Aralin 1 ANG WIKANG FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA Panimula: Bumilang na ng maraming taon ang kasaysayan ng Wikang Filipino bago pa nito narating ang kasalukuyang kalagayan bilang Pambansang wika. Angkin nito ang proseso ng papili, pagsasabatas, pagpapalaganap, pagtanggap at pagpapatanggap sa tinaguriang wikang mababasa sa Saligang Batas upang kilalanin ang Filipino bilang wikang pambanasa. Sa araling ito , tatalakayin ang pag unlad ng Filipino bilang isang wikang pambansa. Tagalog Sa Artikulo 13 ng Saligang Batas ng 1935 ay simulang mababasa ang pangangailangan na pagsasainstitusyon ng wikang pambansa sa Pilipinas. Isang wika na makapag-iisa at makapagbibigkis sa mga mamamayan ng bansa. Ito rin ang nag-udyok upang maitatag ang Surtian ng Wikang Pambansa sa ilalim ng Batas Komonwelt bilang 184 noong Nobyembre 13, 1936. Gampanin ng Surian na masuri at mapili ang wikang pambansa mula sa mga umiiral na wika sa bansa gamit ang mga sumusunod na kriterya: 1. May maunlad na mekaniks,estruktura, at panitikan 2. Wikang tinatanggap at ginagamit ng maraming Pilipino Ang mga tumutol: 1. Hermegildo Villanueva ng Negros Oriental 2. Wenceslao Vinzons ng Camarines Norte 3. Felipe Jose ng Mountain Province 4. Norberto Romualdez ng Leyte na sumulat ng Batas Komonwelt Blg 184. At kinikilalang Arkitekto ng Wikang Pambansa Subalit , ang pagpigil dito ay hindi naging matagumpay sapagkat nagpatuloy ang pananaig ng Tagalog bilang sentro o nukleyo ng nais itadhanang wikang pambansa. Tagalog Hinirang ang Tagalog bilang wikang pundasyon ng nais itadhanang. Ang pagkakapili sa Tagalog ay senaryo na tinutulan ng mga kinatawan ng iba pang wika sa ibang rehiyon, sapagkat ayon sa kanila ang sentralisasyon sa Tagalog para sa pagtatadhana ng wikang pambansa ay hindi kumakatawan at sumasalig sa interes ng iba pang wikang katutubong umiiral sa Pilipinas at inilaban ito ng isang deligasyon sa Kumbensyon Konstitusyunal. Tagalog Ang mga tumutol: 1. Hermegildo Villanueva ng Negros Oriental 2. Wenceslao Vinzons ng Camarines Norte 3. Felipe Jose ng Mountain Province 4. Norberto Romualdez ng Leyte na sumulat ng Batas Komonwelt Blg 184. At kinikilalang Arkitekto ng Wikang Pambansa Subalit , ang pagpigil dito ay hindi naging matagumpay sapagkat nagpatuloy ang pananaig ng Tagalog bilang sentro o nukleyo ng nais itadhanang wikang pambansa. Wikang Pambansang Pilipino Ito ay itinadhana sa ilalim ng Batas Komomwelt Blg 570 na mula sa Tagalog, ito ay naging Wikang Pambansang Pilipino noong 1946. Ang pagpapalit ng pangalang ito ay dahil sa patuloy na pagbalikwas sa kaisipang sentralisadong maka-Tagalog. Pilipino Lumipas ang labintatlong taon pinaikli ang pangalan nito sa Pilipino alinsunod sa Kautusang Pangkagawaran Blg 7 ng Kalihim ng Edukasyon Jose B. Romero upang mailagan na ang mahaba nitong pangalan. Filipino Ayon sa Saligang Batas ng 1973 na ipinag-utos ang paggawa ng hakbang ng Batasang Pambansa tungo sa paglinang at pormal na adapsyon ng isang panlahat na wikang pambanasang tatawaging Filipino. Noong 1987, tuwirang inihayag sa Artikulo 14 Seksyon 6 na ang wikang pambanasa ay Filipino. Kasabay ng paalala ng pagpapayabong at pagpapayaman sa mga umiiral na wika ng Pilipinas at iba pang wika. Kasa rin niyon ang puspusang pagtataguyod sa paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wikang panturo. Wikang Opisyal Wikang Opisyal Katuwang ng wikang pambansa ang wikang opisyal bilang midyum ng pakikipagtalastasan sa bansa. Ipinaliwanag ni Omoniyi (2010,mula aklat ni Reyes (2016) sa artikulong language and Postcolonial Identities: An African Perspective, na ang wikang opisyal ay wikang itinalaga ng tiyak na institusyon para maging wikang opisyal ng pakikipagtalastasan at pakikipagtransaksyon dito. Ito ay wikang kinikilala at sinasang-ayunan ng isang institusyon upang maging wika ng opisyal na pakikipagkomunikasyon alinsunod sa pormal, opisyal at panloob na pakay nito. Wikang Opisyal Higit na nagging hayag ang pagkilala sa wikang opisyal noong Panahon ng Amerikano,subalit, nang ipagkaloob ng mga Amerikano ang pamumuno sa pamamahalaan ng bansa ay nagkaroon ito ng kalituhan.Ito ay dahil sa umiiral sa panahong iyon ang paggamit ng Kastila, Ingles, at Tagalog. Sa ilalim ng Saligang Batas ng 1935, Artikulo 13 Seksyon 3, pinakitang ang Ingles at Kastila ang mga Opisyal na Wika ng bansa. Hindi gaanong nanaig ang Kastila bilang wikang opisyal, pagkat hindi gaya ng Ingles ay hindi nagging malawakan ang paggamit at pagtuturo ng Kastila. Samantalang sa ilalim ng Saligang Batas ng 1973, Artikulo 15 Seksyon 3, Ingles at Pilipino. Sa kasaalukuyan, sa ilalim ng Artikulo 14, Seksyon 7 ng Saligang Batas 1987, binanggit na opisyal na wika ng Pilipinas ang wikang Filipino at hanggang walang tinatadhana ang batas.