Uploaded by kathleen.tomas

es-p-dll-9-mod5-katarapatan-at-tungkulin compress

advertisement
DAILY LESSON LOG Paaralan
(Pang-araw-araw na Guro
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras
Baitang/ Antas
Asignatura
Markahan
9
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawa
UNANG ARAW
I. Layunin
A. Pamantayang
Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga karapatan at tungkulin ng tao sa lipunan.
B. Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o
naobserbahang paglabag sa mga karapatang pantao sa pamilya, paaralan, barangay/pamayanan,
o lipunan/bansa
C. Mga kasanayan sa
Pagkatuto. Isulat ang code
ng bawat kasanayan
1. Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao. EsP9TT-IIa-5.1
2. Napahahalagahan ang pagtupad ng tungkulin bilang isang Pilipino.
3. Naipakikita ang mga karapatang natatamo at ang wastong pagtupad sa tungkulin sa
pamamagitan ng malikhaing presentasyon.
II. Nilalaman
A. Sanggunian
Modyul 5: Karapatan at Tungkulin
1. Mga pahina sa Gabay ng
Guro
Edukasyon sa Pagpapakatao 9, TG p. 45-49
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-Magaaral
Edukasyon sa Pagpapakatao 9, LM p. 79-83
1
3. Mga pahina sa Teksbuk
Edukasyon sa Pagpapakatao 9, Vibal Publishing House, Inc. (2013), Constantina S. Arrogante;
Nenita I. De Vega, Dolores S. Quiambao, pp. 44-49
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitang
Panturo
III. Pamamaraan
sipi ng Paunang Pagtataya, sipi ng Panatang Makabayan, Manila paper, markers, journal, bolpen,
at notbuk
A. Balik-Aral sa nakaraang
aralin at pagsisimula ng
bagong aralin.
Ipakilala ang paksa gamit ang quotation mula sa pahayag ni Stan Lee sa kanyang sinulat na
Spiderman: “With great power comes great responsibility”.
Sagutan ang sumusunod na katanungan.
1. Anong pananagutan ang tinutukoy sa pahayag?
2. Saan nakaangkla ang kapangyarihang ito?
Sagutan ang Paunang Pagtataya: (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang mga sagot sa notbuk.
1. Alin ang batayan ng pagiging pantay ng tao sa kanyang kapwa?
a. Karapatan
b. Isip at kilos-loob
c. Kalayaan
d. Dignidad
2. Ang karapatan ay kapangyarihang moral. Alin sa sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?
a. Hindi maaaring puwersahin ng tao ang kanyang kapwang ibigay sa kanya nang sapilitan
2
ang mga bagay na kailangan niya sa buhay.
b. Hindi nito maaapektuhan ang buhay-pamayanan.
c. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kanyang kapwa ng igalang ito.
d. Pakikinabangan ito ng tao lamang dahil tao lamang ang makagagawa ng moral na kilos.
3. Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao ng gawin o iwasang gawin ang isang gawain. Alin
sa sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?
a. Nakasalalay ang tungkulin sa isip.
b. Nakabatay ang tungkulin sa Likas na Batas Moral.
c. Ang moral ang nagpapanatili ng buhay-pamayanan.
d. May malaking epekto sa sarili at mga ugnayan ang hindi pagtupad ng mga tungkulin.
4. Ano ang buod ng talatang ito?
Ayon kay Scheler, kailangang hubugin ang sarili tungo sa pagpapakatao upang matupad
din ng pamayanan, pamahalaan, o lipunang kinabibilangan niya ang tungkulin ng
paglinang ng pagpapakatao. Ngunit mahirap isagawa ang paghubog na ito sa sarili kung
hindi ginagawa ng mga institusyong panlipunan ang mga obligasyon nito ng itinakda ng
mga batas.
a. Mahalaga ang pananagutan ng indibidwal na maging mabuting mamamayan.
b. Kailangang tuparin ng bawat tao ang kanyang tungkulin upang magampanan ng lipunan
ang tungkulin nito sa tao.
c. Hindi makakamit ang kabutihang panlahat kung may mamamayang hindi tumutupad sa
tungkulin.
d. Kailangang magbigay ng serbisyo ang pamahalaan o lipunan bago mahubog ng
indibidwal ang sarili.
5. Alin ang hindi nagpapakita ng tungkuling kaakibat ng karapatan sa buhay?
a. Iniwasan ni Andrew na kumain ng karne at matatamis na pagkain.
b. Nagpatayo ng bahay-ampunan si Gng. Reyes para sa mga batang biktima ng pang3
aabuso.
c. Sumasali si Jayson sa mga isport na mapanganib tulad ng drag racing para sa motorsiklo.
d. Nagsimula ng soup kitchen si Aling Mameng para sa mga batang kalye.
6. Anong karapatan ang ipinapahayag sa talata sa ibaba na kaakibat ng tungkuling ipinakita
ng tauhan?
Si Aling Crystal, 75 taong gulang ay nanilbihan bilang porter sa isang homeless shelter sa
Roma. Namuhay siya nang simple gamit ang isang jacket, isang damit at isang blusa.
Tuwing matatanggap niya ang kanyang pension mula sa Social Security System (SSS),
naglalakad siya nang mahigit isang milya upang ibigay niya ang kanyang kontribusyon sa
simbahan (tithing).
Kier Mich, 2012, ph 145-146
a. Karapatan sa pribadong ari-arian
b. Karapatan sa buhay
c. Karapatang gumala o pumunta sa ibang lugar
d. Karapatang maghanapbuhay
7. Anong karapatang batay sa encyclical na “Kapayapaan at Katotohanan (Pacem in Terris)”
ang ipinakita ng tauhan?
Itinakas ni Akbar ang pamilya niya mula sa Surigao patungong Lucena upang takasan
ang mga kaguluhan sa kanilang lugar dulot ng terorismo.
a. Karapatang mabuhay
b. Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos na
pamumuhay.
c. Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan (migrasyon)
d. Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas
4
8. Ano ang ibig sabihin ng talata sa ibaba?
Ang panawagan ng karamihan tungkol sa karapatang pantao tulad ng karapatan sa
kalusugan, sa bahay, sa trabaho, sa pamilya, sa kultura ay paglabag sa katotohanan at
isang panloloko lamang kung ang karapatan sa buhay ang pinakababantayan at
pangunahing karapatan at kailangan para sa lahat ng iba pang karapatang personal, ay
hindi naipagtatanggol nang may mataas na antas na determinasyon. (Pacem in Terris)
a. Kailangang ipagtanggol ang panawagan sa mga karapatang pantao.
b. Isang panloloko at paglabag sa Likas na Batas Moral ang pagsuporta sa aborsyon.
c. Kailangang gamitin ang lahat ng paraan upang ipagtanggol ang mga batas at plano na
nagtataguyod ng paglabag sa karapatan sa buhay.
d. Pangunahing karapatan ang karapatan sa buhay.
9. Aling karapatan ang isinasaad sa bawat tungkuling nasa kahon sa ibaba?
 Supurtahan ang pamilya sa sapat at masustansiyang pagkain
 Gabayan ang mga anak para makaiwas sa panganib
 Maging mabuting halimbawa ng pagsasabuhay ng mga birtud
 Pag-iwas sa eskandalo
a. Karapatan sa buhay
b. Karapatang magpakasal
c. Karapatang pumunta sa ibang lugar
d. Karapatang maghanapbuhay
10. Aling karapatan ang kaakibat ng tungkuling patuloy sa pag-aaral upang umangat sa karera
at maitaas ang antas ng pamumuhay?
a. Karapatan sa buhay
b. Karapatan sa pribadong ari-arian
c. Karapatang maghanapbuhay
d. Karapatang pumunta sa ibang lugar
5
Gabay sa Pagwawasto
1. d
2. b
3. a
4. b
5. c
6. a
7. c
8. a
9. d
10. a
B. Paghahabi sa layunin ng
aralin at pagganyak
Gamit ang objective board, ba basahin ng guro ang layunin ng aralin. (gawin sa loob ng 3 minuto)
(Reflective Approach)
1. Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao.
2. Napahahalagahan ang pagtupad ng tungkulin bilang isang Pilipino.
3. Naipapakita ang mga karapatang natatamo at ang wastong pagtupad sa tungkulin sa
pamamagitan ng malikhaing presentasyon.
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong
aralin
Iugnay ang paksang tatalakayin sa nakaraang aralin sa pamamagitan ng pagbigkas sa “Panatang
Makabayan”. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
Panatang Makabayan
Iniibig ko ang Pilipinas
Aking lupang sinilangan, tahanan ng aking lahi.
Kinukupkop ako at tinutulungan upang maging malakas, masipag at marangal.
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
Diringgin ko ang payo ng aking mga magulang
6
Susundin ko ang tuntunin ng paaralan
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng mamamayang makabayan;
Naglilingkod, nag-aaral, at nagdarasal ng buong katapatan.
Iaalay ko ang aking buhay, pangarap at pagsisikap sa bansang Pilipinas.
Sagutan ang sumusunod na katanungan.
1. Anong batas ang kailangang tuparin batay sa Panatang Makabayan?
2. Anong karapatan naman ang napapaloob dito?
D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1
A. Ipasulat sa notbuk ang anim na itinuturing nilang karapatan at iparanggo ito batay sa
kahalagahan para sa kanila. Gamitin ang bilang 1 hanggang 6.
B. Pangkatin ang klase sa lima. Magbahagihan tungkol sa mga tungkuling iniranggo. Sagutan ang
sumusunod na katanungan.
1. Ano-ano ang itinuturing ng inyong pangkat na karapatan?
2. Ipaliwanag ang inyong batayan sa resulta ng pagranggong ginawa ng inyong pangkat. Ano
ang sinasabi nito sa inyong pagkaunawa sa karapatan? (gawin sa loob ng 10 minuto)
(Collaborative/Reflective Approach)
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2
Pangkatin ang klase sa lima at pag-usapan ang isang malikhaing presentasyon
tungkol sa mga karapatan at tungkulin ng tao sa sumusunod na aspekto: (a) sa pamilya,
(b) sa paaralan, (c) sa barangay o pamayanan, (d) sa bansa o lipunan at (e) sa espiritwalidad.
(gawin sa loob ng 10 minuto)(Collaborative/Constructivist Approach)
Pangkat 1 – Tula o Rap (tungkulin at karapatan ng tao sa pamilya)
Pangkat 2 – Kanta o Jingle (tungkulin at karapatan ng tao sa paaralan)
Pangkat 3 – Maikling dula (tungkulin at karapatan ng tao sa barangay/pamayanan)
Pangkat 4 – Quiz Show (tungkulin at karapatan ng tao sa bansa/lipunan)
Pangkat 5 – TV Sitcom/News (tungkulin at karapatan ng tao sa espiritwalidad)
7
Gabay na mga katanungan.
a. Ano ang magkatuwang na kapangyarihan at obligasyong mahalaga sa pagpapanatili ng
maayos na buhay-pamayanan?
b. Ano-ano ang iyong tungkulin sa kapwa, sa sarili at sa bayan?
c. Paano mo ipinakikita ang pagtupad sa mga tungkulin?
d. Paano mo natatamasa ang iyong mga karapatan?
e. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga karapatan at tungkulin mo bilang
tao?
f. Paano ninyo pinahahalagahan ang inyong karapatan?
F. Paglinang sa
Kabihasahan (Tungo sa
Formative Assessment)
Bigyan ng sapat na panahon ang bawat pangkat para sa presentasyon ng natapos na pangkatang
gawain. Bigyan din ng pagkakataong makapagbigay ng pagtatasa ang bawat pangkat sa kapwa
pangkat na magpapakita ng kanilang presentasyon. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Collaborative
Approach)
Gamiting kraytirya ang sumusunod:
1. Kaangkupan ng pormat batay sa nakatakdang uri ng presentasyon (5 puntos)
2. Maikli ngunit mahusay ang paliwanag o deskripsiyon ng nakatakdang presentasyon.
(5 puntos)
3. Kaisahan at pakikiisa ng bawat kasapi ng pangkat (5 puntos)
4. Nakapupukaw ng interes ang ginawang presentasyon. (5 puntos)
Magbigay ng ilang papuri o pagpuna sa mga ginawang presentasyon batay sa pangangailangan
nito.
G. Paglalapat sa aralin sa
pang-araw-araw na buhay
Sumulat ng journal na binubuo ng 5 o higit pang pangungusap na nagpapaliwanag ng quotation na
ito: “With great power comes great responsibilty.” Iugnay ito sa sariling karanasan. (gawin sa
loob ng 5 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)
8
H. Paglalahat sa aralin
Ang bawat tao ay may kanya-kanyang karapatan. Mapahahalagahan niya ito nang husto
kung ang bawat karapatan ay natatamasa at nararanasan niya sa tulong ng kanyang kapwa at ng
mga pangunahing institusyon. Kaakibat ng bawat karapatan ang pagtupad sa mga gampanin at
tungkulin ng bawat tao sa kanyang kapwa, sa bayan, at sa Diyos (gaya ng napapaloob sa
Panatang Makabayan).
I. Pagtataya ng Aralin
Sabihin kung ang sumusunod ay (K) karapatan o (T) tungkulin ng tao. Isulat ang (K) o (T) sa
patlang. (gawin sa loob ng 3 minuto) (Reflective Approach)
1. Magsimba at sumamba___ (K)
2. Maglinis ng paligid___ (T)
3. Bumoto kapag halalan___(K)
4. Tumulong sa gawaing bahay___ (T)
5. Magtanong sa guro kung may hindi naintindihan__ (K)
J. Karagdagang gawain para
sa takdang aralin at
remediation
Pumili ng linya sa Panatang Makabayan. Isulat ito sa long typewriting bilang islogan. Lagyan ng
konting disenyo at ipaskil sa alinmang bahagi ng silid-aralang itinakda ng guro. Tiyaking madali
itong mabasa upang magsilbing paala-ala ng ating mga karapatan at tungkulin bilang tao.
Sundin ang sumusunod na kraytirya sa pagbibigay puntos:
1. Malinaw ang pagkakasulat ng bawat salita. (6 puntos)
2. Simple subalit malikhaing disenyo. (4 puntos)
IV. MgaTala
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
9
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng magaaral na nakaunawa sa
aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasang solusyunan sa
tulong ng aking
punongguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?
10
DAILY LESSON LOG Paaralan
(Pang-araw-araw na Guro
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras
Baitang/ Antas
Asignatura
Markahan
9
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawa
IKALAWANG ARAW
I. Layunin
A. Pamantayang
Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga karapatan at tungkulin ng tao sa lipunan
B. Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o
naobserbahang paglabag sa mga karapatang tao sa pamilya, paaralan, baranggay/pamayanan o
lipunan/bansa
C. Mga kasanayan sa
Pagkatuto. Isulat ang code
ng bawat kasanayan
1. Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya, paaralan,
barangay/pamayanan o lipunan/bansa. EsP9TT-IIa-5.2
2. Nakapagpapahayag ng saloobin hinggil sa napanood na documentary film.
3. Nakapagsasagawa ng maikling dulang nagsusuri sa mga paglabag sa karapatang pantao.
II. Nilalaman
A. Sanggunian
Modyul 5: Karapatan at Tungkulin
1. Mga pahina sa Gabay ng
Guro
Edukasyon sa Pagpapakato 9, TG p. 49-51
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-Magaaral
Edukasyon sa Pagpapakato 9, LM p. 83-85
11
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitang
Panturo
III. Pamamaraan
https://www.youtube.com/watch?v=UPpGxacNcxA dokumentaryong video tungkol sa Karapatang
Pantao, Manila paper, markers, journal, notbuk at bolpen
A. Balik-Aral sa nakaraang
aralin at pagsisimula ng
bagong aralin.
Tumawag ng ilang mag-aaral na nais magbahagi ng kanilang takdang gawain. Atasan ang mga
mag-aaral na ipaskil ang kanilang mga ginawa. Bigyan ng konting panahon ang lahat upang
makapaglibot at tingnan ang mga nakapaskil. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
Ano ang pagkakaiba ng karapatan sa tungkulin?
B. Paghahabi sa layunin ng
aralin at pagganyak
Gamit ang objective board, babasahin ng guroang mga layunin ng aralin. (gawin sa loob ng 5
minuto) (Reflective Approcah)
1. Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya, paaralan,
barangay/pamayanan, o lipunan/bansa.
2. Nakapagpapahayag ng saloobin hinggil sa napanood na documentary film.
3. Nakapagsasagawa ng maikling dula na nagsusuri sa mga paglabag sa karapatang pantao.
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong
aralin
Tumawag ng tatlong mag-aaral. Magpagawa ng charade sa tatlong salitang ito: (a) paggalang sa
buhay, (b) paggalang sa ari-arian at (c) paggalang sa kapwa. (gawin sa loob ng 5 minuto)
(Constructivist Approach)
D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
Pangkatin ang klase sa lima. Ipasuri ang mga karapatang pantaong nalabag sa bawat sitwasyon.
Ipahayag ang pagsusuri sa pamamagitan maikling pagsasadula. (gawin sa loob ng 20 minuto)
12
bagong kasanayan #1
(Collaborative/ Integrative Approach)
Pangkat 1: Isang buwan ng kasambahay si Ida sa Pamilya Hermoso. Sa nakaraang isang linggo,
tatlong bahay sa kanilang kapitbahayan ang inakyat ng magnanakaw. Natakot si Gng. Hermoso
dahil hindi niya kilala nang ganap si Ida. At dahil dito, baka pasukin din ang kanilang bahay kapag
isya lang ang tao rito. Nagpasiya si Gng. Hermoso na huwag palabasin ng bahay si Ida, kahit
bumili sa tindahan sa loob ng subdivision.
Pangkat 2: Nagsabi na ang 32 taong gulang na si Mary Jean sa kanyang ina na mag-aasawa na
siya.napagtapos na niya ang kanyang dalawang kapatid at nasa Junior High School na ang bunso.
Ngunit sinabi ng kanyang ina na kailangan munang magtapos ang huli bago siya magpakasal.
Siya lang ang inaasahan ng kanyang pamilya.
Pangkat 3: Inilabas ng United Nations ang planong Sustainable Development na may bisa
hanggang 2030. Isa sa mga tunguhin nito ang pagbibigay permiso sa lahat, kasama ang kabataan,
sa karapatang seksuwal at pagpapadami ( reproductive). Hindi binanggit sa dokumento ang
aborsyon bilang resulta ng mga karapatang ito. Hinihingi ng UN ang suporta ng mga lider ng mga
bansa para sa pagpapatupad ng planong ito.
Pangkat 4: Mula ng lumakas ang kita ng negosyong catering ni Aling Delia, nangangailangan siya
ng karagdagang waiter. Noong una, sapat ang sinusuweldo niya sa mga ito at libre ang pagkain
nila lalo na kapag may overtime na trabaho. Ngunit nang magkatampuhan si Aling Delia at ang
kanyang asawa, nagpasiya itong bumili ng condominium upang iwasan ang stress na sanhi ng
tampuhan nila. Dahil dito, hindi na tumatanggap ng sapat na pasahod ang mga waiter at hindi pa
nila ito natatanggap sa takdang araw.
Pangkat 5: Maraming sako ng bigas ang nakatago sa container van ni Mang Enteng bukod sa
nakikita sa kanyang tindahan sa palengke. Sa gitna ng panawagan ng pamahalaan ng tulong sa
pagkain, pera at damit para sa biktima ng kalamidad, 30 sako ng bigas lamang ang pinadala niya.
13
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2
Ipanood ang documentary film na tumatalakay sa karapatang pantao na nai-download mula sa
https://www.youtube.com/watch?v=UPpGxacNcxA (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective
Approach)
Sagutan sa notbuk ang mga katanungang ito.
1. Bakit mahalaga ang kamalayan sa mga karapatang pantao?
2. Ano ang tungkulin ng bawat tao kaugnay ng mga karapatang pantao? Magbigay ng
halimbawa.
3. Ano ang mahahalagang mensahe ng documentary film na napanood? Ipaliwanag.
4. May magagawa ka ba sa mga malawakang paglabag sa karapatang pantao na ipinakita sa
documentary film? Ano ang maaari mong gawin sa mga paglabag na ito?
F. Paglinang sa Kabihasahan
(Tungo sa Formative
Assessment)
Magpahayag ng mga maaaring mangyari sa mga sitwasyon sa ibaba at kung ano ang magiging
epekto nito sa lipunan. Ang unang bahagi ay ginawa para sa iyo.
Sitwasyon
Ano ang maaring mangyari?
Epekto sa lipunan
Walang paaralang
Marami ang hindi makapagMaraming mangmang at
pampubliko.
aaral dahil sa kasalatan sa
inaapi sa lipunan.
buhay.
Walang mga pagamutang
pampubliko.
Walang batas-trapiko.
Walang bayarin sa tax ang
sinumang tao.
Walng resibo sa alinmang
tindahan.
Hindi na bawal ang droga.
Maari ng sigawan ng mga
anak ang kanilang magulang.
14
G. Paglalapat sa aralin sa
pang-araw-araw na buhay
Magsulat ng journal na nagpapahayag ng iyong sariling saloobin at opinyon hinggil sa mga umiiral
na paglabag sa karapatang pantao sa ating bansa batay sa mga balita sa radyo, diyaryo,
telebisyon at social media kagaya ng extra -judicial killing. (gawin sa loob ng 5 minuto)
(Reflective/Constructivist Approach)
H. Paglalahat sa aralin
Bawat tao ay may karapatan. Bawat tao ay nilikhang pantay-pantay. Walang sinuman ang
nakahihigit sa kaninuman lalo at sa usaping karapatang pantao. Sa mata ng batas, pantay-pantay
ang lahat – walang mahirap, walang mayaman.
I. Pagtataya ng Aralin
Magbigay ng sitwasyong labag sa bawat karapatan sa ibaba. 2 puntos sa bawat karapatan.
(gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
a. Karapatan sa buhay
b. Karapatan sa malayang pagpapahayag
c. Karapatan sa paghahanapbuhay
d. Karapatan sa pagkain
e. Karapatan sa pagmamay-ari o ari-arian
J. Karagdagang gawain para
sa takdang aralin at
remediation
IV. MgaTala
V. Pagninilay
Pumili ng isang serye ng panoorin sa telebisyon kapag prime time. Maglista ng mga paglabag sa
karapatang ipinakita sa panoorin. Sa bawat nailistang paglabag, magbigay ng tungkulin na sa
iyong palagay ay nararapat gawin ng isang tulad mo.
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
15
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng magaaral na nakaunawa sa
aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasang solusyunan sa
tulong ng aking
punongguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?
16
DAILY LESSON LOG Paaralan
(Pang-araw-araw na Guro
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras
Baitang/ Antas
Asignatura
Markahan
7
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikaapat
IKATLONG ARAW
I. Layunin
A. Pamantayang
Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga karapatan at tungkulin ng tao sa lipunan
B. Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o
naobserbahang paglabag sa mga karapatang pantao sa pamilya, paaralan, barangay/pamayanan,
o lipunan/bansa.
C. Mga kasanayan sa
Pagkatuto. Isulat ang code
ng bawat kasanayan
1. Napatutunayan na ang karapatan ay magkakaroon ng tunay na kabuluhan kung gagampanan
ng tao ang kanyang tungkulin na kilalanin at unawain, gamit ang kanyang katuwiran, ang
pagkakapantay-pantay ng dignidad ng lahat ng tao. EsP9TT-IIb-5.3
2. Napahahalagahan ang sariling karapatan at naigagalang ang karapatan ng ibang tao.
3. Nakagagawa ng tula o sanaysay, awit o jingle, poster, slogan o alinmang uri ng media na
tumatalakay sa mga karapatang pantao.
II. Nilalaman
Modyul 5: Karapatan at Tungkulin
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng
Guro
Edukasyon sa Pagpapakato 9, TG p. 51-52
2. Mga Pahina sa
Edukasyon sa Pagpapakato 9, LM p. 85-92
17
Kagamitang Pang-Magaaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitang
Panturo
III.Pamamaraan
kopya ng awiting Bawat Bata ng Apo Hiking Society , PowerPoint Presentation, laptop, projector,
Manila paper, marker, notbuk, https://www.youtube.com/watch?v=gdaTGTFqrno
A. Balik-Aral sa nakaraang
aralin at pagsisimula ng
bagong aralin.
Tumawag ng apat na mag-aaral na magkakaiba ang pinanood na serye sa telebisyon at hayaan
silang magbahagi tungkol sa kanilang ginawang pagsusuri. (gawin sa loob ng 5 minuto)
(Reflective Approach)
B. Paghahabi sa layunin ng
aralin at pagganyak
A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin. (gawin sa loob ng 5
minuto) (Reflective Approach)
1. Napatutunayang ang karapatan ay magkakaroon ng tunay na kabuluhan kung gagampanan
ng tao ang kanyang tungkulin na kilalanin at unawain, gamit ang kanyang katuwiran, ang
pagkakapantay-pantay ng dignidad ng lahat ng tao.
2. Napahahalagahan ang sariling karapatan at naigagalang ang karapatan ng ibang tao.
3. Nakagagawa ng tula o sanaysay, awit o jingle, poster, slogan, o alinmang uri ng media na
tumatalakay sa mga karapatang pantao.
B. Ganyakin ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng sabayang pag-awit ng awiting pinasikat ng
Apo Hiking Society na may pamagat na “Bawat Bata”.
C. Pag-uugnay ng mga
Panoorin ang video na naglalagom ng araling nai-download mula sa
18
halimbawa sa bagong
aralin
D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1
https://www.youtube.com/watch?v=gdaTGTFqrno. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective
Approach)
Talakayin ang paksa gamit ang PowerPoint Presentation. Sagutan sa notbuk ang sumusunod na
katanungan. (gawin sa loob ng 20 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)
1. Ano ang karapatan? Bakit ito ay sinasabing kapangyarihang moral?
2. Bakit kailangang ipagtanggol nang may mataas na determinasyon ang karapatan sa buhay?
Pangatuwiranan.
3. Saan nakabatay ang karapatan? Ipaliwanag.
4. Ano ang tungkulin? Bakit ito ay obligasyong moral?
5. Bakit kailangang tuparin ng sinuman ang kanyang tungkulin na hubugin ang sarili tungo sa
pagpapakatao ayon kay Max Scheler?
6. Ano ang batayan sa pagbuo ng Pangkalahatang Deklar asyon ng mga Tungkulin ng Tao?
7. Ano-ano ang epekto ng hindi pagtupad ng tungkulin? Ipaliwanag.
Nilalaman ng PowerPoint Presentation
MODYUL 6: KARAPATAN AT TUNGKULIN
A. Karapatan
 Kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at angkinin ang mga bagay
na kailangan ng tao sa kanyang estado sa buhay
 Nakabatay sa Likas na Batas Moral
 Pakikinabang ng tao dahil tao lamang ang may moral na kilos
 Kaakibat ay obligasyon o tungkulin
B. Kapangyarihang Moral ng Karapatan
 Hindi maaaring puwersahin ng tao ang kanyang kapwa na ibigay sa kanya ng sapilitan
ang mga bagay na kailangan niya sa buhay
C. Obligasyon
 Akuin at tuparin ng tao ang kanyang tungkulin
 Igalang ng tao ang isa pang tao
19
D. Mga Karapatang Halaw sa Pacem in Terris
1) Karapatang mabuhay at kalayaan sa pangkatawang panganib
2) Karapatan sa batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos na
pamumuhay
3) Karapatan sa malayang pagpapahayag ng opinyon at impormasyon
4) Karapatan sa malayang pagpili ng relihiyon at pagsunod sa konsensiya
5) Karapatan sa pagpili ng propesyon
6) Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan
7) Karapatan sa aktibong pakikilahok sa mga pampublikong gawain o proyekto
8) Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas laban sa mga paglabag ng mga
karapatang ito
E. Mga Karapatan at ang Kaakibat na Tungkulin Nito
1. Karapatan sa buhay
 Pangalagaan ang kalusugan at ang sarili sa mga panganib ng katawan at kaluluwa.
 Paunlarin ang talento at kakayahan.
 Pagpapagamot kung may sakit
 Umiwas sa isport na mapanganib
2. Karapatan sa pribadong buhay
 Pangalagaan at palaguin ang anumang ari-arian at gamitin ito upang makatulong
sa kapwa at sa pamayanan
3. Karapatang magpakasal o bumuo ng pamilya
 Suportahan ang pamilya at gabayan ang mga anak upang maging mabuting tao
 Pagiging mabuting halimbawa sa anak
 Pag-iwas sa iskandalo na makakasira sa pamilya
 Pagsasabuhay ng mga birtud bilang pamilya
4. Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya
 Igalang ang relihiyon o paraan ng pagsamba ng iba
 Paggalang sa pag-alaala sa mga patay at ninuno
5. Karapatang pumunta sa ibang lugar
20
 Igalang ang pribadong boundary
 Kilalanin ang limitasyon ng sariling kalayaan at pribadong espasyo ng kapwa
 Paggalang sa pag-aari ng iba
6. Karapatang magtrabaho at maghanapbuhay
 Magpunyagi at magpakita ng kahusayan sa anumang gawain
 Hindi pinalilipas ang oras na walang ginagawa
F. Epekto ng Hindi Pagtupad sa Tungkulin
 Kawalan ng katarungan
 Kawalan ng kapanatagan
 Pagsisisi
 Kaguluhan ng kaisipan
 Sirang pangako at uganayan sa kapwa
G. Fundamental Principles for Humanity
 Ang bawat tao - anuman ang kasarian, lahi, estado sa lipunan, opinyon sa mga
isyung politikal, wika, edad, nasyonalidad, o relihiyon – ay may tungkulin na
pakitunguhan ang lahat ng tao sa paraang makatao.
 Walang tao ang dapat sumuporta sa anumang uri ng hindi makataong asal, kaya
ang lahat ng tao ay may tungkuling pagsumikapang pangalagaan ang dignidad at
tiwala sa sarili at kapwa.
 Walang tao, pangkat, organisasyon, bansa, army, o pulisya ang dapat mangibabaw
sa mabuti at masama, lahat ay dapat sundin ang pamantayang moral. Bawat isa ay
may tungkuling itaguyod ang mabuti at iwasan ang masama sa lahat ng bagay.
 Lahat ng tao, gamit ang kanilang isip at konsensiya, ay dapat tanggapin ang
kanilang tungkulin sa bawat isa, sa mga pamilya at pamayanan, lahi, bayan at
relihiyon nang may pagkakaisa. Huwag mong gawin sa iba ang anumang ayaw
mong gawin nila sa iyo.
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
Magtala ng limang karapatan bilang bata at sabihin kung ito ay malaya at masaya mong
natatamasa. Iranggo ito ayon sa antas ng kasiyahang iyong nararanasan. Gamitin ang bilang 1-5.
21
bagong kasanayan #2
(gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
F. Paglinang sa Kabihasahan Pangkatin sa lima ang klase. Magbahagihan upang makabuo ng isang Concept Map. Ibahagi sa
(Tungo sa Formative
klase ang output ng pangkat. Gamiting gabay ang mga tanong na ito. (gawin sa loob ng 10
Assessment)
minuto) (Reflective/Collaborative Approach)
1. Ano ang dapat gawin upang magkaroon ng tunay na kabuluhan ang karapatan?
2. Bakit moral na gawain ang pagtupad sa tungkulin?
3. Ano-ano ang obligasyong kaakibat ng karapatan ng isang tao?
G. Paglalapat sa aralin sa
pang-araw-araw na buhay
Gumawa ng liham para sa iyong magulang na nagsasaad ng iyong pasasalamat sa pagkakaloob
nila sa iyo ng mga pangunahin mong karapatan: pangalan, damit, tirahan, edukasyon, pagkain, at
iba pang katulad nito. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Constructivist/Integrative Approach)
H. Paglalahat sa aralin
Kaakibat ng karapatan ng isang tao ay ang kanyang tungkulin sa kanyang kapwa na igalang
ang karapatan nito. Kapag nilabag ang karapatang ito, magkakaroon siya ng damdaming pagsisisi.
Kasama sa pagiging moral ng tao ay ang tungkulin. Ang pagtalikod o hindi pagtupad sa tungkulin
ay pagsalungat sa buhay-pamayanan na may malaking epekto sa sarili at mga ugnayan.
I. Pagtataya ng Aralin
Aling tungkulin ang kaakibat ng bawat karapatan
(Reflective/Constructivist Approach)
Karapatan
1. Karapatan sa buhay (c)
2. Karapatan sa pribadong ari-arian (d)
3. Karapatang pumunta sa ibang lugar (b)
4. Karapatang sumamba o ipahayag ang
pananampalataya (e)
5. Karapatang magtrabaho o
maghanapbuhay (a)
22
sa ibaba? (gawin sa loob ng 5 minuto)
Tungkulin
a. Magpakita ng kahusayan sa paggawa
b. Paggalang sa pribadong boundary
c. Pangangalaga sa kalusugan ng katawan at
kaluluwa
d. Pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad
e. Paggalang at pagdiriwang sa Araw ng
Pasko
J. Karagdagang gawain para
sa takdang aralin at
remediation
IV. MgaTala
V. Pagninilay
Gumawa ng tula o sanaysay, awit o jingle, poster, slogan o alinmang uri ng media na tumatalakay
sa mga karapatang pantao at ang tungkuling kaakibat nito. Humanda sa pagbabahagi.
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng magaaral na nakaunawa sa
aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?
23
F. Anong suliranin ang aking
naranasang solusyunan sa
tulong ng aking
punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?
24
DAILY LESSON LOG Paaralan
(Pang-araw-araw na Guro
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras
Baitang/ Antas
Asignatura
Markahan
9
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawa
IKAAPAT NA ARAW
I. Layunin
A. Pamantayang
Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga karapatan at tungkulin ng tao sa lipunan
B. Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o
naobserbahang paglabag sa mga karapatang tao sa pamilya, paaralan, barangay/pamayanan, o
lipunan/bansa.
C. Mga kasanayan sa
Pagkatuto. Isulat ang code
ng bawat kasanayan
1. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o naobserbahang
paglabag sa mga karapatang pantao sa pamilya, paaralan, barangay/pamayanan o
lipunan/bansa. EsP9TT-IIb-5.4
2. Natutukoy ang mga paglabag sa karapatang pantao.
3. Nakapaglalahad ng tungkuling kaakibat ng bawat karapatang pantao.
II. Nilalaman
A. Sanggunian
Modyul 5: Karapatan at Tungkulin
1. Mga pahina sa Gabay ng
Guro
Edukasyon sa Pagpapakato 9, TG p. 53-54
2. Mga Pahina sa Kagamitang
Pang-Mag-aaral
Edukasyon sa Pagpapakato 9, LM p. 92-95
3. Mga pahina sa Teksbuk
25
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitang
Panturo
III.Pamamaraan
kopya ng Bawat Bata ng Apo Hiking Society, audio player , Manila Paper, journal, notbuk, bolpen
A. Balik-Aral sa nakaraang
aralin at pagsisimula ng
bagong aralin.
Tumawag ng limang mag-aaral na magbabahagi tungkol sa kanilang ginawang takdang aralin.
(gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)
B. Paghahabi sa layunin ng
aralin at pagganyak
A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin. (gawin sa loob ng
5 minuto) (Reflective Approach)
1. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o naobserbahang
paglabag sa mga karapatang pantao sa pamilya, paaralan, barangay/pamayanan, o
lipunan/bansa.
2. Natutukoy ang mga paglabag sa karapatang pantao.
3. Nakapaglalahad ng tungkuling kaakibat ng bawat karapatang pantao.
B. Ganyakin ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng sabayang pag-awit ng awiting pinasikat ng
Apo Hiking Society na may pamagat na “Bawat Bata”.
C. Pag-uugnay ng mga
Ipasuri ang ang awiting “Bawat Bata” ng Apo Hiking Society. Ipatala ang mga karapatan ng bata
halimbawa sa bagong aralin na binanggit sa awitin. Sagutan ang sumusunod na katanungan. (gawin sa loob ng 10 minuto)
(Reflective Approach)
1. Naranasan mo rin ba ang mga karapatang ito? Ipaliwanag.
2. May nasaksihan ka bang paglabag sa mga karapatang nabanggit? Ano ang iyong naging
26
damdamin ukol dito?
D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1
A. Pangkatin sa walo ang klase. Magpalabunutan sa pag-uusapang paksa halaw sa encyclical ni
Papa Juan XXIII na “Kapayapaan sa Katotohanan (Pacem in Terris).
1. Karapatang mabuhay at kalayaan sa pangkatawang panganib
2. Karapatan sa mga batayang pangngailangan upang magkaroon ng maayos na
pamumuhay (pagkain, damit, tahanan, edukasyon, pagkalingang pangkalusugan, tulong sa
walang trabaho at tulong sa pagtanda)
3. Karapatan sa malayang pagpapahayag ng opinyon o impormasyon
4. Karapatan sa malayang pagpili ng relihiyon at pagsunod sa konsensiya
5. Karapatan sa pagpili ng propesiyon
6. Karapatan sa malayang paglipat sa inbang lugar upang manirahan (migrasyon)
7. Karapatan sa aktibong pakikilahok sa mga pampublikong gawain o proyekto
8. Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas laban sa mga paglabag sa karapatang pantao
B. Itala ang mga paglabag sa mga karapatang napili.
C. Iulat sa klase ang napag-usapan sa pamamagitan ng isang malikhaing paglalahad gaya ng
sabayang pagbigkas, awit o rap. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Collaborative Approach)
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2
A. Balikan ang mga karapatang iyong binigyan ng ranggo sa pasimula ng modyul. Suriin ito at
ihanay ayon sa walong karapatang halaw sa encyclical na “Kapayapaan sa Katotohanan”
(Pacem in Terris).
B. Iranggong muli ang mga ito at sagutan ang sumusunod na tanong.
1. May nabago ba sa iyong ginawang pagranggo? Ipaliwanag.
2. Alin ang pinakamahalaga para sa iyo? Ibigay ang iyong katuwiran.
3. Alin naman ang hindi gaanong mahalaga? Bakit?
(gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
F. Paglinang sa Kabihasahan
(Tungo sa Formative
A. Pangkatin ang klase sa dalawa – isang pangkat para sa panig ng “sang-ayon” at ang isa ay sa
panig ng “hindi sang-ayon”. Maglaan ng 3-5 minuto upang mapag-usapan ng pangkat ang
27
Assessment)
kanilang katuwiran batay sa paksang ito: “Pamamaraan ng pamahalaan para sa pagsugpo ng
bawal na gamot, sang-ayon ka ba o hindi?”
B. Tumawag ng lima sa bawat pangkat upang siyang kumatawan at magpahayag ng kanilang
saloobin sa paksa. Magtalaga rin ng isang tagapamagitan. (Maaring ilapat ang pamantayang
gingamit sa asignaturang Filipino tungkol sa debate)
C. Bumuo ng isang pormal na debate batay sa paksa. Ang mga kasaping hindi kakatawan sa
grupo ay magsisilbing audience at tagapalakpak para sa kanilang panig.
(gawin sa loob ng 10 minuto) (Collaborative Approach)
G. Paglalapat sa aralin sa
pang-araw-araw na buhay
Sagutan ang mga tanong sa napapaloob sa talahanayan upang lubusang mapalawak ang pagunawa sa aralin. Isulat ang sagot sa iyong notbuk. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective
Approach)
Ano-ano ang
Ano ang aking
Ano-anong hakbang
konsepto at
pagkaunawa at
ang aking gagawin
kaalamang pumukaw reyalisasiyon sa
upang mailapat ang
sa akin?
bawat konsepto at
mga pang-unawa at
kaalamang ito?
reyalisasyonng ito sa
aking buhay?
Tungkol sa karapatan
Tungkol sa tungkulin
Tungkol sa paglabag
sa karapatan
H. Paglalahat sa aralin
Bawat karapatan ay may kaakibat na tungkulin. Ang karapatang pantao na kaloob ay hindi
pansarili lamang. Ang kaganapan nito ay nasa pakipagkapwa-tao sa lipunan.Kapag ang isang tao
ang mabuting nakikipag-ugnayan sa kapwa, magdudulot ito ng kaligayahan, kapayapaan at
pagkakaisa.
Ang pagpapasya sa kung ano ang nararapat gampanan sa mga tungkulin ay dala ng
kaloob na karapatang pantao. Ngunit tandaan na may mga batas na kinakailangang sundin sa
28
lipunan.
I. Pagtataya ng Aralin
Sabihin kung anong karapatan ang nalabag batay sa sumusunod na headlines ng balita. Piliin
ang sagot sa loob ng kahon.
Karapatan sa Buhay
Karapatang Makapaghanapbuhay
Karapatan sa Pribadong Ari-arian
Karapatang Ipahayag ang Pananampalataya
Karapatan sa Pagpunta sa Ibang Lugar
Karapatan sa Pagpapahayag
1. Fetus Natagpuan sa Tagiliran ng Simbahan (Karapatan sa Buhay)
2. Gabinete, Ikinasa na ang Batas Laban sa “Endo” (Karapatang Makapaghanapbuhay)
3. Demolition ng Squatters sa Novaliches, Nauwi sa Karahasan (Karapatan sa Pribadong Ariarian)
4. Tigil Pasada Ikinasa ng mga Transport Group sa Kalakhang Maynila (Karapatan sa
Pagpunta sa Ibang Lugar)
5. 1 Patay, 5 Sugatan sa Salpukan ng Jeepney at Tricycle (Karapatan sa Buhay)
J. Karagdagang gawain para
sa takdang aralin at
remediation
IV. MgaTala
V. Pagninilay
Mula sa mga napag-usapan ng grupo batay sa pangkatang gawain, bumuo ng isang TV sitcom
(tulad ng T3, KSP at Imbestigador) o documentary video na nagpapamalas ng inyong
pagkondena sa mga paglabag sa karapatang pantao.
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
29
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng magaaral na nakaunawa sa
aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punungguro
at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?
30
Download