ARALING PANLIPUNAN Pangalan: Petsa: Piliin ang angkop na tungkulin ng mamamayan na inilalarawan sa pamamgitan ng pagguhit ng simbolo sa iyong sagutang papel. _______1. Masayang nakikilahok si Marie sa programang “Tapat Ko, Linis KO” ng kanilang barangay. _______2. Hindi pumayag si Jojo sa udyok ng kaniyang mga kaibigan na mangupit sa tindahan ng kaniyang tito. _______3. Buong galang at pagmamalaking inaawit ni Rosa ang pamgbansang awit sa tuwing ito ay kaniyang naririnig. _______4. Sa tuwing bumibili ng sapatos si Luna ay palgi niyang pinipili ang mga yari sa Marikina dahil bukod sa magaganda na ay matibay pa ang mga ito. _______5. Si Henry ay sumali sa siang samahan na nagtataguyod ng turismong Pilipino upang makapaghikayat ng dayuhang turista sa bansa. Kopyahin ang tsart. Isulat ang kaakibat na tungkulin ng mga bata. Karapatan 1. Karapatang mabuhay 2. Karapatang maging malusog 3. Karapatang magkaroon ng pangalan at nasyonalidad 4. Karapatan alagaan at mahalin ng magulang 5. Karapatang magpahinga at maglaro Tungkulin ARALING PANLIPUNAN Pangalan: Petsa: Isulat ang T kung ang isinasaad sa sitwasyon ay tama at M kung mali. 1. Karapatan ng bata ang maglaro kaya maaari siyang maglaro kahit anong oras niya gusto. 2. Karapatan ng bata ang mag-aral kaya kailangan niyang mag-aral nang mabuti. 3. Karapatan ng batang alagaan ng kaniyang mga magulang kaya dapat ding suklian sila ng pagmamahal. 4. Karapatan ng batang ipahayag ang kaniyang saloobin kaya maaaring sabihin ng mga anak ang lahat ng nais nilang sabihin sa anumang paraan. 5. Karapatan ng bata na maging malusog kaya maaari siyang kumain ng lahat ng nais niyang kainin. Hanapin sa hanay B ang kaakibat na tungkulin sa mga pahayag sa A.