PRAYER Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo, Amen Panginoon, aming Makapangyarihan at Mapagmahal na Ama, ang aming mga puso ay puspos ng kagalakan sa umagang ito na ipinagkaloob Mo sa amin. Lahat po ng mga bagay na Inyong ibinibigay ay patunay ng Inyong walang hanggang pagmamahal sa amin. Salamat po sa araw na ito ng aming pagtatapos, ganundin sa lahat ng mga kaalaman naming natutunan. Salamat po sa aming mga magulang at pamilya, sa kanilang walang sawang pagsasakripisyo at pagmamahal sa amin. Salamat po sa aming mga guro, punong-guro at sa bumubuo sa amin paaralan, sa kanilang walang kapagurang pagtuturo sa amin ng kaalaman at kagandahang-asal. Salamat po sa aming mga kamag-aral at kaibigan, sa kanilang pagbibigay-buhay sa aming paglalakbay. Salamat po sa aming sintang paaralan, sa kanyang pag-aaruga at pagbibigay ng pangalawang tahanan. Ama, Naniniwala po kami na sa aming paglalakbay sa buhay, may mga pagsubok kaming kailangang lampasan. Batid naming na Ikaw ang aming kalakasan, Ang aming napagdaanan ay daan upang kami ay mas maging matatag at mabuting magaaral. Taos-puso po kaming humihingi ng tawad sa lahat ng aming kasalanan. Ang mga ito po ay bunga ng aming kahinaan. Tulungan Niyo po kaming hanapin ang kapayapaan at yakapin ang kabutihan. Sa araw pong ito ng aming pagtatapos, lubos po kaming nagpapasalamat Sainyo. Buksan Ninyo po ang aming mga mata upang makita ang kagandahan sa aming paligid. Buksan din po Ninyo ang aming mga tainga sa pakikinig sa lahat ng mga mensaheng ibibigay sa pagtitipong ito. Higit sa lahat, buksan Niyo po ang aming mga puso, para mas lalo naming mahalin ang mga bagay na ipinagkakaloob Niyo sa amin. Sa amin pong mga gagawing desisyon sa hinaharap, patuloy Niyo po kaming gabayan. Nawa’y gawin mo kaming mga instrumento upang ang Inyong pag-ibig ay patuloy na manatili sa lahat ng panahon ng aming buhay. Basbasan mo nawa po kaming lahat na mga magsisipagtapos. Ang lahat pong ito ay aming ipinapanalangin, sa Pangalan ng Iyong Anak na si Jesus. Amen Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo, Amen