Uploaded by Gereon De La Cruz Jr

Dahilan at Layunin ng Kolonyanismong Esp [Recovered]

advertisement
Nasusuri ang
dahilan at layunin
ng kolonyalismong
Espanyol
Tama o Mali
1. Ang Spain at Portuges ang
pinakamalakas na kaharian sa
bansa .
2. Nanguna at naging
magkaibigan ang Portuges at
Spain sa pagtuklas ng mga
lupain.
Hindi pumayag ang hari ng Portugal sa
paghati ng Papa kaya ipinahayag ang
kasunduan sa Tordesillas.
4. Upang malutas ang suliranin sa karapatan
sa paggalugad ng lupain ,ipinagbili ng
Espanya ang Karapatan sa Molluccas sa
Halagang 530 gintong ducat.
5. Ang Inglatera, Pransya at Holland ay
pumalaot rin upang makarating sa ibat-ibang
bahagi ng mundo.
3.
Sino ang nasa larawan?
Ano ang alam mo tungkol sa kanya?
Layunin ng Spain Pananakop
Sa ilalim ng pamamahala ni Haring Charles V o
Carlos v (1500-1558)
Nagsimula ang pananakop ng Spain sa
Pilipinas. Isinagawa ni Ferdinand Magellan ang
unang ekspedisyon .Bagama’t di nagtagal si
Magellan sa Pilipinas dahil tinalo ito ng
pangkat ni Lapu-Lapu,hindi ito naging dahilan
upang hindi ituloy ng Spain ang pagnanasang
sakupin ang bansa.Ang anak ni Haring Carlos
na si Haring Philip II ( 1527-1598) ang
nagpatuloy at nagpadala ng mga ekspedisyon sa
bansa.Nagtagumpay ang ekspedisyon ni Miguel
Lopez de Legaspi noon 1565 at ganap na
nasakop ng Spain ang Pilipinas.
Ang sumusunod ang mga layunin ng Spain sa
pagsakop sa lupain
Pampolitikang Hangarin
Ang Spain ay naging pinakamalakas na kaharian
sa buong daigdig noong 1600 dahil sa
paghahangad nito na maging tanyag at
makapangyarihan.
Matagumpay nitong nasakop ang malaking
bahagi ng South America,nakapagtatag ng
kolonya sa Africa at naging kolonya ang Pilipinas
sa Asya.
Tumagal ang pananakop ng Espanyol sa Pilipinas
ng 333 na taon.
Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
Ang mga ekspedisyon ng Spain ay nagsimula sa
panahon ng paghahari ng mag-asawang Haring
Ferdinand II ng Aragon (1452-1516) at Reyna
Isabella (1451-1504).
Nang suportahan nila ang paglalakbay ni
Christopher Columbus at Ferdinand
Magellan,ipinakita nila ang pagpapalaganap ng
Kristiyanismo ay isa sa mga layunin ng
paglalakbay.Nagtagumpay sila sa pagpapaalis
sa mga Moors – ang mga Muslim sa
Granada,habang ang Hudyong Espanyol ay
malupiy rin nilang pinalayas.Noong 1504 ,sa
testament ni Reyna Isabella I ,inihabilin niya sa
lahat ng mga hari o reyna ng Spain ang
pagpapalaganap ng Kristyanismo.
Ang hangaring ipalaganap ang
Kristiyanismo ay anipunla sa isipan at
damdamin ng mga Espanyol.
Ang Spain ay nakipagkasundo rin sa
Simbahang Katoliko na
ipalalaganap,pananatilihin at ipagtatanggol
ang relihiyong Romano Katoliko sa lahat ng
kolonya ng Spain kapalit ang malayang
pagpapatakbo ng Spain sa mga kolonyang
simbahan na Malaya sa pakikialam ng
Vatican.
Ang tawag sa kasunduang ito ay Patronato
Real de las Indias.
Pangkabuhayang Layunin
Dahil sa mahahalagang produkto at mga
pampalasa ng pagkain sa
Silangan,napaunlad at napalawak ng
Spain angkabuhayan dulot ng masilang
kalakalan.Sa pamamagitan ng patakarang
merkantilismo ay nagkaroon din ng
kolonya ang
Spain kung saan ang lakas at kapangyarihan
ng isang bansa ay nasusukat sa dami ng
nalikom na kayamanan sa anyo ng
mamahalig metal tulad ng ginto at pilak.
Ang pingkukunan ng mga hilaw na sangkap
at pamiihan ng mga produktong yari na ang
kolonya tulad ng Pilipinas
ang paglikom ng kayamanan ng mga bansang
mananakop ay ginamit ng Spain upang
makamit ang yamang pangkabuhayan na
hinahangad nito. Bukod sa Spain ang mga
bansang tulad ng Portugal ,Britain ,France at
Holland (Netherlands) ay nagpalaganap rn ng
patakarang kapitalismo (ang pagbabahagi at
paggawa ng kalakal o produkto na pagmamayari ng kapitalista o pribadong mamumuhunan)
sa anyong merkantilismo sa pagpapaunlad ng
kabuhayan.
Pagsusuri
• Ano ang naging daan upang ang
Espanya ay maghangad din ng kayamanan
sa silangan?
Ang pagpapakasal ni Ferdinand V. ng
Aragon at Reyna Isabella I ng Castille
noong 1469.Ang pagsasanib ng kanilang
lakas ng kanilang kaharian ang naging
dahilan ng pagapapadala ng Ekspedisyon
sa silangan.
7.
Sino ang Italyanong manlalayag ang
tinulungan ni Reyna Isabella na ilunsad
ang Unang Ekspedisyon?
Christopher Columbus
• Ano ang adhikain ng ekspedisyon ni
Christopher Columbus?
Ang makarating sa India na ang gagawing
daan ay pakanluran ng Atlantiko.
•
Ano ang naranasan ng Columbus
Ekspedisyon?
Maraming paghihirap gaya ng walang
kasiguruhan na mararating nila ang
silangan, pagod gutom sa kanilang
paglaklakbay at haba ng panahon na
kanilang nailagi sa katubigan.
• Sino si Magellan?
•
Ano ang mahalagang bunga ng
paglalayag ni Magellan?
• Paano narating ni Magellan ang
Pilipinas?
• Ano ang nga dahilan at layunin ng
kolonisasyong Espanyol?
•
Paghahalaw
Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng
konseptong natutunan.
Ano ang naging sanhi /dahilan upang
maisakatuparan ang kolonyalismong
Espanyol?
Ang mga sumusunod ay mga layunin ng
Spain sa pagsakop sa Pilipinas.
8.
*Politikal na Hangarin- nais nilang
maging tanyag at makapangyarihan
sa buong daigdig
*Pagpapalaganap ng Kristiyanismohangarin nila na ipalaganap ang
Kristiyanismo.
* Pangkabuhayang Layunin-ang
paglikom ng kayamanan ng bansa.
3. Aplikasyon
Pangkat 1 Sasama ka ba?
Ipasuri ang sitwasyon. Isulat sa Wheel call out ang inyong sagot
Kung isa ka sa mga
manlalayag sasama ka
ba?Bakit?
Anu-anong panganib ang
naghihintay sa inyo kung
kasama ka sa paglalayag?
Pagsagot sa Retrieval Chart
Balikan at suriin natin ang mga dahilan at layunin ng mga Espanyol
sa pananakop sa Pilipinas
Dahilan ng kolonyalismo
Layunin ng kolonyalismo
Pangkat 3-Pagsasadula
Pagsasagawa ng dula-dulaan na
nagpapakita ng mga dahilan at
layunin ng kolonyalismo.
Pangkat 4- Editoryal Cartoon
Pagguhit ng isang sitwasyon kung
saan ipinapakita ang dahilan at
layunin ng kolonyalismo
IV.Pagtataya
Panuto : Basahing mabuti ang mga
sumusunod na pangungusap.Suriin kung ito
ay pampulitikang hangarin,
pagpapalaganap ng Kristiyanismo at
pangkabuhayang layunin.Isulat ang tamang
sagot sa patlang.
____1.Ang paghahangad ng Spain na
maging tanyag at makapangyarihan sa
buong mundo.
_____2 .Ang hangaring ipalaganap ang
Kristiyanismo sa Pilipinas
_____3.Ang paglilikom ng kayamanan ng mga
Espanyol.
______4. Ang pakikipagkasundo ng Espanyol sa
Simbahang katoliko na ipalaganap,panatilihin at
ipagtanggol ang relihiyong Romano Katoliko sa
lahat na kolonya ng Spain.
_______5.Ang pagpalaganap ng patakarang
kapitalismo sa anyong merkantilismo sa
pagpapaunlad ng kabuhayan.
V. Takdang Aralin
Paggawa ng talata . Ano ang iyong
magiging reaksyon kung isa ka sa
mga katutubong Pilipino na nabuhay
noong panahon ng Espanyol.
Download