Uploaded by takieeixs

PANITIKAN-REVIEWER

advertisement
GNED 14 - PANITIKANG PANLIPUNAN/SOSYEDAD AT
LITERATURA
INSTRUCTOR 1. LEONARD M. BALBIN
PAGKAKAIBA IBA NG FILIPINO, TAGALOG AT PILIPINO
Ang Filipino, Tagalog, at Pilipino ay mga tawag sa wika ng mga mamamayan ng
Pilipinas, ngunit may mga kaibahan at pagkakapareho sa paggamit at pagsasalita.
● Ang "Filipino" ay isang pambansang wika na itinuturing na opisyal na wika ng
Komisyon sa Wikang Filipino. Ito ay isang wikang batay sa mga wika ng
Pilipinas at naglalaman ng mga salitang mula sa iba't ibang rehiyon ng bansa.
● Ang "Filipino" ay itinuturo sa mga paaralan at ginagamit sa mga opisyal na
komunikasyon sa gobyerno at iba't ibang sektor. Ito ay naglalaman ng mga
termino mula sa iba't ibang wika sa Pilipinas upang maging mas inklusibo at
representative.
● Ang "Tagalog" ay isang wika na pinagmulan sa rehiyon ng Luzon sa Pilipinas.
Noong unang panahon, ito ang wikang ginamit sa pagsulat ng mga aklat at
tekstong pamamahayag. Bagamat ito ay ang pangunahing sangay ng wika na
ginamit sa pagbuo ng "Filipino," may mga salitang Tagalog na hindi kasama sa
Filipino. Ibig sabihin, ang Tagalog ay mas limitado sa sakop kaysa sa Filipino.
● Ang "Pilipino" ay maaaring gamitin para ilarawan ang wika ng mga
mamamayan ng Pilipinas. Ito ay maaaring tumukoy sa pambansang wika o sa
mga wika ng iba't ibang pangkat etniko sa bansa. Noong 1987, ang
Konstitusyon ng Pilipinas ay nagdeklara na ang "Filipino" ang opisyal na wika
ng bansa, ngunit ito ay maaaring maging sanhi ng pagkakakilanlan sa isang
partikular na grupo o etniko. Gayunpaman, kadalasan, ang "Pilipino" at
"Filipino" ay ginagamit ng halos magkasabay.
PAGKAKAPAREHO-PAREHO NG FILIPINO, TAGALOG, AT PILIPINO
● Ang "Filipino," "Tagalog," at "Pilipino" ay mga pagkakapareho ng
batayan sa mga wika sa Pilipinas.
● Ang Filipino at Tagalog ay malapit na magkapareho sa maraming
aspeto, at ang pag-unlad ng Filipino ay bahagi ng patuloy na pag-unlad
at pag-evolba ng Tagalog.
● Ang Pilipino at Filipino ay maaaring gamitin ng marami na may halos
parehong kahulugan, ngunit maaaring may subtle na pagkakaiba
depende sa konteksto ng paggamit.
PANITIKANG PANLIPUNAN
Iba-iba ang kahulugan ng mga manunulat at dalubhasa sa panitikan sa
ngayon. Sa kasalukuyan, ang pag aaral ng panitikan ay isang pangangailangang
pang-edukasyon sa halos lahat ng paaralan. Ang pag-aaral nito ay gumanap at
gumaganap ng iba’t- ibang tungkulin-iba iba sa bawat panahon, sa bawat lugar, sa
bawat antas.
Ayon sa iba’t ibang tao na binigyang kahulugan ang panitikang panlipunan:
AROGANTE (2013) - ang panitikan ay isang talaan ng buhay sapagkat dito
nasisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng
kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang kinabibilangan at pinapangarap.
SALAZAR (1952) - ang panitikan ay siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng
lipunan o eye opener.
WEBSTER (1947) - ang panitikan ay katipunan ng mga akdang nasusulat na makilala
sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, aestetikong anyo, pandaigdigang
kaisipan at kawalang-maliw.
Ang Panitikan ng Pilipinas ay ang pangunahing tumutukoy sa umiiral, umuunlad at
namamayaning uri at anyo ng katutubong panitikan.
URI NG PANITIKAN
PIKSYON - Panitikang kathang isip lamang
DI PIKSYON - Batay sa totoong kaganapan
Ang panitikan ay maaring mauri batay sa paraan ng pagsulat sa ibang henerasyon at
batay sa anyo.
PARAAN NG PAGSASALIN
TULUYAN O PROSA - kung ito'y nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap at
sa patalatang paraan.
TULA - ang panitikang nasusulat sa taludturan at saknungan.
AKDANG TULUYAN O PROSA
● NOBELA O KATHAMBUHAY
● MAIKLING KATHA O KWENTO
● DULA
● ALAMAT
● PABULA
● ANEKDOTA
● SANAYSAY
● TALAMBUHAY
● BALITA
● TALUMPATI
NOBELA, AKDANG BUHAY, O KATHAMBUHAY - Isang mahabang salaysayin ng mga
kawing- kawing na pangyayari na naganap sa mahabang saklaw ng panahon,
kinasasangkutan ng maraming tauhan at nahahati sa mga kabanata. Nauuri batay
sa mga sangkap na binibigyang diin nito. (Hal. El Filibusterismo at Noli Me Tangere
ni Jose Rizal, Harry Potter ni J.K Rowling)
URI NG NOBELA
● NOBELA NG PANGYAYARI - Nakapokus sa pinagdaanan ng isang tauhan
● NOBELA NG TAUHAN - Nakapokus sa paniniwala, pananalita, at galaw ng
isang tauhan
● NOBELA NG ROMANSA - Kaakibat ng nobelang pag-ibig, tumutukoy ito sa
pagmamahalan
● NOBELA NG PAGBABAGO - Tumutukoy sa pakikipaglaban, pag usad at pag
unlad
● NOBELA NG KASAYSAYAN - Ito ay tumatalakay sa nakaraan
MAIKLING KATHA O KWENTO - Ito ay isang salaysay ng isang mahalagang
pangyayaring kinasangkutan ng isa o ilang tauhan at may isang kakintalan o
impresyon. Nauuri batay sa sangkap na binibigyang diin. (Hal. Ang kalupi ni
Benjamin Pascual at Si Inday at ang bago niyang Selpon)
URI NG MAIKLING KWENTO
● PANGKATAUHAN - Nakapokus sa pananalita, gawi at kilos ng tauhan
● MAKABANGHAY - Pagkakasunod-sunod ng pangyayari, nakapokus ito sa
sunod sunod na pangyayari
● PANGKAPALIGIRAN - Nakapokus sa kalikasan at kapaligiran
● PANG KATUTUBONG KULAY - Nakapokus sa tradisyon
● PANGKAISIPAN - Tumutukoy sa pagdedesisyon sa buhay at tauhan
● SIKOLOHIKAL - Pagiging mental stable o unstable ng tauhan
DULA
●
●
●
●
Isang uri ng panitikan na isinulat upang itanghal sa entablado o tanghalan.
Tatlo o higit pang yugto
Nauuri batay sa paksa
Hal. Sa Pula, Sa Puti ni Francisco Rodrigo at “Plop! Click” ni Dobu Kacchiri
ALAMAT - Pasalin dila, mga salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga
bagay-bagay. Karaniwang hubad sa katotohanan ang mga kwentong ito dahil ito ay
mga likhang isip lamang ng ating mga ninuno sa pagtatangka nilang ipaliwanag ang
pinanggagalingan ng mga bagay bagay. (Hal. Alamat ng Pinya at Alamat ng Saging)
PABULA - Mga salaysaying kinasasangkutan ng mga hayop, halaman at maging ng
mga bagay na walang buhay na kumikilos at nagsasalita na wari ba’y tunay na mga
tao. Hubad din sa katotohanan ang mga kwentong ito. may layuning pukawin ang
isipan ng mga bata sa mga aral na nahubog sa kanyang kilos at pag-uugali. (Hal.
Ang daga at ang leon, at Ang kuneho at ang pagong)
PARABULA
● Kwentong hango sa Banal na Kasulatan. (Bibliya)
● May layunin itong mag-iwan ng aral na kapaki-pakinabang sa buhay
● Hal. Ang alibughang anak at Ang mabuting Samaritano
ANEKDOTA
● Nakapokus lamang sa isang espisipikong karanasan ng tao o may akda
● May layuning umaliw o magbigay aral sa mga mambabasa.
● Maaari ring ito’y kinasangkutan ng mga hayop o ng mga bata.
● Hal. Ang aksidente sa Bus Stop
SANAYSAY
● Pagpapahayag ng kuro-kuro o opinyon ng isang may-akda hinggil sa isang
suliranin o paksa.
● Masining at ginagamitan ito ng pagdalumat
● Maaaring pormal o impormal
● Hal. Ang unang pag-ibig ni Maria
TALAMBUHAY
● Kasaysayan ng buhay ng isang tao.
● Naglalaman ng maraming petsa at detalye
● Maaaring talambuhay na pansarili o talambuhay na paiba.
● Hal. Talambuhay ni Andres Bonifacio
BALITA - Paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa lipunan,
pamahalaan, sa mga lalawigan, sa ibayong dagat, maging industriya, kalakalan,
agham, edukasyon, palakasan at pinilakang tabing. (Hal. Unang pag-ulan ng taon na
nagdulot ng baha sa ilang lugar ng pilipinas)
TALUMPATI
● Isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
● Nauuri batay sa iba’t ibang layunin.
● Hal. Pagpapahalaga sa Edukasyon
MGA AKDANG PATULA
● Tulang Pasalaysay
● Tulang Pandamdamin
● Tulang Padula
● Tulang Patnigan
TULANG PASALAYSAY
● Ito ay kwento ng mga pangyayari at nasususulat sa patula, may sukat at
tugma.
● Ito ay naglalarawan ng mga tagpo o pangyayaring mahalaga sa buhay.
HALIMBAWA NG TULANG PASALAYSAY
1. EPIKO - Tulang nagsasalaysay hinggil sa kabayanihan, katapangan at
pakikipagsapalaran ng isang pangunahing tauhan sa gitna ng mga
pangyayaring hindi kapani- paniwala. (Hal. Biag ni Lam-ang)
2. AWIT (12 PANTIG) AT KORIDO (18 PANTIG) - Ito ay patulang pasalaysay na
paawit kung basahin. Pawang sa ibang bansa ang tagpuan ng mga
pangyayari sa mga salaysay nito. Kinapapalooban ito ng romansa o pag
iibigan, pakikipagsapalaran, kabayanihan at kataksilan at mga pantakas sa
karahasan ng katotohanan. (Hal. Sa Ugoy ng Duyan ni Lucio San Pedro at Levi
Celerio)
TULANG PANDAMDAMIN O LIRIKO
● Ito ay tulang tumatalakay sa marubdob na damdamin na maaaring ng may
akda o di kaya'y ibang tao.
● Nasa kategoryang ito ang mga tulang awiting- bayan, soneto, elehiya, dalit,
pastoral, at oda.
HALIMBAWA NG TULANG PANDAMDAMIN O LIRIKO
1. AWITING BAYAN - Ito ay maikling tulang binibigkas ng may himig. Karaniwang
pinapaksa ng mga awiting bayan ang pag ibig, kawalang pag-asa o
2.
3.
4.
5.
6.
pamimighati, pangangamba, kaligayahan, pag- asa, at kalungkutan. (Hal.
Manang Biday, Dandansoy, at Sinisinta Kita.)
SONETO - Ito ay may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan
at karaniwang naghahatid ng aral sa mambabasa. (Hal. Sonnet ni Jose Garcia
Villa at Soneto ng Buhay ni Fernando Monleon.)
ELEHIYA - Ito ay tulang naghahayag ng panimdim dahil sa pagyao ng isang
minamahal. (Hal. Ellegy ni Thomas Grey, Awit sa isang Bangkay ni Bienvenido
A. Ramos, Ang Elehiya kay Inay.)
DALIT - Ito ay isang tulang inaawit bilang pagpupuri sa Diyos o sa Mahal na
Birhen. Nagtataglay ito nga kaunting pilosopiya sa buhay. (Hal. Ang dalit ay
kay Maria)
PASTORAL - Ito ay tulang naglalarawan ng paraan ng pamumuhay sa
kabukiran. (Hal. Bayani sa Bukid ni Al Q. Perez.)
ODA - Ang oda naman ay isang tulang paghanga o papuri sa isang abay. (Hal.
Ang Ode to the Nightingale at Oda para sa magulang.)
TULANG PADULA O DRAMATIKO - Ang tulang ito ay sinasadula sa entablado o iba
pang tanghalan.
Halimbawa
● La India Elegante y El Negrito Amante ni Francisco Baltazar
● Florante at Laura
● Ibong Adarna
● Himala na sinulat ni Ricky Lee
TULANG PATNIGAN - Ito ay isang uri ng pagtatalong patula na ginagamitan ng
pangangatwiran at madalas na pag iisip. (Hal. Pilipinas, Kayamanan ng Bayan)
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL SA SARILING PANITIKAN
● Matutuklasan ang sariling panitikan.
● Mapag aaralan ang sariling tradisyon at kultura.
● Matutuklasan ang sariling kasaysayan.
● Mapag aaralan ang kahalagahan ng iba't-ibang uri ng relihiyon.
● Pagtukoy sa mga kalakasan at kahinaan ng ating lahi.
● Mapangalagaan ang ating yamang panitikan
● Mahuhubog ang magiging anyo, hugis at nilalaman ng panitikan.
● Malilinang ang ating pagmamalasakit sa sariling kultura.
DALUMAT - Malalim na kahulugan
PAGLILIRIP - Pagbibigay malalim na salita o kahulugan
PAGHIHIRAYA - May sining o malikhain
PORMAT SA PAGSULAT NG SANAYSAY
SIMULA - Tanong o kasabihan
GITNA - Argumento ukol sa nilalaman
WAKAS - Rekomendasyon at solusyon ukol sa paksa
KWENTISTA - Tawag sa sumusulat ng maikling kwento
PANUNURING PAMPANITIKAN: MGA TEORYA AT PANANAW
PANANAW - Ang pananaw ay tumutukoy sa paniniwala o persepsyon ng isang
indibidwal o isang pangkat.
TEORYA - Ang teorya ay tumutukoy sa simulain o prinsipyo ng mga tiyak na
kaisipang kailangan sa paglikha ng malinaw at sistematikong paraan ng
paglalarawan o pagpapaliwanag ng isang bagay.
TEORYANG PAMPANITIKAN - ay ang sistematikong pag-aaral ng panitikan at ang
mga paraan sa pag-aaral ng panitikan.
MGA TEORYA AT PANANAW
HUMANISMO
● Maaaring ilapat ang humanismo sa maraming paniniwala, pamamaraan at
pilosopiyang nagbibigay-tugon sa kalagayan at karanasan ng tao.
● Kilos o gawi ng isang karakter
MORALISMO
● Ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang taoang pamantayan ng tama at mali.
● Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad ng pagka
tama o kamalian ng isang kilos on ugali ayon sa pamantayang itinakda ng
lipunan.
EKSISTENSYALISMO
● Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o mag
desisyon para sa kapakanan ng marami na siyang pinaka sentro ng
kamatayan sa mundo o pagkabuhay sa mundo (death ,life).
● Pagdedesisyon para sa sarili
ROMANTISISMO
● Karaniwan noong panahon ni balagtas na gumagamit ng maliligoy at
mabulaklak na salita. Tumatalakay sa kabiguan at kapighatian sa pag-ibig.
● Higit na mahalaga ang pagpapalutang ng damdamin kaysa paghamon sa
pag-iisip ng bumabasa. Binibigyang diin ang pagpapahalaga ng imahinasyon
at kalayaan ng tao.
REALISMO
● Maiuugnay sa paniniwalang ang akda ay salamin ng buhay; na ang likhang
isip ay may aktwal na batayan sa kasaysayan at lipunan.
● Sa proseso inilabas ng realismo ang mga ‘di pinapansin at makakalimutang
bahagi ng buhay at lipunan.
SOSYOLOHIKAL
● Naniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay produkto ng
kanyang panahon, lugar, mga kaganapan, kultura, at institusyon sa kanyang
kapaligiran kung saan itinuturing sila bilang boses ng kanyang panahon.
● Kultura, paniniwala at gawi
PORMALISMO
● Ang tunguhin ng teoryang ito ay matukoy ang nilalaman, kaanyuan o kayarian
at paraan ng pagsulat ng akda.
● Nakapokus sa teknikal na paggawa ng akdang pampanitikan
ISTRUKTURALISMO
● Binibigyang-pansin dito ang istruktura ng wikang ginamit, ang denotasyon at
konotasyon, antas ng mga salita at kaangkupan nito, istruktura ng nilalaman
at ugnayan ng mga bahagi ng isang akda.
● Nagbibigay bagong kahulugan
DEKONSTRUKSYON
● Pagsusuri ng wika at ang teorya ng realidad o pilosopiya upang makabuo ng
panibagong kaisipan.
● Sinusuri ang mga tinatagong kahulugan ng mga salita (represyon- inilalantad)
IMAHISMO
● Binibigyang diin ng imahismo ang pagpili ng tiyak na salita, kalayaan sa
pagpili ng paksa at porma at ang paggamit ng mga salitang karaniwang
ginagamit sa araw-araw.
● Karamihan sa mga imahismong manunulat ay nagsusulat sa malayang berso
kaysa sa pormal na may sukat na paraan para magkaroon ng estrUktura ng
tula.
● Gumagamit lamang ng normal na salita
ARKITAYPAL
● Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mahahalagang bahagi ng akda sa
pamamagitan ng mga simbolismo.
● Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at konsepto ng ipinakilala sa
may akda sa mga mambabasa.
BIYOGRAPIKAL
● Naniniwala ang mga biyograpikalista na ang manunulat ay nagsusulat ng mga
bagay na personal niyang nararanasan at nakikita sa kanyang paligid.
FEMINISMO
● Sumisiyasat sa pagkakaiba ng gawi ng babae at lalaki sa kanilang pagbasa at
pagsulat ng panitikan. Ang mga akda na likha ng mga kababaihan ay
maaaring isipin na bahagi ng kultura ng minoridad at pagsisiwalat ng
pagkakaiba sa mga isinulat ng mga lalaking manunulat.
● Patungkol sa lahat ng pagkakapantay pantay ng tao sa lahat ng kasarian
MARXISMO
● Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay
may sariling kakayahan na umangat buhay sa pagdurusa ng dulot ng
ekonomiya ng kahirapan at suliraning panlipunan at pampolitika. Ang mga
paraan ng pag-ahon mula sa kinalugmukan ng akda ay nagsisilbing modelo
para sa mga mambabasa.
● Dito pumapasok ang pagiging mahina papunta sa pagiging malakas ng isang
tao
MODERNISMO
● Ito ay makabagong pananaw na may radikal na pagkakaiba sa mga naisulat
na hindi magiging larawan lamang ng realidad ang sining kundi interpretasyon
ng bisyon ng mundo.
● Ito ay tumutukoy sa paghihimagsik sa tradisyon, relihiyon, kaugalian at
paniniwala.
● Nagsasaad o nagpapadama sa pagkakaroon ng puwang ang pagbabago.
KLASISISMO
● Ito ay ang paggamit ng estilo o estetikong prinsipyo ng mga Griyego o
Romanong klasikong arte at panitikan. Sa makabagong panahon, tumutukoy
rin ito sa paggamit ng sa mga prinsipyo sa mga musika.
● Gumagamit ng musika
Download