Uploaded by Mendoza Arlene L.

Mga-Dulog-sa-Pagsusuri-ng-Pelikulang-Panlipunan.WORD (1)

advertisement
Mga Dulog sa Pagsusuri ng Pelikulang Panlipunan
Panimula
Ang pagbasa/panoood ng isang uri panitikan ay hindi lamang naka sentro sa proseso ng
pagkuha ng kahulugan ngunit mahalaga rin dito ang pagbuo ng ng kahulugan. Dito pumapasok
ang dulog sa pagsusuri ng panitikan..
Sa pagtatapos ng kabanata, ang mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang mga dulog sa pagsusuri ng pelikulang panlipunan
2. Naiisa-isa ang mga tanong sa pagsasakatuparan ng panunuri sa teorya ng pelikula.
3. Napahahalagahan ang mga halimbawa ng suring pelikula ayon sa dulog.
Talakayan
Mga Teorya/Dulog sa Pagsusuri ng Pelikulang Panlipunan
1. Marxismo - Ang Markismo ay isang pandaigdigang pananaw at pagsusuri ng lipunan na
tumutuon sa ugnayan at hidwaan ng mga antas ng lipunan na gumagamit ng materyalistang
interpretasyon ng takbo ng kasaysayan, at diyalektikong pananaw ng pagbabago ng lipunan.
Ang marxismo ay isang teoryang pampanitikan na nagpapakita ng tunggalian ng mayaman at
mahirap, mahina at malakas, makapangyarihan at api.
Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling
kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at
suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa
akda ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.
Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang paraan ng mga tao sa pagtugon sa
suliraning kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang pagkilala sa prostitusyon bilang
tuwirang tugon sa suliraning dinaranas sa halip na ito’y kasamaan at suliranin ng lipunan.
Ang teoryang markismo ay inuuwa ang akda batay sa kalagayan ng mga tauhan. Hinahanapan
ang akda ng patunay ng mga naglalabasang lakas sa pagitan ng mahina at malakas, matalino
at mangmang, duwag at matapang, mahirap at mayaman. Dito nakapaloob ang mga tauhang
bida at kontrabida. May suliranin ang bida at ang gumagawa nito ay ang kontrabida. Sa
teoryang ito, di padadaig ang naaping tauhan, babalikwas ito upang madapi ang nangaaping
lakas.
Ang teoryang ito ay tumatalakay din sa paglalaban-laban ng mahirap at mayaman. Ang layunin
ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat
buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at
pampulitika.
Dalawang Alemang Pilosopo ng Markismo
1. Karl Marx
2. Friedrich Engles
Marxismo sa Pilipinas
Nagsimulang lumaganap ang ideolohiyang Marxismo simula pa nang unang maitatag ang
partidong komunista sa Pilipinas noong Nobyembre 30, 1930 sa pamumuno ni Crisanto
Evangelista. Siya ay isang Pilipinong komunista ng unang bahagi ng ika-20 siglo. Siya ang
pangunahing tagapagtatag at namuno ng (lumang) partidong komunista ng Pilipinas sa araw
ng 13 taon ng rebolusyong oktobre ng Russia. Kinulong siya sa bandang huli ng dekada ngunit
pinalaya ng gobyerno para lumaban sa mananakop na Hapon. Tinanggap niya ang malupit na
kamatayan sa duguang kamay ng pasistang Hapon noong Hunyo 2, 1942.
 Halimbawa ng Pelikulang Marxismo:
•
•
•
•
•
•
•
Lion King (Walt Disney Pictures)
Selma (Director Ava Vernay)
Katanungang nasasagot sa Teoryang Marxismo
Anu-ano uring panlipunan (social class) ang nasa pelikula?
Paano nagtunggalian ang mga uring panlipunan sa pelikula?
Sino ang nang – api at inapi; nagsamantala at pinagsamantalahan?
Paano inilarawan ang mga karakter: bida ba o kontrabida ang nang - api o inapi, ang
nagsamanta a o pinagsamantalahan?
Paano bumangon sa kaapihan o sitwasyong mapagsamantala ang mga karakter?
Paano nagsamantala sa iba ang ilang karakter?
Aling uri ang nagtagumpay sa huli?
2. Realismo Ang realismo ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan. Karaniwan nitong
pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan, tulad ng korapyon, katiwalian, kahirapan
at diskriminasyon. Madalas itong nakapukos sa lipunan at gobyerno.
Layunin nito na ipakita ang karanasan at masaksihan ng may akda sa kanyang lipunan. Higit
na pinahahalagahan ang pagsasalaysay kaysa sa paksa. Samakatuwid ang panitikan ay hango
sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinasaalang-alang ng may-akda ang
kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang sinulat. Nagpapahayag ito ng katotohanan at
pagtanggap sa buhay.
Ang pagdulog realismo ay ang paniniwala na ang karamihan ng mga cognitive bias
(kamalayang may kinikilingan) ay hindi pagkakamali, kundi lohikal at paaran ng praktikal na
pangangatwiran sa pakikitungo sa “tunay na mundo”. Kasáma nito ang pagpapalagay na ang
mga bagay ay mayroon pang mas malawak na kaalaman kaysa sa kung ano ang sinasabi ng
mga cognitive experimenter (mga sumusubok sa kamalayan).
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa
kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi
tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagka-epektibo ng
kanyang sinulat.
Isang ulat sa ang nagsasabing ayon sa mga realista, ang sinumang tao, anumang bagay at
lipunan, ay dapat maging makatotohanan ang isasagawang paglalarawan o paglalahad. Ang
karaniwang paksain na ipinapakita nito’y pumapatungkol sa kahirapan, kamangmangan,
karahasan, krimen, bisyo, katiwalian, kawalan ng katarungan, prostitusyon, atbp.
Kung ang paglutang ng romantisismo ay bilang reaksyon sa klasisismo, masasabing ang
realismo ay isang reaksyon sa pananaw na itinaguyod ng romantisismo.
Pinapaburan ng realistang manunulat ang mga pangyayaring nagaganap sa buhay ng
nakararami tulad ng: pagkaapi, paghihirap, pagbaba ng katayuan ng mga nasa gitnang uri,
prostitusyon, pakikibaka ng mga manggagawa, karaniwang panahon at lipunan, nagtatala ng
mga kaganapan sa panahong iyon ng kanyang lipunan sa masining na paraan, pag-unawa sa
panahon o kaligiran o sa mga kontekstong kultural, pulitikal at pangkabuhayan kung kailan
naisulat ang akda.
Iba’t ibang Pangkat ng Pagsusuring Realismo:
1. Pinong Realismo - kadalisayan ng mga bagay-bagay at iwinawaksi ang pagmamalabis at
kahindik-hindik.
2. Sentimental na Realismo -mas optimistiko at nilalagay ang pag-aasa sa damdamin kaysa
kaisipan sa paglutas ng pang-araw-araw na suliranin.
3. Kritikal na Realismo – paglalahad ng kalagayan ng lipunang maaring mabago tungo sa
pagtatayo ng lipunang pinamumunuan ng mga uring anak-pawis.
4. Mahiwagang Realismo- pantasya at katotohanan nang may kamalayan. Pinagsasama ang
mga mito at karunungang bayan satakbo ng kuwento upang masalamin ang mga
katotohanang nagaganap sa lipunan.
5. Sosyalistang Realismo – kaapihan ng mga uring manggagawa.
6. Sikolohikal na Realismo na nagpapakita ng pagkilos ng tao bunsod ng damdaming likha
ng nakapaligid sa kanya.
Naging masigla ang talakayin tungkol sa Realismo noong unang bahagi ng siglo 1900.
Nakatulong dito ang kilusang anti- Romantisismo sa Alemanya kung saan mas nagtuon
ng pansin ang sining sa pangkaraniwang tao. Idagdag pa rito ang patataguyod ni Auguste
Comte (kilalang Ama ng Sosyolohiya) ng proditibistikong pilosopiya sa paglulunsad ng
siyentipikong pag-aaral; ang pag-unlad ng propesyunal na journalism kung saan inuulat
nang walang bahid ng emosyon o pagsusuri ang mga kaganapan at ang paglago ng
industriya ng potograpiya.
 Halimbawa ng Pelikulang Realismo
Hating Kapatid (Judy Ann at Sarah Geronimo)
•
•
Dekada ’70 (Vilma Sanyos at Christopher de Leon)
Katanungang nasasagot sa Realismo
Paano inilarawan ng pelikula ang mga pangyayari sa totoong buhay?
Matapat ba ito o subersibo sa realidad? •
Paano nito “hinubog” o “minolde” o
“iprinisenta” ang realidad?
•
•
Dulog 1: realismo = kapani-paniwala ang mga karakter at pangyayari (parang totoo,
pwedeng totoo)
Dulog 2: realismo = totoo ang nirereprodyus na imahe sa kamera (realistiko,
makatotohanan ang pagsalamin o paglalarawan sa realidad)
3. Pormalismo – Tumutukoy sa isang uri ng kritisismo na nagbibigay-diin sa porma ng isang
teksto at hindi sa nilalaman. Binibigyan nito ng markadong atensyon ang kaayusan, istilo o
paraang artistiko ng pelikula.
Sa dulog na ito’y pinagtutuunan ng pansin sa katha o akdang pinag-aaralan ang mga
elementong bumubuo sa katha. Madaling maipaliwanag ang kabuuan ng mga akda kung ang
mga elementong taglay lamang ng akdaang higit na pinag-uukulan ng pansin.
Pormalistiko ang dulog ng pag-aaral ng isang akda kung kung inihihiwalay ang akda sa buhay
o pangyayaring kinasasangkutan ng may-akda pangkasaysayan man o panlipunan.
Ayon kay Soledad Reyes, “sa paggamit ng pormalistikong pagdulog ay napagtutuunan ng
pansin ang mga detalye at bahagi ng kuwento upang itanghal ang pagiging masining at
malikhain ng komposisyong ito.” Tinatalakay ang magandang pagkakaugnay-ugnay ng mga
bahagi sa katha-ang (1) Tema, (2) Tauhan, (3) Tagpuan, at (4) pagkakasunod –sunod ng mga
pangyayari sa dulog na ito.
 Halimbawa ng Pelikulang Pormalismo
Way Back Home (Kathryn Bernardo at Julia Montes)
Katanungang nasasagot sa Pormalismo
• Paano nakatulong o nakasama ang liwanag/ilaw, tunog/sound track, presentasyon ng
mga eksena (shot composition), disenyo ng set, (mga) kulay ng eksena, editing ng
mga eksena sa kasiningan ng pelikula?
• Paano nakapukaw ng damdamin (o hindi nakapukaw ng damdamin) ang
liwanag/ilaw, tunog/sound track, presentasyon ng mga eksena (shot composition),
disenyo ng set, (mga) kulay ng eksena, editing ng mga eksena sa kasiningan ng
pelikula?
• Paano nagko-complement o nag-aaway-away ang mga nabanggit na elemento?
4. Feminismo - Ang layunin ng teorya ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang
pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang
isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay
ipimayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.
Babae Kami
Babae kami
Hindi manikang
Lalaruin, huhubaran
Bibihisan, ikukulong
Hindi pagkaing
Sa mesa ihahain
Babalatan, hihimayin
-Marra LannotMay mga teoristang nagsasabi na ang kagandahan ng feminismo ay nasa pagiging postmodern
nito---ayaw magpakahon sa alinmang kategorya. Ang kasaysayan ng kritisismong feminismo ay
puno ng kontradiksiyon. Nariyang halos subukan nitong ipasok ang iba’t ibang teorya para lamang
baliktarin at gamitin para tumbahin ang patriarkal na ideolohiya.
Isa sa mga kahanga-hangang nangyari sa feminismo ay ang pagbuhay nito ng ‘autor’ dahil
pinaniwalaang ‘patay’ na ang autor sa kontemporaryong panahon. Binigyang-halaga at
importansiya ng feminismo ang autor dahil siya ang nakadanas ng karanasan at akma ng
paghulagpos. Mahalagang ‘marinig’ ng mambabasa ang tinig na pinipi ng dominante at
hegemonikong kalakarang patriarkal.
Mahaba din ang pinagdaan ng kasaysayan ng kritisismong feminismo. Ipinaliwanag halimbawa
ni Elaine Showalter ang tatlong phases nito: ang feminine (1840-80), feminist (18801920) at
female (1920 hanggang kasalukuyan). Mula sa ‘panggagaya’ ng manunulat na babae sa lalaki,
papuntang radikal na paghiwalay at sa pagkonstrak ng sulat at karanasan ng babae na mayroong
“boses” na iba sa lalaki. Samantala, kinilala lamang ni Toril Moi ang textong feminista ayon sa
pagiging “feminist” (politikal na posisyon), “female” (biyolohikal), at “feminine” (kultural at
socially constructed) ---ang mga kategoryang ito ay nabuo ayon na rin sa ‘conditioning’ at
‘socialization’ na dinanas/ipinadanas sa mga babae sa mga akdang pampanitikan. Naging layunin
kung ganoon ng feminismo na ilantad ang mga ito at ipakita ang relasyon bilang mekanismo ng
panlulupig ng patriarkal na sistema.
Noong una ang kritisismong feminismo ay nakatuon lamang sa pagbasa ng texto ngunit noong huli
ay naiangat na sa pagteteorya at dumako na sa postistruktural at postmoderno. Ang
pagkapostmodern ng feminismo ay nalikha dahil sa paghalaw nito ng iba’t ibang istilo, porma at
genre sa pagsusulat; naging ‘eclectic’ na ang feminist writing. Sa isang pagbasa, ang katangiang
eclectic na ito ay nakonstrak dahil sa pagbalikwas sa dominanteng porma na naghahanap ng
organikong kaisahan; na sa isang katotohanan ay instrumento sa pagpapanatili ng sistemang
patriarkal at gitnang-uri. Ngunit masasabi rin, na itong eklektismo ay ang pagsandig ng feminismo
sa paniniwalang ang panulat ng babae (kailan man) ay hindi magiging tulad ng sa lalaki: rasyunal,
obhektibo at hindi emosyonal.
Isa sa mga patunay sa ganitong pananaw ay ang pagkilala, gamit ang linguistiko at sikoanalitik na
teorya, sa prosa o tuluyan bilang lalaking panulat. Handikap o magkakaroon ng kapansanan ang
babae kung ito ang gagamiting porma sa pagsulat. Dito naimbento ni Kristeva ang ‘symbolic’ at
‘semiotic’ na maaring gamitin sa pagsulat at pagbasa ng akda. Sa ‘symbolic’ na aspeto ng texto
pinaniniwalaang ang pagiging ‘fixed and unified’ ng kahulugan; samantala, sa ‘semiotic’ ang texto
ay malayang gumamit ng wika sa paraang ‘displacement, slippage, condensation.’ Higit nitong
pinalilitaw ang katangian ng babae bilang hindi hayag bagkus ay misteryoso. At mas naipapakita
ito sa tula kesa sa prosa.
Sa kabuuan, ang kritisismong feminismo ay may layuning muling iakda ang babae sa pagsusulat
man o sa pagbasa ng panitikan. Sa ganitong layunin ay maiaangat ang estado ng babae, mabibigyan
ng boses, makalilikha ng sentro, mabigyang kapangyarihan at mailalagay sa di establing posisyon
ang sistemang Patriarkal-na ang lalaki ang may control ng lipunan, na ang papel na ginagampanan
ng babae’y tagasunod lamang sa lalake sa lahat ng larangang kultural gaya ng relihiyon, pamilya,
politika, ekonomiya, lipunan, batas, sining (Mendiola, 1991).
•
•
•
•
•
•
Sinu-sino o anu-anong pwersa ang humahadlang sa plano o pagtatagumpay ng
babaeng karakter?
Paano inilarawan ang mga babaeng karakter: bida ba o kontrabida ang nang-api o
inapi, ang nagsamantala o pinagsamantalahan?
Paano bumangon sa kaapihan o sitwasyong mapagsamantala ang mga babaeng
karakter?
Paano nila sinalansang ang sistemang patyarkal?
Paano sila nagpaalipin sa sistemang patyarkal?
Mapagpalaya ba sa aspektong pangkasarian ang pelikula?
HALIMBAWA NG MGA PASUSURI SA PELIKULA GAMIT ANG IBA’T IBANG
TEORYA Marxistang Pagsipat sa “Cesar Chavez”
• Manggagawang migrante versus kapitalista
• Tunggalian: pagtutol ng kapitalista sa hiling ng mga migrante na itaas ang sweldo nila
• Bida ang manggawa
• Kampanyang boykot, welga, hunger strike ng manggawa
• Ginamit ng kapitalista ang pulisya at pambansang gobyerno laban sa kapitalista
(bagamat may kaalyado ring politico ang mga nagwewelga)
Nagtagumpay ang manggagawa.
Feministang Pagsipat sa “Everything About Her”
• Hadlang: kanser
• Babae (Vilma): Kontrabidang naging bida
• Babae (Angel) Nagpursige sa trabaho
• Sinalansang ang sistemang patyarkal sa pagtatagumpay sa career(Vilma) at pagtataguyod
sa pamilya (angel)
• Mapagpalaya
Formalistang Pasipat sa “Dagsin”
• Melodramatiko ang soundtrack: pinupukaw ang malalim na hugot ng pangungulila sa
iniibig at pagpapahayag ng walang hanggang pag-ibig, gayundin ng kalungkutan sa mga
sugat ng kahapon na di mabura-bura.
• Ang tingkad ng kulay ng mga eksena ay nagpapakita rin ng intensidad ng mg aemosyon
ng mga tunggaliang tumawid sa iba’t ibang panahon.
•
“Art Film” ang peg ng pelikula, makinis na makinis ang kuha ng eksena, walang magalaw
na anggulo halos, ngunit may banayad na pagbanat sa isyung nabaon na sa limot – ang
batas Militar at mga diktatura ng mga nagdaang dekada.
Gawain
GAWAIN BLG. 1
Pangalan: _____________________________________________ Petsa: ___________
Kurso at Taon: _________________________
Marka: ______________________
Takdang Petsa ng Pagpapasa: Enero 12, 12:00 PM
Short Bond paper, Times New Roman (fs 12),
Ipadala sa google classroom
I.
Panuto: Panoorin ang pelikulang: Four Sisters and a Wedding. Magsagawa ng
Pagsusuri ng isang Pelikulang Panlipunan, gamitin ang pormat na nasa ibaba
Pamagat ng Pelikula
Direktor ng Pelikula
Mga Pangunahing Tauhan: (ilahad ang tunay na
pangalan at pangalan sa loob ng pelikula)
Mga Dulog na nakapaloob sa pelikula:
Dulog 1
Dulog 2
Dulog 3
Dulog 4
Nais ipabatid ng pelikula sa mga manonood
Natutunan
mo
bilang
isang manunuri
pagkatapos mapanood ang pelikula
Mga Pangyayari/Eksena sa
magpapatunay sa nasabing dulog
pelikula na
Rating (1-5)
Download