Uploaded by yzraycay

SANDAANG-DAMIT-NI-FANNY-GARCIA-SCIPT-Recovered

advertisement
SANDAANG DAMIT NI FANNY GARCIA
MAY ISANG BATANG BABAING MAHIRAP.NAG-AARAL SIYA.SA PAARALAN AY KAPANSIN-PANSIN ANG
KANIYANG PAGIGING WALANG-IMIK.MADALAS SIYA AY NAG-IISA.LAGI SIYANG NASA ISANG
SULOK.KAPAG NAKAUPO NA’Y TILAY IPINAGKIT.
LAGI SIYANG NAKAYUKO,MAILAP ANG MGA MATA,SASAGOT LAMANG KAPAG TINATAWAG NG
GURO,HALOS PAANAS PA KUNG MAGSALITA.NAGING MAHIYAIN SIYA SAPAGKAT MAAGA NIYANG
NALAMAN NA KAIBA ANG KANYANG KALAGAYAN KUNG IHAHAMBING SA MGA
KAKLASE.IPINAPAKITA AT IPINABATID NILA IYON SA KANYA.MAYAYAMAN SILA.MAGAGANDA AT IBAIBA ANG KANILANG DAMIT NA PAMASOK SA PAARALAN.MADALAS AY TINUTUKSO SIYA DAHIL SA
KANYANG DAMIT.
ANG KANYANG DAMIT,KAHIT MALINIS AY HALATANG LUMA NA,PALIBHASA AY KUPAS NA AT
PUNONG-PUNO PA NG SULSI.KAPAG ORAS NG KAINAN AT LABASAN NG KANI-KANIYANG
PAGKAIN,HALOS AY AYAW NIYA IPAKITA ANG KANYANG BAON.
ITATAGO NIYA SA KANYANG KANDUNGAN ANG PAGKAIN,PIPIRASO NANG KAUNTI,TULOY SUBO SA
BIBIG,MABILIS UPANG HINDI MALAMAN NG MGA KAKLASE KUNG ANO ANG DALANG PAGKAIN.
SA SULOK NG KANYANG MATA’Y MASUSULYAPAN NIYA ANG MGA PAGKAING DALA NG KANYANG
MGA KAKLASE GAYA NG…
MANSANAS,SANDWITCHES,MGA IMPORTED AT MAMAHALING TSOKOLATE.ANG PANUNUKSO NG
MGA KAKLASE AY HINDI NAGTATAPOS SA KANYANG MGA DAMIT.
TATANGKAIN NILANG SILIPIN KUNG ANO ANG KANYANG PAGKAIN AT SILA’Y MAGTATAWANAN
KAPAG NAKITA NILA ANG KANYANG BAON... AY ISA LAMANG PIRASONG TINAPAY NA KARANIWA’Y
WALANG PALAMAN.KAYA LUMAYO SIYA SA KANILA.SIYA AY NAGING WALANG KIBO AT MAPAG-ISA.
ANG NANGYAYARING ITO AY BATID NG KANYANG INA.PAG UWI SA BAHAY,MADALAS SIYANG
UMIIYAK DAHIL SA PANUNUKSO NG MGA KAKLASE AT SIYA’Y NAGSUSUMBONG SA
INA.MAPAPAKAGAT-LABI ANG KANYANG INA,MATAGAL ITONG HINDI MAKAKIBO,AT SABAY HAPLOS
NITO SA KANYANG BUHOK .SINASABI NA LAMANG NITO SA BATANG BABAE NA IBIBILI NA LAMANG
SIYA NG BAGONG DAMIT AT MASASARAP NA PAGKAIN KAPAG NAKAKUHA NA NG TRABAHO ANG
KANYANG AMA.
SANDAANG DAMIT NA PAWANG DROWING LAMANG…
SANDAANG DAMIT NI FANNY GARCIA
AT LUMIPAS PA ANG MARAMING ARAW. NGUNIT ANG AMA AY HINDI PA RIN NAKAKUHA NG
TRABAHO KAYA GANOON PA RIN ANG KANILANG BUHAY.ANG BATA AY UNTI-UNTING
NAKAUUNAWA SA KANILANG KALAGAYAN.NATUTUHAN NIYANG SARILININ ANG PAGDARAMDAM
SA PANUNUKSO NG MGA KAKLASE.HINDI NA SIYA NAGSUSUMBONG SA KANYANG INA.LUMALA PA
LALO ANG PANUNUKSO NG MGA KAKLASE SA BATANG BABAING MAHIRAP.
LUMANG DAMIT.DI-MASARAP NA PAGKAIN.MAHIRAP.PILIT NA IPINASOK NILA SA KANYANG
ISIP.HANGGANG NANG ISANG ARAW AY NATUTO SIYANG LUMABAN.SA BUONG PAGTATAKA NILA,Y
BIGLA NA LAMANG NATUTONG SUMAGOT ANG MAHIRAP NA BATANG BABAE NA LAGING
LUMA,KUPAS AT PUNO NG SULSI ANG DAMIT.ANG BATANG BABAE NA ANG LAGING BAON AY
TINAPAY NA WALANG PALAMAN.
SINABI NIYA SA MALAKAS AT MALINAW NA BOSES SA KANIYANG MGA KAKLASE NA MAYROON
SIYANG SANDAANG DAMIT SA KANILANG BAHAY.HINDI MAKAPANIWALA ANG KANIYANG MGA
KAKLASE.UPANG MAPANIWALA SILA, BINAHAGI NIYA ITO.
NAGSIMULA SIYA SA KANYANG PAGBABAHAGI.INILARAWAN NIYA HANGGANG KALIITLIITANG DETALYE ANG BAWAT ISA SA KANYANG SANDAANG DAMIT. TULAD HALIMBAWA
NG ISANG DAMIT NA PAMPARTY.MAKINTAB NA ROSAS ANG TELA NA MARAMING
MUMUNTING BULAKLAK,BOLGA ANG MANGGAS,MAY TIG-ISANG
MAGKABILAANG BALIKAT .HANGGANG SAKONG ANG HABA NG DAMIT.
RIBBON
SA
O KAYA AY ANG KANYANG DILAW NA PANTULOG NA MAY BURDA.O ANG KANYANG
PUTTING PANSIMBA NA MAY MALAPAD NA SINTURON AT MALAKING BULSA.MULA NOON
AY NAGING KAIBIGAN NIYA ANG MGA KAKLASE.MGAYON,SIYA NA ANG LAGING
NAGSASALITA AT SILA ANG NAKIKINIG. LAHAT SILA’Y NATUTUWA SA KANYANG KWETO
TUNGKOL SA SANDAANG DAMIT.
NAWALA ANG KANYANG PAGIGING MAHIYAIN. NAGING MASAYAHIN SIYA BAGAMAN
PATULOY PA RIN ANG KANYANG PAMAMAYAT KAHIT NA NGAYO’Y NABIBIGYAN NILA SIYA
NG KAPIRASO NG KANILANG BAONG MANSANAS O SANDWITCH.
SANDAANG DAMIT NA PAWANG DROWING LAMANG…
SANDAANG DAMIT NI FANNY GARCIA
ISANG ARAW,HINDI PUMASOK SA KLASE ANG MAHIRAP NA BATANG BABAING MAY SANDAANG
DAMIT.SAKA NG SUMUNOD NA ARAW AT NG SUMUNOD NA ARAW. PAGKARAAN NG ISANG
LINGGONG HINDI PAGPASOK AY NAG-ALALA ANG KANYANG MGA KAKLASE AT GURO.ISANG ARAW
AY NAGPASYA SILANG DALAWIN ANG BATANG MATAGAL NG ABSENT SA KLASE.ANG NATAGPUAN
NILANG BAHAY AY SIRA-SIRA AT NAKAGIRAY NA SA KALUMAAN. LUMABAS ANG ISANG BABAIG
PAYAT ,IYON ANG INA NG BATANG MAHIRAP.
SILA AY PINATULOY AT..NAKITA NILA ANG MALIIT NA KABUUAN NG KABAHAYAN NA SALAT NA
SALAT SA MARANGYANG KASANGKAPAN. SA ISANG SULOK AY ISANG LUMANG PAPAG AT DOON
NAKARATAY ANG BATANG BABAING MAY SAKIT PALA. NGUNIT SA MGA DUMALAW AY DI AGAD
ANG MAYSAKIT ANG NAPAGTUUNAN NG PANSIN KUNDI ANG MGA PAPEL NA MAAYOS NA
NAKADIKIT SA DINGDING SA MAY TABI NG PAPAG.LUMAPIT SILA SA SULOK AT NAKITA NILANG ANG
MGA PAPEL NA NAKADIKIT SA DINGDING AY YAONG MGA DRAWING NG BAWAT ISA SA
SANDAANG PAPEL.MAGAGANGDA AT MAKUKULAY .
NAROONG LAHAT ANG KANYANG NAIKWENTO. TOTOO AT NAROROON ANG SINASABI NIYANG
ROSAS NA DAMIT NA PAMPARTI.
NAROROON DIN ANG DROWING NG KANYANG DAMIT NA PANTULOG, ANG KANYANG PANSIMBA,
ANG MGA SINABI NIYANG PAMASOK SA PAARALAN NA KAILANMA’Y HINDI NASILAYAN NG MGA
KAKLASE DAHIL AYON SA KANYA’Y NAKATAGO AT INIINGATAN SA BAHAY
SANDAANG DAMIT NA PAWANG DROWING LAMANG…
Download