Republika ng Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon Pambansang Punong Rehiyon SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180 manila_deped@yahoo.com Filipino 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino Mga Konseptong Pangwika Unang Markahan Unang Linggo Modyul 1 Kasanayang Pampagkatuto: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika. PAANO GAMITIN ANG MODYUL Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito. 1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito. 2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong matatandaan ang mga araling nalinang. 3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul. 4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan. 5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pangaraw-araw na gawain. 6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito. BAHAGI NG MODYUL 1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito. 2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong kaalaman at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng aralin. 3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating kaalaman at kasanayang nalinang na. 4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya ng aralin 5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo nang may kapareha. 6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin 7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang bagong aralin 8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto sa bagong aralin. 9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang pangkalahatang natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa kanyang pinag-aaralang modyul 2 Aralin 1 Mga Konseptong Pangwika Inaasahan Sa bahaging ito ng modyul ay inaasahang makikilala mo ang kahulugan at kahalagahan ng pagkakaroon ng isang wika na magagamit bilang wikang pambansa, wikang panturo at wikang opisyal. Sisimulan natin ang talakayan sa pamamagitan ng isang usapan. Pagkilatis sa isang partikular na Saligang Batas ng 1987. Handa ka na ba, halika na at ating simulan ang aralin. Pagkatapos sa modyul na ito ikw ay inaasahang: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika. Unang Pagsubok Panuto: Piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isusulat sa kwaderno. 1. Malimit na binibigyang-kahulugan bilang sistema ng mga tunog, arbitraryo na ginagamit sa komunikasyong pantao (Hutch 1991). A. Wika C. Wikang Opisyal B. Wikang Pambansa D. Wikang Panturo 2. Sa ibinigay na pagpapakahulugan ni Sturtevant sa wika, binigyang- diin niya na ang sistema ng mga simbolong arbitraryo ay ang___. A. Balangkas C. Tunog B. Kultura D. Salita 3. Katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas. A. Wikang Filipino C. Wikang Opisyal B. Wikang Pambansa D. Wikang Panturo 4. Tawag ito sa pinagtibay ng pambansang pamahalaan at ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa mga mamamayang kanyang sakop. A. Wikang Filipino C. Wikang Panturo B. Wikang Pambansa D. Wikang Opisyal 5. Tawag sa prinsipal na wikang ginagamit sa edukasyon, sa pamahalaan, sa politika, sa komersiyo at sa industriya ng isang nasyon. 3 A. Wikang Filipino B. Wikang Pambansa C. Wikang Panturo D. Wikang Opisyal Balik-Tanaw IBAHAGI MO, SAGOT MO Panuto: Magbalik-tanaw tayo sa mga dati mo ng kaalaman tungkol sa wika. Ibahagi ang iyong natatandaan sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga detalyeng hinihingi sa mga sumusunod. Isulat sa kwaderno ang sagot mo. 1. Ito ay isang pahayag na nagmumula sa iyo tungkol sa isang paksang ibig mong bigyang patunay. 2. Ang pinakamababang antas ng wika. 3. Tukuyin ang antas ng wikang isinasaad ng terminong zoology. 4. Ang mga salitang ginagamit sa isang partikular na lugar. 5. Ang pahayag na “Wer na u kaibigan?” ay nasa antas na ________. Maikling Pagpapakilala ng Aralin Matutunghayan natin ngayon sa ating bagong aralin ang pagtuklas ng panibagong kasanayan. Batid natin na napakalaki ng ginagampanan ng wika upang mabuo ang isang magandang ugnayang pantao. Sa pamamagitan din ng wika ay nakikilala ang isang bansa. Sinasabi rin na ang wika ay salamin at kultura ng isang lahi. Handa ka na bang simulan ang isang talakayan? Alam kong mahilig kang makipagkuwentuhan sa pamamagitan ng isang usapan. Halika! Pakinggan natin ang isang palitan ng ideya na kapupulutan ng kaalaman. Pag-aralan Natin! Suriing mabuti ang nilalaman ng usapan sa loob ng Speech Balloon. Oo naman Mila, ganyan talaga ang mga alagang aso, punongpuno ng pagrespeto sa kanyang amo. He he he…. Aba, tingnan mo at nag- aw –aw pa ito. Sumagot yata at naiintindihan ang ating usapan. Ate, nakakatuwa talaga ang alaga nating si Britney, sa tuwing dumarating tayo kita ang katuwaan sa kanyang itsura. 4 Gawain 1 Panuto: Batay sa binasa mong usapan sa loob ng speech balloon, sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno. 1. Tungkol saan ang pinag-uusapan ng magkapatid sa dayalogo? ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ 2. Ano ang naging instrumento upang maipahatid ng nag-uusap ang kanilang ideya? ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ 3. Papaano ninyo bibigyan ng pagpapakahulugan ang wika batay sa naging usapan? ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ 4. May ideya ka ba kung kailan dapat gamitin ang wika? Ipaliwanag. ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ Gawain 2 Malaki ang naitulong ng naunang gawain para sa iyo. Nakilala mo ang ibig sabihin ng wika at kahalagahan nito. Subalit, hindi dito natatapos ang dapat mong matutuhan. Ngayon ay mamumulat ka sa tungkulin ng wika at mapagtatanto na hindi lamang ito ginagamit bilang daan sa pakikipagtalastasan. Sa pagkakataong ito, malilikha sa iyong isipan kung gaano kahalaga ang pagkilala sa batas pangwika. Panuto: Pag-aralan natin ang isang artikulo mula sa Saligang Batas ng Pilipinas sa ibaba. Pagkatapos, sagutin mo ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa kwaderno. Artikulo XIV ng Saligang-Batas ng 1987, Seksyon 6: Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika. Dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ilunsad at puspusang itaguyod ang Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon. 5 Mga Tanong, Sagutin Natin! 1. Ipaliwanag ang nakasaad sa Artikulo XIV ng Saligang Batas ng 1987. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 2. Nararapat ba na magkaroon ng isang wikang pambansa ang isang nasyon? Pangatuwiranan. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ 3. Papaano ninyo mapatutunayan na salamin ng isang lahi ang wika? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 4. Maliban sa pagiging wikang pambansa, saan pa ginagamit ang wikang Filipino? Ipaliwanag. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Gawain 3 IGUHIT MO, SIGAW NG PUSO MO! Panuto: Maliwanag na maliwanag na para sa iyo ang kahulugan ng wika. Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon na gumuhit, paano mo ilalarawan ang Wikang Filipino sa pamamagitan ng isang simbolo. Halika na at ibahagi mo na ang taglay mong galing sa pagguhit. Gawin ito sa kwaderno at lagyan ng maikling paliwanag. PAMANTAYAN SA PAGBIBIGAY NG MARKA KRAYTIRYA NAPAKAHUSAY 4 PAGKAMALIKHAIN KAANGKUPAN SA PAKSA NASUNOD ANG PANUTO KALINISAN NG GAWA DATING SA MADLA KABUUANG PUNTOS 6 MAHUSAY 3 DIGAANONG MAHUSAY 2 DIMAHUSAY 1 Tandaan MGA KONSEPTONG PANGWIKA Iba’t Ibang Pagpapakahulugan sa Wika Gleason (1961) “Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa pakikipagtalastasan ng mga taong nasa iisang kultura.” Finnochiaro (1964) “Ang wika ay isang sistemang arbitraryo ng simbolong pasalita na nagbibigaypahintulot sa mga taong may kultura o ng mga taong natutunan ang ganoong kultura upang makipagtalastasan o di kaya’y makipag-ugnayan.” Sturtevant (1968) “Ang wika ay isang sistema ng mga simbolong arbitraryo ng mga tunog para sa komunikasyong pantao.” Webster (1990) “Ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na komunidad.” Hutch (1991) “Ang wika ay malimit na binibigyang-kahulugan bilang sistema ng mga tunog. Arbitraryo na ginagamit sa komunikasyong pantao.” Mula sa mga pagpapakahulugang ibinigay ng iba’t ibang awtoridad, masasabi natin na ang wika ay: 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. masistema, set ng simbolikong arbitraryo, pasalita, ngunit biswal din, makahulugan, komunikasyon o gamit sa komunikasyon, umiiral sa isang speech community, at natutunan ng tao sa parehong paraan, sa natural na paraan. (Alcaraz, C., 2016) WIKANG PAMBANSA, WIKANG PANTURO AT WIKANG OPISYAL Ang wikang Filipino ay ang wikang pambansa ng Pilipinas. Ito ay alinsunod sa itinadhana ng batas sa ilalim ng Saligang Batas ng 1987. Nakapaloob sa Artikulo XIV, Seksyon 6, na gagamitin ang Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng paaralan sa loob ng Pilipinas upang makaagapay sa akademikong pangangailangan ng mga mag-aaral. Itinuturing din ito bilang wikang opisyal, 7 prinsipal na wikang gagamitin sa larangan ng edukasyon at maging sa pamahalaan, komersiyo at industriya. Samantala, nakapaloob naman sa Artikulo XIV ng Seksyon 7 ng SaligangBatas ng 1987: Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles. Sa kasalukuyan ginagamit din ang wikang Ingles, ito ay maaaring gamitin sa komunikasyon at larangan ng edukasyon. Pag-alam sa Natutuhan LIFE-LINEAR –KONEK-ACTIVITY Matapos mong matutuhan ang mga gampanin ng wikang Filipino bilang wikang pambansa, opisyal at panturo, subukin naman nating iugnay ang iyong pagkatuto sa panahon ng Covid-19 Pandemik. Sa pamamagitan ng iyong pakikiisa sa mga programa ng pamahalaan sa panahon ng Community Quarantine, paano mo nakitang ginagamit ang wika sa inyong barangay? Halika! Sagutin mo ang sumusunod na gawain. Panuto: Punuan ang mga bakanteng banner sa ilalim ng bawat sibat ng bawat gampanin ng wikang Filipino. Isulat sa kwaderno ang sagot. GAMPANIN NG WIKANG FILIPINO BILANG: WIKANG WIKANG OPISYAL PAMBANSA 8 WIKANG PANTURO Pangwakas na Pagsusulit Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap sa bawat bilang. Piliin at isulat sa kwaderno ang titik ng tamang sagot. 1. Ito ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas. A. Wikang Filipino C. Wikang Opisyal B. Wikang Pambansa D. Wikang Panturo 2. Tawag ito sa pinagtibay ng pambansang pamahalaan at ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa mga mamamayang kanyang sakop. A. Wikang Filipino C. Wikang Panturo B. Wikang Pambansa D. Wikang Opisyal 3. Tawag naman ito sa prinsipal na wikang ginagamit sa edukasyon, sa pamahalaan, at sa politika, sa komersiyo at industriya. A. Wikang Filipino C. Wikang Panturo B. Wikang Pambansa D. Wikang Opisyal 4. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika, anong Artikulo ito ng Saligang Batas ng 1987? A. Artikulo XIV Seksyon 6 C. Artikulo XIV Seksyon 8 B. Artikulo XIV Seksyon 7 D. Artikulo XIV Seksyon 9 5. Siya ang nagsabi na ang wika ay isang sistema ng mga simbolong arbitraryo ng mga tunog para sa komunikasyong pantao. A. Gleason C. Sturtevant B. Finnocchiaro D. Webster 6. Ayon sa kanya ang wika ay malimit na binibigyang-kahulugan bilang sistema ng mga tunog, arbitraryo na ginagamit sa komunikasyong pantao. A. Finnocchiaro C. Sturtevant B. Hutch D. Webster 7. Para sa kanya, ito ang depinisyon ng wika. “Ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na komunidad.” A. Finnocchiaro C. Sturtevant B. Hutch D. Webster 8. Ito ang pangunahing katangian ng wika. A. Buhay C. Buhay at dinamiko B. Dinamiko D. Hindi nagbabago 9. Sa bawat antas ng buhay ng tao, may partikular na baitang o hagdan sa pagkatuto ng wika. Ang katangian ng wika na tinutukoy rito ay A. buhay C. dinamiko B. masistema D. arbitraryo 10. Samantalang patuloy na nabubuhay ang wika sapagkat umiiral pa rin sa komunidad. Nangangahulugan itong ang wika ay 9 A. buhay B. arbitraryo C. dinamiko D. kultural Papel sa Replektibong Pagkatuto PAG-ISIPAN MO!!! Sa bahaging ito ay susukatin ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng pagpupuno sa mga patlang upang mabuo ang isang makabuluhang ideya batay sa Bilang mamamayang Pilipino nalaman ko na__________________________ _____________________________________. Tatlo ang binigyang diin sa pagtalakay ng wikang Filipino, ito ay ang mga sumusunod:______________________________ ______________________________________________. Sa unang bilang ___________ _____________________________________________________________. Pangalawa, ___________________________________________________________. At sa pangatlo, ______________________________________________________________________________ ___________________________. Kinakailangan din na bigyan- diin ang Filipino sa usaping edukasyon sapagkat ________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ___________________________________. Sa kabuuan natutuhan ko na____________ ______________________________________________________________________________ paksang tinalakay. Isulat sa kwaderno ang sagot. 10 Sanggunian Isang taos-pusong pasasalamat po sa mga nagbigay- daan upang mabuo ang modyul na ito. Nagsilbing sanggunian upang makakuha ng karunungan na ibinahagi para sa mga kabataang pag-asa ng bayan. BATAYANG AKLAT Alcaraz, C. et. al. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik para sa Senior High School. Quezon City: Educational Resources Corporation. Jocson, Magdalena O. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Batayang Aklat. Quezon City. Vibal Group Inc. INTERNET http://www.seasite.niu.edu/tagalog/ang_1987_konstitusyon_ng_republi.htm Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Mary Ann R. Catabay, MT2 Editor: Edwin Remo Mabilin, EPS Tagasuri: Candelaria C. Santos, EdD, MT2 Tagalapat: Mary Ann R. Catabay, MT2 Tagapamahala: Maria Magdalena M. Lim, CESO V-Tagapamanihalang Pansangay ng mga Paaralang Panlungsod Aida H. Rondilla, Puno ng CID sa ADM Lucky S. Carpio, EPS na nakatalaga sa LRM at Tagapag-ugnay 11 Susi sa Pagwawasto Filipino 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Unang Markahan-Unang Linggo Modyul 1 Unang Pagsubok 1. A 2. 3. 4. 5. D A A D Gawain 1 1. tungkol sa alaga nilang aso na si Britney kung gaano ito kasaya sa tuwing sila ay dumarating 2. …sa pamamagitan ng komunikasyon/ pakikipag-usap gamit ang isang partikular na wika 3.- 5. Magkakaiba-iba ng sagot Balik-Tanaw 1. Opinyon/ Kuro-kuro 2. Balbal 3. Teknikal 4. Lalawiganin 5. kolokyal Pangwakas na Pagsusulit 1. A 2. B 3. D 4. D 5. C 6. C 7. D 8. C 9. B 10. A Gawain 2-3/Pagalam sa Natutuhan Magkakaiba-iba ng sagot batay sa sariling pananaw at rubriks Papel sa Replektibong Pagkatuto Iba-iba rin ang kasagutan. 12