Uploaded by anji

AP-10 Q2 Module-4 Epekto-ng-Globalisasyon-sa-Mamamayan v4

advertisement
10
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
Epekto ng Globalisasyon
sa Mamamayan
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 4: Epekto ng Globalisasyon sa Mamamayan
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: MABELLE DESAMITO CABOBOY
Editor: Juliet D. Biogan, Dr. Rodolfo F. De Jesus
Tagasuri: Michelle P. Bartolome, Nerissa V. De Leon, Cristina A. Norberte, Alona A.
Millares, Peter Paul Eting, Dexter P. Jino-o
Tagaguhit:
Tagalapat: Brian Spencer B. Reyes, Heidee F. Ferrer
Tagapamahala: Jenilyn Rose B. Corpuz, CESO VI, SDS
Fredie V. Avendaño, ASDS,
Ebenezer A. Beloy, OIC-CID Chief
Heidee F. Ferrer, EPS – LRMS
Ederlina D. Baleá¹…a, EPS - AP
Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lungsod Quezon
Kagawaran ng Edukasyon, Pambansang Punong Rehiyon
Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
Telefax: 3456-0343
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
10
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
Epekto ng Globalisasyon
sa Mamamayan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Epekto ng Globalisasyon sa
Mamamayan!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:
Mga Tala para sa Guro
Ito'y
naglalaman
ng
mga
paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang magaaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa Epekto ng Globalisasyon sa Mamamayan!
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
ii
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito
ay
naglalaman
ng
gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.
iii
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Sanggunian
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay
na
mga
kompetensi.
Kaya
mo
ito!
iv
Alamin
Sa nakaraang aralin ay iyong napag-aralan ang mga dahilan at epekto ng migrasyon
dulot ng globalisasyon. Nakatulong ang mga kaalamang ito upang maging mulat ka sa mga
pangyayari na may kinalaman sa mga boluntaryo at hindi boluntaryong dahilan ng migrasyon
ng mga tao dulot ng globalisasyon. Nagbigay din ito ng kaalaman sa iyo upang maunawaan
ang mga naging epekto ng migrasyon sa buhay ng mga migrante at sa mga lipunang
kaniyang kinasangkutan. Bilang mag-aaral, inaasahan na anumang iyong natutuhan ay
nakatulong sa iyo upang mahasa ang iyong matalinong pagdedesisyon sa mga kahaharapin
mo sa iyong buhay upang makatulong ka sa iyong pamayanan.
Ang susunod na aralin ay tatalakay sa mga epekto ng globalisasyon sa mga
mamamayan. Inaasahan na anumang malalaman mo sa araling ito ay makatutulong sa iyong
matalinong pagdedesisyon sa buhay dulot ng mga hamon ng globalisasyon.
I. INTRODUKSIYON
Ito ay nakatuon sa mga sumusunod na paksa:
A. Ang Epekto ng Globalisasyon sa Mamamayan
1. Ekonomya
2. Kultura at Edukasyon
3. Kapaligiran
4. Politika
B. Kahalagahan ng Pag-angkop sa mga Hamon ng Globalisasyon
II. MGA INAASAHANG MATUTUNAN SA MODYUL
A.
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (CONTENT STANDARD)
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa sanhi at implikasyon ng mga lokal at
pandaigdigang isyung pang-ekonomiya upang mapaunlad ang kakayahan sa
matalinong pagpapasya tungo sa pambansang kaunlaran.
B.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP (PERFORMANCE STANDARD)
Ang mag-aaral ay nakabubuo ng pagsusuring papel sa mga isyung pangekonomiyang nakaaapekto sa kanilang pamumuhay.
5
C.
KASANAYAN SA PAGKATUTO (MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCY)
Naipahahayag ang saloobin tungkol sa epekto ng globalisasyon
III.
MGA TIYAK NA LAYUNIN:
1. Naipapaliwanag ang mga epekto ng globalisasyon sa buhay at sa lipunan.
2. Nasusuri ang mga implikasyon ng globalisasyon sa buhay batay sa mga kalagayang
pang-ekonomiya, pangkultura, panlipunan, at pampulitika.
3. Naipahahayag ang saloobin tungkol sa epekto ng globalisasyon sa pamamagitan ng
pagsagawa ng malikhaing pamamaraan/awtput.
4. Nabibigyang halaga ang pagpapahayag ng saloobin batay sa mapanuring
pananaliksik ng mga epekto ng globalisasyon sa buhay at sa lipunan.
Subukin
Paunang Pagsusulit:
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang letra ng pinakawastong sagot. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ang isyu ng unemployment o kawalan ng trabaho ay suliraning kinakaharap ng
Pilipinas bunsod ng negatibong epekto ng globalisasyon. Alin sa mga sumusunod
na pahayag ang sanhi ng kawalan ng trabaho?
A. Kakulangan ng oportunidad.
B. Mabilis na paglaki ng populasyon
C. Job o Skill mismatch
D. Lahat ng nabanggit.
2. Ang kakulangan ng oportunidad upang makapagtrabaho ay nagtutulak sa mga
Pilipino upang mangibang bansa. Ano ang tawag sa sistematikong paglipat ng
tirahan upang makapaghanapbuhay?
A. Transfer
B. Bakasyon
C. Migrasyon
D. Stay-In
3. Sa patakarang globalisasyon, nakaaapekto ito sa paggawa ng mga programa,
polisiya, at batas upang makaagapay ang sektor ng edukasyon sa mga hamon
6
4.
5.
6.
7.
8.
nito. Alin sa mga sumusunod ang batas upang madagdagan ng Senior High
School ang batayang edukasyon sa Pilipinas?
A. Batas Republika 10533 Enhanced Education Act of 2013
B. Batas Republika 7796 Technical Education and Skills Development Act of 1994
C. Batas Republika 9155 Governance of Education Act of 2001
D. Education For All 2015 UNESCO
Ang epekto ng globalisasyon ay ang ____________.
A. Nagsamasama ang mga bansa, teknolohya, at pamilihan sa pamamagitan ng
integrasyon
B. Malayang pagpasok ng kapitalismo sa mga pamilihan
C. Bumilis ang komersyo, komunikasyon, at transaksyon dahil sa paglaganap ng
cashless method sa online selling market.
D. Lahat ng nabanggit.
Si ________ ay ang pangunahing political economist na sumasalungat sa
kapitalismo at pribadong pagmamay-ari. Binigyang diin nya ang kahalagahan ng
uring manggagawa kaysa sa mga mayayamang kapitalista.
A. Joseph Schumpeter
B. Andy Grove
C. John Maynard Keynes
D. Karl Marx
Si __________ ay isang ekonomista na naging boses ng globalisasyon. Siya ang
sumulat ng aklat na Capitalism, Socialism, and Democracy kung saan binigyang
diin nya ang creative destruction o malikhaing pagwasak.
A. Joseph Schumpeter
B. Andy Grove
C. John Maynard Keynes
D. Karl Marx
Ang teknolohya sa ilalim ng globalisasyon ay nagpaigting sa paggamit ng internet
sa pamilihan. Ang online shopping ay lumaganap sa internasyunal at lokal na
antas. Sikat ang Amazon at Alibaba sa internasyunal na antas, habang sa Pilipinas
naman ay nagpapaligsahan ang Lazada at Shopee. Anong epekto nito sa lokal na
negosyo na walang kakayahang mag-online?
A. Bababa ang kita
B. Liliit ang dami ng mamimili
C. Bawas na oportunidad sa pag-empleyo
D. Lahat ng nabanggit
Ang integrasyon ay epekto sa kultural na aspeto ng globalisasyon. Sa paanong
paraan ito maaaring makita?
A. Makakakain ang mga Pilipino ng Samgyupsal at ramyeon kahit na hindi sila
pumunta sa Korea dahil mabibili na ang mga ito sa mga Korean stores sa
Pilipinas.
B. Para na ring nakarating sa ibang bansa ang mga manonood ng Netflix dahil sa
mga palabas nito.
C. Napapakinggan ang mga sikat na awitin ng mga banyaga sa pakikinig sa itunes, spotify, at youtube.
D. Lahat ng nabanggit
7
9. Bago ang globalisasyon, ang mga bansang magkatunggali ay naglalaban sa
pamamagitan ng digmaan. Sa panahon ng globalisasyon, ang mga
magkatunggaling ito ay naging kompetitor sa usaping pang-ekonomiya at
kalakalan sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga produkto. Anong katangiang
neoliberal na patakaran ang tawag dito?
A. Pag-aagawan ng pamilihan
B. Pandirigma sa bansang ayaw bumili
C. Pagkuha ng hilaw na materyales
D. Pag-engganyo sa murang lakas-paggawa
10. Ang negatibong epekto ng migrasyon ng mga Pilipino tungo sa ibang bansa ay
nagreresulta sa mga sumusunod maliban sa:
A. Brain drain ng mga propesyunal
B. Murang lakas-paggawa
C. Urbanization
D. Paglobo ng urban poor communities
11. Kalakhan ng migranteng Pilipino o Overseas Filipino Workers (OFW) ay
matatagpuan sa Gitnang Silangan at karatig bansa sa Asya. Marami sa kanila ay
biktima ng karapatang pantao dahil sa pagkakaiba ng kultura at paniniwala. Si
Carlito Lana ay isang Pilipinong manggagawa na pinarusahan ng kamatayan ng
korte ng Saudi Arabia dahil sa kanyang pagpatay sa amo na pumilit sa kanyang
magdasal sa oras ng pananampalataya ng mga Muslim. Siya ay isang Kristiyano.
Anong paglabag sa karapatang pantao ang kinaharap niya sa ibang bansa?
A. Karapatan sa maayos na kondisyon sa paggawa
B. Karapatan sa walong oras na paggawa
C. Karapatan sa pagpapahayag ng saloobin
D. Karapatan sa relihiyon o paniniwala
12. Si Jeanelyn Villavende ay isang Pilipinang kasambahay sa Kuwait na ginahasa
bago pinatay ng kanyang employer noong Enero 2020. Ito ay isang negatibong
epekto ng globalisasyon sa aspetong:
A. Pisikal na pang-aabuso
B. Sekswal na pang-aabuso
C. Labis na pagtatrabaho
D. Pagbawal sa araw ng pahinga
13. Ang Pilipinas ay kasapi ng pang-ekonomiyang organisasyon na ito na nakatuon sa
mga integrasyon at malayang kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa AsyaPasipiko. Nilalayon nitong sumikad ang kalagayang pang-ekonomya ng mga
bansang kasapi nito sa pamamagitan ng mga programang nakatuon sa
sustenableng pang-ekonomikong pag-unlad at kasaganaan. Anong organisasyon
ang tinutukoy dito?
A. Association of South East Asian Nations
B. Asia Pacific Economic Cooperation
C. Asian Development Bank
D. South Asian Region for Economic Cooperation
14. Ang Trans-Pacific Partnership (TPP) ay isang programang pang-ekonomiya na
nangangailangan ng mataas na antas ng integrasyon sa rehiyon at
8
kinapapalooban ng maraming bayan sa Asya-Pasipiko at pinamumunuan ng
United States. Aling bansa sa Asya ang hindi kabilang rito?
A. China
B. Pilipinas
C. South Korea
D. Japan
15. Ang RCEP o Regional Comprehensive Economic Partnership na nakabase sa
ASEAN ay isang maluwag na anyo ng integrasyon sa rehiyon na nagsusulong ng
mga patakarang pang-ekonomya para sa ibayong integrasyon sa kalakalan,
pamilihan, at likas na yaman. Aling bansa ang hindi kasapi rito?
A. US
B. China
C. Brunei
D. Vietnam
Balikan
Gawain 1: Balik-aral
Panuto: Magbigay ng halimbawa ng dahilan ng migrasyon ayon sa bawat aspeto. Ilagay ang
iyong sagot sa papel.
Dahilan ng migrasyon dulot ng globalisasyon
1. Trabaho
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
________________________________________________________
2. Tirahan
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
9
____________________________________________________________________________
________________________________________________________
3. Panghihikayat ng pamilya
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
________________________________________________________
4. Pag-aaral o Pagsasanay
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
________________________________________________________
Tuklasin
Gawain 2: Hanapin Mo!
Panuto: Hanapin ang mga salitang may kinalaman sa mga epekto ng globalisasyon sa mamamayan.
Magbigay ng isang pangungusap ukol sa mga salitang ito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
D
E
R
E
G
U
L
A
S
Y
O
N
I
J
N
M
O
N
I
E
N
A
K
A
N
U
O
A
I
O
B
J
L
E
O
G
T
X
Y
N
O
G
E
L
S
L
Y
A
E
R
S
G
R
N
R
H
K
I
U
Y
N
A
A
E
H
O
A
A
O
J
A
U
A
M
R
R
A
Y
L
N
S
O
E
N
H
L
G
R
E
S
I
O
A
Y
A
B
10
I
R
E
I
R
T
S
R
H
W
O
I
L
A
T
B
U
E
A
J
G
G
L
N
I
K
N
N
P
P
S
A
C
N
A
M
M
A
I
I
N
M
Y
P
J
E
H
A
A
R
E
O
A
O
O
Y
I
S
C
B
P
K
S
T
E
K
N
O
L
O
H
I
D
P
S
R
O
I
S
B
Y
A
O
T
K
I
U
S
L
A
T
S
U
Y
R
O
A
N
Y
A
1. MIGRASYON
2. PRIBATISASYON
3. TEKNOLOHIYA
4. KARL MARX
5. INTEGRASYON
6. DEREGULASYON
7. LIBERALISASYON
8. PAMILIHAN
9. APEC
10. SOSYOKULTURA
Gawain 3: Kilalanin Mo Ito!
Panuto: Kilalanin at ibigay ang pangalan ang mga sumusunod na simbolo o produkto. Tukuyin at
sumulat ng pangungusap tungkol sa kahalagahan nito sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay. Ilagay
ang iyong sagot sa papel.
1. _______________________________________________________.
_________________________________________________________.
3.2._________________________________________________________.
11
4. _______________________________________________________.
5. _______________________________________________________.
Pamprosesong Tanong:
1. Bakit mahalaga ang mga produkto at serbisyong hatid ng mga nasa larawan?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2. Paano nakakaapekto ang globalisasyon sa paghahatid ng serbisyo at produkto sa
iyong pamayanan?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
12
Suriin
Ang Globalisasyon sa Makabagong Panahon
Habang tumatagal ay ipinakita ng globalisasyon ang mga epekto nito sa usaping
pang-ekonomiya, pampulitika, panlipunan, at pangkapaligiran. Ipinakita nito ang isang
sistematikong pandaigdigang penomenon na may malaking implikasyon sa pamumuhay
ng tao. Napag-aralan natin sa naunang modyul ang pagsusuri ni Karl Marx, na ang
lakas paggawa na nagmumula sa mga manggagawa ay ang pinakamahalagang salik
ng produksyon. Sinabi naman ni Joseph Schumpeter sa kanyang aklat na
pinamagatang Capitalism, Socialism, and Democracy, na ang luma at hindi episyenteng
produkto at serbisyo ay maaaring palitan ng bagong uri. Makikita sa kanilang mga
teorya ang tunggalian ng ideolohiya na ginamit nila sa pagsusuri ng mga patakarang
pang-ekonomiya na syang batayan ng globalisasyon at anti-globalisasyon.
Sa ngalan ng globalisasyon, ang Pilipinas ay naging bahagi ng Asia Pacific
Economic Cooperation (APEC) simula pa ng pagkakatatag nito noong 1989. Sa ilalim
ng APEC, may dalawang program na prayoridad nilang isulong. Una ay ang TransPacific Partnership na pinamumunuan ng US kasama ang lahat maliban sa China.
Pangalawa ay ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP)
pinamumunuan ng China kasama ang lahat maliban sa US. Ang mga organisasyong ito
ay nagsusulong ng papaigting na globalisasyon na layuning palawakin at palalimin ang
integrasyon ng bawat bansa sa lahat ng aspeto lalo na ng pang-ekonomiya (About Us:
APEC, 2020).
Halina’t ating unawain ang mga bagong konsepto na sumibol sa sistematikong
paglaganap ng globalisasyon sa buong mundo.
Neoliberalismo Bilang Bagong Sibol Na Globalisasyon
Ang neoliberalismo ay resulta ng papaigting na globalisasyon. Ito ay ang
monopolyo kapitalismo sa imahe ng malayang kalakalan. Ito ay ang pagbibigay sa mga
malalaking korporasyon ng lahat ng kontrol at oportunidad para makapagpalitaw ng
rekursong kapital at kumita ng malalaking tubo habang nakikinabang sa pagkuha ng
mga tax exemptions upang diumano’y makalikha ng maraming trabaho at paunlarin ang
ekonomya.
Ang implikasyon nito sa buhay ng mamamayan ay maisusuma sa tatlong
patakaran.
13
1. Liberalisasyon- Ang liberalisasyon ay patakarang pang-ekonomya na
nagbabawas o nag-aalis ng buwis o taripa sa mga produkto at kapital na
nagmumula sa ibang bansa sa ilalim ng patakarang “malayang kalakalan” o ang
neoliberalismo bunsod ng globalisasyon. Ang halimbawa nito ay ang pagdagsa
ng mga imported na bigas at gulay na ibinebenta sa mas murang halaga
kumpara sa mga produktong matatagpuan sa ating bansa. Dahil dito,
bumabagsak ang kita at kabuhayan ng mga magsasakang Pilipino.
2. Pribatisasyon- Ang pribatisasyon ay patakarang pang-ekonomiya kung saan
ang mga industriyang naghahatid ng pampublikong serbisyo ay ibinebenta ng
pamahalaan sa pribadong sektor. Ang epekto nito ay ang pagtaas ng singil
kapalit ng pagkonsumo ng mamamayan. Ang halimbawa nito ay ang pagbebenta
ng industriya ng tubig at transportasyon sa pribadong sektor. Ang ilan sa
konkretong halimbawa nito ay ang Manila Waterworks Sewerage System
(MWSS), at Light Rail Transit (LRT). Bagaman may mga bagong teknolohiya na
ipinalit sa mga lumang industriya, hindi ito naging sapat upang panatilihing
episyente ang operasyon ng mga ito. Naging matingkad din ang labis na pagtaas
ng singil kapalit ng produkto at serbisyo.
3. Deregulasyon – Ang deregulasyon ay patakarang pang-ekonomiya kung saan
ang pamahalaan ay inaalis ang kanyang kontrol sa operasyon ng mga
pampublikong yutilidad tulad ng industriya ng langis at elektrisidad. Ang
konkretong halimbawa nito ay ang dominasyon ng Shell at Caltex sa industriya
ng langis at petrolyo. Dahil dito, higit na naaapektuhan ang kabuhayan ng
mamamayan dahil sa pagtaas ng mga pangunahing bilihin bunsod ng
“paggalaw” ng pamilihan sa industriya ng langis. Habang sa industriya ng
elektrisidad naman ay ang Meralco kung saan pinapasan ng mamamayan ang
mga gastusin sa pagkukumpuni at modernisasyon ng mga pasilidad nito, at ang
mga buwis na kaakibat ng patuloy na operasyon ng pribadong korporasyon.
EPEKTO NG GLOBALISASYON SA MAMAMAYAN
Ang mga sumusunod ay karagdagang impormasyon tungkol sa positibong epekto ng
globalisasyon sa mamamayan:
1. Pagdagsa ng dayuhang pamumuhunan – Dumagsa ang iba’t ibang dayuhang
mamumuhunan sa bansa dahil sa malayang kalakalan. Nagtayo sila ng mga
Negosyo at imprastraktura na nagagamit ng mga tao upang makabili ng produkto
o serbisyo.
2. Pagkakaisa ng mga bansa – Dumami ang mga organisasyon at mga kasapi
nito sa bawat rehiyon at buong mundo upang makipag-ugnayan sa mga usaping
pang-ekonomya, edukasyon, at sosyo-kultura. Ang United Nations bilang
pandaigdigang organisasyon ng mga bansa ay lumaki ang bilang mula 51
tungong 193 bansang kasapi.
3. Pagsigla ng Pandaigdigang Pamilihan – Lumaganap ang pandaigdigang
pamilihan kung saan bumilis ang pag-aangkat at paglalabas ng mga produkto
14
upang makonsumo ng mga tao. Ang mga korporasyon ay kumita ng higit pa sa
kanilang inaasahan.
4. Interaksyon ng mga kultura – Lumawak ang pagkilala at pang-unawa ng mga
tao sa ibang kultura dahil sa panonood at pakikinig sa mga palabas at balita sa
bawat bansa. Naging maunlad ang teknolohiya at nagamit ang iba’t ibang uri ng
midya upang ipalaganap ang natatanging kultura ng bawat bansa upang
makaakit ng turista at mamumuhunan para sa ekonomya.
5. Mabilis na komunikasyon – Lumaganap ang mabilis at malawak na
komunikasyon sa pamamagitan ng iba’t ibang plataporma ng social media tulad
ng Facebook, Twitter, Instagram, viber, google, LinkedIn, Pinterest, Snapchat, at
marami pang iba.
6. Paglikha ng mga programa at polisiya kaugnay ng globalisasyon – Ang mga
programa sa ilalim ng USAID, AUSAID, Bologna Process, at Washington Accord,
atbp. ay nagbukas sa mga oportunidad ng inobasyon sa larangan ng
pampublikong serbisyo. Maraming mga metodolohiya ng paglutas ng suliranin
ang natutunan ng mga propesyunal upang mapahusay ang kanilang pagharap
sa mga hamon at oportunidad sa empleyo. Naipasa ang Republic Act 11469 o
ang Bayanihan to Heal as One Act na naglalayong pigilin ang pagkalat ng
COVID19 at kung saan nilalaman din nito ang social amelioration program (SAP)
upang matulungan ang lahat ng apektadong sector.
Ang sumusunod ay karagdagang impormasyon tungkol sa negatibong epekto ng
globalisasyon sa mamamayan:
1. Pagbagsak ng maliliit na negosyo – Maraming mga industriyang pagmamayari ng malilit na negosyante ang bumagsak dahil hindi makakumpetensya ang
maliliit na negosyo sa mga malalaking negosyo. Hindi kinaya ng mga maliliit na
negosyo na ibaba ang kanilang presyo dahil sa mataas na gastusin kaakibat ng
kanilang pamumuhunan. Gayundin ang pagpapasahod ng mas maraming
manggagawa upang makaagapay sa dami ng produktong dapat likhain at
serbisyong dapat ihatid sa mamimili upang makakumpetensya sa malalaking
Negosyo. Dahil dito, nagsara ang maliliit na Negosyo kung kaya’t may mga
manggagawang nawalan din ng hanapbuhay.
2. Paglobo ng utang panlabas ng bansa – Itinala ang pinakamalaking utang
panlabas noong Agosto 2020 sa halagang PhP 9.615 Trilyon pesos sa gitna ng
Covid19 pandemya. Inaasahan na gagamitin ito upang makabangon ang
ekonomya sa krisis na dulot ng pandemya at ang patuloy na paglobo ng mga
gastusin ng pamahalaan (Guzman, 2020).
3. Edukasyong komersyalisado – Ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas ay
pinasok na ng komersyalisasyon, korporatisasyon, at pribatisasyon. Makikitang
lumaganap ang mga pribadong eskwelahan na nagtuturo ng Senior High School
subalit salat sa pasilidad at ginagamit ang voucher system upang
mapakinabangan ang pondo ng pamahalaan. Ang hamon sa mga pribadong
eskwelahan na ito ay itaas ang kalidad ng pasilidad at mga kagamitang
pampaaralan upang maturuan ng mhusto ang mga mag-aaral. Nagiging
komersyalisado ang edukasyon dahil nakabatay ito sa pangangailangan o
15
4.
5.
6.
7.
8.
demand ng lakas-paggawa ng isang bansa. Nagreresulta rin ito sa pagkakaroon
ng mga magsisipagtapos na maaring maging unemployed, underemployed, at
job o skill mismatched (Riep, 2016).
Laganap na kahirapan – Maraming Pilipino ang lalong humihirap ang
katayuang panlipunan dahil sa mataas na presyo ng bilihin ng mga produkto at
serbisyo, kawalan ng trabaho at oportunidad. Dagdag pa rito ang kakulangan ng
pagtugon sa mga batayang pangangailangan ng mamamayan tulad ng
serbisyong pangkalusugan, edukasyon, maayos at murang transportasyon, at
komunikasyon.
Gentleman’s Agreement – Ito ay ang usapan sa pagitan ng mga pinuno na
humahantong sa mga desisyong hindi kasama ang opinion ng mamamayan higit
lalo pa at sila ang naaapektuhan ng mga polisiya at patakaran.
Diskriminasyon – Ang mga migranteng manggagawa at kadalasang
nakararanas ng diskriminasyon at paglabag sa karapatang pantao dahil sa
pagkakaiba ng kultura at paniniwala.
Karahasan – Maraming mga migranteng manggagawa ang nakaranas ng iba’t
ibang klase ng karahasan sa lugar ng kanilang trabaho at panirahan. Kasama rin
dito ang mga pang-aabusong pisikal, sekswal, at sikolohikal. Higit na
naapektuhan ang kanilang damdamin lalo pa at sila ay napilitang lumayo sa
kanilang mahal sa buhay upang makapaghanapbuhay.
Paglikha ng mga programa at polisiya kaugnay ng globalisasyon –
Maraming mga programa at polisiya ang ipinatupad sa bansa upang maging
gabay sa pagpapatupad ng gobalisasyon. Ilan dito ay ang mga polisiyang naging
hadlang sa pagpapataas ng sweldo ng mga manggagawa at kawani,
pagpapahusay ng kalagayan sa trabaho, karapatan at seguridad sa trabaho,
pag-uunyon, mga benepisyong panlipunan tulad ng serbisyo at segurong
medical (insurance benefits), benepisyong pang-edukasyon, at serbisyong
panlipunan tulad ng murang singil sa tubig, kuryente, komunikasyon, at
transportasyon (Guzman, 2020). Nagpapatuloy din ang labor export policy at ang
pagpapadala ng mga OFW dahil sa lakas ng kita ng pamahalaan sa padalang
dolyar ng mga migranteng manggagawa habang may ilang hindi mabisang
napoprotektahan ang kanilang seguridad sa trabaho. Napapahintulutan din ang
pagpasok ng offshore gambling sa bansa na nagiging sentro ng bisyo,
prostitusyon, at karahasan.
KAHALAGAHAN NG PAG-ANGKOP SA MGA HAMON NG GLOBALISASYON
Sa gitna ng mga benepisyo at hamon na hatid ng globalisasyon sa mamamayan,
marapat na makagawa ng angkop na hakbangin ang taong bayan upang makaagapay
sa pang-araw araw na buhay. Mahalagang maging mapanuri at siyentipikong suriin ang
bawat isyu na kinakaharap upang matutong umangkop sa mga sitwasyon at mabilis na
makatugon dito. Ang panonood at pagbabasa ng mga balita sa pang-araw araw na
kaganapan sa loob at labas ng bansa ay makatutulong sa pagiging mulat sa mga
pangyayari. Dapat ring matalas na suriin at sumangguni sa mga kagalang-galang na
mapagkukunan ng impormasyon upang matulungan ang sarili na makabuo ng
konkretong pagsusuri sa konkretong kalagayan ng mamamayan. Sa pamamagitan ng
16
matalas na pagsusuring ito ay maaari nang makabuo ng matalinong pagdedesisyon.
Makatutulong din ang pagpapatibay ng relasyon ng pamilya, kaibigan, at mga kasapi sa
organisasyon ng mga kabataan upang kolektibong harapin ang mga hamon ng buhay at
makatulong sa pamayanan.
Pagyamanin
Gawain 4: Express yourself!
Panuto: Sumulat ng isang malikhaing akda (tula, maikling kwento, awitin) na
nagpapahayag ng iyong saloobin sa epekto ng globalisasyon sa iyong buhay. Gawin ito
sa bukod na papel.
Gawain 5: Pagsusuri ng Primaryang Sanggunian
Panuto: Basahin at unawain ang Programa ng pamahalaan hinggil sa conditional cash
transfer na isang uri ng programa hatid ng globalisasyon. Sundan ang link upang
maunawaan ang programa. Pagkatapos ay sagutin ang pamprosesong tanong sa
ibaba. Ilagay ito sa papel.
Link: https://pantawid.dswd.gov.ph/
17
Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program, na karaniwang kilala bilang 4Ps, ay
isang programa ng cash transfer ng gobyerno ng Pilipinas na naglalayong mabawasan
ang intergenerational transfer ng kahirapan sa pamamagitan ng paglulunsad ng
pamumuhunan sa kalusugan ng bata, nutrisyon, at edukasyon.
Pamprosesong Tanong:
1. Gaano kahalaga ang Conditional Cash Transfer Program ng pamahalaan upang
maghatid ng tulong sa pinakamahihirap na Pilipino? Ipaliwanag ang sagot.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________
2. Kung ikaw ay tagatanggap ng 4P’s, paano mo ito gagamitin sa iyong pang-arawaraw na pamumuhay?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Isaisip
Gawain 6: Ang Globalisasyon, Ang Aking Pamilya, at Ang Aking Pamayanan
Panuto: Sumulat ng isang replektibong sanaysay tungkol sa sariling karanasan, epekto sa
pamilya, at mga obserbasyon sa pamayanan o bayan kaugnay ng mga epekto ng globalisasyon.
Gawin ito sa hiwalay na papel.
Pamprosesong tanong:
1. Paano nakaapekto ang globalisasyon sa aking pamilya at
pamayanan/bansa?
2. Gaano kahalaga ang mga tulong na dulot ng globalisasyon sa
aming buhay?
3. Paano namin hinarap ang mga hamong dulot ng globalisasyon?
18
Isagawa
Gawain 7: Pakikipanayam
Panuto: Makipanayam sa iyong kamag-anak, kaibigan, o kapitbahay tungkol sa kanilang
karanasan sa pangingibang bayan o paglipat ng tirahan. Itala ang mga naging dahilan
ng kanilang paglipat, mga karanasan, mga aral at pakinabang sa ginawang migrasyon.
Humingi ng pahintulot upang ito ay maitala o maibidyo para makagawa ng
dokumentaryo hinggil sa mga tunay na karanasan ng buhay migrante.
Pamprosesong Tanong:
1. Bakit ka nagdesisyon na lumipat ng
tirahan/mangibang bayan?
2. Paano nakatutulong ang iyong migrasyon
sa inyong katayuang panlipunan?
3. Ibahagi ang iyong naging pakinabang at
hamon na hinarap sa paglipat ng tirahan.
Tayahin
Panuto: Piliin ang letra ng pinakawastong sagot.
1. Ang konsepto ng neoliberalismo ay nagdulot ng maraming epekto sa
pamumuhay ng tao. Alin sa mga sumusunod ang pakahulugan ng
neoliberalismo?
A.
Nagsama-sama ang mga bansa, teknolohiya at pamilihan upang
magsagawa ng integrasyon.
B.
Ito ay pagbibigay sa mga malalaking korporasyon ng lahat ng control at
oportunidad para makapagpalitaw ng rekursong kapital at kumita ng malalaking
tubo.
C.
Ang mga bansa ay malayang nakikipagkalakalan sa isa’t isa at malayang
nakakapasok ang mga produkto ng walang buwis o tax exemption.
D.
Ang patuloy na pagsikat ng KPop ay malaking kumpetensya sa industriya
ng mang-aawit na Pilipino.
2. Sa patakarang globalisasyon, nakaaapekto ito sa paggawa ng mga programa,
polisiya, at batas upang makaagapay ang sector ng edukasyon sa mga hamon
19
3.
4.
5.
6.
7.
8.
nito. Alin sa mga sumusunod ang batas upang madagdagan ng Senior High
School ang batayang edukasyon sa Pilipinas?
A. Republika 10533 Enhanced Education Act of 2013
B. Batas Republika 7796 Technical Education and Skills Development Act of
1994
C. Batas Republika 9155 Governance of Education Act of 2001
D. Education For All 2015 UNESCO
Ang epekto ng globalisasyon ay gaya ng __________.
A. Nagsama-sama ang mga bansa, teknolohya, at pamilihan sa
pamamagitan ng integrasyon
B. Malayang pagpasok ng kapitalismo sa mga pamilihan
C. Bumilis ang komersyo, komunikasyon, at transaksyon dahil sa
paglaganap ng cashless method sa online selling market.
D. Lahat ng nabanggit.
Ang isyu ng unemployment o kawalan ng trabaho ay suliraning kinakaharap ng
Pilipinas bunsod ng negatibong epekto ng globalisasyon. Alin sa mga
sumusunod na pahayag ang sanhi ng kawalan ng trabaho?
A. Kakulangan ng oportunidad.
B. Mabilis na paglaki ng populasyon
C. Job o Skill mismatch
D. Lahat ng nabanggit.
Ang kakulangan ng oportunidad upang makapagtrabaho ay nagtutulak sa mga
Pilipino upang mangibang bansa. Ano ang tawag sa sistematikong paglipat ng
tirahan upang makapaghanapbuhay?
A. Transfer
B. Bakasyon
C. Migrasyon
D. Stay-In
Si __________ ay isang ekonomista na naging boses ng globalisasyon. Siya ang
sumulat ng aklat na Capitalism, Socialism, and Democracy kung saan binigyang
diin nya ang creative destruction o malikhaing pagwasak.
A. Joseph Schumpeter
B. Andy Grove
C. John Maynard Keynes
D. Karl Marx
Si ________ ay ang pangunahing political economist na sumasalungat sa
kapitalismo at pribadong pagmamay-ari. Binigyang diin nya ang kahalagahan ng
uring manggagawa kaysa sa mga mayayamang kapitalista.
A. Joseph Schumpeter
B. Andy Grove
C. John Maynard Keynes
D. Karl Marx
Ang integrasyon ay epekto sa kultural na aspeto ng globalisasyon. Sa paanong
paraan ito maaaring makita?
20
A. Makakakain ang mga Pilipino ng Samgyupsal at ramyeon kahit na hindi sila
pumunta sa Korea dahil mabibili na ang mga ito sa mga Korean stores sa
Pilipinas.
B. Para na ring nakarating sa ibang bansa ang mga manonood ng Netflix dahil
sa mga palabas nito.
C. Napapakinggan ang mga sikat na awitin ng mga banyaga sa pakikinig sa itunes, spotify, at youtube.
D. Lahat ng nabanggit
9. Ang teknolohya sa ilalim ng globalisasyon ay nagpaigting sa paggamit ng
internet sa pamilihan. Ang online shopping ay lumaganap sa internasyunal at
local na antas. Sikat ang Amazon at Alibaba sa internasyunal na antas, habang
sa Pilipinas naman ay nagpapaligsahan ang Lazada at Shopee. Anong epekto
nito sa local na negosyo na walang kakayahang mag-online?
A. Bababa ang kita
B. Liliit ang dami ng mamimili
C. Bawas na oportunidad sa pag-empleyo
D. Lahat ng nabanggit
10. Kalakhan ng migranteng Pilipino o Overseas Filipino Workers (OFW) ay
matatagpuan sa Gitnang Silangan at karatig bansa sa Asya. Marami sa kanila ay
biktima ng karapatang pantao dahil sa pagkakaiba ng kultura at paniniwala. Si
Carlito Lana ay isang Pilipinong manggagawa na pinarusahan ng kamatayan ng
korte ng Saudi Arabia dahil sa kanyang pagpatay sa amo na pumilit sa kanyang
magdasal sa oras ng pananampalataya ng mga Muslim. Siya ay isang
Kristiyano. Anong paglabag sa karapatang pantao ang kinaharap niya sa ibang
bansa?
A. Karapatan sa maayos na kondisyon sa paggawa
B. Karapatan sa walong oras na paggawa
C. Karapatan sa pagpapahayag ng saloobin
D. Karapatan sa relihiyon o paniniwala
11. Bago ang globalisasyon, ang mga bansang magkatunggali ay naglalaban sa
pamamagitan ng digmaan. Sa panahon ng globalisasyon, ang mga
magkatunggaling ito ay naging kompetitor sa usaping pang-ekonomya at
kalakalan sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga produkto. Anong katangian
ng neoliberal na patakaran ang tawag dito?
A. Pag-aagawan ng pamilihan
B. Pandirigma sa bansang ayaw bumili
C. Pagkuha ng hilaw na materyales
D. Pag-engganyo sa murang lakas-paggawa
12. Ang negatibong epekto ng migrasyon ng mga Pilipino tungo sa ibang bansa ay
nagreresulta sa mga sumusunod maliban sa:
A. Brain drain ng mga propesyunal
B. Murang lakas-paggawa
C. Urbanization
D. Paglobo ng urban poor communities
13. Ang Pilipinas ay kasapi ng pang-ekonomyang organisasyon na ito na nakatuon
sa mga integrasyon at malayang kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa Asya21
Pasipiko. Nilalayon nitong sumikad ang kalagayang pang-ekonomya ng mga
bansang kasapi nito sa pamamagitan ng mga programang nakatuon sa
sustenableng pang-ekonomikong pag-unlad at kasaganaan. Anong organisasyon
ang tinutukoy dito?
A. Association of South East Asian Nations
B. Asia Pacific Economic Cooperation
C. Asian Development Bank
D. South Asian Region for Economic Cooperation
14. Ang Trans-Pacific Partnership (TPP) ay isang programang pang-ekonomya na
nangangailangan ng mataas na antas ng integrasyon sa rehiyon at
kinapapalooban ng maraming bayan sa Asya-Pasipiko at pinamumunuan ng
United States. Aling bansa sa Asya ang hindi kabilang rito?
A. China
B. Pilipinas
C. South Korea
D. Japan
15. Si Jeanelyn Villavende ay isang Pilipinang kasambahay sa Kuwait na ginahasa
bago pinatay ng kanyang employer noong Enero 2020. Ito ay isang negatibong
epekto ng globalisasyon sa aspetong:
A. Pisikal na pang-aabuso
B. Sekswal na pang-aabuso
C. Labis na pagtatrabaho
D. Pagbawal sa araw ng pahinga
Karagdagang Gawain
Gawain 8: Suriin ang Infographics
Panuto: Suriin ang infographics na nasa ibaba. Ipaliwanag ang implikasyon nito sa matatanggap
na serbisyong panlipunan ng mga Pilipino. Isulat ang iyong sagot sa isang buong papel.
(
I
b
o
n
,
2
0
22
20)
Susi sa Pagwawasto
23
D
E
R
E
G
U
L
A
S
Y
O
N
D
P
24
(2020, September 11). Retrieved from Ibon.org: https://www.ibon.org/duterteadministrations-2021-budget-priorities/
Sanggunian
Tuklasin – Gawain 2:
I
J
N
M
O
N
I
E
N
A
K
A
S
R
N
U
O
A
I
O
B
J
L
E
O
G
O
I
T
X
Y
N
O
G
E
L
S
L
Y
A
S
B
E
R
S
G
R
N
R
H
K
I
U
Y
Y
A
N
A
A
E
H
O
A
A
O
J
A
U
O
T
A
M
R
R
A
Y
L
N
S
O
E
N
K
I
Para sa Gawain 4 – Express
Yourself
Gawain 5 – Pagsusuri ng
Primaryang Sanggunian
Tayahin
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
B
A
D
D
C
A
D
D
Isaisip: Gawain 6 – Ang
Globalisasyon, Ang Aking
Pamilya, at Ang Aking
Pamayanan
9. D
10. D
11. A
12. C
13. B
14. A
15. B
Isagawa: Gawain 7 –
Pakikipanayam
H
L
G
R
P
S
I
O
A
Y
A
B
U
S
I
R
E
I
E
T
S
R
H
W
O
I
L
A
L
A
T
B
C
E
A
J
G
G
L
N
T
S
I
K
N
N
P
P
S
A
C
N
A
M
U
Y
M
A
I
I
N
M
Y
P
J
E
H
A
R
O
A
R
E
O
A
O
O
Y
I
S
C
B
A
N
Ang mga sagot ay
magmumula sa mag-aaral
Gawain 3 – Kilalanin Mo
Ito
Karagdagang Gawain Gawain 8 Suriin ang
Infographics
P
K
S
T
E
K
N
O
L
O
H
I
Y
A
Subukin
Balikan
Gawain 1 – Balik-aral
1. D
2. C
3. A
4. D
5. D
6. A
7. D
8. D
9. A
10.C
11.D
12.B
13.B
14.A
15.A
Ang mga sagot ay
magmumula sa magaaral.
1.
2.
3.
4.
5.
Ang mga sagot ay
magmumula sa mga magaaral.
Meralco
Maynilad
Shell
Imported na bigas
Mga gulay
About Us: APEC. (2020, June). Retrieved from APEC Web site:
https://www.apec.org/About-Us/About-APEC
DSWD. (2020, August 23). Retrieved from DSWD: https://pantawid.dswd.gov.ph/
Guzman, R. (2020, November 1). Retrieved from Ibon:
https://www.ibon.org/neoliberalism-and-our-multiple-crises-in-the-covid-era-dareto-struggle-dare-to-win/
Riep, C. B. (2016, January 2). Commercialization of Education in the Philippines.
Retrieved from worldsofeducation.org:
https://www.worldsofeducation.org/en/amp-detail/4544/commercialization-ofeducation-in-the-philippines
25
Download