Uploaded by Balmes donaviel

Iskrip-ng-NOLI

advertisement
1
FIRST SCENE:Isang Salu-Salo
Pagbubukas ng tabing makikita ang mga tauhang kabilang sa hapunan.
PADRE DAMASO: Hindi ba ninyo batid na marami sa mga Indiyo ang mangmang?
LARUJA:Ngunit Padre Damaso, hindi rin ba ninyo batid na nasa tahanan tayo ng isang Indiyo?
PADRE SIBYLA: Maaaring masaktan mo si Kapitan Tiyago.
P. DAMASO: Hmp! Matagal nang ipinagpalagay ni Tiyago na siya’y hindi isang Indiyo. Inuulit ko, wala nang
makatatalo sa kamangmangan ng mga Indiyo!
Biglang matitigil ang usapan nang dumating si Kapitan Tiyago kasama ang nakakulay itim na binatang
si Crisostomo Ibarra.
KAPITAN TIYAGO: Magandang araw mga ginoo at ginang.Malugod kong ipinakikilala sa inyo siya po si
Don Crisostomo Ibarra,anak ng namatay kong kaibigan ,kararating lamang niya mula sa Europa at sinalubong
ko siya!
*Lalapit ng bahagya si Tenyente Guevarra at susuriin mula ulo hanggang paa si Ibarra. May tatawag
kay Kapt. Tyago mula sa kusina kaya tatapikin nya sa balikat si Ibarra at iiwanan na ito…
IBARRA:Buenos Noches Amigos. Sa mga kura ng atingbayan…at sa matalik na kaibigan ng aking
ama,Padre Damaso ! (sabay abot ng kamay nito ngunitTitingnan lamang ni P.Damaso ang
kamay ng binata kaya babawiin ni Ibarra ang pakikipagkamay).Patawad pokungako’y nagkamali.
PADRE DAMASO: Hindi ka nagkakamali binata, Ako nga!ngunit kailanma’y hindi ko naging kaibigan
ang iyong ama.( sabay talikod kay Ibarra).
Sa pagtalikod ng kura, hinarap naman ng Tenyente ang binata.
TENYENTE GUEVARRA: Maligayang Pagdating! (nangangatal) sanay higit kayong mapalad kaysa sa
inyong ama.Nakausap ko ang inyong amaat masasabi kong napakarangal niya.
IBARRA: Ginoo,dahil sa papuri ninyo sa aking ama ay nawala ang alinlangan ko tungkol sa mga
bagay-bagay na hindi ko naliliwanagan
Tumalikod na ang tenyente at naiwan si Ibarra sa bulwagan dahil dito lumapit siya sa mga
kababaihan.
CRISOSTOMO:Ipagpatawad ninyo ngunit may pitong taon akong nalayo sa aking bayan at di ko
mapigilan ang aking sarili na di batiin ang magagandang hiyas ng Pilipinas- ang mga
kadalagahan.(Walang pumansin sa mga dalagang binati sapagkat taglay nila ang kahinhinan kahit
gusto na nila itong yakapin, kaya lumapit ang binata sa mga kapwa kalalakihan.)
Ibig ko rin pong batiin ang ating mga kabinataan… Mga ginoo, ako po ay si JUAN CRISOSTOMO
IBARRA Y MAGSALIN.
Voice over:Nakahanda napo ang hapunan
Ang mahahalagang tauhan ay patungo na sa hapagkainan.
Sa hapagkainan. Makikitang nag-uunahan sa upuan ng kabisera sina Padre Damaso at Padre
Sibyla. Ngunit pagdating dun ay sabay na handang magbigay sa isa’t isa. Nagkaroon ng pagtatalo
kung sino talaga ang uupo.
2
Padre Sibyla: Sige maupo na kayo Padre Damaso
DAMASO: Kayo na Padre Sibyla.
Padre Sibyla: Mas kilala kayo sa bahay na ito. Kayo pa po ang kumpesor ng nasirang misis ni
Kapitan Tyago. At alang- alang kayo ay higit na nakatatanda.
DAMASO: bakit natin dadaanin sa patandaan? Kayo ang kura sa pook na ito, kaya kayo ang
dapat na maupo sa kabisera.
Padre Sibyla:Sa utos ninyo, ako’y handang sumunod.
DAMASO: Aba! hindi ko kayo inuutusan! (Hawak pa rin ni Padre Damaso ang sandalanng upuan).
Aalukin niya ang dumating na tenyente ngunit ito’y tumanggi at nagsimula na silang
magsiupo…
LARUJA: Señor Ibarra, sa halos pitong taong ninyong pamamalagi sa ibang bansa, ano’ng
pinakamahalagang bagay ang nakita n’yo?
CRISOSTOMO: Nang natutunan ko ang kasaysayan, nalaman kong ang kalayaan o ang pagkaalipin
ng isang bansa ang nagdidikta ng kasaganahan o paghihikahos nito.
DAMASO: Aba! Nagawa mong lustayin ang iyong yaman para lamang diyan? Wala ka na bang
nakitang mas mahalaga? Isa kang bulag! Kahit ang isang bata’y alam iyan.
CRISOSTOMO: Nagpapasalamat ako’t palagay ang loob ng dating kura sa akin. Nawa’y
ipagpaumanhin ninyo ngunit kagagaling ko lamang sa mahabang biyahe at may aasikasuhin pa ako
bukas. ( Tatayo at itataas ang basong hawak) Para sa España at Pilipinas!
TIYAGO: Huwag ka munang umalis, darating pa si Maria Clara.
IBARRA: Bibisitahin ko po siya bukas. Sa ngayon ay may importante pa akong dapat gawin.
Habang papalabas si Ibarra…….
PADRE DAMASO: Nakita na ninyo? Ganyan ang nangyayari sa mga kabataang ipinapadala sa
Europa! Nagiging mayabang at mapagmataas! Kaya nararapat lamang talagang ipagbawal na ang
pagpapadala ng mga kabataan sa Europa!
End of Scene.
SCENE 2: Erehe at Pilibustero
Sa kalyeng maraming tao, abala si Ibarra sa kaiisip habang siya’y naglalakad. Bigla siyang napahinto
nang may kamay na pumatong sa kanyang balikat.
TINYENTE: Señor Ibarra.
CRISOSTOMO: Tinyente, kayo pala. Ginulat po ninyo ako.
TINYENTE: Mag-ingat kayo, Señor. Maging aral sana sa inyo ang nangyari sa inyong ama.
CRISOSTOMO: Tila may nalalaman kayo tungkol sa pagkamatay ng aking ama. Maaari ba ninyong
sabihin sa akin?
TINYENTE: Wala ba kayong nalalaman? Sa pagkakaalam ko, namatay ang iyong ama sa loob ng
bilangguan.
CRISOSTOMO: Sa bilangguan?! Nakulong po ang aking ama? Hindi kaya kayo’y nagkakamali
lamang?
TINYENTE: Hindi ako maaaring magkamali. Ang iyong ama ay namatay sa bilangguan. Si Rafael
Ibarra, siya na pinagbintang erehe at pilibustero ni Padre Damaso.
CRISOSTOMO: Maaari ba ninyong sabihin sa akin ang buong pangyayari? Bakit po siya nakulong?
3
TINYENTE: Noon ay mayroong isang Kastilang mangmang at masama ang ugali na naging kolektor
ng buwis. Nang siya’y nangongolekta, minsan siyang napagkatuwaan ng mga bata…
Flashback:
Naglalakad ang kolektor dala-dala ang isang lapis at papel. Pinagtatawanan siya ng mga bata.
BATA 1: Ba-be-bi-bu-bo! Ha Ha Ha!
BATA 2: Hindi ba’t hindi siya marunong magsulat? Para saan kaya ang lapis niyang dala? Ha ha ha!
KOLEKTOR: Tigilan n’yo ko! Baka kung ano ang magawa ko sa inyo! Ano’ng sabi n’yo?
Hinabol ng kolektor ang mga bata. Hinagisan niya ng baston ang isang bata at ito’y natamaan. Nahuli
niya ito at kanyang sinaktan.
KOLEKTOR: Ikaw, ano’ng sabi mo?!
BATA: Ahh! Nagbibiro lamang po ako. Ahh—(akmang hahampasin ng tungkod ng kolektor)
RAFAEL IBARRA: (Hahawakan ang kamay ng kolektor bago pa mahampas ang bata) Bitawan mo
sila!
Tinulak ni Don Rafael ang kolektor ng buwis at ito’y nawalan ng balanse.
RAFAEL IBARRA: Hindi ko mapapayagang saktan ninyo ang mga bata.
End of flashback.
TINYENTE: Sa kasamaang palad ay ilang minuto lamang ay namatay ang kolektor. Dahil dito’y hinuli
ang iyong ama at ikinulong. Tinakwil siya ng lahat, at pinagbintangan ng kung anu-ano. Dahil sa
kabiguan niyang makalaya, nasira ang kanyang kalusugan at sa bilangguan na namatay.
IBARRA: Kaya pala... Kaya pala hindi sinabi ni Kapitan Tiyago ang dahilan...... Ama ko...
THIRD SCENE:
Romansa sa Balkonahe
(Maria Clara,Tiya Isabel,Kapitan Tiyago,Ibarra)
Pagkatapos nilang mag-almusal ay ipinagpatuloy ni Maria Clara ang pananahi ng supot ng seda.
KAPITAN TIYAGO:Maria,palagay koy tama nga ang payo ng doctor.Saan mo ba nais magbakasyon?.
TIYA ISABEL:Pinsan,palagay koy mas makakabuti kay Maria na sa San Diego
magbakasyon.Maganda ng bahay natin doon,at saka nalalapit na ang pista.
KAPITAN TIYAGO:Tama ka! “aba! Si Don Crisostomo!.
Nabitawan ni Maria Clara ang tinatahing seda.Nagtatakbo siya sa kanilang silid
dalanginan.Pumasok si Tiya Isabel sa silid upang tawagin si Maria Clara.
TIYA ISABEL: Lokang bata ito.Ano ang nangyayari sayo? Lumabas ka na at pakiharapan mo!
Huwag mo siyang paghintayin ng matagal!.
Lumabas si Maria Clara na hila hila ng tiyahin at paglabas nagkatitigan sila ng binata
at napawi lamang ito ng tumikhim ang tiya.
Nagtungo sa balkonahe ang magkasuyo.
TIYA ISABEL: Mabuti ngang diyan kayo mag-usap sa nakikita ng kapit-bahay.
4
MARIA CLARA:Lagi mo ba akong naaalala?Kahit minsan ba’y hindi mo ako nalimot sa ibang
bansa? Maraming lungsod kang narating at marami kang babaeng nakilala.
CRISOSTOMO:Maaari ba kitang malimot ?Paano kita malilimot?Kasama kong lagi ang iyong alaala
at siyang nagliligtas sa akin sa lahat ng panganib sa paglalakbay.Maaari ba kitang malimot madalas
na parang naririnig ko ang tugtugin mo sa pyano at tamis ng iyong tinig.Naalala ba kita? Ang aliwalas
ng langit sa italya ay nagpapagunita sa akin ng iyong mga mata.
MARIA CLARA:Hindi ako nakapaglakbay na tulad mo.Wala akong narating kundi Binondo at
Antipolo at ang bayan mo.Ngunit ng magpaalam ako sayo na tutungo ako sa kumbento ay lagi kitang
naaalala ni minsan ay hindi kita nalimot.
Napangiti si Ibarra at binuksan ang pitaka at inilabas ang isang papel na nakabalot sa maitim,tuyo ng
dahon ngunit may bango pa.
IBARRA: hayan ang dahon ng sambong! Ayan lamang ang ibinigay mo sa akin.
May dinukot din si Maria Clara sa kanyang damit ,isang maliit na sedang supot.
MARIA CLARA:hus! Puwera hipo! Yan ay isang sulat lamang ng pamamaalam.
IBARRA: Iyan ba ang sulat ko sa iyo noong umalis ako?
MARIA CLARA:Mayroon pa po ba kayong ibang sulat ginoo?
Masayang binalikan ng dalawa ang mga ala-alang lumipas, at sa pagbabalik tanaw na iyon
ay naalala ni Ibarra ang kanyang ama.
MARIA CLARA:Anong nangyari sa iyo tila ikaw ay balisang-balisa.
IBARRA: Dahil sa iyo ay nalimot kong may tungkulin nga pala akong dapat gampanan.Kailangan
kong umuwi ngayon sa aking bayan at bukas ay araw ng mga patay.
Agad na umalis ang binata matapos magpaalam sa dalaga at kay Kapitan Tiyago.
FOURTH SCENE:TODOS LOS SANTOS
(dalawang sepulturero)Sa dakong kanluran,sa gitna ng palayan ay hindi kabayanan ang
naroroon kundi libingan.Parami ng parami ang mga taong dumadalaw sa sementeryo.Samantala
may dalawang sepulturero.
SEPULTURERO1: Mabuti yata ay sa ibang lugar na tayo maghukay. Sariwa pa ang bangkay dito.
SEPULTURERO 2: Pareho rin kahit saan!
SEPULTURERO 1:Hindi ko na matatagalan ito! May dugo pa ang nahukay mong buto! Huh! At ang
buhok…..
SEPULTURERO 2: Napakaselan mo naman !Para kang klerk sa husgado.Kung ikaw pa ang
pinaghukay na tulad ko ng isang bangkay na dalawampung araw pa lamang nalilibing.At gabi
pa!Umuulan. Basa ako at ang bangkat at….
SEPULTURERO 1: krrrr! Bakit mo naman hinukay?
5
SEPULTURERO 2 : Anong pakialam ko! Basta iniutos sa akin!
SEPULTURERO 1 : Sinong nag-utos ?
SEPULTURERO 2 :Para ka naman palang kastila.Ganyan din ang tanong sa akin ng kastila pero
palihim.Sasagutin kita ng tulad ng isinagot ko sa kanya noon:Iniutos sa akin ng kurang malaki.
SEPULTURERO 1 : Ano ang ginawa mo sa Bangkay pagkatapos?
SEPULTURERO 2: Sus! Kung hindi lamang kita kilala at alam kong tao ka, masasabi kong isa kang
kastilang sibil; pareho rin ng tanong niya ang tanong mo! Alam mo iniutos ng kurang malaki na ibaon
ko ang bangkay na iyon sa libingan ng mga intsik.Pero,dahil,sa bigat ng ataul at sa layo ng
sementeryo ng mga intsik ay……
FIFTH SCENE: HUDYAT NG UNOS
(Ibarra,Matandang utusan,Sepulturero,Padre Salvi )
Bumaba si Ibarra mula sa karwahe kasunod ang isang matandang utusan ,walang kibong pumasok
si Ibarra sa sementeryo.
MATANDANG UTUSAN: Sabi ni Kapitan Tiyago ay siya na ang magpapagawa ng nitso.Doon po
nakalibing sa likod ng malaking krus na iyon.
Marahang nagtungo si Ibarra at iniiwasang matapakan ang mga puntod .Huminto siya nang
marating ang lugar at iginala ang paningin.Tumigil din ang matanda at nagtakang lumingalinga.wala ang sinsabi niyang krus.
MATANDANG UTUSAN: Dito nga kaya?Hindi! doon yata… pero hukay na ang lupa.!
malungkot na tinitigan ni Ibarra ang matanda .
MATANDANG UTUSAN: Siya nga po pala .Ang tanda ko ay may katabing malaking bato.Medyo
mababaw ang hukay pagkat may sakit noon ang tagapaglibing kaya iba ang naghukay.Itanong po
natin sa kanya kung nasaan ang krus.
Nilapitan nila ang tagapaglibing Inalis nito ang suot na salakot at magalang na yumukod.
MATANDANG UTUSAN:Alin bang libingan ang may krus?
SEPULTURERO:Iyon po bang may malaking krus? \
MATANDANG UTUSAN: Malaking krus nga!
SEPULTURERO: Iyon po bang krus na nakaukit ang dekorasyon at may taling yantok?
MATANDANG UTUSAN: IYON NA NGA!
SEPULTURERO: At ang libing ,hindi po ba ay may tanim na mga halamang namumulaklak?
MATANDANG UTUSAN: sampaga,adelfa at pensamyento.Nasaan ang libing at krus?
Napakamot ng tenga ang sepulturero at pahikab na sumagot.
SEPULTURERO:Sinunog ko na po ang krus.
IBARRA: Sinunog? Bakit naman ninyo sinunog?
SEPULTURERO: po ng malaking kura!
IBARRA: Sinong malaking kura?
SEPULTURERO: Iyon pong namamalong kura…. Si Padre Garrote.
IBARRA: Pero kahit ang libing… Ituro ninyo sa amin.
SEPULTURERO: Wala na po sa libing na iyon ang patay.
IBARRA: ANONG SABI NYO?
SEPULTURERO: Opo! May isang lingo na po ngayong isang babaeng nakabaon sa puntod na yon!
MATANDANG UTUSAN: Nasisiraan na ba kayo? Wala pang santaong nalilibing ang aming
hinahanap, a?
SEPULTURERO:Totoo nga po! Pero matagal nang pinahukay iyon ng malaking kura.May ilang
buwan na.Ipinalipat po nya sa sementeryo ng mga intsik.Pero,dahil sa bigat at umuulan pa nanag
gabing iyon kayat….
6
Hindi naituloy ng tagapaglibing ang pangungusap na sugurin siya ni Ibarra.Sinunggaban siya
sa bisig at niyugyog.
IBARRA: At sinunod mo naman ?(may poot ang tinig ng binata. )
SEPULTURERO: (NAMUTLA AT NANGANGATAL ANG TINIG.) huwag po kayong magalit.Hindi ko
po inilbing sa sementeryo ng mga intsik.Naisip ko pong mas mabuti nang ipaanod sa ilog kaysa ibaon
sa libingan ng mga intsik at iyon nga po ang ginawa ko.
IBARRA: Isa kang SAWIMPALAD!
Agaw dilim na noon at sa dakong silangan ay makapal ang ulap na parang uulan.Walang luha ang
kanyang mga mata at walang himutok na laman ang dibdib.Parang iniiwasan niya sa paglalakad ang
sunod-sunod na anino ng kanyang ama… Parang iniiwasan niya ang nagbabantang unos.Tinahak niya
ang kabayanan.Samantala nakasalubong niya ang kura ng San Diego… ang tahimik na
Pransiskano…ang kaaway ng Alperes (sinugod ni Ibarra ang kura at galit na galit na diniinan ang
balikat ng pari. )
IBARRA: Ano ang ginawa mo sa aking ama?!!!
PADRE SALVI: Nagkakamali kayo.Wala akong ginawang ano man sa inyong ama.
IBARRA: Anong wala ?(marahas na wika ni Ibarra na ipinagdiinan pa sa balikat ni Padre Salvi
ang kanyang mga kamay kaya ito ay tuluyang napaluhod. )
PADRE SALVI: Hindi po ako! Natitiyak kong ang tinutukoy ninyo ay si Padre Damaso … ang
pinalitan kong pari….
IBARRA:“ Aaaa!... (sabay alis.)
( tinulungan ng matandang utusan na makatayo ang pari.)
SIXTH SCENE:Basilio at Pilosopo
(Pilosopo Tasyo,Kapitan,Basilio,Crispin)
walang tiyak na direksyon,palakad-lakad sa kabayanan ang isang mahiwagang matandang lalaki buhat
sa sementeryo .
VOICE OVER papasok si tasyo.Nang hapong iyon ay nagbabanta ang unos .Gumuguhit ang kidlat sa
langit.Maalinsangan ang simoy ng hangin.
KAPITAN: Masaya yata kayo?.
TASYO: Totoo po,Kapitan .Masaya ako pagkat mayroon akong hinihintay!
KAPITAN: Hinihintay na ano?
TASYO: Ang unos!
KAPITAN: Anong unos? Maliligo ba kayo?
TASYO: Maligo?Hindi po masama,lalo na kung nakatuntong ng marumi.Ngunit naghihintay ako ng
higit na mabuting mangyayari.
KAPITAN: Ano nga po iyon?
TASYO: Kidlat na papatay ng mga tao at susunog ng mga bahay.
KAPITAN: Ipanalangin na rin ninyong mauuwi na rin sa delubyo!
TASYO: Siyang bagay sa ating lahat.Sa inyo at sa akin!Sampung taon ko nang hinihiling sa bawat
bagong kapitan ang pagbili ng pang –akit ng kidlat o lightning rod ngunit pinagtawanan lamang ako
ng mga tao.Sa halip ay mga paputok,kwitis ang kanilang binibili.Nagbabayad din sila para repekehin
ang kampana gayong ayonsa siyensya ay delikadong tugtugin ang kampana kapag kumukulog.
7
( biglang gumuhit ang matalim na kidlat )
KAPITAN: Susmaryosep! Santang Barbarang Mahal !( sinabayan ng pagkukrus )
Tumawa ng malakas si Pilosopong Tasyo.Tumalikod at nagtungo sa simbahan .Sa loob ay
naratnan niya ng dalawang batang lalaki.
TASYO: Tayo na mga bata! Ipinaghanda kayo na inyong ina ng pangkurang hapunan!
BASILIO: Ayaw po kaming paalisin ng sakristan mayor hanggang alas-otso ng gabi.Sana po ay
makasuweldo ako para may maibigay sa nanay ko.
TASYO: Anong gagawin ninyo ngayon?
BASILIO: tutugtugin po namin ang kampana sa kampanaryo para sa mga kaluluwa.
TASYO: Mag-iingat kayo! Wag kayong lalapit sa kampana kapag kumukulog .
SEVENTH SCENE:
ANG MGA SAKRISTAN
(Basilio,Crispin,Sakristan Mayor)
Salimbayanang kidlat na sinundan ng dumadagundong na mga kulog .Parang ibinubuhos ang ulan at humahaginit ang
malakas na hangin.
BASILIO: Hilahin mo ang iyong lubid, Crispin.
CRISPIN:kung nasa atin sana tayo kasama ang nanay…Doon ay hindi ako matatakot. Sa bahay
natin ay walang nagbibintang na magnanakaw ako!.Hindi papayag ang nanay.Pag nalaman niyang
pinapalo nila ako ay….
(tinugtog ni Basilio ang kampana )
CRISPIN:Ganito na lang ba tayo kuya? Bukas sana ay magkasakit ako…matagal na magkasakit
para aalagaan ako ng nanay at hindi na pabalikin sa kumbento ! Sa ganon ay walang magsasabing
magnanakaw ako… Hindi na rin ako mapapalo!Pati ikaw ,kuya.mabuti yata ay sabay na tayong
magkasakit..
BASILIO:Aba!Huwag! Pare pareho tayong mamatay !ang nanay ay dahil sa sama ng loob at tayo
namang dalawa ay sa gutom.
CRISPIN: Magkano nga pala ang sasahurin mo sa buwang ito kuya?
BASILIO: Dalawang piso! Tatlong beses kasi akong pinagmulta.
CRISPIN:Bayaran mo na kaya,ang sinasabi nilang ninakaw ko para hindi na tayo tawaging
magnanakaw.Bayaran mo na kuya!
BASILIO: Naku Crispin! Ano pang ibibili ng nanay ng pagkain? At saka sabi ng sakristan mayor ay
dalawang onsa raw ang ninakaw mo.Alam mo ba ang dalawang onsa ay katumbas ng tatlumput
dalawang piso?
(binilang bilang ni Crispin ang kanyang daliri)
CRISPIN: anim na kamay at dalawang daliri! At bawat daliri ay piso,ilang kuwalta ba ang piso ?
BASILIO: Sandaan at animnapu.
CRISPIN: Sandaan at anim na pung kuwalta? Isang daan at animnapung tig-isang kuwalta? Naku
po! Magkano naman ang sandaa’t animnapu? (Nag-isip )
CRISPIN: Mas mabuti pa palang ninakaw ko na nga!
BASILIO: Crispin!!!
CRISPIN: Huwag kang magagalit kuya! Sabi ng kura papatayin daw niya ako sa palo pag hindi ko
inilabas ang pera. Kung totooko sanang ninakaw ,e,di maililitaw ko…at saka patayin man nila ako ay
may maibibili kayo ng damit ni nanay! Kung ninanakaw ko nga sana!!!( tinugtog muli ang kampana )
8
BASILIO: Ang inaalala ko ay makagagalitan ka ng nanay pag nalaman ito.
CRISPIN: Ganon ba kuya!Sabihin mo sa nanay na marami akong natanggap na palo .Ipakikita ko sa
nanay ang mga latay ko.pati ang butas kong bulsa.Wala itong laman kahapon kundi isang kuwalta
na naaginaldo ko noon pang pasko pero kinuha pa ng kura.Noon lang ako nakakita ng ganong
kagandang kuwalta.Hindi maniniwala ang nanay na nagnakaw ako! Hindi!!
BASILIO: Kung magsumbong ang kura?
CRISPIN:kung ganoon ay ikaw nalang ang umuwi .Sabihin mo sa nanay na may sakit ako! Hindi ako
uuwi! (umiiyak )
BASILIO: Huwag kang umiyak Crispin! Hindi maniniwala sa kanila ang nanay .At saka hindi ba sabi
ng matandang Tasyo na masarap daw ang inihandang pagkain sa atin ng nanay?
CRISPIN:Masarap?Hindi pa nga ako kumakain.hindi raw ako pakakainin habang hindi ko nililitaw ang
pera.pano kung maniwala sa kanila ang nanay? Sabihin mo,kuya, na nagsisinungaling ang sakristan
mayor pati kura… Sabihin mong nagsisinungaling din.Sinungaling silang lahat!magnanakaw daw tayo
dahil sa maraming bisyo ang tatay natin!!
Natigilan ang pag-uusap ng magkapatid ng dumating ang sakristan mayor .Kapwa sila
kinilabutan.
SAKRISTAN MAYOR: magmumulta ka nang kalahati Basilio,pagkat mali ang tugtog mo sa
kampana.At ikaw naman Crispin..maiiwan ka dito hanggang sa ilitaw mo ang itong ninakaw!
BASILIO: Pinayagan na po kami .Hihintayin kami ng nanay ngayong alas-otso.
SAKRISTAN MAYOR: Alas-diyes ka na umuwi Basilio!
BASILIO: Pero bawal na pong maglakad sa kalye mula alas nuwebe! Malayo pa po ang bahay
namin!
Matagal na po naming hindi nakikita ang aming Inay. Pagbigyan n’yo na po—
Sinaktan ng sakristan-mayor si Basilio hanggang sa ito’y hindi na halos makatayo. Muli niyang hinila si Crispin at
ito’y ikinaladkad pababa ng hagdan.
CRISPIN: Kuya, tulungan mo ako! Papatayin nila ako!
BASILIO: Crispin… Crispin!!!!!!
Nang nakaalis na ang dalawa, pilit niyang iniahon ang kanyang sarili at tumakas siya gamit ang lubid ng
kampana.
Ang Pamilya ni Sisa
Abala si Sisa sa paghahanda ng pagkain para sa mga anak.
SISA: Marahil ay gutom na gutom na ang mga anak ko...Hindi ko sila hahayaang magutom...Kaya
naghanda ako ng masarap na pagkain...
Biglang dumating ang lasing na si Pedro.
PEDRO: May makakain ba?
SISA: Mayroon.
PEDRO: Nasaan?! Bilisan mo’t nagugutom na ako!
SISA: Ahh- Oo. Narito na.
Kinain ni Pedro ang lahat ng pagkain.
SISA: Wala nang natira? Ngunit paano’ng mga anak mo?
PEDRO: Bakit?! May reklamo ka?!
SISA: Wala. Wala—
PEDRO: Teka, nasaan na ba ang mga batang iyon?
SISA:Nasa kumbento pa. Pero uuwi rin sila—
Nakita ni Sisa na paalis na ang asawa.
SISA: Sandali, hindi mo ba sila hihintayin? Ibinalita ni Ka Tasyo na marunong nang magbasa si
Crispin at sweldo ngayon ni Basilio.
9
PEDRO: Inuutusan mo ba ako?! Aalis ako kung kailan ko gusto! Sabihin mo na lamang kay basilio
na ipagtira ako ng kanyang sweldo.
At umalis na nga si Pedro.
SISA: Kawawang mga anak ko. Magsasaing na lamang ako ulit.
Ilang minuto lamang ay dumating si Basilio takot na takot.
BASILIO: Inay! Inay! Gising pa po ba kayo? Inay!
SISA: Basilio! Anak ko! Anon’ng nangyari sa’yo? Bakit ka umiiyak? Bakit ka sugatan?
BASILIO: Tumakas po ako sa kumbento. Takot na takot na po ako. At si Crispin po-SISA: Bakit, ano bang nangyari kay Crispin? Nasaan na siya?
BASILIO: Naiwan po siya sa kumbento, Inay. Hindi po siya pwedeng umuwi dahil pinagbintangan
siyang nagnakaw.
SISA: Ano? Inakusahan ang mabait kong si Crispin? Dahil ba sa mahirap lang tayo, kailangan
nating magdusa?
BASILIO: Inay…
SISA: Bakit, Basilio? Nagugutom ka? Halika ka, heto…heto ang kanin at tawilis. Kumain ka, anak
ko.
BASILIO: Ngunit hindi po ako kumakain ng tawilis, Inay.
SISA: Alam ko, anak. Naghanda akong ng ibang ulam kanina, ngunit dumating ang iyong ama.
BASILIO: Dumating si Itay?
SISA: Oo.
BASILIO: Pero umalis din siya agad, hindi po ba?
SISA: Basilio!
BASILIO: Patawad po, Inay.
Isinara ni Sisa ang pinto at siya’y napabuntong-hininga.
SISA:Diyos ko... Ano bang gagawin ko?
Ang Pagkabaliw ni Sisa
Tumungo si Sisa sa kumbento dala-dala ang isang bakol na puno ng mga gulay. Nakita siya at kinausap ng
utusan.
UTUSAN: Para saan ang mga ‘yan ale?
SISA: Para sa kura, nais ko sana siyang makausap.
UTUSAN: May sakit ang kura ngayon, tungkol saan ba ito?
SISA: Hindi pa kasi umuuwi ang anak kong si Crispin.
UTUSAN: Crispin? Kung gano’n, ikaw ang ina ng magnanakaw? Aba’y matapos magnakaw ng
batang iyon, ay tumakas rin! Inutusan pa nga ako ng mga kura na magpunta sa kwartel at
magsuplong. Sa katunayan ay papunta na ang mga guardia civil sa inyong tahanan upang hulihin
ang mga magnanakaw mong anak.
SISA: Hindi…hindi magnanakaw ang mga anak ko.
KUSINERA: Hoy! Ina ng mga magnanakaw! ‘Wag mong iyakan ang mga anak mo! Wala kang
mapapala sa kanila dahil nagmana saila sa kanilang ama!
Tumatakbong tumungo si Sisa at nakita niya ang mga Guardia Civil.
GUARDIA CIVIL: Ikaw ba si Sisa, ang ina ng magnanakaw?
SISA: Opo, ako nga ho si Sisa, ngunit hindi po magnanakaw ang mga anak ko.
10
GUARDIA CIVIL: ‘Wag mo nang ipagkaila, kung ayaw mong lumala pa ang sitwasyon. Sabihin mo
na kung saan mo itinago si Crispin!
SISA: Señor, ilang araw ko na hong hindi nakikita si Crispin.
GUARDIA CIVIL: Eh, kung ganoon, isauli mo na lamang ang perang ninakaw ng iyong mga anak!
SISA : Señor, kahit pa minsang nagugutom ang mga anak ko, hinding-hindi nila magagawa ang
magnakaw, maniwala kayo.
GUARDIA CIVIL: Sinungaling! Pero kung iyan iyong gusto, Ikaw ang ikukulong naming hanggang
hindi isinasauli ng mga anak mo ang mga ninakaw nila.
SISA: Pero wala ho talagang ninakaw ang mga anak ko, Señor. Parang awa n’yo na, ‘wag n’yo po
akong ikulong…
(Dinala ng mga guardia civil si Sisa sa kuwartel.)
GUARDIA CIVIL: Mabubulok ka sa bilangguan hanggang hindi ka magsasabi ng totoo!
(Dumating ang alperes at nalaman ang tungkol kay Sisa.)
ALPERES: Kamalian ‘yan ng kura! Pakawalan n’yo siya at ‘wag n’yo na siyang gagambalin pa, at
kung gusto ng kura na na maibalik ang kanyang mga ginto, sabihin n’yo sa kanya na manalangin siya
kay San Antonio!
Agad nilang pinakawalan si Sisa.
GUARDIA CIVIL: Umalis ka na rito! Wala nang maipapakain ang gobyerno sa’yo! Ha! Ha! Ha!
Tumakbo si Sisa patungo sa kanilang bahay.
SISA: Crispin! Basilio! Mga anak ko! Nasaan na kayo? May nakita siyang damit na duguan.
SISA: Ano ‘to? Damit ni Basilio? Dugo…Bakit may sugat ang anak ko? Ha! Ha! Ha! Dugo ng anak
ko! Ang magnanakaw kong anak! Ako’ ang ina ng mga magnanakaw! Ha! Ha! Ha! Dugo!
At tuluyan nang nabaliw ang kawawang si Sisa.
LIWANAG ATDILIM
Masuyong nag-uusap ng pabulong ang magkasintahan sa may bintana
IBARRA: Bukas,bago sumikat ang araw ay matutupad na ang iyong pangarap.Ngayong gabi ay ipahahanda
ko na ang lahat ng kailangan para walang makalimutan.
MARIA CLARA: Susulatan ko na ang mga kaibigan ko para makasama sila. Pero gumawa ka ng paraan para
hindi makasama ang kura.
IBARRA: Pero, bakit?
MARIA CLARA:Parang binabantayan niya ako. Natatakot ako sa mga tingin niya,Kinikilabutan ako kapag
kinakausap niya. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Para siyang baliw....... Gawin mo ang lahat
para siya makasama.
IBARRA: Hindi maaaring hindi man lang natin siya imbitahin. Naririto siya sa bahay nyo at hinihingi ng
kaugalian na gawin natin ang nararapat. Huwag kang mag-alala, hindi natin siya makakasama sa sasakyan
nating Bangka.
Marahang lalapit ang kura(P.Salvi) na may pilit na ngiti
P. SALVI: Malamig ang hangin,baka kayo sipunin, Mahirap magkasipon sa panahong ito. Hindi ba kayo
natatakot malamigan?
IBARRA:Para po sa amin ang gabi ay kasiya-siya at ang hangin ay napakasarap langhapin.
Napabuntong hininga na lamang si Padre Salvi. Maya-maya pa nagpaalam si Maria Clara na lalabas
siya.
IBARRA: Pwede po bang maimbitahan kayo bukas? Isang kasayahan sa bukid ang inihanda naming ng aking
mga kaibigan.
P. SALVI:Saan ninyo gagawin?
IBARRA: Ang ibig po ng mga dalaga ay sa batisan sa gubat... malapit sa puno ng balite. Kaya gigising kami
nang maaga at nang di abutin ng init ng araw.
P. SALVI: ( nag-isip muna sumagot) Ang inyong anyaya ay nakakatuwa, para patunayan na ako’y walang
sama ng loob ito ay aking tinatanggap.
Nagkamay ang dalawang lalaki at nagpaalam na si Ibarra. Sa kanyang pagbaba isang lalaki ang lumapit. Ito ay ang asawa ni
Sisa.
11
LALAKI: Hindi po ninyo ako nakikilala,ginoo. Dalawang araw ko na po kayong hinihintay.
IBARRA:Bakit po?
LALAKI:Wala pong maawa sa akin pagkat ako’y tinawag nilang tulisan. Ngunit nawawala po ang aking mga
anak at nabaliw ang aking asawa.Sabi nila,ito ay nararapat sa akin.
IBARRA:Ano po ngayon ang inyong gustong mangyari?
LALAKI: Gusto ko pong humingi ng tulong sa inyo para sa aking asawa at mga anak.
IBARRA:Nagmamadali po ako kung ibig ninyo ikuwento sa akin ang lahat habang tayo’y naglalakad.
End of Scene
Ang Pangingisda
Masayang nakikipagkwentuhan si Maria Clara sa kanyang mga kaibigan.
KAIBIGAN 1: Maria Clara, kumusta na kayo ni Ibarra?
MARIA CLARA:Kami ni Ibarra? Anong “Kami” ni Ibarra?
KAIBIGAN 2: Hindi ba’t kararating lamang niya?
MARIA CLARA: Oo.... sa katunayan ay papunta na siya dito ngayon at sabay kaming mangingisda.
MGA KAIBIGAN:Uuuuuuuyy..........
Hindi katagalan...
MARIA CLARA: O, nandito ka na pala, Crisostomo.
IBARRA:Maaari na ba tayong umalis, mahal ko?
MARIA CLARA:Kung iyan ang nais mo...
Sa palaisdaan....
ELIAS: Senyorita, saan po ninyo gustong pumunta?
MARIA CLARA:Nais ko po sanang sa palaisdaan ng aking ama. Malayo pa ba?
ELIAS: Naku hindi po. Ilang sandal na lamang po at makakarating na tayo.
MARIA CLARA: Ano iyon? ( itinuturo ang nakitang lumilitaw sa tubig)
ELIAS:Marahil ay kahoy lamang po.
IBARRA: Kahoy pa rin ba ‘yun ( may nakitang lumitaw sa tubig)
ELIAS: Sandali lamang po at titingnan ko- Isang Buwaya!!!!!!!
MARIA CLARA: May buwaya!!!
ELIAS: Kaya pala nauubos na ang mga isda sa ilog na ito! Kailangang mamatay na ang buwayang iyan!(
tatalon)
MARIA CLARA: Crisostomo, nanganganib ang buhay niya!
IBARRA:Huwag kang mag-alala, mahal ko. Ililigtas ko siya. (tumalon din sa tubig)
MARIA CLARA: Crisostomo!! (umiiyak at kinakabahan)
MAKALIPAS ANG ILANG SANDALI.
MARIA CLARA: (Umiiyak) Nasaan na sila? Baka kung ano nang nangyari sa kanila. Ibarra!
VOICE OVER: Ligtas sila ! Ligtas sila!
ELIAS: Maraming salamat sa pagliligtas sa buhay ko , Señor Ibarra. Balang araw, sa panahong kailangan
ninyo ng tulong, nakahanda po akong tulungan kayo.
MGA KABABAIHAN: Isa kang tunay na bayani, Ibarra!
End of Scene
12
Sa Bahay ng Pilosopo
Pupunta si Ibarra sa bahay ng Pilosopo at makikita niyang nagsusulat si Pilosopong Tasyo
P. TASYO:
................................................................................................................................................................................
NANGINGITI SI IBARRA AT NAPANSIN NIYANG ABALA ITO KAYA TATALIKOD NA SANA SIYA NANG MAPANSIN AT
TAWAGIN SIYA NG MATANDA.
P.TASYO: Aba! Nariyan pala kayo Ginoong Ibarra,
IBARRA: Ah, aalis na nga sana ako, dahil napuna kong abalang abala kayo sa inyong isinusulat.
P.TASYO: May kaunti lamang akong isinusulat, ngunit balak ko na ring huminto dito. Ano po bang maipaglilingkod ko sa
inyo?
IBARRA:May isasangguni po sana ako sa inyo. (TITINGNAN ANG ISINULAT NI P. TASYO) Ano poi tong isinusulat
ninyo? Bakit po ninyo ginagawa ito?
P.TASYO: Isang jeroglifico. Isinusulat ko ito upang di mabasa sa ating panahon. Para ito sa mga tao sa kinabukasan.
(MAPAPATITIG SA ITAAS NA PARANG NAG-IISIP,PAGKATAPOS HAHARAP KAY IBARRA) Siyanga pala ano nga
ba ang pakay mo?
IBARRA: Nais ko po sanang humingi ng payo at magpaturo.
P. TASYO: Magpaturo? Ng ano? Ahm,.... eto, tuturuan kita, gayahin mo ko. (SASAYAW AT KALAUNAN AY PATI SI
IBARRA/ LAHAT NG BOYS SASAYAW)
IBARRA: ( nang mapagod) Teka, teka hindi po pagsayaw ang ipapaturo ko......( TITIGIL)
P. TASYO: Ay naku batang ito! Ano nga?
IBARRA:Nang buhay po ang aking ama, sa inyo siya humihingi ng payo. Nais ko pong magpatayo ng paaralan.
P. TASYO: Kung sa akin kayo hihingi ng payo, sasabihin nilang baliw kayo dahil sa isang baliw kayo humihingi ng payo.
(TIGIL SAGLIT) .....Mas makabubuti sa inyo kung sa kura, sa kapitan o kahit sinong may kapangyarihan kayo hihingi ng
payo .Maaaring hindi nga tama at di mabubuting payo ang kanilang ibigay ngunit hindi nangangahulugang susundin nyo
ang payo nila. Dahil dito po sa atin ay kailangan lang mamili sa dalawang bagay, ang magyuko ka ng ulo sa mga
makapangyarihan o huwag kang yumuko at mapapahamak ka.
Ang Pananghalian
Sa isang malaking hapag, nananghali sina Crisostomo, Maria Clara at ang ibang mga panauhin. Biglang dumating si Padre
Damaso at binati siya ng lahat maliban kay Ibarra.
IBARRA: Mahal ko, nagustuhan mo ba ang pagkakagawa ng ipinatayo kong paaralan?
MARIA CLARA: Siyempre naman, mahal ko.
Sa kabilang bahagi ng hapagkainan nagdadabog ang galit na kura.
DAMASO : Hindi man lamang niya ko binati sa aking pagdating?! Talagang tumaas na ang tingin
niya sa kangyang sarili! Nakapunta lamang siya sa Europa, aba’y akalain mong sino kung umasta!
MARIA CLARA: ‘Wag mo na lamang pansinin ang kanyang sinasabi, mahal ko(pabulong kay Ibarra)
IBARRA: Kung alam mo lamang kung gaano ako nagtitimpi sa kurang iyan.
DAMASO: Katulad lamang siya ng kayang ama! Akalain mong isang desente ngunit hindi rin
marunong gumalang sa batas ng simbahan…
IBARRA: Patawarin mo ako Maria Clara, pero hindi ko na ito matitiis pa!
DAMASO: ...tama lamang na siya’y pinarusahan na mamatay sa kulungan at—
Hindi na natuloy ni Padre Damaso ang kanyang sasabihin dahil sinunggaban siya ni Ibarra na hawak-hawak ang
isang patalim.
IBARRA: Hahayaan ko kayong insultuhin ako ngunit ‘wag na ‘wag ninyong babastusin ang alaala ng aking
ama!
KABABAIHAN: Maghunos-dili ka Ibarra. Alagad ng Diyos ang kinakalaban mo.
IBARRA: Alagad ng Diyos? Paano n’yo nasabing siya’y alagad ng Diyos? Ang taong ito ang naghatid sa
aking ama sa kabiguan, na naging dahilan ng kanyang pagkamatay. At ngayon, nagawa pa niyang bastusin
ang alala nito. Ganito ba ang gawain ng isang alagad ng Diyos?
MARIA CLARA: Crisostomo! Pakiusap…alang-alang man lamang sa akin, ‘wag mong saktan si Padre
Damaso.
Binitawan ni Ibarra ang takot na si Padre Damaso.
13
IBARRA: Maria Clara, kung hindi lamang kita mahal, baka nakita n’yo na kung may dugo ba talagang
dumadalo’y sa mga ugat ng taong iyan!
Lumisan si Ibarra at iniwan ang umiiyak na si Maria Clara.
Si Donya Consolacion at Sisa
Habang nakaupo narinig ni Donya Consolacion si Sisa na umaawit kaya ipinatawag niya ito sa mga guardia civil.
CONSOLACION: Mga guardia civil!
GUARDIA CIVIL: Bakit po Señora?
CONSOLACION: Sino iyang kumakanta?
GUARDIA CIVIL: Siya po, ang baliw.
CONSOLACION: Dalhin n’yo siya rito.
GUARDIA CIVIL: Masusunod po, Señora.
Kinuha ng mga guardia civil ang baliw na si Sisa.
GUARDIA CIVIL: Narito na po siya, Señora.
CONSOLACION: Vamos! Magkantar ekaw ! Pakantahin n’yo siya.
GUARDIA CIVIL:‘ marunong palang magtagalog ang bruha” PABULONG. “ Hoy Baliw! Umawit ka daw! Awit
na! Awit na!
At umawit naman si Sisa.
CONSOLACION: Magaling! Mga guardia civil, maaari na kayong umalis.
GUARDIA CIVIL: Opo, Señora.
Umalis ang mga guardia civil.
CONSOLACION:( napapaluha ang donya sa awit ni Sisa kaya patitigilan niya ang baliw) Hoy Baliw!
SISA: Baliw? Sinong baliw? Ha! Ha! Ha! Baliw!
CONSOLACION: Vamos, magkantar ikaw ! Sumayaw ka! Sige na! Baila, baila!
SISA: Sumayaw? Hindi ako marunong sumayaw…..
CONSOLACION: Ganito…..Gayahin mo ako.
Sumayaw ang donya.
SISA: Ha! Ha! Ha! Sumasayaw ang matandang baliw!
CONSOLACION: Hoy! Hindi ako ang baliw! Ikaw!
SISA: Ako? Ako ang baliw? Ha! Ha! Ha! Ako ang baliw!
CONSOLACION: Oo. Ikaw nga! At inuutusan kitang sumayaw!
SISA: Ayoko. Ayokong sumayaw! Baliw lang ang sumasayaw. Ha! Ha! Ha!
Pinalo ni Donya Consolacion si Sisa gamit ang isang latigo.
CONSOLACION: Sabi nang ikaw ang baliw! Baliw ka talaga! Baliw! Baliw!
SISA: Aray! Aray!! Aray!!!
Biglang dumating ang Alperes at inawat ang donya.
ALPERES: Consolacion! Ano ba itong ginagawa mo?!
CONSOLACION: Bitiwan mo nga ako! Tuturuan ko ng leksyon ang baliw na ‘yan!
ALPERES: Tumigil ka nga! Hindi ka na naawa. May sira ka na rin talaga, ano?
SISA: Dugo! Basilio? Crispin? Ang mga anak ko! Dugo! Ha! Ha! Ha!
ALPERES: Mga Guardia Civil! Bihisan n’yo at gamutin ang babaeng ito. Bukas ay ihatid n’yo siya sa tahanan
ni Crisostomo Ibarra.
Pagkaalis ng mga civil at Sisa ay nag –away at naghabulan na ang mag-asawang alperes at Donya
Consolacion.
Si Alfonso Linares
Sa tahanan nila Kapitan Tiyago ay dumating ang mag-asawang de Espadaña kasama ang isang binatang
Kastilang nagngangalang Alfonso Linares upang alamin ang kalagayan ng may sakit na si Maria Clara.
TIYAGO : O Doña Victorina, kayo pala. Tuloy kayo.
VICTORINA: Magandang araw, Kapitan Tiyago at Isabel.
TIYAGO: Mukhang may kasama yata kayo—
14
VICTORINA: Ahh oo-ALFONSO: Magandang araw po, ako nga po pala si Alfonso Linares.
TIYAGO: Magandang araw rin sa iyo, iho.
TIBURCIO: Kumusta na ang kalagayan ni Maria Clara?
ISABEL: Wala pa rin pong pagbabago, Don Tiburcio.
Nagtungo sila sa silid ni Maria Clara.
TIBURCIO: Iha, kumusta na ang iyong pakiramdam?
MARIA CLARA: Sumasakit pa rin po ang aking ulo, doktor.
ALFONSO : Doña Victorina, siya po ba si Maria Clara?
VICTORINA: Oo, Alfonso.Ah! Iha ito nga pala si Don Alfonso Linares.
( hahawakan at hahalik sa kamay ng dalaga si Linares)
ALFONSO: Tunay nga po talagang napakaganda niya.!
Biglang dumating ang matabang kura na si Padre Damaso.
TIYAGO: Magandang araw po, Padre Damaso.
DAMASO: Nasaan na siya?
TIYAGO: Nagpapahinga po siya sa kanyang silid.
Nagtatakbong tumungo si Padre Damaso.
DAMASO: Maria Clara!
MARIA CLARA: Padre Damaso...salamat po sa pagbisita ninyo.
DAMASO: Labis akong nag-alaala sa iyo, iha. Magpagaling ka kaagad.
MARIA CLARA : Opo.
DAMASO: O sige iha, magpahinga ka muna.
MARIA CLARA: Opo, padre.
Lumabas si Padre Damaso sa silid ni Maria Clara at pumunta sa sala.
VICTORINA: Padre Damaso.
DAMASO: Victorina, sino iyang kasama mo?
VICTORINA: Ang totoo niyan ay kanina ko pa po siya gustong ipakilala sa inyo, padre. Siya po si Alfonso
Linares, ang inaanak ng inyong bayaw.
DAMASO: Inaanak ng aking bayaw? Ikaw na nga ba ang inaanak ni Carlicos?
ALFONSO: Opo, ako na nga po, padre.
DAMASO : Ano’ng saya ko’t sa wakas ay nakita na kita, iho.
ALFONSO: Ako rin po, padre. Matagal ko na po kayong gusto makilala.
VICTORINA: Nandirito po siya upang maghanap ng mapapangasawa, padre.
DAMASO: Nang mapapangasawa? Madali lamang iyan...maghintay ka lamang, iho.
End of Scene.
Ang Dalawang Donya
Naglalakad na magkahawak-kamay ang mag-asawang de Espadaña kasama si Linares hanggang
sa napadaan sila sa tahanan ni Doña Consolacion. Nasa bintana ang donya
CONSOLACION : Pwe! Ano ba naman ‘yan! Ang papangit naman ng dumadaan!
VICTORINA: Hoy! Labandera, kami ba ang pinariringgan mo?!
CONSOLACION: Ha! Ha! At ano’ng sinabi mo? Labandera? Gusto mo labhan ko ‘yang kulot mong buhok?
Baka naman gusto mo plantiyahin ko pa?
VICTORINA : Hoy matandang mangkukulam, kung makapagsalita ka, akala mo kung sino kang maganda!Sa
aming tahanan hindi nakakapasok ang mga alperes lamang.
CONSOLACION : Ha! Ha! Ha! Oo nga naman hindi nakakapasok sa inyo ang alperes kundi ang pilay na
katulad lamang ni Tiburcio.
15
Bumaba si Doña Consolacion hawak-hawak ang latigo ng asawa Tiyempo namang dumating ang alperes.
CONSOLACION : Ano’ng sabi mo?! Gusto mong magtuos tayo?
VICTORINA: Hindi kita uurungan!
Namagitan si don Tiburcio sa kanilang labanan.
ALPERES: Pwede bang tumigil na kayong dalawa, para kayong mga bata!
VICTORINA: Alperes, pagsabihan mo iyang asawa mong mukhang mangkukulam!
ALPERES : Kung hindi ka lang isang babae—
TIBURCIO: Tayo na Victorina, wala tayong mapapala sa mga iyan.
CONSOLACION: Ang kapal ng mukha mo, pilay na pekeng manggagamot!
Nagtungo ang mag-asawang de Espadaña sa tahanan ni Kapitan Tiyago.
VICTORINA: Tiburcio, bakit hindi mo man lamang hinamon ang mayabang na alperes na ‘yon?!
TIBURCIO: Mukha ba akong may laban sa kanya?
VICTORINA: Ikaw Alfonso! Binabalaan kita, kapag hindi mo sila hinamon, hindi ka makakasal kay Maria
Clara, at malalaman ng lahat ang tunay mong pagkatao!
End of Scene.
Ang Pagdakip kay Ibarra
Natungo si Elias sa tahanan ni Crisostomo Ibarra.
ELIAS: Tao po! Tao po!
IBARRA: Elias!
ELIAS: Señor Ibarra, iligtas po ninyo ang inyong sarili, umalis na kayo sa lugar na ito.
IBARRA: Ano’ng ibig mong sabihin?
ELIAS: May pag-aalsa pong magaganap at kayo ang palalabasing nagpasimuno nito.
IBARRA: Ngunit sino ang…?
ELIAS: Hindi ko po alam kung sino ang may pakana nito, Señor.
IBARRA: Ano pa ba ang dapat kong gawin?
ELIAS: Ihanda po ninyo ang inyong mga papeles at sunugin po ninyo ang mga ito. Magtungo kayo kahit
saan—iyong hindi nila kayo masusundan. Alam ko pong mahirap ang basta-basta na lamang umalis sa bayan
na ito, ngunit, wala na pong ibang paraan.
IBARRA: Maraming salamat, kaibigan. Kung ganun ay tulungan nyo akongiligpit ang aking mga gamit.
TUMALIMA si Elias ngunit may nakita siyang papel.
ELIAS: Kilala ba ninyo si Pedro Eibarramendia?
IBARRA: Ah, siya ang aking ninuno.
(SUSunggaban si Ibarra sa leeg)
ELIAS:Ang Eibarramendiang iyan ang dahilan ng aming kasawian ngaming pagkabigo… Pananagutan mo sa
akin angaming paghihirap. Dumanas ako ng hirap, samantalang ikaw ay nabubuhay,umiibig,mayaman,may
tahanan at iginagalang….. Ngunit ah anong gagawin ko???( Binitiwan niya si Ibarra at mabilis na umalis)
End of Scene.
Tugisan sa Lawa
Isang gabi, may isang salu-salong naganap sa tahanan ni Kapitan Tiyago. Pinag-uusapan ng mga panauhin ang balita tungkol
sa pagkadakip kay Crisostomo Ibarra, kasabay nito ang balitang ikakasal na si Maria Clara sa kastilang si Alfonso Linares.
Ang malungkot na dalaga ay nagtungo sa Asotea at pinagmasdan ang ilog. At makalipas ang ilang sandali nakita niya ang
isang bangkang paparating.
MARIA CLARA: Crisostomo…?
IBARRA: Mahal ko...tinulungan ako ni Elias na makatakas.
MARIA CLARA: Patawarin mo ako, mahal ko.
IBARRA: Hindi masama ang loob ko sa’yo. Ako ang patawarin mo...dahil kailangan ko nang lumayo sa’yo...sa
lugar na ito...
MARIA CLARA: Hindi. Hindi ka dapat humingi ng tawad, dahil nasisiguro ko, mag-aalinlangan ka sa akin
kapag nalaman mong…
16
IBARRA: Nalaman kong ano?Hindi ako pumunta dito para hingin ang paliwanag mo,ang gusto kong ang
katahimikan mo.
MARIA CLARA: Anong katahimikan ang idudulot mo kung alam kong nag-aalinlangan ka sa pag-ibig ko.
Pakinggan mo ko Crisostomo…Ipinagtapat ni Padre Salvi sa akin kung sino ang tunay kong ama kapalit ng
liham mo sa akin.
IBARRA: Sino ang iyong ama?
MARIA CLARA: ...ang tunay kong ama ay ang kinasusuklaman mong si Padre Damaso...
IBARRA: Paano— May katibayan k aba?
MARIA CLARA: Ang dalawang liham ng aking ina.
IBARRA: Isa kang mabuting anak Maria! Ngunit ang pag-ibig nati’y sawi. Sa loob lang ng ilang sandal
matutuklasan na ang pagtakas ko.
MARIA CLARA: Saan ka man makarating lagi mong tandaan ikaw lamang ang iibigin ko, Crisostomo.
MATAGAL NA NAGYAKAP ANG DALAWA AT NAGBIGAY NG HALIK SA ISA’T ISA.
IBARRA: Paalam, Maria Clara...
Umalis na si Ibarra at napaiyak na lamang si Maria Clara.
(Sa Bangka)
IBARRA: Elias, saan ba tayo tutungo?
ELIAS:Sa isang kaibigan ko sa Mandaluyong, Señor.
IBARRA: At pagkatapos?
ELIAS: Mamuhay po kayo nang tahimik sa ibang bansa.
IBARRA: Ako lamang? Bakit hindi mo ako samahan at magturingan tayong parang magkapatid?
ELIAS: Para saan pa?
IBARRA: Para makabawi ako sa kasalanan ng aking mga ninuno sa inyong pamilya at sa lahat ng tulong mo.
ELIAS: May paparating! Magtago kayo gamit ang mga damo.
Sinundan sila at sinalubong ng mga bangkang lulan ng mga guardia civil.
ELIAS: Marunong po ba kayong sumagwan?
IBARRA: Oo.
ELIAS : Iligtas ninyo ang inyong sarili…ililigaw ko sila.
IBARRA: ‘Huwag Elias, labanan natin sila—
ELIAS: Magkita tayo sa Noche Buena sa tabi ng puntod ng inyong lolo.
(Tumalon si Elias at sa tuwing siya’y lilitaw, nakatanggap siya ng mga putok. Nabahiran ng
kanyang dugo ang ilog.)
End of Scene.
Ang Paliwanag ng Pari
Nakatitig si Maria Clara sa pahayagang naglathala ng kamatayan ni Crisostomo.
MARIA CLARA: Hindi!!! Hindi ito maaari...mahal ko...
DAMASO: Ano’ng nangyari sa’yo, anak ko?
MARIA CLARA : Masaya na po ba kayo?
DAMASO: Ano’ng ibig mong sabihin—
MARIA CLARA : Wala na siya. Patay na si Crisostomo. Wala na ang taong mahal ko...
DAMASO: Ngunit—
MARIA CLARA: Tanging si Ibarra lang ang mahal ko, walang iba. Hindi ko mahal si Alfonso…at hindi ako
magpapakasal sa kanya.
DAMASO: Ngunit—
MARIA CLARA: Kung itutuloy n’yo pa rin ang pagpapakasal sa aming dalawa…magpapakamatay ako!
DAMASO: Patawarin mo ako, iha. Patawarin mo ako…kung nanghimasok ako sa inyo ni Ibarra…sa buhay
mo. Patawad, anak ko.
17
MARIA CLARA: Magmomongha na lamang ako.
DAMASO : Kung iyan ang iyong kagustuhan.
Iniwan ni Maria Clara ang nakaluhod niyang ama.
DAMASO : Diyos ko, ito na ba ang parusa sa lahat ng aking nagawang kasalanan?
End of Scene.
Noche Buena
Nagkitang muli sina Basilio at Sisa.
BASILIO: Inay!
SISA: Sino ka?
BASILIO: Inay, si Basilio po, ang anak n’yo!
SISA: Ha! Ha! Ha! Anak? Hindi kita anak…hindi kita kilala.
Pumasok si Sisa sa libingan ng matandang kastila.
BASILIO : Inay, ‘wag po kayong matakot sa akin. Inay!
SISA: Basilio?
BASILIO: Opo inay, ako nga po.
SISA: Anak ko—
Biglang nawalan ng malay si Sisa.
BASILIO: Inay! Inay! Bakit n’yo po ako iniwan, Inay. Inay!
ELIAS: Iho…
BASILIO: Sino po kayo?
ELIAS: Ano’ng gusto mong gawin sa inay mo?
BASILIO: Gusto ko po siyang ilibing sa sementeryo...ngunit wala po akong pera.
ELIAS: Kumuha ka na lamang ng panggatong. Malapit na rin ang kamatayan ko, iho. At sa sandaling
mangyari iyon, sunugin mo ang aming mga katawan hanggang sa maging abo. Pagkatapos, maghukay ka at
may makikita kang kayamanan, gamitin mo ito sa iyong kinabukasan. Naiintindihan mo ba?
BASILIO: Opo, ginoo.
ELIAS: Mamamatay akong…hindi masisilayan…ang pagsikat ng araw...sa aking bayan.
Tumingala si Elias sa langit at nawalan na ng buhay...
THE END
Download