Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino Ikalawang Markahan—Modyul 16: Pagsulat ng Panimulang Pananaliksik Pambungadsa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan–Modyul16: Pagsulat ng Panimulang Pananaliksik Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitahan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gámit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones PangalawangKalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Editor: Tagasuri: Ruben S. Montoya Jonathan F. Bernabe Elisa N. Lajera Perlita E. Dela Cruz Tagaguhit: Romdel F. Partoza Tagalapat: Leonila L. Custodio Tagapamahala: Arnaldo O. Estareja, EPS Ma. Criscel R. Negosa, EPS In-Charge of LRMS Laura O. Garcia, CID Chief Editha M. Atendido, Schools Division Superintendent Daisy Z. Miranda, Schools Division Superintendent Elaine T. Balaogan, Regional ADM Coordinator Fe M. Ong-ongowan, Regional Librarian Job S. Zape Jr., CLMD Chief Wilfredo E. Cabral, Regional Director InilimbagsaPilipinas ng ________________________ Department of Education – RegionIV-A CALABARZON Office Address: Gate 2 Karangalan Village,Barangay San Isidro Cainta, Rizal 1800 Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487 E-mail Address: region4a@deped.gov.ph Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino Ikalawang Markahan— Modyul 16: Pagsulat ng Panimulang Pananaliksik Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino para sa baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pagsulat ng Panimulang Pananaliksik. Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang, at sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis, at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bílang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Mga Talâ para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong, o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral. Bílang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang magaaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at italâ ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. ii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino sa Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagsulat ng Panimulang Pananaliksik. Malugod na pagtanggap sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino sa Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul Ukol sa Hakbang sa Pagsulat ng Pananaliksik. Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhanang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksiyon. Tuklasin Sa bahaging ito, ang bágong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukás na suliranin, gawain, o isang sitwasyon. Suriin Sa seksiyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitóng matulungan kang maunawaan ang bágong konsepto at mga kasanayan. iii Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gámit ang susi sa pagwawasto sa hulíng bahagi ng modyul. Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung ano’ng natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng búhay. Tayáhin Ito ay gawain na naglalayong matása o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling mahirapan ka sa pagsagot sa mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin iv humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sinuman sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Káya mo ito! v Alamin Ang iyong isasagawang pag-aaral gámit ang modyul na ito ay tutugon sa dapat mong malaman at matutuhang kasanayan. Ito ay batay sa sumusunod: Kasanayang Pampagkatuto: Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa penomenang kultural at panlipunan sa bansa. F11EP-IIij-35 mga Layunin: Nakakikilala ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa. Nakapagpapahalaga ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa. Nakabubuo ng isang pananaliksik ukol sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa. 1 Subukin Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita o kasasalaminan ng penomenang pangkultura at panlipunan? I. Saliksik ukol sa angkop na modalities na maaaring ipatupad ng isang paaralan sa pagsisimula ng klase. II. Ang Karakol ay isang pasayaw na panalangin na isinasagawa sa halos lahat ng lungsod at bayan sa Cavite. Isinasagawa ito tuwing pista. Ang makukulay na kasuotang Filipino at pagsayaw sa kalye sa saliw ng masasayang tugtugin ang pinakatampok sa pagdiriwang na ito. III. Ang pagpuprusisyon sa itim na Nazareno na ipinagdiriwang tuwing Enero 9, taon-taon. Halos milyong-milyong Filipino ang dumadalo rito upang magpakita ng narubdob na pananampalataya. Naniniwala na sila na magkakaraon sila ng himala kapag nakahipo sila o nakadampi man lang sila sa Poong Nazareno tuwing araw nito. V. Nariyan din ang iba pang tradisyonal na pagdiriwang sa Pilipinas tulad ng Sinulog Festival na ginaganap tuwing pangatlong Linggo ng Enero bílang pagpupugay sa mahimalang imahen ng Sto. Nino na nagmula sa siyudad ng Cebu na tumatagal ng siyam (9) na araw. A. I, II, III B. II, III, IV C. III, IV, I D. IV, I, II 2. Alin sa sumusunod na pahayag ang wasto ukol sa pananaliksik? A. Ang pananaliksik na pumapaksa sa wika, pagkain, kasuotan, paniniwala, at tradisyon ng isang lugar ay isang pananaliksik tungkol sa penomenang kultural at panlipunan. B. Hindi mahalagang kulang ang bahagi ng pananaliksik. Ang mahalaga ay nakuha o lumabas ang nais mong maging resulta. C. Mahalaga na may sapat na kaalaman sa paksa at may malawak o saganang literatura upang maisagawa ang pananaliksik. D. Nakabatay ang resulta ng pananaliksik sa iyong suliranin at layunin ng pag-aaral. 2 3. Makikita sa bahaging ito ang paglilimita ng paksa, pagbuo ng tanong, haypotesis, pagbabasá ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral. A. Pagsusuri ng Datos B. Pangangalap ng Datos C. Pagdidisenyo ng Pananaliksik D. Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik 4. Sa prosesong ito nagaganap ang pagbuo ng kasangkapan na gagamitin sa pangangalap ng datos at aktuwal na paggamit nito. A. Pangangalap ng Datos B. Pagbabahagi ng Datos C. Pagdidisenyo ng Pananaliksik D. Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik 5. Sa bahaging ito makikita ang paraang estadistikal o matematikal sa pagbibigay interpretasyon ng datos sa kuwantitatibong pananaliksik at pagbuo ng mga tema o kategorya sa kuwalitatibong pananaliksik. A. Pagsusuri ng Datos B. Pangangalap ng Datos C. Pagdidisenyo ng Pananaliksik D. Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik 6. Dito nagaganap ang pagbuo ng paradaym, konseptuwal at teoritikal na balangkas at pagtukoy sa populasyon ng pananaliksik o materyales na pagmumulan ng datos. A. Pagsusuri ng Datos B. Pangangalap ng Datos C. Pagdidisenyo ng Pananaliksik D. Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik 7. Sa bahaging ito isinasagawa ang presentasyon sa mga kumperensiya o iba pang paraan ng pagbabahagi o pamimili ng journal kung saan ilalathala ang pananaliksik. A. Pagsusuri ng Datos B. Pagbabahagi ng Pananaliksik C. Pagdidisenyo ng Pananaliksik D.Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik 8. Tukuyin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbang pagsasagawa ng pananaliksik. I. Dito nagaganap ang pagsusuri sa mga datos na nailahad mula pagkakategorya o mula sa estadistikal na pag-aanalisa. II. Sa bahaging ito titiyakin ng mananaliksik ang kongklusyon pananaliksik. III. Dito tinitiyak na payak ang paksa. Pinapaunlad ito pamamagitan ng pagbabasá at paghahanap ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral. 3 sa sa ng sa IV. V. Bubuoin sa bahaging ito ang konseptuwal na balangkas na maglalatag ng kabuoang lawak ng pananaliksik at paraan ng magiging pagsusuri. Nagaganap sa bahaging ito ang aktuwal na pakikipanayam, sarbey, obserbasyon, o pagsusuri ng dokumento depende sa itinakda ng pamamaraan ng pag-aaral. A. II, V, III, I, IV B. III, IV, V, I, III C. I, II, V, IV, III D. V, IV, III, I, II 9. Aktuwal na isinasagawa ang pakikipanayam, sarbey, obserbasyon, o pagsusuri ng dokumento depende sa itinakdang pamamaraan ng pananaliksik. I. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik II. Pagdidisenyo ng Pananaliksik III. Pangangalap ng Datos IV. Pagsusuri ng Datos V. Pamamahagi ng Pananaliksik A. I B. II C. III D. IV 10. Anong antas ng pananaliksik kailangang natukoy na ng mananaliksik ang suliranin upang malapatan ng tiyak na disenyo? I. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik II. Pagdidisenyo ng Pananaliksik III. Pangangalap ng Datos IV. Pagsusuri ng Datos V. Pamamahagi ng Pananaliksik A. I B. II C. III D. IV 11. Si Allan ay naghahanap ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral upang masuportahan ang kaniyang paksa. Nása anong hakbang na kayâ si Allan? A. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksang Pananaliksik B. Pagdidisenyo ng Pananaliksik C. Pangangalap ng Datos D. Pagsusuri ng Datos 4 12. Paglalathala sa mga publikasyon, pamamahagi sa mga silid-aklatan, at pakikibahagi sa mga kumperensiya. Ito ang ginawa ni Aida. Saang hakbang na kayâ siya? I. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik II. Pagdidisenyo ng Pananaliksik III. Pangangalap ng Datos IV. Pagsusuri ng Datos V. Pamamahagi ng Pananaliksik A. I at II B. III at IV C. V D. VI 13. Madalas nagmumula ito sa mga umiiral na batas at polisiya ng isang organisasyon o departamento. Maaari ding mula sa mga pahayag at teorya. A. Paglalahad ng Suliranin B. Rebyu ng Kaugnay na Literatura C. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral D. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral 14. Ang mahalaga sa bahaging ito ay naiuugnay ng may-akda ang mga konseptong nagmula sa literatura at pag-aaral sa pinakapaksa ng pagaaral. A. Paglalahad ng Suliranin B. Rebyu ng Kaugnay na Literatura C. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral D. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral 15. Sa bahaging ito binubuo ang mga katanungan na nagmumula sa pamagat ng saliksik at mga katanungang siyang bibigyang-kasagutan sa kabuoan ng pag-aaral. A. Paglalahad ng Suliranin B. Rebyu ng Kaugnay na Literatura C. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral D. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral 5 Aralin 16 Pagsulat ng Panimulang Pananaliksik Mahalagang magkaroon ka ng kaalaman at kasanayan sa pagsulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa. Ito ay pagsasakatuparan sa hinihinging pagkatuto para sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino. Balikan Mapapadali ang pagsusulat ng panimulang pananaliksik kung nakabisa mo ang hakbang sa pagsulat ng pananaliksik. Upang matiyak ito, subuking ibigay ang sunod-sunod na hakbang sa pagsulat ng pananaliksik. I. Kabanata I A.___________________________ B.___________________________ III. Kabanata III C.___________________________ A.__________________________ D.___________________________ IV. Kabanata IV II. Kabanata II A.__________________________ A.__________________________ B.__________________________ B.__________________________ C._________________________ C.__________________________ D.__________________________ E.__________________________ 6 Tuklasin Ang malalim na pag-unawa sa mga penomenang kultural at sosyal ay mahirap isanib o gawan ng pananaliksik kung wala kang sapat na kaalaman ukol ito. Upang mabigyan ka ng gabay sa pamimili ng paksa ukol dito, narito ang maikling paliwanang sa tinatawag na penomenang kultural at panlipunan ng bansa. Narito ang halimbawa ng isang tekstong tumatalakay sa penomenang kultural at panlipunan mula sa Cordillera. Ang Pananamit ng mga Bontoc Magdalena O. Jocson Isa sa mga bagay na kapansin-pansin sa mga katutubo ng Cordillera ay ang kanilang pananamit. Tingnan natin ang pananamit ng Bontoc Igorot. Bukod sa makulay ang tradisyunal na kasuotan nila ay may ibat-ibang disenyo ang mga ito. Ang mga lalaki ay nagsusuot ng wanes o mahabang guhit ang tela na hinabi sa kamay. May dalawang uri ito: Una, chinagta na karaniwang suot ng mga lalaking namatay, gayong ginagamit din ito ng ilang buhay na lalaki. Pangalawa, finaliling naman ay isang espesyal na binurdahang wanes na isinusuot kapag may mga pagdiriwang. Gumagamit din ang mga lalaki ng mabigat na hinabing kumot na tinatawag na pinagpakan. Ito ay ibinabalot nila sa kanilang katawan kapag malamig ang panahon. Isang uri ng saya na tinatawag na lufid ang isinusuot ng mga kababaihanMay tatlong uri ito: 1) inorma, 2) pinagpakan, at 3) kinarchao. Ang pinagpakan at inorma ay parehong habi ng makukulay na sinulid na ginawa sa tatlong piraso ng makikitid na telang pinagdugtong-dugtong upang makabuo ng isang piraso.Ang kinarchao naman ay isang sayang gawa sa dalawang piraso ng puting- pulang mga guhit at ginagamit ng mga kababaihan sa kanilang pagtatrabaho. Para sa mga babaeng patay, may isang uri ng lufid: Una, ay kayin, isang hinabing tela na kulay matingkad na asul-marino. Ito ay ikinakabit sa baywang na makapal at malapad na hinabing sinturon na tinatawag na wakes. Pangalawa, ay inawin na para sa pang-araw-araw na gamit, at ang pangatlo ay ang palasan, na para sa espesyal na okasyon. 2 Sa kabila ng modernisasyon, napapanatili ng Bontoc Igorot ang kanilang tradisyunal na pananamit, na patuloy na umaakit ng pansin at paghanga hindi lamang ng mga kapwa nila Pilipino kundi ng mga dayuhan. Penomenang Kultural at Panlipunan Alam mo ba na tinatawag na kalinangan ang kultura. Kapag sinabing kultura, binubuo ito ng tradisyon, paniniwala, paraan ng pamumuhay, paraan ng pananamit, pagkain,wika at relihiyon. Mula sa kultura, umusbong ang kabihasnan o tinatawag na sibilisayon. Bawat pangkat ng tao sa daigdig ay may kinagisnang kultura. Maaaring may mga pagkakatulad ang ilan at may hindi naman pangkaraniwan. Kung sinasabing hindi pangkaraniwan, maituturing itong pambihira o phenomenal. Maraming iba’t ibang pagdiriwangsa Pilipinas, bilang isang bansa na maraming tradisyon. Halimbawa: 1. Ang Karakol ay isang pasayaw na panalangin na isinasagawa sa halos lahat ng lungsod at bayan sa Cavite. Isinasagawa ito tuwing pista, ang makukulay na kasuotang Pilipino at pagsayaw sa kalye sa saliw ng masasayang tugtugin ang pinakatampok sa pagdiriwang na ito. 2. Ang pagpuprusisyon sa itim na Nazareno na ipinagdiriwang tuwing Enero 9,taon-taon. Halos milyong-milyong Pilipino ang dumadalo rito upang magpakita ng narubdob na pananampalataya. Naniniwala na sila na magkakaraon sila ng himala kapag nakahipo sila o nakadampi man lang sila sa Poong Nazareno tuwing araw nito. 3. Nariyan din ang iba pang tradisyunal na pagdiriwang sa Pilipinas tulad ng Sinulog Festival na ginaganap tuwing pangatlong Linggo ng Enero bilang pagpupugay sa mahimalang imahe ng Sto. Nino na nagmula sa siyudad ng Cebu na tumatagal ng siyam (9) na araw. 4. Sa Lucban Quezon naman ang Pahiyas Festival na isang pagdiriwang tuwing ika-15 ng Mayo sa probinsya Lucban Quezon. Pinararangalan ditto si San Isidro, ang patron ng magsasaka. 3 Suriin Basahin at suriin ang teksto. Alamin kung anong penomenang panlipunan at kultural ang masasalamain dito. Pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan. KARAKOL sa GenTri Dennis Abrina Oktubre 2018 – Tulad ng nakagawian, muling ginunita ngayong taon ang Kapistahan ng Patron ng Lungsod na si San Francisco De Assisi na mas kilala ng mga Caviteño bilang San Francisco De Malabon o Tata Kiko. Bagama’t ika-4 ng Oktubre ang mismong araw ng pagdiriwang, ang buong linggo nito ay pinuno ng Pamahalaang Lungsod ng iba’t ibang makabuluhang aktibidad na hindi lamang nagpatingkad ng tradisyon kundi naghatid rin ng serbisyo at saya sa buong lungsod. Agosto pa lamang ay binuksan na ang fiesta baratillo kung saan nabigyang pagkakaon ang mga micro entrepreneurs na magbenta, gayundin naman ang mga mamamayan na makapamili, ng mga murang de-kalidad na produkto tulad ng mga damit, kagamitang pambahay, accessories, at iba pa. Ika-30 ng Setyembre idinaos muli ang Pabialahay o ang Pagbibinyag ng mga Alagang Hayop na tradisyunal nang ginagawa sa tuwing sasapit ang kapistahan ni Tata Kiko bilang pagkilala sa kanyang pagka-patron ng mga hayop. Sa unang araw ng Oktubre, sa pangangasiwa ng City PESO, ay nagsagawa ng Mega Jobs Fair sa Robinsons Place na nagbukas ng maraming oportunidad pang-empleyo sa mga GenTriseño. May 7 kumpanya ang nakilahok samantalang nasa 134 naman ang kabuuang bilang ng mga aplikanteng dumalo. Tinatayang nasa 98% ang bilang ng mga pinalad na matanggap iba’t ibang kumpanyang naroon at ngayon ay nagsisimula na sa kani-kanilang mga trabaho. Hindi mawawala sa pagdiriwang ang misa na nagsilbing pambungad para sa taunang Karakol noong ika-2 ng Oktubre. Muling naging makulay at masaya ang street dancing dahil sa partisipasyon ng iba’t ibang barangay at sektor ng Lungsod. Bagama’t inulan ay hindi natinag sa pakikisaya ang lahat. Maging ang lahat ng opisyales ng Pamahalaang Lungsod, sa pamumuno nina Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer at Congressman Luis “Jon-Jon” A. Ferrer, IV, ay full force na nakiindak sa Karakol 2018. Kinagabihan ay napuno naman ng musika ang plaza sa pagpapakitang gilas ng ating mga talentadong kababayan sa Tugutugan sa GenTri. Isa rin sa mga inaabangang tradisyon ang Grand Pasayo Marching Band Competition sa bayan na ginanap noong ika-3 ng Oktubre. May labing-siyam (19) 4 na mga banda mula sa iba’t ibang bayan ng Cavite ang nagsilahok at nagpamalas ng kanilang husay sa pagtugtog at pag-indak sa saliw ng mga inareglong awitin gamit ang percussions, brass, and wind instruments. Ang mismong araw ng kapistahan ni Tata Kiko noong Oktubre 4 ay ginunita sa pamamagitan ng Concelebrated Mass sa Parokya. Bukod sa mga namumuno sa ating Pamahalaang Lungsod, nakiisa din sa pagdiriwang ang mga residente, mga deboto ni Tata Kiko, at mga mamimista mula sa mga kalapitbayan. Bilang pang-wakas sa isang linggong pasaya, iprinusisyon ang patron sa bayan noong gabi ng ika-5 ng Oktubre. Matapos mailibot sa población ang prusisyon at maibalik sa simbahan, nagsilbing grand finale ang fireworks display sa plaza na naghatid saya sa mga nakidalo. Muli ay naging hitik sa kulay at saya ang pagdiriwang ng Pista ni Tata Kiko ngayong 2018. Damang-dama rin ang pagkakaisa ng mga mamamayan, maging ang buong pamunuan ng Pamahalaang Lungsod, na walang pag-aalilangang nakilahok sa bawat programa na lalong nagpapayabong sa turismo at kultura ng ating One and Only GenTri. 1. Anong penomenang kultural at panlipunan ang masasalamin sa tekstong ito? ________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ 2. Ano ang kaugnayan ng mga penomenang kultural at panlipunan na masasalamin sa teksto sa pamumuhay ng mga tao sa lugar na ito? _______________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ 3. Paano makatutulong ang mga penomenang kultural at panlipunan sa pagpapaunlad ng pananaliksik sa wika at kultura ng isang lugar? _______________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ 5 Pagyamanin Sa mga naunang gawain ay nabatid mo ang tinatawag na penomenang kultural at panlipunan. Sa pagkakataong ito, hubugin ang sarili sa pagsulat ng isang pananaliksik na tumatalakay sa penomenang kultural at panlipunan. Tugunan ang bawat hakbang sa pagsulat ng pananaliksik. 1. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik Gabay na tanong: a. Anong paniniwala, pagkain, kasuotan, gawi, linangan, hanapbuhay, wika, at suliraning panglipunan ang gusto mong alamain at pag-arala? __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ b. Anong tanong ang gusto mong bigyan ng kasagutan tungkol sa paksa? Magbigay ng tatlo, dahil ito ang magsisilbing katanungan sa bahaging Paglalahad ng Suliranin: Suliranin 1:_________________________________________________ _________________________________________________ Suliranin 2:_________________________________________________ _________________________________________________ Suliranin 3:_________________________________________________ __________________________________________________ c. Ano ang layunin at kahalagahan ng pag-aaral? ________________________________________________________________ _____________________________________________________________ 2. Pagdidisenyo ng Pananaliksik Gabay na Tanong: a. Anong uri ng pananaliksik ang isasagawa, kuwantitatibo o kuwalitatibo? ________________________________________________________________ ___________________________________________________________ 3. Pangangalap ng Datos Gabay na Tanong: a. Anong instrumento sa pangangalap ng datos ang gagamitin? ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ b. Paano ang isasagawa ang aktuwal na pangangalap at presentasyon ng datos? __________________________________________________________ __________________________________________________________ 6 4. Pagsusuri ng Datos Gabay na Tanong: a. Paano isasagawa ang presentasyon ng datos, pagsusuri, interpretasyon ng datos? ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ b. Paano bubuoin ang sumusunod: 1. Lagom:____________________________________________________ ____________________________________________________ 2. Kongklusyon:______________________________________________ _______________________________________________ 3. Rekomendasyon:__________________________________________ __________________________________________ 7 at Isaisip Narito ang sunod-sunod na hakbang upang maisagawa mo ang iyong paminulang pananaliksik tungkol sa penomenang kultural at panlipunan: 2. Pamimili ng Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik a. Pagpaplano ng mga proseso ng pananaliksik b. Pagbuo ng paradaym at konseptuwal na balangkas c. Pagbuo ng tanong d. Pagtukoy sa lokal at populasyon 1. Pagpili ng Paksa a. Pamimili at paglilimita sa paksa b. Pagbuo ng tanong c. Paghahanap ng kaugnay na literatura d. Pagbuo ng haypotesis 4. Pagsusuri ng Datos a. Presentasyon ng Datos b. Pagsusuri gámit ang istatistikal sa kwantitatibong pananaliksik at pagbuo ng tema o kategorya sa kuwalitatibong pananaliksik c. Pagbuo ng Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon 5. Pagbabahagi ng Datos a. Paglalathala sa mga journal b. Presentasyon sa mga kumperensiya c. Pagbabahagi sa mga silid-aklatan 8 3. Pangangalap ng Datos a. Pagbuo ng kasangkapan at aktuwal na paggamit nitó b. Pagkuha ng datos c. Pagsasaayos ng datos Isagawa Lagyan ng tsek (√) ang kahon na nagsasaad ng iyong saloobin at damdamin tungkol sa paksa. TAMA 1. Ang pananaliksik na pumapaksa sa wika, pagkain, kasuotan, paniniwala, at tradisyong ng isang lugar ay isang pananaliksik tungkol sa penomenang kultural at panlipunan. 2. Mahalaga na may sapat na kaalaman sa paksa at may malawak o saganang literatura upang maisagawa ang pananaliksik. 3. Ang pagkuha ng saliksik ng iba ay pinahihintulutan basta gagamitin mo ito sa iyong saliksik. 4. Hindi mahalagang kulang ang bahagi ng pananaliksik. Ang mahalaga ay nakuha o lumabas ang nais mong maging resulta. 5. Nakabatay ang resulta ng pananaliksik sa iyong suliranin at layunin ng pag-aaral. 9 MALI Tayáhin Sumulat ng isang pananaliksik na tumatalakay sa mga penomenang pangkultural at panlipunan sa iyong lugar. Sundan ang format na ito. Kabanata I I. A. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral I. B. Paglalahad ng Suliranin I. C. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral I. D. Rebyu ng Kaugnay na Literatura I. E. Teoretikal at Gabay na Balangkas I. F. Saklaw at Limitasyon Kabanata II II. A. Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik II. B. Lokal at Populasyon ng Pananaliksik II. C. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos II. D. Paraan sa Paglikom ng Datos II. E. Paraan ng Pagsusuri ng Datos 10 Kabanata III III. Resulta at Diskusyon Kabanata IV IV. A. Lagom IV. B. Kongklusyon IV. C. Rekomendasyon Narito ang Pamantayan sa Pagmamarka para sa iyong pinal na awtput para sa asignaturang ito. Kraytirya Napaka husay 5 Mahusay 4 Paglalahad ng kritikal na kaisipan/ pahayag Napakahusa y at malikhaing nailahad ang mga pahayag Makahusa y at malikhain g nailahad ang mga pahayag NIlalaman Malinawa na tumatalakay sa penomenang kultural at panlipunan Tumatalak ay sa penomena ng kultural at panlinan Kaangkupan ng gámit ng salita Nakagamit ng mahigit sa limang rehistro ng wika kaugnay sa paksa Buo ang naisagawang pananaliksik Nakagamit ng mahigit sa apat na rehistro ng wika kaugnay sa paksa Apat hanggang limang bahagi ang naisagawa Buo ang bahagi ng pananaliksik Katamta man Paunlarin 2 3 Naisulat ang sanaysay sa katamtaman g pamamaraan at may pagtatangka sa pagiging malikhain nitó May bahagyang pagtalakay sa kultural at panlipunan Nakagamit ng dalawang rehistro ng wika kaugnay sa paksa Tatlong bahagi lamang ang naisagawa 11 Nangangaila ngan ng Gabay 1 May papaunlad na kasanayan sa pagsulat ng kritikal na sanaysay Nangangailanga ng paunlarin ang kasanayan sa pagsulat Hindi malinaw ang pagtalakay sa penomenang pangkultural at panlipunan Hindi nakagamit ng anumang rehistro ng wika kaugnay sa paksa Dalawang Bahagi lamang ang naisagawa Hindi tinalakay ang penomenang kultural at panlinan Nangangailanga n ng gabay sa paggamit ng rehistro ng wika sa iba’t ibang sitwasyon Isang bahagi lamang ang naisagawa Kabuuang Marka Karagdagang Gawain Binabati kita dahil natapos mo nang matagumpay ang mga pagsubok sa modyul na ito. Dahil diyan, gusto kong maging handa ka sa susunod na pagsubok na iyong kahaharapin. Ngayon pa lámang ay paghandaan mo ang aktuwal na pagdepensa ng iyong saliksik. 12 Tayáhin Batay sa pinal na awtput ng mag-aaral 13 Isagawa 1. 2. 3. 4. 5. Subukin Tama Tama Mali Mali Tama 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. 11. 12. 13. 14. 15. B B D A A C B B A B A C B B A Susi sa Pagwawasto Sanggunian De Laza, Crizel.2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.Rex Book Store Jocson, Magdalena O.2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Vibal Group, Inc. Pagkalinawan, Leticia et.al, 2008. Mahusay na Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Mabisang Pananaliksik. Mutya Publishing House, Inc. 14 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph