Uploaded by Alicia Mae Manalad

FILBAS Pananaliksik - Pangkat 2

advertisement
Epekto ng Makabagong Teknolohiya sa Komunikasyon sa Pag-aaral ng Wikang Filipino
ng mga Estudyante sa ika-11 na baitang ng Holy Angel University
I.
Introduksiyon
Ang wika ay maikukumpara sa oras. Hindi napipigilan, patuloy lang sa paghakbang. Bawat
oras, minuto, at segundo, patuloy itong umuusbong at nagbabago. Sa paglipas ng mga panahon,
napakaraming bagay ang patuloy pang lumalago, napapabilis, nagiging makabago mula sa
nakasanayan na, at parte na ito ng tinatawag na modernisasyon (Encyclopedia Britannica, 2020).
Ang wika ay isang representasyon ng kultura, pagkatao, at higit sa lahat, ang pagkakakilanlan
bilang isang Pilipino. Tulad ng sinabi ni Salicru (2017), wika ang pinakamabisang instrumento sa
anumang gawain gaya ng pag-unlad, pagtuklas, pakikipagkapwa-tao, pakikipagtalastasan at iba
pa. Kung walang wika, mahihirapang magkaintindihan ang bawat isa na hahantong lamang sa
kaguluhan at kalituhan ng mga tao sa bansa. Sa pag-usbong ng mga makabagong teknolohiya,
parami rin nang parami ang mga pagbabagong nagaganap sa paggamit ng wikang Filipino. Hindi
na maikakaila na ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya ay naging parte na rin ng pangaraw-araw na pamumuhay ng mga tao.
Ayon kay Montemayor (2018), sa pag-usbong ng mga pag-unlad ng teknolohiya sa bansa,
parami nang parami ang mga mag-aaral ngayon ang nahihirapang gumamit ng wikang Filipino
sa pasalita at pasulat na komunikasyon. Ang teknolohiya ay maaaring gamitin ng mga
tagapagturo ng wika upang mapahusay ang pagtuturo, pagsasanay, at pagkahasa sa wika
(ACTFL, 2017). Dahil sa teknolohiya, ang mga mag-aaral ay naka-pagbabasa, nakakapakinig, at
nakatitingin ng tunay na nakaka-engganyo at napapanahong mga materyal mula sa target na
kultura. Ayon naman kay Alleen (2019), naaapektuhan ng teknolohiya kung paano matuto,
makipag komunikasyon, at kung paano mag-isip ang mga tao. Gumagamit ang mga tao ng
teknolohiya sa trabaho, edukasyon, pang-aliw, komunikasyon at marami pang iba. Bilang
karagdagan, ayon sa The Editorial Team (2021), mayroong anim na karaniwang klase ng
teknolohiya. Ito ay ang komunikasyon, elektrikal, enerhiya, mekanikal, medikal, at transportasyon.
And modernong teknolohiya sa komunikasyon ay pinalolooban ng mga kagamitan gaya ng
telepono, kompyuter, internet, at iba pa. Mas maraming barayti ng wika ang umusbong at
nagsisimula na ring lumikha ng mga panibagong wika na naimbento ng sariling kaisipan dahil sa
gamit ng mga modernong teknolohiya sa komunikasyon. Dito nagsisimulang sumabay ang mga
tao sa kung ano ang nauuso at hindi kalauna’y nagagaya na rin nila. Ayon kay Swan (2017), ang
social media ay isa sa mga makabagong teknolohiya na nakakalap ng maraming reklamo hinggil
sa negatibong epekto nito sa paggamit at pagbabaybay ng gramatika. Isa ito sa mga naging sanhi
ng paglikha ng mga wikang pumipigil sa tao na higit na maunawaan ang isa’t-isa at nagdulot ng
pagkalimot ng mga orihinal na pinagmulan ng mga salita.
Ayon kina Carreon et al. (2017), ang wika ay buhay o dinamiko, kaya naman hindi na
nakapagtataka na sumasabay sa pagbabago ng panahon ang wika at malaya itong tumatanggap
ng mga pagbabago upang patuloy na yumaman at yumabong. Dahil sa mga pagbabagong
nangyayari sa modernong panahon, hindi maipagkakaila na ang mga kabataan ay napakahusay
sa paggamit ng makabagong teknolohiya sa larangan ng komunikasyon. Bilang patunay, ayon
sa pag-aaral ng The Royal Children’s Hospital Melbourne (2017), ang mga kabataang edad 1318 taong gulang ay gumagamit ng gadyet ng hindi baba sa anim na oras sa loob ng isang araw
lamang. Gayunpaman, maraming kabataan din ang nahihirapang gumamit ng wikang Filipino sa
pasalita o pasulat na uri ng komunikasyon, dahil tila hindi praktikal na gamitin ang vernacular sa
mga talakayan na may kaugnayan sa modernong edukasyon at pamumuhay. Kung hihiramin ang
mga salita ni Gomes (2018), malaki ang naging gampanin ng makabagong teknolohiya sa
pagbabago ng ating wika. Mula sa mga naiimbentiong bagong salita na may iba’t-ibang
kahulugan na bago rin sa pandinig at madalas na nakikita sa teknolohiya ay nakakasanayan na
rin ng mga tao lalo na ng mga kabataan na gamitin ito sa pang-araw-araw na pamumuhay, sa
puntong nahihirapan at nalilimutan na nilang gamitin ang sariling wika, ang wikang Filipino.
Samakatuwid, masasabing ang mundong ginagalawan sa kasalukuyan ay napakalaki na
ng naitulong sa teknolohiya para mapaunlad ang sariling wika at bansa. Kaya naman bilang
paghahanda sa mga pagbabago pang magaganap sa hinaharap, layunin ng pag-aaral na ito ang
kumalap ng mga impormasyong kinakailangan para tuklasin ang epekto ng makabagong
teknolohiya sa pag-aaral ng wikang Filipino ng mga estudyante sa ika-11 na baitang ng Holy
Angel University. Ito ay naglalayon na maging gabay at daan upang hindi tuluyang makalimutan
ng mga Pilipino ang wika at kultura na ating kinagisnan dahil lamang sa ito ay naapektuhan na
ng modernisasyon.
II.
Batayang Teoretikal
Ang pananaliksik na may paksang, Epekto ng Makabagong Teknolohiya sa Komunikasyon
sa Pag-aaral ng Wikang Filipino ng mga Estudyante sa ika-11 na baitang ng Holy Angel University
ay maaaring ibatay at suportahan sa mga sumusunod na teorya:
Ayon sa Substantive Theory ni Jacques Ellul at Martin Heidegger, ang teknolohiya ay kabilang
na sa ating kultura na binago ang social world bilang object of control. Nabanggit rin sa teoryang
ito na ang teknolohiya ay isang malaking parte na ng ating buhay.
Ayon naman sa Instrumental Theory ni Jacques Ellul, na nagsasabi na ang teknolohiya ay
isang kagamitan na handang tumulong upang makamtan ang ninanais ng isang tao. Ang
teknolohiya umano ay ang instrumento lamang na kayang patunayan ng walang pag-aalinlangan
dahil ginagamit ito sa maraming paraan para sa ating benepisyo.
Base sa mga pananaw at teoryang nabanggit, ipinahihiwatig ng pananaliksik na ito na ang
teknolohiya ay nakapagdudulot ng napakalaking epekto sa pag-iisip ng mag-aaral. Nagbibigay
ito hindi lamang ng kaalaman ngunit pati na rin ng pansariling kalibangan at kaligayahan.
III.
Batayang Konseptwal
Para sa balangkas ng pag-aaral, ang mga mananaliksik ay lilikom ng mga magiging
respondente sa talatanungang ibibigay na may kinalaman sa pagsusuri sa epekto ng
makabagong teknolohiya sa pag-aaral ng wikang Filipino. Gagamit din ng gadyet bilang midyum
ng gagawing sarbey. Ito ang magsisilbing input ng pag-aaral. Pagkatapos ay dadaan sa proseso
ang mga input kung saan ito’y masusing pag-aaralan upang matukoy ang magiging positibo at
negatibong epekto ng makabagong teknolohiya sa pag-aaral ng wikang Filipino ng mga nasabing
mag-aaral at upang tukuyin ng mga mananaliksik ang maaaring mas mainam na paraan upang
lalo pa itong mapag-unlad.
Input
a) respondente/estudyante
Proseso
Awtput
a) pagbabasa at
b) edad
pagkalap ng mga
“Epekto ng Makabagong
c) kasarian
kaugnay na pag-aaral
Teknolohiya sa Pag-aaral
d) gadyet
e) kabuuang oras sa
paggamit ng teknolohiya
f)
unang wika/mother
tongue
b) preparasyon ng mga
ng Wikang Filipino ng
materyal at pagbuo ng
mga Estudyante sa ika-11
mga katanungan,
na baitang ng Holy Angel
c) paghahanap ng mga
University”
respondente ng
gagawing sarbey,
g) epekto ng makabagong
d) pagdo-dokumento ng
teknolohiya sa pag-aaral
ng wikang Filipino
datos
e) pagsusuri ng datos
f)
interpretasyon ng
resulta gamit ang
talahanayan at graphs
IV.
Paglalahad ng Suliranin
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay maihain ang epekto ng makabagong
teknolohiya sa pag-aaral ng wikang Filipino ng mga estudyante sa ika-11 na baitang ng Holy
Angel University. Hinahangad din ng mga mananaliksik na mailarawan kung nakabubuti ba o
nakasasama sa pag-aaral ng wikang Filipino ang makabagong teknolohiya.
Narito ang ilang mga katanungan na sumibol sa isipan ng mga mananaliksik upang
matugunan ang nasabing layunin:
1. Ano ang propayl ng mga respondente ayon sa:
1.1 edad;
1.2 kasarian;
1.3 strand;
2. Anu-ano ang saloobin ng mga mag-aaral sa makabagong teknolohiya at pag-aaral ng
wikang Filipino?
3. Ano ang lawak ng pagpapahalaga ng mga respondente sa wikang Filipino batay sa
sumusunod:
3.1 interes/kawilihan sa wika;
3.2 motibasyon sa pag-aaral nito; at
3.3 paggamit ng wikang Filipino?
4. Paano naaapektuhan ng paggamit ng teknolohiya ang pag-aaral ng wikang Filipino?
5. Epekto ba ng makabagong teknolohiya ang tuluyang pagkalimot ng mga lumang salita?
6. Nakatutulong ba ang makabagong teknolohiya sa pag-unlad ng kaalaman ng mga magaaral sa wikang Filipino?
V.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Malaki ang epekto ng makabagong teknolohiya sa pag-aaral ng wikang Filipino. Ito ay
maaaring nakabubuti o maaari rin namang nakasasama. Kung kaya’t ang pag-aaral na ito ay
inaasahang magiging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:
Estudyante – Ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang mapayabong ang kaalaman ng
mga estudyante sa kabutihang naidudulot ng pagpapahalaga sa wikang Filipino.
Makatutulong din ito upang mamulat ang isipan ng bawat estudyante tungkol sa
responsableng paggamit ng teknolohiya bilang instrumento ng kabuuang pagkahubog ng
sarili hinggil sa konstekto ng wikang Filipino.
Administrasyon ng Paaralan – Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, ang administrasyon
ng paaralan ay makagagawa ng mga hakbang sa paghikayat ng mga estudyante na muling
panumbalikin ang interes sa pag-aaral ng wikang Filipino.
Mamamayang Pilipino – Magsisilbing patnubay ng mga mamamayang Pilipino ang pagaaral na ito upang panatilihin sa kanilang isipan ang kinagisnang wika at kultura ng Pilipinas.
Makatutulong din ito upang kanilang pahalagahan ang wikang Filipino at hindi magpalamon
sa bagong sistema ng makabagong mundo.
Mananaliksik – Bilang mga mananaliksik, ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang
magkaroon ng dagdag kaalaman na magbibigay-kalinawagan ukol sa epekto ng makabagong
teknolohiya sa pag-aaral ng wikang Filipino. Bukod pa rito, makakagawa rin ang mga
mananaliksik ng sariling mga hakbang upang mapanatili ang kagandahan, kahalagahan, at
sigla ng wikang Filipino sa bansa.
Mananaliksik sa hinaharap – Ang pananaliksik na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa
mga susunod na mananaliksik na nangangailangan o nagnanais makakalap ng mga
karagdagang impormasyon at ideya sa kauring paksa. Bilang karagdagan, maaari pa nilang
pagbutihin o dagdagan ang mga bagay na pinaniniwalaan nilang makakabuti para maging
matagumpay ang kanilang pananaliksik.
VI.
Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa paglalahad ng epekto ng makabagong teknolohiya
sa pag-aaral ng wikang Filipino ng mga estudyante sa ika-11 baitang ng Holy Angel
University. May kabuuang limangpung mag-aaral (50) na mula sa limang strand (10 bawat
strand) ang naging tagatugon ng sarbey na isinagawa ng mga mananaliksik sa pag-aaral na
ito. Ang nasabing sarbey ay naglalayong makuha ang nangungunang positibo at negatibong
epekto ng paggamit ng makabagong teknolohiya sa pag-aaral ng wikang Filipino ng mga
estudyante. Hinahangad din ng pag-aaral na ito na masuri ang pananaw at persepsyon ng
mga mag-aaral patungkol sa makabagong teknolohiya at pag-aaral ng wikang Filipino sa
kasalukuyang panahon.
VII.
Kahulugan ng Terminolohiya
Mag-aaral/Respondente. Sa pag-aaral na ito ang mga tinutukoy na mag-aaral o
respondiente ay ang mga nasa ika-11 na baitang ng Holy Angel University na bahagi ng TVL,
ABM, STEM, HUMSS strands.
Makabagong Teknolohiya. Ito ay ang pagsulong ng lumang teknolohiya na may mga
bagong dagdag at pagbabago (Swalih, 2021).
Teknolohiya. Isang kasangkapan sa kaalaman na sumasaklaw sa mga isyu sa pamamaraan
at organisasyon ng pagbabago. Nagsisikap na matugunan ang mga pangangailangan ng tao
at panlipunan sa harap ng kawalan ng katiyakan (Agromassidayu, 2022).
Wika. Isang balangkas na masistema ng mga tunog na binibigkas at inayos sa arbitraryong
pamamaraan para makabuo ng mga titik na pagsasama-samahin upang makagawa ng isang
salita na maaaring gamitin sa pagpapahayag ng damdamin o saloobin (Gleason, 2021).
Vernacular. Isang anyo ng wika na kadalasang ginagamit ng isang partikular na grupo ng
mga nagsasalita, lalo na sa mga impormal na sitwasyon (Cambridge Dictionary, n.d.).
Reperensiya
ACTFL. (2017). The role of technology in language
learning. https://www.actfl.org/advocacy/actfl-position-statements/the-role-technologylanguagelearning#:~:text=Through%20the%20purposeful%20use%20of,speakers%20of%20the
%20target%20language
Agromassidayu. (2022, April 11). Makabagong makabagong teknolohiya: Kahulugan at saklaw.
agromassidayu.com. https://tgl.agromassidayu.com/sovremennaya-innovacionnayatehnologiya-opredelenie-i-sfera-primeneniya-a-060367#menu-4
Allen, M. (2019). Technological influence on society.
BCTV. https://www.bctv.org/2019/11/07/technological-influence-on-society/
Cambridge Dictionary. (n.d.). Vernacular. Cambridge Dictionary | English Dictionary,
Translations &
Thesaurus. https://dictionary.cambridge.org/us/dictionary/english/vernacular
Carreon, M. B., Molines, R.S., De Vega, A.J., David, C.Y., Galang, M.D., Turrano, R.T. (2017).
DUPIKAL Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Encyclopedia Britannica.
(2020). Modernization. https://www.britannica.com/topic/modernization/additionalinfo#history
Gleason, H. (2021). Ano ang kahulugan Ng wika Ayon Kay Henry
Gleason? Panitikan.com.ph. https://www.panitikan.com.ph/ano-ang-kahulugan-ng-wikaayon-kay-henry-gleason
Jacques, E. & Heidegger M. (n.d.). Critical theory of technology. Simon Fraser
University. https://www.sfu.ca/~andrewf/books/critical_theory_of_technology.pdf
The Linguist. (2018, December 10). Language change: The impact of digital
technology. https://www.blogs2018.buprojects.uk/jesikagouveiagomes/languagechange-digital-technology/
Montemayor M. (2018). Filipino: A dynamic, evolving language. Philippine News
Agency. https://www.pna.gov.ph/articles/1046382
The Royal Children’s Hospital Melbourne. (2017). Technology and teenagers. ReachOut
Parents. https://parents.au.reachout.com/skills-to-build/wellbeing/technology-andteenagers
Salicru, S. (2017). The most powerful tool for leaders. HRM
online. https://www.hrmonline.com.au/section/strategic-hr/powerful-tool-leaderslanguage/
Swalih. (2021, February 5). What is modern technology: Definition and examples. Tech
Quintal. https://www.techquintal.com/modern-technology/
Swan, K. (2017, September 23). Social media and its influence on vocabulary and language
learning: A case study.
ResearchGate. https://www.researchgate.net/publication/344349821_SOCIAL_MEDIA_
AND_ITS_INFLUENCE_ON_VOCABULARY_AND_LANGUAGE_LEARNING_A_CASE
_STUDY
Technology and teenagers. (n.d.). ReachOut Parents. https://parents.au.reachout.com/skills-tobuild/wellbeing/technology-and-teenagers
Mga Miyembro ng Pangkat 2
Carin, Maria Ayna
Espinosa, Angel Shane
Manalad, Alicia Mae
Santos, Angelica Mae
Download