Uploaded by earlmarcial3

REVEN-CRIS-A-CANAS

advertisement
REVEN CRIS A CANAS
Si Reven Cris Alcera Canas ay kasalukuyang nag aaral sa Pamantasang Normal ng
Pilipinas Timog Luzon, Kumukuha ng Bachelor of Mathematics and Science Elementary
Education
Siya ay ipinanganak sa Brgy. Sto. Domingo Calauag Quezon, at lumaki sa Brgy. Mulay
Calauag Quezon. Anak ng isang mangingisda at nasanay sa isang payak at tahimik na
pamumuhay. Lumaking kinasanayan ang paglalakad ng malayo upang makapasok sa
paaralan. Marunong umintindi at lumaban sa buhay kahit nasa murang edad pa lamang
sapagkat sinanay na kung ano ang meron ay maging masaya at makuntento, marunong
din mangisda at naranasan ding maglako ng isda. Mayroong tatlong kapatid, isang
panganay na babae at dalwang lalaki na ang sinundan lahat nagsumikap na mag aral
baga man ay hindi nakatapos ang dalwang kapatid ay nakahanap padin ng maganda at
maayos na trabaho at tumulong sap ag aaral ng babaeng kapatid kaya nagging isang
ganap na guro. Bunso na si Reven sa mag kakapatid kaya naman kahit papano ay
natutulungan at natutugunan na anag kanyang mga pangangailangan at syempre ang
ilan sa mga kagustuhan. Ang mga bagay na iyon at mga paghihirap na dumarating sa
aming buhay ang ilan sa mga nagiging inspirasyon upang mag aral at abutin ang mga
minimithing panagarap.
Nagtapos sa Mababang Paaralan ng Sto. Domingo, Walang award na nakuha,
Nagpatuloy ng pag aaral at nagtapos din sa Mataas na Paaralan ng Sto. Domingo, Junior
at Senior High School nang May Karangalan. Kasalukuyang nag aaral sa Pamantasang
Normal ng Pilipinas, Timog Luzon at sa apat na taong pag aaral sa paaralang ito ay
nagging kasali sa Sinag Silangan Dance Troupe na nagging dahilan upang makasayaw
sa Pamantasang Normal ng Pilipinas Manila. Naging bahagi din ng isang malaking
paganap sa Inang Pamantasan na tinawag na Pistang Bayan sa pamantasan bilang
isang Performer, sumayaw din sa pagsalubong sa ilan sag a namumuno sa Pamantasang
Normal ng Pilipinas. Kabilang din sa manlalaro ng Pamantasan at napagbigyang
makalaro at makasali sa Intercollegiate Basketball League sa Lucena City. Ngayon ay
nagpapatuloy bilang isang miyembrong CASDU sa Sports and Dance at patuloy pang
maggiging bahagi ng ilan pang mga pagtatanghal at performance na gaganapin sa
pamantasan sapagkat kabilang din sa gaganaping training for dancers.
Isa sa mga nagawang mabuti o naiambag ko saaming pamayanan ay ang turuan ang
mga batang nahihirapan sa mga pinag aaralan nila lalo na noong umusbong ang
pandemya. Malaking dagok ito lalo na sa ilang mga magulang na nahihirapan ding
makaadjust sa makabong paraan ng pag aaral. Kayat isa sa mga ginawa kong aksyon
ay ang turuan ang mga bata lalo na ung mga mag uumpisa pa lamang sa pagpasok.
Nagging miyembro at sumasama din ako sa mga paganap sa aming simbahan na
naglalayong turuan at pag isahin ang mga kabataan sa pamamagitan ng simbahan.
Ilan sa mga natanggap kung parangal ay noong ako ay nasa ikawalong baiting sa mataas
na paaralan ng Sto. Domingo nakuha ko ang unang pwesto sa Filipino quiz bee at
ikalalwang pwesto sa paggawa ng slogan.
Ang pagkahilig ko na sumubok sa mga bagay na hindi kop o alam ang maaring nagdadala
sa kung nasaan ako ngayon. Pagdating sa pangangarap sabi nga nila iyon ay libre at
hindi nagiintay ng bayad. Pangarap kong maging isang bomber ngunit hanggang sa
ngayon ay marami pa ding pumapasok sa aking isipan at lahat ng iyon ay makakamit
ngunit iisa-isahin ko lamang upang sa ganun makamit ko sila ng naayon sa aking plano.
Download