Uploaded by Samuel Miguel Trinidad

TALUMPATI

advertisement
ARALIN 8 TALUMPATI
“WIKA NG PILIPINO”
Magandang hapon sa inyong lahat! Ako po ay isang studyante na nag aaral sa paaralang Jose
Maria College, Inc. Grade 11 Ruby. Ngayon, nais kong talakayin ang isang napakahalagang aspeto
ng ating kultura at pagkakakilanlan bilang mga Pilipino — ito ay ang ating sariling wika, ang Filipino
at kung bakit ang wikang tagalog lang ang dapat natin ibibigkas sa araw-araw nating usapan, maliban
sa Ingles.
Alam naman natin na ang wika ay ang symbolo sa pakikipag ugnayan sa mga ibang kapwang
tao, magiging instrumento sa komunikasyon para sa paggawa ng koneksyon ng mga iba’t ibang tao
sa mundo. Kaya sa panahon na ito, wikang tagalog at ingles na ang ginagamit natin sa edukasyon,
pag uusap sa mga pamilya o kaibigan, interview at iba pa. Ngunit, meron parin mga opinion ang
ibang kapwang Pilpino o mga dayuhan na ipalit ang wikang tagalog. Sa ating bansa, may iba't ibang
wika at diyalekto dahil sa dami ng ating mga isla at kultura. Ngunit sa kabila nito, mahalaga na tayo
ay magkaroon ng isang pangkalahatang wika na magkakaintindihan tayong lahat. Dito pumapasok
ang Filipino, isang wika na nagtataglay ng kagandahan at kasaysayan ng ating mga salita.
Madaming nadaan na pangyayari sa ating wika, mga pag-uunlad sa wika ng Filipino, Pilipino,
at Tagalog, mga impluwensya ng mga Kastila sa relihiyon kristiyanismo, pagsakop ng mga Hapon
sa ating bansa, at ang pagtuturo ng wikang Ingles na galing sa mga Amerikano. Ang mga sacripisyo
ng bayani natin, mga tao para lang sa kalayaan ng ating bansa, malaya sa mga kamay ng mga
magsasakop na may masamang intensyon sa mga buhay ng mga inosenteng tao. Hindi dapat natin
ikalimutan ang kahalagahan ng pag-unlad at pagpapayaman ng ating wika. Ang Filipino ay may
kakaibang ganda at kasaysayan, at mahalagang panatilihin itong buhay at mas mapagkayarian.
Kailangan natin itong pahalagahan at pagyamanin para sa mga susunod na henerasyon ng Pilipino.
Ang kahalagahan ng wikang Pilipino ay hindi lang yan ang wika ng bansa natin, kundi sa mga
tao na namatay para sa kinabukasan sa susunod na henerasyon. Sila ang dahilan kung bakit
nabuhay tayo sa panahon na walang ibang bansa ang namuno at nagsakop sa bansang Pilipinas.
Hindi dapat natin ipalit ang ating wika sa mga ibang wika pero pwede kung pang education lamang.
Mas mabuti kung madami kang alam na wika kasi makatulong ito sa komunikasyon ng mga tao na
may magkakaibang kultura sa atin, pero hindi lamang ito ang dahilan na dapat tanggalin ang sarili
nating wika. Sa pagtataguyod ng ating wika, tayo ay nagiging mas matatag bilang isang bansa. Isang
bansa na may sariling boses at identidad, handa na makipag-ugnayan sa iba't ibang kultura sa buong
mundo. Isang bansa na may pagpapahalaga sa kanyang mga mamamayan at kasaysayan.
Ito na ang wakas ng aking talumpati. Sana po may natutunan kayo sa aking ideya at maging
inspirasyon tayo sa pag-aaruga at pagpapayaman ng ating wika. Gawin natin itong kasangkapan sa
pag-unlad at pagkakaisa ng ating bansa. Maraming salamat at magandang hapon sa inyong lahat!
Download