Banghay -Aralin sa Filipino I. Layunin A. Pamantayang pangnilalaman Naipamamalas ang mga mag-aaral ng pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng TimogSilangang Asya. B. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay nakapagsasagawa ng malikhaing panghihikayat tungkol sa isang book fair ng mga akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya. C. Kasanayan sa Pagkatuto Nakapagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa akda (F9PUIa-b-41) II. Paksang Aralin Paksa: Pang-uri Sanggunian: Hiyas ng Lahi 8, pahina 184-185 Kagamitan: Laptop, Telebisyon at iba pa. III. Pamamaraan Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral A. Panimulang Gawain a. Panalangin b. Pagtatala ng mga lumiban sa klase. c. Pagbati d. Balik- aral 1. Pagganyak Magpapabasa ng mga pangungusap na may nakasalungguhit na salita. 1. Ang dami naman ng mga paninda mo. 2. Napakabait ng aso ni Ana. 3. Masipag na anak si Tony. 4. Makulay ang kanilang paaralan. 5. Ang damit niya ay pula. Ano ang napapansin ninyo sa mga pangungusap na inyong binasa? Ang napapansin mo namin sa pangungusap na aming binasa ma’am ay may mga salitang sinalungguhitan. Tama! Bakit kaya sinalungguhitan ang mga salitang iyan? Magaling! Ngayon may mga ideya na ba kayo kung ano ang paksang tatalakayin nayin ngayon? Siguro po ma’am ito ay may koneksyon sa ating paksang tatalakayin ngayon. Siguro po ma’am ,Ang tatalakayin natin ngayon ay tungkol sa mga salitang naglalarawan. Tumpak! B. Paglalahad Ang tatalakayin natin ngayon ay tungkol sa Pang-uri. Ngayon ay papangkatin ko kayo sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay pipili ng lider at kalihim na siyang magtatala sa mga pangalan ninyo at kung anong pangkat kayo sa isang - kapat na papel. Ang hanay na ito ang siyang maging unang pangkat, Kayo ang pangalawang pangkat, Pangatlong pangkat naman kayo at kayo sa likuran ang maging pang-apat na pangkat. Ngayon ay bibilang ako ng lima at dapat nasa pangkat na kayo at bubuo ng bilog sa tahimik na paraan. Naiintindihan klas? Isa, dalawa, tatlo, apat, lima. Ngayon ang gagawin ng unang pangkat ay ilarawan ang buong klase. Pangalawang pangkat ang gagawin naman ninyo ay susulat ng maikling tula tungkol sa inyong Ina. Pangatlong pangkat ay sumulat ng maikling tula tungkol sa pag-iwas sa covid-19. Ang pang-apat na pangkat Opo ma’am! (susundin ang guro) naman ay gumawa kayo ng islogan tungkol sa pagpapabakuna laban sa Covid-19. Bibigyan ko kayo ng limang minuto sa paggawa ninyo ng inyong mga gawain.Simulan na ninyo. (Gagawin ng buong klase ang sinabi ng guro) Tapos na? Ngayon ay tumayo lahat ng unang pangkat at basahin ninyo ang inyong ginawa. Magaling! Bigyan natin ng masigabong palakpak! Ngayon naman ay ang pangalawang pangkat. Wow! Ang galing! Palakpakan ang pangalawang pangkat. Ngayon naman ay ang pangatlong pangkat. Opo ma’am! Posibleng mga sagot Unang pangkat -Ang klase natin ay nakakasabik at masaya. Marami tayong matutunan at kamangha-mangha ang ating mga gawain. May mga kaklase tayo na maganda at mabait, na handang tumulong kapag tayo ay nahihirapan. Nariyan din ang ating guro na masayahin at palaging gumabay sa atin. Pangalawang pangkat Ang aking Ina Ang aking ina ay mabait at mapagmahal. Sa umaga ay nagluluto siya ng masarap na almusal.Siya ang nagpapanatili ng kaayusan at kalinisan sa aming tahanan. Handa rin siyang kami ay tulungan, kapag kami ay nahihirapan. Kaya mahalin natin ang ating Ina at Ama,upang ang pamilya ay may pagkakaisa ta m,aging masaya. Pangatlong pangkat -Labanan ang Covid-19 at kaligtasan natin ay unahin.Kumain ng masustansiyang pagkain at paghuhugas ng kamay ay ating ugaliin. Kapag lumabas ay magsuot ng face mask at ating panatilihin ang social distancing. Magaling! Palakpakan! Ngayon naman ay ang huling pangkat. Magaling! Palakpakan! Ano ang inyong napapansin sa lahat na ginawa ng bawat pangkat? Tama! C. Pagtatalakay sa Paksa Ang Pang-uri- ay salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa mga pangngalano panghalip. Hal: Mahaba payat Hugis-puso maganda Makulay masagana Uri ng Pang-uri Panglarawan - nagpapakilala ng pangngalan o panghalip. Hal: Masipag, maganda, mahiyain Pamilang -nagpapakilala ng bilang, halaga o dami ng pangngalan. Hal: marami, kaunti, tatlo, isa Kaantasan ng Pang-uri Lantay -naglalarawanng isang pangngalan o panghalip. Hal: Si Ana ay masipag. Pahambing - Naghahambing sa dalawa o higit pangpangngalan o panghalip. Ginagamitan ng katagang mas,lalo, napaka, higit na, parehong, di gaanong, magkasing, magsing, at Pang-apat na pangkat ‘Buhay natin ay mahalin,kaya arat na at magpavaccine kontra Covid19” Masaya po ma’am at kami ay nagtutulungan sa paggawa ng aming mga gawain at nag-iisip rin kami ng mga salitang mailalarawan namin sa aming paksa. ubod ng. Hal: Magkasing Ganda sina Ana at Maria. Higit na mataas si Jino kaysa kay Tony. Pasukdol - katangiang nangingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan. Hal: Pinakamatalino si Paula sa klase. Naiintindihan na ba ninyo klas? Magaling! Ngayon ay may mga gawain tayo sa parehong pangkat pa rin. Opo ma’am! D. Pangkatang Gawain Panuto: Isulat sa kalahating papel ang inyong sagot, pati na rin ang bilang kung anong pangkat kayo.Pagkatapos ay ipasa ninyo sa akin. Ang gawaing ito ay may katumbas na 15 puntos. Bibigyan ko kayo ng limang minuto para gawin ito. Unang Pangkat- Pumili ng dalawang iniidolo ninyong artista at gamitin ang kaantasan ng pang- uri sa paglalarawan nito. Pangalawang Pangkat- Ilarawan ninyo ang inyong ama gamit ang mga salitang pang-uri. Pangatlong Pangkat- Sumulat ng tatlong pangungusap gamit ang Pasukdol na pang-uri. Pang-apat na pangkat- Bumuo ng tatlong pangungusap gamit ang pahambing na Pang-uri. Naiintindihan klas? Opo ma’am! (Pagkatapos ng limang minuto) Tapos na klas? Opo ma”am! Pakipasa ng inyong mga sagot. (Ipapasa ng bawat pangkat ang kanilang papel) E. Paglalahat Sa ating tinalakay, May maganda ba itong naidudulot sa ating pakikipagtalastas araw araw? Tumpak! Nabibigyan ba ito ng halaga sa simpleng pag-uusap lamang? Opo ma’am, dahil nagagamit natin ito sa pag-araw araw na pakikipagtalastas at mas mapadali nating iparating sa ating kausap ang ideya o opinyon na nais nating ibahagi sa kanya. Opo ma’am, dahil kahit mga simpeng salita na ginagamit natin ay mas malilinawan ang ating kausap at magkakaroon ng pagkakaunawaan. Magaling! Naiintindihan na ba anmg tungkol sa pang-uri at antas nito klas? Opo ma”am! May mga katanungan pa vba kayo? Wala na po ma’am! F. Pagtataya Kumuha ng kalahating papel at sagutin ang mga sumusunod sa loob ng limang minuto. (Posibleng mga sagot) Panuto: Kopyahin at salungguhitan ang mga salitang pang-uri at Isulat sa patlang kung anong kaantasan ng pang-uri ang mga sumusunod, ito ba ay lantay, pahambing o pasukdol. Panuto: Kopyahin at salungguhitan ang mga salitang pang-uri at Isulat sa patlang kung anong kaantasan ng pang-uri ang mga sumusunod, ito ba ay lantay, pahambing o pasukdol. Pahambing 1. Mas magaling sumayaw si Ana kaysa kay Lina. Lantay 2. Si Tony ay masipag. Lantay 3. Maganda ang bahay ni Amy. Pahambing 4. Magkasinlaki sina Aye at Alan. Pasukdol 5. Higit na matalino si Ana sa klase. Pasukdol 6. Pinakamaputi si Helen sa kanilang magkakapatid. Lantay 7. Ang aso nila ay maamo. Pahambing 8. Parehong masipag sina Bea at Loida. Pasukdol 9. Pinakamabait si Aida sa kanilang klase. Lantay 10. Malaki ang aming bahay. Pahambing 1. Mas magaling sumayaw si Ana kaysa kay Lina. Lantay 2. Si Tony ay masipag. Lantay 3. Maganda ang bahay ni Amy. Pahambing 4. Magkasinlaki sina Aye at Alan. Pasukdol 5. Higit na matalino si Ana sa klase. Pasukdol 6. Pinakamaputi si Helen sa kanilang magkakapatid. Lantay 7. Ang aso nila ay maamo. Pahambing 8. Parehong masipag sina Bea at Loida. Pasukdol 9. Pinakamabait si Aida sa kanilang klase. Lantay 10. Malaki ang aming bahay. Tapos na klas? Opo ma’am! Pakipasa ng inyong papel sa harap. (susundin ang sinabi ng guro) G. Takdang- Aralin Gumawa ng tula tungkol sa inyong pamilya, na may tatlong saknong at gamitin ang kaantasan ng pang-uri. Mga pamantayan Pagkamalikhain Pagkakaisa Kahusayan Total 15 10 10 35 pts.