Name: KYNEL L. DEQUILLO Course & Year: BSBA-FM1 SUBJECT: FILIPINO 1 Gawain 1: Sikolohikang Pilipino Magbigay ng tatlong (3) pattern ng kaugalian o pattern ng pag-iisip ng mga Pilipino batay sa iyong obserbasyon o karanasan. Ipaliwanag ang mga katangiang binigay batay sa mga sumusunod na katanungan: A. Sa iyong palagay, ano ang ugat o pinagmulan ng kaugalian o pag-iisip na ito? B. Nakabubuti ba o nakasasama ang ganitong kaugalian o pag-iisip? Bakit? C. Ano ang kahalagahan ng Sikolohikang Pilipino sa pag-unawa natin sa mga Pilipino? 1. Tayong mga Pilipino ay matatawag na matatag o resilient na humaharap sa bawat pagsubok na ating kinakaharap. Sa kabila ng mga sakuna gaya ng lindol o bagyo, nahahanapan ng mga Pilipino ng biro at magawang maging masayahin. Ito ay maaring nag-ugat sa natural na pagiging masiyahin nating mga Pilipino. Tayo ay likas na may positibong disposisyon lalo na at may kinakaharap na suliranin. Masasabing nakabubuti ang ganitong pag-iisip dahil nagiging mas magaan ang pagharap at paggawa ng solusyon sa bawat dagok na ating pinagdadaanan. 2. Likas ang pagiging relihiyoso nating mga Pilipino. Iba’t iba man ang mga relihiyon ng mga Pilipino, naipapakita naman natin ang kahalagahan ng pananampalataya saa ating pang araw-araw na pamumuhay. Madalas mapuno ang kalendaryo ng iba’t ibang pagdiriwang ng kapistahan ng mga Santo at iba pang relihiyosong pagdiriwang. Ang ating pagiging relihiyoso ay nagpapatatag sa ating koneksyon sa Panginooon at pagsasabuhay ng mga aral at turo ng Panginoon. Nakabubuti rin ito upang mapagtibay ang pagiging Pilipino na maka-Diyos. 3. Ang mga Pilipino rin ay maituturing na family-centered o may pagpapahalaga sa pamilya lalo na sa ating mga magulang. Ito ay naipapakita ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pag-aalaga ng ating mga nakatatanda sa ating tahanan sa halip na sila ay ipadala sa home for the aged. Tayo rin ay kilala sa pagkakaroon ng malalim na pagpapahalaga sa pamilya. Ang mga pag-uugaling ito ay nagpapakita o nagpapakilala ng mga Pilipino. Ang Sikolohiyang Pilipino ay sumasalamin sa mga naging impluwensiya at kultura ng mga Pilipino. Ang pag-aaral ng Sikolohiyang Pilipino ay nagpapalalim din ng ating pag-unawa sa mga salik na nakakaapekto sa mga pattern ng kaugalian at pag-iisip ng ating kapwa Pilipino. Sa pag-aaral nito, atin ding mas nakikilala ang ating sarili at magiging mahalagang bahagi ng pagpapa-unlad ng ating indibidwal na karakter.