Mga Kayarian ng Salita 1. Payak – binubuo ng salitangugat lamang. Mga halimbawa: punyal, dilim, langis 2. Maylapi – binubuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi. Mga halimbawa: kasabay, paglikha, marami, sinasabi, sumahod, tumugon, unahin, sabihin, linisan, pag-isipan, pag-usapan, kalipunan, pagsumikapan, ipagsumigawan, magdinuguan 3. Inuulit – ang kabuoan o isa o higit pang pantig sa dakong unahan ay inuulit. Mga halimbawa: araw-araw, sabi-sabi, sama-sama, aangat, tatakbo, aalis-alis, bali-baligtad 4. Tambalan – binubuo ng dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isang salita. Mga halimbawa: bahay-kalakal, balik-bayan hampaslupa, kapitbahay, bahaghari