III – BSED Filipino Batoon, Gila May C. Masusing Banghay sa Sibika at Kultura 6 I. Layunin • Natutukoy at naibibigay ang iba’t - ibang uri ng pangkat etniko sa pilipinas. II. Paksang Aralin • Paksa: Iba’t - ibang Pangkat Etniko sa Pilipinas • Sanggunian: Yaman ng Pilipinas VI, Pahina. 25-28 • Kagamitan: Powerpoint Presentation, Projector Pamamaraan III. Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral A. Panimulang Gawain 1. Panalangin Tayo ay tumayo at manalangin. Diyos Ama, hindi po magiging madali para sa amin ang araw na ito kung wala po kayo sa aming tabi. Gabayan ninyo kaming lahat na mag-aaral upang malinang ang aming isipan at maunawaan ng lubos ang anumang leksiyon na itinuturo sa amin. Gabayan din naman ninyo ang aming mga guro upang magkaroon sila ng sapat na katiyagaan upang maihatid sa mga estudyante ang mga aral na dapat nilang ituro. Maraming salamat po. Sa ngalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo. Amen. (Nanalangin ang mga Mag-aaral) 2. Pagbati Magandang Hapon, mga bata. Magandang Hapon rin po, Binibining Batoon! 3. Pagtala ng Lumiban Sino ang lumiban sa araw na ito? Wala po. Kumpleto po kaming lahat. Magaling kung ganon! B. Balik-Aral Ano ang natalakay natin kahapon? May nakakaalala pa Tungkol po sa ating Pagka-Pilipino. ba sainyo? Tama! Paano niyo masasabing kayo ay mga Pilipino? Magaling! Kayo nga ay tunay na nakinig. Ako po ay Pilipino dahil kayumanggi ang aking balat at katamtaman lang po ang aking taas. C. Pangganyak Ano ang nakikita niyo sa larawan? Mga tao pong nakasuot ng kani-kanilang tradisyunal na kasuotan. Sa tingin niyo, ano nga ba ang tawag sakanila? Sila po ang tinatawag nating Pangkat Etniko. Tama! Sa pagkakahiwalay ng mga kapuluan natin noon, nagkaroon tayo ng iba’t ibang mga pangkat etniko. D. Talakayan a. Pagtatalakay ng Paksa Sa araw na ito, tatalakayin natin ang “Iba’t ibang Pangkat Etniko sa Pilipinas”. b. Pagtatalakay Ang Pangkat Etniko ay tawag sa mga taong samasamang naninirahan sa iisang lugar na may sariling wika, kaugalian, tradisyon, at paniniwala. Sa Pilipinas, maraming batayan sa pagkakapangkatpangkat ng mga tao. Nakabatay ito sa: • Lahing Pinagmulan • Wika • Relihiyon • Pagkakatulad ng Kasaysayan Mga Iba’t Ibang Pangkat Etniko sa Pilipinas 1. Ilokano • Kasama sa pangkat ng Ibanag at Ivatan. • Nakatira sa kapatagan at malapit sa tabing-dagat ng Hilagang Luzon. • Iba sa kanila ay matatagpuan sa Gitnang Luzon, Maynila, at ilang bayan sa Visayas at Mindanao. Ilan din sa kanila ay nasa ibang bansa lalo na sa Amerika. • Kilala sa pandarayuhan. 2. Pangasinense • Nanggaling sa Hilagang Kanluran malapit sa Dagat ng Luzon. • Ang lahi nila ay nagmula sa mga katutubong nasa kabundukan ng Cordillera. • Isa sa mga pangkat na naimpluwensyahan ng kultura ng mga Chinese. 3. Kapampangan • Nasa Gitnang Luzon mula sa Bataan hanggang Nueva Ecija. • Ang wika nila ay ginagamit ng dalawang milyong tao. Ito ay may pagkakahawig sa wika ng Indones. • Mahuhusay na Mandirigma para sa mga Espanyol laban sa mga Chinese. 4. Tagalog • Naninirahan sa Kapatagan ng Luzon hanggang sa isla ng Mindoro at Marinduque noong ika-14 na siglo hanggang sa ika-16 na siglo. • Ang Maynila ang una nilang panahanan. • Sila ang nagpaunlad ng pulitika at ekonomiya ng bansa. • Naging Batayan ng Filipino na ating wikang Pambansa. 5. Bicolano • Nagmula sa Katimugang Luzon • Gumagamit ng wikang Bikolano. • Maraming pinagkukunan ng kabuhayan tulad ng mga yamang mineral, torso, abaka, at magagandang tanawin. • Sila ay deboto ng Nuestra Señora de Peñafrancia na itinuturing nilang Ina na nangagngalaga sa kanilang buhay. 6. Bisaya • Nakatira sa mga pulo ng Visayas at malaking bahagi ng Mindanao. • Gumagamit ng Wikang Bisaya/Cebuano, Ilonggo o Hiligaynon at Waray. • Mga Kristyano at deboto ng Patrong Sto. Niño. • Kasama sa Pangkat ng Bisaya ang Romblonahon, Masbateño, Karay-a, Alelanon, at Cuyunon. Sa Mindanao, may gumagamit ng wikang Bisaya ngunit hindi kabilang sa pangkat etniko ng Bisaya. Tausug – wikang ginagamit nila ay Bisaya ngunit mas kilala sila bilang Muslim. 7. Pilipinong Muslim • Binubuo ng Tausug, Maguindanao, Maranao, Samal, at Yakan. • Limang porsenyento ng Pilipino ay mga Muslim. • Hindi nasakop ng Espanyol at lalonglalo na ng mga Amerikano. • May sariling Sistema ng hustiya 8. Iba’t Ibang Pangkat Etniko • Igorot • Mangyan • Lumad • Negrito E. Paglalahat Ngayong tapos na tayo sa ating talakayin, ito ang tanong ko sainyo. Ang mga Pangkat Etniko po sa Pilipinas ay ang Ilokano, Pangasinense, Kapampangan, • Ano nga ulit ang iba’t ibang pangkat etniko Tagalog, Bicolano, Bisaya, Pilipinong Muslim, atbp. sa Pilipinas? • Sa tingin niyo, saan tayo nabibilang pangkat Siyempre, tayo po ay nabibilang sa pangkat etnikong bisaya. etniko? Magaling! Palakpakan niyo nga ang inyong mga sarili. Ako ay masaya dahil nakinig kayo nang mabuti sakin. F. Paglalapat Mga Sagot: Pangkatang Gawain: Dalawang Pangkat Luzon • Buuin ang balangkas sa isang papel. Maglista • lamang ng tatlong pangkat Etniko sa Luzon, • Visayas, Mindanao. • • Pilipino Iba’t ibang pangkat Luzon Visayas Mindanao 1. 1. 1. 2. 2. 2. 3. 3. 3. Ilokano Pangasinense Kapampangan Bikolano Tagalog Visayas • Bisaya/Cebuano • Waray • Ilonggo • Romblonahon • Masbateño • Karay-a • Alelanon • Cuyunon Mindanao • Tausug • Maguindanao • Maranao • Samal • Yakan • T’boli IV. Pagtataya Sa loob ng malaking kahon ay nakasulat ang iba’t ibang pangkat etniko. Piliin mula rito kung anong pangkat ng tao ang inilalarawan sa mga pangungusap sa ibaba. Ilokano Cebuano Bicolano Bisaya Waray Ilonggo T’boli Muslim Tagalog Kapampangan Ita Pangasinense 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. Karamihan sa kanila ay naninirahan sa mga karagatan at malapit sa baybayin. [Ilokano] Ang kanilang lahi ay nagmula sa mga katutubong nasa kabundukan ng Cordillera. [Pangasinense] Ang Tausug, Maguindanao, at Samal ay kabilang sa lahing ito. [Pilipinong Muslim] Deboto ng Nuestra Señora de Peñafrancia. [Bicolano] Ang mga Waray, Cebuano, at Masbateño ang ilan sa bumubuo nito. [Bisaya] Kilalang matatapang at agresibo sa mga pangkat ng Bisaya. [Cebuano] Ang kanilang wika ay may paghahawig sa dayalekto ng mga Indones. [Kapampangan] Ang Maynila ang kanilang unang panahanan. [Tagalog] Naging matapang na mandirigma para sa mga Espanyol laban sa mga Chinese. [Kapampangan] Kilala sa pandarayuhan; karamihan sa kanila ang unang nagpunta sa Hawaii. [Ilokano] V. Takdang – Aralin A. Ilarawan ang mga pangkat etniko na bumubuo sa Pilipinas. Mahalaga ba na makilala at mapag-aralan ng mga kababayang Pilipino ang kani-kanilang kultura? B. Paunang Pagbasa: Basahin ang nasa Pahina 29-34 (Pagtataguyod ng Tao sa Bansa) III – BSED Filipino Batoon, Gila May C. Masusing Banghay sa Integrasyon ng Musika at Sining I. II. III. Layunin a. Nakikilala ang mga Intrumentong String/Chordophone gamit ang larawang nakaukit sa plaskard at ang tunog nito. Paksang Aralin • Paksa: Mga Instrumentong String/Chordophone • Sanggunian: Musika at Sining IV, Pahina 82-85 • Kagamitan: Powerpoint Presentation, Mga Larawang Nakaukit sa Plaskard, Speaker Pamamaraan Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral A. Panimulang Gawain 1. Panalangin Tayo ay tumayo at manalangin. Diyos Ama, hindi po magiging madali para sa amin ang araw na ito kung wala po kayo sa aming tabi. Gabayan ninyo kaming lahat na mag-aaral upang malinang ang aming isipan at maunawaan ng lubos ang anumang leksiyon na itinuturo sa amin. Gabayan din naman ninyo ang aming mga guro upang magkaroon sila ng sapat na katiyagaan upang maihatid sa mga estudyante ang mga aral na dapat nilang ituro. Maraming salamat po. Sa ngalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo. Amen. 2. Pagbati Magandang Hapon, mga bata. (Nanalangin ang mga Mag-aaral) Magandang Hapon rin po, ma’am 3. Pagtala ng Lumiban Sino ang lumiban sa araw na ito? Wala po. Kumpleto po kaming lahat. Magaling kung ganon! B. Balik-Aral Ano ang natalakay natin kahapon? May nakakaalala pa Tungkol po sa Iba’t ibang Tunog. ba sainyo? Tama! Ano ang mga iba’t ibang tunog ito? Magaling! Kayo nga ay tunay na nakinig. Tinig ng Tao at Tunog ng Instrumento po. C. Pangganyak Sino dito ang marunong gumamit ng iba’t ibang instrumento? (May iilang magtataas ng kamay) May ipapakinig ako sainyong kanta. Makinig nang mabuti dahil may itatanong ako sainyo pagkatapos. (Playing: Mahika by Adie ft. Janine Berdin) https://youtu.be/9tLglpFAyIg?si=FdrQpN8fjEG6s6HJ • Anong Instrumentong String/Chordophone Acoustic Gitara po at tsaka mayroon din po ang ginagamit sa kantang napakinggan atang Electric Guitar, ma’am. niyo? Tama! D. Talakayan a. Pagtatalakay ng Paksa Sa araw na ito, tatalakayin natin ang “Instrumentong String/Chordophone”. b. Pagtatalakay Instrumentong String/Chordophone • Binubuo ng mga instrumentong kuwerdas. may Mga Uri ng Instrumentong String/Chordophone [Kada numero ay may ipapakita akong nakaukit na larawan at ipapakinig ang tunog ng mga instrumentong nabanggit] 1. Gitara • May anim na mga kuwerdas. • Tinutugtog sa pamamagitan ng mga daliri o kung minsan ay may gamit na pick. • Ang tunog ay nanggagaling sa paggalaw ng mga kuwerdas. 2. Violin • May apat na kuwerdas na nakatono sa g, d, a, at e. • May mataas at matinis na tunog. • Tinutugtog nang nakapatong sa balikat at pinipigil ng panga. 3. Viola • May apat na kuwerdas na nakatono sa c, g, d, at a. • May mas malaking katawan at mas makapal na tunog kaysa sa violin. • Tinutugtog nang nakapatong sa balikat at pinipigil ng panga. 4. Cello • May Apat na Kuwerdas na nakatono nang mas mababa sa isang octave sa viola. • Ang manunugtog ay nakaupo at nakalagay ang cello sa pagitan ng binti. 5. Bajo de Arco • Tinatawag ring Double Bass. • Pinamalaking instrumentong may apat na kuwerdas. • Natutugtog ito sa mababang note 6. Kudyapi • May dalawang kuwerdas • Instrumento ng ilang mga pangkat etnikong nasa Mindanao. • May Mahaba at Maliit na Bersyon nito. 7. Rondalla • Tinatawag isang Filipino String Band • Impluwensiyang nakuha natin mula sa mga Espanyol noong ika-18 na siglo. • Mula sa Salitang Espanyol na Ronda na nangangahulugang ‘Harana’ • Ginagamit sa pang-haharana noong unang panahon 8. Hegelung • Isang instrumentong gawa sa kahoy na may dalawang kuwerdas. • Galing sa Pangkat Etnikong T’boli. E. Paglalahat Ngayong tapos na tayo sa ating talakayin, ito ang tanong ko sainyo. • Ano-ano nga ang mga instrumentong gumagamit ng string/kuwerdas? Tama! Masaya ako dahil nakinig kayo nang mabuti sakin. F. Paglalapat Pakinggan ang mga instrumentong ipatutugtog at kilalanin ito batay sa tunog na inyong narinig. Piliin ang tamang sagot sa ibaba. 1. VIOLIN, GITARA, CELLO 2. BAJO DE ARCO, KUDYAPI, RONDALLA 3. VIOLA, CELLO, HEGELUNG Gitara, Violin, Viola, Cello, Bajo de Arco, Kunyapi, Rondalla, at Hegelung. IV. Pagtataya Tukuyin ang mga pangalan ng Intrumentong String o Chordophone sa larawang nakaukit sa plaskard na ipapakita sa harapan. Piliin ang tamang sagot sa kahon na nasa ibaba. Violin Bajo De Arco Viola Kudyapi Cello Rondalla Hegelung V. Takdang-Aralin A. Sagutin ang katanungan: Kung gusto ninyong sumali bilang isang manunugtug ng instrumenting string, anong instrumento ang gusto ninyong tugtugin? Bakit? B. Paunang Pagbasa: Basahin ang Pahina 86-89 (Ang Pangkat ng Instrumentong Hinihipan/Aerophone)