Uploaded by Lester Dulay Channel

SCRIPT-BUWAN-NG-WIKA-2023-PRIMARYA

advertisement
JAIME CARDINAL SIN LEARNING CENTER
H.E. Bishop Socrates B. Villegas, D.D. cor H.E. Bishop Francisco San Diego, D.D. sts.
JAIME CARDINAL SIN VILLAGE 2631, J. Posadas St., Punta, Sta. Ana,
MANILA Philippines
NAGHUHUBOG NG PUSO, NAGPAPATALAS NG ISIPAN, NAGPAPAHAYAG NG EBANGHELYO
BUWAN NG WIKA 2023
Setyembre 23, 2023
“Filipino
at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan,
Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang
Panlipunan”
DIYALOGO NG PALATUNTUNAN (PRIMARYA)
Aiden: Malayo na ang nilakbay ng ating pambansang wika sa kasaysayan
ng ating bansa. Maraming pagsubok ang kinaharap ng Wikang Filipino
upang magkaroon tayo ng pambansang pagkakakilanlan.
Nicole: Tama ka riyan! Kaya naman, ang Pilipinas ay marapat magdiwang
tuwing buwan ng wika bilang pag-alala sa kaarawan ng ama ng wikang
pambansa na si pangulong Manuel Luis Quezon nitong Agosto.
Aiden: Marami mang pag-antala ang nangyari dahil na rin sa dumating na
mga bagyo, hindi natin palalagpasin ang pagdiriwang na ito.
Nicole: Kaya naman sa oras na ito, tayong lahat ay nagtipon-tipon upang
gunitain ang isang mahalagang tala sa ating kasaysayan.
Aiden: Kaya mga kamag-aral,
Nicole: Mga guro,
Aiden: Panauhin at kawani ng paaralan,
Aiden at Nicole: Isang mapagpalang umaga ang bati namin sa inyo!
Nicole: Samahan niyo po kami sa bahaging ito ng ating pagdiriwang ng
Buwan ng Wika na may temang:
Aiden at Nicole: “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan,
Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan”
Nicole: Ako po si Nicole Amber Dulay
Aiden: at ako naman si Reid Aiden Chael Reyes
Aiden at Nicole: Ang inyong tagapagpadaloy ng palatuntunan sa araw na ito.
Nicole: Sa araw na ito ay inyong matutunghayan ang iba’t ibang presentasyon
na inihanda ng mga mag-aaral sa primarya.
Aiden: Upang pormal na buksan ang ating programa ay inaanyayahan po ang
lahat na tumayo para sa panalangin na pangungunahan ni ____________ at
susundan ng Pambansang Awit na pangunguhan ni ___________.
Nicole: Sa puntong ito ay atin namang pakinggan ang pambungad na pananalita
ng ating Punong-guro, G. Henry A. Davalos.
Aiden: Maraming salamat po. At ngayon naman ay atin nang matutunghayan ang
iba’t ibang presentasyon na inihanda ng piling mag-aaral sa iba’t ibang baitang sa
primarya.
Nicole: Simulan natin sa mga mag-aaral sa Baitang 1 para sa kanilang
Dugtungang Pagtula.
Aiden: Maraming salamat, Baitang 1.
Nicole: Ngayon naman para sa mga mag-aaral sa Baitang 2 para sa kanilang
Sabayang Pagbasa.
Aiden: Maraming salamat, Baitang 2.
Nicole: Akin namang ipakikilala ang mga mag-aaral mula sa Baitang 3 para sa
kanilang Katutubong Sayaw.
Aiden: Maraming salamat, Baitang 3.
Nicole: Napakagagaling ng ating mga mag-aaaral, hindi ba Aiden?
Aiden: Oo. Hindi sila nagpatinag at talaga namang nagpamalas sila ng kanilang
kagalingan sa bawat presentasyon.
Nicole: Binabati ko ang mga mag-aaral na talagang pinaghandaan,
pinagpaguran, at binigyan ng oras para lang mabigyan tayo ng magandang
presentasyon.
Aiden: Tunay ngang ang galing ng mga batang Pilipino ay kahanga-hanga.
Nicole: Ngayon naman ay dadako na tayo sa pagkakaloob ng gantimpala sa mga
nagwaging mag-aaral sa isinagawang pagbabaybay kaugnay ng pagdiriwang na
ito. Tinatawagan namin ang ating tagapag-ugnay sa mga gawaing pangmagaaral, Bb. Sheena Grace Peralta para sabihin ang naging resulta.
Aiden: Gayon din ay inaanyayahan ang ating minamahal na tagapag-ugnay sa
Filipino, Gng. Marietta Davalos, ang ating tagapag-ugnay pang-akademiko
Bb. Chenny De Jesus at ang ating Punong-guro ng ating paaralan G. Henry A.
Davalos upang igawad ang gantimpala ng mga nagwagi.
Nicole: Malugod na pagbati para sa mga nagkamit ng karangalan!
Aiden: Sa kapwa ko mag-aaral, tandaan natin na sa bawat tagumpay na
nakakamit natin sa buhay ay huwag nating kaliligtaang ipagpapasalamat ito sa
Poong Maykapal at ibahagi ang tagumpay na nakamit sa ating kapwa. Kung
madapa o mabigo man tayo ay huwag mawalan ng pag-asa at muling bumangon
buhat sa pagkakalugmok. Ang Panginoon ang tanglaw at lakas nating lahat.
Nicole: Sa puntong ito ay atin namang pakinggan ang pangwakas na pananalita
ni Bb. Chenny De Jesus ang ating tagapag-ugnay pang-akademiko
Aiden: Ngayon naman upang mas mataimtim ang ating pagwawakas ng
palatuntunang ito ay inaanyayahan po ang lahat na magsitayo para sa
pangwakas na panalangin na pangungunahan ni ___________.
Aiden at Nicole: Maraming salamat sa pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng
Wika! Nawa’y atin pang pagyabungin ang Wikang Filipino! Pagpalain tayong
lahat.
Download