!! Pwede na ba akong lamunin ng lupa dahil sa nalaman ko. President? Ang playboy na 'yun ay SSG PRESIDENT?! "Third, you kick him in his balls. Paano kung hindi na siya makabuo kapag may asawa na siya. Anong gagawin mo?" Pati naman 'yun ay alam niya? Lahat na lang yata! "P-Papalitan ko po ang itlog niya," tugon ko at huli na nang ma-realize ko ang sinabi ko. "Ms. Arellano!" Hinampas niya ang lamesa habang namumula ang mukha sa galit. "Auntie!" Narinig kong may nagsalita at nang makilala ko kung sino 'yon. Gusto ko siyang dambahin at sakalin sa inis na nararamdaman ko. Auntie? Mag Auntie sila! Hindi na ako magtataka kung siya ang nagsabi ng lahat nang 'yon sa Principal na mukhang leon. "What are you doing here Ms. Arellano?" kunot-noong tanong niya. Ms. Arellano? Plastik ang gago! Nababagay talaga na Mask ang itawag sa kanya dahil isa siyang mapagpanggap. Bwisit! Hindi ko sinagot ang tanong niya sa halip, sinamaan ko siya ng tingin na para bang unti-unti siyang matutunaw. Humanda talaga sa 'kin mamaya ang lalaking ito! "Auntie, what is she doing here?" tanong niya tapos bumeso sa Auntie 'kuno' niya. "Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko siya napaparusahan sa lahat ng patakarang nilabag niya. Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo na dalhin mo siya sa detention room at hayaan doon ng apat oras," masungit na sabi ni Auntie 'kuno' niya habang ang sama ng tingin sa 'kin. Aba naman! Bakit parang ako lang ang may kasalanan? Ang lalaking 'yan nga ang bigla na lang akong hahalikan. Sipsip ang pota! "Alright!" Tumingin siya sa 'kin at unti-unting tumaas ang sulok ng kanyang mga labi. Nakaramdaman ako ng kaba dahil alam ko na may binabalak siya. Huwag mong sabihin na gagalawin niya ako. No way! Hindi ako makakapayag. Hindi talaga! Pero kung pipilitin niya ako pwed----- No! Hindi mangyayari 'yon! "Let's go!" Hinawakan niya ang braso ko at kinaladkad palabas na para bang isa akong maleta. Nang malayo na kami sa lugar na 'yun, mabilis ko namang inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko. "Saan ba kasi tayo pupunta?" Dumako ang tingin ko sa uniform niya at nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang salitang President Samaniego. Ibig sabihin totoo na SSG President siya ng Cross Sign University?! What?! Bakit nga ba hindi ko nalaman ang bagay na 'yon? Hindi kasi halata sa kanya dahil mukha siyang may sayad sa utak. "Detention room." Muling hinawakan niya ang braso ko at pilit na hinila. No way! Ayaw kong makulong ng apat na oras. Mababaliw ako! Baka paglabas ko'y tumatawa na lang ako nang walang dahilan. "Don't do this!" paawa effect kong sabi habang nakanguso. "No, honey, hindi mo ba alam na hindi tumayo 'yung parte na tinuhod mo sa 'kin kahapon," seryoso niyang wika. Sobrang namula naman ang mukha ko sa sinabi niya. Seriously?! Hindi tumayo? Yuck!! "Sorry na, pleasee. " Pinagdikit ko ang mga palad ko upang magbakasakali na huwag niyang ituloy ang pagkulong sa 'kin ng apat na oras sa loob ng detention room. "No!" Nanlaki ang aking mga mata nang mapansin na nasa harap na kami ng detention room. Wala na, absent na ako sa klase dahil sa lalaking ito. Hindi ko na makikita ang Bebe Josh ko. Nakakainis na. Ano ba ang gusto nito? Halik? Tama!! Ang genius mo talaga Gianna. Malamang na hindi niya itutuloy ang pagpaparusa sa 'kin sa pamamagitan lang ng halik ko. Last kiss playboy, last kiss na ito. Wala nang susunod pa kasi tatamaan na talaga siya sa 'kin. "My lips look so lonely.." I bit my lower lip while staring at him. Aaminin ko na nandidiri ako sa ginagawa ko. Napansin ko na kumunot ang noo niya at akmang bubuksan na ang pinto nang hawakan ko ang kanyang braso para pigilan. "Would they like to meet mine?" labas sa ilong kong sabi at hindi nga ako nagkamali dahil ngumisi siya. Ngising playboy pero hanep dahil ang gwapo ni Mask! "Good idea, honey..." Pinikit ko ang mga mata ko nang mapansin na sobrang lapit na ng mukha niya sa 'kin. Naramdaman kong hinawakan niya ang pisngi ko. Wala pang ilang minuto'y naramdaman ko ang mga labi niyang na nakalapat sa 'kin. Sobrang lambot ng kanyang mga labi. "Oh my ghad!" Nang dahil sa gulat, bigla ko na lang siyang naitulak palayo. Parehong nanlalaki ang mga mata namin nang makilala kung sino ang sumigaw. Ang Principal! Lagot! "Auntie!" Parang wala lang sa kanya na nakita kami ng Auntie niya na nasa ganoong kalagayan. "The both of you!" Tinuro niya kaming dalawa na ngayon ay umuusok na sa galit. "Go to the Detention room now! 4 hours!" Tinulak niya pa kami papasok sa loob at wala na kaming nagawa nang marinig namin ang pag lock sa labas ng pinto. Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa inis na nararamdaman. Nakita niya kami na naghahalikan. Paano na? Makukulong ako sa lugar na ito ng apat na oras habang kaming dalawa lang. "So, let's continue our ki--" Hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil tinapalan ko ng panyo ang kanyang mga labi. "Halikan mo 'yan hanggang mamaya nang mapugto 'yang mga labi mong malandi ka. Bwisit!" inis kong sabi at umupo sa isang sulok. Pero sa totoo lang.. nabitin ako. Kasi naman, ang sarap niyang humalik. Still, I hate him! Chapter 7 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 7 "Sinabi nang hubarin mo 'yan!" Ma-awtoridad niyang wika habang seryosong nakatitig sa 'kin. Napalunok ako dahil ngayon ko lang siya nakitang ganito ka-seryoso. Mas lalong lumalantad ang kagwapuhan niyang taglay. Bakit ko ba kasi ginawa ang bagay na 'yon? Edi sana hindi na kami sa hahantong pa sa ganito. "N-No way!" Napansin kong papalapit siya sa 'kin kaya mas lalo akong kinabahan. Bakit kasi ang init dito? Hindi pa sapat ang limang aircon sa banas na nararamdaman ko. "Really? Fine! Kung ayaw mo, edi ako na ang gagawa..." Lumuhod siya sa harapan ko at inalis 'yung kanina niya pa pinapaalis sa 'kin. Napalunok ako nang maramdaman kong lumapat ang balat niya sa 'kin. Ang init ng balat niya at nakaramdam din ako ng kiliti sa tiyan ko. Hindi ako umimik nang hawakan niya ang binti ko. Please lord! Ilang oras na ba kami nandito sa loob ng detention room? Dalawang oras lang naman, ibig sabihin kailangan pa naming manatili ng dalawa pang oras dito? Kakayanin ko ba? Nagwawala na rin ang mga bulate ko sa tiyan sa gutom. Nakakainis! "A-Aray!" daing ko nang diniinan niya ang pagkakahawak sa 'kin. Siya kaya ang nasa kalagayan ko ngayon ewan ko lang kung hindi siya mapahiyaw sa sakit. "Stay still, honey, mawawala rin ang sakit nito. Kumapit ka sa upuan." Napapikit ako nang diniinan na naman niya kaya mabilis akong kumapit sa upuan bilang suporta na huwag akong matumba. "M-Masakit nga sabi, hindi uso ang mag dahan-dahan?" Ngumisi lang ang loko. "For me? Hindi uso ang salitang 'yan sa isang tulad ko. Masarap ba?" Namula ang mukha ko sa sinabi niya. Naiinis ako, bakit kasi ang gwapo ng Malanding Adik Sa Kiss na lalaking 'to? "Uh-ohh-- y-yeah!" I moaned. Napahawak ako sa kanyang balikat at kinagat ang pang-ibabang labi ko. "Stop moaning honey, D*mn it!" nahihirapan niyang wika. Nang dahil sa gulat ko sa sinabi niya ay bigla ko siyang nasipa sa tiyan. "Manyak!" Umupo na ako sa sahig at sinuot muli ang sapatos ko na kanina lang ay tinanggal niya habang siya naman ay hawak pa rin ang tiyan dahil sa ginawa ko. Sa katangahan ko nga naman kanina, napagbuntungan ko ng galit ay ang pintuan kaya sinipa ko ito nang sobrang lakas kaya nanakit ang paa ko. Mabuti na lang kahit papaano ay humupa na ang sakit dahil sa pagmasahe niya. "Fuck." Daing niya habang hawak pa rin ang tiyan niya na sinipa ko. Mariin akong napabuntong hininga at lumapit sa kanya para haplusin ang kanyang likuran. "Don't worry, Mr. President, hindi malalaglag ang fetus sa sinapupunan mo. Kaunting pahinga lang ay mawawala rin ang sakit na nararamdaman mo," I smirked. Konsensya? Wala ako n'yan! Bagay lang sa kanya 'yan! Malaki ang kasalanan ng lalaking ito sa 'kin. Kasalanan niya kung bakit ako nandito. Bakit kasi sobrang landi niya tapos ako naman 'tong hinahayaan siyang lapastanganin ang mga labi ko. "What?" Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa 'kin. "Nararamdaman ko po na nagbe-break dance ang fetus sa tiyan mo. Ibig sabihin niyan, malusog ang bata..." I chuckled. "Really?!" Napansin kong palipat lipat ang tingin niya sa mata ko at sa dibdib ko. Oh ghad! Nagising na ba ang hindi dapat magising? "Yes..." Hahakbang pa sana ako palayo sa kanya nang bigla niyang hawakan ang braso ko para pigilan. "So, kailangan kong mag push up, Dr. Arellano?" he smirked. Ghad! Bakit ba napakalandi ng lalaking ito? Kung malandi lang ako malamang sa loob ng apat na oras na pagkakakulong namin dito'y baka tatlo na kaming lalabas. No way! Hinding-hindi mangyayari 'yon! "M-Maybe?" nauutal kong tugon habang sunod-sunod aking paglunok. "...habang nasa ibabaw mo ako?" dugtong niya na ikinapula ng mukha ko. "Gago!" inis kong hiyaw at feeling ko'y magsisilabasan ang ugat ko sa leeg sa galit na nararamdaman. Akmang sisipain ko ulit siya nang hilahin niya ang kamay ko kaya napaupo ako sa kanyang tabi. Bigla niyang sinandal ang ulo niya sa balikat ko. Taena! Para siyang isang bata na nanlalambing. "Just kidding, honey, pero kung gusto mo nam---" Hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil tinakpan ko ang bibig niya gamit ang palad ko. "Manahimik ka!" Sa tingin ko'y sobrang pula na talaga ng mukha ko. No way! This can't be, hindi pwede akong magka-gusto sa isang playboy na katulad niya. Dahil bukod sa paasa sila, meron din silang kailangan sa isang babae at kapag nakuha na nila 'yun ay mawawala na lang sila na parang bula. Hindi pa kami lubos magkakilala pero nag kiss na kaming dalawa. Kasalanan ito ng kapatid ko. Kung hindi lang dahil sa isang dare na 'yan, hindi mangyayari ito! "Tatahimik lang ako kapag hinalikan mo 'ko, honey.." Mas lalo pa siyang dumikit sa 'kin habang pigil naman ang hininga ko. Hanggang ngayon ay nakapatong pa rin ang ulo niya sa balikat ko. Hindi ko alam kung bakit hinahayaan ko lang siya. Naiinis na ako! "Bakit ba ang landi mo?" Pilit ko siyang nilalayo sa 'kin pero nagmatigas siya. "Dahil gwapo ako," mahangin niyang sagot habang ako naman ay napairap sa ere. Ang lakas ng hangin, grabe! May habagat yata rito! Hindi ko keri! "Tinatanong kita nang maayos kaya dapat sagutin mo rin ako ng maayos okay?!" Hindi niya ako sinagot, sa tingin ko naman ay maayos na niya akong sasagutin. Hindi talaga halata na President siya. My ghad Cassy! "Ganito, bakit ka naging SSG President ng Cross Sign kung sa hitsura mo pa lang 'yan... na para kang tambay sa kanto na kapag may dumaan lang na babaeng nakapalda ay sisipulan mo na at alam mo na. So bakit nga?" "What the hell?! Sa gwapo kong ito'y mukha akong tambay sa kanto? Seriously Ms. Arellano? D*mn! Alam kong gago ako pero magaling akong I-handle ang lahat ng batas at kailangang ipatupad sa paaralang 'to. Fine! Mahilig akong makipag flirt sa maraming babae pero pagdating sa pagiging Presidente ng Cross Sign, seryoso ako.." Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. Inalis na niya ang pagkakapatong ng ulo niya sa balikat ko kaya nilingon ko siya. Seryoso na ngayon ang kanyang mukha. Hindi na siya muling umimik at pumikit na lang habang nakasandal ang kanyang likuran sa dingding. Patay! Nagalit ko yata! "Si Josh, since when kayo naging magkaibigan?" Iminulat na niya ang kanyang mga mata at tumingin sa 'kin. Kumunot ang noo niya nang mapansin na namumula ang mukha ko. "Since kinder." Ibig sabihin ay kilala na nila ang isa't isa? Paano kaya kung humingi ako sa kanya ng tulong para mapalapit ako kay Josh. Tapos magiging close kami ni Josh sa isa't isa, tapos mahuhulog siya sa 'kin at liligawan niya ako. Kinikilig na agad ako! I really like him, kahit nung una ko pa lang nakita si Josh, kung pwede lang manligaw ang isang babae ay nagawa ko na. "You better stop your feelings towards him, he's still in love with his ex-girlfriend." Umiiling pa siya na para bang ipinapahiwatig niya na back off na lang ako kasi wala akong pag-asa kay Josh. "I don't care!" Ano ba ang karapatan niya na sabihan ako na itigil ko ang pagka-crush ko kay Josh?! Siya na nga lang ang inspirasyon ko tapos hihinto pa ako sa paghanga sa kanya. No way! Hindi na siya umimik pa, tiningnan niya ang oras at malakas na napabuntong hininga. "I heard na never ka pang nagpahalik, pero bakit uhhh--" I bit my lower lip. "Are you stalking me?" "Hindi no, kapal mo naman! Meron akong tainga at sa tuwing pumapasok ako'y ikaw ang hot topic nila." "Gwapo kasi ako!" Napaawang na lang ang aking bibig sa sinabi niya. Napakahangin niya talaga. Kung hindi lang boring sa loob ng silid na ito'y hindi ako magta-tyaga na kausapin siya. "So ano nga?" "Yes, you're right. I don't kiss anyone except you." I think I'm blushing. "Why?" "Next question," pagbabago niya kaya hindi ko na siya kinulit sa topic na 'yon. Safe naman pala ang mga labi ko dahil never pa siyang humalik sa iba maliban sa 'kin. Totoo ba ang sinasabi niya? Baka naman kapag nasa labas na ng Cross Sign, makita ko na lang siya na nakikipag torrid sa kanto. "By any chance, nakapunta ka na ba sa Banahis? Doon sa rati kong school?" "Maybe?" he replied. "May kilala ka bang Laira?" "Maybe?" Ang ganda ng sagot, ha! Mamaya ay Maybebengutan ko na siya! "Bakit hindi mo alam?!" naiinis kong tanong. Feeling ko talaga na siya 'yung tinutukoy ng kaibigan ko na naging boyfriend niya na ubod daw ng landi pero hindi nagpapahalik. "Because.." he smirked. "Because?" "...of the gravity impact of the earth," dugtong niya na ikinainis ko. Because of the gravity impact of the earth? Seriously?! "Pwede bang seryosohin mo naman ako!" Bigla akong natigilan sa sinabi ko. I bit my lower lip at napayuko na lang dahil hindi ko kayang salubungin ang mukha niya na ngayon ay ang lapad ng ngiti sa sinabi ko. "I'm dead serious with you, honey..." Pakiramdam ko'y namula na naman ang mukha ko. No! Hindi pwede! Kailangan kong pigilan ito. Shems! Naiihi ako! "A-Ano-- virgin ka pa ba?" pag-iiba ko. Bigla kong natakpan ang bibig ko dahil sa tanong na lumabas sa bibig ko. Nakakainis! Bakit sa raming tanong, 'yon pa ang lumabas sa bibig ko?! Letche naman! Pwede namang kung ano ang brand ng brief niya 'di ba? Pwede rin kung may gubat ba siya sa kili-kili niya. Kung ilang inches ang ano niya, ang ano-- daliri niya 'di ba? Bakit 'yun pa ang lumabas na tanong sa makasalan kong mga labi? "Now you were asking me if I am still a virgin." Halos mapunit na ang mga labi niya sa kakangisi. Tinakpan ko na lang ang mukha ko ng mahaba kong buhok sa kahihiyan. Shemay shemey shemiy shemoy shemuy talaga. "N-no need to answer," nauutal kong wika at tinakpan naman ng palad ko ang mukha ko. "No, I will answer your question, honestly. " "Lalaki ako kaya alam mo na ang sagot. The answer is no!" Aba proud pa ang loko! Palibhasa malandi kaya wala lang sa kanya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at nagdadasal na sana'y mahati na ang lupa at lamunin ako. Ano na kaya ang iniisip niya tungkol sa 'kin ngayon? Siguro iniisip niya na balak kong kuhanin ang virginity niya? No way! "Ah, ganun ba?" Iniwas ko ang tingin sa kanya sa kahihiyan. "Now, my turn. Are you still a virgin?" Mas lalo nang namula ang mukha ko sa tanong niya. Bakit ba kasi napunta kami sa topic na ito? Kasalanan ko ito! F*ck you talaga, Gianna mga bente. My middle finger salute you! Malamang virgin pa ako, haler! Bata pa ako at never been kiss nga 'di ba?! at NBSB. Pero ngayon ay nalapastangan na ang mga labi ko. "No need to answer," he said. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi na siya muling umimik. Dahil nakapikit ito, malaya ko siyang napagmasdan. Gwapo pero ubod naman ng manyak. "Marunong kang lumangoy?" Wala na akong maisip pa na maitanong sa kanya. Hindi ko naman magawang manahimik kasi nabibingi ako sa katahimikan. "Hindi ako marunong lumangoy pero..." Nakita ko na biglang sumeryoso ang kanyang mukha at napansin ko rin ang emosyon sa mga mata niya. I saw the pain in his eyes? Lonely? In love? Brokenhearted? "...malalim akong magmahal," aniya habang nakatitig sa mga mata ko. Napako ang tingin ko sa mga mata niya. Nakikita ko ang lungkot at sakit sa paraan ng titig niya. Please lang 'wag kang pa-fall. Kinginamo! Chapter 8 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 8 Matapos nung maparusahan kami na kinulong ng apat na oras sa loob ng Detention room kasama ng lalaking 'yon... iniwasan ko na siya. Mahirap na't baka hindi ko na talaga mapigilan ang sarili kong mahulog sa kanya. Hindi niyo naman ako masisisi na mahulog sa kanya dahil sa kalandian niyang taglay. Alam niyo 'yung landian lang pero bawal ma-fall? Alam ko naman na sinusubukan lang ako ng lalaking 'yon. "Ate...." Hindi ko siya pinansin, itinuon ko ang pansin ko sa notebook na nasa harapan ko dahil may assignment kami sa Science na hindi ko naman masagutan dahil lutang ang isip ko habang nasa klase. Isa pa parang nagmimisa ang Teacher namin kanina. Mabuti na lang talaga na hindi ako nakatulog sa klase niya. "Ate naman!" Hinawakan na niya ang magkabila kong balikat para iharap ako sa kanya. "Hindi mo na ba ako mahal?" malungkot niyang tanong na ikinalaki ng mga mata ko. "Bakit mo naman nasabi 'yan?" "Hindi mo kasi ako pinapansin kanina pa. Ate naman! Sorry na kung pinagawa ko ang dare na 'yon sa lalaking 'yun. Alam mo, Ate, bagay kasi talaga kayo," kinikilig niyang wika kaya napaubo ako. "Wala akong pakialam!" Muli kong ibinalik ang tingin sa notebook kasi mamaya ay papasok na ako. Bakit kasi hindi ko ito ginawa kagabi? Nilandi na naman ako ng korean drama. Nakakainis! "Kaya walang nanliligaw sayo dahil ang sungit mo." Wala akong pakialam kung walang nanliligaw sa 'kin. Asungot lang sila sa buhay! "The hell I care!" Narinig kong binagsak niya sa kama ang katawan niya at nagpapadyak dahil hindi na niya nakayanan ang kasungitan ko. "Alam mo kasi, kapag ang playboy ay nagmahal... hinding-hindi ka niya iiwan kahit na anong mangyari." "Kahit na habulin kami ng K9 na aso, hindi niya pa rin ako iiwan?" Nakataas ang isang kilay ko na nakatingin sa kanya pero ang totoo ay iniinis ko lang siya para tantanan na ako sa lalaking 'yun. "Ate naman, ibang usapan na 'yan!" Nainis na yata ang gaga kasi binato niya sa 'kin ang teddy bear na malapit sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin at pinunit ko ang papel na sinagutan ko na mali-mali naman. Tutulad na lang ako mamaya sa mga kaklase ko dahil uso naman 'yun. Hindi ka tunay estudyante kung hindi mo naranasan ang tumulad sa iba. Ang mahalaga magkaroon ng sagot. "Humanap siya ng panget at ibigin niyang tunay," pagkanta ko. Ininom ko na ang gatas at baka magkalaman naman ang utak ko ng masagutan ko na ang lecheng assignment na ito! "Alam mo Ate, wala kang mapapala sa iniidolo mong koreano," sabi niya na ikinakulo ng dugo ko. "I love them, I love Lee Jong Suk, Lee Min Ho, Nam Joo Hyuk, at ang lahat ng member ng BTS, GOT7, EXO, SEVENTEEN, INIFINITE, SF9! LAHAT SILA MAHAL NA MAHAL KO!" "Ang tanong kilala ka ba nila? Mahal ka ba nila?" nakangisi niyang tanong na ikinawasak ng mundo ko. Mahal naman nila kami 'di ba? Mahal nila kaming mga fans nila. "Oo, mahal nila kami." Kapag ganitong topic ay hinding-hindi ako magpapatalo sa kanya. "Yeah right! YOU LOVE THEM AS A MAN BUT THEY LOVE YOU AS A FAN." "Bakit ka ba ganyan sa 'kin? Bakit ba hindi mo na lang ako magawang suportahan sa mga gusto ko?" I pouted. "Paano kita sususportahan sa mga gusto mo kung wala ka naman kasiguraduhan na makilala mo sila in person." Aba bini-beast mode talaga ako ng babaeng 'to. "You know their names, stage names, age, background pero ang tanong kilala ka ba nila? Maraming katulad mo na naghahangad na sana maging boyfriend mo ang isa sa kanila pero paano? Para sa 'yo sila ang buong mundo mo pero para sa kanila isa ka lang fans." Napahigpit na ang hawak ko sa ballpen sa sinabi niya. Ang sakit talaga marinig ang katotohanan. "Pero akin si Lee Jong Suk ah?" Natawa siya habang pinandilatan ko naman siya ng tingin. Nagtatakbo naman siya sa banyo kaya napailing na lang ako. Habang naglalakad ako sa hallway ng school ay nakatulala lang ako. Yeah right! I love them as a man but they love me as a fan. "Marcus naman!" Hinanap ko kung saan nanggaling ang malanding boses na 'yun, uminit ang dugo ko nang makita ko si Mask na may kaakbay na dalawang babae. See? Paano ko magugustuhan ang lalaking 'yan kung sa bawat pagpasok ko'y ganito ang masisilayan ko. Napakalandi naman ng President ng school na ito. Ang kapal ng mukha at budhi! Hinayupak! "Hey..." Napahawak ako sa dibdib sa gulat nang may biglang may magsalita sa gilid ko. Tiningnan ko kung sino 'yun at automatic na naghugis puso ang mga mata ko habang ang lapad ng ngiti kong nakatingin sa gwapo niyang mukha. "May dumi ba sa mukha ko?" Mukhang napansin niya ang pagtitig ko sa kanya. Sobrang ganda kasi talaga ng ngiti niya. "Wala naman, ang gwapo mo lang kasi." Inilagay ko ang ilang hibla ng aking buhok sa likod ng tainga ko habang ang lapad ng aking ngiti sa kanya. "Huh?" Napapansin ko na sa tuwing bumabanat ako'y hindi niya naririnig. Sayang naman ang pamatay na banat ko. Siya na lang kaya ang patayin ko sa pagmamahal? "Wala naman..." "Ganun ba? Nagkamali lang siguro ako ng rinig," he chuckled. Magkasabay kaming naglalakad habang habol ang tingin nila sa amin. Ang lapad ng ngisi ko kasi alam kong naiinggit sila. Ang nakakainis lang ay hindi umiimik si Josh! Napipi na yata sa angkin kong kagandahan. "A-Aray!" daing ko. Naramdaman ko kasing may tumama sa ulo ko na matigas na bagay. Mas lalo na yata ako bobobo nito. "You okay?" nag-aalalang tanong ni Josh. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat para suporta na hindi ako matumba dahil sa lakas ng impact ng pagtama ng bola sa 'kin. "O-Okay lang ako," bulong ko habang hinahaplos ko ang likod ng ulo ko. Hindi ako okay, Bebe Josh ko, CPR mo 'ko! "Let's go to the clinic," nag-aalala niyang sabi at hinawakan ang braso ko para alalayan ako. Hindi niya man lang ba ako bubuhatin? Naghihintay ako, Josh ko po! "S-Sandali!" pigil ko sa kanya. Tumingin ako sa direksyon kung saan nanggaling ang bola at kinuyom ko ang mga kamao ko. Damn him! "Ano bang problema mo, ha?!" Hiyaw ko at wala akong pakialam kung pinagtitinginan nila ako. Sa halip na sagutin niya ang tanong ko, lumapit siya sa amin ni Josh at hinawakan ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya. "Ako na ang bahala sa kanya," rinig kong sabi niya kay Josh. Namalayan ko na lang na buhat niya ako. Si Josh pa naman ang inaasahan ko na magbubuhat sa 'kin pero bakit si Mask pa na kinaiinisan ko ang gumawa? Wala akong imik habang buhat niya ako. Nakapikit lang ako habang sapo ko ang likod ng ulo ko dahil ang sakit pa rin talaga ng pagkakatama ng bola sa 'kin. Syempre marami akong naririnig na bulungan. Kanina raw si Josh kasama ko tapos ngayon ang isang ito naman. Wow ang daming paparazzi. Sikat na naman ako nito! Naramdaman ko na lang na lumapat ang likod ko sa isang malambot na bagay maging sa ulo ko. Hindi ko napansin na naihiga na niya ako sa kama. Iminulat ko ang mga mata ko at inilibot ang tingin ko para hanapin siya. Nahihilo pa rin talaga ako dahil ikaw ba naman ang batuhin ng ubod ng lakas na bola. Sumandal ako sa likod ng headboard ng kama habang hinihilot ko ang sentido ko nang maramdaman kong may umupo sa gilid ng kama. "Fuck you!" I glared at him. "You okay?" Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Galing umarte na hindi siya ang gumawa nun. Ang galing din! "Sa tingin mo ba okay lang ako? Tarantado ka pa lang lalaki ka! Ikaw kaya batuhin ko ng bola riyan nang malaman mo kung gaano kasakit!" Kulang na lang ay abutin ko ang buhok niya at sabunutan sa inis na nararamdam ko. "Hindi ako ang bumato sa 'yo," seryosong aniya. "Don't me! Ikaw ang nakita ko!" Kinuha ko ang ice pack na hawak niya at inilagay sa ulo ko kung saan tumama ang bola. "Fine! Kung 'yan ang pinaniniwalaan mo." Hindi na ako umimik dahil nakakatakot pala ang hitsura niya kapag nakakunot ang noo niya na para bang naiinis siya sa 'kin. "Alam mo bang bad mood ako kanina tapos mas lalo pang nadagdagan dahil natamaan ako ng bola." Para bang may nagtutulak sa 'kin na magkwento sa kanya. "Kawawa naman kasi ako," pag da-drama ko samantalang kumunot naman ang noo niya. "Na-in love ako sa mga ini-idolo ko sa korea. Si Nam Joo Hyuk na ang sarap hawakan ng mga abs. Si Lee Min Ho na ang sarap kagatin ang ilong na sobrang tangos at si Lee Jong Suk na masarap humalik." "Good kisser?" Nakatingin lamang ako sa itaas habang inaalala ang kissing scene ni LJS na hindi ko makalimutan. "Oo, si Lee Jong Suk 'yun. Ang sarap niya sigurong humalik. Ang swerte ng leading lady niya sa W two world. 'Yung kiss nila sa may presinto, so hot talaga." Ewan ko ba, parang ang gaan ng loob ko sa lalaking ito na magkwento dahil nakikinig lang siya at hindi kumukontra na hindi katulad ng kapatid ko na sasabat agad. "Good kisser huh?" He smirked. Natigilan naman ako. "W-What?" Napansin kong papalapit ang mukha niya sa 'kin. Nakadantay na ang dalawang palad niya sa kama. Don't tell me? Hahalikan niya ulit ako? Na-miss ko 'yun! Oh ghad! NO!! "Sige, subukan mo lang talagang aalisin ko ang kinabukasan mo!" "Oh sure honey, willing akong buksan ang zipper ko para sa 'yo." Bigla namang namula ang mukha ko sa sinabi niya. "Bastos!" Pilit ko siyang itinutulak pero nagmatigas siya. "I missed your lips, honey, " aniya habang nakatitig sa mga labi ko. "Fuc-----" Iimik pa sana ako nang lumapat na ang mga labi niya sa 'kin. I don't know why but I closed my eyes and kissed him back. He grabbed my nape and deepened the kissed. I felt his tongue asking for a permission to enter so I let him. Nang makabalik ako sa realidad ay malakas ko siyang tinulak at tinakpan ko ang bibig ko. "Who's better? Me or that man?" Hindi ko alam ang isasagot ko dahil... iyong kaniyang dila. Naramdaman ko sa ano ko... Bigla akong natigilan. French kiss ba ang tawag doon? Marunong na akong makipag-french kiss?! "Who?" "S-Syempre ikaw, hindi pa naman ako nahahalikan ni Lee Jong Suk, e. Pero kapag nangyari 'yon siguradong mas magaling siya." "Your lips belong to me." Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niya at ikinuyom ko rin ang mga kamao ko sa inis. "Hindi mo pag-aari ang mga labi ko, saka huwag mo nga akong landiin kung hindi mo lang din naman ako balak na saluhin!" Tumayo na ako at iniwan ko siyang nakatulala sa loob ng clinic. Wala akong pakialam kung masakit pa ang ulo ko. Kailangan ko na talagang lumayo sa kanya dahil isang landi niya lang ulit sa 'kin. ...siguradong tuluyan na akong mahuhulog sa kanya... Chapter 9 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 9 Pagkalabas ko sa clinic ay napasandal na lang ako sa pintuan. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sarili ko na nasabi ko 'yon sa kanya. Bakit kasi bigla na lang 'yon lumabas sa walanghiya kong bibig. Epekto yata ito ng pagkakatama sa 'kin ng bola kanina. "Gaga ka, Gianna!" inis kong sabi sa sarili ko. Mabilis akong lumayo sa lugar na 'yon kasi baka maabutan pa ako ni Mask. Napasabunot na lang ako sa sarili ko kasi nilapastangan na naman niya ang mga labi ko. Hinayaan ko lang siya na gawin 'yon! Ano ba talaga ang trip niya sa buhay at dinamay pa ako?! "Your lips belong to me? Aha! Gago ba siya? Ha?! Wala ba siyang mga labing kanya?!" Sinipa ko ang batong nasa harapan ko sa inis na nararamdaman. "Ouch!" Namilog ang mga mata ko kasi may natamaan ako. Pagtingin ko'y mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko. Sa timaan ka nga naman ng magaling. Natamaan ko lang naman ang Reyna ng shokoy na ngayon ay ang sama ng tingin sa 'kin. Kasama niya pa ang dalawa niyang alagang aso I mean alagad. "How dare you?!" Awkward naman akong napangiti nang mapansin na papalapit sila sa 'kin. "Oh ghad! Mga engkanto!" hiyaw ko at kumaripas ng takbo. "Humada ka sa amin Pororo!" hiyaw nilang tatlo. Mas binilisan ko ang takbo kasi hinahabol nila ako. Hindi talaga nila ako tinantanan kahit na paikot-ikot na kami sa field. "Hoy! Pinapagod mo kaming Pororo ka!" hiyaw nung reyna ng impyerno. "Ang papangit n'yong mga engkanto kayo!" I shouted. Halos umusok na silang tatlo sa galit sa hiniyaw ko. Mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo kahit na sobrang hinihingal na ako. "Hoy! Tumigil na kayo! Hindi ito playground!" Biglang may pumito na isang guard kaya mas binilisan ko pa ang takbo. Napahampas na lang ako sa noo ko kasi hinahabol talaga ako ng malas. Nauuna akong tumakbo habang hinahabol ako nung tatlong enganto. Nasa likod naman nila ang guard na nakikisali rin. "Gianna! Takbo pa! May nahabol na mga engkanto!" bulong ko sa sarili ko. Nagtungo ako sa locker room nang makita ko si Josh na may kinukuha sa locker niya. Hindi na ako nag dalawang isip na lapitan siya. "Y-Yakapin mo ako!" kinakabahan kong sabi habang panay ang tingin ko kung saan ako dumaan. Naririnig ko pa kasing may pumipito kaya alam kong hinahabol pa nila ako. "What?" Hay kingina! Eto na naman na hindi niya marinig ang banat ko. Kung hindi ko lang siya crush, baka nabanatan ko na siya. "Yakapin mo ako bilis! Itago mo ako sa bisi----" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong niyakap. Syempre dahil crush ko siya ay gumanti rin ako ng yakap. Nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya kaya naaamoy ang pabango niya na humahalimuyak sa ilong ko. Ghad! Kinikilig ako kasi sa wakas nayakap ko na siya. "Oh my ghad! Nakakadiri! Dito pa talaga nagyakapan! " "Nasaan na ang PORORONG 'yon?" "Humanda talaga siya sa 'kin. Anong karapatan niyang tawagin tayong engkanto?!" Mas hinigpitan ko ang yakap kay Josh kasi alam kong malapit lang sa amin ang tatlong engkanto na 'yon. Sa sobrang tangkad ni Josh, halos matakpan na niya ako kaya hindi ako makita ng tatlong 'yon Baka matuloy na nila ang planong pag-gupit sa buhok ko. Hindi talaga ako papayag na sayangin lang nila ang matagal na panahon kong inalaagan na buhok. Mukhang pati si Josh ay hindi nila makilala kasi nakapatong ang chin niya sa balikat ko. Sobrang lapit niya lang sa 'kin kasi nararamdaman ko ang mainit niyang hininga. "S-Sorry, ha? Wala na akong maisip na paraan, kanina pa ako kasi hinahabol ng mga engkanto," I whispered. "It's okay," Hindi ko mapigilan na amuyin ang uniform niya habang kagat ko ang pang-ibabang labi ko. Hindi ako makapaniwala na yakap niya ako. "G-Gianna, mauubos na ang amoy ng uniform ko." Napansin niya pala na sinisinghot ko ang amoy niya kaya mas lalo ko pang kinagat ang pang-ibabang labi ko. "Ay sorry, Josh.." "Let's go gurls, nandidiri ako sa nasasaksihan ko ngayon." Nang masigurado namin na wala na sila'y mabilis na kaming naghiwalay na dalawa. Nakayuko lang ako habang inaayos ang buhok ko na sobrang gulo na. Pinunasan ko rin ang mukha ko na punong-puno na ng pawis dahil sa pagtakbo. Nakakahiya naman na nakita niya ako ng ganitong ka dugyot. "T-Thank you, Josh.." Kahit na sobrang nahihiya ako'y pinilit ko pa rin na ngumiti. Inayos niya ang uniform niya na nagusot dahil sa higpit ng yakap ko. "No problem..." Sinarado na niya ang locker niya habang namumula pa rin ang mukha ko. Napatingin ako sa oras at namilog ang mga mata ko nang makita ang oras. Alas nwebe na at siguradong late na kami. "Tara na pumasok! Lagot, late na tayo!" Nagsimula na akong maglakad nang mapansin kong nanatili siya sa kinatatayuan niya habang natatawa? Oh ghad! Hindi kaya na-in love na siya sa 'kin nang dahil sa yakap ko? Liligawan na niya ba ako? Magiging kami na ba? Ako na ba ang magiging ina ng mga anak niya? Teka-- saan kami mag-ha-honeymoon? Magaling kaya siya sa an-- magluto ng pagkain? "Wala tayong klase ngayon sa lahat ng subject." Mahaba kaya ang an--- pasensya niya? Ay wait-- ano raw? "Ano?! Wala tayong klase?! " I was shocked. Tumango naman siya bilang sagot. Napasuntok na lang ako sa hangin kasi walang klase. "Thank you, Lord at walang klase. Wala pa akong assignment sa science," nakapikit kong wika habang magkalapat ang mga palad ko. Narinig kong natawa siya kaya iminulat ko na ang aking mga mata. Tinamaan na yata ito sa 'kin. Sabi ko na nga ba, malakas ang kamandag ko. Ligawan mo na ako, Josh! Sasagutin na agad kita ngayon at kinabukasan ay pakasal na tayo. "Bakit wala tayong klase? Anong meron?" Magkasabay na kaming naglalakad habang ang lapad ng ngiti ko. Ekesenge! Kasabay ko si crush! Buo na ang araw ko. Pwede na yata akong mamatay pero joke lang. Magiging ina pa ako ng mga anak niya kaya hindi pa pwede. "Nilaan talaga ang araw na ito para magpalista ng sasalihan nating sports para sa instrams." Napatango naman ako sa sinabi niya. Wala naman akong hilig sa sports kaya wala akong sasalihan. "Kung may talent ka, mayroon din naman na talent portion na magaganap." Namilog naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Marami akong talent, syempre Gianna ito, e! Matakot na kayo! "Marami akong talent." Napahinto naman siya sa paglalakad habang namimilog ang mga mata na nakatingin sa 'kin. Baka kapag sinabi ko ang talent ko sa kanya'y mas ma-in love pa siya sa 'kin. "What's your talent?" Pumunta ako sa harapan niya at ipinakita ang palad ko. Kumunot naman ang noo niya. "I have 5 talents." "Pwede ko bang malaman?" Mas lumapad ang ngiti ko sa sinabi niya. Gusto niyang malaman kasi interesado na siya sa 'kin? My ghad! Haba talaga ng hair ko. "Baka mas lalo kang ma-in love sa 'kin kapag nalaman mo." Natakpan ko na lang ang bibig ko sa sinabi ko. Bakit kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko? Tulad na lang ng sinabi ko kay Mask kanina. Kainaman na dila ito! Kailangan na yatang putulin kasi hindi na mapigilan. "Huh?" Nakahinga naman ako nang maluwag kasi mukhang hindi na naman niya narinig. Matagal na akong nagtataka sa kanya, hindi kaya chikang hindi niya lang narinig para lang ulitin ko? "Engkanto," I whispered. "Nasaan ang engkanto?" Confirm! Umaarte lang talaga siya na hindi niya naririnig ang sinasabi ko. Bakit kaya umaarte siya na hindi niya ako naririnig? Kainis! Hindi ko na siya crush kasi asawa ko na siya! "Huwag mong ipagkakalat kahit kanino ang tinatago kong talento ko, ha? Ayokong ma-discover at sumikat." Tumango naman siya bilang sagot. Pauli-uli lang ako sa harapan niya habang kagat ko ang pang-ibabang labi ko. "First, kaya kong kumain ng marami nang hindi dumidighay." "What?" "Hep! Ako muna ang iimik, mamaya ka na humanga sa 'kin!" Tinikom naman niya ang bibig niya habang hindi pa rin nawawala ang ngisi sa mga labi ko. "Second, kaya kong umutot nang walang tunog." Napansin kong natawa siya kaya pinandilatan ko siya ng tingin. "Third, kaya kong lumangoy nang hindi umaalis sa pwesto." Bakit kasi napaka talentado kong tao? Siguradong in love na siya ngayon. "Fourth, kaya kong uminom ng isang litrong coke." Parang gusto ko ngayong uminom ng isang litrong coke. Matagal na rin nung hindi ako nakainum. Hindi kasi ako nakainom kahapon. Araw-araw ko pa naman vitamins 'yon. "Fifth, kaya kong magkagusto sa isang tao na may mahal naman na iba. Parang ikaw, crush ko.." Huminto na ako sa harapan niya nang mapansin ko na nakakunot na ang noo niya. Sinasabi ko na nga ba't chikang hindi niya narinig na gusto ko siya. "Crush mo ako?" Ay kingina! Nalintikan na! "Mali lang ang narinig mo, hehe!" palusot ko kasi hindi ko naman akalain na maririnig niya talaga. Nagsimula na akong maglakad habang namumula ang mukha ko. Josh ko po! Paano ko na siya haharapin nito? Alam na niya na crush ko siya. Crush back niya naman ako para masaya. Para happytot! "Ay shems! Gutom na ako." Napahawak ako sa tiyan ko nang maramdaman kong kumulo. Oo nga pala, gatas lang ang ininom ko kanina. "Tara sa canteen, nagugutom na rin ako..." Namilog naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Eto na ba ang simula ng love story namin? Magkakainan kami I mean sabay na kakain? Hanggang sa mahulog na sa isa't isa. "Sige, tara na magkainan," natakpan ko na naman ang bibig ko sa sinabi ko. Kinginang dila talaga ito! Hindi na healthy! Kasalanan ito ng FRENCH K-- FRIES! Ghad! Need na ng vitamins ng dila ko kasi masama na talaga ang kalagayan. "Mali lang ang narinig mo," inunahan ko na siya. Alam kong sasabihin niya na naman ang mahiwaga niyang 'HUH?! Habang naglalakad kami'y habol ang tingin nila sa amin. Taas noo pa akong naglalakad sabay flip ng hair para mainggit sila. Siya na ang nag presinta na bibili ng pagkain habang hindi pa rin nawawala ang ngiti ko. Pansin ko rin ang kapatid ko na ngayon ay halata pa rin ang gulat kasi kasama ko si Josh ko. Namilog ang aking mga mata nang makita ko ang fries na binili niya. Bigla ko tuloy naalala si Mask. Nasaan kaya ang gag-- ay nevermind! Bakit ko ba hinahanap ang malanding 'yon? Mabilis na natapos ang pagkain namin. Wala namang naganap na usapan kasi hindi naman siya umiimik samantalang si Mask napaka--- ay kingina! Kanina pa, Gianna! Bakit ko ba naiisip ang lalaking 'yon?! Wala naman akong pakialam sa kanya! "Ano 'yan?" Nandito na kami ngayon sa field habang nakaupo sa damuhan. Napapapikit na lang ako kasi sobrang lakas ng hangin. "Preparation para sa magaganap na intrams." Napatango na lang ako, kanina pa kasi siya nakaharap sa folder na 'yon. Pagkatapos naming kumain ay dumaan muna kami sa office nila. Sosyalin lang kasi may ganun sila pero wala roon si Ma--- 'yan kana naman Gianna! "Mahirap bang maging Vice President?" Sinarado na niya ang folder at nakangiting tumingin sa 'kin na ikinapula ng mukha ko. Napaka gwapong nilalang. Lumuwag na yata ang garter ng panty ko. "Hindi naman, mas mahirap kapag President kasi mas maraming tungkulin at gawain." Kung maraming gawain? Bakit may oras pa si Mask na landiin ako na para bang mas may oras pa siya sa 'kin? "Hinahanap mo ba siya?" Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya at mabilis na umiling. "Ako? Hahanapin siya? My ghad! Hindi noh! Bakit ko naman siya hahanapin? Masaya nga ako kasi payapa ang buhay ko ngayon." Iniwas ko ang tingin sa kanya nang bigla siyang tumawa. "He's busy right now, siguradong hindi siya magkanda ugaga sa raming ginagawa." Napatango na lang ako sa sinabi niya. Wala rin namam akong pakialam na malaman kung nasaan ang lalaking 'yon. Ang bilis ng oras kasi namalayan ko na lang na labasan. Ang masaya pa nito ay hinatid ako ni Josh. "Ingat ka, Josh..." Paalam ko sa kanya nang makababa ako ng sasakyan niya. Nginitian niya lang ako kaya muli ko na naman nasilayan ang maganda niyang ngiti. "Gianna-- wait!" Papasok na sana ako ng gate nang marinig kong tinawag niya ako. Nilingon ko naman siya na ngayon ay nasa loob ng sasakyan niya at nakatingin sa 'kin. "Yes?" Liligawan na niya ba ako? My ghad! "Thank you, Gianna... You made my day." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Hindi ko namalayan na nakaalis na pala ang sasakyan niya. Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay napatalon na lang ako sa kilig. Hindi na ako makapaghintay na makasama siya ulit. Mukhang may pag-asa na sa aming dalawa. Chapter 10 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 10 Kanina pa ako nakamasid sa harapan ng salamin habang nakakunot ang noo ko. Para talagang may mali sa suot kong uniform. Hindi ko lang mawari kung ano 'yon. Nasa labas na ng dila ko pero hindi ko talaga masabi kung ano ba ang napapansin ko. "Ano ba 'yan, ate? Magdamag ka na lang bang tatayo r'yan sa harapan ng salamin? Kahit anong tingin mo pa sa sarili mo, hindi ka na gaganda!" Tumingin naman ako sa kanya gamit ang salamin na nasa harapan ko. Pinandilatan ko siya ng tingin kasi iniinis na naman niya ako. "Kung pangit ako, edi pangit ka rin kasi magkapatid tayo!" Bigla namang tumawa ang gaga kaya sinamaan ko na naman siya ng tingin. Hindi pa rin ako umaalis sa harapan ng salamin hangga't hindi ko napapansin kung anong mali sa suot ko. "Edi tinanggap mo nga na pangit ka?" "Manahimik ka!" Binato niya lang ako ng unan kaya nilingon ko siya at dinilaan. Pero ang gaga'y ginaya lang ang ginawa ko. Nakakainis talaga! Muli akong bumaling sa harapan ng salamin nang dumako ang tingin ko sa palda ko. Napailing na lang ako habang mariin na nakakuyom ang aking mga kamao. Sinasabi ko nga ba na meron talagang mali kasi ngayon ko lang napansin kung gaano kaikli ang palda ko. Pinilit kong ibaba pero hindi ako nagtagumpay kasi masikip sa bewang. Siguradong pakana ito ng malanding Presidente na 'yon! "Tumayo ka ngang babae ka!" "At bakit ko susundin ang utos mo?" tinaasan pa ako ng isang habang naka cross arm. "Sundin mo ako kasi mas matanda ako sa 'yo!" "Mas matanda ka nga, isip bata ka naman!" "Aba!" Pinandilatan ko siya ng tingin kaya wala na itong nagawa kundi sundin ang utos ko. "Ang ikli ng palda mo, mas maikli pa sa 'kin!" Grabe naman! Kung maikli na ang akin, mas maikli ang sa kanya na halos ang hiyas na lang ang natatakpan. Hindi ako makakapayag ng ganito. Kakausapin ko talaga ang lalaking 'yon. Wala akong pakialam kung gumastos ulit kami ng pambili ng uniform. "Mas maikli pa nga ang sa kaklase ko na kapag tumuwad ay nakikita na ang panty." Namilog ang akin mga mata sa sinabi niya. "Edi tuwang-tuwa ang mga kaklase mong lalaki?" "Hindi..." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Sino naman ang lalaking hindi matutuwa kung makakakita ng panty ng babae? Hita pa nga lang ay pinagpapantasyahan na nila. My ghad! Mga lalaki talaga, mga salut sa lipunan. "Bakit naman?" "Maitim kasi ang singit kaya delubyo raw kapag nakikita nila." Hindi ko napigilan na matawa sa sinabi niya. Halos mapahawak na ako sa tiyan sa kakatawa. Kaya naman pala hindi masaya kasi maitim ang singit. Naglakad na kami papuntang university. Walking distance lang naman kami kasi dalawang kanto lang naman ang lalakarin. Hindi ko nga alam kung bakit hinatid pa ako ni Josh. Speaking of my bebe Josh, super na-e-excite na akong makita siya ngayon. Hindi ako pinatulog ng sinabi niya kahapon. Mas lalo yata akong nahuhulog sa kanya. Mas okay na sa kanya mahulog ang loob ko kaysa naman kay Mask. Ayoko ngang makipag relasyon sa isang Playboy. Baka lokohin lang ako kasi hindi sila loyal sa isang babae. Nang makarating kami sa university, halos ilapit ko sa mukha ng guard ang ID ko para ipakita. Aba syempre dapat proud ako na hindi ko nakalimutan na dalhin 'yon. Napansin ko nga na sobrang iikli ng palda naming mga babae. Halos dalawang linggo na rin nung pumasok kami rito pero ngayon ko lang talaga napansin. Naghihinayang ako kasi hindi ko nakita si Josh kahit si Mask. Napailing ako. Si Josh lang ang hinahanap ko at wala akong pakialam sa malanding Marcus na 'yon! Pagpasok ko sa room, sumalubong agad sa 'kin ang tatlong engkanto na halos patayin na ako sa tingin. Naka cross arm pa sila habang nakataas ang isang kilay. Patay! May parak! "G-Good morning sa inyo! Alam niyo bang ang gaganda niyo?" Awkward kong wika kasi nakakakaba ang mga tingin nila. "Walang good sa morning namin," sabi nung nasa gitna na nagpakilala na reyna ng tubig----shokoy! "Oo nga," sabi naman nung nasa kaliwa na reyna ng apoy--impyerno. "Tama sila," sabat naman nung nasa kanan na reyna ng kidlat--nyebe pala. "Bakit naman? Huwag ganyan, smile lang para mas lalo kayong gumanda." Lumapit sila sa 'kin kaya napaurong ako. Muntikan na akong matumba kasi pag atras ko'y nasa labas na ako ng room. "Anong karapatan mo na tawagin kaming engkanto?" Para namang nag echo ang sinabi niya kasi umimik rin ang dalawa. Hindi ko keri ang tatlong ito! Mukha talaga silang engkanto. Asal ibang elemento! "H-Hindi kayo ang sinasabihan ko ng engkanto." Joke! Kayo talaga 'yon mga impakta! "Huwag ka nang magmaang-maangan pa, alam namin na kami ang sinabihan mo. Gosh! Hindi mo ba nakikta kung gaano kami kaganda, ha?" sabi nung nasa gilid. Sabay sabay silang nag flip ng hair. Kingina! Ano ito commercial ng rejoice? "May nakikita ako na hindi niyo nakikita." Napangisi ako nang makita ko ang takot sa mukha nila. Grabe! Gusto kong humalakhak ng malakas pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong mabigo ang pag arte ko. "Oh my ghad!" "T-Totoo ba 'yan?" "Huwag mo nga kaming takutin!" Tumuro ako sa likod nila kaya halos manginig na sila sa takot. Lumapit sila sa 'kin at kumapit sa braso ko. Kingina! Bagay na yata akong maging artista. "Nasa tabi niyo lang sila at palaging nakasunod sa inyo. Tatlong engkanto ang palaging nasa likod niyo." Kayo talaga 'yon! "A-Ano ba, Pororo?!" "H-Huwag ka ngang magbiro ng ganyan!" "A-Ano ba ang kailangan nila para tantanan nila kami?" 'Yan ang pinakahihintay ko na tanong. Grabe naman sila makakapit! Feeling close lang, e? Hindi na nahiya sa kagandahan ko. "Ano raw ang kailangan niyo para tantanan niyo na sila?" kunwari ay may kinakausap ako sa harapan ko. "O-Oh my ghad!" "T-Totoo nga si Pororo!" "K-Kailangan natin sumimba mamaya." Halos kalmutin na nila ang mga braso ko sa takot. Sa oras lang na magkapasa ang balat ko, humanda talaga sila sa 'kin. Sila ang gugupitan ko ng buhok hanggang ilalim nila. "Hoy! Makakapit naman kayo sa 'kin, napaka feeling close niyo naman mga bruha!" Nagsilayuan sila sa 'kin dahil sa sinabi ko. Akala siguro nila nasa tabi ko na ang ini-imagine kong engkanto. Pero ang hindi nila alam, sila talaga 'yon. "N-Nasa tabi mo na sila?" "B-Bakit hindi mo sinabi na nasa tabi mo na sila? Edi sobrang lapit namin sa kanila?!" "N-Naiihi na ako!" Ako rin! Sobrang naiihi na kasi pinipigilan ko na matawa. Grabe! Dapat pala vinideohan ko sila. Siguradong trending sila mamaya. "Hindi sila ang tinutukoy ko, kundi kayo! Nasa likod niyo lang sila." Muli silang lumapit sa 'kin at kumapit. Napansin kong marami ang nakatingin sa amin habang nakakunot ang mga noo. Para kaming siraulo rito lalo na ang tatlong engkanto na grabe makakapit sa 'kin. Naiiyak na ang leader nila sa takot habang ako'y pinipigilan naman na matawa. "A-Ano ba kasi ang gusto nila? Gusto ba nilang ialay namin ang hermes bag namin na original? Sandals? Gold? Ano?!" Umiiyak na sabi ng leader nila. Inalis ko ang pagkakahawak nila sa braso ko at humarap sa kanila. Yumuko ako habang nakakuyom ang kamao. "H-Hoy! Ano ang nangyayari sa 'yo?" "H-Hindi kaya sinasaniban na siya?" "H-Hala! Kailangan nating tumawag ng sakristan!" "Anong sakristan? Pari! Tanga!" Oh Gianna, pigilan mong tumawa. Baka makatanggap ka ng triple na sampal kapag nalaman nila na umaarte ka lang. Tumunghay na ako habang tumatarak ang mga mata ko para ipakitang sinasaniban talaga ako. Napatili naman sila nang makita ang hitsura ko. "Ang sinumang aalis ay mamamatay," seryoso kong sabi habang nakaturo sa leader nilang balak nang umalis. "B-Bilis tumawag kayo ng Pari!" "Ang sinumang magtangka na tumawag ng Pari ay ililibing ng buhay." Nabitiwan naman nila ang hawak nilang phone sa sinabi ko. Oh ghad! Kailangan ko nang tapusin ito kasi malapit na talaga akong matawa. "A-Ano ba ang gusto mong gawin namin para tantanan niyo na kami?" Napangisi naman ako sa sinabi nung nasa kanan habang tumatarak pa rin ang mga mata ko. Kingina! Ang sakit na ng aking mga mata! Huwag sana ako mahipan ng masamang hangin. "Isa lang ang gusto namin, tantanan niyo na ang nagmamay ari ng sexy ng katawan na ito. At kapag may ginawa kayong masama sa kanya, kukuhanin ko ang buhay ninyong tatlo." "O-Opo, hindi na namin siya aawayin pa." "S-Siya na ang Reyna ng universe." "B-Bestfriend na namin siya." Kunwari akong napaupo habang nakapikit ang mga mata ko. Finally, natapos na rin ang pagpapanggap ko. Lumapit naman sila sa 'kin at hinawakan ang magkabila kong balikat. Kinusot ko naman ang aking mga mata habang nakakunot ang noo ko. "A-Anong nang---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi bigla nila akong niyakap. "Bessywap ka na namin!" "Welcome, Gianna sa kaharian namin." "Ikaw ang reyna ng universe." Mali yata ang ginawa ko kasi hindi nila ako tinantanan. Panay ang kwento nila na sinaniban daw ako ng masamang elemento. Talagang naniwala sila sa arte ko. Pagkaupo ko'y kumunot ang noo ko nang mapansin na wala ang dalawa. Dumako ang tingin ko sa upuan ni Josh at malakas na bumuga ng hangin. Pinagod ko yata kagabi kaya wala siya ngayon. Nasarapan yata kaga-- oh my! Stop imagining, Gianna! "Huy, Stella! Kamusta ka na? Hindi tayo nagkita kahapon, ah!" sabi ko sa kanya na busy na naman sa pag-guhit. "Ayos naman, ikaw ba? Anong sinalihan mong sports?" "Okay lang din ako, wala naman akong hilig sa sports, e, kaya wala akong sinalihan." Tumango na lang siya, bumaling ang tingin ko sa sketch niya. Mga dress naman ang ginuguhit niya. "Ikaw ba? Anong napili mong sports?" tanong ko. "Swimming competition." Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Akala ko pa naman ay badminto ang sports niya. "Wow! Good luck sa 'yo! Support kita." Tumingin siya sa 'kin at sumilay ang ngiti sa mga labi niya. "Thanks." Minabuti ko na lang na tumahimik kasi dumating na si Sir. Hanggang ngayon ay wala pa rin ang dalawa. Busy yata talaga sila sa darating na intrams. Bakit nakaramdam ako ng lungkot? Hindi buo ang araw ko kapag hindi ko nakikita si Ma-- si Josh! Ghad, Gianna! Alisin mo sa utak mo ang malanding 'yon. Natapos na ang tatlong subject pero wala pa rin ang dalawa. Wala akong makausap kasi hindi talaga naimik si Stella sa sobrang busy niya sa pag-guhit. Introvert yata ang babaeng 'yon! Hindi ako sanay na walang kausap. Ayoko naman kausapin ang tatlong engkanto kasi siguradong hindi nila ako titigilan. Saka hindi naman kami close. Lunch na pero nag paiwan lang si Stella kasi wala raw siya sa mood na kumain. Naalala ko bigla ang mga kaibigan ko sa Banahis. Lahat sila'y hindi KJ, mga kalog at sobrang nakakatuwang kasama pero rito naman? Wala akong kaibigan na makakasama. Namimiss ko na sila. Bakit kasi lumipat pa kami edi sana masaya ako ngayon kasama ng mga kaibigan ko. Natigilan ako nang makita kong papalapit sa 'kin si Mask. Nakasuot siya ng uniform niya as a President. Mayroon din na salamin na suot na sa tingin ko naman ay walang grado. Style mo bulok! Talagang pinapanindigan niya ang pagiging president. Akala ko'y lalapit siya sa 'kin pero nilampasan niya lang ako na ikinagulat ko. May kasunod siyang isang babae na may hawak na folder na namumula ang mukha kasi kasama niya si Mask. Napatingin ako sa likuran niyang papalayo. "Iniiwasan ba ako ng malanding 'yon?" bulong ko sa sarili ko. Lutang ang isip ko habang naglalakad papuntang canteen. Naninibago ako na hindi niya ako pinansin. Nasanay na yata ako sa presensya niya? Napailing na lang ako sa naiisip ko. Anong karapatan niyang hindi pansinin ang kagandahan ko?! Saka bakit naman ako naapektuhan sa hindi niya pagpansin sa 'kin? Si Josh ang crush ko at hindi siya. Si bebe Josh ko lang! Chapter 11 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 11 Natapos na ang lahat ng subject nang hindi man lang nagpaparamdam ang dalawa. Ang ikinalulungkot ko talaga'y hindi ko nagawang masilayan ang Bebe Josh ko. Nakakainis naman! Paano kung may nakilala na siyang iba? Edi mawawalan na ako ng pag-asa sa kanya. Paano na ang magiging anak niya sa 'kin? Paano na ang kasal? Gaga ka talaga, Gianna, wala pa ngang kayo pero may plano ka na agad sa magiging future niyo! Nakakainis kasi bakit parang sobrang apektado ako sa hindi pagpansin sa 'kin ni Mask kanina? Pakialam ko naman sa kanya! Mas mabuti ngang huwag na niya akong pansinin. Hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa niya sa 'kin nung unang lipat ko. Pati na rin ang pagkakulong namin sa Detention room na siguradong kasalanan niya kasi sumbungero siyang gago siya! "Nakakainis!" Sinipa ko ang can na nasa harapan ko, nakahinga naman ako nang maluwag kasi wala akong natamaan. Mag-isa lang akong naglalakad pauwi kasi ang magaling kong kapatid ay may lakad daw sila ng mga kaibigan niya. Edi siya na ang may kaibigan, ako na ang wala! Ganda lang ang meron ako. Hindi ko naman mayaya si Stella kasi may topak na naman yata. Sobrang tahimik lang kanina na para bang siya lang ang tao sa loob ng room. Siguradong panis na ang laway niya kasi hindi siya umiimik. "Ay kiki--do you love me?" gulat kong sabi nang bigla na lang may bumusina sa gilid ko. Pagtingin ko sa kotseng nasa gilid ko'y sakto namang ibinaba ang salamin. Namilog ang aking mga mata nang makilala kung sino 'yon. Sa wakas, nakita ko na rin ang magiging ama ng mga anak ko. Ang soon to be husband ko na si Josh. "H-Hello, Josh..." My soon to be husband Kumaway pa ako habang ang lapad na ngiti ko. Gumanti naman siya ng ngiti na ikinapula ng aking mukha. Kumpleto na ang araw ko ngayon. "Get in," aniya. Inilagay ko ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga ko na para bang isang pabebe. Syempre kailangan niya muna akong pilitin para naman hindi niya maisip na napaka easy to get ko. Pero kung siya lang din naman, ibibigay ko ang vi--- puso ko sa kanya. My ghad! Hindi na ako makapaghintay na magkasama kami sa iisang bahay. Planado na ang pangarap ko, siya na lang ang kulang. "Sige! Mukhang ay---" hindi ko na siya pinatapos kasi humiyaw agad ako. "Hoy, teka lang!" Mabilis akong sumakay sa sasakyan niya. Pagtingin ko sa kanya'y napansin kong natatawa siya. "I miss you," hindi ko napigilan na sabihin 'yon. Kinginang dila talaga ito! Mapapahamak talaga ako kasi hindi ko na naman napigilan na umimik. "Huh?" Nakahinga naman ako ng maluwag kasi sinabi niya na naman ang mahiwaga niyang 'HUH?' Minabuti ko na lang na huwag umimik kasi baka kung ano na naman ang masabi ko. "Teka! Saan tayo pupunta? Lampas na tayo, ah?!" Napansin ko kasing limang kanto na ang nadaanan namin. Paano kasi busy ako sa pagsulyap sa kanya. Kahit na halatang pagod siya sa raming gawain ay napaka gwapo niya pa rin. Hindi kaya balak niya akong kidnapin? Tapos may ipapaamoy siya sa 'kin na panyo at pag-gising ko'y naka wedding gown na ako kasi balak niya akong i-surprise wedding? Napailing na lang ako. Pwede na yata akong maging writer sa naiisip ko. Napakalawak naman ng imahinasayon ko sa bagay na imposible namang mangyari. Pero hindi pa rin ako susuko na maging asawa niya. Syempre kailangan ko ng magandang lahi at siya ang napili ko. "We're going to the mall." Nakaramdam naman ako ng excitement sa sinabi niya. Hindi pa kasi kami nakakapunta ng mall ni Gennica simula nung lumipat kami rito. Pasimple kong kinuhanan si Josh ng litrato at sinend kay Gennica. Ang nakakainis lang ay hindi online ang gaga na paniguradong nag-e-enjoy kasama ang mga kaibigan niya. Pinark niya muna ang sasakyan bago kami bumaba. Hindi na ako naghintay na pagbuksan niya kasi mayroon pa naman akong hiya. "Akala mo ba hindi ko napansin ang ginawa mo kanina?" Namilog ang mga mata ko sa sinabi n'ya habang iniisip kung ano ang ginawa ko. Napansin niya siguro na kinuhanan ko siya ng litrato kanina. "S-Sinend ko lang sa mga kaibigan ko sa rati kong school para naman makakita sila ng gwapo," palusot ko. Lumapit siya sa 'kin at bigla niyang kinuha sa kamay ko ang phone ko. Hindi naman ako mapakali kasi inaalala ko ang wallpaper ko. Picture lang naman ni Lee Jong Suk na walang saplot na pang itaas habang nakikita ang kanyang abs! <img src="https://img.wattpad.com/2b5292718b6ccb0263416c75ea8a8413c87cd0a5/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f497273704a4638794e4e494b56773d3d2d3835353230383636352e313566666439663362633662303035313830363835323731343834362e6a7067" style='max-width:90%'> Syempre kailangan ko naman ng motivation. Tanging ang abs lang ni Lee Jong Suk ang nagpapagaan ng loob ko. Sarap isawsaw sa kape ng tinapay niya. "Seriously?!" He chuckled while staring at my phone. "Ahehe-- asawa ko 'yan sa Ko---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi napansin kong nakabukas ang front camera. "Smile," aniya kaya todo ngiti naman ako. Ilang beses pa naulit ang pagkuha namin ng litrato. Sobrang nagwawala na ang paru paro sa tiyan ko sa kilig. "Ano ba ang gagawin natin dito?" Palibot-libot lang ang tingin ko sa paligid. Napansin kong maraming kababaihan ang napapatingin sa kanya. Taas noo naman akong naglalakad habang tinitingnan lahat ang nakamasid sa amin na kababaihan. Syempre ang lapad ng ngiti ko kasi halata ko sa kanila na na-i-inggit sila na may gwapo akong kasama. "May binigay sa 'kin na listahan si President na kailangang bilhin," aniya. Inalis niya sa pagkakabuhol ng papel at namilog ang aking mga mata kasi mas matangkad pa sa 'kin 'yon sa raming nakalista. "Seryoso?! Lahat nang 'yan ay kailangang bilhin?" Tumango naman siya bilang sagot. Kinuha ko naman ang papel sa kanya at binasa kung ano ang mga nakasulat. "Bakit puro pagkain ang nasa listahan?" Ang daming nakasulat tulad na lang ng Nova, piattos at kung anu-ano pa. Anong gagawin ng malanding 'yon sa mga itl? Premyo sa mananalo sa sports? Ang cheap naman! "Yes. Sinabi niya na kailangan daw magbili ng kaklase natin na walang sinalihan na sport para naman daw magkaroon ng incentives." Aba't talagang dinamay pa kaming hindi nagpalista ng malanding 'yon! Anong trip nun sa buhay? May canteen naman kaya bakit kailangan pang mag sari-sari store? Adik ba siya? "Teka! Sino pa ang hindi sumali sa sport na kaklase natin bukod sa 'kin?" Nilabas niya ang phone niya na sa tingin ko'y titingnan niya kung sino pa ang hindi nagpalista. Aba kasalanan ko bang hindi ako mahilig sa sports? Nakakainis ang malanding 'yon. "Only you." "Ah, sig--- ay takte! Ano?!" gulat kong hiyaw kaya nagtinginan lahat ang mga tao sa 'kin. "Ikaw lang ang nag iisang walang sinalihan." Binigay niya sa 'kin ang phone niya at napahigpit ang hawak ko roon nang makita ang pangalan ko. Ang walanghiya, naka capslock pa na mukhang kagagawan ng lalaking 'yon. Hindi lang 'yon, nakalagay pa sa gilid ang ID picture ko. Kainaman na! Ano kaya ang problema niya? Talaga ginagalit niya ako! Sawa na siguro siyang landiin ako kaya naman gusto na niya akong pahirapan. "A-Ayokong magtinda sa araw na 'yon. Gusto kong manuod na lang ng laban. Tulungan mo ako," paawa ko sa kanya habang umiiling. "I'm sorry pero gumawa na rin ako ng paraan. Kinausap ko na siya... sinabi niya na wala na siyang magagawa kasi ang Principal ang may kagustuhan nito. May nagsumbong ulit sa Principal na nakita kayong naghaha---" hindi ko na siya pinatapos kasi tinakpan ko na ang bibig niya. Nakakainis! Siguradong ang lalaking 'yon na naman ang nagsabi sa Auntie niyang leon. Baka ang kwento niya rito'y ako ang may gustong humalik sa kanya? Ang inaalala ko pa, major turn off na ako para kay Josh. Baka hindi na niya ako magustuhan kasi kalat na ang balita sa aming dalawa ng malanding 'yon na palagi na lang kaming naghahalikan. Napakalandi kasi ng isang 'yon, sobrang naadik na sa mga labi ko. Pumunta na kami sa supermarket ni Josh para bumili ng kailangang bilhin. Gusto ko pa sana siyang pantasyahan pero hindi ko magawa kasi naiinis ako. Humanda talaga sa 'kin ang gagong 'yon! "Huwag kang mag-alala, tutulungan kitang magbili." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Sobrang bait niya naman kasi tutulungan niya ako. Ang galing ko naman pumili ng magiging asawa. Tulong kami sa paghahanap ng kailangan naming bilhin. Syempre hindi pa rin mawawala ang mga babaeng nakamasid sa kanya. Ang iba naman ay masayang nakatingin sa amin kasi bagay daw kami. Syempre ang lapad ng ngiti ko kasi ang sarap sa tainga ng mga naririnig ko. Nagtagal kami sa pagbabayad kasi sobrang haba ng pila. Pinahabilin muna namin ang tatlong kahon kasi magkakainan I mean kakain daw muna kami. "Anong gusto mong kainin?" tanong niya. "Ikaw,--anong gusto mong kainin?" Muntik na! Muntik nang dumulas na naman ang dila ko. "Follow me." Syempre sumunod naman ako sa future husband ko. Nakatitig lang ako sa malapad niyang likod habang pinipigilan ko ang sarili ko na yakapin siya. "Jollibee?!" Nagtinginan ang mga tao sa paghiyaw ko. "Ayaw mo ba rito?" Mabilis naman akong umiling habang ang lapad ng ngiti ko. "Of course not, favorite ko kayang kumain dito." Napangiti naman siya sa sinbai ko. "Sa Jollibee, bida ang saya!" kanta ko habang nakatalikod ako sa kanya at kumekembot na parang si Jollibee. Balewala lang ang pagtingin sa amin ng mga tao kasi mas mahalaga sa 'kin na makita ang maganda niyang ngiti. Siya ang umorder habang halos mapunit na ang aking mga labi sa kakangiti kasi heaven talaga na makasama si crush. Napansin kong lumiwanag ang phone niya at pagtingin ko'y may tumatawag. My love is calling... Ibig sabihin nagkabalikan na sila nung girlfriend niya? Bigla naman akong nalungkot kasi mukhang wala na talaga akong pag asa pa sa kanya. Paano na ang magiging future naming dalawa? Tumigil na sa pagtawag ang girlfriend niya. Alam kong mali na pakialaman ko ang bagay na hindi naman sa 'kin pero hindi ko napigilan lalo na't walang password ang phone niya. Tiningnan ko agad ang gallery niya at sumalubong sa 'kin ang picture nila. Maganda ang girlfriend niya kaya bagay na bagay sila. Siguradong mag wo-walling ako mamaya sa dingding kasi broken hearted ako ngayon. Mabilis na lumipas ang oras kasi nakasakay na kami sa sasakyan niya para ihatid na ako pauwi. Hindi namin napansin na gabi na pala. "Thank you, Josh! Salamat sa libre, ingat ka!" Tinanguhan niya naman ako at akmang papasok na ako sa loob ng gate nang bigla niya akong tawagan. Bigla naman namula ang buo kong mukha. Baka aminin na niya na ako na ang mahal niya? O 'di kaya bibigyan niya ako ng goodbye kiss? I'm so kinikilig! Napansin kong bumaba siya ng sasakyan at may kinuha sa compartment. Hawak niya ang isang paper bag habang papalapit sa 'kin. "Ano ito?" Baka isang dress ito na susuotin ko sa oras na ipakilala niya ako sa magulang niya. I'm so excited! "Pinabibigay ni President para sa 'yo. 'Yan daw ang susuotin mo bukas para sa intrams." Muli na siyang nag paalam at hinintay ko muna na makalayo ang sasakyan niya bago ako pumasok sa loob. Sinilip ko ang kwarto ni Gennica at ang gaga ang sarap na nang tulog, tulo pa ang laway. Kadiri ang babaeng 'yon! Pumasok na ako sa kwarto ko at mabilis na tiningnan ang loob ng paper bag. Namula sa galit ang mukha ko nang makita ang nasa loob. "Gago ka talagang lalaki ka!" Hiyaw ko sa inis at binato ang bagay na 'yon. Ano nga ba ang laman nun? Isang bunny na dress, kulay puti habang may mabalbon na pabilog na buntot sa puwitan na para talagang sa kuneho. Napansin kong may notes na nakadikit sa dress kaya mas lalong namula ang mukha ko sa galit. "I can't wait to see you wearing this bunny dress, honey! Good night! See you in my dreams..." Pinilit kong basahin ang kasunod na word kasi sobrang labo, para bang sinadya niyang gawing malabo ang word na 'yon. Binuksan ko ang flashlight ng phone ko at tinapat sa notes na 'yon. Parang umuusok na ang ilong ko sa galit nang mapagtanto kung ano 'yon. Parang hindi niya ako pinansin kanina, ah! "I can't wait to see you wearing this bunny dress, honey! Good night! See you in my dreams...NAKED!" Tangina! Chapter 12 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 12 Malapad ang ngisi ko habang naglalakad kami ni Gennica papuntang University. Bakit nga ba ang saya ko? Hindi ko lang naman sinuot ang bunny dress na binigay ng lalaking 'yon. Gagawin niya yata akong prosti kapag sinuot ko 'yon. Parang wala nang tinakpan sa sobrang ikli. Sobrang fitted din na siguradong sinadya ng lalaking 'yon. Para akong nasa club kapag sinuot ko. Kaya ang suot ko ngayon ay pantalon na black habang naka white shirt naman ako. Nakapuyod din ang mahaba kong buhok habang may ilang hibla na nakalaylay sa magkabilang gilid. Mas simple, mas maganda. Hindi pa rin nawawala ang pagkainis ko sa lalaking 'yon kasi napakahalay niya talaga lalo na nung mabasa ko ng buo ang nakasulat sa notes niya. Ang sarap niyang buhusan ng kumukulong tubig at lutuin. "Ate, manonood ka ng laban ko, ha?" sabi ni Gennica nang nasa tapat na kami ng University. "Sige, basta ba gagalingan mong babae ka, ha? Tanga ka pa naman!" Sinamaan lang ako ng tingin ng gaga at sumama na siya sa mga kaibigan niya. Edi siya na ang may talent sa sports kasi lalaban siya ngayon ng badminton. Tulad kahapon ay halos idikit ko na sa mukha ng guard ang ID ko para lang ipakita. Proud ako na hindi ko nakalimutan. Habang naglalakad ako'y hinahanap ng aking paningin si bebe Josh . Kahit na may girlfriend siya ay crush ko pa rin siya. Hihintayin ko talaga ang araw na tuluyan na silang mag break para ako naman ang ipalit niya. Nalaman ko na lalaban siya ng basketball ngayon kaya naman gumawa ako ng banner para sa kanya. Aba dapat na suportahan ko si crush para naman matuwa siya sa 'kin. Mukhang napapansin na niya na may gusto ako sa kanya. Pero kahit na ganun ay hindi niya pa rin ako iniiwasan. "Gianna!!!" Napatakip na lang ako sa aking mga tainga nang marinig ko ang paghiyaw nung tatlong engkanto sa pangalan ko. Halos maputol ang ugat nila sa paghiyaw. "O bakit?" Nasa harapan ko na sila habang ang lapad ng mga ngiti. Parang walang kasalanan ang mga ito sa 'kin, ah! Oo nga pala, kaya pala naging mabait sila dahil sa pag arte ko kahapon. Pwede na nga yata akong maging artista sa galing kong umarte. Pero huwag na lang, baka mawalan ng career sina Julia Baretto sa ganda ko. "Anong sinalihan mong contest?" tanong nung nasa gitna. "Wala..." "Bakit wala?" tanong naman nung nasa kaliwa. Pakialam mo ba?! Hanggang ngayon ay hindi ko maalala ang mga pangalan nila. Sa wala rin naman akong balak na alamin, ayoko ngang pati pangalan nila'y pakatandaan ko pa. Basta mga engkanto sila. Tapos ang usapan! "Sa wala akong hilig sa sports, e." Nilampasan ko na silang tatlo na ngayon ay nakanguso sa kasungitan ko. Badtrip lang talaga ako ngayon kasi hindi ko pa nakikita si Mask. Bakit ko hinahanap ang lalaking 'yon? Syempre papatayin ko dahil talagang kumukulo ang dugo ko sa kanya. Nanggagalaiti ang kamao ko na suntukin siya. "Good morning, Gianna.." Namilog ang aking mga mata nang marinig ko ang boses ni Josh sa likod ko. Automatic na napangiti ako nang sumabay na siya sa 'kin sa paglalakad. Wow! Naka couple shirt kami kasi naka white shirt lang din siya. My ghad! Bagay talaga kaming dalawa! Mag break na sana sila ng girlfriend niya para may pag asa na ako sa kanya. "Good morning, Josh.." ng buhay ko. Nagulat ako nang bigla niyang hinaplos ang buhok ko na ikinangiti ko. Sa ginagawa niya ay umaasa na ako. Umaasang mag be-break na sila ng girlfriend niya at ako naman ang liligawan niya. Nawala ang ngiti ko nang makita ko na ang lalaking hinahanap ko. Mayroon siya ngayong kausap na babae habang ang lapad ng kanyang ngisi. Nakasuot siya ngayon ng itim na pantalon habang naka hawaiin na polo shirt at bukas ang tatlong butones. Kaya pala! Kaya pala ang lapad ng ngisi ng lalaking 'yon kasi naka dress ang babaeng kausap niya ng sobrang hapit na hapit sa katawan habang nakikita ang mahahaba nitong mga binti. Lumalabas din ang cleavage kaya panay ang sulyap niya roon. Base sa pamamaraan ng tingin niya sa babae ay alam kong hinuhubaran na niya sa kanyang isipan. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Bebe Josh ko kasi nakatingin pa rin ako sa dalawa na kulang na lang ay maglampungan. "Hey, tol!" bati ni Josh sa kanya. Tumingin sa direksyon namin si Mask at tinanguhan lang si Josh. Habang hindi manlang ako nito sinusulyapan kasi bumaling kaagad ang tingin niya sa hipon na kausap niya. Parang invisible lang ako kasi hindi talaga dumako ang tingin niya sa 'kin. Wow! Just wow! Kumukulo ang dugo ko sa kanya. Nalampasan na namin sila habang nanginginig ang mga kamao ko sa galit. Naiinis ako kasi hindi niya manlang ako sinulyapan, at naiinis ako kung bakit ako nakakaramdam ng ganito. Porket ba sexy ang nasa harapan niya ay hindi na niya ako bibigyan ng pansin, ha?! Sexy pala ang gusto niya, ha! Tingnan lang natin kung hindi tumulo ang laway niya sa oras na sinuot ko ang bunny dress na binigay niya. Yes! Dinala ko 'yon kasi balak kong ibalik sa kanya pero dahil ginagalit niya ako. Susuotin ko 'yon at aakitin ko siya. Hindi ako papayag na mahalikan na naman ng gagong 'yon. Humanda siya sa 'kin! "Wow! Akala ko ba intrams lang ngayon? Bakit may mga booth?" Nandito na kami ngayon sa field habang dinaraanan ang bawat mga booth. Mayroon na puro pagkain, may mga palaro na ang premyo ay bear at meron din na jail booth. Dinaig pa ang valentines day sa raming booth. "Si Marcus ang nag plano nito. Hindi raw enjoy kung puro labanan lang. Pwede rin kasing pumasok ang mga outsider para naman makapaglibang sila." Wow! Kaya naman pala pwede ang outsider para marami siyang makalandian. Ang galing rin mag-isip ng lalaking 'yon may malandi lamang. Nagsasawa na yata sa mga putaheng nandito kaya naghahanap na nang iba. Huminto kami sa isang booth kung saan may tarpaulin na cute na kuneho. Well! Sa tarpaulin pa lang alam kong dito ako magtitinda. "Don't worry, tatapusin ko lang ang kailangan kong gawin para matulungan kita. Para naman mapanuod mo ang laban namin." Muli niyang ginulo ang buhok ko habang ang tamis ng kanyang ngiti. Nawala ang inis na nararamdaman ko dahil sa ngiti niya. "Thank you, Josh! Hulog ka talaga ng langit." Nakangiti lang akong nakamasid sa likod niyang papalayo. Marami pa raw siyang kailangang gawin samantalang ang PRESIDENT ay ang daming time na lumandi. Mabilis na nagtungo ako sa C.R para naman makapagpalit. Nang maisuot ko ang dress na 'yon, bigla na lang akong nagdalawang isip kung itutuloy ko pa ba ang plano ko o hindi na. Sobrang ikli talaga! Sobrang hapit din kaya nakikita ang ka sexy-han ko at ang maputi at makinis kong mga binti. Baka akalain nila na isa akong beauty queen. Pero wala nang atrasan ito! Napansin ko kasi na halos lahat ng nagtitinda sa booth ay naka dress. Parang mga katawan ang pinagbibili sa suot nila at ang nakakainis ay makikisali ako sa kanila para lang matuloy ko ang plano kong akitin ang lalaking 'yon. Mabuti na lang may dala rin akong sandals na ngayon ko lang magagamit. Paglabas ko ng cubicle ay nakahinga nang maluwag kasi walang tao. Inalis ko ang pagkakapuyod ng buhok ko at hinayaan na bumagsak ang mahaba kong buhok. Nilapatan ko rin ng pulang lipstick ang mga labi ko na ninakaw ko pa kay Gennica. Syempre nagsuot rin ako ng bunny hairband para perfect ang outfit ko bilang human sexy rabbit. "Perfect!" Nakangisi kong sabi habang pinagmamsdan ang maganda kong mukha. Habang naglalakad ako sa hallway ay napapansin kong habol ang tingin nila sa 'kin lalo na ang mga kalalakihan. Nakakainis, kaya ayokong magsuot ng ganito dahil pagtitinginan nila ako. Ngayon lang yata sila nakakita ng human rabbit na kasing ganda at sexy ko. Ang nakakainis lang dito ay ang buntot ko ng sa rabbit. My ghad! "Shet! Pare! Chicks!" "Nakita ko na rin ang Anghel ng buhay ko." "Tol parang gusto kong mag-alaga ng kuneho." Binilisan ko ang lakad ko nang marinig ko ang bulungan ng mga lalaki. Napadako ang tingin ko sa pwesto kanina ng malanding 'yon. Sinasabi ko na nga ba't hanggang ngayon ay nandun pa rin siya. Tatlong babae na ang kausap niya kaya halos mapunit na ang mga labi niya. Napakuyom na lang ang aking mga kamao kasi ang dami niyang time na lumandi habang sobrang busy ni Josh. Kawawa naman ang bebe ko. "Hello, miss..." Napahinto ako sa paglalakad nang biglang may lalaking humarang sa 'kin. Sobrang lapad ng ngiti niya habang nakamasid sa 'kin. In fairness, gwapo siya at halatang may lahi kasi singkit ang kanyang mga mata. "Hello..." Dumako ang tingin ko kay mask nang magtama ang tingin namin. Sa wakas, nakuha ko na rin ang atensyon niya kaya hindi ko mapigilan na mapangisi. Pinasadahan niya ng tingin ang buong katawan ko kaya kumulo ang dugo ko kasi baka kung ano na ang nasa isip ng mahalay na 'yon. Iniwas ko na ang tingin sa kanya at binaling ang tingin sa lalaking nasa harapan ko. Inilagay ko pa ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng aking tainga na para bang nagpapa bebe sa kanya. "Ako nga pala si Dan, maaari ko bang malaman ang pangalan mo magandang binibini?" pakilala niya at nilahad niya ang palad niya. Kahit na halatang may lahi siya ay diretso ang tagalog niya. Pwede ko na rin siyang maging crush pero joke lang! Loyal ako kay Josh, ang soon to be husband ko. "Gianna..." pakilala ko. Tatanggapin ko na sana ang kamay niya nang biglang may umakbay sa 'kin at hinila ako palayo sa lugar na 'Yon. Gulat kong nilingon kung sino 'yon. Hindi ko manlang namalayan na nakalapit na pala ang malanding nakaakbay sa 'kin ngayon. "Back off dude, she's mine!" Hinila na niya ako palayo sa lugar na 'yon habang naka akbay pa rin siya sa 'kin. Marami na ang habol ang tingin sa aming dalawa lalo na 'yong tatlo na kausap niya kanina na ang sama ng tingin sa amin. Hinawakan ko ang braso niya at walang sabi na kinagat kaya mabilis siyang umalis sa pagkaka-akbay sa 'kin. "Fuck!" daing niya dahil sa lakas ng kagat ko. "Naiinis ako sa 'yong malandi ka!" gigil kong sabi at sinipa ko siya ng malakas sa binti. Napaupo na siya sa sahig habang ang lapad ng ngisi kong naglalakad palayo sa kanya. Sa wakas nakaganti na rin ako sa kanya. "Come back here, honey, d*mn it!" hiyaw niya kaya nilingon ko siya at binelatan na ngayon ay dinaluhan na ng tatlong bibe niyang kasama kanina. Napalakas yata ang pagsipa ko sa kanya kasi halata sa mukha niya na nasasaktan siya. Wala akong pakialam kung nasasaktan siya, ang mahalaga ay nakaganti na ako. Pagbalik ko sa booth, napahinto na lang ako kasi nakita ko si Josh na may kausap na babae. Hindi ako nagkakamali kasi siya ang girlfriend ni Josh. Nakikita kong umiiyak ang babae na para bang nagmamakaawa. Seryoso lang ang mukha ni Josh habang nakatingin sa kanya. Marami na ang nanunuod sa kanilang dalawa ngayon. "I-I am really sorry love, please, be mine again," sabi nung babae kaya naman napakunot ang noo ko. Ibig sabihin wala na talaga sila? Kailangan ko yatang magdiwang ngayon kasi wala ng girlfriend si crush at may pag-asa na ako. "Ayoko na!" malamig na wika ni Josh. "B-Bakit? Mayroon na bang ibang laman ang puso mo? Ha?! Hindi na ba ako? Please tell me!" Habang nakatingin ako sa girlfriend niya ay hindi ko mapigilan na maawa. Napansin kong napadako ang tingin sa 'kin ni Josh at muling bumaling ang tingin niya sa babae. Hindi ko napansin na nakalapit na siya sa 'kin kasabay nang paghawak niya ng kamay ko na ikinagulat ko. Sa amin na sila ngayon nakatingin habang wala pa rin akong maintindihan. "S-Siya na ba ang laman ng puso mo?" "Me?" Napaturo naman ako sa sarili ko habang nakatingin sa babaeng 'yon na ang sama ng tingin sa 'kin. "Yes, I am in love with her," sabi ni Josh kaya namilog ang aking mga mata sa gulat. Hindi lang 'yon ang ikinagulat ko kasi...... h-he kissed me on my lips. and MASK saw it! Chapter 13 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 13 Wala pang isang oras ay naubos na agad ang mga paninda ko. Paano ba naman hindi mauubos kung kasama ko lang naman si Josh na magtinda. Sinabi niya na ang papakyaw daw ng mga paninda namin ay may free picture sa kanya. Hindi man lang ako nakaramdam ng pagod. Hindi na talaga magbabago ang isip ko na siya ang maging asawa ko. Hindi ko na siya ipagpapalit pa. "I'm sor----" I cut him off. "Ilang beses ko bang dapat sabihin sa 'yo na okay lang? Wala kang dapat na ipag-alala." Kasi ang sherep kaya ng halik mo. Dinala yata ako sa kalangitan kanina. Paano pa kaya kung mas higit pa ang ginawa niya? Baka nahibang na ako sa sa---my ghad! "I love her so much, I did everything for her pero nagawa niya pa rin akong lokohin. Pinapatawad ko siya sa lahat ng ginawa niya kasi mahal ko siya pero uulitin niya lang pala ang mga pagkakamali niya." Nilapitan ko siya at marahan na hinaplos ang likod niya papunta sa kanyang abs pero joke lang 'yon. Hinaplos ko lang ang likod niya para naman pagaanin ang kanyang loob. Mukhang nasasaktan talaga siya. Hindi ako makapaniwala na sinasaktan lang ang isang tulad niya. Dapat sa kanya'y minamahal ng isang tulad ko. "Matagal na akong nakipaghiwalay sa kanya pero kinukulit niya pa rin ako na ibalik namin ang dati. Pero ayoko na, sawa na ako sa mga ginagawa niya." "Marami namang iba riyan na mas deserving ang pagmamahal mo." At ako 'yon! Ako na lang, Josh! Ako na lang ang mahalin mo. Hindi kita lolokohin! Napailing na lang ako sa naiisip ko. Mukhang napaka desperada ko na talaga na magustuhan niya ako. Paano ba naman... sa lahat ng naging crush ko'y siya lang ang pinaka gwapo sa lahat. Makalaglag panty ang kanyang ngiti. Dinala na ako sa kalangitan. "Titigil lang siya sa pangungulit kapag nalaman niyang may iba ng laman ang puso ko." Nilingon niya ako kaya nagtama amg tingin naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit natigilan ako habang magkapako ang aming mga mata. Hinalikan niya ako kanina para lang tigilan na siya ng kanyang ex girlfriend. Akala ko pa naman totoong mahal niya ako pero isang malaking palabas lang pala 'yon. Pero okay lang, at least natikman ko na ang kanyang mga labi na matagal ko na rin pinapangarap. Ang maging asawa niya na lang ang kulang. Bigla kong naalala si Mask, hindi ako nagkakamali na nakita ko siya kanina na nakatingin sa aming dalawa ni Josh. Pero pagkurap ko'y bigla na lang siyang nawala na parang bula. Or I must be hallucinating? "Oh ghad! May laban nga pala ngayon ng kapatid ko," natataranta kong sabi nang mapansin ang oras sa aking phone. Pero bigla akong napangiti nang makita ko ang wallpaper ko. Picture lang naman naming dalawa ni Josh. Sobrang humingi pa ako ng tawad kay Lee Jong Suk kagabi nung pinalitan ko. Baka kasi magtamapo siya sa 'kin. Halos sampung minuto na ang lumipas simula nung magsimula ang laro ni Gennica. Ayoko pa naman nagtatampo ang isang 'yon kasi nahihirapan akong suyuin siya. "Let's go! Sasamahan kita," aniya kaya napangiti ako. "Sige, Josh..." Samahan mo ako, samahan mo na rin ako hanggang sa pagtanda. Napaka swerte ko talaga kasi nakakasama ko ang crush ko at hindi lang 'yon, hinalikan niya pa ako. Buo na ang araw ko ngayon. Mabuti na lang na nakapagpalit na ako ng suot kanina. Hindi talaga ako komportableng magsuot ng ganun... saka nakaganti na naman ako sa lalaking 'yon pero naiinis pa rin ako sa kanya. "Go Gennica!" Napalingon naman siya sa 'kin at nginitian ako. Sobrang dami ng nanonood ngayon kaya sobrang lapit namin sa isa't isa ni Josh. Syempre pasimple akong na chansing sa kanya na kunwari ay may sumisiksik sa 'kin para mas mapadikit ako sa kanya. "Okay lang ba sa 'yo na manood? Sobrang banas dito," wika ko kasi napapansin kong pinagpapawisan na siya. "It is okay, dito lang ako, sasamahan kita." Hindi ko mapigilan na mapangiti sa sinabi niya. Super kinikilig talaga ako. "Ikaw ang bahala," sabi ko na lang habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa aking mga labi. Hindi namin namalayan na tapos na ang laban at ang kapatid ko ang nanalo. Tumakbo agad ako papalapit sa kanya at niyakap siya. "Congrats! Pinatunayan mong hindi ka talaga tanga," bulong ko sa kanya. "Kahit kailan talaga ang hilig mong asarin ako!" Nakabusangot na ang mukha niya kaya pinisil ko ang tungki ng kanyang ilong. "Joke lang naman! Pero ang galing mo kanina, super proud ako sa 'yo!" Napangiti siya sa sinabi ko at bumaling ang tingin niya kay Josh. Lumipat ulit ang tingin niya sa 'kin habang nakataas ang isang kilay. "Congrats!" sabi ni Josh sa kanya. "Thank you po, Kuya Josh!" Napansin kong kumunot ang noo ni Josh habang nakatingin sa kapatid ko. "You know me?" "Of course, palagi ka pong ki-----" Hindi ko na siya pinatapos umimik kasi tinakpan ko kaagad ang kanyang bibig. "Syempre kilala ka niya kasi ikaw ang Vice President ng school na ito!" wika ko habang pinandilatan ng mga mata si Gennica. Napatango na lang si Josh sa sinabi ko. Inalis ko na ang pagkakatakip sa bibig ng kapatid ko na ngayon ay ang lapad ng ngisi na nakatingin kay Josh. "If you have free time po on saturday. Pwede po ba kayong pumunta sa amin? Magluluto po si Ate para sa pagkapanalo ko." "Gennica!" Pinandilatan ko ng tingin si Gennica kasabay ng pagkurot ko sa kanyang tagiliran kaya sinamaan niya ako ng tingin. Wala akong alam sa sinasabi ng magaling kong kapatid. "I'm free on that day, Sige ba! Punta ako sa inyo para matikman ko ang luto ng Ate mo." Nilingon niya ako habang malapad ang kanyang ngiti. Siniko naman ako ng kapatid ko kaya ginawa ko rin 'yon sa kanya ng mas malakas kaya mahina siyang napamura. "Talaga po? Pwede niyo po bang isama si Kuya Marcus?" Namilog ang aking mga mata sa sinabi ng babaeng 'yon. Kukurutin ko sana siya ulit pero mabilis itong nakalayo. Pwede namang si Josh lang pero bakit kailangan pang pati ang mahalay na 'yon? Baka masaksak ko lang siya ng wala sa oras. Makulong pa ako! "I think he's busy on that day." Nakahinga naman ako nang maluwag sa sinabi nito. Kailangang si Josh lang ang pumunta para matuloy ko ang balak ko sa kanya. Gagahasain ko lang naman siya, charot! "Ganun po ba? Pero sabihin niyo pa rin po sa kanya, ha?" Napansin kong nagtataka na si Josh sa pangungulit ng kapatid ko. Kaya naman hinila ko na siya palayo sa babaeng 'yon. Muli kong nilingon si Gennica na ngayon ay ang lapad ng ngising nakatingin sa amin. Pero parang may iba pang ibig sabihin ang kanyang ngisi na hindi ko maintindihan. Tiningnan ko siya na sinasabing humanda siya sa 'kin mamaya. "Pasensya ka na sa kapatid ko, ha? Sadyang makulit lang 'yon." "Okay lang, mayroon din naman akong kapatid na babae." "Talaga? Nasaan siya?" "States." Napansin kong lumungkot ang mukha niya kaya minabuti ko na lang na huwag umimik. Bigla kong naalala na ngayong oras nga pala ang laban ni Stella. "Pwede mo ba akong samahan na manood ng laban ni Stella?" "Of course!" Napangiti na lang ako kasi kahit na mamaya na rin ang laban niya ng basketball ay sinasamahan niya pa rin ako kaysa ang mag practice. Sumalubong sa amin ang malakas na hiyawan lalo na ng mga kalalakihan. Paano ba naman hindi hihiyaw kung sobrang se-sexy ng mga kasali sa swimming competition. Nakita ko si Stella na nag-s-stretch. Napaka ganda ng kurba ng kanyang katawan na halatang alaga niya talaga. "Good luck, Stella! Kaya mo 'yan!" Napalingon siya sa 'kin at kinawayan ako. Napansin kong tinanguhan niya si Josh bago muling ibaling ang tingin sa pool. Hindi ako naniniwala kay Stella sa sinabi niya na wala siyang nagugustuhan sa magkaibigan. Napansin ko kasing natigilan siya nang makita si Josh. Hindi kaya si Josh ang nagugustuhan niya? Kaya siguro parang lumayo ang loob niya sa 'kin kasi nagiging malapit na kami sa isa't isa ni Josh. Sa kakaisip ko'y hindi ko namalayan na tapos na ang laban. Syempre si Stella ang nanalo kaya marami ang nagsilapitan sa kanya. Lumapit na rin kami sa kanya na ngayon ay nakikita sa mukha ang saya. "Congrats, Stella! Sobrang galing mo," wika ko kahit na hindi ko naman talaga napanood ang laban kasi ang lalim ng iniisip ko. "Thank you, gurl!" Lumapit siya sa 'kin at nakipag beso, matapos nun ay nakangiti niyang binalinganan ng tingin si Josh. "Congrats!" nakangiting wika ni Josh. "Thank you, Tots!" Namilog ang aking mga mata nang halikan nito sa pisngi si Josh. Sa harapan ko mismo! Sa harapan mismo ng future wife nito! Hindi na nahiya na pagtaksilan ako! At ano raw? Tots? Utot niya! Talagang may tawag pa siya sa crush ko. Muling bumaling ang tingin sa 'kin ni Stella kaya pinilit kong ngumiti. Napaka plastic ko naman yata! Nakakainis kasi inaagaw niya sa 'kin ang soon to be husband ko. "I have to go, gurl! Message na lang kita kung kailan ang pa blow out ko." Muli siyang lumapit sa 'kin para halikan ang aking pisngi. Tinapik niya naman ang balikat ni Josh at mabilis na umalis. Gusto kong tanungin si Josh kung anong meron sa kanila pero wala naman akong karapatan kasi hindi pa naman kami kasal. Kailan ko munang maging legal wife niya. Nagpaalam na siya na magpapalit muna siya ng jersey habang sobrang lalim pa rin ng iniisip ko. Naisipan kong pumunta sa cafeteria para bumili ng tubig na iinumin niya. Aba dapat supportive ako sa soon to be husband ko para naman ma-ikwento niya sa magiging anak namin kung gaano ako ka supportive sa kanya. Naisipan kong pumunta sa C.R kasi naiihi ako. Hindi pa rin talaga mawala sa isipan ko kung ano ba ang meron sa kanila ni Josh. Ayoko rin naman magtanong kay Stella kasi baka kung anong isipin niya. Saka hindi rin naman sila nagpapansinan na dalawa kapag nasa room. Hindi kaya may tinatago silang relasyon? Paglabas ko ng cubicle, dumiretso ako sink para maghinaw ng aking mga kamay. Pinagmasdan ko ang mukha ko at dumako ang tingin ko sa aking mga labi. Hindi ko pa pala naaalis ang red lipstick ko. Narinig kong may pumasok ng cr pero hindi ko na binigyan pa ng pansin hanggang sa marinig kong mag lock ang pintuan. Namilog ang aking mata nang makilala kung sino ang pumasok. Naka jersey na siya ngayon na sa tingin ko'y lalaban din siya ng basketball. 'Yon ang suot niya nung araw na ginawa ko ang dare ng magaling kong kapatid. "A-Anong ginagawa mo rito?" Hindi ko mapigilan na kabahan kasi naglalakad siya papalapit sa 'kin habang seryoso lang ang titig niya. "B-Bakit mo nilock ang pinto? May gagawin kang masama sa 'kin, noh?" Napayakap na lang ako sa sarili ko habang nasa harapan ko na siya. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang chin ko kaya nagtama ang tingin naming dalawa. "A-Anong gagawin mo?" Bigla kasi siyang may nilabas na panyo at binasa 'yon. Nagulat ako nang ipunas niya 'yon sa aking bibig. "Ayokong may ibang humahalik sa 'yo bukod sa 'kin." Pilit ko siyang tinutulak pero patuloy pa rin siya sa ginawa niyang pagpunas sa mga labi ko. Sobrang naguguluhan na talaga ako sa kinikilos niya. "Tangina! Kapag hindi ka lumayo sa 'kin, sisi--" Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin nang bigla n'ya akong siniil ng halik. "A-Ano ba?!" Hinawakan niya ang dalawa kong kamay para pigilan ako sa pagtulak sa kanya hanggang sa maramdaman ko na lang na nakasandal na ako sa dingding. Hindi ko alam pero napapikit na lang ako habang patuloy pa rin siya sa paghalik sa 'kin. He kissed me passionately, hindi ko mapigilan na gumanti sa bawat galaw ng kanyang mga labi. Sobrang ingat ng paraan ng kanyang paghalik na para bang natatakot siya na masaktan ako. Mabagal din ang galaw ng kanyang mga labi na para bang ninanamnam niya ang bawat sandali. "Your lips is my territory.." He said between our kisses. "..and no one can claim what is mine!" Naiinis ako kasi hinahayaan ko lang siya na halikan ako! Na palaging angkinin ang mga labi ko at natatakot ako... na baka ang puso ko'y gusto ko na rin na angkinin niya. Chapter 14 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 14 Nang matauhan ako'y mabilis ko siyang tinulak palayo kasabay nang pagsampal ko sa kanya. Napaawang ang kanyang bibig habang hawak niya ang pisngi na sinampal ko. "Anong karapatan mo na angkinin ang mga labi kong gago ka, ha?!" Hindi ako makapaniwala na nagpadala na ulit ako sa kanya. Sa halip na ipagtulakan ko siya kanina'y gumanti pa ako ng halik niya. Naiinis ako kasi hinayaan ko na naman siya na pagsawaan ang mga labi ko. "Ako lang ang pw---" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya kasi malakas ko siyang hinampas ng boteng binili ko para kay Josh. "I hate you! Sobrang naiinis ako kasi napakalandi mo!" Patuloy pa rin ako sa paghampas sa kanya habang pauli-uli na kami sa loob ng cr. Panay kasi ang takbo niya habang hinahampas ko siya. Syempre dahil naiinis ako sa kanya'y hinahabol ko siya. Hindi ko siya titigilan hangga't hindi nawawala ang galit ko. "D*mn! Stop it! Nasasaktan ako!" Binato ko na sa kanya ang bote na saktong tumama sa kanyang balikat kaya mahina siyang napamura. Tinalikuran ko siya at akmang hahakbang na nang hawakan niya ang braso ko. "Ano na naman ba?!" Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at inis ko siyang nilingon. Hindi ko mapigilan na dumapo ang tingin ko sa mala rosas niyang mga labi. Muli kong naalala ang paraan ng paghalik niya sa 'kin kanina. Pakiramdam ko'y unti-unti niyang inuubos ang enerhiya ko kasi habang magkalapat ang mga labi namin ay nanghihina ang mga tuhod ko. Hinawakan niya pa ang bewang ko para lang huwag akong tuluyang matumba. Aaminin kong natatakot ako na baka masanay na ang mga labi ko sa mga halik niya. "Subukan mong magpahalik sa iba..." Lumapit siya sa 'kin at ibinaba ang kanyang mukha upang magtagpo ang mga mata naming dalawa. Hindi ko naman magawang iiwas ang tingin ko sa kanya. Parang hipnotismo ang paraan ng pagtitig niya. "bubuntisin talaga kita.." Namilog ang aking mga mata sa kanyang sinabi. Hindi ko namalayan na nakalabas na pala siya ng cr. Nakuyom ko na lang ang aking mga kamao sa galit na nararamdaman. "Gago ka talaga, Marcus Samaniego!" Tumakbo ako palabas ng C.R para habulin siya pero natigilan ako nang sumalubong sa 'kin ang maraming kababaihan na mukhang kanina pa naghihintay sa labas. "Ano ba naman 'yan? Hindi ba uso mag motel, Miss?" "Kanina pa kami nandito at malapit na sumabog ang pantog ko!" Napayuko na lang ako sa kahihiyan na nararamdaman. Alam kong iba ang nasa isip nila ngayon kasi alam kong nakita nilang lumabas si Mask. Ang lalaking 'yon! Wala nang ginawa kundi ang angkinin ang mga labi ko... ang nakakainis pa'y pinagbawalan niya pa akong magpahalik sa iba. Hindi na talaga ako makakapayag na halikan niya ulit ako. Kung kinakailangan na magsuot ako ng face mask ay gagawin ko huwag lang lumapat muli ang kanyang mga labi sa 'kin. Hindi ko siya boyfriend para angkinin ang mga labi ko anumang oras. Alam kong pinaglalaruan niya lang ako at wala akong balak makipag laro sa kanya. "Gianna!" Hinanap ko kung saan nagmula ang boses na 'yon. Napangiti ako nang makita si Josh na papalapit sa 'kin habang suot na ang kanyang jersey. "Where have you been? Kanina pa ako naghahanap sa 'yo..." Pakiramdam ko'y namula ang mukha ko sa sinabi niya. Ang sarap sa feeling na hinahanap ako ng aking crush. Bakit kasi ang ganda ko? Mukhang pati siya'y malapit nang mahulog sa 'kin. "Saan pa ba? Edi sa puso mo." Natakpan ko ang aking bibig sa salitang binitiwan ko. Mukhang narinig niya ang sinabi ko kasi lumapad ang ngiti niya kasabay nang kanyang pag iling. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang pisngi ko kasabay nang pagpunas niya sa gilid ng aking mga labi gamit ang kanyang thumb. "Were you with him?" Halata pa rin ang gulat sa mukha ko habang patuloy siya sa pagpunas sa gilid ng aking mga labi. "B-Bakit mo alam?" "Ang kalat kasi ng lipstick mo." Parang tinapalan na ng makapal na blush on ang aking mukha sa kanyang sinabi. Ibig sabihin alam niya na may nangyaring ganun sa amin ni Mask? Ayoko nito! Ayokong ma-turn off siya sa 'kin! Sobrang sisisihin ko talaga ang mahalay na 'yon kapag nagkataon. Nagsimula na siyang maglakas kaya sumunod ako sa kanya. Nakayuko lang ako habang naglalakad kasi nahihiya talaga ako. "Are you going to cheer for me?" Hindi ko napansin na huminto siya sa paglalakad kaya nabunggo ako sa likuran niya. Nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko sa katangahang taglay. "O-Oo naman, actually meron nga akong ginawang banner para sa 'yo." Nilabas ko sa aking bag ang ginawa kong banner na may nakakapit pa na mukha niya. Ini-stalk ko pa talaga siya sa facebook para lang makahanap ng picture niya. Naka doodle naman ang pangalan niya na sobra akong nahirapan na gawin. Tiningnan niya ang ginawa kong banner habang nakakunot ang kanyang noo. Bigla naman akong nakaramdam ng hiya kasi mukhang hindi niya nagustuhan. "Hindi mo ba nagustuhan? Pas----" "Sobrang nagustuhan ko..." Kinuha niya 'yon sa kamay ko at pinagmasdan. Dumako ang tingin niya sa litrato naming magkasama na ang pagkakagupit ay puso. Ewan ko ba kasi parang okay lang sa 'kin na malaman niya na crush ko siya kasi mukhang ayos lang din naman sa kanya. Mukhang hindi naman siya naiilang sa 'kin. "Nice! Gusto kong marinig ang boses mo na sinisigaw ang apelyido ko." Hinaplos niya ang buhok ko kaya nagwala na naman sa tiyan ko ang mga paru-paro. Araw araw na yata akong nahuhulog sa kanya. Malapit na yatang matupad ang pangarap ko na maging asawa siya. "Syempre naman, ikaw lang ang iche-cheer ko kasi ako ang numero uno na taga suporta mo." Hindi na siya umimik pero nakita ko ang malapad na ngiti sa kanyang mga labi. Masaya ako kasi napapasaya ko siya. Sana lang pati ang puso niya'y maghilom na rin. Pagkarating namin sa court, sumalubong sa amin ang malakas na hiyawan. Napadako naman ang tingin ko sa lalaking nagpapakulo ng dugo ko. Ang kapal talaga ng mukha ng mahalay na 'yon! Napakapabibo kasi wala siyang pang itaas habang nagpa-practice kaya naman halos lahat ng kababaihan ay nasa kanya ang atensyon. Minsan ay may lumalapit na babae sa kanya para magpa picture at ang nakakainis pa'y inaakabayan niya pa ang babae habang wala siyang pang itaas. Nakakainis man aminin pero sobrang ganda ng katawan niya. Kahit malayo ako sa lugar niya ay natatanaw ko ang kanyang abs. "Okay ka lang ba rito?" Nasa gilid ako nakaupo kasi punong-puno na talaga ang gym sa raming dayo na taga ibang school na kagagawan ng malanding 'yon. Talagang naghahanap siya ng bagong putahe. "Dito na lang ako... para kapag natapos ang laro'y mabilis akong makakaalis." Kasi alam kong hahanapin ako ng malanding 'yon. "Good luck sa 'yo, Josh! Galingan mo, ha?" Napangiti siya sa sinabi ko. "Of course talagang gagalingan ko kasi nanunuod ang numero unong sumusuporta sa 'kin." Hinaplos niya ulit ang buhok ko na tulad ng ginagawa niya kanina. Nagpaalam na siya na pupunta lang siya sa gitna para mag practice. Tahimik lang ako habang pinapanuod ko siyang magbasketball. Hindi na niya kailangan na mag practice kasi magaling na siyang maglaro. Dumako ang tingin ko kay Mask na ngayon ay may kausap na babae. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'yon na halikan ako kanina tapos ngayon ay halos mapunit na ang kanyang mga labi sa sobrang pag ngiti sa kaharap niyang babae. Hindi ko napansin na halos mapunit na ang banner na ginawa ko para kay Josh. Sobrang higpit na pala ng hawak ko roon sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Tapos na ang usapan nila nung babae kaya bumalik na ulit siya sa gitna pero hindi pa rin nawawala ang ngiti niya. Nilapitan niya si Josh at nag-manly hug sila. Mag ka-team silang dalawa sa laro. "Totoo pala talaga ang sinasabi tungkol kay fafa Marcus!" Para namang tumalas ang pandinig ko nang marinig ko ang pangalan ni Mask. Pasimple kong nilingon ang katabi kong babae kaya napatingin siya sa 'kin. Mabilis ko naman iniwas ang tingin sa kanya at ibinalin na lang ang tingin kay Josh. Sobrang ganda ng katabi ko at natotomboy ako. Panigurado isa siya sa nilandi ng mahalay na 'yon. Sa tingin ko'y taga ibang school siya kasi ngayon ko lang siya nakita. Kahit naman wala pa kaming isang buwan dito'y kilala ko na ang mga mukha ng mga pumapasok sa Cross Sign. "What do you mean?" tanong ng katabi niya. Nakamasid pa rin ako sa gitna habang pasimpleng nakikinig sa kanila. "Sobrang sweet niya sa 'kin kanina, alam kong lubos ko nang nakuha ang loob niya pero nung sinubukan kong halikan siya... " Narinig kong malakas itong napabuntong hininga na para bang sobrang naghihinayang. At ano raw? Sinubukan niyang halikan si Mask? "..he pushed me away. " Natigilan ako sa sinabi niya. Ibig sabihin totoo nga na hindi siya nagpapahalik sa iba? Kung ganun nga, bakit palagi niya na lang akong hinahalikan? Anong rason niya? Pumunta na sa gitna ang first five ng dalawang team. Parehong nasa gitna sina Josh at Mask kasi matangkad sila. Pagkapito ng referree ay mabilis silang nag agawan ng bola na nakuha agad ni Marcus at mabilis na na-i-shoot. "Go, Josh Spencer! " Nakatayo na ako habang nakataas ang banner ko. Lumingon naman siya sa 'kin at nginitian ako. Mabilis niyang naagaw ang bola sa kalaban at ipinasa kay Marcus na mabilis naman nitong naipasok sa ring. Habang tumatagal ang laro, mas lalo pang napupuno ng hiyawan ang gym. Napapansin kong napapatingin sa 'kin si Mask kaya pinapakita ko sa kanya ang banner ko para kay Josh kasabay nang pagdila ko para inisin s'ya. Ang sama ng tingin niya habang panay ang hiyaw ko sa pangalan ni Josh. Natapos na ang first quarter. Napansin kong pupuntahan sana ako ni Josh pero hinarang siya ng kanilang coach para kausapin. Tumingin naman siya sa 'kin kaya tinanguhan ko siya para iparating na okay lang. "Hindi mo ba napapansin? Kanina pa ako tinitingnan ni Fafa Marcus!" "Ako kaya 'yon! Kasi nagtama ang tingin namin." "Anong ikaw? Nagtama rin ang tingin naming dalawa kaya alam kong sa 'kin siya nakatingin." Napailing na lang ako sa katabi ko kasi kulang na lang ay bigyan ko sila ng kutsilyo para magpatayan na. "Oh my ghad! Hindi kaya papayag na siya na halikan ko siya kasi papunta siya rito ngayon?" Namilog ang mga mata ko nang marinig ang sinabi ng katabi ko. Tinakpan ko ang mukha ko ng banner ni Josh at nanalangin na sana hindi siya rito pupunta. Naramdaman kong tumayo ang katabi ko na sa tingin ko'y nasa harapan na niya si Mask. "H-Hello, Marcus..." Pabebeng wika ng katabi ko. "Honey..." Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang marinig ko ang boses niya. Akala niya ba hindi ko nakakalimutan ang ginawa niya sa 'kin kanina. "H-Honey? Hindi ba't ang tawag mo sa 'kin kanina ay Baby?" Pinigilan ko na matawa sa babaeng katabi ko dahil sa sinabi niya. Hindi lang ikaw ang baby n'ya kasi marami kayo. Bigla na lang may kumuha sa banner na hawak ko kaya inis kong tiningnan si Mask na ngayon ay nasa harapan ko na. "A-Are you cheating on me?" Hindi makapaniwalang tanong nung babae. "Me? Cheating on you? Walang tayo!" Maraming na pa aww sa sinabi ni Mask kasi halos lahat sila'y nasa kanila na ang atensyon. Nilingon ako ng babae na ngayon ay ang sama na ng tingin. Tumayo na ako at balak na sanang umalis nang hawakan ni Mask ang braso ko. "Ano na naman ba ang kailangan mo?!" Inalis ko ang pagakakahawak niya sa braso ko habang ang sama ng tingin ko sa kanya. Nagsimula na ang laro pero halos lahat sila'y nasa amin pa rin ang atensyon. "I want your good luck kiss, honey..." Napaawang ang aking mga labi sa kanyang sinabi niya. Hindi naman makapaniwala ang mga chismosang nakatingin sa amin. "A-Akala ko ba hindi ka nagpapahalik, ha? Kaya hindi mo ako hinayaan na mahalikan kita..." Hindi makapaniwalang tanong ng babaeng katabi ko. "No one can kiss me because my lips only belong to her." Bigla niya akong hinila papalapit sa kanya at hinawakan ang magkabila kong pisngi. Malakas ko siyang itinulak palayo kasabay nang pagsampal ko sa kanya. "Sh*t!" Marami ang nagulat sa ginawa ko pero wala akong pakialam. Hindi ako papayag na mahalikan niya ulit ako. "Alam mo ang bagay sa 'yo?" Lumapit ako sa kanya habang nakakuyom ang isang kamao ko. Hindi pa ako tapos na gantihan siya. "...paduguin ang nguso mo," dugtong ko kasabay nang pagsuntok sa bibig niya. Muli naman siyang napamura sa ginawa ko. Mabilis siyang dinaluhan ng babaeng katabi ko. "Anong karapatan mo na saktan siya?!" gigil na sabi nung babae. "Bagay lang 'yan sa kanya kasi isa s'yang malaking asungot sa buhay ko!" Tinalikuran ko na sila habang ang lapad ng ngisi ko. Sa wakas, nakaganti na ako sa kanya. Siguradong masarap na ang tulog ko mamaya. Chapter 15 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 15 From: My future husband ❤️ 'I'm on my way! See you! :)' Hindi ko mapigilan na mapangiti nang mabasa ko ang message ni Josh. Parang nagliparan na naman sa tiyan ko ang mga paru-paro sa nararamdamang kilig. Araw na ngayon ng sabado kaya maaga akong nagising para magluto kasi nga darating ngayon ang future husband ko. Ngayon kasi namin ise-celebrate ang pagkapanalo ni Gennica. Mabuti na nga lang marami pa kaming stock na pagkain kasi ipinamili kami ni Aling Myla. Sa isang linggo, isang beses lang siya pumupunta rito para linisin ang bahay at ipamili kami. Sinabi pa nga namin sa kanya na rito na lang siya tumira pero sabi niya wala raw makakasama ang kanyang mga apo. "Kinikilabutan ako sa ngiti mo, ate!" Hindi ko pinansin ang sinabi ni Gennica kasi patuloy pa rin ako sa pagluluto ng adobo. Nakapagluto na ako ng sinigang at spaghetti kanina pa kaya adobo naman ang niluluto ko. Bigla niyang hinawakan ang magkabila kong braso para iharap ako sa kanya. "May masama kang balak kay Kuya Josh, noh?" "Wala!" "Weh? Baka balak mong lagyan ng gayuma ang kakainin niya?" Namilog ang aking mga mata sa sinabi niya. "Bakit ngayon mo lang sinabi? Edi sana nakapagpabili ako kay Aling Myla!" Napahampas na lang ako sa aking noo kasi hindi ko naalala ang bagay na 'yon. Paano na ma-i-in love sa 'kin si Josh? Tanging gayuma na lang ang pwede kong lapitan sa ngayon. Pero joke lang 'yon. "Ewan ko sa 'yo! Mahihibang nga siya sa 'yo pero hindi ka naman niya mahal." She rolled her eyes. "Joke lang naman! Ako gagamit ng gayuma? Asa pa naman na gawin ko 'yon, saka meron akong kasabihan..." "Parinig nga ng pamatay mong kasabihan?" Nakataas ang isang kilay na wika ng magaling kong kapatid. Kung hindi ko lang siya mahal, hindi ko talaga siya ipagluluto pero dahil nga darating ang magiging asawa ko, aba dapat lang na magpasikat ako sa kanya. Na ang magiging asawa niya ay masarap magluto, palagi siyang busog sa 'kin. "Naniniwala ako sa kasabihan na..." Kinuha ko ang kutsilyo at pabagsak na hiniwa ang sibuyas kaya naman napalayo si Gennica kasi humapdi ang kanyang mga mata. "Kung hindi ako para sa kanya, kawawa naman siya," dugtong ko. Bigla siyang natawa kaya pinaningkitan ko siya ng tingin. Wala na ngang ambag sa pagluluto ko, guguluhin niya pa ako! Mabuti na lang bata pa lang ako'y tinuruan na ako ni Mama na magluto. Kaya okay lang na kaming dalawa na lang ni Gennica ang magkasama. "Ewan ko sa 'yo, ate! Kung ako sa 'yo... kay Kuya Marcus na ako!" "Yuck!" Pipitikin ko sana ang tainga niya pero mabilis siyang nakatakbo palayo. Parang nawalan ako ng mood nang banggitin niya ang mahalay na 'yon. Syempre masarap ang tulog ko kasi nagantihan ko na siya. Pero ang nakakainis lang kasi hindi ko natapos ang laro, siguradong hinanap ako ni Josh. Nag message na lang ako sa kanya, sinabi niya na okay lang daw. Ayoko pa naman na magtampo siya sa 'kin kaya naman babawi ako sa kanya ngayon. Itatrato ko siya na para ko talagang asawa. Mabuti na lang wala kaming pasok kahapon para naman daw makapagpahinga kami dahil sa pagod sa Intrams. Syempre pabor sa 'kin kasi hindi ko nakita si Mask na sumisira ng araw ko. Matapos kong maluto ang adobo ay dumiretso agad ako sa banyo para maligo. Ayoko ngang makita ni Josh na ang dugyot ko. "Ate, nasa labas na si Kuya Josh!" Namilog ang aking mga mata sa hiniyaw ni Gennica. Mabuti na lang at nagbibihis na ako. "Teka lang, hindi pa ako tapos! Puntahan mo muna siya!" Nasa harapan na ako ng salamin habang nilalapatan ng lip tint ang mga labi ko. Ayoko naman humarap sa kanya na sobrang putla ko. Hindi na rin ako nag-abala na lagyan ng blush on ang pisngi ko kasi makita ko palang siya'y namumula na ang mukha ko sa kilig. Pinagmasdan ko ang kabuuan ko, nakasuot ako ng maong na palda habang naka off shoulder. Syempre kahit naman nasa bahay lang ay kailangan rin na maayos ang suot ko. Gumamit na rin ako ng blower para matuyo kaagad ang aking buhok. Naka bun ang pagkakapuyod ko habang may nakalaylay sa magkabilang gilid. Ewan ko na lang kung hindi siya mapanganga sa angkin kong kagandahan. Habang bumababa ako ng hagdan ay nakita ko na siyang nakaupo sa sofa habang nakikipag usap sa kapatid ko. Hindi niya pa ako napapansin kaya malaya kong napagmamasdan ang gwapo niyang mukha. Natatanaw ko rin ang adams apple niya kasi nakatigilid siya. "Nandyan na po si ate..." Bigla naman akong nataranta at hindi ko napansin na nagsala ang pagkakahakbang ko sa hagdan kaya bigla akong natumba. "O-Ouch!" Napahawak na lang ako sa aking mga binti sa sobrang sakit, masakit rin ang pang upo ko dahil sa pagbagsak. Lamunin na sana ako ng lupa sa kahihiyan. Idagdag pa ang malakas na tawa ng kapatid ko. "Okay ka lang ba?" Hindi ko napansin na nakalapit na si Josh sa 'kin at mabilis akong binuhat na pang kasal. Gusto kong ngumiti pero hindi ko magawa kasi sobrang sakit talaga. "Ilang palaka ang nahuli mo?" Natatawang wika ng kapatid ko kaya pinaningkitan ko siya ng tingin. Maayos akong naiiupo ni Josh sa sofa at umupo siya sa harapan ko para suriin ang mga binti ko. "O-Okay na ako.." Tumunghay na siya kaya nagtama ang tingin naming dalawa. Sa tingin ko'y namumula na ang mukha ko sa kahihiyan at sa kilig. "I think you're not." Nagulat ako nang ipatong niya ang kanan kong binti sa kanyang hita habang marahan niyang mimamasahe. Ginawa niya rin 'yon sa kaliwa. "Pst!" Nilingon ko naman ang kapatid ko na ngayon ay malapad ang ngisi. Pasimple niya kaming kinukuhanan ng litrato kaya naman todo ngiti ako. Matapos na hilutin ni Josh ang binti ko'y umupo na siya sa aking tabi. Humalimuyak sa ilong ko ang pabango niya kaya napangiti ako. Dahil sa hilot niya'y nawala na ang sakit ng mga binti ko. Super talented talaga ng future husband ko at napaka maalaga pa. "Flowers for you..." Namilog ang aking mga mata nang may ibigay siya sa 'kin na bouquet. "Para sa 'kin ito? Hindi naman ako ang nanalo." Ibabalik ko sana sa kanya pero umiling siya. "Para sa 'yo talaga 'yan." Napangiti ako at inamoy ang bulaklak na binigay niya. Napansin kong may bulaklak din si Gennica. Bumili pa talaga siya ng dalawa para mabigyan ako. "Thank you, Josh! Sobrang nagustuhan ko." Pati ikaw, gustong-gusto ko! Sa sunod naman singsing ang ibigay mo at pakasal na tayo. "Always." Napansin kong nililibot niya ang tingin sa paligid. Tumigil ang tingin niya sa litrato ko nung bata pa ako kaya naman nakaramdam ako ng hiya. "Ay oo nga po pala, nasaan po si Kuya Marcus?" Pinaningkitan ko ng tingin si Gennica pero ang gaga'y hindi manlang ako tiningnan. Bumaling na ng tingin si Josh sa kapatid ko. "Nag message na ako sa kanya pero sinabi niya na busy daw siya ngayong araw." Nalungkot naman ang mukha ng babaeng 'yon habang pinipigilan ko naman na mapasuntok sa hangin sa sobrang kasiyahan. Utot ng lalaking 'yon! Busy nga talaga siya, busy sa mga babae niya! Wow! Super landi! "Ganun po ba? Marami pa naman po ang niluto ni Ate." "Kaya kong ubusin lahat nang 'yon!" Sabi ko samantalang inirapan lang ako ng gaga. Nilingon ko si Josh nang magtama ang tingin naming dalawa na ikinapula ng aking mukha. Mukhang kanina pa niya ako pinagmamasdan. "Let's eat!" Hinawakan ko ang braso niya at hinila ko siya patayo. Habang naglalakad kami'y hindi ko pa rin inaalis ang pagkakahawak sa kanya kaya naman habol ang tingin sa amin ng kapatid ko. Pinipigilan ko naman na mapatili kasi hinahayaan niya lang na hawakan ko ang braso niya. "Ikaw lahat ang nagluto nito?" Halata sa mukha ni Josh ang pagkamangha habang pinagmamasdan ang mga nakahain sa mesam "Of course, bata pa lang ako'y tinuruan na ako ni Mama na magluto." "Amoy pa lang alam kong masarap na," aniya kaya napangiti ako. Ako rin, Josh! Masarap din ako kapag natikmam mo este.... masarap akong mahalin. Umupo na siya habang pinaghandaan ko naman siya ng plato at pinagsandukan ng kanin. Aba dapat lang na pagsilbihan ko ang future husband ko. Sumunod na sa amin ang kapatid ko na ngayon ay hindi ko maipaliwanag kung ano bang nasa kanyang isipan. Mukha wala na sa mood. Umupo na ang gagang 'yon at sumandok na ng pagkain. Uupo na sana ako nang marinig kong may nag doorbell. "Ate, may tao!" "Edi puntahan mo!" Ayoko ngang maabala ang moment namin ni Josh. "Ate, ikaw na! Kumakain na ako.." Pinandilatan ko siya ng tingin samantalang ngumisi lang ang gaga. Nilingon ko naman si Josh na ngayon ay nakatingin din sa 'kin. "Wait lang, ha? Punta lang ako sa labas." Tumango naman siya habang mabigat ang mga paa kong naglalakad palabas. Nakakainis naman kasi kung kailan kakain na kami'y tsaka naman may darating. Wala naman kaming inaasahan na tao na darating. Hindi naman makakapunta ang boyfriend ni Gennica kasi alam kong kahit sabado ay may pasok 'yon. "Anong ginagawa mo ritong malandi ka, ha?!" Namimilog ang aking mga mata habang nakatingin sa taong nasa harapan ng gate. Naka-sun glasses pa siya habang ang suot ay hawaiin polo shirt at nakabukas pa ang tatlong butones. "Why, honey, hindi ba't imbitado ako rito? That's why I am here..." nakangisi niyang wika. Ibinaba niya ng kaunti ang sunglasses na suot niya kasabay nang pagkindat niya na ikinakulo ng dugo ko. "Utot mo! Asa pa naman na papasukin kita kaya maningas ka riyan!" Dinilaan ko pa siya pero ang walanghiya'y hindi pa rin nawawala ang ngisi sa kanyang mga labi. "Kuya Marcus!" Hiyaw ng kapatid ko na para bang close silang dalawa. Ang nakakainis pa'y pinagbuksan niya ng gate ang mahalay na 'yon. Nilingon ako ng kapatid ko, tiningnan ko naman siya na sinasabing humanda siya sa 'kin mamaya. Subukan lang talaga ng mahalay na 'yon na isama ang kapatid ko sa mga babae niya, masusuntok ko talaga siyang gago siya! Pumalakpak ng tatlo ang lalaking 'yon at nagulat ako nang makita ko ang driver niya na may buhat na isang LECHON! "Manong, pakipasok na lang sa loob," sabi niya sa kanyang driver. Nakakainis kasi hindi ko napigilan na mapapikit nang dumaan sa gilid ko si Manong kaya naamoy ko ang bango ng lechon. Tinalikuran ko na sila at akmang hahakbang na nang biglang may umakbay sa 'kin. Balak ko sana siyang sikuhin pero mabilis niyang nailayo ang bewang niya habang nakaakbay pa rin siya sa 'kin. Nakasabit na sa polo niya ang sunglasses na suot niya kanina. "Lumayo ka nga sa 'kin malanding espiritu!" Pilit kong inaalis ang pagkakaabay niya pero mas hinigpitan niya. Halos sumubsob na ang mukha ko sa kanyang dibdib at naiinis ako kasi sobrang bango niya. "Why are you wearing off shoulder?" "Pakialam mo naman?!" Patuloy pa rin ako sa pag-alis ng braso niya sa balikat ko. Akmang kakagatin ko siya nang bigla na niyang alisin ang pagkaka-akbay sa 'kin. "Gennica, nasaan ang kwarto ng Ate mo?" Namilog ang aking mga mata sa sinabi niya sa kapatid ko. Bigla kong naalala si Josh na mag-isa lang sa loob. Kailangan ko na siyang puntahan. "Second floor po, sa kaliwa." "Pup---- Kingina!" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong binuhat na parang isang sako. "Enjoy!" hiyaw naman ng magaling kong kapatid. Gusto ko man tingnan ang babaeng 'yon pero hindi ko magawa dahil sa gagong ito. "G-Gago ka! Ibaba mo ako!" Nagsimula na siyang maglakad habang hinahampas ko naman siya sa kanyang likuran. Pakiramdam ko'y nagpuntahan na sa ulo ko ang aking dugo. Mabuti na lang fitted ang palda na suot ko. Ang nakakainis lang ay nakahawak siya sa mga hita ko para huwag akong mahulog. "I will not allow you to wear that." Napansin kong paakyat na siya kaya kahit gusto ko siyang hampasin ay pinigilan ko kasi kasi baka mahulog kami sa hagdanan. Nang makarating kami sa second floor, diretso siyang pumasok sa kwarto ko at ibinaba niya ako sa kama. Binuksan niya ang closet ko habang nanatili ang tingin ko sa kanya. Tumayo naman ako at pumunta sa likuran niya na ngayon ay busy pa rin sa paghahanap ng kung ano sa closet ko. "Gago ka ba, ha?! Anong karapatan mo na pagbawalan ako? Ha? Bo----" Hindi ko na natapos ang sasabihin kasi nagulat ako sa ginawa niya. Bigla niya na lang naman akong hinalikan kaya mabilis ko siyang itinulak palayo. "Too noisy!" May binigay siya sa 'kin na isang damit at pajama kaya kumunot ang noo ko. "Aanhin ko naman ito?" "Change your clothes!" "Ayoko!" Tatalikuran ko na sana siya nang bigla niyang hawakan ang braso ko. Mas lalo siyang lumapit sa 'kin at yumuko siya para ipantay ang bibig niya sa aking tainga. Nagtaasan naman ang balahibo ko nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga. "Change your clothes or else.." Alam ko na kahit hindi ko siya nakikita'y sobrang lapad ng kanyang ngisi. "I will do it for you," dugtong niya. Nilampasan na niya ako habang namumula ang mukha ko. Nagmumula na sa galit! Kingina! Hinalikan niya lang naman ang aking balikat na ikinatayo ng balahibo ko. Nararamdaman ko pa ang paglapat ng mga labi niya sa aking balat. "Mahalay!" Naiinis ako sa sarili ko kasi natagpuan ko na lang ang sarili ko na suot na ang binigay niya. Ano bang meron sa lalaking 'yon at tumitiklop ako sa kanya? Kailangan ko na talagang ilayo ang sarili ko sa kanya. Chapter 16 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 16 Pagkalabas ko ng kwarto'y sumalubong sa 'kin ang nakangising mukha ni Mask lalo na nung makita ang suot ko. Bakit kasi sinunod ko ang gusto niya? Saka sino ba siya para pagbawalan ako? Muling nagtaasan ang mga balahibo ko nang maalala ang paghalik niya sa balikat ko. Nakakainis! "I will not allow you to wear daring clothes." Napaawang ang aking bibig sa kanyang sinabi habang nakakuyom naman ang aking mga palad sa inis na nararamdaman. "Wow, ha? Parang hindi mo ako binigyan ng bunny dress, ah! Ikaw pa nga mismo ang gustong magsuot ako ng halos lumabas na ang kaluluwa ko." Dapat nilayasan ko na siya kasi naghihintay na si Josh pero heto ako ngayon, nasa harapan niya. Ayaw ko lang kasi na pinagbabawalan niya ako kung wala naman kaming label. Saka kung tatanungin niya ako na maging girlfriend... syempre naman! Hindi ako papayag, ayoko ngang magkaroon ng boyfriend na isang playboy. Sakit lang sa ulo sa raming babae. "That was the biggest mistake I've ever made. D*mn! Ayokong maraming lalaki ang nakamasid sa 'yo." Bigla akong natawa sa sinabi niya habang seryoso naman ang kanyang mukha na nakatingin sa 'kin. "Bakit? Boyfriend ba kita para pagbawalan mo ako? Ha?!" Biglang tumaas ang sulok ng kanyang mga labi habang marahan siyang naglalakad papalapit sa 'kin. Hindi ko gusto ang ngisi niya kaya umaatras ako palayo sa kanya hanggang sa maramdaman ko na lang na lumapat na ang aking likuran sa dingding. Magkapako lang ang tingin namin sa isa't isa. Naiinis ako kasi hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kanya. "Be my girlfriend, then..." Pakiramdam ko'y nanghina ang mga tuhod ko sa kanyang sinabi. Bakit bigla na lang may nagliparan na paru-paro sa tiyan ko? Nararamdaman ko lang naman ito sa tuwing magkasama kami ni Josh. Nakayuko na siya para magpantay ang mukha naming dalawa. Palipat lipat ang tingin niya sa aking mga labi at sa aking mga mata. "Asa!" hiyaw ko kasabay nang pag umpog ko sa noo naming dalawa. "Fuck." he cursed. Kahit na masakit rin ang noo ko'y nagtatakbo na ako pababa ng hagdan. Pagkababa ko'y nakita ko si Josh na nakaupo na sa sofa. Nahihiya tuloy ako sa kanya kasi iniwan ko siyang mag-isa. Nakakainis kasi ang malanding 'yon! Wala nang ginawa kundi bwisitin ako. "Pasensya ka na, Josh, kung natagalan ako, ha? Hindi tuloy tayo nagkasabay na kumain." Nilingon niya ako kasabay nang pagtayo niya. Nakangiti siya ngayon na para bang wala akong kasalanan. Napansin ko ang pagkunot ng noo niya nang mapansin na iba na ang suot ko nang dahil sa lalaking 'yon. "Nah! It's okay, actually hindi pa naman ako kumakain kasi hinihintay kita." Napangiti ako sa sinabi niya kasi napakabait talaga ni crush. Kung siya ang magtatanong sa 'kin kung pwede niya ba akong maging girlfriend, syempre papayag agad ako. Heaven ang maging girlfriend ni crush! "Tara na kumain? Nagugutom na kasi ako." Hinaplos ko pa ang tiyan ko kaya mas lalo siyang napangiti. "Anong nangyari sa noo mo? Bakit ang pula?" "Nauntog lang ako..." I chuckled. Marahan niyang hinaplos ang noo ko nang maramdaman kong may braso na pumatong sa balikat ko kaya bigla akong napairap. "Akala ko ba, tol, hindi ka makakapunta kasi busy ka?" Pilit kong inaalis ang pagkaka-akbay ng malanding 'yon pero mas lalo niya pang hinigpitan. Nakakainis kasi sa harapan pa mismo ni crush ginagawa niya ang kalandian niya. "Lumayo ka nga sa 'kin!" Pasimple kong kinurot ang tagiliran niya kaya mahina siyang napamura. Sa halip na alisin ang pagkaka-akbay sa 'kin, bigla niya na lang hinalikan ang aking noo na ikinagulat ko. Napansin kong dumako ang tingin sa 'kin ni Josh. Tiningnan ko siya na para bang sinasabi na ilayo sa 'kin ang lalaking ito pero parang hindi niya maintindihan ang nais kong iparating. "I cancelled all my dates para lang makapunta ako rito." Sinasabi ko na nga ba't kaya siya busy ay dahil sa mga babae niyang gago siya! Hinding-hindi talaga ako papayag na maging boyfriend ang isang tulad niya. Gusto ko sa lalaki ay ako lang ang babae. "Iba ka talaga, tol!" naiiling na wika ni Josh. "Of course, because I'm too handsome," mahanging tugon ng lalaking 'yon kaya bigla akong napairap. Dahil sa inis na nararamdaman ko'y muli ko siyang kinurot sa tagiliran, na tipong kasama na ang laman niya kaya napahiwalay na s'ya sa 'kin. "Sh*t!" mura niya. "Hindi ko kailangan ng malandi sa pamamahay ko!" Hinawakan ko ang braso ni Josh at hinila ko siya palayo sa lalaking 'yon. Sumalubong sa amin si Gennica na panay na ang dighay kasi mukhang tapos nang lumamon. "Humanda ka sa 'kin mamaya!" pabulong kong wika nang maraanan namin siya. "Oh my gosh, ate! I'm scared!" She smirked. Hindi ko na siya pinansin pa kasi baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na hablutin ang buhok niya sa inis. Automatic na naghugis puso ang aking mga mata nang makita ko ang lechon na may bawas na kasi natira na ni Gennica. Matagal nang hinahanap ng dila ko ang lechon pero dahil ang lalaking 'yon ang nagdala, pipigilan ko ang sarili ko na huwag kumain. Umupo na si Josh at balak ko sanang umupo sa tabi niya nang bigla na lang akong inunahan ni Mask. Masama ko siyang tiningnan habang ang lapad naman ng kanyang ngisi. "Gago!" I mumbled. "Ano 'yon, honey? Gwapo ako? Alam ko na 'yon, matagal na." "Ang kapal ng mukha mo!" "Bakit? May malambot bang mukha?" Napahampas na lang ako sa aking noo sa inis na nararamdaman. Malapit na, malapit ko na talagang mapatay ang lalaking ito! Kinuha ko ang platong nasa harapan ni Josh at pinalitan ko kasi malamig na ang kanin. Muli ko siyang pinagsandukan habang hindi pinapansin ang tingin ng gagong 'yon. "Thanks," nakangiting wika ni Josh kaya napangiti ako. "How about me?" parang batang ani ni Mask habang nakahawak sa plato niya. "Edi sumandok ka ng sarili mo, may mga kamay ka naman!" Umupo na ako malayo sa kanya, asa pa naman na tumabi ako sa kanya. Sayang nga lang at wala ng upuan sa tabi ni Josh. "Bakit siya lang ang pinagsandukan mo? Bakit ako hindi?" Gusto kong magmura kasi para siyang bata na nagdadabog. Napailing na lang sa kanya si Josh. Hindi ko akalain na bukod sa pagiging malandi, may ganito rin pala siyang side. Para matapos na... tumayo na ako para pagsandukan ko siya ng kanin. Para akong nag aalaga ng bata kasi pati ulam ay pinalagay niya sa kanyang plato. Babalik na sana ako sa upuan ko nang biglang hawakan ni Mask ang braso ko kaya inis ko siyang nilingon. "Ano na naman ba?!" "Dito ka na lang sa tabi ko." Inalis ko na ang paghahawak niya sa braso ko. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na umupo na sa tabi niya. Pinangsandukan niya ako ng kanin na ikinagulat ko at nilagyan niya rin ng pang ulam. Walang imik naman ako habang pinagmamasdan ang ginagawa niya. Dumako ang tingin ko kay Josh na nakamasid din pala sa 'kin. Bigla na lang humarang si Mask kaya hindi ko na nakita pa si Josh na para bang sinasadya niya. Mukhang nasasarapan naman si Josh sa niluto kasi sumandok ulit siya ng kanin habang tahimik din na kumakain sa tabi ko si Mask. Napadako ang tingin ko sa lechon at pinipigilan ko ang sarili ko na huwag tumingin do'n pero hindi ko talaga mapigilan. Siguro ang naghiwa ng lechon ay ang driver niya. Sino ang hindi makakapagtimpi kung nasa harapan mo na ang lechon. "Huwag kang maglaway sa lechon, sa 'kin ka lang dapat maglaway. Sa katawan ko lang." Saktong ngumunguya ako kaya bigla akong nasamid dahil sa sinabi niya. Mabilis niya naman akong inabutan ng tubig na mabilis ko naman ininom. "Gago ka ba, ha?!" "Hindi, gwapo lang!" Sasagutin ko pa sana siya pero nakamasid sa amin si Josh. Ayoko naman na ma-turn off siya sa 'kin kaya hindi ko na pinansin ang malanding katabi ko. "Anong gagawin ko riyan?" Meron kasing tinapat sa bibig ko si Mask na tinidor kung saan nakatusok ang kanina ko pang pinagpapantasyahan na lechon. Ayoko ngang makita niya na tuwang-tuwa ako sa pagkain ng lechon na dinala niya. Mamaya ko 'yon titirahin kapag umalis sila. "Edi tititigan mo hanggang sa mabusog ka." Sinamaan ko naman siya ng tingin habang ang lapad naman ng kanyang ngisi. "Ha-ha! Nakakata---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kasi naisubo na niya sa 'kin ang lechon. Hindi ko napigilan na mapapikit habang marahan na ninanamnam ang masarap na lechon na nasa bibig ko. "Masarap?" Napatango naman ako. "Ako rin masarap, gusto mo akong tikman?" Nabatukan ko siya ng wala sa oras sa sinabi niya. Sinamaan niya lang ako ng tingin pero inirapan ko lang siya. "Ang landi mo!" Naparami ng nakain ang dalawa kasi mukhang nagustuhan nila ang niluto ko. Tinulungan pa ako ni Josh na magligpit ng kinainan namin habang si Mask naman ay busy na katawagan ang mga babae niya. Sinimulan ko nang hugasan ang kinainan namin habang nasa gilid ko naman si Josh. Syempre kinikilig ako kasi siguradong humahanga na siya sa 'kin dahil marunong ako sa gawaing bahay. "Do you like him?" Hindi ko napigilan na matawa sa sinabi niya. Napahampas pa ako sa lababo kasi hindi ako makapaniwala na sasabihin niya 'yon. "No way! Kahit kailan ay hindi ako magkakagusto sa isang playboy na playboy niya." Pinagpatuloy ko na ang paghuhugas ko habang natatawa pa rin ako. Hindi ko akalain na naisip 'yon ni Josh. "That's good.." Nilingon ko naman siya na ngayon ay seryoso na ang mukha. "Bakit naisip mo ang bagay na 'yon?" "Ayokong masaktan ka.." "Alam ko 'yan, kaya nga sinabi ko sa sarili ko na hindi ako mahuhulog sa bitag ng lalaking 'yon." Iniwas ko na ang tingin sa kanya at pinagpatuloy na ang paghuhugas. "Don't ever fall in love with him, I'm warning you!" Balak ko na sanang umimik pero umalis na siya. Kahit naman hindi niya sabihin ay hindi talaga ako magkakagusto sa malanding 'yon. Parang dinala ko sa kapamahakan ang puso ko sa oras na magkagusto ako sa kanya kaya hangga't maaari, kailangan ko talagang idistansya ang sarili ko sa malanding 'yon. Si Josh ang gusto ko, at hindi imposible na mahulog na talaga ako ng tuluyan sa kanya. He's my ideal man, at kahit mahal niya pa ang ex niya'y handa pa rin akong maghintay. "L-Lumayo ka nga sa 'kin!" Bigla na lang kasi akong niyakap ni Mask sa aking likuran na ikinagulat ko. Kahit na hindi ko nakikita kung sino ang nasa likod ko'y alam kong siya kasi kilala ko ang amoy ng kanyang pabango. Pilit kong inaalis ang pagkakayakap niya sa tiyan ko pero mas hinigpitan niya pa lalo. Nakapatong na rin ang chin niya sa balikat ko. "I love your smell, honey..." Nagtaasan ang balahibo ko nang maramdaman ko ang hiningi niya sa leeg ko. "B-Bibitaw ka o sasaksakin kita nito?" Tinaas ko ang kutsilyong hawak ko pero hindi pa rin siya umalis sa pagkakayakap sa 'kin. "Hindi ka natatakot na sasaksakin kitang gago ka?!" "Why would I? Alam kong hindi mo naman kayang gawin 'yon." Mahigpit kong hinawakan ang mga braso niyang nakapulupot sa 'kin at pinilit pa rin na alisin. Nakahinga ako nang maluwag kasi lumayo na siya sa 'kin. "Umalis ka na, ituloy mo na sa mga babae mo ang plano niyong date." "Are you jealous?" he smirked. "At bakit ako magseselos? Dream on! Hindi kita gusto!" Itinuon ko na muli ang pansin ko sa paghuhugas. Nakakainis kasi hindi ko matapos ang ginagawa ko. Gusto ko na makasama si Josh. "Then let's see, kung hanggang kailan mo mapapanindigan na hindi mo ako gusto." Pabagsak kong ibinaba ang plato na naglikha ng malakas na ingay. "Tapos na ang celebration kaya umalis ka na!" "Bakit ako aalis? Kung dito ako matutulog sa inyo!" Namilog ang aking mga mata sa kanyang sinabi habang ang lapad naman ng ngisi niya. "Wow! Ang kapal naman ng mukha mo na makitulog dito!" "Walang malambot na mukha." I bit my lower lip. Ginagalit niya talaga ako! "Sira ka ba, ha?! Bakit ka makikitulog dito? Puro kami babae, saka hindi kita papayagan na matulog dito!" "Bakit? Wala naman akong gagawing masama sa kapatid mo pero syempre sa 'yo meron!" Nakakuyom na ang aking mga kamao at akmang susuntukin na siya sa inis nang biglang dumating si Gennica na hindi maipaliwanag ang mukha. "Anong nangyari?" Lumapit na ako sa kanya at hinawakan ko ang magkabila niyang balikat kasi nakikita ko ang takot sa kanyang mukha. "A-Ate, natatakot ako! Meron daw nakatakas na rapist sa kulungan at pinaghihinalaan na nandito siya sa lugar natin para magtago." Bigla ko siyang niyakap at ramdam ko ang panginginig niya. Maging ako'y nakakaramdam na rin ng takot kasi kami lang dalawa ang nandito tapos pareho pa kaming babae. "Nandito lang ako, babantayan ka ni Ate." Dumako ang tingin ko kay Mask na halata sa mukha ang pag-aalala. Nagtama ang tingin naming dalawa at hindi ko maintindihan kasi biglang nawala ang takot ko. "I'll let you to sleep here tonight." Labag man sa kalooban ko na hayaan siyang matulog dito'y wala na akong magagawa. Natatakot talaga ako, lalo na para sa kapakanan ng kapatid ko. Alam kong babantayan kami ni Mask pero subukan niya lang talaga na gapangin ako, putol ang kinabukasan niya sa 'kin! Chapter 17 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 17 "A-Ate! Aray naman, ano ba?!" Nang mapansin kong mapula na ang kanyang tainga'y inalis ko na ang pagkakapisil sa kanya. Sobrang sama ng tingin niya sa 'kin nang dahil sa ginawa ko. "Bakit kasi pinapunta mo pa ang lalaking 'yon dito?! Edi sana napahaba ang moments naming dalawa ni Josh." Padabog akong umupo sa kama niya kasi naiinis talaga ako. Umalis na si Josh kasi mayroon pa siyang kailangan na gawin. Habang si Mask naman ay nasa ibaba. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya at wala akong pakialam sa kanya. Kung hindi nga lang dahil sa nalaman namin na balita'y hindi ko naman talaga siya hahayaan na magpalipas dito ng gabi. Uunahin ko muna ang kapakanan namin ng kapatid ko. Nalaman ko na kaya pala pumunta rito ang mahalay na 'yon kasi kinulit siya ng bruhang 'to. Talagang chatmate pa silang dalawa! "Mas bagay kaya kayo ni Kuya Marcus kaysa kay Kuya Josh!" "Mandiri ka nga sa sinasabi mo! Bakit gusto mong mapunta pa ako sa isang playboy na tulad nun na kali-kaliwa ang babae, ha?!" Tumayo naman ang gaga habang nakapikit ang kanyang mga mata na para bang nag de-daydream. "Ano naman kung playboy siya? Kasi once na ma-in love ang playboy, paniguradong kasing lalim ng balon kung gaano sila magmahal." Napairap na lang ako sa sinabi niya at binato ko siya ng unan. "Ate!" "Karumaldumal!" Lalapitan niya sana ako pero mabilis na akong tumakbo palabas ng kwarto niya. Mabuti na lang ay hindi na niya ako hinabol pa kasi talagang masasabunutan ko na siya. Kampante na siya kasi nandito si Mask, kanina lang ay halos mahimatay na siya sa takot. Pero nung malaman niya na matutulog dito si Mask ay para siyang nanalo sa lotto. Gusto niya talaga akong ipagtulakan sa mahalay na 'yon. Maisip ko pa lang na may gusto ako kay Mask ay nasusuka na ako. "What the hell you were doing inside my room?" Napaawang na lang ang aking mga labi nang makita ko si Mask na nakaupo sa gilid ng aking kama habang nililibot ang tingin niya sa paligid ng kwarto ko. "Tulog na tayo, honey?" Nakahiga na siya habang nakatagilid at nakahalumbabang nakatingin sa 'kin. Para siyang nang-aakit sa paraan ng pagtingin niya na ikinakulo ng dugo ko. "Get out!" Hinila ko ang braso niya at pilit ko siyang pinapatayo. Pero dahil sa lalaki siya... ako ang nahila niya kaya napahiga ako sa kanyang tabi. "B-Bitiwan mo nga ako!" Bigla niya na lang akong niyakap sa likod kaya naman pilit ko siyang inilalayo sa 'kin. Mabuti sana kung si Josh siya, pero hindi, e, kung hindi ang mahalay na 'to! "I won't let you go," bulong niya. Pakiramdam ko'y nagtaasan ang balahibo ko nang maramdaman ko ang init ng hininga niya sa aking batok. "A-ano ba?! Kapag hindi ka pa bumitaw, kakasuhan talaga kita ng rapist!" Nakahinga ako nang maluwag nang inalis na niya ang kanyang yakap. Mabilis naman akong bumangon at pinaghahampas ko siya ng unan. "D*mn it! Stop!" "Hindi porket pinatuloy kita rito'y basta ka na lang papasok sa loob ng kwarto ko. Hindi mo ito pamamahay!" Patuloy pa rin ako sa paghampas sa kanya ng unan nang bigla niya 'yon hulihin kaya napahinto na ako. "I'm bored.." "Edi umuwi ka na! Labas!" Tinuro ko pa ang pintuan pero hindi niya inalis ang tingin niya sa 'kin. Nakataas lang ang sulok ng kanyang mga labi na para bang may balak siyang gawin. "M-May binabalak ka sa 'kin, noh?" Nakayakap na ako sa sarili ko habang naglalakad na siya papalapit sa 'kin. Humahakbang naman ako palayo sa kanya.. mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko nang maramdaman na napasandal na ako sa dingding. "Make me busy..." Napansin kong palipat-lipat na ang tingin niya sa aking mga mata at sa mga labi ko. "P-Pinagsasabi mo?" hindi ko mapigilan na mautal sa paraan ng pagtitig niya. "Are you scared, honey?" Hinawakan niya ang kanan kong pisngi habang hinahaplos ng thumb niya ang pang-ibaba kong labi. Nanghihina na ang aking mga tuhod at naiinis ako kasi hindi ko siya magawang itulak. "B-Bakit ako matatakot?" Pinilit kong labanan ang titig niya habang hindi pa rin nawawala ang ngisi sa kanyang mga labi. "Let's play a game..." Lumayo na siya kaya nakahinga na ako nang maluwag. Pauli-uli lang siya sa harapan ko habang may iniisip. Ngayon ko lang napansin na iba na ang suot niya. Mukhang pinagplanuhan niya talaga ang pagtulog dito kasi may dala siyang pamalit. Napansin ko rin na basa pa ang buhok niya na siguradong kakatapos niya lang maligo. Bigla naman akong nanigas habang iniisip kung saan siya naligo. Huwag sana sa kwarto ko kasi kingina lang! Lamunin na sana ako ng lupa. "Ginamit mo ba ang banyo ko?" Huminto na siya sa harapan ko at bigla na naman ako nakaramdam ng kaba sa ngisi niya. "Yes..." "Y-You mean? N-Nakita mo?" Nakataas ang isang kilay niya at dumako ang tingin niya sa dibdib ko na mabilis ko naman niyakap. Kahit na hindi niya sagutin ay alam kong nakita niya ang mga nakasabit kong bra. Nakasanayan ko na talagang magsabit ng bra sa likod ng pinto para madaling mahanap kapag maglalaba si Aling Myla. Bakit kasi hindi ko naisip na alisin 'yon? Edi sana hindi nakita ng mahalay na 'to. Paano kung pinagpantasyahan niya ang bra ko? O 'di kaya'y kinuhanan ng litrato para maging panakot sa 'kin at makuha ang puri ko? "Of course, honey.. Sino ang hindi makakapansin sa nakabandaritas mong colorful na bra." "Bastos!" Binato ko siya ng suklay pero mabilis siyang nakaiwas. Tinaas ko ang manggas ng damit ko habang pinakita ko sa kanya ang aking kamao. "Humanda ka talaga sa 'kin!" Bigla na lang siyang lumabas ng kwarto ko kaya sinundan ko siya. Hindi ako makakapayag na hindi siya magantihan sa araw na 'to. Kanina pa ako nagtitimpi sa kanya! "Oh sh*t! Stop it! Kapag hindi ka pa tumigil sa paghampas sa 'kin..." Hinawakan niya ang magkabila kong braso para pigilan ako sa paghampas sa kanya. Naabutan ko kasi siya sa baba kaya hindi na ako nag aksaya pa ng oras na hampasin siya. "O anong gagawin mo? Ipagkakalat mo ang nakita mo? Ha? Para masiraan ako? Ganun ba?!" Inalis na niya ang pagkakahawak sa magkabila kong balikat habang ang lakas ng kanyang halakhak. Nakahawak pa siya sa kanyang tiyan. "Seriously?! Naisip mo 'yon?" "E ano bang gagawin mo?" Umupo na ako sa sofa habang patuloy pa rin siya sa pagtawa. Hindi na lumabas pa si Gennica kasi alam kong gusto niya na magsolo kaming dalawa ng malanding 'to. Humanda talaga sa 'kin ang babaeng 'yon mamaya. Hindi pa kami tapos! "I will kiss you so hard until your lips bleed." Binato ko siya ng maliit na unan ng sofa na mabilis naman niyang naiwasan. "Wala ka nang alam kundi ang manghalik!" Binuksan ko ang tv nang maramdaman kong umupo na siya sa tabi ko. Lumayo naman ako sa kanya pero dahil malandi siya... umipod ulit siya papalapit sa 'kin. "Baka kapag nagawa ko rin sa 'yo ang pinakamalupit na alam ko'y mahibang ka sa sa----" hindi ko na siya pinatapos umimik kasi tinakpan ko na ang kanyang bibig. "Wala akong gana na makinig sa kahalayan mo!" Nilaksan ko ang volume ng tv para hindi ko na marinig ang sasabihin niya. Naramdaman kong pinatong niya ang braso niya sa sofa kaya parang nakaakbay siya sa 'kin. Nagsasawa na akong makipag away sa kanya kaya hinayaan ko na lang siya. "Ohh-- Grey!" "Ay puta!" bigla na lang akong napamura kasi pagkalipat ko ng channel ay saktong palabas ang fifthy shades of grey. "D*mn it, Honey! Bakit mo pinatay? Nanonood pa ako!" Nilayo ko naman sa kanya ang remote habang pilit naman niya 'yong inaabot. "Pwede ba, Mask! Umarte ka naman na inosente ka, kahit na ngayon lang? Pwede ba?!" "Ano ba ang ginagawa nila? Bakit sarap na sarap 'yung babae? Bakit nasa likod nung babae 'yong la--- fuck!" Hinampas ko ng malakas sa kanya ang remote kasi hindi ko na makayanan pa ang kahalayan niya. "What the hell?! Bakit mo 'ko hinampas? You told me to act innocent!" Ang sama na ng tingin niya sa 'kin habang hinahaplos ang noo niya na hinampas ko ng remote. "Walang pagbabago kasi mahalay ka pa rin!" Balak ko na sanang tumayo nang hawakan niya ang braso ko para pigilan na makaalis. "Ano?!" Napadako ang tingin ko sa noo niya na sobrang pula. Bigla naman akong nakonsenya kasi sa palagay ko'y magbubukol 'yon kasi malakas ang nagawa kong hampas sa kanya. "Mask?" halata sa mukha niya ang pagtataka. Oo nga pala, hindi nga pala niya alam na Mask ang tawag ko sa kanya sa aking isipan. "Malanding Adik Sa Kiss.." "Seriously?" "Bakit? May angal ka?!" Pinakita ko sa kanya ang kamao ko at napangisi ako kasi mabilis siyang umiling. "Bakit kayo lang dalawa ang nandito? Where's your parents?" Napansin kong pinagmamasdan niya ang family picture namin kung saan buo pa kaming pamilya. Hanggang sa alaala na lang namin 'yon mababalikan pa. "Nasa States si Mama habang si Papa naman ay nasa ibang bahay na. I mean may iba na siyang pamilya." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para mapigilan ang mapaluha. Hindi ko pa rin kasi matanggap na hindi na kami buong pamilya. Bakit kasi kailangan pang ipagkasundo kung hindi naman talaga mahal ang isa't isa? Edi sana hindi kami hahantong sa ganito. Bigla niyang hinawakan ang kanan kong pisngi para maiharap ako sa kanya. Nagtama ang tingin naming dalawa. Wala akong nakikitang kahalayan sa paraan ng titig niya. "It is okay to cry," he whispered. Nang dahil sa sinabi niya'y hindi ko na napigilan na maluha. Bigla niya akong niyakap at hinayaan ko lang siya na ikulong ako sa bisig niya. "Magiging okay din ang lahat.." I don't know why but I felt safe inside his arms. Gumaan din ang loob ko habang hinahaplos niya ang likod ko. Humiwalay na ako sa kanya at pagtunghay ko'y nagtama ang tingin naming dalawa. "I can't look at you without wanting to kiss you.." Hinawakan niya ang kanan kong pisngi habang palipat lipat ang tingin niya sa aking mga mata at sa mga labi ko. Pinikit ko ang aking mga mata nang mapansin na papalapit na ang mukha niya sa 'kin. Napahigpit ang hawak ko sa unan nang maramdaman ko ang pagdampi ng kanyang mga labi sa 'kin. He kissed me passionately. I put my arms around his nape and deepened the kissed. Hinahayaan ko na naman siya na angkinin ang mga labi ko, at naiinis ako sa sarili ko kasi bumibilis ang kabog ng puso ko habang magkalapat ang mga labi naming dalawa. "W-Why? Bakit gusto mo palaging angkinin ang mga labi ko?" Muli niyang dinampian ng halik ang aking mga labi bago niya ilayo ang mukha sa 'kin. "Because kissing you makes me hor-----" hindi ko na siya pinatapos kasi hinampas ko na sa kanya ang unan na hawak ko. "Bakit ba ang landi mo, ha?!" Patuloy lang ako sa paghampas sa kanya nang bigla niyang hawakan ang braso ko para pigilan ako. "Kissing you makes me happy.." Natigilan ako sa sinabi niya at napaiwas na ng tingin. Tumayo na ako at mabilis na naglakad papalayo sa kanya. "Huwag mo akong iwanan dito, honey, maglalaro pa tayo!" "Maglaro kang mag-isa mo! Gago!" Pagkapasok sa kwarto ko'y napahawak na lang ako sa aking dibdib na sobrang lakas ng kabog. Hindi ko dapat maramdaman 'to, maling tumibok ang puso ko sa playboy na 'yon kasi alam kong masasaktan lang ako.. Chapter 18 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 18 "Bakit ka naman mayroong suot na face mask? Anong trip mo sa buhay?" Halata sa mukha niya ang pagtataka kasi ngayon niya lang akong nakitang may suot na ganito. "Mas mabuti nang ligtas.." Pinagmasdan ko ang mukha ko sa harapan ng salamin. Sobrang cute ng suot kong face mask na ang design ay si Hello Kitty. "Ligtas sa halik ni Kuya Marcus?" Nilingon ko siya at pinaningkitan ng tingin. "Huwag mo ngang banggitin ang mahalay na 'yon!" "Bakit, Ate? Nahuhulog ka na sa kanya, noh?" "Asa pa naman!" Binato ko siya ng suklay ko pero mabilis naman siyang nakaiwas. Sapul na sana sa noo niya pero mabilis siyang nakayuko. Sayang! "Ate!" Halos patayin na niya ako sa tingin niya kasi muntikan na talaga siyang tamaan ng suklay ko. Sobrang bigat pa naman nun na siguradong magbubukol ang noo niya. "Hinding-hindi ako magkakagusto sa lalaking 'yon! Itaga mo sa bato na hindi mangyayari ang bagay na 'yon!" Muli akong humarap sa salamin at inayos ang pagkakasuot ko ng face mask. Pakiramdam ko'y sobrang init sa bibig ko kasi hindi naman ako sanay na magsuot ng ganito. Kung hindi lang dahil sa mahalay na 'yon... hindi ko maiisipan na magsuot ng ganito. Ayokong angkinin na naman niya ang mga labi ko kasi baka hindi ko na mapigilan. Mapigilan na mapatay siya sa kalandiang taglay! "Pero nagpapahalik ka naman sa kanya! Akala mo hindi ko kayo nakita nung gabing 'yon." Namilog ang aking mga mata sa sinabi niya. Pakiramdam ko'y sobrang pula na ng mukha ko. Hindi ko akalain na nakita niya kaming dalawa ni Mask na nasa ganung sitwasyon. "Wala lang 'yon!" Tumayo na ako at sinakbit ang aking bag. Hindi ko na siya hinintay pa kasi lumabas na ako ng bahay. Alam kong hindi niya ako titigilan kaya mabuti pang mauna na ako sa kanyang pumasok. Mabuti na lang talaga na hindi na ako ginulo ni Mask nung gabing 'yon. Pagkagising ko kinabukasan ay nalaman ko sa kapatid ko na umalis na ang lalaking 'yon. Hindi man lang nagawang magpaalam sa 'kin na aalis siya. Napahampas naman ako sa aking noo. Wala dapat akong pakialam sa kanya! Ayokong magkagusto sa kanya, ayokong mahulog ako sa bitag niya kasi sa huli'y ako lang ang masasaktan. Bigla kong naalala ang sinabi ni Josh, binalaan niya akong huwag mahulog kay Mask. Pero bakit? Alam niya ba ang tumatakbo sa utak ng mahalay na 'yon? Sabagay, magkaibigan nga pala silang dalawa. Hindi na nakakapagtaka kung alam nga ni Josh ang pakay sa 'kin ni Mask. "Gianna..." Binilisan ko ang lakad ko kasi humahabol sa 'kin ang tatlong engkanto. Nang maabutan nila ako'y kumapit ang dalawa sa magkabila kong braso habang nasa harapan ko naman ang leader nila. "O bakit?" "Sungit mo naman," sabi nung nasa kaliwa ko. "So what?" tugon ko. "What's with the face mask?" tanong naman ng leader nila na nasa unahan ko. "Hindi niyo ba alam na may kumakalat na virus ngayon? Kaya lumayo kayo sa 'kin at baka mahawaan ko pa kayo!" "Oh my gosh!" gulat na wika nung nasa kaliwa ko at lumayo na siya sa 'kin. "Baka maging zombie na siya at kainin na tayo!" natatakot na wika naman ng nasa kanan ko. "Let's go, gurls! Ayoko pang mangain ng brain," sabat naman ng leader nila. Mabilis silang nagtatakbo palayo sa 'kin habang nakahawak na ako sa tiyan sa kakatawa. Naniniwala talaga sila sa sinabi ko. Hindi na ako magtataka kung madali silang maloloko. Habang naglalakad ako sa hallway ng school ay nililibot ko ang tingin ko para hanapin si Josh. Hindi ko rin makita si Mas- Ghad! Ano ba naman 'yan, Gianna! Bakit ba hinahanap mo ang lalaking 'yon? "Stella..." Nagtatakbo ako papalapit sa kanya at kumapit sa braso niya. Feeling close ako, e. "Uy, Gianna," she smiled. Mukhang good mood siya ngayon, sana hanggang mamaya para naman may makasama ako mamayang kumain sa cafeteria. "Congrats nga pala ulit..." "Thank you, gurl, oo nga pala, busy ka ba mamaya?" Mabilis naman akong umiling kasi wala naman akong gagawin mamaya. Natapos ko na rin ang whole episode ng Korean drama na pinapanuod ko kaya may time na ako. "Hindi naman, bakit?" "That's good! Ite-treat kita mamaya para sa pagkapanalo ko." Lumapad naman ang ngiti ko sa sinabi niya. Sana rito na magsimula ang pagkakaibigan naming dalawa. Nagkakausap naman kami pero hindi ko matawag na magkaibigan kaming dalawa. Ayoko naman magtanong sa kanya kasi baka isipin niya na assuming ako. "Anong meron sa inyong dalawa ni Josh?" Natakpan ko ang bibig ko kasi hindi ko napigilan na sabihin 'yon. Napansin ko naman na napangiti siya nang banggitin ko ang pangalan ni Josh. Hindi kaya tama nga ang hula ko na may namamagitan sa kanilang dalawa? "Si Josh? Sobrang special na tao sa buhay ko." Pumasok na siya sa loob ng room habang naiwan naman akong tulala sa labas. Ibig sabihin tama nga na may namamagitan sa kanilang dalawa? Paano na ako makakapasok sa puso ni Josh kung magiging karibal ko si Stella? Ah basta! Hindi ako papayag na maagaw niya ang future husband ko. Ako lang ang babaeng nararapat sa kanya! Walang kahit sino ang pwedeng umagaw sa trono ko bilang asawa ni Josh! Pagkaupo ko sa upuan ko'y dumako agad ang tingin ko sa upuan nung dalawa. Wala pa rin sila hanggang ngayon. Nakakapanibago kasi palagi namang maaga ang dalawang 'yon na pumasok. Nilingon ko si Stella na ngayon ay busy na naman sa pag-guhit. Mukhang hindi ko na siya maaabala pa kaya nilabas ko na lang ang phone ko para abalahin ang sarili ko. Napangiti ako nang makita ko ang wallpaper ko. Napaka gwapo talaga ni Josh, idagdag pa na maganda rin ako kaya bagay talaga kaming dalawa. Paniguradong maganda ang magiging bunga namin. "Ay--- pota ka, Mask!" Bigla na lang may humablot ng phone na hawak ko. Pagtingin ko'y sumalubong sa 'kin si Mask na babagong dating. Kasunod niya si Josh na nakatingin sa 'kin na mabilis ko naman nginitian. "Ang pangit ng wallpaper mo!" Pilit kong inaagaw sa kanya ang phone ko pero itinaas niya lang 'yon habang may pinipindot. Napansin kong nakamasid na lahat sila sa amin. "Kingina! Ibalik mo sa 'kin 'yan!" Pilit akong tumatalon habang inaagaw sa kanya ang phone ko. Sobrang tangkad niya kasi kaya hindi ko makuha ang phone ko mula sa kanya. "Edi abutin mo!" nakangisi niyang wika. Kinuyom ko ang kamao at akmang susuntukin siya nang biglang pumasok si Teacher na Tanda. "Ms. Arellano!" Kahit na naka face mask ako'y nakilala pa rin ako ng matandang 'yon. Napansin kong nagpipigil ng tawa ang mga kaklase namin habang si Mask naman ay ang lapad lang ng ngisi. "What do you think you were doing?!" Malakas niyang binagsak sa mesa ang hawak niyang libro kaya naman mariin kong ipinikit ang aking mga mata. "Wala po 'yon, Sir! Naglalambingan lang po kami. Right, honey?" wika ni Mask. Pinaningkitan ko ng tingin si Mask na halos mapunit na ang kanyang mga labi sa kakangisi. Nang mapansin kong nakababa na ang kamay niyang nakahawak sa phone ko'y mabilis ko naman kinuha 'yon sa kanya. "Mukha mo!" Umupo na ako habang hindi pinapansin ang Teacher na nasa unahan. Bahala siya! Alam ko naman na kakampihan niya ang lalaking 'to. Umupo na rin si Mask sa upuan niya habang ang sama pa rin ng tingin ko sa kanya. "Siraulo!" naiiling kong wika nang makita ko ang wallpaper ng phone ko. Hindi ko napansin na nag selfie na pala siya at ginawa niya pang wallpaper. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'yon! "Subukan mong baguhin 'yan, humanda talaga sa 'kin ang mga labi mo!" Hindi ko na naituloy ang gagawin kong pagpapalit ng wallpaper dahil sa sinabi ng lalaking 'yon. "As if mahahalikan mo ulit ako! Gago!" Mas inilapit niya pa ang upuan niya sa 'kin kasabay ng pagpatong ng braso niya sa likod ng upuan ko. Para bang wala lang sa kanya na may Teacher sa unahan. "Really, honey? I know you can't resist me.." Naramdaman ko ang paghaplos niya sa balikat ko kaya naman mabilis ko siyang siniko. Mas lalo yatang lumalala ang kahalayan niya. Dito pa talaga sa room, sa harapan pa ng maraming tao. Napansin kong nakatingin sa amin si Josh kaya naman pilit kong nilalayo si Mask kasi ayokong iba ang isipin niya. "L-Lumayo ka nga sa 'kin!" Walang magawa ang pagpapalayo ko sa kanya kasi nagmatigas siya. "Kahit magsuot ka pa ng face mask, maangkin ko pa rin ang mga labi mo." Sinipa ko siya kaya mahina siyang napamura. Hindi ko na talaga kaya ang kalandian niya. Bakit nga ba hinayaan ko ang sarili ko na magpa-comfort sa kanya nung gabing 'yon? Para kasing ibang tao siya, nakita ko sa kanya ang pag-aalala kaya hinayaan kong makita niya akong umiiyak. "Ms. Arellano?" "Yes po, sir?" Mabuti na lang inalis na ni Mask ang pagkaka-akbay sa 'kin kasi nung tinawag ako ni Sir ay naglingunan silang lahat sa lugar namin. Syempre masama ang tingin nila sa 'kin lalo na ang kababaihan kasi halos lahat ng nandito ay may gusto sa dalawa. Maliban na lang sa tatlong engkanto na para bang natatakot sa 'kin kasi ang inaakala talaga nila'y may virus ako. Napailing na lang ako sa kanila. "Please get these books at the library..." Lumapit naman ako sa kanya at napanganga nang makita kung gaano karami ang librong kailangan kong hanapin. "Sir, sobrang dami naman nito! Baka tapos na po ang time natin ay hindi ko pa rin nahahanap ang lahat ng libro." "Okay, basta zero ka s---" hindi ko na siya pinatapos na magsalita kasi kinuha ko na sa kanya ang papel kung saan nakalagay ang title ng mga libro na hahanapin ko. "Joke lang, Sir! Kukuhanin ko na po.." Paglabas ko ng room ay nakuyom ko na lang ang kamao ko sa inis na nararamdaman. Halata naman na gusto lang akong parusahan ng matandang 'yon dahil sa nasaksihan niya kanina. Baka pati si Sir ay kamag anak ng lalaking 'yon? Kaya ganun na lang ang galit sa 'kin. Ang malas talaga sa buhay ko ng lalaking 'yon. Kailangan ko na talaga siyang puksain para mawala na siya sa landas ko. Gusto pa sana akong samahan ni Josh pero mabilis ko naman siyang tinaggihan. Ayokong pati siya'y maghirap sa paghahanap. "Gianna..." Hindi ko napansin na may kasabay na pala akong naglalakad. Nilingon ko siya na ngayon ay ang lapad ng ngiti. Inalis ko na ang face mask ko kasi binabanas na ako. "Uy, Dan!" Siya 'yong lumapit sa 'kin no'ng araw ng intrams na kasamang palad ay sumulpot bigla si Mask. Hindi tuloy ako naka-landi! Sayang naman. "Akala ko'y nakalimutan mo na ako," malungkot niyang wika. "Hindi naman, madali kasing maalala ang pangalan mo dahil kapangalan mo 'yong bida sa Angel's last mission." Tumango siya habang ang lapad pa rin ng ngiti niya. Napansin kong marami ang habol ang tingin sa amin lalo na ang mga kababaihan. Mukhang habulin din siya kasi gwapo naman talaga siya. "Saan ka nga pala pupunta?" "Sa library, may kukuhanin lang na libro." Pinakita ko sa kanya ang hawak ko na papel. "Tamang-tama at wala akong klase kaya matutulungan kita." Nakarating na kami sa library habang hindi pa rin mawala ang ngiti sa mga labi niya. Hindi kaya tinamaan na siya sa 'kin? Hinati ko ang papel at binigay sa kanya ang ilang title ng libro na hahapin niya habang sa 'kin naman ang kalahati. Humiwalay na ako sa kanya kasi sa pinakadulong shelf pa mahahanap ang libro na kailangan ko habang ang sa kanya naman ay sa pinakaunahan. "Hindi mo ba mahanap ang mga libro?" May nahanap na akong tatlo habang siya naman ay wala pa kahit na isa. "Hindi ko mahanap kaya pumunta ako rito para samahan ka," nakangisi niyang wika. Pakiramdam ko'y nanghina ang mga tuhod ko sa paraan ng pag ngisi niya. "A-Anong gagawin mo sa 'kin?" Napansin kong papalapit siya sa 'kin kaya umatras ako palayo sa kanya. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko kasi napasandal na ako sa shelf. "Hindi mawala sa isipan ko ang sexy mong katawan. Paano pa kaya kung makita kitang walang saplot?" Pinasadahan niya ang buong katawan ko. Dumako ang tingin niya sa mga hita ko kaya lumakas ang kabog ng puso ko sa kaba. Bakit ba nagtiwala ako sa kanya? Sa tingin pa lang niya ay alam kong mas manyak pa siya kay Mask. "B-Bastos!" Itutulak ko sana siya pero mabilis niyang nahawakan ang kanan kong braso at inilapit ang kanyang mukha sa 'kin. "I know you want me, babe! Mabilis lang 'to!" "B-Bitiwan mo ako!" Naiiyak na ako kasi sobrang lakas niya. Wala akong laban sa kanya. Wala manlang estudyante ang napapadpad dito. "Napagsawaan ka na naman ng gagong 'yon kaya ako naman!" Nagulat ako nang bigla niyang sirain ang uniform ko habang pilit akong nanlalaban. Lumantad sa kanya ang dibdib ko kaya mas lalo siyang ngumisi. Bumubuhos na rin ang luha ko sa takot na nararamdaman. "H-huwag, please..." Hinahalikan na niya ako sa leeg ko habang pilit ko pa rin siyang tinutulak "You fucking asshole!" Sa isang iglap ay nailayo na ni Mask sa 'kin si Dan kasabay ng malakas na suntok niya. "How dare you touch my girl?! Asshole!" Napaupo na lang ako habang nanginginig pa rin ako sa takot. Bumagsak si Dan dahil sa sunod-sunod na suntok sa kanya ni Mask. "I'm sorry, honey.. Hush.. Stop crying na, nandito na ako.." Mahigpit ang yakap sa 'kin ni Mask habang patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. Ginantihan ko rin siya ng yakap. "N-Natatakot ako, Marcus, sobrang natatakot ako.." Mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa kanya. Kung hindi siya dumating malamang nababoy na ako ng lalaking 'yon.. "Honey, I can feel your boo---" Hindi ko na siya pinatapos magsalita kasi tinulak ko na siya palayo habang yakap ko na ang sarili ko. Nakikita na pala ang bra ko dahil sa ginawa ng gagong 'yon. "Nasa ganito na nga akong kalagayan, hindi pa rin nawawala ang kahalayan mo!" Bigla niyang inalis ang uniform niya at isinuot sa 'kin. Mabuti na lang may suot siyang sando. "Hindi ko na hahayaan na mangyari 'to! Walang kahit sino ang pwedeng nagpaiyak sa 'yo!" he whispered at hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko. Bigla niya akong binuhat nang pangkasal habang hindi ko naman mapigilan na mapangiti. Nang maraanan namin ang lalaking 'yon na walang malay ay malakas niya 'tong sinipa. "Fuck you! Humanda ka sa 'kin mamaya!" Alam kong malapit na, malapit na talaga akong mahulog sa kanya at natatakot ako na baka hindi niya ako magawang saluhin... Chapter 19 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 19 Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may mabigat na bagay na nakapatong sa katawan ko. Pagmulat ko'y namilog ang aking mga mata kasi sumalubong sa 'kin ang mukha ni Mask. Magkaharapan kaming dalawa kaya sobrang lapit namin sa isa't isa. Mahimbing siyang natutulog sa tabi ko habang nakayakap pa siya sa 'kin. Nakadantay pa ang isang binti niya na para bang sinisigurado niya na hindi ako makakawala sa bisig niya. Sa halip na gisingin ko siya... mas minabuti ko na lang na pagmasdan ang kanyang mukha. Mula sa makapal niyang kilay, sa pilik na mahaba, sa kanyang matangos na ilong at sa mapula niyang mga labi. Hindi ako makapaniwala na ako lang ang babaeng hinahalikan niya. Swerte na ba ako nun? Pagkarating namin dito sa clinic ay nakatulog agad ako sa takot na nararamdaman. "Sana palagi ka na lang tulog para walang kahalayan na tumatakbo sa isip mo..." Napansin kong nakasando pa rin siya kasi suot ko pa rin ang kanyang uniform. Bigla ko tuloy naalala ang nangyari kanina. Kung hindi siya dumating malamang baka kung ano na ang nangyari sa 'kin. Habang pinagmamasdan ko siya... alam kong kahit na naiinis ako sa kalahayan niya ay mayroon na siyang puwang sa puso ko na sobrang ikinatatakot ko. "Sleep again, honey, hindi ako mawawala sa tabi mo." Namilog ang mga mata ko kasi bigla siyang umimik. Ibig sabihin kanina niya pa alam na pinagmamasdan ko siya? "Kanina ka pa gising?" Hindi siya sumagot, pilit kong inaalis ang pagkakayakap niya sa 'kin pero nagmatigas siya. Mukhang gising nga talaga siya. "A-Ano ba?! Bitiwan mo nga ako at hindi na ako makahinga." Medyo lumuwag ang pagkakayakap niya pero hindi ko pa rin talaga magawang umalis sa bisig niya. "Siguro minomolestya mo na ako habang tulog ako? Mapapatay talaga kita!" "Nah! Why would I? I'm too tired to do that.." "Wow! Napapagod ka pala?" "Of course, honey, may nadala lang naman sa ospital nang dahil sa 'kin," proud niyang wika. Umalis na siya sa pagkakayakap sa 'kin at sumandal sa headboard ng kama. Hindi ko mapigilan na pagmasdan siya na ngayon ay ang lapad ng ngisi. Medyo magulo ang buhok niya na nakakadagdag ng kanyang kagwapuhan. "What do you mean?" Babangon na sana ako pero hinawakan niya ang braso ko para pigilan. Nagulat na lang ako nang muli siyang yumakap sa 'kin. Para siyang pusang nanlalambing. Nakasubsob ang kanyang mukha sa leeg ko kaya ramdam ko ang init ng kanyang hininga. Nakakainis kasi nasasanay na ako sa kalandian niya. "Edi pinagbayad ko ang gagong 'yon sa ginawa niya sa 'yo!" "Anong ginawa mo sa kanya?" " "It's a secret, honey.." Minabuti ko na lang na huwag na lang siyang kulitin. Nagulat ako nang bigla niyang halikan ang tuktok ng noo ko na ikinabilis ng kabog ng puso ko. "Sleep again, honey," he whispered. Naramdaman ko na lang na lumapat na ang mga labi niya sa 'kin. Dalawang segundo lang 'yon pero nagtaasan na ang mga balahibo ko. Umayos na siya ng higa sa tabi ko habang nakayakap pa rin sa 'kin. Naiinis ako kasi hinahayaan ko lang siya na ikulong ako sa bisig niya at natatakot ako na baka hindi ko na magawang kumawala pa. Si Josh ang gusto ko pero bakit bumibilis ang tibok ng puso ko tuwing kasama siya? Bakit kapag hindi ko siya makita ay hinahanap siya ng mga mata ko? Anong nangyayari sa 'kin? Sa kakaisip ay hindi ko namalayan na nakatulog ulit ako habang nakakulong ako sa bisig niya. Nagising lang ako nang may narinig akong nag-uusap. Tumingin ako sa tabi ko pero hindi ko na siya natagpuan pa. Wow! Sinabi niya pa naman na hindi siya mawawala sa tabi ko... pero ngayon nasaan na siya? Nakakainis! "Okay ka lang ba, gurl?" Bigla akong niyakap ni Stella kaya hindi ko mapigilan na mapangiti. Sana talaga magkaibigan na kaming dalawa. "Okay lang ako," tugon ko. "Mabuti naman, sobrang natakot ako nang malaman ang balitang 'yon," aniya. "A-Ano? Kumalat na ang balita tungkol sa nangyari sa 'kin?" "No. Kami lang ang nakakaalam kasi sa amin lang sinabi ni Marcus," sabi ni Stella. Tumingin ako kay Josh na halata sa mukha ang pag-aalala. Tumayo siya at naglakad papalapit sa 'kin. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin. "You got me worried, Gianna," he whispered. "I'm sorry kung wala ako sa tabi mo kanina, tangina! Naipagtanggol sana kita sa gagong 'yon! Naramdaman kong hinaplos niya ang buhok ko. "Ano ka ba naman, Josh? Okay lang ako, wala naman nangyaring masama sa 'kin." Nanatili pa rin ang yakap niya sa 'kin at wala akong nararamdaman na kung ano. Hindi bumilis ang tibok ng puso ko na hindi tulad ng naramdaman ko kanina habang nasa bisig ako ni Mask. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko. Hindi na talaga tama ang nararamdaman ko. Humiwalay na siya ng yakap at hinawakan ang magkabila kong pisngi. Nakatitig lang siya sa mga mata ko na halata pa rin ang pag-aalala. "Sa susunod hindi na kita hahayaan na mag-isa. Ayoko nang mapahamak ka pa." "Salamat, Josh..." Muli niyang hinaplos ang buhok ko at napadako ang tingin ko kay Stella na tahimik lang na nakatingin sa amin. Hindi kaya nagseselos siya? Ibig sabihin may namamagitan nga talaga sa kanilang dalawa? "Gurl, may dala akong pamalit. Mabuti na lang may extra pa akong damit sa locker." "Thank you, Stella!" Binigay ni Stella ang isang paper bag sa 'kin. Nagpaalam naman ako sa kanila na magpapalit lang ako. Mabuti na lang mayroong C.R dito sa clinic. Napansin ko na wala ang nurse kaya pala ang lakas ng loob na landiin ako ni Mask kanina. Speaking of him? Nasaan siya? Bakit pagkagising ko'y nawala na siya sa tabi ko? Bakit ba hinahanap ko siya? Nakakainis! Ang pinalit ko ay isang dress na medyo hapit sa 'kin. Mabuti na lang hindi masyadong maikli kaya ayos lang. "Ang bango," napapikit na lang ako nang amuyin ko ang uniform ni Mask. Sobrang nakakaadik ang amoy niya. Bigla akong napailing. Hindi na talaga tama ang nararamdaman mo. Hindi niya naman ako sasaluhin. Paglabas ko ng C.R ay natanaw ko ang dalawa na seryosong nag-uusap. Balak ko sanang magtago para mapakinggan ang pinag-uusapan nila pero nakita na ako ni Josh kaya wala na akong nagawa kundi ang lumapit sa kanila. "Okay lang ba?" umikot pa ako sa harapan nila. "You're beautiful," sabi ni Josh na ikinapula ng mukha ko. "Indeed," tugon naman ni Stella. "Thank you...." Umupo na ako sa gilid ng kama nang mapansin kong may hawak na Jollibee si Josh. Automatic na nagpuso ang mga mata ko nang makita 'yon. "Kumain ka muna." Hinila niya ang mesang maliit at pinatong ang Jollibee. Nang makita ko ang chicken joy ay mas lalong lumapad ang ngiti ko. "Hindi ba kayo kakain?" tanong ko sa dalawa. "I'm on diet," tugon ni Stella. "Ikaw, Josh?" "Makita lang kitang kumakain, busog na ako." Bigla naman akong nabulunan sa sinabi niya. Maagap niya naman ako binigyan ng maiinom. "Okay ka lang ba?" tanong ni Josh. Tanging pagtango na lang ang naisagot ko sa kanya kasi puno na ng laman ang bibig ko. Hinayaan ko lang sila na panuorin ako na kumain. "Tara na pumasok sa klase," sabi ko sa kanila. Nagtinginan naman sila kaya kumunot ang noo ko. "You're going home," ani ni Josh. "Oo nga, gurl! Magpahinga ka na lang. Sa ibang araw na lang kita ite-treat." Lumapit sa 'kin si Stella at niyakap ako. Nakakapanibago pa rin talaga ang kinikilos niya. "Ingat ka, Stella!" Kinawayan ko pa siya bago kami nagpatuloy ni Josh sa paglalakad. Papunta kami ngayon sa parking lot kasi ihahatid niya raw ako. "Huwag mo na kaya akong ihatid, Josh? Kaya ko naman maglakad... saka may klase pa tayo 'di ba? Ayokong hindi ka maka-attend sa isang klase." "It's okay as long as you're safe.." Pinagbuksan na niya ako ng pinto ng kotse niya kaya wala na akong nagawa kundi ang sumakay. "Alam mo ba kung anong nangyari sa gagong 'yon?" "Pinagsusuntok ni Marcus ang gagong 'yon hanggang sa mawalan ng malay." "Ano?!" I shouted. "Ang ayaw niya sa lahat ay may binabastos na babae kaya ganun na lang ang galit niya." Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Kaya ba nasa ospital ang gagong 'yon nang dahil kay Mask? Nasisiraan na ba siya ng bait? For Pete's sake, siya ang President tapos gagawin niya 'yon? May sayad na talaga siya. Gusto kong tanungin kung nasaan si Mask pero pinipigilan ko ang sarili ko. Ayokong iba ang isipin niya. "We're here." Hindi ko napansin na nasa tapat na pala kami ng bahay. Mabilis siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Hinawakan niya pa ang kamay ko para alalayan ako na bumaba. "Ingat ka, Josh..." "I'll stay here with you." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Mukhang matutuloy na ang plano kong gahasain siya pero joke lang! Bakit parang naiilang na ako sa kanya? "Hindi pwede, 'di ba may klase pa tayo? Kaya pumasok ka na, okay lang ako naman ako rito." Pilit ko siyang tinulak papasok sa loob ng kotse niya pero nagmatigas siya. "Please let me stay here with you, Gianna.." Malakas akong napabuntong hininga kasi mukhang wala na akong magagawa. "Sige na nga, basta ipagluluto mo 'ko!" Bigla naman siyang natawa sa sinabi ko. "Of course, I'll cook for you. " "Sabi mo 'yan, ha?" Nakangiti naman siyang tumango. Pumasok na kami sa loob at sumalubong sa amin ang katahimikan. "Ah, Josh! Pwede bang huwag mong sabihin sa kapatid ko ang nagyari sa 'kin? Ayoko kasing mag-alala siya.." "Sige, basta sa susunod huwag ka na agad magtitiwala sa taong hindi mo pa naman lubos na kakilala para hindi ka mapahamak ulit." "Hindi na talaga kasi sobrang nakakadala na ang magtiwala agad." Nang sabihin niya 'yon ay bigla kong naisip si Mask. Sa loob ng isang buwan ay wala pa rin akong alam tungkol sa kanya. Tanging pangalan niya lang ang alam ko pati ang pagiging President niya. Kinginga! Bakit ba bigla akong naging curios sa kanya? Pumunta na ako sa kwarto ko para magpalit habang siya naman ay nagluluto. Ang sipag naman ng future husband ko kasi ipinagluluto niya ako. Si Mask kaya marunong magluto? "Umalis ka sa isip ko, please!" nasampal ko na lang ang sarili ko kasi naiisip ko na naman ang lalaking 'yon. Pagkatapos na magluto ni Josh ay naisipan namin na manuod ng tv. Mamaya na lang kami kakain kasi busog pa naman ako. Kahit na nasa kusina ang niluto niya ay humahalimuyak sa salas ang bango ng amoy. Gusto ko talagang tanungin sa kanya kung nasaan si Mask pero may pumipigil sa 'kin. Hindi kaya lumalandi na naman ang lalaking 'yon? "Kinukulit ka pa ba ng ex mo?" tanging 'yon na lang ang nasabi ko. Napansin kong natigilan siya sa tanong ko. Mukhang may nararamdaman pa siya sa kanyang ex. "Yes. Gusto niyang makipagbalikan sa 'kin pero ayoko na." "Bakit ayaw mong makipagbalikan? Malay mo naman magbago na siya.." Nilingon niya ako kaya nagtama ang tingin naming dalawa. "I like someone else.." Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Hindi ko namalayan na nahawakan niya na pala ang kamay ko. "B-Bakit?" Nanatiling magkapako ang tingin naming dalawa. "Alam kong sobrang bilis pero hindi ko mapigilan. Hindi ko namalayan na nahuhulog na ako sa 'yo, gusto ko palaging makita ang saya sa mukha mo habang nakikita ako." Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Dapat kinikilig ako pero sa halip na kilig ang maramdaman ko... bigla akong nailang sa kanya. "J-Josh.." Bigla niyang hinawakan ang kanan kong pisngi kaya mariin akong napakapit sa unan na hawak ko. "I like you, Gianna.." Iimik pa sana ako nang maramdaman ko nang lumapat ang mga labi niya sa 'kin. Para akong napako sa kinauupuan ko habang magkalapat ang mga labi naming dalawa. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang maalala ko si Marcus. Naaalala ko ang bawat pang angkin niya sa mga labi ko. "Your lips is my territory, and no one can claim what is mine!" Bigla ko siyang tinulak na ikinagulat niya. Mabilis akong tumayo at tinalikuran siya. "I'm sorry, Josh!" Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya kasi umakyat na ako papunta sa kwarto ko. Napasandal na lang ako sa pinto habang ang lakas ng kabog ng puso ko. Hindi dahil sa paghalik sa 'kin ni Josh, kundi dahil naaalala ko si Mask habang magkalapat ang mga labi naming dalawa ni Josh. Mukhang nahulog na talaga ako sa kanya. Bakit hindi ko napigilan ang sarili ko na mahulog sa lalaking 'yon? Nakakainis! Chapter 20 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 20 Pareho kaming umiiyak ni Gennica nang malaman namin na matatagalan pa makakauwi si Mama mula ibang bansa nang dahil sa kumakalat na virus. Kakatapos lang namin maka-video call si Mama. Sobrang miss na miss na namin siya pero naiintindihan din naman namin kung bakit nagsusumikap siya. Nagkagalit kasi sila ni Lolo dahil sa nangyari sa kanila ni Papa. Hindi ko alam kung 'yon nga talaga ang pinag-awayan nila pero alam ko na may iba pang dahilan. Mukhang hindi pa handa si Mama na sabihin sa amin ang totoong dahilan kung bakit sila nag-away ni Lolo. Maghihintay na lang kami ng tamang oras. "Kadiri ka, Ate! Punasan mo nga ang uhog mo," nandidiring sabi ni Gennica at inabutan niya ako ng tissue. "Ang kapal ng mukha mo! Luha 'yan hindi uhog!" "Grabe naman ang luha mo, umabot sa ilong." "Lumayo ka sa 'kin at masasabunutan kita!" "No! Not my precious hair!" Napailing na lang ako kasi mabilis siyang lumayo sa 'kin at umupo sa gilid ng kama ko. Syempre kahit nagsasagutan kami'y talo ko pa rin siya. Nakaharap ako sa salamin habang pinagmamasdan ang sarili ko. Bakit kasi ang ganda ko? Pati si Josh ay nabihag ko na sa kagandahang tinataglay ko. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa ginawa niyang pag-amin sa 'kin. "Bakit wala ka na ngayong suot na face mask?" nagtatakang tanong ng kapatid ko. "Ayoko na! Binabanas ang bibig ko.." She chuckled. Mabuti na lang wala siyang ideya sa nangyari kahapon. Nagtaka lang siya kung bakit ang aga kong umuwi. Ang idinahilan ko na lang sa kanya'y masakit ang aking puson. Syempre naniwala naman ang gaga. Hindi agad ako pinatulog kagabi nang dahil sa nangyari kahapon. Mabuti na lang talaga dumating si Mask kasi kung hindi baka kung ano na ang nangyari sa 'kin. "May tanong ako sa 'yo." Umupo ako sa tabi niya habang patuloy ako sa pagsuklay sa mahaba kong buhok. Kakatapos ko lang kasing maligo kaya basa pa. "Ano 'yon?" "Paano mo malalaman kung gusto mo ang isang tao?" Namilog naman ang kanyang mga mata sa sinabi ko kaya iniwas ko ang tingin sa kanya. Alam kong si Mask ang ang nasa isip niya na nagugustuhan ko. "Si Josh ang tinutukoy ko," pagdadahilan ko. "Wow ha! Wala pa naman akong sinasabing pangalan. Pero bakit parang si Kuya Marcus ang nasa isip mo?" "Bakit ko naman iisipin ang playboy na 'yon? Mandiri ka nga!" Halata sa mukha niya ang pang-aasar kaya naman iniwas ko ang tingin sa kanya. Ayokong malaman niya na unti-unti na akong nahuhulog kay Mask. Wala akong tiwala sa kanya kasi alam kong sasabihin niya 'yon kay Mask. Hindi nito pwedeng malaman na nagugustuhan ko na siya. Alam ko naman na pinaglalaruan niya lang ako. Kasi kung interesado talaga siya sa 'kin, hininga na niya ang number ko para i-text ako. Hindi niya nga rin ako ini-a-add sa facebook. Dinaig pa ako ng kapatid ko kasi nagkaka-chat na silang dalawa. Puro kahalayan lang naman ang nasa isip ng lalaking 'yon. Nakakinis! "Okay, sige! Kunwari si Kuya Josh ang tinutukoy mo," she smirked. "Si Josh nga ang gusto ko!" "Fine! Si Kuya Josh na!" Sa wakas napagod na rin siyang makipagtalo sa 'kin kasi baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na sabihin na si Mask talaga ang tinutukoy ko kahit na nakakadiring pakinggan. "Ganito kasi 'yon, Ate! Malalaman mong gusto mo ang isang tao kapag palagi mo siyang hinahanap." Tama nga siya, palagi ko nang hinahanap si Mask. Paano na ang magiging future namin ni Josh kung may nagugustuhan na akong iba? Baka kapag si Mask naging asawa ko'y marami kaming babae ang magsama sa iisang bubong. Ayoko ngang mangyari 'yon! Gusto ko ako lang! "Kapag nagtatama ang tingin niyong dalawa ni Kuya Marcus ay naghihina ang mga tuhod mo." Napatango naman ako sa sinabi niya. Kasi kapag nagtatama ang tingin namin ni Mask ay nanghihina ang mga tuhod ko. "Kapag naglalapat ang mga labi niyo ni Kuya Marcus ay bumibilis ang tibok mg puso mo." Kahit nung unang beses na maglapat ang mga labi namin ay bumilis na ang kabog ng puso ko. Ibig sabihin ba nun... noon pa man ay may gusto na ako sa lalaking 'yon? Ano ang nararamdaman ko kay Josh? Chikang crush lang? "At ang iniisip mo ngayon ay si Kuya Marcus, 'di ba, Ate?" "Ye--- Hindi! Bakit ang lalaking 'yon ang binanggit mo?!" Napahampas na lang ako sa noo ko kasi hindi ko napansin na si Mask na pala ang binabanggit niya. Ghad, Gianna! Bistado ka na! Wala ka nang kawala pa! "My gosh, Ate! Huling-huli ka na kaya wala ka nang maitatago pa sa 'kin! Chikang si Josh pero si Kuya Marcus naman pala ang gusto." Kiniliti niya ang bewang ko kaya pinaningkitan ko siya ng tingin. Hahampasin ko sana siya ng unan pero mabilis siyang nakalayo sa 'kin. "Kapag inaway mo pa ako, Ate! Ako mismo magsasabi kay Kuya Marcus na gusto mo siya.." She grinned. "Subukan mo lang na babae ka!" Lumabas na siya sa kwarto ko habang mariin ko naman kinagat ang pang-ibabang labi ko. Alam kong hindi nagbibiro ang babaeng 'yon kaya dapat talaga akong maging mabait sa kanya. Mag-isa lang akong naglalakad kasi iniwan ako ng babaeng 'yon. Palibhasa dinaraanan na siya ng mga kaibigan niyang RK. Napahinto ako sa paglalakad nang mapansin ko ang kotse ni Josh. Pagbaba ng salamin ay bigla akong natigilan. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin nang dahil sa nangyari kahapon. Matagal ko nang inaasam na halikan niya ulit ako pero tinulak ko naman siya palayo. Nakakainis talaga! "G-Good morning, Josh..." I greeted. "Get in." Nagdalawang isip pa ako kung sasakay ba ako o hindi. Hanggang sa namalayan ko na lang na nasa loob na ako ng sasakyan niya. "Okay ka na ba?" Alam ko na ang tinutukoy niya ang nangyari kahapon. Medyo hindi pa ako okay kasi naaalala ko pa ang paghalik ng gagong 'yon sa leeg ko. Hinilod ko talaga ng wagas ang nahalikan ng Dan na 'yon kasi nandidiri ako. "Okay na ako..." I bit my lower lip. Naiilang ako sa kanya. "Mabuti naman, sobrang nag-alala talaga ako sa 'yo. Dapat pala sinundan kita nung time na 'yon. Damn!" "Hayaan mo na, Josh! Nangyari na, saka hindi naman naituloy ng gagong 'yon ang balak niya kasi dumating si Mas-- Marcus!" Napansin kong natahimik siya nang banggitin ko ang pangalan ni Mask. Hindi kaya nagseselos siya? My ghad! Haba talaga ng hair ko. "J-Josh..." Hindi ako mapakali hangga't hindi ako nakakapag sorry sa kanya nang dahil sa nangyari kahapon. "It's okay," aniya kaya kumunot ang noo ko. Hindi pa naman ako nakakapag sorry sa kanya pero nag okay na agad siya. Mind reader ba siya? "Ako dapat ang mag sorry kasi hinalikan kita." "Okay lang, pasensya ka na kung ti--" "Alam kong si Marcus ang iniisp mo nung oras na 'yon." "Josh..." "Please, Gianna... Ilayo mo ang sarili mo sa kanya hangga't maaga pa." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Panay ang sulyap niya sa 'kin habang nagmamaneho siya. Nahahalata ko sa mukha niya ang pag-aalala. "B-bakit, Josh? Pinaglalaruan niya lang ba talaga ako?" Hindi ko alam pero naramdamanan kong kumirot ang puso ko. Mukhang hindi na talaga maganda ang kalagayan ng puso ko ngayon. "He's a fucking Playboy! Masasaktan ka lang sa kanya. " Napaiwas na ako ng tingin sa kanya. Tama naman siya na masasaktan lang ako kasi playboy si Mask. Pero bakit umaasa ako na magbabago siya? Na magseseryoso siya sa isang babae pero ang tanong sino? Sino ang makakapagpabago sa kanya? "Totoong gusto kita, Gianna..." Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya kaya nanatiling tikom ang bibig ko. Pati 'di ba may nililihim silang relasyon ni Stella? Ako pa yata ang magiging dahilan ng away nilang dalawa. Mabilis naman kaming nakarating sa school. Pinark niya muna ang sasakyan at mabilis siyang bumaba para pagbuksan ako ng pinto. "Thanks.." Ngumiti naman siya kaya mabilis kong iniwas ang tingin sa kanya. Sinampal ko ang sarili ko para gumising sa katotohanan na si Josh ang gusto ko. Pero hindi e, si Mask na talaga ang nasa isip ko sa oras na 'to. Habang naglalakad kami sa hallway ay nililibot ko ang tingin ko para mahanap si Mask. Napasimangot ako kasi wala siya sa paligid. Hindi kaya nasa kandungan na siya ng mga babae niya? Napailing ako. Ayokong isipin 'yon kasi naiinis ako. Isa pa napag-isipan ko rin kagabi na iwasan ang lalaking 'yon. Kahit anong papansin niya ay hinding-hindi ko siya bibigyan ng pansin. Oplan operation na iwasan ang Playboy para hindi na tuluyang ma-fall! "Naiilang ka ba sa 'kin?" Napalingon naman ako kay Josh na halata sa mukha ang lungkot. "Hindi noh! Naiisip ko lang si Mama kasi namimiss ko na siya," pagdadahilan ko. "Mabuti na lang, akala ko kasi naiilang ka na sa 'kin." "Bakit naman ako maiilang sa 'yo? Okay lang naman na maging patay na patay ka sa 'kin." Nahampas ako sa noo ko sa kahihiyan. Napansin ko naman na napangiti siya kaya nakahinga ako nang maluwag. "That's why I like you. You make me smile in just a simple way." Iniwas ko na ang tingin sa kanya kasi naninibago pa rin ako. Hindi ko akalain na straightforward pala siya kapag nagkakagusto sa isang babae. Dapat nagdidiwang ako kasi gusto niya ako pero bakit parang wala lang para sa 'kin? Bakit naman kasi nahuli si Josh na umamin? Kung nung una pa lang edi sana boyfriend ko na siya. Happy together na kami! Nakarating na kami ng room at nalungkot ako kasi wala pa si Mask. Nakangiti naman na nakatingin sa 'kin si Stella. "Good morning, Gianna.." bati naman sa 'kin ng tatlong engkanto. "Wala ka nang virus ngayon?" tanong ng leader nila. "Hindi ka na magiging zombie?" tanong naman ng nasa kanan. "Tao ka pa ba?" tanong ng nasa kaliwa. Napasapo na lang ako sa ulo ko nang dahil sa tatlong nasa harapan ko. Magaganda naman talaga sila, e, masyado lang makapal ang make up. "Wala akong virus, hindi rin magiging zombie at oo! Tao pa rin ako!" Tinalikuran ko na silang tatlo dahil wala ako sa mood makipag usap sa kanila. Pagkaupo ko sa upuan ko'y napansin ko ang pagkunot ng noo ni Stella. "Close kayo nung tatlong 'yon?" "Hindi noh! Feeling close lang silang tatlo." "Akala ko naman ka-close mo, maldita pa naman ang tatlong 'yan." "Akala mo lang 'yon!" I chuckled. Natawa naman siya sa sinabi ko at ibinaling muli ang tingin sa ginagawa niya. Well, nasanay na naman ako sa kanya kaya okay lang. Dumako ang tingin ko sa upuan ni Mask pero wala pa rin talaga siya. Napansin kong nakatingin sa 'kin si Josh kaya nginitian ko siya. Dati naman ako ang nagnanakaw ng tingin sa kanya pero ngayon... siya na. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa wallpaper ko. Hanggang ngayon ay si Mask pa rin ang wallpaper ng phone ko. Ang ganda kasi ng ngiti niya habang nakapikit pa ang kanyang mga mata. Nakakainis kasi ang gwapo niya! "Good morning, Class!" Dumating na si Tanda pero wala pa rin si Mask. Nasaan na kaya siya? Ano na ang nangyayari sa mahalay na 'yon? Biglang bumakas ang pintuan at iniluwa nun si Mask na gulong-gulo ang buhok. Nakabukas pa ang tatlong butones ng uniform niya. Para siyang hinalay sa kanyang hitsura ngayon. Hindi manlang dumako ang tingin niya sa 'kin kaya nanibago ako. No'n naman ako agad ang hinahanap ng kanyang mga mata pero ngayon? Bakit kahit isang sulyap ay hindi niya magawa? Ako dapat ang hindi papansin sa kanya pero bakit siya ang gumagawa? Matapos niya akong iwanan kahapon, may pasabi-sabi pa siya na hindi siya mawawala sa tabi ko. "What happened, tol? Why are you late?" mukhang napansin na ni Josh ang pagkatahimik ni Mask. "Fuck! Hinalay ako ng mga bading! Tangina!" Seriously?! Chapter 21 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 21 Pinigilan kong matawa nang marinig ko ang sinabi niya. Hindi ko akalain na pati bading ay hinahabol siya kaya siguro nahulog din ako sa kanya. Pasimple ko siyang nilingon na ngayon ay inaayos ang kanyang sarili. Halata sa mukha niya ang pagka-bad mood. Kahit na magkasalubong ang kanyang mga kilay ay napaka gwapo niya pa rin. Hindi ko akalain na darating sa punto na magkakagusto ako sa kanya. Wala naman siyang ginawa kundi ang landiin ako. Mukhang masasaktan lang ako sa kanya. Hindi ako handa. Minsan na nga lang magmahal... palpak pa! "Honey..." Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang tawagin na niya ako. Diretso lang ang tingin ko sa unahan habang pinipigilan ko na mapalingon sa kanya. Nilapit na niya ang upuan sa 'kin at naramdaman ko ang pagpatong ng kanyang braso sa likuran ko. Inalis ko naman ang pagkakasandal ko sa upuan para hindi niya ako tuluyang ma-akbayan. Kailangan ko talaga siyang iwasan para hindi na tuluyang mahulog ang loob ko sa kanya. Gumagana na naman ang kalandian niya! Kahit saang lugar ay wala siyang pinapalampas. "Pansinin mo naman ako, honey..." Gusto kong mapamura kasi para siyang bata na nanlalambing. Gosh, Gianna! Sa unahan lang ang tingin, sa unahan lang, huwag kang titingin sa kanan mo kasi delikado. Nararamdaman kong nilalaro na niya ang ilang hibla ng buhok ko kaya napahigpit ang hawak ko sa ballpen na nasa aking kamay. "Damn! Kapag hindi mo 'ko pinansin, I'll fucking kiss you right here in front of our classmates." Namilog naman ang aking mga mata sa sinabi niya at mabilis ko siyang nilingon. Napansin kong may ibang napatingin sa amin dahil napalakas ang boses ni Mask. "Ano ba ang kailangan mo?!" Ang linya ng upuan ay nagulo nang dahil sa kanya. Magkadikit na kasi ang upuan naming dalawa. "Wala ka man lang bang pakialam kung hinalay ako ng mga bading? Damn! Honey, ikaw ang gusto kong humalay sa 'kin, hindi sila!" "Mukha mo!" Pinaningkitan ko siya ng tingin at mabilis akong tumayo kaya napalingon na sa 'kin si Tanda dahil sa nalikha kong ingay sa pag-ipod ko ng upuan. "What's the problem, Ms. Arellano?" "Sir, pwede ba akong lumipat ng upuan?" Halos lahat sila'y nakamasid na sa amin habang diretso lang ang tingin ko kay Sir. Hindi ko na kinakaya pa ang kalandian niya dahil mas lalo lang akong bumibigay. "I won't let her, Sir! Dito lang siya sa tabi ko," biglang sabi ni Mask. "Ayaw ko po siyang katabi," saad ko at pinaningkitan ng tingin si Mask. Tumaas lang ang sulok ng kanyang mga labi kaya nagtaasan ang mga balahibo ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. "You can't leave me here, honey.." "No way! Lilipat ako ng pwesto kasi nilalandi mo lang ako!" "Nilalambing kita, honey... hindi nilalandi." Napahampas na lang ako sa aking noo kasi nahihiya na talaga ako. Halos lahat sila'y pinagtitingnan na kami. Nanatili pa rin akong nakatayo habang naka dekwatro lang na nakaupo si Mask. Nilingon ko si Stella na parang walang pakialam sa amin kasi gumuguhit lang siya. Habang si Josh naman ay may gamit na headset at nakapikit pa ang mga mata. "Nakakainis na 'yang si Arellano na 'yan! Feeling maganda pero hindi naman." "Ginagayuma niya lang naman si Prince Marcus!" Napalingon naman ako sa dalawa naming kaklase na pinagbubulungan ako. Sobrang sama ng tingin nila sa 'kin na para bang gusto nila akong kainin ng buhay. Tiningnan ko naman ang tatlong engkanto na parang chini-cheer pa ako. Meron pa silang hawak na papel na may nakasulat na 'Go, Gianna! Patumbahin ang mga salot! " "Hindi ka lilipat ng upuan, Ms. Arellano at ikaw naman Mr. Samaniego, baka gusto mong madagdagan ang kaso mo?" Namilog ang mga mata ko sa sinabi ni Tanda at nilingon ko si Mask na para bang balewala lang sa kanya ang sinabi nito. At saka anong kaso ang ginawa niya? For Pete's sake, he's the SSG PRESIDENT! "He deserved it!" gigil na sabi ni Mask at napansin ko ang pagkuyom ng kanyang kamao. Napailing na lang si Sir at muli akong nilingon na kasalukuyan pa rin na nakatayo. "You may sit, Ms. Arellano..." Tahimik naman akong bumalik sa pagkakaupo. Nagulat na lang ako nang biglang ilayo ni Mask ang upuan niya sa 'kin. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa 'kin ang sinabi ni Tanda kanina na may kaso si Mask. "Class, get 1 whole sheet of paper," biglang sabi ni Tanda kaya marami ang nagulat. "Sir, bakit po?" "May exam po ba?" "Yes, long quiz." Marami naman ang nagreklamo dahil wala naman sinasabi si Sir na may long quiz kami. Wala na akong nagawa kundi ang maglabas ng papel dahil sa lecheng long quiz. "Babe, may I have one?" malanding wika ni Mask kay Lana na nasa harapan ng upuan niya. "Oh sure, babe..." Mabilis naman kumuha ng isang papel ang babaeng 'yon at iniabot kay Mask. Kumulo ang dugo ko kasi napansin ko ang paghaplos niya sa kamay ni Mask bago niya tuluyang bitiwan ang pagkakahawak sa papel. "Thanks, babe," wika ni Mask kasabay ng pagkindat niya sa babaeng 'yon. "Always, basta ikaw," she bit her lower lip while staring at him. Iniwas ko na ang tingin sa kanila habang mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko. Naiinis ako sa kalandian nila. Kanina lang ay nilalandi niya ako tapos ngayon ay iba na. Wow! Just wow! President siya pero wala siyang papel? Baka naman nag-iinarte lang siya na walang papel para lang makalandi sa iba. Lalandi na nga lang siya talagang sa makikita ko pa. May pasabi sabi pa siya na ako lang ang pwedeng humalay sa kanya. "Nakakainis!" Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko kasi hindi ko napigilan na mapahiyaw. Napahawak naman ang iba sa kanilang dibdib dahil sa biglaang paghiyaw ko habang si Tanda naman ay nakataas ang kilay na nakatingin sa 'kin. "What's your problem, Ms. Arellano? Sino ang kaaway mo?" "Wala po, sorry, Sir!" Napahampas na lang ako sa noo ko nang maramdaman kong kinulbit ako ni Stella. "Okay ka lang ba?" "Of course!" "Akala ko naman kung ano na ang nangyari sa 'yo." "May pinapatay lang ako sa isip ko!" Kumunit ang noo niya sa sinabi ko. Iniwas ko na ang tingin sa kanya at muli kong tiningnan si Mask na nilalaro na ang ballpen niya. Napansin ko naman na nakatingin sa 'kin si Josh kaya pinilit kong ngumiti sa kanya nang lingunin ako ni Mask kaya nagtama ang tingin naming dalawa. Mabilis ko naman iniwas ang tingin sa kanya kasi naiinis ako sa kalandian niyang taglay. Pinamigay na ni Tanda ang test paper at isa lang ang masasabi ko. Unang number pa lang ay hindi ko na alam ang sagot. Physics lang naman ang subject namin ngayon. Bakit kasi nag STEM pa ako kung hindi naman ako magaling sa math. Napalingon ako kay Stella na sobrang bilis na nagsasagot. Hindi naman ako makagaya sa kanya kasi gumagala ang tingin ni Tanda na nasa unahan. Pasimple naman akong tumingin kay Mask na sobrang bilis ng kamay sa pagsasagot habang ganun din si Josh. Para bang napakadali sa kanila na mag solve. "Ghad! Itlog yata ang score ko rito.." Pinipilit ko na sagutan pero hindi ko talaga alam. "Honey..." Nilingon ko si Mask na ngayon ay pinapakita sa 'kin ang sagot niya. Halos sampung minuto niya lang sinagutan ang 30 na item na puro solving. "Ayoko!" iling kong sabi at muling binalin ang tingin sa papel ko. Ayoko ngang tumulad sa kanya kasi naiinis ako. Nagulat na lang ako nang makita kong may napadpad na papel sa paanan ko. In fairness ang ganda ng sulat niya. Nilingon ko si Mask na mukhang sinadya na paliparin ang papel niya papunta sa 'kin para lang makatulad ako. "Hindi ako bobo!" gigil kong sabi at sinipa ko ang papel niya pabalik sa kanya. "Damn!" he cursed. Pinulot na niya ang papel niya. Dumiretso na siya kay Tanda habang dala 'yon para ipasa. Sumunod naman sa kanya si Josh habang ganun din si Stella "Letche!" nasabi ko na lang kasi nagsitayuan na sila para maipasa ang papel nila. Dalawa pa lang ang nasasagutan ko at hindi pa ako sigurado kung tama ba ang sagot ko. "Last 1 minute," sabi ni Sir kaya namilog ang aking mga mata. "Teka lang, Sir! Ano 'to, contest?!" hindi ko na napiligan na ihiyaw 'yon nang marinig ko silang nagtawanan. "Go, gurl!" rinig kong sabi ni Stella. "Take your time, Ms. Arellano." Hindi ko na pinansin pa si Sir dahil binilisan ko na sa pagsasagot. Ako na lang ang nagsasagot kasi tapos na silang lahat. Nakakainis! Bakit kasi hindi pa ako tumulad kay Mask? Edi sana tapos na ako't nakapagpasa na. "Where's your answer sheet, Mr. Samaniego?" biglang tanong ni Tanda kaya napahinto ako sa pagsasagot. Nilingon ko si Mask na ngayon ay nakatingin na sa 'kin. Nakataas ang sulok ng kanyang mga labi kaya pinaningkitan ko siya ng tingin. "Sorry, Sir, but I don't know the answer of your exam." Marami naman ang nagulat sa sinabi niya habang nakaawang ang bibig ko kasi alam kong nagpasa siya kanina ng kanyang papel. Ano 'yon? Chika niya lang? Saka ang isang President... hindi alam ang sagot sa exam? Kitang-kita ko kanina na nagsasagot siya at pinapatulad niya pa nga ako. "Kaninong papel ang ipinasa mo?" tanong ni Tanda. "I passed her answer sheet." Nakaturo siya sa 'kin kaya namilog ang mga mata ko. Anong ibig niyang sabihin? Ang nilagay niyang pangalan sa answer sheet niya ay pangalan ko? Mabilis naman akong tumayo kasi hindi ako makakapayag sa ginawa niya. "Hindi po sa------" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kasi hinila na niya ako palabas ng room. "Bitiwan mo 'ko!" gigil kong saad. Kahit na nagugustuhan ko na siya ay hindi ako makakapayag sa ginawa niya. Bakit ang pangalan ko ang sinulat niya sa sagot niya? Okay lang sa kanya na maging perfect ako habang siya naman ay zero? Kingina! "Ano ba?! Bitiwan mo sabi ako!" "No!" Pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa 'kin pero hindi ko magawang magtagumpay na makawala sa higpit ng hawak niya. Napansin ko na marami ng estudyante ang habol tingin sa amin. Bigla na lang kaming pumasok sa isang silid at mabilis niyang ini-lock ang pinto. Pinagmasdan ko naman ang paligid at alam ko na 'to ang office nila kasi minsan na rin akong nakapunta rito nung may kinuha si Josh. "Bakit mo ako dinala rito?" "I want you..." Ngumisi siya. Bumilis naman ang kabog ng puso ko. "H-Huwag kang lalapit sa 'kin na mahalay ka!" Humahakbang ako palayo sa kanya habang siya naman ay naglalakad palapit sa 'kin. Nakataas ang sulok ng kanyang mga labi kaya nagtaasan ang mga balahibo ko. "L-Lumayo ka sa 'kin!" Naramdaman ko na lang na lumapat na ang likod ko sa dingding kaya mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko. "Now you're trapped," he smirked and held my right cheek. Nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa paraan ng pagtitig niya sa 'kin. Naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang bewang ko kaya bigla akong napaigtad. "A-Anong gagawin mo sa 'kin? Subukan mo lang at talagang sisipain ko ang kinabukasan mo!" Pilit ko siyang tinutulak nang bigla niyang hawakan ang kanan kong braso. Isa lang ang nasa isip ko ngayon, ang makalaya sa kanya kasi baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na maamin ko na sa kanya ang nararamdaman ko. "Let me taste my territory." "Ga----" He didn't give me a chance to speak because he claimed my lips. Pilit ko siyang tinutulak palayo nang hawakan niya ang dalawang kamay ko at isinandal sa dingding. Hindi ko namalayan na nakapikit na pala ang mga mata ko habang gumaganti na ng halik sa kanya. "M-Marcus..." Gusto kong mapamura kasi nagpapaulila na naman ang mga labi ko sa kanya. "Damn," he said between our kisses. Kusa na lang pumalibot ang braso ko sa batok niya para mas lalo siyang mapalapit sa 'kin. Ramdam ko ang pang-gi-gigil niya sa mga labi ko. Habang magkalapat ang mga labi namin ay napansin ko ang pag alis niya ng butones ng uniform niya kaya mabilis akong humiwalay sa kanya. Habol ko ang aking hininga. Hinihingal din siya dahil sa tindi ng halikan naming dalawa. Bakit kasi napaka good kisser niya? Nadadala tuloy ako! "A-Anong ginagawa m---" hindi ko naituloy ang sasabihin ko kasi muli niyang inatake ang mga labi ko. Patuloy pa rin siya sa pag-alis ng butones ng uniform niya habang magkalapat pa rin ang mga labi naming dalawa. "B-bakit ka naghubad?" gulat kong tanong nang alisin na niya ng tuluyan ang uniform niya pati ang kanyang sando. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa katawan niya habang sunod-sunod ang paglunok ko. Ang sarap isawsaw sa kape ang abs niya. "We're not yet done, honey..." he smirked. Bigla niya na lang akong binuhat at iniupo sa ibabaw mesa. Nagpatakan naman ang mga papel dahil sa ginawa niyang paghawi. "A-Ano bina-----" he cut me off by his kisses. Hinawakan niya ang binti ko habang marahan niyang hinahaplos. Patuloy lang siya sa paghalik sa 'kin habang panay ang tugon ko sa kanya. Bumaba na ang halik niya sa leeg ko kaya mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko. "M-Marcus..." Nakapulupot na ang mga binti ko sa bewang niya at ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya kasi wala siyang pang-itaas. Naiinis ako kasi hinahayaan ko lang siya na gawin sa 'kin ang bagay na ' to. For Pete's sake, we're making out! Nagpapaulila na naman ako sa kanya. Chapter 22 [Accidentally Kissed With A PL...] (Warning: Ang chapter na 'to ay puro kalandian. Mainggit sana kayo. Char!) Chapter 22 Hanggang ngayon ay magkalapat pa rin ang mga labi naming dalawa. Ramdam ko ang pang-gi-gigil niya sa bawat galaw ng aming mga labi. Naiinis ako kasi nagugustuhan ko na ang paraan ng halik niya. Gusto ko siyang itulak palayo pero hindi ko magawa sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Bakit hinahayaan ko lang siya na gawin sa 'kin ang bagay na 'to? Nagugustuhan ko na ba na palagi na lang niyang ina-angkin ang mga labi ko? "M-Marcus..." I said between our kisses. Naramdaman ko muli ang paghaplos niya sa hita ko kaya nagtaasan ang mga balahibo ko. Sobrang ikli lang ng palda ko at lumalantad sa harapan niya ang mahaba at maputi kong mga binti. Nakaupo pa rin ako sa mesa habang nasa pagitan siya ng mga hita ko. Bakit nga ba nangyayari 'to? Kanina lang naman ay naiinis ako sa kanya dahil sa taglay na kalandian niya. Pero ngayon? We're making out na para bang wala kami sa school. "Damn. L-Lets stop this before I can't control myself.." Nang sabihin niya 'yon ay do'n na ako natauhan kaya naitulak ko siya palayo. Mabilis ko siyang sinampal na ikinagulat niya habang niyakap ko naman ang sarili ko. Sa tingin ko'y gulong-gulo na ang buhok ko habang nagusot naman ang uniform ko sa bawat haplos na ginawa niya gamit ang mainit niyang palad. I almost gave myself to him. Ghad, Gianna! Nakakahiya ka! "Fuck! Why did you slap me?" Nakahawak siya sa pisngi niya na sinampal ko. Pinigilan ko naman ang sarili ko na pagmasdan ang kanyang katawan. Kanina lang ay hinahaplos 'yon ng makasalanan kong kamay. Kailangan kong sumimba kasi nahawaan na ako ng kahalayan niya. "Muntikan mo na akong gahasain!" pinaghahampas ko siya nang hulihin niya ang braso ko. "You almost gave yourself to me tapos aakusahan mo na ginagahasa kita? Seriously, honey? You love touching every part of my body... I was waiting for you to touch my ju----" hindi ko na siya pinatapos kasi hinampas ko siya ng folder na nakita ko. "Gago! Fuck you! Mahalay ka!" Patuloy lang ako sa paghampas sa kanya kasi nang-gi-gigil na ako sa galit. Inalis niya ang ka-inosentahan ko nang dahil sa kamanyakan niyang taglay. For Pete's sake, wala kaming relasyon pero kung maghalikan kaming dalawa ay wala nang bukas. Para bang uhaw na uhaw kami sa isa't isa! "Fuck! Stop it!" Hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako sa paghampas sa kanya. "N-Naiinis ako sa 'yo! Paano kung may nangyari talaga sa 'tin, ha?! Anong gagawin mo? Dito pa talaga sa school, ha?! Kinginamo!" Hindi ko na mapigilan na mapaluha kasi hindi talaga ako makapaniwala sa sarili ko na muntikan ko nang ibigay ang sarili ko sa kanya. Porket nagugustuhan ko na siya ay nagiging marupok na ako. Paano pa kung mas lalong lumalim na ang nararamdaman ko sa kanya? Baka mas lalo pa akong bumigay tapos malalaman ko lang pala na niloloko niya lang ako. "Hush, honey, stop crying na...Damn. I am sorry.. I won't take you here, this place is not romantic. I want to take you to my be-----" hindi na niya natapos ang sasabihin niya kasi nasuntok ko na siya sa bibig. "Mamatay ka na sanang mahalay ka!" gigil kong hiyaw habang siya naman ay nakahawak sa bibig niya sinuntok ko. "You will pay for this..." Ngumisi ang loko. Parang balewala sa kanya ang pagsuntok ko. "At bakit? Deserve mo naman 'yan dahil napakahalay mo! Dinadamay mo pa ako sa talento mo! Nakakainis!" "I am sharing my talent with you, honey coz you're my territory." "Territory mo mukha mo! Hindi mo ako pagmamay-ari!" Kahit na nagugustuhan ko siya... hindi ako makakapayag na angkinin niya na lang ako. Gusto ko ng label! Nakakadiri man pero gusto kong maranasan 'yon. "The day you kissed my lips, you already belonged to me. You can't hide from me coz you're now Marcus Caden Samaniego's territory. My territory.." Bigla niyang hinawakan ang kanan kong pisngi habang marahan na hinahaplos ng thumb niya ang pang-ibaba kong labi. Gusto kong mapamura sa ginagawa niya. Inaakit na niya naman ako at alam kong bigla na niya naman akong aatakihin. Ano? May part 2? Baka sa sunod na 'yon ay bumigay na talaga ako sa kanya. Nakatitig lang siya sa aking mga mata habang panay ang haplos ng thumb niya sa mga labi ko. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko sa oras na 'to. Nakakadiri man na aminin pero kinilig ako sa paraan ng titig niya. "Pwede bang suotin mo na ulit ang uniform mo? Naaalibadbaran ako sa hubad mong katawan!" Aalisin ko na sana ang pagkakahawak niya sa kamay ko nang bigla niya akong pigilan. Hinuli niya ang isang kamay ko at dinala sa katawan niya na ikinahinto ng mundo ko. "Touch me again, honey. Feel my body..." Shemay shemey shemiy shemoy shemuy talaga! Unti-unti niyang pinapalandas ang kamay ko sa kanyang katawan. Nadadaanan ng palad ko ang matigas niyang abs. Sunod-sunod ang pagmumura ko sa isip ko kasi hindi ko magawang mabawi ang kamay ko sa kanya. Hinayaan ko lang siya na ulilain ang palad ko. "Is there anyone inside?" Nakarinig kami ng pagkatok sa pintuan kaya namilog ang mga mata naming dalawa. Mabilis kong binawi ang kamay sa kanya habang ang lakas ng kabog ng puso ko. Paano kung makita kaming dalawa ni Mask na nandito sa loob? Anong iisipin nila? At ang walanghiya'y mukhang wala pang balak na magsuot ng uniform. "A-Anong gagawin natin? Paano kung makita nila tayo?" Ang lakas na ng kabog ng puso ko sa kaba habang parang wala lang kay Mask na may tao sa labas. "We didn't do anything wrong, we just kissed, honey... Hindi pa tayo tapos..." Nakangisi pa siya na ikinakulo ng dugo ko. Sabagay, hindi nga siya nahihiyang makipaglandian ng lantaran kaya wala siyang pakialam kung may makakita sa amin na nasa ganitong sitwasyon. Tangina! Sana all makapal ang mukha! At teka we just kissed? 'Yon lang ang tingin niya? My ghad! We almost did it! "Mapapatay na talaga kita! Wala kang kwenta!" Kaunti na lang talaga masasakal ko na siya sa inis na nararamdaman ko. "Let's hide.." Bigla na lang akong hinila ni Mask papunta sa ilalim ng mesa na inupuan ko kanina para magtago kaming dalawa. Pakiramdam ko'y sobrang pula na ng mukha ko nang maalala ko ang nangyari kanina sa ibabaw ng mesang 'to. "L-Lumayo ka nga sa 'kin!" Halos siksikin niya ako na mukhang sinasadya niya talaga. "Oh! Sorry!" Ngumisi ang loko. Hindi ko na siya pinansin pa kasi pinakiramdaman ko ang paligid. Sana lang ay umalis na 'yung taong pilit na binubuksan ang pinto. Huwag sana si Josh 'yon kasi hindi ko alam ang gagawin ko sa oras na makita niya kaming dalawa ni Mask na magkasama. Namilog ang mga mata ko nang maramdaman ko ang paghawak niya sa legs ko na parang bang may kinakapa. Biglang nagtaasan ang mga balahibo ko dahil sa kiliting nararamdaman. Ganitong kiliti rin ang naramdaman ko nung pinagsasawaan ng kamay niya ang hita ko. Ghad, Gianna! Hindi ka na inosente! Kailangan ko na talagang magdasal ng sampung ama namin. Magpapakalasing din ako gamit ang isang litrong coke. "Bakit mo hinawakan ang legs ko, ha?! Manyak ka!" "Oh! Legs mo pala 'yon? Akala ko kasi kamay mo." Napakuyom ang kamao ko sa sinabi niya sa inis. Bakit mas lalong lumalala ang kahalayan niya?! "Gag----" Bigla niyang tinakpan ang bibig ko kaya naamoy ko ang bango ng palad niya. "He's here," he whispered. Naramdaman kong lumapat ang kanyang mga labi sa aking tainga na mukhang sinadya niya naman na ikinataas ng mga balahibo ko. Pilit kong inaalis ang pagkakatakip niya sa bibig ko nang may narinig akong yabag ng sapatos. Gusto kong mapamura kasi sobrang kinakabahan ako na baka mayroong makakita sa aming dalawa. Hanggang ngayon ay hubad pa rin si Mask kaya ramdam ko ang init ng kanyang katawan. Hindi niya ba alam na torture para sa 'kin 'to? Sobrang ganda kasi ng katawan niya at baka hindi ko mapigilan na haplusin ang kanyang abs. "Ilang beses ko ba sasabihin sa 'yo na tapos na tayo?!" rinig naming boses ng isang lalaki na mukhang may katawagan. Shit. Sa tinamaan ka naman ng magaling. Bakit si Josh pa? Ano na lang ang iisipin niya sa 'kin? Na easy to get ako porket gusto ko ang isang tao? "B-Bakit si Josh pa?" "Damn him! Inabala tayo," pabulong na sabi ni Mask kaya siniko ko siya kasi baka marinig kami. "Umipod ka nga, ang sikip.." Pilit ko siyang tinutulak palayo kasi sobrang sinisiksik niya talaga ako. "We have no choice, honey," "Ano?" "You need to sit on my lap." Napaawang ang aking mga labi sa kanyang sinabi habang nanatili ang seryoso niyang mukha. "Ano?!" I bit my lower lip. Sana hindi ako narinig ni Josh. "Is there anyone here?" biglang tanong ni Josh kaya napahampas na lang ako sa noo ko. Bakit kasi hindi ko napigilan na mapahiyaw? Sino ba naman ang hindi magugulat sa sinabi niya na umupo ako sa kanyang mga hita?! Mukhang delikado ako ngayon sa kanya! "Nahihirapan na ako sa pwesto ko, honey..." "Bahala ka sa buhay mo!" Sobrang laki niya kasing tao kaya nasisiksik na niya ako. Mahaba rin ang kanyang mga binti na pilit niyang tinatago para hindi kami makita ni Josh. Hanggang ngayon ay may kausap pa rin si Josh na sa tingin ko'y ang kanyang ex ang nasa kabilang linya. Sa palagay ko'y nakikipag balikan 'to sa kanya pero mukhang ayaw na niya talaga. "Please, honey.. sit on my lap." Mabilis naman akong umiling sa sinabi niya. "Asa ka! Gusto mo lang maka chansing sa 'kin." "Please.." "Ayoko!" Napansin kong aalisin na siya kaya mabilis kong hinawakan ang braso niya para pigilan. Bakit kasi ang liit ng ilalim ng mesang 'to? Halos magkapalit na ang mukha naming dalawa. "Where do you think you're going?" "Edi lalabas na," he smirked. "Shunga ka ba, ha? Wala man lang bang kahihiyan sa mukha mo?" "Why would I? Bakit ko ikakahihiya ang gwapo kong mukha." "Wow! Ang taas ng tingin mo sa sarili mo.. Grabe!" "Just stating the fact, honey.." Napahampas na lang ako sa noo ko sa kahanginang taglay niya. Manyak na nga ang taas pa ng tingin sa sarili. "Hoy hoy!" agad kong pigil sa kanya nang magtangka na naman siyang umalis. Inis niya naman akong hinarap habang mariin ko naman kinagat ang pang-ibabang labi ko. Natatanaw ko na naman ang katawan niya na sobrang ganda. "Fine! I'll sit on your lap," labas sa ilong kong sabi kaya tumaas ang sulok ng kanyang mga labi. Ayoko ngang lumabas siya kasi hindi ko talaga alam kung paano ko haharapin si Josh. Narinig ko ang yabag ni Josh na mukhang pauli-ulit habang may kausap pa rin sa kabilang linya. Mabuti na lang na hindi niya pa rin kami napapansin. "That's my girl.." Sobrang lakas ng kabog ng puso ko nang alalayan niya akong makaupo sa lap niya. Gusto kong mapamura kasi hindi ako makapaniwala na pumayag ako sa kanya. Sa wakas ay nagkasya na rin siya kasi nasakop na niya ang space ko kanina. "Damn. You smell so nice," bulong niya habang inaamoy niya ang batok ko. "Fuck you!" Natigilan ako nang maramdaman kong ipinulupot niya ang kanyang mga braso sa tiyan ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa oras na 'to at natatakot ako na baka marinig niya ang pagkabog niyon. "Don't move, baka magising ang alaga ko." "Kinginamo! Mamatay ka na!" Gusto kong sabunutin ang sarili ko sa oras na 'to. Hinahayaan ko na naman siyang landiian ako. "Where's Marcus?" "Of fuck!" napamura na lang si Mask nang marinig namin ang boses ng Principal. "Sa oras na makalabas tayo rito, mapapatay talaga kita," gigil kong saad. Hindi lang si Josh ang nandito kasi naririnig ko rin ang tunog ng takong ng Principal. Siguradong malalagot kami ni Mask sa oras na makita niya kaming nasa ganitong kalagayan. "He's not here po, kahit sa room ay wala siya," sagot ni Josh. "Oh! Nasaan naman ang babaeng 'yon?" Pigil ang hininga namin sa oras na 'to. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa 'kin. Minabuti ko na lang na tumahimik kasi baka hindi ko mapigilan na sigawan siya dahil kanina talaga akong nagtitimpi sa kanya. "Sino po?" tanong ni Josh. "Si Ms. Arellano, sa tingin mo ba'y magkasama silang dalawa ngayon?" Namilog ang aking mga mata sa aking narinig. Bakit pati ako'y hinahanap ng leon na 'yon? "Nasa clinic po si Ms. Arellano at masama ang pakiramdam." Bakit nagsinungaling si Josh? Bakit niya ginawa 'yon? Alam niyang hinila ako ni Mask kanina. So bakit? "Please ilayo mo si Ms. Arellano sa pamangkin ko. She's a bad influence. Nang dahil sa kanya'y may binugbog si Marcus na kasalukuyan ngayong nasa ospital. He's the SSG President for Pete's sake! Ayokong mangyari ulit ang bagay na 'yon." Natigilan ako sa sinabi ng Principal. Nilingon ko si Mask na seryoso lang ang mukha. Ibig sabihin 'yon ang kaso na sinasabi ni Tanda kanina? "B-Bakit mo ginawa 'yon?" Halata sa mukha ko ang pagtataka habang nakatingin sa kanya. "W-Why? Bakit mo gi-----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi inatake na naman niya ang mga labi ko. Mukhang ayaw niyang pag-usapan pa ang bagay na 'yon kaya idinaan niya na lang ako sa halik para huwag nang magtanong pa. I closed my eyes and kissed him back. We're kissing under the table. Pati ang ilalim ng mesa ay hindi na namin pinalampas. "You're mine...Only mine. My territory," he said between our kisses. Naramdaman ko na naman ang paghaplos niya sa hita ko. Nalulunod na rin ako sa bawat galaw ng kanyang mga labi. Sobrang nadadala na ako sa kanya. "Umalis na ang Principal, pwede na kayong lumabas." Chapter 23 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 23 "Umalis na ang Principal, pwede na kayong lumabas." Namilog ang aking mga mata nang marinig ang sinabi ni Josh at mabilis na bumitaw sa halik. Ibig sabihin ay may ideya siya na nagtatago kami ng lalaking 'to sa ilalim ng mesa? Bakit siya umarte na parang hindi niya alam na nandito kami? "Ouch!" Naumpog ako nang akmang aalis na ako sa ilalim ng mesa. Nilingon ko si Mask na busangot ang mukha na halatang nabitin sa halik. "Let's continue later, honey," he licked his lower lip. "Mukha mo!" gigil kong tugon at umalis na ako sa ilalim ng mesa. Nagtama ang tingin naming dalawa ni Josh kaya mabilis akong napaiwas. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Sa palagay ko'y sobrang pula na ng mukha ko sa kahihiyan na nararamdaman. Lumabas na rin si Mask mula sa ilalim ng mesa kaya napalingon sa kanya si Josh. Mas lalo pang naging kamatis ang aking mukha. Wala nga palang pang-itaas si Mask kaya baka kung anong isipin sa 'min ni Josh. "Hey, tol!" bati pa ni Mask na mukhang hindi nahihiya sa kaibigan niya. Ang kapal ng mukha! "W-Walang nangyari sa 'min!" mabilis kong sabi kay Josh at nagtatakbo na palabas ng silid na 'yon. "Gaga ka talaga, Gianna! Ano ba ang nangyayari sa 'yo, ha?! Bakit ba ang landi mo?" Patuloy ang paghampas ko sa aking noo ko kasi naiinis ako sa sarili ko. We almost did it again. Kanina sa ibabaw ng mesa'y muntikan na namin magawa 'yon tapos pati sa ilalim ay hindi rin namin pinalampas. Kung hindi lang umimik si Josh... baka kung ano na ang nangyari sa aming dalawa sa ilalim ng mesa. Nakakainis! Bakit nagiging marupok na ako kay Mask? Baka hindi ko lang siya gusto? Baka mahal ko na talaga siya? No way! Hanggang pagkagusto lang ang mararamdaman ko sa kanya. Ayoko nang mas lumala pa kasi ako lang din naman ang masasaktan. Dumiretso ako ng C.R at namilog ang aking mga mata nang mapagmasdan ang sarili ko. Sobrang gusot na ng uniform ko habang ang buhok ko naman ay buhol-buhol na. Kumalat na rin ang lipstick ko dahil pinagsawaan niya talaga ang mga labi ko. Napansin ko ang mapulang bagay sa leeg ko na mas lalong ikinapula ng mukha ko. "Kinginamo, Mask! Mapapatay talaga kita!" Nilagyan niya ako ng hickeys, hindi lang isa kundi marami. Pati ang kabila'y meron din. Mukhang pinang-gi-gilan niya talaga ang leeg ko. "Ang landi landi mo, Gianna!" inis kong sabi sa sarili ko habang iniuumpog ko ang noo ko sa pader. Hindi ko kayang tingnan ang sarili ko sa salamin. Lumalantad kasi ang pula sa leeg ko. Mabuti na lang na may dala akong panyo na ibinalot ko sa leeg ko para walang makakita. Ang plano ko'y umiwas na sa mahalay na 'yon, pero anong nangyari? Muntik na! Muntik ko nang ibigay ang sarili ko sa kanya. "Gennica!" tawag ko sa kapatid ko habang may kasama siyang isang babae. Hindi niya narinig ang pagtawag ko kaya dire-diretso sila sa paglalakad. Aalis na sana ako nang mapansin ko na may kakaiba. Napansin ko kasing may nakasunod sa kanilang isang babae na dala ang bag ng kapatid ko. Masama ang kutob ko kaya sinundan ko sila. Nagtago ako nang mapansin kong may isa pang sumunod sa kanilang babae. Kilala ko sila sa mukha, kaibigan sila ng kapatid ko. Nagtungo sila sa abundunadong silid kung saan ako dinala ng tatlong engkanto. Nang makapasok sila sa loob, nanatili naman akong nasa labas habang nakasilip sa kanila. "Explain," sabi ng isang babae kay Gennica. "I am sorry, hindi ko maibigay ang sagot ko kasi nakitingin si Si---" hindi na natapos ni Gennica ang sasabihin niya kasi bigla na lang may tumulak sa kanya. "Ang sabihin mo ay madamot ka lang! Makasarili!" Naikuyom ko ang kamao ko nang dahil sa galit. Narinig ko ang lakas ng sampal ng isang babae sa kapatid ko. "Anong karapatan ninyong saktan ang kapatid ko?!" Mabilis kong dinaluhan ang kapatid ko na ngayon ay nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa 'kin. Nakita ko ang pamumula ng kanyang pisngi habang naluluha na ang kanyang mga mata. "A-Ate, anong ginawa mo rito?" Hindi ko siya pinansin kasi nakatingin lang ako sa babaeng sumampal sa kanya. Akala ko ba kaibigan sila ng kapatid ko? Anong ibig sabihin nito? "Tara na, gurl! Baka isumbong tayo," sabi nung babaeng maikli ang buhok. "Ayokong mapagalitan ni Dad," sabi naman nung maikli rin ang buhok na maputi. "Oh no, gurls. Eto na ang tamang oras para maghinganti sa malanding 'yan!" gigil na sabi nung babaeng sumampal sa kapatid ko. "Anong sinasabi mong babae ka?!" "So you're now acting innocent just like your loser sister? Bagay nga kayong magkapatid." Nanginig ang palad ko dahil sa sinabi niya. Hinawakan ng kapatid ko ang kamay ko para pigilan ako na sampalin ang babaeng 'yon. "Anong ginagawa niyo, ha?! Akala ko ba kaibigan kayo ng kapatid ko?" Nagtawanan ang tatlo habang halata ang pandidiri sa kanilang mga mukha. Tinulungan kong tumayo ang kapatid ko at napansin ko ang sugat sa mga tuhod niya dahil sa pagtulak sa kanya. "Wala kaming kaibigan na loser," sabi nung maikli ang buhok. Kinuha nila ang bag ng kapatid ko at inihuho nila 'yon sa harapan namin. "P-Please, pag-usapan natin 'to," naluluhang sabi ng kapatid ko. "Talk to my hand, trash!" Hindi ko na napigilan kasi sinampal ko na ang babaeng nanampal sa kapatid ko. "How dare you!" gigil na sabi nung babaeng sinampal ko. "Ate!" "Anong karapatan mo na sabihan ng ganyan ang kapatid ko, ha?!" Akmang sasampalin ko ulit siya nang biglang may humawak sa magkabila kong braso. "Bitiwan niyo ako!" Pilit kong inaalis ang pagkakahawak ng dalawa sa magkabila kong braso habang ang sama pa rin ng tingin ko sa babaeng nasa harapan ko. Galit na galit ako! Hindi ako papayag na ginaganito lang nila ang kapatid ko. "Please, bitiwan niyo ang ate ko!" pilit na hinihila ni Gennica ang dalawa palayo sa 'kin. "Ako 'yong tipo ng tao na hindi papayag na walang ganti!" Bigla na lang niya akong sinampal kaya napahiyaw ang kapatid ko. Pilit naman akong nagwala sa hawak nung dalawa at dahil sa lakas ko'y nagtagumpay ako makawala sa kanila. Mabilis kong nilapitan ang babaeng 'yon at hinablot ang kanyang buhok. "You bitch!" gigil kong saad. Nakasabunot na rin siya sa buhok ko. "Malandi kang babae ka! Inagaw mo sa 'kin si Marcus!" Nakapatong na siya sa 'kin habang magkasabunutan pa rin kaming dalawa. "Gennica!" tawag ko sa kapatid ko na ngayon ay may kasabunutan na rin. Biglang nawala ang isa na ikipinagtaka ko. Hindi kaya tatawag pa siya ng tulong? Nasaan ba kasi ang tatlong engkanto para naman matulungan ako. "Malandi ka!" "Hindi ko siya nilalandi, siya ang lumalandi sa 'kin! Gaga ka!" Ako na ang nakapatong sa kanya habang ang higpit ng hawak ko sa buhok niya. "Wow! Hindi ka naman maganda para landiin niya." "Look who's talking? B!tch!" gigil kong saad at binitiwan ko na ang buhok niya. Nakaangat na ang palad ko para sampalin siya nang bigla akong may narinig na humiyaw. "Tumigil na kayo!" Natigilan ako nang makita ko ang Principal na nasa labas ng pintuan. Kasama niya 'yung isang babae na kanina lang ay nandito. Wow! Just wow! Sumbungera! "Lahat kayo!" tinuro kaming lahat ng Principal habang nanlilisik ang kanyang mga mata. Nang dumako ang tingin niya sa 'kin ay mas lalo pang sumama ang timpla ng kanyang mukha. "Go to the Guidance office , now!" Umalis na ako sa pagkakapatong sa babaeng 'yon na ngayon ay umiiyak. Tinulungan naman siya ng mga kaibigan niya. "S-She hurt me!" Napairap na lang ako sa sinabi ng babaeng 'yon. Nilapitan ko ang kapatid ko at niyakap siya. "I'm sorry, Gennica, kung hindi ko alam ang nangyayari sa 'yo," bulong ko at hindi ko na napigilan na maluha. "W-Wala kang kasalanan, Ate.." Naiinis ako sa sarili ko kasi wala manlang akong alam sa pinagdaraanan ng kapatid ko. Akala ko masaya siya na may kaibigan siya pero nagkamali ako. Hindi niya totoong kaibigan ang mga 'yon! Magkahawak kamay kami ni Gennica habang naglalakad papunta sa Guidance office. Patuloy naman sa pag-iyak ang tatlo na para bang sila pa ang mas kakawa. "Pwede na kayong maging artista, galing niyong umarte mga impakta kayo!" gigil kong saad kaya mas lalo silang umiyak. "Ms. Arellano!" Naitikom ko ang bibig ko dahil sa pagsigaw ng Leon na 'yon. Hindi na ako magtataka kung mas paniwalaan niya pa ang tatlong 'yon kasi galit siya sa 'kin nang dahil kay Mask. Nang makarating kami sa guidance office ay mas lalong umiyak ang tatlo. Magkaharapan na kami, magkakatabi silang tatlo habang magkatabi kami ni Gennica. "S-Sorry, Ate, kung nadamay ka pa." Marahan kong pinisil ang kanyang palad. "Ate mo 'ko, hindi ko hahayaan na may nananakit sa 'yo." Hinawakan ko ang pisngi niya at pinunasan ko ang kanyang luha. Ang sakit na makita na sa bawat ngiti niya... may masasakit na palang nangyayari sa kanya. Parehong magulo ang buhok namin dahil sa sabunutan na nangyari. Mabuti na lang hindi naalis ang panyo sa leeg ko. "What happened?" Pauli-uli ang tingin sa amin ng Principal habang nilalaro niya sa kanyang kamay ang hawak niyang ballpen. "P-Pinagtulungan po nila ako," sabi nung babaeng kasabunutan ko habang nakaturo sa 'kin. "P-Pinagtanggol ko lang po ang kaibigan ko," sabi naman nung maikli ang buhok na kasabunutan ni Gennica. "Wow! Ang kapal ng mukha niyo! Kayo nga ang nanakit sa kapatid ko! Ang ga---" Muling hinampas ng leon ang mesa kaya natahimik ako. "Ikaw, Ms. Arellano! Bakit ka pumapatol sa mas bata sa 'yo, ha?! Kung totoo ngang inaway nila ang kapatid mo, dapat hindi mo pa rin sila pinatulan." Napaawang na lang ang aking bibig sa sinabi ng Leon na 'yon. Nakita ko ang pag ngisi nung tatlo na ikinakulo ng dugo ko. "Pinagtanggol ko la---" muli na niya akong pinutol gamit ang paghampas niya sa mesa. "Oo nga pero dapat hindi mo pa rin sila pinatulan kasi ikaw ang mas nakakaalam kung ano ang tama o mali. You should apologize to them." Napakuyom na lang ang kamao ko nang maramdaman ko ang paghawak ng kapatid ko sa aking kamay. "Wala akong kasalanan sa kanila. Sila ang dapat humingi ng tawad sa kapatid ko!" Dinuro ko pa ang tatlo na nagsimula na naman mag-iyakan. "A-Ate, okay lang.." Napailing na lang ako sa kapatid ko. Kahit na madalas kaming mag-away ay mayroon pa rin siyang mabuting puso. Narinig namin na bumukas ang pintuan at iniluwa nun si Mask. "Aun-- what the hell you were doing here, ho--- Ms. Arellano?" Halata sa mukha niya ang gulat habang nakatingin sa 'kin. Iniwas ko ang tingin sa kanya at muling binaling ang tingin ko sa babaeng nasa harapan ko. Nakatingin silang tatlo kay Mask habang panay ang pag-iyak nila. Mukhang nagpapaawa ang mga gaga. "What's happening here?" Pumunta na siya sa unahan namin habang palipat lipat ang tingin niya sa 'min. Napansin ko ang pagtingin niya sa panyong nakabalot sa leeg ko kaya pinaningkitan ko siya ng tingin. "A-Ang sakit po, Kuya Marcus! Sinampal po ako ng babaeng 'yan!" Nakaturo pa ang babaeng 'yon sa 'kin. Wow! Tingnan lang natin kung sino ang kakampihan ni Mask. "Why did you slap her, Ms. Arellano?" Napaawang ang bibig ko sa sinabi ng lalaking 'yon. Bakit parang mas kinakampihan niya pa ang mga 'yon? "P-Pinagtanggol niya lang po ako," sabat naman ng kapatid ko. "What? Mali pa rin, Ms. Arellano na pumatol ka sa mas bata sa 'yo." Pakiramdam ko'y tumigil ang mundo ko nang dahil sa sinabi niya. Tumayo ang babaeng 'yon at yumakap kay Mask na para bang walang Principal na nanunuod sa amin. Kumulo ang dugo ko habang pinagmamasdan sila. "Shh! Stop crying," pagpapatahan ng lalaking 'yon. Ang sakit kasi ang taong inaasahan ko na ipagtatanggol ako... iiwanan lang pala ako sa ere. "Ate.." Hindi ko pinansin ang kapatid ko. Tumayo na ako habang masama ang tingin ko kay Mask. "Oo na! Ako na ang mali! Ako na ang may kasalanan kasi pumatol ako sa kanila! Ang sakit... sobrang sakit! Anong karapatan nila na saktan ang kapatid ko, ha?! " Hindi ko na napigilan na maluha nang maramdaman kong hinawakan ni Gennica ang kapatid ko. "Ms. Arellano!" matigas na sabi ng Principal. "Ako na ang may kasalanan.. ako na..." Bastos man ay tinalikuran ko na sila habang hila ko ang kapatid ko. Hindi ko kayang makita ang pagmumukha ng gagong 'yon kasi naiinis ako. "A-Ate, I'm sorry.." Hindi ko pinansin ang sinabi ng kapatid ko kasi patuloy pa rin ako sa paghila sa kanya. Bigla na lang may humawak sa braso ko kaya nabitawan ko ang pagkakahawak kay Gennica. Paglingon ko'y sumalubong sa 'kin ang mukha ng gagong 'yon. "O ano? Ipapamukha mo na naman sa 'kin na ako ang may kasalanan kung ipinagtanggol ko lang naman ang kapatid ko, ha?!" Pinaghahampas ko siya dahil sa inis na nararamdaman ko. Wala akong pakialam kung marami na ang nakatingin sa 'min. "I'm sorry, honey.." Bigla niya na lang akong niyakap kaya mabilis ko siyang tinulak palayo. "Kinginamo! Huwag ka nang lalapit sa 'kin kahit na kailan! Isinusumpa kitang malandi ka!" Tinalikuran ko na siya kasabay nang muling pagtulo ng luha ko. Mahal ko na siya, mahal ko na si Marcus at naiinis ako! Chapter 24 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 24 "Let me explain..." Muli na naman niyang hinawakan ang braso ko para pigilan kaya mabilis kong pinunasan ang luhang tumutulo mula sa aking mga mata. Matapang ko siyang hinarap at kahit gusto kong iiwas ang tingin ko sa kanya'y hindi ko ginawa. It hurts. It fucking hurts! Hindi niya man lang ako nagawang maipagtanggol sa Leon niyang Auntie. Ako pa ang nagmukhang masama sa paningin nila. "Explain? Bakit kailangan mong mag explain? Hindi ba't ako na naman ang masama sa paningin mo, 'di ba?! Pinagtanggol ko lang naman ang kapatid ko sa kanila!" "A-Ate.." Hindi ko pinansin si Gennica kasi diretso lang ang tingin ko kay Mask. Napansin kong marami na ang nakamasid sa amin pero wala akong pakialam sa kanila. "I know wala kang kasalanan pero gagaw---" hindi na niya naituloy pa ang sasabihin kasi bigla na lang siyang tinawag ng Leon na 'yon. Napalingon kami sa kanila na kung saan panay pa rin sa pag-iyak ang tatlo. Kumukulo ang dugo ko sa kanila. Ang gagaling nilang umarte. Sarap sabunutan nilang tatlo! "Take them home." "But Au--" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya kasi humiyaw na ang Leon. "Now!" Napalingon sa 'kin ang leon na 'yon na halos patayin na ako sa tingin. Pakiramdam ko'y nanlambot ang mga tuhod ko sa paraan ng titig niya. "Ihahatid ko la---" I cut him off. "Bakit ka nagpapaalam sa 'kin? Girlfriend mo ba ako? Boyfriend ba kita? Tayo ba? May label ba tayo? Wala naman 'di ba?! Kaya bakit ka pa magpapaalam?" Napansin kong natigilan siya sa tanong ko... maging ako rin pero hindi ko na mababawi pa ang salitang binitiwan ko. "What is wrong with you?" "Ikaw! Ikaw ang may problema kasi naiinis ako sa 'yo! Wala kang puso!" gigil kong asik habang panay ang hampas ko sa kanya. Wala akong pakialam kung nasa amin na ang atensyon nila. Sobrang naiinis na talaga ako sa kanya at pakiramdam ko'y sasabog na ako sa galit. "Of fuck, honey... Don't make me mad!" Bigla niya na lang hinawakan ang braso ko at hinila palayo sa lugar na 'yon. Narinig namin ang paghiyaw ng leon niyang Auntie na tinatawag ito. Mas lalo rin na lumakas ang iyak nung tatlong bruha. "Ano ba?! Bitiwan mo nga ako!" Pilit kong inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko pero hindi ko magawa kasi sobrang higpit ng kanyang hawak. Napansin kong papunta kami sa library kaya minabuti ko na lang na tumahimik. Habol ang tingin sa amin ng estudyante lalo na kay Mask na ngayon ay seryoso lang ang mukha. Dinala niya ako sa lugar kung saan muntikan na akong halayin ng Dan na 'yon. Pakiramdam ko'y nanghina ang mga tuhod ko nang maalala ang pangyayaring 'yon. "Bakit mo ba ako dinala rito? Ha?!" "Oh fuck." Pauli-uli lang siya sa harapan ko habang nakasabunot siya sa kanyang buhok. Habol naman ang tingin ko sa kanya habang ang bilis ng tibok ng puso ko. "Aalis na ako! Ihatid mo na ang tatlong 'yon at baka mamatay na sa kakaiyak!" Aalis na sana ako nang bigla niya akong isinandal sa bookshelf. Nakaharang ang dalawang kamay niya sa magkabila ko habang ang lapit ng kanyang mukha sa 'kin. Hindi ko pa rin mapigilan na kabahan kapag sobrang lapit niya sa 'kin. Halos gawin na namin ang bagay na 'yon kanina pero hindi pa rin mawala ang kabang nararamdaman ko. "What kind of courtship do you want?" Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Gusto kong mapamura kasi mas lalong lumakas ang kabog ng puso ko. "By doing harana at your house? A date in a restaurant? To surprise you or make you scream on my bed? Tell me? Which one, honey?" Pakiramdam ko'y kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Seriously?! Making me scream on his bed? Panliligaw ba 'yon?! Kahalayan ang tawag dun! "Bakit ba ang halay mo, ha?! Ha?!" Patuloy lang ako sa paghampas sa kanya nang hulihin niya ang braso ko at mas lalo pa niyang idiniin ang sarili niya sa 'kin. "I'm dead serious, honey. I'll court you.." "L-Liligawan mo ako?" hindi ko makapaniwalang tanong. "Ayaw mo?" Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. "Hindi ba dapat sinasabi mo'y liligawan mo ako sa ayaw at sa gusto ko?! Ganyan ka ba talaga, ha? Paano kung sinabi kong ayaw ko edi hindi ka na manliligaw?" "Hindi ako marunong manligaw, sila ang nanliligaw sa 'kin." "Anong pinapalabas mo, ha? Na ako ang manliligaw sa 'yo? Ang kapal naman ng mukha mo!" Hindi ko na napigilan na muli siyang hampasin pero bigla akong napahinto sa ginawa niya. Binuhat niya lang naman ang bewang ko at sa isang iglap ay nakapulupot na ako sa kanya na parang tarsier. "I-Ibaba mo ako!" "I love this position, honey.. too close. I can feel your b---" hindi ko na siya pinatapos kasi binatukan ko na siya. "Oh sh*t!" "I said put me down!" Mas lalo niyang dinikit ang likod ko sa bookshelf habang nahawak siya sa mga hita ko para suporta na huwag akong mahulog. Magkaharapan kami habang nakapulupot ang mga hita at braso ko sa kanya. Ghad! Ano na naman bang klaseng kalandian 'to? "Mask!" Pilit akong nagwawala para bitiwan niya ang pagbubuhat sa 'kin pero mas lalo pa niyang hinigpitan para huwag lang akong makawala. "Call me Marcus.." Natigilan ako nang mapagtanto kung gaano kalapit ang mukha naming dalawa. Natanaw ko na naman ang gwapo niyang mukha. Kaunting galaw ko lang ay siguradong maglalapat na ang mga labi namin. Napatitig naman ako sa mala-rosas niyang mga labi na sobrang pula. I bit my lower lip. Parang gusto ko muling angkinin ang bagay na 'yon. "M-Mask..." "Marcus, honey, Marcus.." "M-Mask..." Nakita kong naiinis na siya kasi hindi ko siyang magawang tawaging Mask. Well, natatawag ko lang naman siyang Marcus kapag magkalapat ang mga labi naming dalawa. "Don't make me mad, honey.. I said call me Marcus..." Nakita ko ang pagtaas baba ng adams apple niya kaya napangisi ako. Galit dapat ako sa kanya, galit dapat ako pero bakit ang rupok ko? Nakakainis! "Malanding Adik Sa Ki---" he cut me off with a kiss. Naramdaman ko ang marahan niyang pagpisil sa mga hita ko habang panay ang galaw ng kanyang mga labi. I couldn't help myself but respond to his kisses. Kanina'y nasa office kami, sa ibaba at sa ilalim ng mesa pero ngayon naman... sa library na. 'Yong totoo? Hanggang saan aabot ang kalandian namin? "M-Marcus..." Naramdaman kong napangisi siya nang tawagin ko ang pangalan niya. Hindi ko mapigilan na banggitin ang pangalan niya kasi ang sarap niya talagang humalik. Nawawala ako sa sarili... "M-Marcus..." Gumagapang ang mga labi niya pababa sa panga ko at napatingala na lang ako habang dinarama ang kanyang halik. "Fuck! Sagabal!" gigil niyang saad at namilog ang mga mata ko nang alisin niya ang panyong nakapulupot sa leeg ko gamit ang ngipin niya. Why Mask? Bakit ang hot mo? "This is mine, only mine.. Ako lang ang pwedeng magpapula nito!" Malaya na niyang napapak ang leeg ko kasi naalis na niya ang panyo. Napasabunot naman ako sa buhok niya habang kagat ko ang pang-ibabang labi ko. Sinabi ko sa kanya na huwag na siyang lalapit sa 'kin pero ngayon? Ghad! We're making out again. "M-Marcus..." Ramdam ko ang pang-gi-gigil niya sa leeg ko na sigurado ako na mas lalo nang namumula. Lumipat ang mga labi niya sa kabila kong leeg kaya mas lalo akong napasabunot sa kanya. Hanggang ngayon ay nakapulupot pa rin ako sa kanya na para bang wala lang sa kanya ang bigat kong taglay. Habang nakapikit ako'y bigla kong naalala ang kapatid ko. Bakit nakalimutan ko ang kapatid ko? Paano kung napagtulungan na naman si Gennica ng tatlong 'yon? "A-Ang kapatid k-- Marcus.." Bigla niya na lang pinapak ang panga ko kaya hindi ko mapigilan na mapaungol. Muling niyang inangkin ang mga labi ko at hindi ko talaga mapigilan na gantihan ang halik na binibigay niya. Label! Gusto ko ng label! Huminto na siya sa paghalik sa 'kin at pinaglapat ang noo naming dalawa. Pareho kaming habol ang hininga. "Are you still mad at me?" "P-Put me down.." Nakahinga na ako nang maluwang nang maibaba na niya ako. Lilimutin ko na sana ang panyo ko pero naunahan niya ako. Napangisi siya habang nakatingin sa leeg ko na sigurado kong punong-puno na ng hickey. "You're so beautiful, honey.. with your red marks.. signs of my territory." Hinaplos ng daliri niya ang leeg ko na ikinataas ng mga balahibo ko. Nang mapadaan na lahat ng daliri niya ang mga 'yon... siya na mismo ang nagtakip ng panyo sa 'kin. "Are you still mad at me?" muli niyang tanong. "Why, Mask? Bakit mas kinampihan mo ang mga 'yon kaysa sa 'kin? Bakit?" Hahawakan niya sana ang pisngi ko pero iniwas ko ang mukha ko sa kanya. "My auntie hates you, at sa oras na kampihan kita. Mas lalo siyang magagalit sa 'yo at ayokong mangyari 'yon kasi gagawa siya ng paraan para mapaalis ka sa school na 'to. You can't leave me here, honey.. Hindi ako papayag.." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. "Kasi bad influence ako sa 'yo, 'di ba? Na ang alam nila'y nilalandi ko ang SSG President kaya hindi mo na magawa ang tungkulin mo sa paaralang 'to nang dahil lamang sa 'kin..." 'Yan ang tanging alam ko na dahilan kaya galit na galit sa 'kin ang leon na 'yon. "No..honey, don't say th----" I cut him off. "Babalikan ko na ang kapatid ko." Aalis na sana ako nang hawakan niya ang braso ko kaya inis ko siyang nilingon. Kailangan ko na talagang layuan siya kasi nang dahil sa 'kin... hindi na niya nagagawa pa ang tungkulin niya bilang SSG President. Paano niya nagawang pumatol sa kapwa niya estudyante kung isa siyang President? Nang dahil sa 'kin ay nagawa niya ang bagay na 'yon. Kaya tama ngang ako ang pag-initan ng leon na 'yon. "H-Haharanahin kita sa inyo mamayang gabi, just wait for me, honey... wait for me.." Ibubuka ko pa sana ang bibig ko nang lumapat na ang mga labi niya sa 'kin. Tatlong segundo lang na magkalapat ang mga labi namin bago siya maglakad palayo. Nakatingin lang ako sa likuran niya at hindi ko mapigilan na mapangiti. Nakita ko ang pamumula ng mga tainga niya nang sabihin niya 'yon. "Haharanahin niya ako?" Bakit ba ang rupok ko? Nakakainis! Binalikan ko na ang kapatid ko na hindi umalis sa lugar kung saan ko siya iniwan. "Saan ba kayo nagpunta ni Kuya Marcus? Bakit ang tagal mong balikan ako?!" "Sa library lang," tugon ko habang pinipigilan ko na mapangiti. "Ba't naman kayo nagpunta sa library?" "Ano pa ba ang gagawin sa library? Edi nag-aral!" "Totoo?" "Of course, ano pa ba ang gagawin dun bukod sa pag-aaral? Alangan namang kumain kami roon." "Kumain nga kayo, nagkainan.." Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Nakangisi siya habang nakatingin sa panyo kong nakabalot sa leeg ko kaya napahawak ako roon. "Anong nangyari riyan?" Nginuso niya ang leeg ko. "Natusok ng bubuyog." "Gaano kalaking bubuyog? Mala-Kuya Marcus ba?" She smirked. "Shut up, Gennica! Kailangan mo pang magpaliwanag sa 'kin." "Iniiba mo lang ang usapan." Tinalikuran ko na siya habang panay pa rin ang pang-aasar niya. Mabuti na lang at okay na siya na hindi katulad kanina na sobrang lungkot ng kanyang mukha. Pumunta muna ako sa room para kuhanin ang bag ko habang naghihintay naman sa gate si Gennica. Nagulat ako nang makitang si Josh na lang ang nasa loob ng room. Maging si Stella ay wala rin. Nasaan ang mga kaklase namin? Hindi ko magawang tumingin kay Josh kasi sobrang nahihiya ako sa nangyari kanina. Nakamasid lang siya sa 'kin kaya mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi. "K-Kukuhanin ko lang ang bag ko, hehe," nahihiya kong saad. Aalis na sana ako nang hawakan niya ang braso ko para pigilan. Nilingon ko naman siya habang may pagtataka sa mukha ko. "W-Wala lang 'yong nak--" "I don't care, Gianna! Wala akong pakialam kung anong ginagawa n'yo. Wala akong pakialam kung anong meron sa inyong dalawa.." Napaawang ang mga labi ko sa sinabi niya. Sobrang lalim na ba ang nararamdaman niya sa 'kin? Bakit ako pa Josh? Bakit ako pa na may iba nang gusto? "J-Josh.." Bigla niya na lang akong hinila papalapit sa kanya at sinalubong ako ng yakap. Hindi ako makagalaw habang nasa bisig niya ako. Sobrang higpit ng yakap niya habang nararamdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko. "Feel my heart.." Mas lalo pa niya akong idinikit sa kanya para marinig ko ang lakas ng kabog ng puso niya. Hindi ko siya magawang itulak papalayo sa 'kin kasi alam kong masasaktan siya kapag ginawa ko 'yon. "Ganyan kalakas ang tibok ng puso ko sa tuwing nakikita kita, Gianna.." "Josh.." I need to say something pero walang lumabas na salita mula sa bibig ko. "Yes, he's my bestfriend pero hindi ako magpapatalo sa kaniya lalo na pagdating sa 'yo. I'll do anything just to win your heart, kahit siya pa ang laman nito. Hindi ako susuko..." Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at pinaglapat niya ang noo naming dalawa. Naiinis ako sa sarili ko kasi mabilis naglaho ang pagkagusto ko sa kanya nang dahil kay Mask. "Haharanahin kita mamayang gabi. I want you to hear my voice with full of love because I lik--no I love you, Gianna..." Hinalikan niya ang noo ko na ikinagulat ko. Naglakad na siya palayo habang naiwan naman akong tulala. Kung haharanahin niya ako mamayang gabi? Edi ibig sabihin, silang dalawa ni Mask ang haharana sa 'kin mamaya? Anong gagawin ko? Hindi naman dalawa ang puso ko. Malapit na akong mabaliw sa haba ng hair ko. Chapter 25 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 25 Wala ako sa sarili habang naglalakad pauwi kasi iniisip ko kung anong mangyayari mamaya sa oras na dumating 'yong dalawa. Mag-isa lang ako kasi iniwan ako ako ng babaeng 'yon. Humanda talaga siya sa 'kin mamaya! Hindi matatapos ang araw na 'to hangga't hindi siya nagpapaliwanag sa 'kin. Kumukulo pa rin ang dugo ko sa tatlong babaeng 'yon na akala ko'y mga kaibigan niya. Wala silang karapatan na saktan ang kapatid ko! "Anong gagawin ko mamaya kapag kaharap ko na sila?" tanong ko sa sarili ko. Marami ang napapalingon sa 'kin dahil sa biglang pag-imik ko pero binalewala ko na lang sila. Kailangan ko na yatang putulin talaga ang buhok ko. Gusto kong maranasan na magkaroon ng boyfriend pero bakit naman ganito? Bakit kailangang magkaibigan pa ang manliligaw sa 'kin? Hindi ko na kinakaya pa ang kagandahan ko! Sumusobra na! At saka sinabi ni Josh na mahal niya ako. Alam kong hindi siya nagbibiro kasi nakikita ko sa mga mata niya na sincere siya sa sinabi niya kanina. Pero si Mask? Gusto niya ba talaga ako o pinaglalaruan niya lang ako? Naiinis ako sa kanya kasi ang alam lang niya'y landiin ako. Lunurin ako sa halik niya hanggang sa tuluyan na akong bumigay sa kanya. Humanda siya sa 'kin kapag nalaman kong pinaglalaruan niya lang ako! Isa pa paano kung magkasabay sila mamayang dalawa na haranahin ako? Sino ang mauuna sa kanilang kumanta? Kailangan nilang mag jack en poy na dalawa! Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko. Kumunot ang noo ko nang makita kong dalawa ang nag message sa 'kin. From: My future husband See you later, Gianna... Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko sa natanggap kong message kay Josh. Naninibago pa rin talaga ako sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nababago ang pangalan niya sa contact ko. Binuksan ko naman ang isang message na number lang. From: 09562****** Be ready, honey.. I'll make you scream tonight. Welcome me with your open leg-- arms. Ah shit! ߒ See you! Halos dumugo na ang pang-ibabang labi ko sa tindi ng pagkagat ko nang mabasa ang message na 'yon. Kahit sa text ay napakahalay niya. Kailan ba siya magiging inosente? Kingina! Nakakabuntis ang message niya. Wala akong nireplyan sa dalawa kasi wala akong load. Ang ipinagtataka ko'y paano nalaman ni Mask ang number ko? Bigla kong naalala ang kapatid ko. Siguradong siya ang nagbigay sa mahalay na 'yon. Paano kung nasabi ng babaeng 'yon na may gusto na ako kay Mask? Humanda talaga siya sa 'kin! Sinave ko na ang number ng lalaking 'yon na ang inilagay ko'y Mask. "Hoy babae! Lumabas ka nga riyan!" Panay ang katok ko sa pinto ng kwarto niya pero hindi niya pa rin ako pinagbubuksan. "Kailangan mong magpaliwanag sa 'kin!" Hindi niya pa rin binubuksan ang pintuan kaya pinagsabay ko na ang kamay at paa ko para mas mapalakas ang pagkatok sa kanya. "Kapag hindi mo binuksan ang pinto mo, lalayasa----" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko kasi binuksan na niya ang pinto. "Bukas na lang ako magpapaliwanag." Humiga siya sa kama niya at nagtalukbong ng kumot. Mabilis ko naman hinila 'yon kaya inis niya akong tiningnan. "Ate naman!" Pilit niyang hinihila ang kumot pero mas hinigpitan ko ang hawak. "Gennica!" Bigla niyang binitawan ang kumot kaya muntikan na akong matumba. Narinig ko ang paghikbi niya kaya lumambot ang puso ko. "S-Sorry, Ate kung nadamay ka pa.." I hugged her. "Akala ko ba'y kaibigan mo sila? Bakit ganun na lang ang trato nila sa 'yo?" Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at pinunasan ang mga luha niya. "G-Gusto ko ng kaibigan kasi hindi ako sanay nang nag-iisa. Sila ang unang kumausap sa 'kin. Mabait naman silang tatlo noong una pero nang tumagal.." Patuloy lang sa pagtulo ang mga luha niya kaya hindi ko na rin napigilan na mapaiyak. "..nakikilala ko na ang totoong ugali nila. Ginagamit lang pala nila ako para makapasa sila. Nagagalit sila kapag hindi ko sila nabibigyan ng sagot na tulad kanina..." Mas lalong tumindi ang galit ko sa tatlong 'yon. Wala silang karapatan naƂ gamitin ang kapatid ko! Matalino si Gennica pero hindi ko akalain na darating sa punto na hahayaan niya lang na gamitin siya. "Uubusin ko talaga ang buhok niyong tatlong 'yon sa oras na makasalubong ko sila!" Umiling naman siya sa sinabi ko. "A-Ayokong madamay ka pa, Ate. Ipinapangako ko na lalayuan ko na sila.." "Aba dapat lang at sa oras na malaman kong sinasaktan ka nila ulit. Hindi lang sampal at sabunot ang aabutin nila sa 'kin!" "A-Ate, sorry talaga kita kung hindi ko sinabi sa 'yo. Ayokong mag-alala ka sa 'kin kaya pinapakita ko sa 'yo na masaya ako sa tuwing kasama ko sila. Ikaw na lang ang meron ako, Ate, ikaw na lang." Pinagmasdan ko ang kapatid ko na patuloy pa rin sa pagbuhos ang mga luha. Ang sakit makitang nasa ganito siyang kalagayan. "Gennica naman! Ate mo 'ko na pwede mong sabihan ng problema. Kahit ano pa 'yan, makikinig ako at ipagtatanggol kita sa taong nananakit sa 'yo kasi mahal kita. Ayokong may umaapi sa 'yo. Ako ang magulang mo ngayon." "I love you, Ate.." Mahigpit ko siyang ikinulong sa bisig ko. Kung nandito lang si Mama edi sana siya ang karamay namin ngayon. "I love you too kahit na nakakainis ka," I whispered. "Panira ka talaga ng moment kahit na kailan." Napangiti na ako nang sumilay na ang ngiti sa kanyang mga labi. "Mangako ka na wala ka nang ililihim pa sa 'kin kasi nasasaktan ako na ang kapatid ko'y walang tiwala sa 'kin." "Hindi naman sa wala akong tiwala, ayoko lang na nag-aalala ka kasi hindi ko kaya na nasasaktan ka nang dahil sa 'kin." "Gennica naman! Ate mo ako kaya malamang mag-aalala ako sa 'yo! Uubusin ko ang buhok mo, e, sobrang nang-gi-gigil ako sa 'yo!" inis kong saad pero ang gaga'y niyakap lang ako. "Gusto ng lambing ng Ate ko.." "Kadiri ka!" "Kapag ako na kapatid mo ang nanlalambing ay nandidiri ka pero kapag si Kuya Mar---" "Ikaw ba ang nagsabi sa kanya ng number ko?" Umiwas siya ng tingin at akmang tatayo na pero mabilis ko siyang napigilan. "Bakit mo binigay sa malanding 'yon?" "Hiningi niya ang number mo at dahil boto ako sa kanya'y ibinigay ko naman agad." "S-Sinabi mo?" Napangisi siya kaya bigla akong namutla. "A-Ayoko ng ngisi mong babae ka! Umamin ka sa 'kin, sinabi mo ba sa kanya?" "Na ano? Na gusto mo siya?" Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Gennica naman!" "Bakit ko naman sasabihin? Mas maganda kung ikaw ang magsabi sa kanya ng nararamdaman mo. Walang kilig kapag sa iba niya pa nalaman." I bit my lower lip. Kaya ko bang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko? Paano kung pinaglalaruan niya nga lang ako? Pero sinabi niya liligawan niya ako. Paanong ligaw kaya? Baka halayin niya lang ako hanggang sa mapasagot niya ako ng oo. "Bakit sinabi niyong isang impakta na inaagaw ko raw sa kanya si Marcus? Saka anong pangalan ng babaeng 'yon?" Muling pumasok sa isip ko ang pagyakap ng impaktang 'yon kay Mask. Naiyukom ko ang aking mga kamao! Kumukulo ang dugo ko sa bruhang 'yon! "She's Sapphire... siya ang pinaka maldita sa kanilang tatlo. Patay na patay ang babaeng 'yon kay Kuya Marcus. Nang malaman niya na kapatid mo ako'y mas lalo siyang nainis sa 'kin. Paano ba naman kumalat na sa buong Cross Sign na ikaw lang daw ang pinakahihibangan na babae ni Kuya Marcus. Marami ang naiinggit sa 'yo..." Pakiramdam ko'y tinapalan na ng blush on ang mukha ko sa sobrang pula. Ako? Kinahihibangan ng lalaking 'yon? Baka naman sinusubok niya lang ako kasi hindi ako kumakagat sa kamandag niya. "Baka pinaglalaruan niya lang ako." "Huwag ka ngang nega, malay mo naman mahal ka na niyong tao pero hindi niya lang maamin sa 'yo." Mahal ako ni Mask? Seryoso?! Imposible! Minabuti ko na lang na huwag na umimik. Pumunta ako sa kwarto ko para maligo. Syempre kailangang fresh ako para mamaya. Nagluto na rin ako ng makakain nila. Hindi ko akalain na mangyayari 'to sa buhay ko. Ang inaalala ko'y sino ang papayagan kong manligaw sa kanila? Pwedeng both? Landi ko naman! "Omg! Hickeys! Ang laki naman yatang bubuyog ang kumagat sa 'yo. In short si Kuya Marcus," she smirked. Namilog ang mga mata ko sa sinabi ni Gennica. Hindi ko napansin na nasa likod ko na pala siya kasi busy ako sa pagluluto. Kasalukuyan siyang nakatingin sa leeg ko. "H-Hindi kaya 'to hickeys," iling kong sabi at tinakpan ng palad ko ang bagay na 'yon. "Kahit na mas bata pa ako sa 'yo, Ate hindi ako mangmang para hindi malaman kung ano 'yan." Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko. Bakit ba nakalimutan kong takpan ng panyo ang leeg ko? Punong-puno pa naman 'to ng mga hickeys na kagagawan ng mahalay na 'yon. "May nangyari na ba sa inyo ni Kuya Marcus?" Napaubo naman ako sa sinabi niya. "No way!" naiiling kong tugon. "Maka-react ka naman parang nawalan ka na ng virginity." Pinaningkitan ko naman siya ng tingin. "Manahimik ka!" "Pero Ate, mag-iingat kayo, ha? Baka mab----" tinakpan ko ang bibig niya. "I'm still a virgin!" Sobrang pula na ng mukha ko sa kahihiyan. Bigla niyang kinagat ang kamay ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Pinatay ko na ang apoy at mabilis akong umalis sa lugar na 'yon. Napahinto ako sa paglalakad nang hawakan niya ang braso ko. "Anong gagawin mo mamaya?" Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. "Sa tingin mo mas mabuting bastedin ko na lang 'yong dalawa? Ayokong mag away sila nang dahil sa 'kin." "Bakit mo ba-bastedin kung pwede mo naman pagsabayin?" "Gaga! Anong tingin mo sa 'kin? Bakit ko tutuhugin sa isang stick ang magkaibigan na 'yon?" Natatawa naman siya habang naiiling. "I mean payagan mo silang dalawa na manligaw sa 'yo saka ka mag desisyon kung sino ang pipiliin mo sa kanila." Mukhang kailangan ko na yatang tumira sa isang mataas na tore dahil sa haba ng hair ko. Dalawang prinsipe ang gustong manligaw sa 'kin. Isang maginoo at isang mahalay. "Choose someone who deserves your heart, who will take care of you and who will not make you cry." Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil. "Ayokong makikitang nasasaktan ang Ate ko." "Bakit ang sweet mo ngayon?" nagtataka kong tanong. "Ubos na ang allowance ko... Baka naman?" Pinisil ko naman ang tainga niya dahil sa sinabi niya. "Kaya pala ang sweet mo kasi may kailangan ka!" "Ouch!" Inalis ko na ang pagkakapisil sa kanya nang bigla niya akong belatan at nagtatakbo na palayo sa 'kin. Napailing na lang ako sa kanya at kumuha ng panyo para itakip sa leeg ko. Napatingin ako sa orasan. It's already 7 PM. Anong oras ba balak nila na pumunta rito? Hindi kaya aswang ang dalawang 'yon tapos ako ang magiging dinner nila? Oh my gosh! Dapat na ba akong maghanda? Should I wear a lingerie? No way! "Omg! May humintong sasakyan sa labas!" Nataranta naman ako sa sinabi ni Gennica na kasalukuyang pababa ng hagdanan. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba. "Sa tingin mo sino ang unang dumating?" "I'm not sure pero itim na BMW ang pumarada sa labas ng gate. Hindi ba kulay black ang kay Kuya Marcus?" Bumilis ang kabog ng puso ko sa sinabi niya. Tama nga siya na black ang kotse ni Mask habang white naman ang kay Josh. Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko habang naglalakad kami ni Gennica palabas ng bahay. Nakasuot ako ng dress kasi ayoko naman magmukhang chaka sa harapan nila. Well, sabihin natin na pinaghandaan ko talaga 'to. Paglabas ko'y natigilan ako nang makita ang lalaking nasa harapan ngayon ng gate na kasalukuyang may hawak na bouquet of roses at may nakasabit na gitara sa kanya. "J-Josh.." Napangiti siya nang makita ako. Binuksan ni Gennica ang gate at pinapasok si Josh. "Good evening ladies," nakangiti niyang wika. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na hinalikan ang likod ng palad ko na ikinapula ng mukha ko. Nilingon niya naman si Gennica bago muling ibinaling ang tingin sa 'kin. Napatili naman ang gaga kaya pinaningkitan ko siya ng tingin. "Flowers for you my beautiful lady." Tinanggap ko naman 'yon kaya mas lalong lumapad ang ngiti niya. Lumapit naman siya kay Gennica at ibinigay din ang isa pang bulaklak na sobrang ikinalapad ng ngiti ng kapatid ko. "Thanks," sabay naming sabi ni Gennica. Nakasuot siya ng itim na pantalon habang puting polo shirt naman ang pang-itaas. Napansin ko rin ang ayos ng buhok niya na mas lalong nakapag pa-gwapo sa kanya. Mukha siyang isang tunay na prinsipe. "This song is dedicated for you my beautiful lady.." Sinubukan niya munang mag strum sa gitara niya bago niya ulit ako lingunin. Nagtama ang tingin namin nang sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Napakabuti niyang tao pero hindi na siya ang laman ng puso ko. Kasi ang lalaking hinihintay ko'y wala pa rin hanggang ngayon. Where are you, Marcus? Nagsimula na siyang mag strum sa gitara habang nanatili lang ang tingin ko sa kanya. Kung ako ang may-ari ng mundo Ibibigay lahat ng gusto mo Hind ko akalain na maganda pala ang boses niya. Siniko ako ng kapatid ko na mukhang kinikilig kay Josh. Araw-araw pasisikatin ang araw Buwan-buwan pabibilugin ko ang buwan Para sa'yo, para sa'yo Nanatili lang ang titig niya sa mga mata ko habang walang palya ito sa pag strum. Susungkitin mga bituin, para lang makahiling Na sana'y maging akin Puso mo at damdamin Kung pwede lang, kung kaya lang Kung akin ang mundo Ang lahat ng ito'y iaalay ko sa'yo... Huminto na siya sa pagkanta at muling naglakad papalapit sa 'kin. Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko. "J-Josh..." Hinawakan niya ang kamay ko at muling hinalikan ang likod ng palad ko. Nanatili lang ang titig niya sa mga mata ko. Nanghihina ako sa paraan ng titig niya. Nakikita ko sa tingin niya na totoo ang nararamdaman niya para sa 'kin. "Nandito ako sa harapan mo para ipadama ang pag-ibig ko sa 'yo, Gianna. Pumayag ka man o hindi, liligawan pa rin kita at handa akong maghintay na mahalin mo rin ako. Kahit gaano pa katagal, kahit hindi pa ako ang laman ng puso mo, maghihintay pa rin ako kasi mahal kita. " Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya kaya nilingon ko si Gennica na panay ang tango na para bang siya ang tinanong ni Josh. "Pumapayag ako na ligawan mo ako." Namilog ang mga mata niya sa sinabi ko. "T-Talaga?" "Yes," I nodded. Huli na kasi namalayan ko na lang na nakakulong na ako sa bisig niya. Wala akong naramdaman na kilig habang nakakakulong ako sa kanya. Pakiramdam ko'y pinapaasa ko lang siya. "You made me so happy, Gianna. I promise... I will never hurt you." Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at hinalikan niya ang noo ko. "Maghihintay ako kahit gaano pa katagal. Maghihintay ako.." Tanging ngiti lang ang naitugon ko sa kanya kasi hindi ko alam ang sasabihin ko. Pumasok na kami sa loob at pinaghanda ko na siya ng makakain. Marami ang nakain niya kasi mukhang nagustuhan niya ang niluto ko. Matapos kumain ay tumambay naman kami sa salas. Tumingin ako sa oras. It's already 9:10 pm. Wala pa rin si Marcus hanggang ngayon. Bakit wala pa siya? Hindi kaya isang malaking joke lang ang sinabi niya kanina? Kasi kung ganun nga, kingina niya! Huwag na siya magpapakita pa sa 'kin! Hindi ko kailangan ng isang paasang tulad niya! "Kailan nagsimula ang nararamdaman mo sa 'kin?" Nilingon niya ako kaya nagtama ang tingin naming dalawa. "Nung araw na inutos mo na yakapin kita. Pinabilis mo ang tibok ng puso ko habang nakakulong ka sa bisig ko. Ayaw na kitang pakawalan ng oras na 'yon. Akala ko wala lang 'to pero hindi ko mapigilan na magselos kapag magkasama kayo ng kaibigan ko. Gusto kitang ilayo sa kanya pero wala akong karapatan sa 'yo. Hindi kita pagmamay-ari." Nung araw na 'yon ikaw ang lalaking hinahangaan ko pero ngayon nagbago na. "J-Josh.." Nakahawak na siya sa magkabila kong pisngi habang palipat lipat ang tingin niya sa mga mata ko at sa aking mga labi. "Can I kiss you?" Natigilan ako sa sinabi niya. Ibang iba nga sila ni Mask. Kasi siya humihingi pa ng permiso na halikan ako samantalang si Mask... salakay kung salakay. Hindi ako sumagot pero ipinikit ko na ang aking mga mata. Naramdaman ko ang mga labi niyang dumampi sa noo ko kaya mabilis akong napamulat. "B-Bakit hindi mo itinuloy?" "I respect you my lady.." He smiled. Iniwas ko ang tingin sa kanya at mabilis na tumayo. "Cr lang ako." Mabilis akong umalis sa lugar na 'yon kasi nasasaktan ako. Pinapaasa ko siya. Si Marcus na ang laman ng puso ko pero natatakot ako na baka masaktan lang ako. Pagkalabas ko ng cr, nakita ko si Gennica na sobrang higpit ng hawak sa kanyang phone. Panay din ang inom niya ng tubig kaya dahan dahan akong lumapit sa kanya at hinablot ang phone niya. "Ibalik mo sa 'kin 'yan!" "No way!" Pilit niyang kinukuha ang phone niya pero nagmatigas ako at mabilis na tiningnan ang pinagmamasdan niya kanina. Natigilan ako nang makita kung ano 'yon. Napahigpit ang hawak ko sa phone niya kasabay ng pagpatak ng mga luha ko habang nanatili ang tingin ko sa video na patuloy na nagpe-play. "A-Ate.." Bigla akong niyakap ni Gennica habang patuloy sa pagbuhos ang mga luha ko. Hindi mawala sa isipan ko ang nakita kong video. Nakaupo si Sapphire sa lap ni Mask habang naghahalikan silang dalawa. Nakita ko rin ang paglalakbay ng kamay ni Mask sa bawat parte ng katawan ng babaeng 'yon. Ang sakit! Sobrang sakit! Pinaasa lang ako ng gagong 'yon! Kingina niya! Hinding-hindi ko na hahayaan pa na makalapit siya sa 'kin. Tama nga si Josh, masasaktan lang ako sa isang playboy na tulad ng lalaking 'yon. Tangina! Mahal ko na siya e, mahal ko na! Pero pinaglalaruan niya lang ako! Chapter 26 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 26 "S-Sa tingin ko planado talaga ng babaeng 'yon ang nangyari. Baka may pinai---" "Please tumigil ka na!" Napailing na lang ako habang patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha. Hindi mawala sa isipan ko ang napanuod ko kanina. It hurts. It fucking hurts. Ang lalaking hinihintay ko'y nasa kandungan na ng ibang babae habang nagpapakasaya. "Patay na patay ang babaeng 'yon kay Kuya Marcus kaya hindi malab----" I cut her off again. "Huwag mong ipagtanggol ang gagong 'yon! Alam natin pareho na playboy siya at para sa kanya'y isa lang akong laruan. Isang bagay na pinaglalaruan at kapag nagsawa na'y itatapon na lang kasi wala nang pakinabang!" I wiped my tears. Tumayo na ako at dumiretso sa kusina para maghilamos. Ayokong makita ni Josh na mapula ang mga mata ko dahil sa pag-iyak. "A-Ate.." Nilampasan ko siya. Ayokong marinig na naman na ipinagtatanggol niya ang gagong 'yon! Nang makarating ako sa salas, nagtama agad ang tingin naming dalawa ni Josh kaya mabilis akong umiwas. Sana lang talaga na hindi na mapula ang aking mga mata nang dahil sa pag-iyak kanina. Hanggang ngayon ay kumikirot pa rin ang puso ko. Bakit sa dinami-raming lalaki mundo... sa isang playboy pa ako nahulog? Sa gagong wala nang ginawa kundi ang lumandi sa maraming babae. "Did you cry?" "H-Hindi ah, bakit naman ako iiyak?" naiiling kong tugon. "Siya ba ang dahilan?" Natigilan ako sa sinabi niya. "J-Josh.. ang sakit, sobrang sakit sakit..." Hindi ko na napigilan na mapaluha sa kanyang harapan. Mabilis niya naman akong ikinulong sa bisig niya. Ramdam ko ang marahan niyang paghaplos sa buhok ko. "I am sorry, Josh... pinigilan ko naman ang sarili ko, pinigilan ko na mahulog sa kanya pero wala, e, kusang tumibok ng mabilis ang puso ko sa tuwing kasama ko siya..." Binalaan na niya ako na huwag akong mahuhulog sa gagong 'yon pero anong ginawa ko? Nahulog pa rin ako sa patibong ng mahalay na 'yon. Kahit na alam kong mangyayari ang bagay na 'to... na masasaktan lamang ako. "A-Ano na ang gagawin ko? Ngayon pa lang nasasaktan na ako... paano pa kaya kapag mas lalong lumala ang nararamdaman ko sa kanya? He's a playboy, marami siyang babae.. Alam kong wala siyang nararamdaman para sa 'kin kasi pinaglalaruan niya lang ako." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko habang patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. Nakikita ko sa kanya ang sobrang pag-aalala. Bakit hindi na lang ako nahulog sa 'yo, Josh? Nung una pa lang... ikaw na ang lalaking kinahangaan ko pero bakit hindi mo nakuha ang puso ko? Bakit ang lalaking 'yon pa ang tinibok nito?! "I hate seeing you like this, damn! It's killing me.." Ako rin, hindi ko gustong makita ang sarili ko na umiiyak nang dahil lang sa isang lalaki. Hindi ko naisip na mangyayari ang bagay na 'to. "He doesn't deserve your tears..." Natigilan ako nang bigla niyang halikan ang luhang tumutulo sa mga mata ko. Pagkatapos niyang gawin 'yon... pinaglapat niya naman ang noo naming dalawa. Alam kong nasasaktan siya na nakikita niya akong nagkakaganito. Naiinis naman ako sa sarili ko kasi nararamdaman niya ang bagay na 'yon nang dahil lamang sa 'kin. "Let me be your rebound, gagawin ko ang lahat para mapasaya ka lang. Aalisin ko ang sakit na nararamdaman mo nang dahil sa gagong 'yon." "J-Josh.." Hanggang ngayon ay magkalapat pa rin ang noo naming dalawa. Naamoy ko ang bango ng mint sa kanyang bibig. "I'll be your crying shoulder, If you need a hug, I'll hug you tightly to make you feel better. If you need me, I'll go to you anytime. I'll do everything for you, my lady. Everything because I love you." He wiped my tears. Nakapikit lang ang aking mga mata habang marahan niyang pinupunasan ang aking mga luha. Nakarinig ako ng ingay kaya mabilis akong lumayo kay Josh. Nakita ko si Gennica na nakamasid sa amin nang bigla itong mag peace sign. Naiinis ako sa kanya kasi ipinagtatanggol niya ang gagong 'yon! "T-Thank you, Josh... Sobrang na-appreciate ko pero ayaw kitang maging rebound para lang makalimutan ko ang lalaking 'yon Ayokong masaktan ka nang dahil sa 'kin. Hindi mo deserve ang isang tulad ko at ayokong maranasan mo ulit ang sakit na naramdaman mo nang dahil sa ex mo." Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil. Habang pinagmamasdan ko siya... hindi ko mapigilan na masaktan. Bakit mas gusto niyang masaktan makita niya lang ako na masaya? Marami pa naman na ibang babae ang magmamahal sa kanya. "Please, Gianna, let me be your rebound. I'll distract you... para lang makalimutan mo na ang gagong 'yon. This is me, na kapag nagmahal, hulog na hulog talaga at gagawin ko ang lahat mapasaya ko lang ang babaeng mahal ko." Napailing ako sa sinabi niya pero hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at muling ipinaglapat ang noo naming dalawa. "It's fine, okay lang na masaktan ako basta ba makita lang kitang nakangiti, masaya na rin ako." "J-Josh, alam mo bang nakakainis ka, ha?! Bakit ba ang bait mo?" Hindi ko na napigilan na hampasin siya nang biglang sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi "Hindi ko na kailangan pa na magbigay ng rason kasi isa lang ang masisigurado ko sa 'yo..." Inilapit niya ang mukha niya sa 'kin. Kaunting galaw ay siguradong maglalapat na ang mga labi naming dalawa. "Mahal kita," he whispered. He kissed my forehead. Sana lang dumating ang araw na siya naman ang piliin ng puso ko. Hindi naman kasi mahirap na mahulog sa kanya kasi napakabuti niyang tao. Kumbaga lahat ng gusto ng babae sa isang lalaki'y nasa kanya. Mabait, matalino, gwapo, gentleman. Napaka swerte ko naman kasi ako ang minahal niya. "Ano ba ang nangyari?" Nandito na kami ngayon sa labas ng bahay namin. Masyado na kasing malalim ang gabi kaya kailangan na niyang umalis. Ngayon ko lang napansin na sobrang haba ng araw ngayon. Ang daming nangyari. Kanina ako lang ang nilalandi ni Mask pero ngayon naman... nasa kandungan na siya ng ibang babae. Hindi ko na hahayaan pa na makalapit siya sa 'kin. Sa tuwing kasama ko siya'y parang dinadala ko na rin ang sarili ko sa isang bangin. Isang hakbang ko lang ay mahuhulog na talaga ako ng tuluyan at masasaktan. "Sinaktan nila ang kapatid ko, ginagamit lang nila para makapasa sila sa tuwing may exam. Galit na galit ako sa nasaksihan ko kanina. Wala silang karapatan na saktan ang kapatid ko! Pinagtanggol ko lang si Gennica pero ako pa ang lumabas na masama nang dahil lang pumatol ako sa mas bata sa 'kin. Hindi ko kayang panuorin lang sila habang sinasaktan nila ang kapatid ko!" Hinawakan ni Josh ang nakakuyom kong palad para pakalmahin kasi nanginginig pa rin talaga ako sa galit. "I'm sorry, kung nandun ako edi sana na--" I cut him off. "Okay lang, Josh. Ayokong pati ikaw ay pag-initan ng Principal na 'yon. Baka bigla ka na lang niyang alisin sa pagiging Vice President mo." "I don't care about my position! Ipagtatanggol kita kahit na anong mangyari. Kung ako ang nasa posisyon mo, ipagtatanggol ko rin ang kapatid ko. I won't let anyone to hurt them. You did the right thing, Gianna... I believe in you.." I couldn't help but to smile. Mabuti pa siya naniniwala sa 'kin. Kung nandun lang siya, malamang ako ang ipagtatanggol niya na hindi katulad ng gagong 'yon na iniwan lang ako sa ere. "Josh..." Napuno ng kaba ang aking dibdib nang makitang may pumaradang itim na sasakyan sa likod ng kotse ni Josh. Natigilan ako nang makita ko si Mask na bumaba ng sasakyan na 'yon. May hawak siyang bulaklak na ikinakulo ng dugo ko. Kingina niya! Matapos niyang makipaglandiaan sa iba'y mayroon pa siyang gana na pumunta pa rito! Ang kapal naman ng mukha niya! "A-Anong ginagawa mo rito?!" hindi ko napigilan na mautal nang huminto 'to sa harapan ko. Hindi niya sinagot ang tanong ko. Nagtama ang tingin naming dalawa. Ramdam ko ang panghihina ng aking mga tuhod. Mayroong ilaw sa labas kaya malaya ko siyang napapagmasdan kahit na malalim na ang gabi. Kulay itim na polo shirt ang suot niya habang bukas ang tatlong butones. White na pantalon naman sa ibaba. Medyo magulo rin ang kanyang buhok. 'Yan din ang suot niya sa video kanina kaya bumalik sa alaala ko ang ginagawa nila ng babaeng 'yon. Tapos na siya sa isa kaya ako naman ang lalandiin niya. Wow! Just wow! Sipag naman lumandi! "What are you doing here?" tanong niya kay Josh. Hinawakan ni Josh ang kamay ko kaya dumako ang tingin do'n ni Mask. Napansin ko ang pagtaas baba ng adams apple nito. "Visiting my girlfriend, tol! How about you? What are you doing here?" Napansin kong tumaas ang sulok ng mga labi ni Marcus at muling bumaling ang tingin niya sa 'kin. Ito ang ayaw ko, ang mag-away silang magkaibigan nang dahil lamang sa 'kin. Hindi ko maipaliwanag pero parang may iba sa kanya. Lasing ba siya? Nakikita ko ang pamumungay ng kanyang mga mata. "He's lying, right, honey? Damn it! You're mine!" Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Napansin kong nakakuyom na ang isang kamao ni Josh kaya marahan kong pinisil ang palad niyang nakahawak sa 'kin. Ang kapal naman ng mukha niyang angkinin ako! Ilan ba kaming babae na gusto niyang angkinin? Kingina niya! "Kakausapin ko lang siya." "What? No! Ako ang kakausap sa kanya," tugon niya. "Please, Josh... Mabilis lang." Wala sa sarili siyang tumango at binitiwan ang aking kamay. Kahit na nanghihina ang mga tuhod ko'y tinuloy ko pa rin ang paglapit kay Marcus na ngayon ay sobrang lapad na ng ngisi kasi inakala niya na siya ang pinili ko. "I'msorry, honey... I was late. I forgot to bring my guitar with me but I have this for you. Sana magustuhan mo..." Napatingin ako sa bouquet of roses na hawak niya. Muli kong inangat ang aking tingin kaya nagtagpo ang aming mga mata. Mabilis akong umiwas. Ayokong makipagtitigan sa kanya kasi alam kong bibigay naman ako. "Thanks..." Pagkakuha ko ng boquet sa kanya'y mabilis kong ipinatak sa sahig na sobrang ikinagulat niya. Tinapakan ko rin 'yon sa kanyang harapan. "What the hell?! Hindi mo ba nagustuhan? I have no idea which kind of flower you like, honey... I'm so---" I slapped him. Natigilan naman siya sa ginagawa ko. "Tumigil ka na, Marcus Caden Samaniego! Tumigil ka nang paglaruan ako! Kinginamo mo! Ayaw na kitang makita pa kaya umalis ka na! Huwag mo akong paglaruan pa! Iba na lang ang landiin mo, huwag ako! Parang awa mo na... huwag ako!" Hindi ko na napigilan na sabihin ang bagay na 'yon sa kanya. Galit at sakit ang nararamdaman ko sa oras na 'to. "W-What are you talking about?" Hahawakan niya sana ako pero umatras ako palayo sa kanya. Tama nga ang nasa isip ko kanina. He's drunk! "Hindi kita pinapayagan na ligawan ako! Alam mo ba kung bakit? Ayoko sa isang PLAYBOY na tulad mo! Nasiyahan ka ba kanina sa kandungan ng ibang babae habang ako'y naghihintay sa pagdating mo, ha?! I was waiting for you!" Natigilan siya sa sinabi ko. Bakit? Akala niya ba na hindi ko malalaman ang ginawa niya kanina? Kingina lang kasi! Walang kami pero bakit pakiramdam ko'y pinagtataksilan niya ako? Umasa ako na magbabago na siya pero hindi ko akalain na isa lang pala ako sa babae niya. "I am sorry, hindi ko alam ang ginagawa ko kanina. Wala ako sa sarili ko kasi may inilagay sila sa beer na ininom ko. Nakaramdam na lang ako bigla ng init. Fuck. Please believe me, honey.. Hindi ko ginustong mangya--" I cut him off. "Bakit ka nagpapaliwanag, ha? Wala akong pakialam kung makipag sex ka kahit na kanino, kung sino ang halikan mo kasi walang tayo at kahit kailan ay hindi magiging tayo!" Hindi ko napansin na nakalapit na pala siya sa 'kin at mabilis niya akong niyakap. Pilit ko naman siyang tinutulak palayo. Natatakot ako na baka hindi na ako kumawala pa sa bisig niya. Tama na, Gianna! Magising ka na sa kakatohanan na ang lalaking kaharap mo'y hinding-hindi magbabago para lang sa 'yo! "I am sorry, honey... please payagan mo ako na ligawan kita. I want you to be officially mine." Naamoy ko ang alak sa suot niyang polo. Hindi kaya planado lang talaga ng babaeng 'yon na lasingin si Marcus? Pero no! Hinding-hindi na ako bibigay sa kanya kaya mabilis ko siyang itinulak palayo. Halos bumagsak na siya sa sahig dahil sa kalasingan niya. "Tangina, Marcus! Ayoko sa 'yo kasi playboy ka! Kung nilalandi mo ako, nilalandi rin kita. Wala akong gusto sa 'yo para payagan kita na ligawan ako at kahit kailanman ay hinding-hindi kita magugustuhan! Saka pwede bang huwag mo na akong lapitan pa, ha?! Simula ngayon ay hindi na tayo magkakilala!" Parang sinasaksak ang puso ko sa sinasabi ko. Gusto ko na siyang lumayo sa 'kin. Ayokong maging laruan niya. Masakit mapaglaruan. Mukhang wala rin naman siyang balak na saluhin ako kaya bakit gusto niya pa akong ligawan? Para tuluyan na niyang makuha ang pakay niya sa 'kin? Ang bataan ko! Kung mani lang ang gusto niya, edi sana ibinili ko na lang siya ng basang mani para 'yon ang tirahin niyang gago siya! "B-But you always kissed me back. I know you like me.. Fuck. Don't lie to me..." Napaawang na ang bibig ko sa sinabi niya. Nakakainis kasi mukhang nahahalata niya na may gusto ako sa kanya. "Because you're a good kisser. Thank you for teaching me how to kiss. Magagamit ko rin sa iba." "W-What?" Naglakad ako papalapit kay Josh na kanina pa nanunuod sa amin. Alam kong kanina niya pa pinipigilan na huwag makialam sa 'min. "Nung una pa lang ay ang kaibigan mo na ang gusto ko at hanggang ngayon ay siya pa rin ang laman ng puso ko. Yes, Marcus! Nakipaglaro lang din ako sa 'yo! Hinahayaan ko na angkinin mo ang mga labi ko pero kahit na kailanman ay hindi mo rin magagawang maangkin ang puso ko!" Nakatitig lang ako sa kanyang mga mata habang sinasabi ko 'yon. Napansin ko ang pagkuyom ng kanyang mga kamao nang bumaling ang tingin niya kay Josh. "Pagmamay-ari ko na siya, tol, kaya hindi ko na hahayaan pa na makalapit ka sa babaeng mahal ko kasi kahit na kaibigan kita... Ako ang makakalaban mo," biglang sabi ni Josh. Hinawakan ko ang kamay ni Josh habang nanatili ang tingin ko kay Marcus. Pinigilan ko na tumulo ang aking mga luha kasi nasasaktan na talaga ako. Nasasaktan ako kasi pinaglalaruan niya lang ang damdamin ko. He never said those three words... na hinihintay ko na sabihin niya. "H-Honey.." Lalapit na sana siya sa 'kin pero mabilis kong hinawakan ang kwelyo ng polo ni Josh at sinalubong siya ng halik. I kissed him torridly in front of Mask. Ayaw niya na may ibang humahalik sa 'kin at alam kong naiinis na siya sa oras na 'to. Nung una'y nagulat pa si Josh pero nung lumipas ang ilang segundo'y gumanti na siya sa halik ko. Naramdaman ko ang paghawak niya sa bewang ko para mas lalo akong mapalapit sa kanya. I put my arms around his neck and deepened the kissed. Isa lang ang naiisip ko habang magkalapat ang mga labi naming dalawa ni Josh. Walang iba kundi si Marcus lalo na sa tuwing magkalapat ang mga labi naming dalawa. "Tangina! Ang sakit!" Natigilan ako nang marinig ko ang sinabi niya. Pagkahiwalay ng mga labi namin ni Josh... sakto namang alis ng sasakyan ni Marcus. Napaupo na lang ako sa sahig habang sapo ko ang aking mukha, patuloy na sa pagtulo ang mga luha ko. "Hush... Hahayaan kitang umiyak ngayon pero sa susunod ay hindi na," bulong ni Josh habang yakap ako. "M-Mahal ko na siya, mahal na mahal.." I whispered. Hinahaplos na niya ang likod ko para pagaanin ang loob ko. Tama ba ang narinig ko na sinabi ni Marcus kanina? Nasasaktan siya? Pero bakit? Bakit siya masasaktan kung pinaglalaruan niya lang naman ako? "I didn't know that falling in love with someone could be so painful..." Sobrang sakit na mahulog sa isang PLAYBOY! Chapter 27 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 27 "Ano bang meron sa 'yo, Marcus, at mabilis akong nahulog sa 'yo? Kahalayan lang naman ang alam mong gawin!" Kasalukuyan kong pinagmamasdan ang selfie niya sa phone ko. Kanina ko pa iniisip kung buburahin ko ba o hindi. Nakakainis kasi ang ganda ng kanyang ngiti sa litrato. Hindi ko magawang burahin. Dumako naman ang tingin ko sa bulaklak na dala niya kagabi na nalanta na dahil sa pagtapak ko. Dapat tinatapon ko na 'to pero naghihinayang ako. Mukhang mahal pa naman ang bili niya. Pero ako... hindi niya mahal. Ghad! "Pinaglalaruan mo lang ba talaga ako?" Bumalik sa alaala ko ang narinig ko kagabi mula sa kanyang mga labi. Totoo bang nasasaktan siya? Pero bakit siya masasaktan kung isa lang naman ako sa babae niya? Ayokong umasa na may nararamdaman din siya sa 'kin. Tama ang naging desisyon ko na ipagtabuyan siya para maisalba ko ang puso ko. Sa sobrang sakit nang nararamdaman ko kagabi'y inubos ko ang isang litrong coke para lang makalimot. Pinigilan ako ni Gennica pero wala siyang nagawa kasi nagmatigas ako. Coke is life but 'yung mga labi ni Mask is too much lifer! Ghad! Tumigil ka na, Gianna! "You okay?" Sumilip siya sa kwarto ko. Kasalukuyan na akong nakasuot ng uniform ngayon. Mabuti na lang talaga na hindi kami sinuspinde ng principal na 'yon dahil sa galit sa 'kin. Mayroon pa rin na scarf na nakabalot sa leeg ko para matakpan ang mga hickeys. Pinagtabuyan ko nga siya pero ang minarka niya naman sa 'kin ay naiwan pa rin. "Hindi pa, pasabunot naman sa buhok mo para maging okay na ako." "Ate naman! Nagtatanong ako ng maayos tapos ganyan ang isasagot mo!" inis niyang saad. "Naiinis ako sa 'yong babae ka!" Umupo ako sa gilid ng kama ko habang pinagmamasdan ang sarili ko sa harapan na salamin. Pumasok naman siya sa loob at umupo sa aking tabi. "Bakit na naman?" "Kitang-kita mo na ang kalandiang taglay ng gagong 'yon tapos ipinagtatanggol mo pa!" "Hindi naman sa ipinagtatanggol ko siya, kailangan mo rin kasing marinig ang side niya. Kilala ko si Sapphire, gagawin niya ang lahat para lang makuha niya si Kuya Marcus. Sinend niya 'yon sa 'kin para makita mo. Gusto niyang magkagalit kayo. Baliw na ang babaeng 'yon!" "Wala akong pakialam sa kanila!" Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil. "Pero umiyak ka, ate, nung mapanuod mo ang video kasi nasaktan ka sa nasaksihan mo. I know you are in love with him." Natigilan ako sa sinabi niya. "Ano pa ba ang maitatago ko sa 'yo, ha? Oo na! Mahal ko na siya! Happy ka na?" "Pero bakit mo naman ipinagtabuyan?" Iniwas ko ang tingin sa kanya. "Just to save my heart." "Nailigtas mo nga ang puso mo pero masaya ka ba?" Tatayo na sana ako nang bigla niyang hawakan ang braso ko para pigilan. "Fine, Ate! Kung ikakasiya mo ang pag-iwas sa kanya'y susuportahan kita. Pero baka sumabog ka kapag hindi mo naamin ang nararamdaman mo sa kanya. Mahirap kimkimin ang sakit na nararamdaman..." Natulala ako sa sinabi niya. Umalis na siya ng kwarto ko habang napahawak naman ako sa aking bandang dibdib na sobrang bilis ng tibok. "Ayokong malaman niya na mahal ko na siya. Hindi pwede!" bulong ko sa sarili ko. Hangga't maaari'y ilalayo ko na ang sarili ko sa kanya. Saksi ako kung gaano siya kahilig sa mga babae at ayokong mangyari sa 'kin ang ginagawa niya sa mga 'yon na kapag nagsawa na ay iiwanan na lang ng luhaan. "Good morning, Gianna," nakangiting bati ni Josh. "Good morning..." May inabot siya sa 'kin na tatlong pulang rosas na mabilis ko naman tinanggap. Ngayon ko lang naalala na pinayagan ko nga pala siya na manligaw. Nakakapanibago pa rin talaga na ang dating crush ko lang na si Josh ay manliligaw ko na. Pero siya pa rin ba ang gusto kong maging future husband? Pero okay lang naman na lahian niya ako, ghad! Landi ko! "Thanks!" "My pleasure," yumuko pa siya na para bang isang prinsipe. Narinig kong tumikhim si Gennica kaya pinaningkitan ko siya ng tingin. Kung wala lang boyfriend ang babaeng 'yon... iisipin ko talaga na may gusto siya kay Josh. Sumakay na kami sa loob ng kotse niya. Nasa tabi niya ako habang nasa likuran naman si Gennica. "Jos--- Kuya Josh?!" "Yes?" Tumingin ako kay Gennica gamit ang salamin na nasa unahan. Tinaasan ko siya ng isang kilay pero ang gaga'y inirapan lamang ako. "Do you really love my sister?" "Gennica!" Nilingon ko na siya pero hindi niya ako pinansin. Humanda talaga siya sa 'kin mamaya! "Of course, I love her. I really do. I'll do everything to make her happy..." Napalingon na ako kay Josh kaya nagtama ang tingin naming dalawa. Hindi ko maiwasan na mailang sa kanya lalo na nung bumalik sa isipan ko ang kiss naming dalawa. Hindi lang kasi basta smack 'yon, kundi torrid. In fairness, good kisser din siya tulad ni Ma--- ghad, Gianna! Huwag mo na isipin ang playboy na 'yon! Alam ni Josh na ginawa ko 'yon para lang maitaboy ko si Marcus. Naiinis ako! Hindi ako payag na maging rebound ko siya pero parang ganun na nga ang ginagawa ko sa kanya. "Sana all!" Muli kong nilingon si Gennica pero umiwas na siya ng tingin. Kahit na nakatagilid siya'y pansin ko na nababahid ang kalungkutan sa kanyang mukha. Alam kong may hindi pa siya sinasabi sa 'kin at naiinis ako kasi naglilihim siya. "You okay?" biglang tanong ni Josh. "Oo naman, okay na ako! Nakalimutan ko na ang nangyari kagabi. Nilunod ko na lang ang sarili ko sa pag-inom ng isang litrong coke at 'yon, plakda sa higaan. Bundat ang tiyan!" Napailing naman siya sa sinabi ko habang may pag-aalala sa mukha niya. "Makakasama sa kalusugan mo ang pag-inom ng maraming coke. Maraming sugar 'yon." "May ospital naman! Saka vitamins ko kaya 'yon. I can't live without coke!" "Please don't make me worry... Tubig ang inumin mo, huwag coke." "Lagot!" sabi ni Gennica. Nilingon ko si Gennica at pinaningkitan ng tingin. Parang wala lang sa kanya ang nangyari kahapon. Ang galing niyang magtago ng emosyon. Nakangiti siya pero alam kong may itinatago siya at 'yon ang aalamin ko. Nang maiparada ni Josh ang sasakyan sa parking lot, mabilis siyang bumababa at pinagbuksan ako ng pinto. "Thank you..." Tanging ngiti lang ang itinugon niya. Bumaba na rin si Gennica na malapad ang ngiti kaya kumunot ang noo ko. Pasimple kong pinagmasdan si Gennica na kasabay namin na naglalakad. Paminsan-minsan ay sinusulyapan niya ng tingin si Josh. Kaya ba pinagtatabuyan niya ako kay Marcus kasi may gusto siya kay Josh? Akala ko ba may boyfriend siya? "May problema ba?" biglang tanong ni Josh. "Wala naman," iling kong tugon. Tumango na lang siya. Naaalala ko pa nung gusto ko siya. Palagi akong nag-I-imagine na sana maging kaming dalawa pero ngayon wala na. Nilason na ng mahalay na 'yun ang utak ko. Pagsubok sa 'kin ang pagpasok ko ngayon. Wala ng Marcus na manlalandi sa 'kin kasi ipinagtabuyan ko na siya. Nasanay na ako sa presensya niya kaya siguradong mahihirapan ako. Nakakainis! "Saan ka pupunta?" pigil ko agad sa kapatid ko. "Papunta na sa room ko," aniya. "Ihahatid ka namin!" Napailing naman ang gaga sa sinabi ko. "Huwag na, ate, kaya ko naman ang sarili ko... saka baka may gagawin pa si Kuya Josh. Hindi naman ako kinder para ihatid pa." "Okay lang sa 'kin, wala naman akong gagawin," sabat ni Josh. Umiwas ng tingin ang gaga at nakita ko ang pagkagat niya sa pang-ibabang labi niya na halatang kinikilig. Kailangan talagang magpaliwanag nito mamaya sa 'kin! "Sige na nga, ate, pero dapat behave ka lang, ha? Ayoko na naman ng away." "Kung hindi nila paiinitin ang ulo ko," gigil kong saad. "Ate naman!" Kumulo ang dugo ko nang maalala ko ang tatlong 'yon. Paano nakakaya ni Gennica na makasama ang ganung klaseng tao? Mas gugustuhin ko pang mag-isa kaysa makasalamuha ang mga 'yon. Ang mas lalong kinaiinisan ko'y si Sapphire. Pakiramdam ko'y mas lalong kukulo ang dugo ko sa oras na makita ko siya. "Nandito na tayo," wika ni Gennica. Natigilan ako nang makita ko ang lalaking nasa tapat ng room nina Gennica. Nagtama ang tingin naming dalawa. Wala akong makitang emosyon sa paraan ng tingin niya. Pakiramdam ko'y nanlambot ang mga tuhod ko habang magkapako pa rin ang tingin naming dalawa. Sobrang bilis ng kabog ng puso ko sa oras na 'to. Pero teka! Bakit siya nandito? Binibisita niya ba ang babae niya? "Gianna," rinig kong tawag ni Josh. Nabaling naman ang tingin ko sa kanya. Nakita ko sa mukha niya ang pag-aalala. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil. "Oh! Look who's here," boses ng isang babae. Kumulo ang dugo ko nang makita ko si Sapphire na lumabas ng room nila. Mabilis siyang kumapit kay Mask habang ang lapad ng ngisi nito sa 'kin. <img src="https://img.wattpad.com/e2dc5aad8a6e28c821917167cd7f6a57a1484f3a/68747470733a2f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53746f7279496d6167652f7978474a2d347470313655476b513d3d2d3837343234303939352e313630396132633363363838643837653633363230353634313736352e6a7067" style='max-width:90%'> Nilingon ko si Mask at hinintay na ipagtabuyan niya ang babaeng 'yon pero naghintay lang ako sa wala. Hinayaan niya lang na lingkisin siya ng malanding 'yon. Ang sakit! Sobrang sakit na mapatunayan na pinaglalaraun niya lang talaga ako. Hindi totoo ang pinapakita niya sa 'kin kasi isa lang ako sa collection niya. Fuck you, Marcus Caden Samaniego! Winawasak mo ang puso ko! "Ate, umalis na kayo," wika ni Gennica habang pilit akong hinihila palayo sa room nila pero nagmatigas ako. Bumitaw ako sa hawak ni Josh at naglakad papalapit sa babaeng 'yon na ngayon ay ang lapad pa rin ng ngisi. Bigla kong naalala ang video na napanuod ko na silang dalawa ang bida. Wow! Mga lodi! Ikalat sa social media ang video para maging trending. Ilagay sa pornsite para tiba-tiba sa kita! Narinig ko ang pagtawag sa 'kin nung dalawa. Napansin ko rin na marami na ang nakatingin sa amin pero wala akong pakialam sa kanila. Nang nasa tapat na niya ako'y mariin kong ikinuyom ang aking kamao sa inis na nararamdaman. Na kakapit pa rin siya kay Marcus kaya sobrang lapit ko lang sa kanya. Humahalimuyak sa ilong ko ang amoy ng pabango niya. Ramdam ko rin ang titig niya sa 'kin kaya nanghihina ako. Kingina! Nagseselos ako sa nakikita ko! Ang sakit nila sa mga mata! "Oh gurl, umimik ka na! Nasasayang ang oras namin ng boyfriend ko." Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko kasi nasaktan ako sa sinabi niya. Tangina, boyfriend niya na si Marcus? Wow lang ha! Balak pa akong ligawan kagabi pero may girlfriend na naman siya. Wow! Buy 1 take 1 lang ang peg?! Kailangan ng reserba, ganun ba? Ang sakit ah! Tripple kill! " Sorry kung sinasayang ko ang oras ninyo ng BOYFRIEND mo! Nandito ako sa harapan mo para balaan ka na sa oras na saktan niyo ulit ang kapatid ko," huminga ako nang malalim habang ang sama ng tingin ko sa babaeng 'yon. "... ako ang makakalaban niyo!" Napahawak naman siya sa kanyang dibdib na para bang natatakot. Sinandal niya pa ang mukha niya sa braso ni Marcus at ngumuso. "I'm scared, baby, please do something..." Napaawang ang bibig ko sa paraan ng kanyang pagsasalita. Para siyang isang bata na nanlalambing. Ang sarap niyang itulak sa kumukulong lava ng Taal Volcano. Nilingon ko si Marcus nang muling nagtama ang tingin naming dalawa. Nanghihina ako sa paraan ng titig niya. Parang hindi niya ako kilala. "I have to go," sabi nito. Bigla niya na lang iniwan ang babaeng 'yon kaya pinigilan kong mapangisi. "Baby! Come back here!" Halos masuka ako nang ihiyaw niya 'yon. Muli niya akong nilingon habang ang sama na ng tingin niya. Ilang segundo'y sumilay na ang ngisi sa kanyang mga labi. "Sorry, gurl, pero ang lalaking kinahihibangan mo'y pagmamay-ari ko na. Back off, bitch! He's mine!" Pinaglapat niya pa ang pisngi naming dalawa na ikinagulat ko. Bumulong siya na mas lalong ikinakulo ng dugo ko. "Boring ka raw, bitch! Sad!" Hahablutin ko na sana ang buhok niya sa inis pero mabilis siyang nakalayo sa 'kin para habulin si Marcus. Hindi ko namalayan na may tumulong luha na sa mga mata ko. Mabilis naman akong niyakap ng kapatid ko. "P-Please....huwag ka na umiyak, ate, nasasaktan ako." Patuloy lang ako sa pag-iyak habang nasa bisig ako ng kapatid ko. Tangina lang! Tama nga na pinagtabuyan ko ang gagong 'yon. He's just playing with me! Boring daw pala ako, boring kaya nasa kandungan na siya ng iba. Mukhang nainip na ang gagong 'yon kasi hindi niya makuha ang pakay niya sa 'kin. Mamatay na sana siya, silang dalawa! "Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo kagabi na hindi na kita papayagan pang umiyak," wika ni Josh. Humiwalay na ng yakap sa 'kin si Gennica na mababakas pa rin sa mukha niya ang pag-aalala. Pumunta naman sa harapan ko si Josh at pinunasan niya ang mga luha ko. "Please crying... hahalikan talaga kita kapag hindi ka pa tumigil." Natigilan ako sa sinabi niya kaya mabilis akong humakbang palayo sa kanya. "Huwag dito, Josh! Maraming tao, sobrang nakakahiya!" "Seriously?!" he chuckled. Napansin ko na marami pa rin ang nanunuod sa amin. Syempre nagbubulungan sila na bakit daw hindi ako pinansin ni Marcus. Mukhang totoo nga ang sinabi ni Gennica tungkol sa amin ng gagong 'yon. "Kapag inaway ka nila, message mo lang ako," sabi ko kay Gennica. "Yes, ate, I love you, iw!" naiiling niyang wika. "I love you too, yuck!" Nagtawanan naman kaming dalawa. Nagpaalam na kami sa kanya kasi pupunta na kami sa aming room. "Okay ka lang ba talaga?" "Yes, Josh. Okay lang talaga ako. Ilang beses mo nang natanong 'yan." "Sobrang nag-aalala lang ako." Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Ang sweet naman ng manliligaw ko, gwapo pa." Napailing naman siya sa sinabi ko. Hinawakan niya kamay ko at marahan na hinalikan ang likod ng aking palad. Isang himala yata na hindi na siya nabibingi sa mga banat ko sa kanya. "Maghihintay ako na sa 'kin naman tumibok ang puso mo." Muli niyang hinalikan ang likod ng palad ko kaya hindi ko napigilan na mapangiti. Bigla na lang may dumaan sa gitna namin kaya napalayo kami sa isa't isa. "Harang kayo sa daan!" malamig niyang wika. Nakatingin lang ako sa likuran ni Marcus na papalayo. Susundan sana siya ni Josh pero mabilis ko siyang pinigilan. Alam kong mayroon nang lamat ang pagkakaibigan nila kagabi nang dahil lamang sa 'kin. Anong ginawa ko sa pagkakaibigan nila? Hindi ka magandang impluwensya, Gianna! "That asshole!" gigil na sabi ni Josh. "Hayaan mo na, Josh, kulang lang sa pansin," pinilit kong ngumiti kahit ang totoo'y nasasaktan ako. Ginusto ko naman na layuan niya ako kaya dapat panindigan ko. "Simula ngayon, mag katabi na tayo ng upuan..." Tumango naman ako sa sinabi niya. Ayoko rin naman na makatabi ang gagong 'yon kasi baka masampal ko lang siya sa pananakit niya sa 'kin. Sinasaktan niya ako nang hindi niya alam. Pagkarating namin sa room ay nagtama agad ang tingin naming dalawa ni Marcus. Ang lamig ng paraan ng titig niya. Sabagay, wala lang naman ako sa kanya. Sobrang naiinis ako sa kanya pero aaminin kong namimiss ko na ang kanyang halik. Chapter 28 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 28 Mariin ang hawak ko sa ballpen habang diretso lang ang tingin sa unahan. Panay ang imik ni Sir pero walang pumapasok sa isip ko sa mga itinuturo niya. Nararamdaman ko kasi ang paninitig ni Marcus sa likuran ko. Lumipat na ako ng upuan at sa kamalasan ka nga naman ay sa unahan niya pa. Samantalang si Josh naman ay nanatili sa kanyang pwesto kasi hindi siya payagan ni Sir na lumipat. Ang pumalit sa upuan ko'y si Kaira na patay na patay kay Marcus. Si Stella naman ay nababakas sa mukha ang pagtataka kung bakit ako lumipat ng pwesto. Na-late kasi siya ng pasok kaya hindi ko nasabi sa kanya ang dahilan. "Ms. Arellano!" "Yes po, Sir?" Napatuwid ako ng upo nang tawagin ni Tanda ang apelyido ko. Naglingunan naman silang lahat sa 'kin. Nakakapansin na ako na palaging akong pinapansin ng matandang 'yon na ikipinagtataka ko. Hindi kaya bading siya at pinagseselosan niya ako nang dahil lamang kay Marcus? "Is something bothering you?" I bit my lower lip. Nahalata niya ba na hindi ako mapakali? Lumingon ako kay Josh na halata sa mukha ang pag-aalala. Nginitian ko naman siya para sabihin na okay lang ako. "Wala po, Sir, ituloy niyo na lang po ang pagtuturo niyo para sa magandang kinabukasan naming lahat." Narinig kong nagtawanan sila sa sinabi ko kaya tinaasan ko sila ng isang kilay. Inayos naman ni Tanda kanyang salamin. "Mr. President?" tawag nito kay Marcus. "Yes, Sir?" Halos magdugo na ang pang-ibabang labi ko sa sobrang pagkagat. Bakit niya tinawag ang lalaking 'yon? Nasasaktan pa rin ako sa nasaksihan ko kagabi at sa kanina. Sobrang sakit pero wala naman akong magagawa. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na nasasaktan ako para ano pa? Baka tawanan niya lang ako. Masabihan niya pa ako na sobrang bilis ko na namang bumigay kasi nahulog agad ako sa bitag niya. Kingina niya! Magsama sila ng Sapphire na 'yon! "Nag-away ba kayo ng girlfriend mo?" Natigilan ako sa sinabi ni Sir. Napansin ko na nakamasid na silang lahat sa 'kin. Halos maputol na ang ballpen sa higpit ng hawak ko. Maging si Sir, inaakala'y girlfriend talaga ako ng lalaking 'yon. Ang sarap pakinggan kung totoo. Pero hindi, e, laruan lang ako. Laruan! In short, bading siya at ako ang barbie niya! "Girlfriend? Si Ms. Arellano... girlfriend ko?" Nasaktan ako sa sinabi niya. Gusto ko siyang lingunin at salubungin ng sampal. Napansin ko naman na natawa 'yong iba naming kaklase kaya pakiramdam ko'y pinagkaka isahan nila ako. Fuck you, Marcus Caden Samaniego! Naiinis ako sa 'yo kasi minahal kita. Naiinis ako kasi hindi mo manlang naiisip ang nararamdaman ko! Honey to Ms. Arellano, real quick! "Bakit hindi ba?" tanong ni Sir. "Walang kami, Sir, hindi ko siya girlfriend..." Tama! Walang kami! At kailan ay hindi magiging kami! Landian lang ang meron sa aming dalawa! Landian.jpeg. Narinig ko ang pagtayo niya mula sa kanyang kinauupuan. Nung dumaan siya sa harapan ko'y sinulyapan niya ako. Hindi ko siya tiningnan kasi nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha niyang gago siya! "Sir, I'm not feeling well. Punta lang ako sa clinic." Lumabas na siya habang naiwan naman akong tulala pa rin. Kingina! Nasaan ang kutsilyo at puputulin ko ang ibon niya! Nakakainis! Nagbulungan na naman sila na napaka assuming ko raw. Marami rin ang natawa samantalang nakita ko naman ang pag-aalala sa mga mukha ng power puff girls. Hindi na engkanto ang tawag ko sa kanila. Power puff girls na lang para naman magandang pakinggan. "Okay ka lang, gurl?" Nilingon ko si Stella. "Of course, bakit hindi ako magiging okay?" "Sure ka?" I nodded. Iniwas ko na ang tingin sa kanya nang maramdaman ko na may humawak sa braso ko. "Let's go..." Hindi pa ako nakakaimik nang bigla niya na lang akong hilahin patayo. "Sir, she's not feeling well. Dalhin ko lang po siya sa clinic." Nilingon ako nito kaya naman humawak ako sa aking leeg na para bang sinisipat ko kung mainit ako. "A-Ang sakit po ng pus-- ulo ko." Napahampas ako sa noo ko. Muntik ko nang masabi ang bagay na 'yon. Nakakahiya! Totoo naman kasi na masakit ang puso ko, e, sinaktan niya ang puso ko. Sinaksak ng kutsilyo. Binuhusan ng asido, pinukpok ng martilyo. "You may go..." Lumabas na kami ni Josh habang hawak niya pa rin ang braso ko. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa 'kin at pumunta sa kanyang harapan. "Uunahan na kita, Josh, okay lang ako. Hindi ako nasaktan sa sinabi niya." Hinawakan niya ang kanan kong pisngi habang nakikita ko pa rin sa mukha niya ang pag-aalala. Alam kong pinigilan niya ang sarili niya na sugudin ang lalaking 'yon. "Paano ko maaalis ang sakit na nararamdaman mo? It's killing me!" Pinagmasdan ko s'ya. Alam ko na hindi imposible na mahulog ako sa kanya pero hindi ganun kadali kasi may ibang laman na ang puso ko. Sana mahintay niya ako. "Bakit ka ba ganyan, Josh? Ang malas ng babaeng 'yon at sinayang ka niya." "Masaya ako na sinayang niya ako kasi nahulog ako sa 'yo. Sa babaeng magbibigay saya sa buhay ko." "Hindi ako clown," I chuckled. "Even a clown couldn't makes me happy. Ikaw lang talaga." "Ano ba, Josh? Kinikilig na ako!" Natawa naman siya sa sinabi ko at hinaplos niya ang aking buhok. "I'm serious, gagawin ko ang lahat para lang mawala ang sakit na nararamdaman ng puso mo." Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa kanyang dibdib. Naramdaman ko ang lakas ng kabog ng puso niya. "See? My heart beats so fast when I'm with you. I want you to be happy, Gianna..." "Palagi mo akong napapangiti, Josh, masaya ako sa tuwing kasama kita." Dinala niya ang kamay ko palapit sa kanyang mukha at hinalikan ang likod ng palad ko na madalas niyang ginagawa. "The smile on your face is my happiness..." Bakit ka ba ganyan, Josh? Masyado kang perpekto para sa 'kin kaya hindi ka nababagay sa isang tulad ko. Ang malas niya at sa 'kin pa siya nahulog. "I want you to meet my family." Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. "Agad-agad?" He chuckled. "Yes. Gusto ka rin nilang makilala." "How about your sister? Akala ko ba nasa States siya?" "Malapit na siyang umuwi," he replied. "Baka ayaw nila sa 'kin?" "No, they're all nice... Saka bakit ka naman nila aayawan?" "Kasi hindi ako nababagay sa 'yo, masyado kang perpekto para sa isang katulad ko." "You're my definition of perfect..." Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko sa kilig sa kanyang sinabi. Sino ba naman ang hindi kikiligin sa kanya? "Huwag ka ngang ganyan, kinikilig na ako!" "Really?" he chuckled. Marahan niyang hinaplos ang aking buhok habang may matamis na ngiti sa kanyang mga labi. "Thank you, Josh, for always making me happy," "Because I love you," he said. Josh ko po! Bakit ang bilis niyang pakiligin ako? Hindi kaya bumabalik na ang paghanga ko sa kanya? Teka nga lang! Pero grabe naman kasi ang bilis ni Josh na gusto na agad ako ipakilala sa kanyang mga magulang. Baka mamaya'y alukin na niya ako ng kasal. Ghad! Matagal ko nang pinangarap 'yon pero ngayon mukhang hindi na. Hindi na maalis si Marcus sa isip ko na magiging future ko. Karumaldumal! Pinagmasdan ko si Josh habang naglalakad kaming dalawa. Sa tuwing nagtatama ang tingin namin ay sumisilay ang ngiti sa mga labi niya. Bigla kong naalala ang kapatid ko. Posible nga kaya na may gusto siya kay Josh? Baka ang lalaking 'to pa ang dahilan ng away namin. Hindi kaya break na sila ng boyfriend niya pero hindi niya lang sinasabi sa 'kin? "What do you think of my sister?" Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko. "Your sister? Gennica?" I nooded. "Siya lang naman ang kapatid ko, e, mas maganda nga lang ako sa kanya." Natawa naman siya sa sinabi ko. "You're both beautiful," "Syempre naman, Arellano, e," I said. "Pero mas maganda kung maging Spencer ang apelyido mo," "Josh naman! Naiihi na ako sa kilig!" Mahina ko siyang hinampas. Natawa lang siya sa sinabi ko. "Ano nga ang tingin mo sa kapatid ko?" "She's just like you..." Tumango na lang ako kasi mukhang wala akong mapapalang magandang sagot sa kanya. "Posible ba na magkagusto ka sa ka-edad niya?" Napaawang ang bibig niya sa sinabi ko. Hindi talaga ako nagkakamali na gusto siya ni Gennica kaya dapat ko na siyang balaan para huwag lumalim ang nararamdaman niya para rito. "Bakit ako magkakagusto sa iba kung ikaw ang mahal ko?" Hindi ko akalain na magaling din pala siyang lumandi. Nakakapanghina ng mga tuhod ang mga sinasabi ni'ya. Nirarayuma na yata ako sa kilig na nararamdaman. "Ang landi natin," I chuckled. "Hindi kita nilalandi, totoo ang sinasabi ko sa 'yo kasi mahal kita.." Napangiti ako sa sinabi niya. Kahit pa ano'y nawala ang sakit na nararamdaman ko nang dahil sa kanya. "Bakit tayo pumunta rito? Wala naman akong sakit, ah!" Nasa harapan na kami ngayon ng clinic. Bigla ko tuloy naalala nung nasa Banahis ako, palagi akong tambay sa clinic. Syempre medyo mahigpit doon kasi bawal silang magpatambay nang wala namang karamdaman. Kaya ang ginagawa namin ng mga kaibigan ko'y naglalagay kami ng bawang sa kili-kili para uminit ang temperature namin. Palagi kaming may baon na bawang! Nakakamiss ang pangyayaring 'yon. "Dito na lang tayo, alam kong pupuntahan ka ni, Sir, para bisitahin..." Napatango na lang ako. Pumasok na kami sa loob at sumalubong sa amin ang lamig nang dahil sa aircon. Bigla kong naalala si Marcus. Hindi ba't sinabi niya na pupunta siya rito sa clinic? Nilibot ko ang tingin sa paligid. Nakahinga ako nang maluwag kasi walang mahalay na nandito. Baka masaktan naman ako kapag nakita ko siya. Bigla ko naalala 'yung araw na nandito kami ni Marcus dahil sa natamaan ako ng bola. Na french kiss lang naman ako rito ng mahalay na 'yon. Napansin ko na wala rin ang nurse kaya kami lang dalawa ni Josh ang nandito. May tiwala naman ako sa kanya, hindi katulad ni Mask na magaling sumalakay. Ghad, Gianna! Bakit ba inaalala mo na naman ang lalaking 'yon? Kalimutan mo na siya, parang awa mo na! Umahon ka na sa pagkahulog sa kanya. "Palagi ka bang tumatambay dito?" tanong ko. Kasalukuyan na akong nakaupo sa gilid ng kama habang ganun din siya pero nasa kabila naman siya. "Hindi naman, ngayon lang. Palagi akong nakatambay sa office kasi maraming gawain." Namula naman ang mukha ko nang mabanggit niya ang office nila ni Mask. Sobrang nakakahiya talaga kasi alam kong may ideya siya kung anong ginagawa namin sa ilalim ng mesa. "Wala ka bang gagawin ngayon?" Nilibot ko ang tingin sa paligid kasi nahihiya talaga ako sa kanya. Mabuti na lang talaga na hindi siya nagtatanong tungkol sa nangyari sa amin ni Marcus sa kanilang office. "I have many things to do." Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. "Hala, busy ka pala, Josh, okay lang ako ritong mag-isa. Tutulog na lang ako." "No. I won't leave you here. Makakapaghintay naman ang mga gawain ko, mas gusto kitang kasama." Nilagay ko ang ilang hibla ng buhok sa likod ng aking tainga. Nilingon ko siya nang magtama ang tingin naming dalawa. I'm sorry, Josh, kasi hindi bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing tumitig ako sa 'yo. Nakakainis! "Nagugutom na ako," napahaplos naman ako sa tiyan ko nang maramdaman ko na kumalam. Hindi nga pala ako kumain kanina. Siguradong ang laman lang ng tiyan ko'y coke na ininom ko pa kagabi. Pakiramdam ko'y bumubula ang tiyan ko. "Wait me here, bibili lang ako ng pagkain." Pipigilan ko pa sana siya pero mabilis na siyang nakalabas. Malakas naman akong napabuntong hininga at pinagmasdan ko na lang ang sapatos ko. "Walang kami, Sir, hindi ko siya girlfriend.." Paulit-ulit 'yon pumapasok sa isipan ko. Nakakakulo ng dugo at syempre masakit. Sobrang sakit! "Syempre hindi mo 'ko, girlfriend kasi laruan mo lang ako. Tanginamo, Marcus Caden Samaniego! Gago ka! Tarantado! Mahalay!" "Ang alam mo lang ay humalik, ang landiin ako!" "Ano pa?" "Bading ka r-- ay malanding espiritu!" Napahawak ako sa aking dibdib nang makita ko si Marcus na nasa harapan ko. Gusto kong mapamura kasi hindi ko agad napansin ang presensya niya. Nakalagay ang dalawa niyang kamay sa magkabilang bulsa. Nakabukas din ang tatlong butones ng uniform niya, magulo rin ang kanyang buhok. Mukhang may ginahasa siya bago siya pumunta rito. Bakit ba hindi ko siya napansin? Gaga ka talaga, Gianna! Lamunin ka na sana ng lupa. "Bakit ka nandito? Sinusundan mo ba ako?!" Ang lakas ng kabog ng puso ko sa paraan ng titig niya. "Bading ako?" Lord, save me from this evil. Amen! Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama kasi ayoko nang manatili pa rito. Lalampasan ko na sana siya nang hawakan niya ang braso ko na ikinagulat ko. Sa isang iglap ay naisandal na niya ako sa dingding habang nakaharang ang dalawa niyang braso sa magkabila ko. "O ano? Lalandiin mo na naman ako? Dyan ka naman magaling! Malandi ka! Mahalay!" Nilabanan ko ang malamig niyang titig. Sinusubukan ko na huwag gumalaw kasi kaunting galaw ko lang ay siguradong maglalapat na ang mga labi naming dalawa. My heart beats so fast like Marcus Marcus Marcus! "Bading ako?" muli niyang tanong. "Oo, bading ka, bading bading badin---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi sinuntok na niya ang dingding. I bit my lower lip. Kinabahan ako sa ginawa niya. Nanghihina na ako sa paraan ng titig niya. Gusto kong ipalibot ang mga braso ko sa batok niya at salubungin siya ng halik pero hindi pwede. Tama na! Ayoko nang mapaglaruan. May girlfriend na siya! "A-Aalis na 'ko!" Pilit ko siyang tinutulak palayo pero nagmatigas siya. "Pwede bang tantanan mo na 'ko, Marcus Caden Samaniego! Simula ngayon hindi na tayo magkakilala! Huwag mo na akong landiin pa!" Napahinto ako sa pagtulak sa kanya nang ipaglapat niya ang noo naming dalawa. "Why?" he asked. "Lumayo ka sa 'kin at baka masuntok kita! Saka hindi ba't may girlfriend ka na tapos nilalandi mo pa ako?! Wow! Galing mo rin mo, noh? Napaka talented mo namang lumandi!" "Why?" Nakatitig lang siya sa mga mata ko habang magkalapat pa rin ang noo naming dalawa. Ayokong bumigay, hindi pwede! Bawal! Delikado! Patay puso! Rest in peace! Condolence! Crema de puta! Leche flan! "Sinasabi mo?" Nilayo na niya ang noo niya sa 'kin pero nanatili pa rin ang titig niya sa mga mata ko. Ghad, kumalma ka mga tuhod, kapag bumigay ka sa harapan niya. Puputulin talaga kita. Mag-aaral na akong gumapang at gagapangin ko siya. My ghad, Gianna! "W-Why are you doing this to me?" Natigilan ako sa sinabi niya. Napansin ko ang paglapit ng mukha niya kaya ipinikit ko ang aking mga mata. Naramdaman ko ang paglapat ng mga labi niya sa aking pisngi kaya mabilis kong iminulat ang mga mata ko. Ay sa pisngi lang? Wala bang french kiss dyan?! Gaga ka talaga, Gianna! Landi mo! Nagtama ang tingin naming dalawa. Ayokong umasa sa paraan ng titig niya. Nakakainis kasi parang ako lang ang babaeng umiikot sa mundo niya. "You're making me crazy as fuck! Why are you doing this to me? Why?! Baliw na ako! Baliw na baliw na! Tangina!" Tinalikuran na niya ako habang naiwan naman akong tulala. "Ako rin, Marcus, baliw na! Baliw na baliw sa 'yo! Gago ka!" Napaupo na lang ako sa sahig. Hindi mawala sa isipan ko ang narinig kong bilis ng tibok ng puso niya. "Why are you doing this to me, Marcus Caden Samaniego? Why?! Bakit hinayaan mo akong mahulog sa 'yo? Nakakainis ka!" Chapter 29 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 29 Pinagmamasdan ko ang sarili ko sa harapan ng salamin habang nakasuot ako ng jersey, nakapuyod naman ang mahaba kong buhok. Syempre wala nang nakabalot sa leeg ko kasi nawala na ang hickeys na kagagawan ng lalaking 'yon. May laro kasi kami ngayon ng volleyball para sa P.E. Wala naman akong hilig sa anumang klase ng sports pero wala naman akong choice kundi ang makiisa. Para sa grades, gagawin ko ang bagay na 'to. Bahala nang magkalat mamaya sa laro basta ang mahalaga'y present ako. Lumabas na si Stella sa cubicle, tulad ko'y pinagmasdan niya rin ang kanyang sarili sa harapan ng salamin. Blue ang jersey ko habang red naman ang kanila. Magkalaban kaming dalawa. "Okay ka lang ba, Stella?" Natigilan siya. "Halata bang hindi talaga ako okay?" I nodded. "Napapansin kong hindi ka mapakali these past few weeks. I know na hindi ka naman masyadong palaimik pero iba talaga ang aura mo nitong mga nakaraang linggo." Nanatili ang tingin ko sa kanya gamit ang salamin na nasa harapan namin. Nagtatampo ako sa kanya kasi hindi siya nagsasabi sa 'kin ng kanyang problema. Para bang mas gusto niyang kimkimin na lang ang pinagdaraanan niya kaysa ang ibahagi pa sa iba. "Magkaibigan ba talaga tayo?" I asked. Pakiramdam ko kasi balewala lang ako sa kanya, na tipong sinasamahan niya lang ako kasi wala siyang makasama. "Of course, gurl, pasensya ka na talaga. Hindi lang ako sanay na mag open up sa iba kasi alam kong huhusgahan nila ako." Napayuko na siya at napansin ko ang pagtaas baba ng kanyang magkabilang balikat. Lumapit naman ako sa kanya at niyakap ko siya. "Nandito lang ako na handang makinig sa 'yo. Kahit kailan ay hindi kita magagawang husgahan kahit na ano pa ang pinagdaraanan mo..." She hugged me back. "My Dad hates me, kahit na anong gawin kong maganda'y hindi niya pa rin talaga napapansin. Palagi niyang ipinapamukha sa 'kin na sana hindi na lang ako nabuhay sa mundong 'to." Kumirot ang puso ko sa sinabi niya. Hindi ko akalain na ganito na pala ang pinagdaraanan niya. "Sinisisi niya ako sa pagkawala ni Mom. Hindi ko rin naman ginusto 'yon, wala akong alam. Nung araw na mailabas ako sa mundong ito'y binawian ng buhay si Mom. Tanging sa litrato ko lang siya nakita. Sobrang sakit sa pakiramdam na ang nagbigay ng buhay sa 'kin ay nawala na sa mundong 'to. " Hinaplos ko ang kanyang likuran para pagaanin ang loob niya. Humiwalay na siya ng yakap at mabilis niyang pinunasan ang mga luha sa kanyang mga mata. "Pasensya ka na kung sobrang drama ko," she chuckled. "Masaya ako na magkaibigan tayo pero sana naman sabihan mo 'ko ng mga problema mo. Nagtatampo ako," madrama kong saad. Tinawanan niya lang ako. "Of course, simula ngayon, sa 'yo na ang problema ko." "Huwag ganyan, Stella," natatawa kong saad. Muli niya akong niyakap. "Thank you, gurl na dumating ka sa buhay ko," she whispered. "Ang sweet mo pala? Ang sungit kasi ng mukha mo." "Masungit man ang mukha ko, malambot naman ang puso ko." Tama nga siya, na 'yong Stella na inaakala ko na galit sa mundo'y mayroon pa lang malambot na puso. Masaya ako kasi nagkaroon na ako ng kaibigan na masasabihan ko rin ng problema. Nandito na kami ngayon sa field. Wala ngayon si Josh at Marcus kasi pinatawag sila ng principal. Speaking of Marcus? Hindi ko pa rin maintindihan ang sinabi niya. Baliw na raw siya? Kailangan nang dalhin sa mental ng gagong 'yon para matauhan at mahalin naman ako! Ako rin, kailangan na rin yata na dalhin sa mental kasi baliw na ako. Baliw na baliw sa kanya! Nakakainis! Almost one week na ang nakalipas nung mangyari 'yon. Mabuti na lang talaga na marami silang gawain ni Josh kaya naging panatag ang buhay ko. Balita ko'y magkakaroon daw ng event at sila ang namamahal nun. Minsan naman ay nakakasalubong ko si Sapphire kasama pa 'yung dalawa niyang alagad na hito. Gustong gusto kong abutin ang buhok niya at sabunutan lalo na sa tuwing iniirapan niya ako. Uubusin ko talaga ang buhok ng babaeng 'yon, mula ulo hanggang gitna ng kanyang mga hita. Nakakagigil! Pinagmasdan ko ang paligid. Mag-isa lang akong nakaupo sa damuhan habang si Stella naman ay pilit na nakikisama sa ka team niya na kaklase rin namin. Ang power puff girls naman ay nag-iinggitan sa kanilang mga hita. Halos maging panty na nila ang suot nilang short sa sobrang ikli. "You're making me crazy as fuck! Why are you doing this to me? Why?! Baliw na ako! Baliw na baliw na! Tangina!" What does it means? Isa na naman ba 'yon sa bitag niya para mas mahulog ako sa kanya? "Isang landi mo pa sa 'kin, siguradong basag ang itlog mo!" Inis kong binunot ang damong nasa harapan ko. Dumako ang tingin ko sa isang paparating na lalaki. Nakasuot siya ngayon ng red na jersey habang itim naman na Balenciaga ang kanyang rubber shoes. Ka-team niya si Stella. Aaminin ko na mas lalo siyang guma-gwapo kapag nakasuot siya ng jersey. Lumalantad kasi ang mala nyebe niyang balat. Isama pa na palaging magulo ang kanyang buhok. Natigilan ako nang magtama ang tingin naming dalawa. Bumaba ang tingin niya sa legs ko na nasisinagan ng araw. Napakagandang spotlight naman nito sa kanyang mga mata. Siguradong silaw na siya sa mga hita ko. Fuck you, Marcus Caden Samaniego! Hanggang titig ka na lang! Ang ginawa ko'y pinalandas ko ang daliri ko sa hita ko nang mapansin kong mapalunok siya. Kumikinang yata ang kanyang mga mata? Oh noh! Mahalay nga pala ang isang 'yon. Siguradong hinuhubaran na niya ako sa kanyang isipan. Nagising na ba? I bit my lower lip while staring at him. Paulit-ulit kong ginagawa ang pagpapalandas ng daliri ko sa aking hita para mas lalo ko siyang akitin. Bumibilis pa rin ang kabog ng puso ko sa tuwing nakikita ko siya. Nakakainis! "Fuck!" he cursed. Iniwas na niya ang tingin sa 'kin at dumiretso na sa mga ka-team niya. Napangisi naman ako sa naging reaction niya. Pagsisisihan niya na pinaglaruan niya lang ako! Kingina niya! "Gianna..." "Kanina ka pa ba sa tabi ko?" I was shocked while staring at him. "2 minutes ago?" Namilog ang mga mata ko sa sinabi ni Josh. Napahampas na lang ako sa aking noo kasi alam kong nakita niya ang pang aakit ko kay Marcus. Lamunin na sana ako ng lupa sa kahihiyan. "Did you eat?" Umiling ako. "That's not good, dapat kumain ka," halata sa boses niya ang pag-aalala. "Sige, ikaw na lang kainin ko." Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Kinginang bibig 'to! Bumabalik na naman sa pagsasabi ng mga banat kay Josh. "Huh?" Natawa na lang ako. Hindi pa rin siya nagbabago. "Okag lang ako, Josh, mamaya na lang tayo kumain pagkatapos ng laro." "No. Kumain muna tayo." Tumayo na siya at inilahad niya ang isang palad niya pero umiling ako. "Hindi ba't masamang maglaro kapag busog? Baka maatay tayo." "Alright, basta mamaya'y damihan mo ang kain mo." "Basta libre mo?" He chucked. "Of course, basta ikaw..." Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Sinasanay ko na talaga ang sarili ko sa mga sinasabi niya. Sobrang sweet niya kasi at naiinis ako na baka mapaasa ko lang siya. Kahit na busy siya'y hindi pa rin siya nawawalan ng oras sa 'kin. Kumalat na rin sa Cross Sign na nililigawan niya ako. Syempre marami ang nainis sa 'kin kasi nung una si Marcus daw ang nilalandi ko tapos ngayon naman ay si Josh. Wow! Just wow! Hindi ba pwedeng dahil lang sa ganda ko kaya sila nahibang sa 'kin? Gosh! Pero ano naman ang silbi ng ganda ko? Kung laruan lang ako para kay Marcus, wala rin namang kwenta! Balita na rin na silang dalawa na ni Sapphire. Proud na proud ang malanding 'yon na ikalat na sila kasi sa tuwing may makakasalubong siyang babae'y sinasabi niya na girlfriend siya ni Mask. Edi wow! Maglandian silang dalawa hanggang impyerno! Ang bilis ng oras kasi nandito na kami ngayon sa harapan ng net. Tanging si Josh lang ang lalaki naming kasali sa team habang si Marcus naman sa kabila. Nagtama ang tingin namin ni Stella at nagbigayan kami ng ngiti sa isa't isa. Ka-team din nila ang power puff girls. Nang magsimula nang pumito'y nag serve na si Laira na ka-team namin. Kami kasi ang nanalo sa bato-bato pick. Nagtungo ang bola kay Stella na mabilis niyang natira. Pagkarating sa 'min ay muling bumalik kay Laira ang bola na hindi niya agad natira dahil sa pagkabigla. Naghiyawan ang red team kasi may 1 point na sila. Dumako ang tingin ko kay Marcus na nakatingin din sa 'kin. Isa lang ang nasa isip ko sa oras na 'to. Gusto ko siyang patamaan ng bola. Dapat sakto sa mukha niya para masira na ang pagmumukha niyang gago siya! "Go Prince Marcus!" "Akin ka na lang, Mr. President!" "Anakan mo 'ko ng bente, Fafa Marcus. Sasalubungin kita with my open legs!" "Galingan mo Prince Josh!" "Ang pogi ng Vice President!" "I love you, Josh!" "Josh ko po! Dalhin mo 'ko sa alapaap ng kalangitan!" "OMG! Hindi ako makapili sa kanila!" Napangiwi na lang ako sa mga hinihiyaw nila. Hindi nila alam na ang chini-cheer nila'y pareho ko nang nahalikan. "Mine!" I shouted. Nang mapunta sa 'kin ang bola'y mahina akong napamura kasi hindi ko natamaan. Pati ba naman bola'y hindi rin tinamaan sa 'kin? Aray ha! "Ano ba naman 'yan?!" inis na sabi ni Lowie dahil sa nangyari. "It's okay..." rinig kong sabi ni Josh. Pumunta na sa likod si Josh para mag serve. Ginamit niya ang spike sa pag serve ng bola at napansin kong papunta 'yon kay Marcus. Mabilis naman nahampas ni Marcus ang bola kaya bumalik sa 'min. Si Josh ang tumira kasi papunta sa kanya. Edi sila na ang maglaban! Ayaw pang magsuntukan! Nahiya pa! Nagtalunan kami nang hindi nila natira ang bola. Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Josh kasabay ng paghalik niya sa noo ko. "J-Josh ang daming nanonood," I blushed. "I don't care, gusto ko lang ipakita sa kanila na ikaw ang mahal ko." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko nang mapansin naming may papuntang bola papalapit sa lugar kung nasaan kami. Muntikan nang matamaan si Josh kaya inis kong nilingon si Marcus na mukhang siya ang may dahilan. Lalapitan na siya ni Josh pero mabilis ko 'tong pinigilan. "Hayaan mo na lang, talunin na lang natin para mas mainis ang lalaking 'yon!" Tumango siya sa sinabi ko kahit alam kong naiinis pa rin siya. Nang ako na ang mag se-serve ng bola'y hindi ko magawang maalis ang tingin sa mahalay na 'yon. "Kahit ngayon lang, Gianna! Huwag kang tanga!" bulong ko sa sarili ko. Nag spike na ako at napasuntok na lang ako sa hangin nang mapansin na papunta 'yon kay Marcus pero mabilis naman niyang natira. Gusto kong mapamura kasi kahit anong gawin ko'y hindi ko talaga siya matamaan. Sila pa ang nanalo na sobrang ikinakulo ng dugo ko. Magaling din kasi si Stella na maglaro. Samantalang ang power puff girls naman ay palagi nang umiilag sa bola. Mga takot matamaan. Nandito na kami ngayon sa shower room para maligo kasi sobrang lagkit na namin. Mas nauna akong natapos kaysa kay Stella. Sinuot ko na ang uniform ko kasi tapos na naman ang pe namin. Nakalugay ang mahaba kong buhok kasi basa pa. Pagkalabas ni Stella... napansin ko na nakapang alis siya kaya kumunot ang noo ko. "Hindi ka na ba papasok sa sunod na klase?" She nodded. "Something came up kaya kailangan kong umuwi. Pasensya ka na, gurl! Bawi na lang ako sa 'yo kasi hindi pa kita nati-treat. Ingat ka!" Lumapit siya sa 'kin at hinalikan ang pisngi ko. Mabilis naman siyang nagtatakbo paalis habang dala ang mga gamit niya. Mukhang may problema nga talaga sa kanila. Hihintayin ko na lang ang araw na mag kwento siya. Habang naglalakad ako'y naisipan kong puntahan si Josh. Siguradong nasa shower room lang din siya. Nakasara ang pintuan kaya kumunot ang noo ko. Hindi kaya wala na si Josh dito? Naisipan kong pumasok sa loob para siguraduhin kung nandun nga ito. Nang makapasok ako'y bigla akong natigilan nang makita kung sino ang nasa loob. Gusto kong mapamura nang makita kung ano ang hitsura niya. Sa tingin ko'y namula ang mukha ko nang magtama ang tingin naming dalawa. Shet na malagkit! Walang pang-itaas na suot si Marcus! Nakita ko na naman ang katawan niya at nahawakan pero hindi ko pa rin mapigilan na matigilan lalo na sa kanyang mga abs. Bukod sa wala siyang pang-itaas, naka boxer din siya na mukhang kakatapos lang na maligo. Nakikita ko rin ang V line niya, jusko po! Tumutulo pa sa katawan niya ang tubig na nagmumula sa basa niyang buhok. Muling dumako ang tingin ko sa pang-ibaba niya. Dacks! Ghad, Gianna! "What are you doing here, Ms. Arellano?" Tama! Ms. Arellano! Hindi honey! "N-Nasaan si Josh?" hindi ko mapigilan na mautal. Tumaas ang isang kilay niya. "Bakit sa 'kin mo hinahanap ang gagong 'yon?" Wow! Maka gago kay Josh! Hindi ba't siya ang mas gago kasi manloloko siya! "Gago? Hindi ba't kaibigan mo si Josh?" Run, Gianna! Run! Pero nanatili ako sa kinatatayuan ko habang natatanaw ko ang maganda niyang katawan. Hihimatayin yata ako sa nasa harapan ko ngayon. "Yes. He's my friend pero inagaw niya sa 'kin ang teritoryo ko na ako lang dapat ang nagmamay-ari. He stole it from me! Damn that asshole!" Natigilan ako sa sinabi niya kasabay ng pagbilis ng kabog ng puso ko. No, Gianna, huwag kang assuming! "Amen!" tanging 'yon na lang ang nasabi ko. Napaawang ang kanyang bibig sa sinabi ko. Aalis na sana ako nang mahawakan niya ang braso ko kaya inis ko siyang hinarap. "Isang landi mo pa sa 'kin, siguradong basag ang itlog mo!" Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Nakatitig lang siya sa 'kin kaya nagtambulan na naman ang puso ko. For Pete's sake, wala siyang pang itaas at boxer lang ang suot niyang pang-ibaba. Pagkain ang nakikita ko! Ghad! Mga labi niya pa lang ay appetizer na paano pa kaya kung 'yung an--- no way! "Akala mo ba'y hindi ko napapansin na gusto mo akong patamaan ng bola, ha? Ganyan ba katindi ang galit mo sa 'kin?" He smirked. Napansin ko ang paglapit niya sa 'kin kaya humakbang ako palayo sa kanya. Hindi ko gusto ang ngisi niya. It's been a week nung huli naming tagpo. Aaminin ko namiss ko siya na hindi ko naman dapat na maramdaman pa. "H-Huwag kang lalapit sa 'kin!" Hindi niya ako pinakinggan, patuloy pa rin sa paglapit sa 'kin ang pagk-- I mean si Mask. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang mapaupo ako sa upuan dahil sa pag atras ko. Hinarang niya ang dalawa niyang braso sa 'kin at inilapit niya ang kanyang mukha. "I-Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na huwag mo na akong landian pa, ha?! Hindi ko kailangan ng talento mo!" Pilit kong nilabanan ang titig niya. Pero hindi ko rin mapigilan na bumaba ang aking tingin. Natatanaw ko ang abs niya na umuukit sa kanyang tiyan. Iniwas ko ang tingin do'n nang bigla siyang ngumisi. "Hindi mo na kailangan pang patamaan ako ng bola..." Dumako ang tingin niya sa mga labi ko. Alam kong anumang oras ay aatake na naman ang kanyang mga labi. "Kasi sa una pa lang ay tinamaan na ako sa 'yo.." Natigilan ako sa sinabi niya. Huli na nang mamamalayan ko na inatake na ng mga labi niya ang leeg ko. Nang magsawa na siya'y inangkin niya naman ang aking mga labi. He bit my lower lip. Hindi ko magawang gumanti sa halik niya sa gulat. "Oh god, how I missed my territory.." Hindi ko namalayan na nakaalis na siya dahil sa sobrang pagkatulala ko. Gusto kong maiyak kasi heto na naman siya. Pinapaasa na naman ako! Nananakit na ang puso ko sa bilis ng kabog. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa harapang ng salamin. Napamura na lang ako nang makita kong may hickeys na naman ang leeg ko. Kailangan ko na naman takpan ng tatlong araw ang leeg ko. Namarkahan na naman niya ako! "I love you, Marcus Caden Samaniego pero fuck you for breaking my heart!" Chapter 30 [Accidentally Kissed With A PL...] Warning! Chapter 30 Oh great! Wala akong panyo. Paano ko matatakpan ang hickeys sa leeg ko? Bakit ba ang hilig niyang lagyan ako nito? Isa pa ano raw? Matagal na siyang tinamaan sa 'kin? Ayokong umasa sa bagay na wala namang katotohan. Masakit. Sobrang sakit na umasa na baka gusto niya rin ako. Landian nga lang pala ang namamagitan sa aming dalawa. Dumako ang tingin ko sa upuan na inupuan ko kanina. May nakita akong pulang scarf na sa tingin ko'y siya ang nag-iwan. Wow! Pinaghandaan ng gago? Nang maamoy ko ang scarf ay napapikit na lang ako nang humalimuyak sa ilong ko ang bango ng kanyang perfume. Nakakakadik ang kanyang amoy! Pati siya'y kinaadikan ko na rin! Nakakainis! "Ano ba talaga, Marcus? Laruan lang ba talaga ako para sa 'yo? Kasi nasasaktan na ako!" Hanggang kailan? Hanggang kailan ko maitatago ang nararamdaman ko para sa kanya? Kaya ko bang itago nang matagal ang sinasabi na puso ko? "Gianna..." Bigla na lang may kumulbit sa aking likuran, paglingon ko'y sumalubong sa 'kin ang nakangiting si Josh. He was not wearing a uniform. Ang suot niya'y pang ssg shirt at itim na pantalon. Mukhang busy pa rin talaga sila. "Kanina pa kita hinanap," I said. "I'm sorry, may dinala lang akong mga pasaway na bata sa guidance." Napatango na lang ako sa sinabi niya. Napansin ko na dumako ang tingin niya sa scarf na nakabalot sa leeg ko. He didn't say a word. Sa tingin ko'y may ideya na siya kung bakit may nakabalot na scarf sa leeg ko. Bigla naman akong kinabahan. Kailangan kong bumawi! Bakit kasi hinayaan ko na naman ang mahalay na 'yon na lagyan ako nito? "J-Josh..." I bit my lower lip. "Hmm?" "Pwedeng mag stay ka sa 'min mamaya?" Napaawang ang bibig niya sa sinabi ko. "W-What?" "I mean, mag stay ka muna sa bahay pagkahatid mo sa 'min ng kapatid ko kasi ipagluluto kita ng paborito mong adobo." Napangiti na siya sa sinabi ko kaya nakahinga na ako nang maluwag. "Of course, namimiss ko na rin ang masarap na niluto ng babaeng mahal ko." "Bolero!" "Just stating the fact." Umiwas ako ng tingin sa kanya. Bakit hindi ko magawang suklian ang pagmamahal niya sa 'kin? Bakit ang tagal na tumibok ang puso ko para sa kanya? Dinaanan muna namin si Gennica para isabay na kumain. Syempre wagas ang ngiti ng gaga nang makita si Josh. Hindi ko pa rin alam kung may relasyon pa ba sila ng boyfriend niya. Hinihintay ko na mag kwento siya pero mukhang hindi pa talaga siya handa na sabihin ang katotohanan. Nag presenta si Josh na siya ang bibili ng pagkain namin. Naiwan namain kaming dalawa ng kapatid ko habang nakataas ang isang kilay ko na nakamasid sa kanya. "Why are you looking at me like that?" "Kailan mo balak sabihin ang katotohanan?" Natigilan siya. "A-Anong sinasabi mo?" "Akala mo ha, hindi ko malalaman?" "A-Ano ba ang tinutukoy mo?" Pinagpapawisan na ang gaga. Nasa harapan ko siya ngayon kaya pansin ko ang panginginig ng kanyang mga kamay. "Na may balat ka sa pwet." Napaawang ang bibig niya sa sinabi ko. "Ate naman!" Hindi ko na napigilan na matawa sa naging reaksyon niya samantalang sinamaan niya lang ako ng tingin. Hihintayin ko na lang ang araw na siya mismo ang magsasabi sa 'kin. "Oh! I smell something fishy!" Dumako ang tingin ko sa maarteng nagsalita na 'yon. Kumulo ang dugo ko nang makita ko si Sapphire na tinatakpan ang kanyang ilong. Maging ganun din ang dalawa niyang alagad na hito. Ayokong alamin ang pangalan ng dalawang 'yon kasi hindi ako interesado. "Oh! I smell something malandi," I mumbled. "Ate!" Pinaningkitan niya ako ng tingin na para bang sinasabi na hayaan ko na lang ang tatlong 'yon na hindi ko naman magagawa kasi sinasagad nila ako. Sa paraan pa lang ng titig ng Sapphire na 'yon ay alam kong kami ang pinaparinggan niya. "What did you just say?" Nasa gilid na namin silang tatlo habang lahat sila'y naka cross arm. Nakataas pa ang isang kilay nila. Oh! Hindi ko akalain na may living bratz pala rito! 'Yon nga lang pinasamang bratz kasi masasama ang mga ugali nila! Iniwas ko na ang tingin sa kanila at inilabas ang aking phone mula sa aking bulsa. Itinapat ko 'yon sa aking tainga na para bang may katawagan. "Gaga ka! Bakit ba ang landi mo? Ang bata mo pa pero ang landi mo na! Paano pa kung mas umedad ka pa edi mas lalo kang lumandi," I said. Kunot ang noo ni Gennica habang nakatingin sa 'kin. Pinaningkitan ko lang siya ng tingin. "Ate! Si Sap--Ruby ba 'yan? Can I talk to her?" pag-arte niya. "Oh sure!" Inabot ko sa kanya ang phone ko at tulad ko'y nagkunwari siya na may kinakausap. Nilingon ko ang tatlo na masasama na ang mukha na nakatingin sa 'min lalo na si Sapphire. "Andyan pala kayo?" Umarte pa ako na nagulat nang makita ko sila. "You b*tch!" gigil na sabi ni Sapphire. Aabutin niya sana ang buhok ko nang pigilan siya ng dalawa niyang alagad. Ngayon ko lang napansin na marami na pala ang nanunuod sa 'min. "Not now, beshie! Nakatingin sa 'tin si Vice President," sabi ng maikli ang buhok. Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Dumako ang tingin ko sa lugar kung nasaan si Josh. Tama nga siya, nakatingin sa 'min si Josh. "Were not yet done!" Dinuro niya pa ako at mabilis na tilikuran. Nang makalayo na sila'ynnag apir naman kaming dalawa ni Gianna. "Burn!" she said. Hindi mawala sa isipan ko ang galit sa mukha ng babaeng 'yon. Mukhang natamaan talaga siya sa sinabi ko. Sabagay, talento niya naman 'yon. Tumigil na ako sa pagtawa at tinitigan ang kapatid ko. Natigilan naman siya sa paraan ng titig ko. "Inaaway ka pa ba ng tatlong 'yon?" Napayuko siya kaya bigla kong nakuyom ang mga palad ko. "Susugudin ko ang tatlong 'yon!" Tatayo na sana ako pero mabilis niya akong napigilan. "No, ate! Hayaan mo na sila." "Hayaan? Paano ko hahayaan ang tatlong 'yon na awayin ka lang? Walang sino ang pwedeng manakit sa 'yo! Nang-gi-gigil ako!" "Okay na, ate, Nadala na ni Jos--- Kuya Josh ang tatlong 'yon sa guidance kanina para i-report. Mayroon nang punishment ang naghihintay sa kanila at sa oras na awayin pa nila ako. Kick out na silang tatlo." Natigilan ako sinabi niya. Nagtama ang tingin namin ni Josh na naglalakad na palapit sa amin. Ang tatlong 'yon ba ang tinutuloy niya na dinala niya sa guidance? Mabuti pa siya, may ginawa siya para sa kapatid ko. Paglapag niya ng tray sa mesa... hindi ko na napigilan na yakapin siya. Nagulat naman siya sa biglaan kong pagyakap sa kanya. Marami rin ang nagbulungan pero wala akong pakoalam. "Thank you, Josh, thank you for saving my sister. It means a lot," I whispered. "I'll do everything for you, for your sister. Mahalaga kayo sa 'kin.." Paano ako magiging deserving sa isang tulad niya? Sa tingin ko'y hindi kami bagay na dalawa. -- Nakahalumbaba lang ako habang nagtuturo si Sir. Aclan ng literature. Kanina pa siya nagku-kwento tungkol sa pangyayari sa buhay niya. Simula yata kapanganakan niya ay naibahagi na niya sa 'min. Kasakuluyan na niyang ikini-kwento ang paraan ng panliligaw niya sa kanyang asawa. Wala rito 'yong dalawa kasi busy pa rin talaga sila. Isa pa ayoko ngang makita ang mahalay na 'yon. Palagi na lang niya ako nilalandi pero hindi naman niya ako kayang mahalin! "Sir, I have a question!" Nagtaas ako ng kamay kaya naglingunan sila sa 'kin. Hindi ko na sila pinansin kasi diretso lang ang tingin ko kay sir. "Yes, Ms. Arellano?" Humugot ako nang malalim na hininga habang nilalaro ko sa aking kamay ang ballpen ko. "Sir, bakit kahit nasasaktan ka ng taong mahal mo'y hindi pa rin nawawala ang pagmamahal mo para sa kanya?" Inayos niya ang salamin niya habang nanatili ang tingin sa 'kin. "You can't love without getting hurt." Napa aww naman silang lahat sa sinabi ni Sir. "Masaktan ka man niya ng paulit-ulit, paiyakin, durugin ang puso'y hindi pa rin mawawala ang pagmamahal mo sa kanya. Hindi mo pwedeng utusan ang puso mo na itigil ang nararamdaman mo para sa taong 'yon. You can't do anything about it, wala kang laban sa sinasabi ng puso mo. Masaktan ka man pero mananatili pa rin ang pagmamahal mo sa taong 'yon lalo na kung hulog na hulog ka na. In short, mahirap umahon sa malalim na balon. " That's me! Hulog na hulog na 'ko! Nang makaalis na si Sir, mabilis naman na nagtayuan ang mga kaklase ko kasi wala na kaming sunod na klase. Sinakbit ko na ang bag ko at naisipan kong pumunta ng cafeteria. Balak kong dalhan ng makakain si Josh kasi siguradong nagugutom na siya. Masaya ako sa ginawa niya para sa kapatid ko. Siguradong kilig na kilig si Gennica. Pero syempre naiinis pa rin ako sa tatlong 'yon. Gusto kong ubusin ang buhok nilang tatlo! Lalo na ang Sapphire na 'yon! Ang sarap niyang kalmutin sa kakatihan niya! Nang makabili na ako ng makakain ni Josh, bigla naman akong nagdalawang isip kung pupuntahan ko ba siya sa office nila ni Marcus. Kapag pumunta ako roon, malamang na makikita ko rin ang mahalay na 'yon. Minsan napapaisip ako kung nag-aaway ba sila kapag sila lang dalawa ang magkasama? Or bromance? Ghad! Sila lang dalawa, e, paano nga kung may namamagitan sa kanila? Stop it, Gianna! Pero paano nga kung bading talaga si Mask? Tapos boyfriend niya si Josh? Napailing na lang ako sa naiisip ko kasi mukhang imposible namang mangyari 'yon. Nasa harapan na ako ngayon ng office nila. "Kakatok pa ba ako?" Nakakabastos naman kung bigla na lang ako papasok kaya kumatok muna ako ng tatlong beses bago tuluyang pumasok. Sumalubong agad sa 'kin ang lamig ng aircon. Kumunot ang noo ko nang makita kong wala si Josh sa pwesto niya. Nasaan kaya siya? Dumako ang tingin ko sa table ni Marcus. Natigilan ako nang makita ko siyang nakaub-ob sa mesa niya habang mahimbing na natutulog. Maraming folder ang nakapatong sa mesa niya. Gusto ko nang umalis sa lugar na 'to pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa upuan na kaharap ng mesa niya. Namula ang mukha ko nang maalala ko ang nangyari sa mesa na 'to! Saksi ang mesang 'to nang kalandian naming dalawa. "W-Why are you doing this to me?" I whispered. Malayo kong napapagmasdan ang mukha niya kasi nakaharap siya sa 'kin. Nakapatong ang mukha niya sa kanyang braso. "Hanggang landian na lang ba talaga? Bawal mag level up?" I bit my lower lip. Paano kung gising siya tapos naririnig niya ako? Tulad niya'y umub-ob din ako sa mesa na kaharap niya. Hindi ko pa rin mapigilan na matigilan sa angkin niyang kagwapuhan. He is almost perfect, malandi nga lang talaga. Gusto kong pasadahan ng daliri ko ang noo niya pababa sa kanyang mga labi pero pinigilan ko aking ang sarili. Balak ko na sanang tumayo nang bigla niyang hawakan ang kamay ko para pigilan na ikinagulat ko. "G-Gising ka?" Oh, Gianna! Bakit ba ang tanga mo? Edi narinig niya ang sinabi mong babae ka! "Please stay here, honey... Stay here with me." Honey! He called me honey again. My heart beats so fast! Naramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko pero nanatili pa rin na nakapikit ang kanyang mga mata. "S-Si Josh ang pakay ko rito, hindi ikaw! Bitiwan mo ako!" Pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko pero mas lalo niya pang hinigpitan. Nararamdaman ko ang kuryente na dumadaloy sa katawan ko. Umalis na siya sa pagkaka ub-ob kaya nagtama na ang tingin naming dalawa. "Ako ang nandito pero ang gagong 'yon ang hinahanap mo? Fuck!" "Pakialam mo, ha?! Siya ang gusto ko, hindi ikaw!" It was a lie! Ikaw ang mahal ko, Marcus! Pero hindi mo pwedeng malaman kasi alam kong tatawanan mo lang ako! "You're lying..." Pinilit kong labanan ang titig niya. Nakahinga ako nang maluwag kasi binitawan na niya ang hawak sa kamay ko. "Mahal ko si Josh, mahal na mahal ko! Kung ano man ang meron sa 'tin, landian lang 'yon at hanggang dun na lang tayo..." I wanna hide and cry. I am really sorry, Josh, for using you... "Fuck! That's not what I've heard, honey... Don't lie to me, please... Don't lie.." Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan niya ang likuran ng aking palad. His action is confusing me. Ano ba talaga, Marcus? Bakit ka ganito? "W-Why? Bakit ka ganito?" I asked. "I ha---" Biglang bumukas ang pintuan kaya hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin. Mabilis kong binawi ang kamay ko nang makita ko si Sapphire. Tinaasan niya ako ng isang kilay kasabay ng kanyang pag ngisi. "I missed you, baby ko!" Bigla na lang siyang umupo sa lap ni Marcus at pinalibot pa niya ang kanyang nga braso sa leeg nito. Natigilan ako sa nasaksihan ko. Napansin ko rin ang gulat sa mukh ni Marcus. "W-What the hell are you doing here?" "Why, baby? Hindi ka ba happy na nandito ako? I hate you!" she pouted. Hindi ko magawang makaalis sa kinauupuan ko habang nanatili ang tingin ko sa dalawa na naglalandian. He didn't push her away. Kingina! Sinasabi ko na nga ba't ang sakit umasa sa wala. "Not now, please.." What do you mean, Marcus? May balak ba silang gawin? Dumako ang tingin sa 'kin ni Sapphire habang ang lapad pa rin ng kanyang ngisi. Alam kong pinagseselos niya ako. Gusto ko siyang kaladkarin sa labas kasi nagseselos na talaga ako! "Why baby? I have a condom na." I was shocked! Condom? May inilabas ang babaeng 'yon mula sa bulsa niya na iba't ibang flavor ng condom. Nilapag niya 'yon sa mesa kaya mahinang napamura si Mask. "Sap---" she cut him off. "Which flavor do you want, baby? Strawberry? Orange? Blackberry? Peach? Apple? Banana? Or we can use it all today?" Tumayo ka, Gianna, please! Pero sh*t! Hindi ako makatayo! Nanghihina ang mga tuhod ko sa kalandian nila! Hinahayaan kong masaktan ang sarili ko! "What the hell, Sapphire?!" Hindi siya pinansin ng babaeng 'yon. Biglang gumalaw si Sappher kaya napagalaw din si Marcus kasi hanggang ngayon ay nakaupo pa rin siya sa harapan nito. Tangina! Ang landi! "Saan mo gusto, baby, sa ibabaw ng mesa o sa ilalim? Pwede naman sa sofa o sa sahig, or if you want we can stand up until we reach our climax." Hindi ko na napigilan na mapatayo. Tama nga ako, wala talagang nararamdam sa 'kin ang lalaking 'yon! "Ops! Bakit ka naman aalis na? May ibibigay pa ako sa 'yo!" Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Sapphire. Gigil ko siyang hinarap nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at may inilagay na isang condom. Kingina! "Sapphire!" tawag sa kanya ni Marcus. "Aanhin ko naman 'to?! " "Saan pa ba nilalagay 'yan? Don't act like an innocent, b/tch!" Kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Lumapit na sa amin si Marcus habang pilit niyang nilalayo sa 'kin ang babaeng 'yon. Nang magtama ang tingin naming dalawa ni Marcus... bigla na lang kumirot ang puso ko. I wanted to slap him so hard! Gustong-gusto ko siyang saktan sa oras na 'to! "Oh! Thank you, tamang-tama kasi matutulog sa amin mamaya si Josh. We can use it tonight," I smirked. "W-What?!" gulat na tanong ni Marcus. Hindi ko siya sinagot kasi tinalikuran ko na silang dalawa. Pagkalabas ko sa lugar na 'yon ay bumagsak na ang mga luha ko. Kingina nila! Magsama silang dalawa! Simula ngayon, kakalimutan ko na ang gagong 'yon na wala nang ginawa kundi ang saktan ako! Chapter 31 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 31 Ngayong araw na ako ipapakilala ni Josh sa kanyang mga magulang. Syempre kinakabahan ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Hindi pa naman kami ni Josh pero gusto na niya agad akong maipakilala. Napatingin ako sa phone ko nang maramdaman kong nag vibrate. Nag message sa 'kin si Josh na papunta na raw siya rito para sunduin ako. Si Lee Jong Suk na ulit ang wallpaper ko kasi hindi ko kayang pagmasdan ang mukha ng mahalay na 'yon. Masakit sa puso! Tulo ang dugo! Ayoko ngang masaktan na naman ako at umasa na naman sa wala. Muli kong pinagmasdan ang sarili ko sa harapan ng salamin. Floral dress ang suot ko na off shoulder. Nakalugay din ang mahaba kong buhok na kinulot ko pa talaga ang ilalim para mas magandang tingnan. Sobrang tuwid kasi ng aking buhok na para bang galing sa rebond. Sa totoo lang maingat talaga ako sa buhok ko kasi gusto ni mama na maging healthy 'to. I also put light makeup. Ayokong masyadong makapal kasi hindi naman ako pupuntang kids party para maging clown at magpasaya ng mga bata. "Okay lang ba ang suot ko? Hindi ba ako mukhang chaka sa paningin mo?" Tamad naman na tumingin sa 'kin si Gennica. Nandito ako ngayon sa kwarto niya habang ang gaga'y hindi pa rin bumabangon sa higaan niya. Kanina pa naman siya gising. Parang nakadikit na ang likuran niya sa kama. "Okay lang..." Muli siyang nagtalukbong ng kumot kaya umupo ako sa gilid ng kama niya. "Gennica naman, kalimutan mo na ang gagong iyon!" "Ate, wala na siya sa isip ko. Almost 1 month na kaming wala kaya naka move-on na ako sa kaniya. Wala na akong pakialam pa sa isang gagong tulad niyon!" Na-ikwento na niya sa 'kin na wala na sila ng boyfriend niya kasi niloloko lang siya nito. Pinagpalit lang siya sa malapit. Sa oras na makita ko talaga ang gagong 'yon, hinding-hindi ko talaga siya mapapatawad. Sasalubungin ko siya ng mag-asawang sampal na siguradong babakat sa kanyang magkabilang pisngi. Halos isang buwang itinago ni Gennica sa 'kin ang tungkol sa bagay na 'yon. Hindi ko akalain na sobrang dami na pala ng kanyang pinagdaraanan. Wala talaga akong kwentang kapatid. "Kung ganoon, bakit ka nagkaka-ganiyan?" "Hindi mo ba napapansin, Ate?" "Alin?" Alam ko ang tinutukoy niya. Gusto kong siya mismo ang umamin sa 'kin. Mahirap siyang pangunahan kasi alam kong itatanggi niya lang naman. Umupo na siya at sumandal sa headboard ng kanyang kama. Kinusot niya pa kanyang mga mata habang nakamasid sa 'kin. "Lampas ang lipstick mo." Namilog ang aking mga mata sa sinabi niya. "Seryoso?!" "Just kidding." "Ano nga?" Humugot siya nang malalim na hininga. "I like him, I really do..." Sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Alam ko..." Natigilan siya sa sinabi ko. "Kilala mo kung sino?" I nodded. "Kaya ba pinagtutulukan mo ako sa playboy na iyon kasi gusto mo si Josh?" Umiwas siya ng tingin kaya kinurot ko ang kaniyang tainga. "O-Ouch, Ate!" "Dapat noong una pa lang ay sinabi mo na sa 'kin para hindi na ako pumayag na ligawan niya ako... Para hindi ka nasasaktan nang ganito!" Inalis ko na ang pagkakapisil sa tainga niya nang mapansin ko na namumula na. Sinamaan niya naman ako ng tingin. "Pero mahal ka ni Josh, nakikita ko ang ganda ng ngiti niya sa tuwing magkasama kayong dalawa. Palagi ka niyang pinagmamasdan kapag hindi ka nakatingin sa kaniya. Mahal na mahal ka niya, Ate, mahal na mahal.." "Tutulungan kita sa kaniya," I said. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil. Nakikita ko sa mukha niya na nasasaktan siya. Ayokong si Josh pa ang maging dahilan ng away namin pero paano ko sasabihin kay Josh? Na hindi ko naman siya kayang mahalin kasi si Marcus na talaga ang laman ng puso't isipan ko. Masasaktan ko siya at 'yon ang ikinatatakot ko. Mahal niya ako at hindi niya deserve na masaktan nang dahil lamang sa isang tulad ko. "Huwag na, Ate, okay lang ako... Isa pa, paghanga lang naman nararamdaman ko para sa kaniya. Hindi naman malalim..." Iniwas niya ang tingin sa 'kin. Alam kong hindi totoo ang sinabi niya. Hindi lang paghanga ang nararamdaman niya para kay Josh. She's in love with him. Nasasaktan siya nang dahil lamang sa 'kin. -- Nakamasid lang ako sa bawat daraanan namin habang tahimik na nagmamaneho si Josh. Hindi pa rin talaga mawala sa isipan ko ang usapan namin kanina ng kapatid ko. "Josh?" Nilingon ko siya nang magtama ang tingin naming dalawa. Mabilis din naman siyang umiwas nang dahil sa pagmamaneho. "Yes?" "Paano kung may umamin sa 'yo na gusto ka niya, anong gagawin mo?" "I'll tell her that I am in love with you. Para naman tumigil na siya sa pagkagusto sa 'kin...." Malakas akong napabuntong hininga sa sinabi niya. "Why?" "Wala lang." Hindi ba niya napapansin na may pagtingin sa kanya ang kapatid ko? Sabagay, laganap nga pala ang mga taong manhid sa ngayon. Katulad na lang ng mahalay na 'yon! Nakakainis kasi naalala ko na naman siya. Almost 1 week ko rin na iwasan ang lalaking 'yon. Naging madali naman kasi palagi na kaming magkasama ni Josh. Palagi rin silang magkasama ng Sapphire na 'yon! Batang bata pa, napaka pro na lumandi. Sanay na sanay gamitin ang kanyang talento. Nasa 'kin pa rin ang binigay na condom ng malanding babaeng 'yon! Hindi ko naman pwedeng gamitin nang mag-isa. Napahampas naman ako sa noo sa naisip ko. "Is something bothering you?" "Wala naman, kinakabahan lang ako." Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil. "Huwag kang mag-alala, siguradong magugustuhan ka nila." "Ako nga hindi niya gusto, sila pa kaya?" Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko sa salitang lumabas mula sa aking bibig. Wala na naman akong preno! "Huh?" "Huwag mo na akong alalahanin pa, Josh, maganda pa rin naman ako," palusot ko. "Yes. You're always beautiful..." Hinalikan niya ang likod ng palad ko habang nagmamaneho pa rin siya. Nginitian ko lang siya nang magtama ang tingin naming dalawa. Alam kong nagseselos sa 'min ang kapatid ko pero anong magagawa ko? Paano ko mapapaiwas sa 'kin si Josh nang hindi siya nasasaktan? Alam kong darating sa point na tuluyan ko na talaga siyang masasaktan pa... lalo na kapag narinig niya ang katotohanan na si Marcus lang talaga. "Wow!" Napaawang na lang ang bibig ko nang matanaw ko ang isang mansyon. Natawa naman siya sa naging reaksyon ko. Hindi na ako magtataka na mansyon ang bahay nila kasi halata naman na mayaman si Josh. Pero ang alam ko'y hindi siya rito umuuwi kasi sobrang layo sa school kaya naman sa condo niya siya tumutuloy. Nang maiparada niya ang sasakyan ay pinagbuksan niya naman ako ng pinto. "Kinakabahan ako..." "Relax, nandito lang ako. Magugustuhan ka nila." Naglalakad na kami papasok ng mansyon. Tulad ng napapanood ko sa korean drama... mayroong sumalubong sa 'min na mga maid at binati kami. Nakayuko pa sila sa magkabilang gilid habang naglalakad kami. "Ang gandang dilag naman niyan, Jose!" Salubong ng isang matanda at bigla na lang akong niyakap na ikinagulat ko. Sa tingin ko'y isa siyang mayordona rito sa mansyon. "Jose?" nagtataka kong tanong. Nilingon ko si Josh na ngayon ay nakangiting nakatingin sa amin. "Ako po si Josh," sabi ni Josh. Napakamot naman ang matanda sa batok niya. "Ay oo nga pala, Josh," natatawa nitong saad. "Kayo talaga, nanay Rose, palagi niyo nang kinalimutan ang pangalan ko." "Pasensya ka na, Felipe, matanda na kasi ako. Isa pa hindi ka hindi ka naman nananatili rito kaya nawawala sa isip ko ang pangalan mo..." Pareho naman kaming natawa ni Josh sa sinabi ni nanay Rose na pangalan. Bigla ko tuloy na miss ang lola ko na matagal nang pumanaw. "Girlfriend ka ba niya, hija?" Mabilis akong umiling. "Hin---" he cut me off. "Soon po," he said. Pinaningkitan ko naman siya ng tingin pero kinindatan niya lang ako. "Naku, hija, sagutin mo na si Pilato kasi napakabuting bata niyan. Marunong din 'yan sa mga gawaing bahay at siguradong hindi ka mahihirapan sa kanya." "Oo nga po, e," tanging 'yon na lang ang nasabi ko. "Nanay, saan niyo po nakukuha ang mga pangalang 'yon?" Hindi ko mapigilan na matawa nang makitang hindi maipinta ang mukha ni Josh. "Mga pangalan? Ay oo! Paano kasi 'yon ang mga pangalan ng kasintahan ko no'n," kinikilig na sabi nito. Napangiti naman ako kay Nanay. Kasing ugali niya rin ang lola ko. "Ano pong pangalan ng napangasawa niyo?" Lumapit sa 'kin si Nanay at nilapit niya ang kanyang bibig sa aking tainga ko. Nakakunot lang ang noo ni Josh habang nakamasid sa 'min. "Josh ang pangalan ng asawa ko." Pareho kaming natawa kaya mas lalong kumunot ang noo ni Josh. Hinila niya ako papalayo kay nanay habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi. "Mom..." Nawala ang ngiti sa mga labi ko nang matanaw ko ang isang babaeng pababa ng hagdanan. Nakasuot siya ng silver na dress na sobrang hapit sa kanya. Maikli rin ang kanyang buhok at isa lang ang masasabi ko. Mukha siyang mataray. "J-Josh, iuwi mo na 'ko..." I whispered. "Relax..." Nakatago na ako sa likuran niya kasi kinakabahan talaga ako. Baka bigla na lang siyang may ipakuha na case na naglalaman ng pera tapos sabihin sa 'kin na. "O ayan ang pera, layuan mo na ang anak ko!" Ghad! Kakapanuod ko 'to ng korean drama. "Hello, son.." She kissed his cheek. Dumako naman ang tingin nito sa 'kin kaya mas lalo ko siyang napagmasdan. Hindi ko napigilan na mapaawang ang aking bibig sa kagandang taglay niya. Parang dalaga pa siya kasi napakaganda ng kanyang kutis na halatang alaga. Wala rin siyang kulubot sa mukha at isa pa, sobrang sexy niya. "Mom, I want you to meet the woman whom I love." Nanatili ang tingin sa 'kin ng mom ni Josh habang nakataas ang isang kilay nito. Sobrang nanghihina na ang mga tuhod ko sa kaba. "H-Hello po, Tita, ako po si Gi----" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong yakapin. "Oh my ghad! Finally, nakilala na rin kita..." Napaawang na lang ang bibig ko sa gulat. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tinitigan ako. "You're so beautiful, hija.." "T-Thank you po..." "Son, marry her as soon as possible," Namilog naman ang mga mata ko sa sinabi nito. Nilingon ko si Josh na halata rin ang gulat sa mukha. "Mom!" "Please, hija, sagutin mo na ang anak ko at dito ka na tumira," Seriously?! Kanina'y gusto nito na pakasalan na ako ng anak niya, ngayon naman gusto niya na tumira na ako rito?! Ano sunod? Anakan na ako ni Josh?! "Huwag niyo siyang madaliin, mom, handa akong maghintay." Hinila na ako ni Josh palayo sa mom niya. "Hindi mo ba alam, son, na kapag pinili mo pang maghintay, mauunahan ka na ng iba nang hindi mo namamalayan," makahulugang sabi nito. Natigilan naman si Josh sa sinabi nito. "Where's dad?" Nandito na kami ngayon sa harapan ng hapag kainan. Syempre dalagang pilipina ang galaw ko kahit ang totoo'y gusto ko nang mualin ang nasa plato ko. Paano ba naman kasi may lechon! Ang hirap naman makipag plastikan dito kapag gutom na! "As usual, nasa company niya. Sinabi kong agahan ang uwi para makilala niya ang fiance mo," Napaubo naman ako sa sinabi nito kaya mabilis akong inabutan ng tubig ni Josh. "Mom!" "You're so slow, son, samantalang kami ng dad mo... hindi pa niya ako nililigawan pero nagapang na niya agad ako," she giggled. Namula naman ang mukha ko sa sinabi nito. Samantalang si Josh ay napatakip na lang sa mukha. Akala ko talaga mataray ang mom ni Josh pero nagkamali ako. Kalog naman pala. Nang matapos namin na kumain ay hinila na lang ako bigla ni Tita sa salas. Pinagmasdan ko naman ang kapaligiran. Isang lang masasabi ko, halatang mamahalin ang gamit at nakakatakot kumilos kasi baka bigla akong may mabasag. Isa sa nakaagaw ng pansin sa 'kin ay ang chandelier nila na mala dyamante sa kinang. "He's so cute, right?" Tinuro ni Tita ang litrato ni Josh nung baby pa 'to. "Yes po, Tita," Marami pa siyang pinakita na litrato sa 'kin ni Josh. Bata pa lang 'to ay napaka gwapo na niya. "Her name is Kella, my daughter," Pinakita niya sa 'kin ang picture ng isang batang babae. Siya siguro ang tinutukoy ni Josh na nasa states. Nalaman ko na hindi natuloy ang uwi nito dahil sa covid. Ang kasama raw ni Kella states ay ang kapatid ni Tita. "Sino po siya?" Nilabas ni Tita ang litrato sa album at pinagmasdan. Nang matitigan ko ang mukha ng batang kasama ni Josh ay biglang bumilis ang kabog ng puso ko. Kahit na bata pa lang ay napakagwapo na nito. "He's Marcus, kaibigan siya ng anak ko." Hindi ko mapigilan na mapangiti habang pinagmamasdan ang litrato nilang dalawa. Nakaakbay pa si Marcus kay Josh. Mukhang may bromance nga yata sa kanila. "Tumayo ka, hija.." Tulad ng sinabi ni Tita ay tumayo ako nang bigla niyang hawakan ang magkabilang bewang ko. "Ano ang waist line mo, hija?" "23 po?" Namilog ang mga mata niya sa sinabi ko. Oh well! Sexy naman kasi talaga ako kahit na marami akong kumain. Napaka-swerte ko naman na nilalang. "Josefina!" biglang tawag ni Tita. May dumating na isang maid habang kasunod nito ay si Josh na hindi maipinta ang mukha. "Not again, mom, not again," naiiling na sabi ni Josh at hinila ako palayo kay Tita. "Son, don't make me mad." Lumapit sa 'min si Tita at hinila ako palayo kay Josh. Halata naman sa mukha ko ang pagtataka. Namalayan ko na lang na naglalakad na ako kasabay si Josefina. "Saan ba tayo pupunta?" "Sa dressing room po," Tumango na lang ako. Narinig ko ang boses ni Josh na tinatawag ako na mukhang pinipigilan pa rin ni Tita. Nang makarating na kami sa dressing room ay napaawang na lang ang bibig ko sa pagkamangha sa dami ng magagandang damit. Mayroon din na mga gown. "Maghubad po kayo," aniya. Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. "Bakit ako maghuhubad?" napayakap ako sa sarili ko. "May ipapasuot lang po sa inyo si Madam." May binuksan siyang isang closet at may nilabas na ikinalaki ng mga mata ko. "Wedding gown?!" I was shocked! Nilapag niya 'yon sa sofa habang namimilog pa rin ang mga mata ko. "Huwag mong sabihin na 'yan ang isusuot ko?" "Gusto po ni Madam na suotin niyo 'yan, kapag hindi niyo po sinuot ang wedding gown na 'to. Makikita n'yo po kung paano maging dragon si madam." Bigla naman akong nakaramdam ng kaba sa sinabi niya. Wala na akong nagawa kundi suotin ang wedding gown na 'yon na para bang sinukat sa 'kin. Hindi kaya sapilitan niya akong ipapakasal kay Josh? Ano na ang gagawin ko? Paano na kami ni Marcus?! Ghad! Wala nga palang kami at isa pa, bakit ko ba iniisip 'yon?! "Wow! Napakaganda niyo pong bride, ma'am.." Pinagmamasdan ko na ang sarili ko sa harapan ng malaking salamin. Hindi ko akalain na mas lalantad ang kagandahan ko kapag nakasuot ng wedding gown. Hinayaan kong nakalugay ang mahaba kong buhok na nilagyan ng belo ni Josefina. Lumalantad din ang cleavage ko na hindi ko akalain na meron pala. "Bakit ba ako pinagsuot nito?" "Ikakasal na po kayo ni Young Master," "Ano?!" Hindi niya ako pinansin kasi bigla niya na lang ako hinila palabas ng silid na 'yon. Tinulungan niya naman ako dahil sobrang bigat ng gown. "Saan tayo pupunta?" "Simbahan po." Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko. Ano ba 'tong pinapasok ko? Uuwi yata akong Spencer na ang apelyido ko. Siguradong lubos na masasaktan ang kapatid ko. Pumasok kami sa isang silid nang bigla akong salubungin ng yakap ni Tita. "Wala akong masabi, hija.. Napakaganda mo talaga..." Humiwalay na siya ng yakap at pumunta sa harapan ko habang may ngiti sa kanyang mga labi. Pinagmasdan niya rin ang kabuuan ko. Napapalakpak pa siya sa kasiyahan. "A-Ano po bang meron? Bakit niyo po ako pinagsuot nito?" Hindi niya pinansin ang tanong ko. Nakarinig ako ng yabag ng mga paa. Pagtingin ko'y natigilan ako nang makita ko si Josh na nakasuot ng puting tuxedo. 'Yong totoo? Ikakasal na ba talaga kaming dalawa? Nang makalapit siya sa 'kin ay hinawakan niya ang kamay ko at marahan na hinalikan ang likod ng palad ko. May inabot din siya sa 'kin na tatlong rosas. "You're so beautiful, my lady," Narinig ko ang pagtili ni Tita kaya namula ang mukha ko. "Ikakasal na ba tayo?" Bigla namang natawa si Josh sa tanong ko kaya kumunot ang aking noo. "No." May nginuso siya na mabilis ko naman tiningnan. Ngayon ko lang napansin na may studio sa silid na 'to. Mayroon din na photographer na inaayos na ang kanilang mga gagamitin. Kukuhanan lang pala kami ng litrato. "Ako na humihingi ng sorry para kay mom," bulong niya. Nakahahawak siya sa magkabilang bewang ko habang nakapulupot naman ang mga braso ko sa kanyang batok kasi kinukuhanan na kami ng litrato. Wala na rin naman akong magagawa pa kasi baka bigla na lang maging isang dragon si Tita kapag naging runaway bride ako. Malaya kong napapagmasdan ang perpekto niyang mukha. Bagay sa kanya ang suot niyang tuxedo. Mas lalo siyang nagmukhang prinsipe. "Okay lang, nagulat lang ako na may paganito. Akala ko talaga'y ikakasal na tayo." He chuckled. "My mom is a fashion designer, siya ang nagdesign ng suot natin ngayon." Napa wow na lang ako sa sinabi niya. "Gianna..." Hindi ko alam pero bigla na lang akong nakaramdam ng kaba lalo na nang mas lumapit ang mukha niya sa 'kin. Kaunting galaw na lang ay maglalapit na ang mga labi naming dalawa. Balewala lang sa kanya ang pagtili ni Tita habang namumula naman ang mukha ko. Mukha talaga kaming ikakasal na dalawa. "Y-Yes?" "I love you..." Hahakbang na sana ako palayo sa kanya nang mas higpitan niya ang hawak sa magkabilang bewang ko. "J-Josh..." Kinakabahan ako! Kailangan ko na siyang layuan para sa kapatid ko. "Ako na lang, please, ako na lang. Hinding-hindi kita sasaktan..." Natigilan ako sa sinabi niya. "Alam mo n----" I was about to answer him but he didn't give me a chance. He kissed me passionately. Hindi ko siyang magawang itulak. Hinayaan ko lang siya na angkinin ang mga labi ko kasabay nang pag flash ng camera sa aming dalawa. My heart beats so fast... Chapter 32 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 32 Kasalukuyan kaming nasa gym ngayon para mag prepare sa gaganaping celebration bukas ng school. Kaya pala naging busy sina Josh nang dahil sa gaganapin na event. Bukas na kasi ang 45th anniverasy ng pagkakatatag nitong school kaya grabe nilang paghandaan. Samantalang sa school namin noon ay magpapamisa lamang ang Principal para lang ma-celebrate ang anniversary. Pero rito? Wow! Parang darating si Digong sa sobrang paghahanda. Mayroon pa talaga silang pa balloons! Ano 'to? Childrens party? "Nakakainis! Bakit ba tayo ang pinapagawa nito? Nagbabayad naman tayo ng tuition!" "Hindi ko rin alam, gurl. Ngayon lang nangyari na ang estudyante ang pinaghahanda para sa isang celebration. Mukhang planado tayong pahirapan ng President..." Kumulo naman ang dugo ko sa sinabi niya. Sabagay, siya nga pala ang president kaya siguradong siya ang may pakana nito. "Nakakainis!" "Hayaan mo na, wala rin naman tayong choice kundi ang sundin sila. Meron naman tayong matatanggap na incentives kaya worth it ang pagod natin." Napatango na lang ako at ipinagpatuloy ko na ang pag bo-bomba ng lobo habang si Stella naman ay may ginugupit na cartolina. Marami rin na estudyante ang nandito habang may kani-kanilang ginagawa. Nababakas din ang inis sa kanilang mga mukha. Paano ba naman kasi nagbabayad kami ng tuition tapos ganito lang ang ipapagawa sa amin. Talagang nakakainis! "Ako na lang diyan." Bigla na may kumuha sa kamay ko ng pambomba. Paglingon ko'y napangiti ako nang makita ko si Josh na nakaupo na ngayon sa aking tabi. "Huwag na, Josh, ako na lang ang gagawa niyan. Alam kong marami ka pang gagawin sa oras na ito." Mabilis kong inagaw sa kanya ang pamboba kasi ayokong makaabala sa kanya. Marami pa kasi siyang ginagawa. "It's okay, ayokong mahirapan ka..." Nagtangka siyang agawin ulit sa 'kin ang pamboba pero mabilis kong inilayo 'yon sa kanya. "Gusto ko ang ginagawa ko... sobrang nag-e-enjoy kaya ako!" labas sa ilong kong saad. Ang totoo'y gusto kong sugurin ang mahalay na 'yon sa inis na aking nararamdaman. Siya ang bobombahan ko, e! Kingina niya! Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang paglalandiaan nila ng Sapphire na 'yon! Magsama silang dalawa! Dalhin ko pa sila sa impyerno! "You sure?" I nodded. "Thank you, Josh.." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "Huh? Para saan?" "Basta thank you..." Sumilay na ang ngiti sa kanyang mga labi at marahan niyang hinaplos ang buhok ko. Narinig namin ang pagtikhim ni Stella kaya napalingon kami sa kanya. "Tuloy niyo lang 'yan!" Natawa na lang kami ni Josh. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na hinalikan ang likod ng aking palad. "Always..." I couldn't help but smile. Masaya ako kasi nandyan sa tabi ko para pasiyahin ako. Pero ang inaalala ko talaga ay ang kapatid ko. Hindi niya ako tinanong kung anong nangyari nang maipakilala ako ni Josh sa magulang nito. Wala rin akong balak na sabihin kasi alam kong masasaktan siya. Matapos ng halik na naganap sa aming dalawa'y hindi ko na siya nagawang masagot pa. Hindi na rin niya pinag-usapan pa ang tungkol sa bagay na 'yon. Mukhang nahiya siya sa ginawa niyang paghalik sa 'kin pero pinalabas ko na balewala lang 'yon kahit ang totoo ay nahihiya ako. Lalo na sa ginawa ko nung oras na 'yon. I kissed him back. At hindi ko rin maintindihan kung bakit lumakas ang kabog ng puso ko. "Tama na, gurl, malapit na pumutok ang lobo." Namilog ang aking mga mata sa sinabi ni Stella kaya mabilis kong itinigil ang ginagawa ko nang makitang malapit na talagang pumutok ang lobo. Umalis na si Josh kasi may gagawin pa siya. Ayaw pa sana niyang umalis kung hindi ko lang siya pinilit. "Is something bothering you?" Mabilis akong umiling bilang tugon sa kanyang tanong. Ayoko namang sabihin sa kanya na dalawang tao ang tinitibok ng puso ko. Ghad, Gianna! Mapapakanta ka na lang talaga na sana dalawa ang puso mo! "Ikaw ba? Kumusta na kayo ng dad mo?" Natigilan siya sa sinabi ko. "Okay na kami..." "Dad ba talaga o sugar daddy?" I chuckled. Natawa naman siya sa sinabi ko. "No way, mas nanainisin ko pang maging single kaysa magkaroon ng sugar daddy!" Pareho na lang kaming natawa. Pinagpatuloy na namin ang aming ginagawa para mabilis kaming matapos. Nilibot ko naman ang tingin sa paligid. Napansin ko ang power puff girls na kasalukuyang ginugupit ang cartolina habang panay ang hampasan. Dumako ang tingin ko sa lalaking babagong pasok ng gym. Nagtama ang tingin naming dalawa kaya bumilis ang kabog ng puso ko. Hindi ko naman magawang iiwas ang tingin sa kanya. Gusto ko na siyang makalimutan pero paano? Kahit na hindi ko siya nakikita'y siya pa rin ang laman ng puso't isipan ko. Kasunod niya si Sapphire na nakataas pa ang isang kilay na nakatingin sa kanya. Mabilis siyang kumapit sa braso ni Marcus para inggitin ako. Edi wow! Isaksak niya sa vagina niya ang mahalay na 'yon! "Gurl naman, tingnan mo ang ginagawa mo. Malapit na namang pumutok ang lobo!" Iniwas ko na ang tingin sa dalawang 'yon. Namilog ang aking mga mata nang makitang malapit na ngang pumutok ang lobo. Nang maitali ko na ang lobo ay tumayo na ako. "C.R lang ako." "Gusto mo bang samahan kita?" Umiling ako. "Okay lang, mabilis lang naman ako." Mabilis ko siyang tinalikuran. Napakagat na lang ako sa pang-ibabang labi nang makitang makakasalubong ko ang dalawang malanding 'yon na naglalakad. What a perfect couple! Parehong malandi kaya bagay na bagay silang dalawa. Bigyan ng jacket sa sobrang kakatihang taglay! "Where do you think you're going, Ms. Arellano?" Napahinto ako sa harapan nila nang biglang umimik si Marcus. Dumako ang tingin ko kay Sapphire na grabe makakapit sa lalaking 'yon. Wow! Takot maagawan? Landi pa more, buntis latur! "C.R lang, sama ka?" Napansin kong napaawang ang bibig niya sa sinabi ko kaya mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko. Bakit ko ba kasi nasabi 'yon? Lamunin ka na sana ng lupa, Gianna! Sigurado na talaga akong nasa talampakan ang utak ko! "You b/tch!" "You slvt!" I whispered. "What?!" Susugurin na sana ako ni Sapphire pero mabilis siyang napigilan ni Marcus. Napangisi naman ako habang nakatingin sa babaeng 'yon. Bigyan kita ng condom d'yan, e, kainin mo nang mabawasan naman ang kalandian mo! "Aalis na 'ko, sasabog na ang pantog ko." Iniwas ko na ang tingin sa kanila at nang mapadaan ako sa gilid ni Marcus ay bigla na lamang akong natigilan sa narinig ko mula sa kanya. "Susunod ako..." My ghad, Gianna! Anong ginawa mo sa buhay mo? Paano nga kung sundan ka niya? Anong gagawin mo?! "Nasaan ang panyo ko?!" Napahamapas na lang ako aking sa noo nang mapanasin na kinakapa ko sa bulsa ang panyo ko. Knowing him, alam kong papapakin niya ang leeg k---teka! Bakit ako naghahanda? Dapat ay iniiwasan ko na siya 'di ba?! Ano na naman, Gianna? Bibigay ka na naman? Tapos ano? Masasaktan ka naman kasi mayroon na siyang iba? Hindi maaari! Nagpatagal ako sa loob ng cubicle habang pinapakiramdaman ang paligid. Nang masigurado kong wala siya ay lumabas na ako. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa harapan ng salamin. Tumagilid pa ako upang pagmasdan ang buhok ko na mas lalo pang humaba. Matagal na rin pala nung huli akong nagpagupit. Halos lumampas na sa bewang ko ang aking buhok. Nakakainis kasi hindi sinabi sa amin na wala naman kaming klase kaya nakapag uniform tuloy ako. Wala naman akong dalang extra na pamalit. Napatingin ako sa relo at anim na minuto na ang lumipas pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. "Teka! Bakit ko ba hinihintay ang lalaking 'yon?!" Mariin ang kagat ko sa pang-ibabang labi ko habang pinagmamasdan ang sarili ko sa harapan ng salamin. Natiligin ako nang marinig kong may nagsara ng pinto. Narinig ko rin ang pag lock niya kaya nanghina ang mga tuhod ko. Nanatili lang ang tingin ko sa salamin habang nakakuyom ang mga palad ko sa kaba. Kung gusto niyang makipaglandian, edi fine! Pagbibigyan ko siya ngayon! "What took you so long?" Gusto kong mapamura nang magtama ang tingin namin gamit ang lamang salamin. Tulad ko'y nakatingin din siya sa salamin habang magkatagpo ang tingin naming dalawa. Nakasuot din siya ng uniform na bukas ang tatlong butones. Magulo na naman ang buhok niya kaya bigla akong napalunok ng aking laway. He is so freakin hot! At sa tingin ko'y natutunaw na ako sa titig niya sa 'kin. "Sapphire is fol---" I cut him off. "Aalis na ako!" Lalampasan ko na sana siya nang hawakan niya ang braso ko para pigilan. Inis ko naman siyang hinarap at tinapik ang kanyang kamay na nakahawak sa 'kin. He was shocked! Habang ako naman ay nanghihina na ang mga tuhod kasi ang lapit niya lang sa 'kin. Pinilit kong labanan ang titig niya. "O anong tinitingin-tingin mo pa riyan? Halik na agad, dami mo pang arte!" Napaawang ang bibig niya sa sinabi ko. Samantalang gusto kong iumpog ang ulo ko sa pader sa kahihiyan. Sinabi ko sa sarili ko na kakalimutan ko na ang nararamdamn ko sa kanya pero heto ako ngayon, ako pa ang nag de-demand sa kanya na halikan ako! "W-What is wrong with you?" Ikaw! Ikaw ang problema ko! Bakit pa kasi kita nakilala? Bakit ikaw pa ang nahalikan ko nang dahil lang sa isang dare, at bakit hinayaan ko ang sarili ko na mahulog sa isang tulad mo?! "Edi huwag! Sobrang arte mo! Balikan mo na ang Sapphire mo na mahilig sa condom!" Tatalikuran ko na sana siya nang muli niyang hawakan ang braso ko. Sa isang iglap ay nabuhat na niya ako paupo sa countertop ng sink habang nasa gitna siya ng mga hita ko. Nakadantay ang dalawang braso niya sa sink habang sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa. Kaunting galaw ko lang ay siguradong maglalapat na ang mga labi naming dalawa. Naamoy ko rin ang mint sa kanyang bibig kaya mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko kasi naaakit ako. Naaakit akong angkinin ang kanyang mga labi. "Are you jealous of her?" he smirked. Iniwas ko naman ang tingin sa kanya. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya para itulak siya palayo sa 'kin pero nagmatigas lamang siya. Ang bilis ng tibok ng puso ko sa oras na 'to. "Bakit naman ako magseselos sa babaeng 'yon, ha?! 'Di naman ako mahilig sa condom! Isa pa, wala akong pakialam sa inyong dalawa!" Seriously, Gianna?! Bakit nadamay ang condom? Lamunin na sana ako ng lupa! "Look at me..." Mas lalo kong iniwas ang tingin sa kanya nang maramdaman kong hinawakan niya ang magkabilang bewang ko. Kahit na naka uniform ako'y ramdam ko ang init ng kanyang mga palad. Nanatili pa rin ang pwesto naming dalawa kaya sobrang lakas ng kabog ng puso ko. "Don't be jealous, honey..." Inis ko siyang nilingon. "Bakit naman ako mag------" hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin nang bigla niya akong halikan. I tried to push him away but he is too strong. Unti-unti na rin akong bumibigay dahil sa paraan ng kanyang paghalik. He is kissing me passionately, and yes, I couldn't help but responded to his kisses. Marupok ako, kingina! Napakarupok ko! Isang halik lamang ay bumibigay na naman ako! Landian ngayon, iyak latur! Sige lang, Gianna! Pakalunod ka sa halik niya hanggang sa matuluyan ka nang hindi na makaahon pa. "M-Marcus..." He is now licking my neck. Hindi na ako magtataka kung magkaroon na naman ako ng hickeys. Nararamdaman ko rin ang paghaplos niya sa hita ko na nakapagpatayo ng mga balahibo ko. "Your lips is my territory and no one can claim what is mine. Fuck! Hindi ko na hahayaan na mahalikan ka pa ng gagong 'yon!" Muli niyang ipinaglapat ang mga labi naming dalawa. Habang tumatagal ay mas lumalala na ang galaw ng aming labi. Para kaming uhaw na uhaw sa isa't isa. Nakapalibot na ang mga braso ko sa kanyang batok para mas lalo siyang mapalapit sa 'kin. His tounge is asking a permission so I let him. It is a french kiss! Ghad! "I-I can't breath," I said between our kisses. Humiwalay na siya ng halik kaya nakahinga na ako nang maluwag. Pakiramdam ko'y sobrang pula na ng mukha ko dahil sa nangyari. We're both gasping for air. Nang maging maayos na ang paghinga namin, ipinaglapat niya ang noo naming dalawa. "Don't be jealous honey, you're way better than her, you're beautiful than her. She is just nothing for me!" Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko kaya mariin kong ipinikit ang aking mga mata. "I have a question..." "Yes, honey?" Nilaban ko ang titig niya. Pinigilan ko ang sarili ko na hawakan ng guwapo niyang mukha. Muling dumako ang tingin ko sa mga labi niya na sobrang pula. Naalala ko na nakagat ko nga pala ang labi niya kanina. "Do you like me?" Natigilan siya sa sinabi ko kaya mapait akong napangiti. Bakit ko nga ba tinanong 'yon? Kung alam ko naman na isang laruan lamang naman ako para sa kanya... "I've never liked you..." Pinigilan kong pumutak ang luha ko sa isinagot niya. Mabilis ko siyang itinulak palayo sa 'kin at umalis na ako sa pagkaka upo sa sink. Bakit nga ba umasa ako na gusto niya rin ako? Ang sakit sakit! Sobrang sakit na umasa! "Ho---" hindi na niya natapos ang sasabihin niya kasi sinampal ko na siya na ikinagulat niya. "Tanginamo, Marcus Caden Samaniego!" Mabilis ko siyang tinalikuran kasi ayoko nang makita pa ang pagmumukha niya. Pinapangako ko na talaga sa sarili ko na ilalayo ko na ang sarili ko sa kanya. Hindi niya ako gusto, tama! Bakit niya ako magugustuhan? Sino ba ako para sa kanya? Parausan ng mga labi niyang makasalanan! Ganun ba?! "Did you cry?" bungad ni Stella. Nasa labas na siya ng gym na mukhang hinihintay ako. Pinilit ko naman na ngumiti sa kanyang harapan. "Napuwing lang ako," dahilan ko. "Sigurado ka?" I nodded. Naglalakad na kami ngayon papuntang canteen kasi nakakaramdam na kami ng gutom. Hindi mawala sa isipan ko ang sinagot niya kanina. Umasa na naman ako... umasa sa bagay na imposibleng mangyari. "Malandi ka!" Bigla na lang may humila ng buhok ko na ikinagulat ko. Pilit naman tinutulak palayo ni Stella si Sapphire pero bigla siyang pinigilan ng dalawa pa nitong alagad. "A-Ano ba?! Bitiwan mo nga ang buhok ko!" Pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa buhok ko kasi nasasaktan na ako. "Ano?! Nag enjoy ka ba sa boyfriend ko, ha?! Malandi ka!" "Wow! Are you referring to yourself?!" Hindi na ako nakapagpigil pa kasi sinabuntan ko na rin siya. Napadako ang tingin ko kay Stella na nakikipagsabunutan na rin. Habang ganun din si Gennica?! Halos mapamura ako nang makitang nakikipagsabunutan na rin siya. "Ang buhok ko na malandi ka!" gigil niyang saad. "Bibitiwan ko ang buhok mo kung bibitiwan mo rin ang akin! Ano?! Deal?!" Nakapatong na ako sa kanya habang patuloy lang kami sa pagsasabunutan. Marami na kaming naririnig na naghihiyawan kung sino ang boto nila sa amin. Meron pang nagpustahan. "You wish! Akin lang si Marcus, akin lang siya!" asik niya. Mas hinigpitan niya pa ang pagsabunot sa 'kin kaya napadaing ako sa sakit. "Edi sa 'yo na! Sa 'yong sa 'yo na! Isaksak mo pa sa vagina mong babae ka!" Bigla niyang kinalmot ang braso ko kaya naman mas hinigpitan ko ang hawak sa kanyang buhok. "Talagang akin lang siya kasi boring ka!" "Boring ako? Ah talaga! Nasan siya kanina, ha?! Hindi ba't nagpapakasarap sa 'kin!" Bigla niya akong sinampal kaya ginawa ko rin 'yon sa kanya. Napahinto lang kami sa pagsasabunutan nang biglang may pumito at pagtingin namin ay namilog ang mga mata naming lahat. "All of you, go to the guidance office now!" gigil na sabi ng Principal. - Nandito na kami ngayon sa loob ng guidance office. Magkakapantay ang mga upuan namin habang masama ang tingin namin sa isa't isa. Katabi ko ngayon si Gennica habang magkahawak ang mga kamay namin. Nasa tabi niya naman si Stella na kasalukuyang masamang nakikipagtitigan sa kalaban niya kanina. "Kababaeng ninyong tao, gumagawa kayo ng gulo!" gigil na sabi ng Principal. "Siya po ang nagsimula," tinuro ako ni Sapphire kaya napaawang ang bibig ko. "Wow! Ako pa talaga, ha?! Hindi ba't ikaw ang unang nanabunot sa 'kin!" "Sila po ang unang nagsimula," sabi naman ni Stella. "Manahimik kayo! Lahat kayo ay may kasalanan dito!" Natahimik naman kaming anim pero sobrang sama pa rin ng tingin namin sa isa't isa. Sobrang gulo ng buhok namin dahil sa nangyaring sabunutan. Nararamdaman ko pa rin paghapdi ng anit ko. "Anong gagawin ko sa inyong anim? Lalo na kayong magkapatid na Arellano!" Hindi na ako nagtaka na kami ni Gennica ang mas kinagalitan ng Principal na 'yon. Masama ang tingin niya sa aming dalawa... lalo na sa 'kin. Kahit na masakit ang anit ko... wala pa rin talagang tatalo sa sakit ng puso ko. Narinig naming bumukas ang pintuan at niluwa nun si Marcus at Josh na nababakas sa kanilang mukha ang gulat. Lumapit naman agad si Sappire kay Marcus at sinalubong ng yakap. Umiyak din ang gaga! Wow! Malandi na nga, best actress pa! Full package! "A-Ang sakit baby ko, pinagtulungan nila ako..." Tinuro niya pa kami habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak. "Okay lang ba kayo?" nag-aalalang tanong ni Josh. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at sinuri kung may sugat. Umiwas naman ng tingin sa 'min si Gennica. "O-Okay lang kami," I replied. "Tita ako na po ang b-----" hindi na naituloy ni Josh ang sasabihin niya kasi hinampas ng Principal ang mesa. "Lumabas kayong dalawa!" Halata naman sa mukha nila ang gulat. "What, Auntie? I am the SSG President so I am responsi---" muling ang paghampas ng mesa ang nakapagpatigil kay Marcua. "I said get out!" Hinawakan ko ang kamay ni Josh at marahan na pinisil. "Okay lang, Josh..." "I'm sorry kung w---" I cut him off. "Wala kang kasalanan kaya huwag mong sisihin ang sarili mo." Hinalikan niya ang noo ko. Narinig ko naman ang pagtikhim ni Marcus. Pinigilan ko ang sarili ko na mapatingin sa kanya. Lumabas na silang dalawa habang halos mamatay na kami sa sama ng tingin sa amin ng Principal. Nilakasan ko ang loob ko na pumunta sa kanyang harapan. Tinaasan agad ako nito ng isang kilay. "What?!" "Sorry po sa lahat ng nagawa namin ng kapatid ko," nakayuko kong saad. Narinig ko naman ang pagtawa ni Sapphire na ikinakulo ng dugo ko. Aabangan ko talaga siya sa Gate mamaya! "Mabu---" I cut her off. "Huwag po kayong mag-alala, lilipat na po kami ng school ng kapatid ko," Bago pa siya makaimik, tinalikuran ko na siya at naglakad na ako palabas ng lugar na 'yon. Sumunod naman sa 'kin 'yung dalawa. "Sigurado ka ba, Ate, sa sinabi mo?" gulat na tanong ni Gennica. "Baka nabibigla ka lang, gurl?" wika ni Stella. "Sigurado na ako, lilipat na tayo ng school, Gennica. Ayoko na rito, hindi ko na talaga kakayanin pang manatili rito..." Hindi ko na kaya pang makita ang pagmumukha ng lalaking 'yon kaya mas mabuti pang lumayo na lang ako. Pagod na pagod na akong mapaglaruan! Chapter 33 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 33 How do I forget someone who was never mine? I hate to admit it, but he is my first love. Yes, Marcus Caden Samaniego is my first love. Never kong naranasan na umiyak ng ganito, na masaktan ng ganito sa isang lalaki. Bakit sa dinami-raming lalaki sa mundo... sa isang playboy pa nahulog ang puso ko? Bakit pinana ako ni Kupido sa taong 'yon? Sa taong pinaglalaruan lang naman ako. Una pa lang tagpo naming dalawa ay pinagtripan na niya ako. Never ko makakalimutan 'yong araw na pinagbunot niya ako ng ligaw na halaman na ikinakulo ng dugo ko. 'Yong unang araw na tinawag niya akong honey na sobrang kinainisan ko pero nung tumagal ay naging musika na rin sa pandinig ko. Gusto ko nang aminin sa kanya na mahal ko siya, nangangati na ang dila ko pero hindi pwede. No way! Kasi alam kong kapag sinabi ko 'yon... panalo siya. Nagtagumpay siya na paglaruan ako kasi nahulog ako sa bitag niya. "Ate, please naman..." Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kumot na pilit niyang hinihila. "Ayoko nga!" "Bakit ba ang KJ mo, ha? Minsan lang mangyari 'yon tapos hindi ka pa attend!" "Kapag sinabi kong ayoko, ayoko! Kaya pwede bang huwag mo na ako kulitin pa, ha?! Pwede ba?!" Kanina niya pa kasi ako kinukulit na umattend kami sa gaganaping event mamayang gabi. Ayaw ko ngang pumunta roon, masasayang lamang ang oras ko! At ayokong makita ang pagmumukha ng mahalay na 'yon. "Payag na ako na lumipat tayo ng school pero dapat umattend tayo mamaya sa event para naman kahit papaano'y may mabaon tayong masayang alaala!" "Ayoko pa rin!" Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga. Hindi na talaga mababago ang isip ko na lumipat kami ng school. 'Yon lang ang tanging paraan na alam ko para makalimutan ko na ang gagong 'yon. "Sige, ate, you leave me with no choice," Mabilis kong inalis ang pagkakatalukbong ng kumot ko at tinitingnan siya. Nagtitipa na siya ngayon sa kanyang phone. Napahikab naman ako kasi inaantok pa ako. Tatlong oras lang yata ang itinulog ko dahil sa kakapanood ng kdrama. Nilunod ko ulit ang sarili ko sa isang litrong coke kaya pakiramdam ko'y busog pa rin ako hanggang ngayon. Malapit na akong madala sa ospital nito pero anong magagawa ko? Ang coke lang talaga ang stress reliver ko pero mas maganda kung ang mga labi ni Ma--- ghad, Gianna! 'Yan ka na naman! "Sino ang tinatawagan mo?" Nilingon niya ako nang biglang tumaas ang sulok ng kanyang mga labi. "Edi sino pa? Walang iba kundi si Kuya Marcus!" I was schocked! "B-Bakit mo naman tatawagan ang malanding 'yon?" "Papupuntahin ko siya rito para siya ang pumilit sa 'yo na umattend mamaya sa event. Sobrang rupok mo pa naman pagdating sa kanya," she smirked. Hahablutin ko na sana ang phone niya pero bigla niyang nailayo. Mabilis naman akong bumangon sa kama ko para patigilin siya pero huli na kasi narinig kong sinagot na ng mahalay na 'yon ang tawag. "Masasabunutan kitang babae ka!" Tinaasan lang ako ng kilay ng gaga at pinundot niya ang loud speaker. Hanggang ngayon ay hindi pa rin umiimik ang lalaking 'yon. [Yes?] Natigilan ako nang marinig ko ang boses niya na mukhang babagong gising. "Hello po, Kuya Marcus, busy ka po ba?" Pinandilitan ko ng tingin si Gennica. Akmang hahablutin ko ang kanyang phone pero mabilis muli nitong nailayo. [I have so many things to do, why?] Nakahinga naman nang maluwag sa sinabi ng lalaking 'yon. Napanguso naman si Gennica kaya napangisi ako. Alam niya ang dahilan kung bakit gusto kong lumipat ng school pero heto siya ngayon, gumagawa ng paraan para paglapitin kaming dalawa. Ilang beses na sinasabi sa 'kin ni Gennica na wala naman daw namamagitan kay Mask at Sapphire pero wala pa rin akong pakialam. Sila man o hindi, lilipat pa rin kami ng school! "Ah, ganun po ba?" malungkot na wika ni Gennica. [Where's your, Ate? Can I talk to her?] Namilog ang mga mata ko sa sinabi nito. Mabilis naman akong umiling kay Gennica para ipahiwatig na ayokong kausapin ang lalaking 'yon. Ngumisi lamang ang gaga. "A-Ayoko!" iling kong saad. "Shy type raw po siya," sabi ni Gennica sa kabilang linya. Aabutin ko na sana ang buhok niya pero mabilis siyang nakalayo. [Please, Gennica, I wanna talk to her, hindi niya sinasagot ang tawag ko, kahit ang text ko'y hindi niya ma-replyan.] Bumilis ang kabog ng puso ko sa sinabi niya at hinanap ko agad ang aking phone. Halos mapamura ako nang makitang 156 missed call na at 200 messages na galing sa kanya. Bakit, Marcus? Ano ba talaga ang nararamdaman mo sa 'kin? Bakit mo ako pinapaasa ng ganito? [Where is she?] Bakit niya naman ako hinahanap kung hindi niya naman ako gusto? Isang dakilang paasa! Nakaupo lang ako sa gilid ng kama ko habang binabasa ang bawat messages niya. Paulit-ulit lang naman ang mga sinasabi niya. "I'm sorry, honey.." "Are you busy?" "Please answer my call.." "Honey?" "Don't be jealous.." "Kung alam mo lang...." Kumunot ang noo ko nang mabasa 'yon. Kung alam ko na ano? Na talagang pinaglalaruan niya nga ako? Ganun ba ang ibig niyang sabihin? Matagal ko nang alam na pinaglalaruan mo akong gago ka! Hindi na ako magpapauto sa 'yo kahit na kailan! "Nasa puso mo raw po!" Napatingin na ako kay Gennica at binato ko siya ng unan. Naipatak niya ang kanyang phone kaya nagkahiwa-hiwalay. "Ate naman! Namatay tuloy ang tawag!" "Edi ayos! Ayoko ngang makausap ang mahalay na 'yon!" Biglang may tumamang unan sa 'kin kaya pinaningkitan ko siya tingin. "Edi ako na lang ang aattend mamaya. Bahala ka! Paano na lamang kung pagtulungan ulit ako ng tatlong 'yon? Edi kawawa ako, iiyak na naman ako, tapos magkaka---" I cut her off. "Oo na! Pupunta na!" Mabilis naman siyang nakalapit sa 'kin at niyakap ako. "Thank you, ate, alam kong hindi mo rin ako matitiis." "Eto na ang last na araw na pupunta tayo sa school na 'yon! Ayoko na talagang makita pa ang lugar na 'yon kasi naiinis ako!" She nodded. "Nasabi mo na ba kay Kuya Josh?" Bumabakas ang kalungkutan sa kanyang mukha. Sobrang mamimiss ko si Josh kapag lumipat na kami ng school ng kapatid ko. Alam kong malulungkot din siya. "Hindi pa, pagkatapos na lang siguro ng event. Ayokong hindi niya ma-enjoy ang gaganaping kasiyahan nang dahil lamang sa ibabalita ko." Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil. Hanggang ngayon ay halata pa rin sa mukha niya ang lungkot kasi malalayo na kami kay Josh. Pwede pa rin naman kaming magkita pero sa tingin ko'y mahihirapan siya kasi malayo rito ang napili kong school na papasukan namin ni Gennica. Hindi pa namin nasasabi kay Mama at lolo ang desisyon namin na lumipat ng school. Kailangan pa kasi naming ayusin ang mga requirements. "Anong gagawin mo?" "Edi ano pa? Matutulog kasi inaantok pa talaga ako! Mamaya mo na lamang ako gisingin. Kailangan kong mag beauty rest para mamaya sa event. Ayaw ko ngang mag mukhang chaka!" "Rest lang, walang beauty!" Pinaningkitan ko siya ng tingin. Akmang hihiga na ako nang hilahin niya ang braso ko. "We have a problem," aniya. "Ano?" "Wala tayong masusuot para mamaya sa event. "O ano naman ngayon?" "Kailangan nating pumunta ng mall para bumili ng masusuot kaya maghanda ka na. Baka dumating na ang kasama natin." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Iimik pa sana ako pero mabilis na siyang nakalabas ng kwarto ko. Kasama? Sinong kasama namin? Busy ngayon si Josh pero kahit na ganun ay panay ang message niya sa 'kin na miss na niya ako. Napapangiti na lang ako sa bawat messages niya. Bawat limang minuto ay sinasabi niya ang kanyang mga ginawa. Tulad na lamang na kausap niya ngayon ang DJ para mamayang gabi. Simple lang ang sinuot ko ngayon, black na high waist pants at puting crop top. May hugis naman ang katawan ko kaya hindi nakakahiyang labas ang tiyan ko. Hinayaan kong nakalugay ang mahaba kong buhok. Mabuti na lamang na walang iniwan na marka ang lalaking 'yon sa leeg ko. Wow! Nag-ingat na hindi malagyan? Kaya niya nama pala! "Sino ba ang kasama natin?" Nakaupo ngayon si Gennica sa couch na mukhang hinihintay ako. Nakasuot siya ng dress kaya naman mas lalong lumalantad ang kagandahan niya. Pero mas maganda pa rin ako! "Naghihintay na siya sa labas." Naglakad na siya palabas kaya sumunod ako sa kanya. May natanaw akong isang sasakyan na bago lamang sa paningin ko. "Good morning, gurls!" bungad niya. "Stella!" Natawa naman siya sa reaksyon ko. Lumapit siya sa 'kin upang makipag beso. "Paano mo nalaman na rito kami nakatira?" "Because of her," nginuso niya si Gennica na ang lapad ng ngiti. Sumakay na kami sa loob ng sasakyan niya. Nasa gilid niya ako habang nasa likod naman si Gennica. Hindi ko mapigilan na humanga kay Stella. Ang ganda niya kasi kahit na simple lamang ang suot niya. Naka high waist din siya habang ang pang itaas naman ay tube na white at may nakapatong na denim. "Sure na ba talaga na lilipat na kayo ng school?" "Mukhang hindi na po mababago pa ang isip niya," tugon ni Gennica. "Why? What was the reason?" I bit my lower lip. "Para lumayo sa taong wala nang ginawa kundi ang saktan ako nang wala man lang siyang ideya." "Bakit hindi mo siya kausapin? Mukha namang wala talagang namamagitan sa kanila ng babaeng 'yon. Masyado siyang assuming," naiiling na sabi ni Stella. "Wala akong pakialam kung sila man o hindi, bahala sila sa buhay nila!" "Jealous?" Stella chuckled. "Asa!" "Hindi mo 'ko, maloloko, ate, nakikita ko kung gaano ka kainis kapag nakikita mo si Sapphire lalo na tuwing magkasama sila ni Kuya Marcus. Alam kong ubos na ang buhok ng babaeng 'yon sa isipan mo." "Naiinis ako sa kanya kasi sinasaktan ka nila!" "Kunwari 'yon nga ang dahilan," sabi ni Gennica. Pinaningkitan ko lang siya ng tingin gamit ang salamin na nasa unahan. Mabilis naman kaming nakarating sa mall kasi hindi naman traffic. Pumasok agad kami sa isang boutique para maghanap ng maisusuot namin sa gaganaping event mamayang gabi. "Teka nga! Ano ba ang dapat na attire natin para mamaya?" Napalingon naman silang dalawa sa 'kin. "Cocktail dress, gurl," tugon ni Stella. "Bakit cocktail pa? Ano 'yon? Prom lang ang peg? Pwede namang summer dress na lamang para mas madaling makahanap ng masusuot." "We have no choice, gurl, 'yon ang gusto ng President." Naikuyom ko na lang ang mga palad ko sa sinabi ni Stella. Bakit kasi kailangan pang cocktail dress ang isuot namin? Sabagay, isang dakilang mahalay nga pala ang lalaking 'yon. Ayaw pa niyang sabihin na... Wear cocktail dress, ha? Para naman madali kong makita ang mga hita niyong nakakasilaw! Alam kong lalandi lamang siya mamayang gabi. Gago siya! Nagkahiwalay na kaming tatlo para maghanap ng masusuot namin. Napapangiwi na lang ako kapag nakakakita ako ng cocktail dress na halos wala nang tinakpan. Sobrang ikli pa na siguradong lantad ang mga hita. "Bagay ba 'to sa 'kin?" tanong ni Gennica. Gold na cocktail dress ang hawak niya. Medyo kumikintab at hindi rin masyadong malaswa kung isusuot. "Pwede na," I answered. "Ate naman! 'Yong totoo?" "Okay nga." Muli ko nang itinuon ang pansin ko sa mga naka-hanger na cocktail dress. Nasa gilid ko naman ang sales lady na kanina ko pa pinapahabol kasi naiinis na ako sa presensya niya. Gusto ko siyang pagurin! "Good morning, Ma'am, Sir," rinig kong sabi ng isang babae. "Oh my gosh!" "Ang gwapo!" Kumunot ang noo ko nang magtiliin sila. Paglingon ko'y mahina akong napamura nang makilala kung sino ang tinitilian nila. Wow! Busy daw siya! Busy sa pakikipaglandian! Kingina niya! Nakita ko ang gulat sa mukha niya nang makita ako. Dumako ang tingin ko sa babaeng kasama niya na ngayon ay mayroong pang gamit na sunglasses. Nakasuot ngayon ang babaeng 'yon ng pulang dress na sobrang hapit sa kanyang katawan. Sobrang ikli rin nito habang naka sandals pa ng mataas ang gaga. Nakalabas din ang cleavage niya na mukhang pinilit na maipit. Wow! Dapat baby bra ang sinusuot niya! Ibinaba ni Sapphire ang sunglasses niya kaya nagtama ang tingin naming dalawa. Ngumisi siya kasabay ng pagpulupot niya ng braso niya sa braso ni Mask. Muling dumako ang tingin ko kay Mask na nakatingin sa tiyan ko. Napansin ko ang paggalaw ng adams apple niya. Palibhasa'y lumalantad ang maputi kong balat! "Ma'am, may napili na po ba kayo?" biglang tanong ng sales lady. "Wait lang, excited much?" Napayuko naman ang sales lady sa sinabi ko. Lumayo na ako sa lugar na 'yon kasi nakakapanira silang dalawa ng mood ko. Hinanap ko ang dalawa pero hindi ko na sila nakita pa. Don't tell me? Iniwan na nila ako rito? Napadako ang tingin ko sa isang cocktail dress na nakakuha ng atensyon ko. Akmang kukuhanin ko nang biglang may naunang kumuha. "It's mine," she smirked. "Wow! Ang kapal ng mukha mo! Ako ang unang nakakita!" "Oh? Pero ako ang unang nakakuha kaya sa 'kin na 'to!" Lumapit siya kay Mask at bigla niya 'tong niyakap sa harapan ko. Nang magtama ang tingin namin ng lalaking 'yon ay mabilis akong umiwas ng tingin. "Edi sa 'yo na, baka umiyak ka pa kapag nakipag agawan pa ako sa 'yo!" gigil kong saad. "Bakit ako ang iiyak? Ikaw dapat ang umiyak kasi ako ang pinili at hindi ikaw, b/tch! Boring ka kasi!" Oh ghad, Gianna! Kumalma ka at baka hindi mo mapigilan na masakal ang babaeng 'yan! Gusto pa yatang magkaroon ng part 2 ang nangyari kahapon. "Malandi ka kasi," I whispered. Napaawang naman ang bibig niya sa sinabi ko. "You b/tch!" Akmang susugod na siya nang pigilan siya ni Marcus. "Please stop it, Sapphire!" Bigla naman umiyak ang babaeng 'yon. Wow! Ilang balde ba ng luha ang naipon niya para lang sa pagda-drama niya? Nakakainis! "Why baby ko? Bakit mo mas ipinagtatanggol pa ang babaeng 'yan kaya sa 'kin, ha? Mas magaling ako sa kanya, kahit ilang round ay kay---" hindi na naituloy pa ang sasabihin ng babaeng 'yon kasi hinila na siya palabas ni Marcus. Habol ang tingin ko sa kanila nang makalabas sila ng boutique na 'to. Sakto naman na lumapit sa 'kin ang dalawa na ngayon ay may mga napili ng masusuot. "What is wrong? Bakit ganyan ang mukha mo?" nag-aalalang wika ni Stella. "Saan ba kayo nagpunta?" "Sa kabilang boutique, wala kaming mahanap dito," tugon ni Gennica. I nodded. "Hanap lamang ako. Wala pa akong napilili kasi inunahan ako ng isang ahas!" Humiwalay na ako sa kanila nang biglang may lumapit sa 'kin na isang sales lady na may dalang paper bag. Kumunot naman ang noo ko nang iabot niya 'to sa 'kin. "Hindi 'to sa 'kin," iling kong saad. "Para sa 'yo po 'yan, Ma'am. 'Yan daw po ang isuot mo mamayang gabi sa magaganap na event sa inyong school." I was shocked. "S-Sino ang nagbigay nito sa 'kin?" Ang bilis ng kabog ng puso ko. Alam kong imposible ang naiisip ko ngayon. Hindi kaya si Josh? Baka kanina pa siya nandito at nagtatago lamang? "Hindi niya po sinabi ang kanyang pangalan, Ma'am, e, pero napaka gwapo niya po at sinabi pa niya na boyfriend mo raw siya. Ang swerte niyo naman po." Boyfriend? Wala akong boyfriend! Hindi na ako umimik pa kasi nagtatakbo na ako palabas ng boutique. Natanaw ko ang likuran ni Marcus kaya mabilis akong nagtatakbo papalapit sa kanya. Hindi na niya kasama ngayon si Sapphire na ikipinagtaka ko. Humarang ako sa harapan niya kaya bumahid ang gulat sa kanyang mukha nang makita ako. "Bakit mo ako binigyan nito? Isa pa, hindi naman kita bo---" He kissed me... he kissed me on my lips in front of many people. Marami ang nagtilian dahil sa nangyari habang napako naman ako sa kinatatayuan ko habang magkalapat pa rin ang mga labi naming dalawa. Akala ko ba hindi niya ako gusto? Pero bakit ganito? Anong ibig sabihin nito? "You're welcome, honey..." Nakatulala pa rin ako habang naglalakad na siya palayo sa 'kin. Wala sa sariling binuksan ko ang laman ng paper bag nang may nakita akong isang card. Halos mapunit ang card sa higpit ng hawak ko nang dahil sa nabasa ko. Namumula na rin ang mukha ko sa galit. Bakit ba napakahalay ng lalaking 'yon? Nakakabuntis ang sinul---- ghad, Gianna! Ang landi mo! Muli kong binasa ang nakasulat sa card. Mariin ang kagat ko sa pang-ibabang labi ko. "I've hungered for your touch, honey.. I want to lick every part of my territory..." Ang malas ko, ang malas ko na ma-in love sa isang mahalay na tulad niya. Kahit sa message niya ay nabubuntis niya ako. Chapter 34 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 34 It is already 6:30 in the evening pero hindi pa rin ako handa sa gaganapin na event mamaya. Nakamasid lamang ako sa red cocktail dress na nakapatong sa kama ko. Maikli ang harapan nito habang medyo mahaba naman ang likuran. Meron din na ribbon sa likod kaya kapag sinuot ko'y baka magmukha akong regalo. Kahit na hindi ko pa nasusukat ay alam kong kasya na sa 'kin. Hindi na nakakapagtaka, ilang beses nang dinampian ng mainit niyang mga palad ang bewang ko kaya malamang alam niya ang sukat ko. Hindi pa rin mawala sa isipan ko na sinabi niya sa sales lady na boyfriend ko siya. Wow! Kailan pa? Ni hindi nga natuloy ang panliligaw niya sa 'kin kasi lumandi siya sa iba! At sinabi niya rin na hindi niya ako gusto. Tama! Hindi niya ako gusto kasi libog lang ang nararamdaman niya sa 'kin. Kingina niya! Mabaog na sana siya! "Oh my gosh, Ate! Bakit hindi ka pa nag-aayos?" Napalingon ako sa kapatid ko na ready nang pumunta sa event. Gold na cocktail dress ang suot niya na bumagay sa kanya kasi maputi siya. Nakalugay naman ang mahaba niyang buhok na kinulot pa talaga ang dulo. Wow! Mukhang pinaghandaan niya talaga ang araw na 'to! "I changed my mind, hindi na pala ako pupunta sa event na 'yon." "Ate!" "Ikaw na lang ang pumunta. Wala ako sa mood na umalis para lamang makapunta sa isang event na sasayanging lamang ang oras ko." Napailing siya sa sinabi ko. "No, ate, magbihis ka!" Pilit niya akong hinihila patayo pero nagmatigas ako. "Please, Gennica, ayaw ko talagang pumunta sa event na 'yon. Huwag mo na akong pilitin pa kasi hindi na magbabago ang desisyon ko." Malakas siyang napabuntong hininga sa sinabi ko. "Fine! Bahala ka na nga!" Lumabas na siya ng kwarto ko habang binagsak ko naman ang sarili ko sa kama. Pag pumunta ako sa event, siguradong makikita ko na naman ang kalandian nilang dalawa ng Sapphire na 'yon. Siguradong masasaktan lang ako. Baka hindi ko mapigilan na gawing punching bag ang babaeng 'yon sa inis at selos na nararamdaman ko sa kanya! Ayaw ko talaga na pumunta sa event na 'yon pero namalayan ko na lang na inaayusan ko ang sarili ko. Bahala na kung anong mangyayari mamaya sa event. Isa pa sa inaalala ko'y si Josh. Alam niya na aattend ako sa event at ilang sandali na lamang ay susunduin na niya kami. Nang matapos kong ayusan ang sarili ko'y pinagmasdan ko naman ang kabuoan ko sa harapan ng salamin. Nakikita ang cleavage ko kasi mahigpit sa itaas ang cocktail dress. Nakalabas din ang magkabilang balikat ko. Kinulot ko naman ang dulo ng aking buhok. Pagsisisihin talaga ng lalaking 'yon na pinaglaruan niya ang isang magandang isang tulad ko. Napaka laki niyang gago! Nilagay ko na ang kailangan ko sa isang pouch. Natigilan ako nang makita ko ang sarili ko na naglalagay ng scarf. "Ghad, Gianna! Bakit ka magdadala ng scarf? Ano? Hahayaan mo na lang ba na markahan ka na naman ng mahalay na 'yon?" inis kong saad sa sarili ko. Hindi ako papayag na bigla niya na lang ako hilahin sa isang tabi para salakayin. Isa siyang dakilang bantay salakay na malandi siya! "A-Akala ko ba hindi ka pupunta?" Natigilan si Gennica nang makitang nakaayos ako. Lumapad naman ang ngiti ko. "Hindi kita hahayaan na mag-isang umattend sa event na 'yon, baka awayin ka na naman nilang tatlo. Humanda talaga sila sa 'kin kasi ako ang makakalaban nila!" Hindi ako mapapanatag kasi alam kong may gagawin na masama ang tatlong 'yon sa kapatid ko. Lalo na't nasa event. Sa sobrang dami ko ba namang napanuod na kdrama. Alam ko na ang galawan ng mga kontrabida! Pagkalabas namin ng bahay ay sakto namang dating ni Josh. Napansin kong natigilan siya nang makita ako kaya hindi ko mapigilan na mapangiti. Makakita ba naman ng dyosa sa kanyang harapan. Sino ang hindi matitigilan? He was wearing a red tuxedo. Napaka gwapo niya sa suot niya kaya napaawang ang bibig ni Gennica habang nakamasid kay Josh. Para talaga siyang isang tunay na prinsipe na kulang na lang ay ang magsuot ng korona. "Wow! You're both beautiful." May hawak siyang dalawang boquet na inabot niya sa aming magkapatid. Wagas naman makangiti si Gennica sa kilig. Makatanggap daw ba ng bulaklak sa crush niya. "You're so handsome, Josh." Natigilan naman siya sa sinabi ko at kahit na madilim na ay napansin ko pa rin ang pamumula ng kanyang mukha. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na hinalikan ang likod ng palad ko. Narinig ko naman ang pagtikhim ni Gennica kaya nilingon ko siya. Umiwas naman siya ng tingin sa 'kin. Alam kong nagseselos na siya sa amin kaya niyaya ko na si Josh na pumunta ng school. Mabilis naman kaming nakarating sa school. Habang naglalakad kami sa hallway ay marami kaming nakakasalubong na mga estudyante. Hindi ako na-inform na labanan pala ngayon ng malalaki ang dibdib. Halos lumuwa na ang mga boobs nila. Tumatalbog pa habang naglalakad. "Stella!" Lumapit naman ako sa kanya at sinalubong ng yakap. Mukhang nagulat naman siya sa biglaang pagsulpot namin. Ang suot niya ngayon ay nagkikintaban na cocktail dress. Silver ang kulay na bagay na bagay sa kanya. Nakikita rin ang kanyang cleavage kasi malaki naman talaga ang kanyang dibdib. Naka bun ang buhok niya habang may laylay sa magkabilang gilid. Lumantad ang kagandahan ng hugis ng kanyang katawan. Siguradong maagaw niya ang pansin ng mga kalalakihan ngayong gabi. "Kanina pa akong naghihintay dito. Ayoko namang pumunta ng gym kasi wala naman akong makakasama ro'n," aniya. "Pasensya ka na, Ate Stella kung natagalan kami, nagpa bebe pa ang kapatid kong bruha," ani ni Gennica. Pinaningkitan ko naman siya ng tingin. "Bakit? Nag dalawang isip ba kung attend o hindi ngayong gabi?" she chuckled. "Hindi na sana ako aattend pero nakita kong paiyak na ang kapatid ko kaya naawa naman ako. Baka dito pa siya ngumawa kapag wala ako sa tabi niya," I said. Gennica rolled her eyes kaya natawa na lang ako. "Why so handsome, Tots?" nakangiting wika ni Stella kay Josh na tahimik lamang na nasa likuran namin. "El--" hindi na naituloy ang sasabihin ni Josh kasi hinila na siya palayo ni Stella. "Close ba silang dalawa?" I nodded. Nakamasid lang ako sa kanilang dalawa na masayang nagku-kwentuhan. Kahit hindi sabihin ni Stella ay alam kong may pagtingin siya kay Josh. Aaminin kong bagay silang dalawa. "Nakakainggit... bagay silang dalawa," bumahid ang lungkot sa boses niya. "Okay ka lang ba?" She nodded. "Oo naman... isa pa wala naman akong karapatan na magselos." Nasaktan ako sa sinabi niya. Ako rin, wala rin naman akong karapatan na magselos kay Sapphire na 'yon kasi hindi naman kami ni Mask. Sobrang selos na selos na ako kapag nakikita ko silang magkasama! Naiisip ko na sana ako ang nasa lugar ng babaeng 'yon pero paano? Isa nga pala akong barbie na kanyang pinaglalaruan. Nang makarating na kami sa gym, halos mabingi na kami sa lakas ng tugtog. Napanganga na lang kami nang makita kung gaano kaganda ang loob ng gym. Mayroon din na mesa habang may nakapatong na mga wine. Seriously?! Celebration ba talaga 'to o isang bar? "Wala ka bang napapansin?" tanong ko kay Stella. Nagpaalam na si Josh kasi kakausapin daw siya ng Leon na principal. Naalala ko na tinalikuran ko nga pala siya nung araw na nasa guidance office kami. Siguradong kumukulo ang dugo nun sa 'kin. "Anong napapansin?" "Sa paligid..." Nilibot niya naman ang tingin niya sa paligid nang biglang kumunot ang kanyang noo. "Anong meron sa paligid?" "Wala 'yung lobo na pinaghirapan kong bombahan!" Kinuyom ko ang mga palad ko sa inis na nararamdaman. Sobrang nakakagigil! Ang effort ko sa pagbobomba ng lobo ay nasayang lang kasi hindi naman ginamit. Anong gagawin sa lobo ko? Maglalaro ng putukan ng lobo? Gusto kong suntukin ang mukha ng paasang 'yon! "Baka naman nasa taas lang tapos bigla na lang magpapatakan." Tumingala kami pero wala talaga ang lobo kahit pa sa itaas. Dumako naman ang tingin ko kay Gennica na kunot ang noo habang nakamasid sa 'min. Nagtataka siguro kung bakit nakatingin kami sa itaas ni Stella. Nakakainis talaga! Hindi ako makakapayag na isinantabi lang ang lobo ko. Up & down pa naman ang galaw ko sa pagbobomba ng lobo. Nahirapan pa akong hawakan kasi masyadong malaki, mataba at mahaba. Ang pambomba! Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. May hawak na ngayon na isang basong wine si Stella habang sinasabay ang kanyang katawan sa tugtog. Samantalang si Gennica naman ay nakatitig kay Josh na sa stage kasi mukhang magsisimula na ang event. Dumako ang tingin ko sa power puff girls na babagong dating. Kulay green, blue at red ang suot nilang cocktail. Bigla ko tuloy namiss ang ABS-CBN dahil sa kulay ng mga suot nila. Sana talaga ibalik na ang channel na 'yon. "Oh my gosh, Ate!" Napatingin naman ako sa itinuro ni Gennica at namilog ang aking mga mata. Gusto kong mapamura nang makita ko si Sapphire. Pareho ang suot naming dalawa kaya kumulo ang dugo ko. Kingina mo, Marcus Caden Samaniego! Sobrang nangigigil talaga ako sa oras na 'to! Talagang pinagparehas niya pa kami ng suot ngayon ng langaw na babaeng 'yon. Kung nandito ang langaw, nasaan naman ang tae? Natigilan ako nang makita ko si Marcus. He was wearing a gray tuxedo. Bagay na bagay sa kanya ang suot niya. Nilapatan niya rin ng gel ang kanyang buhok kaya mas lalo lumitaw ang ka-guwapuhan niya. Tulad ni Josh ay mukha rin siyang prinsipe. Naalala ko na naman ang nangyari kanina. Umasa na naman ako sa wala. Nilapitan niya si Sapphire at may binulong siya sa babaeng 'yon. Napansin ko ang pagkagat ni Sapphire sa pang-ibabang labi nito. Magsama silang dalawa! Isang tae at langaw, perfect combination! Mga hunghang! "Kalma gurl," wika ni Stella. Hinawakan niya ang nakakuyom kong palad. Napansin niya siguro na ang sama ng tingin ko sa dalawa. Napadako ang tingin sa 'kin ni Marcus nang biglang siyang matigilan habang nanatili ang kanyang titig sa 'kin. Gusto ko siyang suntukin sa oras na 'to kasi bukod sa hindi niya ginamit ang lobong pinaghirapan ko, binigyan niya pa ako ng cocktail dress na katulad ng sa babaeng langaw na 'yun! Napansin kong papunta siya sa lugar namin nang bigla siyang tawagin nung leon. Wala siyang nagawa kundi ang pumunta sa stage. "Good evening ladies & gentleman.." sabi ng emcee. Biglang lumakas ang tugtog kaya naghiyawan sila. Panay ang imik ng emcee pero wala kaming maintindihan sa lakas ng hiyawan. "Well, well, well..." Sa lakas ng hiyawan ay narinig ko pa rin ang boses ng isang malandi. "Ayaw namin ng gulo, Sapphire, kaya pwede bang lubayan mo na kami!" asik ni Gennica. "Oh dear, hindi ko naman kayo guguluhin," nakangisi niyang saad at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko. "Anong kailangan mo?!" gigil kong saad. Nasa likod niya ang dalawa niyang alagad na nakikipaglaban na ng titig kina Stella at sa kapatid ko. "My baby loves me, at 'yang suot mo na 'yan. I told him na ibigay sa 'yo. Kawawa ka naman, tinanggap mo agad ang bigay ng lalaking pinaglalaruan ka lang." Nanginginig na ang palad ko kasi gusto ko siyang sampalin sa oras na 'to. "Dila ka ba?" "What?!" Pumunta ako sa harapan niya kaya napatingala siya. Napangisi naman ako kasi mas matangkad ako sa kanya. Kayang kaya ko siyang patumbahin anumang oras! Mabait akong tao, pero lalaban ako kung kinakailangan at sa ngayon, kailangan kong labanan ang isang langaw na sunod ng sunod sa mahal kong tae. "Kasi...." Hinaplos ko ang buhok niya habang ang sama pa rin ng tingin niya sa 'kin. "Tongue ina mo!" Napaawang ang bibig niya sa sinabi ko at mas lalo pang sumiklab ang galit sa kanyang mukha. "Ikaw na babae ka!" Sasampalin na niya sana ako nang biglang may pumigil sa kanya. "Subukan mong saktan siya, ako talaga ang makakalaban mo!" "Bitiwan mo nga ako, Ate! Isusumbong kita kay Dad," gigil na ani ni Sapphire. Ate? Hindi ako makapaniwala na magkapatid ang leader ng power puff girls at si Sapphire. Naniniwala na ako na maliit talaga ang mundo. "Edi magsumbong ka, samahan pa kita!" Nilingon naman ako ng kapatid ni Sapphire. "Pasensya na kayo sa kapatid ko, sisiguraduhin ko na hindi na niya kayo magugulo pa kasi makakarating kay Dad ang ginagawa niya." "Ate!" gigil na sabi ni Sapphire. Lumapit sa 'kin ang leader ng power puff girls at may ibinulong na ikinagulat ko. "She's crazy..." Hinila na nila palayo ang tatlong 'yon habang tulala pa rin ako. Panay naman ang hiyaw ni Sapphire sa pangalan ko. Crazy? Ibig ba niyang sabihin na mayroong sakit sa utak ang babaeng 'yon? Kung baliw siya? Saan pa siya baliw bukod kay Marcus? Bigla kong naalala na baliw nga pala siya sa condom. Seriously?! Napatingin ako sa stage, nakita kong may nakapatong na crown sa ulo nung dalawa habang naghihiyawan pa rin ang mga tao. Kulang na lang ay humiyaw ako ng 'Ilabas ang karwahe para sa dalawang prinsipe!" Malayo man kami sa stage ay nagtama ang tingin naming dalawa ni Marcus. Bigla naman akong napako mula sa kinatatayuan ko. He smiled at me. Kinginamo, Marcus Caden Samaniego! Paasa ka! - "May I have this dance?" Nakayuko sa harapan ko si Josh habang nakalahad ang palad niya. Marami na ang nagsasayawan na couple dahil sa kantang perfect ni Ed Sheeran. Nilingon ko si Stella at Gennica, tinanguhan lang ako nung dalawa kaya tinanggap ko ang kamay ni Josh. "Para ka talagang isang prinsipe..." Nakayakap ang mga braso ko sa kanyang batok habang nakahawak naman siya sa bewang ko. "Kung isa nga akong prinsipe, maaari ka bang maging prinsesa ng kaharian ko?" Mahina kong hinampas ang balikat niya. "Kung magiging prinsesa ako, kanino mo ako pwedeng ihalintulad?" "I will not compare you to anyone..." "Bakit naman? Prinsesa naman sila," I pouted. Pinisil niya naman ang tungki ng ilong ko. Narinig ko ang pagtikhim nung dalawa na mukhang pinapanood kami. Nagseselos ba sila? Patuloy pa rin sa pagtugtog ang kantang perfect na sinasabayan naming dalawa. "Why? Kasi hindi ko sila mahal, samantalang ikaw mahal ko." Lumayo siya sa 'kin at hinawakan ang kamay ko. Nagulat na lang ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko kaya napatakip ako sa bibig. Marami na ang nakatingin sa 'min. "J-Josh, please tumayo ka..." Umiling lang siya. Nanatili lang ang titig niya sa mga mata ko. "I want you to be mine, Gianna. I want you to feel how much I love you. I want to be the reason of your smile. You're so special to me... " Hinawakan niya ang kamay ko kasabay ng paghalik niya. Nanghihina na ang mga tuhod ko sa oras na 'to. "J-Josh..." Nanatili siyang nakaluhod sa harapan ko. Nakatanaw lang ako sa isang prinsipe na nagtatapat ngayon ng kanyang pagmamahal sa 'kin. "I love you." Marami ang naghiyawan kaya sobrang namumula na ang mukha ko. "Will you by my gi---" hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin kasi bigla na lang may humiyaw na mayroong nahimatay. Bigla akong natigilan nang makita ko na nasa sahig na si Gennica habang pilit siyang ginigising ni Stella. "J-Josh, ang kapatid ko..." Mabilis namang nalapitan ni Josh si Gennica at kaagad na binuhat. Namumuo na ang luha ko habang hindi pa rin nag-si-sink in sa utak ko ang nangyari. Lalapitan ko na sana sila nang bigla na lang may humawak sa kamay ko at dinala ako palabas ng gym. "B-Bitiwan mo nga akong gago ka! Kailangan ako ng kapatid ko!" gigil kong saad. Pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya pero mas hinigpitan niya pa. Hindi na ako nanlaban pa. Hinayaan ko na lang na tangayin niya ako kahit na alam kong delikado. Delikado ang puso ko. Napansin ko na papunta kami sa storage room kung saan una akong dinala nung power puff girls. Sa lugar na 'to rin kami napaaway ng kapatid ko. Run, Gianna, Run, pero hindi ko magawang tumakbo palayo sa kanya. Masyado nang masakit ang mga paa ko dahil sa taas ng heels. Masakit din ang puso ko kasi heto na naman siya, paglalaruan na naman niya ako kung kailan niya gustuhin. Bubuksan niya na sana ang pinto nang matigilan kami sa narinig. "Spread your legs baby..." "Yes ba--ohh-ahhh! Faster, bilis pa, wala na bang ibibilis?! Yes baby-ganyan nga, ohh!" "Oh fuck!" napamura na lang si Marcus. Namula naman ang mukha ko sa narinig kong ungol. Sinipa niya ang pintuan nang makarinig kami na para bang may nahulog sa loob. "Oh my ghad, baby, naiwan ang condom sa loob ko," maarteng sabi nung babae. "Hayaan mo muna baby sa loob, magagamit pa natin 'ya mamaya. Sa banyo naman tayo!" Seryoso? May part 2? Hindi ko sila makita kasi walang ilaw sa loob. "Get out! Naunahan niyo pa kami!" gigil na sabi ni Marcus. Naunahan pa kami? Ghad, Gianna! Umalis ka na kasi masasaktan ka lang. "Oh my, Mr. President, pwede ba akong makisali sa inyo? Malakas pa ako," maarteng sabi nung babae. "Wala akong pakialam sa 'yo!" "Ouch naman," she said. "E ako ba pwede? Kahit isang kiss lang sa 'yo, Mr. President," biglang sabi nung lalaki na sa tingin ko'y bading. Napakapit na lamang ako sa dingding kasi hindi ko na kinakaya pa ang mga naririnig ko. "Isang suntok sa mukha mo, you want?" "Edi huwag, magaling pa naman akong mag BJ. Let's go baby ko, ituloy na natin ang pag giling," sabi nung bading. "Yes baby, igiling giling, igiling giling hanggang matunaw ang taba," kanta nung babae na may pagkembot pa. Naiwan na kaming dalawa. Balak ko na sanang umalis nang hawakan niya ang braso ko kaya inis ko siyang nilingon. Kahit na madilim ay natatanaw ko pa rin ang kanyang mukha gamit ang liwanag ng buwan. "Bakit mo ako dinala ritong gago ka, ha?! Kailangan ako ng kapatid ko!" Pinaghahamapas ko siya sa dibdib. "Kinginamo, Marcus Caden Samaniego! Sa oras na mayroong mangyaring masama sa kapatid ko... ikaw talaga ang sisisihin ko. Sobrang kinamumuhian kitang paasa ka!" "Don't worry, she was fine." Natigilan ako sa sinabi niya. "W-What do you mean?" Bigla siyang tumango kaya kumunot ang noo ko. "Planado ninyo ng kapatid ko ang nangyari?" "Ye----" I slapped him. "Bakit, ha?! Bakit mo dinamay ang kapatid ko? Para saan? Tangina, Marcus! Ano ba talaga ang gusto mo, ha?!" Panay ang hampas ko sa kanya nang bigla niya akong ikulong sa kanyang bisig. Pilit ko siyang pinapalayo pero dahil malakas siya ay wala na akong nagawa. Hindi ko na napigilang umiyak kasi ang sakit sakit na talaga! "Fuck, honey! Hindi ko kayang makita na tuluyan ka nang maagaw sa 'kin ng gagong 'yon. Akin ka lang, sa 'kin lang... kay Marcus Caden Samaniego lang!" Nag ipon ako ng lakas para maitulak siya at mabuti na lang ay nagtagumpay ako. "Hindi mo ako pag-aari kasi, tanginamo! Paasa ka, manloloko! Pinaglalaruan mo lang naman ako, 'di ba?! Nung una pa lang ay napagtripan mo na agad ako! Ako na nananahimik lang ang buhay!" Lalapit na sana siya sa 'kin pero umatras ako palayo sa kanya. "I am really sorry, honey, please don't cry..." Mapait akong napangiti sa sinabi niya. Tama! Pinaglalaruan niya nga lang ako. "M-Masaya ka ba na mapaglaruan ako, ha?! Masaya ba?! Kasi tangina, Marcus! Ang sakit sakit na, sobrang sakit!" Patuloy lamang sa pagbuhos ang mga luha ko habang nanatili siyang nakatingin sa 'kin. Hindi ko na kaya pang itago ang nararamdaman ko para sa kanya. "Palagi mong inaangkin ang mga labi ko, pero bakit hindi mo rin magawang angkinin ang puso ko, ha?! Bakit Marcus?! Bakit?! Hanggang landian na lang ba talaga tayo, ha?! Kasi umaasa ako... umaasa na sana gusto mo rin ako..." Hindi ko na napigilan na muli siyang hampasin. Hinayaan niya lang ako na ibuhos ko ang sakit na nararamdaman ko sa kanya. "P-Please, tama na, Marcus, ano ba ang gusto mong gawin ko para lubayan mo na ako?" "N-No, I can't," he whispered. "Y-You just want my body, right? 'Yun lang naman ang pakay mo sa 'kin 'di ba?" Wala na ako sa sarili pa. Gusto ko na talaga siyang lumayo sa 'kin. Hinawakan ko ang kanyang kamay at dinala sa dibdib ko. "Take me now, please take me..." Lumapit ako sa kanya at sinimulan ko nang alisin ang butones ng tuxedo niya. "W-What the hell?!" Mabilis siyang lumayo sa 'kin. "K-Katawan ko lang nam----" he cut me off. "Sa tingin mo ba pinaglalaruan lang kita, ha? Damn! Seryoso ako sa 'yo, totoo lahat ang pinapakita ko. Walang halong panlalaro at biro!" Natigilan ano sa sinabi niya. Tinakpan ko ang aking mga tainga pero mabilis niyang hinawakan ang mga kamay ko. "Sa tuwing inaangkin ko ang iyong mga labi, inaangkin ko na rin ang puso mo, pati na rin ang buhay mo. I want you in my life, honey, fuck. I want you..." Hinampas ko siya sa dibdib habang panay ang buhos ng mga luha ko. Ayokong maniwala sa sinabi niya kasi pinaglalaruan niya lang naman ako. "T-Tama na! Ayoko nang marinig pa ang panloloko mo! Laruan lang naman ang tingin mo sa 'kin, 'di ba?! Kaya tumigil ka na! Parang awa mo na!" Pinaglapat niya ang mga noo naming dalawa at marahan niyang pinunasan ang mga luhang tumutulo sa aking mga mata. "Sa tuwing maglalapat ang mga labi nating dalawa, punong-puno iyon ng katagang mahal kita. Yes, honey, I am in love with you. Sobrang mahal na mahal kita..." Parang nabingi ako sa sinabi niya kasabay ng pagbilis ng kabog ng aking puso. "W-What?" "I love you, honey. Mahal na mahal kita..." Hindi ko alam ang sasabihin ko sa oras na 'to. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa kanyang dibdib na ngayon ay sobrang lakas ng kabog ng kanyang puso. "Nagseselos ako sa tuwing kasama mo ang kaibigan ko," he whispered. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko kasi baka panaginip lang 'to? Ayokong magising. Parang awa na! Ayoko! "Be mine and let me be the reason of your smile." Hindi ko siya sinagot. Tumingkayad ako at pinaglapat ang mga labi naming dalawa. Marahan ang halik na binibigay niya sa 'kin, isang halik na walang halong panloloko. Marupok ako! Kingina! Napaka rupok ko. "I love you, Marcus Caden Samaniego," I said between our kisses. Bigla naman siyang humiwalay sa 'kin kasabay ng pagbukas ng ilaw. Kung saan nakita ko na ang mga lobong kanina ko pa hinahanap na kasalukuyang nakakalat sa sahig. Meron din sa dingding na nakakapit pa na puso ang hugis. Wow! Talagang ginamit pa niya ang mga lobong pinaghirapan ko sa surpresa niya sa 'kin! "T-Totoo ba ang narinig ko?" Hinawakan niya ang magkabila kong balikat habang sobrang lapad ng kanyang ngiti. Mas malaya ko nang napagmasdan ang gwapo niyang mukha. "Ang sabi ko, mahal kita pero kinginamo! Bakit ang ginamit mong pang surprise sa 'kin ay ang lobong pinaghirapan kong bombahan, ha?!" Hinampas ko siya dahil sa inis pero ang totoo'y kinikilig talaga ako. Nawala bigla ang sakit sa puso ko. "I'm sorry honey, sa susunod hindi na mga lobo ko, kasi pinalobong cond---" I cut him off. "Bakit ba ang halay mo, ha?!" Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na hinalikan. "Sa 'yo lang ako ganito, sa 'yo lang ako mahalay, ikaw lang ang babaeng mahal ko. God, honey! Sobrang saya ko ngayon. Sobrang ganda ganda mo. In love na in love ako sa 'yo..." He hugged me. Napangiti naman ako. "Can I take you now?" he smirked. Napalunok ako. "H-Huh?" patay malisya kong tanong. "I won't forget it, honey..." Lumapit siya sa 'kin at bigla niya akong iniupo sa ibabaw ng mesa. Nasa gitna na siya ng mga hita ko. "It's a prank!" I chuckled. "Ayokong prank, honey, totohanin natin..." Huli na nang malaman ko kasi pinapapak na niya ang leeg ko. Mahina ko naman siyang itinulak palayo. Napamura naman ang loko! "Baka nakakalimutan mo na hindi pa tayo." He was shocked. "What? Hindi pa ba? You kissed me honey and I'll considered it as your answer!" Papapakin niya sana ang leeg ko pero tinulak ko ang kanyang noo. "Ligawan mo ako!" "What?" "Edi huwag kang manligaw tutal nililiga---" he cut me off. "Fuck, honey! Liligawan kita sa kahit na anong paraan, kahit saang lugar, sa anumang pwesto, mapapasagot din kita." Napahampas na lang ako sa noo ko. Paano manligaw ang isang mahalay na tulad niya? "At isa pa pala," I smirked. "Ano na naman, honey? Pwede ko na bang ituloy ang business ko? Fuck!" Business? Matatawag bang business ang papakin ang leeg ko? Mahalay talaga! "No kiss while courting." Namilog ang kanyang mga mata sa sinabi ko kaya napangisi ako. "No way!" "Yes way!" "I can't, hindi ko kaya na hindi kita mahalikan sa isang araw. Vitamis ko ang mga labi mo at manghihina ako kapag hindi ko naangkin ang mga 'yan. Madadala ako sa ospital kapag walang halik mo." "OA mo!" "Hindi ako papayag," iling niyang wika. "Edi huwag ka na manligaw pa, madali naman ako kausap!" Aalis na sana ako sa pagkakaupo pero bigla niya akong niyakap. I couldn't help but smile. "I'll do it, honey, kahit na mahirap. Fuck! Why are you doing this to me?" "Kilala kita, alam ko ang gagawin mo para mapasagot ako. Lulunurin mo 'ko ng halik mo hanggang sa mapa oo mo 'ko." Natigilan siya sa sinabi ko. Sinasabi ko na nga ba't tama ang hula ko. "Shit. How did you know?" "Because I love you.." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinaglapat ang noo naming dalawa. Ang saya ko! Sobrang saya ko! "I love you, honey, sobra! Higit pa! Gagawin ko ang lahat para mapaligaya ki---" "Sa paanong paraan mo 'ko paliligayahin? Baka kahalayan na naman 'yan?!" "Sa pagmamahal ko, pero sa sunod sa kama na..." Hinampas ko siya. "Bawal humalik sa mga labi?" I nodded. Nakita ko naman ang inis sa mukha niya kaya napangisi ako. "Sa leeg pwede?" "No." "Side of your lips?" "No." "Hand?" "No." "Ears?" "No." "Legs?" "No way!" "Fuck, saan pwede?" "Edi isipin mo!" "How about your foot?" "Seryoso ka?" "Of course, honey, mahalikan ko lang ang ilang parte ng katawan mo. Full energy na ako!" Napangiwi ako sa sinabi niya. "You're unbelievable!" "You're my honeylovebol," he said. "Honeylovebol?" nagtataka kong tanong. "You are my honey, you are my love, and bol? I have no idea where the hell did I get that, basta isa lang ang alam ko," Pinaglapat niya ang mga noo naming dalawa. "Mahal kita," he whispered. Hinawakan ko ang pisngi niya. "Mahal din kita, Marcus.." He smiled. Tinulungan niya akong makaalis sa pagkakaupo sa mesa. Napatingin kami sa lobo nang bigla siyang ngumisi. "Hindi ko gusto ang ngisi mong mahalay ka!" "Honeylovebol, putukan na!" I am so happy, sa wakas. Mahal din ako ng lalaking mahal ko. Isang lang ang inaalala ko, paano manligaw ang isang Marcus Caden Samaniego? Kinakabahan ako! Chapter 35 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 35 I couldn't help but smile while remembering what happened yesterday. Hindi pa rin ako makapaniwala na mahal niya rin ako. Paano? Kailan? Maraming katanungan ang pumapasok sa isipan ko kung paanong nangyari na minahal niya rin ako. Anong meron sa kanila ni Sapphire? Bakit palagi silang magkasama? Pakiramdam ko ay kumulo ang dugo ko nang maalala ko na naman ang babaeng 'yon. Hindi na ako papayag na landian niya si Marcus. Uubusin ko talaga ang buhok ng babaeng 'yun sa oras na lapitan niya pa ang lalaking mahal ko! Lalaking mahal? Sobrang kinikilig ako kasi ang lalaking mahal ko... mahal din ako. "Ate..." Pilit niyang hinihila ang kumot ko kaya hinigpitan ko ang aking hawak. Nandito na naman siya para abalahin ang pagtulog ko. "Ate naman! Sinabi nang bumangon ka na nga!" "Ayoko nga! Natutulog pa 'ko!" Naramdaman ko na gumalaw ang kama kasi nagpapadyak na siya sa inis. Kahit na gising na ako'y tinatamad pa rin talaga akong bumangon kasi pakiramdam ko'y pagod pa rin ako. Nagputukan ba naman kaming dalawa ni Marcus. Putukan ng mga lobo na pinaghirapan kong bombahan! Wala man lang effort ang pag surprise niya sa 'kin. Talagang sa storage room pa pero okay lang naman basta ang mahalaga'y nalaman ko rin na mahal niya ako. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mag function sa utak ko ang nangyari kagabi. Wala kaming pasok ngayon dahil sa nangyaring event kagabi. Hindi ako nag enjoy sa event, kay Marcus ako mas nag enjoy. Sa bawat halik niyang nilulunod ako! Yes. Hinayaan ko siyang angkinin ang mga labi ko nang magdamag. Halos hindi niya ako tigilan kasi alam niyang kinabukasan ay hindi na ako papayag na mahalikan niya ako. Hindi maaari! Siguradong bibigay ako sa halik niya. Gusto ko munang maranasan kung paano manligaw ang isang Marcus Caden Samaniego na wala nang alam kundi ang kahalayan. "Natutulog? E naririnig ko nga ang mahina mong pagtili na para bang ginagahasa mo na si Kuya Marcus sa isipan mo!" I bit my lower lip. Paano nga kung gahas-- ghad, Gianna! Hindi porket mahal mo 'yung tao ay bibigay ka na pero kung pinilit ka niya pwed--- No way! "Huwag mo 'ko simulan na babae ka, masasabunutan talaga kita!" "Talaga ba? Oh my gosh! Natatakot ako!" Nanatili pa rin ang pagkakatalukbong ko ng kumot habang may ngiti pa rin sa mga labi ko. Anong klaseng panliligaw kaya ang gagawin niya sa 'kin? Sa paanong pwest--- argh! Nahawaan na yata ako ng kahalayan niya. My ghad, Gianna! Baka wala pang kayo, buntis ka na agad. Wow! Advance! "Nandito ako para sabihin sa 'yo na nasa labas si Kuya Marcus!" "Ano?!" Bigla akong napaupo sa gulat sa kanyang sinabi. Tinaasan naman ako ng isang kilay ng gaga. Bumabalik na naman pagiging mataray ng babaeng 'to. "Ang sabi ko'y nasa labas si Kuya Marcus at mukhang balak ka nang haranahin!" My eyes widened. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya na nandito si Marcus kasi sobrang aga pa para mangharana. Anong tumatakbo sa isipan ng mahalay na 'yun? For Pete's sake, it is only 6:20 in the morning. Ano siya? Isang tandang na tumitilaok sa umaga? "Seryoso?!" She nodded. "Kaya nga ginigising kita kasi nakita ko si Kuya Marcus sa labas. Mukhang hinihintay na lumabas ka." Mabilis naman akong bumangon sa kama at sumilip sa bintana. Napaawang ang bibig ko nang makita ko nga siya sa labas. He waved at me. Nakita ko rin ang pagkindat niya na ikinapula ng mukha ko. Ako nga pala si Rapunzel na may mahabang buhok na dinadalaw ng isang mahalay na prinsipe. "Good morning, honey..." Mabilis ko naman sinarado ang bintana at mahina akong namapura. Ang ganda ng ayos niya samantalang ako'y nakapantulog pa rin. Hindi naman siya nag message na pupunta siya rito. Tanging I love you lang ang natanggap ko mula sa kanya. Binilisan ko na ang dapat kong gawin. Hindi na ako nakaligo kasi ayokong mainip siya sa paghihintay sa 'kin. Mabango naman ako kahit na amuyin niya pa ako! Simple lang ang suot ko. Puting shirt at black leggings ang pang-ibaba. Ayokong maging sexy sa paningin niya. Sinabi ko sa kanya na... No kiss while courting pero hindi ko nasabi ang No touch while courting. Mahalay pa naman ang isang 'yon! Meron din na nakabalot na scarf sa leeg ko kasi pinapula na niya naman. Mabuti na lang sanay na ako na may nakabalot sa leeg ko. Lalo na't nanliligaw na siya. Salakay kung salakay! Lapang kung lapang ang talento ng isang Marcus Caden Samaniego. "Ano ang gagawin ko sa oras na kaharap ko na siya?" Alam niya kasi ang nangyari kagabi. Syempre nainis ako sa kanya dahil planado pala nila ni Marcus ang pagkawalang malay niya. Sobrang nag-aalala ako sa kanya tapos malalaman ko na isang malaking arte lamang pala 'yun. Wow! Artistahin! "Edi salakayin mo, hilahin mo sa kwarto, ilock ang pinto. Tapos ang usapan!" Sinamaan ko siya ng tingin. "Saan ka natuto ng ganyan?" She chuckled. "Sapphire." Nag-init ang dugo ko sinabi niya. "That girl!" Kailangan kong kausapin ang leader ng power puff girls tungkol sa kapatid niyang baliw. Hindi pa rin mag sink in sa utak ko na magkapatid sila. Bigla kong naalala na baliw na baliw nga pala ang leader ng power puff girls kay Marcus. Mabuti na lamang talaga na tumigil na siya sa kahibangan niya. Mukhang natauhan na wala siyang laban sa kagandahan ko. Hindi ko na kinakaya pa ang haba ng hair ko! "Ate, may sasabihin ako sa 'yo." "Ano?" "Mamaya na lang pala, naghihintay na sa 'yo si Kuya Marcus." Iniwas niya ang tingin sa 'kin at mabilis niyang inubos ang gatas na nasa isang baso. "Ano nga?" Hinabol ko siya kasi alam kong may dinaramdam siya. Bahala na ang lalaking 'yun sa labas. Maghintay siya! Tumilaok muna siya labas kasi para siyang isang tandang. Ang lalaking gusto kong makasama hanggang sa maging maTandang kaming dalawa! Siya na ang aasawahin ko! Siguradong paliligayahin niya ako araw-araw. Paanong ligaya kaya? Excited na ako! "Please tell me!" Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya. Napansin ko na namumula ang kanyang mukha. "T-Tungkol kay Kuya Josh." Natigilan naman ako sa sinabi niya. Gusto kong sampalin ang sarili ko kasi nawala sa isipan ko si Josh. Si Josh na lubos na nagmamahal sa 'kin, si Josh na handang maging rebound ko mawala lang ang sakit na nararamdaman ko. Why, Gianna? Anong karapatan mong saktan ang isang tulad niya? Ang laki mong tanga! "W-What about him?" Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. "H-Huwag ka sanang mabibigla sa sasabihin ko..." I nodded. "Huwag mo nga akong pakabahin na babae ka!" Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil. Nakita ko ang pagkagat niya sa pang-ibabang labi niya. "M-Muntikan nang may mangy----" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya kasi bigla na lang kaming may narinig na ikinapula ng mukha ko. "Calling the attention of my honey, kapag hindi mo pa ako nilabasan dito, ako ang papasok sa lungga mo hanggang kalalim-laliman, labas pasok. Wala ka nang kawala pa sa 'kin!" Nakuyom ko ang mga palad ko sa inis sa sinabi niya. Mabilis naman akong lumabas at natagpuan ko siyang may hawak na isang mic. Napansin ko na maraming dumaraan ang napapalingon sa 'min dahil sa ini-announce niya na kahalayan. My ghad, Gianna! Mukhang katapusan na ng buhay mo! Mahal ko siya pero humanda talaga siya sa 'kin ngayon! Pumunta ako sa harapan niya habang kumukulo pa rin talaga ang dugo ko. Hindi man lang ba siya nahiya sa sinabi niya? Kasi ako... hiyang-hiya sa kahalayang taglay niya! He was a wearing a white polo shirt and a pair of white pants. Napakalinis niyang tingan pero mahalay pa rin at syempre gwapo. "Hello honey, papapasukin mo na ba ako sa lun--" I cut him off. "Baliw ka b---" "Yes, honey, baliw na baliw ako sa 'yo!" Galit ka, Gianna! Magalit ka pero kingina! Kinikilig ako! "Marcus Caden Samaniego naman! Tumingin ka nga sa kalangitan, kakasikat pa lang ng araw pero nandito ka na agad para manligaw! Ano ka? Isang tandang?! " Tumingin naman siya sa kalangitan. Ay gago! "Where, honey?" I bit my lower lip. "Nasaan ba ang araw? Malamang nasa itaas!" "Hindi ko makita..." Tumingin na ulit siya sa 'kin habang nakanguso. Para siyang isang bata na hindi nabigyan ng candy. "Wala ka bang mga mata para hindi makita ang tinutukoy ko?" "I can't see, wala na akong makita pang iba bukod sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Ang honey ko na nagbibigay ng liwanag sa buhay ko." Gusto kong mapamura dahil sa sinabi niya. Bakit ganito? Bakit ang sweet niya? Mas lalo akong nahuhulog! "I love you..." Ang bilis ng kabog ng puso ko. "121." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "121?" I nodded. "Yes. Nasa 121 na ang nasabi mong I love you at sa oras na malaman ko na niloloko mo 'ko..." Pinatunog ko ang kamao ko kaya napalunok ang gago. "Ganundin karaming sampal ang aabutin mo sa 'kin!" "Hindi kita magagawang lokohin, honey, ang halayin pwede pa," he smirked. "Kinginamo!" Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papalapit sa kanya. Makita ko pa lang ang perpekto niyang mukha ay kumpleto na ang araw ko. "Honey, kailangan ng halik ng makasalanan mong mga labi." Bago niya pa maituloy ang balak niya ay nagawa ko nang matakpan ang mga labi ko. "No kiss while courting, 'di ba? Napag-usapan na natin 'yun kagabi! Hindi mo ba naaalala?" Napansin ko ang pagkadismaya sa kanyang mukha. Lumayo na siya kasi baka hindi niya mapigilan na mahalikan ako. "Sagutin mo na 'ko, honey... Sagutin mo na ako. Fuck! I missed your lips." Napangisi naman ako sa sinabi niya. Para talaga siyang bata na may gustong ipabili pero ayaw bilhin ng magulang. "Paano kita sasagutin, e, wala ka pa ngang isinasagawa na paraan para ligawan ako!" Napakamot naman siya sa kanyang batok. "Wait lang, honey..." Napansin kong papunta siya sa kanyang sasakyan at pagbalik niya'y may dala na siyang gitara. "H-Haharanahin mo 'ko?" Ghad, Gianna! Anong klaseng tanong 'yan? Alangan namang ipukpok 'yan sa ulo mo! Boba ka ba?! "Yes, honey, at mamaya naman ay ikaw ang pakakantahin ko," he smirked. Isinuot na niya 'yung tali ng gitara sa kanya habang ang lapad pa rin ng kanyang ngisi. "Bakit naman ako kakanta? Isa pa, ano naman ang kakantahin ko?" Maganda naman ang boses ko kaya hindi nakakahiya sa oras na kantahan ko siya. Namana ko kay Mama ang galing ko sa pagkanta. Pero ayokong sumali sa singing contest kasi baka mawalan ng trabaho si Sarah Geronimo sa oras na makilala ako. No thanks! "Not a song honey, but your moan-----" Hinampas ko siya dahil sa kanyang kahalayan. Hinawakan niya naman ang braso ko para pigilan. Nagtama ang tingin naming dalawa. Nanghina ang mga tuhod ko nang sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Sobrang bilis din ng tibok ng puso ko. "Maaari ko na bang kantahan ang binibining iniirog ko?" Para akong nalulunod sa tamis ng kanyang ngiti habang magkapako ang tingin naming dalawa. "At aking binibini, kung hindi mo 'ko pahihitulutan na kantahan ka, maaari bang magkulong na lang tayong dalawa? Sa kalangitan kung saan ako lang ang nakakaalam." "Kingina! Kumanta ka na lang! Ang dami pang kahalayan na alam!" "Panlalambing 'yun!" "Kahalayan!" "Panlalambing nga, honey!" "Kahalayan nga!" "Mahal kita..." "Mahal di-- mahalay!" Napahampas naman ako sa noo habang panay ang kanyang tawa. "Bahala ka na nga sa buhay mo!" Tatalikuran ko na sana siya nang hawakan niya ang braso ko para pigilan. Kinagat ko naman ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang sobrang pag-ngiti. Hinarap ko na siya habang pa rin nawawala ang ngiti sa aking mga labi. "Maaari na ba akong magsimula?" Marahan akong tumango. Sinubukan niya munang mag strum sa gitara habang nanatili ang tingin ko sa kanya. Eto na, Gianna! Ngayon na mangyayari ang naudlot na panghaharana niya sa 'yo. Siya lamang ang bukod tangi na kakaibang manligaw. Sino ba naman ang may sayad sa utak na manghaharana ng ganitong kaaga? Si Marcus Caden Samaniego lang yata. "I love you," he said before he started to strum on his guitar. Sasabog na ang puso ko sa sobrang bilis ng kabog. (Play the videoɰߑ) Oh, my love, my darling I've hungered for your touch A long, lonely time Hindi ko akalain na maganda ang kanyang boses. Ngayon ko lang nalaman na nasa isang kanta pala ang sinulat niya sa card. Kahit sa pagkanta ay napakahalay niya. Time goes by so slowly And time can do so much Are you still mine? Walang tayo... pero ikaw lang ang lalaking nagmamay-ari ng puso ko. I need your love I need your love God speed your love to me Nakatitig lamang siya sa mga mata ko habang panay ang pag strum niya sa gitara. Napansin kong marami na ang tumitigil sa labas para lang mapakinggan ang pagkanta ni Marcus. Meron pang tumitili kaya naiinis ako. Marami nang tumpok na kakabaihan ang nasa labas. Lonely rivers flow To the sea, to the sea To the open arms of the sea Lonely rivers sigh "Wait for me, wait for me" I'll be coming home, wait for me Kinindatan niya ako kaya mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko. Gusto ko na siyang patigilin sa pagkanta kasi naiinis na ako sa mga babaeng vini-videohan siya. Oh, my love, my darling I've hungered, for your touch A long, lonely time Lumapit na ako sa kanya at pinatigil ko na siya sa pagkanta. Bumakas naman ang gulat sa kanyang mukha. "What, honey? Hindi pa ako tap---" "Kapag pinagpatuloy mo pa ang pagkanta, ako na ang tatapos sa 'yo!" Hindi ko na siya hinintay pa na umimik kasi pumunta na ako sa labas kung saan kumpulan na ang mga kababaihan. "Ang swerte mo naman, gurl!" "Ang gwapo at ang ganda pa ng boses!" "Kapag hindi mo siya sinagot, akin na lang siya!" Napatingin ako sa babaeng huling umimik at tinaasan ko siya ng isang kilay. "Gusto mo siya? In your dreams!" Inirapan naman ako ng gaga. "Tapos na ang palabas kaya pwede na kayong umalis!" Pero hindi sila nakinig. Mahigit sampung kababaihan ang nandito sa labas ng aming gate. Panay ang sulyap nila sa loob para tingnan si Marcus. Naiinis na ako! Mag susuper saian na talaga ako mapaalis ko lamang sila! "Pwede bang mag pa picture kami sa kanya? " "Bawal!" "Damot mo naman!" "Madamot na kung madamot pero akin lang 'yun kaya lumayas na kayo sa harapan ko!" Napamura na lang ako kasi hindi pa rin talaga sila umaalis. Bigla silang nagtilian kaya kumunot ang noo ko. Naramdaman ko na lang may mga brasong yumakap sa bewang ko. "Let's go inside honey, pakakantahin na kita..." Napansin kong natulala sila nang masilayan nila nang malapitan si Marcus. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong buhatin ng pangkasal. "I-Ibaba mo nga ako!" "Ayoko!" Mahina ko siyang hinahampas. Napahinto siya sa paglalakad nang makasalubong namin si Gennica na sobrang lapad ng ngisi. Hindi pa tapos ang usapan namin kanina. Ang narinig ko sa kanya'y muntikan nang may nangyari? Muntikan nang may mangyari sa kanila ni Josh? Kingina! "Gennica..." "Yes po, Kuya Marcus?" "Sound proof ba ang kwarto ng ate mo?" My eyes widened. Anong balak niya? Huwag mong sabihin na gagawin namin 'yon? Ye--- No way! "Marcus Caden Samaniego!" Hindi niya ako pinansin. "Sad to say, hindi po sound proof ang kwarto ni Ate, pero hindi kayo maririnig kung nasa banyo kayo." "Gennica!" Pinandilatan ko siya ng tingin pero ang gaga ay nginisian lamang ako. Nanatili pa rin akong buhat ni Mask. "Can you order me something to eat? Lahat ng nasa menu ay bilhin mo." Inabot nito ang kanyang phone kay Gennica. "Hala, Kuya Marcus, ang dami naman nito!" "Kasi siguradong magugutom ang ate mo dahil papagurin ko." "Kinginamo! Ibaba mo 'ko!" Hindi niya muli ako pinakinggan. "Sa banyo!" she shouted. Ilang mura na ang nasabi ko sa isipan ko kasi pinagkakaisahan talaga nila akong dalawa. "Of course! Kahit saan pang lugar!" he shouted. Pilit akong nagwawala para maibaba niya lang ako. Nang makarating na kami sa kwarto ko, bigla niya na lang ako inihagis sa kama kaya sinamaan ko siya ng tingin. "A-Anong gagawin mo sa 'kin?" Sumampa na siya sa kama kaya napalunok ako. Isusuko na ba? No way! "I told you, honey, na pakakantahin kita." Tinakpan ko naman ng unan ang sarili ko. "Subukan mong lumapit sa 'kin siguradong basag ang itlog mo!" "You can't honey, dito nakasalalay ang future nating dalawa." "Future mo mukha mo!" "Future ko ang honey ko!" Hinila niya ang unan at mabilis siyang lumapit sa 'kin. Natigilan ako nang bigla niya akong yakapin. Nakasubsob ang mukha niya sa leeg ko kaya tumaas ang mga balahibo ko sa kiliting nararamdaman. Sa halip na itulak ko siya, hinayaan ko lang siya na ikulong ako sa kanyang bisig. "Mask?" "Hmm?" "Natulog ka ba kagabi?" Mas hinigpitan niya pa ang yakap sa 'kin. "Hmm. No." "Gago ka ba, ha? Bakit hindi ka natulog kagabi, ha?! Tapos pupunta ka na lang dito ng ganitong kaaga!" "I was scared," he whispered. "Ano?" "Na baka pag-gising ko'y isang panaginip lang na mahal mo 'ko.." Natigilan ako sa sinabi niya. Inalis na niya ang kanyang mukha sa leeg ko at pinagmasdan ako. "I love you," I whispered. Hinawakan ko ang kanang pisngi niya, dumako ang tingin ko sa mga labi niya at bigla akong napalunok. "I love y---" I kissed him. Ako ang nagsabi na no kiss while courting pero hindi ko naman pala kayang mapanindigan. Ang bilis ng pangyayari. He is now on top of me while we're kissing passionately. Nagsasabay ang bilis ng tibok ng mga puso naming dalawa. "Damn..." He is now licking my neck. Sobrang nakikiliti ako sa ginagawa niya na para bang unang beses niya lang nagawa 'yun. He stopped and stared at me. "I love you, honey..." He kissed my jaw, my cheeks and finally he claimed my lips again. I kissed him back. "Medium po ba ang dri----- ops!" Mabilis kong naitulak si Mask na naging dahilan ng pagbagsak nito sa sahig. Narinig ko ang pagmura niya habang namumula naman ang aking mukha sa kahihiyan. "Sorry kung naabala ko kayo! Gusto ko lang sana itanong kung o-order pa ba ako ng pagkain? Mukhang busog na naman kayo sa isa't isa." Sinaman ko siya ng tingin. "Gennica!" Halos takpan ko na ng unan ang mukha ko dahil sa nangyari. Ghad! Nakita pa kami ng gaga. Paano kung hindi siya dumating? Edi malamang, duguan ang kama, talo sa gyera, suko ang bataan! "Kailangan kong maligo, fuck! Ang init!" Mabilis naman na nagtatakbo si Marcus papasok ng banyo habang binato ko naman ng unan si Gennica na sobrang lapad pa rin ng ngisi. Halos iumpog ko na ang ulo ko kasi muntikan na talaga! Muntikan na namin gawin 'yun! Ghad, Gianna! Mabubuntis ka talaga ng maaga! Nakalipas na ang 20 minutes ay hindi pa rin tapos sa panliligo ang lalaking 'yun. Ano bang ginagawa niya sa loob ng banyo? Nag ja-jack en poy? "Honey?" Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko kasi para kaming mag-asawa. "Ano?" "I have no extra clothes." "O tapos?" Hindi ko na napigilan na matawa kasi naririnig ko ang mura niya sa loob ng banyo. "Fuck, honey! Don't laugh at me. Kapag hindi ka pa tumigil, makikita mo talaga ang maganda kong katawan!" Ang yabang! "Mukha mo! Kung wala kang pamalit, edi gamitin mo ulit ang sinuot mo kanina!" "No way!" Bukod sa pagiging mahalay, isip bata, mahangin, meron pa pala siyang isang talento. Ang pagiging maarte! "Arte!" Napadako nag tingin ko sa isang paper bag at bigla akong napangisi. Mukhang makakaganti na ako sa lahat ng ginawa niya sa 'kin lalo na nung unang pasukan. Karma is a b/tch! "Pwede mo bang buksan ang pinto?" I bit my lower lip. "What? Fuck, honey? Are you sure? Papanagutan kita!" "Gago! May iaabot lang ako sa 'yo!" He opened the door. Iniabot ko naman sa kanya ang paper bag. "'Yan na lang muna ang suotin mo." Pinigilan ko naman na matawa. "Seriously?! You want me to wear this?" "Kung mahal mo 'ko, susuotin mo 'yan." Narinig ko ang sunod-sunod niyang mura sa loob ng banyo kaya mariin na ang kagat ko sa pang-ibabang labi para lang pigilan ang tawa ko. "Yes, honey, I love you, pero huwag naman ganito!" "Please wear it, be my human rabbit." Ang binigay ko lang naman sa kanya na susuotin niya ay 'yung dress na ibinigay niya. "No way!" "You can kiss me every second whenever you like, in return, you'll be my human rabbit for today." "Yes, honey, fuck! Susuotin ko kahit ano para lang mahalikan kita. Every second honey, every second ko aangkinin ang mga labi mo. Hindi mali ang pagkakarinig ko!" Oh no! Mali yata ang pagkakasabi ko, my ghad! Pagkalabas niya ng banyo, hindi ko na napigilan na matawa nang makita ang kanyang hitsura. Halos pumutok na sa kanya ang dress dahil sa laki niyang tao. Pagtingin ko sa bandang ibaba niya'y bigla na lamang akong natigilan sa nasaksihan. Kingina! Bakat! Bakat na bakat! Dacks! Oo! Bibe! Ahas! Sawa! Anaconda! Agilang may lawit! "Happy?" he smirked. I bit my lower lip. "Don't bite your lips honey, you're so selfish..." Unti-unti nang humakbang ang machong kuneho papalapit sa 'kin. Kinakabahan ako! "Let me do it for you." He claimed my lips again. Hindi lang carrots ang kinakain ng rabbit, pati rin pala ang mga labi. Inaatake na ako ng human rabbit! Nakakatakot! Baka magtatalon na lang bigla sa 'kin! Chapter 36 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 36 "Marcus Caden Samani--" He claimed my lips again. For Pete's sake, nandito kami ngayon sa parking lot ng school. Nanatili kami sa loob kanyang sasakyan habang sinasalakay na naman niya ako. Nauna nang bumaba ang kapatid ko, mukhang may ideya siya na sasalakayin naman ako ng lalaking 'to. "Honey, sasagutin mo na ba ako?" he said between our kisses. Ito na naman ang galawan niya, sa tuwing inaangkin niya mga ang labi ko, bigla na lang siyang magtatanong kung sinasagot ko na ba siya. Hangga't maaari'y pinipigilan ko na huwag madala sa kalandian niya. Halos magusot na ang uniform niya sa higpit ng hawak ko. Samantalang marahan niya namang pinipisil ang magkabilang bewang ko. I was sitting on his lap. Gusto kong iumpog ang ulo ko sa oras na 'to. Hindi naman ako ganito pero ang ka-inosentahan ko'y inalis niya. Hinawaan niya ako ng kanyang kalandian! Sira na ang buhay ko, pati ang dangal ko. Wala na! Walang araw na hindi niya inangkin ang mga labi ko. At sa bawat araw na 'yon... mas lalo lamang akong nahuhulog sa kanya. Natatakot ako na baka isang araw ay isang laro lang 'to para sa kanya. "N-No..." Lumayo na siya sa 'kin kaya nakahinga na ako nang maluwag. Maging siya'y hinahabol rin ang kanyang hininga sa nangyari. Magkalapat ang noo naming dalawa. Pinulupot niya ang mga braso niya sa bewang ko kaya mas lalo akong napalapit sa kanya. Malapit na kaming magkapareho ng amoy na dalawa. "Honey, 1 week na akong nanliligaw sa 'yo pero bakit hindi mo pa rin ako sinasagot, ha? Kulang pa ba ang halik ko? Fuck! Saang parte pa ba ng katawan mo ang gusto mong dampian ng mga labi k--" Pinisil ko ang tungki ng ilong niya kaya napangiwi siya. "Kailan kaya darating ang araw na magiging inosente kang mahalay ka, ha?!" Inalis ko na ang pagkakapisil sa tungki ng ilong niya na mabilis niya naman hinaplos. Mukhang napalakas ang pisil ko kasi nagmukha siyang si rodolf sa sobrang pula ng kanyang ilong. "How to be innocent, honey, ha? You are now sitting on my lap, kaunting galaw mo lang, gising ang ala---" "Mahalay ka talaga!" Pinitik ko ang noo niya at mabilis na umalis sa pagkakaupo sa kanyang lap. Sa tingin ko'y namumula na ang mukha ko. Ghad, Gianna! Ano na ba ang nangyayari sa 'yo? Hindi magandang impluwensya ang mahalay na 'yan! "Honey, please, sagutin mo na 'ko..." Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na hinalikan ang likod ng aking palad. "Kung mahal mo 'ko dapat handa kang maghintay kahit na gaano pa katagal." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan na matawa sa kanyang naging reaksyon. Para na naman siyang isang bata na naagawan ng candy. "Kung mahal mo 'ko, honey, sasagutin mo na ako ngayon din!" "Ayoko pa rin, maghirap ka muna bago mo makamit ang matamis kong oo!" He pouted. Napangisi naman ako kasi mukhang gusto na niya talagang maging kami. "Nahihirapan na ako, honey, gusto na kitang tawagin na girlfriend ko. Na ang isang Marcus Caden Samaniego ay girlfriend si Gianna Arellano. Gusto ko nang makita nila na In a relationship na ako sa 'yo sa facebook, sa buong mundo, sa planet mars, kahit pa sa kamaƢ" "Bakit pati ang kama'y nasama sa kahalayan mo?!" Hahampasin ko na sana siya pero mabilis niyang nahawakan ang braso ko. "Fine! Titigil na akong ligawan ka!" Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. "Edi tumigil ka! Pakialam ko naman sa 'yo!" Sinasabi ko na nga ba't pinaglalaruan niya lang ako! Gago siya! Mahalay! Tarantado! Hunghang! "Pakasal na tayo!" My eyes widened. "May saltik ka ba?" "Asawahin mo na ako, honey..." "Pinaglalaruan mo lang ba akong gago ka, ha? Sabihin mo lang para masampal agad kita!" Palagi niyang sinasabi na mahal niya ako pero totoo ba talaga ang lahat nang 'yon? Paano kung pinaglalaruan niya lang ako? Hindi pa rin namin napag-uusapan ang tungkol sa kanila ni Sapphire. Gusto kong malaman kung anong katotohanan pero baka uminit lang ang dugo ko. "I am not playing with you, honey..." Nakapako lang ang tingin namin sa isa't isa. Dinala niya ang kamay ko sa ibabaw ng kanyang dibdib. Ang lakas ng kabog ng puso niya. "Let me play your lips instead..." And with just a second, he captured my lips again and again and again. Landian muna bago pumasok sa klase! -- Nakahalumbaba lang ako habang nagtuturo si Tanda. Wala ngayon dito si Mask kasi pinatawag siya ng principal. Bigla kong naalala na sinabi ko nga pala sa Principal na lilipat na kami ng school ng kapatid ko. Well, hindi na ngayon! Bakit pa ako lilipat? Hindi na kailangan pa kasi wala na naman akong iniiwasan. Ang inaalala ko na lang ay si Josh. Napadako ang tingin ko sa upuan niya at mapait akong napangiti. Halos isang linggo na siyang hindi pumapasok. Sa tuwing nag me-message naman ako sa kanya, wala akong natatanggap na reply niya. Kapag tatawagan ko naman siya'y hindi niya rin sinasagot. Mukhang iniiwasan niya talaga ako. Alam kong alam niya na okay na kami ng kaibigan niya. Naiinis ako sa sarili ko kasi pinaasa ko lamang siya. Tungkol naman sa sinabi ni Gennica, muntikan na raw may mangyaring masama kay Josh nung araw ng event. Meron daw lalaking bumastos kay Stella na sobrang ikinagalit ni Josh. Pero ang hindi nila inaasahan ay mayroong dalang patalim 'yung lalaki. Mabuti na lang daw ay naging maagap ang security guard para patigilin ang gulo. Kick out na ngayon ang lalaking 'yun! "Gurl.." Nilingon ko si Stella na ngayon ay inaayos na ang kanyang mga kagamitan. Napadako ang tingin niya sa scarf na nasa leeg ko. Mukhang hindi pa rin siya nasasanay. Araw-araw na akong may scarf sa leeg ko nang dahil sa lalaking 'yun. Mapula pa nga, mas papupulahin niya pa lalo! Mahalay talaga! Palagi nang sinalakay ang mga labi at leeg ko. Ano kayang parte ng katawan niya ang magandang salakayin? Ghad! "Ha? Tapos na agad ang klase?" She nodded. "Mukhang lutang ang isip mo kanina pa. Tinawag ka ni, Sir, pero hindi mo pinansin. May problema ba?" Umiling ako. "Wala naman, nagugutom lang ako," I replied. Hindi naman talaga ako nagugutom. Ikaw ba naman ang dalhan araw-araw ng isang bouquet, hindi mga bulaklak kundi mga pagkain. Sinabi pa niya na malalanta lang naman daw ang bulaklak kaya mas mabuti pa na pagkain kasi mabubusog pa ako. Pero ang hindi niya alam, mas nabubusog ako sa bawat halik niya. Mga labi niya pa lang, isang pagkain na. Paano pa kung 'yung an--- my ghad, Gianna! Inosente ka! Inosente! Nandito na kami ngayon sa locker room kasi may ilalagay siyang libro. Wala kasi ang Teacher namin sa sunod na klase. Napaka-sipag talaga nila. "Hindi mo ako maloloko, gurl, kasi alam kong may problema ka. Hayaan mong ako naman ang makinig sa 'yo." I smiled. "Thank you, gurl..." "Nag-away ba kayo ni President?" Umiling ako. "Hindi siya ang dahilan." Nandito na kami ngayon sa field para magpahangin. Kasalukuyan ngayong may naglalaro ng volleyball. Natanaw ko si Gennica na kinawayan ako. Hinanap ng paningin ko si Sapphire, wala yata siya ngayon kasi kahit ang kapatid niya ay hindi rin pumasok. Dahil wala ang isa, absent din ang dalawa. Wow! Friendship goals talaga ang power puff gurls! Baka nililigtas na ang earth kaya wala sila ngayon dito! "Josh?" I nodded. "Sa tingin mo ba kaya siya absent kasi iniiwasan niya ako? O 'di kaya'y galit siya sa 'kin? Hindi niya kasi sinasagot ang mga tawag ko. May ideya ka ba kung nasaan siya ngayon? Gusto ko siyang makausap." Isa lang ang nasa isip ko ngayon. Ang makausap si Josh. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya kasi alam kong nasasaktan ko siya. Ang Prinsipeng inaalay ang pagmamahal niya ay nagawa ko lamang na saktan at paasahin. Hindi ako ang prinsesa na para sa kanya. "Ilang beses ko na rin siyang sinubukan na tawagan pero hindi niya rin sinasagot. Siguro naman hindi ikaw ang dahilan, maybe sa family? Kilala ko siya, kahit na nasaktan na siya ay hindi pa rin siya nagtatanim ng galit sa mga taong nanakit sa kanya. Kahit pa sa kanyang ex na palagi siyang niloloko. Pinatawad niya pa rin 'to kahit hindi naman nito deserve. Mabuting tao si Josh kaya alam kong tatanggapin niya kung anong meron sa inyo ngayon ni President. " Mabuting tao si Josh kaya siguradong matatanggap niya pero masasaktan pa rin siya. "Pero hindi niya deserve na masaktan nang dahil sa 'kin." Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil. "Ako na ang bahala sa kanya." Nang dahil sa sinabi niya, napatunayan ko ngang may gusto talaga siya kay Josh. Sana lang ay mahulog na ang loob ni Josh kanya pero paano ang kapatid ko? Si Gennica na umaasa na sana mapansin ni Josh, hindi bilang isang kapatid, kundi bilang isang babae. Ang turin ni Josh kay Gennica ay parang isang kapatid kaya masakit 'yun para sa kanya. "Ano 'to?" Binasa ko ang nakasulat sa papel na binigay niya. Isang address? "'Yan ang address kung nasaan ang condo ni Josh. Kapag wala siya riyan, siguradong nasa mansyon siya nila." Napahigpit ang hawak ko sa papel. Kailangan ko na talaga siyang makausap. "Anong oras ba ang sunod nating klase?" "11:30 pa naman." Napatango naman ako. "3 hours pa naman ang vacant kaya may oras pa para mapuntahan ko siya." "Gusto mo bang ihatid kita?" "Huwag na, gurl, kaya ko naman mag-biyahe." "Sure ka? Ihahatid na kita para mas mabilis ka na makarating do'n." "Dito ka na lang, gurl, mag-aral ka na lang para sa long test mamaya tapos pagayanin mo 'ko." She chuckled. "Fine, basta mag-iingat ka." I kissed her cheek. "Ikaw din." - Hindi naman ako nahirapan na makasakay sa taxi kasi maraming dumaraan. Sinabi ko na kay manong ang lugar na pupuntahan kasi wala akong ideya kung saan ba 'yun lalo na't hindi naman ako gala. "Gaga ka, Gianna! Umalis ka nang hindi man lang nagpapaalam sa lalaking 'yon!" Napahampas na lang ako sa aking noo kasi nawala sa isipan ko si Mask. Hinanap ko sa bag ko ang aking phone pero hindi ko makita, kahit sa bulsa ko'y wala rin. Hindi kaya nahulog sa sasakyan ni Mask? Paano ko siya matatawagan kung ganun? Pero kapag sinabi ko naman sa kanya na pupuntahan ko si Josh, baka bigla na lang niyang sugurin ang kaibigan niya. Isa pa, mabilis lang naman ako at busy siya ngayon. Siguradong hindi niya malalaman na umalis ako. "Nandito na po tayo, Ma'am." Nag-abot muna ako ng bayad bago bumaba ng taxi. Napaawang na lang ang bibig ko nang matanaw kung gaano kataas ang building na harapan ko ngayon. "Miss, sino po ang bibisitahin niyo ngayon?" humarang ang isang guard. Bibisitahin? Ano 'to? Isang kulungan? "Si Josh Spencer po." He nodded. "Stella po ba ang pangalan niyo" Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Ibig bang sabihin nito'y posibleng palaging pumupunta rito si Stella? Ano ba talagang namamgitan sa kanilang dalawa? "Yes, I'm Stella." Pagkasabi ko nun ay hinayaan nila akong makapasok sa building na 'yun. Baka kapag sinabi ko ang pangalan ko'y hindi nila ako papasukin. Nang magbukas na ang elevator ay mahina akong napamura nang sumalubong sa 'kin ang couple na naghahalikan. "Istorbo," inis na sabi nung babae nang makapasok ako sa loob. "Kung maghahalikan kayo, huwag dito," Bumakas naman ang inis sa mukha nung babae. "Huwag kang magmalinis, Miss, baka ikaw pa ang kung saan-saan nakikipag-halikan!" Natahimik ako kasi natamaan ako sa sinabi niya. Oo nga naman, kahit saang lugar ay ginagawa namin 'yun. Sa mesa, sa banyo, sa locker room, sa shower room, library, clinic. Oh gosh! Too many to mention. Nakakainis kasi nakasabay pa ako sa kanila, papunta pa pala sila sa ibaba. Nang umakyat na ulit ang elevator ay wala nang sumakay pa. Mabilis naman akong nakarating sa 44th floor. Nang nasa tapat na ako ng condo niya'y humugot muna ako nang malalim ng hininga bago pinindot ang door bell. "Please open the door!" Ilang beses kong pinindot 'yun bago pa niya buksan. Nakita ko ang gulat sa mukha niya nang makita ako. "W-What are you doing here?" Nakatingin lang ako sa kanya. Sobrang gulo ng kanyang buhok at halata rin sa ang pagkapuyat. "J-Josh, sorry kung nasaktan kita, nang dahil sa 'kin ay isang linggo kang hindi pumasok sa school. Kasalanan ko 'to, kasalanan ko..." I bit my lower lip. Nakayuko lang ako habang nasa harapan ko siya. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil. "Let's talk inside." Hinila niya ako papasok sa loob ng condo niya. Nakaupo na ako ngayon sa sofa habang nililibot ko naman ang tingin sa paligid. Malinis ang condo niya at maaliwalas. Napadako ang tingin ko sa isang aquarium. Kumunot ang noo ko. Bakit siya mayroong alagang tilapia? Ang weird! Naagaw ng pansin ko ang can ng mga beer na wala nang laman. Alam kong ako ang may dahilan kung bakit siya umiinom. "Wala kang kasalanan kung bakit absent ako ng isang linggo." "P-Pero, Josh, nasa---" "It's okay, wala lang sa 'kin 'yon. Iiinom ko na lang para mawala ang sakit," I bit my lower lip. "I am sorry..." "You don't have to apologize, my l-- Gianna, ako ang may kasalanan kung bakit nasasaktan ako ngayon. Alam kong may ibang laman ang puso mo pero ipinagsisiksikan ko pa rin ang sarili ko sa 'yo. Ako mismo ang nanakit sa sarili ko kasi umasa ako." Unti-unti nang namumuo ang luha sa mga mata ko kasi ang sakit na makita na nasasaktan siya nang dahil sa 'kin. "It's okay, Gianna, I am okay. Basta masaya ka... magiging masaya na rin ako." Umupo ako sa tabi niya at niyakap ko siya. Alam kong nabigla siya sa ginawa ko pero sa huli'y gumanti rin siya ng yakap. "I am sorry, I am really sorry, Josh." I whispered. Sobrang higpit ng yakap niya sa 'kin at mas lalo akong napaluha nang maramdaman ko na nababasa ang balikat niya. He was crying because of me. "The truth.... I am not okay." Humiwalay na siya at hinawakan ang magkabila kong balikat. Ang sakit na makita na ang lalaking nagpapasaya sa 'kin ay umiiyak ngayon sa harapan ko. "S-Sana map---" "My sister have a cancer, at sobrang sakit na mabalitaan ang bagay na 'yun. Ang kapatid ko na malayo sa 'min ay lumalaban habang wala kami sa kanyang tabi. Kailangan niya kami at isang linggo na lang ay lilipad na kami pupuntang States." Natigilan ako sa sinabi niya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at marahan na pinunasan ang mga luha ko. "Please, don't cry, mas lalo akong nasasaktan." "Paano ako hindi iiyak? Nasasaktan ako kasi sinasaktan kita, ikaw na walang ginawa kundi ang mahalin ako pero sakit lang ang ipapalit ko sa-----" "I love you, my lady.." Muli niyang pinunasan ang mga luhang tumutulo sa aking mga mata. Sumilay din ang tipid na ngiti sa kanyang mga labi. "Thank you for always making my day." Mahina ko siyang hinampas. "Magalit ka sa 'kin, Josh, magalit ka! Sinasaktan kita kaya nararapat lang na kamuhian mo 'ko!" "I can't, hindi ko kayang magalit sa babaeng mahal ko. Hindi ko kakayanin." Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa kaliwa niyang pisngi. Sana lang talaga'y mahanap na niya ang babaeng para sa kanya. "Huwag mo akong kakalimutan, ha? Kahit na nasa malayo ka na." "I will never forget you..." Nasanay na ako sa presensya niya kaya alam kong mahihirapan ako sa oras na umalis na siya. Paano na ang kapatid ko? Alam kong lubos siyang masasaktan sa oras na malaman niya na aalis na si Josh. "Before I leave, can I have a favor?" I nodded. "Ano 'yun?" "Can I kiss you?" Natilan ako sa sinabi niya. "Just kid---" "Do it." I bit my lower lip. Iisipin ko na lang na pambawi ko sa pananakit ko sa kanya. "W-What?" "Kiss me.." Napaawang ang bibig niya sa sinabi ko. Hinawakan ko ang collar ng kanyang damit at ako na mismo ang humalik sa kanya. He was shocked. Pero nung tumagal ay gumalaw na ang mga labi niya. Habang magkalapat ang mga labi naming dalawa ay inaalala ko si Marcus. Hindi pa man kami, alam kong nagtataksil na ako! Hihiwalay na sana ako sa kanya nang hawakan niya ang batok ko para mas lalo pa akong mapalapit sa kanya. "J-Jo---" hindi niya ako hinayaan na makapagsalita kasi mas lalo niyang nilaliman ang paghalik sa 'kin. Gusto ko siyang itulak, pero hindi ko magawa hanggang sa naramdaman ko na lang na nakalapat na ang likod ko sa sofa. He is now on top of me. Hindi na ako gumaganti ng halik sa kanya kasi hindi ako makapaniwala sa kinikilos niya ngayon. "J-Josh, please..." Mukhang natuhan na siya kaya mabilis siyang lumayo sa 'kin. Inayos ko naman ang sarili ko habang napasabunot siya sa kanyang sa buhok. Mukhang hindi niya rin inaasahan na nagawa niya 'yon. "I am sorry, Gianna, I'm really sorry..." I wanted to slap my face so hard. Ako ang may kasalanan kasi pumayag ako na halikan niya ako. "Okay lang, Josh, okay lang. Aalis na ako!" Hindi ko na siya hinintay pa na umimik kasi mabilis na akong lumabas ng condo niya. Sakto naman na nakabukas ang elevator. Narinig ko ang boses ni Josh na tinatawag ako pero hindi ko na siya pinansin pa. Mabilis akong sumakay sa elevator at agad na sinaraduhan para hindi na siya makahabol sa 'kin. Pero hindi mawala sa isipan ko ang huling sinabi niya. "Hindi kayo pwedeng dalawa." Bakit? Bakit hindi kami pwede? Anong ibig niyang sabihin? "Ang tanga mo, Gianna, ang tanga tanga mo!" Panay ang sampal ko sa sarili ko dahil sa nangyari kanina. Hindi niya ako pinilit, ako ang kusang humalik sa kanya. Paano kapag ginawa rin 'yon ni Mask sa iba? Malamang na sobrang masasaktan ako kaya dapat lang ay hindi niya malaman ang nangyari. Nang makalabas na ako ng building ay natigilan ako nang makita ang lalaking nakasandal ngayon sa sasakyan. Seryoso ang tingin niya sa 'kin na para bang may ideya na siya kung anong nangyari. "Mar---" "Sakay!" Bumilis ang kabog ng puso ko dahil sa lamig ng boses niya. Nauna na siyang sumakay sa sasakyan kaya sumunod na ako. "I'm so--" "Don't talk to me!" I bit my lower lip. Nakayuko lang ako na para bang isang bata na napagalitan ng magulang. "Fuck! I am mad, fucking mad..." Mas binilisan niya ang pagmamaneho kaya napakapit na ako sa upuan. "M-Magpa-----" "I don't need your explanation. Mag explain ka man, galit pa rin ako, halikan mo man ako, Gianna, hindi pa rin mawawala ang galit ko." He called me by my name. Siguradong galit talaga siya sa 'kin. Kasalanan ko rin naman kasi hindi ako nagsabi sa kanya. Mukhang si Stella ang nagsabi sa kanya kung nasaan ako. "I love you, Marcus Caden Samaniego." He bit his lower lip. Halata sa kanyang mukha ang pagpipigil na ngumiti. "I love you too." My eyes widened. "You're not mad at me anym--" "Pero galit pa rin ako! Galit na galit!" "Pero nag I love you too ka." "Oh, yes, fuck! Galit ako pero hindi ko pa rin kakalimutan na mahal kita. Galit ako pero mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa 'yo. Tangina! Malalim ang pagmamahal ko sa 'yo, sobra sobra, mahal na mahal kita." Hindi ko mapigilan na mapangiti sa sinabi niya. Isa lang ang gusto kong gawin sa oras na 'to. Gusto kong maangkin ang mga labi niya. Mukhang may ideya na siya sa naiisip ko kasi ipinarada niya ang kotse niya sa gilid. "I am mad, honey, really mad. Now kiss me, alisin mo ang galit na nararamdaman ko ngayon." "Sinabi mo na halikan man kita hindi pa rin mawawala ang gal----" "I said kiss me..." Hindi na mawala ang ngiti sa mga labi ko. Umupo ako sa lap niya at pinaglapat ang noo naming dalawa. Magkapako lang ang tingin naming dalawa. Nahahalata pa rin sa mukha niya ang inis. "I will kiss you so hard until your lips bleed," I whispered. "Yes, honey, do it. Make my lips bleed because of your kisses. Do your job, honey, I'll do mine..." He bit his lower lip. "What is your job?" I asked. Nakahawak na siya sa magkabila kong bewang habang marahan na hinahaplos. "My job is to travel around my world, honey." Tulad nga nang sinabi niya, nag travel siya. Nag travel ang kamay niya sa katawan ko habang nagtatrabaho naman ako sa mga labi niya. Mukhang yayaman kami sa trabaho namin ngayon na ang sweldo ay baby. Oh gosh! Nahawaan niya na ako ng talento niyang kalandian! Chapter 37 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 37 1 month passed. Sa isang buwan na 'yun, naramdaman ko kung gaano ako kamahal ni Marcus. Pero syempre, hindi pa rin talaga nawawala ang kanyang kahalayan na pati ako'y hinahawaan niya. He is still courting me. Yes. Hindi ko pa rin siya sinasagot kasi gusto kong patunayan sa kanya na hindi lahat ng bagay ay madali niyang makukuha. Araw-araw palagi niya akong binibigyan ng boquet ng pagkain kaya palagi akong busog. At araw-araw din ay nilulunod niya ako sa bawat halik niya. My future boyfriend have a skills, at ano 'yun? Ang sumalakay araw-araw pero kahit na ganun ay nananatili pa rin akong birhen. Mahalay lang siya pero hindi niya ako pinipilit na gawin namin ang bagay na 'yun. Mahal niya ako at handa siyang maghintay. Tungkol naman kay Sapphire, nalaman ko na may dinaramdaman siya. She is suffering from bipolar disorder. Nalaman ko ang bagay na 'yun sa kanyang kapatid. At kasalukuyan na ulit siyang nagpapagamot kasi mas lalo na raw lumala ang sakit nito. Naging tahimik na ang buhay namin pero kahit na ganun ay hindi ko pa rin mapigilan na maawa sa kanya. Nagsisisi ako na pinatulan ko siya. At inamin rin ni Mask na alam niya ang tungkol sa bagay na 'yun kasi kinausap siya ng magulang nito. Sinabi nila na pakisamahan niya si Sapphire lalo na't alam nila na gustong-gusto 'to ng kanilang anak. 'Yun ang dahilan kung bakit palagi silang magkasama. Sinabi pa niya na wala raw nangyari sa kanila nung araw na mapanood ko ang video nila. Naghalikan lang naman silang dalawa. Ang nakakainis pa ay ako ang babaeng nasa isipan ni Mask na kanyang kahalikan kaya hindi niya nagawang itulak si Sapphire. Nang malaman ko ang bagay na 'yun ay sobrang kumulo ang dugo ko. May pasabi-sabi pa siya na sa 'kin lang darampi ang mga labi niya tapos mapapanood ko na lamang na may kahalikan siyang iba. Sobrang nakakagigil! "Kailan ba siya babalik ng Pilipinas?" Bungad agad ni Gennica nang makalabas ako ng banyo. Kakatapos ko lang na maligo. Hindi ko nga napansin na isang oras na pala akong nasa loob sa lalim ng iniisip ko. "Hindi ko alam, wala naman siyang sinasabi kung kailan siya babalik ng Pilipinas." Bumakas ang lungkot sa mukha niya. "Ganun ba?" "Gusto mo bang tawagan ko siya para magka-usap kayo?" Mabilis siyang umiling. "Huwag na, ate, alam mo naman ang nangyari bago siya umalis. Ayaw niya sa 'kin." Umupo ako sa kanyang tabi. Hinawakan ko ang palad niya at marahan na pinisil. "Palakihin mo kasi ang boobs mo para magustuhan ka niya." She glared at me. "Ate naman! Hindi ka nakakatuwa!" "Pero hindi nga, gusto mo bang tawagan ko?" Muli siyang umiling kaya malakas akong napabuntong hininga. Isang buwan na rin ang nakalipas simula nung umalis si Josh. Syempre nanibago pa rin ako kasi hindi ko na nasisilayan ang maganda niyang ngiti. Minsan ay tinatawagan niya ako pero ang madalas niya talagang tawagan ay si Stella. Magka video call pa ang dalawa. Minsan tinanong ko ang babaeng 'yun kung anong meron sa kanila. Palaging ang sinasagot niya lang ay special na tao buhay niya. Kahit mas madalas silang magkatawagan ay sinasabi pa rin sa 'kin ni Josh na mahal niya pa rin ako. Sinabi ko naman sa kanya na pag-uwi niya ay maging kaibigan na lang kaming dalawa kasi hanggang dun na lang ang kaya kong ibigay. I love my bee so much. Yes, my bee, kung honey ang tawag niya sa 'kin. Naisipan kong bee naman ang itatawag ko sa kanya. Pero hindi ko pa siya natatawag ng bee kasi baka magtatalon sa kilig ang mahalay na 'yun. At sa oras na mambabae siya! Beebeengutan ko talaga siyang mahalay siya! "Ate, sa tingin mo ba papansin niya ako pagbalik niya?" "Bakit naman hindi ka papansinin?" "Kasi baka mailang siya sa ginawa kong pag amin sa kanya." Hinatid kasi namin si Josh sa airport, nauna na ang magulang niya dahil may inayos pa siya. Nung araw na 'yun din umamin si Gennica ng nararamdaman niya para kay Josh. At sobrang nasaktan ang kapatid ko sa sinabi ni Josh, maging ako rin ay kumirot ang puso ko sa katagang binitiwan niya para kay Gennica. "I'm sorry, Gennica but you are just like a little sister to me." Hanggang ngayon ay dinaramdam pa rin 'yun ng kapatid ko. Sobra talaga siyang nasaktan. "Ano na? Papansinin niya kaya ako?" "Palakihin mo nga kasi ang boobs mo para pansinin ka niya." Mahina niya akong hinampas ng unan. "Ganyan ba ang natutunan mo kay Kuya Marcus?" I chuckled. "Marami pa akong natutunan sa kanya, gusto mong malaman?" "Ewan ko sa 'yo, Ate!" Nagmartsa na siya palabas ng kwarto ko kaya napailing na lang ako. Inayos ko na ang aking sarili habang ang lapad ng ngiti ko sa harapan ng salamin. Simpleng yellow dress ang suot ko na bumagay sa 'kin kasi maputi ako. Off shoulder ang style kaya labas ang magkabilang balikat ko. Syempre kailangan kong maging maganda sa paningin niya. This is it, Gianna! Ngayong araw ay magiging taken ka na. Yes. Ngayon ko na siya sasagutin. Sapat na ang isang buwan na paghihirap niya. Teka! Naghirap ba talaga siya? E kung kada segundo'y sinasalakay niya ako. Salakay na gustong-gusto ko! Gosh! I received a message from him. I couldn't help but smile while reading his message. Kahit papaano talaga ay masasanay ka na sa kahalayan niya. "Good morning honey, I love you. Araw-araw kitang mahal. Sobra sobra, walang kupas, walang katumbas ang pagmamahal ko sa 'yo hanggang dulo. I love everything about you, honey, everything. Fuck! See you in a bit, honey, ready your lips and hips. Mwaps!" Hindi ko na siya ni-replyan kasi alam kong kahalayan na naman ang matatanggap ko mula sa kanya. "Ang ganda ng ngiti natin, hija, ah," biglang sabi ni Aling Myla. Nandito siya ngayon para bumisita at ipamili kami ng mga groceries. Ilang beses ko nang sinabi sa kanya na rito na lang siya tumira pero ayaw niyang malayo sa kanyang pamilya. Naiitindihan ko naman siya kasi mahirap talagang malayo sa mahal sa buhay. Mabuti na lang nasanay na kaming magkapatid nang kami lang. "Masaya lang po ako kasi ngayong araw ko na po siya sasagutin ko." Her eyes widened. "Talaga, hija? Siguradong matutuwa ang batang 'yun. Ilang beses na niya akong kinulit na sabihin ko raw sa 'yo na sagutin mo na siya. Mukhang mahal na mahal ka niya talaga." Nakilala na rin niya si Mask kasi sa tuwing pumupunta rito si Aling Myla ay nasasaktuhan niyang nandito ang lalaking 'yun. "At ngayon na po ang tamang oras para sagutin ko siya." Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil. "Hangad ko ang kasiyahan mo, hija, ayokong maranasan mo ang nangyari sa magulang mo." Kumirot ang puso ko sa sinabi niya nang maalala ko na naman ang paghihiwalay nilang dalawa. "Mahal po ako ni Marcus at alam ko pong hindi niya gagawin ang ginawa ni Papa kay Mama." Hindi niya ako lolokohin, tama! Alam kong mahal niya ako at hindi niya kakayanin na masaktan ako nang dahil lamang sa kanya. -- "Hoy, babae! Hindi para sa 'yo 'yan!" Mabilis kong inagaw sa kanya ang plato kung saan nakalagay ang pancake na niluto ko. "Ang damot," maktol niya. "Kung gusto mo ng pancake, edi magluto ka nang sa 'yo!" Inamoy ko ang pancake at napangiti ako nang humalimuyak sa ilong ko ang bango. "Teka! Parang mayroon na akong ideya sa binabalak mo kasi may napanood ako sa tik tok nung isang araw." Tumingin siya sa itaas na para bang may iniisip. "Sasagutin mo na si Kuya Marcus? Oh my gosh, Ate! Finally! Magkakaroon ka na rin ng boyfriend!" She hugged me. "Yes. Matitibag na rin ang pagiging NBSB ko!" "I am so happy for you..." Nakita kong may namumuong luha sa kanyang mga mata kaya tumaas ang isang kilay ko. "Bakit ka naman umiiyak?" "Masaya lang ako kasi magkakaroon ka na ng boyfriend, ako ang mas bata pero ako pa ang naunang magkaroon ng karelasyon." "Niloko ka naman," I smirked. She glared at me. "Alam mo, panira ka talaga kahit na kailan! Kung hindi dahil sa 'kin ay siguradong hindi kayo magkakalapit ni Kuya Marcus!" Tama nga siya, kung hindi dahil sa kanyang dare ay siguradong walang mamumuong pagmamahalan sa aming dalawa ni Marcus. Siguradong puro away lang kami dahil sa ginawa niyang panti-trip nung unang lipat namin sa Cross Sign. "Edi thank you sa babaeng pinagpalit sa malapit." "Ate!" I laughed. Hindi ko na siya pinansin kasi nagsulat na ako sa papel ng salitang Yes. I saw this on tik tok. Nilagay nung babae ang papel sa ilalim ng pancake kung saan may nakasulat na 'I'm pregnant' at ipinakain sa husbad niya ang pancake. Nang malasahan nito na may lasang papel ay binuklat nung lalaki ang ilalim ng pancake at nakita niya ang magandang balita. At ganun din ang gagawin ko sa kanya. Hindi na tuloy ako makapaghintay na dumating siya. "Nandito na siya!" she shouted. Inayos ko muna ang sarili ko at mabilis na nagtatakbo palabas. Pagkalabas niya ng sasakyan niya ay sumilay agad ang ngiti sa kanyang mga labi. He was wearing a red hawiian polo shirt and a pair of white pants. Natulala na lang ako sa angkin niyang ka-guwapuhan. He loves to wear a polo shirt, kasi para raw easy access kapag gusto kong hawakan ang kanyang abs niya. Gosh! Marcus Caden Samaniego, ngayong araw din ay wala ka nang kawala pa sa 'kin. Nasa higit na 1987 na sampal ang aabutin niya sa oras na lokohin niya ako. Yes. Ganun na karaming I love you ang natanggap ko mula sa kanya. "Good morning, honey, I love you." "I-I lo--" Iimik pa lang sana ako nang dumampi na ang mga labi niya sa 'kin. Parehas na habol ang aming hininga nang magkahiwalay ang mga labi naming dalawa. Sobrang namumula na ang aking mukha sa nangyari. Nasa labas pa naman kami at baka may nakakita sa 'ming dalawa na umagang-umaga ay nagpapapakan na. "For you, honey..." Napangiti ako nang iabot niya sa 'kin ang boquet na puno ng mga pagkain. Humahalimuyak sa ilong ko ang bango ng chicken. "Umamin ka nga sa 'kin, Marcus Caden Samaniego, gusto mo ba talaga akong patabain?" Kahapon kasi ay may ibinigay siya ulit sa 'kin na ganito, syempre iba't ibang klase naman ng pagkain. He smirked. "Yes honey, gusto kong tumaba ka para kapag nag wrestling na tayo sa kam-----" "Agang-aga ay sobrang halay mo, nakakainis ka!" Tinalikuran ko na siya nang bigla niya akong ikulong sa kanyang bisig. Naramdaman ko ang paglapat ng kanyang ilong sa leeg ko na ikinataas ng mga balahibo ko. Naghahanda na naman siyang sumalakay! "Inaamin ko na gusto kong tumaba ka para wala nang ibang lalaki ang magkaroon ng gusto pa sa 'yo. Fuck! Selfish na kung selfish pero sa 'kin ka lang. Lahat nang sa 'yo ay pagmamay ari ko lalo na ang pinakatatago mong pus---" "Kinginamo, Marcus Caden Samaniego! Sobrang halay mo!" Hinampas ko siya dahil alam ko ang kanyang tinutukoy. Sobra na talaga ang kahalayan niya. Pussy? My ghad! "Hindi pa ako tapos honey, sinaktan mo na agad ako. Pinakatatago mong puso ang tinutukoy ko. Hindi 'yung is----" "Ewan ko sa 'yo!" Tinalikuran ko na muli siya dahil naiinis na talaga ako sa kanya. Paano ba naman kasi walang kasamang coke ang binigay niya. Kundi isang chuckie na hindi ko naman paboritong inumin. "Bakit ganyan ang mukha mo?" bungad ng kapatid ko. "Oh, sa 'yo na lang 'yan!" Iniabot ko sa kanya ang boquet na punong-puno ng mga pagkain. "Talaga? Akin na lang 'to? Omg! Masisira ang diet ko nito!" "Chuckie lang ang sa 'yo tapos akin na ang lahat!" Napaawang ang bibig niya sa sinabi ko. Napangisi naman ako at nilampasan ko na siya. "Honey..." Hindi ko pinansin si Mask kasi dumiretso na ako sa kusina. Sumunod naman siya sa 'kin at akmang hahalikan ako pero mabilis ko siyang itinulak palayo. "Are you mad at me, honey?" "Ewan ko sa 'yong mahalay ka!" "Hone---" "Upo!" Tinuro ko ang isang upuan nang mapansin kong kumunot ang kanyang noo. "Upuan 'yan, honey, hindi phone na oppo." Hinilot ko ang aking sentido sa inis na nararamdaman. Sa tuwing kasama ko siya ay hindi ko talaga akalain na isa siyang SSG President pero kapag naman nasa office niya siya, nagiging seryoso naman siyang tao. "Ipagtimpla mo ako ng kape at kumukulo talaga ang dugo ko sa 'yung lalaki ka!" Lumapit siya sa 'kin. Hinawakan niya ang magkabilang bewang ko at hinapit ako palapit sa kanya. Pilit ko naman siyang itinutulak palayo pero mas malakas siya. Siguro kaya ang init ng dugo ko sa kanya ngayon kasi may period ako. Sa kamalasan nga naman, ngayon pa ako nagkameron pero sabagay, mas masama kung hindi na ako dalawin ng period. "Huwag ka na magkape, honey, ako na lang magpapainit sa 'yo." Mas lalo akong nag-iinit, nag-iinit sa galit dahil sa kahalayan niya! Sasalakayin na sana niya ang leeg ko pero malakas ko siyang itinulak palayo. "Uupo ka o susuntukin kita?!" Para naman siyang bata na sumunod sa utos ko. Kinuha ko na ang pancake at pinatong 'yun sa mesa na nasa tapat niya. "I don't like pancakes, honey," Nakikita ko ang pag ngiwi niya habang pinagmamasdan ang pancake. Gusto ko naman iumpog ang ulo ko kasi hindi ko naitanong kung kumakain ba siya nang ganun. Nakakainis kasi mukhang palpak ang plano ko! "Ano bang gusto mo?" Nilingon niya ako habang nakataas ang sulok ng kanyang mga labi. "Ikaw, honey, ikaw ang gusto ko." Oh, Gianna, mahal mo 'yan! Mahal mo! Pigilan mo ang sarili mo na kumuha ng kutsilyo at baka masaksak mo siya nang wala sa oras. Mawalan ka pa ng boyfriend! "I mean kainin?" He licked his lower lip while staring at me. "Mga labi mo..." Sobrang halay talaga! Kailan pa naging pagkain ang mga labi ko para sa kanya? Muli akong napahilot sa aking sentido. Lalayasan ko na sana siya nang marinig ko ang kanyang sinabi. "Hindi ako kumakain ng pancake pero dahil niluto ng honey ko, kakainin ko." Kinuha na niya ang tinidor at sinimulan na niyang kumain. Nakamasid lamang ako sa kanya habang ang lakas ng kabog ng puso ko. Nang nakailang subo na siya ay tinalikuran ko na siya habang namumula na ang aking mukha. Kinikilig na agad ako! "Oh sh*t, honey!" I bit my lower lip. "B-Bakit?" Hawak na niya ang papel na nasa ilalim lang kanina ng pancake. "Kaya ba gusto mo akong pakainin nitong pancake kasi may surprise ka, honey?" I nodded. "Are you serious, honey? You want sex?" My eyes widened. Baliktad ang pagkakahawak niya sa papel. Napahampas na lang ako sa noo ko kasi ang Y ay naging X kasi napalabis ang linya. "Anong s*x ka riyan?! Yes kaya 'yan!" Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Nang bigla siyang matigilan. "Y-Yes?" Sumilay na ang ngiti sa mga labi ko. "Yes, bee, yes..." Finally! Natawag ko rin siyang bee. "What is the date today?" I asked. "July 25, honey..." Hanggang ngayon ay halata pa rin sa mukha niya ang gulat. "At ngayong July 25 ay sinasagot na kita..." "W-What?" Napangiti na lang ako sa kanyang reaksyon. Kinikilig talaga ako! "I love you, be-----" Bigla niya na lang akong sinalakay ng halik. Iniupo niya ako sa mesa habang pinagsasawa ang mga labi namin. "Damn, honey, I love you so much. Sobrang napasaya mo 'ko, sobra sobra... Sagad na sagad..." He kissed my forehead. "I love you, bee..." I put my arms around his neck. Magkalapat ang noo naming dalawa kaya naaamoy ko ang bango ng mint mula sa kanyang bibig. "Bee?" Dinampian niya ng halik ang mga labi ko. "Palagi mo na lang akong tinatawag na honey, kaya ang itatawag ko sa 'yo ay bee. Hindi mabubuo ang honey, kapag walang bee." Sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. Mas lalong bumilis ang kabog ng puso ko. "At kapag pinagsama ang honey at bee ang mabubuo ay baby," he smirked. "Mukha mo!" Kinurot ko ang tungki ng kanyang ilong sa sinabi niya. "I love you," he whispered. Darampi na sanang muli ang kanyang mga labi nang may bigla kaming narinig na ingay. "Aruy, jusmiyo mahabagin!" Mabilis kong itinulak si Mask nang makita kami ni Aling Myla na nasa ganoong sitwasyon. Gusto kong iumpog ang ulo ko sa kahihiyan. "Aling Myla, sinagot na po ako ng babaeng mahal ko! Sobrang saya ko po!" Bigla na lang niyakap ni Mask si Aling Myla kaya napangiti ako. "Alagaan at mahalin mo ng lubos si Gianna, ha? Para ko na rin siyang isang tunay na anak." "Nangangako po ako na aalagaan at mamahalin ko pa nang sobra ang girlfriend ko." Girlfriend ko, ang sarap sa ears. "Mabuti naman kung ganun. Pumunta muna kayong dalawa sa salas at ipaglu---" "Ako na lang po ang magluluto, Aling Myla, magpahinga na lang po kayo. Gusto kong pagsilbihan ang girlfriend ko." Namilog ang mga mata ko sa sinabi ni Mask nang bigla niya akong kindatan. "You know how to cook?" He nodded. Nagulat naman ako kasi hindi ko akalain na marunong siya magluto. Basta ang alam ko lang ay mahilig siyang kumain, ang kainin ang mga labi ko. "Really, bee?" Ngumisi siya. Hindi ko napansin na nakalapit na agad siya sa 'kin at hinapit na naman ako papalapit sa kanya. Nagtungo naman si Aling Myla sa salas kasi mukhang pagod na rin 'to sa raming gawain dito. "Yes, honey, I know how to cook, to bake a cake, and of course, to make a baby." Hindi na ako nakaimik pa nang muli niyang angkin ang mga labi ko. Sobrang saya ko sa araw na 'to. Finally, we're now official... Marcus Caden Samaniego is now my boyfriend, my bee and my everything. Chapter 38 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 38 "Kalma gurl, hindi ka ipagpapalit ni President sa babaeng 'yun." "How to calm, Stella? Tell me how!" Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil para mapakalma lamang ako. Nanatili naman ang tingin ko sa labas kung saan may kausap na babae si Mask. At sino 'yun? Panibagong langaw na naman! Bakit ba maraming sumusunod na langaw sa boyfriend ko? Kailangan ko na yatang magdala ng baygon na pampuksa sa malalandi. Dahil pumunta ng ibang bansa si Josh, pansamantalang munang may ipinalit sa kanya na magiging Vice President. Almost 1 month na rin ang babaeng 'yun sa ganung posisyong. At halos isang buwan na rin na kumukulo ang dugo ko sa kanya. Halata naman na may gusto siya sa boyfriend ko. Dahil wala akong tiwala sa langaw na 'yun ay palagi akong nasa office nila. Yes. Magkasama silang dalawa at siguradong kilig ang tumbong ng babaeng 'yun! Her name is Malandencia, hindi na nakakapagtaka kung bakit 'yun ang pangalan niya. Kasi Malandecia! "May gunting ka?" Her eyes widened. "Anong gagawin mo sa gunting? Huwag mong sabihin na may gagawin kang masama sa babaeng 'yun?" "Naiinis ako na ako! Sobrang naiinis na talaga ako! Kanina pang nag-bu-beautiful eyes ang malanding 'yun sa harapan ng boyfriend ko. Tusukin ko kaya ang mga mata nito nang tuluyan na siyang mabulag!" Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko nang mapansing pinasadahan ng tingin ng babaeng 'yun ang kabuuan ni Mask. Kailangan ko na talaga ng baygon pampuksa sa malanding 'yun! Ghad, Gianna huwag kang papayag na mayroong umaaligid na langaw sa tabi ng boyfriend mo! "Sa loob ng dalawang linggo niyo nang magka-relasyon, wala naman akong nabalitaan na mayroong babae si President kaya kumalma ka riyan. Tungkol lang naman siguro sa paglaban nila sa ibang school ang kanilang pinag-uusapan. Ibig sabihin, walang meaning." Two weeks. Sa loob ng dalawang linggo ay masasabi ko na talagang mahal niya ako. Palagi niyang pinaparamdam sa 'kin kung gaano ako ka-special sa buhay niya. Pero syempre hindi pa rin nawawala ang pagiging mahalay niya. Talent niya 'yon, e. "Mahirap kumalma kung may malanding umaaligid sa kanya!" Sobrang higpit na ng hawak ko sa aking ballpen kasi hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos ang usapan nilang dalawa. Talagang sa harapan ko pa! Sa harapan ko pa maglalandian silang dalawa! Humanda sa 'kin ang lalaking 'yun! Hindi talaga siya makakahalik sa 'kin! "You should trust him," she said. "May tiwala ako sa kanya pero sa langaw na 'yun, wala! Pangalan pa lang, pang-malandi na!" Nawala na nga si Sapphire, may pumalit naman sa pwesto niya. Nalaman ko na dinala sa States si Sapphire para ro'n na magpagamot. Mukha talagang lumalala na ang sakit nito. "Honey..." Hindi ko napansin na nakalapit na pala siya sa 'kin. Umub-ob ako kasi ayokong makita ang pagmumukha niya. Hindi talaga siya makakahalik sa 'kin mamaya. Pero kaya ko ba? Hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi niya ako nahahalikan. Sinanay niya akong mahalay siya! "Honey, pansinin mo naman ako..." Umalis na ako mula sa pagkaub-ob at inis ko siyang hinarap. "Bakit ba?!" "Are you mad?" Hinawakan niya ang aking kamay at marahan na hinalikan ang likod ng palad ko. Bakit 'yan lang ang hinahalikan mo? Bakit hindi ang mga labi ko? Ghad, Gianna! Malala ka na talaga! "Bakit naman ako magagalit?" Nakita ko sa kanyang mukha na naguguluhan siya. Dumako ang tingin ko sa langaw na 'yun na hanggang ngayon ay nasa labas pa rin ng aming room. Biglang kumulo ang dugo ko nang mapansin na tinaasan niya ako ng isang kilay. Aba matapang! "Why are you acting like that, honey? Tell me if you are mad! Hindi 'yang ganyan na mag-iisip ako kung ano ba ang ginawa ko." Hinila niya ang isang upuan at dinala sa aking harapan. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko habang pilit niyang hinuhuli ang tingin ko. Kinginamo, Marcus Caden Samaniego, nagseselos ako! Landi pa more, wala kang halik latur! "Hindi nga sabi ako galit! Mabuting pang puntahan mo na ang babaeng 'yun at naghihintay na siya sa 'yo. Pakasaya kayong dalawa!" Tinapik ko ang kamay niyang nasa mukha ko kasi naiinis talaga ako. Hindi niya ba napapansin na nagseselos ako? Ano? Puro kahalayan lang ba talaga ang alam niya? Paano naman ang nararamdaman ko? Manhid ba siya?! Kingina nilang dalawa! "Ho---" "Enjoy sa landian ninyong dalawa! Bahala kayo sa buhay ninyo!" "W-Wh---" Mabilis kong hinila si Stella patungo ng pintuan. Mabuti na lang talaga na nasenyasan ko siya na ayusin na niya kanyang mga gamit. Narinig ko ang pagtawag ni Mask pero hindi ko siya pinansin. Nang nasa tapat na kami ng pintuan ay nakita ko ang lapad ng ngisi ng babaeng 'yun. Huminto ako sa harapan niya habang magkapako na ang tingin naming dalawa. Pinigilan ko ang sarili ko na hablutin ang buhok niya kasi naiinis ako sa panlalandi niya sa boyfriend! "Alam mo bang kahit ano pang gawin mong panlalandi sa boyfriend ko'y hinding-hindi ka magtatagumpay," I smirked. Napaawang naman ang bibig niya sa sinabi ko. "Kasi ako ang mahal niya. Ako lang ang babaeng maganda sa paningin niya!" Nilampasan ko na siya. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Stella. "Ikaw na talaga, gurl!" "Naiinis talaga ako sa langaw na 'yun! Sa dinami-raming lalaking pwedeng dapuan, talagang ang boyfriend ko pa ang napili!" Alam kong magtatagal pa ang inis ko sa babaeng 'yun kasi walang kasiguraduhan kung kailan uuwi si Josh. Kailangan pa kasi sila ng kapatid niya na hanggang ngayon ay ginagamot pa rin. "Honey..." Napahinto ako sa paglalakad nang may humawak sa braso ko. Inis ko siyang hinarap. "Mahal kita kaya hindi ko maga----" "Bitaw!" Pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa braso ko pero hindi ako nagtagumpay kasi bigla niya na lamang akong hinila papalapit sa kanya at sinalubong ng yakap. "Kung nagagalit ka man, sorry, honey, sorry kung anong nagawa ko. Fuck! Hindi ako gagawa ng bagay na ikasasa--" "Bibitaw ka sa yakap mo o ako ang bibitaw sa relasyon na 'to?!" Naramdaman kong mas humigpit ang yakap niya sa 'kin. Alam kong marami na ang nanonood sa 'min ngayon. Syempre, ikaw ba naman ang makakita ng mag jowang nag-aaway malamang ang sarap panoorin lalo na ng mga single. "I won't honey, hindi ako bibitaw kahit anong mangyari. Kakasimu--" "Oh yes! Kakasimula pa lang na maging tayo pero lumalandi ka na agad! Hindi pa ba ako sapat para sa 'yo, ha?!" Nag ipon ako ng lakas at itinulak ko siya palayo sa 'kin. Nakikita ko sa kanyang mukha na naguguluhan siya kung bakit ako nagkakaganito. "Hindi ako nakikipagla---" "Break na tayo! Salamat sa 2576 na mga I love you mo, at salamat din sa dalawang linggong pag-ibig, sa bawat halik na pinagsaluhan natin, salamat na lang sa lahat!" Natigilan siya sa sinabi ko samantalang hinila ko naman palayo si Stella sa lugar na 'yun. Narinig ko ang pagtawag ni Mask pero hindi ko na siya pinansin pa. Nagtungo kami sa locker room para kuhanin ang jersey namin para sa aming P.E. Mayroon kaming badminton ngayon. "Seryoso ka, gurl? Makikipaghiwalay ka sa kanya ng ganun-ganun na lang?" hindi niya makapaniwalang tanong. "Syempre..." Binuksan ko na ang locker ko upang kuhanin ang jersey ko. Magkatabi lang ang locker naming dalawa. "Hindi mo na talaga babawiin 'yun? Baka nabigla ka lang sa sinabi mo. Hindi mo man lang nagawang pakinggan ang paliwanag niya." "Syempre hindi, joke lang naman 'yun! Naiinis ako sa kanya kasi wala siyang ideya na nagseselos na ako! Kinginila nila! Magsama na silang dalawa!" Malakas kong isinara ang pinto ng locker ko nang makuha ko na ang aking jersey. "Alam mo ba kung bakit wala siyang ideya na nagseselos ka? Kasi alam niya sa sarili niyang wala siyang ginagawang masama na ikakasakit ng damdamin mo. Simula nung ligawan ka niya ay wala nang babaeng makalapit pa sa kanya kasi seryoso siya sa 'yo. Kailangan ninyong pag-usapan 'yan kasi baka tuluyan nang masira ang relasyon ninyong dalawa." Hinarap ko si Stella. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil. "Natatakot lang naman ako kasi nung una ko siyang makilala'y tinagurian na siyang isang playboy. Marami siyang babae at saksi ako ro'n, paano kung isang landi lang sa kanya ay magpadala siya at iwanan ako? Sobrang natatakot ako na mangyari ang bagay na 'yun..." "Tama ka, naging saksi rin ako kung gaano siya ka playboy pero nagbago lamang 'yun nung dumating ka sa buhay niya. Ikaw ang nagbago sa kanya at alam kong seryoso siya sa 'yo. Nakikita ko rin sa kanya na sobrang mahal na mahal ka niya." That hit me hard because she is right. Gusto kong iumpog ang ulo ko sa pader dahil nagpadala ako sa selos at inis na nararamdaman ko. Paano nga kung sa pagsabi ko sa kanya na break na kami ay tuluyan na siyang mawala sa 'kin? Sigurado na talaga ako na nasa talampakan ang utak ko! Nandito na kami ngayon sa field, nakaupo lang ako sa damuhan kasi iniisip ko pa rin ang nangyari kanina. Sobrang O.A ko, napaka O.A ko para makipag break sa kanya nang ganun na lang. Dumako ang tingin ko sa power puff girls na nagpa-practice na ng paglalaro ng badminton. Kulang na sila ng isa kasi wala ang kanilang leader na kasalukuyang kasama ni Sapphire sa States. In fairness, nakakamiss makitang kumpleto silang tatlo. Hindi nila magagawang iligtas ang earth kung kulang sila ng isa. Si Stella naman ay may kalaro na rin. Masaya ako kasi nakikipag-usap na siya sa iba na hindi tulad no'n na mas gustong mapag-isa. Hinanap ng paningin ko si Marcus at malakas akong napabuntong hininga kasi hindi ko siya makita. Ano? Ganun na lang ba? Payag na siya na mag break kaming dalawa? Hindi niya man lang ako nagawang sundan para suyuin! Nasaan na ba siya ngayon? Nasa kandungan na ba siya ng babaeng 'yun? Edi tangina nila! Magsama silang dalawa! Nagsimula na silang maglaro ng badminton habang hinihintay ko naman na banggitin ang number na nabunot ko. Pang-unang lumaro si Stella. "Go, Stella!" Nilingon niya ako at sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Panay naman ang cheer ko sa kanya. Mabilis akong lumapit sa kanya at sinalubong siya ng yakap kasi siya ang nanalo sa laban. "Congrats, Stella, ikaw na talaga ang magaling sa lahat ng sports!" "Thanks, gurl, galingan mo rin. Alam kong kaya mong patumbahin ang kalaban mo." "Syempre, wala man akong hilig sa sports, talagang gagalingan kong maglaro dahil doon ko ibubuhos ang galit na nararamdaman ko." Muling nagsimula ang laro, pang walo na ang naglalaro habang ang number ko naman ay sampu. Hanggang ngayon wala pa rin ang lalaking 'yun. Nakakainis! Kapag nakatapos ako ng laro at hindi ko pa rin siya nakikita. Makikipaghiwalay na talaga ako sa kanya! Wala nang kiss, wala nang mahalay, wala na ang lahat! Goodbye Marcus Caden Samaniego. Bahala ka na sa buhay mo! "Number 10." Tumayo na ako kasi ako na ang maglalaro. "Good luck, gurl! Kaya mo 'yan!" Tumango lang ako at tumakbo na papalapit sa net. Nasa kabila naman si Shasha na kalaban ko na ngayon ay masamang nakatingin sa 'kin. Isa rin siya sa patay na patay sa boyfriend ko. Nakakainis kasi pinapalibutan ako ng mga langaw. "I'm sorry, sir, I was late." Natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Marcus. Nakasuot na siya ngayon ng red na jersey kaya lumantad na naman ang kanyang kaputian. Ang gwapo talaga ng boyf-- ex ko na pala kasi break na kami! Nagtama ang tingin naming dalawa kaya iniwas ko ang tingin sa kanya. Napahigpit ang hawak ko sa raketa kasi alam kong hindi niya inaalis ang tingin niya sa 'kin. Mahalay 'yan, e, alam kong hubad na ako sa isipan niya. Kingina niya! "Start." Tumira na si Shasha at akmang hahampasin ko na ng raketa ang shuttle cock nang bigla na lang may humablot sa braso ko. "Ikaw pala 'yan ex," I smirked. Nakita ko ang inis sa mukha niya sa sinabi ko. Nagulat ako nang bigla niya na lang akong binuhat ng pang kasal kaya naagaw namin ang atensyon nila. "Ibaba mo ako ex, kinginamo!" Hinampas ko siya sa balikat pero nagmatigas siya. Lumapit siya kay, Sir, na nagtatakang nakatingin sa 'min. "Dalhin ko lang po, Sir, sa clinic ang girlfriend ko. Masakit ang puson." Hindi pa tumutugon si, Sir, ay tinalikuran na 'to ni Mask. Habang ako naman ay panay ang hampas sa kanya. Wow! Ang galing din! Masakit daw ang puson ko? Benta ang dahilan niya, ah! Alam kong sasalakayin niya lang ako. At saka sa clinic? Wow! Mukhang sa kama na, hindi na sa mesa. Improving ang loko! "Sinabi nang ibaba mo na 'ko, ex, maglalaro pa ako ng badminton at wala akong oras na makipaglaro sa 'yong mahalay ka!" "Please, honey, stop calling me ex, hindi tayo nag break, walang mag be-break at kahit kailan hindi mo ako magiging ex!" Seryoso na ang mukha niya at alam kong naiinis na siya. "At bakit? Darating din naman ang araw na magiging ex kita!" Hi bit his lower lip. Inaakit niya ako! Sunggaban kita dyan, e! "Sa tingin mo bang papayag ako na mangyari 'yan, honey?" Naramdaman kong mas binilisan niya ang kanyang ang paglalakad. Masyado siyang excited na salakayin ako! "Bakit naman hindi ka papayag? Para malaya ka nang lumandi sa ib--" "Kasi ikaw ang babaeng papakasalan ko." Natigilan ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko'y tinapalan na ng blush on ang aking mukha ko sa sobrang pula. Kinikilig ako! Nang makapasok kami sa clinic ay sinalubong agad kami ng nurse. Inilapag naman ako ni Mask sa kama at hinarap niya ang nurse na nag-aalalang nakatingin sa 'kin. Sa tingin ko'y dalaga pa siya kasi panay ang sulyap niya kay Mask. Dumarami na ang langaw na patay na patay sa boy-- ex ko! "What happ----" "Ako na ang bahala sa girlfriend ko, walang kahit anong klase ng gamot ang magpapagaling sa kanya kundi ako." Nakita ko naman ang gulat sa mukha ng nurse. "Huwag kang ma----" he cut me off. "Please leave us alone, baka hindi mo magustuhan na makita ang paraan ng pang-ga-gamot ko sa girlfriend ko." My eyes widened. "Makakarating 'to sa Principal," gigil na sabi ng nurse. "Please lock the door, ayokong may maka-istorbo sa pang-ga-gamot ko sa honey ko..." Nagmartsa na palabas ang nurse na 'yun habang ang lakas ng kabog ng puso ko. Siguradong mag-iinit na naman ang dugo ng leon na 'yun sa 'kin. Naalala ko bigla nung ipinakilala ako ni Mask bilang girlfriend niya sa kanyang auntie, which is ang Principal. "Auntie, I want you to meet my girlfriend." Nakita ko ang gulat sa mukha ng leon na 'yun. Kasalukuyan kaming nasa office niya. Mahigpit ang hawak ko sa kamay ni Mask kasi kinakabahan ako. Baka lamunin ako ng leon! Hindi pwede! Si Mask lang pwede lumamon sa 'kin. "I told you to stay away from he---" "I love her, auntie, I really do." Napangiti ako sa sinabi ni Mask. That's my bee, ang magiging ama ng aming baby. "But she is a bad in----" Muli na naman umimik si Mask na ikinakilig ng tumbong ko. "She is my everything, auntie, my everything, at siya ang babaeng makakasama ko sa harapan ng stage na magsusuot ng medalya ko." Napangiti naman ako nang maalala ko ang bagay na 'yun. Dumako ang tingin ko kay Mask na hindi ko maipaliwanag kung ano na ang tumatakbo sa isipan niya. Umupo na siya sa gilid ng kama nang bigla niya akong salubungin ng yakap. Hinayaan ko na lang siyang ikulong ako sa bisig. "I love you, honey, mahal na mahal kita. Kung iniisip mo na lum----" I pushed him away. "Naiinis ako sa 'yo! Sobrang naiinis ako! Bakit ba ang manhid mo, ha?!" Panay ang hampas ko sa kanya nang hawakan niya ang braso ko para patigilin. "What is wrong, honey? Pleas---" "What is wrong mo ang mukha mo!" Humiga na ako sa kama at tinalikuran ko siya kasi baka hindi ko mapigilan na masuntok siya sa inis. "Please, honey, sabihin mo naman kung anong problema. Fuck! Mababaliw na ako!" "Isipin mo!" Kinuha ko ang isang unan at ibinato sa kanya. Sapol sa mukha kaya pinigilan kong matawa. Bagay lang 'yan sa 'yo! Nakasandal na ako ngayon sa headboard ng kama habang nakaupo naman siya sa gilid. "Are you jealous?" Ngayon mo lang nalaman? Gago ka ba?! "Huh? Ako? Nagseselos? Bakit naman ako magseselos? Kahit maghalikan pa kayo sa ha----" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kasi sinalakay na naman niya ang mga labi ko. "Honey, ikaw lang, ikaw lang ang babaeng hahalikan ko. Ikaw lang ang babaeng mahal ko kaya huwag ka nang magselos pa. Ikaw lang ang babaeng paliligayahin ko, ikaw lang din ang babaeng dadalhin ko sa kam---" "Kama na 'to, ano pang gusto mo?" He smirked. Bigla niya na lang hinawakan ang magkabilang bewang ko at hinila para tuluyan akong mapahiga sa kama. Tumabi naman siya sa 'kin at ikinulong ako sa bisig niya. Ay? Yakap lang? Walang kiss? "Honey, kung iniisip mo na niloloko kita, nagkakamali ka. Damn! Hindi ko magagawa 'yun sa 'yo. Hindi ako gagawa ng bagay na ikasasakit mo. Nung makita kitang umiyak nung gabing 'yun, tangina! Ang sakit, sobrang sakit na makitang nasasaktan ka na pala nang dahil sa 'kin. I will never hurt you again. Hindi ko na kakayanin pa na makitang may luhang tumutulo mula sa mga mata ng babaeng mahal ko. " Magkaharapan na kami habang marahan niyang hinahaplos ang pisngi ko. "Nagseselos lang n--" "Don't be jealous, honey, walang-wala ang babaeng 'yun kumpara sa 'yo. Landiin man niya ako, hindi pa rin ako magpapadala sa kanya, why, honey? Because I am in love with you, pagmamay-ari mo ang puso ko, kahit ang katawan ko, even my jun----" "Shut up!" Hinalikan niya ang noo ko at muli akong ikinulong sa bisig niya. "Please, honey, don't ever say those words again. Ayokong marinig muli sa 'yo ang salitang break na tayo, okay lang na sabihan mo 'ko ng malandi, mahalay pero ang salitang 'yun? Fuck, honey, masakit marinig 'yun mula sa 'yo. Nasasaktan ako honey, masakit sa puso..." I couldn't help but smile while staring at him. "I'm sorry bee, hindi ko na ulit sasabihin 'yon. Joke la---" "Joke? Joke lang para sa 'yo? Fuck! Those words is killing me. Maisip ko pa lang na mawala ka sa tabi ko ay hindi ko na kakayanin. Anong ginawa mo sa 'kin? Anong ginawa mo para mahalin kita ng ganito? Honey, sobra sobra ang pagmamahal ko sa 'yo, mahal na mahal kita. " Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at marahan na hinaplos. "Bakit hindi mo ako sinundan kanina, ha? I was waiting for you! Hinihintay ko na suyuin mo 'ko!" Magkatitigan lang kaming dalawa habang naririnig ang lakas ng kabog ng mga puso namin sa sobrang lapit namin sa isa't isa. "Kinausap ko ang babaeng 'yun, ipinamukha ko sa kanya na ikaw ang mahal ko. Na mahal na mahal kita, at huwag kang mag-alala, honey. Hindi na siya ang Vice President, nakiusap ako kay auntie na alisin na 'to para hindi mo na ako awayin pa." Nagulat ako sa sinabi niya. Kaya pala hindi niya ako sinundan kanina. "I love you, bee," I whispered. Naramdaman ko ang pagpisil niya sa magkabilang bewang ko na ikinataas ng mga balahibo ko. Kahalayan alert! "Honey, bukod sa matulog, ano pang pwedeng gawin sa ibabaw ng kama?" He bit his lower lip. Mas lalong namula ang labi niya dahil sa pagkagat niya. Alam kong inaakit niya ako. At naaakit na ako! "Kumain?" Mas lalong lumapad ang kanyang ngisi. Hindi na ako magtataka kung lumusob na ulit siya. "I'm hungry honey, at ikaw lang ang pagkain na nakikita ko na kahit kailan ay hindi ko magagawang pagsawaan. Be ready, honey, I'm going to eat you." Tulad nga nang sinabi niya, kinain niya ako, kinain niya mga ang labi ko nang walang tigil. Isa lang ang masasabi ko, hindi ko na kayang mawala siya sa buhay ko. Hindi ko kakayanin kapag walang Marcus Caden Samaniego ang sumasala--- nagmamahal sa 'kin. Chapter 39 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 39 Panay ang sulyap ko sa kanya habang busy siya sa pagmamaneho. Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala na minahal niya ako. Ako na yata ang pinaka-maswerteng babae kasi may nagmamahal sa 'kin na isang Marcus Caden Samaniego na nag-iisa lamang sa mundo. Halos tatlong araw din kaming hindi nagkasama kasi dumayo sila sa ibang school kasama ng Principal. Pero kahit na ganun ay hindi pa rin siya nakalimot na tawagan ako. Kahit na busy siya, kada minuto naman ay nag-me-message pa rin siya sa 'kin. I was wearing a black crop top and a pair of white pants. Habang siya naman black din na shirt at puting pantalon. Nainis pa siya kanina kasi labas daw ang tiyan ko pero dahil ako ang batas, wala na siyang nagawa pa. "I know I am handsome, honey, pero huwag mo naman ako masyadong titigan. Baka matunaw ako at maglaho, ayaw kitang iwanan nang hindi pa kita nadadala sa kalangi----" Mahina ko siyang hinampas sa balikat. "Mukha mo!" "Why, honey? Hindi ba gwapo ang boyfriend mo?" "Gwapo kaso mahalay," I chuckled. "Pero mahal mo?" Sumulyap siya sa 'kin kasabay nang kanyang pagkindat. Namula naman ang aking mukha. "Mahal ko, sobrang mahal na mahal..." I bit my lower lip. Kinikilig ako! "Mas mahal kita, honey, mahal na mahal, sobra sobra..." Gusto kong tumili sa kilig na nararamdaman. Anong meron sa 'kin at sobrang swerte ko? Lubos akong pinagpala sa lahat. "Where are we going?" Napansin ko kasi na napapalayo na kami. Hindi naman niya sinasabi kung saan kami pupunta. "Sa lugar kung saan mahihibang ka sa sarap..." My eyes widened. Ngumisi lang ang loko. Nakakaramdam ako ng kahalayan sa ngisi niya. "Saan nga?" "Motel." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Ay? Sa motel lang? Bakit sa motel pa? Ang chea--- my ghad, Gianna! "Kinginamo!" Malakas ko siyang hinampas habang patuloy pa rin siya sa pagmamaneho. "Honey!" "Ano?" "Kailangan ng halik ng makasalanan mong mga labi." Inihinto niya ang sasakyan sa tabi at mabilis niyang sinalakay ang mga labi ko. Syempre hinayaan ko siya na pagsawaan ang aking mga labi. Todo ganti naman ako sa bawat halik na binibigay niya. "Hindi mura ang gusto kong marinig mula sa 'yo." We're both gasping for air. Syempre, ikaw ba naman ang ma-torrid kiss ng isang tulad niya. Ewan ko na lang kung hindi ka malagutan ng hininga. "Ano?" "Ungol mo habang binabanggit ang pan----" "Ikaw ang pauungolin ko riyan sa sakit, kinginamo mong mahalay k----" He claimed my lips again. Nang maghiwalay ang mga labi namin ay pinaglapat niya ang noo naming dalawa. "Give me your lipstick, honey." "At bakit? Bading ka n---" "Now..." Wala na akong nagawa kundi kuhanin ang lipstick ko at mabilis na binigay sa kanya. "Anong gagawin mo sa lipstick? Nababading ka na bang mahalay ka?" Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko at marahan niyang nilapatan ng lipstick ang mga labi ko. "Kung kaya kong alisin ang lipstick mo, syempre kaya ko rin na ibalik, honey." Pinagmasdan ko ang sarili ko sa harapan ng salamin. Namangha ako kasi walang labis ang pagkakalagay niya. Iimik pa sana ako nang marinig kong tumunog ang aking phone. Napangiti ako nang makita na si Mama ang tumatawag. "Hello, Ma---" Pinandilatan ko ng tingin si Mask nang bigla niyang hablutin ang aking phone. "Hello po, Ma..." Hindi ko mapigilan na mapangiti habang nakamasid sa kanya. Yes. Kilala na siya ni mama at masaya ako kasi boto siya sa boyfriend ko. Nakilala niya si Mask, through video call. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin umuuwi 'to at sobrang miss ko na siya. "Yes po, Ma, kasama ko po ang anak niyo." He looked at me and smiled. "I will take care of your daughter, Ma, mahal na mahal ko po ang prinsesa niyo." Hindi ko na mapigilan ang sobrang pag-ngiti habang pinagmamasdan siya. Hindi ko na talaga kakayanin pang mawala siya sa buhay ko. Kahit na mahilig pa siyang salakayin ako! "At kapag dumating po ang tamang panahon, nangangako po ako na hihingin ko na ang kamay ng inyong anak kasi siya po ang babaeng gusto kong pakasalan at makasama habambuhay." Natapos na ang tawag pero hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ko. Sobrang bilis din ng kabog ng puso ko. Nilapit niya muli ang mukha niya sa 'kin at marahang hinalikan ang noo ko. "At ang pangakong 'yun, honey, ay tutuparin ko kahit na anong mangyari." -- "Meranda Celistine Samaniego." 'Yan ang pangalan na nakaukit sa lapidang nasa harapan namin ngayon. Nilingon ko si Marcus na ngayon ay nababakas sa mukha ang lubos na kalungkutan. Hinawakan ko ang kamay niya at marahan na pinisil. Ngumiti lang siya pero nakikita pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata. Ibang Marcus ang nakikita ko ngayon, walang kahalayan kundi ang sakit na nararamdaman ang nababakas sa kanyang mukha. At nasasaktan din ako. "How are you, Mom? I missed you so so so much." Marahan niyang hinaplos ang pangalang nakaukit sa lapida. Naramdaman ko rin ang mahinang pagpisil niya sa kamay ko. Alam kong matagal nang wala sa mundong ito ang babaeng nagsilang sa kanya. Ngayon lang niya ako dinala rito. Hindi ko pa rin nakikilala ang kanyang Dad na busy sa business nito. Ang tanging kasama ni Mask ay ang auntie niya na kapatid ng kanyang ama. Kaya rin siguro ganun na lang ang inis sa 'kin nito kasi bad influence raw ako sa kanyang pamangkin. "My mom left me when I was only 12 years old, it hurts. It was fucking hurts." Hinawakan ko ang kaliwang pisngi niya at ihinarap sa 'kin ang kanyang mukha. "Huwag mong pigilan ang luha mo na pumatak kasi nandito lang ako. Pwede kang maging mahina sa 'kin at ako rin ang magbibigay ng lakas sa 'yo. Ako ang sandalan mo at hindi ako mawawala sa tabi mo." He hugged me tight. Naramdaman ko naman ang pagtulo ng mga luha niya sa balikat ko. He didn't say a word, all he can do is to cry, and it is breaking my heart. Nang mailabas na niya ang kanyang mga luha ay humiwalay na siya ng yakap sa 'kin. Marahan kong pinunasan ang kaunting likido na naiwan mula sa kanyang mga mata. "Mom, I want you to meet my girlfriend. Ang babaeng nagbibigay saya ngayon sa buhay ko. I love her so much, Mom, sobrang mahal na mahal ko." Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na hinalikan ang likod ng aking palad. Gusto kong maiyak sa tuwa kasi ramdam kong mahal na mahal niya talaga ako. "Look at her, mom, she is so beautiful, right? Just like you.." He smiled. "At siya ang babaeng ihaharap ko sa altar." Hinaplos ko ang pangalan na nakaukit sa lapida. Hindi ko akalain na sobrang lungkot ng pinagdaanan niya no'n. Ang sakit sa puso. "Hello po, Tita, ako nga po pala si Gianna, at nangangako po ako sa inyo na aalagaan ko ang anak niyo. Gagawin ko po ang lahat para mapasaya ko siya at mas mamahahalin ko pa po siya nang sobra sobra. Thank you, Tita, for bringing him into this world. Thank you for raising your son to be the man of my life. I will do everything for him, he is a blessings to me. I'll give him my world, at Tita, mundo ko na ang an---" Hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin nang angkinin na niya ang mga labi ko. Hanggang sa naramdaman kong may pumapatak na likido sa aking pisngi. Bakit? Bakit siya umiiyak? Nang matapos ang halik ay pinaglapat niya ang noo naming dalawa. "Oh god, honey, I am so lucky to have you, so damn lucky. Hindi ko kakayanin na pati ikaw ay mawala sa buhay ko. Honey, mahal na mahal kita, sobra sobra, walang katapusan, walang dulo, walang hangganan ang pagmamahal ko sa 'yo." Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at marahang pinunasan ang kanyang mga luha. "Mahal kita, bee, kahit na mahalay ka." He just chuckled and claimed my lips again. Oh god, I wonder how I got to be so damn lucky. -- Halos dalawang oras ang itinagal namin sa eternal garden. Kasalukuyan na kami ngayong nasa Enchanted kingdom. Gusto ko siyang mapasaya, kailangan niyang maglibang para naman mawala ang sakit na naramdaman niya kanina. At ngayon, kanina pa siyang nagmamaktol na umuwi na kami. Why? Kasi napapamura na lang siya habang pinapanood ang pag-andar ng anchors away. Lalo na sa lakas ng hiyawan ng mga taong nakasakay. "Kalma lang, Marcus, kalma. Hindi tayo mamamatay kapag sumakay tayo riyan." Hinawakan ko ang kanyang kamay para pakalmahin. Pinipigilan kong matawa kasi nahahalata talaga ang takot sa kanyang mukha. "How to calm, honey? Tangina! Maiiwan ang kaluluwa ko riyan! Mamamatay ako honey, maiiwan kita, 'di ko kakayanin." Pilit niya akong hinihila paalis sa pila pero nagmatigas ako. Marami ang nakamasid sa amin kasi agaw pansin talaga ang ka-guwapuhan ng boyfriend ko. At naiinis ako! "Kasama mo naman ako kaya huwag kang matakot." "Please honey, huwag na tayo sumakay sa barkong 'yan! Mabuti pang ako na lang ang sakyan mo, mas mabilis pa ako at mahihibang ka pa sa sarap." "Kinginamo!" Sa tingin ko ay sobrang pula na ng mukha ko nang dahil sa sinabi niya. "Miss, siya na lang daw ang sakyan mo." "Sana all pwedeng sakyan!" "Ang gwapong sakyan naman niyan!" "Honey, kailang ng ha---" Hinila ko na si Mask palayo sa lugar na 'yun bago niya pa matuloy ang paghalik sa 'kin. Ang lapad naman ng ngisi ng gago kasi nagtagumpay siya na hindi na kami sumakay doon. "Baliw ka ba? Pwedeng iwanan mo muna ang ka----" "Honey, ba't ang ganda mo? Ang ganda ganda mo, ang sarap mong dalhin sa ka---" "Marcus Caden Samaniego!" Umaandar na naman ang kahalayan ng loko! "Yes, honey?" "Ewan ko sa 'yo!" Tinalikuran ko na siya nang bigla niyang hawakan ang kamay ko na ikinangiti ko. "Fuck! Agaw atensyon sa kanila ang tiyan mo. Makakapanuntok talaga ako nang wala sa oras!" Halos mapamura ako nang bigla niyang takpan ng palad niya ang tiyan ko kaya marami ang napalingon sa amin. "Alisin mo ang kamay mo riyan!" "Ayoko!" "Isa!" "Fine! Edi sa loob ng damit mo na lang ilalag---" Hinampas ko siya sa balikat. "Bakit ba ang ha----" "Ayokong may ibang tumitingin sa 'yo, honey." Napasabunot siya sa kanyang buhok. "This is sounds gay but I am sensitive!" He bit his lower lip. Nakakunot na rin ang noo niya sa inis. "You're mine, honey, all rights reserved." He held my face. "At ayokong pinagpapantasyahan ka nila! Fuck! Binabastos ka na nila sa kanilang isipan at naiinis ako. Ako lang ang pwedeng magpantasya sa 'yo, ako lang! Ang boyfriend mo lang!" Hindi ko mapigilan na mapangiti sa kanyang sinabi kahit na may kahalayan na kasama. Masyadong possessive ang boyfriend ko at kinikilig ako. "I'm sorry bee, sorry, magpapalit na ako ng damit. Huwag ka lang magka ganyan." "That's good honey, let's go, ako ang magpapalit sa----" "Marcus!" Namilog ang mga mata ko nang dampian niya ako ng halik. Mabuti na lang walang nakatingin sa 'min. Kahit na sa public ay mahilig pa rin talaga siyang sumalakay! Tulad nga nang sinabi ko, nagpalit na ako ng damit, maging siya ay nagpalit na rin para raw couple kami. Parehong red na shirt ang suot namin na mayroong tatak na enchanted kingdom. "Bee, gusto ko ng hotdog!" Napadako kasi ang tingin ko sa isang batang may dalang hotdog na mukhang sarap na sarap sa pagkain. Nakakaramdam na rin kasi ako ng gutom. "Honey, mas masarap ang hotdog k----" "Huwag mo nang ituloy pa ang sasabihin mo, huwag na huwag!" Nilampasan ko na siya at nagtungo sa stall ng bilihan ng hotdog. Medyo mahaba ang pila kaya no choice kundi ang maghintay. "Nasaan na ang lalaking 'yun?" Panay ang lingon ko sa paligid kasi hindi ko makita si Mask. Napakagat na lang akong sa pang-ibabang labi ko para pigilan na matawa. Kaya naman pala biglang nawala ang loko kasi nagtatago na ngayon sa likod ng bench dahil maraming bading ang nakakalat. Nang makabili na ako ng dalawang hotdog ay pinuntahan ko na siya. Mabilis naman siyang kumapit sa 'kin. "Honey, please, ayoko na rito! Umuwi na tayo, ako na lang ang magpapasaya sa 'yo, sa 'kin ka na lang sumakay, kaya ko rin naman gumalaw--" Pinalsakan ko ng hotdog ang bunganga niyang puro kahalayan ang alam. "Honey, mas mahaba pa ang hotdog k----" "Kainin mo na lang, please, maging inosente ka naman! Pwede ba?!" Napahilot na lang ako sa aking sentido. Kanina lang ay nagda-drama siya pero ngayon naman, mas lalo pang naging mahalay. "Ano 'yung inosente, honey?" "Bahala ka sa buhay mo!" Nilayasan ko na siya nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Kinuha niya ang shoulder bag ko at siya na ang nagdala. Naubos na namin ang hotdog at mabuti na lang talaga na hindi na siya umimik pa. Namasyal na lang kami kasi mukhang takot siyang sumakay sa mga rides. Pabor din naman sa 'kin basta ang mahalaga'y kasama ko siya. Napansin kong marami ang habol ang tingin sa 'min. Syempre, taas noo naman ako habang naglalakad. Sa gwapo ba naman ng boyfriend ko. Maiinggit kayo mga hangal! Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko ang maraming malalaking teddy bear. Mayroong nakaagaw ng aking pansin. Kulay blue na penguin, at 'yun ay si Pororo. Naalala ko bigla ang power puff girls na pinagkumpara ako sa penguin na 'yun na sobrang ikinainis ko. Hindi ko akalain na cute naman pala. "Kuhanin mo 'yun, bee..." "What?" "Gusto ko si Pororo, pero kailangang maglaro ka muna bago mo makuha 'yun." Ngumisi ang loko. I rolled my eyes. Nakakaamoy ako ng kayabangan sa kanya. Tingnan lang natin kung may ibubuga siya ngayon. "Easy, honey, isang tira pa lang putok agad ang lobo!" "Patunayan mo, huwag puro sal---" "At kapag hindi ko napaputok ang lobo, honey, ikaw ang puputukan ko--" "Ghad, Marcus Caden Samaniego, maglaro ka na lang!" Dahil isa siyang dakilang mananalakay, hinalikan niya muna ako bago siya lumapit sa lalaking namamahala nung game. Patatamaan ng dart ang lobo para mapapaputok at makakuha ng price. "Honey, huwag ka masyadong hahanga sa 'kin, alam kong mag----" "Maglaro ka na lang!" Kinindatan niya muna ako bago siya tumira. Napansin kong maraming kababaihan ang nanonood sa kanya kaya naman lumapit ako sa boyfriend ko. "Fuck! Manong, mayroon bang daya ang dart na 'to? Bakit wala akong matamaan na lobo?" Ilang beses na siyang nagbato ng dart pero wala siyang matamaan. Tumutulo na rin ang kanyang pawis kaya pinipigilan ko na matawa. "Walang daya 'yan, hijo, sa paraan ng pagbato 'yan. Kung hindi ka marunong mag-concentrate sa isang bagay, hindi mo talaga magagawang matamaan." Panay na ang mura ni Mask kasi hindi talaga siya makatama ng lobo kahit na isa man lang. "Kapag hindi mo nakuha si Pororo, wala ka talagang kiss mula sa 'kin." "Practice lang 'yun, honey, magsisimula pa lang talaga ako. I love you." Practice ba ang naka 20+ nang tira? Hindi lang mahalay, mayabang pa ang loko pero mahal ko. Kahit na hindi siya nakakatama ay mas lalo pang dumami ang nanonood sa kanya at naiinis ako. Boyfriend ko 'yan mga hangal! Tumigil na sa pagtira si Mask dahil sa inis na hindi pa rin talaga siya nakakatama. "Fuck! Ayoko na!" "Nasaan na ang Pororo ko?" "Please, honey, huwag ka na mag Pororo, ako na lang ang yakapin mo magdamag. Meron pa akong abs kaysa riyan na malaki ang tiyan." Napahampas na lang ako sa aking noo kasi marami ang nakarinig sa 'min. Napansin ko na itataas niya ang kanyang damit para ipakita ang abs niya na mabilis ko naman napigilan. No way! Ayokong makita ng iba ang abs niya kasi ako lang ang may karapatang makakakita nun. "Baliw ka ba, ha?! Bakit mo ipapa---" "Kung ang pororo na 'yan, honey, pwedeng mawala sa tabi mo, ako hindi, kung pwedeng masira, ako hindi, at kung pwede mong labhan, ako pwede mong paliguan, hubaran---" Tinakpan ko na ang kanyang bibig at mabilis na hinila palayo sa lugar na 'yun kasi baka kung ano pang kahalayan ang lumabas mula sa kanya. "Honey..." "Ano?" "Galit ka ba kasi hin---" "No." Nauuna ako sa kanya nang bigla niyang hawakan ang braso ko. "What is wrong, honey? Please tel---" "Let's take a picture..." Gusto kong mag-ipon ng memories naming dalawa nang magkasama kasi walang makakapagsabi kung kami ba talaga hanggang sa huli. May nilapitan siyang isang lalaki at iniabot niya ang kanyang phone rito. Bumalik naman siya sa lugar kung nasaan ako at inakbayan ako. "I love you, honey..." He claimed my lips, kasabay nang pagkuha ng litrato sa amin. At hindi lang 'yun, narinig din namin ang tunog ng fireworks na mukhang naging background naming dalawa. "Mahal din kita, Marcus..." Sabay naming tinanaw ang kalangitan kung saan napupuno ng iba't ibang kulay ng liwanag nang dahil sa fireworks. Nakaakbay siya sa 'kin habang parehong may ngiti sa aming mga labi. -- Nang matapos na ang fireworks display ay bumuhos naman ang ulan. Tinakbo pa namin ang parking lot kasi wala kaming dalang payong. "I have an extra shirt, honey, please change your clothes, I don't want you to get sick." Iniabot niya sa 'kin ang isang paper bag pero mabilis naman akong umiling. Panay ang tulo ng tubig mula buhok ko kasi basang basa talaga ako pati na rin siya. Ang puting rubber shoes namin ay nagmukhang basahan nang dahil sa putik. "Sa 'yo 'yan kaya ika---" "Pag 'di mo sinuot 'yan, honey, ako ang magsusuot sa---" "Fine! Pero paano ako magpapalit kung nandyan ka?" He smirked. "Much bette---" "Marcus Caden Samaniego!" Pinaningkitan ko siya ng tingin. "Saan ako pupunta, honey? Hindi ako pwedeng lumabas sa lakas ng ulan. Mas lalo lang akong mababasa." Napahampas na lang ako sa aking noo kasi sobrang lakas na nga ng buhos ng ulan. Wala akong choice kundi ang magpalit dito na kasama siya. "Cover your eyes, bee, at kapag nakita kong nakatingin ka, basag ang itlog mo!" Nagtakip siya ng kanyang mga mata pero may butas naman kaya wala rin. "Mar---" "Fine, honey! Makikita ko ri---" "Shut up!" Tumalikod na siya kaya naman binilisan ko nang magpalit ng blue shirt niya na sobrang bango ng amoy. Mabuti na lang talaga na hindi na siya gumalaw sa kanyang pwesto. "Okay na." Nang lingunin niya ako'y nakita ko ang paghihinayang sa kanyang mukha. Hindi ko na lang siya pinansin kasi nakakaramdam na ako ng antok. "I love you, honey, sleep well. Thank you for making me happy," he whispered. Naramdaman ko ang marahan niyang paghalik sa aking noo habang nanatiling pikit ang mga mata ko. Napangiti na lang ako sa ka-sweetan niyang taglay. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Nagising lang ako nang marinig ko ang pagmumura ni Mask. "Bakit? Anong nangyari?" Gulat niya naman akong nilingon. "Did I wake yo--" "Bakit tayo nakatigil? Don't tell me?!" Tumingin ako sa paligid pero wala akong makita kasi sobrang dilim na. Naririnig ko rin ang malakas na pagpatak ng ulan sa bubong ng sasakyan. "Nasiraan tayo ng sasakyan! Fuck!" Napahampas ako sa noo sa kanyang sinabi. Napansin ko na walang dumaraan na sasakyan kung nasaan na kami ngayon. "Anong gagawin natin? Mag byahe na lang tayo pauwi." He held my hand. "Walang dumaraan na sasakyan dito, honey, wala tayong masasakyan." I bit my lower lip. Nilibot ko ang tingin sa loob ng sasakyan nang may nakita akong isang payong. "Kailangan nating maghanap ng matutuluyan," I said. Tumango siya at inagaw sa 'kin ang payong. Nauna siyang lumabas at pinagbuksan ako ng pinto. Paglabas ko'y inakbayan niya naman agad ako para hindi ako mabasa ng ulan. "Hanggang ngayon ay basa pa rin ang damit mo. Paano na lang kung magkasakit ka, ha?" Sobrang nag-aalala ako sa kanya kasi hanggang ngayon ay basa pa rin ang kanyang damit. Siguradong magkakasakit siya. "Mas okay nang ako ang magkasakit, honey, basta huwag lang ikaw." "Baliw ka b----" "Nakikita mo ba, honey, ang nakikita ko?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid nang may nakita akong isang building na sa tingin ko ay hanggang 3rd floor. Kahit na madilim ay nababasa ko pa rin na isang motel 'yun na ikinapula ng aking mukha. "W-Wala akong nakikita..." I closed my eyes while biting my lower lip. "Open your eyes, honey, and you will see a paradise." Paradise? Kingina! E motel 'yan! Ghad! "A-Ayoko riyan! Hanap na lang ulit tayo ng ibang pwedeng matutuluyan pa," napapailing ako. "We have no choice, honey, wala nang ibang pwede tayong matuluyan kundi ang paradise na nasa harapan natin ngayon." Kahit na hindi ako nakatingin sa kanya ay alam kong nakangisi ang loko. Ghad, kahalayan alert! Umuulan pa naman, malamig, masarap mag--- kape! Wala na akong nagawa nang hilahin na niya ako papunta sa lugar na 'yun. "Good evening po sa inyo," bungad ng isang babae. Napansin ko ang pamumula ng mukha nito habang nakatingin sa boyfriend ko. Syempre hinawakan ko naman ang kamay ni Mask dahil naiinis ako sa babaeng 'yun. "How much?" he asked. "500 po hanggang umaga." Iniabot niya ang isang libo at napansin ko ang pasimpleng paghawak ng babaeng 'yun sa kamay nito. Nakakainis! Ghad, another langaw na naman! "Sir, condom po?" Naglabas ng kahon ang babae na punong-puno ng iba't ibang klase ng flavor ng condom. Namilog naman ang mga mata ko nang makitang sinusuri 'yun ni Mask. "No need, marami ako niyan." He smirked. Sa tingin ko'y sobrang pula na ng mukha ko. "Sir, eto na po ang s---" "Keep the change." Namilog naman ang mga mata ng babae 'yun dahil hindi tinanggap ni Mask ang sukli. "Sir, number 25 po ang room niyo." "Destiny, honey, number 25, ito na ba ang sign?" "Gago!" Mahina ko siyang kinurot sa kanyang bewang. Naalala ko na 25 nga pala ang araw kung kailan ko siya sinagot kaya ganyan na lang ang saya ng mahalay na 'to. "Matibay ba ang kama, miss?" Mahina akong napamura nang itanong 'yun ni Mask. "Baliw ka bang gago ka, ha?!" Hindi niya ako pinansin kaya kinurot ko muli siya sa bewang. Napangiwi lang lang ang loko. "Opo, Sir, kahit anong pwesto'y hinding-hindi masisira ang kama dahil sa tibay at ganda ng kalidad." Namumula na ang mukha ko sa inis habang ang lapad naman ng ngisi ng lalaking 'to. "That's good. Let's go honey, patunayan natin na hindi matibay ang kama nila." Napaawang na lang ang bibig ko sa kanyang sinabi. Nagpatangay na lang ako sa kanya nang bigla kong maalala ang kapatid ko. "Ang kapatid ko, wala siyang ka----" "Kasama niya ang kaibigan mo kaya okay lang na hindi ka makauwi sa inyo. Sa 'kin ka ngayong gabi." Mukhang planado ng loko ang mangyayari ngayong gabi! Nagtaasan ang mga balahibo ko nang bigla niyang dampian ng mga labi niya ang aking leeg. Kahalayan alert! Nang makapasok kami sa room ay bigla akong nakaramdam ng kaba sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Hindi ko magawang tumingin sa kanya na ngayon ay inililibot na ang tingin sa paligid. Dumako ang tingin ko sa pantulog na pwede naming masuot pansamantala. "Maliligo lang ako!" Hindi ko na siya hinintay pa na umimik kasi dumiretso na ako ng banyo. Ghad, bakit ba ako kinakabahan? Bakit kasi ang lamig ng panahon ngayon? Umuulan kaya kailangang magpain--- magkape! Nang matapos na akong maligo ay lumabas na ako ng banyo. Mabuti na lang sakto ang pantulog sa 'kin at mukha pang bago. "Honey..." his husky voice. "B-Bakit?" Napansin kong papalapit siya sa 'kin kaya umatras ako palayo sa kanya. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang ko nang mapaupo na ako sa gilid ng kama. Napansin kong namumungay ang kanyang mga mata na para bang inaakit ako. Idinantay niya ang dalawang kamay niya sa kama habang sobrang lapit ng mukha niya sa 'kin. Kaunting galaw ko lang ay siguradong maglalapat na ang mga labi naming dalawa. "I feel so hot, honey, ang init init ng pakira----" Bigla na lang siyang bumagsak sa 'kin at napamura ako nang mapagtanto na sobrang init niya. Sinasabi ko na nga ba't lalagnatin siya. Paano pa namin nito masisira ang kama? Hindi ko naman kaya nang mag-isa. Chapter 40 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 40 Finally! I'm going to meet his Dad. Kahapon ay umuwi na raw 'to ng Pilipinas at sinabing gusto na raw niya akong makilala. Syempre kinakabahan ako kasi ngayon ko lang naman mami-meet ang kanyang Dad. Maraming what if ang gumugulo ngayon sa utak ko. Paano kung hindi ako magustuhan nito para sa anak niya? Paano kung ako ang magustuhan niya nang dahil lang sa angkin kong kagandahan? My ghad, Gianna! Ano na naman bang tumatakbo sa isipan mo? Nasa talampakan na naman ang utak mo! "Gennica!" Malakas kong kinatok ang kanyang pintuan pero hindi niya ako tinugunan. Mabuti na lang na hindi naka-lock kaya nakapasok ako sa loob. Nakadapa siya ngayon habang kaharap ang kanyang laptop at nanonood ng korean drama. Nung naging kami na ni Mask ay bihira na lang ako makapanood pa. Hindi ko na kailangan pang kiligin sa panonood ng korean drama kasi may Marcus na akong nagpapalambot ng mga tuhod ko sa kilig, mahalay nga lang. "Bakit?" "Anong gagawin ko sa oras na kaharap ko na ang kanyang Dad?" I bit my lower lip. Kinakabahan talaga ako. "Edi magmano ka, alangan namang salubungin mo ng halik bilang pagbati. Nakakadiri 'yun!" I glared at her. "Alam mo, masasabunutan talaga kitang babae ka! Hindi ka matinong kausap!" "Ako lang naman ang kasama mo rito kaya ako lang ang makakausap mo. Alangan namang kausapin mo ang pader, ano ka may saltik?" "Gennica!" Pipisilin ko sana ang kanyang tainga pero mabilis niyang tinakpan ng unan ang kanyang mukha. "Bahala ka na sa buhay mong babae ka! Hindi kita tutulungan kay Jo---" "Sorry na, ate.." I smirked. Sinabi ko kasi sa kanya na tutulungan ko siya kay Josh pagbalik nito sa Pilipinas. Wala pa rin siyang sinasabi kung kailan siya babalik pero nagkakausap pa naman kaming dalawa. "Ano nga ang gagawin ko mamaya? Alam mo naman na first time lang 'to mangyayari sa buhay ko. Wala akong ideya kung paano ko haharapin ang kanyang ama." Naranasan na niya kasi maipapakilala sa magulang ng lalaking ipinagpalit lang naman siya sa malapit. Sa oras na makita ko talaga ang gagong 'yun, siguradong basag ang bungo niya sa 'kin. "Sa oras na kaharap mo na si Mr. Samaniego, syempre magmano ka muna para naman isipin nito na magalang kang bata kahit na hindi naman talaga. Pakitang tao ang tawag doon..." "Gaga ka!" Hahablutin ko sana ang buhok niya pero mabilis siyang nakalayo sa 'kin. "Tapos smile ka lang hanggang sa mamanhid ang panga mo. At kapag kumakain na kayo..." she smirked. Tinaasan ko naman siya ng isang kilay kasi hindi ko gusto ang ngisi niya. "Seduc–" "Gaga ka ba, ha?! Bakit ko naman aakitin ang ama ng boyfriend ko?" "Syempre para kapag ayaw niya sa 'yo para sa kaniyang anak, edi kay Mr. Sam—" Binato ko ng unan ang gaga na tumama sa kanyang mukha. Sinamaan niya naman ako ng tingin. "Mayroon akong aaminin sa 'yong babae ka!" I smirked. "Ano?!" "Ampon ka lang..." Iniwan ko siyang tulala habang may ngisi sa aking mga labi. Nagtungo na ako sa kwarto ko at pinagmasdan ang aking kabuuan. I was wearing a tie neck ruffle cuff ditsy floral dress. I also put light makeup. Hinayaan ko naman na nakalugay ang mahaba kong buhok na kinulot ko pa talaga ang laylayan. I smiled when I received a message from him. "Good morning, honey, I'm outside your house, I have a surprise for you... I love you." Mabilis ko namang inayos ang sarili ko. Muntikan pa akong bumagsak sa hagdan dahil sa taas ng aking heels. Mabuti na lang ay nakakapit agad ako sa gilid. Kahit na palagi kaming nagkakasama ni Mask ay hindi pa rin mawala ang excitement sa 'kin sa tuwing magkikita kaming dalawa. Almost 1 week na rin ang nakalipas nung nagpalipas kami ng gabi sa motel. Hindi niya ako pinatulog dahil sa taas ng kanyang lagnat. Mabuti na lang talaga na kinabukasan ay gumaling din siya. "Bee-- what are you doing here?!" Napahinto ako sa paglalakad nang makita kung sino ang lalaking kasama niya. Naramdaman kong nag-iinit na ang sulok ng aking mga mata. "A-Ana--" "Paalisin mo ang lalaking 'yan!" "What, honey? He is still your Dad, you should listen to hi----" "P-Please, paalisin mo ang lalaking 'yan!" Dinuro ko pa ang lalaking 'yun habang nakatingin ako kay Mask na halata ang gulat sa naging reaksyon ko. Nakikita ko ang pagbuhos ng luha ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Bumalik sa alaala ako ang sakit na naramdamam ni Mama nung araw na mas pinili niya pa ang babae niya. Galit na galit ako sa kanya dahil sa pananakit niya kay Mama at nasasaktan ako kasi bakit ngayon lang? Bakit ngayon lang siya nagparamdam?! Kung kailan binura ko na siya isipan ko. "I'm sorr--" "Umalis ka na! Simula nung iniwan mo kami ay binura ka na rin namin sa aming buhay!" Tinulak ko siya palayo nang pigilan ako ni Mask at mabilis niya akong ikinulong sa kanyang bisig. "Please, honey, pakingg--" "Edi ikaw ang makinig sa kanya! Bahala na kayo sa buhay ninyong dalawa!" Umalis ako sa pagkakayakap niya at tinalikuran ko na sila. Naramdaman ko naman ang paghawak niya sa aking braso para pigilan. Inis ko naman siyang hinarap. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at ipinaglapat ang noo naming dalawa. Marahan niyang pinunasan ang luhang hindi ko namalayan na bumagsak na pala. Naririnig ko rin ang malakas na paghikbi ng lalaking unang nanakit sa 'min. Si Papa na mas pinili ang babae niya kaysa ang makasama kaming totoong pamilya niya. "Please, honey, pakinggan mo muna siya kasi pagbaliktarin man natin ang mundo, he is still your Dad. Nandito lang ako sa tabi mo para magpunas ng mga luha mo. Kasama kita nung araw na mahina ako at ngayon, ako naman ang magiging sandalan mo at magbibigay ng lakas sa 'yo. God, honey, nasasaktan akong makitang may tumutulong luha sa mga mata mo. It is killing me, honey, ang sakit sa puso.. " Muli niya akong niyakap. Wala akong ginawa kundi ang umiyak sa bisig niya. Matagal na ang nangyaring pang-iiwan niya sa 'min pero ang sakit na dulot nun ay nandito pa rin sa puso't isipan ko. "I'm here honey, nandito lang ako sa tabi mo..." He kissed my forehead. Napapikit naman ako sa ginawa niya. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil. Matapang kong hinarap ang lalaking sobrang kinamumuhian ko. Naiinis ako kasi nasasaktan ako habang nakikita ko siyang patuloy sa pagbuhos ang mga luha. Hindi ko dapat maramdaman 'to. Galit ako sa kanya, galit na galit kasi nagawa niya kaming iwanan para lamang sa iba. Hindi niya kami nagawang piliin. "S-Sana mapa--" "I will listen to you, pero huwag kang aasa na mapapatawad pa kita!" Tinalikuran ko na siya, bumitaw naman ng hawak si Mask para lapitan ang lalaking 'yun. Nang makapasok ako sa loob ng bahay ay nakasalubong ko si Gennica na nababakas sa mukha ang pagtataka. Bumilis ang kabog ng puso ko kasi ayokong makita ng kapatid ko ang lalaking 'yun. Ayokong bumalik ang sakit na naramdaman niya noon. "Bakit ka umiiy—" "Go to your room n—" "D-Dad..." Napako ako sa kinatatayuan ko nang makita ang pag agos ng mga luha mula sa kanyang mga mata habang nakatingin sa lalaking sobrang kinamumuhian ko. "Bakit ba ang kulit mo, ha? Sinabi nang pumun—" "D-Dad!" Tumakbo na siya papalapit sa lalaking 'yun at sinalubong niya ng yakap. Hindi ko magawang alisin ang tingin sa kanila habang panay na rin sa pagtulo ang mga luha ko. Lumapit sa 'kin si Mask at niyakap ako. Hindi siya umimik, tanging paghaplos lang ng buhok ko ang ginawa niya para pagaanin ang loob ko. "I am sorry baby, I am really sorry, kung ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na harapin kayong magkapatid. Sana mapatawad mo pa ako sa laki ng kasalanan na nagawa ko sa inyong dalawa." Luluhod sana ang lalaking 'yun sa harapan nito pero mabilis siyang napigilan ni Gennica. "Noon pa man, Dad, ay pinatawad na kita. Hindi ko kayang magalit sa 'yo kahit na sobrang laki pa ng kasalanan na nagawa mo sa amin, mahal na mahal pa rin kita, Dad, at sobrang namiss kita. Miss na miss..." Mas lalo akong naiyak sa sinabi ng kapatid ko. Paano niya nagawang hindi magalit sa taong nanakit sa 'min? Sa taong dahilan kung bakit naging miserable ang buhay ni Mama. She almost killed herself. Kung hindi ko lang siya nakita nung araw na 'yun ay baka tuluyan na niya kaming iniwan ng kapatid ko. Kasalukuyan na kami ngayong nakaupo sa couch. Nasa harapan namin ang lalaking 'yun na panay pa rin sa pagbuhos ang mga luha. Katabi ko naman si Mask na hindi na magawang bitiwan pa ang aking kamay. Habang si Gennica naman ay nasa loob na ng kwarto niya. Alam kong gusto niyang makinig sa 'min pero pinagbawalan ko siya. Baka masaktan lang siya kapag narinig niya ang sasabihin ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon. "B-Bakit ngayon ka lang nagparamdam, ha?! Bakit ngayon pa kung kailan binura na kita sa isipan ko!" Naramdaman ko ang marahan na pagpisil ni Mask sa kamay ko. Nilingon ko naman siya at binigyan ng isang matipid na ngiti para ipakita na okay lang ako at huwag na siyang mag-alala pa. "P-Patawad, anak, kung ngayon lang ako naglakas ng lo----" "Almost 8 years na ang nakalipas nung iniwan mo kami pero ngayon ka lang nagkaroon ng lakas loob na harapin kami, ha?! Ganun ba?! Bakit?! Ngayon mo lang ba naalala na may dalawang anak ka na naghihintay sa 'yo! Kasi kami, 'yung sakit na ipinaranas mo sa 'min nina, Mama, ay kahit kailanman ay hindi na mabubura pa sa isipan ko. Ang sakit, sobrang sakit ng ipinaranas mo sa 'ming magkapatid, at alam mo ba ang mas masakit?!" I bit my lower lip, habang pinipigilan ang malakas kong paghikbi. Muli ko naman naramdaman ang pagpisil ni Mask sa aking kama. Alam kong sobrang nag-aalala na siya sa 'kin. "..na sa loob ng 8 years hindi man lang nagawang magtanim ng galit sa 'yo ng kapatid ko. She was just only 8 years old when you left us. Wala siyang ginawa kundi ang umiyak araw-araw at tanungin kung kailan ka uuwi, kung mahal mo pa ba kami, araw-araw kong naririnig ang salitang 'yun mula sa kanya. At sobrang nasasaktan ako kasi ang taong hinahanap niya... " I bit my lower lip. "..ay mayroon na pa lang ibang pamilya." Gusto ko siyang sampalin kasi heto na naman, bumalik na naman ang sakit na nararamdaman ko. "S-Sobrang laki ng kasalanan ko sa inyo, na dumating sa punto na naduwag ako kasi wala akong mukha na maiiharap pa sa inyo. I'm sorry baby, I am really sorry kung iniwan ko kayo. Sinubukan namin ng mam---" "Sinubukan? Wow! Bakit hindi ninyo pinilit na magka-ayos na dalawa?! I know na hindi mo naman talaga minahal si Mama pero sana naman kahit umarte na lang kayo sa harapan namin na mahal ninyo ang isa't isa para lamang sa aming magkapatid. Mas tatanggapin pa namin 'yun, pero bakit mas pinili mo kaming iwanan at sumama sa iba? Mama loves you so much and.. and..." I took a deep breath. "she almost killed herself just because of you..." Tinakpan ko na ang mukha ko dahil sa sobrang pag-iyak. Niyakap na ako ni Mask kaya umiyak na ako sa kanyang bisig. "Honey, it hurts. Damn your tears. It's killing me," he whispered. He wiped my tears and kissed my forehead. "I'll do everything to make you happy, honey, kahit na magpaka bading pa ako ay gagawin ko para lang mpasaya kita. Para muling sumilay ang ganda ng ngiti sa mga labi ng babaeng mahal ko." Sobrang nasasaktan na ako pero hindi ko pa rin mapigilan na mapangiti sa lalaking katabi ko ngayon. Hindi ko kakayanin na mawala siya sa buhay ko. Siya ang nagbibigay lakas sa 'kin ngayon at magiging mahina ako kapag nawala siya sa tabi ko. "I love your, Mom, mahal na mahal ko siya at nagsisisi ako kasi huli na. Huli na nang ma-realize ko na mahal ko siya. Sobrang pinagsisihan ko ang ginawa ko sa inyo, gagawin ko ang lahat para lang mapatawad ninyo ako, alam kong hindi madali pero hindi ako susuko... " Lumuhod siya sa aking harapan at hinawakan ang kamay ko. Babawiin ko sana nang hawakan ni Mask ang braso ko para pigilan. "I am sorry, baby, I'm really sorry, kahit kailan ay hindi kayo nawala sa isipan ko, araw-araw kong pinagsisihan ang ginawa ko sa inyo. Wala akong kwentang ama kasi sinasaktan ko kayo. Pangako, gagawin ko ang lahat para muli niyo akong matanggap sa buhay ninyo. Babawi si Daddy, babawi ako sa mga prinsesa ko." Huli na nang mapagtanto ko na nakakakulong na ako sa bisig niya. Maging si Gennica ay nakikiisa na rin sa 'min. "Mahal ko kayong mga prinsesa ko." He kissed our forehead. Wala na akong masabi pa kundi ang umiyak na lamang. Hinatid na siya ni Gennica sa labas habang naiwan naman kaming dalawa ni Mask. Kasalukuyan akong nakakakulong sa kanyang bisig habang pinapatahan niya pa rin ako. "Honey, can I use your colourful bra pa---" "Nakakainis ka talaga! Umiiyak na ang ako't lahat puro kah---" "It is not like that, honey, gusto lang kitang mapasaya kaya kahit na mag bading-badingan pa ako sa harapan mo ay gagawin ko para mapangiti lang kita." "No need, bee, 1 liter of coke is enough just to make me feel happy." Tatayo na sana ako para kumuha ng coke nang pigilan niya ako. "Fuck! Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na itigil mo na ang pag-inom ng coke, ha? Masama 'yun sa health, maraming sugar..." "May osp--" "Honey, labi ko na lang ang puntiryahin mo, maraming sugar dahil sa sobrang tamis. Mas lalo ka pang liligaya sa kapangyarihan ng mga labi ko." And with just a second, he claimed my lips. Wala nang papantay pa sa tamis ng kanyang mga labi. Nang matapos na pagsawain ang aming mga labi ay nagkulong na ako sa kwarto habang siya naman ay nasa ibaba kasi ipagluluto niya raw ako. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na marunong siyang magluto, hindi lang basta marunong kasi magaling siya magluto. Masarap na mapapabulos ka talaga ng kain. Siguradong bubusugin niya ako araw-araw, sana sa pagkain.. huwag baby. Aaminin ko nang makita ko si Papa na sobrang nagsisisi sa ginawa niya ay lumambot ang puso ko. Pero hindi ko pa rin siya kayang patawarin. Napakahirap kasi sobrang sakit ng idinulot niya sa amin. "Ate..." Nakasandal lang ako sa headboard ng kama. Nakita kong may dala siyang isang tray ng pagkain na mukhang ipinadala sa kanya ni Mask. Ipinatong niya 'yun sa side table at umupo sa gilid ng kama ko. "I am sorry..." Yumuko siya. "Bakit ka nagso-sorry?" "Kung naparinig ko ang pinag-usapan ninyo kanina. Sorry talaga kasi nang dahil sa 'kin ay mas lalo kang nag--" "No. It's not your fault. Huwag mong sisihin ang sarili mo sa isang bagay na wala ka namang kasalanan." I hugged her. Ako lang ang masasandalan niya ngayon. Ako na ate niya. "P-Pe---" "I'm so lucky to have you, sis.." Humiwalay siya ng yakap. "Sabi mo ampon lang ako?" I chuckled. "Naniniwala ka naman agad na gaga ka! Syempre magkapatid tayo, pero mas maganda ako sa 'yo!" "Ewan ko sa 'yo, ate!" Nagmartsa na siya palabas habang patuloy pa rin ako sa pagtawa. "I love you, sis." "I hate you," she replied. Napailing na lang ako kasi naniniwala nga siya sa sinabi ko kanina. Napadako ang tingin ko sa tray na dinala niya. Pagbukas ko ng takip ay bumungad sa 'kin ang isang pancake na hugis puso. Bigla akong napailing habang may ngiti sa mga labi ko. Mukhang alam ko na 'to... At tama nga ako kasi pagbuklat ko sa ilalim ng pancake ay may nakita akong papel na mabilis ko namang binasa. "Smile ka na, honey, please. Ngingiti na 'yan, mahal na mahal kita." Halos mapunit na ang mga labi ko sa sobrang pag ngiti sa nabasa ko. Bumangon na ako at pinagmasdan ang sarili ko sa harapan ng salamin. Pugto pa rin ang mga mata ko sa sobrang pag-iyak kanina. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapagpalit ng suot ko. Sinabi niya sa 'kin na sa ibang araw na lang niya ako ipapakilala. Ayos lang naman sa 'kin kasi ayokong humarap sa Dad niya na pugto ang aking mata. Natanaw ko siyang naghihiwa ng carrots. Marahan ang paglalakad ko papalapit sa kanya at niyakap ko siya mula sa kanyang likuran na ikinagulat niya. "I love you, bee, mahal na mahal kita.." Hinarap niya ako at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Honey..." He kissed my my forehead. "Sana hindi mo ako iwanan tulad ng ginawa ni Pa---" "I will never leave you. Hindi ko iiwanan ang babaeng mahal na mahal ko kasi hindi ko kakayanin na makita kang umiiyak. At saka honey..." Bigla niya na lang akong iniupo sa countertop ng sink at inilapit niya ang kanyang mukha sa 'kin. "Ikaw ang babaeng gusto kong makasama sa future ko." I put my arm around his neck. Ipinaglapat ko ang noo naming dalawa habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ko. "Let's be successful together, bee," I whispered. "Let's be successful together." Marahan niyang hinaplos ang aking buhok. "Honey..." "Hmm?" Bigla siyang ngumisi. I rolled my eyes. Kahalayan alert! "Dahil hindi natin nasira ang kama roon sa motel, kama mo na lang ang sisirain natin ngayon." Napatili na lang ako nang bigla niya akong buhatin na para bang isang sako. Nakasalubong namin si Gennica na malapat ang ngisi. "Ako na bahala sa niluluto mo, Kuya Marcus, mag dessert muna kayong dalawa gamit ang isa't isa." Napairap ako. Ang lakas ng kanyang loob na siya na ang bahala sa niluluto kung hindi naman talaga siya marunong na magluto. Siguradong sunog ang kakainin namin mamaya nang dahil sa kanya. "Thank you," he replied. Pilit kong sinisilip si Gennica pero hindi ako nagtagumpay dahil sa paraan ng pagbuhat sa 'kin ni Mask. Nang makarating kami sa kwarto ko ay bigla niya na lang akong ibinagsak sa kama kaya pinandilatan ko siya ng tingin. "Be ready, honey..." Sa isang iglap ay nakakulong na ako sa kanyang bisig habang mahimbing na siyang natutulog sa tabi ko. Wala man lang kiss bago matulog! Nakakainis! "Bee..." "Hmm?" Naramdaman kong mas hinigpitan niya pa ang yakap sa 'kin. Nakapatong ang ulo ko sa kanyang braso habang nakasubsob naman ang mukha niya sa leeg ko kaya nakikiliti ako. Nararamdaman ko rin ang minsang pagdampi ng kanyang mga labi sa leeg ko na mukhang sinasadya niya. "Thank you for coming into my life." I kissed his forehead. "Ako nga ang dapat na magpasalamat sa 'yo, honey, kasi dumating ka sa buhay ko." Pareho kaming swerte na nakilala namin ang isa't isa. Wala na akong mahihiling pa. "Honey..." "Hmm?' Hinaplos ko ang buhok niya na humahalimuyak sa bango nang dahil sa kanyang shampoo. "I already know you, honey, before we met..." Natigilan ako sa sinabi niya. "Paano?" Hindi niya ako sinagot kasi mahimbing na siyang natutulog sa tabi ko. Posible bang nagkita na kami noon pa man? Bakit wala akong maalala?! Chapter 41 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 41 We're back, Hacienda Tormondea. Napapikit ako habang nilalanghap ang sariwang simoy ng hangin na ngayon ko na lang ulit naramdaman. Wala pa man na isang taon kaming umalis dito ay sobrang namiss ko ang haciendang pagmamay-ari ni Lolo na kinalakihan namin ni Gennica. Mayaman si Lolo Hector kasi halos lahat ng vendor sa Manila ng mga prutas ay nagmumula rito sa Hacienda Tormondea ang kanilang mga ipinagtitinda. Kahit na ganoon ay hindi ko matatawag na mayaman din kami kasi pumunta pa talaga si Mama sa ibang bansa para lang sa aming magkakapatid. Alam kong hindi pa rin sila nag-uusap ni Lolo sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. At 'yun ang aalamin ko. "Hon--" "Lumayo ka nga sa 'kin!" Bumakas ang gulat sa kanyang mukha. Napalingon ako sa aking kapatid na panay na ang selfie. Naka peace sign pa ang gaga habang nahahagip kami ni Marcus ng kanyang camera. She was wearing a summer dress. Nakasuot din siya ng sunglasses na para bang nasa isa siyang Beach. Hindi na nakakapagtaka kung ganun ang pormahan niya kasi mas fashionista siya kaysa sa 'kin. "Itigil mo nga 'yan na babae ka!" She smirked. "Ayaw ko nga! Ang sarap niyo kayang kuhanan ng litrato. Mamaya ay ipopost ko 'to sa facebook na ang caption ay, away ngayon, break latur!" Pinandilatan ko naman siya tingin. "Kapag hindi mo binura 'yan, hindi kita tu--" "Fine! Deleted na, happy?" Pinakita niya ang screen ng kanyang phone kung saan nabura na nga niya ang litrato naming dalawa ni Marcus. Mahirap na't baka kumalat na lang bigla sa social media na break na kami nang dahil lang sa babaeng 'yun. "Madali ka naman palang kausap na babae ka!" She rolled her eyes. Napailing na lang ako sa kanya at muling ibinalin ko ang tingin sa lalaking hanggang ngayon ay nababakas pa rin sa mukha ang gulat. "What is wrong, honey? Please tell me! Kahit sa biyahe ay hindi mo ako pinapansin, ano bang nagawa kong mali? Fuck! Kanina pa akong nasasaktan sa pambabalewala mo, honey, sinasaksak ang puso ko, parang binuhusan ng aci---" "Isipin mo kung bakit ganito ako sa 'yo!" Tinalikuran ko na siya kasi naiinis talaga ako sa kanya. Ang sarap na paduguin ang kanyang nguso. Ngayon ang 1st monthsary namin pero mukhang kinalimutan ng gagong 'yun ang araw kung kailan naging kami. Hinihintay ko na batiin niya ako pero mukhang wala talaga siyang balak. Kung hindi niya ako babatiin, hindi ko rin siya babatiin para fair lang! Nakakainis! "Honey naman... ano ba talagang problema? Please ayusin natin 'to, ayokong humarap sa lolo mo nang hindi tayo nagkaka-ayos na dalawa." Nakayakap na siya sa aking likuran habang nakapatong ang mukha niya sa balikat ko. I rolled my eyes. I was wearing a off shoulder, at nararamdaman ko ang paglapat ng mga labi niya sa aking balikat na mukhang sinasadya niya naman. Hinuhuli niya ako gamit ang kahinaan ko. Walang iba kundi ang kanyang mga labi. "Edi umuwi ka na! Uwi!" Tinulak ko na siya palayo pero mabilis niyang nahawakan ang braso ko para pigilan. Hinila niya ako papalapit sa kanya at sinalubong ng yakap. "Honey please, tell me what is wrong? Aayusin ko huwag ka lang magalit ng ganito. Anong nagawa ko na hindi mo nagustuhan? Hindi mo ba gusto ang suot ko? Masyado bang sumobra ang kagwapuhan ko ngayon ka---" "Ewan ko sayo, Marcus Caden Samaniego!" Umalis ako sa pagkakayakap niya at muli ko siyang tinalikuran. Nakangisi naman ang kapatid ko dahil tuwang-tuwa siyang makitang nag-aaway kami ni Marcus. Palibhasa, pinagpalit sa malapit. "God, honey, kapag hindi mo 'ko pinansin. Luluhod na talaga ako..." Hindi ko siya nilingon at mas binilisan ko pa ang aking paglalakad. Ano raw? Luluhod siya? Basa ang damo kaya imposibleng gawain niya 'yon lalo na't white pants ang kanyang suot. "Patay! Lumuhod na nga," rinig kong sabi ni Gennica. Nilingon ko naman si Mask at namilog ang aking mga mata kasi nakita ko nga siyang nakaluhod sa damuhan habang nanatili ang tingin sa 'kin. Para siyang isang bata na malapit nang umiyak kasi hindi napainom ng gatas. "Honey, sorry kung may nagawa man ako na hindi mo nagustuhan. Fuck. Stop torturing me, honey, nasasaktan ako. Pansinin mo na ako, please, hindi ko kaya na hindi mo ako pinapansin. It is breaking my heart..." "Tumayo ka nga riyan na lalaki ka! Tingnan mo at agaw pansin ka na dahil sa pagluhod mo. Akala siguro nila'y nagpo-propose ka na sa 'kin!" Pilit ko siyang hinihila patayo pero nagmatigas siya. "Hindi ako tatayo rito hangga't hindi tayo nagkakaay---" "Oo na! Bati na tay---" Hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin kasi bigla niya na lang akong hinila. "Enjoy!" rinig kong sabi ni Gennica. Pinandilatan ko lang siya ng tingin pero ang gaga ay nginisian lang ako na para bang may ideya na siya sa mangyayari. "Saan ba tayo pupunta na lalaki ka?" Nilingon niya ako habang may ngisi sa kanyang mga labi. "Sa kalangitan kung saan ako lang ang nakakaalam.." Kahalayan alert! Before I knew, we are now here inside his car, kissing passionately, torrid, french kiss, kahit anong klaseng halik ay nagawa na namin sa loob ng 20 minuto. Damn this man, binura ang lipstick ko. Parehong habol ang aming hininga habang magkalapat ang noo naming dalawa. Naramdaman ko ang marahan niyang pagpisil sa magkabilang bewang ko. I was sitting on his lap. Nakasuot pa naman ako ng skirt kaya lumalantad ang aking mga hita. At ngayon ay naglalaro na ang kamay niya roon. Mahalay man ang boyfriend ko, sobrang mahal na mahal ko naman. "Are we okay now, honey?" He kissed my forehead. Hinaplos niya rin ang pisngi ko. Nakagat ko naman ang aking pang-ibabang labi sa kilig na nararamdaman. Naiinis ako sa sarili ko kasi ang inis na nararamdamn ko sa kanya ay bigla na lang naglaho matapos niya akong salakayin. "Ano sa tingin mo?" Tumaas ang isang kilay niya. "Bati na tayo, honey? You're not mad at me anymore?" Tumango na lang ako bilang sagot, ngumiti naman ang loko at muling sinalakay ang mga labi ko. Matapos nun ay nilagyan niya ng lipstick ang mga labi ko na sa tingin ko'y sobrang putla na nang dahil sa kanya. "Damn, honey, napalabis yata ang lagay ko. Aayusin ko lang, I love you..." "Baliw ka b----" He claimed my lips. Ilang beses niyang sinabi na labis daw ang lagay niya pero ang totoo ay sinasadya niya lang 'yun para mahalikan ako. Damn this man, sobrang naadik na sa halik! Hinawaan na niya ako ng kanyang kalandian. --- "Lolo!" Nagtatakbo ako papalapit sa kanya at sinalubong siya ng mahigpit na yakap. "I missed you, pinakamaganda kong apo..." "Sobrang namiss din kita, Lolo, pasensya na po kung ngayon lang kami nakabisita rito sa hacienda." Humiwalay na ako ng yakap at hinalikan ko siya magkabilang pisngi na sobrang ikinatawa niya. Pinagmasdan ko siya na ngayon ay mas lalo nang kumulubot ang balat na dala na rin sa katandaan. "Kamukhang kamukha mo ang 'yung Lola Terisita, nakakungkot nga lang at wala na siya sa mundong 'to." Nalungkot naman ako sa sinabi ni Lolo. Alam kong miss na niya si Lola na matagal nang pumanaw. "Huwag na po kayong malungkot, nandito lang po kami ng kapatid ko. Saka na rin po si Mama." Naramdaman kong natigilan siya sa sinabi ko. Ano ba talagang problema sa kanilang dalawang mag-ama? Bakit hindi nila sinasabi sa 'min ang katotohanan? Malaki ba talaga ang away sa pagitan nilang dalawa? Narinig kong tumikhim si Mask kaya napalingon ako sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya habang malapad ang ngiti kong nakatingin kay Lolo. "Lolo, boyfriend ko nga po pala." Nakita ko ang gulat sa mukha ni Lolo. Napahampas na lang ako aking noo kasi hindi ko nga pala nasabi sa kanya na mayroon na akong boyfriend kaya siguro ganito na lang ang kanyang naging reaksyon. "Good morning, Lolo, ako nga po pala si Marcus Caden Samaniego. Ang guwapong boyfriend ng inyong apo." Nagmano siya kay Lolo na nananatili pa rin ang gulat sa mukha nito. "Samaniego?" Tumango si Mask habang may ngiti pa rin sa kanyang mga labi. Naramdaman ko ang marahan niyang pagpisil sa aking kamay kaya nilingon ko siya na ngayon ay hindi pa rin inaalis ang tingin kay Lolo. "Apo?" "Bakit po?" "Pwedeng puntahan mo muna ang kapatid mo sa loob? May pag-uusapan lang kami ng boyfriend mo." Tumango na lang ako habang nababakas sa mukha ko ang pagtataka. Nilingon ko si Mask na nginitian lang ako. Pumasok na ako sa loob ng mansyon habang palaisipan pa rin sa 'kin kung bakit ganun na lang ang reaksyon ni Lolo nang malaman na Samaniego si Marcus. Nilibot ko ang tingin sa paligid, sinauna man ang histura ng mansyon ay napakaganda pa rin. Puro antique rin ang mga kagamitan na puno ng mga alaala. Natanaw ko ang kapatid ko na nakaupo sa couch habang panay ang pagtitipa sa kanyang phone. Nakangiti pa ang gaga! "Nasaan si Kuya Marcus?" Umupo ako sa nasa harapan niyang couch. "Kinakausap ni Lolo." Tumango na lang siya. "Binati ka na ba niya?" "Hindi nga! Nakakainis!" Natawa naman siya sa sinabi ko kaya binato ko siya ng unan. Sinamaan niya lang ako ng tingin at pagkatapos ay muling sumilay ang ngisi sa kanyang mga labi. "Samantalang nung kami ni Adrian, sinu--" "Pinagpalit ka naman sa malapit..." "Ate naman!" Binalik niya sa 'kin ang unan na mabilis ko naman naiwasan. "Lagot ka sa 'kin na babae ka!" Tumakbo siya kaya hinabol ko siya. Bigla siyang tumigil at akmang iimik na ako nang bigla niyang takpan ang aking bibig. "Magkakilala ba silang dalawa ni Lolo?" she asked. Nagtatago kami ngayon sa likod ng malaking jar habang nakamasid sa dalawa na seryosong nag-uusap na para bang matagal na silang magkakilala. "Hindi ko alam..." Hindi namin maalis ang tingin sa dalawa. "Does she knows about it?" Lolo asked. Napalingon sa 'kin si Gennica habang hindi ko pa rin inaalis ang tingin sa kanila. Ano ang dapat kong malaman? Ibig bang sabihin nito ay matagal na silang magkakilala? O 'di kaya ay kilala ni Lolo ang Dad ni Mask? Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikilala ang kanyang Dad kasi masyado raw busy sa kompanya nito. Naghihinayang ako kasi hindi ko 'to nakilala nung araw na gusto niya akong makilala. "Wala si---" Naputol ang sasabihin nito dahil sa malakas na ingay. Namilog ang aming mga mata ng kapatid ko habang pinagmamasdan ang jar na nabasag. Hindi namin namalayan na nasandalan na pala naming dalawa. "L-Lagot tayo, ate..." Nilingon namin sila na ngayon ay nakamasid sa jar na hiwa-hiwalay na. Hindi ko maipaliwanag ang iniisip ni Lolo sa oras na 'to kasi tahimik lang siya habang pinagmamasdan ang nabasag na jar. "S-Sorry, lolo, hindi---" hindi na natapos pa ang sasabihin ni Gennica kasi umimik na si Lolo. "It is fine mga apo, mura lang naman 'yan. I think 500, 000 lang, pwede pa naman akong bumili ng bago..." Napaawang na lang ang bibig namin ni Gennica sa sinabi ni Lolo. Parang barya lang sa kanya ang halaga ng jar na 'yon. Sabagay, mayaman nga pala siya kaya hindi na nakakapagtaka. Pinalinis na niya sa maid ang nabasag na jar kasi delikado pa kapag mayroong nakaapak. Kasalukuyan na kaming nasa harapan ng hapag-kainan ngayon. Katabi ko si Marcus habang nasa harapan naman silang dalawa. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin natatanong kung ano ba ang pinag-usapan nilang dalawa. Mamaya ko na lang tatanungin sa kanya kasi busy na ako ngayon sa paglamon. Paano ba naman kasi ang daming putahe ang nasa haparapan ko. Mabuti na lang talaga na hindi ako tumataba kahit na marami pa ang aking kainin. "Huwag muna, ha? Bata pa ang apo ko at hindi pa ako handa." Napalingon ako kay Lolo na ngayon ay nakatingin na sa aming dalawa ni Marcus. Namula naman ang aking mukha kasi alam ko kung ano ang tinutuloy niya. "Lolo!" "Alin po 'yun? 'Yung ganung gawain po ba?" Pinandilatan ko ng tingin si Mask na ngayon ay nakangising nakatingin kay Lolo. "Yes," Lolo answered. "Hindi ko po alam kung paano 'yun. Masyado po akong inosente tungkol sa mga ganung bagay." Pareho kaming naubo ni Gennica sa sinabi ni Mask. Napailing na lang ang gaga habang nakatingin sa 'kin. Inosente? Wow! Mahalay kamo! "Mabuti naman kung ganun, inosente ang apo ko at may tiwala ako sa kanya." Muntikan ko nang mailuwa ang kinakain ko sa sinabi nito. Mabilis naman akong inabutan ng tubig ni Marcus. Kahit na hindi ako nakatingin sa kanya ay alam kong nakangisi siya. Inosente? Hindi na, Lolo, simula nang makilala ko ang mahalay na 'to! "Tanging sa noo n'ya lang po dumarampi ang aking mga labi sapagkat malaki po ang respeto ko sa kanya." Napangiwi na lang si Gennica sa sinabi ni Mask. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa hita ko na ikinataas ng mga balahibo ko. Nagsisisi na ako na skirt ang sinuot ko kasi lapitin ng isang mahalay na boyfriend! "Right, honey? Ilang beses mo akong pinilit na halikan kita pero hindi ako pumapayag kasi malaki ang respeto ko sa 'yo. Kaya tanging sa noo mo pa lang dumadampi ang aking mga labi." Wow talaga! As in wow! Kanina lang ay sinalakay niya ako tapos sa noo lang dumarampi ang kanyang mga labi? Plastic ang gago! Gusto kong mapura kasi panay ang galaw ng kanyang kamay sa aking hita. Alam kong napapansin na ni Gennica ang pagkabalisa ko kasi kinakabahan ako na baka makita ni Lolo ang panlalandi sa 'kin ng lalaking katabi ko ngayon. "Totoo ba 'yun, apo?" "O-Opo, Lolo, nirerespeto niya po ako.." I bit my lower lip. Pilit kong inaalis ang kamay niya pero nagmatigas ang loko. Namumula na ang mukha ko! Namumula na sa galit! "L-Lolo, labas lang po kami..." Hinila ko na siya palabas at gigil ko siyang hinarap na ngayon ay sobrang lapad pa rin ng ngisi. "Baliw ka ba, ha?! Pwede bang iwanan mo muna ang kahalayan mo?! Paano kung nahuli tayo ni, Lolo, ha?! Siguradong ipapakasal niya agad tayo!" Hinampas ko siya sa kanyang dibdib pero mabilis niyang nahawakan ang braso ko para pigilan. Hanggang ngayon ay nakangisi pa rin ang loko. Kaunti na lang talaga ay masusuntok ko na siya sa inis. "Really? Then let's go inside again, honey.." Hinawakan niya ang kamay ko para hilahin papasok sa loob ng mansyon pero nagmatigas ako. Hindi pa rin nawawala ang kanyang ngisi. "Anong binabalak mo?" Bigla niya akong hinila papalapit sa kanya. Pinulupot niya ang isang braso niya sa aking bewang para mas lalo pa akong mapalapit sa kanya. Hinawakan niya rin ang pisngi ko at pinaglapat niya ang noo naming dalawa. "Hahalikan kita sa harapan niya mismo para maikasal na tayong dalawa." Lalapat na sana ang kanyang mga labi sa 'kin nang makarinig kami ng pagtikhim. Mabilis ko naman siyang itinulak palayo at hinarap kung sino 'yun. "Tapusin niyo raw muna na kumain bago kayo magkainan na dalawa." Namula naman ang mukha ko sa sinabi ng babaeng 'yun. Nang makaalis na 'to ay tinuloy na ni Mask ang pag angkin sa mga labi ko bago kami bumalik sa hapag-kainan. Nang matapos naming kumain ay nagtungo naman kami sa living room. Nasa labas naman si Mask kasi katawagan niya ang kanyang auntie. Akala siguro'y itinanan ko na ang pamangkin niya. Kinuwento ko kay Lolo ang pagpunta ni Papa sa bahay namin para humingi ng tawad. Naluha naman kaming dalawa ni Gennica, maging si Lolo ay nababakas din ang lubos na kalungkutan sa kanyang mukha. "Mga apo ko, kahit gaano pa kalaki ang kasalanan sa inyo ng inyong ama, pagbaliktarin man natin ang mundo, siya pa rin ang dahilan kung bakit nandito kayo ngayon. Masaya ako kasi dumating kayong dalawa sa buhay ko." Niyakap niya kaming dalawa. Sobrang namiss ko talaga siya lalo na ang bonding naming tatlo. Walang iba kundi ang paglalaro ng tagu-taguan. Kahit na matanda na si Lolo ay 'yun pa rin ang bonding namin kasi kaming dalawa lang na magkapatid ang kanyang apo. Nag-iisa niya lang na anak si Mama. "Magaganda kong apo, magtago na kayo!" Naghiwa-hiwalay na kaming tatlo kasi si Marcus ang taya. Mabuti na lang talaga na hindi siya KJ na sobrang ikinatuwa ko. "Honey, kahit saan sulok ka pang magtago, mahahanap at mahahanap pa rin kita. Be ready honey, be ready..." Tinakpan ko ang aking bibig para lang huwag makagawa ng anumang ingay. Kasalukuyan akong nasa ilalim ng mesa kung saan kami kumain kanina. Alam kong hindi ako makikita rito kasi mahaba ang table cloth. Narinig ko ang kanyang mga yabag kaya lumakas ang kabog ng puso ko. Alam kong kaya siya sumali kasi ako ang pupuntiryahin niya. Oh noh! Mukhang isang pagkakamali na isinali namin siya sa laro! "God, honey, I know you're here, bumibilis ang tibok ng puso ko..." I bit my lower lip. Napansin ko kasi ang anino niya at namilog na lang ang aking mga mata nang itinaas niya ang table cloth at sumalubong sa 'kin ang nakangisi niyang mukha. "Gotcha, honey!" Aalis na sana ako pero mabilis niyang nahawakan ang braso ko. Pumasok na rin siya sa ilalim ng mesa at hinila ako papalapit sa kanya. "Bakit ako lang ang hinanap mo? Ang day---" "Sa tingin mo ba, honey, sasali ako sa larong 'to nang walang dahilan? Syempre meron, alam mo ba kung ano?" Kahit na madilim sa ilalim ng mesa ay alam kong nakangisi siya. Pinagpapawisan na rin ako sa sobrang banas dahil walang pumapasok na hangin. "A-Ano?" Hinaplos niya kanang pisngi ko. Sobrang bilis na ng kabog ng puso ko sa oras na 'to. Damn this man, sa raming lugar talagang sa ilalim ng mesa na naman! "You and me, under this table, kissing passionately and telling each other how we really feel. Damn, honey, I love you. Mahal na mahal kita. Ayokong mawala ka sa 'kin, hindi ko kakayanin.." Pinalibot ko ang mga braso ko sa kanyang batok at sinalubong ko siya ng halik. Tinulak ko siya pahiga sa sahig at umupo ako sa kanyang tiyan habang magkalapat pa rin ang mga labi naming dalawa. "Mahal kita..." I said between our kisses. Naramdaman ko ang marahang paghaplos niya sa magkabilang bewang ko habang patuloy pa rin na pinagsasawa ang mga labi naming dalawa. He switched our position, and now he is on top of me. Masyadong malaki ang mesa kaya kahit magpagulong-gulong kaming dalawa rito sa ilalim. Ramdam ko rin na pinagpapawisan na siya kasi sobrang banas talaga rito sa ilalim. "Honey..." Pinaglapat niya ang noo naming dalawa. Nakasuporta ang dalawa niyang braso sa magkabila ko. "Hmm?" "Happy 1st monthsary.." he whispered. "Araw-araw akong na-i-in love sa 'yo, bawat araw mas lalong lumalalim... God, honey, mahal na mahal kita. I love everything about you, everything because you are my everything." Hindi ko mapigilan na mapangiti kasabay ng pagtulo ng mga luha ko sa sobrang kasiyahan na nararamdaman. "God, honey, did I make you cry? Shit. I'm sorry, please st---" "Umiiyak ako sa sobrang kasiyahan kasi nakilala kita, bee, sobrang saya saya ko. Wala na akong mahihiling pa kasi nasa tabi na kita. Happy 1st monthsary, bee, mahal na mahal kita kahit na mahalay ka..." Pinunasan niya ang luha ko nang bigla na lang may likidong pumatak sa aking pisngi. "Why, honey? Why did you make me cry? Umiiyak din ako honey, umiiyak sa kasiyahan." Muling naglapat ang mga labi naming dalawa. Naramdaman kong may nilagay siya sa leeg ko na isang malamig na bagay. "A necklace?" "Yes, honey, that is my gift for you." Hinawakan ko ang pendant at kahit na hindi ko nakikita ay alam kong puso ang design. "Pero wala ako gi----" "I don't need your gift, honey, ikaw lang lang sapat na para sa 'kin. Hindi ako mahilig sa materyal na bagay na posibleng mawala anumang oras. At dahil ikaw ang niregalo ni Lord para sa 'kin, gagawin ko ang lahat huwag ka lang mawala sa buhay ko." Niyakap ko siya sa sobrang kasiyahan. Naghiwalay kami nang makarinig kami ng ingay. Natigilan ako nang makitang dumungaw sa ilalim ng mesa si Gennica na halata sa mukha ang pagkabalisa. "A-Ate si Lolo, naghahanap na ng itak para kay Kuya Marcus..." Namilog ang aming mga mata sa sinabi ni Gennica. Hinawakan ni Marcus ang aking kamay at marahan na pinisil. Ramdam ko ang panlalamig ng kanyang palad. Mukhang kinakabahan siya. "Kayo naman kasi, alam naman ninyong sa ibabaw lang ng mesa pwedeng kumain pero mas pinili ninyong sa ilalim pa magkainan." Pinaningkitan ko lang siya ng tingin. Lumabas na kami sa ilalim ng mesa habang nahahalata pa rin kay Marcus ang takot. "T-Totoo ba ang sinabi mo? Iitakin ako ng Lolo niyo?" kinakabahan nitong tanong. Seryoso lang ang mukha ni Gennica pero ilang segundo lang ay bigla na lang 'tong tumawa. Hahablutin ko sana ang kanyang buhok pero mabilis siyang nakalayo. "Joke lang naman, Kuya Marcus, hanggang ngayon ay nagtatago pa rin si Lolo sa likod ng pintuan. Kanina pa siyang naghihintay doon na mahanap mo. Puntahan mo na siya at baka maitak ka na talaga kapag nagtagal ka pa." Nakahinga naman nang maluwag si Mask sa sinabi ng babaeng 'yun. Hinanap na nito si Lolo na mukhang kanina pa nga nagtatago. "Finally! Nahanap mo na rin ako. Nasa ilalim ako ng mesa kanina pero dahil mayroong naglalandian na katulong at hardinero ay mas pinili ko na lang na magtago sa likod ng pintuan." Natigilan kaming dalawa sa sinabi nito. Natawa na lang si Gennica habang pinagpawisan kaming malala ni Marcus. "Nagpagulong-gulong pa silang dalawa mga apo, hindi na nahiya!" "Oo nga po, Lolo, ang kakapal ng kanilang mga mukha," sabat ni Gennica habang malapad ang kanyang ngisi. Pinandilatan ko naman siya ng tingin. "Ang gwapo ko naman para maging isang hardinero," bulong ni Marcus. I rolled my eyes. "Hindi bagay sa ganda ko ang maging isang katulong," I whispered. Sobrang pula na ng mukha ko sa oras na 'to sa kahihiyan na nararamdaman. Bakit kasi kahit saang lugar ay sobrang landi naming dalawa? Mabuti na lang talaga na hindi kami nakilala ni Lolo. "Hindi na ako magtataka kung may mabuntis na katulong dito. Sanay matustusan nila ang kanilang magiging supling sa hirap ng buhay ngayon." Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa na tagaktak na ang pawis. "Kaya kayong dalawa, sa ibabaw ng mesa kayo kumain, huwag sa ilalim.." Mahina kaming napamura ni Mask sa sinabi ni Lolo. Mukhang alam niya na kami ang nasa ilalim ng mesa kanina. Bakit kasi sa ilalim pa ng mesa kami nag celebrate ng aming monthsary? Sobrang nakakahiya! Lesson learned, sa ibabaw ng mesa kumain huwag sa ilalim kasi delikado! Chapter 42 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 42 Today is Stella's birthday. Naghahanda na kami ng kapatid ko ng aming mga gamit na dadalhin kasi invited kami sa celebration ng birthday nito sa resort sa Batangas. Holiday naman bukas kaya okay lang na roon na kami matulog. Mabuti na lang talaga na maaga ang labas namin ngayon dahil nagkaroon ng meeting ang mga teacher. Hindi ko kasama ngayon si Marcus dahil kasama rin siya sa pagpupulong. Nag message na lang ako sa kanya na pupunta kami ng kapatid ko sa Batangas pero wala man lang akong natatanggap na tugon niya. Mukhang busy talaga siya. Hindi ko akalain na 22 years old na ngayong September 2 si Stella. Sobrang nagulat ako nang malaman ko 'yun. Sinabi niya na nasangkot siya sa isang car accident na naging dahilan para ma-coma siya ng halos na dalawang taon. Ibig sabihin ay college na dapat sana siya kung hindi nangyari ang insidenteng 'yun. Sobrang nalungkot ako nang malaman ko ang tungkol sa nangyari sa kanya. Hindi ko pa talaga siya lubos na kilala, pero masaya ako kasi nagku-kwento na siya sa 'kin tungkol sa buhay niya. "Ate, kakain na raw tayo..." Umiling ako. "Busog pa ako." Umupo siya sa gilid ng kama ko at hinawakan ang aking kamay. "Naghihintay na si Dad sa ibaba, sayang naman kung hindi mo matitikman ang pinaghirapan niyang lutuin." "Kung gusto mong kumain, edi kumain ka! Sinabi nang busog pa ako kaya huwag mo na akong pilitin pa." She let out a heavy sigh. Hindi ko naman magawang makatingin sa kanya. "Bakit ka ba ganyan, Ate, ha? Bakit hindi mo mabigyan ng second chance si Dad na muling makapasok sa buhay natin? Sobrang pinagsisihan niya ang kasalanang ginawa niya at ngayon ay gumagawa siya ng paraan para makabawi sa ating dalawa. Kahit si Mama ay nagawa na rin na patawarin si Dad kahit pa sobrang laki ng kasalanan nito sa kanya. Bakit ang tigas ng puso mo, ate? Please give him a second chance, kahit paunti-unti lang basta ang mahalaga'y makasama lang natin siya..." Napansin kong unti-unti nang namumuo ang luha sa kanyang mga mata at nasasaktan ako. Halos dalawang linggo na rin na binibisita kami ni Papa para ipagluto kaming magkapatid. Kahit na ilang beses ay hindi ko nagawang kainin ang niluto niya. Ilang beses na rin akong sinabihan ni Mask na bigyan ko ng chance si Papa na hindi ko naman magawa. Nangunguna sa 'kin ang sakit sa puso ko sa ginawa niya sa amin. Kahit si Mama ay sinasabing bigyan ko ng isa pang pagkakataon 'to pero ang hirap talaga. Sobrang hirap na magpatawad! "Oo na! Kakain na nga kaya huwag ka nang umiyak diyan, Tamara!" She glared at me. "Gennica, not Tamara, ang sama kayang pakinggan." "Oh? Edi sasabihin ko kay Lolo na masama ang bini—" "Subukan mo lang, Gianna Kinsley Arellano!" Ako naman ang natahimik sa sinabi niya. Mapait na lang akong napangiti kasi simula nung iniwan kami ni Papa ay hindi ko na ginamit pa ang aking second name na katulad ng pangalan nito. His name is Frederick Kingsley Arellano. The first man who brokes my heart and the man who made me cry every night. Should I give him a second chance? Kakalimutan ko na lang ba ang sakit na naramdaman ko noon at magsimula na lang ng panibagong buhay na kasama siya? "Dad, sasabay na po sa atin si Ate.." Natigilan si Papa nang makita ako. Iniwas ko na lang ang tingin sa kanya at umupo sa upuan na kaharap ang mesa kung saan punong-puno ng mga pagkain na kanyang niluto. I bit my lower lip. Sobrang bango ng niluto niya. Lalo na ang caldereta na paborito ko. Noon pa man ay magaling na talagang magluto si Papa kaya palagi akong busog, at nung iniwan niya kami. Para bang nawalan na ako ng gana pang kumain kasi hinahanap ng panlasa ko ang masarap niyang niluto. At ngayon ay muli ko na ulit matitikman ang niluto niya na sobrang namiss ko. Sumandok na ako ng pagkain habang ang lapad naman ng ngiti ng babaeng 'yun. Ramdam ko rin na pinagmamasdan ako ni Papa at alam kong nabigla siya na kakainin ko ang kanyang niluto. "Kain ka na po..." I took a deep breath. "P-Papa...." Nakita ko ang pagbuhos ng mga luha mula sa kanyang mga mata. Tumayo ako at sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap. "T-Thank you, anak, maraming salamat.. Walang katumbas ang sayang nararamdaman ko ngayon, pangako... gagawin ko ang lahat para lang makabawi ako sa pagkukulang ko sa inyong dalawa.." Hinaplos niya ang aking buhok habang patuloy lang sa pagbuhos ang mga luha ko sa kanyang dibdib. Naramdaman kong nakiisa na sa 'min si Gennica na maririnig din ang paghikbi. "P-Please, Papa, do your best, kasi ang sakit na naramdaman ko ay nandito pa rin sa puso't isipan ko. Please alisin mo ang kirot sa dibdib ko, ikaw lang makakapag-alis nito, Pa... Ikaw lang..." Humiwalay na siya ng yakap at hinawakan ang pisngi naming dalawa ni Gennica. Hinalikan niya ang noo namin habang bumubuhos pa rin ang mga luha naming tatlo. "Mahal na mahal ko kayong mga prinsesa ko at gagawin ko ang lahat para maging deserving ulit ako sa buhay niyo. Babawi ako sa mga prinsesa ko, babawi si Papa... Pangako..." Hindi naman siguro masama na bigyan ko siya ng second chance kasi kahit na pagbaliktarin ko man ang mundo, siya pa rin ang dahilan kung bakit nandito kami ngayon sa mundong 'to. Sana lang ay mawala na ang sakit na nakaukit sa puso ko nung araw na iniwan niya kami. Gusto ko nang maging masaya na kasama siya. ---- "Honey, please.. huwag na tayong tumuloy. Dito ka na lang mag swimming, lulunurin kita ng mga halik ko---" Binato ko siya ng unan. "Edi huwag kang sumama! Pinipilit ba kita, ha?!" Kanina pa niya ako kinukulit na huwag na kaming pumunta pa ng Batangas kasi masyado raw na malayo. Hindi na raw niya kaya pang magmaneho sa pagod dahil sa rami niyang inasikaso sa school kanina. Umalis na si Papa kasi may aayusin lang daw siya. Nagpaalam na rin kami sa kanya na pupunta kami ng Batangas. Syempre pinagbawalan niya kami kasi masyado raw na malayo mula rito. Sinabi ko naman sa kanya na kasama ko si Marcus kaya pumayag na siya na pumunta kami ng Batangas. May tiwala naman daw siya sa boyfriend ko at alam niyang hindi kami nito pababayaan. "Honey..." Niyakap niya ako mula sa likuran habang nakapatong ang kanyang mukha sa balikat ko. Kasalukuyan akong nakaupo ngayon habang nasa harapan ko ang malaking salamin. I was wearing a off shoulder summer dress. Hinayaan ko naman na nakalugay ang mahaba kong buhok na halos lumampas na sa pang-upo ko. "Ano?!" "Tulog na tayo..." Naramdaman ko ang pagdampi ng mga labi niya sa balikat ko na ikinataas ng aking mga balahibo. "Edi matulog kang mag-isa mo! Pagka-gising mo ay nasa Batangas na kami ng kapatid ko. Hahanap na lang ako ng poging pamalit sa 'yo!" Napatunghay siya sa aking sinabi. Nakita ko ang pamimilog ng kanyang mga mata gamit lang ang salamin na nasa harapan ko. "Pogi? Hahanap ka pa ng pogi? Fuck! Are you serious, honey? Hindi ba ako pogi sa paningin mo, ha?" Pumunta siya sa harapan ko at pinatay niyang ang kanyang mukha sa 'kin. Kaunting galaw ko lang ay siguradong maglalapat na ang mga labi naming dalawa sa sobrang lapit niya. Malaya kong napagmasdan ang kanyang mukha. Wala akong malalait sa kanya kasi napaka perpekto niya, lalo na ang dark brown niyang mga mata na ang sarap titigan. "Nasa harapan mo na ang pinaka poging lalaki sa buong mundo, honey, tapos hahanap ka pa ng p---" "Oo! Hahanap talaga ako ng pogi na hindi KJ na katulad mo!" Tinulak ko ang kanyang noo kasi sobrang lapit niya talaga sa 'kin. Masyadong delikado kasi paniguradong mabubura na naman ang lipstick ko sa isang iglap lang. "Fine!" Gulat ko siyang nilingon. "Payag ka na humanap ako ng pogi na hindi KJ na ipapalit sa 'yo?" He glared at me. "Payag na akong pumunta tayo ng Batangas." He licked his lower lip. Kahalayan alert! "but in one condition..." "Ano?" Hindi ko gusto ang ngisi niya sa oras na 'to. Hanggang ngayon ay nakasuot pa rin siya ng uniform. Bukas pa ang tatlong butones kaya lumalantad ang maputi niyang dibdib. Magulo rin ang kanyang buhok. Bakit kahit nakasuot lang siya ng uniform ay sobrang hot niya pa rin? Nasaan ang hustisya? "Paliguan mo 'ko, honey.." I was schocked. "Baliw ka ba, ha?! Bakit kita papali--" "Paliguan mo 'ko ng mga halik mo..." "No way!" Hindi ko namalayan na nakalapit na siya sa 'kin. Bigla niya na lang akong binuhat at iniupo sa gilid ng aking kama. "In what way do you like? Tubig o halik?" he smirked. Nilagay niya ang ilang hibla ng buhok ko sa likuran ng aking tainga habang mariin ang kagat niya sa kanyang pang-ibabang labi. Magkapantay ang mukha naming dalawa. Nakadantay ang dalawang kamay niya sa kama kaya sobrang lapit na namin sa isa't isa. Oh noh! Pwede bang both? Papaliguan ko siya gamit ang tubig pati na rin ng mga halik k-- no way! "O.." "What?" "I said O, 'yun ang pinili ko." Tinagilid ko ang aking mukha pero mabilis niyang nahawakan ang chin ko para muli akong iharap sa kanya. "Honey..." "Ano?" "Ikaw na lang ang paliliguan ko..." Mabilis kong tinakpan ang aking bibig kasi alam kong sasalakayin niya na naman ako. "Mabubura ang lipstick ko." "No problem, honey, ibabalik ko rin naman agad." Inalis ko na ang pagkakatakip ng aking kamay sa bibig ko kaya malaya na niyang naangkin ang mga labi ko. Matapos na magsawa ang mga labi namin sa isa't isa ay hinanda na namin ang sarili namin para sa pagpunta ng Batangas. Hawak ni Mask ang kamay ko habang busy siya sa pagmamaneho. Natutulog naman sa likuran si Gennica na mukhang puyat. Tahimik lang ako na pinagmamasdan ang bawat daraanan namin. "I'm so proud of you, honey." Napalingon ako sa kanya. "Huh? Para saan naman?" "Na tinanggap mo ulit and Dad mo sa buhay mo.." I smiled. "You're right, bee, kahit gaano pa man kalaki ang kasalanan niya sa 'min, he is still my father. Kung wala siya, wala rin kami ngayon sa mundong 'to..." "I am so thankful to your parents, so damn thankful..." Hinalikan niya ang likod ng palad ko. "Kasi binuo nila ang babaeng mamahalin ko nang sobra..." Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko sa kilig na nararamdaman. Kahit kailan talaga'y ang hilig niyang pakiligin ako. "Ano ba naman 'yan? Korean drama lang ang peg?" singit ni Gennica. Nagising na pala ang gaga. Kasalukuyan na niyang kinukusot ang kanyang mga mata. Humikab pa talaga ng malakas kaya napailing na lang ako. "Bitter ka lang, Gennica Tamara!" She rolled her eyes. "Edi stay strong sa inyong dalawa!" Napailing na lang kaming dalawa sa kanya. Minabuti ko na lang na tumulog kasi malayo talaga ang biyahe papuntang Batangas. Nagising lang ako nang maramdaman kong may humahalik sa aking pisngi. Pagmulat ko ay sumalubong sa 'kin ang mukha ng boyfriend ko na mukhang kanina pa ako sinasalakay habang ang himbing ng aking tulog. "How was your sleep, honey?" He kissed me again, this time sa mga labi ko na. Syempre gumanti ako naman ako ng halik. "Masyadong matamis ang tulog ko, bee." He smiled and kissed my forehead. "That's the power of my lips," aniya. Nilayo na niya ang kanyang mukha kaya umayos na ako ng upo. Napalingon ako sa salamin at mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko sa aking nakita. "Marcus Caden Samaniego!" I glared at him. "Yes, honey? Did you like it?" Naghanap ako ng pwedeng ibato sa kanya, sakto naman na may nakita akong bottled water na mabilis na lumipad papalapit sa kanya. Mabilis naman siyang nakaiwas. "What the fuck!" "Baliw ka ba, ha?! Bakit mo 'ko nilagyan nito?! For Pete's sake, Marcus Caden Samaniego! Naka off shoulder ako tapos lalagyan mo ako nito?! Paano kung may makakakitang iba? Nakakainis ka!" Panay ang bato ko sa kanya ng mga gamit na nakikita ko sa loob ng kotse niya. Nakakainis lang kasi nilagyan niya ako ng hickeys habang ang himbing nang tulog ko. Halatang pinangigilan niya ang leeg ko kasi sobra talaga ang pamumula. Mas mapula pa sa lipstick ko. "Fuck, honey, stop it! May dala akong scarf na pantakip d'yan, I am born ready honey, palagi akong handa lalo na kapag magkakaroon ng bakbakan nang hindi natin inaasa----" "Kinginamong mahalay ka!" Ibabato ko na sana ang aking hawak nang matigilan ako nang mapagtano kung ano 'yun. Mas lalong namula ang mukha ko sa galit. Condom! Kingina! Bakit may condom sa loob ng kotse niya?! Isang box pa! "Just like what I've said, honey, I'm always ready, that's the proo----" Hindi ko na tinapos pa ang kanyang sasabihin dahil lumabas na ako ng sasakyan at ibinato kung saan ang bagay na 'yun. Natanaw ko naman si Gennica na busy na sa pagkuha ng litrato. Napapikit naman ako habang nilalanghap ang sariwang hangin. Natatanaw ko rin ang unti-unting paglubog ng araw na ang sarap pagmasdan. Hinaplos ko ang pendat ng necklace na bigay ni Mask at napangiti ako. Naramdaman kong may yumakap mula sa likuran ko. I rolled my eyes. "Hone--" "Ano?!" "Are you mad?" "Ano sa tingin mo?" Inalis ko ang pagkakayakap niya kasi naiinis talaga ako. Lalayo na sana ako nang naramdaman kong binalutan niya ng scarf ang leeg ko. "Sorry na, honey..." Muli niya akong niyakap. Hinayaan ko na lang siya kasi hindi ko magawang maalis ang tingin ko sa paglubog ng araw. He kissed my cheek. "Sorry na please.." Hinarap ko siya at pinalibot ko ang mga braso ko sa kanyang batok Dinadala naman ng malakas na hangin ang kanyang buhok na mas lalo pang gumulo. He was wearing a white hawaiin polo shirt and a pair of jean short. Wala akong masabi sa kanyang pormahan kasi kahit ano namang suotin niya ay lumalantad pa rin ang kanyang kaguwapuhan. "Oh my ghad, ate, lipat kayo ng pwesto. Kukuhanan ko kayo ng litrato.." Tulad nga nang sinabi ng kapatid ko, pumunta kami sa lugar kung saan matatanaw ang paglubog ng araw. Nakailang kuha na siya sa amin at nababakas ang kasiyahan sa kanyang mukha kasi gusto niya talaga ang kanyang ginagawa. Sa huling shot ay bigla na lang akong hinalikan ni Marcus habang ang background namin ay ang sunset. "I love you," aniya. "I love you too, Marcus.." --- "Happy birthday, gurl!" Lumapit ako sa kanya at sinalubong siya ng mahigpit na yakap. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa. "Thank you, gurl.. Pasensya na kung hindi ako nakapag message sa 'yo kanina, alam mo naman na busy ang birthday girl.." she chuckled. Habang pinagmamasdan ko siya ay hindi ko mapigilan na humanga sa angkin niyang kagandahan. She was wearing a lossky summer dress. She also tied her hair. Wala akong masabi sa angkin niyang kagandahan kahit na mas may edad siya sa 'kin. "Here is my gift for you, gurl, sana magustuhan mo..." Namilog ang kanyang mga mata nang makita ang hawak kong maliit na regalo na ang laman ay bracelet. Matagal ko na 'tong nabili para sa kanya pero nakakalimutan ko lang na ibigay. "I love you, gurl," she kissed my cheek. Nagpaalam na siya para puntahan pa ang iba niyang bisita na halos mga pinsan niya. Nalaman ko na ang resort na 'to ay pagmamay-ari ng isa niyang pinsan. Hinanap ng paningin ko si Gennica na kasalukuyan nang nakikipag-usap sa isang pinsan ni Stella. Bumalik ako sa room na naka assign para aming magkapatid. Napailing na lang ako nang makita si Mask na mahimbing nang natutulog. May room naman siyang kanya pero nandito siya ngayon. "Bee?" "Yes, honey?" Gising pala ang loko! "Aren't you hungry?" Umupo ako sa gilid ng kama. Sumandal naman siya sa headboard ng kama habang kinukusot ang kanyang mata. "I'm hungry, honey, pero hindi pagkain ang gusto kong kainin..." Kahalayan alert! "Magtigil ka nga, Marcus Ca--" "Tulog na tayo, honey.." Umiling ako. Ayaw ko pang matulog kasi gusto kong maki-celebrate sa kanila. "Matulog kang mag-isa mo!" "Honey, naman, mahal mo ba ako?" Binato ko siya ng unan na tumama sa kanyang balikat. Inirapan ko rin siya at tumayo na ako kasi balak kong pumunta ng C.R dahil naiihi na ako. "Where are you going?" "C.R lang ako." "I'll go with you..." Mabilis siyang bumangon sa kama at lumapit sa 'kin habang may ngisi sa kanyang mga labi kaya napairap na lang ulit ako. "No way! Diyan ka lang kasi madali lang naman ako!" "Yes way, honey, sasama ako!" I bit my lower lip. "Marcus!" Hinawakan niya kamay ko at hinila ako papalapit sa kanya. Napahawak naman ako sa kanyang dibdib dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa. "Sayang ang condom kapag hindi natin nag---" Tinakpan ko ang kanyang bibig. "Ewan ko sa 'yo!" Hindi ko na siya hinintay pa na umimik kasi lumabas na ako ng room na 'yun. Mabilis akong nagtungo sa restroom kasi sasabog na talaga ang pantog ko. Napailing na lang ako kasi narinig kong may nagbukas ng pintuan. Hindi na ako magtataka kung paglabas ko ng cubicle ay bigla na lang may sasalakay sa 'kin. "My ghad!" Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko nang biglang mamatay ang ilaw. Pilit kong ko kinapa ang doorknob at nang magtagumpay ako ay mabilis ko nang binuksan ang cubicle. "M-Marcus..." Alam kong nandito siya, at tama nga ako kasi bigla na lang may humawak sa braso ko at sinandal ako sa dingding. "B-Buksan mo ang ilaw na mahalay ka, hindi na talaga ako natu---" Hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin kasi dumampi na ang mga labi niya sa 'kin. Natigilan ako. His scent is not familiar. Even the way he kissed me, parang hindi ko kilala ang lalaking humahalik sa 'kin ngayon. "W-Who ar----" he cut me off with a kiss. Sinubukan ko siyang itulak pero nagmatigas siya, patuloy lang siya sa paghalik sa 'kin. At nang magtagumpay ako sa pagtulak sa kanya ay mabilis ko siyang sinalubong ng isang malakas na sampal. "Gago ka!" Akmang sasampalin ko ulit siya nang bumukas na ang ilaw. Natigilan ako nang makilala kung sino ang lalaking 'yun. Nakita kong nasasaktan siya habang nakatitig sa 'kin. He licked his lower lip while staring at me. "I'm back, my lady, at hanggang ngayon...." mapait siyang ngumiti. "...mahal pa rin kita." Natigilan ako sa kanyang sinabi. "J-Josh..." Chapter 43 [Accidentally Kissed With A PL...] (Warning: Slight SPG) Chapter 43 "W-Why?" Hindi ako makapaniwala sa ginawa niyang paghalik. Masaya ako na bumalik na siya pero bakit naman halik ang sinalubong niya sa 'kin? Ang teritoryo ni Marcus ay may lumapat na ibang mga labi na sobrang ikasasakit niya. "W-Why did you do that?" Napasabunot siya sa kanyang buhok. Mukhang hindi rin siya makapaniwala sa kanyang nagawa. "I'm sorry..." He was wearing a white shirt and a pair of black pants. Medyo namayat din siya na bumagay naman sa kanya. Napansin ko rin ang kulay brown niyang buhok na mas lalong nakapagpa-guwapo sa kanya. Alam kong matutuwa ang kapatid ko sa oras na makita niya si Josh kasi matagal na rin siyang naghihintay na bumalik 'to. "W-Why did you kissed me? Alam mong girlfriend ako ng kaibigan mo!" I bit my lower lip to hold back my tears. Gusto kong umiyak kasi alam kong sobrang masasaktan ko si Mask sa oras na malaman niya na hinalikan ako ng kaibigan niya. "I am really sorry... hindi ko napigilan na gawin 'yon kasi sobrang namiss kita. Sinubukan kong kalimutan ang nararamdaman ko sa 'yo pero hindi ko talaga magawa. Sa tuwing magkatawagan tayo, umaasa ako... Umaasa na mabalitaan ko na wala na kayong dalawa." Akmang hahawakan niya ang aking pisngi pero mabilis akong umatras palayo sa kanya. Nagulat naman siya sa ginawa ko. "I'm glad you're back..." Sinubukan kong ngumiti sa kanyang harapan kahit ang totoo ay naiinis ako sa ginawa niyang paghalik sa 'kin. "Pero sana hindi mo ginawa ang bagay na 'yon kasi masasaktan si Marcus sa oras na malaman niyang may ibang humalik sa 'kin. Ayaw kong mag-away na naman kayo nang dahil lang sa 'kin." Hindi ko namalayan na nakalapit na siya sa 'kin at sinalubong niya ako ng yakap. Pilit akong kumakawala pero mas hinigpitan niya pa ang pagkulong sa 'kin sa kanyang bisig. "A-Ano ba, Josh?! Hindi pa ba malinaw sa 'yo na pagkakaibigan na lang ang maibibigay ko sa 'yo?! Mahal ko si Marcus, mahal na mahal ko ang kaibigan mo!" Hanggang ngayon ay pilit ko pa rin siyang tinutulan palayo pero hindi ko talaga magawang magtagumpay. "Please, Gianna, kahit ngayon lang. Hayaan mo ako na yakapin ka. Yakapin ang babaeng may mundo nang iba. Pangako, ititigil ko na ang nararamdaman ko sa 'yo kahit na mahirap." Hinayaan ko na siyang ikulong ako sa kanyang bisig para matapos na 'to. Para tumigil na siya sa nararamdaman niya sa 'kin kasi alam kong masasaktan ko ang kapatid ko. "B-Bakit? Bakit hindi ako ang pinili mo? Alam kong sa una pa lang ay ako na ang gusto mo..." Humiwalay siya ng yakap at hinawakan ang magkabila kong pisngi. Napansin ko ang namumuong luha mula sa kanyang mga mata at nasasaktan ako kasi ako na naman ang dahil kung bakit nadudurog ang puso niya. "J-Jos--" "Sa tuwing magkasama tayo, nakikita ko ang tamis ng ngiti sa mga labi mo na alam kong ako ang may dahilan. Everytime na bumabanat ka, umaarte lang ako na hindi ko narinig ang sinabi mo." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Ibig sabihin totoo ngang umaarte lang siya na parang walang narinig? "Alam mo ba kung bakit? Kasi natatameme ako, pinapabilis mo ang tibok ng puso ko. Yes, my lady, nung una pa lang, nakuha mo na agad ang atensyon ko." Hindi ko alam ang sasabihin ko sa aking narinig. Hanggang ngayon ay nakahawak pa rin siya sa magkabila kong pisngi. Aaminin ko na namiss ko siya, hindi dahil sa nagustuhan ko siya, kundi dahil tinurin ko rin siyang isang tunay na kaibigan. "Nung una, wala lang sa 'kin sa tuwing makikita ko kayong magkasama ng kaibigan ko kasi kampante ako na hindi mo siya magugustuhan dahil alam kong naiinis ka sa kanya pero bakit ang bilis niyang nakuha ang puso mo?! Bakit hindi ako nagtagumpay na makamit ang bagay na inaasam ko na makuha mula sa 'yo? Why is hard to love me?! Bakit sa isang playboy ka pa nahulog? Fuck! Ang daming katanungan sa isip ko na gusto kong masag--" "Kasi mahal ko siya, mahal na mahal ko ang kaibigan mo, at 'yon ang sagot sa lahat ng mga katanungan mo, Josh..." Hinawakan ko ang kanyang mga palad at inalis sa aking pisngi. Pinilit kong tumitig sa kanyang mga mata kung saan makikitang nasasaktan talaga siya. "Josh, you have a good heart, plus na rin na gwapo ka at alam kong mayroong babae na mas deserving ang pagmamahal mo. Huwag na ako ang mahalin mo kasi mayroon akong kakilala na sobrang special sa buhay ko na naghihintay na sana mapansin mo." At ang babaeng tinutukoy ko ay ang kapatid ko. "G-Gian--" "Let's just be friends?" Nilahad ko ang palad ko habang may ngiti na sa aking mga labi. Alam kong nagdadalawang isip siya na tanggapin 'yon pero sa huli ay tinanggap niya pa rin. "Ang hirap, sobrang hirap na umarteng kaibigan lang ang turin ko sa babaeng mahal ko, but I will do my best." He smiled. "Friends..." Sa huling pagkakaton, muli niya akong kinulong sa bisig niya bilang isang kaibigan. "Kapag dumating ang araw na lumuha ka nang dahil sa kanya, nandito lang ako na magpupunas ng mga luha mo." Humiwalay na siya at tinalikuran ako. Natigilan naman ako sa kanyang sinabi habang ang lakas ng kabog ng puso ko. Bakit parang alam niya na darating ang araw na luluha ako nang dahil kay Marcus? Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang sinabi niyang hindi kami pwedeng dalawa ni Marcus. Bakit? Anong dahilan? "W-What do you mean?" Muli niya akong hinarap at mapait siyang ngumiti. "Be happy, Gianna, I want you to be happy..." Bigla na lang sumeryoso ang kanyang mukha na mas lalong ikinalakas ng kabog ng puso ko. "Pero ang kasiyahan ay mayroong sukdulan at nandito lang ako para sa 'yo." Muli niya akong tinalikuran at nagsimula na siyang maglakad palayo sa 'kin. Hahabulin ko na sana siya para pigilan nang pareho kaming matigilan na dalawa. Saktong pagbukas niya ng pinto ay naghihintay sa labas si Mask. Napako ako mula sa aking kinatatayuan nang bigla sinalubong ng suntok ni Marcus ang kanyang kaibigan. "Tangina, tol! Girlfriend ko 'yan!" Bumagsak sa sahig si Josh dahil sa lakas ng suntok sa kanya ni Mask. Mabilis ko silang dinaluhan para pigilan si Mask na mukhang balak na namang suntukin ulit si Josh. "Please, tumigil ka na!" Humarang ako sa harapan ni Mask na mababakas ang galit sa kanyang mukha. Nang magtama ang tingin naming dalawa ay bigla akong natigilan. Sakit at galit ang naghahalo sa paraan ng titig niya sa 'kin. "Now I know..." He gritted his teeth. "Tol!" tawag sa kanya ni Josh pero hindi niya 'to nagawang pansinin dahil nanatili ang kanyang titig sa 'kin. "L-Let me ex--" he cut me off. "Do you really love me?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Hindi ko na napigilan na tumulo ang mga luha ko habang nakatitig sa kanyang mga mata. Ang sakit lang kasi nagawa niyang pagdudahan ang pagmamahal ko sa kanya. "Mahal kita, mahal na mahal kita, Marcus Cad----" Hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin kasi bigla niya na lang akong hinila palayo sa lugar na 'yon. Wala akong nagawa kundi ang magpadala sa kanya. "Gurl!" Tinawag ako ni Stella pero tanging ngiti lang ang naibigay ko sa kanya kasi hanggang ngayon ay hila pa rin ako ni Mask. "Saan kayo pupunta, ate?" salubong naman ni Gennica. Nilampasan lang siya ni Mask at dahil hawak nito ang braso ko ay hindi ko nagawang sagutin ang tanong ng kapatid ko. "M-Marcus..." Hindi niya ako pinansin. Mariin ang kagat ko sa aking pang-ibabang labi kasi alam ko na sobrang nasaktan siya nang makitang magkasama kami ni Josh sa iisang lugar. Pumasok kami sa isang room. Binitiwan niya ang agad ang braso ko habang habol ang tingin ko sa kanya. Umupo siya sa gilid ng kama habang sapo ang kanyang mukha. "B-Bee..." Lalapit na sana ako sa kanya nang bigla akong matigilan sa kanyang sinabi. "Please, riyan ka lang! Huwag ka munang lumapit sa 'kin. Fuck" Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko habang patuloy lang sa pagtulo ang aking mga luha. Hanggang ngayon ay nakatakip pa rin ang mga palad niya sa kanyang mukha. "I-I'm sor--" "Did he kiss you?" Nakatitig na siya sa 'kin ngayon at nakikita ko talaga sa kanya na sobra siyang nasasaktan. At mas lalo pa siyang madudurog sa isasagot ko. "I'm sorry bee, I am real---" "Fuck! Answer me!" Hindi ko namalayan na nakalapit na siya sa 'kin. Nakahawak siya sa magkabilang balikat ko habang pilit na hinuhuli ang aking tingin. "Y-Yes, he did... He kissed me..." Natigilan siya sa sinabi ko at mas lalo pa akong napako mula sa aking kinatatayuan nang makita ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. "Y-You're breaking my heart, honey. It hurts, so damn hurts. Parang pinapatay ang puso ko sa sobrang sakit..." Tinuro niya pa ang kanyang dibdib habang patuloy lang sa pagtulo ang mga luha niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa oras na 'to. Kasi ang lalaking mahal ko ay nasasaktan nang dahil sa 'kin. "I-I'm so---" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko at hinawakan ang aking kamay. "T-Tumayo ka nga ri--" "A-Ako pa rin ba ang mahal mo? Ako pa ba ang laman ng puso mo? Kasi kung hindi na, please, honey, love me again. Hindi ko kakayanin na mawala ka sa buhay ko. Kakalimutan ko na hinalikan ka niya, kakalimutan ko ang nangyari ngayong araw huwag mo lang akong ipagpalit sa kanya. You used to liked him, at natatakot ako na baka iwanan mo ako para lang sa kanya.. " Patuloy lang sa pagbuhos ang mga luha niya habang nanatili siyang nakaluhod sa aking harapan. Dinadama ng pisngi niya ang palad ko. Para siyang kuting na nanlalambing sa amo niya. "D-Don't leave me please, honey, ayokong maiwan ulit, hindi ko na kakayanin pa, mahal na ma--" Hindi na niya naituloy pa ang kanyang sasabihin kasi lumuhod na rin ako at sinalubong ko siya ng halik. "Baliw ka ba, ha?! Bakit naman kita iiwan? Mahal na mahal ki--" This time, siya na ang umangkin sa mga labi ko. Nararamdaman ko ang pagtulo ng mga luha niya sa aking pisngi. Balak ko na sanang punasan ang mga luha niyang pumapatak mula sa kanyang mga mata pero pinigilan niya ako. Bigla niya na lang akong binuhat habang patuloy pa rin siya sa pag-angkin sa aking mga labi. Naramdaman ko na lang na lumapat na sa kama ang aking likuran. "God, honey, I love you," he said between our kisses. I put my around his neck and deepened the kissed. He is now on top of me, nakadantay ang dalawa niyang braso sa magkabila kong gilid bilang suporta. Tumitig siya sa aking mga mata na kung saan mababakas sa kanya ang lubos na pagmamahal. "I love you more..." I claimed his lips, he bit my lower lip while his hand traveled down my body. He gently squeezed my waist first before his warm hands claimed my right breast. "Hmm, Marcus.." A moaned scaped my lips. Bumaba ang halik niya sa jaw ko at nung balak na niyang salakayin ang leeg ko ay bigla siyang huminto. "Fuck! Masusuntok ko ang naglagay ng scarf na 'to! Tangina sagabal!" I giggled. He removed it using his teeth. Oh my god! Why so hot, bee? He is now licking my neck down to my shoulder, while my hand entered his shirt and feel his warm skin. I heard him groaned and I can't help myself to bit my lower lip. Muli niya akong sinalakay ng halik nang bigla na lang dumilim ang paligid. "Fuck!" "Ba't namatay ang ilaw?" I asked. Ramdam kong umalis na siya sa ibabaw ko habang mariin naman ang kagat ko sa aking pang-ibabang labi. Muntik nang may mangyari sa aming dalawa! "Fuck talaga! Paano ko pa makikita ang katawan mo kung walang il---" Hinampas ko siya ng unan na naabot ng aking kamay. "Kinginamong mahal---" "Honey, kailangan ng halik ng makasalanan mong mga labi.." Tinakpan ko naman ang aking bibig para hindi niya matuloy ang balak niyang paghalik sa 'kin. "Magtigil ka!" "Ho--" "Pakikapa naman ng phone ko, hindi ko alam kung nasaan." Hindi niya ako sinagot pero alam kong sinisimulan na niyang kapain ang phone ko sa kama. Natigilan ako nang maramdaman ko ang kanyang kamay na nasa hita ko habang marahan niyang pinipisil. "Marcus!" "What, honey? Tinutulungan lang kitang hanapin ang phone mo.." "Ang sabi ko, phone ang kapain mo, huwag ang hita ko." Tinapik ko ang kanyang kamay dahil isang taas na lang talaga ay siguradong mararating na ng palad niya ang rurok ng kalangitan. "Oh? Sorry, honey..." I rolled my eyes. Alam kong pinipigilan niyang matawa sa kalokohan niya. "Nasaan na?" I said in frustration. Panay ang kapa ko nang may nahawakan akong isang matigas na bagay na ikinakunot ng aking noo. "Damn, honey, alisin mo ang kamay mo riyan. Huwag mong mas lalong galitin ang alaga ko, nanunukla---" "Oh my ghad!" Napaatras ako palayo sa kanya dahil nakapa ko na pala ang bagay na 'yon. Gusto kong iumpog ang ulo ko sa pader sa sobrang kahihiyan. Pero in fairness, malaki at buhay ang anacon-- my ghad! "We're even, honey, you touched my very big and long bird while I touched your boo--" "Kinginamong mahalay ka!" Kahit na wala akong makita ay nagawa ko pa rin na abutin ang kanyang buhok at inis ko siyang sinabunutan. "Fuck, honey, stop it! Sinaktan mo na nga ang puso ko, pati ba naman ang anit ko? Nasasa--" "I'm sorry..." Naramdaman kong kinakapa niya ang aking kamay na mabilis ko naman ibinigay sa kanya. Bigla niya na lang akong hinila pahiga at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. Nakaunan ang ulo ko sa kanyang braso habang magkaharapan kaming dalawa. Tanging ang liwanag ng buwan ang nagbibigay ilaw sa amin ngayon. "Honey, nadurog ang puso ko nang makita ko kayong magkasama ng kaibigan ko. Damn. Mabilis akong masaktan pagdating sa 'yo, makita ko pa lang na nakatingin ka sa ibang lalaki, nasasaktan na ako, na mayroong kausap na iba, nasasaktan ako. Kapag galit ka, nasasaktan ako. Mas triple naman ang sakit kapag nakikita kong may luhang tumutulo sa mga mata mo. Lahat, honey, lahat ikinadudurog ng puso ko kasi mahal kita. " Hinaplos niya ang aking pisngi at marahan niyang hinalikan ang noo ko. "I am scared, honey, really scared, na baka iwanan mo ako at siya ang piliin mo." Hinawakan ko ang kanyang pisngi habang hindi ko na napigilan na mapaluha sa kanyang sinabi. Sobrang mahal niya ako at kaunting pagkakamali ko lang, alam kong ikadudurog na ng puso niya. "I will do my best, para lang manatili ang pagmamahal mo sa 'kin, kung may nagugustuhan ka nang iba, hindi pa rin ako susuko sa 'yo. I will make you fall in love with me again, honey, kukuhanin ko ulit ang puso mo para lang bumalik ang pagmamahal mo sa 'kin." Pinaglapat ko ang noo naming dalawa. Pinunasan niya ang mga luhang pumapatak mula sa aking mga mata. "Bakit mo naisip na magmamahal pa ako nang iba, ha?! Nakakainis ka! May doubt ka ba sa pagmamahal ko sa 'yo?" "Honey, it is not lik--" "Marcus Caden Samaniego, mahal na mahal kita, sobra sobra, at kahit kailan ay hindi maglalaho ang nararamdaman ko para sa 'yo. Hulog na hulog ako at wala na akong balak pang umahon." Nag-angat ako ng tingin at tumitig sa kanyang mga mata. "You're my first love, bee. Ikaw ang unang lalaking nakasungkit ng puso ko." Humigpit ang yakap niya sa 'kin at pinaulanan niya ako ng halik sa buo kong mukha. "I'm so happy, honey, so damn happy.." Sa isang iglap ay nasa ibabaw ko na naman siya habang sinasalakay niya na naman ang mga labi ko. "Oh my gosh!" Bigla ko siyang naitulak nang mayroong nagtapat ng ilaw sa aming dalawa. Napairap na lang ako nang makitang sobrang lapad ng ngisi ng babaeng 'yon. "Ops! Sorry!" Mabilis kong inayos ang aking sarili. Sa tingin ko'y sobrang gusot na ng suot ko sa nangyari. "A-Anong kailangan mo?" I asked. "Magbo-blow na raw ng candle si Ate Stella, kaya mamaya niyo na ituloy ang pagbo-blow ninyong dalawa." "Gennica Tamara!" Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Kumuha ako ng isang unan at ibinato sa kanya pero mabilis siyang nakaiwas. "Lumabas na kayo riyan! Kanina pa silang naghihintay sa inyong dalawa. Mamaya pa raw sila magpapaputok ng fireworks, huwag niyo raw unahan." Umalis na ang gaga habang namumula naman ang aking mukha sa kahihiyan na nararamdaman. "So honey, let's con---" "Bahala ka sa buhay mo!" Tumayo na ako sa kama at inayos ang aking sarili kasi balak kong makiisa sa kanila. Siguradong kanina pa ako hinihintay ni Stella. "Nasaan ang scarf?" Inaayos na rin niya ang kanyang sarili kasi sobrang nagusot ang suot niyang damit na mas lalo pang ikinapula ng mukha ko. Napansin kong hawak niya ang scarf at mabilis na lumapit sa 'kin. "Ako na ang mag--" "No, honey, I'll do it." Hinayaan ko na siya na maglagay pero bago pa niya takpan ng scarf ang leeg ko, sinalakay niya muna na sa tingin ko'y mas lalo pang namula. Nang ma-blow na ni Stella ang candle ay nagsimula na ulit ang party nila. Syempre hindi humihiwalay sa 'kin ang boyfriend ko kasi nandito si Josh. Kasama nito si Stella kaya nakikita ko ang lungkot sa mukha ng kapatid ko. Kasalukuyan na kami ngayong nakaupo sa gilid ng pool na pambata. Hindi siya marunong lumangoy kaya nandito kami ngayon. "Swimming tayo?" Umiling siya. "Tanginang swimming 'yan, lulunurin kita ng pagmamahal ko." Bigla niya na lang akong niyakap na ikinangiti ako. Nang humiwalay siya ng yakap ay hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. "Honey?" "Yes, bee?" Bigla siyang ngumisi. I rolled my eyes. Kahalayan alert! "Saan mo tinapon ang condom? Gagamitin nat--" Bigla kong pinisil ang kanyang bewang na ikinangiwi niya. "Ewan ko sa 'yo!" Tumayo na ako at akmang aalis na nang hawakan niya ang braso ko para pigilan. Bigla siyang tumalon sa pool na hanggang bewang niya lang at dahil hawak niya ang braso ko ay nasama tuloy ako sa kanya. Nagsabuyan lang kami ng tubig at nang magsawa na kaming maligo ay bumalik na kami sa room niya. "Honey, sabay na tayo ma--" "Magtigil ka!" Mabilis kong sinarado ang pinto para wala na siyang magawa pa. Syempre sinigurado ko na naka-lock kasi baka bigla niya na lang akong pasukin sa loob. Mabuti na lang talaga na may C.R sa loob ng kanyang room. Nang matapos akong maligo at magbihis sa loob ng banyo ay lumabas na ako. Sumalubong naman ang nakabusangot na mukha ng boyfriend ko habang pinagmamasdan ang suot kong pantulog. Akala siguro niya ay lingerie ang susuotin ko. No way! Baka salakayin niya lang ako. Masyadong delikado! "Bakit ganyan ang mukha mo?" Napangisi ako kasi halata talaga ang paghihinayang sa kanyang mukha. "Honey.." "Bakit?" He bit his lower lip. "When you became my wife, honey, there's no need for laundry.." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Huh? What do you mean?" "Coz we're naked all day.." Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Kinuha ko ang tsinelas na suot ako at ibinato sa kanya pero mabilis siyang nakapasok sa loob ng C.R. "Mahalay ka!" I shouted. "Mahal naman kita," he replied. Napailing na lang ako sa sinabi niya. Umupo na ako sa gilid ng kama nang biglang mapadako ang tingin ko sa kanyang phone na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Napangiti ako nang makita na ang wallpaper niya ay 'yong litratong kinuhanan kanina ni Gennica. Magkalapat ang mga labi naming dalawa habang ang background namin ay sunset. Nagtingin ako ng mga litrato at napailing na lang ako kasi puro stolen pic ko aking mga nakikita. Bigla akong natigilan nang may nakita akong isang litrato. Nanginig ang kamay ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Magkasama silang dalawa ni Papa sa litrato. Nakaakbay pa si Papa sa kanya habang lapad ng ngiti nilang dalawa. Alam kong matagal na 'tong kinuhanan kasi masyado pang bata ang mukha ni Marcus. Tiningnan ko naman ang contacts niya at pinindot ang number ni Papa na saulado ko. At natigilan ako nang makita ang pangalan ni Papa sa contacts niya. "Dad." Chapter 44 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 44 "The first thing we notice here is that the exponent on the sine is odd, so we can strip on of them out.." Hindi ko maalis ang titig sa kanya habang nakatuon ang pansin niya sa kaharap na libro. Mayroon pa siyang suot na salamin na wala namang grado kasi tinuturuan niya ako ng calculus. I bit my lower lip while staring at him. Wala akong masabi sa kagwapuhang taglay ng mahalay kong boyfriend. "Now we can use the trig identity sin..." He looked at me. "Are you listening to me, honey?" Napaayos ako ng upo at binuklat ang librong nasa harapan ko. "Of course..." "Solve this, then..." Namilog ang aking mga mata sa kanyang sinabi. Wala kasi akong naintindihan sa tinuro niya dahil lutang ang isipan ko. Nandito kami ngayon sa loob ng aking kwarto. Palagi na lang siyang nandito pero kahit na kailan ay hindi ko siya pinayagan na matulog dito. No way! "Pakiulit nga nang sinabi mo, bee, hindi ko kasi naintindihan." I bit my lower lip while staring at the book. "Fuck, honey, don't bite your lips." Sinarado niya ang libro at hinawakan ang upuan ko upang maiharap sa kanya. Inalis niya naman ang suot niyang salamin at ginulo rin ang kanyang buhok. "Are you seducing me, honey?" he smirked. "Mukha mo!" Tumayo na ako kasi balak kong kumuha ng pagkain namin nang bigla niya na lang akong hinila papalapit sa kanya at pinaupo sa kanyang lap. "Paamoy nga sa honey ko..." Lalapit na sana ang kanyang ilong sa leeg ko pero mabilis kong tinulak ang noo niya. "Behave!" Napasimangot naman siya sa sinabi ko. Niyakap ko siya at sinubsob ang aking mukha sa kanyang dibdib. Naramdaman ko naman ang marahan niyang paghaplos sa buhok ko na ikinangiti ko. "I love you, honey," he whispered. Humiwalay na ako ng yakap at pinaglapat ang noo naming dalawa. Nakapikit lang ang aking mga mata habang humahalimuyak sa aking ilong ang bango ng mint na mula sa kanyang hininga. Nilapat ko ang palad ko sa kanyang dibdib at napangiti na lang ako kasi ramdam ko ang lakas ng kabog ng puso niya na ako ang dahilan. "Hindi ko pa rin talaga nakakalimutan ang gabing 'yon, bee, sobrang takot na takot ako kasi akala ko talaga na... na.." I took a deep breath. "...magkapatid tayong dalawa." Muling bumalik sa alaala ko ang gabing 'yon kahit na dalawang linggo na ang nakalipas. Nung araw na inakala ko na magkapatid talaga kaming dalawa...na siya ang anak ni Papa sa ibang babae. But I was wrong... "Dad." Hindi ko alam kung anong ire-react ko sa aking nabasa na pangalan ni Papa sa contacts niya. Ibig ba nitong sabihin ay siya ang anak ni Papa sa ibang babae? Tangina! Kaya ba sinabi niya na mayroon siyang surpresa sa 'kin nung araw na muling nagparamdam si Papa. Hindi ko akalain na iisa lang pala ang ama naming dalawa. Kaya rin ba parang magkakilala na silang dalawa ni Lolo? Ito na ba ang dapat ko na malaman? Naguguluhan na ako! Hindi ko namalayan na bumuhos na pala ang mga luha ko sa sakit na nararamdaman. Parang dinurog ang puso ko kasi ang lalaking mahal ko ay posibleng kapatid ko pala. "Honey..." Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama at hinarap ko siya. Napansin kong nagulat siya nang makitang may luhang tumutulo sa mga mata ko. "Tanginamo, Marcus Caden Samaniego!" Hindi ko na napigilan na hampasin siya habang patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. "God, honey! Damn it! Why the hell are you crying? Please stop it, it is br--" "Manloloko kang gago ka!" Patuloy lang ako sa paghampas sa kanya nang bigla niyang hawakan ang braso ko para pigilan. "God, honey, kahit na kailan ay hindi ko naisipan na lokohin ka kasi mahal na ma--" "I-Ikaw ba ang anak ni Papa sa babaeng pinagpalit niya kay Mama, ha?! Ikaw ba?!" Napansin kong natigilan siya sa sinabi ko kaya hindi ko na napigilan na mapaupo sa sahig habang sapo ang aking mukha. Mas lalo rin na bumuhos pa ang aking mga luha kasi ang sakit na malaman na posibleng kapatid ko nga siya. "M-Magkapatid ba tayo?! Kasi tangina! Ang sakit, sobrang sakit na tinago niyo sa 'kin ang katotohanan. Ang katotohanan na anak ka rin ni Papa. Na ang boyfriend ko ay kapatid ko pala." Hinawakan niya ang kamay ko na mabilis ko naman inalis. Nagulat naman siya sa aking ginawa. "Huwag mo akong hawakan na mahalay ka!" Hindi niya ako pinakinggan kasi muli niyang hinawakan ang aking kamay. "Look at me, honey, please look at me..." Umiling ako habang patuloy pa rin sa pagbuhos ang mga luha ko. "H-Hindi ko kayang tumingin sa 'yo, kaya please lang, lumabas ka na at baka masuntok pa kita!" Tinulak ko siya palayo pero bigla niya na lang akong sinalubong ng mahigpit na yakap. Pilit naman akong nagwawala sa bisig niya pero mas lalo niya lang akong kinulong. "God, honey, mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa ang maging magkapatid tayong dalawa." Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at pinaglapat niya ang noo naming dalawa. "P-Please, leav--" "How can I leave you like this, honey? Fuck! Kung nakita mo na Dad ang pangalan ng Papa mo sa contacts ko, Yes, I called him Dad, pero tangina! Hindi tayo magkadugo, honey! Hindi tayo magkapatid!" Natigilan ako sa sinabi niya. "W-What? Tangina, Marcus Caden Samaniego! Please enlighten me, nasasaktan ako. Ang sakit, ang sakit sakit..." Panay ang hampas ko sa kanya samantalang hinahayaan niya lang ako na gawin 'yon. "I'm sorry, honey, I am really sorry for hurting you. Damn. Please, huwag ka nang umiyak kasi hindi tayo magkapatid na dalawa. Magkaibigan ang mga ama natin simula pa nung high school sila. Yes, honey, matagal na kitang kilala kasi palagi kang kinu-kwento ng Dad mo sa 'kin. Sa tuwing pumupunta siya sa bahay para bisitahin si Dad ay ikaw na lang palagi ang bukambibig niya, kayo ng kapatid mo. Everytime na kinukwento ka niya sa 'kin, pakiramdam ko, honey, nahuhulog na ako sa 'yo kahit sa litrato pa lang kita nakikita. At nung araw na makilala na kita nang harapan... " Marahan niyang hinalikan ang luhang tumutulo sa aking mga mata. "Sobrang saya ko, honey, kasi ang babaeng matagal ko nang gusto makita nang harapan, makikilala ko nang hindi inaasahan at mamahalin ko nang lubusan." Hinaplos niya ang aking pisngi. "Kung kapatid kita, hindi kita hahalikan ng ganito." He kissed me passionately. Ramdam ko ang pagmamahal niya sa paraan ng kanyang halik. "Kung kapatid kita, hindi bibilis ng ganito ang pagtibok ng puso ko." Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa kanyang dibdib na kung saan ramdam ko ang lakas ng kabog ng puso niya. Hindi ko na napigilan kasi sinalubong ko na siya ng yakap. Ang sakit na naramdaman ko ay bigla na lang naglaho na parang bula. "Bakit Dad ang tawag mo kay Papa, ha?!" "Honey, tinatanong pa ba 'yan? Syempre, he is going to be my Dad soon, kasi ikaw ang babaeng papakasalan ko at hindi mo alam honey...." He held my cheeks and gently kissed my forehead. "Hiningi ko na ang kamay mo sa kanya. God, honey, ang saya ko kasi boto sa 'kin ang ama ng babaeng mahal ko." Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na hinalikan ang likuran ng aking palad. "Excited na si Dad na makilala ka, na makilala ang babaeng papakasalan ko pagdating ng tamang panahon. Honey, I love you, I can't wait to change your surname into Samaniego... My soon to be wife." Muling tumulo ang luha ko, hindi na sa sakit kundi sa tuwang nararamdaman ko ngayon. Sinalubong ko siya ng halik hanggang sa maramdaman ko na lang na lumapat na ang likuran ko sa ibabaw ng kama. "I love you, honey, I love you," he whispered. Hinalikan niya ang noo ko habang nakaunan ang ulo ko sa kanyang balikat. "Mahal din kita, Marcus Caden Samaniego..." Hinigpitan ko ang yakap sa kanya. Gusto kong ibigay ang sarili ko sa kanya ngayong gabi pero may sinabi siya na nakapagpataba ng puso ko. "Honey, mahalay lang ako pero ihaharap muna kita sa altar bago ko ipalasap sa 'yo ang kalangitan. Kasal muna bago giyera." Damn this man! Mahalay pero sobrang mahal na mahal ko. "Walang dahilan para magkahiwalay tayong dalawa, honey, walang bibitaw sa 'tin, ikaw, ako. Tayong dalawa hanggang dulo ang magkasama. Walang iba, kundi si Gianna Kinsley Arellano lang ang babaeng mamahalin ko nang sobra." Hinaplos ko ang pisngi niya habang magkapat pa rin ang noo naming dalawa. "Pero hindi ako ang unang babaeng minahal mo." Masakit man aminin pero meron nang naunang babae ang dumating sa buhay niya na sobra niyang minahal. I never ask about his ex. Ayokong magtanong kasi alam kong masasaktan lang naman ako. Sapat na sa 'kin na malaman na mayroong naunang babae na dumating sa buhay niya. Kahit ang pangalan nito ay wala rin akong balak na alamin pa. Past is past. "Ikaw naman, honey, ang babaeng mamahalin ko hanggang dulo. Ang makakasama ko hanggang sa huling hininga ko. Ang magiging ina ng mga anak ko." He kissed my forehead. Naramdaman ko ang pag-gapang ng kamay niya sa aking hita kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Marcus Caden Samaniego!" "Yes, honey?" ngumisi pa ang loko. Tinapik ko ang kamay niyang nasa hita ko. Tatayo na sana ako nang hawakan niya ang magkabilang bewang ko para mas lalo akong mailapit sa kanya. Iniyakap ko naman ang mga braso ko kanyang batok at mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko para akitin siya. "God, honey, don't bite your lips. Let me do it for you.." Hindi ko na nagawa pang umumik kasi sinalakay na niya ang mga labi ko. Mas inuna pa namin ang paglalandian kaysa ang mag-review sa darating na exam. My ghad, landian pa more, zero sa score. -- "Marcus!" Mas hinigpitan niya pa ang yakap mula sa aking likuran habang panay ang halik niya sa balikat ko. Kasalukuyan ako ngayong naghihiwa ng sibuyas kasi balak kong magluto ng adobo. Bibisita kasi mamaya rito si Papa, syempre kailangan na may nailuto na para hindi na siya mag-abala pang ipagluto kami. Nagulat siya nang malaman na inakala ko na anak niya si Marcus, hindi raw niya inaasahan na maiisip ko ang bagay na 'yon. Sinabi pa niya na parang anak na rin ang turin niya rito kasi close raw silang dalawa. Hindi ko akalain na matagal na pala silang magkakilala. Si Gennica naman ay nagkukulong sa knayang kwarto kasi nagda-drama na hindi raw siya pinapansin ni Josh. Sa tingin ko ay iniiwasan talaga nito ang kapatid ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Speaking of Josh, bumalik na siya sa school kasi okay na ang kanyang kapatid na kasalukuyang nasa Pilipinas na rin para rito na ituloy ang treatment. Hindi ko pa rin nakikilala ang kapatid n'ya. Madalas na magkasama si Stella at Josh na inaakala na ng marami na may relasyon silang dalawa sa sobrang close. Hindi ko naman magawang malapitan si Josh kasi nagseselos talaga si Mask sa kanya at ayokong mag-away na naman sila nang dahil sa 'kin. Palagi na rin kaming nag-ba-bonding ni Stella. Minsan nga ay tinatawag ko siyang 'Ate' kasi mas matanda naman siya sa 'min. Pero ayaw niyang tawagin siyang ganun kasi sa tingin niya ay parang ang tanda-tanda na niya. "Honey, huwag ka nang magluto, ako na lang ang kainin mo!" "Ewan ko sa 'yo!" Siniko ko siya kaya humiwalay na siya ng yakap sa 'kin. "Ouch, honey, ang sakit sakit..." Na-alarma naman ako nang bigla siyang umupo sa sahig habang hawak ang tiyan na siniko ko. Mabilis ko naman siyang dinaluhan at hinaplos ko ang tiyan niya habang panay pa rin siya sa pag aray. Gusto kong himatayin nang mahawakan ko ang kanyang abs. Oh my god! "Ghad, bee, I'm sorry, hindi ko sinasadya na mapalakas ang pagsiko ko sa 'yo. Okay ka lan---" "Ang sakit sakit kapag nawala ka sa buhay ko, honey..." Pinandilatan ko siya ng tingin at inis na kinurot ang kanyang bewang. "Nakakainis ka!" Tumayo na ako sa inis na nararamdaman. Isang arte lang pala 'yon! Muli akong humarap sa sink upang ipagpatuloy ang ginagawa ko. I rolled my eyes, nang maramdaman ko muli ang pagyakap niya mula sa aking likuran. "Pwede ba, Marcus Sam--" "Honey, kapag mag-asawa na tayo, palagi kitang ipagluluto." Naramdaman ko ang matangos niyang ilong sa leeg ko na ikinataas ng aking mga balahibo. "Bakit ikaw ang magluluto? Hindi ba't dapat ako kasi ako ang babae?" Humigpit ang yakap niya sa 'kin habang marahan niyang dinadampian ng halik ang balikat ko. Parang ayaw ko nang magluto. Siya na lang ang kakainin k--- my ghad, Gianna! "Kadalasan mga babae ang nagluluto para sa asawa nila, pero sa 'tin, ikaw ang ipagluluto ko." "Bakit naman?" "Kasi papagurin kita gabi-gabi kaya kailangan kitang ipagluto palagi..." "Ewan ko sa 'yo!" Inapakan ko siya kaya humiwalay na siya ng yakap sa 'kin. Nagtatalon naman siya habang dumadaing sa sakit. "Nanlalambing lang naman ako, honey, tap--" "Lambing? Kahalayan ang lumalabas sa mga labi mo! Nakakainis!" Babatuhin ko sana siya ng paper plate pero mabilis niyang naagaw 'yon sa 'kin. "Honey, hindi pa nga tayo mag-asawa, babatuhin mo na agad ako ng plato. Sasaktan mo na agad ang magiging asawa mo, bakit ka ganyan, honey? Wala naman akong ginawa kundi ang mahalin ka nang sagad na sagad, panaginipan ka habang huba--" Tinakpan ko ang bibig niya kasi alam kong kahalayan na naman ang lalabas mula sa mga labi niya. "Please, huwag ka nang umimik pa. Hindi ako makatapos sa pagluluto nang dahil sa kahalayan mo!" Hindi ko magawang matapos ang paghihiwa ko ng sibuyas kasi panay ang landi niya sa 'kin. Kapag hindi na talaga ako nakapagtimpi pa, siya na talaga ang hihiwain ko. "Then, let me do it, honey, ako na lang ang magluluto." Inagaw niya sa 'kin ang kutsilyo at siya na ang naghiwa ng sibuyas. Aalis na sana ako nang hawakan niya ang braso ko para pigilan. "Where do you think you're going, honey?" "Babalik na sa kwarto ko, manonood na lang ako ng k-drama." Tinaasan niya ako ng isang kilay. "I need your support here." Siya naman ang tinaasan ko ng isang kilay. "Kailangan pa ba kitang i-cheer habang nagluluto ka? Ganun bang support ang gusto mo?" Napahilot siya ng sentido sa sinabi ko. Napangisi naman ako kasi alam kong sobrang nagtitiis na siya sa ugali ko. "Fine! Go watch k-dramas, mas magaling pa ako humalik sa Lee Jong Toot na 'yan!" Hindi ko na napigilan na matawa sa sinabi niya. "Lee Jong Suk, bee, Suk not toot!" "I don't fucking care!" Tinalikuran na niya ako habang padabog siyang naghihiwa ng sibuyas. Kinagat ko naman ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang tawang gustong kumawala sa 'kin. Kinikilig ako kasi mukhang nagseselos ang boyfriend ko. "Bye, bee, manonood na ak---" "Tangina, honey! Pupuntahan ko talaga ang lalaking 'yon sa Korea, kahit saang lupalop pa ay hahanapin ko ang Lee Jong Toot na 'yan!" Nananakit na ang tiyan ko para lang pigilan na matawa kasi pinagseselosan niya ang taong imposible ko naman makita. "Anong sasabihin mo sa kanya kapag nagkita kayo?" Humarap na siya sa 'kin habang seryoso na ang kanyang mukha. Napansin ko ang pagtaas baba ng adams apple niya. "Jugeullae?!" Tuluyan na akong natawa sinabi niya habang tinaasan naman niya ako ng isang kilay. Jugeullae means, Do you want to die?! "Seryoso ka?" He gritted his teeth. "Fuck, honey, you're making me jealous. So damn jealous! Mas kinikilig ka pa sa koreanong 'yon kaysa sa 'kin na boyfriend mo. Paano naman ako, ha? Mas kail---" I cut him off. "Kinikilig ako, bee, kinikilig ako sa 'yo..." Mabilis akong lumapit sa kanya at sinalubong ko siya ng yakap. Tumunghay ako para magtagpo ang tingin naming dalawa kasi sobrang tangkad talaga niya. "Sa 'kin ka lang pwedeng kiligin, honey, sa 'kin lang, hindi pwede sa iba. Walang kahit sino ang pwedeng magpakilig sa 'yo kundi ako lang na boyfriend mo..." "Mas lalo mo akong pinapakilig, bee.." Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at pinaglapat niya ang noo naming dalawa. "Saranghae.." Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Huli na nang namalayan ko na nakaupo na ako sa sink habang inaatake niya na naman ang mga labi ko. "Oh my god! Ba't amoy sunog?" Mabilis ko siyang tinulak at napalingon kami sa kawali kung saan kulay itim na ang ulam. May usok na rin ang paligid. "Fuck!" he cursed. Mabilis niyang pinatay ang stove habang napahampas naman ako aking noo ko. Mas inuna pa talaga namin ang landian kaysa ang magluto. Masusunog na ang bahay dahil lang sa kalandian naming dalawa. Chapter 45 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 45 Mahigpit ang hawak ko sa kamay ni Mask habang kaharap namin ang kanyang Dad. Hindi na nakakapagtaka kung bakit gwapo ang boyfriend ko. Kahit na medyo may edad na 'to ay napaka-guwapo pa rin. Lalo na siguro nung kabataan pa nito. Siguradong maraming kababaihan din ang lumuha sa kanya. "You must be, Gianna Arellano?" Nilingon ko si Mask na ngayon ay ang lapad ng ngiti habang nanghihina naman ang mga tuhod ko sa kaba. Ngayon ko lang nakaharap ang Dad niya dahil masyado 'tong busy na tao. "G-Good morning po, Mr. Saman--" he cut me off. "Tito, just call me, Tito," he smiled. "S-Sige po, Tito.." Nilingon niya si Mask at tinapik ang balikat nito. Halata sa kanila na close silang dalawa. Muli akong hinarap ni Tito habang ang lapad pa rin ng kanyang ngiti. "She is so beautiful, right, Dad?" Tito nodded. "No wonder kung bakit patay na patay sa 'yo ang anak ko. No'n pa man ay interesado na siyang makilala ka dahil palagi kang kinu-kwento ng kaibigan ko." Namula naman ang aking mukha sa sinabi nito. Hindi itinanggi ni Marcus ang sinabi ng kanyang ama. Ibig sabihin talaga na interesado na siya sa 'kin no'n pa man... tapos siya pa ang lalaking nahalikan ko nang dahil lang sa isang dare. Destiny na ba ang tawag dun? O pinaglandi lang kami ng tadhana? Kung anuman ang maitatawag, sobrang saya ko kasi nakilala ko siya. Matapos nun ay kumain na kami, syempre dalagang filipina ang galaw ko kasi ayokong ma-turn off sa 'kin si Tito kahit ang totoo ay gusto ko nang dakutin ng aking kamay ang lechon na nakangiting nakatingin sa 'kin. Inaakit ako ng lechon! Nakapikit pa habang ang lapad ng ngiti sa 'kin. Husay pa sa pagkakadapa! "Kumusta naman ang anak ko? Palagi ba niyang pinapasakit ang ulo mo?" Napalingon ako kay Tito nang bigla 'tong umimik. Naramdaman ko naman ang pagdampi ng palad ni Mask sa hita ko kaya pinaningkitan ko siya ng tingin. Nagkibit balikat lamang siya habang pinagpatuloy ang pagsubo niya na para bang walang ginagawang kasalanan ang kanyang palad. Nakakapangsisi na ang sinuot ko ay floral dress. Medyo maiksi pa naman kaya delikado ako ngayon sa mahalay kong boyfriend. "O-Okay naman po, mabait naman po ang anak niyo." Mahalay po ang anak niyo! 'Yan ang gusto kong sabihin pero pinigilan ko lang ang sarili ko. "Kanino pa ba magmamana ang anak ko? Kundi sa 'kin lang naman," he chuckled. Edi mahalay rin po kayo tulad ng anak niyo? Napailing ako sa naisip ko. "Yes, Dad, pareho tayong marunong maghintay kaya tanging sa noo niya pa lang dumarampi ang mga labi ko." I rolled my eyes. Gumagana na naman ang ka-plastikan niya. "Manang-mana ka talaga sa 'kin," he winked at his son. Sa galawan pa lang ni Tito ay alam kong playboy din siya nung kabataan niya. Siguradong kapag nagka-edad na si Mask ay napaka-guwapo niya pa rin kasi magkamukha talaga silang dalawa ni Tito. "Wow, she is so beautiful.." namangha kong wika. "Just like you, honey..." Napaawang na lang ang bibig ko habang pinagmamasdan ang malaking larawan na nakakapit sa dingding. Mahaba ang buhok nito habang nakasuot ng pulang gown. Mayroon din silang pagkakahawig ni Marcus lalo na sa paraan ng kanilang ngiti. Naramdaman ko ang paglupot niya sa bewang ko habang nakatanaw pa rin kami sa malaking litrato na nasa dingding. "Mom..." Nilingon ko siya na kasalukuyan pa rin na nakatingin sa larawang 'yon. Nakikita ko sa mga mata niya ang lubos na pangungulila. "I missed you so so so much..." Mapait siyang napangiti habang nanatili ang tingin niya roon. Hinawakan ko ang pisngi niya at hinarap sa 'kin. Tumingkayad ako at hinalikan ko ang kanyang mga mata, pagkatapos ay pinaglapat ko ang noo naming dalawa. "I will never leave you, bee, hindi ako kailanman na mawawala sa tabi mo." Nang dahil sa sinabi ko, sumilay na ang ngiti sa mga labi niya na ikinagaan ng loob ko. "Yes, honey, don't you ever leave me. Hindi ko kayang sa litrato na lang kita masisilayan. Damn. Ikakamatay ko!" I chuckled. "Hindi naman ako mamat--" "Honey!" Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan na matawa. Muli naming tinanaw ang litratong nakakapit sa dingding. "Mom, ang babaeng kasama ko ngayon... ay ang babaeng makakasama ko hanggang dulo." Sana nga... sana nga tayo pa rin hanggang dulo. Huwag sana tayo paglaruin ng tadhana kasi hindi ko kakayanin na mawala ka sa buhay ko. -- "Oh my ghad!" Sa tingin ko ay namumula na ang aking mukha sa nasaksihan ko. Hindi ko maalis ang tingin ko sa litrato habang kagat ang pang-ibabang labi ko. Balak ko na sanang isarado ang album nang hablutin 'yon sa 'kin ni Mask. Sumilay ang ngisi sa mga labi niya nang mapagtanto kung ano ang pinagmamasdan ko kanina. Iniwas ko naman ang tingin sa kanya at nilibot na lang ang tingin sa loob ng kwarto niya. Yes, nandito kami sa kwarto niya na ang kulay ay black at white. Sobrang lawak nito at halatang mamahalin din ang mga kagamitan. Hindi na nakakapagtaka kasi mayaman sila. "Hon--" "Ano?!" Umupo siya sa tabi ko habang hawak pa rin ang album niya na puno ng mga litrato niya nung bata pa siya. Ano nga ba ang nakita ko sa litrato? Nakita ko lang naman na hubad siya, as in wala talaga siyang suot kasi sobrang bata pa niya. Nakita ko tuloy ang ano niya. Maliit pa ang nakita ko sa litrato, pero nung aksidenteng nakapa ko 'yon nung nasa resort kami ay malaki naman at buh--- oh my god! "Now, honey.... you've already seen the little version of my bird." My eyes widened. Mas lalo pang namula ang mukha ko sa sinabi niya. Idagdag pa ang ngisi sa mga labi niya na halatang inaasar ako. "Kingin--" "Do you want to see the big version, honey? You can also touch it, feel it because it is already yours--" Hinablot ko ang unan na malapit sa 'kin at hinampas siya dahil sa kanyang kahalayan. "Kinginamong mahal--" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko kasi mabilis niya akong naitulak pahiga sa kama at pumaibabaw naman siya sa 'kin na hanggang ngayon ay ang lapad pa rin ng ngisi. "Marcus Caden Samaniego!" Pilit ko siyang tinutulak palayo pero nagmatigas siya. Sinubsob niya ang kanyang mukha sa leeg ko kaya ramdam ko ang init ng hininga niya na ikinataas ng mga balahibo ko. "M-Mar--" "I love you..." Inalis na niya ang mukha niya sa leeg ko at tumitig na ngayon sa 'kin. Sumilay ang ngiti sa mga labi niya na nakapagpabilis pa lalo ng kabog ng puso ko. "I love you, honey.. I love you..." Pinaglapat niya ang noo naming dalawa. Bawat araw mas lalo siyang nagiging sweet sa 'kin. Mas lalo niyang pinaparamdam kung gaano siya katakot na mawala ako sa buhay niya na imposible naman na mangyari. Kahit kailan ay hindi ako mawawala sa tabi niya kasi siya na ang buhay ko, ang mundo ko. "I'll never forget the day you called me honey..." Hindi man maganda ang unang tagpo naming dalawa, hindi ko pa rin makakalimutan 'yung araw na tinawag niya akong honey. Na sobrang kinainisan ko pa pero nung tumagal ay naging musika na rin sa pandining ko. "Honey..." aniya. "Why, honey? Marami pa namang ibang endearment pero bakit 'yon ang napili mong itawag sa 'kin nung una pa lang? Ba't hindi na lang baby or babe?" Hanggang ngayon ay nasa ibabaw ko pa rin siya habang marahan niyang hinahaplos ang aking buhok. Nakakaramdam naman ako ng antok sa ginagawa niya. "Baby or babe? No way, honey! Para lang 'yon sa mga babaeng hindi ko kayang seryosohin." Tinaasan ko naman siya ng isang kilay. As expected, playboy nga pala siya kaya malamang maraming babae ang dumating sa buhay niya na hindi niya naman sineryoso, na mga pinaluha niya lang. "Mayroong baby or babe ka pa bang mahalay ka?!" Iniwas ko ang tingin sa kanya kasi naiinis ako. Siguradong kilig ang tumbog ng mga babaeng nakalandian niya no'n. Nakakapang-init ng dugo. "What? No way! Pero may nag-iisa akong honey na mahal na mahal ko, at Gianna Kinsley Arellano ang kanyang pangalan." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang mapangiti. Bakit kasi ang bilis niyang pakiligin ako? Nakakainis! "I don't want to get hurt." Ayaw kong maranasan ko rin ang sakit na naranasan ni Mama kay Papa. Hindi ko na kakayanin pa. "I'm not going to hurt you, honey." Muli niyang pinaglapat ang noo naming dalawa. "Hindi ako gagawa ng bagay na ikasasakit mo kasi hindi ko kakayanin na makitang nasasaktan ka. At hindi rin ako gagawa ng bagay na ikasisira ng relasyon nating dalawa." I couldn't help but smile. "May tiwala ako sa 'yo, bee.. Buong-buo ang tiwala ko sa 'yo.." "At hindi ko sisirain ang tiwala mo, honey..." Halos mapunit na ang mga labi ko sa sobrang ngiti dahil sa kilig. "Bakit nga honey ang tawag mo sa 'kin? Hindi naman tayo mag-asawa." "Magiging asawa rin kita..." Namula naman ang aking mukha sa kanyang sinabi. Hinaplos ko ang gwapo niyang mukha. Nanatili naman ang titig niya sa mga mata ko. Kanina pa siya sa pwesto niya, hindi ba siya nangangalay? Nakadantay na ang dalawang braso niya sa magkabila ko bilang suporta. "Why, honey? Hmm.." aniya. Lumapad naman ang ngisi niya habang nakatingin sa 'kin. "You smell like honey," nilapit niya ang mukha niya sa leeg ko na ikinataas ng mga balahibo ko. "Taste like honey...." He claimed my lips. "...and last, You're Marcus Caden Samaniego's, one and only honey..." Pinalibot ko ang mga braso ko sa kanyang batok at ako na mismo ang humalik sa kanya. "Sir, pinapatawag po kayo ng Da-- jusmiyo!" Mabilis ko siyang tinulak kaya nahulog siya sa sahig. Hawak niya ang balakang niya habang dumadaing sa sakit. "Oh fuck." Kinuha ko naman ang unan at itinakip ko sa mukha ko dahil sa kahihiyan. "Pasensya na kung naistorbo ko ang pagsisiping ninyong dalawa. Hindi ko sinasadya.." Panay ang mura ko sa isipan ko dahil sobrang nakakahiya talaga na nakita kami ni manang na nasa ganung sitwasyon. "Okay lang po, manang, pwede pa naman po namin ituloy mamaya ang pagsisiping naming dalawa," he smirked. "Marcus Caden Samaniego!" Pinaningkitan ko siya ng tingin nang dahil sa sinabi niya kasi baka kung ano pa ang isipin ni manang. Nagpaalam na muna siya kasi pinapatawag siya ng kanyang ama. Naiwan naman akong mag-isa sa kwarto niya. Halos lahat ng photo album niya ay nakita ko na nang mayroong nakaagaw ng pansin ang aking mga mata. Kinuha ko 'yon mula sa ibabaw ng mesa. Pagbuklat ko ng album ay napangiti ako kasi litrato pa rin niya nung bata pa siya ang nakita ko na sa tingin ko ay 12 years old pa lang siya. Kinukuhan ko ng picture ang mga litrato niya gamit ang aking phone. Napapangiti na lang ako kasi palangiti na siya kahit nung bata pa siya. Siguradong noon pa lang ay habulin na siya ng mga kababaihan dahil sa angkin niyang ka-gwapuhan. Paglipat ko ay natigilan ako nang makita ang isang litrato. Medyo luma na pero makikita pa rin kung sino ang nasa picture na 'yon. He was with a girl. Magkahawak ang kamay nila habang nakatalikod sila sa camera. Ang background nila ay karagatan. Napansin ko rin na chubby ang babae. Parang may kumirot sa puso ko na hindi ko naman dapat na maramdaman kasi wala naman akong karapatan kasi siya ang unang nakilala at hindi ako. Hindi ko man tanungin kay Marcus, alam kong ang babaeng kasama niya sa litrato ay ang first love niya. Minsan napaisip ako. Paano kaya kung bumalik ang first love niya? Mamahalin niya pa rin ba ako? Ako ba ang pipiliin niya? First love 'yun, e, masakit man aminin pero wala akong laban sa babaeng mas una niyang minahal. Kasi alam kong nakaukit pa rin sa puso niya ang babaeng unang nilaanan niya ng kanyang pagmamahal. Mabilis kong sinarado ang album nang marinig ko na nagbukas ang pintuan. Paglingon sa kanya ay sumalubong sa 'kin ang nakasimangot niyang mukha. Nag-aalala naman akong lumapit sa kanya na kasalukuyang nang nakatuon ang tingin sa kanyang phone. "What is wro--" "Why, honey? Bakit mo nagawa sa 'kin 'to? Fuck! It is breaking my heart!" Natigilan ako nang makita ang pinagmamasdan niya kanina sa kanyang phone. 'Yon ang litrato namin ni Josh nung nakasuot kami ng pangkasal na naka-post sa instagram. "W-Wala lang 'yan, bee, ginawa lang kaming modelo ni Tita sa desi--" "You've already met his mom?" Napansin ko ang pagtaas baba ng adams apple niya habang ang lakas naman ng kabog ng puso ko sa hindi maipaliwang na dahilan. Hindi pa naman kami nung ipakilala ako ni Josh sa mom niya pero bakit pakiramdam ko ay nagtaksil ako? "Y-Yes, bee.. matagal na, nung hindi pa tayong dalawa." Napansin ko na ang higpit na ng hawak niya sa kanyang phone kaya hinawakan ko ang kamay niya. "Be--" "Let's get married, honey, pakasal na tayo ngayon din!" "A-Ano? Nababaliw ka na ba, ha?!" Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Namalayan ko na lang na hinila na niya ako palabas ng kanilang mansyon. Nang makasalubong namin si Tito ay huminto kami sa harapan nito. Palipat-lipat ang tingin sa amin ni Tito habang may pagtataka sa kanyang mukha. "Uuwi ako, Dad, mamayang gabi na mayroong dalang asawa. Pakihanda ng kwarto namin!" My eyes widened. "Marcus!" Hindi niya ako pinansin. Lumapit sa amin si Tito habang ang lapad ng ngiti nito. "I'm so proud of you, son..." Tinapik pa nito ang balikat ng kanyang anak. Nilahad naman nito ang palad niya sa aking harapan na mabilis ko naman tinanggap. "Welcome to our family, hija.." Ang sarap pala sa feeling na tanggap ako ni Tito para sa anak niya. --- "You've got to be kidding me?!" Pilit ko siyang pinipigilan na huwag pumasok sa isang boutique kung saan makikita ang mga naka display na wedding dress. "I'm dead serious, honey! Damn that man! Mas naunahan niya pa akong makita ka na nakasuot ng wedding dress. Masusuntok ko talaga ang gagong 'yon!" Muli akong humarang sa harapan niya habang nakadipa na ang mga braso ko huwag lang siyang tuluyan na makapasok sa boutique na 'yon. Mukhang tototohanin niya talaga na magpakasal kaming dalawa ngayong araw. "For Pete's sake, Marcus Caden Samaniego. Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na wala lang 'yon, ha?! Pinagsuot lang kami ni Tita ng design niya at wala nang iba pa. Kaya please, huwag mo na ituloy ang bi---" Bigla niya na lang akong binuhat na parang sako habang hinahampas ko naman ang kanyang likuran. "Ibaba mo akong mahalay ka! Kinginamo!" Hindi niya ako pinakinggan hanggang sa tuluyan na kaming makapasok sa loob ng boutique. Ibinaba niya ako sa couch habang ang talim ng tingin ko sa kanya. "I hate you!" I glared at him. Hindi ako pinansin ng gago kasi panay ang libot ng tingin niya sa paligid. "Good afternoon po, Ma'am, Sir..." Kinagat pa ng babaeng 'yon ang pang-ibabang labi niya habang nakatingin sa boyfriend ko na ikinakulo ng dugo ko. Lumapit naman ako kay Mask at hinawakan ko ang kamay nito. Napatikhim naman ang babaeng 'yon kaya tumaas ang isang kilay ko sa kanya. Langaw everywhere. "Please assist my fiancée, give her the most beautiful wedding dress, because today," He looked at me. "I will marry her..." Hindi ko alam ang sasabihin sa sinabi niya. Namalayan ko na lang na tinutulungan na ako ng sales lady na magsuot ng wedding dress. Fiancée? Ang sarap sa ears! "Ang gwapo po ng fiance mo, Ma'am, at sobrang swerte mo kasi mukhang mahal na mahal ka niya." Tinaasan ko naman siya ng kilay. Kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya. "Alam ko!" Napatikhim naman siya sa sinabi ko. Halata naman sa kanya na interesado siya sa boyfriend ko at naiinis ako. "Wow! Sobrang ganda niyo po. Simple but elegant." Pinagmasdan ko ang sarili ko sa harapan ng malaming salamin. Sobrang hapit nito sa 'kin kasi lumalantad ang cleavage ko. Isa lang ang masasabi ko, sobrang ganda ng wedding dress na 'to kahit na sobrang simple. Medyo palobo ang ibaba kaya sobrang bigat na dalhin. Pinuyod ng sales lady ang buhok ko ng bun habang may laylay sa magkabilang gilid. Hindi ko na kailangan pa na mag makeup kasi hindi pa naman ako haggard. Alagang Marcus yata 'to. Nilagyan niya rin ng belo ang buhok ko. "Siguradong matutulala po ang fiance mo, Ma'am, sa oras na makita ka niya." Hindi ko napigilan na mapangiti sa sinabi niya. Inalalayan niya ako na maglakad kasi sobrang haba ng wedding dress. Natanaw ko si Marcus na nakatalikod mula sa pwesto namin. Nakalagay ang mga kamay niya sa magkabilang bulsa. Kahit na nakatalikod siya ay mahahalata pa rin na gwapo siya dahil sa ganda ng kanyang likuran. Bumilis ang kabog ng puso ko habang hinihintay na humarap siya sa 'kin. He was wearing a white tuxedo. Nagmukha na tuloy siyang isang tunay na prinsipe. "Nandito na po ang fiancée mo, sir..." Napansin kong natigilan siya at nung humarap na siya sa 'min ay nakita ko ang pag-awang ng kanyang bibig. Mabilis siyang lumapit sa 'kin at pinagmasdan ang kabuuan ko. "God, honey, God, ang ganda.. Sobrang ganda mo, sobrang ganda ng magiging asawa ko. Ang swerte ko, sobrang swerte swerte ko sa 'yo..." Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na hinalikan ang likuran ng aking palad. Hindi ko na napigilan na yakapin siya. "Why so handsome, bee? Ang gwapo gwapo ng magiging asawa ko..." Pinaglapat niya ang noo naming dalawa. Dinampian niya ng halik ang mga labi ko nang makarinig kami ng pagtikhim kaya napairap na lang ako. "Honey, naiiyak ako sa tuwa! Fuck! Mahal na mahal kita, sobra sobra..." Hinaplos niya ang pisngi ko habang magkalapat pa rin ang noo naming dalawa. "Mahal din kita, bee, kahit na mahalay ka." At hanggang dulo kitang mamahalin. -- "Pasensya na po pero wala po kasing naka schedule na ikakasal ngayon, baka po maling simbahan ang napuntahan ninyo?" sabi ng isang sakristan. Napahampas naman ako sa aking noo sa kahihiyan na nararamdaman. Wala naman kaming pinasa at pinirmahan na document para sa pagpapakasal. Pabigla-bigla kami ng desisyon. "What? Pwede mo bang tawagan ang Pari? Please, gusto ko nang maikasal sa fiancée ko." Kinurot ko ang bewang ni Mask at pinandilatan siya ng tingin. Sinenyasan ko siya na umalis na kami pero ayaw talaga ng loko na umalis hangga't hindi kami naikakasal. Bakit kasi nakita niya pa ang picture naming dalawa ni Josh? Siguradong nasaktan siya sa nasilayan niya kaya ganito siya ngayon. Natatakot siya na mawala ako sa buhay niya kaya gusto na niya akong itali. "Pasensya na po, Sir, pero wala po ang mga pari ngayon dito kasi dumayo po sila sa Kamay ni Hesus para roon mag misa." Nagpaalam na ang sakristan habang bagsak naman ang mga balikat ni Mask kasi mukhang hindi matutuloy ang gusto niyang kasal. "It is okay, bee, hindi pa siguro 'to ang tamang oras, saka bata pa tayo. Tuparin muna natin ang mga pang---" "Wala na akong ibang pangarap pa kundi ang maging asawa ka simula pa nung una tayong nagkita." Hinawakan niya ang kamay ko. "Walk honey, walk.. Gusto kitang makitang naglalakad papunta sa harapan ng altar, sa harapan ng Panginoon. Habang ako'y naghihintay sa 'yo..." He kissed my forehead. "Please honey, maghihintay ako rito sa harapan ng altar habang nakamasid sa 'yo at nagpapasalamat sa Panginoon kasi dumating ka sa buhay ko." Hindi ko na napigilan na bumuhos ang mga luha ko sa lubos na kasiyahan. Nasa labas ako ng pinto ng simbahan habang nasa harapan naman siya ng altar. Hawak ko ang tatlong bulaklak na pandesign sa christmas tree kasi nakalimutan namin na bumili ng bouquet. Hiniram niya pa kay Niño ang fake na bulaklak kasi katabi lang nito ang christmas tree. Malapit na rin kasi ang pasko. Nakabalot na ang belo sa mukha ko pero malinaw pa rin sa paningin ko ang pagtulo ng mga luha ni Marcus habang naglalakad na ako papalapit sa kanya. Natigilan ako nang may narinig kaming kumakanta ng Beautiful in white. Nilingon ko kung saan nagmula ang kumakanta at napangiti ako nang makita ang sakristan kanina na kasama ang mga choir ng simbahan. Muli kong ibinalin ang tingin kay Marcus at hindi ko na rin napigilan na tumulo ang mga luha ko habang nakatanaw sa lalaking mahal na mahal ko. Nang makarating ako sa altar ay sinalubong niya agad ako ng yakap at pagkatapos ay pinaglapat niya ang noo naming dalawa. Nakikita ko ang pagtulo ng munting luha sa kanyang mga mata. "Sa harapan ng Panginoon, honey, nangangako ako na mamahalin kita ng higit pa sa buhay ko. Mamahalin kita sa hirap at ginhawa. Ibibigay ko sa 'yo ang buong puso ko nang walang hinihinging kapalit kundi ang pagmamahal mo. Gagawin ko ang lahat nang makakaya ko, mapangiti lang kita. Lahat gagawin ko kasi mahal na mahal kita.. " Panay lang sa pagbuhos ang mga luha ko habang nakamasid sa lalaking mahal na mahal ko. "Sa harapan ng Panginoon, bee, nangangako ako na mamahal din kita nang mas higit pa sa buhay ko. Ako ang magiging sandalan mo sa oras ng kalungkutan, ako rin ang magbibigay ng lakas sa 'yo para muling sumilay ang ngiti sa mga labi mo. Nangangako ako, bee, na ikaw lang ang lalaking mamahalin ko. Ang lalaking magiging ama ng mga anak ko. Mahal na mahal kita, Marcus, sobra sobra kahit na mahalay ka. " Sumilay ang ngiti sa mga labi niya habang patuloy pa rin sa pagtulo ang kanyang mga luha. Nagulat ako nang bigla siyang may nilabas na maliit na kahon mula sa kanyang bulsa. Napaawang ang bibig ko nang mapagtanto kung ano 'yon. A ring. "M-Marcus..." Hinalikan niya muna ang likuran ng palad ko bago niya nilagay sa daliri ko ang singsing na hawak niya. "This is a promise ring..." He looked at me. "One day, honey, I'll marry you. I promise..." Inalis na niya ang belo sa mukha at tumitig sa aking mga mata. Pinunasan niya muna ang luha ko bago niya angkinin ang mga labi ko sa harapan ng Diyos. Narinig namin ang palakpakan nila na ikinangiti naming dalawa. Muli niya akong niyakap. "Nakakainis ka! Mahal na mahal kita," I whispered. "God, honey, mas mahal kita..." Mas hinigpitan niya pa ang yakap sa 'kin. "My world, just right between my arms," bulong niya. Wala akong masabi kundi ang swerte ko sa lalaking nasa bisig ko ngayon. Wala na, sobra sobra na ang pagmamahal ko sa kanya. "Honey?" "Yes?" Kasalukuyan na kaming nasa loob ng kanyang sasakyan. Hawak niya pa rin ang kamay ko kung saan nakalagay ang singsing na ibinigay niya. Hindi tuloy maalis ang tingin ko roon. Hanggang ngayon ay nakasuot pa rin kami ng pangkasal. Siguradong aakalain nang makakakita sa amin na kasal na talaga kaming dalawa. "Itutuloy na ba natin ang pagsisiping na naudlo---" Binato ko siya ng isang box na tissue. "Mahalay ka!" "Mahal naman kita!" Napailing na lang ako. Hinawakan ko ang collar ng coat niya at hinila siya papalapit sa 'kin. "Honey, masyado kang wild---" I claimed his lips. "Bee, ayoko nang siping, gusto ko honeymoon.. sa kwarto mo, mas malaki ang kama. Sirain natin..." Namilog ang mga mata niya sa sinabi ko habang kagat ko naman ang aking pang-ibabang labi. "Oh fuck, yes, honey, yes. Let's destroy my fucking bed, damn honey, I lov---" "But sad to say, bee, may period ako ngayon. Kain na lang tayo sa Jollibee..." Nagpaawa pa ako habang napasabunot naman siya sa buhok niya sa inis. Pinigilan ko naman na matawa sa reaksyon niya. "Fine! Kakain tayo sa Jollibee pero mamaya ay ikaw naman ang kakainin ko." Oh noh! Chapter 46 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 46 November 21 is the very special day for me, because it is my birthday. Yes, I'm finally 19. Nakakalungkot nga lang kasi wala ngayon si Mama sa tabi namin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umuuwi rito sa Pinas. Naiintindihan ko naman na para sa 'min ang pagpunta niya sa ibang bansa pero bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umuuwi? Bakit parang ang tagal? Anong dahilan? "Ano ba naman 'yan, ate? Ang agang-aga, nakabusangot ang mukha mo!" Pinandilatan ko siya ng tingin. "Ano ka pang babae ka? Agang-aga, mukha ka nang losyang!" She rolled her eyes. "Paano nagagawang tagalan ni Kuya Marcus ang ugali mo? Sabagay, sa 'kin ka nga lang pala masungit pero pagdating sa boyfriend mo, para kang pusa na nanlalambing." Binato niya ako ng unan. "Hanap ka na kasi ng bebe na hindi ka ipagpapalit sa malap--" "Ate!" I laughed. "Gusto mo bang kausapin ko si Josh? Para naman hindi ka ganyan na bitte--" "Huwag na, tanggap ko naman ang katotohanan na balewala lang ang nararamdaman ko para sa kanya. Pati mukhang nililigawan na niya si Ate Stella, masaya ako para sa kanilang dalawa." Nanikip naman ang dibdib ko sa sinabi niya kasi alam kong nasasaktan talaga siya. Umupo ako sa kanyang tabi at sinalubong siya ng yakap. "Don't worry, nandito lang ako palagi sa tabi mo. Love na love kita kahit na minsan ay ang sarap mong sabunutan." "Ayos na sana pero biglang ganun, nakakainis ka!" Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Hinaplos ko ang kanyang buhok nang maramdaman kong hinigpitan niya pa ang yakap sa 'kin. Alam kong nasasaktan siya tuwing magkasama ang dalawa pero wala siyang magawa kundi ang manahimik na lang. Mabuti na lang talaga na malaya na kaming nagkakausap ni Josh nang hindi na nagseselos ang boyfriend ko. Mukhang maayos na rin naman ang dalawa at masaya ako kasi bumalik na ulit ang pagkakaibigan nila. "Alisin mo nga ang singsing na 'yan, nandidilim ang paningin ko!" Natawa naman ako sa sinabi niya at mas lalo pang nilapit ang palad ko sa kanyang mukha kung saan makikita ang singsing na bigay ni Marcus. "Nahihili ka sa singsing ko? Hanap ka na nga kasi ng bebe na hindi ka ipagp--" "'Yan ka na naman, Ate! Nakakainis ka!" Tumayo na siya at nag martsa na papalabas ng kwarto ko. Syempre pinigilan ko naman ang tawa kasi baka mabato na niya ako ng sapatos niya sa inis na nararamdaman. "Hindi mo pa ako nababati na babae ka!" I shouted. "Edi Happy Birthday sa 'yo! MBTC!" Napailing na lang ako sa ka-sweetan na taglay ng babaeng 'yon. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin natatawagan si Mama kasi mukhang natutulog pa. Tinawagan na rin ako ni Papa kanina upang batiin. Syempre masaya ako kasi hindi niya nakalimutan ang araw ng birthday ko. Hindi ko mapigilan na mapangiti habang pinagmamasdan ang singsing na nasa daliri ko. Halos tatlong linggo na rin ang nakalipas nung ibinigay niya sa 'kin 'to. Syempre nagulat si Gennica kasi pagkauwi ko ay naka wedding dress ako. Hindi man lang daw ako nagsabi na magpapakasal na kami. Nilinaw ko naman sa kanya na walang kasal na naganap. Nangako lang kami sa isa't isa sa harapan ng altar na kahit kailanman ay hinding-hindi ko makakalimutan. Napangiti ako nang maramdaman kong nag vibrate ang aking phone. Hindi ko muna sinagot kasi pinagmasdan ko muna ang wallpaper ko na kung saan nasa harapan kami ng altar habang nakasuot ng pangkasal. I can't wait to marry him. Siya ang lalaking una't huli kong mamahalin. "Good morning, honey... I love you, sobra sobra!" he said in a husky voice. I bit my lower lip. "Good morning, bee... Mas mahal kita." Umupo ako sa harapan ng salamin habang hindi na mawala ang ngiti sa aking mga labi. Sobrang kinikilig ako sa boses niya. "Honey?" He let out a heavy sigh, kaya kumunot ang noo ko. "Yes, bee? May problema ba?" "I'm sorry, honey, pero hindi kita masusundo ngayon, papunta kami ngayon ni Auntie sa Pampanga para bisitahin ang business ni Da--" "It's okay," I sighed. "Are you mad, honey? Hindi na ako sasa-- Let's go, Marcus!" Narinig ko ang boses ng leon niyang auntie kaya mas lalo lumungkot ang aking mukha. Ang malas naman! Bakit ngayon pang araw ng birthday ko sila pupunta ng Pampanga? Sinasadya ba ng leon niyang auntie? Hanggang ngayon ba ay hindi niya pa rin ako gusto para sa pamangkin niya? "Ingat kayo!" "Are you mad? Please honey, wait for me. Papun--- I said let's go, Marcus! Hinihintay na nila tayo! Aunti---" Bigla na lang namatay ang tawag na sa tingin ko ay inagaw ng leon na 'yon ang phone nito. Wala na, wala na ako sa mood kasi hindi niya man lang ako nagawang batiin. Hinintay ko na mag message siya pero wala akong napala. Mukhang nakalimutan na niya na araw ng birthday ko ngayon. Kingina niya! Huwag talaga siyang magpapakita sa 'kin! Wala siyang halik sa 'kin na mahalay siya! "Happy birthday, gurl!' Sinalubong ako ng yakap ni Stella na ikinangiti ko. Pagkahiwalay niya ng yakap ay napalingon naman ako kay Josh na nasa kanyang tabi. "Happy birthday, Gianna..." Lalapit na sana siya sa 'kin nang bigla na lang humarang si Stella at hinila ako papalayo kay Josh. "Selos much?" pang-aasar ko. Pinandilatan niya ako ng tingin. "No way!" Natawa na lang ako sa kanya. Nakahawak na siya sa braso ko habang naglalakad kami papunta sa aming room. "Naiinis ako," aniya. "Bakit naman?" "Umedad ka nga pero mas matanda pa rin naman ako sa 'yo." Nagpapadyak siya kaya hindi ko napigilan na matawa. "Kaya nga dapat, Ate, ang itawag ko sa--" "No way! Huwag na huwag mo akong tatawagin na Ate! Ang sakit sa tainga!" Panay ang iling niya kaya mas lalo akong napahalakhak. Hindi naman kasi halata talaga sa kanya na mas may edad siya sa 'min kasi sobrang ganda niya. Marami rin ang nagtangka na manligaw sa kanya pero hindi siya tumatanggap ng manliligaw. Wala akong ideya kung nililigawan na ba talaga siya ni Josh. O baka dahil talagang close lang silang dalawa? "How about calling you baby?" sabat ni Josh. Namilog naman ang mga mata ni Stella sa sinabi nito. Samantalang sinundot ko naman ang kanyang bewang. "Oh my ghad, gurl! Baby ka raw niya..." She glared at me. Muli niyang ibinalin ang tingin kay Josh na ang lapad ng ngisi. "Baby mo mukha mo!" Natawa lang si Josh at nauna nang maglakad sa 'min pero bago 'yon ay may sinabi pa 'to na nakapagpapula ng mukha ni Stella. "My baby..." Hinabol ni Stella si Josh at bigla na lang kinurot ang bewang nito. Napailing na lang ako sa dalawa nang mahagip ng tingin ko si Gennica na pinagmamasdan ang dalawa. Nakikita kong nasasaktan siya sa nasasaksihan niya. Nang dumako ang tingin niya sa 'kin, mabilis siyang umiwas ng tingin at naglakad na papalayo. Hahabulin ko na sana siya nang marinig ko na tinawag na ako ni Stella kasi malapit nang magsimula ang first subject namin. Mamaya ko na lang kakausapin ang kapatid ko kapag oras na ng lunch break. Nang makarating kami sa room, saktong dating naman na aming teacher. Lutang lang ang isipan ko habang nagtuturo siya. Panay din ang tingin ko sa aking phone kasi hinihintay ko na batiin ako ng mahalay na 'yon. Pero kahit na tuldok, wala man lang akong natanggap mula sa kanya. "Ms. Arellano?" Napaayos ako ng upo nang tawagin ako ni Sir. Inayos niya ang kanyang salamin habang nanatili ang titig sa 'kin. Napansin ko naman na nakatingin na rin silang lahat sa 'kin dahil sa biglang pagtawag ni Sir. "Yes po, Sir?" Tiningnan niya ang phone niya bago siya muling lumingon sa 'kin. "I love you raw sabi ni Mr. President." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Kalahati sa kaklase namin ay naghiyawan, habang ang kalahati naman ay nagdabog sa inis. Sinundot ni Stella ang bewang ko kaya pinandilatan ko siya ng tingin. "Weh?" Natampal ko ang aking bibig dahil sa salitang lumabas sa bibig ko. Lumapit sa 'kin si, Sir, at ibinigay ang kanyang phone sa 'kin. Binasa ko naman kaagad ang message na ikinapula ng aking mukha. "Pakisabi po, Sir, sa girlfriend ko na, I love you. Mahal na mahal ko siya, sobra sobra. Ipamukha mo Sir, sa mga babaeng nahihibang sa 'kin na may mahal na ako, at 'yon si Gianna Kinsley Arellano. Thank you, Sir, God bless!" Damn this man, kahit na nagtatampo ako. Ang galing niya pa rin talaga na pakiligin ako. -- "Oh my ghad, lolo!" "Happy birthday sa maganda kong apo." Sinalubong ko ng yakap si Lolo na ngayon ay babagong dating sa restaurant kung nasaan kami ngayon. Gustong magpahanda ni Papa ng bongga pero hindi ako pumayag. Nandito kami ngayon sa isang mamahalin na restaurant para rito i-celelebrate ang birthday ko. Pina-reserved ni Papa ang restaurant kaya tanging kami lang ang nandito. Kasama nito ang anak niyang si Jairus na nasa anim na taong gulang pa lang. Syempre masakit para sa 'kin kasi imposible na talagang mabuo pa ang aming pamilya pero wala na naman kaming magagawa pa. Mabait din naman ang bagong asawa nito. Pero hindi ko pa rin talaga maiwasan na makaramdam ng galit kasi dapat si Mama ang nasa kanyang lugar. Masakit man pero wala akong magagawa kundi ang tanggapin na lang ang kinahinatnan ng aming pamilya. Nabati na rin ako kanina ni Mama. Panay ang sorry niya kasi wala siya sa tabi namin ngayon. Sinabi pa niya na babawi siya sa aming magkapatid. Sobra ang iyak ko kanina kasi sobrang miss na miss ko na talaga siya. "Baby Jairus, sino ang mas maganda sa amin ni Ate Gianna mo?" nakangising tanong ni Gennica kay Jairus. Kalong niya ngayon si Jairus, kanina pa silang dalawa na magkasama. Palibhasa'y tuwang-tuwa ang babaeng 'yon kasi may tumatawag na sa kanyang Ate. Magkausap na ngayon si Lolo at si Papa. Mabuti na lang ay okay na silang dalawa. Mukhang natanggap na rin ni Lolo ang kinahitnan ni Mama at Papa. "Wala..." Pareho kaming napanguso ni Gennica dahil sa sinagot ni Jairus. "That girl, she is so beautiful." Napadako naman ang tingin namin sa tinuro niya. Napangiti ako nang makita ko si Stella at Josh na magkasama. Syempre invited silang dalawa kasi sila lang naman ang kaibigan ko rito. She was wearing a yellow dress while Josh was wearing a oxford shirt and a pair white pants. "Happy birthday ulit, gurl!" Niyakap niya ako, pagkatapos ay inabot niya sa 'kin ang dala niyang regalo. "Thank you, gurl!" Lumapit na sa 'min si Josh at sa pagkakataong 'yon, hindi na humarang si Stella. Nasa harapan ko na si Josh habang ang lapad ng kanyang ngiti. Inabot niya sa 'kin ang regalo niya na mabilis ko naman tinanggap. Syempre alangan naman na magpabebe ako. Ang sarap lang kasi sa feeling na nakakatanggap ng regalo. "Thank y—" "Pwede ba kitang mayakap?" Natigilan ako sa sinabi niya. Nilingon ko si Stella na mabilis naman tumango. "Ouch, baby, ouch! It hurts!" Napalingon ako kay Gennica na hinihipan ang kanyang kamay na mukhang kinagat ni Jairus. Panay ang sulyap nito sa 'min na para bang pinaparinggan niya kami. Napansin kong dumako ang tingin ni Josh sa kapatid ko at tumaas ang isa niyang kilay. Napaayos naman ng upo si Gennica at ibinalin muli ang tingin kay Jairus. Muling nagtama ang tingin namin ni Josh at tumango ako. Mabilis siyang lumapit sa 'kin at sinalubong ako ng yakap. "Happy birthday, my lady," he whispered. Naramdaman ko ang paghalik niya sa tuktok ng ulo ko. Narinig ko ang pagtikhim ni Stella at Gennica kaya humiwalay na ako ng yakap sa kanya. Alam ko na may nararamdaman pa siya sa 'kin pero wala siyang magawa kundi ang tanggapin na lang ang katotohanan na wala talaga siyang pag-asa sa 'kin. "Happy Birthday to you, Happy birthday to you, Happy birthday, Happy birthday, Happy birthday to you." Hawak ni Papa ang cake habang kumakanta sila. Hindi ko naman mapigilan na mapaluha lalo na't nakikita ko ang kasiyahan sa kanilang mukha. Ang tanging nagpapalungkot lang sa 'kin ay wala ngayon ang boyfriend ko sa aking tabi. Kung kailan special ang araw na 'to sa buhay ko. Wala pa rin akong natatanggap na message mula sa kanya. Mukhang nakalimutan na niya talaga na ngayon ang araw ng birthday ko. "Make a wish, my princess, before you blow the candle." Pinaglapat ko ang mga palad ko at ipinikit ang aking mga mata. Wala akong hiniling, nagpasalamat lang ako sa Diyos sa lahat ng blessings na binibigay niya sa 'min. "Bakit wala ang hardinero rito? Nasaan siya?" Bigla naman akong naubo sa sinabi ni Lolo. Natawa naman si Gennica kaya pinaningkitan ko siya ng tingin. "Hardinero?" tanong ni Papa. Nilingon ako ni Papa na halata sa mukha ang pagtataka samantalang ang lapad naman ng ngisi ni Lolo. "Oo, Frederick, ang hardinerong may dinidiligan sa ilalim ng mesa nung nakaraang buwan. Hindi ko talaga makakal---" "Lolo!" Napalingon sila sa 'kin kaya mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko. Nakakunot ang noo nina Stella habang pigil naman ang tawa ng magaling kong kapatid. "Bakit apo? Nasa ilalim ba siya ng mesa ngayon?" Sinilip ni Lolo ang mesa kaya napatayo naman ako kasi sobrang nahihiya na talaga ako kahit na wala naman silang ideya sa tinutukoy ni Lolo. "C.R lang po ako." "Ah, baka nasa C.R ang hardinero." Napailing na lang ako sa sinabi ni Lolo. Minsan talaga ay mapang-asar siya at 'yon ang nagustuhan ni Lola sa kanya. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa harapan ng salamin. Suot ko ngayon ang regalo ni Papa na red dress. Medyo mababa ang dibdib kaya nakikita talaga ang cleavage ko. Hinayaan ko naman na nakalugay ang mahaba kong buhok na kinulot ko pa ang laylayan. Hinaplos ko ang pendant ng kwintas na bigay ni Mask na kahit kailan ay hindi ko inalis sa leeg ko. Nilabas ko ang aking phone sa loob ng pouch at nag send ng message sa gagong 'yon. "Kinginamong mahalay ka! Hindi ka makakahalik sa 'kin na gago ka!" Sobrang higpit ng hawak ko sa phone sa inis na nararamdaman. Kung busy talaga siya, maiintindihan ko naman pero bakit hindi niya man lang magawang maglaan ng tatlong segundo para lang mabati ako? Ginagago niya ba ako?! Pumasok ako sa cubicle kasi naiihi ako. Lalabas na sana ako nang marinig ko ang boses ng kapatid ko. "I love you, Josh... I really love you.." her voice broke. Bigla akong natigilan. Ibig sabihin magkasama sila ngayong dalawa ni Josh? "Stop it, Tamara! Hindi ko kailangan ng pagmamahal mo." Tamara? Anong ibig sabihin nito? Hindi kaya mas nauna silang magkakilala ng kapatid ko? Paano nalaman ni Josh na may second name si Gennica? "W-Why? Dahil ba hanggang ngayon mahal mo pa rin ang kapat--" "Yes! Fucking yes! I am still in love with her." Kung mahal niya pa ako? Ano ang pinapakita niya kay Stella? Narinig ko ang paghikbi ni Gennica kaya naisipan ko nang lumabas. Pero sa tinamaan ka naman ng magaling. Hindi ko mabuksan ang pintuan. Narinig kong tumahimik na ang paligid na mukhang lumabas na silang dalawa Nang mabuksan ko na ang pintuan ay natigilan ako sa aking nasaksihan. I saw them kissing. Nakaupo sa countertop ng sink ang kapatid ko habang nasa harapan niya si Josh. Hindi nila ako napansin kasi busy silang dalawa. Gosh, favorite position namin 'yun ni M-- may ghad! Lumabas ako sa lugar na 'yon nang hindi man lang nila namamalayan. Kailangan talagang magpaliwanag sa 'kin ng babaeng 'yon. "Oh my ghad!" Habang naglalakad ako ay bigla na lang namatay ang ilaw. Panay naman ang kapa ko sa paligid kasi baka may mabunggo akong mesa. Hanggang sa nagbukas na ang isang spotlight. Pauli-uli ang ilaw hanggang sa tumapat sa isang malaking, Pororo? Namilog ang aking mga mata nang mapagtanto na si Pororo nga 'yong naglalakad. Biglang may tumutok sa 'kin na spotlight kaya napalingon sa 'kin si Pororo. Bakit malakas ang kutob ko na si Mask ang nasa loob ng mascot na 'yon? Mabilis akong napailing. Imposible na siya 'yon kasi ang sinabi niya ay papunta silang Pampanga ng kanyang auntie. Napansin kong palapit sa 'kin si Pororo habang habol ang spotlight sa kanya. "Seriously? Ang lampa!" Hindi ko na napigilan na matawa kasi bigla na lang nadapa si Pororo. Nagpagulong gulong siya sa sahig kasi hindi magawang makabangon. Para talaga siyang isang Penguin! "Fuck! Tulungan niyo ako! Tangina!" Natigilan ako nang marinig ko ang boses na 'yon na nagmula kay Pororo. Tinulungan naman siyang bumangon ng mga waiter na nagpipigil na rin ng tawa Nang makabangon na 'to, muli niyang binalin ang tingin sa 'kin. Nang nasa harapan ko na siya ay may pinakita siyang maliliit na papel. "Gagawin ko riyan?" Hindi siya umimik. Kaya ang ginawa ko ay bumunot ako ng isa. Binuksan ko ang papel at napakunot ang aking noo sa nabasa ko. "New face?" Tumango ang penguin. Nang bigla na lang may tumugtog na kantang new face ni Psy. Sumayaw siya sa harapan ko habang napaawang naman ang bibig ko sa galing niyang sumayaw. Lalo na pag chorus na ang kanta. Inaakit yata ako ng pororong 'to?! My ghad! Nang matapos na ang kanta, lumiwanag na ang paligid. Hindi ko napansin na nakatingin na pala sina Papa sa 'min na malapad na ang ngiti. Natanaw ko si Gennica na naglalagay ng lipstick sa mga labi niya habang si Josh naman ay inaayos ang damit niya na nagusot. Mukhang galing sa bakbakan ang dalawa! "Who are you?" Nakatingala lang ako sa Pororong nasa harapan ko ngayon na kasalukuyang inaalis ang ulo ng mascot. Bumilis ang kabog ng puso ko kasi posible talagang si Mask ang taong nasa loob. Nang maalis na ang ulo ni Pororo ay biglang kumulo ang dugo ko nang sumubong sa 'kin ang malapad niyang ngiti. Pawisan din ang loko dahil hindi birong magsuot ng maskot nang ganun kalaki. "Happy Birthday, ho--" I punched his face. Napalakas yata ang suntok ko sa kanya kaya bumagsak siya sa sahig dala na rin sa suot niyang mascot. Napasinghap naman sila sa ginagawa ko. "Tumba ang hardinero!" rinig kong sabi ni Lolo. "God, honey..." Umupo ako sa tiyan ni Pororo at akmang susuntukin ulit siya nang isangga niya sa kanyang mukha ang kamay ng mascot. "Nakakainis ka! Akala ko talaga na nagawa mong kalimutan na lang ang birthday ko ngayon! Akala ko ay hindi na kita makakasama sa special na araw sa buhay ko. Akala ko rin na wala ka nang pakialam pa sa 'kin! Naiinis ako sa 'yong mahalay ka! I hate you! I really hate you!" Pinaghahampas ko ang balikat niya habang hindi ko na napigilan ang mga luha ko. "God, honey, how can I forget your birthday? Paano ko makakalimutan ang araw na isinilang ang babaeng mahal ko? No way, honey! Makalimutan ko na ang condom ko huwag lang ang birth--" Hinampas ko siya dahil sa kahalayan niya. "Naiinis pa rin ako sa 'yong mahalay ka!" "I'm sorry, honey, I am really sorry for making you cry. Please stop crying, nasasaktan ako. And oh, honey, damn that cleavage, so fucking big.. I want to touch---" "Ewan ko sa 'yong mahalay ka!" Umalis na ako sa pagkakaupo sa kanya dahil hindi pa rin talaga nawawala ang nararamdaman kong inis. Dumiretso ako sa C.R para ayusin ang sarili ko dahil sa ginawa kong pag-iyak. Narinig kong bumukas ang pintuan, kahit hindi ko tingnan ay kilala ko na kung sino 'yon. "Hon--" "Ano?!" "Hubaran mo 'ko..." My eyes widened. "A-Ano?" Hindi siya sumagot kaya nilingon ko siya. Pilit niyang inaalis ang katawan ni Pororo sa kanya. Lumapit ako sa kanya para tulungan ko siyang alisin ang suot niyang mascot. "Ano bang pumasok sa kokote mo at nagsuot ka ng mascot ni Pororo, ha? Nababaliw ka na ba?!" Pilit kong binaba ang zipper na sobrang hirap ipalandas. Tagaktak na rin ang pawis niya dahil sa banas. "I just want to make you happy, honey. Gagawin ko ang lahat para lang mapasaya kita." Natigilan ako. "Hindi mo naman kailangan na magsuot pa ng ganito para lang mapasaya ako. Presensya mo lang ay sapat na sa 'kin.." Hindi ko akalain na gagawin niya ang isang bagay na hindi ko inaasahan na magagawa niya para lang mapasaya ako. "I want to make an effort just to make you happy. Ayaw kong nasa tabi mo lang ako at walang ginagawa, gusto ko rin na mag-effort sa 'yo. Gusto kong maghirap para lang mapangiti kita. I will do everything for you, honey, kahit nakakahiya ay gagawin ko." Hindi ko mapigilan na mapangiti sa sinabi niya. "God, honey! Gusto kong bumawi sa 'yo kasi hindi ko nakuha ang gusto mong Pororo noon. Nagsayaw ako kahit na hindi ako marunong para lang mapasaya kita ngayon. Honey, your smile is my happin---" Hindi na niya naituloy pa ang kanyang sasabihin kasi inangkin ko na ang mga labi niya. "Thank you, bee, sobrang na-appreciate ko ang ginawa mo. Sobrang napasaya mo 'ko sa araw ng birthday ko." Pinaglapat ko ang noo naming dalawa. Nahirapan pa siyang tumungo dahil sa laki ng katawan ni Pororo. "So honey, what is my reward?" Tumaas ang sulok ng kanyang mga labi. "Maybe a kiss?" Napanguso naman siya. "Kiss lang?" I nodded. "Ano pa ba ang gusto mo?" Hindi siya tumugon. Bigla niya na lang akong binuhat paupo ng countertop ng sink. Hanggang ngayon ay suot niya pa rin ang katawan ni Pororo. "Kiss with love honey... with love," he whispered to my ear. "...and touch.." We kissed passionately... with love that never lasts. --- "This is too much, Pa!" Umiling ako kay Papa kasi hindi ako makapaniwala na niregaluhan niya ako ng isang kotse. Lumapit sa 'kin si Papa at niyakap ako. "Alam kong hindi pa sapat 'yan upang makabawi ako sa araw na wala ako sa tabi mo sa tuwing birthday mo, pero sana tanggapin mo ang regalo ko para sa 'yo." Hinalikan niya ang noo ko. "Pero, Pa, I don't know how to drive. Maiimbak lang 'yan sa garahe nam--" "Don't worry, honey, ako ang maghahatid at susundo sa 'yo. I will not allow you to drive, no way, honey! No way!" sabat naman ni Mask. Lumapit siya sa 'kin at ipinalibot ang braso niya sa bewang ko. Parang balewala lang sa kanya na nasa harapan namin si Papa. "Dad, please let me drive her car. Selfish na kung selfish, pero hindi ko hahayaan na magmaneho ang anak niyo." Napalingon naman si Papa kay Mask. Bigla akong kinabahan nang makita na ang sama ng tingin nito. Lumapit siya kay Marcus at tinapik ang balikat nito. "That's why I like you for my daughter. Please take care of her, malaki ang tiwala ko sa 'yo." "I will, Dad." Napangiti ako habang pinagmamasdan silang dalawa. Nakakataba ng puso sa tuwing tinatawag ni Mask si Papa ng Dad. "Saan ba tayo pupunta?" Hawak niya ang kamay ko habang nagmamaneho. Dala niya ngayon ang kotse na regalo ni Papa. "It's a secret, honey..." He winked at me. Tinaasan ko naman siya ng isang kilay. Minabuti ko na lang na hindi siya pansinin. Tumingin na lang ako sa bawat daraanan. Medyo madilim na kasi malapit nang gumabi. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa biyahe. Nagising lang ako sa halik niya. "We're here, honey..." Muli niya akong dinampian ng halik na ikinangiti ko. "Nasaan tayo?" Hindi niya ako sinagot. Lumabas siya at pinagbuksan ako ng pinto. Nilahad niya ang kamay niya na mabilis ko naman tinanggap. "Bakit mo ako dinala rito, ha?! Talagang sa malapit pa sa bangin na lalaki ka! Kung gusto mong mamatay, huwag mo akong idamay!" Hinampas ko siya nang mapansin na malapit kami sa bangin. Nanatiling bukas ang makina ng sasakyan para magbigay ng ilaw sa aming dalawa. "Happy birthday, honey... I love you.." Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na hinalikan ang likuran ng aking palad. "Nakakainis ka!" Kumunot ang noo niya. "What did I do, honey?" "Masyado na kitang mahal! Sobrang mahal na mahal..." Hindi ko na napigilan na yakapin siya. Kinulong niya naman ako sa kanyang bisig. "That's all I need, honey, ang pagmamahal mo..." He kissed my forehead. Tumingin kami sa kalangitan na punong-puno ng mga bituin. "Shooting star," namangha kong wika. "Let's make a wish, honey..." Pumikit kaming pareho nang mayroong kaming nakitang shooting star. "What's your wish, honey?" Nakaupo na kami ngayon sa damuhan habang nakatanaw sa magandang tanawin. "Secret..." Nilingon ko siya. Napasimangot siya sa sinabi ko. "Tanungin mo 'ko kung ano ang hiniling ko.." "What's your wish, bee?" He held my hand and gently kissed it. "Ang manatili ka sa tabi ko kahit na anong mangyari ang kahilingan ko..." Napangiti ako sa sinabi niya habang inaalala ko ang kahilingan ko sa shooting star. "I wish that I will be able to make you happy for the rest of my life." Hanggang sa huli, hanggang sa dulo... Siya ang lalaking gusto kong makasama habambuhay. "A portrait?" Namimilog ang aking mga mata habang pinagmamasdan ang portait na binigay niya. Halos hindi na makita pa ang aking mga mata dahil sa sobrang pag-ngiti ko. "Ikaw ang nag drawing nito?" He nodded. "Did you like it?" Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Hindi ko akalain na magaling din siyang mag-sketch. Ito na yata ang pinakamagandang regalo na aking natanggap sa buong buhay ko. "Ang ganda..." "Parang ikaw, honey..." Hindi ko napigilan at sinalubong ko siya ng yakap. "Thank you, bee, sobrang nagustuhan ko.." "I will do everything for you, honey..." Mas lalo niya pang hinigpitan ang yakap sa 'kin kaya halos mapunit na ang mga labi ko. Nang mapansin namin na lumalalim na ang gabi ay naisipan na naming umuwi. Siguradong naghihintay na si Papa sa amin. "Bee..." "Hmm?" "Can you teach h--" "No!" "Bakit?" Nilingon niya ako. "Ayaw kong turuan ka na magmaneho, why? Baka bigla ka na lang tumakbo palayo sa 'kin at iwanan ako." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Share mo lang?" Napakamot naman siya sa kanyang batok sa sinabi ko. Kumunot ang aking noo nang biglang huminto ang sasakyan. "Oh fuck!" he cursed. "B-Bakit?" Napalingon ako sa paligid, hanggang ngayon ay nasa liblib pa rin kaming lugar. "Naubusan tayo ng gas.." Napahampas ako sa aking noo. Nilingon niya naman ako nang biglang sumilay ang ngisi sa kanyang mga labi. Kahalayan alert! "Honey..." "A-Ano?" I bit my lower lip. Hindi ko pa rin talaga mapigilan na kabahan kahit na minsan ay muntik na. Muntik nang may mangyari. "I'll teach you how to drive, honey..." "Huh? Baliw ka ba, ha? Diba't walang gas--" "Kahit walang gas ay pwede pa rin na umandar." Namilog ang mga mata ko sa kanyang sinabi. Sa isang iglap lang ay natagpuan ko ang sarili ko nakaupo na sa kanyang lap habang inaatake niya ang mga labi ko. "B-Bee..." We're both gasping for air. Sinalakay na naman niya ang mga labi ko. "Yes, honey?" Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at pinalandas ang aking kamay sa loob ng kanyang polo. Napansin kong natigilan siya sa ginawa ko kaya pinigilan ko na mapangisi. "Simulan na natin?" He was shocked. "W-What? Are you serious? I know, I won't be able to sto--" "Simulan na nating maglakad na mahalay ka! Inaantok na 'ko!" Lumabas na ako ng sasakyan habang ang lapad ng ngisi ko. "What the fuck, honey! Galit na galit na!" Nilingon ko siya habang may ngisi pa rin sa mga labi ko. "You have two hands, bee. Pakalmahin mo!" Nagsimula na ulit akong maglakad kasi gusto ko na talagang umuwi. "Fuck! Ginalit mo, pakalmahin mo!" "Kamayin mo!" Panay ang mura niya na mas lalong ikinangisi ko. Kahit gaano pa siya kahalay, mahal na mahal ko siya. Sobra sobra! Chapter 47 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 47 Before he came into my life, I never knew what true love felt like. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na mahuhulog ako sa isang playboy na tulad niya. Isang playboy na wala nang ginawa kundi ang landiin ako. Lahat na lang ay inangkin niya sa 'kin, mga labi ko, atensyon ko, pati na rin ang puso ko. At wala na akong balak pang bawiin 'yon mula sa kanya. Kasi maging buong pagkatao ko ay pag-aari na rin niya. "Where are we going?" "It's a secret, honey..." Sinulyapan ko siya na ngayon ay busy sa pagmamaneho. Gamit namin ang kotse na regalo ni Papa nung nakaarang birthday ko. Habang ang sasakyan niya naman ay naiwan sa 'min. Palaging ganun ang nangyayari, sasakyan ko ang dadalhin niya habang iiwanan niya naman ang kotse niya sa bahay. Ilang beses ko na siyang pinilit na turuan ako na magmaneho pero ayaw niya talaga. Hindi ko naman daw kailangan pa na matutong magmaneho kasi siya na raw ang magiging driver ko buong buhay ko. Of course, he is my future husband. "Saan mo ba ako dadalhin, bee? Pwede naman nating i-celebrate ang birthday mo kasama ang family mo." He looked at me. "You're now part of my family..." Napangiti naman ako sa kanyang sinabi. Kahit kailan talaga'y ang galing niyang pakiligin ako. "Pero dapat cine-celebrate mo pa rin ang birthday mo kasama sina Tito." "Don't worry, honey, they're all busy. Naiintindihan ko naman sila, saka..." He kissed my hand. "Ito ang unang beses na makakasama kita sa araw ng birthday ko." Hinawakan ko ang kamay niya. "At hindi lang 'to ang unang beses na makakasama mo 'ko sa tuwing birthday mo." Yes, today is his 19th birthday. Parang kailan lang nung cinelebrate ang birthday ko. Sobrang bilis talaga ng araw kasi malapit na rin na mag 5 months ang relasyon namin. December 18 is the day when he was born, the man of my life. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa biyahe. Nagising lang ako sa halik niya na ikinangiti ko. Nasanay na ako na sa bawat pag-gising ko, halik niya agad ang sasalubong sa 'kin. "My ghad, bee inaatake mo na naman ako..." I chuckled. Pinaglapat niya ang noo naming dalawa. "God, how can I resist your lips, honey? Whenever I look at you. Your lips is inviting me to kiss you.." I put my arms around his neck. "Kiss me..." I bit my lower lip. Napansin ko ang pagtaas baba ng adams apple niya. Mas lalong napariin ang pagkagat ko sa pang-ibabang labi ko. "Your lips were made for mine..." aniya. Napangiti na lang ako nang angkinin niya ang mga labi ko. Angkinin nang may kasamang pagmamahal. "Fuck, honey, sit on my lap..." Mabilis niyang inalis ang seatbelt ko, hinawakan niya ang bewang ko para alalayan na makaupo ako paharap sa kanya. Muli niya na naman na inangkin ang mga labi ko. Nakakaramdam na naman ako ng kiliti sa hindi ko maipaliwang na dahilan. "M-Marcus..." He is now licking my neck. Napahigpit naman ang yakap ko sa kanya. Napasabunot na rin ako sa kanyang buhok. "I love you, honey.." he whispered to my ears. Muling gumapang ang halik niya sa aking mga labi. At nang magsawa na siya ay pinaglapat niya ang noo naming dalawa. Habol ang hininga namin dahil sa nangyari. "Mahal din kita, Marcus..." Pinulupot niya ang mga braso niya sa 'kin kaya mas lalo pa akong napalapit sa kanya. Mabuti na lang talaga na tinted ang bintana ng sasakyan. Kasi kung hindi, baka mahimatay ang makakakita sa kalandiang taglay naming dalawa. "Honey..." "Hmm?" Mas lalo pa niyang hinigpitan ang yakap sa 'kin. Kahit ang hangin ay hindi na makakaraan pa sa sobrang lapit namin sa isa't isa. "Are you wearing a bra?" My eyes widened. Ngumisi naman ang loko. "W-What?" "Ramdam ko ang lambot ng boo--" Tinakpan ko ang kanyang bibig dahil alam kong kahalayan na naman ang lalabas sa mga labi niya. I glared at him. "Kinginamong mahalay ka!" Kaya naman pala pilit niya akong nilalapit sa kanya kasi may pinapakiramdaman ang gago. Ano pa nga ba ang aasahan sa kanya? Bukod sa malandi ang boyfriend ko, mahalay din siya. Mas lalo pang lumalala ang kahalayan niya na mukhang wala nang solusyon pa. "Nasaan tayo?" Nasa labas lang kami ng malaking gate habang nililibot ko naman tingin sa kapaligiran. Nakita ko sa loob ang malaking resthouse, natatanaw din ang pool pati na rin ang malawak na garden. "Batangas." Gulat naman akong nilingon siya. "Ano?! Nasa Batangas na agad tayo? Nakatulog lang ako, nakapunta na agad tayo rito?!" Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Alam kong tatlong oras pa bago makarating sa Batangas kasi sobrang layo talaga mula sa Manila. Ngumisi lang ang loko. Naglakad na kami papalapit sa gate habang magkahawak ang kamay naming dalawa. Syempre kilig ang lola niyo. Holding hands while walking with my mahalay na boyfriend. Panay din ang sulyap ko sa magkahawak naming kamay. Lalo na sa singsing na nasa daliri ko na ang sarap pagmasdan. "Good morning po, Sir. Samaniego..." bati ng isang guard. Pinagbuksan kami nito ng gate habang nababakas naman ang gulat sa aking mukha. Hindi kaya pagmamay-ari ng pamilya nila ang resthouse na 'to? "Fiancée ko nga po pala..." Bumakas ang gulat sa mukha ng kalbong guard sa sinabi ni Mask. Maging ako rin ay nagulat kasi pinapangatawan na niya talaga na fiancée niya ako. Sobrang sweet talaga ng boyfriend ko. "Good morning po, Ma'am..." I smiled. "Good morning din po." Nilingon ko si Mask nang magtama ang tingin naming dalawa. Bigla siyang ngumisi kaya tumaas ang isang kilay ko. "Ready na po ba ang gamit sa loob?" tanong ni Mask. Tumango ang guard. "How about the bed? Matibay pa ba?" My eyes widened. "W-What do you mean?" Kinindatan lang ako ng loko kaya hinigpitan ko ang hawak sa kanya. Napangiwi naman siya na ikinangisi ko. "Yes, Sir, matibay na matibay pa po. Kaya huwag po kayong mag-alala. Siguradong masarap ang unang gabi niyo mamaya na siguradong makakabuo agad kayo." Nag-apir silang dalawa habang nakaawang naman ang bibig ko. Anong ibig sabihin nila? Dito kami matutulog ni Mask? Wala nga akong dalang pamalit kasi wala naman siyang sinasabi na magpapalipas kami ng gabi rito. At ano raw? Ano naman ang bubuuin namin? Lego? Bata? Oh my god! "Anong ibig mong sabihin? Dito tayo matutulog na dalawa?" Nasa loob na kami ngayon ng resthouse. Nakaupo na siya sa couch habang nakatayo naman ako sa harapan niya at nakapamaywang. "Yes, honey, dito tayo tutulog mamayang gabi." He winked at me. "A-Ano? Baliw ka ba, ha?! Bakit dito pa tayo tutulog kung pwede namang umuwi mamaya?" Napahawak na ako sa aking sentido kasi naiinis ako. Gumagawa siya ng isang desisyon nang wala man lang akong ideya. "Hindi na tayo makakauwi, honey.." he bit his lower lip. "At bakit?" Sumadal siya sa couch habang mariin pa rin ang kagat niya sa kanyang pang-ibabang labi. Nakapatong pa ang magkabila niyang braso sa ibabaw ng couch. Bukas na naman ang tatlong butones ng polo niya kaya nakikita ang maputi niyang balat. Magulo rin ang kanyang buhok na mas lalong nakakaragdag sa kagwapuhan niya. "Kasi papagurin kita mamayang ga--" Binato ko naman siya ng unan na nahagip ng aking kamay sa katabi kong couch. "Mahalay ka!" "Mahal naman kita!" I rolled my eyes. Nilibot ko na lang ang tingin sa paligid. Kung ang iba ay bamboo ang ginamit sa paggawa ng resthouse. Dito naman ay bato, mukha talagang bahay. Pwede na yata kaming tumira rito kapag kasal na kaming dalawa. Kasal na kami? Napahawak naman ako sa magkabilang pisngi sa kilig na nararamdaman. "Honey..." Niyakap niya ako mula sa likuran, nakapatong ang kanyang mukha sa balikat ko kaya ramdam ko ang init ng kanyang hininga. "My mom owns this resthouse..." Hinawakan ko ang kamay niyang nasa tiyan ko at marahan na pinisil. Ramdam ko kung gaano na niya 'to ka-miss. "Sobra ang pagpapahalaga rito ni Mom, kasi punong-puno 'to ng mga alaala nilang dalawa ni Dad. Sa tuwing may birthday ang isa sa kanila, rito sila nagce-celebrate. Kahit pa pasko o bagong taon." Humigpit ang yakap niya sa 'kin. "Dito rin ako nabuo," he chuckled. Napailing na lang ako kasi naisama niya pa ang bagay na 'yon. "At dito rin tayo bubuo ngayong araw..." Humiwalay ako ng yakap sa kanya at pinandilatan siya ng tingin. "Anong bubuo, ha?! Baliw ka ba? Bata pa ako para anakan mo!" Pinaghahampas ko siya nang biglang tumawa ang loko kaya mas lalo pa akong nainis. "What the hell!" "Hindi ako isang aso na pwede mong anakan anumang oras mo gustuh--" "Bubuo ng masayang memorya, God, honey! What the hell you were thinking?!" Panay pa rin ang tawa niya habang namumula naman ang aking mukha sa kahihiyan na nararamdaman. Tinakpan ko ng aking mga palad ang mukha ko kasi sobrang nakakahiya talaga na 'yon agad ang nasa isip ko. Bakit kasi anak ang naisip ko na bubuuin namin? Hinawaan niya ako ng kahalayan niya! "Honey..." Pilit niyang inaalis ang mga palad kong nakatakip sa aking mukha. Umupo ako sa sahig kasi hindi ko talaga kayang harapin siya dahil alam kong aasarin niya lang ako. "Don't be shy, honey..." Umiling ako nang maramdaman kong hinawakan niya ang mga palad ko para lang alisin sa pagkakatakip ng aking mukha. "Honey..." Inalis ko na ang pagkakatakip sa aking mukha. "Ano?!" Nakangisi pa rin ang loko kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Kung gusto mong baby ang bubuuin natin, pwed---" "Mukha mo!" Tumayo na ako at nilayasan ko siya. Umupo ako sa gilid ng pool habang nakalublob ang mga paa ko sa tubig. Tumabi naman siya sa 'kin kaya lumayo ako sa kanya. "Huwag ka ngang lumapit sa 'kin!" Pero hindi siya nakinig kasi muli siyang lumapit sa 'kin. "Ho--" "Lumayo ka sabi kasi hinahawaan mo 'ko ng kahalayan mo!" Panay pa rin ang lapit niya sa 'kin kaya pinaningkitan ko siya ng tingin. "Marcus Caden Samaniego!" Napasabunot naman siya sa kanyang buhok kasi mukhang hindi na naman niya kinakaya ang ugali ko. Kasalanan niya 'yan, jinowa niya ako, e, kaya magtiis siya! "Why you always mad, honey?" "Why you always making me mad?" Narinig ko ang mahina niyang mura kaya napangisi ako. Alam kong hindi niya magagawang magalit sa 'kin. Marupok ang mahalay kong boyfriend, e. "God, honey.. God..." Hahawakan niya sana ang kamay ko pero tinapik ko ang kanyang braso na ikinagulat niya. "Ano? Nagsisisi ka na ba na ako ang minahal mo, ha?!" Mas lalo naman bumakas ang gulat sa kanyang mukha sa sinabi ko. "What? No way, honey! Kahit araw-araw mo pa akong awayin, hindi ako magsisisi na minahal kita. Saktan mo man ako, physically, emotionally, sobrang swerte ko pa rin sa 'yo..." Hindi ko mapigilan na mapangiti sa sinabi niya. Lumapit na ako sa kanya at sinandal ko ang ulo ko sa kanyang balikat. "Sorry, bee..." He held my chin up and looked straight into my eyes. "Kahit na magalit ka pa sa 'kin araw-araw, at the end of the day, sa 'kin ka pa rin..." Hinalikan niya ang aking noo kaya napapikit na lang ako. Hinihintay ko na lumapat ang mga labi niya sa 'kin pero nabigo lang ako kasi hindi niya ako hinalikan. Wala na! Galit na naman ako kasi walang kiss! -- Sa tingin ko ay sobrang pula na ng aking mukha habang pinagmamasdan ang sarili ko sa harapan ng malaking salamin. I was wearing a two piece. Yellow ang kulay na mas lalong bumagay sa 'kin kasi maputi ako. Pinuyod ko rin ang buhok ko into bun. May hugis naman ang katawan ko at makinis ang aking balat kaya bakit ako mahihiya sa boyfriend kong mahalay? Siguradong matutulala ang lalaking 'yon sa oras na makita ako. Hindi ko akalain na ready talaga ang lalaking 'yon. Kaya pala hindi siya nagsabi na magdala ako ng damit kasi meron na siyang nabili para sa 'kin. Kahit ang size ko ay alam niya, even my bra and undies. Gosh! Tinakpan ko ng robe dress ang katawan ko kasi baka mahimatay ang lalaking 'yon kapag nakitang naka swimsuit ako. Nanghina ang mga tuhod ko nang makitang nakatanaw siya sa pool. Nakahawak pa siya sa magkabila niyang bewang. Wala siyang suot na pang-itaas na ikinapula ng mukha ko. Tanging swim trunks lang ang suot niya pang ibaba. Likuran pa lang niya ay nanghihina na ako. Paano pa kaya kung humarap na siya sa 'kin? Biglang may pumasok sa isip ko na ikinangisi ko. Humanda siya sa 'kin ngayon. "Bee..." Mabilis naman siyang humarap sa 'kin nang marinig ang boses ko. Sinimulan ko naman na alisin ang pagkakabuhol ng robe dress na suot ko. At nang maalis ko na sa pagkakabuhol, sinimulan ko namang ibaba sa aking balikat habang nanatili ang titig ko sa kanya na panay na ang lunok na nakamasid sa 'kin. Tagumpay na lumandas pababa sa katawan ko ang robe dress at nagpatak 'yon sa sahig kaya lumantad na ang katawan ko. "Bagay ba?" I bit my lower lip while staring at him. Napaawang ang bibig niya habang nakatingin sa 'kin. Dumako naman ang tingin ko sa kanyang ibaba. Patay! Gising na! Bakat na bakat pa! "Oh fuck!" Mabilis siyang tumalikod sa 'kin habang ang lapad pa rin ng kanyang ngisi. Lumapit naman ako sa kanya pero mabilis siyang lumayo sa 'kin. "Hindi ba bagay sa 'kin na magsuot ng two piece? Bakit hindi ka makatingin sa 'kin? Masama ba ang katawan ko? Makinis naman ako!" Hinawakan ko ang braso niya pero mabilis siyang lumayo sa 'kin. Napansin ko rin na pinagpapawisan na ang loko. "God, honey, you're killing me..." Napangisi ako sa sinabi niya. Mas lalo pa akong lumapit sa kanya. Nilapat ko ang aking pisngi sa kanyang likuran kaya mas lalo siyang natigilan. "P-Please, honey.. Fuck!" Lalayo na sana siya sa 'kin pero mabilis kong nahawakan muli ang kanyang braso. "Bee, pwede mo ba akong lagyan ng sunblock? Ayaw kong mangitim sa init ng araw." "What the hell?!" Nilingon na niya ako kaya kinagat ko ang aking pang-ibabang labi para pigilan na matawa kasi pinagpapawisan talaga siya. "Sunblock?" Pinakita ko sa kanya ang hawak kong sunblock. "Oh damn!" Wala na siyang nagawa kundi ang lagyan ako. Nakadapa ako ngayon habang hinihintay na lumapat ang palad niya sa balat ko. "Ang sabi ko'y lagyan mo 'ko ng sunblock, huwag ang titigan ako." Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga. "Stop torturing me, honey.. Fuck! Hindi na ako natutuwa!" I smirked. "Huh? Wala naman akong ginagawa, ah! Nagpapalagay lang naman ako ng sunblock sa gwapo kong boyfriend." Nilingon ko siya na ngayon ay mas lalo pang pinagpapawisan. "Edi huw--" "Fine!" Mariin ang kagat ko sa aking pang-ibabang labi nang maramdaman ang kanyang palad na lumapat sa aking balat. Marahan ang paghaplos niya na para bang ingat na ingat siya sa 'kin. "Behave, please, behave. Fuck!" Pinigilan ko na matawa kasi kinakausap niya ang kanyang sarili habang lumalandas pa rin ang mga palad niya sa aking likuran. "Galit na ba?" Bigla siyang napahinto sa kanyang ginagawa nang marinig ang sinabi ko. "Yes, honey... sobrang galit na galit!" My ghad! Ginalit ko yata! "Anong gagawin mo?" I asked. "What do you want me to do?" Umalis na ako mula sa pagkakadapa habang may ngisi sa aking mga labi. Hindi ko alam na nakakapawis pala ang paglalagay ng sunblock. Pawis na pawis ang loko! "Ginalit ko kaya papakalmahin ko," I bit my lower lip while staring at him. "W-What?" "I'll touch your bir--" "The fuck!" Biglang nag walk out ang loko kaya hindi ko na napigilan ang tawa ko. Tinapos ko muna ang pagtawa ko bago ko siya hinabol. "Swimming na tayo, bee?" Inis niya akong hinarap. Pinigilan ko naman ang sarili ko na tumitig sa maganda niyang katawan. "I'm not in the mood." Muli niya akong tinalikuran. "Anong gagawin mo?" "Matutulog..." Umakyat na siya ng hagdan habang naiwan naman akong nagpipigil ng tawa. Mali yata ang ginawa ko kasi mukhang hindi na matutuloy pa ang pagsi-swimming namin. Nagpalit na lang ako ng masusuot na siya rin ang bumili. Saktong-sakto talaga sa 'kin ang pinamili niya. Pinuntahan ko siya sa room at napailing na lang ako kasi natutulog na nga ang loko. Nakadapa pa habang wala pa rin na pang-itaas. Lumapit ako sa kanya at kinumutan siya. "Happy birthday, bee. I love you.." I whispered to his ears. Hinalikan ko ang kanyang noo bago ako muling lumabas sa silid na 'yon. Nagtungo naman ako sa kusina para magluto. Mabuti na lang talaga na puno ng mga pagkain ang laman ng fridge na mukhang pinaghandaan talaga. Nagluto muna ako ng spaghetti bago ang mga ulam. "Oh ghad!" Napahampas na lang ako sa noo kasi nakalimutan ko sa sasakyan ang bake kong cake para sa kanya. Mabilis naman akong lumabas at pumunta sa garahe upang kuhanin ang cake. "Gaga ka talaga, Gianna!" Gusto kong iumpog ang ulo ko nang matagpuan na nadaganan ng mabigat na unan ang lalagyan ng cake. Nang buksan ko ang box, bigla akong naghinayang kasi sirang-sira na ang design ng cake. Maski ang pangalan niya ay hindi na mabasa pa. Gusto kong umiyak kasi kasalanan ko kung bakit nangyari 'to. Nawala sa isipan ko na may cake nga pala ako para sa kanya. Bagsak ang magkabilang balikat ko habang pabalik ako sa resthouse. Dala ko ang box ng cake kasi balak kong itapon na lang. Hindi magandang ideya na ibigay ko pa 'to sa kanya kasi nasira na. "What the hell, honey?" Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Mask sa aking likuran. Kinuha niya sa kamay ko ang box ng cake na itatapon ko na sana. "Ibigay mo sa 'kin 'yan!" Nilayo niya sa 'kin 'yon at ipinatong sa mesa. Nang buksan niya ang box ay hindi ko na napigilan na maluha. "I'm sorry, bee, I am really sorry. Wala akong kwenta kasi hindi ko naingatan ang cake na para sa 'yo. Wala nang halag---" "I love it, honey, sobrang nagustuhan ko..." He held my chin up and looked straight into my eyes. "Don't cry, honey... Okay lang sa 'kin kahit hindi na maayos ang cake. Sobrang nagustuhan ko pa rin kasi gawa ng babaeng mahal ko." He kissed my forehead. "W-Wala pa rin akong kwenta kasi hindi ko man lang nagawang bumawi sa effort na ginawa mo noong birthday ko. Simpleng cake ay hindi ko pa nagawang ingatan kasi wala akong kw--" Bigla niya akong niyakap kaya mas lalo akong napaiyak sa bisig niya. "God, honey, please stop crying. It is breaking my heart. At huwag mong sabihin na wala kang kwenta kasi hindi totoo 'yan. Sobrang swerte ko kasi ikaw ang girlfriend ko. Na ikaw ang babaeng mahal ko. Lahat ng kaswertehan sa mundo ay nasalo ko simula nung dumating ka sa buhay ko. " Pinaglapat niya ang noo naming dalawa. Pinunasan niya ang mga luhang tumutulo mula sa aking mga mata. "You're the best birthday present I've ever had..." Hinawakan niya ang palad ko at dinala sa kanyang dibdib. Sayang nga lang at hindi na siya hubad pa. Gosh! "Honey..." He kissed the side of my lips. "You're the person I want to spend my forever with...." Tumingkayad ako at inangkin ko ang mga labi niya. "I love you, Marcus Caden Samaniego..." Hinawakan niya ang magbilang bewang ko at bigla akong binuhat. I encircled my legs around his hips while we're kissing passionately. "Damn." Naramdaman ko ang paglalakad niya habang magkalapat pa rin ang mga labi naming dalawa. Sobrang higpit ng hawak ko sa kanyang batok para lang huwag akong mahulog. Nakahawak din siya sa ibaba ng legs ko para maging suporta. Bigla niya na lang akong iniupo nang mapahiwalay ako sa mga labi niya nang mayroon akong naramdaman. "Bakit ang lambot?" Kumunot ang noo niya. Nanatili pa rin na nakapulupot ako sa kanya. "What?" "Ang lambot ng inuupuan ko..." His eyes widened. "Oh fuck! My cake!" Namilog din ang mga mata ko sa sinabi niya. "Oh my ghad!" Napatayo na lang ako nang malaman na cake nga ang inupuan ko na mas lalo pang nasira. Ang masama pa nito ay kumapit sa pang upo ko. "Oh yummy!" nakangising sabi ni Mask. Nakatingin siya sa pang-upo ko kung saan kumapit ang cake kaya pinandilatan ko siya ng tingin. "Nakakainis!" Nagtatakbo ako papunta sa banyo habang ang naririnig ko ang malakas niyang tawa. Sa raming pwedeng maupuan, talagang sa cake pa. Nakakainis! - "Do you think it would be better if I cut my hair?" Nakaupo kami ngayon sa gitna ng kama habang sinusuklay niya ang mahaba kong buhok. "Yes, honey, kahit anong gupit bagay sa 'yo." "Paano mo nasabi?" Napahikab ako kasi inaantok ako sa gaan ng kanyang kamay. Kanina niya pa kasing sinusuklayan ang mahaba kong buhok. Pareho kaming nakasuot ng pantulog, pink ang akin samantalang ang kanya naman ay blue. Hindi ko akalain na bibili siya ng ganito. Couple goals! "You're beautiful..." Hinawakan niya ang pisngi ko at iniharap ang mukha ko sa kanya. "So damn beautiful..." Mahina kong hinampas ang kanyang balikat. "Bole--" "I am just stating the fact, honey..." Hinaplos niya ang aking buhok, nanatili naman ang titig ko sa mukha niya habang may ngiti sa mga labi naming dalawa. "I am imagining things, honey..." "Ano?" Tumitig siya sa mga mata ako. "The little version of you..." Natigilan ako sa sinabi niya. "Our future daughter," dugtong pa niya. Hindi ko na napigilan na dambahin siya ng yakap. Napahiga naman siya sa kama habang nasa ibabaw niya ako. Pinatong ko ang mukha ko sa kanyang dibdib upang pakinggan ang lakas ng kabog ng puso niya. Pinalibot niya naman ang mga braso niya sa katawan ko. "Nakakainis ka!" Nanatili ako sa pwesto ko. "Why, honey?" "Palagi mo na lang ako pinapakilig..." I bit my lower lip. Mas lalo ko pang sinubsob ang mukha ko sa kanyang dibdib. Naramdaman ko naman ang paghaplos niya sa buhok ko. "Araw-araw kitang pakikiligin para mas lalo mo pa akong mahalin." I closed my eyes. "Hindi na kailangan pa, masyado na kitang mahal." Mahal na mahal at aaminin kong natatakot ako. Natatakot na baka may wakas ang kasiyahan naming dalawa. "Oh God, honey... Pinapakilig mo 'ko!" Humigpit na ang yakap niya sa 'kin habang nanatili naman ako sa ibabaw niya. Ang sarap pakinggan ang lakas ng kabog ng puso niya. "Edi mas lalo mo na akong minahal?" "Yes, honey, malalim... sobrang lalim ng pagmamahal ko sa 'yo. Mahal na mahal kita..." Halos dumugo na ang pang-ibabang labi ko dahil sa kilig. "Honey..." "Yes, bee?" Napahikab ako nang naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking buhok. Hindi ko akalain na masarap pa lang humiga sa bisig niya. "Gusto ko na palagi kitang kasama sa araw ng birthday ko.." Tumingala ako sa kanya at sinalubong ko siya ng ngiti. "Yes, bee, palagi akong nasa tabi mo tuwing birthday mo.." He switched our position. Siya na ngayon ang nasa ibabaw ko habang nakasuporta ang mga braso niya sa magkabilang gilid ko. "Promise me, honey.. Promise me.." Hinaplos ko ang kanyang pisngi. "I promise, bee, nangangako ako na palagi akong nasa tabi mo sa tuwing araw ng birthday mo." I put my arms around his neck. "Happy birthday, Marcus Caden Samaniego..." Hinila ko papalapit ang kanyang mukha sa 'kin at sinalubong ko siya ng halik. Sandali lang 'yon kasi sinalubong niya na naman ako ng ngisi. Kahalayan alert! "Honey...." I rolled my eyes. "Ano?!" "Payag na ako na hawakan mo ang bir--" "Magsarili ka!" Tinulak ko na siya at nagtalukbong ng kumot. Kinulong niya naman ako sa kanyang bisig at hinalikan ang noo ko. "Good night, honey... I love you," he whispered. "I love you more." Hinigpitan niya ang yakap sa 'kin. Yakap na kailanman ay hindi ko magagawang kumawala kasi hindi ko kakayanin na mawala siya sa buhay ko. Please lord, let me be with this man, forever! Chapter 48 [Accidentally Kissed With A PL...] Happy 100k reads! Chapter 48 Time flies so fast. Ngayon na ang araw ng graduation namin bilang senior high. Hindi ko talaga akalain na mas tatatag ang relasyon namin ni Mask kasi dalawang linggo na lang, one year na kami. Syempre hindi mawawala ang selosan lalo na kung bigla na lang may lumalapit sa kanyang mga babae at sinasabing miss na raw nilang ka-fling ang boyfriend ko. Sobrang daming langaw ang lumalapit sa kanya na kinaiinisan ko. May tiwala naman ako sa kanya kasi alam kong mahal niya ako. Takot na takot din siya na mawala ako sa buhay niya. Na kahit kailan ay hindi ko naisipan na iwan siya kasi hindi ko talaga kakayanin. We celebrated Christmas and New Year together. Isa 'yon sa pinakamasayang araw sa buhay ko. Wala man si Mama sa tabi namin, pinaramdam naman sa 'kin ni Mask ang kasiyahan at lubos na pagmamahal. "Ang ganda naman ng girlfriend ko..." Lumapit siya sa 'kin at niyakap niya ako mula sa likuran. Kasalukuyan akong nakaharap sa salamin habang inaayusan ang sarili ko. Tulad ko, nakasuot na rin siya ng uniform. Sobrang lakas ng dating para sa 'kin sa tuwing nakasuot siya ng ganun kasi mas nakakaragdag sa kagwapuhan niya. Gumising pa talaga siya ng maaga para lang makapunta rito at sunduin ako. Kahapon naman ay nandito siya at pinipilit niya pa ako na payagan ko siyang tumulog dito pero hindi ko siya pinayagan. No way! "Marcus Caden Samaniego!" Pinaningkitan ko siya ng tingin kasi hindi ko gusto ang ginagawa niya. Balak na naman niyang lagyan ng hickeys ang leeg ko. "Nanlalambing lang naman ako sa girlfriend ko..." He kissed my cheek. "I love kissing you, honey..." Hinawakan niya ang upuan at hinarap ako sa kanya. Hinaplos niya ang mukha ko. Hindi ko naman napigilan na mapangiti habang pinagmamasdan siya. "Bakit naman?" He held my chin up and looked straight into my eyes. "Because I love you..." He claimed my lips. I put my arms around his neck and deepened the kissed. Hinawakan niya ang magkabilang bewang ko para maitayo ako at siya naman ang pumalit sa pwesto ko. Nakaupo na siya ngayon sa inuupuan ko kanina habang pinaupo niya naman ako sa kanyang lap. Muli niyang inangkin ang mga labi ko. Napasabunot naman ako sa kanya nang makagat niya ang pang-ibabang labi ko. "O-Ouch!" Mabilis niya naman sinuri ang labi ko. "Fuck! I'm sorry, honey... I am really sorry for hurting you..." Marahan niyang hinaplos ang pang-ibabang labi ko na sa tingin ko ay nagdurugo na. "O-Okay lang, bee..." Kahit ang totoo talaga'y hindi... kasi ang sakit talaga. Nalasahan ko ang metal dahil sa dugo na nagmumula sa pang-ibabang labi ko. "Gagamutin ko..." Natigilan ako nang angkinin niyang muli ang mga labi ko. Mabilis naman akong lumayo sa kanya. "Baliw ka ba, ha?! Nagdurugo ang lips ko tapo--" He kissed me again. Paulit-ulit niyang inangkin ang mga labi ko hanggang sa wala na akong malasahan na metal. "Masakit pa ba?" Umiling ako. "Thank you..." I hugged him. Nakapatong ang mukha ko sa kanyang balikat. Naramdaman ko naman ang marahan niyang paghaplos sa mahaba kong buhok. "For what, honey?" "For loving me.." Hinarap ko na siya at pinaglapat ang noo naming dalawa. "For everything..." Hinaplos ko ang kanyang pisngi. "You're my everything, bee..." Nanatili ang tingin ko sa kanya. Sa lalaking naging mundo ko na. "God, honey.. Pinapakilig mo 'ko.." he chuckled. Kinulong niya ako sa kanyang bisig. Nilapat ko naman ang palad ko sa kanyang dibdib. Ang lakas ng kabog ng kanyang puso. "Honey..." "Hmm?" "Naaalala mo pa ba nung araw na tinanong mo 'ko kung bakit hindi ako nagpapahalik sa iba?" Pumikit ako nang maalala 'yung araw na nasa loob kami ng Detention room. Nung araw na inis na inis pa ako sa kanya. "Yes, bee... Masasagot mo na ba ang katanungan ko nun?" Nanatili ako sa pwesto ko, sa bisig niya. "Pinangako ko sa sarili ko nun, na ang tanging darampian lang ng mga labi ko ay ang babaeng mamahalin ko..." Natigilan naman ako sa sinabi niya. Hinarap ko siya habang bakas sa mukha ko ang gulat. "Pero ako ang unang humalik sa 'yo nun nang hindi inaasahan.." Muling bumalik sa alaala ko ang paghalik ko sa kanya nang dahil lang sa dare ng kapatid ko. Paano kaya kung hindi siya ang nahalikan ko nun? Magkasama kaya kami ngayon? "At first.. I was shocked because no one can kiss me... but you did it unexpectedly," he chuckled. Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Bakit hindi mo ako tinulak kung ganun? Bakit gumanti ka pa ng halik?" "Maybe because you taste like honey?" Hinampas ko naman siya, napangiwi ang gago. "Ayos ka rin kau--" "Because you're, Gianna Kinsley Arellano..." Mas lalo pang tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya. "O ano naman kung ako si Gian---" "Your Dad is the reason why I fell in love with you..." Natigilan ako sa sinabi niya habang ang lakas ng kabog ng puso ko. Hindi ko akalain na dahil kay Dad, makikilala niya ako, na darating sa punto na mamahalin niya rin ako. "Nung una pa lang tayong nagkita, honey... na tinawag mo pa akong Principal..." Naalala ko na naman nung unang tagpo namin... na tinawag ko siyang Principal, sumunod naman ay isang Teacher. Ang tanga ko sa part na 'yon. "....mahal na kita..." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. "Nakakainis ka! Kung mahal mo na pala ako, bakit mo pa ako nagawang pagtripan, ha?!" Pinaghahampas ko siya, habang siya naman ay panay lang ang tawa na mas lalong ikinakulo ng dugo ko. "I love seeing your reac--" "Kinginamo!" Tatayo na sana ako nang muli niya akong ikulong sa kanyang bisig. "I'm sorry, honey.. I am really sorry for what I've done.." I rolled my eyes. "Ano pa nga ba ang magagawa ko? Nangyari na, pinagbunot mo pa ako ng ligaw na halaman na gago ka!" He laughed. "Fuck, honey... Pinaalal--" "Gago!" Pilit akong kumakawala sa bisig niya pero mas lalo niya lang akong kinulong. "Kung mahal mo na pala ako nun, bakit nakikipaglandian ka pa sa iba na gago ka, ha?!" Kumulo naman ang dugo ko nang maalala ko kung gaano siya kalandi noon. Kaliwa't kanan ang mga babaeng nilalandi niya. Talagang may pinapadayo pa siyang taga ibang school para lang lumandi. "I was afraid..." "Afraid? Bakit? Para saan?" Tumitig na ako sa kanya. "Na ma-reject mo lang ako.. Fuck! Alam kong tatawanan mo lang ako kapag inamin ko na agad sa 'yo ang nararamdaman ko. Why? Kasi hindi mo pa naman ako kilala... habang ikaw, kilalang-kilala ko na." Napatango naman ako kasi alam kong mangyayari nga 'yon. "Pero hindi pa rin tama na makipaglandi--" "I want you to feel jealous... but fuck! Pero ang kaibigan ko ang nagustuhan mo at palaging kasama mo... It is breaking my heart..." Hinaplos ko ang kanyang mukha. Hindi ko akalain na no'n pa lang ay nasasaktan ko na siya. "Lalo na nung nakita kong inangkin niya ang mga labi mo sa harapan ko... Fuck, honey! Nadurog ang puso ko.." Tinuro niya ang kanyang dibdib. "Durog na durog..." Hinawakan ko ang kanyang kamay at dinala sa bandang puso ko. "Ikaw naman ang tinitibok nito..." Sumilay na ang ngiti sa mga labi niya kaya gumaan na ang loob ko. "Kissing you is the best way to express my love for you.." Ang palad ko naman ang dinala niya sa kanyang dibdib. Naramdaman ko na naman ang lakas ng kabog ng puso niya, na ako ang dahilan. "Can we skip college?" Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Ano?" "Huwag na tayong pumasok pa." "Wow! Ang President pa ang bad influence." Kinurot ko ang kanyang tainga na ikinangiwi niya. "Pakasal na agad tayo, pagka-graduate natin mamaya." Bigla naman namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Tiningnan ko ang orasan at 30 minuto na lang ay magsisimula na ang seremonyo ng graduation. "Oh my god! Nand dahil sa kalandian nating dalawa, male-late na tayo sa oras ng graduation." Kahit siya ay nagulat sa sinabi ko. Mabilis naman namin inayos ang aming sarili. Pagkababa namin, sumalubong agad ang kapatid ko na naka-cross arm at nakataas pa ang kilay ng gaga. "Tinatanong ni Dad kung magka-college pa ba kayo o mag-aasawa na?" "Colle---" he cut me off. "Aasawahin na 'ko ng Ate mo," he winked at me. Pinandilatan ko naman siya ng tingin. "Mag-asawa kang mag-isa mo!" Nauna na akong maglakad. Hinabol naman ako ni Mask at hinawakan ang kamay ko. "Honey, ikaw ang magsasabit ng medalya ko, ha?" Napangiti naman ako sa kanyang sinabi at niyakap ko siya. Hindi namin pinansin ang pag ngiwi ng kapatid ko. Walang namamagitan sa kanilang dalawa ni Josh. Alam kong sobrang nasasaktan na ang kapatid ko. Gustong makipagbalikan sa kanya ng ex niya na makapal ang mukha. Matapos na ipagpalit ang kapatid ko sa malapit, may kapal pa talaga siya na mukha para makipagbalikan sa kapatid ko?! Wow! Nalaman ko rin na nililigawan na ni Josh si Stella. Sobrang nasaktan ang kapatid ko nang malaman 'yon. "Honey?" Hinawakan ko ang pisngi niya at dinampian ng halik ang kanyang mga labi. "Yes, bee... ako ang magsasabit ng medalya mo." He kisses my forehead. "I love you, honey..." "I love you too na agad, sobrang nakakadiri na!" sabat ng kapatid ko. Nginisian ko ang gaga na halos masuka na habang nakatingin sa 'min. "I love you more, bee.. Huwag mo akong ipagpapalit sa malapit, ha? Huwag mo akong itulad sa isa riyan na pinagpalit lang sa malapit.." Nanatili ang tingin ko kay Gennica. She rolled her eyes. "No way, honey! Kahit anong mangyari, hindi kita ipagpapalit kahit na kanino." Napalingon na rin si Mask kay Gennica na ang sama na ng tingin sa 'min. "Sana all!" We both laughed. - Pagkarating namin ng school ay sinalubong agad ako ng yakap ni Papa. Naluluha pa siya kasi ngayon na lang ulit niya ako masasamahan sa harapan ng stage. Syempre masaya ako kasi sa wakas makakasama ko na siyang umakyat ng stage. Nakakalungkot lang kasi wala si Mama sa tabi namin. "Congrats sa 'tin, gurl!" Hinawakan ni Stella ang kamay ko. Magkatabi kami ngayon, nasa kabila naman nakaupo ang mga lalaki. "Congrats sa 'tin..." tugon ko. Marahan kong pinisil ang kanyang kamay. Napadako ang tingin ko sa power puff girls na kanina pa nagsisikuhan. Kumpleto na sila kasi bumalik na ng Pilipinas si Sophia. Naiwan naman daw sa States si Sapphire na mukhang doon na ipagpapatuloy pa ang pag-aaral. Maayos na naman daw 'to pero minsan, nagwawala pa rin kasi gustong makita si Mask. Mukhang patay na patay pa rin ang babaeng 'yon sa boyfriend ko. "You're so lucky to have him, kaya kung ako sa 'yo, huwag mo na siyang pa pakawalan pa kasi sobrang pagsisisihan mo..." Marahan niyang hinahaplos ang promise ring na nasa daliri ko. Napangiti naman ako sa sinabi niya. "No way, kahit na kailan ay hindi ko naisipan na iwanan siya kasi hindi ko kakayanin..." Napadako muli ang tingin ko sa lugar ni Mask. Nagtama ang tingin naming dalawa. Kinindatan pa ako ng loko. "He loves you so much.." Napalingon na ako kay Stella, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ko. "Mas mahal ko siya..." Napadako na rin ang tingin niya sa pwesto nina Mask. Napansin ko ang pag ngiti ni Josh sa kanya. Namula naman ang mukha ni Stella. "Ms. Gianna Kinsley Arellano.." "Gurl, ikaw na ang aakyat ng stage.." Mabilis naman akong napatayo upang pumunta ng stage. Kasama ko si Papa habang na tinanggap namin ang certificate. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko habang kinukuhanan kami ng litrato nang magkasama. Pagkababa ko ng stage, sinalubong agad ako ng yakap ni Mask. "Congrats, honey... I am so proud of you.." I hugged him back. "Thank you, bee..." Hinalikan niya ang noo ko sa harapan ni Papa. Lumapit naman si Papa sa 'min at tinapik ang balikat nito. Magkahawak ang kamay namin ni Mask habang hinahatid niya ako pabalik sa pwesto ko. "W-What?!" Napalingon ako kay Stella na ngayon ay mayroong katawagan sa phone. Pansin ko rin ang panginginig ng kanyang mga kamay. "Anong nangyari?" Hindi niya ako pinansin. "W-Wait for me, papunta na po ako..." Nilingon niya ako habang namamasa na ng luha ang kanyang mga mata. "B-Bakit, Stella? About your Dad?" Hindi niya ako sinagot, patuloy pa rin sa pagbuhos ang luha niya kaya niyakap ko siya. "Kung ano man ang problemang dinadala mo, siguradong magiging okay din ang lahat. Magtiwala ka lang." I whispered. "S-Sana nga... sana maging okay pa ang lahat kahit na alam kong imposible na..." Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa 'kin. Nararamdaman kong namamasa ang balikat ko dahil sa kanyang pag-iyak. Wala akong ideya kung bakit. "What is wrong?" Hindi namin namalayan na nakalapit na pala si Josh. "S-Si Dad...." His eyes widened. "W-What?" Tumayo na si Stella at may binulong kay Josh na mas lalong ikinagulat nito. "Fuck!" he cursed. "G-Gurl, kailangan ko nang umalis..." Aalis na sana siya nang pigilan siya ni Josh. "I'll go with you..." Mabilis na umiling si Stella. "P-Please huwag na... mas kailangan ka rito. Sasabitan ka pa ng meda---" "Mas kailangan mo 'ko!" Hindi na nakaimik pa si Stella nang hilahin na siya palayo ni Josh. Naiwan naman ako na may malaking question mark sa utak ko. What was that? Anong meron? Tungkol na naman ba sa Dad ni Stella kaya siya nagkakaganun? Ilang beses na nangyari na bigla na lang siyang aalis sa klase na alam kong ang Dad niya ang dahilan. Hindi ko pa rin nakikita ng personal ang kanyang Dad, tanging sa tv pa lang kasi bukod sa businessman 'to. Kasali rin 'to sa politika. Matunog ang pangalan nito sa bansa, isa lang ang masasabi ko. Nakakatakot ang Dad ni Stella. "Honey?" "Gosh! Ako yata 'yon!" "Mr. President... ako na lang ang magsasabit ng medalya mo, hindi lang 'yon. Lalambitin rin ako sa 'yo!" Napalingon ako sa bading na umimik at pinaningkitan ko siya ng tingin. Umirap lang ang bading at muling bumalik sa kanyang pagkakaupo. "Anong meron?" tanong ko sa katabi ko na kaklase namin. "Kanina ka pa tinatawag ni Mr. President, natapos na ang speech niya nang hindi mo man lang namamalayan kasi lutang ang isip mo." My eyes widened. "Oh my ghad!" Napahampas na lang ako sa noo at mabilis na tumayo upang umakyat ng stage. Ganun na ba kalalim ang iniisip ko kanina? Bakit hindi ko man lang narinig na nagsasalita na pala ang Valedictorian sa unahan? "I am so proud of you, bee..." Matapos ko siyang sabitan ng maraming medalya, sinalubong ko agad siya ng yakap. Marami ang naghiyawan habang nakamasid sa 'min. "Nakikilala niyo ba ang babaeng nasa tabi ko ngayon?" Namilog ang mga mata ko nang biglang sabihin 'yon ni Mask sa harapan ng maraming tao. Naka mic pa ang gago. "Hoy, anong ginagawa mo?" Siniko ko siya pero hindi niya ako pinansin. "Nakikilala niyo ba ang babaeng mahal ko?" muling tanong ni Mask. "Si Maleficent?" "Oh my ghad! I know her, siya si Pokwang!" "Gaga! Anong pokwang? E si Chocolate 'yan!" "We know her! Hi Pororo!" Napahampas na lang ako sa noo sa mga naririnig ko. Kailan pa ako naging si Maleficent, Pokwang at ang malala ay si Chocolate? Tanggap ko ang Pororo na hiniyaw ng Power puff girls. Nagustuhan ko na lalo si Pororo nang dahil kay Mask. "Siya ang babaeng makakasama ko sa pagtupad ng mga pangarap ko. Hindi lang sa harapan ng stage niyo kami makikita na magkasama kasi sa susunod..." He held my hand and gently kissed it. "Sa harapan ng altar na.." Hindi ko na napigilan na maluha sa sinabi niya. Mas lalong nakakagulat ang ginawa niya kasi hinalikan niya ako sa harapan ng maraming tao. Mas lalo pa silang naghiyawan sa kanilang nasaksihan. Habang ang lakas ng kabog ng puso ko na parang sasabog na sa kasiyahang nararamdaman. "Mahal kita... bawat segundo, minuto, oras, ngayon, bukas, palagi at hanggang sa walang hanggan..." Hindi ko na muling napigilan pa na pumatak ang mga luha ko sa sinabi niya. "Mahal din kita, bee, mahal na mahal..." Sobrang mahal na mahal... -- "Saan mo na naman ako dadalhin?" "It's a secret, honey..." He winked at me. Napailing ako. Nilingon ko naman ang loob ng restaurant kung saan nagsama-sama ang mga kamag-anak namin. Ang sarap sa feeling na makilala ang buong pamilya niya. Nagkakausap na rin kami ng Auntie niya at humingi 'to ng tawad dahil sa pagiging rude nito sa 'kin. Syempre tinanggap ko naman ang apology niya. Nang magkausap si Papa at si Tito, hindi na mapaghiwalay pa ang dalawang magkaibigan. Nag-iinuman na sila habang si Lolo naman ay kinikilala ang pamilyang Samaniego. Panay din ang sabi nito na bagay daw kay Marcus na maging isang hardinero. Syempre sobrang nakakahiya kahit na wala naman silang ideya sa sinasabi nito. Natawagan ko na rin si Stella. Sinabi niya na inatake raw ng asthma ang Dad niya kaya kasalukuyan silang nasa ospital. Sa tingin ko'y magkasama pa rin sila hanggang ngayon ni Josh. Balak ko pa sana silang puntahan na mabilis naman tinanggihan ni Stella. Huwag ko na raw sayangin pa ang aming oras, saka okay lang naman daw siya. Nabigla lang siya sa nangyari sa kanyang Dad. "Bakit mo 'ko dinala rito?" Nasa garden kami ngayon. Kailangan pang pumasok sa pintuan bago makarating dito. Hindi kami makikita sa labas dahil sa kipot ng pinto. "Tago ang lugar na 'to, honey... walang istorbo.." Ngumisi ang loko. Napairap naman ako. Kahalayan alert! "Akala mo lang..." Nginuso ko si Lolo na mukhang papasok na sa garden kung nasaan kami. "Fuck! Kinakabahan na talaga ako sa Lolo mo..." Bigla niya na lang akong hinila sa likuran ng makapal na halaman. Nakayuko kaming pareho para hindi kami makita nito. Naka dress pa naman ako kaya sobrang nahihirapan ako sa pwesto ko ngayon. "Fuck! Paano niya nalaman na nandito tayo? Sinigurado ko naman kanina na hindi niya tayo nakitang lumabas," bulong niya. "Isa kang dakilang hardinero sa paningin ni Lolo kaya malamang alam niya na pupunta ka rito." Nilingon ko si Lolo na pinagmamasdan ang red roses. Kumirot naman ang dibdib ko kasi alam kong namimiss na niya si Lola. Paborito pa naman ni Lola ang red roses. "Honey..." Napalingon ako sa kanya, hinawakan niya ang kamay ko at marahang hinalikan ang likuran ng aking palad. Nanatili pa rin kaming nagtatago sa makapal na halaman kasi hindi pa rin umaalis si Lolo. Wala akong ideya kung bakit kami nagtatago. "Hmm?" Hinawakan niya ang palad ko at dinala sa kanyang dibdib. "I am so happy to have you... to love you... and to be with you..." Hinaplos niya ang pang-ibabang labi ko kung saan nagmarka pa rin ang ginawa niya kanina. Mabuti na lang talaga na naglaho na ang sakit. "B-Bakit ka ganyan, ha?" Hindi ko alam kung bakit may luhang pumatak mula sa mga mata ko. "Bakit parang anumang oras ay mayroong maglalayo sa 'ting dalawa.. Bakit ko nararamdaman ang bagay na 'to?" Natigilan sa sinabi niya. "W-What? What do you mean?" Hindi ko siya sinagot, kinulong ko ang sarili ko sa bisig niya. "What the hell were you thinking?! Maglalayo? Fuck, honey! Bakit tayo maglalayo? Sa anong dahilan?" Hinawakan niya ang pisngi ko at iniharap ako sa kanya. Mabilis niyang pinunasan ang mga luha ko. "Ang kasiyahan, mayroong kapalit na kalungkutan.." "Kung anuman ang problemang darating sa 'tin, haharapin natin 'yun nang magkasama. God, honey.. Huwag mong maiisipan na bumitaw kasi hindi ko kakayanin..." I didn't answer him because I claimed his lips. Bigla niya na lang akong itinulak kaya napahiga ako sa bermuda. Pumaibabaw siya sa 'kin habang nagsasalitan pa rin kami ng halik. Hindi inaalala na nasa paligid lang namin si Lolo. "I will never leave you.." I said between our kisses. "Yes, honey.. You can't leave me... Hindi ako papayag.." Naramdaman ko ang paggapang ng palad niya sa hita ko, pinagsasawa na ng mga labi niya ang balikat ko. Nakagat ko naman ang pang-ibabang labi ko nang makaramdam ako ng kiliti. Nakaramdam ako ng hapdi dahil sa pagkagat ko sa aking pang-ibabang labi. "M-Marcus..." A soft moaned escaped my mouth. "Damn.." Muli niyang inangkin ang mga labi ko. Napasabunot naman ako sa kanyang buhok. "Oh fuck, may ahas!" Para naman akong nanigas sa sinabi niya. Napatingin ako sa gilid ko kung nasaan ang ahas na nakamasid sa amin. "Oh my ghad!" Mabilis ko siyang tinulak paalis sa ibabaw ko. Pagtayo naming dalawa ay nakita namin si Lolo na nakangising nakatingin sa 'min habang may hawak na ahas? Gusto kong mapamura nang mapansin na ahas na laruan lang ang nakita namin na mukhang kagagawan nito. "Surprise!" Napahampas na lang ako sa noo sa kahihiyan na nararamdaman. Siniko ako ni Mask na ngayon ay nakayuko na rin. Inaayos niya ang kanyang polo na sobrang nalukot na dahil sa kagagawan ko. "L-Lo--" "Sinasabi ko na nga ba't nandito ang hardinerong hinahanap ko na mukhang busy sa pagdidilig..." I bit my lower lip. "L-lolo, mali po an---" "Hardinerong Samaniego!" Bigla na lang napaatras si Mask dahil seryosong boses ni Lolo. Maging ako ay kinabahan na rin kasi ibang magalit 'to. "B-Bakit Po, Lo--" "Panagutan mo ang apo ko!" My eyes widened. Napalingon kami ni Mask sa isa't isa na ngayon ay parehong nanlalaki ang aming mga mata. Bigla siyang ngumisi na mukhang nagustuhan ang sinabi ni Lolo. "Of course, Lolo, kahit hindi niyo po sabihin. Pananagutan ko ang apo niyo..." Hinawakan niya ang kamay ko. "Mabuti naman kung ganun, sya nga pala. Totoong ahas ang nasa paanan niyo ngayon." Nanigas kaming dalawa sa kinatatayuan namin nang makitang gumagapang na 'yon kay Mask. "Tangina!" Chapter 49 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 49 I couldn't help but smile while staring at them. Kasalukuyan silang nakaupo sa couch habang kalong ni Mask si Jairus. Parehong nasa T.V ang kanilang atensyon habang nanonood ng Pororo. Maaga pa lang ay nandito na agad si Mask. Walang araw na hindi siya bumisita rito. Kulang na lang ay dito na siya tumira pero syempre hindi pa rin pwede na manatili siya rito. Tungkol naman kay lolo. Kasalukuyan na siyang nasa hacienda ngayon kasi mas gusto niyang manatili ro'n kaysa rito sa city. Gusto niya palaging nakakalanghap ng sariwang hangin. "What took her so long?" tanong ni Jairus. Halata na sa mukha nito ang pagkainip kasi ang tagal ko na gumayak. Balak kasi namin na pumunta ng mall para ipasyal si Jairus. Iniwan siya sa 'min ni Papa kasi wala raw mag-aalaga rito. Kasalukuyan naman daw umuwi ng probinsya ang Nanny nito. Busy din ang ina ni Jairus. Syempre okay lang naman sa 'kin na alagaan ko siya. Mahal ko ang kapatid ko kahit na hindi man siya galing sa sinapupunan ni Mama. "Wait na lang natin, big boy... Mamaya ay bababa na rin ang, Ate, mong mahal na mahal ko..." Mas lalo tuloy akong napangiti sa sinabi nito. Hinaplos pa niya ang ulo ni Jairus. Isa rin sa nalaman ko kay Mask ay mahilig siya sa bata. Kaya nga close na close sila ng kapatid ko kasi matagal na rin silang nagkakilala. "I'm here..." Napalingon silang dalawa sa 'kin. Mabilis silang tumayo at naunang lumapit sa 'kin si Mask. Napansin ko ang pagtaas ng kilay nito. Ang suot nila ay white short sleeve shirt. Black pants naman ang kanilang pang-ibaba. Para silang mag-ama na dalawa. "Okay lang ba ang suot ko?" Pinasadan niya ng tingin ang kabuuan ko kaya tinaasan ko siya ng kilay. Ganundin si Jairus na pinagmamasdan din ako. I was wearing a ruffle off shoulder top and a plaid high rise mini skirt. Hinayaan ko naman na nakalugay ang mas humaba at straight kong buhok. Minabuti ko na lang na huwag ipagupit ang aking buhok kasi tumutol si Mama na magpagupit ako. Gusto niya raw na mas humaba pa. "Mayroong kulang, honey..." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Pumunta siya sa likuran ko na sa tingin ko ay mayroong sinusuri. "Huh? Anong kulang?" Hinawakan ko naman ang dalawang tainga ko at sinuri kung nawawala ba ang hikaw ko. Kinapa ko rin ang kwintas ko na kahit kailan ay hindi ko nagawang alisin. Suot ko rin naman ang promise ring na binigay niya. "Mayroong kulang talaga sa 'yo, honey..." "Anong kulang ang sinasabi mo, ha? Pareho namang mayroong hikaw ang magkabi---" "Apelyido ko..." Bigla niya na lang akong niyakap sa likuran kaya tumalikod si Jairus. Dahil naka off shoulder ako, madali nitong nahalikan ang balikat ko. "Marcus Caden Sa--" "Mahal kita..." Hinigpitan niya ang yakap sa 'kin. Hindi ko naman mapigilan na mapangiti. "....bawat segundo, minuto, oras, ngayon, bukas, palagi at hanggang sa walang hanggan...." dugtong pa niya. Hinarap ko siya at pinalibot ang mga braso ko sa kanyang batok. Pinagmasdan ko ang gwapo niyang mukha. "Bakit ba ang sweet mo, ha?" Pinalibot niya ang isang braso niya sa likuran ko at mas lalo akong nilapit sa kanya. "May ginawa kang kasal---" "No way!" I chuckled. Alam ko naman na hindi siya gagawa ng bagay na ikasasakit ko "Big boy..." Nilingon niya si Jairus na kasalukuyan nang nanonood ng Pororo kasi mukhang nandiri na sa kalandian namin. "Yes po, Big boss?" "Do you wanna play a game?" Mahina kong hinampas si Mask dahil sa sinabi nito. "Baliw ka ba, ha?! Aalis na tayo tapos yaya---" "Yes po! Yehey!" Nagtatalon ang kapatid ko habang ang lapad naman ng ngisi ni Mask. Alam kong mayroong ibig sabihin ang ngisi niya. Kahalayan alert! "That's good, big boy. Let's play hide and seek. Ako ang taya kaya magtago ka na..." Mabilis naman nagtago ang kapatid ko habang mas lalo pang lumapad ang ngisi ni Mask. "Now..." He licked his lower lip while staring at me. "Let's play a game, honey?" Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko. "Anong laro?" "Let's play using our lips until we couldn't breathe anymore..." "Maha---" He didn't give me a chance to speak because he claimed my lips. Pinalibot ko naman ang mga braso ko sa kanyang batok at mas lalo ko siyang diniin sa 'kin. Sobrang nakakauhaw ang halik niya na kahit kailan ay hindi ko magagawang pagsawaan. Naghiwalay lang kami nang parehong hindi na kami makahinga. "We both lost the game..." He chuckled. Hindi ko magawang makaimik kasi hinahabol ko pa rin ang aking hininga. Sa galing ba naman humalik ng boyfriend ko. "Ano ba naman 'yan? Ang agang-aga'y ang lalandi ninyo!" Nilingon ko si Gennica na ngayon ay bihis na bihis. Tinaasan ako ng kilay ng gaga. "At saan ka naman pupunta?" Lumayo na ako kay Mask at hinarap ang kapatid ko na ngayon ay nakasuot ng bestida. "Secret..." Aalis na sana siya pero hinawakan ko ang kanyang braso. "Saan nga?" She took a deep breath. "Pupunta ng simbahan, magma-madre na lang ako kasi wala akong jowa!" Muli niya na akong tinalikuran, akmang hahabulin ko siya nang pigilan ako ni Mask. "Hayaan mo na ang kapatid mo.." Napailing ako. "No way! Alam kong makikipagkita lang 'yon sa gago niyang ex!" Hinawakan niya ang kamay ko para pakalmahin. Natatakot ako na baka masaktan na naman ang kapatid ko. Hindi imposibleng masaktan ulit ng gagong 'yon si Gennica. "Sa oras na masaktan ulit ang kapatid mo, tulog sa 'kin ang gagong 'yon." Niyakap niya ako at hinalikan ang aking noo. Kahit papaano'y kumalma naman ako. Nag-aaway man kami ng kapatid ko, ayoko pa rin siya masaktan ng kahit na sino kasi ako talaga ang makakalaban ng taong mananakit sa kanya. "Mayroon ba tayong nakalimutan?" I asked. "What, honey? Anong nakalimutan?" Nilingon niya ako habang nababakas sa kanya ang pagtataka. Kasalukuyan na siyang nagmamaneho ngayon. Hindi kasi ako mapakali mula sa kinauupuan ko. Parang may nakalimutan kami na hindi ko maisip kung ano. "Saan ba tayo pupunta?" "Mall." Napatango ako. "Bakit nga pala tayo pupunta ng mall?" muli kong tanong. Itinuon ko ang pansin sa daan habang inaalala si Gennica. Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Alam kong si Josh pa rin ang laman ng puso niya pero bakit makikipagkita pa siya sa gago niyang ex? Para humingi ng closure? "Para ipasyal ang kapat--- oh fuck! Where's big boy?" Bigla siyang napapreno, mabuti na lang mahigpit ang pagkaka seatbelt ko kaya hindi ako gumalaw sa pwesto ko. "Oh my ghad!" Ngayon ko lang na-realize na naiwan pala namin ang kapatid ko. "Balik tayo sa bahay bilis! Lagot tayo kay Papa!" Maging siya ay nataranta na rin kasi panay ang mura niya habang binabaling pabalik ang sasakyan. Naumpog ko na lang ang ulo ko sa bintana ng kotse dahil sa katangahan naming dalawa. Bakit kasi nawala sa isipan namin ang kapatid ko? Siguradong hanggang ngayon ay nagtatago pa rin siya at naghihintay na hanapin siya. My ghad, Gianna! Landi pa more! - "Oh gosh! Ang gwapo!" "Gwapo na nga, ang galing pa magpa shoot ng bola. Siguradong shooter si Kuya!" "Akin ka na lang, Kuya, kahit na may anak ka na!" "Fafa, asawahin mo 'ko!" Para naman napintig ang mga tainga ko sa naririnig mula sa mga kababaihan na nakapaligid sa boyfriend ko. Kasalukuyan silang naglalaro ng kapatid ko ng basketball sa Quantumn. Syempre maliit na shootan 'yung kay Jairus habang malaki naman kay Mask. Magkatabi lang ang pinagshu-shootan nilang dalawa. Para talaga silang mag-ama kasi sa tuwing nakaka shoot si Jairus ay nag aapir pa sila. "Excuse me, gurls! Mag-ama ko 'yan!" I smirked. Nagulat naman sila sa biglaang paglapit ko sa kanila. Pinasadahan pa nila ako ng tingin kaya tumaas ang kilay ko. Ayaw ko talaga sa lahat na pinagmamasdan ang boyfriend ko. Selosa na kung selosa pero gusto ko sa 'kin lang siya! "Talaga ba?" biglang sabi ng isang babae na kulay brown ang buhok. "Yes!" Pinakita ko sa kanila ang singsing. Napaawang naman ang kanilang bibig habang pinagmamasdan 'yon. "Malaki ba, Miss?" biglang tanong ng isang bading. Siguro kung umiinom ako ng tubig ay kanina pa ako nabulunan. Pero syempre patay malisya lang. Sa galing ko ba naman na umarte. "Malaki... pero kinaya naman... Sarap pa!" Napa wow naman sila sa sinabi ko habang namula naman ang aking mukha. Pinagmasdan ko na ang dalawa na panay na ang tawanan sa isa't isa. Sobrang nakakataba ng puso na makita kung gaano sila ka close. "Ang swerte mo naman sa asawa mo. Napakabuting ama sa anak mo," biglang sabi ng isang babae. Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Sigurado akong magiging mabuting ama si Mask pagdating ng panahon. Hindi na ako makapaghintay na dumating ang araw na magkaroon kami ng pamilya. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya mula sa likuran. Narinig ko naman ang pagkadismaya ng mga babae kanina kasi wala na silang pag-asa pa kay Mask. Aba dapat lang! Mainggit sila na mayroon akong Marcus Caden Samaniego na nag-iisa sa mundo. "Bee..." Nanatili ang yakap ko mula sa kanyang likuran. Hinawakan niya naman ang kamay ko na nasa tiyan niya. "Yes, honey? Do you want to eat?" Hinarap na niya ako at hinawakan ang magkabila kong pisngi. Umiling ako bilang sagot. "Anong gusto ng honey ko?" Kasalukuyan na niyang hinahaplos ang aking buhok. Minsan napapatanong na lang ako kay lord na bakit ang swerte ko? Bakit ang swerte ko na dumating siya sa buhay ko? Ang lalaking sobra ang binibigay na pagmamahal sa 'kin. Mahalay nga lang! "Gusto kong maglaro..." Inabot ko ang bola at tinanaw ang ring. Nilingon ko si Jairus na inirapan lang ako. Nagtatampo pa rin siya hanggang ngayon dahil iniwan namin siya kanina. Madali niya naman napatawad si Mask, samantalang ako ay hindi pa rin niya pinapansin. Nakakapagselos na! Parang sila pa ang magkapatid. "Position yourself, honey..." Tulad nga nang sinabi niya. Inayos ko ang position ko para maka-shoot ng bola. Kasalukuyan siyang nasa likod ko para i-guide ako. Alam kong natatakpan niya ako kung titingnan sa likod dahil sa sobrang tangkad niya. Nararamdaman ko rin ang dibdib niya kasi sobrang lapit niya talaga sa 'kin. "Position, honey.." He repeated. "Huh? Hindi ba't nakaayos na ako.. Ano pa bang position ang gusto mong lalak---" "69..." Naramdaman ko ang marahan na pagdampi ng mga labi niya sa earlobe ko. Napahigpit ang hawak ko sa bola dahil sa ginawa niya. Inis ko siyang hinarap na ngayon ay ang lapad na ng ngisi. "Bakit ba ang lan--" Bigla na lang niya akong hinalikan. Narinig ko naman ang tili ng mga kababaihan na kanina pa kami pinagmamasdan. "Baliw ka ba, ha?! Alam mong ang da--" "So what, honey? Hahalikan kita sa harapan ng maraming tao para lang malaman nila na pagmamay-ari mo 'ko..." Nilingon niya ang tumpok na kababaihan na halos himatayin na nang tingnan sila ni Mask. Bigla namang kumulo ang dugo ko kaya hinablot ko ang collar ng suot niya at inangkin ang kanyang mga labi. "Ew! Porn!" Napahiwalay ako kay Mask nang marinig si Jairus. Nakatakip na ngayon kanyang ang mga mata. Napahampas naman ako sa noo kasi sa harapan pa talaga niya kami naglandian. Huwag sana siyang lumaki na pinaglalaruan ang puso ng kababaihan. "Tama na 'yan!" Pinigilan ko si Mask nang makitang ang dami na niyang nilalagay na lego sa cart. Kasalukuyan kaming nasa Toy Store para raw ibili ng laruan si Jairus. "Kulang pa, hon---" "Anong kulang? Ang dami niyo nang napiling laruan, saka huwag mong sanayin na palaging nakukuha ang gusto niya kasi hindi siya matututong makuntento." Ibinalik ko ang ibang laruan na sa tingin ko naman ay hindi magagamit. "God, honey... I can't wait to marry you and have a little version of you.. Our little princess..." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinaglapat ang noo naming dalawa. Hindi ko naman mapigilan mapangiti sa sayang nararamdaman. "Ako rin, bee.. I can't wait to be your wife and be the mother of your child..." Alam kong matagal pa mangyayari ang bagay na 'yon. Kailangan pa namin magtapos ng pag-aaral. Syempre aral muna bago asawa. "Where's Jairus?" Nilibot namin ang tingin sa paligid para hanapin ang kapatid ko. Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko sa nararamdamang kaba. Paano na lang kung sumama siya sa iba at makidnap? Huwag naman sana! "Let's find him," aniya. Naghiwalay kaming dalawa upang libutin ang malawak na Toy Store. Nagkasalubong kami sa gitna habang bagsak ang aming mga balikat. "How about sa robot station?" aniya. Hinawakan niya ang kamay ko para pakalmahin kasi sobrang kinakabahan na talaga ako na baka kung kanino na sumama ang kapatid ko. "Don't worry, honey.. Mahahanap din natin siya.." He kissed my forehead. "Jairus!" Nakahinga ako nang maluwag nang makita namin siya sa Robot station. May kasama siyang isang batang lalaki. Pareho silang mayroong hawak na laruang robot. "Pinag-alala mo si Ate!" Niyakap ko siya ng mahigpit dahil sobrang natakot talaga ako. "I'm sorry, Ate.. Hindi na po mauulit..." I held his cheeks. "Huwag mo na ulit pag-aalalahanin si Ate, ha? Hindi ko kakayanin na mawala ka." Napangiti siya sa sinabi ko. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Mask sa balikat ko at marahan na pinisil. "Yes po, Ate..." He kissed my cheek. Napangiti ako sa ginawa niya. Napalingon ako sa batang lalaki na halos kasing tangkad niya. Napaka-guwapong bata na sa tingin ko ay maraming kababaihan din ang luluha nang dahil sa kanya. "Hay naku na bata ka! Kanina pa ako naghahanap sa 'yo.." Biglang sulpot ng isang babae at hinawakan ang kamay nung bata. Sa tingin ko ay 'yon ang Nanny niya. "I want this toy..." Pinakita niya ang laruang robot sa Nanny niya. "Sige bibilhin natin, teka lang kukuha lang ak-- patay! Naiwan ko sa sasakyan ang wallet ko." Napahampas sa noo ang Nanny samantalang lumungkot naman ang mukha nung bata. "You want this one?" Napatingin ako kay Mask na ngayon ay nakaluhod na para pumantay sa mukha nung bata. Tumango naman 'to habang may ngiti sa mga labi nito. "Yes po. I want this rob---" "Naku, hijo, huwag na. Babalik na lang kami mamaya ri---" "Okay lang po," tugon ni Mask. Nilingon niya muli ang bata. "I'll buy this for you..." Kinuha ni Mask ang laruang robot habang ang lapad naman ng ngiti nung bata. Hindi ko naman mapigilan ang sayang nararamdaman ko. Kahit sino talagang bata ay napakalapit niya. Sigurado na talaga ako na magiging mabuti siyang ama. "What is your name big boy?" tanong ni Mask. Nasa labas na kami ngayon ng Toy Store. Hawak na nung bata ang laruang robot na gusto niya. Hindi na maipaliwanag pa ang sayang nararamdaman nito ngayon. "Zairus..." Lumapit si Jairus kay Zairus at nakipagkamay. Matapos nun ay naisipan na namin umalis pero bago 'yon. May hindi maalis sa isipan ko. Nakita ko si Josh na kasama si Zairus. Binuhat pa niya 'to. Siguro inaanak niya ang batang 'yon kasi hindi naman pwedeng pamangkin niya dahil wala naman siyang kapatid na mayroong pamilya. -- "Honey..." "Yes, bee?" Kasalukuyan na kaming nasa kwarto ko ngayon. Matapos naming kumain kanina ay nakaramdam na ng antok si Jairus. Wala na kaming choice kundi ang umuwi na lang kasi mukhang napagod na rin si Jairus. Nasa kwarto siya ngayon ni Gennica na hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi. Nakailang tawag na rin ako sa kanya pero hindi niya talaga sinasagot. Mukhang busy ang babaeng 'yon o 'di kaya ay hindi niya lang talaga sinasagot ang tawag ko? Humanda talaga siya sa 'kin mamaya! Gusto ko sanang makatabi matulog si Jairus pero hindi naman pumayag ang isang 'to. Baka lang daw maistorbo namin 'to sa pagtulog. Kahit ang totoo ay ayaw niya na maistorbo kaming dalawa. Alam ko na ang galawan ng mahalay na 'to. "I'm scared of losing you..." Humigpit ang yakap niya sa 'kin. Nakaunan naman ang ulo ko sa braso niya habang panay ang singhot ko sa kanyang damit na sobrang bango. "Bakit naman?" "Kailangan pa bang sagutin 'yan? Syempre mahal kita." Marahan niyang hinaplos ang buhok ko na ikinangiti ko. "Anong gagawin mo kapag nawala ako sa buhay mo?" "Hahanapin kita saan mang sulok ng mundo, hihiwain ko ang karagatan, aakyat ako sa kabundukan, liliparin ko ang kalangitan para lang mahanap ka." Napaatas naman ang kilay ko sa sinabi niya. "Napaka-imposible naman 'yang sinasabi mo, ano ka immortal na lalaki ka, ha?!" He chuckled. "Walang imposible sa taong nagmamahal, at mas lalong hindi imposible na mabuntis kita agad..." Kinurot ko ang tagiliran niya na ikinangiwi niya. "Kahit kailan talaga sobrang landi mo!" Nag-angat na ako ng tingin upang nagtama ang tingin naming dalawa. "Well, honey, that's my own kind of lambing." "Ang landiin ako, ganoon ba?" Pinaningkitan ko siya ng tingin pero tumawa lang ang loko. "Parang ganun na nga pero syempre with love..." He kissed my forehead. Napangiti naman ako sa ginawa niya. "Back to topic, bakit mo pa ako hahanapin kung pwede ka namang magmahal pa nang iba?" "Paano pa ako magmamahal nang iba kung nasa 'yo na ang puso ko?" Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Kumulo rin ang dugo ko. "Aba't may balak ka nga na magmahal pa nang iba, kingina----" "Just kidding honey, pero hindi nga. Hahanapin talaga kita saan mang sulok ng mundo." "Bakit naman?" "Ikaw na ang mundo ko kaya hindi ko kakayanin na mawala ka sa tabi ko, hindi ako kumpleto kapag wala ka, kapag wala ang honey ko. Ikaw ang babaeng nakikita ko sa sarili ko na makakasama ko sa future, ang magiging ina ng mga anak ako. Kaya please, huwag mo akong iwan. Hindi ko kayakanin..." Hinaplos niya ang pisngi ko habang magkapako lang ang tingin naming dalawa. "Hindi ako magsasawang sabihin sa 'yo na huwag mo akong iwanan kahit na ano pa ang mangyari kasi hindi ko talaga kakayanin.." Hinaplos ko rin ang pisngi niya. "Ako rin, bee.. I can't imagine my life without you, without your kisses, your hug, your laugh. Everything bee.. Hindi ko kakayanin na mawala.." Hindi ko talaga kakayanin! "Plants can't live without sunlight and water... while Marcus Caden Samaniego's can't live without his honey..." Dinala ko ang palad ko sa ibabaw ng kanyang dibdib. Sumunod naman ay inilapit ko ang mukha ko roon. "Tomorrow is our 1st anniversary," I whispered. Humigpit ang yakap niya sa 'kin. "Yes, honey, 1 year of love..." Pumikit ako habang mayroong ngiti sa mga labi ko. Naramdaman ko ang muli niyang paghalik sa noo ko. "I love you, honey..." Hindi ko siya nasagot pa kasi dinalaw na ako ng antok. Pagka-gising ko'y wala na siya sa tabi ko. May iniwan naman siyang notes at sinabi kung saan siya pupunta. Tinawagan siya ng kanyang Dad, hindi na siya nakapagpaalam pa kasi ang himbing daw nang tulog ko. "My ghad, Marcus Caden Samaniego!" Nakita kong mapula ang leeg ko kasi sinalakay na naman niya ako habang ang himbing nang tulog ko. Binalot ko na lang 'yon ng scarf kahit na nasa bahay naman ako. "Bye, Ate!" Hinalikan ako sa pisngi ni Jairus bago siya sumakay sa loob ng kotse. Pinasundo na siya ni Papa kaya naiwan na akong mag-isa. Napangiti na lang ako nang makatanggap ako ng message mula sa boyfriend ko. Simpleng I love you lang 'yon pero kakaibang boltaheng kilig na ang nararamdaman ko. Balak ko na sanang manood ng k-drama nang mapansin na tumatawag si Stella. "Hello, gurl!" Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang kanyang paghikbi. "Anong meron, gurl? Please sabihin mo naman kung anong prob--" "C-Can we meet?" Mas lalong lumakas ang hikbi niya kaya nakaramdam na ako ng kaba. Alam kong mabigat ang pinagdaraanan niya kahit na hindi niya sinasabi sa 'kin. "Nasaan ka? Pupuntahan kita." "I'll send you the location..." Pinatay na niya ang tawag. Inayos ko naman ang sarili ko kasi pupuntahan ko siya. Mukhang kailangan niya talaga ng kaibigan na makakaramay niya sa lahat ng problema. Pumunta ako sa cafe shop na sinabi niya. Natanaw ko siyang nakaupo habang nakatulalang nakatingin sa labas. "Gurl!" Lumapit ako sa kanya at sinalubong ng yakap. Matapos nun ay umupo na ako sa kanyang harapan. Namumugto ang kanyang mga mata na sa tingin ko ay kanina pa siya umiiyak. Nasasaktan akong nakikita siyang nagkakaganito. "Anong problema? Please sabihin mo naman sa 'kin. Akala ko ba ang magkaibigan ay nagsasabihan ng problema? Bakit pakiramdam ko ang layo pa rin ng lo--" "I'm sorry, Gianna.. I am really sorry...." Hinawakan niya ang dalawang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng mesa at marahan na pinisil. "B-Bakit ka nagso-sorry? Dahil ba hindi mo kinukwento ang lahat ng problema mo? Naiintindihan ko naman pero sana naman pagka---" "S-Sana mapatawad mo 'ko kung ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin 'to sa 'yo. Hindi ko na kaya pang itago... hindi ko na talaga kaya pa..." Tumitig siya sa mga mata ko habang panay pa rin sa pagbuhos ang kanyang mga luha. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. "A-Anong ibig mong sabihin?" Ramdam ko ang pangangatal niya habang hawak ang mga kamay ko. Maging ako ay nanginginig na rin sa hindi maipaliwanag na dahilan. "M-Marcus Caden Samaniego..." Natigilan ako nang sabihin niya 'yon. "P-Posible ba na...." Unti-unti siyang tumango na ikinaawang ng bibig ko. Hindi ako makapaniwala. Bakit hindi ko napansin? Bakit hindi ako nakahalata? Na ang babaeng minahal ni Mask ay nasa tabi ko lang pala.. Ang kaibigan ko. "H-He was my first love..." Humigpit ang hawak niya sa 'kin habang hindi pa rin ako makagalaw mula sa aking kinauupuan. Para akong napako sa nalaman ko. "Y-Yes... I was the girl he used to love.." Unti-unti nang namumuo ang luha ko habang nakatingin sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Ang babaeng sobrang minahal ng lalaking mahal ko. Ang babaeng mas matimbang sa puso niya... "B-Bakit, Stella? Bakit hindi mo sinabi sa 'kin nung una pa lang? Bakit nilihim mo sa 'kin ang bagay na 'yon? Bakit?! " Humigpit ang hawak niya sa 'kin. Parehas nang may tumutulong luha sa aming mga mata. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na nila kami. "I still love him.. Hindi pa rin talaga nagbabago ang nararamdaman ko sa kanya.. Hindi nawala kahit na matagal na ang panahon ang lumipas simula nung umalis ako sa buhay niya.." Pinilit niyang tumawa habang patuloy pa rin sa pagbuhos ang kanyang mga luha. Nangangatal na ang aking mga labi. Gusto kong umimik pero hindi ko magawa. Hindi ko akalain na ako ang dahilan kung bakit nasasaktan siya ngayon. Hindi ko man tanungin, alam kong sinakripisyo niya ang pagmamahal niya para kay Marcus. Para sa 'kin... "G-Gianna..." Tumitig na siya ngayon sa mga mata ko. Kinagat niya ang kanyang pag-ibabang labi at naramdaman ko pa lalo ang higpit ng hawak niya sa aking kamay. Mas lalong ikinaguho ng mundo ko ang sunod niyang sinabi. "...We have a child..." Chapter 50 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 50 Nagising ako na pugto ang aking mga mata. Napalingon ako sa kapatid ko na ngayon ay ang higpit ng hawak sa kamay ko. Kasalukuyan siyang nasa kwarto ko ngayon. Pinunasan ko ang luhang pumatak sa kanyang mga mata. Nang maramdaman niya na gumalaw ako, bigla niya na lang akong niyakap. "Don't leave me..." Hinaplos ko ang buhok niya. Nanatili pa rin na nakapikit ang kanyang mga mata. "Nandito lang ako, hindi ka magagawang iwanan ni, Ate.." I whispered to her ear. Napaisip ako. Bakit? Bakit kailangang mangyari sa 'kin 'to? Bakit kailangan kong maramdaman ang bagay na 'to. It hurts. So damn hurts. Unti-unting winawasak ang puso ko maging ang buong pagkatao ko. Panaginip. Sana isang panaginip na lang ang nalaman ko. Ngunit hindi... kasi paulit-ulit na pumapasok sa utak ko ang nangyari kanina na kahit kailanman ay hindi ko malilimutan. Nang malaman ko ang isang bagay na nakapagpadurog ng puso at mundo ko. "...We have a child..." Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Mas lalo pang nadurog ang puso ko nang sabihin niya ang katagang 'yon. "W-What?" Mas lalo pang bumuhos ang mga luha ko. Iniisip na sana nagbibiro lang siya pero hindi, e, hindi niya nagawang bawiin ang salitang binitiwan niya. "I am really sorry, Gianna. Yes, I lied. Hindi totoong naaksidente ako at na-coma." She took a deep breath. "Because the truth, I got pregnant when I was only 15..." Gusto kong umimik pero hindi ko magawa. Ang sakit, sobrang sakit na malaman na 'yong lalaking pinapangarap ko na makakasama ko habambuhay. Ang pangarap ko na magiging ama ng mga anak ko. Imposibleng mangyari na... "I was too young when I got pregnant. Takot na takot ako nang malaman ko na mayroon nang nabubuhay sa sinapupunan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko ng araw na 'yon. Hindi ko magawang masabi sa ama ng anak ko kasi natatakot ako. For Pete's sake, he was just only 12. Masyado pa kaming bata para harapin ang responsibilidad namin bilang magulang." Mas lalo pang bumuhos ang kanyang mga luha. Samantalang nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Lumuluha habang durog na durog na ang puso ko. "I met him because of Josh. Yes, magkaibigan na kami ni Josh noon pa man. Nagkakilala kami dahil magkaibigan ang Dad naming dalawa. Hanggang sa ipakilala na niya sa 'kin si Marcus." Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi niya sa tingin ko ay inaalala niya ang nakaraan. Ang nakaraan kung saan masaya pa silang dalawa kasama ang lalaking mahal ko. "We met when I was 13 years old while he was just only 10. We became friends, kaming tatlo. Palagi kaming magkakasama. Kung minsan ay magkakatabi pa kaming matulog.." She chuckled. Alam ko na magkaibigan na sila ni Josh noon pa man. Pero ang hindi ko lang inaasahan.. matagal na pala silang magkakilala ng lalaking mahal ko. Na siya pala ang unang babaeng nilaanan ng pagmamahal nito. "Palagi kong binibiro si Marcus na tawagin niya akong Ate kasi mas matanda ako sa kanila ng tatlong taon pero hindi niya magawa. Hindi niya ako magawang tawagin na Ate.." Because he likes you, no. He loves you... And it hurts. Kahit matagal na ang nakaraan. Bakit masakit pa rin tanggapin ang katotohanan na mas may naunang minahal ang lalaking mahal ko? Bakit hindi magawang matanggap ng puso ko? "Until one day, ang pagkakaibigan namin ay mas lumalim pa na dumating sa punto na minahal na namin ang isa't isa. I know, masyado pa kaming bata, lalo na siya para maramdaman ang bagay na 'yon... pero anong magagawa namin? Hindi namin kayang labanan ang puso naming dalawa... " Mariin niyang kinagat ang kanyang pang-ibabang labi. "Hanggang sa niligawan niya ako. Sinagot ko siya kasi mahal ko siya. I gave everything to him, wala akong tinira para sa 'kin. Kahit ang sarili ko..." Nakita ko na may nilabas siyang kwintas. Pinagmasdan niya 'yon habang mapait ang ngiti sa mga labi niya. "He gave me this...." She sighed. "Ang kwintas na sa 'kin pa, pero ang taong nagbigay ay nasa piling na nang iba..." Kung nasasaktan ako, mas nasasaktan siya. Pero hindi ko magawang damayan siya kasi gusto ko rin ng karamay. Gusto ko rin ng taong masasabihan ko na ang sakit sakit na. Putangina ang sakit sakit na! "W-Why? Why did you leave him?" my voice broke. Tumitig na siya sa 'kin ngayon. Namumula na ang mga mata niya sa sobrang pag-iyak. "I left him even it hurts, even it will break my heart... kahit na ikawawasak ng mundo ko. Iniwan ko siya kahit na kailangang-kailangan ko siya kasi 'yon ang pinakamagandang paraan na naisip ko...." Her voice broke. "My Dad hates him. Ang pamilyang Samaniego.. Palagi silang magkakumpitensya sa business. Hindi na natapos ang away nila kasi pati kami ay nadadamay na sa kanilang dalawa.. na dumating sa punto na patago na lang kaming nagkikita kasi pinapabantayan ako ni Dad sa mga bodyguard para lang hindi ako makalapit kay Marcus... " Hindi ako makapaniwala na ganito ang pinagdaanan nilang dalawa. Stella loves him so much! Kung tutuusin.. siya ang dapat na kapiling ng lalaking mahal ko. Hindi dapat ako... Hindi ako... "Until one day, nararamdaman ko na mayroon nang kakaiba sa 'kin. Palagi na lang akong nagsusuka at nahihilo. Kumakain ng mga pagkain na hindi ko naman gusto.. At ang hindi ko inaasahan ay mayroon na pa lang batang nabubuhay mula sa sinapupunan ko... Ang bunga ng pagmamahalan naming dalawa..." Napahawak na lang ako sa bestidang suot ko at halos magusot na 'yon dahil sa higpit ng hawak ko. Ang sakit, tangina! Sobrang sakit na ang lalaking mahal ko... mayroon na pa lang naghihintay na pamilya sa kanya. "Hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol sa bagay na 'yon. Lalo na kay Dad kasi alam kong hindi siya magdadalawang isip na saktan si Marcus. Tanging ako at si Nanay Eva lang ang nakakaalam sa sitwasyon ko.." Halos hindi na siya makahinga sa sobrang paghikbi. Maging ako rin, parang naputulan na ako nang hininga sa nalalaman ko. "Kaya napagdesisyunan ko na iwanan siya, iwanan siya kung kailan mas kailangan niya ako kasi pumanaw ang Mom niya. Kung kailan kailangan niya ng karamay at masasabihan niya ng kanyang problema... Ayoko nang dagdagan pa ang problema niya sa oras na malaman niya na magkaka anak na kaming dalawa. Alam kong mali na iniwan ko siya... Iwanan nang hindi niya nalalaman ang sitwasyon ko. " Her voice broke. Napahigpit ang hawak niya sa kwintas. Maging ako ay nasasaktan na rin sa pinagdaanan niya pero wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon. "I live in States with Nanay Eva. Siya ang karamay ko habang nagbubuntis ako. Sobrang hirap nang pinagdaanan ko kasi 'yung taong pinaglilinhan... iniwan ko sa Pilipinas. Tanging sa litrato niya na lang ako nakatanaw para naman maging masaya ang bata sa sinapupunan ko. Walang araw na hindi ako umiiyak at iniisip na sana nasa tabi ko siya.. na sana nasasaksihan niya ang paglaki ng tiyan ko pero kailangan kong panindigan ang desisyon ko..." She took a deep breath. "Walang ideya si Dad na buntis ako nung umalis ako ng Pilipinas. Why? Kasi wala siyang pakialam sa 'kin. Sa isang buwan, isang beses lang siyang mangamusta. Ni hindi man lang niya ako binisita kasi ako pa rin ang sinisisi niya sa pagkawala ni Mom.." Pinilit niyang ngumiti kahit ang totoo ay sobrang nasasaktan siya. "Hanggang sa isilang ko na ang anghel namin ni Marcus. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko nang mabuhat ko na ang anak namin. Nakakalungkot nga lang kasi wala sa tabi namin ang kanyang ama. Ang sakit kasi hindi man lang nasilayan ni Marcus ang anak niya dahil sa pagiging makasarili ko." "Lumaki ang anak ko nang walang kinikilalang ama. Masakit para sa 'kin lalo na sa tuwing nagtatanong siya kung nasaan ang Daddy niya, kung mahal ba niya kami kasi wala 'to sa tabi namin. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya naisipan ko nang bumalik ng Pilipinas para sabihin kay Marcus ang katotohanan. " Mapait siyang ngumiti. "Hindi pa rin alam ni Dad na mayroon na siyang apo kasi wala akong balak sabihin dahil natatakot pa rin ako sa kanya. Kaya kahit mahirap, kahit hindi ko kaya. Tiniis kong mapahiwalay sa anak ko. Ipinaalagan ko muna siya kay Nanay Eva.. Masakit para sa 'kin na malayo sa kanya..." Ibig sabihin ang dahilan nang palagi niyang pag-alis ay tungkol sa anak nila? Hindi tungkol sa kanyang Dad? "Nasa States pa lang ako, alam na ni Josh ang sitwasyon ko. Pagkauwi pa lang namin ng Pilipinas, siya na ang sumalubong sa 'min ng anak ko. Siya na ang tumayong ama ng anak ko. Napakabuting tao ni Josh kaya nagpapasalamat ako kasi naging kaibigan ko siya.. " 'Yon ba ang ibig sabihin ni Josh na hindi kami pwedeng dalawa kasi mayroon nang naghihintay na pamilya na kay Mask? Kaya rin ba binalaan niya ako na huwag kong mamahalin ang kaibigan niya kasi masasaktan lang ako sa oras na malaman ko ang bagay na 'to? Bakit tinago sa 'kin ni Josh ang bagay na 'yon? Edi sana napigilan ko ang sarili ko na mas lalo pang mapamahal kay Mask. Hindi ko na kaya pang umahon sa pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko kaya! "A-Alam niya ba ang tungkol sa anak niyo?" Sumeryoso na ang mukha niya habang may luha pa rin na tumutulo sa kanyang mga mata. "No...wala siyang ideya na may anak na kaming dalawa. Why? He hates me so much. He didn't give me a chance to explain the reasons why I left him. Sarado siya sa paliwanag ko. Ilang beses ko siyang kinulit na pakinggan ang paliwanag ko pero malamig na trato ang ibinibigay niya sa 'kin. Naging playboy siya nang dahil sa 'kin kasi sobrang nasaktan ko siya nung umalis ako sa buhay niya. Tiniis ko ang sakit sa tuwing nakikita ko siyang mayroong kasamang mga babae. Alam kong ginagantihan niya lang ako. " She bit her lower lip. "Hanggang sa nalaman ko kay Josh na mayroong nang natitipuhan 'tong ibang babae. Masakit para sa 'kin na malaman 'yon pero umaasa pa rin ako na sana bumalik kami sa rati. Hanggang sa tumuntong ka na sa Cross Sign.." She looked straight into my eyes. "Wala akong ideya na ikaw ang babaeng 'yon. Pero habang pinagmamasdan ko kayong dalawa. Napansin ko ang paraan ng pagtitig niya sa 'yo. Alam ko gusto ka niya kasi ganung titig din ang pinapakita niya sa 'kin noon. Nakumpirma ko kay Josh na ikaw nga ang babaeng natitipuhan niya.. " Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Ibig sabihin, matagal na rin akong kilala ni Josh? "Kaya ganun na lang kalayo ang loob ko sa 'yo, sa tuwing niyayaya mo akong kumain, tumatanggi ako kasi nagseselos ako sa 'yo. Sa lahat ng babaeng kinulit ni Marcus, ikaw ang pinaka espesyal sa buhay niya. Tiniis ko ang sakit kapag nakikita ko kayong dalawa na magkasama. Sobrang swerte mo kasi kinukulit ka niya samantalang ako.... hindi niya magawang bigyan ng oras para makapagpaliwanag. Dumating din sa punto na pinaghintay niya ako ng limang oras sa cafe shop. Akala ko talaga makakausap ko na siya ng araw na 'yon pero hindi niya ako sinipot. Sobrang nasasaktan na ako at tanging si Josh lang ang karamay ko. Kailangan kong maging malakas para sa anak ko." Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawang makaalis mula sa kinauupun ko. Kahit ang mga labi ko ay namamanhid na rin kasi hindi ko magawang umimik. "Hindi ko akalain na mapapalapit ako sa 'yo. Ikaw lang ang babaeng naging malapit sa 'kin kaya napamahal na ako sa 'yo. Tinurin na kitang kaibigan at kahit papaano.. pinilit kong tanggapin sa sarili ko na wala na talagang pag-asa pa sa 'ming dalawa kasi mahal na mahal ka niya talaga. Napagdesisyon ko na rin na huwag nang sabihin ang katotohanan na mayroon na kaming anak na dalawa. Masakit man pero wala na akong magagawa. Deserve kong masaktan kasi iniwan ko siya. Deserve ko ang lahat nang 'to..." Hinampas niya ang kanyang dibdib." Stel---" she cut me off. "Hindi mo ba napapansin na kahit kailan ay hindi kami nag-usap na dalawa? Na kahit pagtingin sa 'kin ay hindi niya magawa. Alam kong napilitan lang siyang sumama sa 'yo nung araw ng birthday ko. Kahit na labag sa loob niya, sobrang saya ko pa rin kasi nakita ko siya sa pinakamasayang araw sa buhay ko. " Natigilan ako sa sinabi niya. Bakit hindi ko napansin ang bagay na 'yon? Bakit hindi ko napansin na hindi nga sila nagpapansinan na dalawa? At nung araw ng birthday niya. Ibig sabihin nagdadahilan lang si Mask na pagod siya para lang huwag kaming matuloy ng Batangas? Pero dahil mapilit ako ay wala na siyang nagawa pa kundi ang samahan ako. Kaya rin ba mas ginusto na lang niyang magkulong sa room kaysa ang makihalubilo sa iba? Kasi may tao siyang iniiwasan? Nung araw ng graduation, bakit hindi ako nakahalata sa sinabi ni Stella na huwag kong papakawalan si Mask kasi pagsisihan ko. Pati na rin ang paghaplos niya sa singsing ko. "H-How about you and Josh?" She chuckled. "We're just friends. Hindi totoong nililigawan niya ako. Walang namamagitan sa 'ming dalawa. It was all just an act. Gusto ko lang malaman kung maapektuhan pa ba sa 'min si Marcus kasi noon ay pinagselosan niya si Josh pero umasa lang ako sa wala kasi nasa 'yo na ang buong atensyon niya." She sighed. "Huwag mo sanang sisihin si Josh kung bakit hindi niya sinabi ang tungkol sa 'min ni Marcus kasi wala siyang kasalanan. Humingi ako sa kanya ng pabor na huwag sabihin sa 'yo ang katotohanan. Aaminin kong nagugustuhan ko na si Josh pero wala pa rin mas titimbang sa pagmamahal ko sa ama ng anak ko." Tama! Ang ama ng anak niyo na mahal ko. Ang lalaking mahal ko na mukhang hindi talaga para sa 'kin. "N-Nung araw ng graduation? Ano talagang nangyari?" Napansin kong natigilan siya sa sinabi ko. Kumuyom ang mga palad niya at mariin niyang kinagat ang kanyang pang-ibabang labi. "A-Akala ko ay magiging masaya na ako nung araw ng graduation natin pero hindi pala. Tumawag si Nanay Eva at ibinalita na nalaman na ni Dad ang tungkol sa anak ko. Sobrang nagalit 'to sa kanyang nalaman. Inatake siya ng asthma kaya dinala siya sa ospital." Muli na naman bumuhos ang kanyang mga luha. "Pagmulat pa lang ng kanyang mga mata, mag-asawang sampal agad ang natanggap ko mula sa kanya. Wala akong ginawa kundi ang umiyak nung araw na 'yon... Hindi ako iniwan ni Josh, siya ang naging karamay ko.." Habang kami ni Mask, masaya nung araw na 'yon samantalang siya ay nagdurusa. Bakit pakiramdam ko ay ako ang hadlang sa kanilang dalawa? Mali... mali na nakilala ako ni Mask. Hindi dapat ako ang babaeng nasa tabi niya ngayon. Kundi si Stella na ina ng anak niya. "Hindi niya tinanong kung sino ang ama ng anak ko kasi mukhang mayroon na siyang ideya kung sino... na si Marcus. Galit na galit si Dad at gusto niya na..." Uminom siya ng tubig at pinunasan ang kanyang mga luha. "...pakasalan ako ni Marcus..." Natigilan ako sa sinabi niya at napahawak sa promise ring na nasa daliri ko. Ang promise ring na nangangako na ihaharap niya ako sa harapan ng altar. Kaya ko ba? Kaya ko bang hiwalayan ang lalaking naging mundo ko na? Hindi ko kaya! Tangina, hindi ko talaga kakayanin! "My Dad is a monster, sa oras na hindi ako pakasalan nito. Gagamitin niya ang kapangyarihan niya sa politika para lang ipakulong si Marcus. Ayaw kong mangyari 'yon, ayaw kong magkalayo kayo nang dahil lang sa 'kin. Yes, tanggap ko na wala na talagang pag-asa pa sa 'min kaya ginawa ko ang lahat ng makakaya ko. Sinabi ko kay Dad na hindi si Marcus ang ama ng anak ko. Kahit si Josh, sinabi niya kay Dad na siya ang ama ng anak ko pero hindi talaga naniwala si Dad. Handa si Josh na panagutan ang anak namin ni Marcus kasi sobrang napamahal na siya sa bata." Ayokong makulong si Mask! Ayoko! Hindi ako papayag na makulong siya. Kung ang paraan ay ang palayain siya, gagawin ko kahit na masakit... kahit na ikamamatay ko. "Hinihintay na ni Dad na makaharap niya si Marcus, at kung matagalan pa na magkaharap silang dalawa. Ipapadampot na nito ang ama ng ako." She cried out loud. Maging ako ay napatakip na rin sa bibig dahil sa pag-iyak. Bakit nangyayari ang bagay na 'to sa 'kin? Anong naging kasalanan ko? Mali ba na nagmahal ako? Kasi tangina ang sakit! Ang sakit na ang lalaking hindi ko kayang mawala sa buhay ko.... magagawa kong ipagtulakan kasi 'yon ang tama. Ang pangakong hindi ko siya iiwanan kahit na anong mangyari... hanggang salita ko na lang pala. "G-Gagawin ko kung ano ang tama..." Natigilan siya sa sinabi ko. "N-No, Gianna, no! Please don't leave him. Ako na ang bahala kay Dad, gagawin ko ang lahat para hindi mait----" "H-Hindi... Hindi ako ang babaeng nararapat sa kanya. Kundi ikaw.. I'm sorry, sorry kung dumating ako sa buhay niya. Ayokong mas lumaki pa ang anak niyo nang walang kinikilalang ama kasi naranasan ko na ang pakiramdam na 'yon. Sobrang sakit na walang ama na nasa sa tabi ko.. Ayokong maramdaman pa 'yon ng anak niyo..." Pinunasan ko ang mga luha ko at pinilit na ngumiti kahit na sobrang nasasaktan na ako. "Ikaw ang babaeng nararapat na iharap niya sa altar. Hindi ako... Stella. Hindi ako..." I bit my lower lip. "Please tak--" "Mommy!" Natigilan ako nang makita ang isang batang lalaki na tumakbo papalapit sa kanya at sinalubong siya ng yakap. Napalingon ako sa kasama nito. "J-Josh..." Nagulat ako nang bigla na lang 'tong lumuhod sa gilid ko. "I'm sorry, Gianna. I am reall----" "It is okay.." Napansin kong nagulat siya sa sinabi ko. Wala siyang kasalanan kaya dapat lang na hindi ko siya sisihin. "G-Gia---" "P-Please, Josh. Napatawad na kita kaya please... Huwag ka nang makulit pa..." Iniwas ko na ang tingin sa kanya. Nakikita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya. Bumaling ang tingin ko sa batang lalaki na ngayon ay hinahaplos ang mukha ni Stella. Ang anak ng lalaking mahal ko ay nasa harapan ko ngayon. "Please stop crying na, Mommy, it is breaking my heart..." Hindi ko na napigilan na mas bumuhos pa ang mga luha ko. Naramdaman ko ang paghawak ni Josh sa balikat ko at marahan na pinisil. Inabutan niya rin ako ng panyo na hindi ko naman tinanggap. Anak nga siya ni Mask. Anak ng lalaking mahal ko. Nilingon ako nito at napaawang ang kanyang bibig. "T-They already met..." halos pabulong kong saad. "Mom, her boyfriend gave this to me..." Pinakita niya ang hawak niyang laruan na robot. Natigilan naman si Stella at nilingon ako na halata sa mukha ang pagtataka. Zairus... "W-What does he mean?" tanong ni Stella. "H-His father gave that to him..." my voice broke. Naguguluhan na tumingin ang bata sa kanyang ina. Samantalang hindi pa rin makapaniwala si Stella sa nalaman niya. "H-Hi Zairus, can you give me a hug?" He smiled. "Yes po." Lumapit siya sa 'kin at niyakap ako. Patuloy lang sa pagbuhos ang mga luha ko habang nasa bisig ko siya. Nararamdaman ko ang presensya ni Mask sa kanya. Yakap ko ang anak ng lalaking mahal ko. "Please stop crying na rin po like mommy, it is breaking my heart..." Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. Ngayon ko lang napansin na magmukha silang dalawa. Mula sa singkit nilang mga mata at manipis na mga labi. Ang maliit na version ng lalaking mahal ko. "D-Do you want to meet your father?" Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Nilingon niya si Stella na panay pa rin ang buhos ng luha. "You know my father?" I nodded. "Kilalang-kilala ko..." kasi siya ang lalaking mahal na mahal ko. Nilingon ko si Stella at tipid na ngumiti. "Please, give me a time.. pangako... Mabubuo ang pamilya niyo." Pinunasan ko ang mga luha ko kahit na patuloy pa rin sa pagpatak ang mga likido na nagmumula sa aking mga mata. Pagkalabas ko ng cafe shop, hindi ko na napigilan pa na mapaluhod sa semento habang hinahampas ang aking dibdib. Naramdaman ko na may yumakap sa 'kin at kinulong ako sa bisig niya. "A-Ang sakit, Josh.. Ang sakit sakit... Mahal na mahal ko siya, sobra sobra. Pero malaking pagkakamali ang pagmamahalan naming dalawa... kasi mayroong pamilya na naghihintay sa kanya. Sa lalaking mahal ko." Sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. "S-Sana nung una pa lang ay nakinig na ako sa 'yo, nilayo ko na sana ang sarili ko sa kanya para hindi ako nasasaktan nang ganito. Para akong pinapatay sa sakit, Josh.. Durog na durog ako..." Hinaplos niya ang buhok ko. "Hush! Wala kang kasalanan, huwag mong sisihin ang sarili mo kasi nagmahal ka lang. Kung pwede lang na kuhanin ko ang sakit na nararamdaman mo ay gagawin ko... Kasalanan ko 'to, kung sana sina--" "W-Wala kang kasalanan kaya huwag mong sisihin ang sarili mo..." Pinilit kong tumayo kahit na nanghihina na ang mga tuhod ko. Nagpahatid na ako sa kanya sa bahay kasi hindi ko na kaya pang maglakad. "J-Josh, please.. Kailangan ka nil---" "Mas kailangan mo 'ko!" Umiling ako. "G-Gusto kong mapag-isa kaya sana maintindihan mo 'ko." Wala na siyang nagawa kundi ang umalis kasi gusto ko talagang mapag-isa ngayon. Wala akong ginawa kundi ang umiyak sa kwarto ko. "A-Ate..." Bigla niya na lang ako sinalubong ng yakap. Maging siya ay umiiyak na rin. "A-Anong nangyari? Bakit ka umiiyak, ha? Sinaktan ka ba ng gag---" "A-Ate.. si Mom..." She hug me tight. "A-Anong meron kay Mama?" Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Napansin ko ang gulat sa mukha niya nang makitang ang pula ng mga mata ko. "M-Mayroon siyang Leukemia kaya hindi siya umuuwi... Ang sakit, ate.. Ang sakit sakit.." Napaluhod na lang ako sa sahig nang malaman ang balitang 'yon. 'Yon ba ang dahilan kaya hindi pa rin siya umuuwi sa 'min? Bakit mas pinili niyang mag-isa na lumaban? Bakit si Mama pa? Bakit nangyayari sa 'kin 'to? Tanginang buhay 'to! Natigilan ako nang mapagtanto ko na mayroon na akong hawak na kutsilyo habang nakatutok sa aking dibdib. Mabilis kong binitawan 'yon. Mabilis akong napailing. Hindi ko pwedeng kitilin ang sarili ko para lang matapos ang problema ko. Una si Marcus, ang lalaking mahal ko ay mayroon na pa lang pamilya ang naghihintay sa kanya. Sunod, si Mama na mayroon pa lang malubhang sakit. Sana malampasan ko ang lahat nang 'to... Sana... kasi ang sakit sakit na! "Labas ka..." Napahigpit ang hawak ko sa phone ko nang mabasa ang message niya. Kaya ko ba siyang harapin? Kaya ko bang hindi umiyak sa oras na magkaharap kaming dalawa? Tangina! Mahal na mahal ko siya. Pero ang palayain siya ang tamang desisyon na kailangan kong gawin kahit na ikamamatay ko. "Anong ginagawa mo rito? Ang lalim na ng gabi tapo---" Bigla niya akong niyakap. Pinikit ko ang mga mata ko at dinama ang kanyang yakap. Yakap na posibleng 'to na ang huli. "I love you, honey.. I love you..." He whispered. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Pagod na akong umiyak. Pagod na pagod na sa lahat. Pero ang sakit na nararamdaman ko. Kailan mapapagod? Kailan mawawala? "Mahal din kita, bee, mahal na mahal kita..." Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. Nasa labas kami ngayon ng gate, kahit na madilim na ay alam kong pansin niya ang pugto kong mga mata. "What is wrong, honey? Fuck! Bakit pugto ang mga mata ng babaeng mahal ko?" Umiling ako. "Namiss lang kita..." Muli ko siyang niyakap. "Is there a problem?" "Wala..." I bit my lower lip to hold back my tears. Ayaw kong bumitaw sa yakap niya. Ayoko pa! Parang awa na! Hindi ko talaga kakayanin na tuluyan na siyang mawala sa 'kin! "Let's have a picnic tomorrow...." I said. Nandito na kami ngayon sa kwarto ko. Lumipat na si Gennica sa kanyang kwarto na pugto pa rin ang mga mata. Sana lang malampasan namin ang sakit na nararanasan namin ngayon "Yes, honey.. Let's have a picnic tomorrow to celebrate our 1st anniversary..." Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko kaya napahigpit ang yakap ko sa kanya. "Marcus Caden Samaniego..." Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko para hindi niya marinig ang paghikbi ko sa bisig niya. "Yes, honey?" Hinaplos niya ang buhok ko kaya mas lalo akong napaiyak. Hindi dapat ako ang babaeng nasa tabi niya ngayon. Hindi ako... "Sobrang swerte ko kasi nakilala kita..." Sobrang sakit na ng lalamunan ko para lang hindi niya marinig ang paghikbi ko. Ayokong malaman niya na umiiyak ako. Ayokong masaktan siya kasi hindi ko kakayanin. "Mas swerte ako kasi nakilala kita.." He whispered. "Na... nakilala ko ang babaeng ihaharap ko sa altar pagdating ng tamang panahon.." Hindi ako ang babaeng makakasama mo sa harapan ng altar. Hindi ako! "Be with me forever, honey. Stay with me... That is all I want. Ang manatili ka sa tabi ko hanggang sa pumuti ang buhok ko... nating dalawa. Kasama ang mga anak at apo natin. Iku-kwento natin sa kanila kung paano tayo nagkakilala. Kung paano nabuo ang pagmamahalan nating dalawa na walang katapusan. Mahal na mahal kita, honey. Sobra sobra!" Gusto kitang makasama sa lahat. Gustong-gusto ko pero mali. Hindi pwede... Wala nang pag-asa pa para mangyari ang bagay na 'yon. Hindi tayo pwedeng dalawa... Chapter 51 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 51 Pakiramdam ko ay mas lalong nadudurog ang puso ko habang pinagmamasdan ang maamo niyang mukha. Kasulukuyan siyang natutulog sa tabi ko. Hindi niya man lang nagawang kumalas sa yakap niya sa 'kin na para bang natatakot siya na mawala ako sa bisig niya. Marahan kong pinalandas ang daliri ko mula sa kanyang noo, papunta sa matangos niyang ilong hanggang sa mga labi niya. Hinding-hindi ko makakalimutan ang imaheng nasa harapan ko ngayon. "You have your own little version..." Your son.. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang luha ko. Napahawak ako sa dibdib ko na kumikirot na naman sa sakit. Ang hirap tanggapin. Ang hirap ipasok sa kukote ko na ang lalaking mahal ko... hindi talaga para sa 'kin. Hindi ko siya pwedeng angkinin kasi sa una pa lang ay mayroon nang nagmamay-ari na sa kanya. Ang kanyang pamilya. Ang pamilyang pinapangarap ko na kasama siya... imposibleng mangyari na. Ang sumpaan naming dalawa sa harapan ng Diyos... magiging isang salita na lamang. It is hard to let go... pero 'yon lang ang tanging alam kong tamang desisyon kahit na lubos kong pagdurusahan. "Good morning, honey..." Bigla niya na lang akong niyakap mula sa likuran. Nakapatong ang kanyang mukha sa balikat ko at ramdam ko ang magaan niyang paghalik sa balikat ko. Pinigilan ko naman na mapaluha habang dinarama ang init ng kanyang yakap. "Good morning, bee. How was your sleep?" Hinarap ko siya at pinalibot ko ang mga braso ko sa kanyang batok. Sumilay naman ang maganda niyang ngiti. "I am so happy..." Pinalibot niya ang mga braso niya sa bewang ko at mas lalo pa akong inilapit sa kanya. "Why are you happy?" "Kasi katabi ko ang babaeng mahal ko..." Pinaglapat niya ang noo naming dalawa. "Ang babaeng mapapangasawa ko..." Nakuyom ko ang mga palad ko para pigilan na maluha. Nawasak ang puso ko sa sinabi niya. Kasi imposible nang mangyari pa ang bagay 'yon. "I love you, hon--" Hindi ko na siya pinatapos na magsalita kasi inangkin ko na ang mga labi niya. Hinawakan niya naman ang magkabilang bewang ko para maiangat at mapaupo sa countertop ng sink. Marahan niyang pinisil ang bewang ko habang patuloy pa rin naming pinagsasawa ang mga labi namin. "Happy 1st Anniversary, honey..." Pinaglapat niya ang noo naming dalawa. Parehong habol ang hininga namin sa nangyari. "Happy 1st Anniversary, bee.." Hinaplos ko ang kanyang pisngi. "I love you.. sobra sobra.." At mamahalin pa rin kita kahit wala ka na sa piling ko... - Mariin akong pumikit habang dinarama ang sariwang hangin. Napahawak ako sa aking dibdib na unti-unti na naman kumikirot sa sakit. Pagmulat ng aking mga mata, sumalubong sa 'kin ang nakangiting mukha ni Mask habang hawak niya ang kanyang camera. "Picture, honey?" "Bakit ka pa nagpaalam? Alam kong kanina mo pa akong kinukuhan ng litrato na lalaki ka!" He chuckled. "Ang ganda ng view, honey..." Tumingin naman ako sa likuran. Matatanaw ang playground at mga malalaking puno. Wala masyadong tao rito sa park na para bang sinadya para talaga sa 'ming dalawa. "Maganda nga..." "Yes, honey.. You're beautiful with your white dress.." Napalingon na ako sa kanya na ngayon ay ang ang lapad na ng ngiting nakatingin sa 'kin. I wanted to cry. I really badly wanted to cry. Ang sakit na makitang ang ngiting nasa mga labi niya ngayon, mapapawi na lang sa isang iglap nang dahil sa gagawin kong desisyon. Desisyon na hindi ko naman gusto kasi ikawawasak ng puso ko. Ayokong gawin... hindi ko talaga kaya.. Pero paano naman sila ng pamilya niya? Ayokong ilayo siya sa dalawang taong naghihintay sa kanya... sa kalinga at pagmamahal niya. "Fuck, honey...Why the hell are you crying?" Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at iniharap ako sa kanya. "Masaya lang ako..." I tried to smile. "Sobrang saya ko kasi dumating ka sa buhay ko.." Hinaplos ko ang pisngi niya at tumitig sa kanyang mga mata na ngayon ay nag-aalalang nakatingin sa 'kin. "Is there a problem? Fuck! Sabihin mo naman kung mayroong proble--" "Nothing, bee. Let's enjoy our 1st anniversary.." Pinunasan niya ang luha ko gamit ang kanyang paghalik sa ibaba ng aking mga mata. Napapikit naman ako sa ginawa niya. "Yes, honey.. Let's enjoy our 1st anniversary and make memories..." Ang memoryang babaunin ko kasi mawawala ka na sa tabi ko. "Marcus!" Pinandilatan ko siya ng tingin kasi panay ang habol niya sa 'kin para lang kilitiin ako. Nakaapak na ako kasi nananakit na ang mga paa ko sa taas ng heels na suot ko. Mabuti na lang talaga na malinis ang damuhan kaya okay lang na mag apak ako. "Kapag nahuli kita, honey.. Hindi na kita papakawalan pa.." He smirked. Binuksan niya ang tatlong butones ng kanyang polo kaya pinandilatan ko siya ng tingin. Kahalayan alert! "Kung makakaya mo!" "Yes, honey, I can... I will catch you and hold you in my arms forever." Binilisan ko naman ang takbo ko. Halos marating ko na ang playground habang panay ang habol niya sa 'kin. Pumasok ako sa pasukan ng slide. Mabuti na lang na malawak kaya nagkasya ako. Hindi ko alam kung nakita niya ba ako na pumasok rito sa loob kasi sobrang bilis talaga ng takbo ko. "Your bee is searching for honey..." aniya. Tinakpan ko ang aking bibig para lang pigilan na lumikha ng ingay kasi alam kong malapit lang siya sa 'kin. "Gotcha!" Nanlaki ang mga mata ko sa biglaang pagsulpot niya. "Paano mo nalaman na nandito ako?" Pumasok na rin siya sa pasukan ng slide. Pinagkasya niya ang kanyang sarili kasi malaki siyang tao. Halos siksikan na niya ako. "I smell you..." Ngumisi ang loko. "Ano ka aso? Malakas ang pang-amoy sa amo!" Mas lalo pa siyang napangisi kaya umatras ako palayo sa kanya. Hanggang sa may nasandalan na ako kaya malaya na siyang nakalapit sa 'kin. Kaunting galaw ko lang ay siguradong mag-e-slide na ako pababa kasi malapit sa 'kin ang butas. "Yes, honey.. I'm your dog and I wanna lick every inch of you..." Bigla niya na lang hinawakan ang mga hita ko at hinila ako papalit sa kanya kaya tuluyan na akong napahiga. Bigla naman akong kinabahan sa ngisi niya kasi nakakaramdam ako ng kahalayan. "Marc---" Bigla niya na lang akong hinalikan. Dahil marupok ako, gumanti agad ako sa halik niya. Pinalibot ko ang mga braso ko sa kanyang batok para mas mapalapit siya sa 'kin. Naramdaman ko ang marahan niyang paghaplos sa hita ko, kung minsan ay marahan niyang pinipisil. "B-Bee, huwag di-- oh ghad!" Hindi ko napigilan ang sarili ko nang maramdaman ang kamay niya na sa kanan kong dibdib. "I love you," he said between our kisses. He is now on top of me. Wala kaming pakialam sa paligid namin kasi busy kami sa isa't isa. I am willing to give myself to him. He deserves it. Pero mukhang dito mangyayari ang bagay na 'yon. Bumaba ang halik niya sa leeg ko kaya mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko. "You're so beautiful, honey..." Pinagmamasdan na niya ako ngayon. "So damn beautiful my future wife..." Hinalikan niya ang noo ko. Pagkatapos ay sinamulan na niyang alisin ang pagkakabutones ng kanyang polo. Nakatitig lang ako sa kanya habang habol ang aking hininga. Nang tuluyan na niyang maalis ang polo niya, pinasadahan ko naman ng tingin ang kanyang katawan. Bakit kasi ang ganda ng katawan niya? Dumako ang tingin ko sa abs niya at napalunok ako. "You like the view?" he smirked. "I love you," I replied. Nang sabihin ko 'yon ay muli niyang inangkin ang mga labi ko. Ramdam ko ang init ng katawan niya na ikinapula ng mukha ko. "Fuck, honey. I won't be able to s--" "Let's do it..." Natigilan siya sa sinabi ko. "You su--" Inangkin kong muli ang kanyang mga labi para hindi na siya umimik pa. Handa na akong ibigay ang sarili ko sa kanya. Lahat ay handa kong ibigay kasi mahal ko siya. "M-Marcus..." He is now licking my neck. Dinama naman ng palad ko ang katawan niya habang mariin ang kagat ko sa aking pang-ibabang labi. Sobrang init! Walang pumapasok na hangin kaya pawisan na kaming dalawa. "Oh fuck!" Bigla siyang napamura kaya kumunot ang noo ko. Napansin ko ang pagkataranta sa kanyang mukha. "Anong meron?" "Fuck, may pusa! Tangina!" Para siyang napako sa ibabaw ko kaya mas kumunot ang noo ko. Alam kong takot siya sa pusa. "Nasaan ang pusa?" "Nasa ulo ko... Shit!" Namilog ang mga mata ko nang biglang may dumungaw na maliit na kuting sa 'kin mula sa kanyang ulunan. "Meow!" Bigla siyang dumamba sa mukha ko kaya napagalaw ako. "Oh damn!" "Oh my ghad!" Bigla kaming dumausdos pababa ng slide habang nasa nanatili pa rin siya sa ibabaw ko. Mabilis namang nasanggahan ng kamay niya ang ulo ko para hindi ako masaktan. "Damn that cat, sagabal!" Mabuti na lang ay malawak ang slide kaya nagkasya kaming dalawa. Mas nauna siyang lumabas para matulungan ako. Inayos ko naman ang sarili ko at hindi ko napigilan na matawa kasi panay ang mura ni Mask nang dahil lang sa pusa. "Look, bee..." Tinuro ko ang pusa na ngayon ay nasa bungad ng slide at nakatingin sa 'min na para bang tuwang tuwa pa na ginambala kami. "Let's go honey, baka hindi ko mapigilan na gawing siopao ang sagabal na kuting na 'yan!" Hinawakan na niya ang kamay ko habang panay pa rin ako sa pagtawa. Hindi na niya kinuha pa ang kanyang polo kasi mayroon naman siyang dalang extra na masusuot. Nakaupo na kami ngayon sa telang nilatag namin habang nakatanaw sa kalangitan. Hawak niya ang kamay ko habang nilalaro ang mga daliri ko. Nakasandal naman ang ulo ko sa kanyang balikat. "Bee..." "Yes, honey?" Hinalikan niya ang likuran ng aking palad na ikinangiti ko. Sumulyap ako sa kanya na ngayon ay nakapikit na habang dinarama ang lakas ng hangin. Dinadala ng hangin ang magulo niyang buhok. Napakagwapong nilalang ng lalaking nasa tabi ko ngayon. "Do you remember Zairus?" Napalingon siya sa 'kin nang sabihin ko 'yon. "Yes, how can I forget him? He reminds me of me when I was a kid.." Biglang sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Totoo nga ang sinasabi nila na lukso ng dugo. Wala siyang ideya na ang batang kaharap niya nung nasa mall kami ay kanya na pa lang anak. "What do you mean?" "Bata pa lang ako ganun na ako ka gwapo.." he chuckled. I rolled my eyes. Akala ko naman kung ano na ang sasabihin niya. "Ayos ka rin kau--" "A little version of me..." Iniwas ko na ang tingin sa kanya kasi hindi ko kayang harapin ang titig niya. "Siguro dahil may nabuntis na naka fling ko noon tapos ako ang pinaglinhan kasi patay na patay pa rin sa 'kin.." He chuckled. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Ewan ko sa 'yo!" Humiga ako sa tela at tumalikod sa kanya. Naramdaman ko naman ang yakap niya. Inangat niya rin ang ulo ko para maunan ko ang kanyang braso. "Honey..." "Hmm?" Pumikit na lang ako. Gusto kong umiyak, gusto kong sabihin na nasasaktan ako. Nasasaktan kasi ito na ang huli naming dalawa. Wala na talagang pag-asa pa na ipaglaban siya. Maling ipaglaban ang relasyon na sa una pa lang ay hindi naman talaga para sa 'kin. "Let's have a vacation.." Napaharap ako sa kanya nang walang sa oras. Sumalubong sa 'kin ang masaya niyang mukha. "Saan?" Hinaplos niya ang pisngi ko. Magkatagpo lang ang mga mata naming dalawa. "Italy..." My eyes widened. "Italy? Sigurado ka?" Tumango siya. "Yes honey, let's travel the world together. Tayo munang dalawa, sa sunod naman ay kasama na natin ang ating mga anak..." Namilog ang mga mata ko nang makita ang dalawang passport na hawak niya. Napayakap ako sa kanya kasi imposibleng mangyari ang vacation na gusto n'ya. Kasi anumang minuto o oras. Malaya na siya... Mabilis kong pinunasan ang luha ko na bigla na lang pumatak mula sa aking mga mata. Pinilit kong ngumiti nang makitang naglalakad na siya papalapit sa 'kin habang dala ang kanyang gitara. Nang makaupo siya sa tabi ko. Isinandal ko ang ulo ko sa kanyang balikat at pumikit. "This song is for you, honey..." Hinalikan niya muna ang noo ko bago siya nagsimulang mag-strum sa gitara. For all those times you stood by me For all the truth that you made me see For all the joy you brought to my life For all the wrong that you made right For every dream you made come true For all the love I found in you Masaya ako... Sobrang saya ko kasi dumating ka sa buhay ko. Pinaranas mo sa 'kin ang pagmamahal na hindi ko inaasahan. Ang pagmamahal na magagawa kong bitawan kasi kailangan. (Play the video ߑ) I'll be forever thankful, honey You're the one who held me up Never let me fall You're the one who saw me through through it all I'll be forever thankful, bee. Forever thankful na naranasan ko ang pagmamahal ng isang tulad mo. You were my strength when I was weak You were my voice when I couldn't speak You were my eyes when I couldn't see You saw the best there was in me Lifted me up when I couldn't reach You gave me faith 'cause you believed I love you, Marcus Caden Samiengo, my everything, my bee.. I'm everything I am Because you loved me Tinakpan ko ang aking bibig ko para lang pigilan ang malakas na hikbi. Umiiyak ako sa balikat niya habang wala siyang kaalam-alam. Wala siyang ideya na nasasaktan ako. Matapos ang kanta, sinalubong ko siya ng yakap. Kinulong niya naman agad ako sa bisig niya. "I love you, bee.. Hinding-hindi mawawala ang pagmamahal ko sa 'yo.." Nakapatong ang mukha ko sa kanyang dibdib. Hinaplos niya naman ang buhok ko. "Mas lalong hindi ka mawawala sa tabi ko kasi hindi ko hahayaan na mangyari 'yon.." Humiwalay na siya ng yakap, tumayo siya at nilahad ang kanyang palad sa harapan ko. "Maaari ko bang isayaw ang binibining iniibig ko?" Napangiti ako sa sinabi niya. Mabilis kong tinanggap ang kanyang palad. Pagkatayo ko ay mabilis niya akong hinila papalapit sa kanya. Inilagay niya ang mga palad niya sa magkabilang bewang ko habang nakapalibot naman ang mga braso ko sa batok niya. "Wala tayong tugtog..." I chuckled. "Let's listen to our heartbeats. Ang lakas ng tibok natin ang magsisilbing kanta nating dalawa..." He smiled. Nanatili akong nakatitig sa kanyang mga mata habang marahan kaming sumasayaw. Pinapakinggan ang lakas ng tibok ng puso naming dalawa. "Honey..." Nakalapat na ang mukha ko sa dibdib niya habang patuloy pa rin kami sa pagsayaw. "Hmm?" He held my chin up and looked straight into my eyes. "Our day will come, and it will be beautiful..." Hinawakan niya ang palad ko at hinalikan ang singsing na sumisimbolo na nangangako siya na papakasalan ako. Pangakong hindi ko na magagawang tuparin pa. Sana mapatawad niya ako sa gagawin ko. Sa gagawin na hindi ko naman gusto. I stepped back and looked straight into his eyes."Marcus Caden Samaniego..." Napansin kong kumunot ang noo niya habang nakatingin sa 'kin. Pinipigilan ko na mapaluha kasi ito na ang tamang oras. Ito na ang oras para putulin ang relasyong namamagitan sa aming dalawa. Ang pagmamahalan na hindi ko kayang tapusin pero kinakailangan. "Honey..." "D'yan ka lang!" Natigilan siya nang muli akong humakbang palayo sa kanya. Pinilit ko na walang emosyon ang ipakita sa kanya pero traydor ang mga luha ko. Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa aking mga mata habang nakatingin sa lalaking mahal ko. "I am breaking up with you..." Nakatitig lang ako sa kanyang mga mata na ngayon ay naguguluhan. "W-What the hell you were sa--" "Break na tayo, Marcus! Maghiwalay na tayo!" Hindi ko na napigilan pa ang luha ko na pumatak. Bigla niya na lang akong hinila papalapit sa kanya at sinalubong ng yakap. "Fuck, honey, those words... those words... I don't want to hear it.. it is brea--" "Bakit ba ang kulit mo, ha?! Ang sinabi ko'y break na tayong dalawa! Tapusin na natin ang relasyon na 'to! Ayoko na, Marcus! Ayoko n--" Bigla niya na lang inangkin ang mga labi ko kaya mabilis ko siyang itinulak na ikinagulat niya. Mas lalong ikinaguho ng mundo ko ang pagbuhos ng luha mula sa kanyang mga mata Nasasaktan ko siya... Nasasaktan ko ang lalaking mahal ko. "A-Anong ginagawa ko, honey? Anong hindi mo nagustuhan para makipaghiwalay ka nang ganito? Fuck, honey! Bakit? Do you want to eat? Then let's ea--" "A-Ayoko na, Marcus! Ayoko na sa relasyon na 'to!" Ayokong mawala ka! Ayoko! Pero putangina! Hindi pwedeng manatili ka pa sa tabi ko! Hindi na talaga tayo pwede pang dalawa! "W-What, honey? Masaya pa tayo kanina 'di ba? Fuck! Anong kasalanan ko? Kung meron man akong nagawang kasalanan, please don't leave me. Aayusin ko, huwag lang ganito. Ang sakit, honey.. Ang sakit marinig ang salitang 'yon mula sa 'yo... Nadudurog ako, honey... Durog na durog..." Hahawakan niya sana ang mukha ko pero mabilis akong umatras palayo sa kanya. Hindi na rin matigil ang pagbuhos ng mga luha ko. Pati na rin ng lalaking mahal ko. "H-Hindi tayo pwede, Marcus.. Hindi tayo pwedeng magsama pa..." My voice broke. Tinakpan ko na ang mukha ko dahil sa sobrang pag-iyak. Ang sakit, sobrang nasasaktan ako sa salitang binibitiwan ko na hindi ko naman gusto. Gusto kong bawiin ang lahat. Gusto kong sabihin na hindi ko talaga kakayanin na mawala siya. Pero hindi na pwede... "W-What? Hindi tayo pwedeng dalawa? What the hell you were saying?! Mahal na mahal kita, honey.. Mahal na mahal!" Hinawakan niya ang mukha ko para iharap sa kanya. Pupunasan niya sana ang mga luha ko pero mabilis akong umiwas sa kanya. Ayokong makita ang mukha niya na lumuluha kasi nasasaktan ako. "Y-You and Stella..." Natigilan siya sa sinabi ko. Napahigpit naman ang hawak ko sa bestida ko na sa tingin ko ay nagusot na. "S-She was your first love..." Pinilit kong titigan ang mga mata niya na ngayon ay basang-basa na rin ng luha. "N-Nang dahil ba sa kanya kaya mo gustong makipa--" "Oo! Gusto kong tapusin ang relasyon na 'to nang dahil sa ka--" "P-Pero matagal na 'yon! Tangina! Ikaw na ang laman ng puso't isipan ko. Mahal na mahal kita, honey... Kaya please huwag mo naman gawi--" "O-Oo, Marcus! Matagal na! Matagal nang mayroong naghihintay ng kalinga at pagmamahal mo!" Pinaghahampas ko ang kanyang dibdib kasi hindi ko na napigilan ang sakit na nararamdaman ko. "Putangina, Marcus! Ang sakit...ƂAng sakit sakit..." Bigla niya na lang akong niyakap habang patuloy lang sa pagbuhos ang mga luha ko. "A-Ang sakit sakit..." bulong ko. "H-Hindi ko mainti--" Tinulak ko siya palayo sa 'kin at pinilit na tumitig sa kanyang mga mata. "Y-You have a child, Marcus! Mayroon kayong anak ni Stella!" Natigilan siya sa sinabi ko habang pinipigilan ko naman na bumagsak kasi naghihina na ang mga tuhod ko sa sakit na nararamdaman ko ngayon. "W-What?" Lalapit na sana siya papalapit sa 'kin pero humakbang ako palayo sa kanya. "M-Marcus..." Napalingon siya sa babaeng tumawag sa kanya. Dumako ang tingin niya sa batang kasama nito. Hinampas ko naman ang dibdib ko sa sakit na nararamdaman. Lumapit sa kanya si Zairus habang naguguluhan pa rin ang mukha ni Marcus. "Y-You're my son?" Lumuhod si Marcus sa harapan ng bata at hinaplos ang mukha nito. Walang tigil sa pagbuhos ang mga luha ko, ganundin si Stella habang pinagmamasdan ang kanyang mag ama. Ang sakit mapagmasdan na ang pamilyang pinapangarap naming dalawa... imposible nang mangyari pa. "H-He's my Dad?" Naluluha na ang bata na nilingon si Stella. "Y-Yes, baby, he is your Dad..." Bigla na lang niyakap ni Zairus ang lalaking mahal ko. "Daddy!" Narinig ko ang lakas na pag-iyak ni Marcus habang yakap niya ang kanyang anak. "I'm sorry, son.. I am really sorry..." Hindi na kailangan pa ng DNA para lang mapatunayan niya na anak niya ang batang kayakap niya ngayon. Alam kong naramdaman niya ang lukso ng dugo nang makita niya si Zairus. Hindi ko na kaya... Hindi ko na kaya pa silang pagmasdan kaya sinimulan ko nang humakbang palayo sa kanila. Palayo sa lalaking mahal ko na kasama ang pamilya niya. Pero bago pa ako tuluyang makalayo. Naramdaman ko na lang bigla na mayroong yumakap sa 'kin mula sa likuran. Sinuksok niya ang kanyang mukha sa balikat ko kaya ramdam ko ang pagtulo ng mga luha niya. "B-Bitaw!" Pilit akong kumakawala sa yakap niya. "A-Ayoko, honey.. Ayokong bumitaw.. Ikakamatay ko kapag nawala ka sa buhay ko.. Please, don't leave me... Huwag naman gani--" "Putangina, Marcus! Bumitaw ka na! Bitawan mo na ako! Parang awa mo na!" Nang makawala ako sa bisig niya ay inis ko siyang hinarap at sinalubong siya ng malakas na sampal. "Wala na tayo, Marcus! Hanggang dito na lang tayo kasi tinatapos ko na ang relasyon na 'to!" Bigla na lang siyang lumuhod sa harapan ko at niyakap niya ang kanyang mga braso sa 'kin. Nakasubsob ang mukha niya sa tiyan ko habang nararamdaman ko pa rin ang pagtulo ng kanyang mga luha. "M-Mahal na mahal kita, honey.. Mahal na mahal... Please don't do this to me. Don't leave me all alone... Nangako ka, honey.. Nangako ka na kahit anong mangyari ay hindi mo 'ko iiwanan, na mananatili ka sa tabi ko. Huwag mong gawin sa 'kin 'to.. Hindi ko kakayanin na mawala ka sa tabi ko.. Ikaw lang ang babaeng papakasalan ko.. Ang sakit honey, fuck! Ang sakit sakit!" his voice broke. Please, Marcus, please stop making this hard for me. Baka bigla ko na lang bawiin ang mga salitang binitiwan ko. "Oo, Marcus! Nangako ako! Nangako ako sa bagay na hindi ko na magagawa pang tuparin. Pakiusap... Bitiwan mo na ako... Hayaan mo na ako.. Kasi wala nang pag-asa pa para matupad ang pangarap nating dalawa.. Alisin mo na ako sa pangarap mo. Kalimutan mo na 'ko! " Inalis ko ang kwintas at ang singsing na binigay niya sa 'kin. "H-Hindi ako ang dapat nagmamay-ari niyan... hindi ako ang babaeng dapat na pinapangakuan mo... Hindi ako ang dapat na minamahal mo... Marcus, may pamilya ka na.. Hindi tayong pwedeng dalawa..." my voice broke. Pilit ko siyang itinulak palayo sa 'kin na ngayon ay hindi makapaniwala sa sinabi ko. Nilagay ko ang dalawang bagay na 'yon sa kanyang palad. "P-Pinapalaya na kita, Marcus.. Malaya ka nang makasama ang pamilya mo.." Tinalikuran ko na siya habang panay ang paghampas ko sa dibdib. Durog na durog ang puso ko. Pagod na rin akong umiyak sa sakit na nararamdaman ko. Muli ko na naman naramdaman ang yakap niya mula sa likuran ko kaya mariin akong napapikit. "D-Don't leave me, honey... Huwag mo akong iwan... Nagmamakaawa ako.. Manatili ka sa tabi ko kasi ikaw ang kailangan ko. Ikaw ang mahal ko. Parang awa mo na... Huwag kang lumayo sa 'kin kasi hindi ko kakayanin... Hindi mo na ba ako mahal para iwanan na lang nang ganito? Na durog na durog ang puso ko. " Napatakip na lang ako sa bibig para lang pigilan ang malakas kong paghikbi. "J-Just because I let you go, doesn't mean I wanted to..." Hindi ko 'to gusto... Hindi ko gusto na iwanan siya at malayo sa 'kin. Pero paano naman ang kanyang mag-ina? Hindi ko kayang maging makasarili! Hinawakan ko ang mga palad niyang nasa tiyan ko at pilit na inalis. "H-Hindi kita gustong bitawan kasi mahal na mahal kita. Pero ito lang ang tamang paraan na alam ko, kahit na masakit... titiisin ko. Mabigyan mo lang ng buong pamilya ang an---" "P-Pero ikaw ang pamilya ko..." Humigpit ang yakap niya sa 'kin. "H-Huwag mo akong sukuan pakiusap... Parang aw--" "Putangina, Marcus! Bitawan mo na ako! Parang awa mo na! Maawa ka naman sa anak mo! Kailangan ka niy--" "Mas kailangan kita, honey... Kailangan kita sa tabi ko... Manatili ka sa 'kin, sa buhay ko. Stay with me forever, be wi--" Nag-ipon ako ng lakas para itulak siya. Akmang lalapit siya ulit sa 'kin nang bigla na lang may sumuntok sa kanya. Hindi ko napansin na nakalapit na pala sa 'min si Josh. "Tangina, tol! Tanggapin mo na ang katotohanan na hindi kayo pwedeng dalawa!" Bigla na lang akong hinila ni Josh palayo sa lugar na 'yon. Hahabulin pa sana ako ni Mask pero niyakap na siya ng anak niya na kasalukuyan nang umiiyak. Patuloy lang sa pagbuhos ang mga luha ko habang nasa loob ng sasakyan ni Josh. Hindi niya ako iniwan. Nanatili siya sa tabi ko para pagaanin ang loob ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nilibot ko ang tingin sa paligid ng kwarto ko upang hanapin si Josh. Nag-iwan siya ng notes na pupuntahan niya lang daw si Stella. Ibig sabihin ay hindi sila magkasama ni Mask? Pero bakit? Bumaba ako para uminom ng tubig. Nakatulala lang ako habang patuloy pa rin sa pagbuhos ang mga luha ko. Ang sakit bitawan ang taong gusto ko pang makasama habambuhay. "H-Honey..." Natigilan ako nang bigla na lang mayroong yumakap mula sa likuran ko. Dahil nakapatong ang mukha niya sa balikat ko, naaamoy ko ang alak mula sa kanyang hininga. "A-Anong ginagawa mo rito, ha? Hindi ba't tapos na tayo--" "Hindi ako pumapayag, honey! Hindi ako papayag na maghiwalay tayong dalawa!" Inis ko siyang hinarap at sinalubong ng isang malakas na sampal. Napansin ko ang natuyong dugo sa gilid ng kanyang mga labi nang dahil siguro sa malakas na pagsuntok sa kanya ni Josh kanina. Gusto kong saktan ang sarili ko kasi wala pa rin tigil sa pagbuhos ang mga luha ko habang nakatingin sa kanya. Maging siya ay lumuluha na rin sa harapan ko. "Umalis ka sa harapan ko! Tapos na tayong dalawa!" "P-Please don't do this to me, honey, don't leave me. Ayoko! Ayokong mawala ka!" Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa kanyang pisngi na mabilis ko naman inalis. "No, Marcus, hindi tayo pwede kasi mayroong naghihintay na sayo.... ang pamilya mo..." My voice broke. Ang sakit pa rin talagang tanggapin ang katotohanan na mayroon na siyang pamilya. "P-Papanagutan ko ang bata pero ikaw ang papakasalan ko, ikaw ang pinangakuan ko na makakasama ko sa harapan ng altar. Sa 'yo ko sasabihin ang salitang I do, hahalikan pa kita sa harapan ng Diyos. Mahal na maha--" Hindi ko na napigilan na hampasin siya kasi sobrang nasasaktan na talaga ako. "Naririnig mo ba ang sinabi mo, ha?! Bago ako, merong Stella ang naunang pumasok sa buhay mo. Bago mo 'ko pinangakuan.. siya ang una mong pinangakuan na makakasama mo sa harapan ng altar. Si Stella ang babaeng para sa 'yo... ang ina ng anak mo. Hindi ako Marcus. Hindi tayo pwedeng dalawa!" Tinakpan ko na ang mga mata ko sa sobrang pagluha. "Fuck! I don't need anyone else but you. Buo na ang pangarap ko para sa ating dalawa. Hindi ko kakayanin na mawala ka sa buhay ko. Ayoko... honey, pakiusap huwag mo akong iwanan... Ikaw ang babaeng papakasalan ko anuman ang mangyari." Napailing ako. "M-Makukulong ka, Marcus, makukulong ka sa oras na hindi mo mapanagutan si Stella." Natatakot ako na kapag ipinaglaban pa namin ang pagmamahalan naming dalawa. Baka mangyari na lang ang bagay na 'yon sa kanya. "Fuck! Mas naiinisin ko pang makulong kaysa ang mawala ka sa buhay ko. Mas gusto ko pa makulong sa selda kaysa makulong sa babaeng hindi ko naman mahal. Yes, I love my son. But fuck! Ikaw ang babaeng gusto kong makasama ko hanggang sa pagtanda kaya hindi ko magagawa ang sinasabi mo!" "M-Ma--" I was about to speak but he didn't give me a chance. Siniil niya ako ng halik na hindi ko magawang tanggihan. Hanggang sa namalayan ko na lang na buhat niya ako habang patuloy pa rin na pinagsasawa ang mga labi naming dalawa. Nalalasahan ko ang alak sa mula sa kanya. "Fuck! Why did you locked the door?" Pilit niyang binubuksan ang pintuan ko. Nakalimutan kong sira nga pala ang doorknob nun. "No choice," aniya. Binuksan niya ang kwarto ni Gennica. Wala ngayon ang babaeng 'yon dito kasi pinapunta ko muna siya kay Lolo. "M-Mali 'to, Mar--" "Handa akong maging makasalanan para lang sa 'yo. Fuck, honey! Mahal na mahal kita!" Muli niyang inangkin ang mga labi ko. Ipinalibot ko naman ang mga braso ko sa kanyang batok. Naramdaman ko ang paglalakbay ng kanyang palad sa bawat parte ng katawan ko. "M-Marcus..." Napasabunot na lang ako sa kanya nang dahil sa kanyang ginagawa. His lips is busy nibble and licking my left nipple. Habang ang kanan niyang kamay ay marahang hinahaplos ang hita ko. Nang magsawa siya roon, muli niyang inangkin ang mga labi ko. Sinimulan ko naman na alisin ang pagkakabutones ng polo niya habang busy siya sa pagsalakay sa leeg ko. Walang tutol na ibinibigay ko ang sarili ko. Sobrang mahal ko siya. Mahal na mahal at handa akong ibigay lahat sa kanya. "I love you, honey... Mahal na mahal kita..." He looked straight into my eyes before put his thing inside me. I bit my lower lip to hold back my tears. It was so painful. This is my first time. Sobrang laki! "D-Do you want me to st--" "G-Go on..." Muli niyang inangkin ang mga labi ko bago ko maramdaman ang paggalaw niya sa ibabaw ko. "Move with me, honey..." Kahit masakit, kahit mahirap. Sinubukan kong sumabay sa bilis ng kanyang bawat galaw. Hindi ko akalain na sa kwarto pa ni Gennica namin gagawin ang bagay na 'to. Masasabunutan talaga ako ng babaeng 'yon. Ibinigay ko ang sarili ko sa kanya kasi ito na ang huli. Hindi na ako magiging marupok pa sa kanya. Kailangan kong pigilan ang sarili ko para sa tama. "Mahal na mahal kita..." he whispered. Kasalukuyan na siyang nakasubsob sa balikat ko dahil sa pagod. Hindi niya pa inaalis ang bagay na 'yon sa 'kin. Ramdam ko pa rin ang pagkabuhay sa loob ko. Buti na lang kinaya ko! "Mahal din kita, Marcus, mahal na mahal..." Marahan kong hinaplos ang kanyang buhok. Isa lang inaalala ko sa oras na 'to. He didn't use protection.. He wants me to get pregnant. Para lang hindi ko siya iwanan. Chapter 52 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 52 "Okay ka lang ba, Miss?" Napalingon ako kay Manong gamit ang salamin sa unahan. Mabilis ko naman pinunasan ang mga luha ko na hindi ko namalayan na bumagsak na pala. "O-Okay lang po ako, pasensya na po.." I tried to smile. Muli siyang napatingin sa 'kin gamit ang salamin sa unahan. "Kung anuman ang pinagdaraanan mo, hija, magtiwala ka lang sa Diyos. Malalampasan mo rin ang lahat nang 'yan..." May kinuha siyang isang box ng tissue at iniabot sa 'kin. Mabilis ko naman tinanggap 'yon. "Sana nga po, Manong, maraming salamat po.." Pinunasan ko ng tissue ang luhang bumabagsak mula sa mga mata ko. Kasalukuyan akong nakasakay sa taxi ngayon. Balak kong bisitahin si Zairus. Masakit man pero hindi ko pa rin mapigilan na mag-alala sa anak ng lalaking mahal ko. Nagkaroon siya ng dengue. Halos dalawang linggo na siyang nananatili sa ospital. Dalawang linggo na rin ang nakalipas nung huling magkita kami ni Mask kasi kailangan siya ng kanyang anak. Pero hindi pa rin siya nakakalimot na i-text ako na hindi ko naman magawang replyan. Hindi ko rin magawang sagutin ang mga tawag niya. Para saan pa? Wala nang pag-asa pa para sa 'ming dalawa. Masakit... pero pilit kong tinatanggap sa sarili ko ang katotohanan. Na kailangan ko siyang bitawan para sa dalawang taong naghihintay sa pagmamahal niya. Sinabi sa 'kin ni Stella na nakaharap na raw ni Mask ang kanyang ama. Sinabi nito na pakasalan si Stella dahil sa oras na hindi... Hindi 'to magdadalawang isip na ipakulong ang lalaking mahal ko. Ayokong mangyari ang bagay na 'yon. Kaya gagawin ko ang lahat para tuluyan na siyang lumayo sa 'kin kahit na ikawawasak ng mundo ko. Muling bumalik sa alaala ko ang araw nung huli kaming nagkita. Ang araw na muli ko siya ipinagtabuyan palayo sa buhay ko... na muling ikinadurog ng puso niya. Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang marahan niyang paghaplos sa aking buhok. Pagmulat ng mga mata ko, nakangiting mukha niya agad ang sumalubong sa 'kin. Kumirot ang dibdib ko nang masilayan ang ngiting 'yon. Ang hirap niyang bitiwan. "Good morning, honey..." Akmang hahalikan niya ako pero mabilis kong iniwas ang aking mukha. Bumahid naman ang gulat sa kanya. "Bakit nandito ka pa?!" "W-What?!" Napahigpit ang hawak ko sa comforter na nagsisilbing takip ng katawan ko. Wala akong kasuotan ngayon dahil sa nangyari kagabi. We did it for how many times. Ramdam ko ang pamamanhid ng katawan ko. Pakiramdam ko ay hindi ako makakatayo dahil sa sakit ng ibabang parte ko. "Umalis ka na, Marcus, umalis ka na!" Nakita ko ang sakit sa kanyang mga mata sa sinabi ko. Pinilit ko na tumayo mula sa pagkakahiga, nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang maramdaman ko ang sakit sa parteng 'yon. Mahigpit ang hawak ko sa comforter para huwag magpatak. Napadako ang tingin ko sa kama. I saw my blood stain. "Fuck, honey.. Ipagtutulak---" "Oo, Marcus! Umalis ka na sa buhay ko! Huwag ka nang magpakita pa kasi tapos na tay---" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang bigla niya akong sinalubong ng yakap. Pinigilan ko naman na tumulo ang mga luha ko. "D-Don't do this to me, honey... Please... Nasasak--" "Nakuha mo na ang gusto mo kaya umalis ka na sa buhay ko!" Malakas ko siyang tinulak palayo sa 'kin. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Napansin ko ang pamumuo ng luha mula sa kanyang mga mata. At nasasaktan ako. "W-What? Fuck, honey! Sa tingin mo ba ang bagay na 'yon lang ang gusto ko, ha? Tangina! Isang bagay lang ang gusto ko sa 'yo.. Isang bagay lang.." His voice broke. Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang aking kamay. Pilit kong binabawi 'yon sa kanya pero nagmatigas siya. Tanging boxer lang ang suot niya. Wala siyang pang-itaas, gusto ko man na pagpantasyahan ang maganda niyang katawan. Hindi ko magawa kasi mas nananaig ang sakit sa puso ko. Ang lalaking pinagtatabuyan ko ay nakaluhod na ngayon sa harapan ko habang panay na ang buhos ng kanyang mga luha. "...ang manatili ka sa 'kin at mahalin ako. 'Yon lang ang gusto ko, 'yon lang ang hinihiling ko. Pakiusap... huwag mo naman akong ipagtabuyan palayo sa 'yo. Ang sakit, honey, ang sakit sakit na ang babaeng gusto kong makasama habambuhay... nagagawa akong ipagtulakan sa iba..." Bigla niya akong niyakap. Kasalukuyan nang nasa tiyan ko ang kanyang mukha. Makapal man ang comforter, ramdam ko pa rin ang luha na nanggagaling mula sa kanya. "H-Hindi ko 'to gusto, Marcus... Hindi ko gusto na ipagtulakan ka pero ito lang ang alam kong tama. Para sa anak mo, para kay Ste---" "Tangina! Paano naman ako, ha?! Pinanghawakan ko ang pangako mo na hindi mo ako iiwan kahit na anong mangyayari pero anong ginagawa mo ngayon... Why are you doing this to me? It is breaking my heart.. huwag mo naman akong saktan nang ganito..." His voice broke. "I-Iniwan na nga ako ng babaeng mahalaga sa buhay ko.. pati ba naman na ikaw na mahal ko? Na mundo ko... Fuck! Don't leave me all alone. Nagmamakaawa ako..." Humigpit ang yakap niya sa 'kin. Patuloy lang sa pagbuhos ang mga luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Gusto ko siyang yakapin.. Gusto kong bawiin lahat nang sinabi ko. Pero hindi na maaari pa... Para sa anak niya. 'Yon lang ang tanging nasa isip ko ngayon. "P-Parang awa mo na, Marcus! Umalis ka na sa buhay ko! Kalimutan mo na ako! Kasi kahit anong gawin mo..." I took a deep breath. "Hindi na ako babalik sa 'yo!" Malakas ko siyang tinulak palayo sa 'kin. Bumagsak siya sa sahig habang patuloy sa pagbuhos ang mga luha niya. Tinalikuran ko na siya habang mariin ang kagat ko sa pang-ibabang labi para lang mapigilan ang paghikbi. Nasasaktan ako sa salitang binibitawan ko. Pero mas doble ang sakit na nararamdaman niya dahil sa mga sinasabi ko. Salitang labag sa loob ko... para lang magawa ko kung ano ang tama. "M-Mahal na mahal kita, honey.. Mahal na mahal kita. Kahit saktan mo pa ako ng paulit-ulit, hindi pa rin ako lalayo sa 'yo.. Hindi ko magagawa ang bagay na kaya mong gawin sa 'kin.. You're part of my life, honey.. At kapag hinayaan kitang mawala sa buhay ko..." He cried out loud. "Para ko na rin pinatay ang sarili ko..." Mas lalong bumuhos ang mga luha ko sa sinabi niya. Hindi ko namalayan na nakalapit na siya sa 'kin at kinulong ako sa kanyang bisig. Nakasubsob ang mukha niya sa balikat ko. Ramdam ko ang dami ng luha na nagmumula sa kanyang mga mata. Nang matapos ang yakap. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko gamit ang paghalik sa ilalim ng aking mga mata. "P-Pakiusap umalis ka na, Marcus... umalis ka na sa buhay ko..." Pinaghahampas ko siya. Hinayaan niya lang ako na gawin 'yon. "S-Sige... saktan mo 'ko, saktan mo pa 'ko ng maraming beses... Titiisin ko, huwag ka lang mawala sa buhay ko." Patuloy lang ako sa paghampas sa kanya. At nang mapagod ako, napaupo na lang ako sa sahig habang sapo ang aking mukha. Muli niya akong dinamayan, kinulong niya ako sa bisig niya. Naramdaman ko ang marahan niyang paghalik sa ulo ko. "I love you, hone--" "Putangina, Marcus! Hindi ka ba nakakaintindi, ha?! Sinabi nang umalis ka na sa buhay ko! Hindi ko kailangan ang isang tulad mo! Tapos na tayong dalawa!" Ipinagtulukan ko siya palabas ng kwarto ni Gennica. At nang nasa labas na siya, mabilis kong sinarado ang pinto. Napasandal na lang ako sa pintuan habang panay pa rin sa pagbuhos ang mga luha ko. "M-Mahal na mahal kita, honey. Mahal na mahal..." Alam kong nakasandal siya sa labas. Naririnig ko ang lakas ng kanyang paghikbi. "H-Hon--" "Ano ba, Marcus?! Kapag hindi ka pa talaga umalis, tatawag na ako ng pulis at kakasuhan kita ng rapist!" Inis kong sinipa ang pintuan. "H-How can I leave like this? Ayokong umalis nang naka boxer lang. Ayokong magahasa, honey... Ikaw lang pwedeng umangkin sa 'kin..." Gusto ko siyang suntukin dahil sa sinabi niya. Nagda-drama na nga kami pero hindi pa rin talaga nawawala ang kahalayan niyang taglay. Mabilis kong hinanap ang polo at pantalon niya. Kahit na naluluha ako ay pinamulahan pa rin ng mukha dahil sa nangyari kagabi. "Umalis ka na!" Pagkaabot ko ng bagay na 'yon sa kanya, mabilis ko nang sinarado ang pintuan. Baka pumasok na naman siya sa loob at tuluyan na naman akong bumigay sa kanya. "Hon---" "O putangina, ano na naman ang kailangan mong lalaki ka?! " "Wala bang 8th rou---" "Kinginamo! Lumayas ka nang mahalay ka! Baka nakakalimutan mo na wala na tay--" "Fuck, honey! Hindi ako pumayag na makipaghiwalay sa 'yo. Hindi tayo nag-break, at kahit kailan ay hindi tayo magbe-break. Tangina, buntis ka sa 'kin!" Malakas kong sinipa ang pintuan habang panay ang mura ko. Paglabas ko ng kwarto ni Gennica, wala na siya. Mabilis ko naman tinanaw ang labas. Nakita ko siyang nakatanaw kaya nagtama ang tingin naming dalawa. "Gianna Kinsley Arellano!" he shouted. Nagulat ako nang ihiyaw niya ang pangalan ko. Marami tuloy ang naglingunan sa kanya. "Hoy gag--" "Ikaw ang babaeng papakasalan ko... Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko hanggang sa huling hininga ko. Tandaan mo 'yan, honey!" muli niyang hiyaw. Sinarado ko na ang bintana at napaupo na lang ako sa sahig. Hinawakan ko ang dibdib ko na kumikirot sa sakit. Sobrang sakit na hindi ako ang babaeng nararapat niyang pakasalan. Wala akong laban sa ina ng anak niya. At wala na akong balak pa na muling bumalik sa kanya.. "Nandito na po tayo..." Bumalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses ni Manong. Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng ospital kung saan naka-confine si Zairus. "Salamat po, Manong, ingat ka!" Kinawayan ko si Manong bago ko muling tinanaw ang ospital. Bitbit ko ang basket ng mga prutas para kay Zairus. Mas kailangan niyang kumain nito para lumakas na siya. Bigla akong nagdalawang isip kung tutuloy pa ba ako o hindi na lang. Alam kong magkikita kaming dalawa ni Marcus. Kaya ko ba na harapin siya? Kaya ko bang harapin ang lalaking mahal na mahal ko pero nagagawa kong ipagtabuyan sa iba? Bahala na. Sana lang, wala siya roon ngayon kasi hindi ko na alam ang gagawin ko. "How are you, Zairus?" Hinaplos ko ang kanyang buhok. Sumilay naman ang ngiti sa mga labi niya na katulad nang sa kanyang ama. "I am strong na po..." Napangiti ako sa sinabi niya. "Can you give me a hug?" I asked. He nodded. Lumapit naman ako sa kanya at sinalubong niya naman ako ng yakap. Yakap ng anak ng lalaking mahal ko. Kasalukuyan siyang nakaupo ngayon sa kama. Namumutla pa rin siya kaya kailangan niya pa talagang manatili rito. "Pagaling ka, ha? Para hindi na mag-alala si Mommy at Daddy mo..." Daddy... 'Yan ang gusto kong itawag ng magiging anak namin ng lalaking mahal ko pagdating ng tamang panahon. Pero imposible nang mangyari pa ang bagay na 'yon. Kasi may anak na siya.. sa babaeng una niyang minahal. "Yes po, inaalagaan po nila ako..." Napangiti ako sa sinabi niya habang marahan kong hinahaplos ang kanyang buhok. Napadako ang tingin ko kay Mask na ngayon ay nakahiga sa couch. Nakaramdam ako ng awa kasi pilit niyang pinagkasya ang sarili niya sa couch. Wala siyang ideya na nandito ako ngayon. Siguradong napuyat siya sa pagbabantay sa kanilang anak. Si Stella naman daw ay kasalukuyang bumibili ng pagkain nila na sabi ni Zairus. Hindi ko mapigilan na magselos. Nagseselos ako sa kanila. Nasasaktan ako... Ang sakit sakit. "Honey..." Natigilan ako nang marinig ko ang sinabi niya na kasalukuyan pa rin na ang himbing nang tulog. Hinintay ko pa na makatulog si Zairus bago ko malapitan ang kanyang ama. Ang lalaking mahal ko na ipinaubaya ko para lang sa kanila. "Honey..." Unti-unti nang bumuhos ang mga luha ko habang pinagmamasdan siya. Kasalukuyan akong nakaluhod para malaya ko siyang mapagmasdan. I missed him. I missed him so much! "D-Don't leave me..." Nakita ko ang pagpatak ng luha mula sa kanyang mga mata kaya kumirot ang dibdib ko. Kahit sa panaginip ay nasasaktan ko siya. "I'm sorry, bee.. I am really sorry.." I whispered. Pinigilan ko ang sarili ko na punasan ang luhang tumutulo mula sa kanyang mga mata. Ayokong malaman niya na nandito ako. Sapat na sa 'kin na nakita ko siya. Masaya na ako... "I love you, honey..." Tinakpan ko na ang bibig ko para hindi niya marinig ang paghikbi ko. Gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang halikan. Gusto kong sabihin na mahal na mahal ko siya... na hindi ko gustong ipagtabuyan siya kasi hindi ko talaga kakayanin na tuluyan na siyang mawala sa buhay ko. "G-Gianna..." Napalingon ako sa nagsalita. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Stella nang makita ako. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at pinilit na ngumiti sa kanyang harapan. "Binisita ko lang si Zai--" Bigla niya na lang akong niyakap na ikinagulat ko. Nang matapos ang yakap, hinawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil. Napansin ko ang pamumuo ng luha mula sa kanyang mga mata. "I'm sorry, Gianna... I am really sorry, kung hindi dahil sa---" "No.. Stella, wala kang kasalanan. Ginawa ko lang kung anong tama. Masakit man pero titiisin ko, mabuo lang kayong pamilya..." I tried to smile. Pero traydor ang luha ko kasi unti-unti nang bumagsak. "Gian--" "P-Please take care of him. Ikaw na ang bahala sa lalaking mahal ko, ha? Mahal na mahal ko siya... sobrang mahal na mahal ko... pero ipinapaubaya ko na siya sa 'yo, sa inyong mag-ina... kasi sa una pa lang. Ikaw talaga ang babaeng nararapat sa kanya... hindi ako..." I held her hand. "B-Be, Mrs. Samaniego... be his wife. Para sa anak niyo.." my voice broke. "G-Gia--" "Masaya ako para sa inyo..." Pinunasan ko ang luha ko at muling nilingon ang lalaking mahal ko. "M-Masaya ako..." It was a lie. Sobrang nasasaktan ako! Durog na durog ang puso ko. Paglabas ko ng lugar na 'yon. Napahampas na lang ako sa aking dibdib sa sakit na nararamdaman ko. "Y-You did the right thing, Gianna... Be proud of yourself even it hurts.. Really hurts..." I said to myself. Ilang beses kong pinunasan ang mga luha ko na patuloy pa rin akong tina-traydor. Napansin kong marami na ang napapatingin sa 'kin dahil sa pag-iyak ko. Kasalukuyan na akong nag-aabang ng taxi. "H-Honey..." Mahina akong napamura nang marinig ang boses na 'yon. Hindi ko siya kayang harapin kaya pumasok ako sa taxi na pinara ng isang matanda. "Sorry, Nanay, emergency lang." Muli kong nilingon si Mask na balak na sanang pumasok sa taxi na sinakyan ko pero mabilis kong naisarado ang pinto. "Fuck! Open the door!" Panay ang katok niya sa pinto ng sasakyan kaya mabilis kong nilingon si Manong at umiling para sabihing huwag buksan. "Alis na po tayo!" Mabilis na pinaandar ni Manong ang taxi. Nilingon ko naman si Mask na napasabunot sa kanyang buhok. Mabilis siyang pumara ng taxi kaya naman halos hampasin ko na si Manong para lang bilisan ang pagmamaneho upang hindi kami maabutan nito. "Bilis pa, Manong!" "Ano ba naman 'yan, hija? Dinadamay niyo pa ako sa LQ ninyong dalawa!" Napapailing na sabi ni Manong. Hindi ko siya pinansin kasi panay ang sulyap ko sa likuran. Nakahinga ako nang maluwag kasi nag red na ang stop light kaya napatigil sila. Imposible na maabutan pa nila kami. "Salamat po..." Mabilis akong bumaba at pumasok sa loob ng bahay. Nagkulong ako sa kwarto at sinigurado ko na naka-lock ang pintuan. Bigla kong naalala. Hindi nga kami naabutan ng taxi na sinasakyan ni Mask. Mapupuntahan niya naman ako rito. Wala rin akong kawala pa sa kanya. Masasaktan na naman ako kasi ipagtatabuyan ko na naman siya. Umasa lang ako sa wala. Akala ko susundan niya ako hanggang dito pero isang oras na ang lumipas ngunit hindi pa rin siya dumarating. Inabala ko na lang ang sarili ko sa panunuod ng k-drama kasi naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko kasi hinihintay ko siya. Hindi maaari 'to. Dapat nag mo-move on na ako kasi hindi talaga kami pwedeng dalawa. Wala pang nakakaalam sa nangyayari sa 'ming dalawa. Ayokong sabihin kasi ayokong mag-alala pa sila. Wala rin na ideya si Gennica na kasalukuyan pa rin na nasa hacienda kasama si Lolo. Nakausap ko na si Mama. Sobrang humingi siya ng tawad kasi hindi niya sinabi ang katotohanan. Ayaw lang daw niya na mag-aalala pa kami sa kanya. Sobrang nasaktan ako kasi dapat nasa tabi niya kami ngayon, dapat kasama niya kaming lumalaban. Pero nandito kami ngayon ng kapatid ko. Walang magawa para sa kanya. "Honey..." Natigilan ako nang marinig ko ang boses na 'yon. Dala ko ang laptop na umupo sa harapan ng pinto at sinandal ko ang aking likuran. "Please open the door..." Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko. "Bakit ka pa pumunta rito, ha?! Sino ka ba sa buhay ko?!" Humina ang kanyang pagkatok. "H-Honey, please..." his voice broke. Muli na naman namuo ang luha sa aking mga mata kasi nasasaktan ko na naman siya. "Ope--" "H-Hindi... hindi kita pagbubuksan kasi tinatakwil na kita sa buhay ko. Umalis ka na, Marcus! Wala kang mapapala sa 'kin." I bit my lower lip to hold back my tears. "I am dying here honey, please lumabas ka na. Gusto na kita mayakap ng mahigpit, mahalikan ang 'yong mga labi... Masabihan nang mahal kita, mahal na mahal kita.." Narinig ko ang kanyang paghikbi. Alam kong nakasandal na siya ngayon sa pintuan na katulad ko. Hindi lang ang pinto ang humahadlang sa 'ming dalawa. Ang pamilya niya. Ang pamilya na dapat niyang piliin kaysa sa 'kin kasi sila ang mas may karapatan sa kanya. "U-Umalis ka na! Bumalik ka na sa pamilya mo!" Napahampas ako sa dibdib ko sa sakit na nararamdaman. Mas lalong lumakas ang kanyang paghikbi na ikinadurog ng puso ko. "A-Ayokong umalis! Ikaw ang pamilya ko, kayo ng magiging anak natin. Let's get married. Pakasal na tayo, honey? Please..." Gusto kitang pakasalan, Marcus! Gustong gusto ko pero putangina! Hindi talaga pwede! "Putangina, Marcus! Umalis ka na! Huwag mo akong abalahin sa panonood ng k-drama! Wala akong oras para sa isang tulad mo!" Nilakasan ko ang volume para ipaalam na totoo ang sinasabi ko. Pero nakakainis kasi saktong nakakaiyak na scene ang aking napapanood kaya mas lalo akong naiyak. "Y-You're crying, naririnig ko. Umiiyak ang honey ko. It hurts. Please open the door, let me wipe your tears. Let me hug you tight. Let me whisper to your ear how much I love you... Mahal na mahal kita..." His voice broke. Nakailang hampas na ako sa dibdib ko kasi durog na durog na talaga ang puso ko sakit na nararamdaman ko ngayon. "I am dying here, I can't live without you, without my honey.... My heart is broken. I need you, honey,... I need you.. Miss na miss na kita..." Paano? Paano pa natin itutuloy ang relasyon nating dalawa? Na sa una pa lang ay mali na. Maling nagkakilala tayo... "Y-You let me live to your world, I can't escape, honey, I really can't! Hindi ko kayang umalis sa mundo mo. Your world is my world. We're together, right? They can't break us apart. Why are you doing this to me? Please fight for us! Lumalaban ako..." Hindi ko kayang lumaban, Marcus. Hindi ko kaya lalo na't may batang naghihintay sa 'yo. Ayokong maranasan niya ang naranasan ko. "P-Pakiusap, Marcus! Umalis ka na! Hindi tayo pwede... Wala nang pag-asa pa para sa 'ting dalawa. Sumuko ka na, Marcus... sumuko ka na kasi ako sumuko na sa 'ting dalawa. Wala na Marcus, hindi na talaga pwede.." My voice broke. Ang sakit, sobrang sakit na. Hindi ko na kaya pa ang sakit na nararamdaman ko. Bakit naging ganito? Masaya pa naman kami noon. Masaya pa kami.. pero bakit bigla na lang binawi ang kasiyahan naming dalawa? Na dumating sa punto na kailangan ko siyang bitawan para sa mas ikabubuti. "M-Mahal na mahal kita para sukuan ka..." Mahal din kita, mahal na mahal. Sorry kung sumuko ako. Kung bumitaw ako sa pangako ko. "K-Kung mahal mo 'ko, gagawin mo ang gusto ko." Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko. Pagod na 'kong umiyak. Pagod na pagod na talaga ako sa lahat. Gusto ko nang matapos 'to! "Fuck! I love you, I love you so much. Mahal na mahal kita, saranghae. Lahat ng lenggawe ng salitang I love you. I love you so damn much, sobra sobra. What is it, honey? I will do everything for you." Sana nga gawin mo kahit na mas lalong ikadudurog ng puso ko. "P-Please marry her, iparanas mo sa anak mo ang buong pamilya... Ibigay mo sa kanila ang buhay mo. Mahalin mo rin ang ina ng anak mo.... Pakiusap, Marcus! Sila na lang ang mahalin mo... huwag na ako!" my voice broke. "P-Please forget me, kalimutan mo nang mayroong Gianna na nag-e-exist sa buhay mo... Kalimutan mo na mahal mo ako. " Parang awa mo na, Marcus! Huwag mo na akong pahirapan pa nang ganito. Hindi ko talaga kayang lumaban. Sumuko na ako.. Sumuko na sa relasyon na 'to.. "H-How can I forget you, honey? Kung ikaw na lang palagi ang laman ng isipan ko? Paano pa kita maalis sa buhay ko kung nakaukit ka na sa puso ko?! Fuck! Para ko na ring pinatay ang sarili ko kapag nawala ka sa buhay ko..." Hindi ko rin kaya na mawala ka kasi mahal na mahal kita... "I love you, honey... Mahal na mahal kita... Kahit anong mangyari ay ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sa 'yo. Lalaban ako para sa 'ting dalawa..." Patawad kung hindi kita magawang ipaglaban... Narinig ko ang mga yabag niya na paalis. Sinigurado ko muna na wala na siya bago ako lumabas ng kwarto. Napabagsak na lang ako sa sahig nang makita ko ang isang malaking kahon. Pagbukas ko ay nakita ko ang isang wedding dress. Hindi ako nagkakamali na 'to 'yung sinuot ko noon. May nakapatong rin na singsing sa wedding dress at nakita ko ang isang papel. "Marry me, honey... Please marry me.. Be Mrs. Samaniego, be my wife... Ikaw ang mundo ko, honey... Ikaw ang kasiyahan ko. Mahal kita... bawat segundo, minuto, oras, ngayon, bukas, palagi at hanggang sa walang hanggan..." Napatakip na lang ako sa bibig ko nang mabasa 'yon. Mabilis akong bumaba para maabutan ko siya pero nabigo ako kasi wala na siya. "I'm sorry, bee, I am really sorry..." Napaupo na lang ako sa semento habang nakasubsob ang mukha ko sa aking mga tuhod. Patuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko. Ang sakit! Sobrang sakit sakit na! Pagod na pagod na ako! "Honey..." Natigilan ako nang marinig ko ang boses niya. Sumalubong sa 'kin ang lumuluha niyang mga mata. Tumayo ako at sinalubong ko siya ng yakap. Mahigpit niya naman akong ikinulong sa bisig niya. "D-Dito ka lang... Dito ka lang sa tabi ko, please... Ayokong mawala ka sa buhay ko... hindi ko kakayanin, Marcus.. Huwag mo 'kong iwan.. Hindi na kita ipagtatabuyan pa.. Mahal na mahal kita.. Mahal na mahal..." Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at pinaglapat niya ang noo naming dalawa. "I'm sorry, honey.. I am really sorry for hurting you..." Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Ako ang dapat na humihingi ng tawad sa kanya kasi siya ang sinasaktan ko. "D-Don't lea---" "How can I leave you, honey? Hindi ko magagawang ilayo ang sarili ko sa babaeng nagmamay-ari ng puso ko." Hinalikan niya ang luhang pumapatak sa mga mata ko. "Kahit ilang beses mo pa akong ipagtulakan palayo, babalik pa rin ako sa 'yo kasi ikaw ang mundo ko..." Napahigpit ang kapit ko sa damit niya. "Mahal na mahal ki--" Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita kasi inangkin ko na ang mga labi niya. Sobrang namiss ko siya. Sobra sobra! "Sleep with me..." Sumilay ang ngisi sa kanyang mga labi. Hindi ko naman mapigilan na mapangiti kasi ang lalaking mahal ko. Nasa bisig ko na ngayon. "Yes, honey... Fucking yes! Tangina! Buntis ka sa 'kin!" Siniil niya ako ng halik. Halik na mayroong kasamang pagmamahal. Kahit na mali... kahit na hindi pa pwede... Sasamahan ko siyang lumaban. Ipaglaban ang pagmamahalan naming dalawa. Chapter 53 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 53 "May problema ba kayo ni Kuya Marcus?" Nilingon ko si Gennica na kasalukuyang nakaupo sa gilid ng kama ko. Nandito kami ngayon sa hacienda ni Lolo. Halos isang linggo na rin nung manatili ako rito. Isang linggo na rin na hindi kami nagkikita ni Mask dahil kailangan siya ni Zairus na kasalukuyan pa rin na nasa ospital. Pero hindi pa rin siya nakakalimot na tawagan ako. Naiintindihan ko naman siya kaya okay lang sa 'kin na hindi kami magkasamang dalawa. Pinili ko 'to kaya kailangan kong panindigan ang desisyon ko na ipagpatuloy pa ang relasyon namin. I can't lose him. I really can't. I love him so much! Kaya kailangan kong tanggapin na hindi na lang ako ang priority niya... kasi meron nang iba pa kundi si Zairus na mas kailangan siya. "Bakit mo natanong?" Tinaasan niya ako ng isang isang kilay. "Kilala kita, Ate, alam kong may tinatago kang problema sa loob mo..." I let out a heavy sigh. "Halata ba?" "Anong problema? Kapatid mo 'ko kaya kahit ano pa 'yan ay hindi kita magagawang husgahan. Ayaw ko lang na may kinikimkim kang sakit na nararamdaman kasi naranasan ko na 'yan. Ang sakit, sobrang sakit sa loob na para bang sasabog ka dahil sinasarili mo lang ang mga problema mo." Hindi ko na napigilan na mapaluha sa sinabi niya. Masakit pa rin talaga. Hindi pa rin nawawala ang sakit na nararamdaman ko. "A-Ang sakit... sobrang nasasaktan ako." Kinulong niya ako sa kanyang bisig. Hinaplos niya naman ang likuran ko para pagaanin ang aking loob. "N-Nasasaktan din ako, Ate, kapag nakikita kong nasasaktan ka..." Humigpit ang yakap niya sa 'kin. Siya lang talaga ang madadamayan ko sa lahat ng problema ko. Hindi ko na kayang itago pa kasi pakiramdam ko'y malapit na 'kong sumabog sa sakit na nadarama ko ngayon. "K-Kakapit pa ba ako sa relasyong hindi naman talaga para sa 'kin?" Her eyes widened. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. "Anong ibig mong sabihin? Hindi kayo pwede? Bakit? Sa paanong paraan?" Humigpit ang hawak ko sa kanyang kamay. Panay pa rin sa pagtulo ang mga luha ko kasi hindi ko na mapigilan. "Stella..." Napatakip siya sa bibig niya sa sinabi ko. "What do you mean? Oh my ghad! They cheated behind your back?" Umiling ako. "She was his first love..." Mas lalong namilog ang kanyang mga mata sa sinabi ko. "I have something to tell you..." Marahan niyang pinisil ang kamay ko. "Noong araw na nakitulog ako sa kanila dahil nag date kayo ni Kuya Marcus. Mayroon akong nakita na litrato na may kasama siyang isang lalaki. I think, nasa beach sila nun at medyo bata pa sila. Pilit kong minumukhaan kung sino 'yong lalaki at ang nasa isip ko ay si Kuya Marcus. Pero paano? Napansin ko naman na hindi sila nag-uusap na dalawa kaya sobrang imposible. " Hindi ako makapaniwala na pati siya ay nahahalata niyang hindi napapansin 'yung dalawa. Bakit hindi ko man lang napansin ang bagay na 'yon? Ganun na ba ako ka manhid para hindi malaman ang ibang bagay? "At nung nakahiga na 'ko, mayroon siyang katawagan. Ang pangalan ay Lairuz? Circus? Hindi ko na maalala.." Tipid akong napangiti. "Zairus..." She nodded. Ilang segundo ay namilog ang kanyang mga mata. "Don't tell me?!" Hinawakan niya ang magkabila kong balikat. "Y-Yes, they have a child..." Napahawak siya sa dibdib sa gulat na kanyang nalaman. Bigla niya akong sinalubong ng yakap. "Hindi ako makapaniwala, Ate... Hindi ko akalain na sobrang sakit na pala ng dinaramdam mo. Kung ano man ang maging desisyon mo, susuportahan kita. Nandito lang ako sa tabi mo, Ate.. Hindi kita iiwan..." Tipid akong napangiti. Kahit papaano ay gumaan na ang loob ko kasi mayroon akong nasabihan ng problema. Hindi ko naman pwedeng sabihin kay Mama kasi ayokong mag-alala pa siya lalo na't ganun ang kanyang kalagayan. "God, I miss you, honey.. Sobrang namiss kita..." Kinulong niya ako sa kanyang bisig. Napangiti naman ako nang maamoy ko ang pabango niya na paborito ko. "Namiss din kita, bee..." Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at pinaglapat niya ang noo naming dalawa. "I'm sorry, honey, kung ngayon lang ako naka---" "Okay lang, naiintindihan ko naman ang sitwasyon mo. Mas kailangan ka ni Zairus. Masaya naman ako rito kasi kasama ko sina Lolo. Nakapag bonding pa kaming tatlo." Nilingon ko si Lolo na ngayon ay nakamasid na sa 'min. Malapad ang ngiti nito na kinawayan kami. Lumapit naman si Mask kay Lolo at nagmano. Narinig ko pa ang pagbibiro ni Lolo kay Mask na magdilig daw muna 'to ng halaman. Napadako ang tingin ko kay Gennica na nag-aalalang nakatingin sa 'kin. Nginitian ko siya para ipakita na okay lang ako, na hindi na niya kailangan pang mag-alala. "Let's go, honey. Sa 'yo ako buong araw." He smiled and gently kissed my forehead. "Dapat lang, sobrang namiss kaya kita.." Marahan kong pinisil ang kanyang kamay. Nilingon niya ako habang may ngiti pa rin sa mga labi niya. "Mas namiss kita, honey, sobra sobra. Bawat gabi ay iniisip ko na sana nasa tabi kita. Na sana kayakap kita, na sana nahahalikan kita. Pero hindi ko magawa ang lahat nang 'yon kasi kailangan ako ng anak ko." I tried to smile to hide the pain. "Okay lang, mas kailangan ka ng anak mo. Marunong naman akong maghintay..." Muli niya na naman akong kinulong sa bisig niya. Pinipigilan ko na maluha kasi nasasaktan pa rin talaga ako. "I'm sorry, honey, I am really sorry for hurti---" "It is okay, bee, I am okay... Mas inaalala ko si Zairus. Alam ko kung gaano ka niya kamiss kasi ang tagal ng panahon na wala ka sa tabi niya..." I smiled. "Maghihintay ako sa 'yo kahit pa isang buwan basta makasama mo lang ang anak mo." Hinaplos niya ang aking pisngi. Nakikita ko sa mukha niya ang sobrang pag-aalala niya para sa 'kin. Nasanay ako... nasanay na nasa 'kin lang ang buo niyang atensyon. Kaya mahirap para sa 'kin ang sitwasyon namin ngayon. "Fuck." Napamura siya nang tumunog ang kanyang phone. Tinalikuran niya ako at mabilis na sinagot 'yon. Mapait akong napangiti habang nakamasid sa kanyang likuran. Kusa na ring tumulo ang mga luha ko na mabilis ko naman pinunasan. Narinig ko sa kabilang linya ang boses ni Stella. Na mukhang sinasabi na hinahanap na siya kaagad ni Zairus. Siguradong sobrang napalapit na ang loob ng bata sa ama niya kaya ganun na lang ang paghahanap niya rito. "I'm sorry, big boy, I can't...Busy si Da--" "Okay lang sa 'kin, puntahan mo na sila." Napalingon siya sa 'kin. Mabilis siyang umiling pero ngumiti ako para ipakitang okay lang ako. Niyakap ko siya sa mula sa likuran habang nasa kabilang linya pa rin si Stella. "Hihintayin na lang kita kung kailan pwede na tayong magkasama ulit..." I whispered. Sino ba ako para piliin niya? Girlfriend lang naman ako. Anong laban ko sa pamilyang naghihintay sa kanya? Wala akong laban. Kailangan kong ilugar ang sarili ko. Hindi na ako ang priority niya, hindi na ako... "I love you..." aniya sa kabilang linya. Hindi ko alam kung sino ang sinabihan niya ng katagang 'yon. Para sa anak niya ba o para kay Stella? Alam kong hindi imposible na mahalin niya ulit ang babaeng una niyang minahal. Lalo na't may anak na sila. Sabi nga nila, first love never dies. Ito naman ang gusto ko, ang mahalin niya ulit si Stella para sa kanilang anak. Kung kinakailangan na ipagtabuyan ko ulit siya ay gagawin ko kahit na masakit, kahit na ikadudurog ng puso ko. "Honey..." Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. Pinalibot ko naman ang mga braso ko sa kanyang batok. "I love you..." I smiled. "Mas mahal kit--" Hindi ko na pinatapos ang kanyang sasabihin pa kasi siniil ko siya ng halik. Pinalibot niya ang kanyang mga braso sa bewang ko at mas hinapit ako papalapit sa kanya. Kahit isang linggo lang na hindi kami nagkasama. Sobrang namiss ko siya, sobra sobra. At naiiyak ako kasi mukhang hindi ko na naman siya makakasama. "God, honey.. Mahal na mahal kita.." He said between our kisses. Nang magsawa ang mga labi naming dalawa. Muli niya akong ikinulong sa kanyang bisig. Ayoko nang bumitaw pa sa yakap niya, gusto ko siyang ipagdamot kahit na ngayon lang pero hindi talaga pwede. Putangina hindi pwede! "Babawi ako sa 'yo, honey... Babawi ako.." Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko dahil sa luhang nagbabadya nang pumatak mula sa mga mata ko. Nakatanaw lang ako sa sasakyan niya na palayo sa 'kin. Pakiramdam ko'y pati ang puso niya ay unti-unti na rin lumalayo. Unti-unti nang naglalaho. Hinihintay ko na piliin niya ako pero umasa lang pala ako. Umasa sa wala. Napaupo na lang ako sa damuhan habang sapo ang aking mukha. Ang sakit ng puso ko sa oras na 'to. Sobrang sakit na rin ng mga mata ko dahil sa kakaiyak. Pagod na pagod na 'ko... "A-Ate..." Sinalubong niya ako ng yakap. Umiyak ako sa bisig niya. "A-Alam kong mali, alam kong hindi pwede pero umasa pa rin ako... Umasa na sana mananatili siya sa 'kin... Na ako naman ang pipiliin niya..." Hinaplos niya ang aking buhok. Maging siya ay umiiyak na rin dahil nakikita niya akong nagkakaganito. Akala ko magiging okay na. Dapat pala tuluyan ko na lang siyang ipinagtulukan palayo sa 'kin. Mas lalo pa akong masasaktan kapag mas pinili kong manatili pa sa tabi niya. Kasi alam kong sa huli, pamilya niya pa rin ang mas matimbang sa kanya Inalalayan niya akong makatayo kasi sobrang nanghihina na ang mga tuhod ko. Nang bigla akong makaramdam nang pagkahilo sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Everything went black... Pagmulat ng mga mata ko, puting kisame agad ang sumalubong sa 'kin. Nilibot ko ang tingin ko nang mapansin ko ang isang lalaki na nakaub-ob sa gilid ng kamang hinihigaan ko. Alam kong nasa ospital ako. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit nandito ako ngayon? "B-Bee..." Naalimpungatan siya nang marinig ang boses ko. Pagtunghay niya ay bigla na lang akong natigilan nang makilala siya. "J-Josh..." Nakita ko sa kanyang mukha ang lubos na pag-aalala. Hinawakan niya ang noo ko para suriin. "Thanks, God, bumaba na ang lagnat mo.." Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil. "Sobrang pinag-alala mo 'ko..." Mapait akong napangiti. Akala ko si Mask ang nagbabantay sa 'kin pero umasa lang ako. Oo nga pala, girlfriend lang ako. Kasama niya ngayon ang kanyang pamilya. Wala man lang siyang ideya na nandito ako ngayon. "Paano mo nalaman na nandito ako? Saka bakit ako nandito?" Napansin ko na mayroong nakatusok sa aking kamay. Nilibot ko ang tingin ko at napansin ko na kami lang ang nandito sa silid na 'to. "Alam kong sobrang weird pero sinundan ko ang sasakyan ni Marcus kasi alam kong pupuntahan ka niya. Saktong pagdating ko sa hacienda ay paalis na siya. Nakita kong nawalan ka nang malay kasama ang kapatid mo kaya dinala kita rito sa ospital. Sobrang inaapoy ka na ng lagnat kanina." Hinawakan niya ang kanan kong pisngi kaya nagtama ang tingin naming dalawa. Alam kong may nararamdaman pa rin siya sa 'kin. Nakikita ko ang sobrang pag-aaalala sa kanya. "Please take care of yourself. Huwag mo naman pabayaan ang sarili mo. Alam kong masakit pa rin na tanggapin ang katotohanan pero sana naman magawa mong alagaan ang sarili mo." Napangiti ako sa kanyang sinabi. Marahan ko rin na pinisil ang kamay niya. "Thank you, Josh, kasi nanatili ka sa tabi ko." "Nandito lang ako para sa 'yo..." Maranan niyang hinaplos ang aking buhok. Bumukas ang pintuan at niluwa nun si Gennica na mayroong dalang pagkain. Kahit isang sulyap kay Josh ay hindi niya magawa. "Sobrang pinag-alala mo 'ko, Ate!" Lumapit siya sa 'kin at niyakap ako. "Sorry kung pinag-alala kita," I whispered. Humiwalay na siya ng yakap. Aatras na sana siya nang bigla na lang siya matakid sa inuupuan ni Josh. "Oh gosh!" Muntikan na sana siyang matumba kung hindi lang siya nasalo ni Josh. Napansin kong natigilan si Gennica nang magtama ang tingin nilang dalawa ni Josh. Napalapad naman ang ngiti ko habang pinagmamasdan silang dalawa. "Be careful..." Inalalayan ni Josh na makatayo si Gennica na namumula pa rin ang mukha. "Ikaw nga wild, pinakialaman ko ba?!" bulong ni Gennica. Kumunot naman ang noo ni Josh. "What?" Iniwas na ni Gennica ang tingin kay Josh at lumabas ng pintuan dahil sa kahihiyan. Habol naman ang tingin sa kanya ni Josh. Napailing ako sa dalawa. Alam ko talaga na mayroong something sa kanila. Hindi kaya dahilan lang ni Josh na sinundan niya si Mask para hindi ako makahalata? Ano ba talagang meron sa kanila? Bumukas muli ang pintuan at niluwa nun si Lolo. May hawak na siyang tungkod kasi mahina na ang mga tuhod niya. "Nandito ka pala, Hardinerong Spencer!" My eyes widened. Napaubo naman si Josh sa sinabi ni Lolo. "Magkakilala kayo?" gulat kong tanong. Nilingon ako ni Lolo na ngayon ay ang lapad na ng ngiti. Napatingin siya kay Josh na namumula na ang mga tainga. "I know him, maganda kong apo. Panibagong hardinero sa hacienda. Akalain mo nga naman na magkaibigan pa sila ni Hardinerong Samaniego.." Biglang bumukas ang pintuan at niluwa nun si Gennica na namumula na ang mukha. "Lolo!" Nilapitan niya si Lolo at pilit na hinila palabas. Pero nagmatigas si Lolo kaya ang hinila na niya nang sapilitan palabas ay si Josh. Nananakit na ang ulo ko sa kanila kasi wala talaga akong ideya kung ano ba talagang meron sa dalawang 'yun. Naging tahimik na ang paligid nang makaalis na 'yung dalawa. Umupo naman si Lolo sa inuupuan kanina ni Josh. Halata sa mukha niya ang sobrang pag-aalala. "Apo, akala mo ba wala akong alam sa pinagdaraanan mo ngayon." "L-Lolo.." Hinawakan ni Lolo ang kamay ko at marahan na pinisil. Nanatili akong nakasandal sa headboard ng kama kasi nahihilo pa rin talaga ako. "Ikaw lang ang pwedeng mag-desisyon kung ipagpapatuloy niyo pa ba ang relasyon niyo o bibitaw ka na para sa mas ikabubuti ninyong dalawa..." Unti-unting namuo ang luha mula sa aking mga mata. "Ano po ba ang tama?" "Kapag nag let go ka, apo, masasaktan ka. Kapag nanatili ka pa, masasaktan ka pa rin. Kasi parte 'yan ng pagmamahal. Gawin mo kung ano sa tingin mo ang tama. Nandito lang kami para sa 'yo..." Niyakap ako ni Lolo. Umiyak ako sa bisig niya kasi nasasaktan na naman ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mahal na mahal ko si Marcus. Pero tama pa bang ipagpatuloy pa namin ang relasyon naming dalawa? Na sa una pa lang ay isang pagkakamali na. -- "Smile, honey..." Nilaparan ko naman ang ngiti ko habang nakatingin sa kanya. Kasalukuyan niya akong iginuguhit. Nakaupo ako ngayon sa duyan habang siya ay nasa harapan ko. Nandito kami ngayon sa Resthouse nila. Sa wakas nagkasama na rin kaming dalawa sa loob ng isang linggo na hindi namin pagkikita. Nakalabas na kasi si Zairus ng ospital. Mabuti na lang talaga na gumaling na siya. Walang ideya si Mask na dinala ako sa ospital dahil sa taas ng lagnat ko. Ayaw ko rin namang sabihin sa kanya kasi alam kong sisisihin niya lang ang sarili niya na wala siya sa aking tabi. "Hon--" "Ayoko na! Sobrang nangangalay na akong ngumiti!" Tumayo na ako kasi kanina niya pa akong sinasabihan na ngumiti. Napailing naman siya at nilapitan ako. Mabilis niya akong ikinulong sa kanyang bisig. Sinubsob ko naman ang mukha ko sa kanyang dibdib at pinakinggan ang lakas ng kabog ng puso niya. "Let's swim?" Tumingala ako para magkatagpo ang tingin naming dalawa. "Ayoko nga! Alam kong tutulugan mo lang akong mahalay ka!" He chuckled. "No way, honey... Nakita ko na naman at nahawa---" "Mahalay ka!" Tinulak ko siya palayo sa 'kin at tinalikuran. Napahinto ako sa paglalakad nang yakapin niya ako mula sa likuran ko. "Mahal naman kita..." Naramdaman ko ang paglapat ng mga labi niya sa leeg ko na ikinataas ng mga balahibo ko. "Marcus!" "What, honey? Nanlalambing lang naman ako sa 'yo..." Hinigpitan niya ang yakap sa 'kin. "Namiss ko ang future wife ko..." Bumaba na ang halik niya sa aking balikat. Hinarap ko naman siya at pinalibot ko ang mga braso ko sa kanyang batok. "Let's swim?" He licked his lower lip. Mas lalong namula ang lips niya sa kanyang ginawa. "I changed my mind, honey, huwag na tayo mag-swimming. Paliguan na lang kita ng mga hali--" "Mukha mo!" Tumakbo na ako papalayo sa kanya. Ngumisi ang loko at hinabol ako kaya binilisan ko pa ang aking takbo huwag niya lang akong maabutan. Nang makarating ako sa room namin, mabilis kong ni-lock ang pinto para hindi na siya makapasok pa. "Fuck. Please open the door!" "No way! Magpapalit ako!" Sinipa ko ang pintuan. "Sabay na tayo!" "Gago!" Panay ang katok niya pero hindi ko siya pinagbuksan. Sinuot ko ang swimsuit na kulay itim na binili ko na noon pa. Hindi na ako nahihiya sa kanya na magsuot ng ganito. Bakit pa? Naibigay ko na ang sarili ko sa kanya kasi mahal ko siya. Paglabas ko ng pintuan, kumunot na lang ang noo ko kasi wala na siya sa labas. Hindi ko na binalot pa ng robe ang aking katawan. Nakita ko siyang nakatanaw sa pool. Tanging swim trunks lang ang kanyang suot. Marahan akong naglakad palalapit sa kanya kasi balak ko siyang itulak sa pool. Pero sa hindi inaasahan ay bigla na lang siyang humarap sa 'kin kaya nung natulak ko siya, nahawakan niya ang braso ko kaya parehas kaming bumagsak sa tubig. Mabuti na lang talaga na hindi gaanong kalalim ang tubig. Mabilis niya naman akong naiahon at ikinulong sa kanyang bisig. "Baliw ka bang lalak-" Bigla niya na lang akong hinalikan kaya pinaningkitan ko siya ng tingin. Biglang sumeryoso ang kanyang mukha kaya kumunot ang noo ko. "Honey..." "Hmm?" Nanatiling nakayapos ang mga braso niya sa 'kin kaya halos magkadikit na ang balat naming dalawa. Inalis ko ang ilang hibla ng buhok niya na napupunta sa kanyang mga mata. "I'm sorry..." Natigilan ako sa sinabi niya. "Para saan?" Hinawakan niya ang kanan kong pisngi. "Sorry kung nahihirapan ka nang dahil sa 'kin. Sorry kung palagi na lang akong wala sa tabi mo. Sorry kung nasasaktan kita. Sorry sa lahat..honey, I am really sorry..." Pinaglapat niya ang noo naming dalawa. "I am scared, honey..." He closed his eyes. Nasasaktan ako sa mga sinasabi niya. Alam kong hindi lang ako ang nahihirapan, pati na rin siya. Hindi madali para sa kanya ang harapin ang responsibilidad niya bilang ama. Alam na ni Tito ang tungkol kay Zairus. Hindi pa kami nagkakausap nito kasi masyado pa rin 'tong busy. Wala namang ideya si Papa na may anak na si Mask. Mukhang natatakot si Mask na malaman ni Papa ang katotohan kasi alam niyang ilalayo ako nito sa kanya. "... really scared, na baka dumating ang araw na mapagod ka. Na sukuan mo 'ko at tuluyan ka nang mawala sa 'kin..." Niyakap ko siya. Nanatili pa rin kami sa gitna ng tubig. Sinubsob niya ang kanyang mukha sa balikat ko. Ramdam ko ang pamamasa nun dahil umiiyak siya. Umiiyak ang lalaking mahal ko. "H-Hindi ko kakayanin, honey.. Hindi ko kakayanin na iwanan mo na naman ako.. Na muli mo akong ipagtulakan palayo sa 'yo..." Humigpit ang yakap ko sa kanya. "Mahal kita, bee, mahal na mahal..." Humiwalay ako ng yakap at hinawakan ang magkabila niyang pisngi. Marahan kong pinunasan ang kanyang mga luha. Unti-unti na rin bumabagsak ang luha ko. Kasi sobrang hirap talaga. Sobrang hirap ng sitwasyon naming dalawa. Hindi pa man sila kasal ni Stella, pakiramdam ko... Mistress na niya ako. Wala akong laban sa pamilya niya. "Y-You're my strength, honey... Sa 'yo ako kumukuha ng lakas para harapin ang responsibilidad ko. Na kahit wala ka sa tabi ko... hindi nawawala sa isipan ko na mayroong naghihintay sa 'kin... na naghihintay ang babaeng mahal ko.." Palagi akong maghihintay sa 'yo. Handa akong maghintay kahit gaano pa katagal. "P-Please don't leave me ag--" "Ginawa ko 'yon para sa anak niyo... mas kailangan ka ni--" "Paano naman ako na mas kailangan ka? Gusto kong manatili ka sa tabi ko kahit na gaano pa kahirap... Selfish na kung selfish pero hindi ko kakayanin na mawala ka sa tabi ko... Ako ang lalaban, honey.. Problema ko 'to.. Hinihiling ko lang na manatili ka sa tabi ko at mahalin ako..." He held my chin up and looked straight into my eyes. "Ikaw ang babaeng papakasalan ko, honey.. Tayong dalawa ang haharap sa harapan ng Diyos upang manumpa ng pagmamahalan nating dalawa." Napangiti ako sa sinabi niya. Bumagsak na ang mga luha ko sa kasiyahang nararamdaman. Sana lang kami talaga hanggang dulo... "Honey..." "Yes, bee?" Kasalukuyan kong sinusuklay ang mahaba kong buhok habang nakaharap sa malaking salamin. Nakaupo naman siya sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ako. Hindi namin namalayan ang oras kasi gabi na pala. Napapansin ko na mas bumibilis na ang oras sa tuwing magkasama kaming dalawa. Gusto ko pang bumagal ang oras kasi gusto ko siyang makasama pa ng matagal kasi walang makakapagsabi kung hanggang kailan na lang kaming magkakasama na dalawa. Natatakot ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. "Let's get married..." Napahinto ako sa pagsusuklay sa sinabi niya. "W-What?" "Pakasal na tayo, honey... Be my wife..." Nilingon ko siya habang namimilog ang aking mga mata. "We're too you---" "I know, honey.. Pero kaya kong magtrabaho para lang mabigyan ka ng magand--" "How about Zairus? Ano na lang ang magiging reaksyon ng anak mo kapag nalaman na sa ibang babae ka ikakasal?" Natigilan siya sa sinabi ko. Iniwas ko naman ang tingin sa kanya. Alam kong nawala sa isipan niya ang kanyang anak. "Maiintindi--" "Paano? He is too young to understand. Iisipin niya na hindi mo siya mahal kasi hindi mo magawang pakasalan ang kanyang ina. Magugulu----" "What do you mean?" Napahigpit ang hawak ko sa suklay. Mariin ko rin na kinagat ang pang-ibabang labi ko. "Marry he--" "Yan na naman ba tayo?! Tangina! Sobrang nasasaktan ako kapag ipinagtutulakan mo sa kanya.. Ikaw ang babaeng gusto kong pakasalan kasi ikaw ang mahal ko, hindi siya. Ina lang siya ng anak ko!" Tumayo na siya habang naiwan naman akong tulala. Narinig kong tumunog ang phone niya na mabilis niyang sinagot. "W-What? He's bleeding?" Namilog ang mga mata ko sa kanyang sinabi. Nakita ko ang pagkataranta sa kanyang mukha. Nang matapos ang tawag ay nilingon niya ako. "Puntahan mo na sila, okay lang ako." I tried to smile. "Hon--" "Hihintayin na lang kita.." Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Maghihintay ako..." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at siniil niya ako ng halik. "I'll be back, honey... I love you..." Muli niyang dinampian ng halik ang mga labi ko bago siya tuluyang nawala sa paningin ko. Napaupo na lang ako sa sahig habang lumuluha. Masakit man pero kailangan kong tiisin na lang kasi gusto kong manatili sa kanya. Napatingin ako sa aking phone. Nakita kong 2 AM na pero wala pa rin siya. Kahit tawag o message ay wala man lang akong natanggap mula sa kanya. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Pagkagising ko ay umaga na. Mapait akong napangiti. Hindi siya bumalik. Mukhang nawala na sa isipan niya na mayroong naghihintay sa kanya. Ang sakit sakit na. Pagbukas ko ng phone ko. Nakita ko ang message ni Gennica at ni Papa. "Tinawagan ako ni Dad kagabi, sinabi niya na nagkaroon daw ng engagement party sina Kuya Marcus at Ate Stella para sa nalalapit nilang kasal." "Ate, okay ka lang ba?" "Sobrang nag-aalala ako.." "Where are you, anak? We need to talk..." Bumagsak na ang mga luha ko sa mga nabasa ko. Kaya ba hindi na siya bumalik pa kagabi kasi ginanap ang engagement party nila ni Stella? Pagbukas ko ng facebook. Nakita ko ang litrato nila ni Stella na magkasama. Kung titingnan ay para talaga silang mayroong relasyon. Buhat ni Mask si Zairus habang ang lapad ng ngiti nila. Katabi nila si Stella na kasalukuyang inaayos ang buhok ni Zairus. Nakasuot siya ng red dress at sobrang ganda niya. Isa lang ang masasabi ko, sobrang saya nilang pamilya. Ang sakit sakit! "Honey..." Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at nakangiting hinarap siya. "Y-You're back.." My voice broke. Lumapit siya sa 'kin at niyakap ako. Naamoy ko sa kanya ang pabangong pambabae na sa tingin ko ay kay Stella. Pagkatapos ay hinalikan niya naman ang noo ko. "I'm sorry honey, kung ngayon lang ako nakarating. Damn that old man! Sinalubong ako ng engagement party. Ginamit pa talaga ang anak ko!" Inis niyang inalis ang tuxedo na suot niya. Hindi pa rin nawawala ang pait ng ngiti ko habang unti-unting nawawasak ang puso ko. Dumako ang tingin ko sa kamay niya. Mas lalo pang nadurog ang puso ko sa aking nasaksihan. He didn't take off their engagement ring... Chapter 54 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 54 "Ano na naman ba 'to?" Nakapalibot ang braso niya sa bewang ko para alalayan ako na bumaba ng hagdan. Mayroong nakatakip na panyo sa aking mga mata ko kaya alam kong may supresang naghihintay sa 'kin. "It's a secret, honey..." his husky voice. Naramdaman ko ang paglapat ng kanyang mga labi sa leeg ko na ikinataas ng aking mga balahibo. "Marcus!" "Yes, honey?" "Ang landi mo!" He chuckled. Mas humigpit ang pagkakapulupot niya sa bewang ko habang patuloy pa rin kami sa pagbaba ng hagdan. "Saan mo ba ako binabalak na dalhin, ha? Baka mamaya ay bigla mo na lang akong itulak sa pool. Masusuntok talaga kitang gago ka!" Muling tumawa ang loko. "Just trust me, honey..." Dumampi ang mga labi niya sa noo ko na ikinangiti ko. Hinawakan ko ang kamay niyang nasa aking tiyan. Marahan kong pinisil 'yon. Hindi na niya suot pa ang engagement ring nila. Wala akong ideya kung saan niya itinago ang bagay na 'yon. Hindi ko rin balak na alamin pa kasi nasasaktan lang ako kapag nakikita ko 'yung singsing nila. Isang lang ang pinanghahawakan ko sa ngayon. Ako ang babaeng mahal niya. Hindi si Stella. Kasi kung mahal niya pa si Stella, nagawa na niya akong iwanan para lang sa ina ng kanyang anak. Hindi siya mananatili sa tabi ko ngayon. Tanging ang anak lang nila ang namamagitan sa kanilang dalawa at wala nang iba pa. Ako ang nagmamay-ari ng puso niya. Halos dalawang linggo na rin nung manatili kami sa Resthouse nila. Walang ideya si Papa na nandito kaming dalawa. Alam kong nasa isip niya na tinanan na 'ko ni Mask. Hindi ko rin magawang buksan ang phone ko kasi alam ko ang bubungad sa 'kin. Siguradong paghihiwalayin kami ni Papa dahil sa nalaman nito tungkol sa engagement party ni Mask sa ibang babae. Hindi ko hahayaan na mangyari ang bagay na 'yon. Kahit pa kay Papa ay ipaglalaban ko siya kasi hindi ko talaga kakayanin na mawala siya sa piling ko. "We're here..." Naramdaman ko ang pagkalas niya ng panyong nakatakip sa aking mga mata. Napatutop na lang ako sa aking bibig nang masaksihan ang nasa harapan ko. "A-Anong ibig sabihin nito?" Gulat ko siyang nilingon. Malapad naman ang ngiti niya nang makita ang reaksyon ko. "Do you like it, honey?" Muli kong nilingon ang garden kung saan may nakapalibot na christmas light. Meron din na mesa sa gitna at nakapatong doon ang isang boquet ng red roses. May mga hugis puso rin na lobo na nakatali sa mga halaman. Hindi ko napigilan na maluha habang pinagmamasdan ang pinaghirapan niya. Hindi ko akalain na sa himbing nang tulog kanina. Meron na pala siyang pinagkaka-abalahan na surpresa para sa 'kin. Nasaktan pa ako nung inakala kong iniwan niya ako nang wala man lang paalam. Maiitindihan kung pupuntahan niya si Zairus pero sana naman magpaalaam siya sa 'kin. "B-Bakit may ganito? Para saan? Hindi naman natin anniversary na dalawa, ah." Hinaplos niya ang aking pisngi. Pinaglapat niya ang noo naming dalawa. Pinunasan niya ang luha ko gamit ang paghalik niya sa ilalim ng aking mga mata. "Honey..." Humakbang siya papalayo sa 'kin. Nanatili ang ngiti sa mga labi niya habang nananatili pa rin akong naguguluhan. "M-Marcus..." Napahawak na lang ako sa aking bibig nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Nanatili ang titig niya sa aking mga mata na ngayon ay namimilog na nakamasid sa kanya. "I know, we are too young to get married... but I want to be with you for the rest of my life, honey... I will do anything and everything to make you happy." Hindi ko magawang makagalaw mula sa aking kinatatayuan. Unti-unti nang bumubuhos ang luha ko habang nakamasid sa kanya. "...The thought of losing you is killing me, honey... You're my everything.. You're my world, my tears, my joy, the beat of my heart. You're my strength and weakness. You are my today and all of my tomorrows..." Napansin kong may kinapa siya sa kanyang bulsa. Mayroong siyang inilabas na isang maliit na kahon at muling tumitig sa aking mga mata. "M-Marcus..." Binuksan niya ang pulang kahon at bumangad sa 'kin ang isang singsing. Hindi na 'yon isang promise ring lang, kundi engagement ring. "Honey..." Patuloy lang sa pagbuhos ang mga luha ko habang nakaluhod pa rin siya sa harapan ko. Gusto ko siyang salubungin ng yakap pero parang mayroong pumipigil sa 'kin na gawin ang bagay na 'yon. Hindi pwede ang gusto niya. "Will you marry me?" Umatras ako palayo na ikinagulat niya. Mabilis akong tumalikod nang hawakan niya ang braso ko para pigilan. Inis kong inalis ang pagkakahawak niya na mas lalo niya pang ikinagulat. Tumitig ako sa kanyang mga mata at nakikita kong nasasaktan siya. "H-Hindi pwede... hindi tayo pwede kasi engaged ka na.. Engaged na kayo ni St--" "W-Why? Why are you doing this to me? Bakit palagi mo 'kong ipinagtatabuyan sa babaeng hindi ko naman mah--" I cut him off. "M-Minahal mo na siya noon kaya hindi imposible na mahalin mo ulit siya ngayon lalo na't may anak na kayo, Marcus. Siya na lang ang pakasalan mo, huwag na ak--" "Fuck, honey! Kailan ko ba mararamdaman sa 'yo na takot ka na mawala 'ko? Kailan mo ako magagawang ipagdamot sa iba? Kasi tangina... ang sakit, honey.. Sobrang nasasaktan ako na ang babaeng hindi ko kayang mawala..." His voice broke. May tumulo nang luha sa kanyang mga mata na ikinadurog ng puso ko. "...kaya akong ipagtabuyan sa iba..." Napahigpit ang hawak niya sa singsing. Samantalang mas lalo naman nag umapaw ang luhang tumutulo mula sa aking mga mata. "I'm sorry..." Napatakip na lang ako sa mukha ko na punong-puno na nang luha. Gusto kong manatili siya sa 'kin pero palagi na lang sumasagi sa isipan ko si Zairus. Ang anak niya na naghahangad ng buong pamilya. At mangyayari lang 'yon kapag ipinagtulakan ko palayo sa 'kin ang lalaking mahal ko. Kahit na masakit... Gagawin ko pa rin kung anong tama. Kung anong nararapat para sa pamilyang meron siya. "I am really sorry..." Tinalikuran ko na siya. Humugot muna ako nang malalim na hininga bago ako naglakad palayo sa kanya nang maramdaman ko ang pagyakap niya sa aking likuran na mas lalong ikinabuhos ng mga luha ko. "L-Let me g--" "N-No, honey... Hindi ko magagawang bitiwan ka. Hindi ko kakayanin na makita kang naglalakad palayo sa 'kin... palayo sa buhay ko kasi ikakamatay ko..." Sinubsob niya ang kanyang mukha sa balikat ko. Muli na naman nabasa 'yon dahil sa mga luha niya na ako na naman ang dahilan. "B-Bitiwan--" "I-Ipaglaban mo naman ako, honey... Ipagkait mo naman ako sa iba... Huwag mo naman gawin sa 'kin 'to. Huwag mo naman iparamdam na wala akong halaga sa 'yo..." Inis kong inalis ang pagkakayakap niya sa 'kin at hinarap siya. "K-Kung alam mo lang, Marcus... Kung alam mo lang kung gaano ako katakot na mawala ka sa buhay ko... Kung alam mo lang kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon... Sobrang nasasaktan na ako sa sitwasyon nating dalawa. Ang sakit sakit na! Hindi ko na kinakaya pa... " Hinampas ko ang kanyang dibdib sa sakit na nararamdaman ko. Mas lalo pang bumahid sa kanyang mukha ang sakit na nararamdaman niya ngayon habang patuloy sa pagbuhos ang kanyang mga luha. "I'm sorry, honey... I am really sorry for hu--" "K-Kung pwede lang na angkinin ko si Zairus at maging ina niya, gagawin ko para lang manatili ka sa 'kin, pero hindi pwede... Hindi tayo pwede! Hindi ka pwedeng manatili sa 'kin hangga't may dalawa tao na naghihintay sa pagmamahal at kalinga mo..." Yayakapin niya sana ako pero umatras ako palayo sa kanya. "P-Please, don't do this to me... Don't say those words again. Nagmamakaawa ako... durog na durog na 'ko, honey.. Putangina ang sakit sakit na..." Lumuhod siya sa aking harapan at niyakap ako. Nakasubsob ang kanyang mukha sa tiyan ko habang nararamdaman kong namamasa ang aking damit nang dahil sa kaniyang mga luha. "M-Marcus... Bitaw!" Pilit ko siyang tinutulak palayo pero nagmatigas siya. Mariin kong ipinikit aking mga mata. "A-Ayokong bumitaw... pakiusap ayoko... Kasi sa oras na bumitaw ako.. Mawawala ka sa 'kin... Hindi ko kakayanin kapag nangyari 'yon. Mahal na mahal kita..." Mas lalong humigpit ang yakap niya sa 'kin. Napatakip na lang ako sa aking mukha. Ano ba ang dapat kong gawin? Gusto ko siyang manatili sa tabi ko pero bakit ko siya ipinagtutulukan palayo? Paano kung mapagod siya at tuluyan na nga siyang lumayo sa 'kin? Edi mas lalo akong masasaktan. "D-Do it again..." Natigilan siya sa sinabi ko. Inangat niya ang tingin sa 'kin habang namimilog ang kanyang mga mata. "W-Wha---" "Propose again..." Napaawang ang bibig niya sa sinabi ko. Pero nang ilang segundo ang lumipas ay sumilay na ang lubos na kasiyahan sa kanyang mukha. "Honey..." Hinawakan niya ang aking kamay. Hinalikan niya ang likuran ng palad ko kaya hindi ko mapigilan na mapangiti. Susugal ako kahit na anong mangyari kasi hindi ko talaga kakayanin na mawala siya sa buhay ko. Sobrang mahal ko siya. Mahal na mahal ko ang lalaking nasa harapan ko ngayon. "Will you ma--" Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita kasi siniil ko na siya ng halik. Pinalibot niya ang kanyang mga braso sa likuran ko para mas lalo pa akong mapalapit sa kanya. "Yes, bee.. I'll marry you.." I said between our kisses. Napahawak ako sa kanyang balikat habang pinagsasawa ang mga labi naming dalawa. "God, honey... Hindi mo alam kung gaano ako kasaya nang marinig ko ang salitang 'yon mula sa 'yo." Pinaglapat niya ang noo naming dalawa. "Ang saya ko, honey...Sobrang saya ko. Mahal na mahal kita..." Kinulong niya ako sa kanyang bisig. Halos mapunit na ang mga labi ko sa sobrang pag-ngiti. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon. Pero hindi ko mapigilan na makaramdam nang matakot, na baka sa isang iglap. Bawiin na naman ang ngiting nakaguhit sa mga labi naming dalawa. "Ang ganda..." Malapad ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang singsing na nilagay niya sa daliri ko. Saktong-sakto na para bang sinukat sa 'kin. Muli kong kinulong ang sarili ko sa kanyang bisig. "Parang ikaw, honey..." He whispered. Napahigpit ang yakap ko sa kanya. "I am really sorry, bee... Sorry kung ilang beses na 'kong sumuko, kung ilang beses na kitang ipinagtulakan palayo. Sorry kung nasasak---" "Kahit ilang beses mo pa 'kong sukuan, ipagtulakan, saktan.. Titiisin ko lahat... Hindi pa rin kita susukuan kasi mahal kita. Ayokong mawala ka sa buhay ko..." Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. "This is all my fault... kasalanan ko kung bakit ka nasasaktan.. Kung bakit palagi kang umiiyak. Fuck, I hate myself for hurting you... Sobrang gago ko!" Hinawakan ko ang kanyang kamay at marahan na pinisil. "Let's take a risk..." I smiled. Dinala ko ang kanan kong palad sa kanyang pisngi. Pinagmasdan ko ang gwapo niyang mukha. Pinunasan ko ang ilang luha na pumapatak mula sa kanyang mga mata. "Yes, honey... Let's go for it.. You and me forever. That's all we need..." Dinala niya ang palad ko sa kanyang mga labi at marahan na hinalikan. Nawala na ang sakit na nararamdaman ko kundi napalitan na ng sobrang kasiyahan. Kasiyahan na maaari na naman bawiin anumang oras. At natatakot ako na harapin kung ano na namang problema ang darating sa aming dalawa. "Ang sarap..." Sumilay naman ang ngisi sa mga labi niya kaya tinaasan ko siya ng isang kilay. Kasalukuyan na naming kinakain ang niluto niya. Hindi mapapagkaila na masarap talaga siyang magluto. Lalo na't ang niluto niya ay ang caldereta na paborito ko. "Mas masarap naman ang fiance mo..." Napaubo naman ako sa kanyang sinabi. Mabilis niya naman akong inabutan ng tubig. "Ang kapal ng muk--" "Do you want me to prove it?" Mas lalo siyang ngumisi. Namula naman ang mukha ko. Kalahayan alert! "No way!" Inis kong sinipa ang kanyang binti sa ilalim. Mahina siyang napadaing pero muling bumalik ang ngisi sa kanyang mga labi. "Simulan mo nang magligpit, honey..." Kumunot naman ang noo ko. "At bakit ako maglilipit na? Nakikita mo naman na hindi pa ako tapos kuma---" "Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa mga pagkain na 'yan." Pinaglaruan niya sa kanyang kamay ang tinidor na hawak niya. "Anong gagawin mo, ha?" Bigla siyang tumayo at lumapit sa pwesto ko. Napatingala tuloy ako para magtama ang tingin naming dalawa. Napadako ang tingin ko sa kalangitan na punong-puno ng bituwin na kay sarap pagmasdan. Lalo na ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Ang lalaking nagbibigay ng liwanag sa buhay ko. "Ikaw na ang papalit sa pagkain na nasa ibabaw ng mesa at kinakain ko." Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Huli na nang namalayan ko na hinawi niya ang mga pagkain na nasa ibabaw ng mesa. Nagpatakan 'yon sa damuhan na ikinagulat ko. Sobrang naghihinayang ako sa mga pagkain na nasayang. "Baliw ka bang gag--" Bigla niya na lang akong binuhat at iniupo sa ibabaw ng mesa. Nasa harapan ko siya habang nasa gitna siya ng mga hita ko. "Thank you, honey.. Thank you for staying with me..." Pinaglapat niya ang noo naming dalawa. Ipinalibot ko naman ang mga braso ko sa kanyang batok. "Mahal na mahal kita, Marcus... Sobrang mahal na mahal." Mas lalo pa siyang lumapit sa 'kin. "Oh God, honey. You have no idea how much I love you... Sinakop mo ang buong puso ko kaya hindi ko hahayaan na mawala ka sa 'kin..." Hinaplos niya ang aking buhok. "I love you my future wife..." "Mahal din ki--" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko kasi siniil na niya ako ng halik. Naramdaman ko naman ang paggapang ng kamay niya sa hita ko kaya napahigpit ang hawak ko sa kanya. "Honey..." He said between our kisses. "Hmm?" Patuloy pa rin siya sa pag-angkin sa mga labi ko na kahit kailan ay hindi ko pagsasawaan. "Are you pregnant?" Napahiwalay ako sa sinabi niya habang namimilog ang aking mga mata. Maging siya ay nagulat sa naging reaksyon ko. Mula sa hita ko, dumapo ang palad niya sa tiyan ko at marahan na hinaplos 'yon na para bang mayroon nang nabubuhay sa loob. "No way! I'm taking pills." Napaawang ang bibig niya sa sinabi ko. Iimik pa sana siya pero hindi ko na siya hinayaan pa na umimik kasi muli kong inangkin ang kanyang mga labi. Namalayan ko na lang na nakahiga na kami sa kama. Mahimbing na siyang natutulog sa tabi ko kaya malaya ko siyang napagmasdan. "I love you..." Hinaplos ko ang kanyang buhok. Hindi ko mapigilan na mapangiti habang pinagmamasdan siya. Muli kong pinagmasdan ang singsing na nasa daliri ko. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko sa oras na 'to. Bumangon ako ng kama at nagtungo ng C.R para maligo. Napailing na lang ako nang makita na ang daming pula sa iba't ibang parte ng katawan ko. Lalo na sa aking dibdib. Nang matapos ako, lumabas ako na tanging robe lang ang nakabalot sa aking katawan. Umupo ako sa harapan ng salamin at sinuklay ang mahaba kong buhok. Narinig ko na tumutunog ang kanyang phone na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Mabilis akong lumapit doon para tingnan kung sino ang tumatawag. Natigilan ako nang makita na si Stella ang tumatawag. Pakiramdam ko ay kumirot ang dibdib ko nang makita ang pangalan na 'yon. Sobrang napalapit na rin sa 'kin si Stella. Tinurin ko na rin siyang isang tunay na kapatid. Pero hindi ko mapigilan na magselos sa kanya na hindi ko naman dapat maramdaman. Mahal ako ni Mask, mahal na mahal niya ako. Pero paano kung si Zairus na ang humiling sa kanya na pakasalan nito ang Mommy niya? Ako pa rin ba ang pipiliin niya? "M-Marcus..." I heard her crying. Parang may kumirot naman sa puso ko. "Palagi na lang umiiyak si Zairus kasi hinahanap ka niya. Wala na akong ibang maisip pa na dahilan para lang tumigil siya sa pag-iyak. Iniisip niya na hindi mo siya mahal..." Napahigpit ang hawak ko sa phone. Alam kong nahihirapan na rin si Stella sa sitwasyon nila. Gumagawa siya ng paraan para lang magkasama kami ni Marcus kahit na nasasaktan siya. "And about our marriage.." Mas lalo pang lumakas ang kanyang paghikbi. "Gagawin ko ang lahat huwag lang matuloy ang kasal nating dalawa. Kung kinakailangan na magpabangga ako sa araw na 'yon. Gagawin ko talaga huwag lang kayong magkalayo ni Gianna. I am really sorry, Marcus, sorry kung naghihirap kayo nang dahil lang sa aming mag-ina..." Her voice broke. Tinakpan ko ang aking bibig kasi hindi ko na napigilan na maluha. Bakit ganito? Bakit kailangan naming maghirap nang ganito? Kung hindi lang sana ako dumating sa buhay nila. Hindi na sana mahihirapan pa si Stella nang dahil lang sa 'kin. "I am scared, Marcus... Sobrang natatakot ako sa kayang gawin ni Dad sa oras na hindi ka sumipot sa araw ng kasal nating dalawa..." Napaupo na lang ako sa gilid ng kama habang hindi ko alam kung anong magiging reaksyon sa sinabi niya. "H-Hindi siya magdalawang isip na ipakulong ka... Natatakot ako na mangyari ang bagay na 'yon.. Hindi ko kayang pigilan si Dad sa gagawin niya. Maging ako napapagbuhatan niya ng kamay.. He is a monster..." Napahigpit ang hawak ko sa phone. Nilingon ko si Mask na ngayon ay ang himbing pa rin nang tulog. Masaya pa kami kanina. Pero bakit lumuluha na naman ako? Bakit palagi na lang ganito? "S-Stella..." my voice broke. Narinig kong napasinghap siya nang marinig ang boses ko. "G-Gianna... I'm sorry, I am really sorry. Ginawa naman namin ang lahat pero sobrang hirap talagang kalabanin si Dad. Maging si Zairus ay ginagamit niya laban kay Marcus.. Para pumayag 'to na magpakasal sa 'kin... Hindi ko na alam ang gaga--" "I have a plan..." Napahigpit ang hawak ko sa bedsheet habang sinasabi sa kanya kung ano ang planong nasa isip ko. "What? Are you serious?!" I bit my lower lip. "Y-Yes..." "No! Hindi ako pumapa--" "Please, Stella. Gawin mo na lang ang gusto ko. Trust me..." I heard her sighed. "P-Pero, Gia---" "Take care, Stella.. Thank you..." Pinatay ko na ang tawag. Muli kong nilingon si Mask at mapait akong napangiti. Tumabi ako sa kanya at niyakap siya. Nang maramdaman niya ang braso ko, kinulong niya naman ako sa kanyang bisig. "Patawad, Marcus.. Sana mapatawad mo pa 'ko sa gagawin ko..." Tinakpan ko ang bibig ko para hindi niya marinig ang aking paghikbi. Ayokong malaman niya na umiiyak ako. Ayokong masaktan na naman siya nang dahil sa 'kin. -- "Oh my ghad!" Lalapitan ko pa sana si Mask nang pigilan ako ni Papa. Pilit naman akong nagwawala sa kanyang hawak habang nakamasid sa lalaking mahal ko na ngayon ay pilit na tumatayo dahil sa lakas ng suntok sa kanya ni Papa. "B-Bitiwan mo 'ko, Pap--" "Simula ngayon, hindi na 'ko pumapayag na lapitan ka pa ng lalaking 'yan!" Natigilan ako sa sinabi niya. Nakikita ko ang galit sa kanyang mukha habang patuloy lang sa pagbuhos ang mga luha ko. Nandito na kami ngayon sa hacienda ni Lolo at hindi namin inaasahan ay sasalubungin kami ni Dad. "M-Mahal ko si---" "Ikakasal na siya sa ibang babae! Hindi ko hahayaan na maging miserable ang buhay mo habang kasama siya." Napailing ako sa sinabi ni Papa. Nang makawala ako sa kanyang hawak, mabilis ko namang dinaluhan si Marcus at sinalubong siya ng yakap. "U-Umali--" "N-No... Hindi ako aalis hangga't hindi ko napapatunayan kay Dad na kaya kitang ipaglaban. Kahit sino pa ang makaharap ko, kahit si Duterte pa... Hindi ako matatakot na ipaglaban ka..." Hinaplos niya ang magkabila kong pisngi at sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Kumirot naman ang puso ko nang makita ang dugo sa gilid ng kanyang mga labi dahil sa lakas ng suntok sa kanya ni Papa. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil. Nang bumitaw na siya, naglakad siya papalapit kay Papa at lumuhod sa harapan nito. Lumapit naman sa 'kin si Gennica at niyakap ako. "N-Nandito lang ako, Ate..." Umiyak ako sa balikat niya. Pagod na pagod na akong umiyak. Pagod na pagod na ako sa lahat. Ayoko na... "Y-Yes, Dad. I am engaged... I am engaged with someone I don't love... Gagawin ko ang lahat para lang hindi matuloy ang kasal na 'yon. Mahal na mahal ko po ang anak niyo. Nangangako po ako na ang anak niyo ang babaeng dadalhin ko sa harapan ng altar at hindi ibang babae. Kundi si Gianna lang na prinsesa niyo. I know, sobra na ang sakit na nadala ko sa kanya pero gagawin ko ang lahat para lang mapawi ang lahat nang 'yon." His voice broke. "Umalis ka sa harapan ko! Baka makalimutan ko na anak ka ng kaibigan ko!" Napahampas na lang ako sa aking dibdib sa sakit na nararamdaman ko. Lalo na sa nasasaksihan ko ngayon. Nakayakap na si Mask sa mga binti ni Papa para lang magmakaawa. "P-Please, Dad... Let me marry you--" "You can't marry her! Hindi ako papayag na magpakasal kayong dalawa!" Nagulat ako nang itulak ni Dad si Mask kaya napahiga 'to sa damuhan. "Marcus!" Lalapitan ko na sana sila pero pinigilan ako ni Gennica. Wala akong ginawa kundi ang pagmasdan ang lalaking panay na ang pagbuhos ng mga luha. "Stay away from my daughter!" Hindi ko namalayan na nakalapit na sa 'kin si Papa at hinila na ako papasok sa loob ng mansyon. Pilit akong nagwawala para balikan si Mask pero hindi niya ako hinayaan. "I hate you! I really hate you!" Panay ang hampas ko kay Papa nang bigla niya akong salubungin ng yakap. Pilit naman akong nagwawala sa bisig niya. "Ayoko lang na masak---" "Why? Dahil ba ayaw mong maranasan ko ang naranasan ni Mama nung ipinagpalit mo siya sa ibang babae? Ganun ba, ha? Ayaw mo akong matu--" He slapped me. Napahawak naman ako sa pisngi ko habang gulat na nakatingin sa kanya. Maging siya ay hindi makapaniwala na nagawa niyang pagbuhatan ako ng kamay. "Frederick! Anong karapatan mong saktan ang apo?!" Lumapit na sa amin si Lolo at humarang siya sa harapan ko. "I'm sorry, anak. I am rea--" "I hate you, Dad! I really hate you!" biglang sabi ni Gennica. Namuo na ang luha sa mga mata ni Papa habang nakatingin kay Gennica na ang sama na ng tingin sa kanya. Hinila ako ni Gennica papunta sa kwarto ko na hanggang ngayon ay tulala pa rin. "A-Ate...." Niyakap niya ako na ngayon ay lumuluha na rin. Hindi ako nasaktan sa sampal ni Papa. Nagulat lang ako na nagawa niya akong pagbuhatan ng kamay. "B-Bakit nangyayari sa 'kin 'to? Ano bang kasalanan ko?" Hinampas ko ang aking dibdib na mabilis naman napigilan ni Gennica. Iniupo niya ako sa gilid ng kama at hinawakan ang aking kamay. "A-Alam kong hindi 'to ang tamang oras para malaman mo pero..." Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi. Naramdaman ko rin ang pagpisil niya sa kamay ko. "A-Anong ibig mong sabihin? Problema na naman? Putangina! Pagod na pagod na 'ko!" Napayuko siya sa sinabi ko habang patuloy lang kaming dalawa sa paghikbi. "K-Kailangan na niya tayo, ate.. Kailangan na tayo ni Mom..." Napahigpit ang hawak ko sa kamay niya at napatingin sa malaking krus na nasa loob ng silid. "Ano pa? Ano pa ang gusto mong idagdag na problema? Kaya ko pa! Putangina kaya ko pa naman!" Alam kong mali na sisihin siya pero bakit ganito? Bakit kailangang kami pa? Bakit niya kami sinasaktan nang ganito? Anong nagawa kong kasalanan?! "S-Sasamahan natin siyang lumaban. Pupunta tayo ng States..." Pagod na pagod na ako... Chapter 55 [Accidentally Kissed With A PL...] Chapter 55 I couldn't help but smile while staring at my engagement ring. Itinaas ko pa ang palad ko habang nakatanaw sa kalangitan. Hanggang sa unti-unti nang tumulo ang luha mula sa aking mga mata. Napahawak ako sa aking dibdib na kumikirot na naman sa sakit. Pakiramdam ko ay hindi na mawawala pa ang sakit na nakaukit sa puso ko. Lalo na sa desisyong gagawin ko. Desisyong lubos kong pagsisihan at pagdurusahan. "Honey..." Lilingunin ko pa sana siya nang maramdaman ko na lang ang kanyang yakap mula sa aking likuran. Napahawak naman ako sa kanyang kamay nasa tiyan ko. Pinagmasdan ko ang magandang tanawin na nasa harapan namin ngayon. Sobrang asul ng karagatan at napakasarap pakinggan ang bawat pag-alon ng tubig. Idagdag pa na sobrang sarap ng simoy ng hangin. "You like it here?" Humigpit ang yakap niya mula sa aking likuran. Naramdaman ko ang marahan na paglapat ng kanyang mga labi sa leeg ko. Napailing na lang ako kasi kahit kailan talaga ay ang hilig niyang puntiryahin ang parteng 'yon. "Sobra, bee.. Thank you for bringing me here..." Humiwalay na siya ng yakap mula sa aking likuran. Pumunta siya sa gilid at inakbayan ako habang sabay naming tinanaw ang malawak na karagatan. "I like the view, honey, but I love you more..." Hinalikan niya ang tuktok ng aking noo na sobrang ikinangiti ko. Ipinalibot ko naman ang braso ko sa kanyang bewang para mas mapalapit siya sa 'kin. Bigla na lang niya akong tinangay at dinala sa beach sa Batangas. Mabuti na lang talaga na nagka-ayos na sila ni Papa. Isang buwan na ang nakalipas nang mangyari 'yon. Naintindihan ko naman kung bakit ganun na lang ang reaksyon nito. Ayaw niya lang na masaktan ako. Pero nangako si Mask na gagawa siya ng paraan para hindi matuloy ang kasal nilang dalawa ni Stella. Alam na rin ni Papa na engaged na kami. Hindi ko akalain na susuportahan niya kaming dalawa lalo na't napakabata pa namin para magpakasal. Wala naman daw masama kasi ang iba ay nagpapakasal na rin ng maaga nang dahil sa arrange marriage. Nangako kami na ipagpapatuloy pa rin namin ang aming pag-aaral. "Hey, big boy..." Kasalukuyan na akong naghahanda ng hapunan namin. Panay ang sulyap ko kay Mask habang kausap niya sa kabilang linya si Zairus. Kahit na hindi naka on ang speaker. Naririnig ko ang malakas na tawa ni Zairus kasi kausap nito ang kanyang ama. Mukhang nasasanay na rin si Zairus na palaging wala sa tabi niya ang kanyang ama. Pero syempre minsan ay pinagtatabuyan ko si Mask para lang mabigyan niya ng oras ang kanyang anak. Hindi naman ako maramot para ibigay 'yon. Nagkakausap naman kami ni Stella tungkol sa naisip kong plano. Alam kong labag sa kanya ang naisip kong plano pero wala siyang magagawa kundi ang gawin. Para sa ama ng anak niya. "Love ka rin ni Daddy..." Nilingon na 'ko ni Mask matapos ang tawagan nila ni Zairus. Tinaasan ko siya ng isang kilay at nginuso ang inihain kong mga pagkain. "Kain na tayo?" He smirked. "Sige, honey.. Magkaina---" "Ewan ko sa 'yo!" Binato ko siya ng sandok na mabilis niya namang naiwasan. Humalakhak ang loko kaya pinandilatan ko siya ng tingin. Matapos ang pagtawa niya. Umupo na siya sa upuan na kaharap ko at sinimulan nang kumain. Syempre nakailang bulos siya ng kanin kasi nasarapan siya sa niluto ko. Siya pa ang nag-presinta na maghugas ng pinagkainan namin. Naisipan ko na lang na tumambay sa balcony habang tinatanaw ang malawak na karagatan. "Honey..." Muli ko na naman naramdaman ang pagyakap niya mula sa aking likuran. "Yes, bee?" "Isang linggo na lang, honey... Isang linggo na lang ay ganap ka nang isang Samaniego." He kissed my shoulder. "You're going to be my wife..." Mariin akong pumikit habang dinarama ang sariwang simoy ng hangin. "Are you excited?" Humarap ako sa kanya at ipinalibot ang mga braso ko sa kanyang batok. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nakikita ko ngayon mula sa kanyang mukha. "Of course, honey.. Hindi na ako makapaghintay pa na makasama ko sa harapan ng altar ang babaeng mahal ko." He help my chin up and looked straight into my eyes. "Ang babaeng pinangakuan ko na papakasalan ko." Napangiti ako sa kanyang sinabi. "How about Mr. Smith? Hindi ka ba natata--" "Don't mind that damn old man. Hindi ako papayag na makialam siya sa araw ng kasal natin..." Nakita ko sa kanyang mukha ang galit. Niyakap ko siya para naman mawala ang galit na nararamdaman niya. Mahigpit niya naman akong ikinulong sa kanyang bisig. "May problema ba, honey?" Natigilan ako sa tanong niya. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya. "Problema? Wala naman akong problema, bee, sobrang na-e-excite lang ako sa araw ng kasal natin.. Hindi na 'ko mapaghintay pa na makasama ka sa harapan ng altar at sabihin sa harapan ng Diyos ang salitang 'I do' at ang sumpaan nating dalawa." Humiwalay siya ng yakap at hinawakan ang kanan kong pisngi. "God, honey.. Hindi mo alam kung gaanong kasiyahan ang naramdaman ko simula nung dumating ka sa buhay ko..." Pinaglapat niya ang noo naming dalawa. "Ikaw ang babaeng biyaya ni lord para mahalin ko at alagaan..." Naramdaman ko ang pamumuo ng luha mula sa aking mga mata sa nararamdaman na kasiyahan. Wala na akong mahihiling pa kasi dumating na sa buhay ko ang lalaking ipinaparamdam sa 'kin kung ano ang tunay na pagmamahal. "May I have dance with my fiance?" Lumuhod siya sa harapan ko habang magkapako lang ang tingin naming dalawa. Tinanggap ko ang kanyang kamay. Tumayo na muli siya at inilagay ang mainit niyang mga palad sa bewang ko. Ipinalibot ko naman ang mga braso ko sa kanyang batok. Marahan kaming sumayaw kahit na walang tugtog kundi ang lakas ng kabog ng puso naming dalawa. Isabay pa ang lakas ng alon ng karagatan at huni ng mga ibon. "Ang ganda ng tanawin ko..." Inilagay niya ang ilang hibla ng buhok ko sa likuran ng aking tainga. Hindi na mapawi ang ngiti sa mga labi ko ngayon. "Nakakahalata na 'ko..." Itinaas niya ang isang kilay niya. "What do you mean, honey?" "Bawat araw mas ay lalo kang nagiging sweet. Baka mamaya ay may ginagawa ka nang kalo--" "No way, honey! I can be sweet, gentleman, caring... and of course, mahalay all the time." Mas lalo niya akong hinapit papalapit sa kanya habang may ngisi pa rin sa kanyang mga labi. "Inaanto--" "No way, honey.. Tatakasan mo lang ako." Umarte pa 'ko na humihikab pero mukhang hindi ko siya napaniwala kasi mas lalo pa siyang ngumisi. "Gutom na 'k---" "Kakatapos lang natin kumain, honey..." Napalunok naman ako nang ilapit na niya ang kanyang mukha sa 'kin. Kaunting galaw ko lang ay siguradong maglalapat na ang mga labi naming dalawa. Ipinikit ko ang aking mga mata habang hinihintay ang kanyang mga labi pero nabigo lang ako kasi sa noo niya ako dinampian ng halik. Bigla naman akong napasimangot habang mas lalo siyang napangisi sa naging reaksyon ko. "Let's eat?" Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Huh? 'Di ba kumain na ta--" Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin nang angkinin na niya ang mga labi ko. Iniupo niya ako sa bubog na mesa na malapit sa 'min habang gumaganti na ako ng halik sa kanya. Parehong habol namin ang aming hininga nang magkahiwalay ang mga labi namin. "You know what, honey?" Marahan niyang hinaplos ang aking buhok. Nanatili pa rin siyang nasa pagitan ng mga hita ko. "What?" "Your boobs are getting bigg-- Fuck!" Bigla ko na lang siya itinulak ng malakas kaya natumba siya sa sahig. Pinaningkitan ko pa siya ng tingin dahil sa kahalayan niya. "Mahalay kang gago ka!" Nilayasan ko na siya sa lugar na 'yon sa inis na nararamdaman. Sobrang ganda na ng moment naming dalawa tapos gagana na naman ang kahalayan niya. "Honey..." Hinawakan niya ang braso ko kaya inis ko siyang nilingon. "Ano?!" "Are you mad?" Ngumisi ang loko. Alam kong inaasar niya lang ako. "Ano sa tingin mo?!" Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko. Hindi na maipinta pa ang mukha ko kasi naiinis talaga ako sa kanya. "Kulang ka lang sa hali--" "Bahala ka na nga! Matutulog na 'ko!" Tinalikuran ko na siya pero muli niyang hinawakan ang braso ko. Muli ko na naman siyang hinarap. "Ano na naman?!" He licked his lower lip while staring at me. Mas lalo tuloy namula ang kanyang mga labi. Sarap halikan! "Kapag naikasal na tayo, honey. Araw-araw tayong mag sese-- Oh fuck!" Hindi ko na siya pinatapos na magsalita pa kasi binato ko siya ng tsinelas. Sapol sa kanyang noo na sa tingin ko ay mamumula dahil sa lakas ng pagbato ko. "Hindi ka makakatabi sa 'kin ngayong gabi!" Mukhang na-alarma naman siya sa sinabi ko. "Honey, self study ang tinutukoy ko. Hindi sex, pero pwede rin naman ar--" "Diyan ka sa sofa matulog na mahalay ka!" Sinarado ko na ang pinto ng room habang panay naman ang kanyang katok mula sa labas. "Honey, huwag naman ganito. Ayokong kagatin ng mga lamok dito, ikaw lang ang pwedeng kumag--" "Bahala ka sa buhay mo!" Inis kong sinipa ang pintuan. Panay pa rin siya sa pagkatok. "Ikaw ang buhay ko, honey... Sorry na. Bati na tayo." Mariin kong ipinikit aking mga mata habang nakahawak sa sentido ko. Kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya. Wala na rin akong nagawa pa kundi ang pagbuksan siya ng pinto. Sinalubong niya naman ako ng yakap. "Bati na tayo, honey?" Hinaplos niya ang aking buhok. Hindi ko naman mapigilan na mapangiti kasi gumana na naman ang karupukan ko. "Yes, bati na tayo..." Mas lalong lumapad ang ngiti niya sa sinabi ko. Humiga na kami sa kama habang nakakulong ako sa kanyang bisig. Nakaunan din ang ulo ko sa braso niya. Nakapikit na ang kanyang mga mata kaya malaya ko siyang napagmasdan. Hindi ko na naman napigilan ang luha na pumatak mula sa aking mga mata. Mapait akong napangiti habang hinahaplos ang kanyang mukha. "Mahal kita..." I whispered. "Mahal na mahal kita, Marcus..." Nilapit ko ang aking mukha sa kanyang dibdib. Humigpit naman ang yakap niya sa 'kin. "Are you going to leave me?" Natigilan ako sa sinabi niya. Humigpit naman ang yakap ko sa kanya. "Baliw ka ba, ha? Bakit naman kita iiwan? Ikakasal pa tayong dalawa." I chuckled. Hinarap ko na siya. Nagtama naman ang tingin naming dalawa. Nakikita ko sa kanyang mukha ang lubos na takot kaya nanikip ang dibdib ko. "I will never leave you, bee..." Hinalikan niya ang noo ko. Sumilay na ang ngiti sa kanyang mga labi kaya kahit papaano ay gumaan na ang loob ko. "Promise me, honey.. Mangako ka na hindi ka na ulit magtatangka na iwanan ako." Mas lumapit pa ako sa kanya at dinampian ng halik ang kanyang mga labi. "I promise..." I whispered. Lalayo pa sana ako nang hawakan niya ang batok ko. Muli niyang inangkin ang mga labi ko na hindi ko naman magawang tanggihan. Matapos nun, dumapo naman ang kanyang halik sa noo ko at muli akong ikinulong sa bisig niya. "Manatili ka lang sa tabi ko, honey, kasi ikaw ang buhay ko..." Muli niyang dinampian ng halik ang noo ko habang nakapikit na ang aking mga mata. "Ang mundo ko..." muli niyang saad. Napangiti ako sa sinabi niya. Mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap sa lalaking naging mundo ko. Sa lalaking mahal na mahal ko. - "Sigurado ka na ba sa gagawin mo?" Hinarang ako ni Gennica habang nababakas ang sobrang pag-aalala sa kanyang mukha. Pinilit kong ngumiti sa kanyang harapan para huwag na siyang mag-alala pa. "Y-Yes, please respect my decision..." Lalampasan ko na sana siya nang hawakan niya ang braso ko. "A-Ate, nam--" "Don't worry, okay lang ako..." Hinawakan ko ang kanyang pisngi habang may ngiti pa rin sa mga labi ko. Ngiting pinipilit kong gawin para lang huwag siyang mag-alala sa 'kin. "See you..." Hinalikan ko siya sa kanyang pisngi. Nilingon ko naman si Lolo na ngayon ay nakikita rin sa mukha ang sobrang pag-aalala. Tinanguhan ko lang si Lolo bago ko sila tuluyan na tinalikuran. Hindi na ako nagpahatid pa sa driver ni Lolo kasi mas ginusto ko na lang na sumakay ng taxi. "Manong, pakibilisan naman po." Hindi na ako mapakali kasi sobrang bagal na magmaneho ni Manong. Panay pa ang sulyap ko sa aking wristwatch para tingnan ang oras kasi baka mahuli ako. "Huwag kang mag-alala, hija. Makakarating tayo sa oras ng kasal." Kahit na sinabi niya 'yon. Hindi ko pa rin talaga mapigilan na hindi mapakali. Narinig kong tumunog ang aking phone. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang makita na si Mask 'yon. Nanikip ang dibdib ko habang namumuo na rin ang luha mula sa aking mga mata. "B-Bee..." I bit my lower lip to hold back my tears. "I can't wait to see you wearing your wedding dress, honey." Napatakip na lang ako sa aking bibig para hindi niya marinig ang paghikbi ko. "I'm so excited to see you, bee... Excited na akong maikasal sa 'yo ngayon." Hindi ko namalayan na lumuwag na pala ang hawak ko sa phone kaya nagpatak 'yon sa ibaba. Hindi na ako nag-abalang pulutin pa kasi panay na ang pagbuhos ng mga luha ko. "Tissue, hija..." Tinanggap ko naman ang tissue na inabot ni Manong at pinunasan ang mga luha ko na wala pa rin tigil sa pagtulo. Panay na rin ang sulyap sa 'kin ni Manong na nababakas sa mukha ang pag-aalala. Sana lang, sana mapatawad niya pa ako sa gagawin kong desisyon. "Nandito na tayo, hija... Kung anuman ang dinaramdaman mo ngayon. Malalampasan mo rin 'yan. Magtiwala ka lang sa Panginoon." "S-Salamat po.." Binigyan ko siya ng tipid na ngiti bago ko tinanaw ang simbahan. Sakto naman na dumating ang puting sasakyan na kung saan makikita ang bulaklak sa unahan. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras na lapitan ang puting sasakyan na 'yon. Pumasok ako sa loob at sumalubong sa 'kin ang nag-aalalang mukha ni Stella. Kasama niya si Zairus na ngayon ay nababakas sa mukha ang pagka-excite kasi ikakasal na ang magulang niya. She was a wearing wedding dress. 'Yon ang dapat na suot ko ngayon pero ipinaubaya ko na sa kanya ang lahat. Kahit pa ang lalaking mahal ko. Kahit na masakit para sa 'kin. Kailangan kong magsakripisyo. "G-Gianna..." Sinalubong ko siya ng yakap at hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na umiyak sa kanyang bisig. "Manong, ipasyal niyo po muna si Zairus..." "Sige po, Ma'am." Binuksan ni Manong ang pintuan ng sasakyan para makalabas si Zairus. Nang wala na 'to ay muli kong binalingan ng tingin si Stella. "Y-Your hair..." Tipid akong napangiti habang kinakapa ang maikli kong buhok na hindi lumampas sa balikat ko. Yes, I cut my hair. "S-Stella..." Hinawakan ko ang dalawang kamay niya at marahan na pinisil. "P-Please, take care of him. Ikaw na ang bahala sa lalaking mahal ko... Alam kong hindi niya ako mapapatawad sa gagawin ko ngayon..." Maging siya ay umiiyak na rin. Parang sinasaksak ang puso ko ngayon sa sakit na nararamdaman ko. "A-Ayoko siyang makulong kaya kahit masakit, kahit hindi ko kakayanin na mawala siya sa tabi ko... Magpaparaya ako para sa inyong mag-ina..." Umiling si Stella at hinawakan ang aking kamay. "D-Don't do this, Gianna... Mahal na mahal ka niya. Ikaw dapat ang may suot nito, hindi ako. Ngayon ang araw ng kasa---" "N-Nagmamakaawa ako... Pakasalan mo siya.. Ikaw ang humarap sa altar kasama siya kasi ikaw ang babaeng nararapat na maikasal sa kanya..." Hinawakan ko ang kanan niyang pisngi at tumitig sa kanyang mga mata. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luha ko. "I-Ipinapaubaya ko na siya sa 'yo, Stella. Mabubuo na rin sa wakas ang pamilya niyo." I tried to smile. Panay pa rin sa pagbuhos ang mga luha ko kasi sobrang nasasaktan ako. Wala na akong maisip pa na ibang plano kundi ang iparaya ang lalaking mahal ko sa kanya kahit na ikadudurog ng puso ko. "N-No, Gianna... Let's go, magpapalit ta--" "I'm going to states..." Natigilan siya sa sinabi ko. "G-Gian---" "P-Please, Stella.. Isipin mo ang anak niyo. Mas matutuwa siya kapag nabuo kayong pamilya. Kailangan nito ang ama niya sa kanyang tabi." Napapailing siya sa sinabi ko habang patuloy pa rin sa pagbuhos ang kanyang mga luha. Kahit na nanginginig ang kamay ko. Pinilit ko pa rin na alisin sa daliri ko ang singsing. Ang singsing na nagsisimbolo ng wagas na pagmamahal ng lalaking mahal ko na sasayangin ko lang. Hindi ko 'to gusto pero wala na akong magagawa pa. "I-Ikaw dapat ang nagmamay-ari niyan, Stella... Hindi ako..." Nilagay ko 'yon sa kanyang palad habang mas lalo pang nag-umapaw ang luhang tumutulo mula sa aking mga mata. "L-Lumaban ka, Gianna. Pakiu--" "N-Naghihintay na siya sa 'yo, naghihintay na ang lalaking mahal ko sa pagdating mo sa harapan ng altar..." Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat at tumitig sa kanya. Pinunasan ko ang luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata. "I-Ikaw na ang bahala sa mundo ko, ha?" I tried to smile. "Mahal na mahal ko 'yon..." my voice broke. "G-Gi---" Hindi ko na siya hinintay pa na umimik kasi lumabas na ako ng sasakyan. Kahit na nanghihina ang mga tuhod ko ay dumiretso pa rin ako sa C.R. para roon ibuhos ang mga luha ko. Hindi ko kayang lumaban.. Hindi ko siya kayang ipaglaban. Ang tanging alam ko lang ay ang magparaya. Kahit na alam kong kakamuhian niya ako kasi nangako ako. Nangako ako na hindi ko siya iiwanan kahit na anong mangyari. Narinig ko ang pagtunog ng kampana. Sinuot ko ang dala kong mask at sunglasses kasi balak kong panoorin ang lalaking mahal ko na maikasal sa babaeng nararapat sa kanya. Kahit na masasaktan lang ako. "I love you my wife..." Napahigpit ang hawak ko sa aking phone nang mabasa 'yon. Muli akong tumingin sa harapan ng altar kung saan nandoon na ang lalaking mahal ko. Kasama niya si Tito kaya mas lalo ko pang tinakpan ang aking mukha para hindi nila ako makilala. Napansin ko ang gulat sa mukha ni Mask nang makita ang ilang pamilya ni Stella. Pero mabilis din napawi ang gulat sa kanyang mukha at napalitan ng kasiyahan. Hindi ko magawa maalis ang titig sa lalaking mahal ko na ngayon ay nababakas sa mukha ang lubos na kasiyahan. Ang kasiyahan na mapapawi anumang oras. He was wearing a white tuxedo. Napaka-gwapo niya sa suot niya na para bang isa siyang Prinsipe. Tumingin ako sa harapan ng altar. Mapait akong napangiti habang bumubuhos ang mga luha ko. Lahat nang pangakong binitiwan ko sa lalaking mahal ko, hindi ko na magagawa pang tuparin kasi mahina ako. Mahina akong tao para magawa siyang ipaglaban. Nagsidatingan na ang mga abay na mas lalo pang ikinagulat ni Mask kasi halos pamilya ni Stella ang dumarating. "Gianna..." Natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Josh. Nanatili lang ang tingin ko sa unahan kasi hindi ko siya kayang harapin. "Sana maging masaya ka sa ginawa mong desisyon..." Natigilan ako sa sinabi niya. Nilingon ko siya pero naglalakad na siya palayo sa 'kin. Mapait akong napangiti. Hindi ako masaya... Parang pinapatay ang puso ko sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Nagsimula nang maglakad ang mga abay sa unahan. Nanatili naman akong nasa pinakalikod para hindi ako makita ni Mask. Kasi alam ko na kahit maikli na ang aking buhok ay magagawa niya pa rin akong makilala. Mas lalong bumakas ang gulat sa mukha nito nang makita ang anak niya na naglalakad papunta sa harapan ng altar. Sa halip na lumiko si Zairus para makaupo. Dumiretso siya kay Marcus at sinalubong 'to ng yakap. Napangiti naman 'to dahil sa ginawa ng kanyang anak. Siguro tama nga ang desisyon ko. Tamang ipaubaya ang lalaking mahal ko sa pamilyang nararapat sa kanya. Napalingon sa lugar ko si Stella. Kahit na natatakpan ng veil ang kanyang mukha. Nakikita ko sa kanya ang sobrang pag-aalala habang nakatingin sa 'kin. Tanging pag-tango lang ang ibinigay ko sa kanya para ipakitang okay lang ako. Nagsimula nang tumugtog ang kantang Beautiful in white. Marahan na naglalakad si Stella papunta sa harapan ng altar. Parang sinasaksak ang puso ko habang nakamasid sa kanya. Kailangan kong panindigan ang desisyon ko kahit na masakit. Pagdating ni Stella sa harapan ng altar ay sakto namang dating ni Mr. Smith na wala man lang bahid na kasiyahan ang makikita sa kanyang mukha. Pakiramdam ko ay nanginig ang mga tuhod ko habang nakamasid sa kanya. Alam kong nagdududa na si Mask kasi itinaas niya ang belo ni Stella. Namilog ang kanyang mga mata nang makitang hindi ako ang babaeng kasama niya sa harapan ng altar. Nakita ko ang pagkuyom ng mga palad niya kaya mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko. Akmang aalis na 'to nang pigilan siya ni Stella. "Bitiwan mo 'ko! Hinding-hindi ako magpapakasal sa 'yo!" Marahas na inalis ni Mask ang pagkakahawak sa kanya ni Stella kaya muntikan na 'tong matumba kung hindi lang napigilan ni Tito. Akmang aalis na si Mask nang marinig niya ang boses ng kanyang anak na nakapagpatigil sa kanya. "I hate you, Dad. I really hate you for hurting my mom!" Nilapitan na ni Zairus si Stella na ngayon ay walang tigil na rin sa pagluha. Akmang lilingunin niya 'to nang mapatingin siya sa direksyon ko. Mahina akong napamura. Kahit na balot ang mukha ko ay alam kong nakikilala niya pa rin ako. Mabilis akong tumakbo palabas ng simbahan para hindi niya ako maabutan. Ngunit kahit anong bilis pa ang takbo ko ay nagawa niya pa rin akong abutan. "B-Bitiw--" "B-Bakit ganito na naman, honey?! Bakit sinasaktan mo na naman ako?! Fuck, ngayon ang araw ng kasal natin pero bakit ibang babae ang kasama ko sa harapan ng altar?! Tangina! Hindi ka ba nagsasawang saktan at paasahin ako sa mga pangako mo?! Kasi putangina, ang sakit sakit na... Unti-unti mo 'kong pinapatay..." Napaluhod na siya sa harapan ko habang patuloy lang sa pagbuhos ang kanyang mga luha. Panay na rin ang paghampas niya sa kanyang dibdib. Hindi na ako makahinga pa sa sakit na nararamdaman ko sa oras na 'to. "I'm sorry, Marcus. I am really sorry pero hindi ko magagawang magpakas--" "T-Tangina! Ganoon ba kahirap na manatili sa 'kin, ha?! Ganoon ba kahirap na ipaglaban ako?! Bakit, honey?! Bakit hindi mo magawang sumugal sa relasyon na 'to?! Bakit?! Fuck!" "I'm sorr--" "Putanginang sorry na 'yan! Hindi 'yan ang kailangan ko! Ikaw, honey.. Ikaw ang kailangan ko pero bakit ipinamimigay mo na naman ako sa iba?! Anong tingin mo sa 'kin isang laruan na walang pakiramdam, ha?! Kasi tangina! Masyado mo nang dinudurog ang puso ko..." His voice broke. "M-Meron ba akong halaga sa 'yo? No.. Mahal mo ba talaga ako?" Inalis ko na ang sunglasses ko at tinakpan ang aking mukha. Hindi ko na kayang makita pa na nasasaktan na naman siya nang dahil sa 'kin. Pero paano? Kung ito lang ang natatanging alam ko na tamang paraan para tuluyan na siyang lumayo sa 'kin. Para sa pamilya niyang naghihintay sa kanya. "M-Mahal na ma--" "T-Then why?! Bakit napakadali sa 'yo na ipamigay ako sa iba?! Bakit mo nagagawa sa 'kin 'to?!" Mas lalo pang lumakas ang kanyang hagulhol kaya mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko. "K-Kasi ito ang tamang para---" "Bullsh*t!" Napasuntok siya sa sahig na ikinagulat ko. Nakita ko ang pagtulo ng dugo mula sa kanyang kamay dahil sa lakas ng suntok niya. "M-Mar--" "Do you really want me to marry her?" Tumayo na siya habang nakikita ko ang lamig ng paraan ng titig niya sa 'kin. Mas lalong nadurog ang puso ko habang magkapako ang tingin naming dalawa. Galit at sakit ang nakikita ko mula sa kanyang mga mata. "Answer me!" Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at ipinaglapat ang noo naming dalawa. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa pagbuhos ang aming mga luha. "M-Magiging masaya ka ba kapag pinakasalan ko siya?! Ha?! Kasi tangina! Kahit ayoko! Kahit hindi ko kaya!" Humigpit ang hawak niya sa balikat ko. "...Papakasalan ko siya para lang sa ikakasiya mo..." Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko sa kanyang sinabi. "Y-Yes, Marcus.. Marry her.. Magiging masaya ako sa oras n--" Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin dahil inangkin na niya ang mga labi ko. Pinulupot ko naman ang mga braso ko sa kanyang batok habang gumaganti ako sa halik niya. Kasi ito na ang huli. Ito na ang huli na magkakasama kaming dalawa. Wala na talagang pag-asa para maituloy pa ang relasyon naming dalawa. "Mahal kita.. bawat segundo, minuto, oras, ngayon, bukas, palagi at hanggang sa walang hanggan...." Pinaglapat niya ang noo naming dalawa. "Mahal din kita, Marcus." Bigla niya na lang akong niyakap at umiyak sa balikat ko. Wala naman akong ginawa kundi ang bumuhos din ang aking mga luha. "M-Mahal kita.. Mahal na mahal kita pero tangina.... ang sakit.. sobrang sakit mong mahalin..." his voice broke. Humiwalay na siya ng yakap. Muli kong ipinalibot ang mga braso ko sa kanyang batok at muli ko siyang siniil ng halik. Pinalibot niya ang mga braso niya sa aking likuran para mas mapalapit pa ako sa kanya. Nang dahil sa halik nagsimula ang kwento namin... at sa halik din magwawakas ang kabanata ng pagmamahalan naming dalawa. Wala na... Wala nang pag-asa pa. Hanggang dito na lang kaming dalawa. "M-Malaya ka na, Gianna.. Pinapalaya na kita... at sana huwag ka nang babalik pa sa buhay ko... Kasi simula ngayon.." He stepped back and looked straight into my eyes. Wala akong magawa kundi ang umiyak at tanggapin ang masasakit na salita na binibitawan niya. Kasalanan ko 'to. Deserve ko ang sakit na nararamdaman ko ngayon. "...binubura na kita sa puso't isipan ko..." Tinalikuran na niya ako habang napaluhod naman ako sa sahig. Unti-unti na siyang naglalaho sa paningin ko kasi naglalakad na siya pabalik ng simbahan. Para gawin ang isang bagay na ikakasiya ko. Ang pakasalan niya si Stella, ang ina ng kanyang anak upang mabuo na silang pamilya. Dapat masaya ako! Dapat nagdiriwang ako ngayon pero putangina ang sakit. Sobrang sakit sakit! Durog na durog ang puso ko. "A-Ate..." Niyakap niya ako, wala akong ginawa kundi ang umiyak sa bisig niya. "T-Tara na, hinihintay na tayo ni Mama..." Pinilit ko na ngumiti habang patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. Ngayong araw din ay lilipad na kami papunta sa States para samahan na lumaban si Mama kasi kailangan na niya kami. Nakamasid lang ako sa bawat daraanan namin habang patuloy pa rin sa pagbuhos ang mga luha ko. Napahigpit naman ang hawak ni Gennica sa kamay ko. Alam kong sa oras na 'to.. Kasal na silang dalawa. Buo na ang kanilang pamilya at masaya ako para sa kanila. Marahan kong hinaplos ang aking tiyan habang walang tigil pa rin sa pagpatak ang mga luha ko. "I'm sorry, baby.. I am really sorry kung hindi ko maibibigay ang buong pamilyang nararapat sa 'yo. Mahal na mahal ka ni Mommy, sobrang mahal na mahal..." Hinaplos din ni Gennica ang aking tiyan habang may luhang tumutulo mula sa kanyang mga mata. "Nandito lang ako, Ate... Nandito lang ako para samahan kang alagaan siya." Muling hinawakan ni Gennica ang aking kamay at marahan na pinisil. Sinandal ko naman ang ulo ko sa kanyang balikat habang binabalikan ko sa aking isipan ang masayang memories naming dalawa ng lalaking mahal ko. Sa bawat yakap at halik niya. Sa kahalayan niyang taglay, sa bawat iyak at tamis ng kanyang ngiti. Sa bawat pagsabi niya na mahal niya ako. I will never forget those memories. Marcus Caden Samaniego, ikaw lang ang lalaking mamahalin ko hanggang sa dulo ng buhay ko. Ipinapangako ko, ikaw lang... Epilogue [Accidentally Kissed With A PL...] Hi. Thank you for making this far :) I love you <3 - EPILOGUE "She is so beautiful, right?" Hindi ko magawang maalis ang titig ko sa litratong hawak niya. Wala sa sarili akong napangiti sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. "Yes." Ginulo niya naman ang aking buhok na mabilis ko naman inayos. Napailing na lang siya sa ginawa ko. "What is her name?" Muli niyang tinitigan ang litrato. Bumakas ang lubos na kalungkutan mula sa kanyang mukha habang pinagmamasdan 'yon. "Gianna Kinsley Arellano, my lovely daughter..." "Gianna..." I mumbled. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ko habang pinagmamasdan ang magandang babae na nasa litrato. Pakiramdam ko ay bumilis ang kabog ng aking puso sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Ang tagal na rin noong huling naramdaman ko 'to. Sa babaeng iniwan lang ako. My first love... "Magka-edad lang kayong dalawa ng anak ko." Napalingon ako sa kanya. "So, she is already 15?" He nodded. "Can I marry your daughter?" He chuckled. Muli niyang ginulo ang aking buhok at sa puntong 'yon ay hinayaan ko na lang na magulo. "Manang-mana ka talaga sa kaibigan ko na gusto agad angkinin ang isang bagay." Hindi na 'ko umimik pa kasi muli kong pinagmasdan ang litrato. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa sarili ko. Posible ba talaga na ma-in love ako sa isang babae na sa litrato ko lang nakikita? Halos araw-araw kinukwento ni Dad ang dalawang prinsesa niya. Yes, I called him Dad. Why? Because I am in love with her daughter. Fuck, I don't know why. Basta namalayan ko na lang na napapamahal na 'ko sa anak niya sa tuwing nagku-kwento siya sa 'kin ng halos tatlong taon. "Tol, absent ako." Napailing na lang ako nang mabasa ang message ng kaibigan ko. Palibhasa ay palaging niloloko ng kanyang Girlfriend. Hindi ko na siya ni-replyan pa at binaling na lang ang atensyon ko sa babaeng nilalandi ako. "Please, baby, kiss me..." She bit her lower lip while staring at me. Napangisi naman ako kasi nakikita ko talaga na gustong-gusto niya akong halikan. Ipinalibot niya pa ang mga braso niya sa katawan ko para mas mapalapit ako sa kanya. "Sure, baby..." I licked my lower lip. Napahagikhik naman siya. Tumingkayad siya para mahalikan ako at nang malapit na maglapat ang mga labi naming dalawa. I pushed her away. "Sorry baby, no one can kiss me except the woman I love..." Tinalikuran ko na siya habang napahiyaw naman siya sa inis. Napangisi na lang ako kasi nasanay na ako na parating ganito ang nangyayari sa mga babaeng kalandian ko. "Lodi, Mr. President!" Lumapit sa 'kin si Bryan at nakipag apir na mukhang tuwang-tuwa sa kanyang nasaksihan. Nang papasok na kami ng gate, napadako ang tingin ko sa entrance kasi mukhang mayroong problema ang isang estudyante. "Anong problema rito?" Napadako ang tingin nito sa 'kin. Natigilan ako nang magtama ang tingin naming dalawa. Fuck. Bumilis ang kabog ng puso ko habang nakatitig sa kanya. Hindi ako makapaniwala na ang babaeng nakikita ko lang sa litrato. Nasa harapan ko na ngayon. Isa lang ang masasabi ko. Tangina, ang ganda niya sa personal. Ang ganda ng babaeng tinitibok ng puso ko. Mula sa kanyang bilogang mga mata, manipis na mga labi at mahaba niyang buhok. Tangina, ang sarap niyang halikan. Inakala niya pa na isa akong Principal at hindi lang 'yon kasi tinawag niya rin akong Teacher. Humarap ako sa mga kaklase namin bilang isang Teacher para lang mapagtripan ko siya. Gustong-gusto kong makita ang kanyang reaksyon kasi mas lalo akong na-i-in love sa kanya. Pinagbunot ko rin siya ng ligaw na halaman. Alam kong punong-puno na siya sa 'kin lalo na sa tuwing tinatawag ko siyang honey. My honey... "M-Marcus..." Lalampasan ko na sana siya nang hawakan niya ang braso ko. Walang emosyon ko naman siyang hinarap at mabilis kong inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko. "What?" Napayuko siya habang kagat ang kanyang pang-ibabang labi. Hindi ko naman magawang maalis ang tingin sa kanya. Isa lang ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita siya. Galit. Why? Because she broke my heart. She left me the day when I needed her the most. Wala na akong pakialam pa sa kanya. "C-Can we talk? Sana naman pagbigyan mo 'ko na magpali---" "Meet me at Tyra Cafe shop. 1pm. Sunday." Nilampasan ko na siya kasi sa tuwing nakikita ko siya. Bumabalik sa aking alaala ang ginawa niyang pang-iwan sa 'kin nang wala man lang dahilan. Siya ang dahilan kung bakit naging mapaglaro ako sa mga babae. Binago niya ako! Dumiretso ako sa canteen kasi nakakaramdam na ako ng gutom. Nilapitan naman ako ng isang babae na ikinangisi 'ko. "Oh my ghad, baby.. I'm sorry, hindi ko sinas--" "It is fine..." Akmang pupunasan niya ang aking uniform pero mabilis ko siyang pinigilan. Alam kong sinadya niya 'yon para lang maka-chansing sa 'kin. Tumayo na ako at pumunta ng locker room para magpalit ng Jersey kasi basang basa talaga ako. Habang naglalakad ako, bigla na lang may humawak sa braso ko at sinalubong ako ng halik na ikinagulat ko. Bumilis din ang tibok ng puso ko sa babaeng umangkin ng mga labi ko ngayon. Isa lang ang taong nasa isip ko. Gianna... She taste like honey. My honey... I kissed her back. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko. Pero wala siyang ideya na ang pag-ganti ng halik ko sa kanya. May ibig sabihin. To express my love for her. Natatakot ako na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko kasi baka pagtawanan niya lang ako. Alam kong isang dakilang Playboy ang pagkakakilala niya sa 'kin. Kaya sa halik ko ipinaparating ang pagmamahal ko sa kanya. Hanggang sa magkakilala sila ng kaibigan ko. Nakikita ko ang saya sa mukha ni Gianna sa tuwing kausap niya si Josh. Fuck. It is breaking my heart. Alam kong gusto niya ang kaibigan ko. Ang ngiting pinapakita niya kay Josh, hindi niya magawang ibigay sa 'kin at nasasaktan ako. Alam ng kaibigan ko na si Gianna ang babaeng tinitibok ng puso ko kaya nagulat siya nang makita na pumapasok 'to sa Cross Sign. "Where are you, Marcus? Nandito na 'ko sa tagpuan natin." Hindi ko ni-replyan ang kanyang message kasi wala akong balak na siputin siya. Natulog na lang ako magdamag kaysa ang makipagkita sa kanya. Gabi na nung nagising ako. Maraming message ang natanggap ko mula sa kanya na hindi ko nagawang basahin. Alam kong naghintay siya sa 'kin ng matagal. Umasa siya na darating ako. Kahit ilang beses na niya akong kinulit na pakinggan ko ang kanyang paliwanag. Hindi ko pa rin siya magawang pagbigyan kasi hindi na mababago pa ang katotohan na nagawa niya akong iwanan. "Dad, I am in love with your daughter. So fucking in love..." Pinilit kong labanan ang titig niya sa 'kin. Seryoso lang ang kanyang mukha na para bang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Alam na niya na pumapasok sa Cross Sign ang dalawa niyang anak. Pero natatakot siya na magpakita sa kanila kasi alam niyang kinamumuhian siya ng mga 'to dahil sa ginawa niyang pag-iwan sa kanila. "You have my blessings, Caden..." Maranan niyang tinapik ang balikat ko. Nanlaki naman ang mga mata ko habang nakamasid sa kanya. "What do you mean?" Bigla niyang ginulo aking buhok habang may ngiti sa kanyang mga labi. Kahit na matanda na 'ko, palagi niya pa rin ginagawa sa 'kin ang bagay na 'yon. Sa tingin ko nga mas close pa kaming dalawa kaysa kay Dad na palaging busy sa kanyang business. "Na mahalin ang anak ko ng buong puso mo. Please don't break her heart. Alam kong sobra na ang sakit ang ipinaranas ko sa kanila at natatakot ako na masaktan ulit ang prinsesa ko." I smiled. "How can I hurt her, Dad? Masyado kong mahal ang anak niyo para magawa ko siyang saktan..." Sa tuwing nasisilayan ko siya, mas lalo pa akong nahuhulog sa kanya kahit na hindi naman ako ang kanyang gusto. "Marunong kang lumangoy?" Nilingon ko siya kaya nagtama ang tingin naming dalawa. Hindi ko na naman mapigilan ang bilis ng kabog ng puso ko. Nandito kami ngayon sa loob ng Detention room. Kung siya ay naiinis na nandito kaming dalawa, ako naman ay sobrang kasiyahan ang nadarama kasi kasama ko siya. Kasama ko ang babaeng mahal 'ko. "Hindi ako marunong lumangoy pero..." Nanatili ang titig niya sa 'kin. Ang titig na mas lalong nakakapag pahulog sa 'kin. Damn, how can I have you, honey? "...malalim akong magmahal.." Natigilan siya sa sinagot ko. Gusto kong nang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko pero naduduwag ako. Sa tuwing nakikita ko siya, hinahayaan kong lapitan ako ng mga babae para malaman ko kung magseselos siya pero umasa lang ako. Kasi ang kaibigan ko talaga ang gusto niya. "M-Marcus..." Hindi ko napansin na sinundan na pala ako ni Stella sa office. Alam kong kukulitin niya na naman ako. "What?" "I know na wala akong karapatan na tanungin 'to sa 'yo pero hindi ako matatahimik hangga't hindi ko naririnig ang sagot mo." She bit her lower lip. Nakita kong pamumuo ng luha mula sa kanyang mga mata. "D-Do you lo--" "Yes, I love her. Kaya please, stay away from me. Wala akong oras na makinig sa paliwanag mo!" Pinilit niya na ngumiti kahit na alam kong nasasaktan siya. Kahit papaano ay kumirot ang dibdib ko. Hiniling ko na sana hindi niya na lang ako iniwan, kasi tangina! Mahal na mahal ko siya pero nagawa niya akong iwanan. Kung kailan naka move on na 'ko sa kanya. Tsaka pa siya babalik para lang magpaliwanag na hindi ko na naman kailangan pa. Wala na akong natitirang pagmamahal pa sa kanya. "T-Thank you for answering my question..." Tinalikuran na niya ako. Habol naman ang tingin ko sa kanya. Naikuyom ko na lang ang mga palad ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Kahit na anong gawin niya. Hindi na ako babalik pa sa kanya kasi mayroon nang nagmamay-ari ng puso ko. Siya na lang ang babaeng ang tinitibok nito ngayon. "Do you like her?" Natigilan si Josh nang tanungin ko 'yon sa kanya. Alam kong may gusto na siya sa babaeng mahal 'ko at naiinis ako. "Yes, I like her..." Nakuyom ko ang mga palad ko sa kanyang sinabi. Alam naman niya na mahal ko si Gianna pero nagawa niya pa rin na gustuhin ito. "She is mine!" He chuckled. Bigla niyang tinapik ang aking balikat habang panay pa rin ang kanyang tawa. "Hindi kayo pwedeng dalawa..." Ang pagtawa niya ay biglang napawi at napalitan ng seryosong mukha. "What do you mean?" He just shrugged his shoulders and left me clueless. Hindi ko maipaliwanag pero nakaramdam ako ng kaba sa salitang binitiwan niya. Hanggang sa dumating na ang intrams at nang araw na rin 'yon, nadurog ang puso ko sa aking nasaksihan. Josh kissed her in front of my eyes. Hindi ko maipaliwang ang sakit na nararamdaman ko nung araw na 'yon. Masakit man aminin pero wala akong laban sa kaibigan ko kasi siya ang gusto ng babaeng mahal 'ko. Damn that asshole! "A-Anong ginagawa mo rito?" Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha nang makita akong pumasok sa ladies room. Mas nagulat pa siya nang nilock ko ang pintuan. "B-Bakit mo nilock ang pinto? May gagawin kang masama sa 'kin, noh?" Hindi ko pinansin ang tanong n'ya. I held her chin up and looked straight into her eyes. "A-Anong gagawin mo?" Nilabas ko ang dala kong panyo at binasa 'yon para ipunas sa kanyang mga labi. Sa mga labi niyang may dumamping iba na ikiwinasak ng puso ko. "Ayokong may ibang humahalik sa 'yo bukod sa 'kin." Pilit niya akong tinulak pero nagmatigas ako. "Tangina! Kapag hindi ka lumayo sa 'kin, sisi--" Bago pa niya matapos ang sasabihin niya. Inangkin ko na ang kanyang mga labi na ikinagulat n'ya. "A-Ano ba?!" Hindi ako nagpatinag sa pagtulak niya kasi inangkin ko lang ang mga labi niya hanggang sa naramdaman ko na lang na gumaganti na siya sa bawat halik ko. Fuck. I got addicted to her lips. "Your lips is my territory.." I said between our kisses. "..and no one can claim what is mine!" Yes, honey.. You're mine. Only mine, all rights reserved. At gagawin ko ang lahat para mapasa 'kin ka lang. Alam kong darating ang araw na ako naman ang gusto mo at handa akong maghintay. Araw-araw kong aangkinin ang mga labi mo para tuluyan ko na rin na maangkin ang puso mo. "H-Huwag, please..." Kumulo ang dugo ko nang makita ko kung anong ginagawa ng gagong 'yon sa babaeng mahal ko. Fuck that asshole! "You fucking asshole!" Sinalubong ko siya ng isang malakas na suntok, hindi lang isa, kundi maraming beses dahil sa galit na nararamdaman 'ko. Nang masigurado kong wala nang malay ang gagong 'yon. Nilapitan ko na si Gianna at kinulong siya sa bisig ko. Fuck! Anong karapatan ng gagong 'yon na bastusin ang babaeng mahal ko! "I'm sorry, honey.. Hush... Stop crying na, nandito na ako.." At palagi akong nandito para sa 'yo kahit na hindi naman ako ang 'yong gusto. "N-Natatakot ako, Marcus, sobrang natatakot ako.." Mas lalong napuno ng galit ang nararamdaman ko sa kanyang sinabi. Kaya nang madala ko siya sa clinic. Binalikan ko ang gagong 'yon at pinagbayaran siya sa ginawa niya sa babaeng mahal ko. Nadala ang gagong 'yon sa ospital dahil sa ginawa ko sa kanya. Nalaman ni Auntie ang nangyari kaya sobrang pinagsabihan niya ako sa maling nagawa ko. Pinaglinis niya pa ako ng library bilang parusa. Hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko sa gagong 'yon. Wala siyang karapatan na paiyakin ang babaeng mahal ko. "Hi, Mr. President..." Humarang sa harapan ko ang tatlong bading habang ang lapad ng kanilang mga ngisi. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba sa paraan ng pagtitig nila sa 'kin. "Fuck! Layuan n'yo 'ko!" "Shet! Sarap!" Hindi nila pinakinggan ang sinabi ko kasi panay na ang hawak nila sa katawan ko. Halos hubaran na nila ako mahawakan lang ang aking abs. Tangina! Para sa honey ko lang 'yon! "What happened, tol? Why are you late?" Hindi pa rin maipaliwanag ang mukha ko dahil sa ginawa ng tatlong bading na 'yon sa 'kin. Pakiramdam ko'y hindi ako makakatulong ngayong gabi kasi bumabalik sa isipan ko ang kanilang mga mukha. "Fuck! Hinalay ako ng mga bading! Tangina!" Tangina, I hate gays! Bigla kaming nagkaroon ng long quiz. Napansin ko na hindi masagutan ni Gianna ang mga problems kaya binilisan ko ang pagsagot para lang makagaya siya. Pero nagmatigas siya. Pinalipad ko na sa kanya ang papel ko pero ayaw niya talagang gumaya sa 'kin kaya ang ginawa ko. Pinalitan ko ng pangalan niya ang answer sheet ko na sobrang ikinagalit niya. "Bakit mo ako dinala rito?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na dalhin sa office kasi gusto ko talaga siyang masolo. Siya na lang ang nakikita ng aking mga mata. "I want you..." I want you to be my girlfriend. Pero naduwag na naman akong aminin sa kanya ang nararamdaman ko. Inangkin kong muli ang kanyang mga labi para kahit papaano ay maparamdam ko sa kanya ang pagmamahal ko. Sobrang mahal na mahal ko na siya. Sa tuwing gumaganti siya ng halik sa 'kin. Umaasa ako... umaasa na sana mahal niya rin 'ko. Nung nasa library kami, sinabi ko sa kanya na haharanahin ko siya kasi hindi ko na talaga kaya pang itago ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero mayroong nangyari na hindi ko inaasahan. May pinainom sa 'kin si Sapphire na isang inumin na nakapag painit sa 'kin. "Fuck, don't touch me!" Pilit ko siyang tinutulak palayo pero nagmatigas siya. Hanggang sa naramdaman ko na lang na umupo na siya sa hita ko. Bigla naman akong pinagpawisan dahil sa epekto ng ininom ko. "I love you, baby..." Hinaplos niya ang aking mukha kaya napatitig ako sa kanya. Napamura na lang ako nang makita ko sa kanya si Gianna. Ang babaeng mahal ko. Huli na nang namalayan ko na gumaganti na ako sa bawat halik na ibinibigay niya. Gumagapang na rin ang kamay ko sa ibang parte ng kanyang katawan kasi hindi ko na talaga mapigilan pa ang sarili ko. "I love you, honey.. I lo--" Bigla na lang akong nakarinig na mayroong nabasag kaya roon na 'ko natauhan. Mabilis ko siyang tinulak palayo sa 'kin at napasabunot sa aking buhok. Fuck! Hinayaan ko ang sarili ko na may ibang humalik sa 'kin! Gusto kong saktan ang sarili ko dahil sa kagaguhang nagawa ko. "Oh shit!" Napamura na lang ako nang mapansin kung ano na ang oras. Mabuti na lang talaga na may bukas pang flower shop kaya nakabili ako ng bulaklak. Pagkarating ko sa kanila. Natigilan ako nang makita kong magkasama sila ni Josh. Parang sinaksak ang puso ko kasi mukhang naunahan na niya ako sa babaeng mahal ko. "What are you doing here?" I asked him. Napadako ang tingin ko nang hawakan niya ang kamay ng babaeng mahal ko. Parang nadurog ang puso ko sa nasasaksihan ko ngayon. Tangina! Nagseselos ako! Gusto ko siyang hilahin palayo sa gagong 'yon! "Visiting my girlfriend, tol! How about you? What are you doing here?" Girlfriend? Tangina! "He's lying, right, honey? Damn it! You're mine!" Pero hindi niya pinansin ang sinabi ko kasi kinausap niya pa ang gagong 'yon. Sobrang selos na selos na 'ko sa kanilang dalawa! "I'm sorry, honey.. I was late. I forgot to bring my guitar with me but I have this for you. Sana magustuhan mo..." Tinanggap niya ang bulaklak pero bigla niya na lang inihulog 'yon sa sahig at tinapakan sa aking harapan. "What the hell?! Hindi mo ba nagustuhan? I have no idea which kind of flower you like, honey.. I'm so---" She slapped me. "Tumigil ka na, Marcus Caden Samaniego! Tumigil ka nang paglaruan ako! Kinginamo mo! Ayaw kitang makita pa kaya umalis ka na! Huwag mo akong paglaruan pa! Iba na lang landiin mo, huwag ako! Parang awa mo na... huwag ako!" Parang sinasaksak ang puso ko sa mga katagang binibitiwan niya kasi walang katotohanan ang sinabi niya. Putangina seryoso ako! Seryoso lahat ang pinapakita ko sa kanya! Seryosong mahal na mahal ko siya pero naduduwag akong aminin ang katotohan kasi natatakot ako. Natatakot na baka tawanan niya lang ang nararamdaman ko. "W-What are you talking about?" "Hindi kita pinapayagan na ligawan ako! Alam mo kung bakit? Ayoko sa isang PLAYBOY na tulad mo! Nasiyahan ka ba kanina sa kandungan ng ibang babae habang naghihintay ako sa pagdating mo, ha?! I was waiting for you!" Kasalanan ko kung bakit ganito na lang siya kagalit sa 'kin. Tangina! Pinaghintay ko ang babaeng mahal ko. Tinanggap ko ang masasakit na salitang binibitiwan niya. At ang mas nakapagpadurog pa ng puso ko. Hinalikan niya mismo sa harapan ko ang gagong 'yon. "Tangina! Ang sakit!" Hindi ko na nakayanan pa kaya umalis na ako sa lugar na 'yon. Napasuntok na lang ako sa manibela ng sasakyan ko habang hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Nakakabakla man pero tangina! Mahal ko siya, sobrang mahal ko siya at nasasaktan ako! Kinausap ako ng magulang ni Sapphire. Sinabi nila na bantayan ko raw ang kanilang anak dahil sa karamdaman nito. Wala akong choice kundi ang gawin 'yon. Kumalat sa Cross Sign na girlfriend ko siya kasi palagi kaming magkasamang dalawa. Kahit anong panlalandi pa ang gawin niya sa 'kin ay hindi ako bibigay sa kanya. Isa lang ang laman ng puso ko. Si Gianna lang ang babaeng mahal na mahal ko. Palagi na silang magkasama ni Josh, at sa tuwing nakikita ko silang magkasama. Nadudurog ang puso ko. Kasi ang babaeng mahal ko ay nasa piling nang iba at wala man lang akong magawa kundi ang pagmasdan sila kahit na madudurog lang ang puso ko. "I have a question.." Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko kasi kasama ko siya ngayon. Muli ko na naman naangkin ang kanyang mga labi. Alam ko sa sarili ko na gusto niya rin ako pero bakit hindi niya rin magawang umamin sa 'kin? Anong dahilan? Natatakot ba siya na baka pinaglalaruan ko lang siya? Na kahit kailanman ay hindi ko naisipan na gawin 'yon sa kanya kasi totoo ang nararamdaman ko. Walang halong panloloko at biro. "Yes, honey?" She bit her lower lip while staring at me. Pinigilan ko naman ang sarili ko na muling angkinin ang kanyang mga labi. "Do you like me?" Natigilan ako sa kanyang sinabi niya. Hindi pa ba niya nahahalata na talagang mahal ko na siya? "I've never liked you..." kasi sa una pa lang, minahal na kita. She slapped me. Nagulat naman ako sa kanyang ginawa. "Tanginamo, Marcus Caden Samaniego!" Bigla na lang niya akong tinulak habang naiwan naman akong tulala. Napasabunot ako sa aking buhok kasi mukhang nasaktan ko siya sa sinabi ko. Bakit kasi hindi ko nagawang aminin sa kanya ang katotohanan? Naduwag na naman ako. Ngayon na ang araw ng celebration ng anniversary ng school. Kasalukuyan kong inaayos ang storage room para sa gagawin kong surpresa mamaya kasi balak ko nang aminin sa kanya ang totoo kong nararamdaman. Nang matapos akong ayusin ang lahat. Nagpasama naman sa mall si Sapphire na bumili ng masusuot niya mamaya para sa event. Hindi ko inaasahan na magkakatagpo ang landas naming dalawa ng babaeng mahal ko. "Miss, pwede bang pakibigay nito sa maganda kong Girlfriend?" "Sure po, sir!" Iniabot ko sa sales lady ang paper bag na mabilis niya namang tinanggap. Mabuti na lang talaga na hindi na ako sinundan pa ni Sapphire kasi alam kong malaking gulo ang mangyayari. "Bakit mo ako binigyan nito? Isa pa, hindi naman kita bo----" Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita kasi inangkin ko na ang mga labi niya. At sisiguraduhin ko mamaya na pati ang puso niya ay maaangkin ko na rin. "You're welcome, honey.." Nilampasan ko na siya habang may ngiti sa aking mga labi. Hindi na ako makapaghintay pa na maamin sa kanya ang totoong nararamdaman ko... na mahal ko siya. Alam kong gagawing opportunity ni Josh ang gabing 'to para tanungin ang babaeng mahal ko na maging girlfriend niya. Sinabi ko kay Gennica na gawin niya ang lahat huwag lang matuloy ang pag-po-propose ng kaibigan ko sa kapatid niya. Umarte siya na nahimatay kaya hindi na natuloy pa ni Josh ang kanyang sasabihin sa harapan ng babaeng mahal ko. Mabilis ko namang hinila si Gianna palayo sa lugar na 'yon. "B-Bitiwan mo nga akong gago ka! Kailangan ako ng kapatid ko!" Pilit siyang nagwawala sa aking hawak pero nagmatigas ako. Pagkarating namin sa Storage room. Bigla na lang kumulo ang dugo ko kasi may nakauna na sa 'min sa lugar na 'yon. "Bakit mo ako dinala ritong gago ka, ha?! Kailangan ako ng kapatid ko!" Pinaghahampas niya ang aking dibdib dahil sa inis na nararamdaman niya. Lalo na nung malaman niya na planado namin ng kapatid niya ang nangyari. Umiiyak na siya sa harapan ko kasi nasasaktan ko siya. Nasasaktan ko na naman ang babaeng mahal ko dahil sa kagaguhan ko. "Take me now, please take me..." Sinimulan na niyang buksan ang butones ng tuxedo ko kaya mabilis akong lumayo sa kanya. "W-What the hell?!" "K-Katawan ko lang nam----" I cut her off. "Sa tingin mo ba pinaglalaruan lang kita, ha? Damn! Seryoso ako sa 'yo, totoo lahat ang pinapakita ko. Walang halong panlalaro at biro!" Natigilan siya sa sinabi ko. Tinakpan niya pa ang kanyang mga tainga na mabilis ko naman inalis kasi gusto kong marinig niya na mahal ko siya. "Sa tuwing inaangkin ko ang mga labi mo, inaangkin ko na rin ang puso mo, pati na rin ang buhay mo. I want you in my life, honey, fuck. I want you..." Muli niya na naman akong pinaghahampas. Hindi ako nasasaktan sa bawat paghampas niya. Nasasaktan ako kasi umiiyak siya nang dahil sa 'kin. It is breaking my heart, honey... "T-Tama na! Ayoko nang marinig pa ang panloloko mo! Laruan lang naman ang tingin mo sa 'kin, 'di ba?! Kaya tumigil ka na! Parang awa mo na!" Pinaglapat ko ang noo naming dalawa. Marahan ko namang pinunasan ang luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata. "Sa tuwing maglalapat ang mga labi nating dalawa, punong-puno 'yon ng katagang mahal kita. Yes, honey, I am in love with you. I'm freakin' in love with you..." Natigilan siya sa sinabi ko. "W-What?" "I love you, honey. Mahal na mahal kita..." Ikaw ang babaeng dadalhin ko sa harapan ng altar. "Nagseselos ako sa tuwing kasama mo ang kaibigan ko," I whispered. Para akong pinapatay sa sakit na nararamdaman ko sa tuwing kasama mo ang gagong 'yon. "Be mine and let me be the reason of your smile." Natigilan ako nang angkinin niya ang mga labi ko. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko sa oras na 'to. "I love you, Marcus Caden Samaniego..." Sa wakas, narinig ko na rin ang tatlong salita na gusto kong marinig mula sa kanya... na ang babaeng mahal ko ay mahal din ako. Halos isang buwan akong nanligaw bago ko nakamit ang matamis niyang Yes na nakalagay pa sa pancake. Sobrang saya ko nung araw na 'yon kasi sa wakas, girlfriend ko na ang babaeng mahal ko. Bawat araw mas lalo ko siyang minamahal. Kahit na sobrang selosa niya na dumating pa sa punto na gusto niyang makipaghiwalay sa 'kin. Kahit na biro niya lang 'yon ay sobrang nasaktan pa rin ako kasi hindi ko gustong marinig ang mga katagang 'yon mula sa kanyang mga labi. "Mom, I want you to meet my girlfriend. Ang babaeng nagbibigay saya ngayon sa buhay ko. I love her so much, Mom, sobrang mahal na mahal ko." Hinawakan ko ang kanyang kamay at marahan na hinalikan. "Look at her, mom, she is so beautiful, right? Just like you.." I smiled at her. "At siya ang babaeng ihaharap ko sa altar." Siya lang ang babaeng gusto kong makasama habambuhay. "Hello po, Tita, ako nga po pala si Gianna, at nangangako po ako na aalagaan ko ang anak niyo. Gagawin ko po ang lahat para mapasaya ko siya at mas mamahahalin ko pa po siya nang sobra sobra. Thank you, Tita, for bringing him into this world. Thank you for raising your son to be the man of my life. I'll do everything for him, he is a blessings to me. I'll give him my world, at Tita, mundo ko na ang an---" Hindi ko na napigilan pa na angkinin ang kanyang mga labi habang may luhang tumutulo mula sa aking mga mata sa kasiyahang nadarama. Kasiyahan na dumating siya sa buhay ko. Ang babaeng nagbigay liwanag sa buhay ko ngayon. "Oh god, honey, I am so lucky to have you, so damn lucky. Hindi ko kakayanin na pati ikaw ay mawala sa buhay ko. Honey, mahal na mahal kita, sobra sobra, walang katapusan, walang dulo, walang hangganan ang pagmamahal ko sa 'yo." "Mahal kita, bee, kahit na mahalay ka." Hindi na ako makapaghintay pa na maiharap ko siya sa harapan ng altar upang manumpa ng lubos na pagmamahal ko para sa kanya. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha nang makita niya ang lalaking dahilan kung bakit nandito siya sa mundong 'to. Pilit niya 'tong pinagtulakan paalis pero sa huli ay binigyan niya rin 'to ng chance na magpaliwanag. Sobrang sakit na makitang may luhang tumutulo mula sa mga mata ng babaeng mahal ko. Pakiramdam ko ay nadudurog din ang puso ko. Wala siyang ideya na matagal ko nang kilala ang kanyang Dad at mas lalong wala siyang ideya na hiningi ko na ang kamay niya upang mapakasalan ko siya balang araw. Ngayong araw ang birthday ni Stella. Wala akong choice kundi ang pumunta kami sa Batangas dahil sa kagustuhan ng babaeng mahal ko. Nadurog ang puso ko nang makita ko silang magkasama ni Josh. Lalo na nung malaman ko na hinalikan siya ng gagong 'yon. I am scared, really scared na baka bumalik ang nararamdaman niya sa gagong 'yon at iwanan ako. Hindi ko kakayanin na mawala siya sa buhay. Siya na ang buhay ko. Kapag nawala siya sa piling ko ay ikakamatay ko. Hindi ako makapaniwala na inakala niya na ako ang anak ng Dad niya sa ibang babae. Inamin ko sa kanya ang katotohanan na matagal ko nang kilala ang kanyang ama na sobrang ikinagulat niya. "Bakit Dad ang tawag mo kay Papa, ha?!" "Honey, tinatanong pa ba 'yan? Syempre, he is going to be my Dad soon, kasi ikaw ang babaeng papakasalan ko at hindi mo alam honey...." Hinawakan ko ang kanyang pisngi at marahan na hinalikan ang noo niya. "Hiningi ko na ang kamay mo sa kanya. God, honey, ang saya ko kasi boto sa 'kin ang ama ng babaeng mahal ko." Bumahid ang gulat sa kanyang mukha pero sa huli ay sumilay din ang ngiti mula sa kanyang mga labi. "Excited na si Dad na makilala ka, na makilala ang babaeng papakasalan ko pagdating ng tamang panahon. Honey, I love you, I can't wait to change your surname into Samaniego... My soon to be wife." I promise, I'll marry you no matter what happen. Pinakilala ko na siya kay Dad kasi matagal na rin 'tong naghihintay na makilala ang babaeng mahal ko. Pero sa hindi inaasahan. May nakita akong nakapagpadurog ng puso ko. Fuck! Nakita kong nakasuot sila ng pang kasal ng gagong 'yon! "Let's get married, honey, pakasal na tayo ngayon din!" She was shocked. Wala siyang ideya na seryoso ako sa sinabi kong pakakasalan ko siya Nagseselos ako sa gagong 'yon! Hindi natuloy ang kasal na gusto ko dahil walang Pari at wala rin kaming isinagawa para sa pagpapakasal. Pero kahit na ganoon, nakita ko pa rin siyang naglakad papunta sa harapan ng altar. Papunta sa 'kin. Umiiyak ako sa tuwa habang sumusumpa kami sa harapan ng altar. Sumusumpa ng pagmamahalan naming dalawa. "B-Bee.." Hinalikan ko muna ang likuran ng kanyang palad bago ko ilagay ang singsing na hawak ko. "This is a promise ring..." Tumitig ako sa kanya na ngayon ay hindi na maipaliwanag ang mukha sa sayang nararamdaman. "One day, honey, I'll marry you. I promise..." Inangkin ko na ang kanyang mga labi, inangkin ko sa harapan ng altar, sa harapan ng Diyos. "Nakakainis ka! Mahal na mahal kita," she whispered. "God, honey, mas mahal kita..." Mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya. "My world, just right between my arms..." Ang mundo kong hindi ko kakayanin na mawala sa tabi ko. Sobrang mahal na mahal ko ang babaeng nasa bisig ko ngayon. Today is November 21, and it is her birthday. Ang pinaka special na araw sa buhay ko kasi isinaling ang babaeng mahal ko. Nagsinungaling pa ako sa kanya na mayroon kaming pupuntahan ni Auntie. Mabuti na lang talaga na nakisakay siya sa 'kin nung katawagan ko si Gianna. Alam kong nagtatampo na sa 'kin ang girlfriend ko kasi hindi ko siya nagawang batiin. Inabala ko ang sarili ko sa pagpa-practice ng sayaw para sa gagawin kong surpresa sa kanya. Alam ni Dad ang plano ko para sa kanyang anak. At nung gabing 'yon, alam kong sobrang nagulat siya nang makilala na ako ang nasa loob ng mascot na Pororo. Sinuntok niya pa ako kasi akala niya talaga na nakalimutan ko ang araw ng kanyang birthday na imposibleng mangyari. "Shooting star..." I couldn't help but smile while staring at her. Napakaganda niyang tanawin na kahit kailan ay hindi ko pagsasawaan na pagmasdan. "Let's make a wish, honey..." Pumikit kaming pareho nang mayroon nakitang shooting star. "What's your wish, honey?" Nilingon niya ako na ngayon ay may ngiti na sa kanyang mga labi. Ang ngiting parati kong gustong makita. "Secret..." "Tanungin mo 'ko kung ano ang hiniling ko.." "What's your wish, bee?" I held her hand and gently kissed it. "Ang manatili ka sa tabi ko kahit na anong mangyari ang kahilingan ko..." Kasi hindi ko na kakayanin pa na makita ang sarili ko na wala na siya sa piling ko. Siya na ang buhay ko. "I wish that I will be able to make you happy for the rest of my life.." she smiled. Ang manatili ka lang sa tabi ko, ang magdadala ng lubos na kasiyahan sa buhay ko. Today is December 18, and it is my birthday. Dinala ko siya sa Resthouse na pagmamay-ari ni Mom para roon ko i-celebrate ang birthday ko na kasama siya at para gumawa ng masayang memorya. "What the hell, honey?!" Mabilis ko siyang nilapitan nang makitang balak niyang itapon ang kahon ng cake na nasisigurado 'ko na siya ang nagbake. "Ibigay mo sa 'kin 'yan!" Hindi ko siya pinansin. Ipinatong ko sa mesa ang box ng cake at binuksan 'yon. Kahit na nasira na, napangiti pa rin ako habang pinagmamasdan 'yon. "I'm sorry, bee, I am really sorry. Wala akong kwenta kasi hindi ko naingatan ang cake na para sa 'yo. Wala nang halag---" "I love it, honey, sobrang nagustuhan ko..." I held her chin up and looked straight into her eyes. "Don't cry, honey... Okay lang sa 'kin kahit hindi na maayos ang cake. Sobrang nagustuhan ko pa rin kasi gawa ng babaeng mahal ko." "W-Wala pa rin akong kwenta kasi hindi ko man lang nagawang bumawi sa effort na ginawa mo noong birthday ko. Simpleng cake ay hindi ko nagawang ingatan kasi wala akong kw--" Mabilis ko siyang ikinulong sa bisig ko. "God, honey, please stop crying. It is breaking my heart. At huwag mong sabihin na wala kang kwenta kasi hindi totoo 'yan. Sobrang swerte ko kasi ikaw ang girlfriend ko. Na ikaw ang babaeng mahal ko. Lahat ng kaswertehan sa mundo ay nasalo ko simula nung dumating ka sa buhay ko." Pinaglapat ko ang noo naming dalawa. Pinunasan ko ang luhang tumutulo mula sa kanyang mga mata. "You're the best birthday present I've ever had..." Dinala ko sa dibdib ko ang kanyang palad para maramdaman niya ang lakas ng kabog ng puso ko. "Honey..." I kissed the side of her lips. "You're the person I want to spend my forever with...." At gusto kitang makasama sa tuwing sasapit ang birthday ko kasi ikaw ang biyaya ni Lord para mahalin ko't alagaan. Time flies so fast. Ngayon na ang araw ng aming graduation. Hindi na 'ko makapaghintay pa na makasama siya mamaya sa harapan ng stage para siya ang magsuot ng aking medalya. Pagkatapos ng aking speech, tinawag ko siya agad pero mukhang lutang ang isip niya kasi natagalan siyang umakyat ng stage. "I am so proud of you, bee..." Pagkasabit niya sa 'kin ng medalya. Sinalubong ko agad siya ng mahigpit na yakap. "Nakikilala niyo ba ang babaeng nasa tabi ko ngayon?" Siniko niya 'ko pero hindi ko siya pinansin. "Siya ang babaeng makakasama ko sa pagtupad ng mga pangarap ko. Hindi lang sa harapan ng stage niyo kami makikita na magkasama kasi sa susunod..." I held her hand and gently kissed it. "Sa harapan ng altar na.." Kasi siya ang babaeng pinangako ko sa Panginoon na dadalhin ko sa kanya sa tamang panahon. "Mahal kita.. bawat segundo, minuto, oras, ngayon, bukas, palagi at hanggang sa walang hanggan...." At mas lalo pa kitang mamahalin maging hanggang sa dulo ng buhay ko. Nandito kami ngayon sa mall para ipasyal ang kanyang kapatid na si Jairus na matagal ko nang nakilala. Nang mapansin niya na marami na ang laruan na kinukuha ko ay mabilis niya naman ako pinigilan na ikinangiti ko. "God, honey... I can't wait to marry you and have a little version of you.. Our little princess..." Hindi na ako makapaghintay pa na mangyari 'yon. "Ako rin, bee.. I can't wait to be your wife and be the mother of your child..." Yes, honey.. Ikaw lang ang babaeng gusto kong maging ina ng mga anak ko. Biglang nawala sa paningin namin si Big boy kaya nataranta kaming dalawa. Nahanap namin siya sa Robot station habang may kasamang isang batang lalaki. Habang pinagmamasdan ko ang batang lalaki na kasama niya. Hindi ko maipaliwanag sa sarili ko kung bakit parang lumundag ang puso ko habang pinagmamasdan siya. Binili ko ang robot na gusto niya na sobra niyang ikinatuwa. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya. "What is your name big boy?" He smiled at me. "Zairus..." Today is our first anniversary. Gusto niya na mag picnic kami para i-celebrate ang aming anniversary. Sobrang saya naming dalawa na para bang problema. Hanggang sa bigla na lang napawi ang ngiti sa aming dalawa. "I am breaking up with you..." Nawasak ang mundo ko sa sinabi niya. Lalo na nang malaman ko ang katotohanan na... may anak na kami ni Stella. At si Zairus ang batang 'yon. Fuck! Kaya ba ang gaan ng loob ko sa kanya? Hindi ko akalain na ang batang kaharap ko ay anak ko na pala. "A-Ayoko, honey.. Ayokong bumitaw.. Ikakamatay ko kapag nawala ka sa buhay ko.. Please don't leave me... Huwag naman gani--" "Putangina, Marcus! Bumitaw ka na! Bitawan mo na ako! Parang awa mo na!" Nang makawala siya sa bisig ko ay sinalubong niya agad ako ng isang malakas na sampal. Wala akong naramdaman kundi ang sakit sa puso ko ngayon. Kasi ang babaeng mahal ko na hindi ko kayang mawala, nagagawa akong bitawan. "Wala na tayo, Marcus! Hanggang dito na lang tayo kasi tinatapos ko na ang relasyon na 'to!" Ginawa ko ang lahat. Lumuhod ako sa kanyang harapan at nagmakaawa na huwag niya akong iwanan kasi hindi ko kakayanin. Hindi ko kakayanin na mawala siya sa buhay ko. Tangina! Ang sakit, sobrang sakit sakit! "Tangina, tol! Tanggapin mo na ang katotohanan na hindi kayo pwedeng dalawa!" Bigla na lang niya ako sinalubong ng isang malakas na suntok. Wala akong maramdaman na kahit ano. Kundi ang puso ko na nadudurog sa sakit habang pinagmamasdan ang babaeng mahal ko na naglalakad palayo sa 'kin. Palayo sa puso ko. "Long time no see, Samaniego..." Sumilay ang ngisi ng matandang 'yon habang pinagmamasdan ako. "Marry her..." "What?!" Bigla nitong hinawakan ang kwelyo ng aking damit habang nanlilisik ang kanyang mga mata. "Pakasalan mo ang anak ko at sa oras na hindi mo magawa ang bagay na 'yon..." Hinigpitan niya ang hawak sa kwelyo ng aking damit. "I will never marry h--" Bigla niya na lang akong sinuntok kaya natumba ako sa sahig. "Oh my god!" Nilapitan ako ni Stella at pinilit na itayo pero tinapik ko lang ang kanyang kamay. Kusa akong tumayo at nakipagtitigan sa matandang 'yon. "See you on court!" Hindi ako nagpatinag sa kanyang sinabi. "Go! Put me in jail.." Pinunasan ko ang gilid ng aking mga labi. "Kasi kahit anong mangyari..." I looked at Stella. "I will never marry your daughter!" Tinalikuran ko na silang dalawa. Dumiretso ako sa bar para lunurin ang sarili ko sa alak. Pero kahit anong gawin ko ay hindi pa rin talaga mawala ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Durog na durog ang puso ko! Pinuntahan ko ang babaeng mahal ko. Pero muli niya na naman akong ipinagtabuyan na para bang balewala na lang ako sa kanya. At sobrang nasasaktan ako. Mahal na mahal ko siya, sobrang mahal na mahal ko pero tangina... Bakit parang ang dali para sa kanya na ipagtabuyan na lang ako sa iba? Mas nanaisin ko pa na makulong sa kulungan kaysa ang makulong sa babaeng hindi ko naman mahal. "M-Mali 'to, Mar--" "Handa akong maging makasalanan para lang sa 'yo. Fuck, honey! Mahal na mahal kita!" At gagawin ko ang lahat huwag ka lang mawala sa 'kin kasi hindi ko talaga kakayanin. She gave herself to me. I didn't use protection because I want her to get pregnant. Para lang hindi niya ako magawang iwanan. Pagkagising pa lang niya. Pinagtabuyan niya na naman ako. Nadudurog ako sa bawat salitang binibitawan niya. Pero hindi pa rin ako susuko kasi mahal na mahal ko siya. Tatanggapin ko ang lahat ng masasakit na salitang binibitiwan niya kahit durog na durog na 'ko. Isang linggo. Isang linggo na hindi ko siya nakita kasi inalagaan ko si Zairus na kasalukuyang nagkaroon ng dengue. Pero hindi ako nakalimot na mag message at tawagan siya. Pero lahat nang 'yon ay balewala lang sa kanya. Mukhang binitawan na niya talaga ako. "Honey..." Nang marinig niya ang boses ko. Mabilis siyang sumakay ng taxi para maiwasan ako. Masakit... sobrang sakit na ang babaeng mahal ko. Nilalayo na ang sarili sa 'kin. Pinuntahan ko siya. Ilang beses akong kumatok pero hindi niya ako pinagbuksan ng pinto. Muli niya na naman akong pinagtulakan palayo. I was crying, sobrang hapdi na ng mga mata ko. Siya ang lakas at kahinaan ko. Sa tuwing nasasaktan siya, mas doble ang sakit na nararamdaman ko. This is all my fault. Pero hindi ko magawang gawin ang kagustuhan niya. Ang bitiwan siya kasi hindi ko talaga kakayanin na malayo siya sa 'kin. Hindi ko kakayanin na bitiwan ang babaeng sinakop na ang buong puso at buhay ko. "D-Dito ka lang... Dito ka lang sa tabi ko, please... Ayokong mawala ka sa buhay ko... hindi ko kakayanin, Marcus.. Huwag mo 'kong iwan.. Hindi na kita ipagtatabuyan pa.. Mahal na mahal kita.. Mahal na mahal.." Hindi ko maipaliwanag ang sayang naramdaman ko nang marinig 'yon mula sa kanya. Na ang babaeng mahal ko, muling kumakapit sa 'kin. At gagawin ko ang lahat para huwag kaming tuluyan na magkalayo na dalawa. I know, sobrang nahihirapan na siya sa sitwasyon naming dalawa. Isang linggo kaming hindi nagkita. Ngayong araw na sana muli kaming magkakasama pero kailangan ko na naman siyang iwanan kasi kailangan ako ng anak ko. Wala siyang sinabi kundi ang naiintindihan niya ang sitwasyon ko. Alam kong nasasaktan ko na siya at natatakot ako na baka tuluyan na siyang mawala sa 'kin. Dalawang linggo ang nakalipas bago kami muling nagkasama. Dinala ko siya sa Resthouse. Sobrang namiss ko siya kasi nasanay ako... Nasanay na siya lang ang priority ko, pero ngayon hindi na. Mayroon nang naghihintay sa 'kin na matinding responsibilidad, ang anak ko. "Let's get married..." Napahinto siya sa pagsusuklay sa sinabi ko. "W-What?" "Pakasal na tayo, honey... Be my wife..." Umasa ako na papayag na siya pero muli na naman niya akong pinagtabuyan sa iba. Sobrang sakit na kasi hindi niya magawang ipagkait ako na para bang balewala na lang ako para sa kanya. Hindi ko siya gustong iwanan ng gabing 'yon pero kailangan ako ni Zairus. Alam kong nasaktan ko na naman siya. At pakiramdam ko.... kaunti na lang ay tuluyan na siyang bibitaw sa 'kin. "Fuck." Napamura ako kasi pagpasok ko sa teritoryo ng Smith. Sumalubong sa 'kin ang isang engagement party. I was about to leave that damn party nang mayroong sabihin ang hukluban na 'yon na nakapagpatigil sa 'kin. "Once you leave this engagement party..." He smirked. "You'll never see your son again..." Nakuyom ko ang mga palad ko sa kanyang sinabi at mahina akong napamura lalo na nung pinakuha niya pa aking phone. "What happened to your face?" I held her chin, para mas masuri ko pa ang kanyang pisngi na sobrang namumula. "O-Okay lang ako, Marcus... Ako na ang bahala kay Dad, pwede ka nang umalis at balikan ang kai--" "No, I'll stay here..." Iniwas niya ang tingin sa 'kin. Alam kong pinagbuhatan siya ng kamay ng hukluban niyang ama. Nalaman ko na ang dahilan kung bakit niya ako nagawang iwanan pero hindi ibig nun ay babalik na ako sa kanya. I love my girlfriend. Siya lang ang babaeng laman ng puso ko. Wala akong choice kundi ang manatili sa engagement party na 'to. Pero hindi nawala sa aking isipan ang girlfriend ko. Alam kong hinihintay niya ako at nasasaktan ko na naman siya. Gagawin ko ang lahat para lang makabawi ako sa kanya. "Ano na naman ba 'to?" Nakapalibot ang braso ko sa kanya para maalalayan siya. Nakatakip ang kanyang mga mata ng panyo kasi balak ko siyang i-surpresa. "It's a secret, honey..." Gusto ko nang mag propose sa kanya at pakasalan siya kahit na masyado pa kaming nasa murang edad. Kaya kong magtrabaho para sa kanya. Mayroon din na iniwan sa 'kin na pamana si Mom at kayang kaya kong magpatayo ng bahay para sa aming dalawa. Akala ko ay matatanggap ko na ang matamis niyang Yes. Pero nagkamali ako. She rejected me. Muli niya na naman akong pinagtabuyan sa iba na para bang isang laruan na ipinamimigay kasi hindi na kailangan pa. Hindi ako mapapagod na magmakaawa sa kanya. Magmakaawa na sana magawa niya naman akong ipagkait sa iba. Na sana maging makasarili naman siya pagdating 'kin kasi sobrang nasasaktan na talaga ako sa tuwing ipinagtatabuyan niya ako. "Do it again..." At nung sinabi niya 'yon, nabuhayan na ako ng pag-asa kasi natanggap ko na mula sa kanyang mga labi ang matamis niyang Yes. Finally, we're engaged. She's now my fiancɃe.. My soon to be wife... Pero sa hindi inaasahan. Bigla na lang akong sinalubong ni Dad ng isang malakas na suntok pagkarating pa lang namin ng hacienda. Gusto niya na layuan ko na ang kanyang anak na hindi ko makakayang gawin. Lumuhod ako sa harapan niya para magmakaawa. Magmakaawa na sana huwag niyang ipagkait sa 'kin ang anak niya na naging mundo ko na. Naiintindihan ko siya kung bakit ganun na lang ang galit niya sa 'kin. Ayaw niya lang na masaktan ko ang kanyang anak. Nangako ako sa kanya na ang anak niya ang papakasalan ko at wala kahit sino ang makakapigil sa aming dalawa. 1 month passed. Naisipan kong dalhin siya sa resort sa Batangas. Malapit na ang kasal naming dalawa. Mabuti na lang okay na kami ni Dad at payag na siyang maikasal kaming dalawa. "Manatili ka lang sa tabi ko, honey, kasi ikaw ang buhay ko..." Hinigpitan ko ang yakap sa kanya. Yakap na nagsasabi na ayaw ko na siyang makawala pa sa bisig ko. Isang linggo na lang. Kasal na kaming dalawa. She is going to be my wife... Finally! Ngayon na ang araw ng aming kasal at hindi na ako makapaghintay pa na humarap kaming dalawa sa harapan ng altar. Kasi sa wakas ang babaeng pinapangarap kong maging asawa. Matutupad na. Habang nasa harapan ako ng altar. Nagulat na lang ako sa mga bisitang dumarating lalo na sa pagsulpot ng aking anak. Nang makarating na sa harapan ng altar ang aking bride. Dumating naman ang isang taong hindi ko inaasahan na makikita ko. "Fuck!" Natigilan ako nang makita na hindi ang babaeng mahal ko ang nasa harapan ko ngayon. Nang makita ko siya, hinabol ko siya palabas ng simbahan. Napaluhod na lang ako sa sakit na nararamdaman. Kasi putangina! Ito na naman! Pinagtatabuyan na niya naman ako sa iba. Pagod na pagod na ako! Pagod na pagod na maramdaman na para bang wala akong halaga sa kanya para ipamigay na lang nang basta-basta sa iba. "Do you really want me to marry her?!" It hurts. Sobrang nasasaktan ako na makitang puno na ng mga luha ang kanyang mga mata pero mas nasasaktan ako sa ginagawa niya sa 'kin. Nangako siya... Putangina nangako siya na hindi niya ako iiwan! Pero anong ginagawa niya?! "Answer me!" Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat at pinaglapat ang noo naming dalawa. "M-Magiging masaya ka ba kapag pinakasalan ko siya?! Ha?! Kasi tangina! Kahit ayoko! Kahit hindi ko kaya!" "Papakasalan ko siya para lang sa ikasisiya mo.." Gagawin ko kahit putangina ang sakit na! Ang sakit na ng pinaparanas niya sa 'kin! "Y-Yes, Marcus.. Marry her.. Magiging masaya ako sa oras n--" I claimed her lips. Kasi ito na ang huli. Pagod na pagod na ako... "Mahal kita.. bawat segundo, minuto, oras, ngayon, bukas, palagi at hanggang sa walang hanggan...." Pinaglapat ko ang noo naming dalawa. "Mahal din kita, Marcus." Niyakap ko siya. Umiyak ako sa kanyang balikat. Umiyak sa babaeng dahilan nang pagkawasak ng puso ko. "M-Mahal kita.. Mahal na mahal kita pero tangina.... ang sakit... sobrang sakit mong mahalin..." my voice broke. Muli niyang inangkin ang mga labi ko. Nang makasalanan niyang mga labi na punong-puno ng mga pangako na hindi naman niya kayang tuparin. "M-Malaya ka na, Gianna.. Pinapalaya na kita... at sana huwag ka nang babalik pa sa buhay ko... Kasi simula ngayon.." I stepped back and looked straight into her eyes. "...binubura na kita sa puso't isipan ko..." Tinalikuran ko na siya. Tinalikuran ko na ang mundo ko, ang buhay ko, ang nagmamay-ari ng puso ko. Ang babaeng mahal na mahal ko... kasi ito ang ikasisiya niya. Hinihiling ko lang sa kanya na manatili siya sa tabi ko at mahalin ako kasi ako ang lalaban. Ipaglalaban ko ang pagmamahalan namin pero ang taong ipinaglalaban ko... sinukuan ako... Mahal na mahal ko siya, sobrang mahal ko... pero hindi sapat ang pagmamahal ko para lang manatili siya sa tabi ko at kumapit sa relasyon naming dalawa. Honey... I love you. Mahal na mahal kita.. at gagawin ko ang bagay na ikakasiya mo kahit na labag sa kalooban ko. Ang babaeng ipinangako ko sa Panginoon na dadalhin ko sa kanya balang araw. Nagawa akong ipamigay sa iba na para bang isang laruan at walang pakiramdam. "You may now kiss the bride." Inalis ko ang belo niya at tumitig sa kanyang mga mata. Hindi siya ang babaeng gusto kong pakasalan. Hindi siya ang babaeng ipinangako ko sa Panginoon na ihaharap ko sa harapan ng altar. Hindi siya ang babaeng pinapangarap ko na makasama habambuhay. Hindi siya ang mundo ko. Hindi siya ang buhay ko. Hindi siya ang laman ng puso't isipan ko. Hindi siya ang mahal ko. Hindi siya ang honey ko. Hindi siya si Gianna Kinsley Arellano. Kasi ang babaeng gusto kong pakasalan... nagawa na 'kong ipagtabuyan at hindi ipaglaban. "M-Mar--" I didn't give her a chance to speak because I claimed her lips. In front of God... And now, I'm married... I am married with the woman I don't love. She's now... Stella Caroline Smith Samaniego.. My wife.. Announcement [Accidentally Kissed With A PL...] Maraming salamat po sa sumuporta sa story na 'to. Sa mga nagtiyagang maghintay ng mga updates ko. Sa mga comments at votes. It means a lot. Sobrang nakakataba ng puso. Sana napamahal na kayo sa mga characters ko tulad ng pagmamahal ko sa kanila. Ang hirap nilang bitawan, sa totoo lang. Napamahal na talaga ako sa kanila. Marami akong natatanggap na gawan ko ng book 2 ang story na 'to. Bakit? 'Di ba kayo happy sa ending na may kasalan na naganap? Haha. Not every love story has a perfect ending. Akala niyo sila na, pero 'di pa pala. Sa una lang ang kilig, pero sa huli ang sakit. Sa lahat ng story ko, kung nabasa niyo na ang iba. Eto lang ang hindi nagkatuluyan ang bida. Nung una, natakot ako. Why? Baka maraming magalit sa 'kin sa kakalabasan ng story na 'to. Pero ako ang author, ako ang masusunod sa gusto kong ending. :D Hindi ako makapaniwala na madadala talaga kayo sa story na 'to. Hindi ko akalain na maiiyak kayo kasi 'di naman ako marunong magpa-iyak ng readers haha. Sino ba mga napaiyak ko? Haha. I'm sorry for hurting you, honey... (Marcus) Btw, this story was written on year 2016. Yes, 2016 pa talaga ang AKWAP, hanggang chapter 7 lang haha. Mabuti na lang nagtingin ako ng drafts, kung hindi. Hindi n'yo sila makikilala. Pero meron ilang readers na tanda pa ang AKWAP, sobrang tagal daw silang naghintay na ibalik ko sa wattpad. Samantalang ako, hindi ko natandaan na may sinulat akong ganun haha. Nung una nangamba pa ako kung itutuloy ko pa ba kasi hindi ko na alam ang mangyayari sa story, parang nagsimula ako sa bago. Hindi ko rin gamay ang ugali nila. Lalo na si Marcus, kaya sobrang nahirapan ako sa kanya. Sana na-appreciate n'yo ang character niya haha. Yuan talaga ang name niya, hindi Marcus Caden. Binago ko para mas maganda. Nakaka in love ang name niya sa tunay. Sana mahal n'yo siya! I have a question for you guys. Q: How's Accidentally Kissed With A PLAYBOY? A: Q: For you, what's the most heartbreaking scenes? A: Q: Most heartbreaking lines of the characters? A: Q: Favorite Qoutes? A: Q: Favorite scenes? A: Q: Favorite Characters? Why? A: Q: Marcus or Josh? Why? A: Q: Nagustuhan niyo ba ang character ni Marcus? (Super nahirapan ako sa kanya haha.) A: Q: Sino ang pinaka hate niyong character? Why? A: Q: Mahal n'yo pa rin ba si Gianna kahit na ganun ang desisyon n'ya? A: Q: Ano po ang gusto niyong sabihin sa 'kin? Haha. Sana meron. A: Q: Love n'yo ba ako? Haha. A: Q: Any questions? A: Sana may sumagot sa mga tanong ko lololol. - Book 2: The PLAYBOY's Kiss You can find it on my profile here. See you all there. Thank you guys! Mahal ko kayo! - MsKindGirl