Uploaded by takieeixs

Ang-Kagalakan-Ninyoy-Aking-Pahinga-ni-G.-Joshua-Gutierrez

advertisement
Ang Kagalakan Ninyo’y Aking Pahinga: Tulang may
Lalabindalawahing Pantig
— G. Joshua Gutierrez, BSECE 2-1
Aking tinahak, isang daang mapanglaw,
Sa paglalakbay, karunungan ang tanglaw.
‘Di alintana, kawalan ng suporta,
Sa aking potensyal, may nagtitiwala.
Si kuya Cob ay nakadaupang-palad
Upang ang sulo ay sa aki’y igawad,
Bantog na pantas sa agham at sipnayan
S’yang nakatuklas sa aking kakayahan.
Sa ECE Math Olympiad inilaban,
Bagama’t ako’y wala pang karanasan.
Dulot mga aral sa pagkakamali
At saya sa First Runner-Up dalang wagi.
Ngayong ikalawang taon ng tagisan,
Dala ang mas mayabong na kasanayan.
Muling napanatili’t naipanalo,
Pangalan ng KABSU sa pambansang ranggo.
Hindi maikakaila ang tagumpay
Mula sa pagsisikap na walang humpay.
*ECE Math Olympiad – Isang patimpalak ng IECEP Nationals.
*KABSU – Balbal na panawag para sa Cavite State University.
Medalya’t tropeyo bilang pagkilala
Sa mga gabing ikinait ang pahinga.
Mga papuri’t parangal tila dantay,
Tunay na ginhawang aking hinihintay.
Ramdam ang mas umaalab na suporta,
Habang natututo’t nagpapakumbaba.
Sulong yari sa inyong pagtitiwala,
Pananaligan ko’t paghuhusayan pa,
‘Pagkat sa bawat wagi at pagpapala,
Ang kagalakan ninyo’y aking pahinga.
*ECE Math Olympiad – Isang patimpalak ng IECEP Nationals.
*KABSU – Balbal na panawag para sa Cavite State University.
Download