Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali sa kaharian ng Bumbaran. Ang prinsipe ay balita sa tapang at kakisigan, kaya't maraming dalaga ang naaakit sa kanya. Dahil sa pangyayaring ito, si Haring Madali ay naiinggit sa kapatid. Nag-utos siya na ipinagbabawal na makipag-usap ang sinuman kay Prinsipe Bantugan. Ang sinumang mahuling makipag-usap sa prinsipe ay parurusahan. Nalungkot si Prinsipe Bantugan at siya'y naglagalag, siya'y nagkasakit at namatay sa pintuan ng palasyo ng Kaharian ng Lupaing nasa Pagitan ng Dalawang Dagat. Ang hari rito at ang kapatid niyang si Prinsesa Datimbang ay naguluhan. Hindi nila kilala si Bantugan. Tumawag sila ng pulong ng mga tagapayo. Habang sinasangguni nila ang konseho kung ano ang gagawin sa bankay, isang loro ang pumasok. Sinabi ng loro na ang bangkay ay si Prinsipe Bantugan na mula naman sa Bumbaran at ibinalita naman ang pangyayari kay Haring Madali. Nalungkot si Haring Madali. Dali-dali siyang lumipad patungo sa langit upang bawiin ang kaluluwa ni Bantugan. Nang makabalik si Haring Madali, dala ang kaluluwa ni Bantugan, ay dumating din si Prinsesa Datimbang na dala naman ang bangkay ni Bantugan. Ibinalik ang kaluluwa sa katawan ni Bantugan. Nabuhay na muli si Bantugan at nagdiwang ang buong kaharian pati na si Haring Madali. Samantala, nakarating naman ang balita kay Haring Miskoyaw na namatay si Bantugan, ang matapang na kapatid ni Haring Madali. Nilusob ng mga kawal niya ang Bumbaran. Itinigil ang pagdiriwang at nakilaban ang mga kawal ng Bumbaran. Nanlaban din si Prinsipe Bantugan subalit dahil sa siya ay nanglalata pa dahil sa bagong galing sa kamatayan, siya ay nabihag. Siya'y iginapos, subalit nang magbalik ang dati niyang lakas, nilagot ni Bantugan ang kanyang gapos at buong ngitngit niyang pinuksa ang mga kawal ni Haring Miskoyaw. Nailigtas ni Bantugan ang kaharian ng Bumbaran. Ipinagpatuloy ng kaharian ang pagdiriwang. Nawala na ang inggit sa puso ni Haring Madali. Dinalaw ni Bantugan ang lahat ng mga prinsesang kanyang katipan. Pinakasalan niyang lahat ito at iniuwi sa Bumbaran na tinanggap naman ni Haring Madali nang malugod at buong galak. Namuhay si Bantugan ng maligaya ng mahabang panahon. ** Buod ng Bantugan Si Bantugan ay isang magiting na mandirigma sa epikong-bayang Darangan ng mga Maranaw. Siya ay kilala sa kaniyang kahariang Bumbaran dahil sa mga naipanalo niyang mga digma at labanan. Sagisag ng tapang at kakisigan, si Prinsipe Bantugan ay sikat na sikat sa kanilang kahariang Bumbaran lalo na sa mga dalaga. Sinasabing naligawan na niya ang 50 na pinakamagandang prinsesa sa mundo. Dahil dito, lubhang naiinggit sa kaniya ang mas nakatatandang kapatid na si Haring Madali. Ipinagbawal ni Madali na kausapin ng kahit sino ang kaniyang kapatid. Sa labis na kalungkutan, umalis ng kanilang kaharian si Bantugën hanggang nagkasakit at namatay malapit sa Kaharian ng Lupaing nása Pagitan ng Dalawang Dagat. Nakita ng hari at ni Prinsesa Datimbang ang katawan ni Bantugan at agad inilapit ang kanilang balita sa pulong ng mga tagapayo. Isang loro ang pumasok at sinabi kung sino at kung saan gáling ang patay na manlalakbay. Nang mabalitaan ito ni Haring Madali, binawi niya ang kaluluwa ng kapatid sa langit upang maibalik sa katawan ni Bantugën. Kumalat ang balita ng kaniyang pagkabuhay hanggang sa kaaway na kaharian at kay Haring Miskoyaw. Sinugod ng kawal ni Miskoyaw ang Bumbaran at nabihag si Prinsipe Bantugën na may nanghihinà pang katawan. Nang magbalik ang lakas, pinuksa niya ang hukbo ng kaaway na hari at iniligtas ang buong Bumbaran. Nagkaroon silá ng malaking pagdiriwang at nawala na ang inggit sa puso ni Haring Madali. Matagal at masayang namuhay sa kaharian ng Bumbaran si Prinsipe Bantugan kasáma ng mga pinakasalan niyang prinsesa.