Panukalang Proyekto Sagutin ang sumusunod na mga tanong: Ano ang nais mong maging proyekto? Ang nais kong maging proyekto ay makatulong sa kapwa ko kabataan at ang proyektong ito ay tumutukoy sa mga kabataan o bubuo ako ng samahan ng kabataan na nais tulungan ang kapwa nila kabataan na kapos-palad sa pagbibigay ng libreng pagpapagamot (Free Check-up and Free medicine) at libreng pakain (Feeding Program). Ano ang mga layunin mo sa iyong ipinapanukalang proyekto? Ang layunin ng aking panukalang proyekto ay mapunan ang kanilang kagutuman at kakulangang pinansiyal ng kapwa ko kabataan. Sa tulong ng aking proyekto, sila ay mabibigyan ng libreng gamot. Higit pa rito, sila ay masusuri, kung may mga karamdaman silang na dapat ipagamot sa mga espesiyalista. Sa katunayan, ang aking ipinapanukalang proyekto ay naglalaman ng napakaraming layunin hindi lamang sa mga kapos-palad na kapwa ko kabataan kundi pati rin sa mga kapwa ko kabataan na aking binubuo at ito ang mga sumusunod: Samahan ng kabataan ● Magbigay karanasan sa mga kabataan kung papaano nga ba makakatulong kahit sa maliit lamang na paraan. ● Matukoy kung ano nga ba ang kakayahan ng kabataan pagdating sa pagtulong sa iba. ● Masuportahan ang binuo kong kabataan sa kanilang pag-aaral. ● Matutunan kung ano ang kahalagahan ng pagiging isang pinuno sa isang proyekto. Kapwa kabataan na kapos palad ● Matulugan ang kapwa kabataan sa kanilang pangangailangan sa pagsusuri ng kalagayan. ● Mabawasan ang kanilang pag-iisip kung papaano sila magpapagamot o makakabili ng gamot sa kanilang mga karamdamang kanilang nararanasan. ● Mapunan ang kanilang kagutuman dahil sa kakulangan sa pinanyal at kahirapan. ● Mabigyan ng magandang kalusugan sapagkat ang pagbibigay namin ng libreng gamot ay naglalaman rin ng gamot na siyang tutulong sa pagpapalakas ng kanilang resistensya (Vitamins). ● Matukoy ang mga sakit na mayroon ang bawat indibidwal na siyang dapat malunasan kaagad ng mga espesiyalista. Kailan at saan mo ito dapat isagawa? Ang proyekto ay magaganap sa mga liblib na lugar o sa mga lugar na kung saan hindi nabibigyan ng sapat na kalinga ng mga opisyales o ng mga nakaupo sa posisyon. Sa karagdagan, ang proyekto ay isasagawa kada hunyo at disyembre o maaaring kada may sakuna sapagkat ang proyekto ay naglalayon na matutustusan ang pangangailangan ng aking kapwa kabataan na kapos-palad sa pagpapagamot at libreng pakain kung may mga sakuna mang dadating sa kanila o sa ating bansa Paano mo ito isasagawa ? Maisasagawa ko ito sa mga lugar na hindi masyadong napupuntahan ng mga opisyales. Bukod pa rito, maiisagawa ko ito sa tulong ng aking mga binuong kabataan na nais tumulong sa kanilang kapwa kabataan na kapos-palad. Sa katunayan maisasagawa namin ito sa pamamagitan ng pagsusulisit ng pondo sa bawat barangay at paghingi ng isponsor sa mga may malalaking negosyon sa ating bansa na nais ding tumulong sa mga kabataan na kapos-palad. Gaano katagal mo itong gagawin? Kung ang aking proyekto ay papalarin na makakuha ng mga isponsor mula sa mga may malalaking negosyo dito sa pilipinas, ito ay walang hanggan sapagkat hindi naman ako magbebenepisyo nito kundi ang kapwa ko kabataan na binuo ko na nais makatulong at ang kapwa ko kabataan na kapos-palad. Ngunit sa palagay mahirap makakuha ng isponsor mula sa mga may negosyo kaya kung di man papalarin na makakuha ng isponsor kami ay mag-iipon at magsusulisit sa bawat barangay na siyang sa aamin upang mapagtagumpayan at maisagawa ang proyektong aking ipinapanukala May sapat bang puhunan o kapital para sa proyekto? Sa palagay ko, sa ngayon ay wala pa sapagkat kami ay mga mag-aaral pa lamang at wala pang trabaho, ngunit kung ito ay posibleng makakuha ng isponsor sa mga may negosyo maaaring ayun ang aming maging kapital o puhunan para sa proyektong aming ipinapanukala.